#yung totoong ikaw
Explore tagged Tumblr posts
seannesruins · 5 months ago
Text
Minsan naiisip pa rin kita. Like every time may family event, matic na ikaw yung plus 1 ko. When I go to a new place, naiisip ko na baka trip mo yung vibes dun. Ginawa mo rin naman makulay ang buhay ko, may mga pagkakataon lang talagang pakiramdam ko ay nakakahon ako sa mga bagay na gusto mo para sa akin. Pasensya na kung madalas ay gusto kong kumawala. Hindi din kasi ako nasanay na may nakahawak sa akin. Sanay akong mag isa, sanay akong lumalaban na walang kasama, at sanay akong nananalo ng walang kakampi.
Siguro nga hindi ako naging mabuting partner. Siguro nga marami akong hindi kayang ibigay. Siguro hindi lang talaga ako mabuting tao haha. Pero minsan binabasa ko yung mga huling usap natin. Hindi ko matanggap na para bang hindi mo naramdaman na minahal kita. Dahil totoo, totoong minahal kita. Totoong sinubukan kong mag adjust, mag compromise, makuntento sa simpleng buhay kasama ka. At totoong nasaktan ako nung sinabi mong ayaw mo na. Pero madaming beses na kitang pinigilan. There's a thin line between fighting for your love and keeping my self respect. At binasura na 'ko ng iba noon, hindi ko pwedeng hayaan na maulit yun. Hindi dahil hindi ka kasing halaga ng nauna, pero dahil takot na akong bumalik sa lugar kung saan mo ako unang nakilala. Nakabangon na 'ko, sa tulong mo. Ayaw kong muling malugmok dahil sa'yo.
Minsan naiisip pa rin kita. Kapag nagba-back up ako ng photos sa drive, nakikita ko yung lumang photos natin. Naging masaya naman tayo, tinawag ko ring tahanan ang mga yakap mo, nakuntento sa mga halik. Pero siguro masyado tayong maraming differences, mga bagay na hindi nadadaan sa pag uusap, o sa pagkukunwari na hindi kailangan mag usap. I was not perfect, but so were you.
This is not para sumbatan ka, but to let go. I have to realize that some things were just not meant to last and sometimes it's not anyone's fault. Sana mahanap mo yung love na hinahanap mo, kasi yung love na ibinigay ko sayo is all I had to offer but it was never enough, or maybe it's just not something that fits your ideals. You deserve healthy love and I tried to give that to you pero you were not ready for that. Gusto kong mag rant, gusto kong manlimos ng sympathy lol and let the world judge kung sino sa ating dalawa ang toxic at immature.
Pero sa totoo lang, minsan naiisip kita at may bigat sa pakiramdam. Naiisip ko ang bawat pagkakataon na nakakaya mo akong tiisin, that you let my demons win, na wala kang pakialam sa anxiety ko, that you let me beg, na hinahayaan mong ibaba ko ng ganun ang sarili ko para lang magkaayos tayo. Madalas mong isumbat sa akin na hindi kita totoong minahal. Pero ako, minahal mo nga ba talaga?
7 notes · View notes
kimhortons · 7 months ago
Text
tuesday. june 18
parang kailangan ko na ulit simulan mag job hunting, hindi na talaga ito yung in-eexpect ko nung una. walang pinag kaiba sa dati kong work, though mas masaya ako sa dati kong work. ngayon parang nawalan na naman ako ng motivation. feeling ko minsan robot nalang ako, pumapasok nalang para mag trabaho ng tahimik, tuwing uwian para akong nakakawala.
nasa point na naman ako na pag pasok palang at nag simula ng mag datingan mga katrabaho ko, gugustuhin ko na namang mag abang ng uwian—sa araw araw nalang. yung hindi naman dapat nakaka drain yung task mo, pero uuwi kang drained. anjan na naman yung mag bibreakdown at nag ooverthink habang nag tratrabaho. halos di na nga ako umiimik sa office, lagi akong late mag break kasi ayaw ko na sumabay sakanila. gusto ko na laging mapag isa, natanong nga ako ng isang teammate bakit daw lagi na akong mag isa, kako "mas masaya minsan mapag isa"
actually, being an extrovert na di ko sure lol—di ko alam kung totoong masaya, peaceful siguro oo. pero mahirap pala mag isa kapag nakita ka na nila with group of friends, tas biglang wala ka ng kasama. pag nakita ka na nilang masiyahin, tas biglang halos di na umiimik. parang ang lungkot, pero siguro sa una lang. alam mo yung parang kailangan mo baguhun yung personality mo, para lang hindi ka nila ayawan. nakaka drain maging people pleaser.
yung hindi mo na ma-express yung totoong ikaw kasi ayaw mo na mamisunderstood—pagod ka ng hindi maintindihan at paulit ulit i-explain yung side mo. pagod ka na mag sorry for being who you are. so baka mas maigi narin mag isa nalang. sobrang overwhelmed lang ata talaga ako dito nung una, ang dami narin kasing nag bago in a span of 1 year. though napagisipan ko naman na 'to before na siguro hanggang 2 years lang ako but i still don't know what's next. medyo mahirap, but i'll always figure it out.
