#nalumbay
Explore tagged Tumblr posts
hinatashoyo-desu · 2 years ago
Text
Wala nalumbay lang ako hahaha. I hate building expectations talaga.
#wd
1 note · View note
lacasadmaye · 2 months ago
Text
monday Nov 18
prefinal na!! medyo nalumbay nung nakita grades sa UTS na dang baba ng binagsak hahahaha ano nangyayari sa'kin, di na gets sarili ko? anyway wala pala pasok neto, tuesday kami nag exam hehehe wala rin ginawa sa bahay
0 notes
notheta · 9 months ago
Text
okay, bat kaya parang nalumbay ako today HAHAHAHHA NAPATANONG AKO BIGLA BAT WALA AKONG BOYFRIEND 😭
0 notes
everyonesqueenrosie · 6 years ago
Text
WIP
Sa paglipas ng gabi  HIndi ko akalain Hindi ko alam kung saan nagsimula Pero ikaw pala sa huli
Maraming pagkakataong pinalipas Aking pinagsisisihan Hindi ko akalain Na ikaw ay hahanapin 
Puso’y naghahangad na ika’y bumalik Itatama ang mali Ipadarama ang pagmamahal na sayo’y pinagkait Ngunit tila ba ako’y nahuli Kumusta ka na ba? Masyadong matagal na ang huling pag-uusap Malayo na ang distansyang napuntahan Mukhang malayo ang babalikan, kung may babalikan pang muli.
3 notes · View notes
cepheiii · 3 years ago
Text
Tatlong kasama sa apat na sulok habang gumagawa ng presentasyon. Tingin sa kaliwa't kanan upang maghanap ng inspirasyon. Tinitingnan ang retrato mong ubod ng ganda lalo na ang 'yong mga ngiti. Inoobserbahan ang mga retrato mong puro'y ala-ala. Tumitingala ang kanang pisngi dahil sa ligayang nadarama. Tuwang-tuwa sa nasisilayan. Puso'y tumibok sa taong hindi naman sigurado. Ilang oras ang lumipas ng aming pagawa ng aking mga kasama.
Pumasok ang babaeng kilala ko na s'yang sinabihan ko sa aking pagka-bihag. Ngunit, ngunit sa isang iglap ng kanyang pagkilanlan ay meron na pala itong sinisinta at ang suliranin na lamang ay pagkilanlan sa pamilya. Diniin ang salitang binigkas at nalumbay ang kanang pisngi na ngumiti kanina. Saad na saad ang kalungkutan na nadarama sa inspirasyon na akala'y nawalan na ng pag-asa.
Lumabas at naghanap ng tubig para maibsan ang lungkot na nadarama. Malamig ang paligid, maraming tao, mga nagta-trabaho, walang iniisip kundi mag-trabaho, tahimik ang puso at nagta-trabaho ang kanilang mga utak. Bakit hindi mo na lang gawing inspirasyon ang mga taong nasa malamig at hindi init ng pagmamahal ang hanap?
1 note · View note
justkgr · 4 years ago
Text
Bigla ako nalungkot. Bigla ako nalumbay at bumigat yung pakiramdam ko. Bakit ganun? 🥺😭 Mabilis talaga ako mahawaan ng emosyon.
2 notes · View notes
excerptofmythoughts · 4 years ago
Text
warning. will talk about a sensitive topic (and jargons).
i sometimes hate myself for thinking outside the box, kasi madalas hindi naman lahat naiintindihan. hindi naman lahat nakikita 'yung punto na pinahihiwatig ko. pero kanina nuong nasa klase ako (ethics psych) sa diniscuss 'yung isa sa mga situation na sinagutan namin sa formative assessment. na kung sakali na may client ka tapos minor lang, as time goes by na may tiwala na siya sa'yo sinabi niya 'yung totoo na abuse na nangyayari pero sinabi niya na 'wag mong sasabihin sa iba. what would be the best action that you can provide. that was the question, kanina ang mga narinig ko na sagot--sasabihin nila sa authorities (about kasi sa confidentiality ang topic namin, edi kanya-kanyang pasok ng topic tulad ng privilege communication, tarasoff principle, and ethical principles). na-justify naman nila 'yung mga sagot nila gamit ang paraan ng pagiging professional. 'di ko na-ididiscuss kasi mas hahaba.
