#next time na lang ang iba
Explore tagged Tumblr posts
Text
Life Musings
Summary: May nagyaya sa aking lumabas. Sabi ko, i-chat na lang saan magkikita, pupunta na lang ako. Sabi nya, "No, I'll pick you up, I insist!" Rapunzel ka gurl? Buhay pa naman ako at hindi na-chop-chop.
Long story: Invited J (bff) out and got our nails done yesterday. Parang nahihiya pa sya at ang mahal daw. Pero andami na nyang panlilibre sa akin before! Tapos ngayon, andami nya pang payo. Buti na lang niyaya ko siya kasi aalis na pala sya sa BGC at babalik na sa bahay na binili nya sa Laguna, with family. May work daw syang nakuha na around 20 minutes away from home pag naka-bike. Goodbye city life. Halos lahat na yata ng friends ay nagsisilayuan na sa Metro Manila.
Tapos sinamahan nya akong hanapin ang mahiwagang karwahe. Sabi ni J, pipicturan daw nya ang plate number. Hahaha. Akala ko naman, magbobowling sa Timezone lang or magd-drive ng race car, kaso dinner daw pala sa malayong dako ang idea ni person. In reality, hindi natuloy ang dinner sa malayong dako dahil traffic at Sabado, pero masarap pa rin naman sa kinainan namin, may sharon pa ako. Nakakatawa nga kasi biglang nandoon din ang family ni person, sa lahat ng pwedeng puntahang lugar at that time, tapos nag-panic siya. Aba, hindi ako kayang panindigan? Char. Hindi raw kasi specific 'yung paalam niya. Haha. So nagmadali nang magbayad at lumipat ng venue. Napanood ko tuloy 'yung Deadpool.
Thoughts and feedback: Hindi ko alam anong nakita ng taong 'to sa 'kin, pero kahapon aba syempre, dapat presentable. Sabi ni J, huwag ko na raw pagupitan buhok ko kasi magmumukha raw akong high school, maganda naman daw ang medium length. Anyway, mukhang wala kaming masyadong common life experiences saka kahit hindi naman malayo edad namin (maaga lang akong natapos), may generation gap. Nagulat nga ako napag-usapan agad ang sahod e, apparently, 'yung sahod ko ay 4x ng sahod nya? So sabi ko, ako siguro dapat ang nagbayad. Nakaka-guilty, para akong scammer, nakikikain at nagbebenefit sa hard work ng iba. Sabi naman niya, "No, it's fine!" At deserve naman daw ang sahod dahil ang sipag ko raw.
Ang tanda ko na. Ngayon na lang ulit ako nakanood ng movie sa sinehan (wala naman akong ginawa kundi magwork, 'di ba) at ngayon na lang ulit naging passenger princess, nabuking pa tuloy saan ako umuuwi. Alangan namang sabihin ko, ibaba na lang ako along C5?
11 notes
·
View notes
Text
pagkakita ko nito, naisip ko regaluhan mom ko so I took a photo of it para hindi ko malimutan din yung pangalan. kasi may iba pang varieties don sa Landers pero ito ung nag caught ng attention ko
she could grow plants well and based sa nabasa ko na hindi naman hard to maintain ang chrysanthemum.
pero hindi ako sure kung:
a. inform ko ba sya muna before making the purchase?? just to make sure na bet nya yung flowers na ito (pero feeling ko bet nya ehhh)
b. kelan ko bibigay sa kanya?? mother's day or bday kasi sana nya ang best time kaso sa May pa yun. if Christmas, December pa huhu. eh atat na akong ibigay. tas naalala ko anniv nila ng dad ko next month. okay lang ba na bigyan ko sya ng potted flower plant on their anniv?? HAHAHA
c. pero cute din dba mag bigay ng gift/something to our moms kahit walang specific occasion?? should i do it??
*this song suddenly plays sa utak ko while typing this.
35 notes
·
View notes
Text
so ayun, labas ko lang 'to. another work stuff rant.
dahil nai-stress nga ako sa mga katrabaho ko, mas nakaka drain makipag plastikan araw araw haha. nakaka pagod makisama. kaya recently, lunch time nalang talaga nila ako nakakausap. kahit work related conversations, hindi ako nakikisali. lalo pag nag tatanong sila about sa process, lagi kong pinapasa kay zha, since siya rin naman ang last call at mas susundin nila—kasi tl.
naiinis kasi ako pag nag tatanong sakin tas mag tatanong pa ulit kay zha, tapos same lang naman sa sinabi ko, parang hindi tuloy credible yung sagot ko. bitch na kung bitch pero kung duda ka sa process ko, bat ka pa saken mag tatanong diba. kaya sinasabihan ko sila pag hindi sila sure anong gagawin, kay zha or sa onshore nalang sila magtanong. lahat naman ng diskarte ko, sunod lang sa onshore e.
tas pag may bagong process, hindi pala shinishare agad nitong zha, nag aassume nalang siya na alam ko since sabay lang kami na almost 2 years na. though sa isang onshore team niya lang naman na may ibang diskarte rin tinatanong. wala man lang initiative na i-confirm kung tama ba yung ganito or ganung process bago i-relay dito sa team niya. gara din kasi paiba iba din ng process yung onshore teammates namin na parang hindi rin nag uusap usap dun. paano, may group chat pero panay pm kaya nag iiba iba tuloy ng diskarte.
nung one time tuloy, nagka error yung isang kateam namin, kasi yun daw ang sabi ng tl niyang si zha. haha. e pagkaka tanda ko, sinabi naman sa group chat yung tamang process nun, ewan ko saan nakuha ni zha na yun ang gawin nila. haha nagkakaron tuloy ng discrepancies. napa i told you so nalang tuloy ako, next time kako wag sakin mag tanong, tutal duda naman siya. haha. bitchesa amp. but in a good way and right tone. hehe
i dunno, nasanay kasi ako sa dati kong work na may sistema, so kapag may tinatrain ako, alam kong credible yung mga tinuturo kong process. iba man diskarte ko, mas may pride akong nakukuha na itong taong 'to natuto 'to sakin, macommend man siya, may part ako na masaya ako kasi ako nagturo sakanya. tulad nung last year, si jessa yung dating kateam namin, nacommend ng CEO namin nun kasi December bago pa siya tapos siya lang naiwan na nag duty, flawless daw yung work niya. sinabi niya magaling daw kasi yung nag turo sakanya. hehe. ako nag turo ng process nun kay jessa, hindi pa tl si zha.
ito yung mga panahon ako lagi ang ina-assign ng OM namin sa lahat. though hindi naman ako nag expect mapromote, it felt like personal nung si zha yung nirecommend niya at hindi ako. forever ko ata 'tong dadalhin kasi paulit ulit ko nalang 'to kinukwento. i know i'm capable of something, sometimes i just need that push. pero na push aside ako lol haha.
kaya nawalan talaga ako ng gana, nawalan ako ng motivation galingan. dati bida bida pa ko e haha. ngayon bahala kayo jan, basta ako gagawin ko kung ano lang task ko. sawa na nga kako ako sa ginagawa ko, nag iisip na nga ako pano makakawala sa client na 'to. it's either sadyain ko magkaron ng error or mag resign ako sa company mismo at mag reapply. walang magandang choice actually, kasi ayaw ko na naman umalis sa comfort zone ko na hindi naman comfort ang nabibigay saken. haha. but i know it will come. hindi palang talaga muna ngayon.
i'm just staying lowkey nalang doing the bare minimum. hehe.
