Tumgik
#hindi ko alam kung bakit ko 'to naisip
dmedrrt · 4 months
Text
Stop Self Sabotaging
Hey! Feel mo na left behind kana sa pagiging adult? Sa life? Why? Porket sila kumikita na ng maayos and then ikaw puro pa din simula?
Iniisip ko din kung bakit hindi ko iniisip na ma self sabotage yung sarili ko haha! Joke! I also feel my down moments. When I entered my life as a working girl I am very excited of course. It took me a months before I finally woke up na naisip ko na parang may mali ee. Kasi parang hindi ako nag grow? It is a very long story but hindi ko afford ma self sabotage yung sarili ko.
You do not have the reason or excuse to curse your life or say something bad about you. Lagi ko iniisip na I'll get there and I am in the process of being there.
Journey is non linear, I believe if hindi ka lang sana nag doubt sa sarili mo baka nakaka usad kana ngayon. Take a risk sa mga ways na alam mo na mag gro-grow ka.
I don't compete, I always use it to motivate my self. Focus on your self esteem, shift your beliefs. Stop competing to anyone, you might get stumble or ma hang kasi lagi mo iniisip yung mga bagay na negative.
Know your craft anyways.
9 notes · View notes
artemicia · 2 months
Text
Nitong nakakaluwag-luwag na ako, gustong-gusto ko talaga yung nagpapadala ng pagkain sa mga kaibigan at kakilala ko.
Hindi ko rin talaga alam kung bakit, hindi rin naman ako naghihintay ng kapalit, sadyang nararamdaman ko lang talaga na masaya yung puso ko kapag ginagawa ko yon.
Pumasok kasi bigla sa isip ko yung isang Tumblr friend ko noon pa man pero hindi na kami masyadong nakakapagusap ngayon kasi busy na saka iba na rin takbo ng mga buhay namin. Batian na lang minsan kapag New Year o birthday.
Naisip ko siya padalhan ng pagkain sana kasi siya lang nakikinig sa mga hinaing ko noon kahit alam ko namang pagod na pagod na siya kasi one time nasabihan na niya ko ng “Friend, try mo lagpasan yan. Move on ka na.” Wahaha!
Bilang lang din naman sa isang kamay yung semi-regular kong napapadalhan kasi hindi naman malaki circle of friends ko. Dito sa Tumblr si Faye na lang yata ang madalas kong nakakausap.
Minsan gusto ko rin kumilala pa ng iba o ng mga bagong tao dito kaso natatakot ako na baka hindi nila ko magustuhan o kaya sadyang hindi nila ko trip as a person kasi taong bahay lang ako noon pa man, lalo na ngayon na may asawa’t anak na ko.
May kaibigan ako na parang kabute na lang na lulubog-lilitaw sa friendship namin kasi naghahanap siya ng mga makakasabay sa adventures niya. Tanggap ko na hindi ako yon kaya okay lang sakin na may iba siyang circle of friends.
Yung ibang naging kaibigan ko naman na nanay na rin, nakakagulat pero parang hindi na nawala yung pagiging high school bully nila saka grabe rin kung minsan talaga yung tsismis. Ayoko naman ng ganon.
Gusto ko lang ng kaibigan din na mahihingahan saka makikinig pero hindi yung gatungan saka kapag hindi ka agree sa kanila, iba na tingin sayo.
Basta ayun. Chill lang ako maging friend, namimigay ng pagkain kung minsan. PM niyo lang ako. Wahaha!
4 notes · View notes
Text
mahilig ako manood ng movies/series, at ako yung tipo ng tao na pag nasimulan ko, maganda o hindi ko trip tinatapos ko pa din. alam kong waste of time pero ayoko lang kasi sukuan. na baka sa bandang gitna maganda naman, baka may plot twist. kaso yung iba talaga wala. yes mahilig ako magbigay ng chance.
naisip ko lang na yung ganong katangian ko hindi lang sa movie ko naiaapply pati na din sa relationships. sa mga nakarelasyon ko, lahat sila ako yung iniwan, inayawan, pinagsawaan, yung iba nanloko pa nga. bakit? kasi ayoko makasakit. minsan kapag nakakaramdam ako ng pagkasawa o parang nakukwestyon ko na yung nararamdaman ko kung gusto ko pa ba, ang ginagawa ko inaalala ko yung mga memories namin na masaya o kaya naman inaaalala ko yung mga nagawa nyang mabuti sakin. ayoko kasing umayaw kasi baka pwede pa. baka may mas isasaya pa. kaya kahit ako yung nakakaramdam ng pagkasawa, ako pa din yung gumagawa ng way para hindi magsawa lalo at hindi ko maiparamdam yun sa partner ko.
hanggang sila na yung magsasawa at aayaw tapos iiwan ako. napapaisip nga ako minsan, nung time ba na nakaramdam sila ng pagkasawa sakin, umalis sila agad o ginawan din muna nila ng paraan? pero ako, wala naman ako pinagsisihan sa mga ginawa ko. okay na ako na ako yung iniwan. ayoko din kasi talagang makasakit. hindi naman ako mabait, siguro alam ko kasi yung pakiramdam kaya ayaw kong iparamdam yun sa iba.
pero narealize ko na its okay na umayaw at wag na tapusin, baka kasi hindi naman maganda yung ending =)
4 notes · View notes
kimhortons · 6 months
Text
work talk naman tayo. medyo critical yung account namin ngayon dahil sa issues ng kabilang department. kaya stress na stress si zha kanina, uwian nalang pati, mineeting pa siya ng client.
napagtanto ko tuloy, ako sana yung stress ngayon kung ako yung naging tl, but at the back of my mind "buti nalang" haha. pero nakita ko yung shared post ni faye sa fb, yung may line na "do hard things, the ones that would frustrate you" naisip ko tuloy, baka naman ako rin mismo pala yung humaharang ng growth ko kasi ang hilig kong umiwas sa mga ganitong klase ng hirap. haha.
alam ko naman sa sarili kong kaya ko naman, pero siguro nga tama lang din yung dahilan ng boss ko kung bakit hindi ako yung nirecommend niya, kesyo emotional daw ako. konting sermon kasi minsan naluluha talaga ako, kahit nga inis lang e haha. siguro ito pa yung isa sa mga kailangan ko parin iwork on sa sarili ko, i know i can do better.
medyo napupunta na naman ako sa comfort zone ko dahil nakapag adjust na ko, pero medyo nawawalan narin ako ng gana na bare minimum nalang talaga yung binibigay ko, kasi wala na ako sa kumpetesyon—ganun kasi nafeel ko kay zha nung wala pang tl samin, minsan kumpitensya ang tingin ko sakanya. though hindi naman talaga ako nag expect na mapromote, dahil ayaw ko nga ng mas malaking responsibilidad. haha.
pero parang may bago akong kakumpetensya sa department ko, kasi yung teammate na nalipat samin, ginagalingan masyado haha. samin noon ni zha ako yung mas gamay ang gsheet at excel, ngayon may tumatalbog na saken haha. gumagawa kasi kami ng manual na data tracker ng mga naproprocess namin kada araw, may alam siyang ibang mas madaling paraan para matrack yung bilang kesa saken na basic lang ang alam haha. pero okay lang naman, nakakatuwa kasi may natutunan ako sa tulong naman niya. hehe.
