Text
#183
Sun-kissed painted fields
Faint sense of warmth and comfort
Home for those who seek
SANCTUARY | HAIKU
3 notes
·
View notes
Text
#182
Minsan sa isang taon, sa gitna ng tag-araw
Isang imbitasyon ang dumarating
Nakabalot, walang pangalan
'Di alam kung saan nanggaling
Ako ay hinila, walang pasintabi
Dinala sa lugar na 'di ko masabing akin
Sinuong mga panganib, magkahawak sa dilim
Paglubog ng araw ay naglahong parang hangin
Tulirong umuwi kahit 'di alam ang daan
Sinundan ang ilog, bituin ay binantayan
Tuwing imbitasyon ay dumarating sa gitna ng tag-araw
Minsan sa isang taon, malugod akong nagpapatangay
- MINSAN SA ISANG TAON
4 notes
·
View notes
Text
:0 <33
Thanks everyone especially to @moonfox-mumbles who translated some of my poems!
#171
Kailangan ba maging tula upang maalala mo?
Matalinghaga, may tugma, may sukat bawat sulok
Saan ang lugar ng mga karaniwang gaya ko?
Direkta, malaya, at sa langit ay tuldok
Kakayahan sa pagkalimot, tuluyang ginamot
Anong espesyal at mga tula'y 'di mo malimot?
Damdami'y ibunyag, gaano man kakomplikado
Kailangan ba maging tula upang maalala mo?
- SI TULA, ANG MAKATA
27 notes
·
View notes
Text
#181
Sa pakislap-kislap na ilaw
Kahit malayo ay tanaw
Pula, puti, at bughaw
Nandiyan man o wala ang araw
Sa tahanan ako ay ihatid
Maging gabay sa paglalakbay
Susuungin kahit pa ang dilim
Sa gitna man ng kawalan
- ILAW SA KAWALAN
5 notes
·
View notes
Text
#180
Sa lumipas na panahon
Marami ulit ang niluma
Mistulang naninilaw na dahon
Nakatakdang mahulog sa lupa
Ilang araw pa at gabi
'Pag naglao'y mapapalitan
Dahan-dahan, mapababayaan
Itatago't malilimutan
Mga niluma ng panahon
Dala'y alaala ng kahapon
Buklod ng halo-halong emosyon
Nagkukubli sa patapon nang kahon
- KAHON NG KAHAPON
Hi, everyone! 👋
21 notes
·
View notes
Text
#179 Mga tao, 'pag nabahiran ng dumi Nahihiya at nandidiri sa sarili Ang iba, pagkahugas ng kamay Taas ang noo pati na rin mga kilay Bawat lakad papalapit Siyang hakbang ko papalayo Puno ng pag-iingat at hinhin Tahimik hanggang makalayo
- HUGAS-KAMAY
10 notes
·
View notes
Text
#178
Sa tuwing kamataya'y iniisip
May kung ano sa aking nabubuhay
Tila kabute na biglaang sumibol
At kaibigang matagal nang 'di nakita
Ang pasko ay mahalagang selebrasyon
Kada taon kung ipagdiwang
Ngayong araw, kung 'di niyo natatanong
Ang pasko ng aking pagkabuhay
Sa paglisan ay may katanungan
"Anong maiiwan ko sa mundo?"
Init ng araw, lamig ng hangin
"Hindi ko pa ata oras sa ngayon"
- PASKO NG PAGKABUHAY
4 notes
·
View notes
Text
#177
Piraso ng papel
Patak ng tinta
Talas ng isipan
Mulat na mata
Saan nagkulang,
Ano ang mali?
Bakit natatakot
Sa panulat na bali?
- PANULAT NA BALI
🖼️: TomasinoWeb
Nakakatawang makita kung paano maapektuhan ang mga nasa kapangyarihan sa simpleng litrato o artikulo.
Lagi't lagi, para sa malaya at mapagpalayang pagbabalita. ✒️
8 notes
·
View notes
Text
#176 Simbagal ng pag-unlad ang daloy ng trapiko Matinding sikat ng araw pati init ng mga ulo Likod ng usok ay silipin, habang nakatengga Baka mamataan, pakupas nang pag-asa Mga pusong nag-aapoy sa pag-aaklas Siniguro ang unang payapang rebolusyon Patunay na masa ang mas malakas Sandaling pinahanga ang buong mundo Diwa ng nakaraan ay ating buhayin Aral ay baunin, kamalia'y 'wag ulitin Mga taksil ay huwag nang sasambahin pa Yakapin kapangyarihan na 'di mananakaw - EDSA
7 notes
·
View notes
Text
#175
Lahat inalay
Kaluluwa at puso
Pawis at dugo
ALAY | HAIKU
12 notes
·
View notes
Text
#174
Kung ang kaluluwa't puso'y nagsasalita
Walang sikreto ang 'di mabubunyag
Pagtatago ay hindi opsyon
Sa katotohanan ay magsasaya
Mundo'y sa damdamin ay mapupuno
Pagmamahal ay unti-unting sasabog
Sakit at galit ay mananaig
Sabay wawasakin ang mundo
Kung ang kaluluwa't puso'y nagsasalita
Kailangang mamili sa dalawa
Kalayaan o kaguluhan,
Ano nga bang mas lamang?
- KUNG ANG KALULUWA'T PUSO'Y NAGSASALITA
11 notes
·
View notes
Text
#173
Sa'king pag-usbong
Sa mas magandang bersyon
Ikaw ang gabay
GABAY | HAIKU
10 notes
·
View notes
Text
#172
Siliping mabuti at iyong makikita Mga agilang ngayo'y nagkukubli sa hawla Malaking pagbabago na walang katiyakan Utang na eksklusibo sa mga 'di mayayaman Tatay, anak, kapatid, at kaibigan Sari-saring papel sa labas ng kalsada Dala ang kulturang mula pa sa nakaraan Pag-asang naglalaho at mga pusong nag-aalab Kung hinaharap ay malabo't hindi na matanaw Wala nang daan ang magsisilbi pang tanglaw Tungo sa sigurado at magandang bukas Kung saan mga agila'y lumilipad nang mataas - AGILA SA KALYE
🖼️: (Richard A. Reyes/Inquirer)
18 notes
·
View notes
Text
#171
Kailangan ba maging tula upang maalala mo?
Matalinghaga, may tugma, may sukat bawat sulok
Saan ang lugar ng mga karaniwang gaya ko?
Direkta, malaya, at sa langit ay tuldok
Kakayahan sa pagkalimot, tuluyang ginamot
Anong espesyal at mga tula'y 'di mo malimot?
Damdami'y ibunyag, gaano man kakomplikado
Kailangan ba maging tula upang maalala mo?
- SI TULA, ANG MAKATA
27 notes
·
View notes
Text
#170
Hindi ako naniniwalang
Hindi mo ako lilisanin
Pustahan, balang araw
Mawawala kang parang hangin
- HANGIN
13 notes
·
View notes
Text
#169
Pag-ibig sa tag-araw
Inosente't komportable
Malaya at banayad
Hindi permanente
- TAG-ARAW
7 notes
·
View notes