hindi ko nga alam kung dapat ba talaga ako rito hahahaha kasi hindi pwedeng hindi ko isisingit 'yung moral principles ko. ang sinagot ko kasi gamit ang tiwala na naibigay saakin, hindi ko ito sisirain. pero hindi rin ako mananahimik at magpapakabulag sa nangyayari. gagamitin ko 'yung tiwala na binigay saakin para siya mismo ang magkaroon ng lakas ng loob para lumaban at magkaroon ng sariling boses. na magiging gabay ako para maintindihan niya ang kapangyarihan na mayroon ang paghingi ng tulong para maintindihan niya at ng lahat na hindi tama ang nangyayari at kailan man hindi magiging tama. nalumbay pa nga ako kasi nakita ko rin 'yung punto nila, kung paano nila na-justify pati kasi nga minor 'yung involved and may legal obligations din ang mga psychotherapist kapag ganoon ang sitwasyon. tapos nabigyan din sila ng support nung nag-discuss na, tho nanduon pa rin 'yung paalala kung ano 'yung consequences after lalo na sa side ng client and sa professional relationship ng dalawa.
nuong matatapos na 'yung klase, biglang sinabi ni sir na nagbasa rin daw ng books and may mga nabanggit nga duon na alternative actions. nabanggit niya 'yung pag-encourage sa clients na mag-speak up nga. grabe 'yung reaksyon ko nung narinig ko 'yon! hahahahaha. saya siguro nito kung face to face class.
all in all, bigla ko lang nakita 'yung brighter side ng isa sa kinaiinisan ko sa sarili ko hahahahaha. siguro hindi pala rin ganon kasama. may maitutulong at maiaambag naman pala hahaha. dito ko rin naisip na magandang sangkap pa rin talaga kung isasama ang moral principles natin, dahil nababalanse nito ang tama at dapat. nabibigay nito ang solusyon na hindi natin inaasahan--na mas makabubuti pala sa lahat, 'yung hindi mo kailangan magsakripisyo o gumawa ng aksyon na may maaaring madehado. na puwede naman talaga maging balanse at magtugma ang "tama at dapat" sa mga pagkakataon na hindi inaasahan.
1 note · View note
poetryblogsnstuffs · 4 years ago
Audio
Spoken Word Poetry - “Ibong Malaya”
Ang pagaspas ng ibong marikit, sa kagubatan sya'y napuslit. Mga pakpak na kahit maliit, ang bilis nya'y tila isang eroplanong nasa himpapawid.
Ang taas ng lipad nya'y parang saranggola, rumuronda sa kalangitan at may dalang saya. Pinagmamasdan ang tanawin mula sa pwesto nya.
Sabayan pa ang paghuni ng pasasalamat sa ama. Binigyan s'ya ng abilidad na makalipad. Ang makalipad ng naayon sa kagustuhan n'ya, habang kumakaway ang mga puno’t halaman mula sa ibaba n'ya.
Ang pagbigwas ng kanyang mga pakpak ay walang pagsidlan sa saya. Nagpapaanod sa hangin ng walang iniisip na problema.
Hanggang sa….
Ang ibong malaya, sa sobrang taas ng lipad n'ya, nakalimutan ang panganib na dala ng iba…
Hindi namalayan na bumibigat na ang paglipad n'ya. Nang napatingin sa kaliwa ay agad n'yang nakita, ang dugong tumutulo mula sa pakpak n'ya. Tila nanggaling sa metal na bagay na maaring kumitil ng kanyang buhay.
Agad na nahulog ang ibong marikit, mula sa himpapawid sya'y napapikit. Nang nagkamalay agad s'yang nalumbay, ang dating malaya ngayon ay alipin. Nakakulong sa hawlang wala s'yang balak palayain.
Ngunit ang ibo'y hindi tumigil mangarap, mangarap muling s'ya ay makalaya. Lalong nagpalakas at nagpatibay ang imahinasyong n'yang makalipad ng matayog.