9 notes · View notes
hashtaghazel · 1 year ago
Text
Sana kaya mo rin akong ipaglaban.
Ang hirap maging babae. Minsan naiisip ko, grabe siguro yung kapasidad kong lumaban alang-alang sa pag-ibig kung isa akong lalaki. Kasi sa punto na 'to, kahit sabihin nating iba na ang panahon ngayon at pwedeng manligaw ang babae o siyang unang lumapit at gumawa ng paraan makuha lang yung taong gusto o mahal niya.. nakakulong parin ako sa mga salitang "babae ako." Oo, maituturing na kaduwagan, ngunit 'yun ako.
Araw araw iniisip ko, kung kaya mo lang akong ipaglaban, masaya siguro tayong dalawa sa bawat araw na nasasayang. Kung nakikita mo lang sana na napapasaya mo ko at kaya rin kitang mapasaya, na kaya nating pakalmahin nang magkasama ang bawat problema, at kaya kitang bigyan ng kasiguraduhan sa lahat ng bagay.. siguradong ang kasunod ay pag-ibig na sapat lang. Hindi labis, hindi rin kulang.
Hindi ko maintindihan yung parte na sinasabi ng ibang tao na may mga pagmamahal na hindi mo magawang ipaglaban. Marahil, hindi ako ganon, kaya hindi ko maintindihan. Marahil, talagang magkakaiba ang tao. Marahil, Love is really not enough. O kaya naman, hindi ganun kalalim yung nararamdaman, kaya naman kayang mabuhay kahit mawala yung taong yun sa mga kamay niya.
Bakit ang komplikado magmahal sa panahon ngayon? Bakit hindi kagaya noon, na kapag gustong-gusto ka ng lalaki, hahamakin niya ang lahat makuha ka lang. Bakit ngayon, hindi sapat ang may nararamdaman ka lang? Bakit ngayon eh parang laging may hinahanap at may kulang?
Hindi ba't wala namang sapat?
Hindi ba't walang perpektong sangkap?
Siguro hindi lang "tayo" yung totoong nakalaan. Siguro nga, hindi parin ikaw-at-ako ang itinakda para sa "walang hanggan."
Siguro'y isa ka na namang aral sa buhay ko. Pero, hindi parin ba sapat yung mga naranasan ko noon, para masabing natuto naman na 'ko? Hay jusko.
Kung pareho lang sana tayo, marahil ay alam mong pwede natin ilaban 'to. Alam mo rin na magiging masaya tayo, dahil hindi naman nag umpisang komplikado. Alam mo rin na kaya natin lumaban hanggang dulo.
Kung isa ka na namang leksyon sa buhay ko.. Siguro h'wag nalang natin pahabain pa ang istoryang 'to. Tara, bigyang tuldok na ang masasayang araw na magkasama tayo. Dahil nararamdaman kong - kung patatagalin pa, mas masakit ang kapalit kapag nasanay lang tayo sa panandaliang bagay na 'to.
Siguro nga, ako na dapat ang mag wakas nito.
Ngayon ay ika-12 na buwan ng taong 2023. Masasabi kong hanggang dito nalang ang kaya ko, mahal ko.
16 notes · View notes
radanriel15 · 9 months ago
Text
Tumblr media
Pakikisamahan mo lang sila, magagamit mo rin sila in a nice way.
Gawin mo yung tama, pumasok ka at umuwi ka sa tamang oras nandiyan ka lang para sa pera, hindi para sa kanila o sa ibang bagay.
Wag mo sila pansinin hayaan mong sila mauna. Mas better na ikaw ang umiwas sa mga non-sense na topic or wag maging interesado sa kahit na ano.
Mapagmasid ka mabuti at pakiramdaman mo sa paligid kung sino ang totoong tao sa hindi.
4 notes · View notes
nice2meetyouu · 11 months ago
Text
Kahapon galit ako pero ngayon hindi na. Ready na magpatawad, na-override na ng fondness at love ang negativity. Dinelete nya 'yung buong usapan, e paano ko na ngayon babasahin 'yung iba kong sulat? Tulad nito:
Super happy ako tuwing nagmemessage ka.
