Don't wanna be here? Send us removal request.
Text
05/05/24 Iyakin Kapag Pagod
Wala lang. Napasulat lang dito kasi gaya ng maraming araw na nakalipas, umiiyak na naman ako. Madalas 'to kapag pagod ako. Pero, hindi dahil sa pagod. Minsan lang kasi (or madalas), ramdam ko na hindi ako paborito ng universe. Nakalimutan na niya yata ako. Alam niya bang nageexist ako? Alam ba ni Dian Masalanta na kailangan ko rin naman ng pag-ibig na makabuluhan? Bakit ako bibigyan ng pag-ibig na isip-bata?
Dalawang taon ko na itong iniiyakan. Naka-apat na bundok na nga ako. Nakalipat na rin ng kompanya. Nakailang pagupit na ako ng buhok. Di ko na nabilang. At si Taylor Swift. Since Red TV, nakakalimang albums na siya! Tortured Poets Department era na, nakadalawang boyfriend na rin siya since Joe Alwin. Ako nandito pa rin!
Tatanggapin ko nalang muna siguro ang kapalaran ko. Malungkot. Kaya ko naman siguro. Sana sa next life, paborito na ako ni universe.
0 notes
Text
05/22/23 Memento Mori
Mag aalas-dos na nang hapon.
Alas tres pa ang umpisa ng shift ko sa trabaho pero nangangati na ako umupo sa workstation ko at umpisahang isa-isahin ang tambak ko na naman na gawain. Siyempre palihim na OT lamang ito at hindi bayad. Nagtatalo ang isip ko kung magtatrabaho na lamang ako o gamitin ang nititirang libreng oras para magnilay-nilay. Obviously, sinusubukan kong patayin ang oras ko sa pagsusulat.
Nakikinig ako kanina ng podcast tungkol sa pilisopiya at muli kong narinig ang konsepto ng "memento mori", paalalang lahat tayo papanaw. Ilang araw na rin kasi akong burned out sa trabaho, nilalamon ng anxiety sa pag-ibig, at iba pang mga desisyon ko sa buhay. Palagi kong kinukwestyon kung masaya pa ba ako sa ginagawa ko. Kung tama ba na nagpapadala ako sa dikta ng lipunan na habulin ang trabahong magbibigay ng mataas na sahod, bumili ng bahay, kotse, magtravel, mag-asawa, bumuo ng sariling pamilya, at eventually mamatay. Ito ba talaga ang gusto ko? Sino nga ba ang nagsabing iyong mga bagay lang na iyon ang pwedeng pangarapin ng tao?
Araw-araw ng buhay natin nauubos sa kung paano natin mapplease ang iba. Paano maging karapat-dapat sa tingin ng lipunan, maging maganda, matalino, maraming pera. Nabubuhay para maging katanggap-tangap. Mamamatay din naman tayo lahat.
Naisip ko lang, inuubos ko ang oras ko sa mga bagay na hindi naman ako gaanong masaya. Sinasayang ko ang buhay ko para sa pagtanggap ng mga tao na kapag namatay ako ay magluluksa lang siguro ng mga isa o tatlong linggo, at pagkaraan ng ilang buwan ay malilimutan na rin ako.
Bakit hindi nalang ako mabuhay nang ayon sa nga bagay o gawain na magpaparamdam sa akin na ako'y buh谩y? Kung ako tatanungin, gusto ko mag-aral ulit. Kumuha ng mga kursong may kinalaman sa pilosopiya, kasaysayan, o pulitika. Gusto ko rin magturo. Alam ko wala masyado pera doon, pero at least alam ko may naibibigay ako. Gusto ko maging parte ng isang komunidad. Maaaring volunteer group na dumadayo sa pinakaliblib na kabundukan para turuan ang mga kabataan doon, magbasa, magsulat, at magisip para sa sarili nila.
