artemicia
90 posts
Je fais de mon mieux
Don't wanna be here? Send us removal request.
artemicia · 5 hours ago
Text
Tumblr media
1 note · View note
artemicia · 4 days ago
Text
Tumblr media
🍃 Ang ganda ng feedback ni Teacher Joy sa session nila ni Harvey today. Malayo pa pero malayo na rin narating namin lalo sa behavior niya. Minsan nag-aalala pa rin ako na hindi pa siya nakakasabay sa ibang bata pero lagi kong iniisip na kakayanin niya rin ang mundo in his own time. May tiwala ako sa anak ko kaya hindi ko siya pipilitin sa hindi pa niya kaya. Sa ngayon ise-celebrate ko lahat ng small milestones at achievements niya.
🍃 Nakakatulog na rin ako ng maayos sa gabi, mga ilang araw na rin na ganito. Hindi na ko inaabutan ng umaga. Ang sarap sa pakiramdam. Kaso yung asawa ko naman yung medyo hirap kasi graveyard shift siya kaya madalas sabi ko umidlip siya habang naghihintay kami kay Harvey. Kanina 3 hours yung session kaya nagpahinga lang kami sa sasakyan.
🍃 Ang ganda ng libro ni Rachel. Hindi ko akalain na mage-enjoy ako kasi hindi ko hilig yung ganitong genre.
🍃 Naisip ko na habang naghihintay sa first presentation sa’kin ng branding, aayusin ko muna ‘yung backend ng business ko. BUSINESS?! Gusto ko maging smooth lahat mula sa discovery call hanggang sa onboarding at pag-send ng contract.
🍃 Kanina pala nag-steak kami sa Blake’s pero sa sasakyan lang kami kumain. Niyaya nga ako ng asawa ko na punta na lang doon sa restaurant kaso sabi ko ayoko. Siya na agad nagsabi na lowbat ang social battery ko at ayoko sa maraming tao. Gusto ko ‘yon na gets agad niya ako. Saka gusto ko muna sa tahimik kasi feeling ko mababadtrip ako sa ingay ng dami ng tao.
🍃 Naiisip ko rin na tulungan ‘yung kapatid ko sa pagbuo ng work PC niya para makapagsimula na siya mag-apply. Gusto ko kako tulungan siya habang kaya ko pa tumulong. Pinag-VA course ko rin siya kasi nahihirapan ako kapag ako lang ‘yung mage-explain. Parang hindi ko mapapaliwanag maigi kaya minabuti ko na lang na bilhan siya ng course.
🍃 Wala munang budol hanggang sa December kasi gusto ko marating ‘yung target kong ipon bago mag-2025. Tigil muna sa pagiging gastadora. Hahaha.
Ang bilis-bilis ng November. Anong nangyari. 🥲
3 notes · View notes
artemicia · 4 days ago
Text
Tumblr media
1 note · View note
artemicia · 4 days ago
Text
Grabe pag-overthink ko lately. Hindi ko pa kasi maramdaman yung rebranding na ginagawa, medyo matagal pala ‘to at isang 5-6 weeks din ang itatagal. Sa ngayon vision board pa lang ang pinagawa sa’kin pero bukod doon wala pang update.
Eto na naman ako sa pag-iisip na uubra ba mga plano ko for next year. Kung maa-ROI ko ba ‘tong ginastos ko sa rebranding service na ‘to. Lagi akong pinag-iisip kung makakakuha pa ba ako ng premium at dream clients. Kung may skills ba talaga ako para sa pagiging SMM.
Ang hirap na hindi ko maalis sa utak ko ‘yung pagdududa sa sarili. 😞
3 notes · View notes
artemicia · 5 days ago
Text
Medyo natatawa ako dito sa client ko na matigas ang ulo. Naisipan lang niya last month na mag-release ng ebook na ibebenta niya ngayong Black Friday. Iba-bundle niya sa planner na pinagawa niya sa China nung 2021 pa na hanggang ngayon hindi niya maubos-ubos. Wala lang, impulsive thought lang niya na magpa-print ng daan-daang kopya kahit hindi naman in-demand.
