Tumgik
#iwas sakit
residentpatriot · 6 months
Text
Summer 2024: 5 Tips para Ma-Achieve ang Inaasam na Beach Body
Ramdam na ang tag-init ngayong nagsimula na ang buwan ng Abril. Samu’t saring beach inspo na ang lumalabas sa iyong social media feed. Mga aesthetic na litrato ng puting buhangin, asul na dagat, puno ng niyog na pinapasayaw ng hangin, makapigil hiningang takip silim, at syempre mga makukulay na summer outfits at swimwear. Photo by Steven Wilcox on Unsplash Ready na ba ang iyong summer beach…
Tumblr media
View On WordPress
0 notes
yukicoded · 11 months
Text
you broke up with Yuki Ishikawa
An Ishikawa Yuki AU wherein you are Yuki's long-time girlfriend your relationship with him has been holding him back.
“Love….” I called for him.
“Look at all these gifts love.” He showed me the gifts he received from his fans. Masayang masaya sya as he looked at them and happily showed them to me. “Look at this one, you should try to wear this one.”
“Yuki, I have something to tell you.”
Hindi niya ako pinansin.
“This one is so cute, you’re the one who took this picture right? I should frame—”
“Yuki please listen to me!” I begged as my voice cracked.
“If this is about what we talked about last night then no.” matigas at seryoso niyang sabi.
Tumayo siya, astang aalis pero hinarangan ko siya.
“Please, Yuki…” nanghihina kong saad.
I was looking at him habang mahigpit ang hawak sa kaniyang kamay. Umiwas siya ng tingin pero hindi naka iwas sa akin kung paano nag simulang mamula at mag tubig ang kaniyang mga mata.
Parang may kung anong tumarak sa aking puso.
I bit my lip to stop the sobs from escaping. “I’m sorry, Yuki.”
Hinilamos niya ang kaniyang mukha gamit ang mga palad. “What do you want me to do then?” mahina at nanginginig ang kaniyang boses. “Leave you? You want me to leave you? Paano sige, tell me. Paano ko gagawin? Kasi ni-isipin ay hindi ko magawa! So please tell me how, kasi I don’t think I can.” his tears fell.
Waves of memories of us being happy together flashed through my mind. Every smile. Every fights, sorrys, i love yous. Every kiss, every failures and victories. Every highs and lows that we conquered together. Akala ko talaga kakayanin namin. I thought our love was strong enough to face this harsh reality of this world, ngunit hindi.
Tinalikuran niya ako at naupo siya sa couch. He buried his face on his hands.
My heart broke into million pieces as I watch him cry.
I watch as my whole world collapse before my very own eyes.
I kneeled infront of him and held his cheeks. I wiped his tears without paying attention to my own.
“You need to listen to me alright?” humihikbi kong saad. Ang sakit sakit. Pero wala akong magawa. “This is for your own good.” nababasag ang aking tinig.
Umiling siya sa akin. Ayaw pumayag.
“No, no please love. Don’t leave me. Parang awa mo na. Don’t leave me.” he was shaking as he held my hands on his cheeks, paulit ulit niya itong hinahalikan at mahigpit na hinahawakan as if I’ll slip away kung luluwag ang hawak niya.
“Yuki this isn’t just about us anymore.”
“It is, it is about us love. Please. Aayusin ko, I’ll play harder, I’ll work harder, I’ll train harder. I’ll do anything just please don’t leave me.” umiling ako at pilit muling hinanap ang kaniyang mga mata.
His eyes are red but I know mine is as well.
Ang dating mga mata na puno ng ningning at saya ay napalitan ng mga mata na puno ng takot at lungkot.
“I don’t want to hold you back…” Tears fell from my eyes.
“You’re not holding me back..”
“You have a bright future ahead of you, Yuki. A great, big, bright future hmm? You hear me?”
From the very first day that I met him until now, he has always been shinning. Kaya hindi ko kayang maatim as I watch how that light slowly disappear just because of us… of me.
“A great and big bright future where your dreams will all come through.” nanginginig ang boses ko pero pinilit kong mag salita. “Your dream is right infront of you. It’s waiting for you, baby.”
“But you’re my dream..” malungkot ang kaniyang tinig. He slightly chuckled a bit as he wiped some of his tears. Basang basa na ang aming mga pisngi at damit.
“Every dream that I have, you’re included. You were my dream, you’re still my dream, and you’ll always be part of my dream. So tell me, how can I have that dream when you’re gone? Sabihin mo kasi hindi ko alam kung paano!”
“I’m not your dream, Yuki.” pamimilit ko, kasi hindi ko na talaga alam. God know how hard I’m resisting right now, kung paano ko siya kagustong yakapin at sabihin na hindi ako aalis. Na mananatili ako, na iba ang sinasabi ng puso ko.