I always wish I could be a better version of myself para sa ating dalawa.
Sa dinami-rami ng tao sa mundo, at sa dinami-rami ng nangyayari sa bawat araw, I'm glad I found love, safety, and peace with you.
Same pa rin sa sinabi ko dati, thank you sa one of a kind experience (in the form of the love that we share). Thank you for never making me feel like I'm too much, or I'm a burden.
I know na pag ikaw 'yung nagsabi, 'yun 'yung totoong iniisip mo. Thank you sa pag-cherish ng lahat, thank you for everything that you do.
I want to be with you always and for life. I love you, _. 😊
Dadating ba 'yung panahong makakapagsabi ulit ako ng mga ganyan mula sa puso?
4 notes · View notes
tsukidaisuki1315 · 11 months ago
Text
This the first song I've ever written for you! Naalala ko pa yung kilig ko nung sinusulat ko to. Hindi ko lubos akalain na maiinlove ulit ako ng ganito kalalim simula nung paulit- ulit na lang akong sinasaktan. Ngayong pinapakinggan ko to, sobrang applicable pa rin nung emosyon ng kanta. Totoo ngang handa na akong ibigin ka. Totoong damdamin ko ay para lang sayo. Totoong nag- iisa ka lang sinta. Totoong ikaw lang lulan ng aking puso.
HIRAYA
lyrics:
Dumating ka bigla
Nag di inaasahan
Puwang ko sa puso ay
Agad mo na napunan
Kamay ng orasan
Laging umaandar
Di na mag- aalangan
Sa 'king nararamdaman
Mundo ko'y lumiwanag
Nang makilala ka
Tila'y mahika
O ito ba'y gawa ng tadhana
Binuhay mo
ang hiraya ko
Damdamin ko
Ay para lang sayo
Nag- iiisa ka
Lamang sinta
Ang lulan Ng
puso ko'y ikaw
Di maintindihan
Kaba sa kalamnan
Dulot ng prisensiya
Mo'y iba
Kung san man dadalhin
Ang puso kong sawi
Handa ako na
Ibigin ka
2 notes · View notes
icanthinkstr8 · 1 year ago
Text
August 31st, 2023
( Valley 2, COFFEE SHOP )
Lirio,
In any season may come, know that I will be here no matter what. Palagi mararamdaman mo ko in so many ways I know. Kahit wala tayong label, I'll still show you the love and right treatment you deserve.
Sorry if hindi na ko yung Judy na kaya mag reciprocate agad ng lahat, katulad ng pinapakita mo sakin. Sorry kasi ikaw yung sumasalo ng naiwan nilang trauma sakin na sobrang laking epekto sa buhay ko. Pero I don't use it in a bad way. I came to realize na I just need to be this hard this time to protect my heart and myself, so people won't use the soft side of me so they can't easily hurt me. But I am trying to treat you right kasi di mo deserve pakitaan ng pag ka maldita ko, you're so nice para don.🥹
Thank you sa pag manage ng mismong ako ngayon. I'm so glad that you stayed kahit hindi naman ako ka stay stay. I don't know kung hanggang saan mo kakayanin manatili at kung hanggang saan mo ko kayang mahalin. 🥺🥺
Na sa point ako ngayon na, habang tinitignan kita ang dami kong sinasabi straight to you sa utak ko. Sinasabi ko sayo na I like you the way you like me. Na mahal din kita, the way na mahal mo rin ako. Gustong gusto kong maging sayo at sabihin sayong tayo nalang dalawa pero meron pumipigil sakin to the point na iba yung sinasabi ko sayo sa sinasabi ng totoong nararamdaman ko.🥺 Imbes sumaya ka sa malalaman mo about how I feel, mas nasaktan pa kita sa sinabi ko na pano kung hindi ako yung pinanalangin mo noon? Pano kung iba yung nagustuhan ko? Kita ko sa mga mata mo at sa buong muka mo yung pag ka lungkot mo nung narinig mo yun sakin. Pero dun ko nalaman na ayaw mo kong mawala at masakit at ika lulungkot mo pala talaga kapag nawala ako. 🥺 Mas masakit din sakin kasi hindi yun yung gusto kong malaman mo, ang hirap pa lang mag sinungaling ng nararamdaman para kong sasabog sa lungkot😔
Pasensya na, kasi hindi ko pala talaga kaya pa. Pasensya na kung kailangan ko munang iisang tabi yung totoong nararamdaman ko sayo para mas maisalba ko yung sarili ko, yung buhay ko, yung pamilya ko. Need ko iprioritize yung dapat noon pa lang inintindi ko na.🥺 And I know naiintindihan mo ko, na ikina tutuwa ko talaga ng sobra kasi hindi ka nawala and you're not after the label.
