#tinig sa dilim
Explore tagged Tumblr posts
mademoisellell · 10 months ago
Text
I NEED MAXIMO FICS PLS-
6 notes · View notes
kantah · 4 months ago
Note
HEYYY im currently listening to the msb soundtrack fully!!!!!!!! (as of writing it is tinig sa dilim)
THE THING IN TINIG SA DILIM YOU MENTIONED IM NIFEGNRSNREIFM i was taken aback by the riff that roxanne did
im still so obsessed with awit ni roxanne especially the carissa line at first AND THEY KEPT THE ARAY PART ON THE END IM CRYING
im so not ready for the act 2 songs because i know for a fact that they added the scene where cyrano breaks down, ang sabi nila, AND THE PAALAM SCENE
also listening to Mula Sa Buwan (the song) right now, i need to fangirl over Myke because the fact that he is the musical director WHILE playing cyrano so amazingly and relatably
ANYWAYS CURRENTLY LISTENING TO THE LAST HAPPY SONG FOR MSB (mula sa buwan, its still stuck in my head it was my bio on discord/ig for a while im thinking of putting it back)
OMG HI SLR
I TOO STILL HAVE IT ON LOOP AS IM WRITING THIS RAAAA I LOVE PICKING THE SONGS APART THEN STARING IN AWE WHEN I REALIZE SOMETHING NEW ABT THEM
also i hope listening to act 2 went well 😔 heto po -> 🧻
2 notes · View notes
reallyhardy · 2 years ago
Text
🌙mula sa buwan teasers!🌙
all the teasers so far promoting the filipino musical and retelling of cyrano de bergerac - mula sa buwan (from the moon) proshot livestreaming internationally with english subtitles 24th-26th march 2023!
ANG SABI NILA, may proshot na ang #MulaSaBuwan 🌕
youtube
‘Ang Tanghalang Ito’ from Mula sa Buwan | Official Teaser | Ticket2Me
youtube
Tato at Gabriel #TambalangGaTa | Mula sa Buwan | Official Teaser
youtube
'Ikaw' from Mula sa Buwan | Roxane at Cyrano | Official Teaser
youtube
'Canon ni C' from Mula sa Buwan | Maximo at Cyrano | Official Teaser
youtube
'Manifesto' from Mula sa Buwan | Official Teaser
youtube
'Tinig sa Dilim' from Mula sa Buwan | Official Teaser
youtube
Title Song of Mula sa Buwan | Official Teaser
youtube
tickets available via mulasabuwan.com/tickets ✨
18 notes · View notes
dashythroughthesnow · 2 years ago
Text
edgar bb girl i can be your tinig sa dilim
2 notes · View notes
holyholmes · 27 days ago
Text
Ehemplo ng Bathala
Sa diwa ng malayo, ako'y nakatanim, Sa landas ng kahapon, sa dilim ng init ng tinig, Nasa likod ng ulap, iyong itinatagong ngiti, Akala ko'y masama, ngunit ikaw ay liwanag na bigay ni Bathala.
Sa iyong pag-iisip, sa iyong mga panalangin, Nakita ko ang pagkakabukod, ang pag-asa sa damdamin, Isang taong takot na sa iba'y maghatid ng hirap, Ngunit sa kabila ng lahat, ikaw ang kamay ng Diyos na naghatid ng sinag.
Bawat hakbang mo sa disyerto, Puno ng sipag, pusong puno ng kapanatagan, Sa gitna ng init, ikaw ay di natitinag, Tila isang ilaw sa kadiliman, ikaw ang aking hinahanap.
Ngunit bakit sa aking isip, ako'y tila hamak? Isang negatibo sa iyong positibong mundo, Ngunit sa bawat ngiti mo, ako'y napapaamo, Dahil ikaw ang nagbalik sa paniniwala ko.
Sa malayo, damang-dama ang iyong yakap, Sa bawat salita, tila ako'y binabaybay sa langit, Nais kong iparamdam, sa puso't isipan, Na ang pagkamangha na ito'y hindi na matutuklasan.
Ikaw ang aking gabay, sa hirap at ginhawa, Sa malayo, sa bawat panalangin, ikaw ang sagot, Kahit na sa disyerto, may pag-ibig na tunay, Nagmumula sa iyo, galing sa kanya ang lakas na dulot mo.,
Kaya’t sa sulat na ito, nais kong ipahayag, Na ikaw ay mainam, dahil siya ang yong pahingahan Sa kabila ng distansya, sa hirap ng nadaram Ikaw ang dahilan kung bakit ako’y nanumbalik sa kanya.
0 notes
vineze05 · 3 months ago
Text
Pang Anim na Pahina (Pangungulila)
Ngayong araw giliw, lubos akong nangungulila. Sabik sa yakap, halik mo'y inaalala. Mga kilos mong nagsasabi na "Mahal kita" bawat dulo ng tahanan ika'y nakikita.
Agwat nating dalawa ay hindi biro, nakakabaliw. Sanay naman akong mag isa, ngunit iba ka giliw. Hinahanap hanap kita saan man ako tumingin, sa bawat pasilyo at lugar na pinuntahan natin.
Hanggang kailan mo ako itatago sa dilim? Hanggang sa puso ko'y madurog? Hanggang sa ako'y lisanin? Sa liwanag hangad ko'y mahayag sa ng langit, maging sa kailaliman nitong ating daigdig.
Isang dula dulaan na tigib ng pighati, sa saliw ng kundimang luha ang hatid. Matayog na bituin ang nais kong marating, hagdan ko'y papel, pangarap ko'y nakaguhit sa hangin.
Ngunit....