“You know nothing.” he answered. “Kasi kung totoong alam mo, hindi mo gagawin to. You knew the very reason why I’m here.”
Alam na alam ko. Kaya ko nga ginagawa to. Kahit magalit ka pa. Kahit ako pa ang mag mukhang masama. Kahit masakit. Kasi mahal kita.
“Yes, Yuki. I know it very much.”
That’s why we have to end this one. Dahil ayokong ang rason kung bakit ka nanjan ay siya ding maging rason kung bakit ka mawawala sa kung nasaan ka ngayon! Ayoko! You deserve the world, you deserve the crowd, you deserve all the good things in life.
Umangat akong kaunti at pumikit as my lips pressed against his. Naramdaman ko ang pagbasang muli ng aming mga pisngi. I felt his hands on my waist as he pulled me towards him. Humiwalay ako sakaniya at muli siyang nginitian.
I stared at his face. From his eyes, to his nose, to his lips, to every mole that he has. I want to memorize them all.
This is the face of the man that I will love for the rest of my life.
And I can’t believe I’m letting him go.
“I love you..” I said weakly as I caressed his face.
“Liar..”
I didn’t answered and just smiled at him sadly. Lumayo ako sakanya at tumayo. Pinalis ko ang mga luha na nag uunahan sa pag tulo.
“I have to go now..”
Sabi nila pag mahal mo, ipaglalaban mo.
Mali.
Dahil minsan, the greatest thing you could ever do is to surrender the fight— not because you don’t want to, but because it’s the best thing to do. Dahil sometimes, you have to surrender so that others can win.
At ayos lang matalo, basta sa dulo sigurado ang panalo mo.
Basta sa dulo, natupad lahat ng pangarap mo, ang pangarap natin — kahit hindi na ako yung kasama mo.
30 notes · View notes
jezawitha-z · 6 months
Text
Alam ko parin naman ilugar yung sarili ko sa mga bagay na hindi naman talaga dapat. Natutunan kong wag na mag expect sa mga bagay bagay. Let it be at wag ma attach easily. Iwas sakit, iwas disappointments. I don't want to cause someone's pain anymore but i know it's something inevitable. :<
14 notes · View notes
upismediacenter · 9 months
Text
Bagong influenza-like illness, kumakalat sa buong Pilipinas
Mula pa noong magpasimula ang taon, malaking bahagi ng Pilipinas na ang nakararanas ng pagtaas ng kaso ng influenza-like illness (ILI). Ang ilan sa mga sintomas nito ay ubo, pananakit ng katawan, pananakit ng lalamunan, at lagnat.
Ayon kay Health Undersecretary Eric Tayag, may humigit-kumulang na 190,000 influenza-like cases ang naiulat sa Pilipinas ngayong taon. Isinusulong ng Department of Health (DOH) ang pagbabakuna laban sa influenza at pneumonia upang maiwasan ang pagtaas ng mga kaso.
Noong Nobyembre 28, inanunsyo ng OIC-Principal ng UPIS na si Kat. Prop. Dian Caluag ang biglaang pagtaas ng kaso ng ILI sa UPIS nitong mga nakalipas na buwan. Bilang pagtugon dito, hinikayat ang mga mag-aaral na sumunod sa health protocols ng paaralan gaya ng pagsuot ng face masks. Pinaalalahanan din ang lahat na magsabi sa mga guro at mga nars ng paaralan kung nakakaramdam man ng mga sintomas upang kaagad na maaksyunan.
Ayon kay Dr. Myrissa Melinda Alip, ang direktor ng UP Diliman Health Service (UPHS), ang pagpapabakuna ay malaking bagay para maiwasan ang mga kumplikasyon kapag tayo ay nadapuan ng nakahahawang sakit. Ang libreng bakunang ipinamimigay ng UPHS-Public Health section sa publiko ay mula sa local government unit (LGU) ng Brgy. Krus na Ligas na kanila ring katuwang upang maisulong ang Expanded Immunization Program ng pamahalaan. Ang layunin ng programang itong maiwasan ang mga komplikasyon at kamatayang maaaring maidulot ng mga nakakahawang sakit sa pamamagitan ng pagbabakuna. Mayroon ding bakunang ipinamimigay para sa mga ina at matatanda.
Sa kasalukuyan, mayroong iba’t ibang bakunang maaaring mapakinabangan ng lahat ng nasasakupan ng Krus na Ligas, UP Diliman, at mga kalapit na lugar. Isa ang flu vaccine sa mga ipinapamahaging maaaring i-avail ng mga mag-aaral at empleyado ng Diliman. “Ang bakuna ay para sa lahat.” Dagdag pa ni Dr. Alip, “May bakuna para sa kapapanganak na sanggol. May bakuna para sa ibang mga edad: sa mga ina, sa buntis, nakatatanda, atbp.” Isinaad din niyang ang mga nagnanais magpaiskedyul ng pagpapabakuna ay maaaring tumawag at magtanong sa UPHS-Public Section local 2719 (Oras ng opisina: Lunes-Linggo, 8 n.u.-5 n.h.).