20 notes
·
View notes
Text
GETAWAY CAR
pairings. park jisung x female reader x ex-boyfriend jaemin
genre. mature content, angst | requested!
content. fast paced, implied cheating (sa exam!), best friend haechan, very short car sex part
playlist. migraine by moonstar88, kisapmata by rivermaya, beer by itchyworms, hayaan by cup of joe, rebound by silent sanctuary, getaway car by taylor swift, sana by i belong to the zoo
author’s note. not proofread, pag pasensyahan niyo na if may typos and grammatical errors dahil tinamad na ko :') enjoy reading and feel free to send me feedbacks! 🩷
“badtrip, monday na monday nagpasurprise long quiz prof namin,” rant sayo ni haechan habang kumakain ng inorder nitong tapsilog.
nasa katabing cafeteria ng campus niyo kayo ngayon ng kaibigan mo dahil kakatapos lang ng klase mo at sakto namang nag aya si haechan kumain sa labas ng campus dahil free cut naman daw niya. ayaw daw niyang kumain sa canteen ng university niyo dahil bukod sa hindi na masarap ay mahal pa. wala ka ng next class, pero napag usapan niyo ni jisung na kakain kayo sa labas bilang bayad niya sayo sa pagtulong mo sa kaniya mag review last week kaya hindi ka pa umuuwi.
“hulaan mo kung nakailan ako,” natatawa pa nitong sabi sayo.
“half?” hula mo naman.
umiling si haechan, “twenty two over fifty.”
“gago kasi ni jeno, nag usap kaming mag kokopyahan kami tapos nung magsasagot na tinakpan papel niya, tarantado,” dagdag nito, napapailing pa.
“speaking of the devil, ayan oh,” turo mo sa parating na si jeno.
tumayo naman si haechan para hampasin ito, “pakyu, boi, taksil ka.”
“nakailan ka, jen?” baling mo sa isa.
“thirty nine over fifty,” nakangisi nitong sagot sayo, “nakikinig kasi ako, hindi kagaya ng iba dyan,” parinig nito kay haechan.
“madapa ka sana,” bulong ni haechan.
“uy, gago, nakalimutan ko tuloy yung sasabihin ko,” kalabit nito kay haechan, “nagpunta ko dito para sunduin ka, nasa room na si sir!”
“akala ko ba free cut?!”
“hindi daw! tara na,” hinila ni jeno si haechan palabas ng cafeteria, “una na kami, y/n!”
napailing ka na lang sa kagaguhan ng dalawa at saka akmang aalis na rin sana ng cafeteria nang tumunog ang cellphone mo. it was jisung who texted, tinatanong kung tapos na ang klase mo. imbis na mag reply ay pinindot mo na lang ang call button.
“hi,” halata sa tono ng boses ng binata na nakangiti ito sa likod ng telepono.
“nandito ako sa cafeteria sa tabi ng campus, kakatapos lang ng class ko, sinamahan ko lang si hyuck kumain,” sagot mo.
“patapos na rin klase ko,” aniya, “nag paalam lang ako mag cr saglit para masagot tawag mo.”
natawa ka naman, “sorry, akala ko tapos na klase mo. sige na, bumalik ka na muna, itext mo na lang ako pagkatapos, intayin kita.”
mukhang pinaglalaruan ka ng tadhana dahil nang palabas ka na ng cafeteria ay nakasalubong mo si jaemin kasama ang mga kaibigan niyang sila yangyang. nag dalawang isip ka pa nung una kung babatiin mo ang mga ito, pero naunahan ka ni yangyang, “y/n! bakit mag isa ka? nasaan sila hyuck?” tanong nito at saka ka niyakap.
“kakaalis lang, sinundo ni jen— bigla daw dumating prof nila,” sagot mo.
tipid na ngiti at tango lamang ang ibinigay sayo ni jaemin, mukhang na a-awkwardan rin sa sitwasyon, though madalas naman kayong magkita around the campus ay awkward at mahirap pa rin para sayo. mahirap naman kasi talagang mag kunwari na parang wala lang nangyari sainyong dalawa dahil ilang taon rin yon. mahirap kalimutan yon nang ganun-ganun lang.
bigla kang nanghina pagkatapos ng interaction na yon, sa tuwing makikita mo siya pakiramdam mo bumagsak ang langit at lupa sayo. imbis na bumalik sa campus para intayin si jisung ay napag desisyunan mong umuwi na lang. you feel like crying and so you did.
“it’s okay to cry, angel, crying doesn’t mean you’re weak,” palaging paalala sayo ni jaemin noon.
naalala mo pa ay sinabi niya sayo iyon noong namatay ang alaga mong aso na siya ang nagbigay. sobrang lungkot mo that time kaya niyakap ka niya, at doon pa lang tumulo ang mga luha mong kanina mo pa pinipigilan.
“i will cry with you.”
but not anymore.
after hours of crying in your room, saka mo lang naalala si jisung. nawala na sa isip mong kailangan mo siyang imessage para sabihing nauna ka nang umuwi at mag sorry.
ji, sorry umuwi na ko, bigla kasing sumama pakiramdam ko :(
sent at 6:02pm
it took three minutes for jisung before texting back.
no, it’s okay, kumusta na pakiramdam mo? uminom ka na ba ng gamot? dalhan ba kita? you should’ve told me na masama pakiramdam mo para hindi na kita pinag intay
you’re very glad to have someone like jisung that’s why you treasure him so much. sobrang swerte mo magkaroon ng kaibigang kagaya niya sa tabi mo every time na kailangan mo siya and you’re very aware of that. hinding hindi mo gugustuhing mawala siya sayo.
i’m good na! i took a nap as soon as i got home, so medyo okay na rin ako. thank you, ji! bawi ako sayo :')
sent at 6:08pm
days has passed quickly. december na at isang linggo na lang ay christmas eve na. you and your friends decided to go to tagaytay for a three day vacation bago mag pasko since you and your friends will be spending christmas with your family and relatives.
sa kabilang banda, napag desisyunan na ni jisung na umamin sayo sa huling araw ng bakasyon niyo sa tagaytay. it took him years bago nabuo ang desisyon niya and this time he’s very sure of it. he’s willing to take the risk if it’s you.
you have no idea na alam ng mga kaibigan mo na gusto ka ni jisung, not until the confession happened. to be honest, you didn’t know what to feel. you’re happy to know that he likes you, but half of you knows na hindi ka pa fully moved on from jaemin. and haechan knows it, he’s your best friend after all.