Tumblr media
Liwanag ay sasapit, dapit hapon ay darating. Mapait na gunita'y mawawaglit sa isang saglit. Huni ng musikang ubod kaytamis, ang syang aaliw sa pusong umiidlip.
Dinggin ang tinig ng tulang sinasambit, pag asa ang muli nitong hatid. Sugat ay hihilumin, papawiin ang sakit. Muling matitikman ang langit sa isang halik.
Bumalik ka na agom.... iligtas mo ko sa aking sarili...
0 notes
psynoidal · 4 months ago
Text
Tumblr media
“Sir, `wag po, ibinigay ko na po sa inyo ang lahat!” “At ngayon, alam mo na ang itsura namin!” sabi nila, sabay halakhak. Muli nila ako’ng hinabol ng saksak, at sa takot ay napaatras ako sa pusaling maitim sa tabi ng daan. Lumubog dito ang isa ko’ng binto at napaluhod ako sa maduming lapag, tamang-tama sa ambang saksak na nakapuntirya sana sa aking dibdib. “`W-wag po...!” iyon na lang ang naisigaw ko. Napapikit na lang ako at hinintay bumaon ang kutsilyo sa aking katawan. Ngunit hindi ito nangyari. Unti-unti ako’ng dumilat at napatunganga sa aking harapan. Hindi sa dalawang lalaking balak ako’ng patayin, kung hindi sa tila taong burak na nakatayo sa pagitan namin! Napaka baho ng amoy na umaalingasaw sa kaniyang itim na katawan na tila kalansay sa nipis! Ngunit kahit patpatin, ay nagawa nito’ng kapitan sa leeg at iangat sa ere ang dalawang lalaking mas malalaki pa sa akin. Pinilit ko’ng sumigaw, ngunit nawala ang aking tinig. Nagawa ko namang igalaw ang aking mga binti at unti-unting gumapang palayo. - 'Masaya'
Isa sa mga maiiksing kuwento na mababasa sa ...
"Mga Kuwento sa Dilim"
mula sa imahinasyon ni Gem Vecino
ebook available in my ko-fi shop: https://ko-fi.com/s/ff237617d2
Tumblr media
read online in #wattpad: www.wattpad.com/story/173670245-mga-kuwento-sa-dilim
0 notes
silidsikreto · 11 months ago
Text
maski ang butiki naaabot ang kanilang langit
tuwing gabi, naglalakbay ako sa kalawakan ng kawalang
liwanag, hinuhulma ang mga konstelasyon
sa kung paano ko naisin sa aking paglaki
lilipad ako, kay gaan ng daigdig
ng walang ibang iniisip
pero titiktik ang butiki at babagsak
muli ang bigat
hindi ito ang kisameng kinalakhan
gumuho na ang semento, kahoy nagiging abo
ang lahat ng nagbabaga ang puso
sa mga biyak na bato na lang maglalaro, maghihintay
hanggang sa matahimik muli ang mga bituin. ______________________________________________________
Ukol sa akda Bilang child rights advocate, parte ng pag-aaral at pagsusulat ko ang pagtalakay sa mga isyung nakakaapekto sa mga kabataan. Isa rito ang pagbomba sa mga lumad schools na tumulak para sa mga kabataan at mag-aaral na lumad upang lumikas sa kanayunan para sa kanilang kaligtasan. Mananatiling kahihiyan sa estado at pamayanan mismo ang kakulangan sa pagpunan sa sapat na pangangailangan ng bawat bata: maayos na tirahan, payapang pamumuhay, malinis na pagkain, at sapat na edukasyon. Obligado ang lahat ng matatanda na hayaan ang mga batang lumaki sa isang espasyong malaya silang mamuhay lang nang matiwasay. May karapatan sila at dapat itong respetuhin at proteksyunan. Mula ito sa isang freewriting exercise na nag-ugat sa ideya ng kisame. Maituturing ko ang sarili ko na marami laging iniisip kung kaya't madalas akong nakatitig sa kisame, na naihahalintulad ko rin sa pagtingala sa langit. Tulad ng mga bituin, nais nating lahat na maabot ang mga pangarap natin. At ganto rin ang mga lumad school children natin.
Mga unang bersyon tuwing gabi akong naglalakbay sa kalawakan ng kawalan nakatitig sa kumkindat kindat na ilaw. kelangan nang palitan ang bombilya ng dilaw na araw habang nagpapaikot ikot ang alikabok at agiw na malayang lumutang sa dilim akong malayang tumingala wala namang makakaaninag, maghihintay hanggang sa may marating ang boses kong paos lalamunin ng sansinukob sana kasama na ako
tuwing gabi akong naglalakbay sa kalawakan ng kawalang liwanag ang mga konstelasyon ay huhulma sa kung paanong hugis o sukat ko naisin madalas walang tinig ngunit dito ako ang nasusunod lulutang, oh kay gaan ng daigdig ko maski siyensiya'y 'di aalma sa paglipad at bago pa maabot ang mga tala titiktik ang butiki at babagsak ang puwersa hindi ito ang kisameng kinalakhan gumuho na ang lahat semento, kahoy, magiging abo ang lahat ng nagbabaga ang puso sabiý libre ang mangarap bakit higit pa sa akin ang pataw?
tuwing gabi akong naglalakbay sa kalawakan ng kawalang liwanag, huhulma ang mga konstelasyon sa kung paano ko naisin sa paglaki lulutang, oh kay gaan ng daigdig ng walang ibang iniisip pero titiktik ang butiki at babagsak  muli ang puwersa hindi ito ang kisameng kinalakhan gumuho na ang semento, kahoy nagiging abo  ang lahat ng nagbabaga ang puso sabi'y libre ang mangarap, bakit higit pa sa'ming lahi ang pataw?