Ipinapaalala rin ni Dr. Alip na, “Ang pinakamahalaga, bukod sa pagpapabakuna, ay ang maayos na lifestyle.” Ilan sa kaniyang mga nabanggit at iminumungkahi niyang paraan ay ang pagkakaroon ng balanseng nutrisyon; pagtulog nang walong (8) oras; pag-iwas sa alak, sigarilyo, at mga bawal na gamot; at pagbabawas ng stress upang mapalusog ang kaisipan.
Mayroon pa ring natatalang mga kaso ng bagong influenza-like illness sa kalakhan ng Pilipinas sa kasalukuyan. Ayon sa DOH, marahil ito ay bunsod ng maulang panahon. Kasalukuyang nag-iimbestiga ang departamento kung ito ba ay dulot ng bagong uri ng pathogen. Bagaman inaasahang bababa na ang bilang ng mga kaso sa mga susunod na linggo, ipinapaalala pa rin ng mga awtoridad ang karampatang pag-iingat na kailangang gawin ng bawat isa. Sapagkat holiday season na at inaasahan ang dagsa ng tao sa mga pampublikong lugar, mainam ang pag-alam ng mga health risk na maaaring makompromiso sa tuwing lalabas ng tahanan. Gayundin, kinakailangang sundin ang mga ilang mga hakbangin gaya ng pagsusuot ng face mask, pag-isolate ng may sakit, at pagpapabakuna upang makaiwas sa lumalaganap na sakit.
Ipinapaalala sa mga mag-aaral ng UPIS ang ibayong pagsunod sa mga health protocols at pakikiisa sa mga hakbang upang makaiwas sa mga nakahahawang sakit. // nina Sophia Dormiendo at Wynelle Llaguno
3 notes · View notes
ara-24 · 1 year
Text
sarap mo sanang i-baby no? cute mo talaga hay nako, hahahaha kaya lang mukhang sakit ka lang sa ulo e. parang mali talaga e kaya self, kaya mo yan hahahaha iwas sakit ulo na lang. 😆
2 notes · View notes
iamnotaxl · 2 years
Text
Umiiwas
I feel like I am always in a rush. Laging nagmamadali sa lahat. Yung nagmamadali na wala naman nangyayari. Kaya nagmamadali kasi gustong bumalik agad sa comfort. Which is hindi naman healthy.
Comfort zone ko maging mapag isa. Nag start ito after kong mag graduate ng high school. Well, kahit naman noong high school gusto ko na laging mag isa. Hindi lang halata kasi maingay ako nun. At bukod dun, napapalibutan ako ng circle of friends.
Totoo na ugali ko na talagang umiwas at tumakas. Hindi ako sociable na tao. Anxious ako pag nasa isang lugar ako na maraming tao. Gusto ko lang nagkukulong sa kwarto. Nagsusulat. Nanunuod. Nagbabasa.
Kaya siguro parang ilang ako pag may kasama akong tao. Ewan ko ba bakit hindi ko ma overcome itong ponyetang anxiety na ito?
Gusto ko laging umiwas. Gusto kong mapansin pero madalas pag mag isa na lang ako, pag iwas pa rin sa mga kung anu-ano ang gusto kong gawin.
Again hindi siya healthy dahil sabi nga nila mas sociable ang tao mas hindi tinatamaan ng depression.
Kaya nga I am always trying to create an outlet wherein being alone and feeling lonely will make me feel good. Kahit takot ang nananaig madalas.
Supress ako ng childhood fears ko. Hanggang ngayon. Kaya siguro ang sensitive ko.
The reason why I avoid things is because ayaw kong masaktan. Ayaw kong masugatan. Ayaw kong makaranas ng sakit. Physically kasi ang hina ng tolerance ko. Pati na rin emotionally. Buti na lang talaga nagagamot ko siya through writing. Ewan ko huh? Effective ba talaga sa akin ang writing?
Maybe yes. Kasi years ko na itong ginagawa. Hanggang ngayon dito pa rin bumabagsak ang nararamdaman ko.
Sentimental talaga akong tao. Sensitive. May nakakainis at nakakatawang sense of humor at awkward.
Kaya siguro sa tagal ng panahon, alam mo iyon konti lang iyong naging kaibigan ko. As in bilang sa daliri. At halos iisang tao lang talaga iyong napagsasabihan ko ng mga personal na bagay. Madalas pang busy.
Ayaw ko rin naman mag share sa iba...kasi ang hassle pag inisip ka pa ng ibang tao. It is your problem. Solve it your own.
