Tumgik
#wala pang sahod
nice2meetyouu 2 months
Text
Pag nagme-message 'yung iba sa akin ng negative about sa buhay nila or something, nagso-sorry pa sila. Bakit? Bawal ba maka-experience ng something na hindi maganda? Grateful everyday and happy vibes lang ba? 馃お
Ang lakas ng ulan oh saka 'yung kulog kanina parang madadaganan ng bulldozer 'yung bahay namin ang tunog. May pasok kaya bukas? Wala raw ulan malapit sa work. Pero balita ko, pangit ang forecast ng panahon.
Regardless, nagpaschedule naman ako sa dental clinic malapit sa work. So... papasok pa rin.
Triny ko panoorin 'yung Love at First Stream (2021) kanina, tumagal naman ako mga 20 minutes, kaso tinamad na ako, iyak-tawa-prank-drama e. Or siguro naiisip ko 'yung nanay ko sa character ni Agot dun (si Agot nga ba 'yun?), laging kontra at laging hindi masaya kahit anong gawin ko.
Lumipat naman ako sa TL (2024), kaso mga 10 minutes lang ako tumagal dito, hindi ako convinced sa pagsasalita nila eh. Hindi ko tuloy nalaman kung na-promote ba siya.
Natulog na lang ako. Medyo nakapahinga naman mula dun sa mga pagpupuyat. Thank you na rin sa walking pad, kahit hindi lumabas ng bahay, may kaunting pagkilos pa rin.
At dahil nakatulog ako at madilim na paggising ko, hindi ko nabili 'yung yogurt. Nagagalit na ang mga tao sa akin, antagal ko raw kumain, napapanis daw tuloy ang ulam. Binalik ko na lang sa ref 'yung ulam, baka mapanis pa.
Hindi ko rin alam bakit isang linggo na akong hindi makakain. Nagugutom naman ako pero walang kagana-ganang kumain. Kahit kaunti ang sinandok, hindi ko rin maubos. 馃槀
May isyu nanaman kina Fe, pinipilit daw sya ng magulang nyang mag-apply sa PGH, ngayon din! Breadwinner na nga, dinidiktahan pa anong gagawin. Saklyf.
Itong Eastwest talaga. Nagrequest ako ng credit limit increase, ang ginawa, binigyan ako ng bagong card. Pero same lang ng credit limit. Ayaw ko nga iupgrade, lalaki pa sisingilin na annual fee. Sabi ni Aly, bakit, hindi ko raw ba pwedeng ipa-waive? Sabi ko, eh, tatawag pa.
Parang hindi naman practical na magpa-postpaid para lang makatawag ako sa mga landline. Saan ba makakahanap ng telepono these days?!
5 notes View notes
Text
Tumblr media
Buwis buhay kahit wala pang sahod 馃拃馃拃
8 notes View notes
kainbubog 11 days
Text
Wala pang sahod pero nauna na ang pamper time!! 馃槀
2 notes View notes
ilaw-at-panitik 1 year
Text
Kahit pa alam na nilang parehong rice cooker ang laman ng kahon ng rice cooker, kakikitaan pa rin sila ng pananabik. Walang inalis noong nagbubukas sila ng ilang regalo pagkatapos ng kasal. Hindi na nila pinagtiyagaang tanggalin ang buhol sa pagkakatali. Gamit ang talim ng nadampot na itak, nakalagan nila ng tali ang kahon. Agad na niyang nilabas ang rice cooker. Iniangat na animo鈥檡 nagkakarga ng bagong silang na bata. Hawak-hawak naman ni Mildred ang kurdon na parang umbilical cord. Agad niyang pinatong sa gilid ng lababo, sa may tabi ng lalagyan ng mga pinggan, ang rice cooker. Binuksan ang lata ng biskwit na siyang lalagyan ng bigas. Subalit kakarampot na bigas lang ang naroroon. Masasaid na at hindi na huhusto kahit sa kalahating takal. Kahit pa nakasara ang gasul ay mabilis silang nakapagpaliyab ng kani-kanilang mga ulo. Bakit walang bigas? Tinalunton nila kung sino ang huling nagsaing. Nagkaungkatan sa kung kaninong sahod ang ginamit sa pagbili ng bigas. Mauungkat pa ang dati pang away. Sumubo ito, umapaw. Nagpatuloy ang pagtatalo hanggang magsara na ang karinderya sa kanto, ang tindahang pinangakuan ng pagsasauli ng bote. Magtatapos ang away sa kalam ng sikmura. Pagtatawanan na lang nila ang isa鈥檛 isa noong wala na silang maungkat. Inihanay na lang nila sa plato ang mga helmet, adidas, at barbeque sa pinggan. Tatlong mangkok para sa tatlong sawsawan. Binuksan ang RC Colang pinanawan na ng lamig. Hindi na sila nag-abalang kumuha pa ng baso, nagsalitan na lang sila ng tungga sa boteng walang deposito. Iyon ang unang gabi ng rice cooker sa kanilang kusina. Walang kanin. Subalit may iniinin na pag-ibig.
