#kala mo kanya ang ospital
Explore tagged Tumblr posts
nice2meetyouu · 3 years ago
Text
Worker bee lang ako; ang sistema ang sisihin niyo
Maraming maarteng pasyente sa Hospital X. Palibhasa, marami sa kanilang may pera. Pero kahit walang pera, maarte rin ang iba. Therefore, marami lang talagang maarteng pasyente sa ospital.
'Yung first patient of the day na sa akin na na-deck kahapon, tinatanong ko lang ng standard questions na kailangan para ma-process ko 'yung admission papers niya tapos nagwala si ate.
Manganganak na raw sya, tanong pa ako nang tanong. Eh tinanong na rin naman daw 'yon a few days ago, so what's the reason for having to ask everything again? Dami pa nyang reklamo. Kesyo 'di raw kumportable 'yung examining bed sa ospital.
Triny ko naman iexplain na every healthcare worker has to do his or her own history for accuracy and completion. Hindi naman pwedeng nakasulat sa records mo na wala kang ibang sakit tapos noong nakausap kita, may sakit ka pala. Mayroong record 'yong sinasabi niya, 3 days ago, pero 'yun ay specific sa konsulta nya that day, at wala doon 'yung iba pang mga tanong na kailangan ko, like anong religion mo, nasalinan ka na ba ng dugo dati, at iba pa.
Buti kung ako 'yung nakausap mo 3 days ago? Kaso hindi naman. Nagalit sya lalo when I tried to explain, "irrelevant" daw. Sa isip ko, edi bahala ka, 'di naman ako 'yung hindi maa-admit pag 'di kumpleto 'yung info.
If sawang-sawa ka na kasi tanong nang tanong 'yung mga tao, sana sinulat mo na lang sa papel para tuwing itatanong, ipapakita mo na lang. Ikaw ang mag-aadjust ate, ikaw 'tong pumunta-punta sa ospital tapos magpapaka-karen ka. Sa bahay ka na lang sana nanganak para walang magtatanong sa iyo.
'Yung sinasabi ng journalists na wala raw empathy 'yung mga tao sa ospital (specifically, si Maki Pulido yata about PGH, pero parang 'di lang sya ang nagsabi nyan), dapat subukan muna nila for themselves for at least two months. Saka nila sabihing ang healthcare workers ang walang empathy.
Worker bee lang ako so by being a Karen, tumagal ang trabaho ko dahil pinapunta pa ako ng senior ko sa records para halukayin 'yung previous na panganganak ni Karen sa ospital, baka may mapulot raw ako, at para 'di na raw magalit si madam, pero except sa outcomes ng anak nya noong 2016, wala naman akong napala.
Sayang time tapos maba-bad trip ka pa. Pero ginagawa ko lang ang trabaho ko.
8 notes · View notes
strangeeerdale · 5 years ago
Text
Day one of grievance
Sobrang hindi ko na alam yung gagawin ko, parang hindi ko na din kilala sarili ko, eto na naman, luluha na naman ako. Bakit ba kase? Bakit hindi ako pumasa sa boards? Lahat naman ginawa ko at tiniis ko, bat di padin ako pinalad? Bakit? Bakit?
Yan ang laman ng isip ko ngayon, puro bakit.
Before,During and After exam. Sobrang manhid ng puso ko, bakit walang nararamdaman? Hindi ko alam bakit ganito. Positive naman yung pananaw ko, nagdadasal naman ako kay Lord, mabuti naman ako sa pamilya ko. Pero bakit ganito.
San ba ko nagkulang? Sa review nga lagi akong pumapasok, wala akong pinapalagpas na lesson kase added knowledge yun. Ni isa wala akong absent, pagtuwing post test sabi ko babawi ako sa pre boards 1, pero nung dumating na yung pre boards 1 nawindang ako, walang wala kase sa kalingkingan ng post test namin yung pre boards 1. Pero sabi ko sa sarili ko. Itotodo ko pa for Board Exam na, not for pre boards 2. Never akong nag aliw aliw, never akong gumimik sa kalagitnaan ng review kase mas importante saken na magfocus for Board exam.