“please lang, y/n... matalino ka, gamitin mo ang utak mo,” haechan was very frustrated because of the news, “masasaktan mo lang si jisung, magkakasakitan lang kayong dalawa,” napahilamos na lang ito ng mukha sa stress.
after months of you and jisung’s set up, naisipan mo nang ikwento ito kay haechan. nalaman nito na may nangyayari sa inyong dalawa ni jisung as friends kahit alam ni jisung na hindi ka pa nakakamove on ay pumayag ito sa set up. well... you both enjoyed each other’s company.
“haah... malapit na ko, ji...” ungol mo habang hingal na hingal sa pagbaba at taas sa ibabaw ni jisung.
nasa kotse kayo ni jisung ngayon, ihahatid ka lang sana niya pauwi sa inyo galing sa campus. hindi mo rin alam kung paano kayo nauwi sa ganitong sitwasyon. one second, you were sitting on the passenger seat and the next, you were bouncing on top of him.
“fuck, you feel so good, angel... so tight around me...” he groaned while holding your hip to help you bounce on his cock.
“matulog ka na muna at pag isipan mo yung mga sinabi ko sayo,” paalam sayo ni haechan.
you did. pinag isipan mo ang mga payo sayo ni haechan. ang totoo niyan ay alam mo naman sa sarili mong mali ang ginagawa mo, pero hindi mo alam ang gagawin. siguro nga ay dahil sa ginawa mo ng distraction si jisung para lang masabing nakamove on ka na kay jaemin.
sa dalawang linggong nakalipas ay hindi mo nireplyan ang mga messages sayo ni jisung. hindi mo alam ang gagawin kaya naisipan mong mas mabuti kung iwasan mo na lang muna si jisung habang nag iisip ka. today is jisung’s birthday at ni-bati sa text o call ay hindi mo ginawa. in fact, may birthday party na magaganap si jisung ngayong gabi at pilit kang inaaya nila jeno na pumunta.
nang dumalaw ang hating gabi ay may nangyaring hindi mo inaasahan. kumakatok lang naman si jaemin sa bahay niyo, at lasing na lasing. tawag ito nang tawag sa pangalan mo kaya ginising ka ng mama mo para pagbuksan ng pinto ang binata.
“j-jaemin... anong ginagawa mo dito?” gulat na tanong mo sa binata.
“y/n... miss na miss na kita... alam mo ba yon?” jaemin murmured, lasing na lasing na ito at hindi na makatayo nang diretso kaya inalalayan mo.
nangilid ang mga luha sa mata mo nang marinig ang mga salitang iyon galing sa bibig ni jaemin, “lasing ka lang, umuwi ka na sa inyo, jaemin.”
mapait na tumawa si jaemin, “jaemin? you used to call me ‘love’...” he whispered.
tumango ka, “yes, used to...” you whispered back.
kahinaan mo si jaemin at alam mo yon. simula nang maghiwalay kayo marinig mo lang ang ngalan niya nanghihina ka na. pakiramdam mo tuwing mababanggit si jaemin naririnig mong nababasag ang puso mo.
“hindi ako makatulog nang hindi ka iniisip... naaalala kita sa lahat ng bagay...” panimula nito, “sorry kung... sorry kung sumuko ako, nasaktan lang rin naman ako. nagkakasakitan lang tayo.”
“you were the best thing that ever happened to me and i hope you know that. alam kong wala na tayong pagasa... alam kong hindi na natin kayang buuin pa nang paulit ulit ang matagal nang nasira. sinubukan naman natin,” dagdag nito habang pilit pinipigilang umiyak sa harap ng dalaga, “nandito ako dahil gusto ko lang na marinig mula sayo. para rin makausad na tayo peraho kahit paano. kasi hindi ko kayang nakikita na nahihirapan ka nang dahil sa akin...”
nakayuko ka lang at patuloy sa paghikbi habang pinakikinggan si jaemin.
muli kang tumango, “tama na, jaemin.”
mas lalo lamang lumakas ang hikbi mo nang sabihin mo ang mga salitang yon. biglang nag flashback sa utak mo yung limang taon na kasama mo siya.
“pwede ba kitang yakapin? kahit sa huling pagkakataon.” tanong ng binata.
imbis na sumagot ay tumakbo ka palapit kay jaemin at saka ito niyakap nang mahigpit. agad ka namang niyakap pabalik ni jaemin. mas lalo kang nanghina nang marinig itong umiyak sa balikat mo. naging triple ang sakit na nararamdaman mo... dahil ang unang beses na umiyak si jaemin sayo ay noong sinagot mo siya. ibang iba ang dahilan ng pagtangis niya ngayon. damang dama mo ang sakit sa hikbi ng binata.
habang si jisung, ibang ideya ang nakuha. nakaupo ito sa loob ng sasakyan niya sa malayo habang pinapanood kayong dalawa. simula pa lang naman ng laban alam na ni jisung na si jaemin pa rin.
dahil si jaemin naman talaga. it was him even from the very start at wala siyang laban.
habang pinapanood kayo ni jisung, ang hindi niya alam ay may nanonood rin sa kaniyang umiyak.
haechan is crying with him.
click here for bonus part!
#park jisung fic#nct dream fic#park jisung imagine#nct dream imagine#park jisung angst#nct dream angst#park jisung smut#nct dream smut#na jaemin fic#na jaemin angst#na jaemin imagine
94 notes
·
View notes
Text
Envisioning my future hehe
As I look ahead seven years into the future, I imagine a life shaped by the experiences and aspirations that drive me today. At 25, I envision myself as a successful CPA, having made significant strides in my career. I see myself working in a dynamic environment, perhaps in a leadership role, where I can apply my expertise to solve complex financial challenges and contribute to meaningful projects. By this time I hope to have achieved a balance between my professional and personal life. I envision myself thriving in a role that not only challenges me but also allows me to make a positive impact on the businesses and individuals I work with. In terms of home life, I imagine creating a space that reflects both comfort and creativity. As someone who values indoor time, I envision a cozy, welcoming home where I can unwind and enjoy my favorite activities. My goal for the next 7 years is to build a life that aligns with my values and dreams, creating a future where I can thrive both personally and professionally. Bye yun lang hehe ang iba ay bahala na si batman :))
6 notes
·
View notes
Text
I am holding it all together since yesterday- juggling work and meetings in between. I don't know anymore. It's a bit unfair and sad that I can't get tickets when I now have the means.