10 notes · View notes
sunb0rn · 7 months
Text
gagii?? bigla akong hindi mapakali (not that i can do something about it pa buuut). nakuha ko from grad school yung certificate of completed units ko.
gaaah. parang sobra sobra yung units sa expected ko?? di ko alam san galing mga yun until naisip ko na baka sumobra ako sa enrolled subjects 🫠 so inisa isa ko at parang sumobra nga ako ng core, pero kulang sa specialty?? shutaa?? parang gusto ko umiyak sa pag iisip ng nagastos ko pero kung nakakaluwag luwag lang ako sa buhay masaya ako thinking of the experience/s i gained from those.
pero di pa din tally ehh, 3 units lang sobra ko na core, kulang naman ng 3 sa specialty. ano yung 11 units na sobra??
idk what to feel, really.
well, nung una kong nakita yung units earned parang "shet! konting konti nalang pala (masaya/inspired) pero laking gastos nito kung babalikan ko (anxious, nanghihinayang/clueless)" and then this. HAHAHA.
dumadami na yung nsa listahan kung bakit fail talaga yung pinili ko ipush yung masters kahit na alam kong di ako ready mentally, emotionally, physically at financially just to appease the people around me and even myself, or so i thought. pero the irony pa din talaga that this time of life gave me life, in a way. ittry ko nalang siguro mag focus doon. ✨
11 notes · View notes
glenvidallon · 10 hours
Text
Oo nga pala, may mga pangarap pa ako.
Ngayon habang naghahawi ng kurtina, naisip ko— may pangarap pa pala ako. Marami pa akong pangarap.
Hindi naman sa nagkukumpara ng narating ng aking mga kakilala, pero kung anong ginagawa nila— pangarap ko rin iyon.
Pero bakit ako ay nanatiling narito at sila ay naroon?
Sumusubok din naman ako.
Hindi kaya sapat iyon?
O kasalanan ba na hinayaan kong mabalot ako ng dalim sa nakaraang mga buwan? 
Siguro hindi naman, dahil doon sa mga buwan na iyon doon ko nakilala ang sarili. Doon ko naipabas ang lahat ng dapat iiyak sa loob ng dalamput apat na taon.
Hindi naman siguro kasalanan na pagpahingahin ang sarili.
Bakit kaya parang lahat ng pagsusumikap ay parang walang resulta?
Ah baka wala akong backer? Biro lamang.
Baka hindi pa ito ang aking tadhana. Para hindi pa para sa akin ang mga bagay na pangarap ko rin. Baka sa susunod.
Marami pang taon ang meron sa akin (kung hindi ko iisiping magpaka*t*y ulit).
Sa loob ng ilang taon maraming pwedeng mangyari.
Sabi ko sa kakilala ko noong nakaraan, "may 100 days pa ako para mag tino".
Sabi niya "Nope, wala kang oras. Take your time. Dapat maramdaman mo ang lahat. 'Wag pilitin ang sarili".
Pakiramdam ko, ang ibang tao at sarili ko mismo ang naglalagay ng kalendaryo sa mga pangarap ko. Na pinapamukha sa akin na hindi hihinto ang mundo aa akin.
Tama nga naman.
Pero may mga tao rin na naniniwala na—pwede akong huminto muna kahit gumalaw ang mundo. Hindi naman treadmill ang mundo na kailangan ko ng patuloy sa pagtakbo para sumabay sa ikot nito.
Okay naman huminto.
Siguro mas sinisilip ko lang ang mga pangarap ng iba kaysa sa akin.
Pero ang totoo, natutupad ko naman ang ibang plano ko. Nakapasa nga ako sa isa kong exam para sa Plan C ko sa career. Malaki man ang pangitan sa Plan A at Plan B. Meron panga akong Plan D. Alam ko rin na ilan sa mga 'to ay hindi matutupad. Pero alam kong makakamit ko iyon. Konting subok at dasal lang ulit.
Alam kong paulit ulit ito. Pero alam niyo na ang kanta ng Bini na "Dahan dahan lang buhay ay hindi karera," oo nakakatakot dahil pakiramdam mo ay may hinahabol kang panahon para patunayan ang lahat.
Pero okay lang maglakad muna. 
Maglakad muna, hanggang sa susunod—may abilidad ka nang tumakbo.
Maglakad muna, pagmasdan ang mga dinadaanan. Dahil sa susunod na makikita mo ang mga 'yan, sigurado ako— natupad na ang mga pangarap.
2 notes · View notes
kwentoniblack · 7 days
Text
Sakal-Sarili
Dose-anyos ako nun nung una akong nakakita ng taong nagpatiwakal. Erpat siya nung kaibigan ko. Hindi ko nga lang matandaan ang eksaktong dahilan kung bakit. Pero pwede ko naman sana tanungin yung kaibigan ko kung bakit nagbigti yung Erpat niya. Kaso hindi na niya masasagot yun. Nabigti din kasi siya tulad ng Erpat niya. Dito ko lang yata magagamit ang mga salitang " Like Father, like Son " sa hindi magandang paraan. Kaya sa tuwing naiisip kong magpakamatay, kwento ng mag-erpat ang laging sumasagi sa isip ko.
Pero minsan mo din bang naisip na magpakamatay nalang? Pero bakit? Para makatakas? O nangawit lang ang pakiramdam sa bigat ng pasan?
Sobrang tinatamad na kaya ako. Parang nabubuhay nalang sa hindi ko alam kung bakit. Tinakwill ako ng pamilya ko dahil adik daw ako sa shabu. Pero hindi naman, pero aminado na isa yun sa libangan ko. Kung sinasabi ng ibang tao na ocassionally lang sila uminom ng alak, na parang makasalan ang mga lasinggero ay ganun din ako. Bato nga lang tinitira ko.
Ang hindi ko lang matanggap ay sa tuwing may mawawalang pera o gamit, ako agad ang suspek. Ewan ko ba. Mga barya nga na nakaalapag sa kung saan ang nadedekwat ko. Pero porket ba? Kahit kaya mga adik ay may emosyon din, kahit pa sabihing pusong bato sila. Magnakaainis kaya kung sila yung naiinis at masbakakagalit din kung sila ang galit. Mas nakakatawa naman kapag galing sa kanila yung patawa/joke. Mas nakakalungkot din kapag nagkwento sila ng mga pinagdaanan sa buhay nila, tipong dinaanan lang talaga. Mga paglalakbay nila sa madilim at masikip na eskenita.
Masingit ko lang. Bukod kasi sa mag-erpat na nasaksihan kong nagpatiwakal ay may mga kasunod pa na nakita kong nagbigti.