Emmanuel T. Barrameda, mula sa "Sinaing" (Inilathala sa Tom谩s: The Journal of the UST Center for Creative Writing and Literary Studies, Volume 3, Issue 4, 2021-2022)
8 notes View notes
kimhortons 6 months
Text
Tumblr media
april 5th, friday. weekend na naman, so i made plans na rin, kasama na yung pag grocery. ito lang naman ang usual na pinamimili namin which costs around 1500 - 1700 pesos. samin lang 'to, pero kapag dinadamay namin yung para dito sa bahay umaabot ng 2500 yan, kasama na yung sa palengke. tumatagal naman ng 2 weeks mahigit.
kaya every cut off ganyan budget namin ni J para sa mga stocks. pero minsan since marami naman kami dito, nag papass kami. tsaka yung essentials ko, napapatagal ko naman ng 1 month. nililista ko rin yung mga kailangan ko bayaran, kahit next month pa or hindi pa due date, hinuhulugan na agad namin para maubos agad.
tbh, finifigure out parin namin ni J kung paano mag budget ng tama na hindi sumasakit yung bulsa namin. aminado ako na number 1 talaga na nagpapahirap samin yung mga utang, pero hindi kasi naiiwasan lalo pag na shoshort tapos may emergency.
tulad nung na-ospital pala si papa at kelangan ng pang gamot, syempre kahit naka budget na yung pera ko, nagagalaw. nag abot ako sa kapatid ko. kay J naman yung bills din dito sa bahay, since siya at yung bunso na may sariling pamilya lang naman ang may stable na income, madalas siya din ang sumasalo ng ilang bayarin, e provincial rate pa naman siya. kaya nashoshort talaga.
napapaisip tuloy ako, kahit gustong gusto na namin magpakasal di parin talaga kaya. hindi kami makapag ipon ng maayos para sa dream wedding namin. paano kaya mag ipon kung minimum wage lang ang sahod. parang kailangan may isa samin mag abroad para makaipon ng mabilis, or mag hanap ng trabaho na mataas ang sahod.
pero yun nga, tinatry talaga namin na di na magkaron ng utang para imbes na ibayad sa utang, sa ipon nalang mapupunta. pinag usapan narin namin na bumukod at mag hanap nalang ng rerentahan, okay naman sakanya kaso mag isa lang ako if ever, kasi sa naga naman siya lagi, tsaka kumportable pa ako dito ngayon. kaya saka nalang din siguro. sabi nga ni Chi, i-take advantage muna namin 'to habang nag iipon pa kami.
wala lang, ang hirap talaga mag ipon kapag may kailangan ka parin suportahan. hirap din kasi na hindi mag bigay, kasi sasabihin walang utang na loob. lalo na sa side ko huehue. pero buti nalang wala na ako masyadong contact sa mga tao dun, hindi man lang nga mga nakaalala nung birthday ko. haha.
yung kapatid ko ewan ko kung sincere na naka alala or dahil may kailangan lang pero hindi ko naman minamasama, natuwa pa nga ako dahil binati niya ako. kaya nag sabi ako sakanya na kapag kinukulang na siya dun sa mga bayarin nila, magsabi lang sakin. naintindihan niya narin naman ako, na kailangan ko rin talaga mag ipon na para samin ni J. yung lang naman, finifigure out ko kasi yung sahod ko kung pano ko ibubudget. haha. nakakainis kasi hindi yung ineexpect kong amount, dahil sa mga changes ng company this year. hays.
6 notes View notes
tokwattoge 1 year
Text
I'm so not in the mood today. :(
Naiinis ako hindi ko mapigilan magpost. Tumblr lang din talaga yung safe space ko. Pwede naman ikwento sa friends ko pero ito yung type of issue na kami lang rin naman ng partner ko ang talagang makakafix. Yes, makakatulong na magsabi sa friend kasi gagaan ang loob ko pero hindi naman ako makaka-add value sa kanila. Kaya mas mabuti na lang na dito ko ilabas. As much as gusto ko makarelate sa ibang tao, na baka may ibang tao na nakakaexperience din ng nafifeel ko ngayon, I know hindi naman yun ang solution kaya hay. Ang bigat ng loob ko.