Wala na kong sana sayo☺️ Hahayaan ko lang kung saan tayo pareho dadalhin ng panahon.
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
5 notes · View notes
thesickestlady · 1 year ago
Text
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
"𝘽𝙖𝙠𝙖 𝙜𝙖𝙣𝙞𝙩𝙤 𝙩𝙖𝙡𝙖𝙜𝙖, 𝙣𝙚𝙫𝙚𝙧 𝙢𝙚𝙖𝙣𝙩 𝙩𝙤 𝙨𝙩𝙖𝙮. 𝙉𝙖𝙜𝙠𝙖𝙠𝙞𝙡𝙖𝙡𝙖 𝙥𝙖𝙧𝙖 𝙗𝙞𝙜𝙮𝙖𝙣 𝙣𝙜 𝙠𝙤𝙣𝙩𝙞𝙣𝙜 𝙗𝙪𝙝𝙖𝙮 𝙖𝙣𝙜 𝙗𝙪𝙝𝙖𝙮."
Kaya eto entry ko sa pasko ko hahaha! Medyo composed na thoughts at self ko ngayon and dito ko na lang masasabi yung mga di ko na masabi sa kanya.
Mahal na mahal kita Emmanuel Luis Ballesteros! Palangga ta man ka ghapon. Palangga ta gid ka pirme. Thankful ako sa almost 2 years naton. Nagkakaganito ako kasi ikaw talaga yung pinaka tumagal at pinakaminahal ko sa lifetime na to. Kaso may hangganan talaga lahat. Di talaga para satin tong time na to.
Hindi madaling desisyon, pero para sa ikabubuti natin magiging masaya na lang ako kung saan ka masaya at suporta na lang ako sa kung anong ganap mo sa buhay. Ayun lang at mag-iingat ka palagi. Rooting na makapasa ka sa board exam mo. Kayang kaya mo yan! Parte ng failure ang buhay. Nag-fail man ang relationship natin at least baka ang kapalit eh ang makapasa ka sa mga board exams na tatahakin mo. Sabi nga nila, try and try until you succeed. Walang susuko. Babagsak pero babangon. Laban lang sa buhay. Padayon.
I love you! Sobra! Thank you for everything! So long and goodnight 🎶 sa real life ka-duo, bestfriend, boyfriend, soulmate and lover… Thank you Kwik / Emmanuel Luis! Salamat sa tanan and happy memories! Ikaw naging great love ko sa lifetime na to. Totoong may true love sa Call of Duty Mobile! Hindi nga lang talaga meant mag stay 🥺
KwiVi now signing off. Sept 2022 - Oct 2023
5 notes · View notes
shunyown · 2 years ago
Note
Ikaw yung habang buhay ko na “paano kung..”
Jusko di ko alam kung deserve kita, bakit ganon andami kong takot sayo, na paano kung yung landian matuloy sa totoong love, tapos ikaw marealize mo na pang landi lang ako? Napaka bait mo sakin grabe napaka sarap mo kausap and you treat me so well, feeling ko ma o obsess ako sayo pag tinuluyan ko yung “paano kung..” natin.
Gang anon nalang talaga feelings ko na toh.
Lagi naman ganon "hindi kita deserve" dahil sa mga kaya kong ibigay at gawin. Kaya sa huli magkaibigan na lang ang pipiliin. Yung nakadate ko nitong huli kahit yung iba pang minahal, nakalandian at nakausap puro na lang ganon. Kailan na naman kaya yung "deserve kita"? Puta parang gawa gawa na lang ng illuminati yang pag-ibig na yan.
Tumblr media Tumblr media
Pagod na akong umibig lagi ko yan sinasabi pero hanggang ngayon ay nandito pa rin ako umaasa na may taong kayang umunawa at umintindi ng buong pagkatao ko, ng mga karanasan ko at ng mga kwentong hindi ko mailabas labas sa ibang nakapaligid sa akin. Napakahirap magpatuloy. Nakakapagod mag-isa.
7 notes · View notes
sikmurangmaingay · 1 year ago
Text
Birthday and Christmas 2015-2022, ikaw ang wish ko, pero bakit hanggang ngayon hindi parin kita makuha kuha? Ganun ka ba talaga ka hirap makuha? Ano ba ang dapat kong gawin? Bakit ganun? Kung kailan nakita mo na yung totoong gusto mo, saka pa naging mailap, bakit kaya? Ganun ba ko ka sama noon? Ganun ba ko kasamang tao? Bakit? Ikaw lang. Sa ngayon, ikaw lang ang gusto ko sa buhay ko? Ano bang dapat kong gawin para makuha ka? Bakit sobrang mailap ka, God, alam ko namang hindi mo basta basta makukuha ang gusto mo, it needs hardwork.. alam ko yun Lord, pero ano ang dapat kong gawin? Ano? 9 years.. 9 years and yet I still remained loyal to him, sya parin.. ganun din sya, pero bakit?
