#sumasagot
Explore tagged Tumblr posts
Text
artist + character~! pronouns.page/
#arts #wips #sketches
#nagsasalita・talking #sumasagot・answering (asks)
Hi!! Call me Jui, Juwi, Juri, Juu, or some other nickname! I'm a human artist from the Philippines with a passion for comics & character design.
Sometimes I'm a catboy; sometimes just a guy. I'm also on bluesky!
art software I use: Clip Studio Paint, Krita, & Aseprite
I will be posting: fanart & occasional original work
URL changes over the years, because I'm bad at being one person: mekoison -> mekorru -> sytchii -> fynqeh -> juriuun -> juiroll (now!)
14 notes
·
View notes
Text
🤍 so sa hall of justice pala may pabowling sila pag friday. edi syempre sumama ako hahaha. after ko tumira nung practice shots hindi ba naman ako sinali sa list ng actual players para magcompete HAHAHHAA.
🤍 after non sinundo ako ni *** from bowling bec it was friday. i was excited to have dinner kase yun na highlight ng week ko hahaha. sabi ko last time ang kanto ng itsura niya, natawa ko kahapon inayos niya suot niya hahaha. sabi niya ang arte ko daw kakaen lang kami baka ikahiya ko pa siya hahaha. nag ayos nga nung nagsalita naman kantong kanto pa din. kapampangan humor talaga nakakatawa. tawa lang ako ng tawa kagabe, ang kanal ng humor niya. kapampangan niya ko kausap, tagalog ako sumasagot. mga isang oras kame umiikot ng angeles naghahanap ng kainan na gusto ko. after non nagcoffee kami. medyo natuwa lang ako kase nung naghahanap kami ng parking hindi na tapat dun sa kapehan pero it’s not that far tapos tinanong niya if okay lang maglakad ako konte, kunin nalang niya kotse after para di nako maglakad. tapos twing bumababa kase kinukuha ko wallet ko sa bag sa likod kase kahit di ako nagbabayad gusto ko at least nagrereach ako for the bill, tapos sabi niya “e mune kukunan, bala mu talaga mamayad ya e” hahahaha. sana kase gwapo si angkol no haha sayang. and then we went to cgc, nagdala siya ng chairs. nagkape kami don. tapos nung pauwi natulog nako sa kotse kase pagod nako talaga hahaha. sunduin niya daw ako ulit next friday. yun lang bye
50 notes
·
View notes
Text
Isang araw sa muli mong pagmulat, makikita mo ulit ang iyong mga piraso. Mga piraso na tila noong isang araw ay maayos naman at buo. Mapapaisip ka kung bakit nahandito ka nanaman sa simula at muling binubuong pilit ang sarili na sinira ng mga dati rin naman sumira. Binigyan mo ba ulit sila ng kapangyarihang durugin ka? Saktan ka? O baka ikaw na ang problema dahil paulit ulit kang nasasaktan? At sa kabila ng maraming tanong, tulad ng dati ay walang sumasagot kaya heto ka't tahimik, humihikbi at sugatan ang mga kamay na binubuo ang mga piraso ng pader na gagamitin mong pananggalang sa magtatangkang pumasok, humawak o sumilip. Kasunod nito ay ang dilim, lamig at pag iisa. Heto ka at mag isa nanaman. Hahanap ng kalinga, yakap at aruga kasabay nito ang muli mong pag guho at magsisimula ka ulit sa umpisa. Isang araw sa muli mong pagmulat, makikita mo ulit ang iyong mga piraso.
#poetry#tula#spoken word#poem#poets on tumblr#tagalog poetry#tagalog#poems#maikling tula#tulatulaan#makalaya#manulat#manunula#tagalog spoken poetry#poetic#poetscommunity#tagalog spoken words#tagalog thoughts#filipino words#filipino writer
23 notes
·
View notes
Text
YSABELLE
Ito na nga pala ang baby girl ko. 3 months na siya, ang bilis ng panahon ano. Parang kailan lang sumisipa-sipa pa siya sa tyan ko, ngayon ang daldal na niya marami na siyang kwento kahit wala naman akong naiintindihan. Pero kahit ganun nakakatuwang marinig siyang sumasagot kapag kinakausap at makita siyang ngumingiti at tumatawa.
