#para paraan
Explore tagged Tumblr posts
Text
Napapatingin, napapakilig
Madalas sa iyo napapatitig
Tuwing dumadaan, napapagaan
Araw na punong-puno ng kaguluhan
6 notes
·
View notes
Text
[6] Para-Paraan
jugjugan (daeseol)
E ano naman kung kinaiinisan siya ng pinaka-cute na prefect na nakilala niya? Hindi ito hadlang para sundin ang tinitibok ng kaniyang puso. He's Gryffindor's Chaser for a reason
Chapters: 3
🔗 Link
0 notes
Text
Mahirap pala magkacourse about something na ever changing like you constantly have to learn to keep up with the times. Tech for example, yung ,ga pinaghirapan naming aralin noong grade 8 tle hindi na applicable rn like iba na yung lessons nila now compared to others
#plus imagine pa sa job mo iba yung programs na ginagamit nila#sayang years mo inaaral ibang programs tapon lahat and aral ng bago#kaya rin ineemphasise ng school naman na ang experience at paraan ng pagaaral ang totoong tinuturo nila kasi yun yung dapat na hindi#magbago#gosh ready na ba q para sa real world lol
0 notes
Text
Para-Paraan (If there's a will, there's a way)
#wind breaker#wind breaker satoru nii#hayato suo#suo hayato#akihiko nirei#nirei akihiko#suonire#suonirei#suonirei fanart
80 notes
·
View notes
Text
"Korapsyon: Ang Lason na Sumisira sa Pamahalaan at Ekonomiya ng Bansa"
Ano ang Korapsyon?
Ang korapsyon ay isang malalang isyu na nagreresulta sa maling paggamit ng kapangyarihan para sa sariling interes. Sa pamahalaan, nagdudulot ito ng pagkawala ng tiwala ng publiko, pagbaba ng kalidad ng serbisyo, at kawalang-katarungan. Sa ekonomiya, ang korapsyon ay nagiging sanhi ng pagkawala ng pondo para sa mga makabuluhang proyekto, nagpapataas ng buwis at presyo ng bilihin, at nagiging sanhi ng kawalang-katiyakan sa mga mamumuhunan. Ang kawalan ng mga dayuhang pamumuhunan ay nagpapahina sa lokal na ekonomiya at sa antas ng kabuhayan ng mga tao.
Mga Epekto sa Pamahalaan
Pagkawala ng Tiwala: Ang korapsyon ay nagreresulta sa pagkawala ng tiwala ng mamamayan sa kanilang mga pinuno. Ang pagiging saksi sa mga katiwalian ng gobyerno ay nagiging dahilan para mawalan ng gana ang mga tao na makibahagi sa mga proyektong pampamahalaan o magbayad ng buwis nang tama. Sa ganitong kalagayan, nawawala ang kredibilidad ng mga institusyon at humihina ang sistema ng pamamahala.
Pagbaba ng Kalidad ng Serbisyong Pampubliko: Kapag ang pondo ng gobyerno ay nagagamit sa mga hindi tamang paraan, hindi natutugunan ang mga pangunahing pangangailangan ng mamamayan. Maraming proyekto ang natitigil o hindi nagagawa, at bumababa ang kalidad ng mga serbisyo tulad ng edukasyon, kalusugan, at imprastruktura. Nagiging mahirap ang pag-unlad ng bansa dahil ang mga serbisyo ay hindi natatamasa ng mga taong mas nangangailangan.
Paglaganap ng Nepotismo at Paboritismo: Ang korapsyon ay madalas nagbubunsod ng hindi pantay-pantay na oportunidad sa mga posisyon sa pamahalaan. Nagiging normal ang pagtanggap ng mga kaibigan o kapamilya ng mga nasa gobyerno sa trabaho, kahit hindi sila kwalipikado. Nagreresulta ito sa mga hindi epektibong tagapamahala at opisyal, na siyang nagpapabagal sa mga proseso at proyekto ng pamahalaan.
Kawalang-Katarungan at Pag-abuso sa Kapangyarihan: Sa mga bansang matindi ang korapsyon, ang mga mayayaman o makapangyarihan ay maaaring makaligtas sa batas, samantalang ang mga karaniwang mamamayan ang nahihirapan. Nagdudulot ito ng kawalang-katarungan sa lipunan, at marami ang nananatiling mahirap habang ang mga may kakayahang magsamantala ay patuloy na umaangat.
