#sino ba gumawa ng baby at 40 years old
Explore tagged Tumblr posts
nice2meetyouu · 3 years ago
Text
Worker bee lang ako; ang sistema ang sisihin niyo
Maraming maarteng pasyente sa Hospital X. Palibhasa, marami sa kanilang may pera. Pero kahit walang pera, maarte rin ang iba. Therefore, marami lang talagang maarteng pasyente sa ospital.
'Yung first patient of the day na sa akin na na-deck kahapon, tinatanong ko lang ng standard questions na kailangan para ma-process ko 'yung admission papers niya tapos nagwala si ate.
Manganganak na raw sya, tanong pa ako nang tanong. Eh tinanong na rin naman daw 'yon a few days ago, so what's the reason for having to ask everything again? Dami pa nyang reklamo. Kesyo 'di raw kumportable 'yung examining bed sa ospital.
Triny ko naman iexplain na every healthcare worker has to do his or her own history for accuracy and completion. Hindi naman pwedeng nakasulat sa records mo na wala kang ibang sakit tapos noong nakausap kita, may sakit ka pala. Mayroong record 'yong sinasabi niya, 3 days ago, pero 'yun ay specific sa konsulta nya that day, at wala doon 'yung iba pang mga tanong na kailangan ko, like anong religion mo, nasalinan ka na ba ng dugo dati, at iba pa.
Buti kung ako 'yung nakausap mo 3 days ago? Kaso hindi naman. Nagalit sya lalo when I tried to explain, "irrelevant" daw. Sa isip ko, edi bahala ka, 'di naman ako 'yung hindi maa-admit pag 'di kumpleto 'yung info.
If sawang-sawa ka na kasi tanong nang tanong 'yung mga tao, sana sinulat mo na lang sa papel para tuwing itatanong, ipapakita mo na lang. Ikaw ang mag-aadjust ate, ikaw 'tong pumunta-punta sa ospital tapos magpapaka-karen ka. Sa bahay ka na lang sana nanganak para walang magtatanong sa iyo.
'Yung sinasabi ng journalists na wala raw empathy 'yung mga tao sa ospital (specifically, si Maki Pulido yata about PGH, pero parang 'di lang sya ang nagsabi nyan), dapat subukan muna nila for themselves for at least two months. Saka nila sabihing ang healthcare workers ang walang empathy.
Worker bee lang ako so by being a Karen, tumagal ang trabaho ko dahil pinapunta pa ako ng senior ko sa records para halukayin 'yung previous na panganganak ni Karen sa ospital, baka may mapulot raw ako, at para 'di na raw magalit si madam, pero except sa outcomes ng anak nya noong 2016, wala naman akong napala.
Sayang time tapos maba-bad trip ka pa. Pero ginagawa ko lang ang trabaho ko.
8 notes · View notes