Naiinis ako kasi pag mainit ulo ng partner ko lahat damay. Sinabi ko sa kanya na hindi sapat na reason na bugnot siya para sirain din ang araw ko. Kahapon, umaga na siya umuwi kasi super pagod sa work at sa biyahe dahil nag straight work sila. Mainit ulo niya dahil mainit ang panahon. Alam ko naman na mainitin siya pero naiinis ako kasi pag nagrereact siya sa mga tanong ko eh parang iritang irita siya. Gaya ng lagi ko sinasabi sa kanya hindi ko naman deserve na pagbuntunan ng galit niya. Today, mainit naman ulo niya kasi di pa binibigay yung sahod sa kanya. Ganun ulit. Mainit ulo ulit niya, nabbwisit na rin tuloy ako. Ayaw ko ng negative energy pero ayaw ko rin sambutin lagi yung init ng ulo niya. Gusto ko ireciprocate yung pakikitungo niya sakin, baka sakali makita niya na hindi maganda. Pero sa totoo lang napupuno na ako ngayon. Napapagod na ako magsabi talaga. Ayaw ko na lang magsalita. Bahala na lang siya mag-isip. Alam ko di ako nagkulang sa pakikipagcommunicate.
Tapos na ako sa phase na puro negative energy, pero ang hirap pag yung mismong partner mo yung ganon. Imbis sana na maging okay pa yung rest of the day ko parang wala na ako talaga sa mood. Nung umaga pa lang disappointed na ako sa sarili ko kasi di ako nakabangon agad para magturo. Pinapunta ko siya sa clinic para makapagpalista kami para sa check-up ng bata pero ang dami niyang dahilan. Kesyo mainit daw bumyahe, na baka wala na daw number ng lista. Pero kahapon nagagalit siya sakin na bakit hindi agad pinacheck up. Dahil last last week pa hindi matuloy tuloy yung check up na yan. Tapos ngayon pinapapunta ko siya sa clinic daming dahilan. Pag dating galing sa pagpapalista sa clinic ako yung haharassin na bakit hindi ko pinupuntahan yung bata iyak ng iyak dun sa biyenan ko. Sabi ko bakit hindi ikaw naman ang mag-intindi ngayon lang ako nakapagpahinga.
Siguro sa makakabasa nitong mukang nagtuturuan kami. Pero sa totoo lang pagod na pagod na pagod na pagod na ako. Nagtatrabaho ako hanggang 38 weeks. 3 weeks after manganak pumasok na ulit ako sa trabaho. Hanggang ngayon 1 year na yung bata nag tatrabaho pa din ako. Nagpapadede din ako. Naglilinis din ako ng bahay. Nagtatarabaho ako ng 5-10 hrs per day. Wala akong day off. Naiinis ako kasi yung small moments para makagpahinga ako kinukuha pa sakin. Minsan na lang ako magmoba, nagtitiktok lang ako pag kakain kasi dun lang ako may time napupuna pa.
Sobrang pagod na rin talaga ako legit. Baka kailangan ko lang to iiyak para maging okay ako. Ang dami ko pang iniisip gaya nung mga utang ko na kami namang pamilya ang nakinabang.
Pag sinasabi ko sa kanya na pagod na ako sasabihin niya sakin eh di magpahinga ka. Galit pa. Makikinig lang siya sa mga sama ng loob ko pag umiiyak na ako. Kailangan ba lagi mag break down muna?
Guys ang hirap mag asawa. 0/10 recommend.
12 notes View notes
her-ayie 7 months
Text
Ikwento ko muna bago ako tuluyang makatulog.
Lahat naman ng dates / tambay sa bahay eh memorable pero itong labas namin ngayon yung isa sa pinaka paborito kong moment kasama si wuv.
Parehas kaming busy sa work simula yung mag start ang buwan. As much as I want to celebrate my birthday with her, di kaya ng oras at ng budget na rin kaya mutual decision na ngayon na lang magkita para parehas may sahod na. Wala ring ganap sa valentines kasi parehas kaming di fan ng mga ganon, kahit nga monthsary minsan nagkakalimutan pa magbatian.
Pero gusto ko siya regaluhan. Pero wala akong maisip. Pag nagtatanong kasi ako, wala naman siyang sinasagot. Kahit nung nasa byahe na ako papunta sa kanila, sabi ko kahit ano na lang na madaanan ko basta meron. Pagbaba ko ng 7/11, may nagbebenta ng plastic na rose. Tapos binigyan ko na din siya ng pang deserve deserve niya sa mga susunod na araw.