Ice ba yun
4 notes · View notes
elnotfound · 9 months
Text
Life update (year 2023)
Disyembre 7: (no longer believe in love)
Nawala yung taong pinakamahalaga sa akin, taong nand'yan palagi, taong I can rely on everything, taong kaya kong maging confident at comfortable kapag kasama ko, taong lagi akong sinasabihan na mahal niya ako, taong hindi ako kinakabahan sa tuwing kasama ko siya, taong mahal na mahal o minahal ko nang buo at tunay, taong nagpaniwala na totoo 'yong pag-ibig kailangan mo lang maniwala o magtiwala at higit sa lahat taong nagpaniwala rin na kahit mahal mo 'yong tao kailangan mo pa ring pakawalan dahil siguro iyon 'yong magandang desisyon para sa inyo. To tell you the truth, sa ngayon kaya ko na o nasasanay na akong wala ka, pero iba pa rin pakiramdam buhat noong naghiwalay tayo. Siguro hindi ko pa alam kung anong 'sense' bakit kita nakilala at kalauna'y naghiwalay rin, hindi ngayon pero sa hinaharap babalikan ko 'to at matutuklasan ko kung bakit. Sana, nasa maayos kang kalagayan, huwag ka nang ma-guilty. I'm no longer hoping for both of us. I'm okay at definitely makakabangon din sa dakok na ito! Thank you for leaving and setting me free. Malaman ko lang na masaya ka, masaya na rin ako! :)
Disyembre 17-21: Baguio (City of Pines)
Sa mga araw na 'yan nasa baguio ang ilang mga guro, sa totoo lang napakagandang manirahan sa baguio; malamig ang klima, mabilis kumilos ang lahat at higit sa lahat magaganda ang tanawin, nakaka-relax at nakakaengganyong mabuhay, sana lang talaga mayroon pa akong pagkakataon na bumisita muli roon na hindi na dahil sa trabaho. Nga pala, isa ako sa napiling 'writer' kuno para sa MATATAG CURRICULUM, gumawa at bumuo kami ng iba't ibang activities para sa anim (6) na booklets. Sa totoo lang? Hindi ko alam bakit ako isa sa mga napili kasi iniisip ko, bago lang ako at walang gaanong karanasan bilang isang manunulat at kung iisipin napakaseryoso ng trabaho na 'yon, pero naisip ko na lang kailangan kong gawin ang trabaho ko dahil binabayaran ako ng gobyerno at higit sa lahat para rin 'to sa mga bata, at aminin ko man sa hindi eh, pangarap ko rin talagang maging isang manunulat at malimbag ang pangalan kong nakaimprenta sa isang libro, siguro stepping stone na rin 'to no? Na tuparin pa ang iba ko pang pangarap sa buhay. Sa tulong ng Diyos, nairaos ko naman 'yong sa baguio, nagawa ko naman nang tama at maayos trabaho ko kaso nakaka-pressure lang din talaga kasi magagaling mga kasamahan kong guro, sana makatrabaho ko muli sila (Bb. Dar at Bb. Karen).
...So, sa apat (4) na araw na na namalagi kami sa baguio, nakatulong din siguro sa akin iyon na hindi ka muna maisip, naging abala rin kasi ako sa paggawa o pag-iisip ng iba't ibang estratehiya na epektibo at angkop na aktibidad para sa ikawalong baitang dahil ayokong mapag-iwanan, pabigat at maging caused of delay ng departamento namin, mabuti na lang talaga at naging productive ang paggawa ko sa baguio kahit pa napakahirap makasagap ng internet sa lugar na 'yon, na-challenge kami bagamat minadali eh maganda pa rin naman ang kinalabasan, magiging mapagpasalamat ka na lang talaga eh dahil umayon pa rin sa amin ang oras at panahon. Ngunit, pag-uwi ko sa bangkal, kumaripas na naman ang mga luha ko sa pisngi, 'yong lungkot na kinimkim ko sa loob-loob ko buhat ng apat na araw na nasa ibang lugar ako. Tahimik na hikbing pagluha dahil may kasama akong ibang naninirahan sa inuupahan ko ngayon, ito 'yong iyak na buhat nang kalungkutan at pighati dahil siguro miss na miss na kitang kwentuhan sa mga nagdaang pangyayari sa buhay ko, dahil ikaw lang naman 'yong taong lubos akong kilala, masaya man o malungkot ako. Mariin kong pinunasan 'yong mga luhang ayaw magpaawat sa pagbagsak, naisip ko nga na baka ako na lang iyong nakakaramdam ng sakit na ito na baka nga siguro okay ka na samantalang ako ay nagmumukhang tangang nagluluksa sa pagkawala mo. Hayaan mo, darating ang panahon na makalilimot at maghihilom din ako sa sakit na naranasanan ko buhat nang matamis at mapait na pagmamahal mo. Nais kong dumaan sa tamang proseso nang paghilom, tipong salat, latak at ubos na itong nararamdaman ko sa iyo hanggang sa mamanhid at hindi ko na naiisip ang pangalan mo, araw ng kapanganakan mo, paborito mong kulay o ulam, paraan mo ng pag-iyak, pagtawa o pagngiti o mismong pagkatao mo. Pero, hindi na para bumalik sa iyo upang masaktan muli, hinahangad ko pa rin ang tunay mong kaligayahan at tagumpay mo sa buhay :))
Disyembre 21-22:
Kahapon umuwi ako ng taytay kasi baka masiraan lang ako nang bait kapag nagpatuloy pa rin akong mag-stay sa bangkal, baka hindi ko kayanin at umiyak lang ako maghapon. Mas maigi na rin na nandirito ako para kasama ko ang pamilya ko hanggang magbagong taon. Ano bang mga ginawa ko? Lately, madalas na akong manood ng movies/series. Hmmm, natapos ko 'yong 'Don't Buy the Seller, Elemental' at sa ngayon pinapanood ko 'yong 'You' na pinagbibidahan ni Penn Badgley, grabe sobrang must watch ito, sobra akong hooked, invested at interested sa storyline ng series na ito, sana nga lang matapos ko hanggang Season 4 dahil gusto ko 'yong mga ganitong klase ng palabas.
7:02PM
Nalalapit na ang pasko, kaya ko siguro rin nasabi dahil tatlong araw na lang pasko na, malamig ang simoy ng hangin, marami nang nagtitinda ng prutas, laruan o mga panregalo sa talipapa, may mga palamuti ng nakasabit ang bawat bahay rito at higit sa lahat ito na ang panahon na makikita't maririnig mong nagsisipag-awitan o nangangaroling ang mga bawat bata sa bahay-bahay, ika nga nila namamasko sila at nais makatanggap ng aginaldo dahil nagbibigay nang ngiti at kasiyahan sa kanila, sana nga no? Madama ko rin 'yong sayang totoo at hindi lang hanggang umpisa, iyong hindi lang seasonal at pansamantala, 'yong ligayang panghabambuhay, hindi man lagi pero alam kong mananatili. :))
Patiently claiming and manifesting..
AKO naman at KAMI naman sa 2024!
Maligayang pasko pa rin para sa lahat!
8 notes · View notes
Text
Magkatabi Ngunit Hindi Itinadhana
Ang taray tingnan ng babaeng ito.
Akala ko ako lang ang nakatingin. Hindi pala. Meron pa. Isa. Ngunit hindi niya alam kung bakit ang mga mata niya'y dumadako sa iyo pero kahit ganoon hindi ko lang napigilan ang sarili kong magkagusto sa isang babaeng mahilig sa libro, tahimik, masyadong malihim at mataray ang mukha. Nahihiwagaan ako kagaya ng kaibigan ko at pareho ngang nagagandahan. Kahit pa sabihing maraming magaganda sa mga mata ko. Bukod-tangi ang ganda mong natural at hindi pilit at noong nakita ko mga ngiti mo kasama ang babaeng gusto rin ng isa ko pang kaibigan, alam mo ba kung ano ang naisip ko? Kung puwede lang.
Sinuwerte yata ako sa sumunod na taon dahil magkatabi tayo. Nasisilayan ko mukha mo sa malapitan kahit sa isang subject lamang at lagi ka pang nagtataray. Puro ako kalokohan, oo at hindi yata nakakahinga nang matiwasay kapag wala akong tsismis na nasagap. Mukha man akong gago, madaldal at makulit ang lahi sa iba, inoobserba ko ang paligid ko. At masyado akong pakialamero. Kaya noong nabasa ko ang mga liham mo para sa kaibigan ko. Ngumingiti lang ako pero unti-unti na naglaho iyong kapiranggot sana na pag-asa.