Tumblr media
0 notes
eduardocanares · 1 year ago
Text
Tinig sa Tigatig
Sarili at isip ay minsan nang nilupig at nabihag Suliranin at lumbay na sa isipa'y bumabagabag Pilit na dumidilat at naghahanap ng liwanag Hanggang ngayo'y isip ay hindi mapanatag
Nandito pa rin sa silid na magulo't nalilingid Hindi makaalis; ang daan ay hindi batid Hindi makaimik; sobrang ligalig ng paligid Pupunta na lang sa gilid; magiging manhid
Nawawalan ang sarili ng lakas at kumpiyansa Nawawalan na rin ng motibasyon at pag-asa Hindi mapakali at ang kalooban ay balisa Puro hilahil; wala man lang pumigil kahit isa
Kahit nandito pa rin sa gilid at dilim Kahit ramdam pa rin ang lagim at galimgim Hihingi ng tulong at hindi magkikimkim Pagdurusa at bigat ng pasan ay hindi na iaatim
Sa huli, ang kakampi at tutulong na lang sa 'tin ay sarili Ngunit ang paghingi ng saklolo ay huwag atubili Karamdaman ay huwag isasarili at ikukubli Dahil maginhawa at panatag na pakiramdam ang sukli
0 notes
mysteriouslyautomaticdaze · 2 years ago
Text
Isang-daang araw ng mga tula para sa kanya
Ika-sampung araw: Alitaptap
Hindi makapaniwala sa libu-libong liwanag; Sa dilim ng kagabihan, bumaba ang mga bituin sa kalangitan.
Ikaw ang tanging kindap ng liwanag sa gabing walang tala; Isa akong estrangherong walang gabay, sa kalawakang aking nilalakbay nanabighani sa kislap mong taglay.
Sa mga talulot ng liwanag nitong buwan nakakapaso; Kwento nitong pusong tuluyan nang nahapo, mga damdaming sayong pisngi dumapo.
Sa bawat kidnap ng liwanag mong unti-uting naglalaho; Maririnig itong taludturan ng himig, mga kantang mula sa malamig mong tinig.
Isa kang alitaptap sa mundo kong lumbay; Binubuo mo ang taludtod nitong aking mga tula, hahanap-hanapin kindat ng liwanag mong sana'y hindi mawala.
Liwanag mong may taglay na tugma; Samahan mo akong sumayaw sa harap ng daang libong tala, nasabawat ating galaw bakit ang mahalin ka’y parang isang malaking sala.   Aking alitaptap sa ilalim nitong kalangitan; Ikaw ang liwanag sa daang libong milyang nag daan, atsana nama'y madapuan mo itong pusong sayo lang nakalaan.
0 notes
lakanamihan · 2 years ago
Text
Ang Gabing Nahulog Ang Buwan
2: Ang awit ng mga nagmumultong anino
Namimitig na ang mga binti ni Tomas kakatakbo. Magkasinghapdi na ang sugatang pisngi at pagod na mga biyas. Tinahak niya ang kabuuan ng ilog. Sa pagkakatanda niya ay tulay ang pinakamalapit na dulo na mararating niya sa sinundan niyang direksyon. Inasahan niya ang mas malawak na parte ng ilog at ang mga kapunuan sa paligid nito. Kaya hindi malinaw kung paano, pero imbes na mga puno ay natagpuan niya ang sarili na kaharap ang malawak na dalampasigan.
Samyo ng malamig na hangin at amoy ng alat sa tubig ang bumati sa kanyang pagdating. Dumidilim na rin. Agad? Hindi na inalintana ni Tomas ang oras. Inilibot niya ang mata. Inihatid siya nito sa batuhang hinahampas ng mga alon. Sa abot-tanaw ay nakatanghod ang buwan na marahang lumilitaw.
Ilang sandali pa ay nakatingala na si Tomas sa bilog na buwan. Hindi niya maalis ang tingin niya dito. Makalipas ang ilang segundo ay sumunod ang mga tunog.
Sa likod ng mga batuhan, maging sa lugar na kanyang pinanggalingan na ngayon ay kahabaan na ng mabuhanging aplaya na nababalot na ng dilim, at pati sa magkabilaang direksyon, may umaalunignig na ritmo. Tunog ng mahinang tambol ng dalawang metal na pinagpupukpok.
Naririnig ni Tomas ang agos ng dugo niya sa sariling tainga, sabay ng tibok ng kanyang puso. Lalong dumidilim ang paligid. Sumisikip ang espasyo sa isip niya.
Ang laki na ng buwan sa ulunan niya. Iniangat niya ang kaliwang kamay. Hindi gumagalaw ang mga kamay ng relo. Nakapako lang ang mga ito sa 12 na numero. Pero hindi lang iyan ang nakakapagtaka. Mas ikinagulat ni Tomas na tila nangangapal ang balat niya sa kamay. Parang may kaliskis o balat ng buwaya, magaspang at kulay itim na kumikintab kapag tumatama sa liwanag. Nagsihabaan din ang kanyang mga daliri at nakausli sa dulo nito ang matutulis na kuko.
Lumalakas ang ugong. Lalong lumalaki ang buwan sa puntong parang madadaganan na siya nito. At ngayon ay natuklasan niya ring hindi siya makapagsalita.
Ma? Sinubukan niya ang kanyang boses. Walang lumabas sa bibig niya.
Ma…
“Tumakas ka na, anak,” ani ng isang nakalimutang tinig. Malalim, pang-lalaki, pero hindi matandaan ni Tomas kung kanino iyon. 