3 notes
·
View notes
Text
Kanina, nag-speech ako about points for improvement and grievances, feeling ko nabigla sila na nagsasalita pala ako. Tapos, na-anxious after, na baka maging target ako n'yan dahil sa mga sinabi ko. Sabi pa naman ng boss, "That was a lot." Sana daw sinabi ko during and that we didn't have to discuss it in retrospect. Kulang daw ako sa communication. Sabi ko wala nang time, na-exhaust na 'yung resources, and I'm just trying to make do with what has been done. Alangang sabihan ko 'yung ibang mga doktor na please redo this after they spent so many hours and days already on those cases.
Andaming nag-message after, ayoko nga basahin noong una at baka katapusan ko na, pero okay naman pala, supportive naman sila. Baka kulang lang din sa pahinga, 3 days straight na 'kong walang tulog dahil sa mga 10AM meeting na sunud-sunod. Nakakapagod physically, mentally...
Anyway, naalala ko nanaman 'tong sinulat ko at itinambak sa drafts a few months back:
Sabi ni A, irerefer na raw nya ako sa sobrang unhealthy daw ng mga pinaggagagawa ko—maglakad ng 3km mula point A to point B tapos sasakay pa ng MRT, tapos LRT, tapos lalakad ulit; magtrabaho nang magtrabaho para makatulog sa pagod; hindi kumakain; at ang pinakakinaaawaan nyang aspeto: ang lack of enjoyment sa kahit ano.
Siguro dahil sa gutom, kaya habang tinatype ko 'to, may image ng matamis na kape sa isip ko. Parang ang sarap magkape ngayon na may gatas.
Hindi ko na lang pinapatulan 'tong si A kahit sabi nya, antagal ko raw nawala, siguro raw napagod na ako kasi antagal nyang mag-reply. Sa 7 years of friendship at sa darkest moments, siya naman 'yung nandyan. Hindi ko naman nakakalimutan 'yon. Pero sabi ko nga, nag-uninstall na ako ng mga app pangkausap ng tao, siya na lang naman at mga group chat na related sa school at trabaho ang nandoon. At ang hindi ko masabi, every 2 weeks or so ka lang naman sumasagot, kahit alam ko namang lagi mong hawak 'yang phone mo at laging in touch with many, many friends. Wala lang talaga ako sa priority list.
Hindi naman kailangan sumagot instantly pero the way it goes, nagkukumustahan tapos biglang maglalaho. Na-bring up ko na 'to dati, mula no'ng 'di na kami everyday nagkikita dahil sa mga nangyari sa buhay tapos nag-pandemic, at sabi niya, hindi naman daw kasi lahat, kagaya ko, na kayang mag-isip nang mabilis at sumagot agad, at kayang mag-stay on top of things at asikasuhin agad ang mga dapat gawin. In fairness, these past few weeks, lagi siyang nagrereach out, nagsesend ng memes or random stuff, at pinadalhan pa nga ako ng food one time, at 3AM.
Sabi niya, parang may learned helplessness na raw ako, kasi sabi ko, gano'n lang talaga. Kailangan lang magput up with nonsense sa work (and elsewhere). Wala rin namang magagawa kahit magspeak up at magpakatotoo. Sabi niya, huwag daw akong magpaka-robot.
Sabi rin pala ni M last time, baka raw gusto kong ipatingin 'tong anhedonia, antagal na raw eh. Pero tinatamad na akong magkwento at ibabalik lang din naman nila sa 'kin 'yung tanong: Ano sa tingin mo ang dapat mong gawin?
6 notes
·
View notes
Text
Life update:
Trigger warning ⚠️
Today marks the 16th day na diretso akong walang proper tulog, kahit galing sa inom. Lumilipas lsng yung hangover. In short sleep deprived. Kahit bitawan ko ang phone ko, kahit magbilang ako ng tupa. Kahit ipikit ko ang mata ko at maglagay sa ilong ng white flower to calm my nerves. The flooding of thoughts never stop.
The past few weeks, or you can say months. Makakatulog ako around 4am or 5am, magigising din either around 8am (pag walang taping), 6am or 7am depende sa pullout time. Thankfully the work drive didn’t stop.
Malalang mood swings, iiyak for no apparent reason, gets numb from the slightest, most nonsensical reels.
