onewordenglish
Yes, I'm still here.
12K posts
Hi my name is N. There is actually nothing special about N. It is just one of the letters in our alphabet. The 14th in a series. It represents nitrogen in the elements, power in math, noun in english, neutron in physics, north in the compass and onewordenglish on tumblr.
Don't wanna be here? Send us removal request.
onewordenglish · 19 days ago
Text
Ang dali mong makalimot, sana di nalang tayo umabot dito.
3 notes · View notes
onewordenglish · 20 days ago
Text
Karamihan sa friends ko ngayon mga problemado, medyo matagal na din. Paisa isang nakakapag open sakin ng mga problema nila, kahit na nung mga time na yon ay may problema din naman ako. Ayoko lang magsabi kasi mas gusto kong sarilinin nalang. Magaling naman ako magtago.
Pero lately kasi, sobrang bigat na netong dinadala ko and hindi ko na kaya pang makinig sa problema ng iba. I felt bad din naman na kapag feeling ko may problema tas hindi ko matanong ng "bakit, ano problema?" o "okay ka lang ba?" wala pa akong lakas na magtanong ng mga ganyan. Kasi sa ngayon nalulunod pa ako sa sarili kong problema.
Sabi ng iba, makinig ka daw sa ibang problema, mas gagaan daw pakiramdam ko kapag yung problema na pinakinggan mo ay mas malaki kesa sa problema mo. Para sakin, hindi eh. Hindi naman mas malaki problema nya ay maiinvalidate na yung sayo.
Basta alam ko, lilipas din naman ang mga yan. Sa ngayon ramdamin mo lang. Magigising ka nalang one day, hindi mo na yun nararamdaman. Kasi namanhid kana sa sakit, char!
0 notes
onewordenglish · 21 days ago
Text
I posted this April last year, finally okay na din ako nyan after ng mahabang panahon na kalungkutan, nakawala din ako sakanya. Nakaramdam din ng ginhawa at saya.
April this year, nasa same sitwasyon na naman ako, sa parehong tao. Hahaha ewan natatawa nalang din ako sa mga desisyon ko sa buhay.
tinatanong ko sarili ko kung okay na ba talaga ako, feeling ko okay naman. no more sleepless nights yung tipong napupuyat nalang talaga ako kakanood sa netflix or tambay sa tumblr or twitter. no more panic and anxiety attacks. natutulog at gumigising ako na okay na ang pakiramdam ko, wala na kong iniisip na kung ano.
ang sarap ng feeling. hindi ko inexpect na matatapos din pala. akala ko wala na talagang katapusan eh.
Lord, thank you nalampasan ko lahat.
8 notes · View notes
onewordenglish · 21 days ago
Text
More than 10 years na ako dito sa tumblr, mas matagal akong inactive kesa sa active. Bumabalik balik lang ako dito kasi wala lang, o minsan gusto ko lang icheck kung kilala ko paba yung mga nasa dash, o active pa din ba yung dati kong friends dito.
Pero madalas, ang nangyayari bumabalik lang talaga ako dito kapag malungkot ako, kapag broken, kapag wala makausap. Ang sarap kasi magkwento dito. May mga bagay kasi na mas kumportable ako na dito ko nalang ikwento kesa sa mga tao sa paligid ko.
Sayang no, kasi sa tuwing masaya ako, hindi ako makapag post dito, kasi siguro, masaya ako eh, may tao akong napapagsabihan ng mga kwento ko. Ang sarap siguro ibackread kung naikwento ko lahat dito yung masasayang nangyari sa buhay ko.
Takbuhan ko nalang tong tumblr sa tuwing malungkot ako.
42 notes · View notes
onewordenglish · 24 days ago
Text
Tumblr media
Tawang tawa ako dito, sinend ko kasi sa idol ko yung yung pic ko na nakakumot na may pictures nya.
6 years na akong fan ng banda nya at hindi pa din ako nagsasawa manood at sumuporta sakanila. Iba kasi sila, hindi lang fans ang turing nila samin.
Iba din yung comfort na nabibigay nya sakin lalo na ngayon na hindi ako okay.
Last time na umattend kami ng vinyl launch nila, etong mga friends ko lagi ako inaasar na iiyak na ako, sabi nya "bakit ka iiyak, wag ka umiyak" eh naglolokohan lang naman sila tas ako patawa tawa lang. After nung launch, niyakap nya ako, tas naglakad kami na magkahawak sa bewang, tas sabi nya sakin "may mga nangyayari talaga sa buhay natin na hindi natin makocontrol, basta N tandaan mo lang lagi na choose to be happy" NV yan basta may iba pero yan lang natandaan ko. Nacomfort ako.