Ang tanging plano lang ay makapag ramen date sa SM. Walang oras ng uwi or kung ano pa ang susunod na gagawin pagkatapos kumain. Inaalala ko lang naman eh yung wag naman sana kami bumyahe ng busog na busog. Tapos sakto after kumain, nag aya siya mag arcade. Ngayon lang nga ulit ako nakapasok after 7 years. Nakakapagod pa rin, pero sulit na sulit. Ewan ko ba, parehas lang naman yung nilalaro namin sa mga taong andon pero parang ang saya saya namin. I guess, pag talaga kasama mo ang mahal mo.
Di ko nakwento sa kanya pero nung mga nakaraang araw , nagdadalawang isip na akong tumuloy sa kanila. Pakiramdam ko kasi ang lala ng pagod ko sa lahat ng bagay. Eh yung pag punta sa kanila, madami na nga akong dala tapos 3hrs pa ang byahe mula sa amin. Yung thought palang na pupunta ako sa kanila eh parang napapagod na ako.
Pero buti na lang tumuloy ako. Buti na lang nilabanan ko yung pagod ko. Para akong narecharge nunh magkasama kami eh. Partida, di niya pa alam na ang dami kong iniisip lately. Tapos nung nakasakay na ako sa van pauwi, naisip ko parang naging okay na ako ulit. As in na-recharge talaga ako.
Thank you, wuv. You always make me feel I am home. Mahal na manal kita.
2 notes View notes
jpehg 1 year
Text
stewie2k-iwnl 100923 1756
Medyo umuulan. Lunes. Kakasakay ko lang sa MRT sa may Araneta-Cubao at papunta akong Ayala para pumasok sa opisina. Mag-a-alas otso na rin at 'di pa rin ako kumakain.
Hindi naman required pumunta sa opisina pero araw kasi ng sweldo ngayon at gusto ko, nandoon ako kapag dumating siya. Bago pa lang din ako sa trabaho. Umalis ako sa previous kong work at pumasok na ako kaagad sa susunod the following day. Literal na aint no rest for the wicked.
Isang buwan na akong di sumasahod at isang buwan na rin akong nagt-tyaga na sa sitwasyon ko. Aminado naman din akong kasalan ko ba't ganto pero sabihin na lang nating gumastos ako ng perang 'di ko dapat ginastos kasi akala ko walang ibang pag-gagastusan. Pero ganon talaga ang buhay, kung kailan nakataas 'yung dalawang kamao mo't handa na para umilag sa uppercut niya, saka ka niya susuntukin sa bayag- in the form of mga gamot ng tatay at emergency expenses sa university ng kapatid. Parang 'di yata wais na desisyon yung pagbili ng 85-fucking-thousand na PC bilang gradudation gift ah. Wala tuloy akong pang-Jollibee ngayong araw.
Kaya heto tayo ngayon. Kaunting tiis. Kaunting lakad, kaunting commute. Patigasan na lang ng sikmura habang nanlalambot ang buong katawan. Palag-palag pa naman sa opisina dahil wala pa naman masyadong ginagawa.
Medyo lumalakas pa yung ulan at yung kulog ng tyan ko.
"Pre, anong oras usually dumadating yung sahod?" nagsend ako ng message sa katrabaho ko. 68% na lang battery ko. Tapos apat na raang piso na lang yung laman ng banko ko. Sobra nang kaunti para sa pamasahe ko ngayong araw dahil babalik pa ako ng probinsya mamayang pagkauwi.
Pagkatapos ng ilang minuto, sumagot 'yung katrabaho ko.
"Nung Friday pa meron pare hahaha"
Agad-agad kong binuksan 'yung banking app na pina-setup ng kumpaya ko nung unang araw ng Setyembre. Hinihintay kong magload yung balance at pagkatapos ng limang segundo tinitigan ako pabalik ng kalahating milyong piso.
"Huh" sabi ko sa sarili ko.
Kung panaginip 'to, ngayon na 'yung pinakamagandang oras para magising ako. Natatandaan niyo ba 'yung saktong eksena ni Will Smith nung tinanggap siya sa trabaho? Hindi ko 'yun ginawa dahil medyo masikip sa MRT pero in-imagine ko na lang.
"Now arriving at Ayala station. Paparating na sa Ayala Station," sabi ng recorded na boses ni Inka Magnaye ('di ko alam kung siya ba talaga 'yon pero kung hindi edi pauso ko lang)
Hindi 'to post na may mapupulot kang aral. Hindi rin 'to 'yung mga usual kong pa-edgy deep shit. Hindi 'to tungkol sa life lessons, empathy, sympathy. Pero sa loob ng apat na taon kong nagta-trabaho, sa pagraos sa kapatid kong makatapos ng kolehiyo nang mag-isa, at sa ilang pakyu at sucker punch sa bayag ng buhay, ngayon lang ako binulungan ng guardian angel ko na magyabang at sinigawan ng demonyo na deserve ko 'tong nararamdaman ko ngayong araw.