Saka mahirap kasi akong ma attach. Dahil sobrang possessive ko. Lalo na sa kaibigan. Toxic traits ko na iyon eh. I was trying to change it but I guess, things are better to accept than change. Well opinion ko lang naman ito huh.
Yun nga sa dami ng iniwasan ko, hindi nangyari sa akin iyong mga pangarap ko sa buhay. Hindi ko nagawang maging masaya. Lagi kong malungkot at nasasaktan.
Ang arte pero yun ang totoo.
Hanggang dito na lang muna. Matutulog na ako.
#writing
#umiiwas
5 notes · View notes
emeraldg6789 · 16 days
Text
Kamusta? ako okay lang. Nasasanay nakong hindi sya nkakasuap o nakaka chat. Mahirap pro okay na iwas sakit. Ayokong maging option lang lagi eh. Stress ako sa trabaho sobra. Gusto kona mag give up. Wala nakong nasasabihan ng rants ko hays. Ang bigat sa dibdib.
0 notes
lottie-blr · 25 days
Text
okay. nabawasan nanaman kami ng family member. iniwan na kami ng pinsan ko ☹️ meron siyang cervical cancer.
tbh. natatakot ako sa ganito dahil kinda genetic na sa amin ang cancer or yun lang talaga ang terminal ng mga sakit-sakit?
sobrang inaayos ko din talaga iyong lifestyle ko lalo na hindi na ako na bata. hangga’t kaya ko umiwas sa stress, g lang. kasi ito ang nagiging root cause ng lahat. also yung healthy sa pagkain.
tapos yung lola ko may CKD alam mo yung grabe na rin ako uminom ng tubig at hindi na ako masyado sa maalat. if makakain man ako ng maaalat ex. fast food sasabayan ko ng maraming tubig.
ang problem ko lang naman sa health ko is mag pcos ako saka anemic ako. recently nagiging mahihiluin ako as in. kapag mainit yung paligid at walang nag cicirculate na hangin, nahihilo ako kahit naman busog ako.
yes, need ko na mag pa general check-up saka iwas sa social media. hahahaha shuta isa ang social media ang nag papa-stress sakin bhie. hay
0 notes
lyrajinezra · 3 months
Text
Sorry na tumblr. Ang sakit sakit parin kasi ng pakiramdam ko. Hindi na siya nabago simula nung araw na yun. Dun ko na feel na wala talaga akong halaga at madali lang itapon lahat kahit anong pang iwas mong saktan at pasayahin yung tao. Pwede ka talaga nilang iwan basta basta, ni walang sabe sabe pero dedepensahan ko rin to, dahil naiintindihan ko yun. Grabe nakakabaliw tong ganto. Tapos wala kang mapagsabihan. Sabihin mo man sa kanya, magaaway lang kayo. Di tulad noon, inaayos niyo yung mga problema. Sarilinin mo nalang. Sanay ka naman bata ka palang. So hindi na bago sayo pero mas masakit lang talaga yung ngayon. Sobrang sakit.
0 notes
eyewearcatherine · 4 months
Text
🛩️🐣Tamang pag-unawa sa pseudomyopia, napapanahong pag-iwas at paggamot ay ang susi!
Maaari bang mabuo ang pseudomyopia sa tunay na myopia
Ang pseudomyopia ay sanhi ng patuloy na pag urong at spasm ng ciliary muscle, ang kapal ng lens ay tumataas, at ang paningin ay pansamantalang malabo. Ang paningin ay maaaring maibalik sa pamamagitan ng pagpapahinga ng mata, mga punto ng acupuncture ng TCM, mga gamot, o pagsasanay. Kung pseudomyopia ay bumuo sa tunay na myopia ay depende higit sa lahat sa refractive estado ng sariling eyeball ng bata. Ang mga bata na may normal na pag unlad ng visual ay karaniwang mababa ang degree na hyperopia, na may isang tiyak na reserba ng farsightedness, at kung ang antas ng hyperopia ay normal o ang reserba ng farsightedness ay sapat, ang tunay na myopia ay karaniwang hindi magaganap sa malapit na hinaharap. Kung ang reserbang hyperopia ay hindi sapat o ang bata ay walang reserbang hyperopia, ang panganib ng pagkakaroon ng tunay na myopia ay mataas kung ang pseudomyopia ay nananatili at hindi agad ginagamot.