At dumating ang pagkakataong matagal n'yang hinintay. Ang pagkakataong makaalis mula sa rehas ng lumbay.
Binigwas ang kanyang pakpak at lumundag lundag, kinaway ang kanyang mga pakpak at agad na lumipad.
Binalik muli ang buhay na hiniwalay, bumalik sa paraisong pinapangarap nya buong buhay.
At muli ang ibong malaya, malaya pa sa nakalaya…
2 notes · View notes
eunieverse · 4 years ago
Text
Simula pa lamang ay kapiling na natin ang tula.
Tulad ng pagmamahal, tulad ng gutom, tulad ng salot, tulad ng digmaan—
May mga pagkakataong kahiya-hiya ang aking mga berso.
Mga taludtod na walang kahulugan, basta't magkatono.
Mga damdaming nalumbay sa ritmo ng aking pulso.
Wala. Walang salitang maaring tumumbas sa nadarama ko.
Maglaon nang nahinto ang pakikinig, at ako'y tumangis na lamang sa daigdig.
ika-12 ng Setyembre, 2020 (walang forever,,, but happy birthday to the beautiful Axel Helmsley and as usual, i miss archiii)
1 note · View note
astrotrippinn · 5 years ago
Text
nalumbay na naman dahil don :(
1 note · View note
mswinter-d · 5 years ago
Text
Paglisan
Pusong matagal na nalumbay 
Muling nagkaroon ng kulay at buhay
Nahanap ang pag-asa sa inakalang karamay
Kaagapay sa lahat upang magtagumpay
 Mata na laging nakapikit nang dahil sa luha
Ngayo’y kusang namulat nang may saya at tuwa
Labi na dati’y nakaramdam ng pait,
Muling nakatikim ng tamis kahit na saglit.
 Subalit ang panaho’y sadyang madaya
Bakit ayaw kang pagkalooban ng aruga
Panandaliang kasiyahan na naranasan
Pang matagalang hapdi ang nakamtan
 Kaya’t marapat na itanong sa sarili
Dapat pa bang magtiwala muli?
Kung sa bawat makikilala ay mayroong mali,
Sa kasiyahang isinugal, kalungkutan ang isinukli.
 Kung bukas ay panibagong umaga,
Dala nga ba’y bagong pag-asa?
Makuha pa kayang ngumiti 
Kung naramdama’y puro pighati.
 Sa iyong paglisan ako’y may natutunan
Hindi dapat asahan o pagkatiwalaan
Pag-ibig na walang katotohanan
Pangakong walang katuturan
 Pagsintang pawang kasinungalingan
Nararapat lamang na hindi panghawakan
Pusong nalugmok sa dusa
Hindi magmamakaawa para sayong pagsinta
  Malamig na bumalot sa kaloobang puno ng poot
Mula sa pangakong hindi nya nahakot
Ngayo’y mahihimlay na puno ng lungkot
Dahil sa pagkakataong ipinag damot.
1 note · View note
maknaesdancersrappers · 6 years ago
Text
Tumblr media Tumblr media
🎶 Ikaw ang pagibig na hinintay, puso ay nalumbay ng kay tagal, ngunit ngayo'y nandito na ikaw 🎶
trans: you are the love that [I’ve been] waiting for, [my] heart has been unhappy for the longest time, but now you’re here
a/n: I had the hardest time translating this lyric goddamn aLSO!!! tumblr didnt notify me of this request ajsjakskdmdk this was supposed to be posted scenARIOS AGO but okay we’re here now and this song is da ult prenup song okay
-
It starts to get a little depressing when everyone around you started getting married and you, being the friend they can always count on, started becoming the bridesmaid at every wedding you were invited to.
It’s not that you aren’t looking for love. It’s just that it hasn’t found you.
Out of the past nine weddings you’ve been to as a bridesmaid, none of the single groomsmen you were partnered had piqued your interest nor were they looking for long term relationships; always hoping for a one night stand or at least random hook ups.
You politely declined them.
During ladies’ night, you’d sit through conversations about engagement stories, wedding planning, honeymoon escapades, and even pregnancy plans--and really, you were happy for your friends, but you just started to feel a little left out.