"Parang mag-J-Jollibee yata ako mamaya ah," Sabi ko sa sarili ko habang naiiyak.
Tumblr media
4 notes View notes
akosichay 1 year
Text
ang hirap sa bahay na to pag pang casino ang dali makahingi ng pera sakin tapos kapag ako nangangailangan ang hirap humingi sasabihan ka pa ng kung ano ano na kesyo gala ako ng gala ang bilis ko gumastos, kung ano ano binibili ko na wala namang kwenta (for them walang kwenta pero sakin meron kase pinag hirapan ko naman ) tapos sa bahay hindi man lang "daw" ako makapag bigay. tingin ata sakin natae ng pera taena ang sarap umalis ng ganito. hindi nila alam halos buong sahod ko sa bahay ko ginagastos, bills pa lang kalahati na, konting sabi lang sakin nag bibigay naman ako agad, ang unfair. kaya minsan mas gusto ko pang nasa labas ako kasama mga kaibigan ko kaysa pumirme ng bahay na andito sila.
9 notes View notes
aureliusantoninusmarcus 11 months
Text
Tumblr media Tumblr media
i just asked them if pwede sila utangan, apparently lahat kami wala pang sahod huhu, culture industry huhu
6 notes View notes
nice2meetyouu 1 month
Text
Life Musings
Tumblr media Tumblr media
Summary: May nagyaya sa aking lumabas. Sabi ko, i-chat na lang saan magkikita, pupunta na lang ako. Sabi nya, "No, I'll pick you up, I insist!" Rapunzel ka gurl? Buhay pa naman ako at hindi na-chop-chop.
Long story: Invited J (bff) out and got our nails done yesterday. Parang nahihiya pa sya at ang mahal daw. Pero andami na nyang panlilibre sa akin before! Tapos ngayon, andami nya pang payo. Buti na lang niyaya ko siya kasi aalis na pala sya sa BGC at babalik na sa bahay na binili nya sa Laguna, with family. May work daw syang nakuha na around 20 minutes away from home pag naka-bike. Goodbye city life. Halos lahat na yata ng friends ay nagsisilayuan na sa Metro Manila.
Tapos sinamahan nya akong hanapin ang mahiwagang karwahe. Sabi ni J, pipicturan daw nya ang plate number. Hahaha. Akala ko naman, magbobowling sa Timezone lang or magd-drive ng race car, kaso dinner daw pala sa malayong dako ang idea ni person. In reality, hindi natuloy ang dinner sa malayong dako dahil traffic at Sabado, pero masarap pa rin naman sa kinainan namin, may sharon pa ako. Nakakatawa nga kasi biglang nandoon din ang family ni person, sa lahat ng pwedeng puntahang lugar at that time, tapos nag-panic siya. Aba, hindi ako kayang panindigan? Char. Hindi raw kasi specific 'yung paalam niya. Haha. So nagmadali nang magbayad at lumipat ng venue. Napanood ko tuloy 'yung Deadpool.
Thoughts and feedback: Hindi ko alam anong nakita ng taong 'to sa 'kin, pero kahapon aba syempre, dapat presentable. Sabi ni J, huwag ko na raw pagupitan buhok ko kasi magmumukha raw akong high school, maganda naman daw ang medium length. Anyway, mukhang wala kaming masyadong common life experiences saka kahit hindi naman malayo edad namin (maaga lang akong natapos), may generation gap. Nagulat nga ako napag-usapan agad ang sahod e, apparently, 'yung sahod ko ay 4x ng sahod nya? So sabi ko, ako siguro dapat ang nagbayad. Nakaka-guilty, para akong scammer, nakikikain at nagbebenefit sa hard work ng iba. Sabi naman niya, "No, it's fine!" At deserve naman daw ang sahod dahil ang sipag ko raw.
Ang tanda ko na. Ngayon na lang ulit ako nakanood ng movie sa sinehan (wala naman akong ginawa kundi magwork, 'di ba) at ngayon na lang ulit naging passenger princess, nabuking pa tuloy saan ako umuuwi. Alangan namang sabihin ko, ibaba na lang ako along C5?
11 notes View notes
carolinaaapita 2 years
Photo
Tumblr media
2 Escalation calls done 4.5 hrs discussions for process updates Gutom at Pagoda much na ang bruha, wala pang sahod. Pancake muna (medyo nasunog pa) 馃構 tapos TGIF na. Goodnight and maupay nga gab-i ha iyo ngatanan! https://www.instagram.com/p/CpCqc6zJCDBn7I-F-_gePGVCKsfBzn0TRNJYM80/?igshid=NGJjMDIxMWI=
10 notes View notes
arial-narrow-140 1 year
Text
May dagdag na tao sa amin. Wala namang reklamo kase magtatrabaho naman. Pero juskopolord. Apakalakas lumamon. Pang 2-3 tao kaya nyang kainin. Nanggigigil nanaman ako. Ubos nanaman budget. Buti sana kung tutulong yan.
