#larawang sanaysay
Explore tagged Tumblr posts
ericsonsanchez · 8 months ago
Text
"Walang katapusang pag mamahal"
Ang pag mamahal ng mga magulang ay hindi makukumpara sa pag mamahal satin ng iba. Kagaya nalang nung pinanganak tayo, pinalaki nila tayo at dinisiplina ng tama.
Tumblr media
Gagawin nila ang lahat para lang satin, mapagod man sila hindi sila titigil para lamang satin, gagawa sila ng paraan para mapasaya tayo.
Tumblr media
Ito nga pala ang tatay ko sa si Emil siya ay nag tratrabaho isang security guard. Siya ay napaka mapag mahal na tatay at dedikado siya mag trabaho para kaming mag kakapatid ay makatapos at mag ka roong ng magandang kinabukasan.
Tumblr media
At ito naman ang aking nanay na si Rona isa siyang teacher. Lagi kami niya tinuturuan ng mga wastong gawain siya din ay napa dedikadong nanay. Gagawin niya ang lahat kahit mapagod siya dahil mahal mahal niya kaming lahat.
Tumblr media
Pero hindi din natin maiiwasan ang mga araw na kailangan nila tayong disiplinahan. Dati naalala ko pag na disiplinahan ako iiyak ako at pupunta ako sa kwarto tas makakatulog nalang, minsan naiisipan ko lumayas pero hindi ko namn ginawa kasi alam kong hindi ako makakatagal sa labas mag isa. Pag kakagising ko tatawagin ako para kumain sabi ng tatay o ng nanay ko "Kuya kain kana nag luto ako favorite mo adobo" ayun ang pag sasabi nila ng sorry samin tapos bibigyan nila ako ng pera para bumili ng gusto ko.
Nung pa ako hindi ko alam kung bakit nila kailangan disiplinahan ako. Pero ayun pala ang isa sa pinakamahalagang ginawa nila para samin dahil saming pag laki nagamit namin ang mga natutunan sa mga disiplina nila naging magalang kami, gumamit ng po at opo, tumulong sa iba, at marami pang iba.
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
Heto naman ang mga kapatid ko sila din ang naka sama ko sa pag laki, sila din ang kasama ko sa mga laro, at kung ano ano pa ang mga ginawa namin nung bata pa pakami. Natutuwa ako dahil nag kakapatid ako ng ganto nag mamahal at nag aalala lagi kaming nag tutulongan kagaya nalang ni Ate hazel lalapit ako sa kanya pag may hindi ako naintindihan na aralin o mag tatanong kung bagay ba ang suot ko, tapos si Herhsey siya naman ang nag tangol sakin nung mga meron ng aaway sakin alam ko na masbata siya sakin, pero lalaban siya para lang tigilan nila ako.
Mahal mahal ko silang lahat hindi ko makukumpara ang pag mamahal nila sa iba. Kaya gagawin ko ang lahat para lang sila ay sumaya, kahit man ako ay mapagod tutuloy padin ako sa pag papasaya sa kanila. Maraming salamat Tatay, Nanay, Ate hazel, at herhsey mahal na mahal ko kayo at hindi ko kayo papabayaan.
Tumblr media Tumblr media
3 notes · View notes
dianabaquillas · 9 months ago
Text
Hindi ka nag-iisa
Sa ating araw-araw na pamumuhay, madalas nating makalimutan na sa likod ng bawat mukha at bawat kilos ng bawat tao ay may kwento at karanasan na nagbibigay-kulay sa kanilang buhay. Sa dami ng tao sa mundo, madalas pakiramdam natin mag-isa pa rin tayo. Sa bawat problema na pakiramdam nating wala nang mas bibigat dito, nakakalimutan nating ang lahat ng nakakasalamuha natin ay may pinagdadaanan din.
Kapag tayo ay nababalot ng sariling mga alalahanin at mga pangarap, tila nagiging sentro ng ating mundo ang ating mga personal na laban at tagumpay. Subalit sa kabila ng ating sariling mga pakikibaka, dapat nating tandaan na bawat isa sa atin ay bahagi lamang ng mas malawak na lipunan. Ang bawat indibidwal ay may kanya-kanyang mga pangarap, mga tagumpay, at mga pagsubok na hinaharap.
Sa bawat tao na ating makakasalubong sa araw-araw, mayroong mga pangarap na gustong abutin, mga kalungkutan na gustong lampasan, at mga tagumpay na gustong ipagdiwang. Lahat tayo ay may kanya-kanyang pinagdadaanan sa buhay. Sa kabila ng ating mga pagkakaiba, mayroong isang bagay na nag-uugnay sa atin: ang ating karanasan ng buhay. Ito ang tinatawag na sonder—ang pag-unawa at pagkilala sa kakaibang karanasan ng bawat isa.