“Speaking of,” One of your friends, Miyoung, speaks up, mischievously looking at everyone. She raises her left hand and everybody squeals, even you, when you see the silver ring on her finger, “Taeil proposed!”
Everybody is asking questions at the same time; when? where? how? You, on the other hand, sit back and listen to the answers, quietly sipping on your cocktail.
“[Y/N],” You jump a little when you hear your name. You didn’t realize you had spaced out a bit, “Will you be my bridesmaid?”
You laugh, “That’s a question you don’t have to ask.”
She smiles, tilting her head a bit, “Taeil has plenty of single friends--”
“Please don’t.” You cut her off, shaking your head as you continue to chuckle, already knowing where this is going.
“You’ll never know! I’ll make sure you’ll be partnered up with someone I just know you’ll get along with.”
Scoffing, you tip your cocktail at her, “Yeah, sure, because tenth times the charm.”
You should have known Miyoung wanted her wedding to be perfect in every single aspect. When you received the invitation for the wedding and a special note to all the entourage that there will be a three-day rehearsal just before the wedding, you shouldn’t have been surprised.
Taeil and Miyoung had booked hotel rooms for everyone for the duration of the rehearsals and wedding. When you had checked in and rolled your suitcase into the room, you let out a sigh.
This was going to be a long weekend.
After you settle into the room and put away your clothes for the next few days, you step out into small balcony by the bed.
The cool afternoon air hits you and shiver a little, crossing your arms to shield yourself from wind.
“[Y/N]! I didn’t know you were here already!” Miyoung’s voice sounds from the left and you turn your head to her.
She was on the adjacent balcony with Taeil and another man.
“Your phone was busy so I just told the receptionist the details and they let me up.”
“Oh, I’m sorry about that! I must have been on the phone with my mom. Anyways, this is Kun, by the way! He’s your partner.” She winks at you and you fight the urge to roll your eyes, seeing as both Kun and Taeil are watching you.
“Hello there.” You wave and he returns it, “I’m [Y/N].”
“Well, we’ll leave you two to get acquainted, okay? You’ll be stuck with each other for the next 4 days.” Taeil informs, walking towards his fiancee and escorting her out.
You and Kun stay quiet for awhile, awkwardly looking out at the city lights.
“Well, uhm, I was going to grab dinner. Would you like to join me?”
And that’s where it all started: you and Kun have started seeing each other even after the wedding, much to everyone’s excitement. You hadn’t expected to hit off so well with Kun.
He was so soft spoken at first, but he had such a lovely laugh and voice--you couldn’t stop blushing when he finally relented to your requests of singing after you found out he had majored in music. He liked the same things as you and even had the same voracious appetite--which made most dates automatically food trips to new restaurants.
He was a great listener and shoulder to lean on; he gave the best cuddles when you need them, and he had never pressured you into sleeping with him--even though there are time you can see his hormones had gotten the better of him.
Kun was a sweetheart and you were in no doubt in love with him like he was with you.
And although you’re the last unwed among your circle of friends, you have never pressured Kun into proposing in all 3 years you have been together.
One night, you and Kun decided to book a hotel for a short staycation during the next long weekend. You didn’t know he had booked the same hotel you two had met in until he pulls up at the building. He had even booked the room you had stayed in.
You hadn’t thought much about it, remembering that Kun was especially fond of the view from the hotel.
After returning from dinner that night, he pulls you out into the balcony and wraps his arms around you, pressing your back against his chest.
“Are you cold?” He quietly asks, lightly swaying your bodies from side to side.
You shake your head, “I’m fine.” You glance at the balcony that had been his 3 years ago. It seemed unoccupied with the lights off and curtains drawn. “I can’t believe we met here 3 years ago.”
Kun chuckles and you can feel his chest vibrate, “We should really thank Taeil and Miyoung for partnering us up... I almost didn’t go, you know.”
“Really?”
“Yeah. I had sort of a vendetta against weddings; they were ironic celebrations of reminding how single you are.”
You lean your head back so you could look up at him, “For years, I have always been the bridesmaid and never the bride, but you don’t see me holding grudges at weddings.”