Kung ang paningin ng isang bata ay bumababa, hindi sapat na pumunta nang direkta sa optical store upang makakuha ng isang pares ng baso, ngunit upang pumunta sa isang regular na ospital para sa isang detalyadong pagsusuri ng mga mata, dahil maraming mga dahilan para sa pagkawala ng paningin, hindi lamang myopia, tulad ng amblyopia, congenital cataracts, atbp, na hahantong sa pagkawala ng paningin. Gayunpaman, ang mga sakit na ito ay hindi maaaring gamutin sa pamamagitan lamang ng salamin, at kung hindi ka magkaroon ng isang pagsusuri sa mata bago makakuha ng salamin, maaari mong makaligtaan ang pinakamahusay na oras upang gamutin ang mga sakit na ito at maging sanhi ng pinsala sa mata.👇👇
🏜️🎠Kids Silicon & Polarized sunglasses cartoon funny design in stock
💸 💵 Wholesale only
MOQ : 20pcs/per color( 41 models )
wa.me/8613858844563
#​Stock_sunglasses_for_kids T593559
#Mga_bata_salaming_pang_araw_pakyawan_sa_buong_mundo
#Mga_bata_salaming_pang_araw_factory_pekas_pakyawan
#Mga_salaming_pang_araw_ng_mga_bata_bagong_2025
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
0 notes
ohhellolaurel · 8 months
Text
Tumblr media
₊˚⊹♡🌷⊹˚. ⊹♡🌷⊹˚.♡Grow₊˚ ♡₊˚⊹♡🌷⊹˚. ♡
Filipino----------------------------------------------------------------------
Ang paglipat sa aking paboritong kanta sa gitna ng bawat iba pang kanta sa serye, Grow. Sa tingin ko ang pinakamadaling paraan upang maipakita ang kahulugan ng kantang ito ay sa pamamagitan ng pagbabasa ng mga linyang ito lamang.
Tumblr media
Marami na akong nabasang interpretasyon ng kantang ito mula sa ibang mga tao, ngunit ang isa na higit na nakakatuwang sa akin, ay ang kantang ito ay tungkol sa pag-iwas sa nakaraang trauma at pagpayag sa iyong sarili na gumaling. Dito, para kang isang tahanan na may mga bitak sa dingding mula sa lahat ng pinsalang pinagdaanan nito sa paglipas ng panahon.
Tumblr media
Ang ilang bahagi mo ay nahuhulog, at alam mo iyon. Gayunpaman, ang mensahe dito ay para sa iyo na hayaan itong mahulog, at panoorin habang ang lahat ng sakit na iyong tiniis ay nauwi sa isang magandang bagay. Siyempre, hindi mo magagawa iyon sa pamamagitan ng pagpapanggap na hindi ito umiiral, walang trauma na hindi gumagana nang ganoon. Sa halip ay kinikilala mo ito, tanggapin ang presensya nito, at ipagmalaki ang iyong sarili habang pinapanood mo balang araw na ito ay mga bulaklak sa iyong lupain, palaging sa iyo ngunit hindi ikaw lamang.
Tumblr media
Ilan sa mga paborito kong lyrics ng kanta ay ang "it was always holy line" as seen above and the lines below, kasi para sa akin it means that you are worth being cared for. Ikaw ay palaging mahalaga. Kailangan mo lang hayaan ang iyong sarili na makita ito.
Tumblr media
English----------------------------------------------------------------------
Moving on to my favorite song amongst every other song in the series, Grow. I think the easiest way to represent the meaning of this song is through reading these lines alone.
Tumblr media
I've read many an interpretation of this song from other people, but the one that resonates with me the most, is that this song is about growing out of past trauma and allowing yourself to heal. In here, you're like a home with cracks on its wall from all the damage it went through over time.
Tumblr media
Some parts of you are falling, and you know that. Yet, the message here is for you to let it fall, and watch as all the pain you've endured turn into something beautiful. Of course, you can't do that by pretending it never existed, no trauma doesn't work like that. Instead you acknowledge it, accept it's presence, and beam at yourself with pride as you one day watch it be flowers in your land, always yours but never just you.
Tumblr media
Some of my favorite lyrics from the song is the "it was always holy line" as seen above and the lines below, because to me it means that you are worth being cared for. You were always precious. You just had to let yourself see it.
Tumblr media
0 notes
ttshncl · 1 year
Text
09.21
Hindi ko naiintindihan bakit ka nagkakaganyan. Sinabi ko yung where i did go wrong, i told you na I'm kinda hurt or i felt less nung sinabi mo yung "gumagawa ka lang naman ng mga bagay bagay without knowing the science behind it" I was kinda hurt by ur words kaya naging defensive ako, i was upset (naupset ako kasi sakit naman) but satingin ko for you pov, u jan want to give me some tip but since I'm sensitive to things, naging defensive mode ako. I was wrong to take ur words seriously, im apologizing for it, it doesn't mean hindi ako nahurt. The way you approach things, it's kinda hard and sometimes i can't take it, for you okay lang yon, sakin minsan nahuhurt pa ako. Hindi mo pwede sakin sabihin na "dahil lang sa ganon, nahurt ka" or "bakit mo nafeel yan eh I'm just giving you a tip" the tip were okay, thanks but hindi sya dahil don kundi dahil sya sa sinabi mong im just doing things without knowledge. I was hurt by ur words, tao lang. Kaya rin ako nagsososrry coz tinake ko sya seriously or na misinterpret ko yung gusto mo mangyare.