Tumingala si Tomas sa madilim na gabi. Sa maliwanag na buwan. Pero ngayon ay nawala na ito. Sa dapat kinalalagyan niyon ay nakapwesto ang nag-iisang ulap. May aninong gumagalaw sa likod nito.
Tila nangungusap ang anino. 
“Huwag mo akong kukunin!”
Hindi maipaliwanag ni Tomas, pero sa puso niya, alam niyang sa likod ng ulap na iyon nanggagaling ang panibagong boses.
Iba na ang narinig niyang tinig. Babae. At mas takot na ito. Mas galit. Mas malayo ang loob kay Tomas.
Lumalakas na ang mga tunog. Nagwawala na ang ritmo. Papabilis nang papabilis, inuusig siya. Sa pumapaligid na kadiliman ng gabi, may mga nagkikislapang ilaw. Nang tinitigan itong mabuti ni Tomas, nalaman niyang mga pares ito ng mata. Marami sila.
Naramdaman niya ang panganib bago pa maubo ang salita at kahulugan nito sa kanyang isip. Hindi niya namamalayang tumatakbo na naman siya ulit.
“Ayun! Ang Bakunawa! Palayasin niyo ang halimaw! Palayasin niyo ang Bakunawa!” sigaw ng mas marami at halo-halong boses.
Huhulihin nila ako. Kapag nahuli nila ako, siguradong ikukulong nila ako. Ikukulong nila ako.
Parusa ang pagtakbo sa buhanginan. Pero kahit na ganun ay parang wala lang ito kay Tomas. Sa katunayan ay parang lalo siyang lumiksi. Gumaan ang mga hakbang niya na para siyang nakakalipad. Ang tubig ang pakay niya. Kung mga tao ang humahabol sa kanya, malamang ay hindi nila gugustuhing sundan siya sa malamig na dagat.
Tinatanaw pa rin ni Tomas ang mga humahabol sa likod niya kaya nakaligtaan niya ang nakaharang sa kanyang dinadaanan. Malabong pigura. Aakalain mong usok lang, pero may parte sa utak niya na pinaglalaruan ang imahe at ginagawa itong grupo ng mga lalaking may hawak na mga iba’t ibang uri ng sandata. May mga kamay na humawak sa kanya. May humihila sa kanya pababa.
Bumigay ang lupang kinatatayuan ni Tomas. Una ay naging malambot na putik, at pagkatapos ay tuluyang naging walang hanggang tubig. Patuloy ang paglubog niya sa ilalim ng dagat.
Dito ako nakakulong.
Nagdilim ang lahat.
Nalulunod si Tomas sa hangin nang magkamalay siya. Natagpuan niya ang sarili sa kwarto. Nakahiga siya sa kama. Naglalapot sa pawis. Bukas ang bintana kaya nakita niyang madilim na sa labas. Mabilis ang tibok ng puso niyang kinapa gamit ang kaliwang kamay. Napabaling na siya sa relo. “Ala-sais?”
Hindi niya maalala kung paano siya nakauwi. Ang huling naaalala niya ay tumatakbo siya, tapos… tapos ang gulo-gulo na.
Dito ako nakakulong.
Napatigil siya sa mga salitang lumitaw sa isip niya. Nakakamangha ang pakiramdam, na may pagka-nakakabahala rin, dahil merong konteksto sa isip niya na hindi niya mapunto kung saan nagmula o ano ang tinutukoy, pero pakiramdam niya dito siya nakakulong, sa katawan na ito.
“Holy shit!” bulalas niya sa natuklasan. “Dito mismo ako nakakulong—sa buhay na ‘to! ‘Yun ���yung ibig sabihin ng panaginip ko!”
Shet, ang lalim, isip niya. “Ang angas ng panaginip na ‘yun ah. In fairness.”
Nag-inat-inat si Tomas. Nang tuluyang bumalik sa wisyo ay napagtanto niyang nagugutom na siya. Kaya naman, bilang may sariling utak, nauna na naman ang mga paa niya sa paghatid sa kanya sa kusina.
Papalapit sa pinto ay nadaanan niya ang cabinet niyang may malaking salamin. Nakita niya ang natuyong sugat sa kanang pisngi.
Natagalan bago niya mapagtanto. Pero nang matauhan ay nanlaki ang mga mata niyang napatitig sa sariling repleksyon.
“Bwakanang-shet! Totoong nangyari ang lahat ng ‘yon?!”
Tarantang napakaripas si Tomas palabas ng bahay, diretso sa veranda, at doon niya nakumpirma ang hinala. Nandoon pa nga sa pasimano ang pinag-inuman niyang tasa ng kape kaninang umaga. Marahan ang paisa-isa niyang hakbang palapit dito. Nag-aagaw ang pagkalito at kagustuhang alamin ang misteryo ng araw na iyon sa utak niya. Nang makalapit ay hinawakan niya ang tasang kapihan.
Mayroon talagang nangyaring kakaiba kaninang umaga. Ah! Tama. Naalala niya. ‘Yung mahiwagang kumikislap na liwanag. Nasa likod iyon ng puting ulap. At siyempre...
“Si Boy Tagâ...” napasinghap si Tomas sa rebelasyon at walang-malay na napahawak sa sugatang pisngi.
Tulalang napaupo si Tomas sa upuan malapit sa kanya. Hindi pa rin siya makapaniwala. O at least, hindi niya alam kung ano ang mga kulang na impormasyon na kailangan niya para maintindihan ang lahat ng ito.