2 notes · View notes
mentalhealthsuckssssss · 2 years ago
Text
Ang REYNA
Last saturday (February 25,2023)
Exactly 8:17pm narinig ko ang boses ng reyna ng live una kong narinig ang boses nya tumayo ang balahibo ko at iba't-ibang reaction ang nadama ko. Kinilig , nastarstruct , na-mesmerized ako sakanya. Sa bawat kanta nya salita nya hininga nya galaw nya hindi ko mapigilan ang saya nararamdaman ng puso ko.
Isa sya sa iniidolo ko , isa sya sa nakakatanggal ng stress ko sa buhay pag stress ako nanunuod ako ng mga videos nya sa youtube at ang aking stress ay napapawi. Nakakapag bigay sya ng inspirasyon sa akin. Nakakapag bigay sya ng saya sa buhay ko.
Sa loob ng entablado ng gabing yun lahat ay masaya, masayang nakikinig sa mga kanta nya , masaya sa pag kekwento nya. At sa bawat bigkas nya ng letra ng kanta lahat ay humihiyaw. Sa bawat kembot ng bewang nya lahat ay kinilikilig. Minsan nga hindi ko na din alam ang aking kasarian dahil sakanya sa sobrang dyosa nya naiinlove ako sa kanya (Pero babae po ako) hahahaha.
Nagbigay sya ng concert na napaka ganda. May saya may lungkot at sa bawat kanta damang-dama mo kung paano nya ekwento ang kanta sa pamamagitan ng kanta yung emosyon nya madadala ka maiiyak ka. Damang-dama mo bawat lyrico ng kanta dahil napakalinis nya magbigkas.
Ang saya ko lang kasi totoo pala ang sinasabi nila noh? Na Dreams really do come true. (I think in the right time) and that night was the right time for me na makita ang nag-iisang reyna ang reyna ng lahat ng reyna. Sa sobrang excited ko na makita sya hindi ko sya matitigan nung sa meet and greet na. Nakita ko sya ng malapitan wala akong sinabi sa sarili ko kundi ANG DYOSA NYA TALAGA sya yung tao na hindi tumatanda ang bata nya tignan Vampire ka ate? At ang bango bango nya pa at eto pa everytime na tinataas nya kamay nya ang kinis ng kili-kili nya I would like to say na Mas maliwanag pa ang kili-kili ng Reyna kaysa sa kinabukasan ko. Sobrang bait nya dahil alam ko na pagod na ang reyna pero ang haba ng pila ng M&G pero tinapos nya yun lahat , lahat ng taong nakapila dun nakipag picture sya nakipag kwentuhan sya nakikinig sya sa mga kwento ng bawat fans nya. Niyayakap nya ng mahigpit ang bawat isa game na game sya sa lahat ng erequest ng fans nya. Makikita mo sa ngiti nya na napaka genuine totoong totoo ang ngiti nya (tinatanong ko sa sarili ko hindi ba napapagod si reyna sa pag ngiti?)
Nung gabi na yun, Yun ang pinaka Masayang nangyari sa buhay ko yun ang pinaka masayang event na pinuntahan ko yun ang gabi na wala akong inisip kundi masaya ako kinilig ako buong pagkatao ko nung gabi na yun sobrang saya walang mapaglagyan ng saya ko. (Eto ang kauna-unahang concert na napuntahan ko) Thank you Reyna.
To our Queen,
Maraming salamat sa naibibigay mong saya sa akin
Maraming salamat dahil ikaw ang inspiration sa akin
Maraming salamat sa boses mo
Maraming salamat dahil totoo kang tao sa mga humahanga sayo.
Maraming salamat dahil ikaw ang nagpapawi ng depression ko.
Maraming salamat dahil pinag patuloy mo pa din na kumanta ka kahit nasa point ka before ng buhay mo na ayaw mo na.
Maraming salamat kay Mang Gerry at Mommy V dahil kong hindi dahil sa kanila walang REGINA ENCARNACION ANSONG VELASQUEZ sa buhay namin.
