#hugotpost
Explore tagged Tumblr posts
Text
u.l.a.p.
Naghihintay
Humihikbi't mata'y kay tamlay
Paano ba maipababatid
Ang pag-ibig na umusbong rito sa akin?
Ipo-ipo'y patuloy na tinatangay
Mga pag-asang nabuo sa akin sa paglipas ng mga araw
Unti-unting ginugunaw ng bagyo
Ang pagkakataon upang baka sakali'y humimbing sa piling mo
Umaasa
Kumakapit sa nadaramang walang kasiguraduhan
Sa mga paru-parong kumikintab t'wing maglalaho na ang araw
Sa tinig mong hatid sa tenga'y musika
Sa mga alitaptap na dulot ay ningas sa paligid sa t'wing dilim ay kakagat na Sa'yo
Sa'yo lamang
Ipo-ipo'y nariyang muli
Kinakain ang ligaya't pinapaltan ng pighati
Bakit ganito giliw?
Ikaw lamang ang nais ko ngunit ka'y hirap mong makamit
Handa ka namang ipagtanggol
Maging ang pag-ulan ng balisong ay aking susuungin para sa iyo
Ngunit bakit ganito?
Tila kay taas mo't 'di magagawang abutin ng nilalang na tulad ko?
Umaasa
Kumakapit sa apoy na iyong dulot rito sa kalamnan
Sa mga kulay na dulot mo sa akin
Sa mga bagong kinang na nabubuo sa t'wing ikaw sa aki'y ngingiti
O, masasagip mo kaya?
Ang tindi ng hampas ng alon ng pagnanais kong makasama ka'y magagawa mo rin bang sa aki'y ipadama?
O baka ako lang?
O baka ako lamang ang natatanging nag-iisip na may bukas tayong dalawa?
'Wag mong iwang nakabinbin
Iyan ang hiling habang nakatingala sa mga bituin
Mata'y paulit-ulit na ipinipikit
Pinipilit alalahanin ang mga panahong ka'y kinang
Lubos ang kintab kung sa'n ako'y sayo't ikaw ay akin lamang
Umaasa ang puso
Umaasa sa iyo na 'di mo susunugin ang bawat parte nito
Ngunit baka ako nga lang talaga
Baka ako lamang ang paulit-ulit na bumubuo ng paraiso sa isipan
Pugad na ako lang ang may alam
Kung sa'n ang mga tauha'y 'di maaaring magtapo kahit na sa kakaunting oras
Baka nga
Baka umaasang lamang ang puso
Umaasang may habambuhay tayo
Kung sa'n malaya kang mahahagka't mahahawakan ang mga kamay mo
Ngunit 'di na ko magtatagal
Bibitiwan ang laso pagkat buong kaloob-looba'y pagal na
Ito na ang wakas, pahimakas
Sa isang istoryang wala na namang bukas
____
(1) ALITAPTAP: Mga Kislap na Itinatak, Alas Dos y Media.
© JPR, 2020
#poem#poetry#poet#spoken word#spokenword#filipino#philippines#pinas#pinoy#aspiring writer#hugot#Hugot101#hugotpost#pinoy hugot#LGBT poetry#tagalog#tagalog post
11 notes
·
View notes
Quote
Tara! Samahan nyo ko? Hanapin natin kung saan ba tayo nagkulang at iniwan tayo ng ganun ganun na lang... :(
6 notes
·
View notes
Text
Alam mo naman na may iba, ba't papatulan mo pa? Let's learn to respect po.
Notreallysenpai
#banat#love#sawi#single#hugot#patama#tagalog#truth#kowts#bisaya#masakit#pagibig#post#senpai#filipino#paasa#hugotpost#hugotlines#hugot101
11 notes
·
View notes
Text
Yung mas pinili mong saktan,
ung taong walang ibang ginawa
kundi ang mahalin ka.
1 note
·
View note
Text
Hindi ko man sabihin...