Kung ikokompara sa iba, kahit papano masasabi kong mas mataas sahod ko sa minimum wage earner ng kaonti. pero malaki rin ang binabayaran ko. Nakakaasar.
6 notes View notes
Text
random.02
andon pa din ako sa stage na. putangina wala pa din akong ipon! 36 na ko beshy.. puro ka lang yabang. ano na?
dami kong gustong gawin.. dami ko gustong bilhin.. dami kong gustong mapuntahan.. pero?? nasan ang pera ko??
ang tanga ko dahil nagsstay ako sa lugar na hindi ako masaya.. pero kaya ko naman mag tiis e.. dalawang taon na lang naman, siguro after 2 years maganda ganda na sahod ko.. ayoko kasi dumepende sa ibang tao.. gusto ko lahat pinaghihirapan ko. yung tipong pagdadaanan ko muna yung hirap para pag natikman ko na yung sarap, masasabi ko sa sarili ko na pinaghirapan ko to..
naiinis ako sa mga tao na nagsasabi sakin, ang tanga mo sinasayang mo oras mo diyan, edi kung nagtrabaho ka sa ganitong lugar edi ang dami mo na sanang ipon. o eh bakit di ikaw ang gumawa? bibilib pa ko kung nasa point na kong kinaiinggitan na kita dahil ang layo na ng narating mo. kaso wala eh. pano ako mamomotivate niyan??
ngayon naiisip ko, nung bata ako, pinilit ako mag take ng nursing ng mama ko, pero sabi niya ako daw may gusto non noon. hahaha so nag take ako siguro nga gusto ko yun nung time na yon kasi lahat ng classmates ko nung highschoo eh puro nursing. nakakatawa nga eh kasi sabay sa uso lang ako.. HAHAA nag take sila ng upcat pero ako pinagttake kaso di ko naman alam yun. HAHAHA! hndi ako nagtake kasi alam kong di ko kaya HAHAHA pang matalino lang yun HAHAHA
nagtake ako exam sa CEU at sa UST.. ayon. awa ng Diyos sa dami ng choices ko ng courses wala kahit isa pumasa HAHAHAHA and ending, dun ako nag aral sa school na gusto ni mama sa BGC hahaha yun ang unang nursing school sa BGC as far as i know.. hahaha kasi naalala ko nun wala pang mga malls dun, as in talahib pa lang ang kapaligiran at buhangin.. ganorn. so, nung time na yun nagkaron ako ng classmates na mayayaman.. taena bigtime tlga! HAHAHA tuwang tuwa ako kaya sabi ko sige enjoy ko nalang.. :D :D
tapos may mga times na tlgang nag aaral ako, nakapag disect pa nga ako ng palaka non. HAHA may mga subjects na napasa ko at halos lahat dun ay minor subjects HAHAHAHAHA nakakkatawa taena.
so ayun. kinuha ko nursing nag aral ako sa magandang school, tapos.. di ko kayang sabayan yung mga tao dun.. kasi alam nyo ba magkano lang baon ko non?? 100.. HAHAHA though grateful naman akong may baon akong 100.. pero di siya sapat para sakin.. kasi ang layo ng school ko.. ilang sakay, papunta pabalik.. tapos nakakahiya man aminin pero ang binibili ko sa school non, kanin lang tapos yung sabaw dinadamihan ko kasi libre.. HAHAHA :D :P pero masaya.. :D :D pag naalala ko..
so eto nga yung school ko, Global City Innovative College, parang isang sem lang yata ako nag aral dun haha.. kasi pag nstp day pucha mas nagstruggle ako kasi sa bgc pag sunday yata yun, walang shuttle so obligado ako magtaxi. eh pota. 100 lang pera ko nun. HAHAHA nahirapan ako talaga.. kaya sabi ko sa mama ko lipat na ko school yung malapit para di ako mahirapan atleast maubos pera ko pwede ko lakarin dun kasi sa bgc di pwede eh. tangina mag aalay lakad ka talaga sa layo. HAHAHA..