Tapos ngayon, wala kaming budget for ads, walang matinong materials, kulang na kulang sa panahon para i-promote saka konti lang ang reach namin.
E di eto na, live na yung bagong ebook. Stressed pa siya kahapon kasi nagkaroon ng konting problema sa pag-checkout (hindi ko kasi gamay masyado ang Shopify) pero naayos ko naman agad. Kesyo ise-send niya raw sa mga kakilala at friends niya kasi dahil ise-sale daw niya ng isang araw dahil birthday niya.
Tiningnan ko yung Shopify, may limang orders. Siya, boyfriend niya, nanay niya, pinsan ng boyfriend niya, saka isang kaibigan niya.
Hindi ko alam kung matatawa na lang ba ako o ano. 😭
3 notes · View notes
artemicia · 5 days ago
Text
Tumblr media
Gusto ko sana ituloy yung binubuo kong medicine at hygiene kit kasi naudlot last year nung naubos na yung stocks ko. Ito na yung first batch ng mga inorder ko sa Watsons.
Nung tumuntong ako ng 30s medyo umarte ako sa life a little bit (kung napapanood niyo si mima sa Tiktok, HAHAHA), gusto ko lagi akong may kit sa bag saka wala lang, natutuwa lang talaga ako kapag may nabubunot akong useful sa bag ko. Hahaha.
Gusto ko pa nga bumili nung portable bidet saka disposable toilet seat cover kasi hindi maiwasan na ang dumi talaga ng CR sa labas o kaya sobrang dyahe kasi walang bidet.
0 notes
artemicia · 6 days ago
Text
Hindi rin ako palaging ganito, sabi ko sa asawa ko. Hindi ako araw-araw na mapagbigay. Hindi rin sa lahat ng tao. Minsan may mga pagkakataon na feeling ko inaabuso na rin ako, lalo kapag financial na tulong. Meron talaga yung maya’t maya nanghihingi ng tulong dahil sa hirap ng buhay kasi nakailang beses ka nang bigay. Kaya madalas nagbibigay na lang ako nung amount na hindi ako masasaktan kahit hindi na ibalik.
Hindi ko alam kung tama rin ba ‘to, pwede niyo akong i-correct sa comments ha. Kasi nabalitaan ko na yung tiyahin ko, tinulungan itong isang kamag-anak namin. Ayoko na lang sabihin kung anong relasyon ko sa kaniya kasi baka mamaya makarinig ako ng “eh *toot* mo pa rin ‘yan” kasi hindi ako naniniwala sa gano’n. Hindi porket pamilya kita, kapag ginawan mo ako ng masama, automatic burado na.
Sabi ko hindi naman na ako galit doon sa tao kahit nakakasulasok talaga ‘yung mga ginawa at sinabi niya tungkol sa’kin at sa pamilya ko. Pero hanggang doon na lang kako ako. Kung naghihirap siya ngayon at walang makain, hindi ba kasalanan naman niya ‘yon? Kung lulunukin niya ang pride niya at lalapit siya kila mama o sa iba pang kamag-anak, siguro naman may magbibigay pero hindi eh. Mas kaya niya pang lunukin ‘yung kahihiyan na manghingi sa mga kapitbahay kesa lumapit sa pamilya niya. Tapos kapag tinulungan mo, hindi pa magpapasalamat, susumbatan ka pa na buti nakaalala ka at na bibilangan ka ng mga nagawa nila para sa’yo noon.
Sapat na para sa’kin ‘yung ibigay ko ‘yung pagpapatawad at pag-let go ng galit. Pero hanggang doon lang talaga ang kaya ko. Masama na ba akong tao kung hindi ko siya tutulungan?
1 note · View note
artemicia · 6 days ago
Text
Tumblr media Tumblr media
Nadala ko na si Jasper kahapon sa vet at confirmed na may ear mites siya. Hindi namin alam kung paano siya nagkaroon since mag-isa lang naman siya dito. Tuwang-tuwa yung mga assistant ng vet sa kaniya kasi ang bait nga raw saka hindi mahirap tusukan.