At this point, I'd rather pay for a membership (something like WeVerse) just to secure tickets during membership pre-sale and get that membership perks.
LiveNationPH membership is useless when everyone is free to sign up. That UnionBank pre-sale? Bulok. Bukod sa mga scalpers, may under the table pa ang LiveNationPH.
Kumpletuhin natin name ng organizer na ito. Grabe. Ang sahol. I cannot stay in stan tweet without getting angry at the tweets I'm seeing. People lined up on-site, queued online. 6 tickets lang ang pwede i purchase (isa pang problem to. Limited lang dapat per person.) pero may nakita ako na nakapag check out ng 10 tickets. Sa 4 tickets per person nga nadadamihan na.
I have 3 tabs opened still in 45k queue number. Baka midnight na ako makapasok sa site. Siguro dapat iannounce nalang ng LiveNationPH na sold out na, hindi yung naghihintay kami sa wala.
Anyway. I am really hoping for a Day 2. Pero if wala, siguro mag team labas nalang ako.
Also, I am hoping na the next time 2NE1 go here, they choose an organizer na hindi ganito kasahol. I have experiences with Wilbros and Pulp palang. Pero ito yung pinaka worse. Sila din ba nag handle ng Day6 and Guts ni Olivia? 😂 Ah. What a shitty organizer.
Tickets are being sold thrice the original price (they are selling the GenAd na 3k lang, to 10k). LiveNationPH allowed this. I hope, all artists (not just K-pop acts) skip this organizer. Sa iba nalang. Dumagdag pa yung SM Tickets na bulok ang website.
3 notes
·
View notes
Text
Ipapako nalang sa krus si ppjiss di pa ako nakapag kwento eto na nga guys, HAHAHAHAHAHA.
MARCH 7 - Shet sobrang pagod ko dito ko may pasok pa ako kasi 7pm out ko tas syempre bilang lowkey excited kahit pagod hindi naman ako nakatulog 12 midnighr prep na kami then 1:30AM dumating kami ng airport tas apakahabang hintayan pa 7am pa kami nakalapag ang hassle tanda ko dyan ako nagbreak out kung kelan magbabakasyon pero oks lang minsan lang magbakasyon lets go.
MARCH 8 (Morning) - Mga 10am kami nakarating ng Capiz then lunch tas meet and greet woth cousins wow as a main character HAHAHAHAHA ayon, nakaidlip naman ako tas nung hapon nag -batchoy hunting kami alam nyo sa 3 days ko Capiz naka 7 bowls ako (syempre iba ibang araw) alam nyo favorite ko talaga sabaw kala ko naman unli sabaw dito tulad ng pares dito samen so sabi ko pa-refill nag usap sila in hiligaynon and it goes like this wow (nakakaintindi ako guys kaso words lang kaya kong banggitin haha or phrases ganyan)
Pinsan ko: Ate magkano pa refill ng sabaw loko tong pinsan ko inubos nya lang yung sabaw eh
Tindera: Nagbabakasyon sya dito?
Pinsan: Oo akala nya daw kasi unli yung sabaw
Tindera; Tumawa sige ibigay ko nalang muna ng free.
Me: Salamat po!
Tindera: Nakakaintindi ka?
Me: Opo hindi lang ako marunong po magsalita hehe.
Tindera: Ah okay next time pagbalik mo may bayad na to ha?
tas sabi nung pinsan ko magpapabreast feed kaba? tumawa nalang kame lahat HAHAHAHAHAHAHA kahit apakainet sabaw yung parang kape ko then nag color game ako nyan kinagabihan kase disperas palang naman ng fiesta non nanalo ako 450 then biglang sibat pinang inom nalang namin ng mga pinsan ko then kinagabihan 7pm may luto na yung auntie ko para bukas tas may freedrinks kaso tanduay kasama yung mga tito ko buti nalang kamo graduate nako sa redhorse at nakapagpractice nako ng matagal mag alfonso tubig guys pang championship yung tagayan dito kalahating baso 8:30pm umuwi na kami tas buti nakapagpahinga ako nakapag gin pa kami 2 tas 2 mojito ng mga pinsan ko siguro mga 11pm narin kami natapos sleep tight talaga ako buti nalang wala namang hangover kahit halo halo na ininom ko hahaha
10 notes
·
View notes
Text
Bus Journey - Tarlac City
🗓️ Sunday | January 14, 2024
Ito yung dahilan talaga kung bakit gusto ko bumyahe ng maaga tapos sasakay sa bus na open window. I just love the morning breeze. As I also mentioned previously, favorite transpo ko talaga ang bus.
Instead na magmukmok over the weekend, I decided to prepare my bag and just go kung saan man mapunta basta goal ko lang makasakay ng bus. As of now hanggang Tarlac lang muna tinatry ko as panimula but I'm planning na palayo ng palayo sa susunod.
Just having a quick search ng cafe sa Tarlac before leaving and I found this cozy place na pasok talaga sa taste ko.
📍Calle Cubeyertos
Fairlane Subdivision, 4011 4th St, Tarlac City, Tarlac
"You are now entering a stress free zone".
Tapos yung pinapatugtog pa nung time na yan:
It must have been love, but it's over now
It must have been good, but I lost it somehow
It must have been love, but it's over now
From the moment we touched, 'til the time had run out
Napapa-smile nalang ako sa ganda ng paligid pero nananadya talaga yung kanta. Hahahaha
I really love the ambience, with nature vibe, with antiques decor, napaka cozy, i found peace. I was able to talked to the owner and she's just an amazing woman like i don't want to end our convo and i hugged her when it's time say goodbye na. But I'll definitely go back here next weekend.
She was surprised na galing pa ako sa malayo na lugar and sobrang na appreciate nya kasi di pa daw talaga nya minamarket kasi the place and sila is not that ready pa. Parang pang family or friends lang daw muna sana pero syempre once it posted on social media at magustuhan ng mga tao, yun na yun.