so lumipat na ko ng mas malapit na school para talagang makapag focus ako. YESS FOCUS! kahit hindi. hahaha :D so eto na nga, dami kong back subjects na need ko itake sa bago kong school edi.. kinuha ko na para maging maayos na lahat.. eh kaso. HAHAHA dumating sa point na nagkaron ako ng mga classmates sa Chemistry class ko, sabi ko ang saya saya naman nila.. nasa 2nd year na ko nun nung nursing.. basta 2007 ako grumaduate ng highschool. HAAHAHA!!
so... nung naging classmate ko nga yung mga chemistry classmates ko, lagi ko winiwish na may chemistry class araw araw.. kasi ang saya saya talaga nila.. tapos may isa akong naging friend na sobrang nakakatuwa talaga siya.. natanong ko anong course nila, sabi niya HRM daw.. actually nung highschool i never thought of taking that course kasi nga mulat ako sa nursing course nun kasi mga brainy lahat ng classmates ko.. hahaha.. tapos, napaisip ako nung sinabi sakin na mag shift na lang ako ng HRM kasi masaya nga daw don..
kaya on the same day na narealize kong gusto ko pala talaga is hrm subject, nagsabi ako sa lola ko na magchange ako ng course.. tapos ayun!! pumayag kahit madaming tanong sakin.. HAHAHA
tapos ang daming subjects na di ko trip.. basta pero eto! 2013 ako natapos ng college. HAAAHA ang haba ng panahon ko sa college noh?? siguro kasi ganong katagal ko narealize na need ko makapagtapos, pero for the span of 6 years.. ang daming nangyare, nagstop ako mag-aral, nag working student ako, tapos.. nabuntis ako.. tapos.. buntis ako nung nagaaral ako, tapos.. nag stop ako nun kasi nanganak ako... pero pag balik ko, nagworking student pa din ako.. ang pinaka mahirap na part nung pa-graduate na ko, kasi di ko alam pano ko imamanage yung time ko na nagpapadede ako ng anak ko tapos nagwork ako ng gabi sa isang bar sa makati.. tapos gigising ako ng umaga para pumasok sa school. tapos, sa hapon.. nagppracticum ako para lang matapos ko yung oras na kailangan ko tapusin... nung time na yan, need ko na give up yung work ko kasi kailangan ko na talaga mag focus sa school kasi pagraduate na ko.. kaya ginive up ko na work ko..
so fast forward.. naka survive ako sa hirap na yan.. i graduated with a bachelors degree 2013! :D :D :) im so so happpy! sobra! :D day after ng graduation ko nag apply ako ng work sa Toyota which is hindi ko forte, ninong ko kc yung gm ng toyota pasong tamo that time.. and oh well! CHArizz.. :D :D de. sa totoo lang, di niya binack upan dun.. pinag take niya ko talaga ng exam.. and dumaan ako sa interview talaga.. then.. ayun! :D nakapasa ako sa work nakabenta din ako.. :) so in short meron din akong experience sa sales.. :D :)
then.. madaming nangyare sa buhay ko.. kulang pa nga to eh.. pero andito pa din ako.. lumalaban HAHAHA at umaasa na balang araw, pero Lord sana pag nag 40 po ako.. hindi na ko natingin sa price tag. alam kong kaya ko po ito... kayang kaya ko. :D :) wala po akong dadasalin kungdi palakasin niyo po ako.. kahit wala akong sakit. at kung meron man ayoko na malaman.. health ko lang po at health ng pamilya ko Lord. <3
2 notes View notes
danisnitch 1 year
Text
05/22/23 Memento Mori
Mag aalas-dos na nang hapon.
Alas tres pa ang umpisa ng shift ko sa trabaho pero nangangati na ako umupo sa workstation ko at umpisahang isa-isahin ang tambak ko na naman na gawain. Siyempre palihim na OT lamang ito at hindi bayad. Nagtatalo ang isip ko kung magtatrabaho na lamang ako o gamitin ang nititirang libreng oras para magnilay-nilay. Obviously, sinusubukan kong patayin ang oras ko sa pagsusulat.
Nakikinig ako kanina ng podcast tungkol sa pilisopiya at muli kong narinig ang konsepto ng "memento mori", paalalang lahat tayo papanaw. Ilang araw na rin kasi akong burned out sa trabaho, nilalamon ng anxiety sa pag-ibig, at iba pang mga desisyon ko sa buhay. Palagi kong kinukwestyon kung masaya pa ba ako sa ginagawa ko. Kung tama ba na nagpapadala ako sa dikta ng lipunan na habulin ang trabahong magbibigay ng mataas na sahod, bumili ng bahay, kotse, magtravel, mag-asawa, bumuo ng sariling pamilya, at eventually mamatay. Ito ba talaga ang gusto ko? Sino nga ba ang nagsabing iyong mga bagay lang na iyon ang pwedeng pangarapin ng tao?