Sa pamamagitan ng sonder, natututunan natin na magpakumbaba at magbigay-pansin sa mga kwento at karanasan ng iba. Ito rin ang nagbibigay sa atin ng oportunidad na makabuo ng mas malalim na koneksyon sa ating kapwa. Sa pamamagitan ng pakikinig at pagpapahalaga sa kanilang mga kwento, mas nauunawaan natin ang kanilang mga pangarap, takot, at kasiyahan.
Sa huli, ito ay hindi lamang simpleng pagkilala sa iba't ibang karanasan ng tao, kundi isang paalala rin na hindi ka nag-iisa. Tayo ay konektado sa isa't isa sa pamamagitan ng ating mga emosyon at karanasan. Ito ang nagdudulot sa atin ng kakaibang kagandahan sa ating pag-unawa at pagtanggap sa bawat isa, nagbubukas ng mga pinto patungo sa pagmamahalan at pagkakaisa.
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
1 note · View note
mykelantoni · 9 months ago
Text
Sambillo, Mykel Antoni M.
Piling Larang
G 11 - C 1 - STEM
Larawang Sanaysay
Nasugbu; Sa Pag-Unlad ka na Ba?
Ang Nasugbu ay isa sa mga bayan sa batangas na mabilis umunlad, kalakip nito ang mabilis na pagbabago ng lugar na umaayon sa bagong henerasyon ng bayan na ito. Ang Nasugbu Batangas ay mayroong Economical Profit na P699,626,722.52 noong taong 2022, at patuloy na nataas pa ito sa paglipas ng panahon. Noong 2016 pa lamang ay umaabot na sa P320M ang annual regular income ng Nasugbu, Kasama nito ang populasyon ng bayan na noong 2020 ay 140,000 na katao ang nakatira, karamihan dito ay mga kabataan at mga ‘teenagers’ na na lawak mula 5-9 taong gulang hanggang 16-19 taong gulang na kabataan.
Tumblr media
Ang mga gusali sa Nasugbu ay unti-unti ng nagbabago at nadadagdagan ng mga modernong gusali, kalakip pa nito ang mga kilala at mga malalaking kumpanya na nag tatayo ng mga ‘branch’ nila sa Nasugbu, katulad na lamang ng bangko ng BPI at ng matagal-tagal ng Walter Mart.
Tumblr media
Bagama’t may mga hindi pa gaano ka modernong lugar sa Nasugbu sa loob-loob ng barangay, ay kahit ang simpleng one way road na makikita ay maaari ng mga presenta ng isang pagiging siyudad dahil sa kaayusan nito. Halos bilang na lang ang mga barangay na may bitak-bitak at sira-sirang kalsada na makikita sa Nasugbu. Ang Nasugbu ay naturingang ‘First Class Municipality’, ang ‘First Class Municipality’ ay ang mga bayan na may ‘annual income’ na hindi bababa ng P200,000,000, tulad nga ng annual income ng Nasugbu na P600M+ ay talaga namang hindi lang ‘First Class’ ang Nasugbu na.
Tumblr media
Makikita din sa mga mamamayan ng Nasugbu Batangas ang maganda at masaganang pamumuhay nila, mga nag-gagandahang sasakyan ay mga opisyales na madalas bumisita sa bayan, ang mga turista at mga nag-ba bakasyon sa Nasugbu Batangas ay napakarami na din at pag may okasyon sa bayan ay lalo pa, ang mga resort ay palagiang puno at ang mga lugar na pwedeng bisitahin ay marami laging tao.
Tumblr media
Hindi mag-papa huli ang industriya ng Nasugbu sapagkat ang mga proyekto ng lokal na gobyerno nito ay hindi pa natatapos at hindi pa natigil. Pansinin na lang natin ang mga bigating makinarya na meron ang bayan na ito na kalaunay mayroong proyekto sa bayan na ginagawa.
Tumblr media
Ang lokal na gobyerno ay patuloy na nag lalabas at nag papa-ugnay ng mga proyekto at mga ‘maintenance’. Nito lamang ay muli na naman silang kumilos at sinimulang barakudahan and lumang gusali sa tapat ng bagong Caltex, at nag pa planong gibain, at buoan ng panibagong gusaling hindi pa natin alam sa ngayon.
Tumblr media
Ang lokal nag gobyerno ng Nasugbu Batangas ay patuloy na nagpapaunlad ng Ekonomiya ng Nasugbu, unti-unti nang pinapaganda ang mga gusali dito. Bagaman mabagal at matagal ang mga pag-usad ng pag-tatayo ay pag babago ng mga imprastraktura ay patuloy pa din naman itong umuusad, ang mga lumang bakanteng bahay na pagmamay-ari ng gobyerno ay unti-unti ng pinapalitan ng mga gusali at tinatayuan.