Bakit hindi ko sinubukan? Bakit natatakot akong tawirin ang pagkakaibigang inialay mo nang hindi mo namamalayan? Dyahe, naunahan mo ako at hanggang magkaibigan lamang tayo. Sa bata kong puso noon, tinawanan ko na lang ang sarili ko. Para akong baliw sa kakatawa pagkatapos kong madiskubre ang lihim mong matagal mo na palang tinatago. Tawang kahit papaano'y nasaktan. Bakit ba magkatabi tayo ha? Kahit pa nalaman ko na ang katotohanan, alam ko pa rin sa sarili ko na hanggang doon lang ang meron sa ating dalawa. Di ko alam kung natibag ko ba ang harang mo sa mga tao pero kontento ako na natatawa ka na lang sa kakornihan ko. Kahit mukha na akong ewan at payaso na sa paningin mo basta lang masilayan ko paulit-ulit ang mga ngiti mong ipinagkakait mo sa mga taong hindi malapit sa puso mo.
Ako ba? Malapit ba? Kahit paano ba ngingiti ka kapag nagkita tayo ulit? Ngunit hindi. Naningkit lang ang mga mata mo at alam ko na sa kabila ng ngiti ko, may ideya na ako kung bakit gusto mo na lang magtago na parang kuhol. Andoon na sa nailathala na libro ang kuwentong parte ng iyong sikreto - ng iyong mga liham. Paglipas ng taon, siguro dahil bata pa ako at hindi lahat sineseryuso, masaya ako para sa iyo at sa kaibigan kong magulo din ang utak pati ang puso. Ang suwerte ng gago eh mas matino naman ako doon at mas magandang lalaki. Pero alam kong isa lang akong pusit sa paningin mo at hindi lang naman ako ang pusit sa paningin mo. Siya. Na nasa mga liham. Dati, ganoon din siya lalo na kapag ayaw mo sa pinaggagawa ng kaibigan ko.
Gusto kong magpasalamat na sa kabila ng maikling panahon na magkatabi tayo, hindi na ako iba sa iyo. Hinayaan mo akong makapasok sandali sa mundo mo. Masayang-masaya ako na makita kang kasama ang matalik kong kaibigan. Masaya akong hinayaan kita noon at hindi ko na tinuloy ang balak ko na nasa isip ko lang.
Ang panahon nga naman. Parang kailan lang, para akong ewan na magkatabi tayo noon. Ngayon, umabot na tayo sa puntong sinisingkitan mo ako ng mga mata mo kapag pinagbibigyan ko ang prinsesa ninyo ng kaibigan ko. Mana sa 'yo eh. Nagmana nga lang ang kakulitan ng sira-ulo kong kaibigan.
Wala kang alam. Wala kang kamalay-malay na nagkagusto ako sa iyo noon. Hanggang sa ibinulgar ko na ang sarili ko sa engagement ninyong dalawa. Gusto ko lang ihayag ang kinikimkim ko na dati at tama ang desisyon ko dahil maluwag na sa pakiramdam.
Magkatabi ngunit hindi magkatadhana. Pero magkaibigan hanggang sa may mga anak na. Binibiro lang yata tayo ng panahon.
Mataray ka pa rin ngunit maganda.
Pero hindi na ikaw ang pinakamaganda sa paningin ko.
Seatmate.
2 notes · View notes
hashirun · 1 year
Text
Tumblr media
Favorite namin magkakapatid (ako, si Kit, si Karl, di masyadong bet ni Kat kasi sumasakit tyan nya as a lactose intolerant person) yung frozen yogurt ng llao llao, pag pumupunta kaming mall hindi pwedeng hindi kami oorder ng tigi-tigisang large tub. Nung una okay pa, nauubos namin yung tigi-tigisang large tub, minsan nga bitin pa.
Pero true to the Law of Diminishing Marginal Utility, which states that as consumption increases, the satisfaction derived from each additional unit decreases, at some point nagsimula din kami maumay (or at least ako at si Karl, si Kit parang same pa din ang pagmamahal nya sa llao llao).
That said, nandun pa rin ang craving, yun nga lang parang hirap na kami ubusin yung tig-isang large tub na llao llao. So naisip namin ni Karl na either small or medium na lang oorderin namin. But our dilemma was this: nung nasa pila na kami, we compared the prices of the small, medium, and large tubs. 129 ang small, 199 ang medium, 219 ang large. Then looking at the sizes of the tubs, parang ang liit masyado ng small tapos isang topping lang, so bitin. Pag medium naman, 20 pesos lang naman yung difference tapos dalawa lang toppings compared sa tatlo pag large so bakit di na lang kami mag-large?
We ended up getting one large tub each bilang matuos kami. Sabi namin, “Mas value for money talaga yung large kesa medium eh, mag-large na tayo pareho 20 lang naman difference” tapos nung naubos na namin yung frozen yogurt namin parang di kami masaya hahahaha.
Naisip na din namin na mag-share na lang sa large but quickly rejected the idea kasi parang bitin.
So we resolved na next time tigisang medium na bibilhin namin pero ganun pa din nangyari, we couldn’t resist yung thought na 20 pesos lang, pwede na kami mag-upgrade sa large. Ang point talaga is di kami maka-get over dun sa 20 pesos only na price difference between medium and large.
“Tingnan mo, ang laki ng price difference between small and medium, 60 pesos, tapos yung sa medium at large 20 lang? Bat ka magme-medium kung ganyan lang kaliit yung difference?
We theorized na ang goal talaga ng llao llao is to get people to choose the large tub over the small and medium tubs by making them compare yung sizes and prices. Small is too small (despite being reasonably priced) so you’d want to get a bigger tub. Then when you look at the prices of the medium and large tubs, maiisip mo na with their prices, mas sulit nang bumili ng large tub kesa medium tub. If you insist on choosing the medium tub, you’ll be haunted by the thought na 20 pesos na lang, mas madami na sana frozen yogurt and toppings mo.
Tawang-tawa kami everytime pipila kami sa llao llao kasi di na kami natapos kakaisip sa pricing nila. Until yesterday habang nakapila kami Karl excitedly exclaimed, “Ate Kaye alam ko na solusyon sa problema natin! Oorder ako ng large tapos umorder ka ng small tapos kuha ka na lang sakin pag bitin ka.” Between the two of us, naubos namin ang small and large frozen yogurt na masaya hahahaha problem solved. Laki ng problema namin eh haha.
17 notes · View notes
tigre-edi-rawr · 11 months
Text
Iba talaga magmahal ang mama ko.
I got home early from RTO today. 11:00 PM nasa bahay na ako... nagpakain ng mga aso, naghugas ng mga nakatambak na pinggan sa lababo, nag-ayos ng mga gamit ko bago humiga. Hindi ko na ininda yung antok at pagod ngayong araw na to. Iniisip ko nalang papaano dapat maging responsable ako, bawasan nang kaunti yung kalat para hindi na masiyadong makadagdag kay mama bukas paggising niya.
Simula noong bumalik ako sa bahay. Tinanggap ko na yubg mindset ko na “yung ex ko nga naasikaso ko sa loob ng bahay ng ilang beses, bakit pamilya ko, hindi?” kaya kahit may trabaho ako, maaga ako nagising para maglinis ng paligid bago simulan ang araw ko. Mag-asikaso ng sarili. Tumulong sa gawaing bahay. Nadala ko yung pagiging responsable, mga natutunan ko noong wala akong ibang aasahan kung hindi sarili ko sa apartment. Nilalabanan ko palagi yung katamaran ko sa katawan. Kahit pagod ako o gaano ako ka-busy.