Wala sa wisyong kinuha ni Tomas ang tasa at inihatid ito sa kusina. Nakatayo siya sa lababo nang marinig na tumunog ang cellphone niya mula sa kwarto. Agad niya itong pinuntahan.
Tunog ng alarm ang narinig niya. Sa notifications, nakasulat ang reminder na kailangan niyang magpadala ng bayad sa renta na pinaghahatian nila ng pinsan niyang si Jao sa kanilang condo unit sa Manila.
Mahigit sampung araw pa lang siya sa probinsya. Umuwi siya noong nakaraang linggo dahil nga inilibing ang Mama niya. Iniwan niyang mag-isa ang pinsan sa condo. Hindi niya pa sigurado noon kung makakabalik agad siya ng Manila. Wala nang tatao sa bahay nila dito. Medyo masakit din ang pinagdaanan niya nitong nakaraan kaya hindi siya nakapagdesisyon agad. Pero dahil sa mga nangyari nang umagang iyon, parang nakaramdam siya ng seguridad na may lugar siyang matatakasan.
Sa hindi maipaliwanag na kagustuhan ay tinawagan niya si Jao. Gusto niyang makarinig ng ibang boses bukod sa sarili niya. Naisip niya na baka binabaliw lang siya ng pag-iisa. 
Sumagot ang kanyang tinawagan.
“’Ya?”
“Jao.” Naramdaman ulit ni Tomas ang mga paa niya sa lupa. Parang totoo na siya ulit. “’Sa’n ka?”
“Sa shop, kuya. ‘Daming client kanina. Bakit?”
“’Daming nagpapatato?”
“Same-same. Bakit ka napatawag, ‘ya? Anong meron?”
“Uh, wala...ano,” nakalimutan ni Tomas ang sasabihin, bago niya ito masundan ng, “Ah, ‘yung renta. Babayaran ko na lang ‘pag nakarating na ‘ko.”
“Uuwi ka?”
“Oo, ‘tol. Ayaw mo ba?”
“Hindi, tange. Gusto naman. ‘Di ka nga lang medyo kawalan pero mapagtyatyagaan din.”
“Gago,” natawa si Tomas.
“Eme lang. Akala ko lang kasi, you know...”
“Okay na ‘ko, ‘tol. Salamat sa concern.”
“Sure ‘yan ah?”
“Oo, oo...” nakatiim ang mga ngipin siyang humigop ng hangin. “Ano lang kasi... Ano...”
“Ano?”
“Ano...”
“Ano? ‘Ya?? Sabog ka ba?”
“Hindi! Ano kasi...” nakipagpatintero siya sa option kung magsasabi ba o hindi. Sa huli, sinabi niya rin sa kanyang pinsan ang mga bumabagabag sa isip niya. “Minumulto yata ako dito.”
Tumawa si Jao sa kabilang linya.
“Angas! That’s new. Eh sa pagkakaalam ko hindi ka naman mukhang naniniwala sa multo.”
“Ano naman ang kaibahan ng hitsura ng naniniwala sa hindi? Tsk. Iba ‘to, Jao.” Kung posible lang marinig ang iling sa linya ng cellphone, narinig na sana ni Jao, kaso hindi. “’Pag uwi ko, makikita mo. Tinaga ‘yung pisngi ko eh.”
“...Ng multo?”
“’Di ka naniniwala ‘no?” may pagkaaburidong komento ni Tomas.
“Malamang! Paano ka naman matataga, eh technically wala nang physical form ang multo. ‘Di ba? Duh! Sigurado ka talaga, hindi ka sabog?”
“Basta, Jao. Pramis. May kakaiba talagang nangyayari dito.”
“Jao!” rinig ni Tomas. Malayo ang boses sa cellphone. Kilala niya ang boses. Si Alas, boss ni Jao at master tattoo artist sa pinagtatrabahuhan nitong shop. “May naghahanap sa’yo dito. Nagpa-book daw online.”
“Ay. Sige, sige,” sagot ni Jao. Mukhang nakaharap na agad at kinausap na ni Jao ‘yung client kaya na-preoccupy ito at hindi agad naibaba ang tawag. Hindi sinasasyang napa-chismis si Tomas sa usapan nila.
“Hi,” sabi ng boses ng babae. Malambing ito at tunog-masiyahin. Hindi pa nakikita ni Tomas ang mukha nito pero nai-imagine niya na ang potential... Pero pinilit niyang huwag magpadala sa kalikutan ng pala-desisyon niyang isip.
“Uy, hi!” masiglang bati ni Jao. “Mariya, right?”
Teka—ano?!
“Jao—anong sabi mo? Sino?”
Hindi pinapansin ni Jao si Tomas. Hindi siya nito marinig na parang hindi na nakatapat sa tainga ang cellphone. Nakikipag-usap pa rin ito sa dumating na kliyente. 
“Jao?” ulit ni Tomas.
Napansin na siguro ni Jao ang tuloy-tuloy pa ring tawag. Narinig ni Tomas ang muling paglapat ng cellphone nito sa tainga. “Hello, kuya? Sorry, busy. May client na dumating. ‘Maya na lang. Bye.”
“Jao! Teka—”
*Click.* The call has ended.
Tama ba ang narinig niya? ‘Yung pangalan ng client ni Jao... Pero imposible.
“Kapangalan lang ‘yun, Tomas. Ano ka ba!” natawa siya sa sarili. “Praning. Ha! Ha! Ha!”
Ayaw niyang pansinin ang pangamba na marahang umuusbong sa sikmura niya.
Buong magdamag siyang hindi tinantanan ng kutob. Hindi man aminin ni Tomas, alam niya sa sarili niyang hindi na siya titigilan ng pakiramdam na ito simula ngayon.