Tumblr media
Ang mga kalsada ay patuloy ding pinapaganda at pinapalawak ng gobyerno, ang J.P. Laurel Highway ay balak na gawing four lane road na may dalawang slow safe zone sa mag-kabilang gilid para sa mga tricycle at mga bikers, plano din ng Gobyerno na gawing ‘Basalt’ o ‘Igneous rock’ ang mga kalsada, isa na dito ang J.P. Laurel street, ang pinaka sentrong kalsada sa loob ng bayan ng Nasugbu.
Ilan lang ang mga impormasyon na yan sa madami at marami pang iba, ang pag-unlad ng bayan ng Nasugbu Batangas ay isang pakilalang marami ang pwedeng mag-bago pa sa darating na panahon. Ang Lokal na Gobyerno ay patuloy na umuusad sa larangan ng Bayan kasabay ng panahon.
Ang pag-unlad ng bayan na ito ang panimulang marami pa ang dadating na pag unlad ng bayan na ito, mag-tutuloy kaya ito o hindi, sa paganda ba ito so sa pababa. mag-papatuloy ba ang pag-unlad ng Bayan na ito, o hindi? Nasugbu. sa pag-unlad ka na ba?
3 notes · View notes
louisenicolemendoza · 9 months ago
Text
Larawang Sanaysay: Kaibigan at Tanawin
Tumblr media
Isa sa pinakamasayang ala-ala na hindi malilimutan ay ang paglalakbay lalo na kapag kapag kasama natin ang ating mga mahal sa buhay gaya ng ating pamilya, at mga kaibigan.
Tumblr media
Taong 2024, March 14. Nagkaroon ako ng oportunidad na makasama sa field trip, at sa aking paglalakbay kasama ang aking mga kaibigan ay ang isa sa pinaka masayang nangyari sa akin.
Tumblr media
Kay aga ng i-ginising kaya naman byahe pa lamang ay kumakalam na agad ang mga sikmura namin at kinain nalang ang baon naming mga snacks.
Tumblr media
Hindi man gaano kalayuan ang aming pinuntahan ay nagdulot parin iyon ng kasiyahan sa bawat isa saamin. Isa sa kinahiligan ng mga kabataan ngayon ay ang paglalakbay kahit saan mang lugar. Lalo na kapag ang lugar na yon ay may magandang tanawin na hindi nalilimutan.
Tumblr media
Napakasarap isipin na nabibigyan natin ng oras ang mga sarili natin na aliwin at bigyan ng oras para makapaglibang. Sa araw ng aking paglalakbay kasama ang aking mga kaibigan ay isa iyon sa hinding Hindi ko malilimutan. Bago pa kami pumunta sa lugar ng manila ay masaya na agad ako.
Tumblr media
Ang bawat isa saamin ay naengganyong libutin ang kapaligiran nito at para din kumuha ng mga litrato. Hindi ko inaasahan ang mararamdaman ko sa lugar na iyon, na may magandang tanawin, preskong hangin, at malinis na kapaligiran. Kahit saan ka tumingin ay napaka ganda ng tanawin.
Tumblr media
At syempre dahil sa kapaguran ay hindi ko maiwasang magutom, Kaya naman ako ay napa-bili na rin ng sorbetes na kay sarap ng lasa. Dahil sa pagka gutom namin ay kumain kami nang kumain.
Tumblr media
Maraming tao sa paligid na nasisiyahan sa pag eeksplor at pagkuha ng mga litrato. Sa sobrang kasiyahan na nararamdaman ay hindi na namamalayan ang oras. At doon sa oras na iyon ay sinulit namin ang mga oras na iyon na magkakasama kami.
Tumblr media Tumblr media
Sa aking paglalakbay na iyon ay hindi ko makakalimutan ang lugar na talaga namang dapat alagaan, ang mga lugar na ito ang nagpapatunay na masagana ang bansa sa likas na yaman, historikal at magagandang tanawin.
1 note · View note
unseenemenem · 2 years ago
Text
Akademikong sulatin
Mga kasapi:
Ericka, Francisne ,Francis, Ellah 
Mga halimbawa ng akademikong sulatin
Lakbay-sanaysay
Ang layunin nito ay karaniwang itakda kung saan napunta ang manlalakbay.  Nilalayon din nitong idokumento ang mga karanasan sa paglalakbay.  
Ito ay isinulat upang ihayag sa mambabasa kung ano ang nakita at natuklasan sa paglalakbay gamit ang mga pandama.
Ang katangian nito ay umaakit sa mga turista na bisitahin ang inilahad na lugar. Maglahad ng mahahalagang impormasyon gaya ng mga direksyon o direksyon para makarating sa isang lugar.  