Mahal kita.
Pero sa ngayon, hangga't hindi ko pa kayang sabihin sayo, hahayaan ko na lamang munang ibulong ito ng puso ko.
Hahayaan ko na lang munang maitago ito sa pagitan ng mga salitang inaawit ko para sayo.
Hahayaan ko na lang munang makiindayog muna ito sa mga melodiya ng duetong sabay nating binubuo.
Hahayaan ko na munang sabihin ng mga mata ko ang mga salitang hindi kayang mamutawi ng mga labi ko.
Hahayaan ko munang maramdaman mo ang katotohanan ng pag-ibig ko sa bawat pagbaluktot at sinkrunadong paggalaw ng ating mga bisig sa simponiyang isinisigaw ng ating mga puso.
Pero sa ngayon, hangga't hindi ko pa nasasabi sayo, hayaan nating pagyamanin ng panahon at ng mga binubuong karanasan at ala-ala ang pag-ibig natin sa isa't-isa.
Sana madama mo, hindi ko man sabihin, na minamahal kita.
[18 October 2017 | Around 9 AM]
#tagalog#filipino writers#creative writing#free verse poetry#love#mahal#pagmamahal#hugotpost#joypost#pag ibig#malikhaing pagsulat#tula#free verse poem#freeverse#free verse#poetry#prose poetry
9 notes
·
View notes
Text
Dear xadnessworld,
It could be, bakit? Not all reasons are reasons to make a person stay. Perphaps may nakita siya'ng bago na mas mapapasaya pa siya or maybe it's because things weren't the way it used to be. Even though may reason nga yung tao, He/She could still have a lot of opportunities kaya nga may iba diyan may third party.
It's the work of the couple to make things work kasi sometimes dami nating expectations yung "kakasal na tayo tapos anak natin chu chu~" like we are minding the future kaya we are more prepared what would happened sa future than to focus kung ano ba dapat gawin sa ngayon.
Iba-iba kasi iniisip natin eii, kaya yun tuloy na pabayaan ang present kasi sobrang excited sa future, di na malayan na bored kasi di na alam anong gawin, nakahanap nang iba tapos dun hanggang mag break.
Don't give a person billions of reasons to stay, kasi once a step back; sa likod niya there is still that 100 opportunities to leave you. Daming tao na single and is ready to mingle, mind you that.
Let him see that you are the reason kung bakit siya mag stay.
- Love, Senpai
Paano kung nawala yung dahilan kung bakit mo ako minahal? Kasabay na rin ba non ang pagkawala mo?
#filipino quotes#patama#hugotlines#hugot quotes#banat#tugma#tula#pinoy#pinoyquotes#love quote#quotes#filipino#bisaya#hugot#hugot101#hugotpost#hugotpamore
16 notes
·
View notes
Video
"Ang saya pala pagpinaikot ang fidget spinner. Kaya pala masaya sya nung... Pinaikot nya ako." #FidgetSpinner #HugotPost
0 notes
Text
pangako
KAPAG NANGAKO AT HINDI TINUPAD,
HINDI DAPAT PANGAKO TAWAG DOON
DAPAT “PAASA”
#philippines#PILIPINAS#MASAKIT#PAASA#paasa101#PUSO#pusong ligaw#pusong sugatan#PUSONG WASAK#HUGOT#HUGOTPAMORE#HUGOTPAGIBIG#hugotpost#FILIPINO#PINOY#PANGAKO#PAKO#PROMISE#BROKEN#you broke me