Kasi she also asked me if paano ko daw nalaman yung lugar and since mag close ng 10am, mas maganda daw sana kung hapon ako pumunta (4pm-10pm) ulit sana mag open. So since may iba pa akong gagawin sa hapon kaya umaga ako nakapunta, i told her babalik ako next week at hapon na ako pupunta. Grabe laaaaang. Kaya di ko mapigilan yakapin syaaaa. "I'll expect you here again, punta ka ng hapon although medyo marami tao nun pero you can stay and bring your book and read", she added. Gooosssh myyyy heeeaaart 😭
The service, the vibe, the people, these makes me coming back talaga and ofcourse bonus na yung masarap din na food nila.
Sakto lang din na 10am close ng Calle Cubeyertos, open naman SM City Tarlac ng ganung oras and good thing 1 ride lang (tricycle - 30php) pero pwede rin lakarin.
Akala mo may passport eh pero ticket lang talaga yan ng The Beekeeper. Habang nag hihintay ng oras, nag ikot muna sa mall at may booksale tapos ayun siguro ito muna kailangan ko na libro ngayon. Hahahaha
Nung papasok na sa sinehan, para namang na bother si kuya na action papanoorin ko.
Him: Ayaw nyo po ng drama maam?
Me: Tapos na ako sa drama kuya. (drama sa buhay)
Him: Ah mag-isa ka lang pala kaya ayaw mo ng drama.
Kuya naman eh. Alam ko naman mag isa nalang talaga ako. Hahaha charot. Tapos yung ticket pala nila walang seat number agad unlike sa SM Clark. Buti nalang apat lang ata kami nanood kanina kaya kahit saan mo nalang talaga gusto umupo.
After manood, nag hintay nalang ako ng bus na may aircon since mainit na pauwi.
Now I should sleep na. 😴🥱
Thanks for today, self.
8 notes
·
View notes
Text
May kwento ako. Pero tungkol sa buhay ng iba.
Siguro dahil tumatanda na siya, or trip nya lang, busy sa dating site si F. Sa bagay, sabi din naman ng boss kong si Marie na papunta na sa middle age kung 100 years ang lifespan niya, naghahanap siya ng significant other. Anyway, sa ibang araw na si boss, kay F muna ang kwento today.
Last time, may ka-date daw siya, kaso, sex lang daw ang gusto, so huwag na.
Tapos one other time, may kausap sya, 1 week na, tapos nagkita sila. Ewan ko kung sinasabi ni F na taga-malayong isla siya talaga, pero nirerequire pa rin syang pumasok sa work paminsan-minsan, so nagkita sila ng kausap niya... sa SM North. Gumising pa raw sya nang maaga, nag-ayos, naglaan pa ng oras.
Kaso? Alam ko nang sketchy 'yang SM North e, bago pa nya ikwento na after mag-SM North, niyaya siya ng ka-date na pumunta sa somewhere malapit.
Nako. Alam ko na talagaaa. At 'yon, sinama siya sa "office" na may mga produkto. At ang date ay naging "business opportunity." At talagang cinorner pa siya na mag-sign up at bayad on the spot. Sabi na ni F, wala siyang cash na dala. Pero persistent itong si office person, they accept card daw. Ang sarap kotongan. Hahaha.
Sabi ni F, "Akala niya ha." Visa at mastercard lang 'yung tinatanggap ng terminal, so gumamit siya ng card na neither visa nor mastercard. Tapos kunwari raw worried pa na hala, ayaw mag-go through ng transaction. Kunwari, sad.
At doon na nagtatapos ang 1 week nilang business story ng ka-chat niya sa dating site. Sabi niya, may signs na nga raw. Kasi ang tawag sa kanya, "Ma'am." Mayroon daw bang nakikipagdate na Ma'am ang tawag sa ka-date?! Saka, sabi niya, ang kwento ni business person, panganay daw sa 11 na magkakapatid, may mga pinag-aaral pa, mukhang hindi naman daw mag-aasawa at this time.
Pero nasa dating site. Bakit? To meet friends daw, and a special someone (kung mayroon), ang sabi sa kanya. Meet friends mo ilong mo!!!
Ako 'yung naaawa kay F eh, ang tagal ng byahe niya para makarating dito, tapos naglaan pa ng oras para dun sa ka-meet bago pumasok sa work, pero bebentahan lang siya. 😭
Tinatanong niya ako kung legit daw ba 'yon kasi ang alam nya prescription dapat 'yung active ingredient, so bakit daw nabebenta sa MLM? Sabi ko, 'yung higher strength ang alam kong kailangan iprescribe, pwede na over the counter 'yung mahina, or suspetsa ko, minention lang naman 'yung ingredient para masabing legit pero baka 0.1% lang 'yun ng overall product.
Anyway, ang tiyaga din ni F, parang ang amicable nya until the end. Pero kung ako siya, baka nag-express na ako agad ng disappointment tapos hindi na ako sasama sa "office." Or siguro, dahil ikinukwento na lang niya, kaya alam ko na anong next kong reaction pero kung ako ang nandoon, on the spot, baka hindi naman ako confrontational.
Sabi niya, sana tinanong na lang daw siya sa umpisa pa lang kung open-minded daw ba siya. LOL.
9 notes
·
View notes
Text
sabi ng roommate ko (si Kar pa din to) next time daw na may itatapon syang gamit icoconsult muna nya sa akin.
*alam nya magiging reax ko kaya nga di nya sinabi sa akin na itatapon na nya. sinabi nalang nya, "nagtaka kaba wala na sa shoe rack ung Hush Puppies ko? tinapon ko na eh. yung nakalagay don sa plastic na pinakuha natin, kaya ko dinoble" and I was like ??? akala ko kasi inuwi lang muna nya sa kanila.
ganto kasi, she just bought a new office black shoes (CLN) coz nagustuhan nya style tas tinapon na nya yung one year palang niyang Hush Puppies na wala namang major sira. ngayon etong si CLN after 2 weeks ng gamit nafeel at nakita (nangitim toe nails) nya na di maganda fit sa paa nya. ayun binenta sa workmate namin. thing is, if di nya basta basta tinapon yung Hush Puppies edi sana meron syang magagamit ngayon habang di pa sya nakaka bili ng pamalit don sa pangit ang size. na suggest ko din naman sa kanya na okay yon na may another shoes kapag maulan kahinayang gamitin ung mas bago.
alam ko gamit niya yun and she has all the right kung ano gusto nya gawin; pero mej kaasar. if ayaw na kako nya, maayos pa naman eh sana sinabi sa akin pamimigay ko nalang sa mga pamangkin ko. *di ko type style (at di ko din size) but if I did di ako mahihiyang hingin yun para sa sarili ko. keber sa hand-me-downs talaga ako. tska DREAM SCHOOL SHOES KO YUNG HUSH PUPPIES na masyado talagang pricey for us.