He kisses your cheek, “Yeah, well, you handle teases better than me. My father was worried he’d never get a grandson out of me--he even thought I was gay.”
This makes you double over in laughter, “I thought you had girlfriends before me?”
“I did and they all fell through.”
“We haven’t~ and hopefully won’t ever.” You spin around and hook your hands over his nape while his arms adjust around your waist.
Kun nods slowly, a ghost of a smile present on his face. “Yeah.” He pauses, moving to trap you between his body and the ledge of the balcony, “Before you, I was just about to give up on love. I was ready to accept that maybe I was destined to be single and I told Taeil this when I declined his offer to be one of his groomsmen, but he managed to talk me out of it and I ended up going--and meeting you.”
You pull him down for a quick kiss, giggling when he presses his forehead on yours.
“And I never knew how sad and lonely I was until I found out how happy I was with you. I’ve never been quite in love with anyone like the way I am in love with you, [Y/N].”
“Kun,” You breathed, “I love you, too.”
He licks his lips, blinking at you for a couple of seconds. “Really?”
Your brows furrowed a bit, “Yes, really.”
“Then,” Kun clears his throat, “How about you stop being a bridesmaid and become a bride? My bride?”
Did you hear him correctly? Before you can react, he steps back and goes on one knee while brandishing a ring from his back pocket.
“Will you marry me, [Y/N]?” Kun asks in a soft, but steady voice.
Your hands have flown up to your lips, covering them as they parted in surprise. Tears start to prick your eyes when you finally grasp the situation and start to adamantly nod your head, choking out stutters of “Yes” and “Of course” repeatedly.
He takes your left hand and snickers to himself at how shaky he was when he attempted to slip the ring on. When he finally does, you help him up and kiss his lips to stop yourself from sobbing.
“No wonder you’ve been so suspiciously sweet all day!” You cry out, leaning into his palm when he cups your cheek.
Kun grins, “Just building up the moment. I only had one shot at it... So how does it feel that you’re finally going to be a bride?”
You laugh, playfully slapping his shoulder. “I’m going to go ‘27 Dresses’ on my friends and make them wear all the ridiculous bridesmaid dresses they made me wear!”
He joins you in laughing, “Sounds like a plan. Whatever makes you happy, [Y/N].”
You cock your head to the side, slipping your arms around him, “That would be you, Kun.”
74 notes · View notes
trickramirez · 3 years ago
Text
iro
Tumblr media
Isang gabi, habang mundo'y tahimik
Nakatingala't nagmamasid, buong puso, ako'y humiling ...
Nalunod
Sa mga bakas ng nakaraan ako noo'y nalunod
Di alam sa'n patungo
Di alam kung saan dadalhin ng mga daluyong
Naligaw
Mga guni-guni't multo sa isipa'y gabi-gabi akong niligaw
Sa landasing kay dilim at kay panglaw
Doo'y naiwang mag isa't giniginaw
Kay rami nang hinarap na gulo-gulo
Napagal, lumuha't nasuyod ang buong mundo
Paulit ulit nalugmok
Paulit ulit nalumbay at nabigo
Ngunit sa kalagitnaan ng pagbitaw at pagsuko
May kumabig at humila pataas sa basag-basag kong puso ...
"Pahiran ang mga luha
Tatagan ang dibdib pagkat
Mula sa araw na ito'y 'di ka na mag iisa
Hihilumin nating sabay ang nalusaw mong pag asa"
At yaon nga ang wika ng yaong puso sa akin
Labis ang pintig, labis ang nginig
Dulot ay tag araw sa pagsintang sinusubok ng habagat araw-araw
Isang gabi, habang may alinlangan sa paligid
Huminga ng malalim ... buong pusong tumalon sa mga along nagliliwaliw ...
Giliw ko, ika'y tinatangi ...
Kalangitan sa dibdib, ngalan mo ang s'yang ninanais nais
Tinatangi ka —
Naparaming rason kung bakit sinta
Ngunit ngayong gabi, habang buwan ay kalimbahin
Hayaan mo akong ituran ang ilan sa 'sang libong rason kung bakit ...