Pati nung isang araw na nagkita kami, may hug pa din tapos hinahagod hagod ang likod ko, kahit wala sya sinasabi ramdam ko yung comfort talaga.
6 notes · View notes
onewordenglish · 26 days ago
Text
I can't fall in love again with someone I know I'm going to lose.
5 notes · View notes
onewordenglish · 28 days ago
Text
Lord, ikaw na po bahala. Hindi ko na alam ang gagawin.
8 notes · View notes
onewordenglish · 1 month ago
Text
I didn't lose you; you lost me.
2 notes · View notes
onewordenglish · 1 month ago
Text
Kung inamin nya lang noon pa, hindi sana ganito.
It makes sense now, lahat ng nangyari ay dahil dun. Tama ako ng hinala umpisa palang. Tama ako ng naisip. Sabi na eh. Time is the ultimate truth-teller talaga. Kaso ang tagal bago umamin. Kahit anong depensa nya, kahit anong tanggi, hindi ako naniwala kasi kilala ko sya. Alam na alam ko.
6 notes · View notes
onewordenglish · 3 months ago
Text
hanggang kelan kaya ako mangagati? hahaha kainis. bigla nalang ako nagkaaallergy sa di ko alam kung saan. madalas madaling araw pero lately anytime na at ngayon pati na din sa mukha. usually kasi sa leeg, batok at legs lang or sa katawan. ngayon kumalat na talaga. ang tagal pa tumalab ng anti histamine 😶
2 notes · View notes
onewordenglish · 3 months ago
Text
Wag mo akong paaasahin. Pagod na akong maging iyakin.
16 notes · View notes
onewordenglish · 3 months ago
Text
mag two weeks na pala mula nung binaha kami, 2 weeks na din kaming walang ref huhu. nagpalutang lutang ba naman sa baha eh. napacheck na din namin sa gumagawa sabi may need daw palitan pero dapat don bilhin sa brand na yon so nagcontact ako sa service center. ang tagal din bago kami napuntahan.
ang ending, ayon nga may 3 parts na papalitan pero kahit yung 2 parts daw muna mga 8k+ if ever di gumana saka bibilhin yung isa pang part. tinanong ko na pag ba gumana na, tatagal pa din yung ref? ang sabi hindi daw nya masabi kasi baka may iba pang nasira sa loob.
so bat pa ipapagawa kung wala naman kasiguraduhan na tatagal dibaaa. wag na mag aksaya ng oras lalo na kung di ka naman sigurado don sa tao at bandang huli iiwan mo din kasi hindi ka naman pala sure diba. halaaaaaa.
wala lang, nauhaw lang ako at parang ang sarap uminom ng malamig na juice.
6 notes · View notes
onewordenglish · 3 months ago
Text
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
May cafe dito saamin na mej matagal ko na nakita sa fb kasi may nagvlog, pero last month ko lang pinuntahan kasi wala ako kasama, ewan ko feeling ko malungkot mag isa kumain? Para sakin malungkot kasi wala ako kausap, hindi ako sanay na hindi nagsasalita.
So ayun, may nakasama na ako kumain last month at grabe ang sarap. Hindi yan yung inorder namin non, di ko napicturan eh. Pero ayan yung kinain namin this month. Wala ako masabi kundi masarap. Parang lahat ng tinda nila masarap. The best yung garlic bread. Huhu
Gusto ko na bumalik para matikman ko naman yung iba. Syempre waiting ulit kasama.
17 notes · View notes
onewordenglish · 3 months ago
Text
I guess I can't have it all.
2 notes · View notes
onewordenglish · 3 months ago
Text
Ngayon ko lang ulit binuksan itong tumblr account ko, naloka ako kasi nakalog out pala, hindi ko na maalala yung password ko pero buti nalang nabuksan ko. Wala lang, netong mga nakaraan kasi parang gusto kong gumawa ng bagong account, madami na kasi nakakaalam netong account ko na kakilala ko ng personal. Hahaha. Ang dami ko din kasing gustong ikwento.
Pero feeling ko hanggang plano lang yun, kung dito nga wala na akong panahon eh, don pa kaya sa bago. Nag iisip na nga ako ng bago kong username, pati name na gagamitin ko. Ayun sana masimulan ko pero kung hindi, oks lang naman.
Kakainis kung nablog ko sana lahat ng nangyari sa buhay ko ang sarap sana balik balikan kaso bigla talaga ako tinamad magpost. Sipag sipag ko pa naman dati. Haynako.
16 notes · View notes
onewordenglish · 1 year ago
Text
Please don't be in love with someone else Please don't have somebody waiting on you
23 notes · View notes
onewordenglish · 1 year ago
Text
Pag kausap na kita, iniisip mo sya.
22 notes · View notes