Mga Epekto ng Korapsyon sa Ekonomiya
Pagkawala ng Pondo para sa Pagpapaunlad Ang korapsyon ay nagiging dahilan ng pagbubulsa ng mga pondo na sana ay magagamit sa mga proyektong pampabuti ng ekonomiya. Halimbawa, ang pera para sa mga proyektong pang-imprastruktura ay napupunta sa bulsa ng ilang opisyal, imbes na makatulong sa paglikha ng trabaho o pag-akit ng mga mamumuhunan. Dahil dito, nagiging mabagal ang pag-unlad ng bansa.
Pabigat sa Buong Lipunan Ang korapsyon ay may direktang epekto sa lahat ng antas ng lipunan. Ang pagtaas ng buwis at presyo ng mga pangunahing bilihin ay isa lamang sa mga epekto nito, na direktang nagpapahirap sa mga mamamayan. Kapag ang pondo ng gobyerno ay hindi naipamamahagi nang tama, kailangan nilang magpatupad ng mas mataas na buwis o pangungutang upang masustain ang mga gastusin sa proyekto. Ito ay lalo pang nagpapabigat sa ekonomiya ng bansa.
Paghina ng Pagtitiwala ng mga Mamumuhunan Ang mga dayuhang mamumuhunan ay umiiwas sa mga bansang kilalang mataas ang antas ng korapsyon. Sa ganitong sitwasyon, ang bansa ay nawawalan ng pagkakataon para magkaroon ng mga bagong industriya, trabaho, at teknolohiya na sana'y makatutulong sa pagpapalakas ng ekonomiya. Ang kakulangan ng foreign investment ay nagpapahina sa palitan ng pera at pagtaas ng ekonomiya.
Hindi Matatag na Ekonomiya Dahil sa kakulangan ng tiwala ng mga mamamayan at dayuhang mamumuhunan, hindi rin nagiging matatag ang ekonomiya ng isang bansa. Sa halip na patuloy na tumataas ang antas ng kabuhayan, nahihirapan ang bansa na sumabay sa pandaigdigang merkado. Ang kawalan ng kumpiyansa sa sistema ay nagreresulta sa pagbaba ng halaga ng lokal na pera at pagsulong ng underground economy o mga iligal na negosyo.
Pagpuksa sa Korapsyon
Hindi madali ang pagresolba sa isyu ng korapsyon, ngunit may mga hakbang na maaaring simulan upang mabawasan ito. Una, ang pagpapalakas ng transparency o pagkakaroon ng mga public accountability systems ay mahalaga. Kailangan ding palakasin ang mga batas at magpatupad ng mga regulasyon na may patas at pantay na pagpapataw ng parusa. Gayundin, ang edukasyon tungkol sa kahalagahan ng integridad sa serbisyo publiko ay mahalaga para sa mga bagong henerasyon ng lider.
Ang korapsyon ay isang salot sa pamahalaan at ekonomiya. Habang ang ganitong uri ng katiwalian ay maaaring nagtataglay ng pansariling benepisyo para sa iilan, ang kabuuang epekto nito ay nagiging hadlang sa pag-unlad ng bansa. Ang bawat mamamayan ay may tungkulin na itaguyod ang kalinisan sa gobyerno at makiisa sa paglaban sa korapsyon. Ang malinis na pamahalaan at matatag na ekonomiya ay makakamtan lamang kung lahat ay may malasakit sa tamang paggamit ng kapangyarihan at yaman ng bayan.
16 notes
·
View notes
Text
Social Media sa Makabagong Panahon: Ang mga Positibo at Negatibong Epekto
Sa kasalukuyan, ang social media ay hindi na lamang simpleng libangan—isa na itong mahalagang bahagi ng ating pang-araw-araw na buhay. Marami sa atin ang gumugugol ng oras sa social media upang makibalita, makipag-ugnayan, at magbahagi ng mga karanasan. Gayunpaman, ang paggamit ng social media ay may mga epekto na maaaring positibo o negatibo sa ating lipunan at personal na buhay.
Mga Positibong Epekto ng Social Media
Pagpapadali ng Komunikasyon - Ang social media ay nagbibigay-daan sa mas mabilis at madaling komunikasyon, kahit sa mga taong nasa malalayong lugar. Hindi lamang mga mensahe ang naipapadala, kundi pati mga larawan at videos na nakakatulong sa pagpapatibay ng ugnayan.
Pagpapalaganap ng Kaalaman at Kasanayan - Sa social media, maraming grupo o komunidad ang naitatatag na may layuning magbahagi ng kaalaman. Halimbawa, may mga group para sa iba't ibang hobby o propesyon na nagiging tulong sa pagpapalawak ng kaalaman at kasanayan ng mga miyembro.
