eduardocanares
Elivide's Strides
4 posts
a walk towards the history and mystery of me
Don't wanna be here? Send us removal request.
eduardocanares · 1 year ago
Text
Tinig sa Tigatig
Sarili at isip ay minsan nang nilupig at nabihag Suliranin at lumbay na sa isipa'y bumabagabag Pilit na dumidilat at naghahanap ng liwanag Hanggang ngayo'y isip ay hindi mapanatag
Nandito pa rin sa silid na magulo't nalilingid Hindi makaalis; ang daan ay hindi batid Hindi makaimik; sobrang ligalig ng paligid Pupunta na lang sa gilid; magiging manhid
Nawawalan ang sarili ng lakas at kumpiyansa Nawawalan na rin ng motibasyon at pag-asa Hindi mapakali at ang kalooban ay balisa Puro hilahil; wala man lang pumigil kahit isa
Kahit nandito pa rin sa gilid at dilim Kahit ramdam pa rin ang lagim at galimgim Hihingi ng tulong at hindi magkikimkim Pagdurusa at bigat ng pasan ay hindi na iaatim
Sa huli, ang kakampi at tutulong na lang sa 'tin ay sarili Ngunit ang paghingi ng saklolo ay huwag atubili Karamdaman ay huwag isasarili at ikukubli Dahil maginhawa at panatag na pakiramdam ang sukli
0 notes
eduardocanares · 1 year ago
Text
Today I Lost
Today I lost friends Friends I always walked with and went wherever Friends I thought would stay with me forever Friends I thought we know and feel each other Friends so-called, they don't care nor remember... me
Today I lost flowers Flowers that we promised we grow together Flowers in clover 'cause every hour we used to water Flowers that bloomed last perfect year and fair weather Flowers so rare, how and why did you wither... soon?
Today I lost fire Fire that lights up my night gloomy, dreary, and lonely Fire that keeps me warm and comfy in this cold society Fire so fervent that used to fuel me turned to hell lately Fire's duality, building me up but burning me down completely... to ashes, to the ground
Today I lost faces Face of me happy when I am with them, rosy and cozy Faces of you having fun, swearing, drawing dreams, and driving me crazy Faces and feelings, all foolish and fake and feigning fancy Face to face the truth, you're all gone, and our place will be empty... from now on, forever
Today I lost f's I'm a loser, so eff you all Oh, eff you all 'Cause we said together we will stand tall But now you're all gone; eff you all
0 notes
eduardocanares · 2 years ago
Text
Salaysay ng Ginoo
Sa sobrang taas ng alapaap Nag-aalinlangan kung mahaharap Ang nakalulula mong ulap Makakamit na lang ba sa pangarap?
Sa sobrang lalim at layo ng laot Bumubulwak na alon ay nakatatakot Hindi ko na yata maaabot Hindi na rin yata masasagot
Ang katanungan at aking dalangin Na sana'y iyong dinggin at sagutin Hanggang tingin na lang sa 'king salamin Hanggang tingin na lang sa mga bituin
Sa sobrang bigat ng aking pasan Duguan at napag-iwanan na sa daan Mag-isang nakikipagsapalaran Kahit hindi alam ang patutunguhan
Sa sobrang dami ng iniisip Hindi na dama ang lamig ng hihip Kahit itago ay walang makatakip Kahit ipilit ay hindi na masagip
Ang katawan, isipan, damdami't baít Lumalala ang sakit, tumitindi ang galit Hanggang kailan pa ang iyong hagupit? Hanggang kailan pa ang iyong panggigipit?
Sa sobrang lakas ng iyong datíng Mundo ko'y gumuho, isip ko ay napraning Na baka paghawi ko ng tábing Kíta ang sariling hindi na magising
Sa sobrang higpit ng iyong posas Nanghihina at nawawalan na ng lakas Sa iyong bantay, walang nakatatakas Sa iyong kamay, walang makaliligtas
Ang nakaraan, kasalukuya't hinaharap Mawawala na lang sa isang iglap Madarama na ba ang alwan at sarap? Madarama na ba ang 'yong pagtanggap at yakap?
Sa sobrang makapangyarihan mo Buhay na inaasam ay hindi na matatamo Ito lang ang hiling at pagsamo Ikaw lang, wala nang yamo Ako lang, sa piling mo Tayo lang, hanggang dulo Itong mundo, isang regalo Itong sansinukob, unang yugto ng ating kuwento
0 notes
eduardocanares · 2 years ago
Text
Will All Be Too Well?
As we wait for your advancing advent That, on the horizon, will be present Will the atmosphere be ghastly different? Or will it actually be more pleasant?
As we hear the bells ring and birds humming To celebrate this face-to-face learning Will we run together with smiles beaming? Or will we still feel a sense of yearning?
As we step on the threshold of school's door Will we find familiar face or eyesore? With the silence that's awkward and obscure, Will we feel welcome or feel insecure?
As we cross paths with old friends in the hall Wondering if they recognize us at all Will we then catch up on each other's lives? Or just small talk and keep those in archives?
As we settle down in respective seats Finally, there are no more Google Meet's Will we now make new and fun memories? Will we still live our old, lone reveries?
As we look forward into the unknown With the fears and frailties we would've outgrown With friends, family, faculty on our side Will we move forward in stride with their guide?
As we live and learn and grow day by day Will we embrace each moment, come what may? Will we be scared or come out of our shell? Or keep on pondering, "Will all be too well?"
1 note · View note