Tinatangi kita pagkat ikaw ay ikaw
Tinatangi ka pagkat dulot mo'y kalma; payapa ang isipan 'pag ikaw ang kasama
Tinatangi ka 'di dahil sa mga bagay na sa 'ki'y handa mong ialay
Bagkus ay sa mga lagablab na dulot mo sa t'wing nyebe'y nagbabadya
Tinatangi ka pagkat buong puso, ako'y iyong tinanggap
Walang pag aalinlangan ni walang pagtatanong
Niyakap mo aking mga naghihingalong piraso
Tinatangi ka, o, sinta
Ang talang marikit sa gabing maginaw at mapanglaw
Dulot mo saki'y maningning na bughaw
Labis ang kintab, labis ang pusyaw
Walang ibang mahal kundi ikaw
Ikaw lamang, walang kapantay
Ngayong gabi, habang lahat ay pagod na't umiidlip
Sinusulat ko paunti unti ang istorya natin … isang maningning na bituin na ngayo'y akin nang pag-aari
1 note · View note
handailyyy · 3 years ago
Text
18th Birthday ni Hallia 🥰🥳
DATE: June 3 2022
TIME: May 30 - June 03 2022
DAY: Friday
WEATHER: Cloudy and Rainy
MONDAY (MAY 30 2022)
On this day my 1st brother gave me 15k and I was so shock. Beh ang dami ng nabuong pangarap medyo malayo na ang narating. Nanalo din ata si mama sa binggo nung mga oras na'to. Nag list narin ako ng nga bibilhin ko. Birthday din pala ni ate misty pumunta kami sa kanila para makipag chikahan
TUESDAY (MAY 31 2022)
ay si batla todo aya na na sa mga friendship niya gumala ang kaso— bigla naman nag pa national id edi 10am hanggang 4pm na kapila ako apaka hatdog. So nung 4pm nag sm kami ni Joshua kasi si Rhol ann hindi pwede. Binigyan ko si mama, ate, kuya ng tig 500 pesos tapos kumain lang kami ni Joshua sa SM nyaa first time ko kumain ng T-Bone steak sa sizzling plate masarap na maalat lolz . Then ang sarap din ng breadtalk pati brownies. Nag sukat narin kami sa department store syet naka 1.5k ako wtf
WEDNESDAY (JUNE 01 2022)
On this day Birthday ni kuya Kobi— nuxx tapos diko na maalala mga ginawa ko nung araw na'to. Ang tanging naalala ko lang ay nag review ako for CA kaso dirin ako nag recite lolz.
THURSDAY (JUNE 2 2022)
nyahhhh lumayas kami ni Rhol- ann para kumain at bumili ng cake for my birthday pati narin accecories, kainis kasi yung shades naiwan sa DIY huhuhuh sayang 50. tapos ano sinorpresa ako ni rhol ann ng cake yiee. Then bumili narin ako ng matagal ko ng inaasam na unan 200 isa dalawa binili ko tig isa kami ni Ate. Out of nowhere na oag desisyunan namin na mag overnight sila sa bahay shocks nakatulog na ako lahat lahat hindi parin sila dumarating ang mga bakla 11pm gumora tapos 11:30pm sinundo namin si Rhol ann sa house niya with joshua. diba ang galing sabi ko gusto ko lang mag pahinga pero nakakatuwa naman kase atleast may nakasama ako para maging okay naman ang araw ko.
FRIDAY(JUNE 3 2022)
12am sinurprise ako ng mga taong diko inaasahan na babatiin ako. Grabe nakaka overwhelmed. Lalo na sila sir Almuete,Jm,lloyd,Axl mga friends ko na solid grabee. Ang saya ko lang kasi hindi pa nila ako nakalimutan lolz. Then yung crush ko shuta yun yung bumuo sa araw ko. Bumaba ako sa ibaba kala mama para umiyak dahil miss na miss ko si papa. Wala kasi yung mga naka paskil na bondpaper para batiin kami ng happy birthday.
