#tula tagalog
Explore tagged Tumblr posts
Text
kritiko
-impostor May mga tulang 'di kayang gumising ng diwa bukas ang 'yong pananaw, saradong pag-unawa lumakas ka lang pagkat pinagtatakpang mahina sa isip nahusgahan na kita, pa'no ka magtitiwala?
istrakturang hindi pinag-planuhan, kaya bagsak parang mensahe sa isang akda— walang katuturan 'di ka hahangaan bilang isang mahusay na arkitekto 'pagkat sablay at mahina ka— Oo! ito'y isang insulto
nang matuto ng kaunti, umusbong ang kayabangan parang punò— mabilis na yumabong ng diniligan patuloy sa paglalim ang ugat— nagbunga ng sumbat pinipinsala ang lahat— 'pagkat angat siya sa lahat
-Quiins Inilatag ang plano kaya bubusisiin ng tao Pupunahin upang may baguhin subalit hindi lahat ay 'di kaaya-aya sa paningin. Aklat na bubuklatin ay may 'di naaayong basahin— wag babasain dahil may mapupulot din.
Sinisipat ang bawat anggulo Hinahanapan ng magulo Hindi pinapasakit ang ulo kundi sinasa-ayos ang gulo. Buksan ang isip, palawigin at intindihin hindi' to pagpigil upang masungkit ang pangarap na bituin.
Sa pagsampa sa entablado, dapat handang tumaggap— Humarap, hindi lalawak kung makitid ang utak 'Wag magtaengang-kawali hindi kawili-wili. Ito'y paraan ng pag-akay sa bagong pisang mga inakay na nais makalipad, makasabay saan man mapadpad.
kolaborasyon; Calilla Queency Dela Vega and andante joseph
0 notes
Text
"And I'm afraid that you only love me for the love I give to you"
You love me not because you really do, you only love me because I love you.
#poems on tumblr#lit#aesthetic#love#literature#poetry#poem#tagalog#tula#sapphic poem#personal#taylor swift#taylornation#literary quotes
141 notes
·
View notes
Text
#180
Sa lumipas na panahon
Marami ulit ang niluma
Mistulang naninilaw na dahon
Nakatakdang mahulog sa lupa
Ilang araw pa at gabi
'Pag naglao'y mapapalitan
Dahan-dahan, mapababayaan
Itatago't malilimutan
Mga niluma ng panahon
Dala'y alaala ng kahapon
Buklod ng halo-halong emosyon
Nagkukubli sa patapon nang kahon
- KAHON NG KAHAPON
Hi, everyone! 👋
21 notes
·
View notes
Text
Masyado lang akong mayabang pero nakakatakot pala talaga mag isa.
#poetry#tula#spoken word#poem#poets on tumblr#tagalog poetry#tagalog#poems#maikling tula#tulatulaan#makalaya#makata#manulat#manunula#manunulat#spilledthoughts#spilledink
34 notes
·
View notes
Text
Alam ko namang hindi ko kailangan. Pero minsan, naiisip kong makakahanap rin ako. Ng mabuti at marunong makinig. Ng may pakialam at di takot humibik. Yung hindi masyadong duwag sa pûla ng aking malakas na pagkababae. Hindi napahihina sa tapang ng nakakalalaki kong kalikasan at prinsipyo. Kung hahanap man ay dapat kaya n'ya ang aking mga bagyo, mapa delubyo man ng aking mga suhestyon sa buhay at makatotohanang payo. Saan ka pa kaya sa mundo makakakita ng taong kayang lumuhod sa hindi n'ya kapanalig ng pagkatao?
Hindi ako naghahanap. Ni hindi ako nangangailangan. Pero numanais rin ako ng marunong sumakay at may alam kung kailan tamang maglumanay at lumaban.
-WMAB
#tula#mga tula#tagalog#tagalog poem#tagalog tula#pilipino#pilipinas#tulangtagalog#tulala#maikling tula
27 notes
·
View notes
Text
#spilled ink#poetry#poems on tumblr#maikling tula#tagalog poetry#tagalog poem#tula#original poem#poets on tumblr#thelakeswhereidie#calilyswan#tagalog#short poem
20 notes
·
View notes
Text
Kamusta ka na kaya?
