theblogonaaccord
⋆。‧˚ʚThe Blogona Accordɞ˚‧。⋆
1 post
₊✩‧₊˚౨ৎ˚₊✩‧₊ Psst! Welcome, join na sa Blogona Accord! Isang blog na binubuo ng anim na mga cutiepatootie na estudyanteng passionate sa pagtatalakay sa mga napapanahong balita at isyu sa lipunan! Enjoy sa pagbabasa, sana trip mo! ₊✩‧₊˚౨ৎ˚₊✩‧₊
Don't wanna be here? Send us removal request.
theblogonaaccord · 2 months ago
Text
°❀⋆.ೃ࿔*:・ November 24, 2024 °❀⋆.ೃ࿔*:・
────୨ৎ────────୨ৎ────────୨ৎ────
"Ay! A.I.—Epekto Nito Sa Buhay?"
────୨ৎ────────୨ৎ────────୨ৎ────
Tumblr media
────୨ৎ────────୨ৎ────────୨ৎ────
Kamusta na nga ba ang makabagong mundo natin na halos pinapaikot na ng Artificial Intelligence o A.I.? Usap-usapan ito ng marami at tila lahat na lang ay gumagamit na nito—mula sa mga simpleng tanong hanggang sa personal na mga isyu sa buhay. Tama nga bang ito ang takbuhan natin sa bawat sitwasyon? O dapat na tayong kabahan dahil unti-unti na tayong sinasakop nito? Sa post na ito, pag-chichikahan natin kung puro mabuti nga lang ba ang epekto ng AI o kung dapat na tayong maging mas maingat at matalino sa paggamit nito para hindi maloko ng teknolohiya!
────୨ৎ────────୨ৎ────────୨ৎ────
Paano nga ba binabago ng artificial intelligence ang takbo ng ating buhay? Ang dami nitong nagagawa sa buhay natin, pero hindi lahat magaganda and dulot! Sa school, parang may tutor ka na on-demand! Baka nga natututo tayo, ngunit paano kung puro AI na lang ang gagawa ng lahat? Sa trabaho, sobrang bilis ng sistema, parang laging may nakasilip sa ginagawa mo online habang may mga trabaho namang nawawala. Sa kalusugan, grabe, parang may doktor ka agad sa tech! Paano kung buhay mo na ang nakasalalay rito? Iisang pindot at may sagot ka na?! Pero teka, ligtas nga ba satin 'to? Ang AI ay parang espada—nakadepende sa sarili natin kung paano natin ito gagamitin, kahit astig, may mga delikado ring epekto na hindi pwedeng balewalain! Kaya ang tanong, handa na ba tayo?
Alam niyo, kada bukas ko ng Facebook, o kaya Tiktok, punong-puno ito ng mga bidyo gawa sa A.I. Noong nakaraang linggo, may nakita akong bagong ad ng Coca-cola, at sa gulat ko, gumamit ito ng A.I.! Nakakainis, ang yaman-yaman ng kumpanya ng Coke, 'di ba nila kaya gumastos o magbigay ng kahit kaunting effort sa iisang advertisement? Pero alam niyo ang mas nakakapikon? Alam kong maraming maloloko rito; lalo na ang mga matatanda! Kapag may pinapakita na post sa akin ang nanay ko, kadalasan ito'y A.I. na bidyo ng pusa o sanggol na sumasayaw (seryoso, 'di ko alam kung paano sila naaaliw dyan.) Ngunit kahit maliit na bagay lamang gaya nyan, ng mga bidyo, imahe, teksto, ito'y nagbibigay daan sa pagkawala ng trabaho ng marami.
Ang pagsibol ng industriya ng artificial intelligence ay dapat binibigyang pansin, lalo na ang ang pagiging madaling ma-access nito. Tulad na nga ng sinabi ko kanina, maraming taong naloloko rito. Humahantong ito sa mga scammers, hackers, at iba pang cyber na kriminal na inaabuso ang A.I. para sa kanilang kagustuhan. At hindi lang iyon, dahil sa A.I., karamihan ay hindi na tumatangkilik sa mga gawa ng mga artist, at nag-gegenerate na lamang ng mga imahe sa mga A.I. website. Tapos maya't maya, tatawagin pa nila ito na "A.I. Art"! Ang sining ay isang malaking aspeto ng buhay, at dahil sa A.I., nawawala ang respeto ng mga tao rito. Inaakala nila na porket nakakapag sulat sila ng prompt sa ChatGPT, sila'y mga artist na. Ngunit sa totoo lang, walang iba ang may kakayanan na makagawa ng art kundi ang mga tao lamang.
Sa kabilang banda, ang ating gobyerno ay inaabuso na rin ang paggamit ng A.I. sa mga iba’t ibang paraan. Alam nyo ba? Gumagamit na rin ng artificial intelligence ang ating gobyerno para mapabilis at mapadali ang pagresolba sa mga kaso at mga suliraning kinakaharap ng ating bansa? Maganda nga at may mga positibong epekto ito sa paggawa ng estratehiya at paraan ng gobyerno upang malutasan ang mga napapanahong isyu, pero hindi pa rin mawawala ang mga negatibong epekto nito.