Platform para sa Advokasiya at Pagbabago - Nagagamit din ang social media bilang plataporma sa pagsusulong ng mga adbokasiya, tulad ng pagprotekta sa kalikasan, pagkakapantay-pantay ng kasarian, at iba pang mahahalagang isyu. Dahil dito, mas madaling makarating ang mga mensahe sa mas malaking audience at hikayatin ang mga tao na makiisa.
Mga Negatibong Epekto ng Social Media
Mga Isyu sa Kalusugang Mental - Ayon sa pag-aaral, ang labis na paggamit ng social media ay maaaring magdulot ng anxiety, depression, at iba pang mental health issues, lalo na sa kabataan. Ang patuloy na pagkukumpara ng sarili sa mga “perpektong buhay” na ipinapakita sa social media ay nagdudulot ng mababang self-esteem.
Pagkakalat ng Pekeng Balita o Maling Impormasyon - Maraming pekeng impormasyon ang mabilis na kumakalat sa social media. Ang mga maling balitang ito ay nagdudulot ng pagkakabaha-bahagi sa mga tao at minsan, nagpapalala sa mga sitwasyon sa lipunan.
Cyberbullying at Online Harassment - Isa pang hamon ng social media ay ang pag-usbong ng cyberbullying. Maraming tao ang nagiging biktima ng harassment at bullying online, na may malalang epekto sa kanilang kalusugang pisikal at emosyonal.
Pagbabalanse ng Social Media sa Ating Buhay
Ang paggamit ng social media ay hindi masama kung magagamit ito nang tama at may kontrol. Mahalagang maging mapanuri sa bawat impormasyon at maging responsable sa bawat aksyon online. Ang social media ay maaring maging kasangkapan sa pagbabago kung ito ay gagamitin sa positibong paraan.
8 notes
·
View notes
Text
Gloomy Evening dahil Friday the 13th? Eh?
Medyo teary eyed ang anteh niyo nung nabasa ko to “I’ve been independent my whole life. I’m always the leader, the giver, the planner, the one who holds the most responsibility. For once I want to be led, be known, be listened and be a receiver.”
It’s the time of the month and I know this is the phase na medyo iyakin ako. Pero how wonderful siguro pag you could finally meet yourself in someone else and reciprocate what you can give? All my life i have to stand up strong for the ppl that i love. Gawa ng paraan para mabuhay, makapag aral, magsurvive. Pero the longing na sana atleast once in my life i can get to meet someone like me. Who could also go an extra mile to make me happy. Who will not think twice buying me a cake on my birthday. A bestfriend whom i can share my deepest emotions and struggles. Someone i can trust and could lead me to become better. I always had me. I am the back up, the birthday planner, the one rooting for my people, the bestfriend of the weak, the provider of the family, the one who needs to eat last, stay up all night and sacrifice my well being. But who was there for me?
11 notes
·
View notes
Text
"Sa ganitong paraan ko ba malalaman na tapos na tayo?"
Paano kaya kung mayroong piksyon na naisulat ng isang tagahanga ng LinZin na hango sa Filipino?
Paalala: Hindi ako propesyonal na manunulat, kaya paumanhin sa mga pagkakamali sa gramatika, HUY XD
Isang araw na naman ang natapos. Pagod man, naisipan pa rin ni Lin na puntahan ang kanyang nobyo sa Isla ng Templo ng Hangin. Nagkaroon sila ng maliit na pagtatalo, kaya’t napagdesisyunan niyang sorpresahin ito sa kanyang presensya. Ngunit sa kanyang pagdating, siya ang nasurpresa sa kanyang nakita. Sa patyo ng templo, naroon ang isang matangkad na lalakiat isang tagasunod, magkalapat ang kanilang mga labi.
Naghalo ang sakit at galit sa dibdib ni Lin; sa bigat ng damdamin, nasundan ito ng pagyanig ng lupa. Agad na naramdaman ito ng dalawa at napako ang tingin ng matangkad na lalaki sa direksyon ni Lin.
Dali-daling umalis si Lin, ngunit agad din siyang sinundan ni Tenzin upang magpaliwanag.
“Lin, sandali!” sigaw ni Tenzin,
Ginamit ni Lin ang kanyang elemento upang hindi siya maabutan, ngunit mas mabilis pa rin ang hangin. Hinawakan ni Tenzin ang kanyang mga kamay, ngunit inalis niya ito.