Nagpa-booster na rin kasi siya tapos nilinis din yung mga tainga. Medyo naninibago ako sa hitsura niya kapag walang buhok yung mga tainga niya. Masigla na rin kumain, patay na patay sa nabili kong treats. Hahaha!
Para akong may bagong baby, konting kibot gastos agad. Yung pinapatak sa tainga niya ngayon para sa ear mites, ang liit pero nasa 600 na. Sana mabilis naman umepekto kasi ayoko rin naman na hindi siya komportable.
2 notes · View notes
artemicia · 11 days ago
Text
Tumblr media
Nakita ko sa lang sa Facebook memories, 2 years na pala yung monitor ko. Wala lang, natuwa lang ako kasi kahit maliit lang sahod ko noon sa part-time client ko, nakakapagpundar pa rin ako para sa PC setup ko.
Proud ako sa sarili ko nito kasi lahat ng upgrade na ginagawa ko, galing sa sarili kong bulsa. Hindi ako humingi sa asawa ko kahit alam ko namang ready siya tulungan ako anytime. Eto yung mga panahon na nagsisimula na sakin umusbong na may gusto akong patunayan, hindi sa iba, kundi sa sarili ko.
Biro ko kagabi sa kaniya, parang gusto ko mag-upgrade. Bibili ako ng mas malaki. Hahaha! Balak ko nga rin bumili ng laptop tapos inaasar na naman niya ako na bibili ako ng gaming laptop pero Stardew Valley lang naman daw laro ko. 😆
0 notes
artemicia · 11 days ago
Text
May mga araw pa rin talaga na napapa-overthink ako kung uubra ba mga plano at pangarap ko next year. Kung ma-ROI ko ba ‘tong in-avail ko na branding service para sa SMM business ko. Kung makaka-attract ba ako lalo ng premium at dream clients ko ayon sa plano.
Ang hirap ng walang kasiguraduhan saka yung feeling na ako lang mag-isa sa journey na ‘to kasi kahit freelancer din naman yung asawa ko, iba yung scope of work niya saka nasa kompanya siya. Yung ibang mga kakilala kong VA, iba na rin ang skills at yung mga plano pa nilang i-upskill na mataas din ang demand ngayon.
Minsan nanliliit din ako na ito lang ang service ko na pwedeng ibenta sa ngayon kasi wala akong masyadong capacity para mag-aral pa kapag may free time na ako kasi may anak akong kailangan ng atensyon at ibang responsibilidad.
Pero nandito na ako, kaya kailangan kong ituloy kahit kabado bente ako. Sana i-bless din yung magiging efforts ko kasi wala naman akong gusto kundi magbigay sa pamilya ko hangga’t kaya at may lakas ako. Hindi ko naman goal ang talagang yumaman, masapatan lang yung mga pangangailangan namin lalo na ng anak ko, oks na ko doon.
0 notes
artemicia · 13 days ago
Text
Ang hirap din talaga ng engagement, no? Yung di mo tantiya yung kausap mo. May finofollow kasi akong foreigner na VA tapos nakita ko sa stories niya na nasa Palawan siya ngayon, tapos taga-Ireland siya. Parang na-excite ako makipag-connect kasi kung sakali parang baliktad naman ang mangyayari na ako naman ang pupunta doon.
E di binoka-boka ko siya. Tapos reply niya lang, thank you. Parang alam mo yon, pahiya konti bukas bawi yung feeling. 🥲
0 notes
artemicia · 14 days ago
Text
Tumblr media
Healthy healthy-an ang peg ko nitong nakaraan, naisipan ko ulit bumili ng mga paborito kong mani para yon na lang snack ko kako kapag nagwo-work. Favorite ko talaga pistachio saka kasoy. Naaalala ko kapag napupunta kami sa upper Antipolo, lagi akong nagpapahinto sa mga bilihan ng kasoy.