PS: Pasensya na Reyna hindi ako makakapanuod ng repeat concert mo sa april kasi lilipad ako papuntang HK gusto ko sana ecancel yung flight ko kaso para makapanuod ng concert mo ulit. Kaso hindi pwede talaga. Bawi ako sa 35th m, Reyna. (Sana makaduet kita reyna kahit hindi maganda boses ko)
Maraming salamat Reyna. ❤️
Tumblr media
8 notes · View notes
mypersonalsafespace-blog · 2 years ago
Text
Open letter sa aking asawa na si Athan. Kahit di naman niya ito mababasa.
Gusto lang malaman mo na napakaswerte ko sayo. Madami akong ginawang kalokohan sa buhay ko bago ka pa dumating. Di ko alam alin dun yung ginawa kong matino para magkaroon ako ng katulad mo. Wala naman na akong maitatago kasi alam mo naman lahat yun. Kaya siguro tumagal tayo kasi naging totoo ako sayo at ikaw. Yun ang natutunan ko. Mas magandang magmahal kung mas kilala mo ang sarili mo positibo man o negatibo. Kaya lahat sinabi ko sayo. Kaya nga naging magbestfriend tayo. Bes parin tawagan natin kahit tayo na talaga.
Salamat sa lahat ng ginawa mo at ginagawa at gagawin palang. Di tayo perpek, pero nagtutulungan tayo punan pagkukulang ng bawat isa sa atin. Opposite talaga tayong dalawa.
9 years na tayo. 3 taon nadin pala tayong nagsasama. Ang bilis ng panahon ('inang yan kumidlat pa habang tinatype ko ngayon ito sakto nasa tabi lang kita at napayakap ako sayo)
(Ok continue...)
Dami na nangyare. Dami rin nating inaayos. Dami nating away kaya madami rin din tayong wino-work out at ini-improve sa mga sarili natin. Natutuwa ako kasi pareho nating nakikita improvement nating dalawa as partners. Emotionally, mentally, financialy, Spiritualy.
Bumabawi ka sakin, bumabawi din ako sayo.
Salamat sa pagpaparamdam ng totoong unconditonal love. Salamat kasi mas mahal mo yung panget sakin lahat ng flaws etc. Salamat kasi pinipili mo parin ako kahit alam ko naiinis ka na sakin. Hahaha. I LOVE YOU. :) salamat sa pagpoproktekta sakin.
Salamat sa pagluluto ng pagkaen, paglalaba, pag aasikaso. Salamat sa pagpapasaya. Salamat sa pagiging asawa/partner, mabuting kaibigan ko.
Totoo kasi wala naman akong gaanong kaibigan. 3 lang tapos di pa magkakakilala.
Kaya ingat ka palage lalo na sa pagmomotor.
Gusto ko palagi kang masaya.
Di ko alam mangyayare sakin pag nawala ka. Lam mo yarn.
Salamat sa diyos araw-araw kitang kasama. I LOVE YOU :)
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
4 notes · View notes
kimhortons · 1 month ago
Text
paulit ulit kong pinakikinggan 'tong mga podcasts na 'to; Burnt Toast Theory, Losing Friends, and Dealing with Toxic People.
hoping it helps sa situation ko rn, but sometimes it feels more like a torture. inooverthink ko lalo, since may mga parts na tinatamaan talaga ako. lahat naman tayo may ka-toxican, pero mas lalo akong naguguilty na nagagawa ko yun sa mga importanteng tao sa buhay ko. parang hindi ko pa matanggap na baka end na nga talaga ng friendship, or open pa yung door para mag reconcile. i know hindi ko malalaman yung sagot kung hindi ako mag aask, maybe takot din ako mareject? takot ako tanggapin na dahil sa mga naging actions and behaviour ko, i'm now losing these improtant people, and i don't know how i can redeem myself. iniiyakan ko parin tuwing mag sisink in yung mga bagay bagay. lagi ko parin sinisisi sarili ko, i'm being hard on myself, which is dapat hindi, kung gusto ko tulungan sarili ko. this is why, i always feel that i'm alone and left out, walang kakampi, walang sense of belonging, kasi yung mga taong gets ako, sinukuan narin ako. that's why i'm trying the best i can, na maging firm sa change, lagi kasing magbabago nga pero babalik na naman sa dati. and i hate myself for that, cos it pushes people away, even if i don't mean it.
on the other note, hindi rin naman laging ako yung toxic. wala namang perfect. ayaw ko lang talaga ng mga taong walang self awareness at accountability. tulad nga ng sabi ni Dani, these people will gaslight you into thinking na sila yung tama, ikaw yung mali; may problema sayo, sakanila wala. kaya nga lagi ko rin sinasabi, bakit laging yung reaction ko yung napupuna, bakit hindi yung actions nila na nag trigger para mag react ako ng ganun. kaya tbh, pati ako nadedrain rin naman, ako kasi yung taong sorry nalang ng sorry kahit minsan hindi na deserve. yung tatanggapin nalang na ako lang yung may mali, tapos pagbibigyan nalang yung naging actions nila. nakakapagod din pala.