"Sa ganitong paraan ko ba malalaman na tapos na tayo?" tanong niya, puno ng hinanakit at pagod ang tinig.
“Lin, pakiusap… hayaan mo akong magpaliwanag.”
“Magpaliwanag? Ano pa bang dapat mong sabihin? Hindi pa ba sapat ang nakita ko?”
Napabuntong-hininga si Tenzin, ang kanyang mukha seryoso, nagtatangkang gawing kalmado ang sitwasyon. “Ang nakita mo… isang pagkakamali lang. Si Pema, marahil nadala siya ng emosyon. Walang namamagitan sa amin, maniwala ka.”
"Pema? 'Yan pala ang pangalan ng babae mo. Anong pinangako niya sa’yo��mga supling ba? Mga supling na may elemento ng hangin upang buhayin ang iyong nasyon?" sagot ni Lin, puno ng galit.
Napaangat ang tingin ni Tenzin,"Walang patutunguhan ang usapang ito kung idadaan mo sa init ng ulo, Lin. Pakinggan mo sana ako…”
“Dumating ako rito para makipag-ayos, Tenzin,” bulong ni Lin, ang kanyang tinig garalgal, “pero ano ang nadatnan ko? Ang mga labi mong nakalapat sa labi ng iba.” Tumulo ang luha sa mga mata ni Lin at nagpasya siyang umalis, dala ang bigat ng sakit sa kanyang puso.
tumblr
#lin beifong#tenzin#linzin#tagalog#tagalog piksyon#pinoy fic?#lok#avatar the legend of korra#sawi ka ba?#parang ganun na nga#sige saktan mo sarili mo#3am thoughts
9 notes
·
View notes
Text
°❀⋆.ೃ࿔*:・ November 24, 2024 °❀⋆.ೃ࿔*:・
────୨ৎ────────୨ৎ────────୨ৎ────
"Ay! A.I.—Epekto Nito Sa Buhay?"
────୨ৎ────────୨ৎ────────୨ৎ────
────୨ৎ────────୨ৎ────────୨ৎ────
Kamusta na nga ba ang makabagong mundo natin na halos pinapaikot na ng Artificial Intelligence o A.I.? Usap-usapan ito ng marami at tila lahat na lang ay gumagamit na nito—mula sa mga simpleng tanong hanggang sa personal na mga isyu sa buhay. Tama nga bang ito ang takbuhan natin sa bawat sitwasyon? O dapat na tayong kabahan dahil unti-unti na tayong sinasakop nito? Sa post na ito, pag-chichikahan natin kung puro mabuti nga lang ba ang epekto ng AI o kung dapat na tayong maging mas maingat at matalino sa paggamit nito para hindi maloko ng teknolohiya!
────୨ৎ────────୨ৎ────────୨ৎ────
Paano nga ba binabago ng artificial intelligence ang takbo ng ating buhay? Ang dami nitong nagagawa sa buhay natin, pero hindi lahat magaganda and dulot! Sa school, parang may tutor ka na on-demand! Baka nga natututo tayo, ngunit paano kung puro AI na lang ang gagawa ng lahat? Sa trabaho, sobrang bilis ng sistema, parang laging may nakasilip sa ginagawa mo online habang may mga trabaho namang nawawala. Sa kalusugan, grabe, parang may doktor ka agad sa tech! Paano kung buhay mo na ang nakasalalay rito? Iisang pindot at may sagot ka na?! Pero teka, ligtas nga ba satin 'to? Ang AI ay parang espada—nakadepende sa sarili natin kung paano natin ito gagamitin, kahit astig, may mga delikado ring epekto na hindi pwedeng balewalain! Kaya ang tanong, handa na ba tayo?
Alam niyo, kada bukas ko ng Facebook, o kaya Tiktok, punong-puno ito ng mga bidyo gawa sa A.I. Noong nakaraang linggo, may nakita akong bagong ad ng Coca-cola, at sa gulat ko, gumamit ito ng A.I.! Nakakainis, ang yaman-yaman ng kumpanya ng Coke, 'di ba nila kaya gumastos o magbigay ng kahit kaunting effort sa iisang advertisement? Pero alam niyo ang mas nakakapikon? Alam kong maraming maloloko rito; lalo na ang mga matatanda! Kapag may pinapakita na post sa akin ang nanay ko, kadalasan ito'y A.I. na bidyo ng pusa o sanggol na sumasayaw (seryoso, 'di ko alam kung paano sila naaaliw dyan.) Ngunit kahit maliit na bagay lamang gaya nyan, ng mga bidyo, imahe, teksto, ito'y nagbibigay daan sa pagkawala ng trabaho ng marami.