Larawang sanaysay
Ang layunin nito ay magdala ng kagalakan at kaaliwan sa mga gumagawa ng mga kuwento, magbigay ng mahalagang impormasyon, at hikayatin ang pagkamalikhain. Sa madaling salita, ang larawang sanaysay ay nagnanais makatawag ng atensyon at interes sa binabasa.
Ito’y ginagamit upang ihatid ang isang mahalagang mensahe, kadalasan may mas  mga larawan at kaunting salita. 
Ang katangian nito ay ang paggamit ng mga imahe sa pagsasalaysay. Ito ay may makabuluhang pagpapahayag sa litrato at organisado.
Posisyong papel
Ang layunin nito ay hikayatin ang mambabasa na magkaroon ng kamalayan sa mga argumentong ipinakita. 
Ang paggamit nito ay nagsisilbing patunay, argumento, at pagpapatunay ng problema
Ito ay naglalarawan sa pamamagitan ng kakayahang isama ang mga isyu ng pambansa o internasyonal na saklaw na nakakaapekto sa isa o higit pang mga grupo ng mga tao o buong komunidad. Dito ay dapat na organisado ang pagka sunod-sunod ng ideya at maging pormal.
Talumpati
Ang talumpati ay naglalayon na makapag hikayat at mapaniwala ang kanyang mga tagapakinig sa pamamagitan ng paglahad nito ng maayos at malinaw na pagtatala.
Ang talumpati ay isinasagawa upang tumugon sa isang paksa o isyu, na magbibigay katwiran o paniniwala sa mga makikinig gamit ang pagbigkas o bibig.
Ang talumpati ay may katangian na pormal at malinaw na daloy ng mga ideya. Ang uri nito ay nakabatay sa mga tagapakinig.
Replektibong sanaysay
Ang replektibong sanaysay ay naglalayon na maiparating ang pansariling natuklasan o naranasan sa ispesipiko na usapin. Ito rin ay naglalayon na maipabatid ang ang mga nakalap na detalye o impormasyon na natutunan ng mambabasa ukol sa paksa o sulatin.
Ang replektibong sanaysay ay isinulat upang ihayag ang mga personal na perspektibo sa usapin, o mga bagay tulad ng karanasan, damdamin, opinyon, at natuklasan patungkol sa isang paksa. Maari rin itong makatulong sa may akda na mas mapabuti ang kanyang gawa. Ito ay karaniwang ginagamit sa mga akademikong papel, blog, at iba pang mga uri ng pagsusulat na nangangailangan ng pagsusuri at pagpapaliwanag ng sariling karanasan at perspektiba.
Ang replektibong sanaysay ay may katangian na malinaw ang pagpapakilala o introduksyon, katawan, at ang konklusyon upang maibatid ang mga nakaraan na kaganapan at kung paano ito nakalikha ng pagbabago sa mambabasa.
Buod o sintesis
Ang buod o sintesis ay naglalayon na makakuha ng maikli ngunit mahahalagang impormasyon sa kabuuang teksto.
A buod o sintesis ay kalimitang ginagamit sa mga tekstong naratibo para mabigyan ng buod, tulad na lamang ng mga maikling kwento.
Ang buod o sintesis ay may katangian na komprehensibo at maikli sapagkat ito ay kinakailangan upang mapaikli ang bersyong orihinal. Ilan sa mga ito ay dapat nasasagot ang sino, ano, paano, saan, at ang kailan.
Panukalang proyekto
Ang layunin nito ay makapagbigay ng proposal sa proyektong nais ipatupad.
Ito ay ginagamit upang mabigyan ng resolba ang mga problema at suliranin.
Ito ay may dalawang katangian maikling proyekto at mahabang proyekto.
Ang maikling proyekto ay naglalaman lamang ng dalawa hanggang 10 pahina na kadalasan ay nasa anyong liham lamang samantalang ang mahabang proyekto ay naglalaman ng mahigit sa 10 pahina.
Katitikan ng pulong 
Natatalakay ang mga hakbang sa pagsulat ng katitikan ng pulong.
Pag dodokumento ng mga mahalagang puntong inilalahad sa isang pagpupulong.
Ito ay dapat na organizado ayon sa pagkakasunud-sunod ng mga punto ng napag-usapan at makatotohanan.
Bionete
maikling impormatibong sulatin na karaniwang  isang talata lamang at naglalahad ng mga kwalipikasyon ng isang tao o indibidwal
Ginagamit ito para sa iba pa o mas kakaibang personal profile ng isang indibidwal,  tulad ng kanyang academic career at mga academic achievements, at iba pang  impormasyon ukol sa kanya.