Araw-araw ng buhay natin nauubos sa kung paano natin mapplease ang iba. Paano maging karapat-dapat sa tingin ng lipunan, maging maganda, matalino, maraming pera. Nabubuhay para maging katanggap-tangap. Mamamatay din naman tayo lahat.
Naisip ko lang, inuubos ko ang oras ko sa mga bagay na hindi naman ako gaanong masaya. Sinasayang ko ang buhay ko para sa pagtanggap ng mga tao na kapag namatay ako ay magluluksa lang siguro ng mga isa o tatlong linggo, at pagkaraan ng ilang buwan ay malilimutan na rin ako.
Bakit hindi nalang ako mabuhay nang ayon sa nga bagay o gawain na magpaparamdam sa akin na ako'y buh谩y? Kung ako tatanungin, gusto ko mag-aral ulit. Kumuha ng mga kursong may kinalaman sa pilosopiya, kasaysayan, o pulitika. Gusto ko rin magturo. Alam ko wala masyado pera doon, pero at least alam ko may naibibigay ako. Gusto ko maging parte ng isang komunidad. Maaaring volunteer group na dumadayo sa pinakaliblib na kabundukan para turuan ang mga kabataan doon, magbasa, magsulat, at magisip para sa sarili nila.
Ayoko maging empleyado habang buhay. Natatakot din ako sa konsepto ng pag-aasawa at pagpapamilya. Parang hindi ko kayang makulong sa ganoong klase ng pamumuhay hanggang sa mamatay. Gusto ko maging malaya sa mga desisyon ko nang hindi iisipin ang sasabihin ng iba. Gusto ko magawa ang mga bagay na ito kahit na wala ako masyado pribilehiyo o pera. Ayoko makulong sa konsepto ng walang hanggang paghahanap sa kung ano ang wala o kulang, o pagkukumpara sa lahat ng kaedaran ko sa kung sino ang mas matagumpay base sa tansya ng lipunan.
Gusto ko lang din sana mas maging matapang.
4 notes View notes
kimhortons 2 years
Text
Thought Dump #014
kanina ko pa gusto mag post, nung pagkakita ko palang sa twitter nung thread haha. kaso tambak pa trabaho ko so pinigilan ko muna鈥攕o ayun na nga mga mars! talaga nga namang "time is the ultimate truth teller" haha. kinginang mga cheater yan. haha. di ko alam bakit affected ako pero my JaDine heart is crushed! haha.
pero mas gigil talaga ako sa mga babaeng lowkey maharot e. haha. kahit pa sabihin mo na hindi ka 3rd party kasi di naman naging kayo nung sila pa nung jowa ng may jowa haha. vebs, you're already in the picture nag aabang ka lang. ganon haha.
wala lang, gigil talaga kami ng mga college friends ko. kasi nga yung isang friend namin, nag break sila nung 11-year jowa niya na classmate din namin nung college. tapos ngayon, unti unti na narereveal, na yung girl na pinag seselosan ng friend namin yung bagong girlfriend nun ngayon haha. ang nakaka inis pa dun, hindi man lang siya umamin na may iba na, hinayaan niya pang naka hang sa ere yung friend namin tsaka hinintay na i-break siya, para ano? ma-save ka sa kagaguhan mo? myghad! these bois na sad boi tapos sila rin naman pala yung may sala. ay ambot!
haha triggered na triggered? so it all boils down to my ex narin. kasi ganun na ganun rin yung eksena namin haha. kaibihan lang may iba pang issue na di ko sure kung mahirap o madali bang tanggapin, ewan ko sa iba pero for me mas okay na sana ako na ganun lang, kahit wala na yung cheating part tapos ang lupet pa sa friend niyo pa? para pala akong na triple kill non. haha.
pero alam niyo ba one time, naisip ko parin鈥攌ung hindi kami nag break, 8 years na sana kami haha charot. this sounds nanghihinayang pero noooo, thank you parin kasi mas naging okay naman yung lovelife ko ngayon.
so ayun, friday na naman. happy weekend! and happy pay day!!! haha. sarap talaga dito, laging advance at maaga ang sahod. panis na panis yung dati kong company haha.
sana hindi umulan bukas, para makapag gala kami ng maayos ni J sa Legazpi, kakain kami sa labas to celebrate din my birthday, as promised. tsaka magtitingin na talaga kami ng table at chair sana may mabili na mura.
inaasar ako ng kuya ni J kasi bigla daw akong nabubusog kapag nag aaway kami. haha. last week kasi nag away kami di kami nagkikibuan. kaya kung susunduin ko raw si J sa Legazpi, kumaen na raw ako bago umalis haha.
#td
12 notes View notes