Ang pagsibol ng industriya ng artificial intelligence ay dapat binibigyang pansin, lalo na ang ang pagiging madaling ma-access nito. Tulad na nga ng sinabi ko kanina, maraming taong naloloko rito. Humahantong ito sa mga scammers, hackers, at iba pang cyber na kriminal na inaabuso ang A.I. para sa kanilang kagustuhan. At hindi lang iyon, dahil sa A.I., karamihan ay hindi na tumatangkilik sa mga gawa ng mga artist, at nag-gegenerate na lamang ng mga imahe sa mga A.I. website. Tapos maya't maya, tatawagin pa nila ito na "A.I. Art"! Ang sining ay isang malaking aspeto ng buhay, at dahil sa A.I., nawawala ang respeto ng mga tao rito. Inaakala nila na porket nakakapag sulat sila ng prompt sa ChatGPT, sila'y mga artist na. Ngunit sa totoo lang, walang iba ang may kakayanan na makagawa ng art kundi ang mga tao lamang.
Sa kabilang banda, ang ating gobyerno ay inaabuso na rin ang paggamit ng A.I. sa mga iba’t ibang paraan. Alam nyo ba? Gumagamit na rin ng artificial intelligence ang ating gobyerno para mapabilis at mapadali ang pagresolba sa mga kaso at mga suliraning kinakaharap ng ating bansa? Maganda nga at may mga positibong epekto ito sa paggawa ng estratehiya at paraan ng gobyerno upang malutasan ang mga napapanahong isyu, pero hindi pa rin mawawala ang mga negatibong epekto nito.
Tulad na lang ng pag-limita at pag-asa sa AI para magsagawa ng mga mahahalaga at kritikal na pagde-desisyon, kahit na mapapadali at mapapabilis ng AI ang proseso, hindi pa rin nito mapapalitan ang panghuhusga ng isang tao sa mga kaso at mga napapanahong isyu na kinakaharap ng ating lipunan. Gayunpaman, huwag sanang abusuhin ng gobyerno ang paggamit ng AI. Dapat na masiguro nasa malinis na paraan ang paggamit nila sa AI. Umaasa kaming mga Pilipino na isaalang-alang ng gobyerno ang paggamit ng AI sa ikabu-buti ng lipunan, hindi lamang sa mga pansariling kapakanan nila kung di’ sa ika-aangat ng bawat mamamayang Pilipino.
Kung tutuusin, ang AI, sobrang convenient, pero kung hindi mo gagamitin nang tama, Ikaw din mahihirapan sa kinabukasan. Halimbawa na lang, yung mga estudyante ngayon? Parang naging kampante na sa paggawa ng assignments. Copy-paste dito, click doon, tapos na agad! Pero kung tutuusin, nawawala na yung elemento ng pag-aaral. Ano bang matutunan mo kung chatbot ang nagsulat ng sanaysay mo?
Isa pang downside, tamad na masyado ang ibang estudyante. May iba diyan, pinapa-generate lang ng AI yung buong research paper tapos submit na agad. Alam mo yung tipong wala nang pagsisikap, wala nang creativity. Kaya tuloy, parang nagiging robots na rin sila: wala na silang sariling idea, puro asa na lang sa A.I.
Isa pa, delikado rin yung sobrang dependensiya. Minsan kahit yung mga pinakasimple na gawain, kailangan pang iasa sa A.I. Magsulat ng simpleng introduksyon sa sanaysay? A.I. agad. Akala tuloy ng iba na okay lang na maging sobrang dependent, pero paano kung wala nang A.I.? Edi ang kinalabasan, parang naging bata ka na lang ulit na hindi marunong maglakad nang mag-isa.