This is the second time na ginawa nya yan, yung una was yung New Balance na tinapon nya after she bought AF1. inawitan ko sya non na isasama ko nalang sa ipapamigay sa pinsan ko. Nag okay sya but after a week sinabi nya na tinapon na nya kasi namumuti (suede material) at pudpod na. pero minimal sign of usage lang yun. nag okay nalang ako non sa knya and inimagine ko na super sira yung sapatos kaya nahiya na sya ipamigay.
sabi ko nga sa kanya netong huli, sana nilagay nya ng maayos yung shoes sa basurahan para if makita nung collector at tingin nya magagamit pa eh makukuha. hindi ung basta basta binasura.
sabi ko din na para sa mga taong walang wala ang laking bagay na may masuot na maayos na sapatos, given pa na may brand yung mga tinatapon nya at magtatagal pa yun if binigyan nya ng chance na magamit ng iba.
ayoko na nga lang masyado pagalitan kasi feeling ko more of impulse problem yon. na feeling nya nakaka sikip sa shoe rack or in a way nakaka sikip sa space na ginagalawan nya (nakikita man nya o hindi). feeling daw nya at peace sya kapag nakakapag bawas ng gamit since may bago syang binili.
huhu di ko alam kung masyado ba ako pa- "deprived thinking" mode o ano. pero yon na eenlighten naman sya.
26 notes
·
View notes
Text
five years.
on the 17th of February 2024, we celebrated our 5th year together. this was the first time na nag celebrate kami na ginastusan namin. thought we'd like to try something new, so nag book ako ng photo session sa isang self-shoot studio dito sa Legazpi.
may be something different sa photo booth like yung nasa Timezone na 1st year palang namin together, binalak na namin na hindi naman matuloy tuloy haha. then i got the idea when we had the experience last year with my bestfriend and her husband sa isang photo booth din non sa Trinoma. so why not try a photo session nalang din.
the experience was fun, kahit ang hirap picturan ni J kasi laging funny yung mukha niya at awkward yung smile niya—kailangan ko lagi siyang patawanin para makuha ko yung gusto kong smile niya. haha. actually, awkward narin ako mag pose, i'm not that confident enough narin para mag pose e haha ewan ko ba.
also, we had baby back ribs for our dinner date at Gringo. i find this really something special cos beside sa di nga kami nag cecelebrate masyado ng monthsary at anniversary, lagi lang din kami sa fast food kumakain. ito lang yung second time na gumastos kami ng libo para sa food namin. hehe. (medj kinikilig tuloy ako ngayon cos playing in the background ang Anchor by Novo Amor while typing this haha)
now i realized, na ang layo na pala talaga ng narating namin. dati nung LDR pa kami hindi kami nakakapag celebrate ng birthdays and anniversaries namin together, ang hirap kapag LDR diba. halos 2 years pa kami di nagkita nung pandemic. nito lang kami nakapag celebrate ng magkasama nung andito na ako.
ngayon, iba naman sa panunuod ng sine na usual na ginagawa namin tuwing monthsary or anniversary. hindi natuloy yung na-plan naming travel last year for this, so baka next year nalang. hehe.
dati lagi kong iniisip, ang tagal na namin pero never pa namin natry mag ganito, ganyan—nagtatampo pa ako kasi parang ang boring ng relationship namin. pero napagtanto ko, marami pa namang taon ang dadaan at pagsasamahan namin para itry lahat ng bago sa relasyon na 'to.
21 notes
·
View notes
Text
Day 2: Baguio City, Philippines
Yung weather parang babae, moody. Uulan-aaraw kaya masakit sa ulo, lalo na kapag di ka sanay. I went to Foam Coffee Legarda branch since that was the nearest coffee shop sa place na pinagstayan ko. Iba yung menu sa Session branch and sa Legarda Branch. Mas Japanese style sa Legarda and masarap yung cream brulee nila. Matcha Sakura Latte is also good.
At 11am, naglakad-lakad lang sa session. Nagtry din ako magpa-henna tattoo kahit alam kong bawal sakin. Hahaha. Pagkatapos ng henna session, we went to SM kasi makikipag date daw yung friend ko sa jowa niya (hirap maging third wheel). Humiwalay lang ako sa kanila nung bumili ako ng bookmark sa Fully booked (actually humiwalay ako kasi masakit na sila sa mata. Charing) then I bought myself a milk tea sa Coco syempre kasi deserved ko. Lol. After that, we went to Miniso and ang cute pa din talaga ng mga plushies. Sobrang tempted ako bumili pero syempre I need to fight my urges. Haha
After the SM thirdwheeling, I went to Victoria's syempre I need pasalubong para sa family then I saw this nail salon, "Onni Nails" sa may Cedar Peak. It is a MUST try nail salon. Ang cutie ng magnetic nails nila and ang babait ng mga nail tech nila. Todo suggests pa nga sila sakin ng mga bars and cafes na dapat ko daw i-try sa susunod na balik ko. Haha. Noted po lahat yun. 🤣✨
To wrap things up, okay naman yung stay ko this time sa Baguio. I hope next time, makagala pa ako sa mga places na di ko pa na-discover.
3 notes
·
View notes
Text
Ilang araw bago mag-pandemic. 14days pa lang sa training center. Ang dami nilang activities na naka-plano, naalala ko yung iba excited kasi Sakto May crew ship na malapit nun tapos hiring 🤭 wala na ko balita sa kanila kasi leap year din yun dati eh
Leap year day ulit 🤭
Kakauwi ko lang mga 10:30 kasi nag-attend ako ng meeting tapos diniscuss yung application ko. Sadly 3 lang yung kinuha kasi need nila ng media people eh so bale next week tignan ko ulit San akong ofis mapunta tho ayaw ko yung offer nila na mag develop kasi hindi ako confident sa coding ko tapos mukhang unli-revisions tsk tsk 😂
Yung ulam daw na nakatakip para sa bisita bukas 😭
Kaya ayan its pancit canton time 😂
Ayun lang,
Yung iba nakalimutan ko na hahah
Sige scroll down ka na
4 notes
·
View notes
Text
fallacies of lykkelig
In the spirit of the "dearly" departed and in the name of katangahang-isip.
Let this be a rundown of the tiny convos that are centered on debunking lyykelig vibes na medyo pabebe at 'di pabebe. Babala: Ang sumusunod ay pawang katanghang-isip lamang. Mag-ingat. Nakakamatay. Litmus paper test lang 'to ng storytelling mala-Plurk. :p Isama mo na rin r/aitah universe para pakkkakkk. Wala namang namatay kasi wala namang nakatawid sa tawiran... or baka naman... meron, meron, meron pero, akala lang wala.
