#nct tagalog oneshot
Explore tagged Tumblr posts
Text
bugso – pt. 1
bugso /bug·soʔ/ ngalan. biglaang pagmamadali; pagsabog (ng ulan, hangin, bagyo, apoy, sakit, atbp.) biglaang pagsiklab; matindi (ng damdamin)
character: boyfriend!jungwoo x reader
genre: angst
a/n: written in tagalog and english. this is merely a sliver of my imagination. the fictional character in this story do not, in any way, represent any idol. and nobody deserves to be in a relationship where they feel unloved. :)
------------------------------------------------------------------------------
gustong-gusto mong sinusuot ang mga damit ni jungwoo, lalo na ang mga hoodie niya. imposible naman kasing kayanin ng isang layer lang ng damit ang lamig ng silid-aralan ninyo. iba pa ang comfort na dulot ng mga damit niya; parang ramdam mo ang mga yakap niya sa lambot at bango.
parehas niyong hindi alam kung ilang damit na niya ang nasa cabinet mo, at sa totoo lang, wala ka namang pake dahil hindi naman din niya hinahanap.
'yon ang akala mo.
sa punto de vista ni jungwoo, medyo nakakairita na ang gawain mong ito. ang mga paborito niyang suotin ay unti-unti nang nawawala. iniisip niya na kung magpapatuloy ang ganito, wala na talagang matitira sa kaniya. kaya naman naisipan niyang pagsabihan ka tungkol dito.
kausap mo ang mga kagrupo mo tungkol sa isang group activity nang maramdaman mong nagvibrate ang cellphone mo sa kaliwang bulsa ng iyong pantalon. napangiti ka naman agad dahil alam mong si jungwoo ito.
nawala saglit ang iyong kilig at napalitan ng kaba. pero sinubukan mong huwag mag-isip nang masyado at nagreply na lang.
nagkita kayo ni jungwoo sa ground floor malapit sa entrance ng cafeteria. "ang daming tao," isip mo. napalingon naman agad sa'yo ang nobyo mo, sabay higit sa'yo papunta sa gilid niya at inakbayan ka naman nito agad. napalakas pala ang pagkakasabi mo.
pagkatapos niyong pumila para bumili ng kakainin ninyo, agad naman kayong umupo sa usual spot niyo sa cafeteria. "kumusta exam mo kanina?" tanong mo agad sa kaniya, alam mo kasing ilang araw na niyang pinaghahandaan ang long exam nila sa isang professional course.
"ok lang," maikli niyang sagot, sabay tuloy sa pagnguya.
ni hindi ka man lang tiningnan, ang cold pa ng pagsagot. ano kayang problema nito? tumagilid naman ang ulo mo na para bang nagpapacute, sabay subok ulit na kausapin siya. "ang lambot nitong hoodie mo, baka pwedeng akin na lang?" biro mo sa kaniya.
"bakit, sa lahat ba ng hiniram mo may binalik ka na? kulang na lang iuwi mo buong cabinet ko, nahiya ka pa. pwede bang kumain ka na lang? nakakapagod ka."
nakakapagod ka. nakakapagod ka. nakakapagod ka.
paulit-ulit ang sinabi ni jungwoo sa utak mo. hindi mo alam kung paano ka magrereact o sasagot man lang. akala mo kasi natutuwa siya tuwing suot mo ang mga gamit niya. nabanggit niya kasi noon na kinikilig siya tuwing may ginagamit kang kaniya, dahil para bang pwedeng-pwede niyang ipagmayabang sa iba na ikaw mismo ay pagmamay-ari niya.
nagulat din ang nobyo mo sa mga salitang lumabas sa bibig niya. pero hindi na rin niya alam kung paano ito babawiin, dahil kung meron mang paligsahan pagdating sa pataasan ng pride, baka tanghalin pa siyang kampyon. wala ka nang narinig sa kaniya kaya tumungo ka na lang at binilisang ubusin ang pagkain mo habang pinipigilang maiyak sa harap niya at ng sandamakmak na tao sa loob ng cafeteria.
naunahan mo siyang matapos kumain kaya tumayo ka na agad. hindi mo alam kung tama bang iwanan mo lang siya sa lamesa pero hindi mo na kayang magtagal pa dahil baka maiyak ka pa at maging topic pa ng mga chismoso't chismosa niyong schoolmates. agad ka namang dumiretso sa restroom at hinubad ang hoodie niya. maigi na lang at walang ibang estudyante sa loob dahil nakakahiya kung maririnig nila ang mga hikbi mo. pagkatapos mo ay dumiretso ka sa sink para ayusin ulit ang sarili at maghilamos ng mukha.
maayos mo namang tinupi ang hoodie ni jungwoo at nilagay ito sa locker niya. matapos nito, bumalik ka na rin agad sa classroom niyo.
pagkatapos kumain ni jungwoo, dumiretso rin siyang restroom nila at naghilamos na rin ng mukha. nahimasmasan siya at naisip niyang dapat inayos niya ang pagsabi sa'yo. pero wala na, huli na, nasaktan ka na niya nang sobra.
nang kukunin na niya ang textbook niya para sa next period nila, tumambad sa kaniya ang hoodie na kanina lang ay suot-suot mo. kanina nung nakangiti ka pa at masayang sinusubukan na makipag-usap sa kaniya. nagambala ang iniisip niya nang makatanggap siya ng text mula sa'yo.
he fucked up, big time. at alam niyang mahihirapan siyang mabuo ang winasak niyang self-esteem mo.
pt. 2 here !