Maikli lang dapat ang nilalaman nito, Binabanggit ang degree o tinapos ng paksa sa bionote.
Agenda
Maipabatid ang mga impormasyon ukol sa gaganaping pagpupulong o pagtitipon. Nakapaloob dito ang oras, petsa at lugar ng gaganaping pagpupulong.
Ito ang nagsisilbing gabay upang maging maayos ang magiging pulong at siguradong natatalakay ang mga mahahalagang bagay. Naglalaman din ito ng mga plano o aksyon na dapat gawin tungkol sa paksang tatalakayin.
Ito ay isang listahan ng mga bagay bagay na pag uusapan o tatalakayin
Memorandum
Magbigay ng anunsyo o magbaba ng patakaran na kinakailangang mabatid ng lahat. memo. pangalan ng opisina o at dapat na tiyak at maikli.
Samantala, ayon sa ibang pag unawa, ito ay nangangahulugan ng isang paraan ng komunikasyon sa anyo ng isang maikling mensahe na naglalaman ng mga mungkahi, direksyon, o paliwanag na ginawa ng mga partido na may mataas na posisyon at ibinigay sa mga awtoridad sa pagsasagawa ng mga utos mula sa liham.
Maikli lamang na ang pangunahing layunin ay pakilusin ang isang tao sa isang tiyak na alituntunin na dapat isakatuparan gaya halimbawa ng pagdalo sa isang pulong , pagsasagawa , o pagsunod sa bagong sistema ng produksyon o kompanya.
#FA #AkademikongSulatin
0 notes
platinumfrancis · 2 years ago
Text
Gawain blg. 3
Mga kasapi:
Tobias, Ericka 
Ico, Francisne
Arzadon, Francis
De guzman, Ellah 
Mga halimbawa ng akademikong sulatin
Anyo
Layunin
Gamit
Katangian

Maipabatid ang mga impormasyon ukol sa gaganaping pagpupulong o pagtitipon.Nakapaloob dito ang oras, petsa at lugar ng gaganaping pagpupulong.

phiaico · 2 years ago
Text
Gawain blg. 3
Suriin ang mga halimbawa ng akademikong sulatin ayon sa layunin, gamit, katangian, at anyo.

ckrzztynn · 4 years ago
Text
GOT7 Keep Spinning Concert in Manila
Isa sa mga sikat na grupo sa South Korea ay ang GOT7. Sila ay pitong miyembrong grupo ng mga kalalakihansa JYP Entertainment. Sila ay binubuo nina JB, Mark, Jackson, Jinyoung, Youngjae, Bambam, at Yugyeom. Oktubre noong nakaraang taon lamang ay ginanap ang kanilang Keep Spinning 2019 World Tour sa Mall of Asia Arena sa Pasay. Ang kanilang mga tagahanga ay tinatawag na IGOT7 o Ahgase.
Tumblr media
Sa loob ng tatlong oras ay napuno ang arena ng mga sigawan dahil sa mga pinakitang pagtatanghal ng grupo. Ang unang kantang kanilang tinanghal ay ang kanilang pinakabagong kanta noong panahong iyon na “Eclipse”. Pinakita nila ang kanilang taglay na husay at mga ngiti para sa mga tagahanga. Kanila ring tinanghal ang ilan sa mga sikat nilang kanta na “Never Ever”, “Just Right”, at may special stage mix pa  sila sa kantang “Stop Stop It”.
Tumblr media
Habang sila ay nagbibigay mensahe sa mga manonood ay cheer ang mga tagahanga ng mga salitang Tagalog. Mga salita gaya ng “Walang uuwi”at “Sana all” na natutunan ng grupo. Biniro pa ng kanilang lider na si JB na ang kanilang susunod na kanta ay “Walang uuwi”.
Tumblr media
Nagtapos ang concert sa kanilang kanta na masaya ang lahat. Mula sa tinatawag nilang green ocean na nagmumula sa ilaw ng mga lightstick ng grupo ay naging puti ang lugar dahil sa ilaw na nagsisimula sa flashlight ng mga selepono ng mga manonood sa huling kanta.