Ngayon may nakita akong store sa Shopee na nagtitinda ng iba’t ibang mani. Dinagdagan ko na ng roasted pumpkin seeds saka dried apricots yung binili ko. Ang problema mahilig din talaga mga kapamilya ko sa ganito kaya ubos agad yung binili ko. 🥲
2 notes · View notes
artemicia · 17 days ago
Text
Medyo di ko alam kung maiinis ba ko o matatawa na lang dito sa kaibigan ko na nangutang sakin. Maliit lang naman inutang niya, yung alam kong kaya ko naman nang hindi singilin kasi mahirap din talaga yung sitwasyon niya as a single mom tapos may autism din yung anak niya. Yung tatay ng anak niya parang sperm donor lang ang peg kasi walang ambag na.
Ayun nga, nagipit siya tapos nangutang sakin e di pinautang ko naman kasi nga inaalala ko rin yung anak niya. Tapos sabi ko sa asawa ko di ko na rin naman sisingilin.
Kaso iba pala talaga kapag yung maririnig mo sa kaniya na bibili siya ng iPhone tapos chinat pa ko na nato-torn daw siya??? Tinanong ko nga kako kung kaya ba niya at hindi ba siya magigipit kasi kailan lang nung nangutang siya dahil wala na silang panggastos tapos ngayon bibili ng iPhone.
Hulugan naman daw ng 3 gives. 🙃
Di ko na kinontra. Pero di na siya makakaulit. Hahaha. Muntik na umunat buhok ko sa kaniya.
0 notes
artemicia · 18 days ago
Text
Tumblr media
Share ko lang mga recent budol ko sa sarili kasi dumating na lahat galing Shopee. Baka sakali lang na may mabudol din ako dito. Hahaha!
Medyo rough ang skin ko kasi may keratosis pilaris ako tapos visible siya sa arms ko at ito na siguro yung pinakamalaking insecurity ko kasi halata siya dahil maputi ako. One time may kinakausap ako tapos nakatingin siya sa braso ko na sobrang kina-conscious ko talaga. Wala eh, nasa lahi rin namin talaga yung KP. Kaya bumili ako ng Amlactin kasi medyo nagiging less visible daw yung KP.
Tapos bumili rin ako ng glycolic acid body wash at scrub para sa mga araw na gusto ko mag-deep cleanse ng katawan.
Pagkatapos ko gumamit nitong body wash, gumagamit ako ng shower oil para hindi ako mag-dry saka sa totoo lang ang baho ng glycolic acid. Hahaha. Pansin ko ang smooth ng balat ko kapag ganito yung combo, tapos hindi lang siya yung parang feeling kapag nag-lotion ka na nakaangat yung smoothness na kapag nabasa ka ng tubig, wala na. Hindi siya ganon. Naisip ko nga ganito pala talaga yung mga nag-iinvest sa medyo mahal na body care, ano? Sulit pala talaga.
Bumili na rin ako ng bagong facial cleanser kasi naubos na yung gamit ko. Naisip kong bumalik sa Sulwhasoo kasi na-try ko yung maliit nito noon tapos okay naman siya, hindi nakaka-dry saka ang linis ng pakiramdam pagkatapos.
Yung sa Lush nabudol lang ako sa Tiktok kasi sobrang bango raw saka amoy desert. Hahaha. As a gourmand girl, nabudol agad ako pero ang saya kasi ang bango nga! Tapos amoy na amoy ko sa buhok ko kapag nilagay. Parang maganda siya kapag may biglang nag-prito sa bahay kasi hindi kakapit yung amoy o kaya kapag nag-samgyup ka. Subukan ko nga minsan na mag-samgyup tapos maglalagay ako sa buhok, tingnan ko kung hindi mangangamoy yung buhok ko. As conditioner, sakto lang siya. Mas malambot pa rin sa buhok yung leave-in conditioner ng Luxe Organic, nate-tame niya yung buhaghag ng buhok ko.
Ayun lang naman, hahaha!
1 note · View note
artemicia · 19 days ago
Text
Tumblr media Tumblr media
Natutuwa ako kasi may dalawang nag-DM sakin tungkol sa content ko. Yung isa SMM din siya tapos kakwentuhan ko, sabi ko nga feeling rusty na ako kasi ang daming bagong SMMs ngayon. Tapos ayan yung reply niya.
Tapos yung isa naman lead gen specialist siya na nagreply sa story ko tungkol sa recent content ko.