ang contradicting noh? haha. sa first part, ako yung gumagawa ng bad behaviour, pero ang pinagkaiba, marunong ako mag take ng accountability, marunong ako mag own up ng mistakes. so i don't get why, hindi ko mareceive yung ganun. bakit kailangan, pag dating sakin, kailangan ko nalang tanggapin na ako yung mali, at sila yung tama. napag usapan din namin 'to nung dalawang kateam ko sa department ko, tinanong ko kasi sila;
ano yung ayaw niyo na ginagawa sa inyo, na tipong mapapa cut off ka?
pero sabi ko, ako kasi kahit anong mali o masamang nagawa mo sakin, patatawarin parin kita. kahit ako yung pinag mukha mong mali, o masama, pagbibigyan parin kita. i'll forgive, but i'll always remember kung anong ginawa at pinaramdam mo sakin. parang hindi ako nang cucut off totally, pero ididistance ko na yung sarili ko sayo. ganun. siguro ganon sakin ngayon yung bestfriend ko. hehe. i feel like, i'm tasting my own medicine. hehehe. lalang skl.
minsan inooverthink ko, na siguro kung hindi ko sinabi na nagtampo ako, okay pa kami ngayon. pero hindi ko malalaman na nireresent niya na pala ako. hindi ko alam kung sinong tama o may mali samin, pero inaacknowledge ko naman na mali yung naging behaviour ko nung time na yun, pero hindi ko naman din pwede idiscount na may ginawa rin siya para maramdaman ko yung ganung feeling. naleft out ako e. yun sana yung gusto ko ipaintindi sakanya, pero parang wala na siya interes makinig sakin. it's like i can only go so far, at nareach ko na yung limit niya. minsan ang hirap maging bigger person na ikaw nalang yung iintindi, tapos yung side mo hindi na mapakinggan. hehe. masakit siya tbh, ang bigat sa pakiramdam. :)
however, I still hope na maging okay parin kami, hindi man ngayon, but in the future. tinuring ko kasi siyang pamilya, lalo nung feeling ko wala akong kakampi sa totoong family ko. I'm just giving her space, I have faith na eventually, magiging okay din lahat.
4 notes · View notes
artemicia · 2 years ago
Text
Isa sa mga paniniwala ko sa buhay ay kapag tumulong ka sa iba, yung totoong tulong na walang hihintayin na kapalit at hindi mo ibabaon sa utang na loob yung taong tinulungan mo, babalik at babalik sayo yon.
Lagi kong sinasabi na kung hindi naman masasaktan yung bulsa mo at alam mong may pinagdadaanan talaga yung tao tulad ng hirap ng buhay sa ngayon, g lang.
Kahapon kasi nagtuturuan sila kung paano tutulungan yung nangungutang sa kakilala namin. Makailang beses na rin kasi talaga humingi ng tulong pinansiyal yung mag-asawa. Tinanong ko kung may trabaho ba yung mag-asawa, meron daw pero hindi talaga kasya lalo at may mga anak sila.
Kaya hiningi ko yung Gcash nung asawang babae tapos nagpaabot ako ng konting tulong. Alam mo kasi yung hirap dahil naranasan din namin yon, bilang apat kaming magkakapatid noon na pilit iniraraos ng mga magulang ko kahit napakahirap.
Tapos kaninang umaga, nakatanggap ako ng job opp out of nowhere. Nagulat ako kasi biglaan talaga, saka hindi naman na ako active sa mga ganong platform. Tapos kanina lang, may dumating ulit na email na nag-aalok ng Brand Manager position. Kaya mas lalong tumibay yung paniniwala ko na kapag bukal talaga sa loob mo yung pagtulong, hindi madamot ang Diyos na ibalik sayo yon.
Minsan naisip ko nga, siguro kaya kami nakakaluwag ngayon, para makatulong din talaga sa pamilya at sa iba na talagang nangangailangan.
At saka alam ko naman na may chance pa rin na hindi pumasa sa mga job opp, pero naniniwala rin ako na kapag ikaw ang ni-reach out, swak ka para sa kanila. Hehe.
2 notes · View notes
nice2meetyouu · 2 years ago
Text
Ano kayang problema ng IT support? Haha. Every time nanaman may nireraise akong isyu, pinapasa nila ako sa ibang tao (na wala ring gagawin tapos wala nang mangyayari), or sasabihin nilang walang magagawa sa problema (e what the heck, kailangan lang i-approve 'yung request ko para ma-access ko na 'yung thing), or may sasabihin silang diagnosis na parang malayo sa totoong problema.
