Don't wanna be here? Send us removal request.
Text
"Araw ng Pag-Lakbay sa labas ng Batangas"
Ang araw na ito ay nag simula sa araw ng pebrero 14 2024. Nag punta kami sa iba't ibang lugar labas ng Batangas kasama ang mga kaibigan.
Ang aming unang pinuntahan ay ang "Manila Cathedral"
Dito sa cathedral ay nag lalaman ng magagandang historya tungkol sa maynila. Dito kami ay nag libot libot para malaman ang mga kagandahan dito.
Sunod naman ay ang "Rizal manila park" Dito naman ay nag lagbay kami para malaman ang mga dating istorya ni Rizal sa kanyang buhay.
Pag katapos naman namin sa lugar nato nag lakbay ulit kami papuntang "Omniverse" dito naman ay ang lugar kung saan dito ay nag lalaman ng mga orihinal na merchandise galing sa "Marvel" binili ito tas ginawang display upang makita ng mga ibang tao
Pag katapos namin lakbayin ang boong lugar nato pumunta naman kami sa aming huling destinasyon ang "Enchanted Kingdom" o ang tawag ng mga tao ay ang "EK" itong ek ay isang amusement park na sikat sa pinas.
Dito kami ay sumakay ng sumakay ng iba't ibang rides kasama ang aking mga kaibigan
"Kahit pumila ang matagal basta makasakay ok lang masaya naman e" sabi ng isang kasama namin, oo nga matagal pero pag katapos mo naman sumakay para kanang hinulog sa langit pababa sa lupa.
Ang araw nato ay apaka importante sakin dahil dito kami ay nakapag saya sama sama at dahil dito mas naging malapit kaming mag kakaibigan, hindi ko malilimutan ang araw na ito. Sa susunod na A.Y ulit mag lalakbay ng sama sama
0 notes
Text
"Walang katapusang pag mamahal"
Ang pag mamahal ng mga magulang ay hindi makukumpara sa pag mamahal satin ng iba. Kagaya nalang nung pinanganak tayo, pinalaki nila tayo at dinisiplina ng tama.
Gagawin nila ang lahat para lang satin, mapagod man sila hindi sila titigil para lamang satin, gagawa sila ng paraan para mapasaya tayo.
Ito nga pala ang tatay ko sa si Emil siya ay nag tratrabaho isang security guard. Siya ay napaka mapag mahal na tatay at dedikado siya mag trabaho para kaming mag kakapatid ay makatapos at mag ka roong ng magandang kinabukasan.
At ito naman ang aking nanay na si Rona isa siyang teacher. Lagi kami niya tinuturuan ng mga wastong gawain siya din ay napa dedikadong nanay. Gagawin niya ang lahat kahit mapagod siya dahil mahal mahal niya kaming lahat.
Pero hindi din natin maiiwasan ang mga araw na kailangan nila tayong disiplinahan. Dati naalala ko pag na disiplinahan ako iiyak ako at pupunta ako sa kwarto tas makakatulog nalang, minsan naiisipan ko lumayas pero hindi ko namn ginawa kasi alam kong hindi ako makakatagal sa labas mag isa. Pag kakagising ko tatawagin ako para kumain sabi ng tatay o ng nanay ko "Kuya kain kana nag luto ako favorite mo adobo" ayun ang pag sasabi nila ng sorry samin tapos bibigyan nila ako ng pera para bumili ng gusto ko.
Nung pa ako hindi ko alam kung bakit nila kailangan disiplinahan ako. Pero ayun pala ang isa sa pinakamahalagang ginawa nila para samin dahil saming pag laki nagamit namin ang mga natutunan sa mga disiplina nila naging magalang kami, gumamit ng po at opo, tumulong sa iba, at marami pang iba.
Heto naman ang mga kapatid ko sila din ang naka sama ko sa pag laki, sila din ang kasama ko sa mga laro, at kung ano ano pa ang mga ginawa namin nung bata pa pakami. Natutuwa ako dahil nag kakapatid ako ng ganto nag mamahal at nag aalala lagi kaming nag tutulongan kagaya nalang ni Ate hazel lalapit ako sa kanya pag may hindi ako naintindihan na aralin o mag tatanong kung bagay ba ang suot ko, tapos si Herhsey siya naman ang nag tangol sakin nung mga meron ng aaway sakin alam ko na masbata siya sakin, pero lalaban siya para lang tigilan nila ako.
Mahal mahal ko silang lahat hindi ko makukumpara ang pag mamahal nila sa iba. Kaya gagawin ko ang lahat para lang sila ay sumaya, kahit man ako ay mapagod tutuloy padin ako sa pag papasaya sa kanila. Maraming salamat Tatay, Nanay, Ate hazel, at herhsey mahal na mahal ko kayo at hindi ko kayo papabayaan.
3 notes
·
View notes