Gets excessively emotional from either overwhelmingly neutral, happy, scary, sad or even cute dogs and cat videos randomly scrolled up and down from youtubeshorts, ig reels or tiktok.
Having the urge to not talk to anyone or ignore and rarely reply to any personal messages just to isolate myself.
Kung walang commitment hindi lalabas ng unit. Lalabas man after the said commitment uuwi din agad, hindi kakain, hihiga, konting workout, reply sa viber messages then back to staring at a blank space.
I’m thinking of going back to seeking professional help pero I don’t know where to start. It’s been a while since I last seek for help pero now I’m clueless and helpless.
I wanted to get fixed on my own like how it was the past few years but this time, I know something’s going on, I just don’t know what’s causing it (or maybe I know, and that I was just denying it myself).
Most of the time, and most of the people who know me, na I’m a bag of smiles and laughter but within the walls of my comfort zone and solitude. This is what I’m going through.
It was all just a facade.
You’ll never know what people are going through behind all the smiles and laughter.
**Not posting this para magpapansin. Just wanted to post this to impose awareness, even self awareness. To remind me that there’s something wrong. Also posting this dahil hindi ako nagrereply masyado sa personal messages, or hindi manlang nagpaparamdam para makita ng parents ko and malaman nila kung bakit ako hindi sumasagot. At malaman nilang Okay lang ako, okay pa ako.
All will be well.
6 notes
·
View notes
Text
Drunk Call | choi seungcheol
choi seungcheol x female!reader ; fluff
>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>
Nagising ka ng 2 am kasi ring nang ring yung phone mo.
“Tangina naman!” Napaupo ka at napamura kasi nakalimutan mo nanaman patayin phone mo bago ka matulog.
Akmang papatayin mo na sana yung phone nang mabasa mong si Cheol, ang tumatawag. Agad mo naman itong sinagot.
“Cheol? Gabing gabi na bat napatawag ka? Oks ka lang?” tanong mo agad.
Kahit na friends lang naman kayo, hindi mo parin maiwasan magalala at mabahala.
“Uy! y/n sumagot ka din sa wakas!” sabi niya.
Napa buntong hininga at irap ka nalang dahil alam mong drunk call to.
“Lasing ka nanaman ba cheolito?”
“Luh! Hindi ah.” defensive na sabi niya. Bago ka pa makasagot bigla siyang sumigaw. “Hoy Jeonghan wag kang maingay kausap ko si y/n!”
Napatawa ka nalang kasi ang cute niya pag lasing.
“Nakila gyu ka?” sabi mo.
“Gyu? Anong Gyu? gyu tawag mo sa kanya? Kelan pa kayo naging close? Mingyu pangalan niya kaya tawagin mo siyang Mingyu.” sabi niya.
Napatawa ka nalang kasi yan nanaman ang pagkaseloso niya.
“Cheol, lahat tayo gyu ang tawag sa kaniya.”
“ahh oo nga no?”
Invited ka naman sa party pero sobrang busy sa acads kaya nagpass ka nalang muna.
Maya maya at nagsalita nanaman siya.
“Ba’t wala ka dito?” bakas ang lungkot sa boses nito.
Napatawa ka nang malakas kasi alam mong kapag hindi siya lasing hindi ganito aasta ito.
“wala ako sa mood eh. Pagod kasi. Diyan ka ba matutulog?” sabi mo.
“oo, bakit?” sagot niya.
“wala lang, sasabihin ko sanang wag ka magdrive nang lasing delikado.”
“eh hindi naman kaya ako lasing?”
“Ewan ko sayo, cheol”
“y/n, mag aalala ka ba kapag magddrive ako nang nakainom? ” seryoso niyang sabi.
Naupo ka nang maayos at naguluhan.
“Oo naman, kaibigan kaya kita! Syempre magaalala ako baka mapahamak ka sa daan.” sabi mo pero napansin mo na hindi siya sumasagot agad.
“ah, oo nga kaibigan mo ako.” lungkot niyang sabi.
Naguluhan ka na sa papalit palit ng mood niya. Baka kasi lasing?
Mamaya onti ay bigla siyang nagsalita ulit.
“Bakit kasi friends lang tayo?”
Hindi mo alam kung ano ang ibig niyang sabihin.
“Sige na, bestfriends na tayo.” pabiro mong sagot.