0 notes
Text
liwayway beams
Minsan, isang pagkakataon
Habang ang ulan ay sagad sa pagbuhos, natagpuan kita
Sa gitna ng mga alon ng pangamba’t pagkakaligaw, nahanap ka
Umangat sa karamihan
Nag-ningning sa dagat ng mga huwad at mapagsamantala
Ikaw, umiilaw
Gumabay sa mga gabing kay dilam at kay panglaw
Nag-isa mga kaluluwa
Sa daan-daang gulo-gulo, ikaw ang naging kalma ng puso
Ikaw lamang,
Ang nagdulot ng melodiya sa tahimik kong mundo
Labis ang saya at tila sa mga ulap ay handa nang humimbing ng todo
Ngunit habang may mga alpa at gitarang tumutugtog,
Sa kalagitnaa’y ninakaw ka
Naglaho’t ‘di na muling nasilayan pa
Hanggang sa,
Hanggang nagbalik muli ang mga diablo at katahimikan ang s’yang umugong
Nakakabingi,
At tila pagtulog na lamang ang naging susi;
Upang tumakas,
Upang lungkot sa isipa’y mawaglit
Nagtiis, umiyak ng labis
Napagod; napagtanto, hanggang pagtingin ay napanis
Pinatatag, binago;
Binago ng katahimikang noo’y namayani sa aking mundo
Naligaw, natagpuan
Ang indak na kay kulay, sa kaloob-looban ng dibdib ko nahanap
Binago ang bawat kulay na natatanaw
Sinilaban bawat takip upang katawa’y mas masilayan
Mula puti’t asul ako’y naging itim at pula
Mula payapa, mundo ko’y napuno ng iba’t ibang musika
Madilim, mas uhaw
Kayang ipamalas buong kaluluwa
Balat ang naging pansalag sa habagat
Balat rin ang magiging bala sa mga salitang dulot ay sugat …
Ulan na nama’y bumubuhos
Sa bawat patak nito sa aki’y bagong ningning ang dulot
Kakaibang tugtog
Mas maingay, mas mapangahas at mas totoo
Sumasayaw na muli sa indak na dulot ng dibdib
Kasama ang panibagong balat na handang ibalandra sa hangin
Mas matibay, hindi na kaya pang buwagin
Pagkat larong iyong ginawa’y nilalaro ko na rin
#poetry#poem#poet#spoken word#spokenword#filipino#philippines#pinoy#pinas#aspiring writer#hugot#Hugot101#hugotpost#pinoy hugot#LGBTQA#lgbtpride#LGBT poetry#tagalog post#tagalog#newbeginnings
3 notes
·
View notes
Photo
Malabo. Parang tayo. 🤨 #hugotpost #RKSelfie (at Villa Lia's Hotspring resort)
0 notes
Text
Muli
Unti-unti ay natututo akong muli.
Unti-unti ay muling gumagalaw at sumusunod ang aking mga paa sa tugtog at indayog ng mga awiting pag-ibig.
Muli, natututo akong sumayaw nang may kasama.
Muli, nais kong pumikit habang nakahawak sa kamay ng taong alam kong hindi ako bibitiwan at iiwanan, tumigil man ang musika.
Dahan-dahan ay muli kong nararamdaman ang pagnanais kong magtampisaw sa ulan habang ang taong mahal ko ay aking hagkan-hagkan.
Dahan-dahan ay muli kong natututunan ang magbukas ng puso, at magpatuloy ng pag-ibig dito.
Ngayon, nais kong ipasaalang-alang muli ang yapak ng aking mga paa sa nakahawak sa aking mga kamay habang sumasayaw.
Ngayon, natututo akong magmahal muli.