Written by Christine Sy
More photos by me at my instagram highlights: @crishaneaen
https://www.instagram.com/crishaneaen/
Fancams and vlogs at my youtube channel: Christine Sy
https://www.youtube.com/playlist?list=PLgKWh6cPSjVORGpc8BVbiXPbXyCLOgwEY
8 notes · View notes
lance-tiangco · 3 years ago
Photo
Tumblr media
Sa aking napakaraming magagandang ala-ala, may natatanging isang lugar na sa aking puso’y nakapunla na. Halika’t sabay nating balikan, alalahanin at alamin ang lugar kung saan ako’y nabighani sa tuwina, ang lugar na kilala sa bansag na "Hundred Precious Gems", o Hundred Islands sa Pangasinan Ang Hundred Islands ng Alaminos City ay  marahil ang pinakasikat na tourist spot sa Pangasinan. Ito ay isang isla na humigit-kumulang 123 isla at islets na nakakalat sa Lingayen Gulf, pinaniniwalaang nabuo noong mahigit dalawang milyong taon na ang nakalilipas. Halos limang oras lang ang layo mula sa Maynila, ang Hundred Islands ay isang perpektong lugar para sa pagtakas mula sa nakakapagod na trabaho o kung nais mong magkaroon ng pansamantalang kapayapaan ng iyong isipin. Isang mura at nakakatuwang paraan para maranasan ang tropikal at ganda ng Pilipinas. Sa mahigit isang daang isla na may mga puting buhangin na dalampasigan, kweba, limestone na bato at bangin, at mayamang marine life, ginagarantiyahan ng Hundred Islands ang sulit na pag bakasyon para sa mga turista o saatin at marasanan ang  mag-island hopping at mag-enjoy sa mga kaakit-akit na isla na ito. Bagama't hindi mabisita ang karamihan sa mga isla, may ilang mga isla na may maliliit na mabuhanging dalampasigan. Ito ay sapat na malaki upang magdaong ng isang maliit na bangka upang makapagpahinga ka sa isang piknik at ilang beer at lumangoy sa tahimik at kaakit akit na tubig. Ang One Hundred Islands ay walang masyadong bukas na beach gaya ng mga resorts na katabi nito, isa na doon ang Bolinao. Gayunpaman, itong isa na ito ay mayroong hopping na hindi matatagpuan sa Boliano. Noong nanatili kami roon, masuwerte kaming tumuloy sa isang holiday house ng aking mga kainigam. Ang mabilis na paghahanap sa internet ay makakahanap ka agad ng ilang opsyon. Mayroon ka ring opsyon na mag-camping nang magdamag sa halagang P200 lang kung nais mong magsaya sa labas, at maaari ka ring umarkila ng mga tent sa halagang P500. Lahat ng mga matatagpuan mo sa lugar na ito ay sulit at tiyak na makakalimutan mo ang mga problema at tambak na trabaho. Sobrang saya ng mga magagandang ala-ala lalo’t nadagdagan pa ng kulay sapagkat akin mga kaibigan ay aking naisama, hindi magiging masaya ang kuwento ng bawat larawang aming nakuha kung wala akong mapagkwekwentuhan, kaya’t Salamat sa pagsama sa akin sa Hundred Island, ninanais kong makinig sa inyong Kwento kapag kayo naman ang nakapunta sa mga lugar na ating napuntahan sa lakbay Sanaysay na ito, nagagalak akong isipin kung ano ang inyong mararamdaman kung kayo naman ang nag ukit ng mga magagandang larawan mula sa lugar ng “Hundred Island, Pangasinan”
2 notes · View notes
elianeyazon · 7 years ago
Text
bionote
ang aking bionote ay makikita dito:  ( ˘ ³˘)
0 notes
11-stem26-blog · 8 years ago
Text
[to be edited]
— Henry Albos // 3
0 notes
binibiningtinatamad · 6 years ago
Text
Ika 16 ng Marso sa taong 2019, isa sa mga petsa na hinding hindi ko makakalimutan. Ito rin yung araw na kung kelan kinunan ang litratong ito. Isang litratong ipinapakita ang isang papel na mayroong pirma. Kung titingnan ito ay isang ordinaryong sulat o pirma lang na walang mahalagang nakasulat at ang isa pang litrato ay makikita ang masayang mukha ko at maaliwalas na mukha ng kasama kong babae. Ngunit sa likod ng litratong ito ay may kwento at maraming pangyayari.
Ang pirmang ito at ang isa pang litrato ay isang tagumpay o kasiyahan para saakin. Hindi lang kase ordinaryong pirma ito sapagkat pirma ito ng isang kilalang wattpad awtor at siya ay iniidolo ko. Ang pangalan niya sa wattpad ay Blue Maiden at ang mga gawa niyang kwento ay napakaganda kaya ganon na lamang ang pagkasabik kong makita siya. Dumayo kami sa Barangay J.P Laurel, dahil doon gaganapin ang "book signing". Pag dating namin ay sobrang init at maramin na rin ang mga taong gaya namin ay bibili, magpapapirma at kukuha ng litrato. Ngunit isa sa mga nakakalungkot ay naubos na agad ang libro kaya hindi na kami nakabili. Subalit kahit ubos na ay pumila parin kami para magpapirma nalang, mainit man ay tiniis namin iyon. Sabik, lungkot at saya ang naramdaman ko ng araw na iyan. Ito ang pinakaunang pangyayaring dumalo ako sa isang "book signing". Wala man akong nabiling libro ay napakasaya ko na dahil ay mayroon akong isang pirma ng aking idolong awtor at mayroon pang litrato ako na kasama siya. Ang pangyayaring iyon litratong kasama siyabat ang pirmang ito ay magsisilbing inspirasyon ko para makamit ko rin ang aking pangarap sa buhay. Alaalang sabay naming hindi kakalimutan ng mga kasama kong dumalo rin.