Sa lahat ng negatibong pangyayaring 'to, hindi ba't nararapat lamang na magkaroon tayo ng mga panukala o limitasyon patungkol sa paggamit ng A.I.? Kung mapapansin natin, lahat ng mga ito ay nangyayari nang sabay-sabay sa kasalukuyang panahon. Naku! Kung hindi 'to mapipigilan, siguradong lalala ang kalagayan ng bansa sa paggamit ng A.I. Aabusuhin ito't gagamitin sa pangaraw-araw, aasa nalang tayo rito imbis na gamitin ang sariling pag-iisip at hayaan ang sarili natin na maging malikhain. Mahiya naman sila! Pati ba naman mga trabahong nangangailangan ng propesyonal na paggawa, hinahayaan nalang na gamitan ng A.I.? Kung magpapatuloy ang ganitong pangyayari, ano na kaya sa tingin ninyo ang mangyayari sa iba't-ibang klase ng trabaho na nakakayanan na gamitin ng A.I? Hindi ba't mahihila ang ekonomiya natin pababa kung bababa na produksyon ng aktwal na skilled at professional workers? Jusko! Napakadaming epekto ng pagsasamantala ng hustong paggamit ng A.I.! Nananawagan ako, hindi lamang sa mga sektor ng ekonomiya, pati na rin sa mga mamamayan na kagaya ko! Huwag tayong magpaimpluwensya na gumamit na rin ng A.I. sa mga bagay na kaya naman nating gawin ng sarili, sa mga bagay na nararapat nating gawin gamit ang sariling pagsisikap. Sa mga nakatataas, isipin ninyo ang mga epekto at magiging reputasyon ng bansa ninyo. Tayo-tayo lang din ang gumagawa ng problema natin, kaya't ayusin ninyo ang dapat ayusin! Mas maging propesyonal naman at pahalagahan ninyo ang trabahong pinasok ninyo. Kung hindi titigil ang mga ganitong sitwasyon—ay ewan ko nalang! Tiyak na magkakaroon ng kawalan ng pananagutan ang mga may dapat panagutan, kawalan ng hanap-buhay at mga eksistensyal na panganib.
────୨ৎ────────୨ৎ────────୨ৎ────
Ayan, ha... Baka pati ba naman sa pag-iisip ng solusyon, gagamitan niyo pa ng A.I. Magpaawat na kayo!
────୨ৎ────────୨ৎ────────୨ৎ────
Isinulat nina:
Varilla, Rhian
Magayanes, Marvince
Pacinos, Akiesha
Espiritu, Andrea
Hilario, Jericho
Adriano, Rein
Ipinasa kay:
Bb. Rocha
────୨ৎ────────୨ৎ────────୨ৎ────
°❀⋆.ೃ࿔*:・ Follow for More! °❀⋆.ೃ࿔*:・
6 notes
·
View notes
Text
kahit anong achievements ko dati, kahit anong bait ko, kahit never akong gumimik, umuwing late, maagang nagbuntis, o nabarkada nang malala, kung sa mata nila wala akong halaga, wala akong halaga, period. feelings ng iba lagi kong kinoconsider, nagagalit ako para sa kanila pag unfair ang situation nila lalo na sa akin, tinatry ko best ko maging supportive pero pag turn ko na, wala na. kahit gaano kahaba sabihin ko, kahit anong explain ko sa nararamdaman ko, hindi nila iintindihin, hahanap sila ng paraan para ako pa yung magmukhang makapal ang mukha para makaramdam ng kahit ano kahit lungkot o frustration o disappointment sa kanila.
di daw ako blacksheep, ginagawa namang scapegoat.
7 notes
·
View notes
Text
tadhana? [01]
PAIRING. rich boy!jaemin x fem!oc
CATEGORY. filo mini smau, fluff, humor, crack, one-sided pining, 5+1 things
WARNINGS. language
SYNOPSIS. jaemin is convinced na tadhana na gumagawa ng paraan para mapaglapit sila ni june. [or alternatively: the five times na nagkita si jaemin at june and the one time na nag-usap sila.]
part 1 | part 2
BEFORE YOU READ. heyyyyyy rb!jm nagbabalik WAHAHAHAHA this is a 5+1 type of fic pero smau edition kasi i cant write long narrations for the life of me, pero may konting narrations naman towards the end and sa part 2! hehe from now on i’ll be doing them this way kasi it’s more fun idk HAHAHA info to know before reading this part! elorde bldg ay ang bldg ng college of science and engineering! nandun si hyuck since he’s a medbio major, while jisung and winter are civil eng majors! also: may priv na si jaemin (everyone cheered!) part 2 will be posted tomorrow! hehe 🫰🏼
more rb!jaemin here!