Sana hindi ka umiiyak.
Hindi mo dapat ikinakalungkot ang taong tulad ko.
Kamusta ka na kaya?
Sana pinagsasabihan ka ng mga kaibigan mo.
Na wala kang mapapala sa akin, at hindi na sana tayo nagkakilala.
Kamusta ka na kaya?
Sana ay galit ka. Sana ay kinasusuklaman mo ako.
Nang madali mo akong makalimutan, at hindi mo ako hanap-hanapin.
Na wala ka nang "Paano kaya kung..."
Na wala ka nang "Sana kinaya ko."
Na hindi ka nag-iisip na tawagan ako.
At pigilan ang sarili mo dahil baka ayaw ko.
Na hindi mo isinusumpa ang iyong sarili,
At isipin na hindi ka kamahal-mahal.
Dahil ganito ako ngayon,
At mas lalong sumasakit,
kapag naiisip ko na baka ganito din ang nararamdanan mo dahil sakin.
Kamusta ka na kaya?
Sana may magmahal sa'yo
na higit pa sa pag-ibig ko, na tinuturing ka nang tama, at hindi ka iiwan.
Kamusta na ako?
Nasa empyernong aking ginawa.
At mananatili ako, dahil dapat lang na nandito ako.
Nov 10, 2023 || 4:41 pm
24 notes
·
View notes
Text
kumusta naman ang iyong diwa?
bitin ka pa ba sa pahinga?
(image:
©"Laziness Is Nothing More Than The Habit Of Resting Before You Get Tired Print" by Craig Moran via Saatchi Art)
4 notes
·
View notes
Text
Untitled (Ika-283 na tula)
Hindi ko alam
kung hanggang saan ako
dadalhin ng pag-iwas ko
Baka kasi
sa muling pagtugon ko
sa mga ngiti mo
Mahulog na ako
Photo credit: Joseph)
2 notes
·
View notes
Text
Bata, bata paano ka ginawa?
070723
Bata, bata paano ka ginawa? Hinubog ka kaya ng nakapalibot na madla Nilang mga nakatanga't nakatulala O kaya nama'y nilang mga nag aalala
Maaaring hindi, maaring nakilala mo ang ikaw Sa kabila ng mga turo at panuto Sa dulo ng mga pagbabago Sa likod ng salaming nakaulayaw
Nakita mo kaya ang mga liko O patuloy ka bang sumunod sa daan habang nakapikit Sinusundan ang halimuyak ng mga nagdaan, nakakasalamuha ang mga bumabalik O di kaya'y patuloy lang na nakikiramdam
Ang mahalaga'y patuloy kang naghahanap Hindi ka mawawala kung hindi ka magpapanggap Hindi mawawalang saysay ang nawala sa pagkakamali Hindi masamang manatili sandali
Kilalanin mo ang iyong sarili Hindi mo kailangang magmadali Hindi naiiwan ang nagpapahinga Nasa isip lang natin ang konsepto na may nauuna
Kaya't paulit ulit mo lamang tanungin ang iyong sarili kung paano ka nga bang ginawa Sa pamamagitan nito ay mananatili kang naghahanap Ngunit kailan ma'y di mawawala.
8 notes
·
View notes
Text
Ang kanyang mga mata'y katulad ng isang sanlibutan kung saan ang oras ay dumadaloy lamang ng walang katapusan kapag ako'y tumitig; at sa kanyang mga mata'y madilim na kalangitan kung saan ang mga bituin ay walang katapusang nagniningning
— Jeram, Marahuyo
21 notes
·
View notes
Text
aida 2019
hindi na bago sa akin ang lungkot mula pagkabata magkasama na sila ng takot na yumayakap sa akin gabi-gabi habang nanginginig ang mga labi
dahil maririnig ko na naman ang sigawan aalingawngaw ang bangayan sa ilalim ng kumot ako magtatago baka masalba ako sa nagliliparang plato
ikaw ang nagsabi sa akin hindi lahat ng bagay iniiyakan pero bata ako, bakit kailangan kong maging matapang?