“Gutom lang ‘yan,” kumbinsi niya sa sarili. Kaya sinimulan na lang niyang maghanda ng hapunan.
Halos ilang minuto nang nagpapaikut-ikot si Tomas sa higaan, hindi makatulog, nakikipagtalo sa sariling konsensya.
“Tsk! Kailangan ba talaga ‘yon???”
Oo. Kailangan niya talagang malaman kung sino nga si Mariya. At kung ito ba ang parehong babaeng hinahanap nung ilaw na naging lalaki.
“At kung hindi?”
Kung hindi, hindi niya masisiguro na tapos na, huli na, last niya na ‘yung encounter with The Golden Man with the Sword na nangyari kaninang umaga. Kailangan niyang masigurong wala talaga siya sa panganib. Na walang gustong tumumba sa kanya.
“I-make sure lang na ordinaryong tao lang ang kliyente ni Jao. Tama?”
Tama.
“Tapos, tapos na. Tama?”
Tapos, tapos na.
“Okay. Magiging okay din ang lahat, Tomas.”
Tama. Walang kailangang ipangamba. Tama naman...
“’Di ba?...” nag-aalalang tanong ni Tomas sa walang-imik na silid.
0 notes
lyrics724 · 2 years ago
Text
Sumayaw
[Verse 1] Umaga na ba’t naubusan ng dilim Sa pagkahibang sa’yo at ‘yong mga tingin Pag lumayo, parang ulap sa langit Pangalan mo’y kasiyahan ko [Pre-Chorus] Tila naaaninag ang bukas ko sa’yo Handa na maalila mo[Chorus] Halina’t sumayaw sa tinig ng kahapon Huwag ka bumitaw, malaya na tayo Sa mga alaalang humahadlang sa ‘ting pagsinta Hayaang ibigay sa’yo ang tadhana [Verse 2] Sumama ka na, ‘huwag…
View On WordPress
0 notes
dashythroughthesnow · 2 years ago
Text
woke up with tinig sa dilim stuck in my head 🥹
0 notes
takeoffandfly · 4 years ago
Audio
Mananatili sa dilim, at sa’yo lamang iibig. 
06.06.2020
2 notes · View notes
albreaksthechain · 2 years ago
Text
May mga alaalang 'di kayang tupukin ng apoy--
Mga tinig ng kuliglig sa ilalim ng buwan, kagat ng lamok, at pagwasiwas
ng mga sanga habang ang amihan ay nagbabadyang lumuha.
Walang pamamaalam ang naganap.
Pagtatagpo ito ng sarili at ng hinahanap, na madalas pilit nating iwinawala,
sa kawalan, sa kadiliman, sa sukal at lawak.
Madalas sarado ang mga pahina sa mundo,
sa ilalim ng mga tala at haplos ng dilim unti-unting binubuksan, kumakawala.
Sinasalaysay ang mga kwentong akala'y kinalimutan.
Hamog ang naging luha na dumilig sa balat,
hanggang sa muling pagtupok ng mga nahalungkat na alaala ng pagningas,
at pagmaliw sa pagdating ng bukang liwayway.
-Sigá, Albertus
Tumblr media
13 notes · View notes
erroreena · 3 years ago
Text
Solar eclipse
Iwinawagayway ni Araw ang kaniyang mga bisig habang inaabangan ang oras ng kaniyang tuluyang pagbangon. Nagliligpit naman ng gamit si Buwan bilang patapos na ang kaniyang oras. 
Sa isang syudad na puno ng building, may isang kwadradong bintana roon kung saan masisilip natin ang isang Lalaki na halos mabura na ang kaniyang mata dahil sa paulit-ulit na pagkusot nito. Nagtimpla siya ng isang tasang kape at sinadyang patunugin ang kutsarita nang magising siya sa ingay nito. Sumilip siya sa bintana. At sa segundong iyon, hindi pa dapat lalabas si Araw, sapagkat naghahanda pa lang siya kagaya ni Lalaki. Nagkatinginan sila. 
Bilang bago si Araw sa responsibilidad nang tagapagsabi na umaga na, nakaramdam siya ng matinding init sa kaniyang loob.
“Tama ba ‘tong nakikita ko? Isang lalaki na sumulyap sa akin?! Sandali! Hindi pa ako handa... Magtatago muna ba ‘ko?”, hirit ni Araw.
Nag-ring ang alarm clock ni Lalaki at pinihit niya ‘to nang manahimik. Sa pangatlong pagkakataon, naunahan niya ‘to. Hirap siyang makatulog kahit na pagod na pagod sa trabaho. Sa buong linggo ng pagtatrabaho, tila hindi dinadapuan ng konsepto ng pahinga ang kaniyang katawan. 
Nagmadali si Araw na lumabas at iangat ang sarili nang makita siya ni Lalaki. Napansin niya ang pagyuko ni Lalaki habang nakatingin sa cellphone. Sinubukan niyang pakinggang ang sinasabi nito. 
“Oh, good morning! How are you?” pabulong na sabi ni Lalaki.
Lalong sumiklab ang bawat bisig ni Araw. Nais na lang niyang yapusin nang mahigpit si Lalaki. 
“Oo, masaya ako. Masaya ako na nagkita tayo sa unang paglabas ko. Masaya ako na kinakausap mo ako. Ikaw, kumusta ka?”
Ibinulsa ni Lalaki ang cellphone at hinila ang kurtina. 
“Hoy! Hindi mo pa ako sinasagot!”, pagmamaktol ni Araw. 
Sinundan ni Araw ng tingin si Lalaki, pero ni hindi niya magawang tingalain si Araw. Dumukot ito ng shades mula sakaniyang bulsa at agad na sinuot. 