Rhol ann and Joshua did my make up and photo shoot. Ang laki ng pasasalamat ko sa dalawang bff ko na ito dahil kung wala sila, paano na ang birthday ko. Nahihiya na ako minsan kasi lagi nalang may favor. Nilutuan ko naman sila pancit canton sila ngalang bumili hahahahaha. inabot na kami 5am kaya 6am tulog namin hanggang 10am. Umuwi sila pareho at hindi na nakabalik dahil may kanya kanya ng plano sa buhay. Nilinisan ko yung taas tapos bumaba na para ihanda yung samgyup
10:00am: dumating na yung samgyupsal wew. masaya naman ako pero parang may kulang. Actually naiinggit talaga ako sa mga afford yung big birthday parties nahihiya lang talaga ako magsabi kala mama kasi ang mahal nga kasi ng gagastusin kapag nagpa ganon pa ako tapos after non diba wala na kaming kakainin. Pare-pareho kasi kaming walang permanenteng trabaho. tamang wait lang sa blessing ni Lord. Ayun gusto ko rin sana yung naka gown yung bibigyan ng flowers kaso wala ih ganun talaga may next time pa naman.
12:00pm: kinabahan na ako kasi akala ko wala akong bisita, yayyyy dumating yung mga pinsan ko pero late sila dina umabot sa part na kinakantahan ako kaya nakakalungkot parang akala mo nalumbay buong buhay hahahaha. Masaya naman unti kasi andito sila ate misty,ate, ate joy, kuya J,mama,kuya icko,zach, at Jv. Nakausap korin pala si tita eden at nasabi kong masarap yung molido. Uminom kasi San Mig apple ulet super sarap.
2:00pm: natapos yung eme eme na prty. Ayan kaya ayoko mag party kasi ako maglilinis tapos ang daming gagawin pero tinulungan namab ako ni ate pero nung umaga ako parin naghugas haysstt. But there's more nag Tagaytay kami ni kuya Jayko yay ang saya sobra kasi kumain kami pares actually sarado na 5pm na kasi pero pinapasok parin noice. Bali bumili kami buko creamy pie, yema pastillas at yema tart ay nako masarap lahat. Nakakatawa lang yung binilhan namin nung una puro nilalanggam paninda. Nung papunta nga kami inabutan kami malakas na ulan sa kalsa pero tumila naman. Tiyaka pala dumaan kami kay papa nag iwan bulaklak. pati candle katakot baka maka sunog hahahaha.
7pm: nakauwi kami,Binati ako ni Aesha at Lea via video ayieee ang sweet takaga nila si Johnina bumati sa tiktok hahahahaha pagod na pagod ako ang bilis ng pangyayare nag cellphone ako saglit after non nakatulog na ako at tuloy-tuloy na. nagising ako para manood tiktok tapos natulog ulit.
almost 1 week celebration, masaya na may kulang siguro kase may ini aim ako na party pero hindi natupad. Pero ayos lang atleast naitawid. Salamat sa lahat ng bumati at nagmamahal lalo na sa morales family na hindi nakakalimot.
18 anyos na si Hannah
Tumblr media
0 notes
angryprincessturtle · 3 years ago
Text
isang bata na naman ang nalumbay dahil hindi na naman napayagan 🫠🫠🫠 ok lang po ako hahaha
0 notes
idonthavealittlelambblog · 3 years ago
Text
Ang aking travelogue.
Tumblr media
Disyembre ng taong 2019.
Binisita ko ang aking lola sa pampanga upang makita uli ang kandila na nagpapatibay sa aming casita (jk). Ito ang hometown ng aking ina at dahil isa ako sa pinakamabuting apo, napagdesisyonan kong sumama kay mama.
Umalis kami ng 8am at habang papunta, may nadaanan kaming mahabang tulay na puro pananim na sa sobrang haba at lawak ay tanaw mo na ang Mt. Arayat. Maganda ang tanawin na ‘yon at maiisip mo talaga na parang ang lapit ng bundok ngunit hindi lol. Yan din ang senyales na malapit ka na sa pampanga kaya’t di ko maiwasang hindi maexcite. Masasabi ko na ang average na oras ng biyahe ay 4-6 hours, medyo may katagalan ito pero wala tayong magagawa *sad*. Samakatuwid, ang ruta namin ay mula Cavite, papuntang San Fernando, at susunduin kami ng aking tita sa San Fernando papuntang Pulung Cacutud, kung saan nakatira ang aking lola at kanyang mga anak o aking mga tita. Nang dumating na kami sa San Fernando at gayon din ang aking tita, napagdesisyonan muna naming bumili ng ulam dahil lampas tanghalian na nung dumating kami at dahil na rin sa request ng aking lola. Paborito niya ang inihaw na bangus ng Funnside Ningnangan kaya doon na kami bumili. Must-try rin doon ang sinigang na salmon sa miso at ang kanilang kare-kare!