Tulad na lang ng pag-limita at pag-asa sa AI para magsagawa ng mga mahahalaga at kritikal na pagde-desisyon, kahit na mapapadali at mapapabilis ng AI ang proseso, hindi pa rin nito mapapalitan ang panghuhusga ng isang tao sa mga kaso at mga napapanahong isyu na kinakaharap ng ating lipunan. Gayunpaman, huwag sanang abusuhin ng gobyerno ang paggamit ng AI. Dapat na masiguro nasa malinis na paraan ang paggamit nila sa AI. Umaasa kaming mga Pilipino na isaalang-alang ng gobyerno ang paggamit ng AI sa ikabu-buti ng lipunan, hindi lamang sa mga pansariling kapakanan nila kung di’ sa ika-aangat ng bawat mamamayang Pilipino.
Kung tutuusin, ang AI, sobrang convenient, pero kung hindi mo gagamitin nang tama, Ikaw din mahihirapan sa kinabukasan. Halimbawa na lang, yung mga estudyante ngayon? Parang naging kampante na sa paggawa ng assignments. Copy-paste dito, click doon, tapos na agad! Pero kung tutuusin, nawawala na yung elemento ng pag-aaral. Ano bang matutunan mo kung chatbot ang nagsulat ng sanaysay mo?
Isa pang downside, tamad na masyado ang ibang estudyante. May iba diyan, pinapa-generate lang ng AI yung buong research paper tapos submit na agad. Alam mo yung tipong wala nang pagsisikap, wala nang creativity. Kaya tuloy, parang nagiging robots na rin sila: wala na silang sariling idea, puro asa na lang sa A.I.
Isa pa, delikado rin yung sobrang dependensiya. Minsan kahit yung mga pinakasimple na gawain, kailangan pang iasa sa A.I. Magsulat ng simpleng introduksyon sa sanaysay? A.I. agad. Akala tuloy ng iba na okay lang na maging sobrang dependent, pero paano kung wala nang A.I.? Edi ang kinalabasan, parang naging bata ka na lang ulit na hindi marunong maglakad nang mag-isa.
Sa lahat ng negatibong pangyayaring 'to, hindi ba't nararapat lamang na magkaroon tayo ng mga panukala o limitasyon patungkol sa paggamit ng A.I.? Kung mapapansin natin, lahat ng mga ito ay nangyayari nang sabay-sabay sa kasalukuyang panahon. Naku! Kung hindi 'to mapipigilan, siguradong lalala ang kalagayan ng bansa sa paggamit ng A.I. Aabusuhin ito't gagamitin sa pangaraw-araw, aasa nalang tayo rito imbis na gamitin ang sariling pag-iisip at hayaan ang sarili natin na maging malikhain. Mahiya naman sila! Pati ba naman mga trabahong nangangailangan ng propesyonal na paggawa, hinahayaan nalang na gamitan ng A.I.? Kung magpapatuloy ang ganitong pangyayari, ano na kaya sa tingin ninyo ang mangyayari sa iba't-ibang klase ng trabaho na nakakayanan na gamitin ng A.I? Hindi ba't mahihila ang ekonomiya natin pababa kung bababa na produksyon ng aktwal na skilled at professional workers? Jusko! Napakadaming epekto ng pagsasamantala ng hustong paggamit ng A.I.! Nananawagan ako, hindi lamang sa mga sektor ng ekonomiya, pati na rin sa mga mamamayan na kagaya ko! Huwag tayong magpaimpluwensya na gumamit na rin ng A.I. sa mga bagay na kaya naman nating gawin ng sarili, sa mga bagay na nararapat nating gawin gamit ang sariling pagsisikap. Sa mga nakatataas, isipin ninyo ang mga epekto at magiging reputasyon ng bansa ninyo. Tayo-tayo lang din ang gumagawa ng problema natin, kaya't ayusin ninyo ang dapat ayusin! Mas maging propesyonal naman at pahalagahan ninyo ang trabahong pinasok ninyo. Kung hindi titigil ang mga ganitong sitwasyon—ay ewan ko nalang! Tiyak na magkakaroon ng kawalan ng pananagutan ang mga may dapat panagutan, kawalan ng hanap-buhay at mga eksistensyal na panganib.
────୨ৎ────────୨ৎ────────୨ৎ────
Ayan, ha... Baka pati ba naman sa pag-iisip ng solusyon, gagamitan niyo pa ng A.I. Magpaawat na kayo!
────୨ৎ────────୨ৎ────────୨ৎ────
Isinulat nina:
Varilla, Rhian
Magayanes, Marvince
Pacinos, Akiesha
Espiritu, Andrea
Hilario, Jericho
Adriano, Rein
Ipinasa kay:
Bb. Rocha
────୨ৎ────────୨ৎ────────୨ৎ────
°❀⋆.ೃ࿔*:・ Follow for More! °❀⋆.ೃ࿔*:・
6 notes · View notes