Ayoko maging empleyado habang buhay. Natatakot din ako sa konsepto ng pag-aasawa at pagpapamilya. Parang hindi ko kayang makulong sa ganoong klase ng pamumuhay hanggang sa mamatay. Gusto ko maging malaya sa mga desisyon ko nang hindi iisipin ang sasabihin ng iba. Gusto ko magawa ang mga bagay na ito kahit na wala ako masyado pribilehiyo o pera. Ayoko makulong sa konsepto ng walang hanggang paghahanap sa kung ano ang wala o kulang, o pagkukumpara sa lahat ng kaedaran ko sa kung sino ang mas matagumpay base sa tansya ng lipunan.
Gusto ko lang din sana mas maging matapang.
4 notes
路
View notes
Text
03/02/2023 Random thoughts
Hindi kaya, kaya ako nanghihina at nalulungkot nitong mga nakaraang araw ay dahil sa wala na akong ibinibigay na pagmamahal? Parang tila nawala na yung pag-ibig sa trabaho, sa pamilya, sa sarili. Balik sa dati. Humihinga pero animo'y patay. Nawawalan na naman nang silbi ang pag-iral.
0 notes
Text
10/28/22 The Art of Loving
Ayoko makulong sa laberinto ng paghahanap ng pag-ibig na nararapat para sa atin. Sa ideya na may mga klase ng pag-ibig na gusto natin matanggap, o ayaw natin tanggapin. Masyadong makasarili. Sabi ng social psychologist na si Erich Fromm, ang pag-ibig ay hindi pagtanggap, kundi pagbibigay.
Gusto ko lang maging malaya sa pagbibigay.聽 Yung tipong kaya natin magbigay ng naguumapaw na pagmamahal nang hindi tayo nauubos. Malayang makapagbigay ng pag-ibig sa kahit kanino nang hindi iniisip kung may natatanggap ba tayo na kahit katiting na pagpapahalaga pabalik. Sana kaya rin natin ibigay iyon sa ating mga sarili. Ngunit kahit anong laya o pag-ibig pa ang meron tayo, hindi iyon sasapat.
Dahil nga, hindi lahat handang tumanggap nito.
0 notes
Text
7/23/21 Malayo pa, malayo na rin
I am writing this journal using my work laptop, habang nakikinig sa Spotify with the song Go the Distance. Wala lang, namiss ko lang high school.
Namiss ko lang umupo sa school grounds, sa ilalim ng banayad na nasikat ng araw sa umaga. Namiss ko lang classmates ko. Namiss ko yung pagtambay namin sa gilid ng mga halaman, tapos magtatawanan, parang akala mo hindi maghihiwalay eventually kasi gagraduate na kami at iba-iba pa kami ng courses and universities. I miss my teachers. Ewan ko pero habang tumutugtog yung kanta, nakikita ko mukha ni ni Bb. Palac. Pero yung high school crush ko? Ewan ko di ko namimiss. Di ko na nga matandaan mukha niya.
Habang pinapakinggan ko yung kanta, naalala ko yung pag-iyak ko nung graduation. Hindi dahil di ko na sila makakasama, kundi dahil sobrang inspired ko lang. Iniisip ko, malayo kaya talaga mararating ko? After 5 years, 10 years, magiging proud na kaya sa akin sila mama?
Sa totoo lang kaya ako nagsusulat ng ganito kahit office hours ay dahil tinatamad na ako magtrabaho. Feeling ko ang unappreciated ng efforts ko. Hindi ako naggrow. Parang natrap ako sa corpo world na parang puro quarter life crisis lang hatid sa akin. Feeling ko compared sa mga batchmates ko, ako pinakatameme. Ewan, sa sahod? sa lovelife? sa glow-up?
And then while pinapakinggan ko yung kanta, feeling ko high school ulit ako. Narealize ko na compared dati, malayo na rin pala ako. I even graduated college. Yung first college graduate sa pamilya namin, UP graduate! Eto pala yung sinasabi nila: "Malayo pa, malayo na rin"
Wala lang, sulat ko lang dito kasi naiiyak ako.
Gusto ko na magweekend.
1 note
路
View note