Letra-to #5: Larawang Sanaysay
Tumblr media Tumblr media
5 notes · View notes
ashendery · 6 years ago
Text
Letra-to#5:larawang sanaysay
Nahanap ko ang isang napakagandang mundo dahil sa mga gawa ng aking katabi. Ilang taon kong sinubaybayan lahat ng kanyang sinusulat at sinasabi. Tila isang mahikang hindi naaalis sa aking sistema ang kanyang pinaramdam dahil sa kanyang mga istorya, hindi lang ako ang nabaliw dahil marami pang iba. Hindi ko mabilang ang mga gabing nilunod ko ang aking sarili para lang suporthan ang kaniyang mga sulat. Ilang ngiti at luha ang kumawala sa akin dahil binasa ko ang kaniyang mga likha.
Tumblr media
Nakipagsiksikan, nagbilad sa init ng araw, nangalay, napagod, at tagaktak ng pawis ng ako’y tuluyan na nakalapit. Kasama ang aking mga kaibigan na naiintindihan ang dahilan kung bakit. Ilang beses natulak, natapakan at marami pang iba pero sulit na nung ako’y nakakuha ng kaniyang pirma. Sa larawang ito, ng dalawang babaeng mayroong ngiti sa kanilang mga labi, may isang dakilang manunulat at isang tagahanga na naka dilaw sa gilid. Isang simpleng letrato na maaring daanan lang ng iba pero hindi nila alam ang naramdamang galak at kaba ko sa mga panahong kinuha ang letratong ito. Isa ito sa hindi ko malilimutan na pangyayari. Maaring ito ang una at pinakahuling pagkakataon na makikita ko ang isang Tina Lata sa toong buhay kaya ang litratong ito para sa akin ay hindi mapapalitan. Ang raming kong ginawa para lang malitratuhan.
4 notes · View notes
hintaylang-blog · 6 years ago
Text
Tumblr media
Letrato #5: Larawang Sanaysay
Kalamitan nakikita isang harang upang maprotektahan ang isang tahanan, namay nilalaman na mga bagay na pinagsikapan sa kadahilanang may magamit sa pang araw-araw na buhay. Isang pader na dinudumihan ng mga hayop at kung ano pa man. Ngunit ito rin ang tahanan ng mga taong pinag-kaitan ng mga oportunidad upang mamuhay ng masagana sa sambayanan,kalimitan nandirito ang mga tao upang humingi ng abuloy para lang sa kanilang nangungulokong tiyan,tinutulugan pag sila ay pagod na sa buong araw na puno ng kahirapan. Maraming silbe ang lugar na ito sa ating mamamayan at ito din ang lugar kung saan makikita ang ating patutunguhan pag di mag sikap para sa kinabukasan. Sino naman nga ba ang gusto manirahan sa isang lugar kung saan tinatapunan ng mga hayop o tao man ng kanilang mga dumi sa bawat pader na pwedeng maging sandigan ng mga nangangailangan. Madaming wastong tapunan ngunit sa kabarugaan itinatapon nalang kahit saan kahit na sa mismong pader na pinapahalagahan ng mga taong kapos palad sa sanggunian. Iisa lang naman ang aking gusto ipahayag iyon ay ang bigyan pansin at halaga ang bawat bagay, kung sa tingin natin walang silbe ang mga ito sa ibang tao malaking bagay ang nakikita nila sa bagay na ito. Maliit man o malaki meron pa ding pakinabang sapagkat di magagawa ang isang bagay kung wala din naman silang silbe.
3 notes · View notes
mhlktjunhoe-blog · 6 years ago
Text
Letrato #5: Larawang Sanaysay
Tumblr media
Napakaraming dahilan upang sukuan ang pangarap, ang mga nais gawin sa buhay. Minsan dahil hindi na kaya. Minsan naman ay dahil wala ng tiwala sa sariling kakayahan. Nakakapagod din minsang umasa na matatapos, na makakamit ang isang magandang imahe ngunit palaging may nagpapaalala sa akin na hindi pa dapat ito sukuan. Na kailangang pag-ensayuhan ng maigi dahil matatapos ito at makakamit ko din balang-araw ang isang napakagandang imahe na gawa ng mga sarili kong kamay.