Habang inaabangan si Lalaki, sari-sari ang pamumuri ang naririnig ni Araw mula sa mga nilalang sa ibaba. 
“Ang ganda naman ng umagang ito!” Di mabilang na “Good morning” din ang naririnig niya sa kung sinu-sino pero iisa lang ang nais niya. 
Madalas makipag-away si Araw kay Buwan. Minana nila sa kanilang mga ninuno ang oras ng kanilang paglitaw sa mundo kaya ang kasunduang ito ay nakataga na rin sa bato.
“Pambihira ka naman, Araw. Oras ko na. Di ba’t night shift ako. Kaya mamaya ka na,” hinaing ni Buwan.
“Wala akong pakialam sa shift-shift na ‘yan! Kung gusto kong sumikat, sisikat pa rin ako.” sigaw ni Araw. 
Hindi nagsalita si Buwan habang nakikipagtitigan siya kay Araw. Unti-unting naramdaman ni Araw ang hiya. Naalala niya na ang mga tao ay kailangan din ng gabi. Walang lugar ang pagiging makasarili niya. 
Palagi na siyang hinihintay ni Araw. Imbis na siya ang hintayin, ibinibaba niya ang sarili niya, “Eh ano kung ako ang Araw? Kaya ko rin ang ginagawa ng mga nilalang na tulad nila. Naririnig ko pa nga ang biro na ‘willing to wait po!’ Aba’y siyempre, ako rin.”
Inaabangan niya ang pagdating ni Lalaki. Madalas daw itong nakatungo habang nagmamadaling makipagsiksikan sa eskinita at underpass papunta sa opisina. Marahil ay lugmok sa kalungkutan o pagod sa trabaho kaya hindi na siya makitaan ng anumang bahid ng sigla. Kaya buong-buo ang ngiti ni Araw para naman mahawa si Lalaki sa saya niya. Pero sa bawat linggo na lumalabas si Araw ay ni hindi man lang siya pinapansin si Lalaki. Titingala lamang siya kapag napapansin niya ang ambon, ang ulan --- tsaka niya ilalabas ang payong. 
“Magseselos ba ako sa ulan? Sa kaibigan kong maitim na ulap? Bakit hindi niya magawang iangat ang kaniyang ulo upang harapin ako? Maliwanag naman ako ah? Mas gusto ba niya ang dilim?”
Kaydami nang nagtangkang humalina kay Araw. May iba’t ibang harana para sa kaniya. Kakaibang pag-asa raw ang taglay niya sabi ng maraming mga nilalang sa lupa. Palagi na lang biyaya ang tingin sa kaniya. 
“Sana umaraw na para matuyo kaagad ‘tong labada ko”, ani ni Marites. 
“Di bale, bukas ay may bagong araw at makakabawi ako ulit,” sabi ni Ramon. 
“Hangga’t may araw ay may good vibes,” sambit ni Yasmin.  
Kung sinu-sino ang naririnig ni Araw ngunit ang tinig lamang ni Lalaki ang kaniyang hinahanap.
“Sige, kung hindi man magpakita ng anumang senyales ng pagdating, tatanggapin ko na lang.” nangingilid na ang luha ni Araw na agad din namang natutuloy.
“Aba! Anong iniiyak-iyak mo? Alam mo namang triple ang sakit sa iyo kapag iiyak ka. Agad na ngang natutuyo, naiipon pa lalo sa loob,” hirit ni Maitim na Ulap.
“Ginusto ko bang maging ganito? Isang sumpa ang maging Araw!” Tinalikuran ni Araw ang Maitim na Ulap. 
Tinulak ni Araw ang kaniyang kaibigan na si Maitim na Ulap. Nag-udyok ito nang isang katakot-takot na pag-ulan, malakas na pag-ihip ng hangin. 
Natulala ang Araw sa gulong ginawa niya. Agad niyang hinanap si Lalaki. May isang maliit na itim na payong kung saan nagsisiksikan ang dalawang tao. Nakilala niya si Lalaki kahit hindi niya makita ang mukha ito na natatakpan ng payong. Mahigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ng isang tao -- tila binabalot ng pangakong hindi ito bibitawan gaano man kalakas ang ulan.  Pinanood niya ang pakikipagsapalaran ni Lalaki sa ulan at paglusong baha na dala ng Maitim na Ulap na binubuhos ang sama ng loob ng kaniyang kaibigang si Araw. 
Nanlamig si Araw at halos maghandusay sa lapag sa panghihina nito. Nang mapansin ng Maitim na Ulap ang pamumutla ng kaniyang kaibigan, inakay niya ito. 
Sabi nila, wala ka raw maikukubli sa araw pero nagawa pa rin ikubli ni Lalaki ang katotohanan sa ‘di malamang paraan. 
Dinamdam ni Araw ito sapagkat ang alam niya at kita niya ang lahat ng nangyayari sa mundo hanggang sa kasuluk-sulukan nito. Siya ang nagbibigay ng liwanag pero habang napupuno ng mga kongkretong matatayog na kahon sa syudad, may mga eksenang, hindi na niya nasasagap. Nahaharangan na ng semento ang kaniyang paningin.
Narinig ng Buwan ang kaguluhan. Nadatnan niyang nakahandusay na si Araw. Nahabag siya sa lagay nito. Hindi dapat malaman ng mga nilalang sa ibaba na nanghihina siya nang dahil sa isang Lalaking nakasilong sa maliit na payong. Anumang pagtatalo nila noon ay naintindihan na niya kung bakit nagpupumilit si Araw na akuin pati ang gabi. “Ang Araw na gusto akuin ang night shift,” buntong hininga ni Buwan. 