A: Eto ang plano. Lilipad. Magpapakasal. 2 kids. B: Ayos. Ganda ng plano. Kaso 'di ako kasama sa pagpaplano. Wala man lang heads up. Talaga ba? Lilipad kang mag-isa. C: Paano ka ba i-keep? D: Ha? Hatdog. C: Hirap sa'yo ang sarap mong mahalin pero hindi ko alam paano ka i-keep? D: Keychain ba ako? Or bala ng Playstation? E: I'm okay with you. Just pretend that I'm a lesbian. F: Ay. Umuwi ka na kasi baka kung saang lupalop pa tayo mapadpad. Choopi. Alis. G: Kahit ayaw mo sa akin, gusto kita. H: E 'di problema mo 'yan. Lusutan mo. Parang kasalanan ko pa a. I: Niligawan naman kita pero ayaw mo pa rin sa akin. J: 'Di kita ayaw. Ayaw ko lang mag-end ang friendship natin. Mas okay ka ng bestfriend kasi sure na sure akong walang break up and shitshow ito. K: O check mo na eyeliner mo. Baka nag-bleed. L: Aywaw. 'Yan talaga ang takeaway mo noh? K: 'Di ba sabi mo gusto mo plakado pa rin eyeliner mo kahit naka hi-fi iyak mode ka? L: Uwi na ko. M: Seryoso ako. N: Ako hindi. O: Eto na tickets mo. P: Thanks. Next time ulit. O: Next time sana may VIP seats na ako sa'yo. P: Uh. Tickets lang pinaguusapan. Duh. Q: Naghihintay naman ako e. R: Wala kang inaantay. Pasensya na. Kahit 5 years pa. Hanap ka na lang ng iba. Seryoso. Minsan lang ako magsersyoso, kaya seryosohin mo rin 'tong sinasabi kong 'to. S: 'Di ba Cancer ka? Bakit parang 'di halata. T: Cancer kasi ako ng lipunan. Oks na? May palag pa? U: Takas ka kasi ng takas. V: O tapos? Tapos.
W: Sa'yo na muna gears ko. Bahala ka na kung kelan mo babalik. Basta mag-photowalk tayo every weekend. X: May rules talaga na kabog ang rule of thirds? 'Wag na lang. Rent na lang ako.
Y: Tumanda tayong 'di mag-isa. Z: Mamatay naman tayong lahat ng mag-isa, 'di ba? Y: Morbid mo naman. Z: Mula noon hanggang ngayon, you have been fully informed. So, ano? Ano na? A1: 'Di ba dream trip mo 'to? B2: Yes. Pero hindi ka kasama sa dream trip frame, so, ekis. Thank you na lang. God bless.
C2: Tara sa Japan! G. Ako bahala. D2: Ako bahala sa sarili ko. Thanks. Kahit ikahirap ko. E2: Nasaan na 'yung Harry Potter boxed set na hardbound? F2: In the box to the left. Saka nakabili na ako before mo pa ibigay 'yan. Uwi mo na lang. Sayang e. G2: Wow. Nag-stay ng umaga. H2: Good morning. Una na ako. Sarap tulog ko e. G2: Maaga pa. Stay ka muna. Breakfast ka muna. H2: Umaga na. Kaya dapat umuwi na. Also, IF. So pointless, pag-stay. Thanks. I2: Puwede naman akong houseband. J2: Talaga ba? Parang biggest fallacy 'yan of them all bilang putok na putok ang paganaps mo. 'Wag ako. I2: Try me. J2: Next topic. K2: Saan ba ako sa priority list mo? L2: Alam mo ang tali-talino mo, pero ang dami mong 'di alam. M1: Masipag akong magtrabahong bahay. N2: E ano naman? Kaya mo bang magluwal ng bata sa mundo? P1: 1 year na akong single. Q1: Serial monogamist ka pa rin, huy. Kaya 'wag kang palakpak tenga masyado. Deserve mong maging single blessedness muna bago mo na naman hatawin ang dating scene. P1: Gusto ko 'yung interesting. Q1: Gusto mo ba 'yung ilalagay mo sa petri dish? Baka specimen naman kasi hanap mo bilang 1 year ka ng matino kuno. 'Wag ako. O1: 9 dogs tapos nagpapaanak ng aso on my own. Present. Row 1. P1: Nagpaanak sa bahay on your own kasi 'di mo na nadala sa ospital. Attention to details. Ekis. Ooops. Triple Ekis ka diyan. Busy mo e. Mga Katangahang-isip na PL na hindi mo alam kung anong gustong ipamukha sa'yo... or baka naman, katangahang-isip nga e: -Maniwala Ka Sana -U Got Me Bad -More Than I Can Say -Through The Years -The Man Who Can't Be Moved -Minamahal Kita -It's Gonna Be Me -When I'm 64 -Bawat Daan -Paborito -Ipagpatawad Mo -Ewan -And more na 'wag na nating ilagay dito because... katanghang-isip nga 'di ba? Ako naman, ganito lang kasimple flow ko ever since. 'Pag oks: Brown Eyes 'Pag 'di oks: Survivor Wala akong in between. Amen to Santa Santita Beyonce 5evs. PS: May AI bang hindi wonky para sa proofreading ng contextual English at Tagalog with slang na 'di umaayaw? Seryosong tanong 'yan. UGH.
2 notes
·
View notes
Text
Madami akong natutunan sa experience na to. AS IN.
1. Don’t judge.
-hindi natin alam kung bakit naging ganon ang desisyon nung tao kaya lumobo ang loans (UNLESS SUGAL EKIS YAN SAKEN)
In my case, natakot ako sa overdue, sa bad record. Mas gusto ko pa magbayad ng malaking interes kesa magkaroon ako ng late record. BIGGEST MISTAKE EVER. Top katangahan pala yan. At the end of the day, mas nakakatakot pala if lahat ng pwedeng utangan inutangan mo tapos sabay sabay nag overdue SAKET BHIE :’(
2. It was a very bad cycle of: ayaw ko magkalate record, bayad na lang interes, hindi ako hihiram sa friends ko, pag may extra ako reward ko sarili ko. HAY. So hindi ako nakaahon sa loan dahil kada sahod reward, tapos ANG LAKI PA NUNG INTERES SHUTA. So ayun, lumobo ng lumobo. Umabot sa point na sobrang nakakadepress, ang ginawa kong strategy para di ako mamotivate nakafocus lang ako sa dues ko sa susunod na buwan ganon lang. Hindi ko tinitignan yung total, grabe ang laki na pala. Naawa ako sa sarili ko sa part na yan. Sino may kasalanan? Ako. Sino ang nagsuffer? Ako.