Ito ang napili kong letrato dahil ito ang nagsisimbolo ng aking pagkatao at bilang isang babae na naghahangad ng mahika sa buhay gamit ang lapis, papel at pangkulay kasama ang musikang nagpapaindak sa aking maliliit na imahinasyon sa aking isipan. Hindi lang naghahangad ng mahika ngunit sa paraang pagguhit ko rin naipapahayag ang nais sabihin ng aking isipan na hindi kayang sabihin ng aking labi.
Ang lapis,papel at musika, sila ang takbuhan ng aking isipan sa tuwing ito’y naguguluhan at naiipit sa maingay na mundo na aking kinatatayuan. Sila ang aking sandalan sa oras na wala ng makapitan. Sila ang nagbibihay ng kulay at saya sa madilim at malungkot kong buhay. Kung kaya’t hindi ko sila magawang sukuan at isang tabi na lamang dahil hindi nila ako iniwan sa mga oras na ako ay nangangailangan ng masasandalan.
Ito ang aking larawang sanaysay. Isang imahe ng babae na kung saan ay ninan-nam ang kulay ng mundong nasa isipan at ingay ng musilang kinaiindakan.
4 notes · View notes
11-stem26-blog · 8 years ago
Text
Pasalubong: Isang Pilipinong Tradisyon
Tumblr media
          Pasalubong. Maaaring marami at iba-iba ang mabibigay nating kahulugan o depinisyon sa salitang iyon. Kung titignan natin ang depinisyon nito sa kaniyang pinagmulan, kung saan ay Tagalog, nangangahulugan ito na “something for when you welcome me,” ito rin ay Pilipinong tradisyon ng mga manlalakbay na magdala ng mga regalo mula sa kanilang mga destinasyon para sa mga taong mahal nila sa buhay. Ang pasalubong ay maaaring maging anumang regalo o souvenir na dinala para sa mga kapamilya o mga kaibigan pagkatapos ng pagiging malayo sa kanila sa matagal na panahon.  Maaari rin itong maging anumang regalo na ibinigay ng isang tao na nagmula sa isang malayong lugar.
          Ang pasalubong din ay may kaugnayan sa mga balikbayan, Overseas na Pilipino na bumabalik sa Pilipinas, at maaaring tumutukoy sa mga bagay na dinandala pauwi ng mga migrant workers sa kanilang mga pamilya, mga kaibigan, kamag-anak o kahit di-kamag-anak na sa tingin nila ay malapit sa kanila.
          Ang tradisyon ng pagbibigay ng isang pasalubong ay mayroong malaking kahalagahan na kultural para sa mga Pilipino dahil ito nagpapalakas ng relasyon ng mga pamilya, kamag-anak, at mga kaibigan. Sa bihirang pagkakataon, maaari itong gamitin upang lumikha ng mas malakas na relasyon sa isang taong hindi mo kilala ng gaano, tulad narin sa isang tao na makikilala mo pa lamang sa unang pagkakataon.
          Ang kilos ng pamimigay ng pasalubong ay binibigyang-diin ang kagalakan sa pagkakasama muli sa isang tao na mahal sa buhay at ang lunas sa pagbalik nila sa bahay ng ligtas. Isa rin itong tanda ng pagiging maalalahanin.  Habang ang pasalubong ay hindi sapilitan o inaasahan, ang hindi pagtupad nito ay maaring maging negatibo ang maramdaman nila kapag hindi nakatanggap nito. Partikular na kahalagahan ay ibinibigay sa mga regalo para sa mga bata, at ang pag-asa ng pagkuha ng pasalubong mula sa isang magulang pagdating sa bahay ay madalas na isang itinatangi na mga ala-ala ng pagkabata para sa karamihan ng mga Pilipino.
          Bilang isang bata noon natatandaan ko pa yung mga matatamis naala-ala ko kung saan ay madalas akong makatanggap ng pasalubong. Kahit sino, basta makarating sila sa bahay namin mapa-tito, tita, lolo, lola, kaibigan ng nanay ko o kahit yang kapit-bahay namin meron silang ibibigay dahil naaalala nila ako. Masarap sa pakiramdam na makatanggap ng pasalubong dahil binigyan ka nila ng oras nila kung saan ay nag-abala pa sila maghanap ng regalo para sa’yo. Dahil sa maliit o malaki man na kilos na ito ay mas mapapalapit talaga ang loob mo sa kanila, at maslumalalim at lumalakas ang aming relasyon. Paminsan napagtanto ko na ito na “siguro likas na ito sa ating mga Pilipino,” kasi hindi gaano kadalas kong marinig ito sa ibang nationalidad. Para sa akin ang tradisyong ito ang isa sa mga dahilan kung bakit espesyal at natatangi ang mga Pilipino.
— Leanne Angulo // 5
0 notes