“Kailangan ka pa nila. Tumayo ka muna diyan,” engganyo ni Maitim na Ulap. Inabot niya ang kaniyang kamay at muling sumikat si Araw. 
Naghiyawan at nagpalakpakan ang mga tao. Naisalba ng Araw ang mga tao mula sa anumang peligro na dulot nang biglaang pagbuhos ng ulan. Halos lahat nang mga tao ay nakatingala sa langit, at nagsambit ng munting dasal. 
“Salamat naman sa Diyos at umaraw na ulit!” hiyaw ni Marites. 
Sa pagsikat ni Araw, tiniklop na ng lalaki ang payong. Nakatalikod ang kasama niya kaya hindi man lang mamkukhaan ni Araw ito. Kay liwanag niya ngunit hindi man lang niya maaninag ang mukha ng taong kasama ni Lalaki. Wala na sigurong mas bibigat sa kaniyang loob sa puntong iyon. Niyakap nang mahigpit ni Lalaki ang taong ‘yun. Nang iaangat na nito ang ulo niya, umasa si Araw na ito na ang pagkakataong magkatinginan na silang muli. 
“Magpapasalamat ka rin ba gaya nila Marites at kung sino pang nilalang na sabik na sabik sa aking pagdating?”
Sa huli, inangat lang pala niya ang ulo niya upang harapin ang taong iyon at halikan ang labi nito. 
Kasama ni Araw sina Maitim na Ulap at Buwan sa panonood ng eksenang ito. Hindi nila mawari kung paano matutulungan ang kaibigan.
Marahil ito na ang araw na dapat na siyang magpaalam. Handa na siyang pakawalan ang lalaking yun. 
Baka magpapaalam na lang daw siya, maghihintay na lang hanggang sa mag- alas singko. Ngunit muli siyang kumabig, hindi siya lulubog hangga’t hindi buo ang desisyon niya. 
Napansin ni Buwan na pilit na iniaabot ni Araw ang mga sinag nito kay Lalaki, wari’y nagmamakaawang abutin ito sa una at huling pagkakataon. Ngunit di na matiis ni Buwan na makita ang kaniyang kaibigan na muling magpakababa para sa Lalaking ito kaya minabuti niyang pagtakpan ang kahibangang ito. 
“Magpahinga ka muna, ako na lang ngayon. Akin na ‘yan.”
“Ang alin?” pagtataka ni Araw.
“Ang iyong sama ng loob.”
“Ha? Para saan?”
“Wala ng tanong-tanong.”
Bilang tiwala siya sa kaniyang kaibigang Buwan, iniabot ni Araw ang sakit na tanging si Buwan lang ang nakakakita. 
“Pito’t kalahating minuto sa oras ng mga tao pero pitong dekada sa panahon natin.” 
“Sandali... kung pitong dekada sa panahon natin, ibig sabihin lang nun ay kailangan ko nang magpaalam nang tuluyan? Teka! Teka!” pagmamakaawa ni Araw.”
“Wala nang pero, pero...”
At tumigil ang mundo sa mga mata ni Araw. Tumayo si Buwan sa harapan niya upang hindi na niya masulyapan si Lalaki. 
“Tama na ‘yang kahibangan mo, Araw at magpahinga ka na lang.”
Kusa na lang niyang ipinikit ang kaniyang mata. Wala na siyang magawa. Wala na siyang maramdaman.
Narinig niya ang paghangos ni Maitim na Ulap. 
“Mabuti na lang at napakiusapan ko ang kapalit mo, Araw. Pasensya na iha at naistorbo ka namin. Ikaw na ang papalit kay Araw. Pagkat, hindi sa lahat ng pagkakataon ay kaya naming pagtakpan ang kahinaan ng aming kaibigan.” habilin ni Maitim na Ulap. 
Sa muling pagsikat ng bagong araw, sabay na tumingin si Lalaki at ang kaniyang karelasyon. 
“Napakaganda ng araw, pero mas pipiliin pa rin kitang pagmasdan sa bawat araw ng buhay ko.” sabi ni Lalaki.
Pagsambit ng huling salita, sabay na umiling si Maitim na Ulap at Buwan. 
“Tama ang desisyon natin.” pagmamalaki ni Buwan.
Muling umeksena si Maitim na Ulap kaya’t bumuhos ang ulan. Nagtaka si Buwan at sumilip siya ibaba at nanlaki ang mga mata nito at nagbuntung-hininga. Maya-maya lamang ay nagtapat na si Maitim na Ulap.
Alam mo bang wala ng ibang hinintay si Lalaki kundi ang ulan dahil ito ang pagkakataon niya para makipagkita sa kaniyang karelasyon? Sa ilalim ng maliit na payong na yan, ipinagkakasya niya ang kanilang mga katawan para may dahilan siya na makasama ito -- habang nakatalukbong at nakakapagtago. Walang makakakita sa kanila. Alam ni Lalaki na hangga’t sumisikat ang araw ay bukas na bukas din ang mga mata ng mga tao. Mayroong manghuhusga sa kanilang relasyon. 
At sa pagbuhos ng ulan, muling binuksan ni Lalaki ang maliit na payong. Niyakap niya ang kaniyang karelasyon at hindi ininda ang pagkabasa ng kanilang damit. Inipit nila sa gitna ng kanilang mga dibdib ang maiksing tungkod ng payong.
 “Tama ang desisyon natin.” bulong ni Maitim na Ulap. 
Alas-sais na ng gabi at tuluyan ng tumungtong si Buwan sa trono.
5 notes · View notes