“Alam kong alam mo kung ano ang ibig kong sabihin, y/n” tama siya, alam mo talaga ang ibig niyang sabihin pero takot ka kasi nga maybe its the alcohol talking.
Napahinga ka nalang nang malalim, “Cheol, matulog ka na. Bukas pag gising mo pagusapan natin to.”
“Hindi naman kaya ako lasing!” pasigaw niyang sabi, halatang naiirita na.
Napakamot ka nalang din sa ulo mo kasi naiinis ka na din.
“Alam natin pareho na lasing ka cheol kaya itulog muna natin to at usap tayo bukas nang maaga.”
"fine," sa wakas ay sumuko na si cheol. "teka y/n pwede bang huwag mo ibaba yung tawag hanap lang ako ng bakanteng kwarto dito?" tanong niya sayo.
Pumayag ka, at nanatili ka sa linya, walang nagsasabi ng kahit ano. Naririnig mo pa ang party sa background, pero nagulo ang isip mo sa mga sinasabi ni Cheol.
You wished na hindi niya makalimutan o pagsisihan ang anumang sinabi niya, at baka, baka lang, sinadya niya ang mga sinabi niya.
"okay, nakahanap na ako ng kwarto." narinig mong nagsalita ang boses ni cheol. mahina ang boses niya, malamang nakahiga na siya sa kama.
"sige, good night seungcheol" bulong mo sa telepono, umaasang hindi niya makakalimutan o pagsisihan ang mga pinag-usapan niyo ngayong gabi.
"goodnight, y/n." tumahimik ang linya ng ilang segundo, at ibababa mo na sana ang tawag nang marinig mong nagsalita siya. "Gusto kita."
#choi seungcheol#seungcheol x reader#seungcheol au#seventeen x reader#seventeen fluff#seventeen#svt x reader#svt#svt filo imagines#svt filo au
22 notes
·
View notes
Text
So kanina nagrarant si CP na sya pala yung pinaka sumasagot ng lahat ng gastos sa bahay nila tas nagpaalam daw sya sa mama nya na kung pwede for 2 mos wag muna sya kase mag iipon lang sya para sa birthday niya tas ayaw daw pumayag ang lungkot nya e, awa naman ako sa bebe na yan HAHAHA
2 notes
·
View notes
Text
Nagkaroon kami ng instant merienda ng nanay ko kahit hindi kami nagorder sa foodpanda. Meron kasi foodpanda driver na nagtatanong sa nanay ko kung sino si ganito, tapos yung pangalan nung account hindi real name, halata naman. Tapos ayun hindi raw sumasagot. Ayun naawa nanay ko tapos ayun, kami na bumili.
halo-halo + palabok
ang hirap din pala maging food rider, lolokohin ka kahit gusto mo lang naman magka-pera. Ang immature ng mga tao lol
2 notes
·
View notes
Text
Tatlong buwan kong binalak na muling magsuot ng sapatos para patunayan sa saklay ang panunumbalik ng matatag na postura sa susuunging abentura, tulad ng pagpasok at paglabas sa kubeta. Iniliban at kinalimutan ko ang diskarte. Hindi lang naman ako ang sumasagot sa tawag ng kalikasan pagsapit ng hatinggabi. Ayokong mabisto ang paglilok ko ng higit sa kataka-taka— baka mamiligrong madagdagan ang bagahe ng mga mahal sa buhay na nag-aalaga sa isang pasyente. Kahit malimit kong linisin ang parehang paboritong hulmahan ng mga paa, mula nang makaya kong yumuko uli nang nakalapat sa sahig ang mga palad, siguradong ang karugtong na ito ng aking pagkilos ay dumaranas ng kalungkutang dulot ng paglampas sa amin ng mga abiso: pawang pahatid ng tulay, hagdan, elevator, underpass, bangketa at escalator. Napilitang magbakasyon gaya ng kanilang dinadala o nagdadala sa kanila, damang-dama ko ang pag-aalumpihit ng pares, lalo na kung ipinasasaliksik ng hangin sa gilik ng palay at sorgum —na nakabilad sa kalsada— ang sulok-sulok ng salas, kusina at silid.