U said you're not upset nor mad, idk bakit lumaki sya ng ganto? Umabot ka sa point na u were just ignoring me, idk whats the problem, u were ignoring me for almost a day without regarding the problem. Called u so many times to asked what seems to be the problem and ikaw pala is nag iisip ng itigil ang mga bagay bagay. Idk ano pa kailangan kong gawin? Kasi sinabi ko naman na lahat, and parang ayaw mo na ideal lahat ng bagay bagay sa mundo. Idk ano ang nangyare sayo kasi mas parang mahirap ka intindihin ngayon. Parang nakasara ang lahat ng bagay sayo and wala kang naririnig. If hindi ka okay, u can tell me "I'm not okay sa ngyare kagabi, can i hv some time to process things" okay na yon maiintindihan ko na yon. Or hindi kaya ask mo sakij na "I'm not okaay with your actions, may i know bakit ka naging defensive coz im just merely giving u some tip" and ayon pwede ko ieexplain na iwas defensive coz ganto ganyan magkakaintindihan na tayo non. Kasi minsan Namimisinterpret natin mga bagay bagay ket hindi naman pala dapat ganon, edi mareregaed ko na bakit, and malalamab mo na kung bakit. Edi if ganon ngyare, im gonna tske accountability w my actions and u, ur gonna make a better approach nextime. Ganon lang. Hindi yung wala akong naririnig from you and makukulitan ka sakin and maiistress tayong dalawa,
lets be better shall we? Kasi mahirap yung ganyang actions mo, ginagawa moko manghuhula. Kasi Ik na ayaw mo ginaganyan ka so sana i workout mo rin yan, kasi hindi ko deserve yung ganyang treatment.
Nung tuesday, i thought kaya mo makipagusap sakin coz off ka ng wed, i didn't know kaya kinukulit kita, i didn't know na nag aaaway kayo ng mom mo. Nung oag uwi ko doon ko nalaman na u said "im sorry i can't talk now" and i asked u y? and sabi mo na nag away kayo ganto ganyan and tumawag dad mo. I understood things easy as that hindi ko na ipipilit yon kasi ik na things are hard na rin sayo. Easy as that jacob, jf ayaw mo makipag usap just tell. If ayaw mo makipag engaged w me, just tell. If you're not okay with things or to my actions, just tell.
I can be ur someone to lean on kapag mabigat na yung mga bagay bagay. Lets improve shall we? let's meet half way sa rel natin. Kasi if hindi, we'll end up sa break up.
1 note · View note
titans-blog · 1 year
Text
Check-up ulit.
Ma, medyo dumadami na yung check ups ko, sanay na ko magpa check up ng walang kasama. Pero sana ma, kahit madami akong maging check ups, sana di ako magkaroon ng seryosong sakit. Ma, ayoko makaabala sa kahit na kanino, kahit sa mga kapatid ko. Ma, ang hirap magka sakit ng wala ka. Ma, every year nag papa flu vaccine ako para iwas sakit, nagpa HPV vaccine na din ako ma, meron pang 2nd dose and 3rd dose next month at sa February. Medyo mahal pero okay lang basta makasiguro lang na healthy at di magkasakit. Ma, kausapin mo naman si Lord, pasabi Ma na ilayo ako sa kahit na anong sakit at panatilihin akong malakas. Miss na kita Ma.
0 notes
yahjustplainboring · 1 year
Text
#60
mahigit dalawang taon na ang lumipas
masayang alaala at magandang samahan ay tila isa na lang bakas
dati-rati ika’y palaging andyan upang sa lungkot ako’y iligtas
kasa-kasama sa saya at sa pag lutas ng mga problemang para bang walang wakas
puso ko ay pangalan mo ang paulit-ulit binibigkas
ang dating ikaw at ako, tayo…ngayon ay mag-isa na lang madalas
sama ng loob at hinanakit ay hirap na hirap ilabas
hinaharap ang hamon mag-isa at sa’yo ay iwas na iwas
tayo ba’y malapit na sa wakas?