[07 October 2017 | 10:39 PM]
#joyposts#joypost#love poem#free verse poem#freeverse#poetry#free verse poetry#pag ibig#pagmamahal#mahal#muli#hugotpost#filipino writings#filipino writers#filipino#creative writing#malikhaing pagsulat#writers on tumblr#hugot#short poem#loving again#love poetry
6 notes
·
View notes
Text
kabilang bahaghari
Minsa’y natuwa ang mga kerubin
Isang diamante ang s’yang sa aki’y inihain
Nagdulot ng iba’t-ibang kulay
Mundo’y naging maliwanag, araw ay mas sumikat
Ligaya gabi-gabi ang naghari sa kaibuturan
Sinamahan sa bawat bagyo
Ipo-ipo’t unos man, sa atin ay walang makakatalo
Masyadong makintab ang bawat piraso
Walang papantay kahit na sino
Tawanan, hagalpakan at mga madaling araw na akala’y walang wakas
Ngunit naghari muli ang tubig at bawat kulay nati’y kumupas
Hinati sa dalawa
Hindi na nagawang kumapit, sinta
Nagsugat dalawang mga palad
At tanging pagbitaw na lamang ang s’yang sa atin ay magsasalba
Lungkot ang dulot
Rosas ng pagsinta’y nalalagasan ng mga talulot
Bumabaha gabi-gabi
Sa unan kung saan mga ulo natin ay dating magkatabi
Nasaan ka na?
Sinuyod ang mga ulap at hamog araw-araw
Nag-baka sakaling nawa’y naroroon ka
Hinihintay ako at sa palad mo’y may mga bulalakaw
Sa kabilang bahaghari, naroroon ka kaya?
Mga init ng yakap ng pangungulila’y nadarama mo rin kaya?
May bagyo rin ba ng pagnananais na makita ako sa iyong kama?
Iniisip mo rin kaya ako sa t’wing dilim sa kalangita’y kakagat na?
Sa kabilang bahaghari, may pagkakataon pa rin ba?
May halaga pa rin kaya ang mga pangakong binitawan noong una?
Maaalala mo pa rin kaya ang mga awiting sinulat ko sa iyo sa ilalim ng Luna?
Magagawa mo pa rin bang umindayog kasabay ko sa kaparehong musika?
Sa kabilang bahaghari, sa wakas, matutuloy na kaya?
Ang pinutol ng balaraw na nakaraa’y mapagdudugtong-dugtong ba nating dalawa?
Ang mga tululot ng rosas na nalagas, magbabalik kaya?
Magbabalik ka ba sa akin, sinta?
Pagkat hihintayin kita
Hinihintay kita rito
Kung saan may awitan at indakang walang patid
Iindayog tayong muli at walang makakapigil
Sa kabilang bahaghari
Kung saan may ikaw at ako sa huli
Istorya nating nagwakas noong una
Dito magaganap at mas kikintab
#poetry#poem#poet#spoken word#spokenword#philippines#filipino#pinoy#pinas#aspiring writer#Asian#aspiring author#hugot#Hugot101#hugotpost#pinoy hugot#lgbtpride#LGBTQA#LGBT poetry
3 notes
·
View notes
Text
At dumating na nga ang araw Araw na hindi ko inaasam asam na dumating Ang araw kung saan nararamdaman kong unti unti Unti unti nang nagbabago Ang pagkakaibigang ating binuo Hindi ko alam kung ako lang ba ito o ano Pero batid kong hindi na tayo katulad ng dati Hindi ko maiwasang itanong sa sarili, Kasalanan ko ba kung bakit nagkaganito? Kasalanan ko nga ba? Siguro nga ay oo Kasalanan nga ang mahulog sa taong ito Sa taong dapat ay kaibigan lamang At oo, inaamin kong Nagkamali ako, dahil simula't sapul Alam kong walang patutunguhan ang mahulog sa isang taong katulad mo. Subalit hindi ko inaasahang ganito pala Ganito pala ang kahihinatnan nito Kung alam ko lang sana Sana itinigil ko na ang kahibangang ito Kung alam ko lang na ito ang ikasisira ng ating pagkakaibigan Sana iniwasan ko na umpisa palang Pasensya ka na Sa damdaming hindi ko napigilan Sa pagbabaka sakaling meron Pero wala naman talaga. Huwag kang magalala Susubukan kong ito na ang huli Huling beses na aasa akong magkakaroon ng tayo Gagawin ko ang lahat Masakit, oo pero para sayo at sakin na rin Gagawin ko. Huwag kang magalala.
2 notes
·
View notes