NOTE. full name reveal ng magbestie na nahyuck ??? (can u tell i like greek mythology and percy jackson... HAHAHAHA) also bonus lang yung last panel... more on that soon... on a different au series... WAHAHAHAHAHA
TAGLIST. @archivedmkl @nctasdfghj @wooyoung-a @morkleetrash @kkotjia @i-aecrysture @injunified @smolpeyy @pepperrye @hibuki-chan @hannie-dul-set @chanfilms @yiz-yo @anya-writes-stuff @w0nderr @mihyu-ckie @remisaki @fullsunld @main-figuresk8-sunghoonie @dejavukirstein @seijenoh @renjun-pretty @skzbeyleynjasnct @yoitbb @najaeminluvbot @hazyru @lune1897 @heynayu @chimajeyn @rensaure @13isacoolnumber @liljeongseong @marahuyornjn @eureah @markleepooh @000rpheus @nanayogurt @luvenshiti @j-8star @flovezen @jaeyuuns @yoonhanzjaem @ssuungchans @shairamaexx @hibernatinghamster @roseltgiri @tangerinelovelees
#jaemin x oc#jaemin filo smau#jaemin smau#jaemin imagines#jaemin scenarios#jaemin fluff#jaemin crack#jaemin x reader#na jaemin#nct#nct dream#nct x reader#nct filo#nct filo smau#nct smau#social media au#au: rich boy!jaemin
51 notes
·
View notes
Text
Napapatingin, napapakilig
Madalas sa iyo napapatitig
Tuwing dumadaan, napapagaan
Araw na punong-puno ng kaguluhan
2 notes
·
View notes
Text
Kung mahal talaga tayo ni Lord, di nya ipapadanas satin ang masaktan, 'di nya hahayaang lumungkot tayo at kung totoong mahal nya tayo, gagawa sya ng paraan para sumaya.
If that's your thinking, try to double think. If you're in a position wherein you're very comfortable, sa tingin mo mag rereklamo at mag i strive ka? Diba 𝙝𝙞𝙣𝙙𝙞? So that's the reson why God allowed those pain and suffering for you/ us to strive harder, to push our boundaries, for you to take risk and for you to be ready for a bigger blessings.
Kung hindi ka umiyak noon, sa tingin mo natuto ka?
King hindi ka nasaktan noon, sa tingin mo sasaya ka?
At kung hindi mo nilet go yung mga bagay na ayaw ni God noon, sa tingin mo magiging successful ka?
May this be a reminder to everyone na yung mga pain and struggle natin ngayon, e magiging parte ng sobrang gandang kwento natin soon. Di man tayo pinagtagpo ng mga bagay na gusto natin, pero swear, si God itinadhana ka to be the best version of you. Just anchor your faith. ⚓
Isaiah 41:10 (NLT)
Don't be afraid, for I am with you.
Don’t be discouraged, for I am your God.
I will strengthen you and help you.
I will hold you up with my victorious right hand.
7 notes
·
View notes
Text
Book Review: WASAKAN NG PUSO ni Mark Angeles
Rebyu ni Mariella Angela H. Olden
Mula sa pabalat na disenyo, maging pangalan ng libro, hanggang sa mabasa ang introduksyon at mga nilalaman, napukaw ng libro ang aking pusong mas nag-umapaw sa iba't ibang damdamin—saya, lungkot, takot, pangamba, at iba pa. Dinala ako ng mga tula sa iba't ibang panahon at nanumbalik ang ilang alaalang nakalimutan na at mga alaalang masaya rin palang balikan sa isipan. Iba't ibang klase ng pag-ibig ang matutuklasan sa bawat piraso ng akda. May pag-ibig na para sa bayan, pag-ibig sa sarili, at pag-ibig sa pamilya. Naglalaman ang libro ng mga eksenang kakaiba at mga pangkaraniwang pangyayari na maaaring maka-relate ang mambabasa. Magugulat ka sa dulong bahagi kada matatapos mo ang isang tula dahil sa dalang mensahe o kahulugang nais ipabatid nito. May ginamit na mga salitang malikhain at metapora ang sumulat na nagbigay pa ng kakaibang ganda. Maaaring basahin sa iisang o iilang upuan, ngunit mas maganda kung pagninilay-nilayan muna ang bawat tula. Higit sa lahat, tuturuan ka ng librong ito kung paano magmahal sa pinakamailap o pinakamaginhawang paraan.
Sa katunayan, hindi ko napigilan ang sariling guhitan ang ilang pahina base sa tinutukoy ng akda. Hindi ako magaling gumuhit ngunit nagawa ng librong guhitan ko ito ng mga bagay na gaya ng payong, kabinet, biyolin, gunting, papel, at bato. Sinalungguhitan ko rin ang mga salita at katagang nagpaantig sa aking pakiramdam. Bitbit ko ang libro sa aking paglalakbay at sinamahan ako nito sa pagpasok. Sakto pa ngang nabasa ko ang 'Sa Hindi Dumating' nang lakbayin ko ang LRT-2, tamang-tama sa setting ng tula. Bukod pa rito, sa sobrang pagkamangha ko sa pagkakasulat, ibinahagi at binasa ko ang ''Kapag Nagbabasa Ako Ng Tula Sa Harap Mo' at ang 'Balat' sa kaibigan ko. Pareho tuloy kaming kinilig, nagtawanan, at ginanahang magsulat din bigla ng tula sa oras na 'yon.