kung oo, sakit na nadarama sana’y lumipas
1 note · View note
kulayorange · 2 years
Text
Di ko kayang malayo sayo (3)
2/21/2023 (2:56AM)
Dear J,
Pumasok ako sa work ngayon, kasi kailangan. Alam mo yung ginagawa ko nalang kasi kailangan? Kasi bawat araw wala akong gana. Kumain, magtrabaho, gawin mga gagawin ko, kahit matulog wala akong gana kasi ang hirap matulog ng ganito araw araw yung nararamdaman ko. Kahit ano gawin ko, kahit nasaan ako, nandun ka eh. Kahit anong pagtataboy o iwas ko nandun at nandun ka. Tapos iiyak ng iiyak ng iiyak ng iiyak. Sobrang hirap sobrang sakit. Yung gusto kita makusap, malaman mga nangyayari sa araw mo, ano yung mga stress mo ngayong araw. Pero wala na akong karapatan para alamin lahat. Tyaka yun yung gusto ko sana pero alam ko naman na hindi mo na gusto yun. Iba na yung pinagbabalingan mo ng stress mo, iba na yung pinagsasabihan mo. Alam ko hindi kana komportable na mag open up pa sakin. 2/19/2023 Sunday nung nagkita tayo at inabot ko sayo yung starbucks mo, ang sabi mo balak mo magkita tayo ng tuesday. 2/21/2023 ngayon yun. 2/20/2023 ng gabi, hindi alam anong oras ka nagtext kasi lobat phone ko at pag charge ko nakita ko yung text mo at kinamusta mo ako. Sa totoo lang kinakabahan nanaman ako, kasi alam ko na to. Sinabi mo narin sakin na dapat magkikita tayo ng 2/14/2023 pero nung bandang malapit na out mo bigla mong sinabi na wag nalang. Ngayon 2/21/2023 nararamdaman ko ganun ulit mangyayari, na hindi mo nanaman tutuparin yung sinabi mo na magkikita tayo. Sabagay tama ka naman. Para saan pa diba? Eh sasayangin mo lang din naman oras mo sakin. Wala naman na tayo paguusapan, hindi ka naman na nagoopen sakin ng lahat lahat gaya ng dati at ako naman ano naman sasabihin ko sayo? Mga pagiyak ko, mga pag hindi ko pagkain ng tama, mga gabi na hirap na hirap akong matulog? Kasi sa ngayon puro ganun talaga eh pasensya kana. Kaya naghahanda na ko kung saan ko ulit ibabaling yung sakit na hindi nanaman pala kita makikita. Sobra kong sinusubukan lahat para hindi ko isipin na dapat tumigil na ko pero wala akong magawa kasi kahit anong gawin at kahit saan ako pumunta nandun ka. Lalo mga relapses sobrang lala, palagi akong nagbebreakdown. Ano kaya ibig sabihin ng lahat ng to no? Mga panahon na nasa iisang lugar tayo, nararamdaman kaya natin na nandun tayo? Ganun ba yung pagmamahal natin? Nung nasa MOA, bigla mo akong tinext nasa MOA ka hindi kana makauwi at ako nasa IKEA. Anong rason? Nung sabi mo nasa bocaue ka rin nung kasama ko pamilya mo, at ikaw naman kasama mo yung mga kasama mo. Nung nasa mcdo morayta ako, na habang tinitingnan ko yung pwesto natin nung nandun tayo bigla mo akong tinext na sabay na tayo umuwing bulacan. Nung kumain akong mcdo sta clara at pagalis ko habang naglalakad nakita kita sa pagtawid sa samgyupsalamat. Ano kaya ibig sabihin ng lahat? O dapat tumigil na ako sa mga pagtatanong ko kasi wala naman talaga ibig sabihin ang lahat. Iniisip ko lang na may ibig sabihin kasi may bumubulong sakin na mahal ko talaga tong taong to. Alam ko may koneksyon kami sa isa’t isa malayo man o malapit. O siguro sobrang miss lang kita na sa tipong may makita akong babae na maikli buhok at ganyan ang postura naiimagine ko na ikaw agad yun. Grabe iba na yung mga naiisip ko. Di na normal mga iniisip ko at ginagawa ko kaya pasensya na. Kasi grabe kabisado ko na lahat tungkol sayo, kahit utot mo alam at kilala ko. Tapos eto wala na. Hindi talaga kita masisisi na hindi kana tumuloy lumaban para satin. Wag ka magalala balang araw maiiintindihin ko rin at mapapalaya ko rin ang sarili ko. Hindi palang sa ngayon kasi nandito parin ako nakakapit sa mga pangako’t mga alaala natin. Kaya pasensya na ulit. Pero syempre hindi ko naman ipagkakait sayo yung pinili mong buhay ngayon. Kita ko naman mas masaya ka ngayon na wala ako sa buhay mo. Sino ba naman ako diba? Hindi mo na ako gusto maging parte ng magandang buhay mo ngayon. Kita ko mas nahahanap mo yung sarili mo, mas masaya ka ng wala ako. Masakit pero wala na akong magagawa pa kung hindi na ako eh, hindi na ako. At eto parin ako. Pakiramdam na namamatay araw araw at nangungulila sa mga ngiti, tawa, yakap, hawak, halik, at pagmamahal mo sakin. Medyo matatagalan pa ko dito. Salamat pinagdadasal mo ako, kasi minsan hindi ko na alam gagawin ko para maalis yung sakit. Sinasaktan ko narin yung sarili ko para maibaling sa iba yung sakit na nararamdaman ko. Mahal na mahal kita. Maghihintay ako pero hindi na ko aasa. 