Nabuhayan ako ng loob nung pre boards 2 na, kase di gaya nung pre boards 1 wala talaga akong masagot unlike pre boards 2 so grabe yung faith ko kay Lord na sana sa Board Exam po palakasin nyo po yung loob ko lalo. Para lahat masagutan ko.
Oo lahat naman nasagutan ko, pero sobrang nahirapan talaga ako sa IPE at RADSCI i dont know why, lahat naman binigay ng review center, hindi sila nagkulang, ako lang talaga yung may kulang kase kita naman e, bagsak ako eh di ba?
pero talagang nahirapan ako, and some says, grabe hirap daw talaga sila, tas tinitignan ko nalang sila na para bang, Ha? Nahirapan kayo? Parang di naman kase alam ko namang kaya mo, RRT ka na nga eh. Eh ako tatlong beses ko ng binalikan yung tanong na 1--100 na halos mabaliw na ko kakaisip sa tamang sagot, sabi ko iaalay ko kay Lord lahat ng exams ko, Siya na bahala. Pero hindi ako pinalad.
Nakakapanlumo, habang yung iba sa kanya kanyang gc nag cocongrats, sobrang alam mo yon? Yung feeling na, lahat sila nagkakasiyahan tas ikaw parang napagiwanan na? Sobrang daming tumatakbo sa isipan ko, ang dami kong sini-sink in sa utak ko na puro positivity,motivational sayings na sinasabi saken ng magulang ko, ng lecturers sa review, ng mga kaibigan ko, techs ko. Kamusta tina? Okay ka lang ba?, hindi pa katapusan ng mundo, makakabawi ka pa, na yung iba nga di sumuko kahit naka apat lima ng take ng board exam, yung iba di pa makapaniwala na bumagsak ako, kung legit daw ba yun, na nandiyan lang sila para saken, hindi daw ako failure, may next year pa galingan mo pa. Yan yung mga chat nila, pero pinasasalamatan ko nalang sila, pero sa totoo lang hirap talaga ako replyan yung mga sinasabi nila kase mas lalong nakakaiyak, di ko mapigilan. Kilala nila ako, sobrang emotional kong tao, konting ganto,ganyan iiyak ako. Dami ko ng new years resolution na hindi na ko iiyak, pero hindi talaga mapigilan lalo na parang gumuho yung building na letter R na kala ko makakamit ko this year.
Napabilib naman ako kase yung ka intern ko nung junior, Top 1 and Top 9 tapos halos lahat ng tropa ko pasado. Tas sa kakilala ko na bumagsak last year pasado na ngayon.
Pero ako hindi, hindi nakakabilib
Lagi akong chinecheer up ng magulang ko dito sa bahay, pero di ko talaga mapigilan di maluha, kase ang sakit sakit, i failed them.
Sabi ko, gustong gusto ko na magtrabaho para pag unang sahod ko may pandagdag sa bayarin sa kuryente,tubig, pambaon kay bunso, makapag ipon para sa bagong bahay, kotse. Tapos sabi ko rin, pag pinalad din sa ibang bansa, iggrab ko na agad. Tapos pag tech na ako, tuturuan ko yung mga magiging interns ko sa ospital, bibigyan ko sila ng reviewers,quizzes, exams, para malaki puhunan nila for Board Exam. Sobrang dami kong plano this year, pero biglang gumuho nung di ko nakita pangalan ko sa list of passers. Sobrang big deal to kase, naghirap ako these past few months para sa board exam na to. Yes months lang, kase ONCE A YEAR lang tong exam namin eh, kaya binigay ko yung very best ko. Pero hindi pa pala best ang tawag don. Kase kulang pa.
Nagkulang ako
0 notes
thewordkeeper-blog1 · 7 years ago
Text
WHERE DO BROKEN HEARTS GO?
WHERE? It doesn’t necessarily have to be a place.