Kaya ngayon, nakakaramdam ako ng galit sa mga kapatid ko.
Isang lunod sa sugal at easy money. Pilit binabaon ang sarili sa mga utang, kahit madalas si mama yung sasalo ng mga gusot at pplantsa para maayos buhay niya.
Isang nagttrabaho pero minsan talagang ubod rin ng kupad.
Yung bunso na sobrang bigay na lahat. Sobrang sarap na ng buhay pero hindi pa niya napagtatanto, hindi pa siya grateful enough kasi wala pa siyang alam sa totoong realidad ng buhay.
Naiiyak ako kasi naaawa ako sa nanay ko.
Gigising ng umaga para asikasuhin si papa. Ipagtimpla ng kape, ihanda ang mga gamit at damit pangpasok, samahan hanggang makaalis. Mag-aasikaso halos buong araw sa bahay. Lahat ng kalat ng nakaraang araw na dulot ng mga anak na batugan at iresponsable, pikit matang nililinis at inaayos ni mama lahat mag-isa. Imagine ito yung nililinis ng nanay ko araw-araw: Mga aso at kulungan, sala sa labas, kusina, sala sa loob at apat na kwarto ng buong pamilya.
May araw na nagluluto siya, naghuhugas, naglalaba, maglilinis ng mga kwarto, magsasalansan ng mga damit sa damitan, magsasampay at magtitiklop nang sabay-sabay sa isabg araw. Mag-isa. Noon, ni hindi ko man lang naisip, puro nasa utak ko boyfriend, sarili kong kasiyahan. Iresponsable, batugan at mayabang.
Ni hindi kaya ng pride ko yung ginagawa ni mama sa araw-araw na buhay niya, bukod sa pagod ka na pisikal, eh pati mental dahil tila yung mga tao sa paligid ay walang pasasalamat na maibigay kapalit man lang sa lahat ng hirap. Nakakaluha na tila wala nang pagmamahal at pasasalamat kaya imbes na pagbuhaying reyna si mama, ginagawang alipin at utusan nalang sa bahay. Pagkilos sa bahay lahat, asa kay mama.
Mas madalas ko pang nakita ang nanay ko maglinis sa araw-araw kesa magbuhay reyna at i-enjoy ang buhay niya.
Madalas pang pagod na nga sa buong araw, kapag magkakasabay-sabay na kami sa hapunan, pupulaan pa yung mga pagkain na inihanda ni mama. Pagsasalitaan ng mga salitang pangmamaliit at masasakit. Siguro, nasanay nalang si mama, baka sa sobrang sanay niya akala niya normal na to lahat.
Hays. Ang bigat sa dibdib. 25 years old na ako at ganon na rin kaming katagal pinagsisilbihan ni mama. Hindi ko alam kung paano niya nakakaya pero ang sakit.
8 notes · View notes
hindimakatulogsagabi · 19 hours
Text
lagi namin napapag usapan ng friend ko yung ldr, kung kaya ko daw ba. isa lang sagot ko, hindi. parang ang hirap pero truth is, takot lang talaga ako. dati kasi, mga 10 years ago, natry ko yung ldr, nagmigrate kasi sila kasama ng fam nya. wala pa syang 2 months dun, nagbago na ang lahat. naging cold, naiba yung trato nya sakin. puro away nalang. puro sakit. hanggang sa pinutol nya lahat ng connection namin. i suffered for months or almost a year. then after 2 years nagreach out sya sakin at sinabi nya lahat kung ano yung totoo kasi deserve ko daw malaman. sinadya nyang itulak ako palayo o saktan ako, kasi sya mismo hindi nya kaya yung sitwasyon namin. yun lang yung nakita nyang way para pareho kaming hindi masaktan. matagal din daw sya bago nakamoveon.
yung last jowa ko, ganon din nung nameet ko sya sinabi ko na sakanya na ayaw ko ng ldr, plan nya kasi mag abroad. after 5 years ayun matutuloy na sya. anyway we broke up 3 years ago pero we still together pero walang label basta magulo until this year na naging okay na ulit kami pero wala padin label. sinabi ko pa din sakanya na ayaw ko ng ldr. tinatanong ko anong plan if nandon na sya sa abroad. may mga sinabi sya sakin na pinaramdam nya na gusto nya ako makasama sa future, mga plans nya na kasama ako. kaya iniisip ko lagi nun kung kaya ko na ba yung ldr.
dumating na ako sa point na iniimagine ko na yung scenario na mag isa ako kakain tapos magkavideocall lang kami o lahat ng mga gagawin ko. kung paano ko sya papadalhan ng gift kapag may okasyon, kung paano ko kakausapin mga friends nya dun or yung mama nya para magpatulong isurprise sya, yung magstart na kami magsave together tapos magtitingin na ako ng bahay o mga properties na pwede namin gawing investments, bibili na kami ng mga gamit namin. basta ang dami ko lagi iniimagine. yun din isa sa dahilan ko kung bakit nagsisipag talaga ako sa business ko. gusto ko maging pareho kaming successful tapos uuwi na sya dito magsasama na kami. naisip ko kaya ko naman siguro, iba na naman ako dun sa 10 years ago. pwede naman one a year puntahan ko sya dun o twice o thrice depende. mindset lang siguro. kasi yung iba nakakaya naman.
kaya ang sakit sakit nung sabihin nyang ayaw na nya. isang plano lang yung sinabi nya sakin pero dahil sa plano na yun, nakapagplano ako ng napakadami. akala ko sa dami at tagal na ng pinagsamahan namin, kaya na nya akong panindigan. hindi pala.
so kung tatanungin ako kung kaya ko naba ang ldr, hindi ko alam. hindi na kami umabot dun eh.
2 notes · View notes
kimhortons · 22 days
Text
so eto na nga yung kwento. nung isang gabi nanaginip ako na nag chicheat daw ako kay J. nakipagkita daw ako sa isang guy—someone from my past—pero hindi ko makita kung sino siya sa panaginip ko. hindi ko rin mawari yung lugar kung restaurant ba yun, hotel or bahay. basta may kasama akong lalaki, tapos parang sinusundo raw ako ng kapatid ni J, inaabangan ako lumabas kasi nga nalaman daw nilang may kinikita akong iba. tapos hindi raw ako makalabas sa harap na pinto kasi andun yung pinsan ni J na babae, at ayaw ko raw na makita nila akong may ibang kasama.
tas nung nagkita daw kami ni J, hindi siya umiimik nung hinahawakan ko raw siya, pero binibitawan niya ako. umiyak kami pareho tas nag sosorry ako sakanya, pero hindi siya umiimik. kung anong awra niya kapag galit, ganun siya sa panaginip ko. hanggang sa last part nalang, hinawakan niya raw ng dalawang kamay niya yung pisngi ko habang umiiyak kami pareho at hinalikan niya raw ako—nagising akong parang naghahabol ng paghinga at galing sa iyak.
bigla ko naisip yung recent catch up namin last week, nung dating tropa ko na nanligaw sakin bago kami magkakilala ni J. siya yung huling katalking stage ko bago magkrus yung landas namin ni J. bigla kasi siyang nawala—naghost ako lol. inexplain niya pa saken bakit bigla siyang nawala, e gets ko naman, tsaka wala naman talaga akong balak noon na sagutin siya. at hindi naman talaga ako naghahanap nung time na yun.