kaya noong nawala ka maski naghihingalo ka sa mga bisig ko ay hindi ako umiyak
walang luhang tumulo nung libing mo, sinabihan nila ako bakit hindi ka umiiyak?
pero umiiyak ako ngayon umiyak ako noong eksaktong isang buwan mula nang mawala ka
umiyak ako nung gabi habang nililinis ang kwarto mo
umiyak ako noong tulog na ang lahat umiyak ako no'ng wala nang makaririnig umiyak ako nang walang nakakakita
umiyak ako nang palihim
umiiyak ako ngayon sana yakapin ako ng hangin ---bagay na hindi mo nagawa.
11 notes
·
View notes
Text
"Just because you love me doesn't mean I feel loved by you"
learning each other's love language is important.
#aesthetic#lit#literature#love#poem#poems on tumblr#poetry#tagalog#taylor swift#taylornation#tula#maikling tula#sapphic poem#personal#prose#poets on tumblr#literary quotes#quotes#quoteoftheday
74 notes
·
View notes
Text
#171
Kailangan ba maging tula upang maalala mo?
Matalinghaga, may tugma, may sukat bawat sulok
Saan ang lugar ng mga karaniwang gaya ko?
Direkta, malaya, at sa langit ay tuldok
Kakayahan sa pagkalimot, tuluyang ginamot
Anong espesyal at mga tula'y 'di mo malimot?
Damdami'y ibunyag, gaano man kakomplikado
Kailangan ba maging tula upang maalala mo?
- SI TULA, ANG MAKATA
27 notes
·
View notes
Text
May mga tao tayong kailangang palayain para mapalaya rin ang ating mga sarili
May mga hangganan na kailangan natin tanggapin para maipagpatuloy ang ating lakbayin
May mga distansiyang kailangan nating panatiliin para masagip ang natitirang pag ibig
At may mga peklat na hindi kailangang takpan para mabaon ang aral na gustong ipabatid
#poetry#tula#spoken word#poem#poets on tumblr#tagalog poetry#tagalog#poems#maikling tula#tulatulaan#makalaya#makata#malayang tula#poetic#poets and poetry#poets#poetscommunity#writers and poets#poet#female poets#poets on tumbler#poetry on tumbler#filipino words#filipino poetry#poet on tumblr
51 notes
·
View notes
Text
TAO KA LANG
Tao ka lang. Hindi lahat dapat mong kayanin. Ano ba naman ang saglit na pahinga? Humugot na ng di mapitas na buntong hininga. Pasukuin ang bigat ng buhay at palayain sila sa mga mata.
Kung balak buhatin ang mga bagay, kahit paano ay bumitaw sa sakit ng loob. Tao ka lang. Iinog ang walang pakialam na mundo kahit hindi ka magtuloy. Kaya magpahinga ka. Tao ka lang. Kahit hindi nila maintindihan. Kahit na parang ang pagtigil ay mortal na kasalanan. Kung wala nang matitira sa'yo ay paano ka pa magbibigay? Tao ka lang.
Saglit lang. Baka magalit pa sa'yo ang ningning ng pag-asang dala ng ulan. Ikulong mo muna ang mga pumapalahaw na bulong sa pusod ng mapanira nilang bahay-bahayan. Sa sulok ng isipan. Hanggang sa di na sila matagpuan. Nagyon na, huminto ka. Ang ingay sa ulo at mga tanong na makalaslas-pulso. Magpahinga ka para malaman mo. Kung hinahanap man, ang payapa ay dapat magsimula sa'yo. Tao ka lang.
Magpahinga ka. Tao ka lang.
-Wag Mo Akong Bitawan (WMAB)
#tula#mga tula#tagalog#tagalog poem#tagalog tula#pilipinas#pilipino#tulangtagalog#maikling tula#filipinopoems#poetic#prose poem#selfworth#self care#self love#tagalogpoem#tagalog hugot#tagalog post#pilipinx#poetic prose#philippines
29 notes
·
View notes