Ayan ang palaging tanong sa’kin ng mga kaibigan kong broken hearted. Kala mo naman kapag sinabi kong “pumunta ka ng South Korea, hanap ka dun ng oppa. Andoon ang forever. Abs. Emegerd” gagawin talaga. Nakakatawa lang kasi sila mismo sa sarili nila, alam naman nila kung saan sila dapat pumunta. Alam nila sa sarili nila kung anong dapat nilang gawin para mawala ang sakit. Nagtatanong sila dahil gusto nilang humanap ng mas madaling paraan. Hindi nila ginagawa kasi alam nilang hindi ito basta basta. 
Totoo naman eh. Hindi yun kasingbilis ng paglubog ng araw, hindi kasingbilis ng paglamig ng kape mo sa starbucks dahil hinihintay mo yung kaibigan mong ‘on the way’ na daw. Hindi kasingbilis nagpagpapatuyo sa nail salon ng gel polish mo, hindi kasingbilis ng pagsama mo sa kaibigan  mo pag sinabi niya ang mga mahiwagang salitang “libre kita”. Hindi kasingbilis maubos ng yellowpad mo pag may quiz dahil isang buong klase niyo ata ang nanghingi sayo, partida dalawa pa yung sa iba. Higit sa lahat, hindi ‘yon kasingbilis na pagkagising mo kinabukasan ay nagawa mo na.
Iniisip niyo siguro na “dami namang sinabi nun, di na lang diretsohin”. Ganyan talaga, kailangan mong maging ‘patient’. Hindi patient sa ospital dahil nagkasakit ka na kaka-love love mo diyan tapos sasabihin ng nanay mo “kaka-computer mo yan eh”. Di ganon, patient as in  KAILANGAN mo ng mahabang pasensya. Bakit? Dahil ganyan din ang pagdadaanan mo bago ka tuluyang maka-move on, bago tuluyang mawala ang sakit, at bago mo marating yung lugar na sinasabi mong tambayan ng mga broken hearts. Gaya ng mga nabasa mo na maraming pasikot-sikot at mukhang walang sense pero sa huli alam mong may matutunan ka. 
Ang dami ko nang sinabi pero isang word lang naman ang kailangan talaga. Excited ka nang malaman no? Ayiie, makakamove on na siya. Oh wag kang umasa diyan. Gaya ng sabi ko, mahaba ang proseso. Matagal pero kung mas nanamnamin mo yung sakit sa bawat sandaling lumilipas na nagmomove on ka, mas magiging fulfilling ang pakiramdam mo sa huli. To the point na mapapaisip ka nalang na “WHAT THE HELL? INIYAKAN KO YANG PANGET YAN? NAKAKALOKA, MUKA SIYANG KUTO. YUCK. EWWW. DARLAAAAA!” ganern. Para ma-achieve mo ang ganiyang accent ni Kris Aqui- oops teka mali pala ko ng tinuturo, eto pala dapat. Para makawala ka na sa sakit, isang bagay lang ang kailangan at dapat mong gawin. Ano yun? Isang salita lang... TANGGAPIN.
Isang salita lang yan pero mahirap gawin. Marami kang dapat pagdaanan bago mo tuluyang matanggap na hindi talaga kayo ang para sa isa’t isa, na hindi na matutupad yung sinumpa niyong forever sa ilalim ng puno ng alatiris. Maraming pangako ang napako at maraming oras, pagmamahal, at pera (na ginastos mo sa pambili ng monthsary, anniversary, birthday, christmas, at kung anu-ano pang regalo na binigay mo sa kanya, isama mo na rin yung pamasahe at pangdate) ang nasayang. Pero hindi ka dapat manghinayang sa mga iyan dahil naging masaya ka rin naman at kung tutuusin hindi na rin yun “sayang”. Kusang loob mong binigay ang oras mo sa kanya. Kusang loob mo siyang minahal. Kusang loob mong bigyan siya ng mga regalo at bayaran ang pamasahe niya kapag lumalabas kayo. Kahit gaano karami ang binigay mo, kahit gaano karami ang nagastos mo, isipin mo na lang yung magagandang ala-alang kasama noon. Yung mga ngiti niya kapag sinasabi niyang mahal ka niya, Yung tuwang naramdaman niyo pareho nung panahong kasama mo pa siya. Ganiyan talaga, nagmahal ka eh. Hindi mo yan para isumbat, hindi mo yan para bilangin, dahil ang pagmamahal kalakip niyan ang pagbibigay.