Hindi ko alam kung bakit pero yung work ko talaga yung pinakanahihirapan akong gawan ng content. Hahaha! Kaya nung sumali ako ng content challenge two weeks ago, sinikap ko talagang matapos yung 5 days tapos simula no’n, tinuloy-tuloy ko na yung mga na-pick up ko sa challenge na hindi nga dapat sobrang promotional o salesy ng content mo, kailangan din talaga mag-shine yung personality mo o ikaw as face of the brand.
Gusto ko rin talaga mahasa pa yung storytelling sa content tapos yung tone ko, casual at light lang. Ayoko nung corporate speak o panay jargon.
Tapos yung content strategist na gumawa nung challenge, pansin ko hindi siya gumagamit ng hashtags o keywords sa mga post niya. Ang galing lang kasi na-feel kong ganon siya ka-confident sa skills niya na di niya kailangan pa ng visibility. Hindi nga rin ganon karami followers niya pero parang hindi siya bothered. Gusto ko maging ganon ka-confident i-sell yung sarili ko sa dream clients ko.
Hintayin ko lang matapos yung rebrand ko, major revamp ako for 2025. 💪🏼
2 notes · View notes
artemicia · 21 days ago
Text
Tumblr media
Hindi ako palabasa ng mga ganitong libro kasi feeling ko ang aggressive lagi ng atake eh hindi talaga ako ganon in real life.
Pero excited ako simulan ‘to kasi matagal ko nang finofollow si Rachel P. saka feeling ko siya yung gusto kong maging mentor kasi nanay din siya. Isa sa mga pundasyon niya rin yung magiging buhay ng mga anak niya kung bakit siya nagtayo ng business.
Ang ganda rin agad ng umpisa ng libro tapos parang naririnig ko pa yung boses niya habang nagbabasa. Hahaha!
2 notes · View notes
artemicia · 26 days ago
Text
May napanood ako sa Tiktok na nagka-disco call siya kasi may nakapanood ng live niya habang nagwo-work siya. Sabi nung kausap niya, ang ganda raw ng workspace niya at ang aesthetic.
Parang na-validate (hindi ko alam kung ito ba yunf tamang word) yung feelings ko, yung sama ng loob ko sa mga nangyari kaya napunta kami sa sitwasyon na kailangan namin iwan yung bahay namin.
Hindi ko alam kung pinagtatawanan ba nila ko dito sa tuwing sinasabi ko na wala akong maayos na setup, hindi tuloy ako makapag-record ng kahit timelapse man lang habang nagwo-work, o kaya picture ng desktop, kahit yung video na pakape-kape lang habang nagta-type.
Pinakita ko sa asawa ko kanina yung video na yon tapos in-explain ko sa kaniya na kaya ako parang nagluluksa sa mga bagay na nawala sa amin kasi yung mga ganong pagkakataon, nawala na rin sakin. Biruin mo, makakabingwit ka pa ng potential client dahil sa nakita yung workspace mo.
Kasi di ba nga sabi nila, yung bahay mo, reflection yon sayo. Kung yung kusina mo magulo o malinis, reflection yon kung gaano ka raw ka-ready tumanggap ng mas malalaking blessings. Tapos siyempre ganon din yung workspace mo. Malamang nakita nung potential client na maayos siya magtrabaho kasi kita pa lang sa setup niya na malinis at maayos siya.
Ngayon parang squatter lang yung setup ko kasi hindi naman namin bahay to. Gustuhin ko man pero hindi ko mapaganda o mapaayos man lang kasi wala naman kaming karapatan, saka ang dami namin nagsasama dito.
Minsan triggered pa rin ako eh pero kaya ko na i-handle. Hindi ko na rin siya inaaway na hindi niya pinaglaban yung bahay at lupa namin sa mga nang-angkin. Pero di ko pa rin maiwasan na sumama yung loob o kaya yung feeling nga na parang nagluluksa.
Sana sa susunod na season ng buhay namin kung matuloy man kami doon, kahit maliit na space lang pero yung maaayos ko saka mapapaganda. Balak ko pa rin ituloy yung pagiging VA/SMM ko kahit nandoon na.
0 notes