so ayun, nangamusta lang naman siya, and based sa kwento niya, although hindi niya naman directly sinabi, hindi siya masaya sa married life niya, may kulang. gets ko kung ano yung kulang, and medyo off, kung hindi ko lang siguro naging tropa 'to before matagal ko na siyang blinock e. nakakatawa nga kasi nung nagrant ako kay J nung nag uusap palang kami, isa siya sa tinutukoy ko about sa may motibo lang pero mukhang walang balak mag seryoso.
hindi ko na siya nireplyan ulit after nung araw na nangamusta siya kasi syempre bukod sa ayaw ko nung feeling na para akong nag chicheat kay J, e may asawa na si accla. alam mo yung typical na nanlalandi, ilang beses niya na tinanong nung nangamusta siya, hanggang sa nung hindi ko na siya ni replyan nag chat parin "buti hindi nagalit bf mo na nag chat ako" tsaka yung mga "i-delete mo 'to mamaya ah, baka magalit sakin bf mo mabasa convo natin." lol inutusan pa ko mag cheat, siya daw kasi magdidelete.
hindi naman kasi talaga ako nang uunfriend or nangbablock ng ex or someone from the past, ewan gusto ko kasi yung nakikita nila na i'm doing good tulad nitong chat niya:
Tumblr media
and syempre vice versa para walang halong bitterness. and for real, masaya naman din akong nakikita kong masaya nadin sila. para everybody happy din diba. ganun lang.
alam ko yung ibang makakabasa nito, may masasabi na naman. pero itong taong 'to, sanay naman na kasi akong malandi talaga siya haha. kahit dati pa since college, hindi naman ako bumibigay sa mga kalandian niya, kahit nung college niya pa ako crush lol. napaisip lang din ako, what if hindi siya biglang nawala, tapos kami yung naging mag jowa. tingin ko hindi kami tatagal, kasi bukod sa may tendecy siyang mag cheat, gusto niya ng anak, baka kung kam,i sakin siya hindi masaya ngayon. hindi kami magkaka sundo. hindi rin naman ako nagkaron ng malalim na feelings sakanya kahit nung college pa, kasi tropa lang talaga tingin ko non sakanya. nung time na in-entertain ko siya, affected pa ako nun sa break up namin ni G noon kaya ganon nalang din.
weird lang na parang kinonsensya ako ng panaginip ko kasi hindi ko nabanggit kay J na nagchat siya. although alam naman din ni J yung kwento namin. kaya bukas pagkita namin ulit, kukwento ko sakanya 'to lahat. if ever man mag chat ulit siya, bablock ko nalang siya sa messenger. lapitin din kasi ako ng mga jowa ng ex na inaaway ako kahit wala naman akong ginagawa. ayaw ko naman mapa away sa asawa, ibang level na yon.
#dl
4 notes · View notes
nice2meetyouu · 5 months
Text
May recent ambush interview for a position na mataas ang offer. Mataas nga relative sa usual, pero tingin ko pang-buong agency na 'yung trabaho. Pare-parehas lang underpaid ang mga role. Mabuti pa, magbusiness na lang talaga, lahat ng pagod mo, ikaw din ang magbebenefit (or lalong maiistress).
"Ambush", kasi antagal ko nang nag-apply doon, sabi 24-48 hours daw sasagot na pero wala naman. Bigla silang nabuhay after a month, tapos nagmamadali. 'Yung assessment, 'yun na talaga 'yung trabaho e, andaming hinihingi. Gusto kong sabihin, kahit writing assessment ngayon paid na 'no, e 'yan pa kaya na kulang na lang, magsulat na ng SOP kung paano itataguyod ang ops ng startup niyo (nanghihingi pa nga ng loom video kung paano mo ginawa 'yung bagay-bagay). Tapos may 2 pa raw interview pag pumasa ako dun, nyeh (ano ako, magiging director?).
On the other hand, mahirap din maging worker bee. Kahit akala ko less responsibilities na, hindi pa rin. For some reason, sobrang nagbebend over backwards 'yung mga manager sa clients at kami ngayon ang nagigipit. Kaya nga tayo hindi na sa ospital nagwowork para walang chance na may mamamatay dito sa ginagawa natin 'di ba, hindi ako naniniwalang may tunay na urgent dito—lahat pwedeng i-schedule. Alam nang overcapacity na, ipipilit pa, mag-OT na lang daw saka magpupull ng ibang resources para tumulong sa project.
Isang isyu pa 'yung walang bayad sa overtime, offset lang. Buti wala pang nagpapa-DOLE sa kanila ngayon. Sa totoo lang, nalaman ko lang na ganyan ang kalakaran noong napansin ko na laging may "absent" sa team (nalipat lang siya sa amin, pero galing sa ibang department). Hindi pala sya absent, may agreement palang nangyayari. Alam naman pala ng iba na bawal 'yung ganu'n pero ewan ko bakit walang nagsasalita. Ako, wala lang matibay na ebidensya kasi, or kung 'yung mga email namin ang ilalabas ko, e 'di nasiwalat na ako ang nagsumbong.
Naisip ko 'yung friend ko na ang sabi, hindi na niya iniisip kung mag-eenjoy sya, basta may trabaho, gagawin. Pero kasi naman, sa Bangko Sentral siya nagwowork.
3 notes · View notes
jaembilog · 2 years
Text
bugso – pt. 2
pt. 1 here !
Tumblr media
ding dong!
nagmadaling naglakad papuntang pinto si jungwoo para buksan ito. nadismaya siya nang makitang grab driver ito.
"kim jungwoo?" tumango na lang siya rito. "sir, delivery po from ms. y/n. may bilin din pong sabihan ko raw kayong magpahinga at wag kalimutang kumain. ang tamis naman. paid na 'yan sir," napangiti na lang si jungwoo sa panunukso nito. nagpasalamat na lang siya rito at isinara na ulit ang pinto.
Tumblr media
napabuntong hininga na lang siya pagkatapos ilapag ang mga paper bag sa sofa. isa para sa mga damit niya, isa para sa pagkain na sure siyang ibinilin mo rin sa mama mo. lalo lang siyang kinain ng guilt dahil kahit pinagsalitaan ka nito nang hindi maganda, iniisip mo pa rin ang kapakanan niya.
Tumblr media
aayusin niya 'to.
------------------------------------------------------------------------------
ginabi ka na nga talaga ng uwi. late mo na rin nabasa ang messages ni jungwoo.
Tumblr media
nakaramdam ng lungkot si jungwoo sa reply mo, pero naisip niyang kasalanan niya kung bakit ganito ang nangyayari.
------------------------------------------------------------------------------
"sorry for being an asshole yesterday, bu," pagbasag ng nobyo mo sa katahimikan niyo habang naglalakad papunta sa kakainan niyo.
"it's okay, bu. kumusta ka? nakatulog ka ba-"
"can you not pretend everything's okay? alam kong hindi, mali 'yung way ng pagsabi ko sa'yo ng concern ko kahapon. let me make it up to you," nagmamakaawang sabi ni jungwoo.
nanahimik ka na lang dahil hindi mo talaga alam ang sasabihin. ayaw mong aminin na iniisip mo pa rin ang mga sinabi dahil ayaw mo na itong palakihin pa, pero pagod ka na ring magpanggap na ayos lang sa'yo ang lahat.
nakarating na kayo sa paborito niyong fastfood chain. pipila ka na sana nang pigilan ka ni jungwoo. "ako na bu, pili ka na lang ng pwesto natin." tumango ka na lang at naghanap ng mauupuan ninyong dalawa.
maya-maya pa'y dumating na ang order niyo at kumain na kayo. kabisadong-kabisado ka talaga ng nobyo mo at ganun ka rin sa kaniya.