0 notes
maki-uzu-haru · 2 years
Text
"Nagmahal ako ng mambabasa"
Paunang salita.
Babala, huwag magmamahal ng mambabasa sapagkat ang tanging iniibig lang nila ay ang akda at hindi ang makata.
Marahang buklatin ang nilalaman upang mabatid ang mga pinaghalong emosyong naipinta ng plumaheng may dagta.
Ngunit mag-ingat, sapagkat ang mga paksang maaari mong mabasa ay nagbabanta.
Nais mo pa rin bang magpatuloy?
Ou, ikaw nga ang aking tinutukoy.
Ngayon palang sinasabi ko sa'yong mabibitag lamang ako ng ngiti at paghanga mong animo'y harayang kumunoy.
Ayaw kong tuluyang mahulog sa'yo kung kaya't ikaw ay aking itinataboy.
Humakbang ka na pabalik.
Huwag mo ng subukang tapusin hanggang sa pinakahuling titik.
Sa mga susunod na kataga ay huwag ka ng masabik.
Umatras ka na hangga't hindi mo pa nababasa ang mga nakasusugat na tinik.
Ngunit dahil hindi mo sinunod ang aking abiso,
At mas pinili mong sundin ang katigasan ng iyong ulo, bigyan mo rin sana ako ng permiso.
Hindi ito pang-aabuso.
Nais ko lang din sundin ang sigaw ng aking puso.
Maaari rin ba kitang saktan?
Hindi kita pinilit na basahin ito hanggang katapusan.
Ikaw ang kusang nagdala rito sa sarili mong kagustuhan.
Maaari rin ba kitang saktan sa kung paanong ang mga libro ay iyong naluhaan?
Wala akong ideya sa mga obrang nabasa mo sa mga panahon ng iyong pag-iisa.
Baka sa mga oras na iyon ay pawang akda ng luha at pagluluksa ang iyong binabasa.
Hindi ko alam kung ano ang nakagisnan mong dyanra at paborito mong piyesa.
Ang alam ko lang ikaw ang paborito kong prosa.
Kung tatanungin mo kung paano ito nagsimula,
Sasabihin ko sa'yong, noong nahalina ka sa aking mga tula,
At hindi ko iyon ipagkakaila.
Pakiwari ko bang ako ang pinakamaganda mong binasa at iyon ang aking akala.
Hinabi ko ang mga parirala upang sa'yo ay itugma.
Inalay ko ang mga salita hindi upang manggayuma, marahil ito ang nakasanayan kong sistema,
Upang makita mong nakita ko ang halaga mo at iyon ang nais kong ipadama.
Nakita ko ang sarili ko sa'yo, kahit alam kong sa tingin mong hindi tayo akma.
Palagay mo pinagtapo lamang tayo ng literatura nang walang dahilan,
Na mabubura din itong mga tula at lilipas rin ang nararamdaman.
Sapagkat sabi mo, ang pagsugal sa laban ng pag-ibig ay walang katiyakan.
Marahil ganito ka rin tinuruan ng iyong nakaraan, na ang mga dumating ay aalis at hindi lahat ay puwedeng pagkatiwalaan.
Nakalimutan mong pareho lamang tayong biktima ng mga tauhang hindi para sa atin,
Na katulad mo hangad ko rin ang taong para sa akin.
Masyado tayong binulag ng paniniwalang ang pag-iisa ay mabuting lunas sa pag-iwas sa sakit ng damdamin.
Ngunit, aminin mong minsan sa iyong pag-iisa ay hinangad mo rin ang isang taong araw-araw kang pipiliin.
At mula doon natagpuan kita.
Natagpuan kita sa pagitan ng lungkot at saya.
Natagpuan kita sa pagitan ng katotohanan at mitolohiya.
Natagpuan kita sa pagitan ng sigurado at komplikadong pagpapasya.
Natagpuan kita ngunit nariyan pa siya.
Nagmahal ako ng matang sabik lamang sa mga letra.
Nag-alay ako ng rosas sa taong may hardin na.
Binigay ko ang mga tala sa taong pag-aari na ng buwan.
Nagmahal ako ng mambabasang ang akda lamang ang tanging nagustuhan.
Huling salita,
Babala, huwag magmamahal ng mambabasa sapagkat ang tanging iniibig lang nila ay ang akda at hindi ang makata.
Nagmahal ako ng mambabasa.
1 note · View note