3. STOP THE BLEEDING. Pag narealize mo na na nababaon ka na, wag na pumikit! Wag matakot sa bad record, lalong wag matatakot sa mga nagtetext.
In my experience, Tala and BillEase ang very very fair. Cashalo okay but makulit, Shopee and Laz magmiss payment ka lang ban na agad sayang naman. Yung iba? Illegal na yon. Mga digido, juanhand etc, PAPATAYIN KA SA INTERES. I guess ito yung loan shark na tinatawag. Sobrang unfair talaga nila at wag mo na asahan na magiging fair sila dahil hindi sila regulated. Pag nandun ka sa point na walang wala ka na, wala na makain (been there) kakapit ka talaga sa patalim. Kung ganito rin lang? Mas okay pa mangutang sa tindahan. Nakakahiya man pero at least di ka madedepress sa interes at penalties nila sayo.
4. Forgive yourself. Pag nagising ka na, pagnilayan mo kung san ka nagkamali, bakit naging ganito yung mga desisyon mo, ano sana yung inayos mo. Forgive. Forgive. Forgive. Do better next time. Since tapos na phase na tinanggap natin ang pagkakamali, next part is solve the problem and STAY CONSISTENT. Mahaba itong part na to pero kumapit ka. Matatapos din to.
5. Unahin yung mga illegal hahaha nakakatawa pero oo unahin yun kasi malaki interes nila eh, also unreasonable sila. Makipag coordinate sa iba like tala and billease, if may loan sa bank or cc makipagcoordinate din. Kasi madalas nagooffer sila ng option. Wag sa collecting agencies, sa bank mismo. If possible na magrefinance, go. Make sure na pag nagrefinance sa mababang interes ha.
6. Pray. If di naniniwala sa ganyan, okay sige mag journal. Mahirap magshare ng ganito sa friend. Basta ilabas mo yan, pag hindi, high chance na madepress at mademotivate. Stay positive. Mind over matter. Tandaan na walang nakukulong sa utang. Bad record yes sure yan pero naaayos yan. Ang nakukulong lang sa estafa yung nagpapanggap na may business at naglikom ng pera from investors tsaka yung mga tumatalbok na cheke.
Kaya mo yan!!! 💪🏼💪🏼💪🏼
14 notes
·
View notes
Text
May 24, 2024
"Maybe we were meant to be a lesson to each other
But I wish you well, and I'm sorry"
-The Ones We Once Loved by Ben&Ben
Sabi nga nila, pwedeng ung taong nakilala mo ay dumaan lang talaga sa buhay mo to either to teach you a lesson, or to be a blessing.
It's been 9 years since I first met the person na naging parte ng buhay ko for a long time. He is one of those people na nandyan for me even on my worst days, in sickness, sa pagiging toyoin ko, at pati sa panahong akala ko di ko na kakayanin kasi nawala si Mommy. I'll admit na akala ko sapat na ung nandyan lang sya, akala ko okay na ung magkasundo kami, akala ko okay lang ung misunderstandings kasi normal naman un sa bawat relationship, pero ang daming dumadating na problems na hindi ko na alam kung pano ko lalagpasan mag-isa na dapat magkasama kami, magkaibang goals, and magkaibang beliefs. Kahit gano kami katagal, parang may kulang, at ung kulang na un, natagpuan sa Kanya.
As per Matthew 6:33 (NIV), "But seek first his kingdom and his righteousness, and all these things will be given to you as well."
After the breakup, I decided to seek God again, and come back to Him, which I can say is the best decision that I've ever made. It's not the usual comfort that your friends can give. Iba pag Siya ung kausap mo, kasama mo. For a long time, I felt lost, but He found me. He accepted who I am, even on my darkest days, and though I don't deserve it.
Naranasan ko ung pagbabago sa buhay ko nung tinanggap ko Siya. Ung mga problema na hinaharap ko mag-isa noon, ngayon kasama ko na Siya palagi. Sobrang daming blessings na hindi ko nakikita before, na ngayon hindi ko alam kung paano ko ipagpapasalamat lahat. Ung simpleng paggising sa umaga, ung makita mo lang ung mahal mo sa buhay, ung mga furbabies ko, ung mga bagong tao sa buhay ko na nakilala ko, my churchmates, my friends, all of them are blessings. And I can say that I am truly grateful to God.
Iyon siguro ung kulang sa min before. We are happy sometimes, then we argue, but we never seek His guidance. But I never regret meeting him. Madami akong natutunan sa relationship na un. Tama nga sila na minsan, hindi ung tao ung namimiss mo kundi ung memories. And I still pray the best for him, no hate. I'm happy that he is starting a better life without me. And I can say that I already let go of the past, and now focused on the present. My present life with God.
I learned to easily forgive the people around me too as I don't want to hold any grudge with them. Some may say that "Magalit ka naman, Why are you so forgiving?, Ang tanga mo naman Angelica". I know that they are concerned with me, but I admit na sometimes, I'm already being fed up with those lines. Pero kapag naiisip ko na kung si Lord nga, napatawad tayo na makasalan, so who am I not to forgive someone who once became a part of my life, who am I to judge them. If they repent, and correct their wrongdoings, who am I not to forgive them? And I know naman ung you can forgive but it doesn't mean that you are giving them the access to hurt you again. But I believe pa din sa kabutihan ng bawat tao, na hindi naman lahat sila ay sasaktan ka, at na hindi lahat ng nanakit sayo ay hindi magbabago.
So I'll leave this verse: Colossians 3:13 "Bear with each other and forgive one another if any of you has a grievance against someone. Forgive as the Lord forgave you."
As for now, I'll just wait kung anuman ung will Niya, and focus on my relationship with Him. I'll trust in the Lord with all my heart and lean not on my own understanding; in all ways I'll submit to him. So sa lahat ng pinagtagpo pero hindi tinadhana, may purpose bawat pain. Sa una mahirap tanggapin, but when you realize that greater things are waiting for you, you'll thank Him. Sa lahat ng taong nandyan for me, tinatama ako kapag naliligaw ako, hindi ako iniwan, always asking how I am, and laging pinapaalala sa kin na lahat isurrender sa Kanya lalo na pag sobrang bigat na, a big big thank you, next time na ung kape nyo 🙂 I can say now that what happened made me stronger, and I don't regret anything.
2 notes
·
View notes