------------------------------------------------------------------------------
hindi niyo na muling napag-usapan pa ang tungkol sa nangyari kahapon. iniisip mo rin kasi ang presentation na gagawin niyo ngayong araw kaya minabuti na lang ni jungwoo na huwag munang sumabay.
pagkapasok mo ng room niyo, ang lamig. hindi ka na naman nakapagdala ng sarili mong hoodie. magpepresent pa kayo, lalong mas lalamig dahil kabado ka pa. ginaw na ginaw ka na nang biglang may kumalabit sa'yo. ah, si bin lang pala, kagroup mo.
"nilalamig ka ata, sa'yo na lang muna 'tong hoodie ko. hindi naman ako ginawin."
pinag-isipan mong mabuti kung tatanggapin mo ba dahil una, nakakahiya. pangalawa, baka kung ano pang isipin ng iba. pero lamig na lamig ka na talaga, kaya sinamantala mo na ang offer nito. ngumiti ka at kinuha ang hoodie niya. "salamat."
------------------------------------------------------------------------------
Tumblr media
naitawid niyo naman ang reporting kaya kahit papaano ay nakahinga ka na nang maluwag. nabawasan na ang mga bagay na iniisip mo.
agad kang pumunta sa cafeteria pagkadismiss ng klase niyo para kitain si jungwoo. andoon na agad siya at hinihintay ka na. nakabili na rin ng pagkain. iba rin talaga kapag alam niyang may atraso siya.
"kumusta presentation? mukhang good mood ka ah."
"okay naman, nairaos din kahit madaliang prinepare," sagot mo habang nakangiti. "salamat sa pagkain!"
masaya namang nakikinig sa'yo si jungwoo pero may napansin siyang kakaiba. yung suot mo. masyadong malaki para sa'yo, at hindi pa niya ito nakikita kahit kailan. hinawakan niya ang tela ng suot mo. "bagong bili mo ba 'to?"
"ay hala, oo nga pala. nakalimutan kong isauli. naiwan ko kasi yung akin sa bahay eh ang lamig sobra. buti pinahiram ako nung kagrupo ko."
"sino?"
"si bin, yung kaklase ko rin last year! yung nagpahiram sa akin ng payong nung lumakas yung ulan. ang dami ko na palang utang sa kaniya."
hindi napansin ni jungwoo na magkasalubong na ang mga kilay niya habang nagsasalita ka. nakaramdam siya ng selos. naiinis siya sa sarili niya. alam niya kasing sa kaniya naman talaga lahat nagsimula.
"okay ka lang?" tanong mo.
"bakit hindi ka sa akin humiram?"
"huy, ito naman. naiintindihan ko naman na hindi mo na gusto na kinukuha ko yung iyo. ang kulit ko naman kung hihiraman na naman kita," sagot mo, nagbabaka-sakaling maappreciate niya ang pag-uunawa mo.
hindi ka sinagot ni jungwoo. sa halip, tumungo ito at ipinagpatuloy ang pagkain. sa isip niya, alam niyang iniintindi mo lang siya. gusto niya hindi ka lalapit sa ibang lalaki kapag may kailangan ka. dapat siya ang una mong tatakbuhan. gusto niya nandiyan siya palagi sa tabi mo. pero sa mga sinabi niya kahapon, nagkalamat talaga ata ang relasyon niyo.
"gusto mo bang isauli na 'yan, tas hiramin mo na lang yung akin?"
"no, bubu. oki lang. mali ko rin naman na kuha na lang ako nang kuha tapos hindi ko ibinibalik. tsaka si bin naman ang nag-alok, hindi ko lang talaga kinaya yung lamig, pasensya ka na."
hindi na nakasagot pa si jungwoo. sobrang lungkot niya. halatang-halata na dinamdam mo yung nangyari kahapon. sobrang nasaktan ka niya.
------------------------------------------------------------------------------
natapos na ang 2nd class niyo at agad kang lumabas ng classroom. sakto namang nakaabang na roon si jungwoo.
"tinext ko na si tita, sabi ko ako na maghahatid sa'yo," nakangiting bungad niya sa'yo. napansin nitong wala na rin ang hoodie ng kaklase mo sa'yo kaya lalo itong natuwa.
"ha? hindi ka pa uuwi? para sana makapagpahinga ka na agad. ayoko namang dumagdag sa pagod mo bu."
nagulat si jungwoo sa sinabi mo. "dagdag? sa pagod? ikaw? saan mo nakuha 'yan?"
"sa'yo," bulong mo, sabay tingin sa sahig. hindi mo kayang tingnan siya sa mata dahil baka maluha ka na naman. naaalala mo kasi ang galit niya kahapon.
"hey. bubu, mag-usap tayo please. ayusin natin 'to." hinawakan niya ang magkabilang ulo mo at pinilit tumingin sa mga mata niya.
nakatingin ka lang sa kaniya habang naluluha na. hindi ka makapagsalita.
"i know walang excuse sa mga sinabi ko kahapon. i really had a bad day yesterday pero hindi ko dapat sa'yo ibinunton lahat. sorry sa mga nasabi ko. gusto ko laging nakikita na suot mo ang mga hoodie ko, ang mga damit ko. hindi totoong nakakapagod ka, kasi ikaw na lang ang pinagkukuhaan ko ng lakas. ikaw ang dahilan ko kung bakit ako bumabangon araw-araw," mangiyak-ngiyak nitong sabi sa'yo.
niyakap mo na lang siya at itinago ang mukha mo sa dibdib niya dahil nahihiya kang may makakita sa'yong umiiyak. andami pa namang tao lagi sa park ng campus ninyo.
"sorry rin. hindi ko talaga sinasadyang hindi maibalik mga gamit mo. at hindi ko rin sadyang kulitin ka-"
"sshh. itigil mo 'yan. hindi ka dapat magsorry. wala kang kasalanan."
"if it makes you feel better, i forgive you," sambit mo sabay ngiti sa kaniya.
"thank you, bubu. pero hindi lang sa ganito matatapos 'to, oki? babawi ako sa'yo. pero last na, please suotin mo na ulit ang hoodie ko bukas?" tumango ka naman, sabay yakap nang mahigpit sa nobyo mo.
"i love you, y/n."
"i love you too, bu. namiss kita."
"i missed you more. namiss ko 'tong ganito."
21 notes · View notes
jpehg · 7 months
Text
Sino si Alex Alexanderson? 130324 1316
Nung college ako, meron akong prompt sa isang libro. Tungkol siya sa isang binata na may kakayahang ibalik 'yung oras kapag inii-snap niya yung fingers niya. Oo, uunahan ko na kayo, 'di na bago 'yung time-travelling at time manipulation bilang isang cliché sa mga kwento, tula, or pelikula. Pero think about it, a piss poor guy na walang redeemable qualities maliban sa inosente niyang understanding sa mundo, tapos sinusubukan pa niyang kilalalin sarili niya, tapos 'yung setting, isa sa pinakaprestigious na unibersidad ng Pilipinas? Tapos kaya niyang ibalik 'yung oras? Bata pa ako nung naisip ko 'yon pero sa mata ng isang iskolar ng bayan, sapat na 'yan para maging bala sa bolpen at lapis. Gagamitin niya 'yung newly-learned powers niya sa kabutihan like para 'di male-late sa klase, or makapag-aral pa sa susunod na exam, o kaya siguraduhing tumae muna bago umalis ng bahay. I know. Taga-UP siya pero he's not that smart. Buhangin, oras, kahirapan. Literally Prince of Persia, but Pinas.