Pagdating namin sa Pulung Cacutud, feeling successful main character muna tayo na babalik kuno sa kanyang hometown pagkatapos ng 25 years haha jk. Pagkatapos ng aking dramatic entrance, nakatulog rin ako sa pagod, ngunit sulit naman dahil palihim naman akong binigyan ng lola ko ng 1,000 hihihi #lolathingz. Habang nandoon, naimbita kami sa isang kasal ng kamag-anak daw namin kaso di ko kilala #traitor. Ang venue ng kasal ay sa Tarlac. Maaga kaming nakapunta roon kaya napagdesisyonan naming pumunta muna ng Monasterio de Tarlac para… wala lang haha. First time ko ring makapunta roon kaya nakakaexcite din pero di ko pinahalata 'no. Nang makarating, di ko maiwasang hindi mamangha sa lugar. Sariwa ang hangin at tahimik ang lugar. Malawak din ang lugar, puro bundok at ma-puno. Maganda ang klima noong pumunta kami, hindi ganoong maiinit ngunit medyo malakas ang hangin dahil nasa mataas na lugar ang simbahan at estatwa ni Jesus. Malaki ang simbahan nila na may gate sa bandang altar na nahimigan ko na bawal magpicture ngunit huli na dahil nalaman ko nung pagkaalis namin na pwede pala :/. Sakto ang lugar na yon para makapagisip-isip o unwind dahil na rin siguro na may simbahan na doon kung saan pwede mong ipasa-diyos ang lahat ng problema mo, o kaya ang kaaway mo joke. Maraming mga lugar na magandang pagpicturan kaya nagpicture-picture muna sila. Di ako nakisama kasi hindi naman ako photogenic :3. Nagmala-main character na lang uli ako at pinicturan ang lahat na magandang nakita ko. Sa tingin ko ay isa iyong magandang pasyalan dahil kaonti lamang ang tao. Kung marami man, ay hindi parin ito magiging crowded dahil malawak ang lugar.
Lumipas ang napakatagal na panahon dahil puro sila picture, napagdesisyonan na naming bumalik na rin at pumunta na ng kasal. At dahil hindi ko kilala ang mga kinasal, kumain na lang ako kasi sayang naman kung hindi hihi. Naghanap na rin ako ng possible crush kaso wala, kaya lalo akong nalumbay at kumain na lang *cry*. Habang kumakain, tinuon ko ang attention ko sa lola ko kaya inuto ko siya na magpapicture sa lahat ng magandang background ng venue kasama ako. Maganda naman ang kinalabasan kaya masaya rin siya haha. Natapos ang araw na yon ng pagod at busog.. sa mga tanawin na magaganda ;)
Samakatuwid, maayos at naging maganda ang aking bakasyon. Hindi ko man napagtuunan ng pansin ang mga ibang praktikal na bagay katulad kung magkano at paano bumiyahe ng ligtas dahil may kasama akong mas matanda, ngunit sana’y maging sapat na ang aking paglalarawan sa maiksing bakasyon ko sa hometown ng aking nanay. Sa katunayan, ay okay na ito dahil nakapagrelax na rin ang aking utak mula sa pagaaral at sa lahat ng nangyayari sakin nung mga panahon na iyon. Minsan sa buhay, kailangan natin ng pahinga. Pahinga lang ha? ‘Di hihinto. Plastik man na nanggaling ito sakin lalo na’t hindi ko naman to ginawa noon ngunit ngayon, naunawaan ko na ang kahalagahan ng magpapahinga ngunit magpapatuloy. Peace :3
0 notes