Kapag natanggap mo nang hindi na siya ang makakasama mong tuparin ang mga pangarap mo, kailangan mo ring tanggapin na makakahanap siya ng iba -ng bago - ng hindi ikaw. Gagawin niya yung mga magagandang bagay na ginawa niya sayo sa susunod na babaeng mamahalin niya at kailangan mong tanggapin na kahit anong iyak ang gawin mo, mapapalitan ka pa rin. Harsh pero totoo. Mahirap, oo, pero DAPAT. Okay lang namang maging bitter, okay lang na lait laitin mo yung bago niya ng nakatalikod. Pero tandaan mo, wala ka nang karapatang isumbat sa kaniya na nasasaktan ka dahil  hindi na siya sayo. Sakit ba? Masakit talaga pero kailangan mong tanggapin. Wag kang magmamakaawa na sana ikaw na lang, sana ikaw na lang ulit dahil unang una, hindi ikaw si Basha. Pangalawa, that’s not how you move on, that’s being desperate and in love, you shouldn’t be desperate at all. You can’t force him to love you back. ENEBE, napapaenglish ang ati mong girl.
Kapag lahat ng nabanggit ko ay sa tingin mo nagawa mo na, nasa pinakahuli ka na. Natanggap mo nang hindi na maibabalik ang lahat ng binigay mo at hindi mo ito dapat panghinayangan. Natanggap mo nang makakahanap din siya ng bago at hindi ka na para magmakaawa sa pagbalik niya. Pero meron ka pang isang bagay na dapat tanggapin. Ayan ay ang katotohanang tuloy tuloy lang ang buhay kahit wala na siya. Hindi pa end of the world dahil lang wala na kayo o wala na siya. Lagi mong tatandaang hindi lang siya ang nagmamahal sa’yo. Nandiyan ang pamilya mo, ang mga kaibigan mo, at hinding hindi ka pababayaan ng Diyos. Mahalin at alagaan mo ang sarili mo at gawin mo lahat ng bagay na magpapasaya sayo. Magshopping ka ng pang-OOTD sa instagram. Magpaayos ka ng buhok. Tandaan mo, okay lang na magpaganda ka o magpapayat ka/ magpamuscles ka basta gagawin mo ‘yan hindi para sa ibang tao kundi para sa sarili mo mismo. Hindi mo dapat ginagawa ang mga bagay na iyan para sa ibang tao. You should learn to love yourself at kasama na doon ang pagaalaga sa sarili, ang pagiging masaya.
Kapag nagawa mo na lahat yan ay CONGRATULATIONS, malapit ka na sa destinasyon mo. Malapit ka na sa dapat puntahan ng puso mong nasawi. So, kung tinatanong mo parin “where do broken hearts go?”, isa lang ang sagot diyan. Pupunta ang puso sa isang bagay na pinaghahandaan mo simula nang matuto kang tumanggap. Sa dami ng tinanggap mong sakit, sa dami ng pinagdaanang lubak ng puso mo, sa wakas ay makakarating na siya sa tama niyang destinasyon... ang muling magmahal. Your broken heart will eventually learn how to love again. It may again have some pains or scratches or even be broken again. But that is never the end. Through those pains, marami kang natutunan at yung mga natutunan mo na ‘yon ay magagamit mo sa susunod na magmamahal ka. Sa point na ‘yan, sure akong natuto ka nang mahalin ang sarili mo. Alam mo na kung ano ang klase ng pagmamahal na deserve mo at isa ‘yan sa mahahalagang bagay na dapat mong malaman bago ka muling magmahal. “We accept the love we think we deserve”.
0 notes