Anyway, 'yung ka-work ko, 'yung account na ibinigay sa kanya e may iba nang nagmamay-ari, in fact may ibang mukha nakadisplay sa account niya and idk, 'yung free space ng mailbox niya wala na, kasi nagamit na ng other person. Tapos noong cinontact niya 'yung support, binigyan sya ng number. Icontact daw niya ang HR. LOL! I highly doubt na makakatulong 'yung HR since hindi naman sa kanila 'yung isyu and hindi naman nila kami employee. 'Di rin alam ng mga boss paano na gagawin except sa same steps na icontact ang IT (eh kasi IT issue naman talaga). Binigyan sya ng faulty na account tapos siya pa magkocontact sa HR, seryoso ba 'yan?
Pero what's clear eh walang nareresolve na problema. Nakaka-frustrate lalo na pag kailangang kailangan mo na. Parang ikaw lang din talaga maghahanap ng paraan to get by.
2 notes · View notes
ohmadyyy · 2 years ago
Text
FUCK LOVE
Feb 22, 2023 12:42 AM
Ang dami kong gustong sabihin. Pero hindi pa nagsisimula yung mga salitang gusto kong sabihin sayo, inuunahan na ng luha ko. Ang daming tanong sa isip ko na kahit kailan never mo binigyan ng sagot. Ang daming bakit. Bakit kita nakilala, bakit ikaw pa, bakit ka pumasok sa buhay ko, bakit mo ako ginulo, bakit kita minahal, bakit mo ko sinasaktan ng paulit ulit, bakit mo ko iniwan nanaman!!?? Ang lala mo na. Hindi ko alam. Ang masakit kasi yung akala ko okay tayo, akala ko this time ilalaban mo na ko, akala ko this time ako na talaga mahal mo kasi ayun yung sabi mo. Na you want me to stay. Na ayaw mo ako umalis. Kahit ang sakit sakit na isipin na may kahati ako sa love mo, na kahit hindi ako yung totoong mahal mo, tinitiis ko para lang wag ka na mawala ulit. Kahit ilang beses ka na umalis, ilang beses na iniwan mo ko, paulit ulit pa rin kita tinatanggap kasi umaasa ako one day magbabago isip mo. Marerealize mo na ako pala talaga yung gusto mo. Pinapaniwala ko yung sarili ko sa lahat ng sinasabi mo kahit hindi ko maramdaman kung totoo. Tangina. Hindi ko alam ano ba talaga intesyon mo sakin. Nananahimik ako tapos papasok ka sa buhay ko para guluhin lang ako. Ilang ulit mo ba dapat ako saktan para matauhan ako!!??? 😭 Yung pain lahat yung tiniis ko. Pero ang masakit kasi akala ko okay tayo, akala ko masaya tayo, almost 24hours, mula gabi hanggang umaga ng feb 21 magkasama tayo tapos bigla mo narealize na hindi ikaw yung para sakin, na madaming iba pero wag ikaw? Putangina! Anong rason mo!!!??? Anong nagawa ko???!!! Napaka hirap naman Schultz. Hirap na hirap na ako. Sinayang ko yung tatlong buwan ng buhay ko para dito? Happy na kayo ulit ng ex mo! Na realize mo ulit na puta siya pala talaga yung gusto mo? I am very vocal with you, na gusto ko mag settle with you. To build a family and all, pero it seems na ikaw yung hindi talaga ready. Kasi yung commitment hindi mo kaya sakin ibigay, kasi para kay Em talaga siya. Siguro nga tanga ako kasi sa sobrang daming lalaki na pinaparamdam sakin yung value at worth ko, sayo ako papakatanga. Tanginang buhay!!!!!!! Schultz sana hindi na tayo umabot ng ganito. Bakit pinaabot mo pa sa lahat na lang ibigay ko sayo!? Alam mo yan!!! Sobrang bulag ako sa pagmamahal ko sayo, na handa ako harapin lahat kasama ka, na tulungan ka sa mga issue mo sa buhay, pero hindi pa din enough. 😭 Hindi ako naging masamang tao sayo. Lahat ng kabutihan pinakita ko sayo pero yung para gaguhin mo ko ng paulit ulit, sobra naaaaaa! 😭 Sana matapos na lahat ng pain tapos makayanan ko na kalimutan ka na. Sobra na eh. Ayaw ko na.
I wish maging happy at successful ka. I wish maging masaya kayong dalawa. Sana. Deserve mo yun. Pero hindi ko deserve yung gaya mo. :'(
3 notes · View notes