Lamberto E. Antonio, "Kalungkutan ng Sampares na Sapatos" (Inilathala sa Liwayway, 2021)
22 notes
·
View notes
Text
Pag Friend mo ay scammer
so i kwento ko na bakit ako hindi nag post lately. and since lumabas naman na sa balita, i share ko na din to a bare minimum kasi lumalakad na yung kaso.
so ayun, na scam ako ng friend ko. yes, kaibigan ko to for so many years.
so this friend invited me to dinner party sa Solaire and i was surprised na me mga politicians at me mga artista doon at yung anak ng isang sikat an actress nandun din. Turns out parang they are looking for investors for this company they are to establish.
actually, hindi naman na discuss yung business plan that evening, short intro lang tapos they asked for our contact info and the part went on. in fair, bongga ang lootbag.
a week after, one of the managers called and invited me for a meeting sa head office nila sa BGC. ayaw ko na pumunta kasi alam ko marketing ploy to pero dahil good friend ko yung sa sa may-ari, pumunta ako.
again nakita ko ulet tyung anak ng sikat na actress na i found out na part pala ng corporation nila. so medyo convicned na ako na legit business to kasi yung family nya hindi lang sa showbiz, nasa politics din. malaki mawawala sa kanila.
in other words, that day nag invest ako sa kanila.
i was supposed to give this certain amount from my savings and add doon sa inheritance ko sa mom ko, pero as luck would have it, i decided to invest half and instead of what i previously intended.
i mean c’mon ang realistic at ang ganda ng proposal nila. hello, 7 to 8% returns?
at any rate, kahit half yung investment ko, malaki pa din sya. basta huge amount.
then the problem came...yung interest biglang natigil....walang kumakausap sa akin. pag tumawag ako sa office nila, walang sumasagot. yung friend ko, nawala na din....in other words, na budok ako mga lods.
at doon nag simula ang depression ko kasi hard earned money yun and what aggravates the burden is, walang kumakausap sa amin. well they did reached out thru a letter telling that because of the pandemic business has gone bad, etc etc. but it was not enough.
parang nagka breakdown ako kasi feeling ko magagalit ang dad ko at mga kuya ko sa akin for being too stupid to trust.
kaya ayan yung reason why I lost all zest in life.
alam ko pera lang yan at kikitain ko din pero dude, that’s part of my life savings since I was young. parang lumaban naman kayo ng patas diba?
so yun lang. eme
29 notes
·
View notes
Note
Becareful next time, sobrang daming online scam din talaga nowadays kaya ako if hindi muna mag text ang unknown number kung ano kailangan nya saakin di talaga ako sumasagot sa calls.
-C
Natunganga na nga lang ako kanina doon sa sinabi. Nanlalata ako. Nag iipon rin kasi ako for a camera. Parang hindi talaga siya para sakin in many ways, kasi di lang ito yung 1st time na nascam ako. Nascam ako for a bigger money last time.
2 notes
·
View notes
Text
Tumawag sakin yung bank kanina regarding sa cc application ko which was a month ago pa. I asked them kung bakit ngayon lang sila nag follow up tapos ang sabi ni agent
*non-verbatim "ma'am, according sa record namin, ilang beses po kayong nireach out pero walang sumasagot ng tawag namin."
Then, I checked yung call logs, and lol. Daming missed calls. Nag sorry nalang ako and dinahilan na gy shift ako so tulog sa umaga. Tapos ngayon lang nagsink in. I remember my phone rang many times these past few weeks, I even ended some of them 😭. Wala, ang lutang lang.
10 notes
·
View notes
Text
amputangina walang sumasagot saken, di ko alam kung uuwi ako o hinde HAHAHAHAHAH (umiiyak ako guys /nsrs)
2 notes
·
View notes
Note
how/where to commission u for art
nowhere at the moment. 😭 i'm not ready; i will be, i hope, but i don't know when yet. i'll get back to posting when i am, but thanks for asking!
i've got an anime backstory of why i stopped/paused but frankly i'm, tired, haha (not haha)
i'm currently working on stuff (finally opening a local bank account, researching about global e-banks available in my country, setting up a commissions page, etc.)
i also want to make more current art to show what i can do now rather than use years-old work (they're not at all bad and I'm still proud of them but Me now is too different in my taste.)
there's also other personal stuff (health, economic status, etc.) i'm working on it. i'm working on it.
1 note
·
View note