Pero noong mga panahong 'yon, inisip ko kung ano yung magiging alas ng librong 'to sa "Perks of Being a Wallflower", o kaya "Twilight". Wala akong mga bampira at 'di ko naman kayang i-afford si Logan Lerman bilang book cover. Syempre, kakailanganin natin ng mga magbabasa nito kahit na 'di ko naman ninais n'on na "dapat mabasa ng lahat 'to." Ewan, mas gusto ko kasi ng mas maliit na grupo ng readers na magsasabi ng "Haha, what was this guy thinking fuckin' dumbass" kapag may katangahang ginawa yung bida tapos ise-send nila sa messenger/tumblr ko 'yung reaction. That would feel nice. Pero ok nasa-sidetrack tayo, balik sa topic.
Ganto dapat 'yung magiging format ng libro. Ready ka na ba?
PAATRAS YUNG BILANG MGA CHAPTERS.
Pero hindi siya straightforward na "30" tapos "29" yung kasunod. Hindi rin nakalagay 'yung word na chapter. Basta number lang siya sa isang blankong papel. Magsisimula siya sa isang napakataas na numero hanggang sa umabot sa 1. Halimbawa, yung pinaka-unang chapter ay 423412312 pero in words. Sa una, iisipin ng mambabasa na "huh, ano 'yon?" Tapos tutuloy na lang sila sa susunod na kabanata. So nag-eenjoy sila. Tapos 'di nila mapapansin na pababa nang pababa 'yung number.
Tapos pagdating sa second to the last chapter, 120 or 60 na lang yung number.
Tapos habang binabasa nila yung maikling chapter na 'yon. Saka nila maco-correlate na 'yung numbers pala ay equivalent kung gaano pa katagal yung buhay ng bida.
Ang twist kasi ay, although may godlike powers ang bida natin, pabawas nang pabawas yung life span niya habang ginagamit niya 'yung abilities niya. And habang nagpo-progress 'yung books mahahalata rin ng mambabasa na parang nagkakasakit 'yung bida. Lalabas 'to pero small hints lang na parang 'yung hagdanan niya palagi niyang inaakyat, parang nararamdaman niyang mas nakakahingal.
Tapos heto pa. 'Yung second to the last chapter, equivalent lang sa 60-120 seconds reading time. Ganto 'yung context bago yung 2nd to the last chapter.
3rd to the last chapter:
Kumbaga, may plano yung bida na magpro-pose sa kasintahan niya kaya may pupuntahan sila. Pero sa kasamaang palad, maaaksidente 'yung bida at 'yung love interest niya (na syempre foreshadowed din kasi 'yung pinakaunang sentence sa libro is dine-describe ng bida kung bakit ayaw niya sa mga Fortuner na puti ewan para sa poetic lang na 'yung pinakaayaw pa niya yung magiging undoing niya). Tapos, dahil alam ng bida at ng mambabasa na mamamatay na siya kapag binalik niya 'yung oras, medyo suspense na talaga. Ano ba 'yung desisyon niya? Ibabalik ba niya? And kung oo, sa punto ng buhay niya ibabalik? Tapos *snap*.
2nd to the last chapter:
Number: Animnapu or Isang daan at dalawampu
De-describe ng bida 'yung scene. Mainit, maraming tao. Mahaba 'yung pila. Kukuha ng form 5. Familiar na 'yung mambabasa at 'yung bida dito sa scene na 'to kasi heto rin yung isang scene sa 2nd chapter ng libro. Pero imbes na mga random descriptions ng mga tao 'yung ide-describe niya, mga pangalan ng kaibigan niya 'yung mga sasabihin niya. Gets? Kasi kilala na niya 'yung mga taong 'yon. Tapos, magegets din ng mambabasa na "Ah puta mga kaibigan niya pala 'yung mga 'yon pero since di niya pa sila kilala at that point, dine-describe lang niya yung mga ginagawa nila. Balik nga ako sa chapter N here para ma-check." Apat 'yung kaibigan niya, and as fate dictated, nandun din pala sila sa pila. Yung dalawa sa kaibigan niya, magkapatid na lalaki at babae. Sa huling timeline (bago siya magsnap sa 3rd to the last chapter), namatay 'yung babae dahil sa isang krimen.
Tapos dito rin sa scene na 'to 'yung first interaction niya sa magiging love interest niya. Nabangga nung girl yung bida tapos nalaglag yung mga dala niyang papeles tapos nagpa-sorry tapos may familiar look 'yung babae na parang "have we met before?".
Unting-unti manghihina 'yung bida, kaunting luha. Tapos pipikit na 'yung mata niya.
Heto 'yung huling mga linya ng kabanata:
Siguro, mabuti nang ganito 'yung kinahantungan nating lahat. Hindi ako nagsisisi na tanging mukha mo at 'yung nakakunot mong noo 'yung huli kong makikita. Sobrang init talaga dito no? Parang ang sarap matulo.
Last chapter.
Number: Isa
Inaantok na ako.
Wakas.
---
Gets ba? 1 kasi isang segundo na lang pala bago siya baiwan. Isang segundo rin kailangan mo para basahin 'yan. Hindi ko ilalagay na explicitly siyang mamatay for dramatic flair. Gusto natin pagkatapos magbasa ng mambabasa, ibaba niya yung libro, tapos sasabihin niya "Damn," tapos is-search niya yung pangalan ko at makikita niya yung account ko sa linkedin tapos sasabihin niya, "Ay weh, software engineer pala 'to?" o kaya is-search niya "Is Alex Alexanderson dead?" tapos ang google quick result sasabihin na "The author did not explicitly state that he died but based from his conditions, it was heavily implied that he did."
Either of the two, that's good enough for me.
Hindi ko 'to tinuloy kasi dahil sa mga iilang dahilan-
Hindi ko gusto yung tagalog na translation ng "snap".
Nawalan ako ng motivation dahil sa mga pangyayari nung undergrad ako tapos dinahilan ko na lang 'yung pagpanaw ng tita ko para masabi na valid 'yung rason ko. Ba't ko ginawa 'yon? Hindi ko rin alam.
Anyway, ayon lang. Matagal ko na 'tong kinikimkim talaga. Hindi ko alam kung may kapareho na siyang plot or anything pero 2008-2013 ko pa yata 'to pinag-iisipan.
Heavily inspired din talaga 'to sa mga games at mythology shit na binabasa ko na related sa oras. Kronos, Prince of Persia. Tsaka sa sobrang romanticized understanding ko ng pagmamahal nung bata pa ako. Extremes talaga like martir puta 'di ko nga alam ba't ganon ako pero it is what it is.
Hindi ko alam kung isusulat ko pa 'to. Pero gusto ko lang din sanang malaman kung maganda ba 'yung prompt or nagm-make sense ba siya sa inyo. Let me know, please. Para alam ko kung delulu din ako or what.
By the way, isang fun fact about me, kapag nagsusulat ako, pinakauna kong sinusulat 'yung last line or yung ending. So 'yung "Inaantok na ako." na linya, matagal na siyang nabuo bago pa 'yung storya. Yung ibang lines na naisip ko is "At pagkatapos non, tapos na". Pero gusto ko sanang gawing galing sa perspective talaga ng bida. Kaya ayan.
2 notes · View notes