Tuwing nagbabasa ako ng tula, kadalasang binabasa ko ito nang malakas. Para sa akin, mas may kakaibang dala kapag nilalapatan ng tono ang sulatin sa paraang nais ko. Nagalak akong bigkasin, basahin, at lapatan ng boses ang nilalaman ng tulang 'Sa Pagitan Natin.' Mas lalo akong natuwa nang mabasa ko ang iba’t ibang salin nito sa iba pang diyalektong mayroon tayo. Hindi ko man maintindihan ang karamihan sa mga salita, alam kong ang lahat ng kahulugan at patutungunan ay sa pag-ibig nagmumula.
Nang matapos kong basahin ang libro, mas napagtanto kong ang pag-ibig ay hindi lang mahahanap sa isang tao. Ang mundo ay mayaman sa pag-ibig. Maaaring nasa harap mo lang ito, sa mga bagay na nakikita mo, o sa mga taong nasa paligid mo. Hayaan ang panahong ipakilala ang pag-ibig sa'yo.
#essay#writer#writers on tumblr#tula#poem#poetry#poetic#poets on tumblr#creative writing#book review#writing#literature#filipino
4 notes
·
View notes
Text
GAGO!! ANGGWAPO NUNG PALAGI KONG NAKUKUHANG TIER 2 CHAT AGENT!!! PINUNTAHAN NYA KASI AKO SA WORKSTATION KO KANINA KASI HINDI KO ALAM PAANO GAGAWIN UNG TROUBLESHOOTING STEPS NA SINASABI NYA!! GAGOO!!! PARA SYANG MISTERIOUS CHARACTER SA ANIME NA LALAKI SHET. LAGING SYA UNG NAKUKUHA KONG AGENT E KAPAG NAGRREACHOUT AKO SA T2, PERO NAKAKALIMUTAN KO HANAPIN FB NYA. NGAYON TADHANA NA ANG GUMAGAWA NG PARAAN PARA MAKILALA KO SYA. ALAM KO NAAAA ITSURAA NYAAA AAAACKK!!!!!!
13 notes
·
View notes
Text
“Hilagpos sa nais ng makata, hindi ka kayang ilarawan ng kahit anong tugma”
Hindi kaila sa akin, sa bawat bihirang silip ng bughaw na buwan, ang iyong pahayag—na hindi ka kailanman naging paksa ng alinmang talata, ni hindi ka naging bida ng kanilang mga akda. Hindi mo ba sila naiintindihan? Ako’y nakakaalam, sapagkat ako’y makata na nauunawaan kung bakit ang pangalan mo’y hindi natatala sa kanilang tula. Hindi ito sadya—sapagkat paano ka nga ba iuukit ng sinuman? Hindi kaya ng salita ang wangis mong kasing tinis ng maya.
Ang kutis mong tulad ng malamyos na kahoy, isang oras ko pang pinagmasdan bago ko naalala ang lambing ng iyong balat. Ang iyong mga matang singkit, tila bolang lumulutang sa kalangitan, ilang minuto kong tinitigan bago ko nasuklian ng pagkakaburda sa aking isipan. Ang iyong ilong at labing tila hinulma ng mga diyos, biyaya ni Lakapati—hindi kailang nakakabighani.
Hindi ka mailarawan ng sinuman, hindi dahil hindi nila nais, kundi dahil ang kariktan mo’y lampas sa kakayanan ng papel at lapis. Kung sakali mang gulo sa isipan mo ang lahat ng ito, tandaan mo—mahaba pa ang ating bahaghari. Hindi ko layon na ipinta ang kalituhan, nais ko’y mga oras ng paglilinaw—hindi kita ililigaw, alalay ang tatanglaw.
Sa likod ng ulap, may salipapaw na humahaplos sa aking damdamin. Gaya ng mga eroplano, nais kitang basahin, aralin, at maramdaman sa maraming paraan. At sa bawat panalangin ko, hangad ko’y maging kapara kita—sa mga mithiin, sa bawat bukang-liwayway ng ating tagubilin.
Gusto kita, mula sa alapaap hanggang sa lalom ng lupa.
katha para kay ika,
iyong iro.
4 notes
·
View notes