#nct scenarios#nct 127#nct 127 x reader#nct 127 scenarios#nct 127 angst#nct angst#nct oneshot#nct jungwoo#nct 127 jungwoo#jungwoo imagines#jungwoo angst#nct tagalog oneshot#nct tagalog#nct filo#nct filo oneshot#kim jungwoo
31 notes
·
View notes
Text
bugso – pt. 2
pt. 1 here !
ding dong!
nagmadaling naglakad papuntang pinto si jungwoo para buksan ito. nadismaya siya nang makitang grab driver ito.
"kim jungwoo?" tumango na lang siya rito. "sir, delivery po from ms. y/n. may bilin din pong sabihan ko raw kayong magpahinga at wag kalimutang kumain. ang tamis naman. paid na 'yan sir," napangiti na lang si jungwoo sa panunukso nito. nagpasalamat na lang siya rito at isinara na ulit ang pinto.
napabuntong hininga na lang siya pagkatapos ilapag ang mga paper bag sa sofa. isa para sa mga damit niya, isa para sa pagkain na sure siyang ibinilin mo rin sa mama mo. lalo lang siyang kinain ng guilt dahil kahit pinagsalitaan ka nito nang hindi maganda, iniisip mo pa rin ang kapakanan niya.
aayusin niya 'to.
------------------------------------------------------------------------------
ginabi ka na nga talaga ng uwi. late mo na rin nabasa ang messages ni jungwoo.
nakaramdam ng lungkot si jungwoo sa reply mo, pero naisip niyang kasalanan niya kung bakit ganito ang nangyayari.
------------------------------------------------------------------------------
"sorry for being an asshole yesterday, bu," pagbasag ng nobyo mo sa katahimikan niyo habang naglalakad papunta sa kakainan niyo.
"it's okay, bu. kumusta ka? nakatulog ka ba-"
"can you not pretend everything's okay? alam kong hindi, mali 'yung way ng pagsabi ko sa'yo ng concern ko kahapon. let me make it up to you," nagmamakaawang sabi ni jungwoo.
nanahimik ka na lang dahil hindi mo talaga alam ang sasabihin. ayaw mong aminin na iniisip mo pa rin ang mga sinabi dahil ayaw mo na itong palakihin pa, pero pagod ka na ring magpanggap na ayos lang sa'yo ang lahat.
nakarating na kayo sa paborito niyong fastfood chain. pipila ka na sana nang pigilan ka ni jungwoo. "ako na bu, pili ka na lang ng pwesto natin." tumango ka na lang at naghanap ng mauupuan ninyong dalawa.
maya-maya pa'y dumating na ang order niyo at kumain na kayo. kabisadong-kabisado ka talaga ng nobyo mo at ganun ka rin sa kaniya.
------------------------------------------------------------------------------
hindi niyo na muling napag-usapan pa ang tungkol sa nangyari kahapon. iniisip mo rin kasi ang presentation na gagawin niyo ngayong araw kaya minabuti na lang ni jungwoo na huwag munang sumabay.
pagkapasok mo ng room niyo, ang lamig. hindi ka na naman nakapagdala ng sarili mong hoodie. magpepresent pa kayo, lalong mas lalamig dahil kabado ka pa. ginaw na ginaw ka na nang biglang may kumalabit sa'yo. ah, si bin lang pala, kagroup mo.
"nilalamig ka ata, sa'yo na lang muna 'tong hoodie ko. hindi naman ako ginawin."
pinag-isipan mong mabuti kung tatanggapin mo ba dahil una, nakakahiya. pangalawa, baka kung ano pang isipin ng iba. pero lamig na lamig ka na talaga, kaya sinamantala mo na ang offer nito. ngumiti ka at kinuha ang hoodie niya. "salamat."
------------------------------------------------------------------------------
naitawid niyo naman ang reporting kaya kahit papaano ay nakahinga ka na nang maluwag. nabawasan na ang mga bagay na iniisip mo.
agad kang pumunta sa cafeteria pagkadismiss ng klase niyo para kitain si jungwoo. andoon na agad siya at hinihintay ka na. nakabili na rin ng pagkain. iba rin talaga kapag alam niyang may atraso siya.
"kumusta presentation? mukhang good mood ka ah."
"okay naman, nairaos din kahit madaliang prinepare," sagot mo habang nakangiti. "salamat sa pagkain!"
masaya namang nakikinig sa'yo si jungwoo pero may napansin siyang kakaiba. yung suot mo. masyadong malaki para sa'yo, at hindi pa niya ito nakikita kahit kailan. hinawakan niya ang tela ng suot mo. "bagong bili mo ba 'to?"
"ay hala, oo nga pala. nakalimutan kong isauli. naiwan ko kasi yung akin sa bahay eh ang lamig sobra. buti pinahiram ako nung kagrupo ko."
"sino?"
"si bin, yung kaklase ko rin last year! yung nagpahiram sa akin ng payong nung lumakas yung ulan. ang dami ko na palang utang sa kaniya."
hindi napansin ni jungwoo na magkasalubong na ang mga kilay niya habang nagsasalita ka. nakaramdam siya ng selos. naiinis siya sa sarili niya. alam niya kasing sa kaniya naman talaga lahat nagsimula.
"okay ka lang?" tanong mo.
"bakit hindi ka sa akin humiram?"
"huy, ito naman. naiintindihan ko naman na hindi mo na gusto na kinukuha ko yung iyo. ang kulit ko naman kung hihiraman na naman kita," sagot mo, nagbabaka-sakaling maappreciate niya ang pag-uunawa mo.
hindi ka sinagot ni jungwoo. sa halip, tumungo ito at ipinagpatuloy ang pagkain. sa isip niya, alam niyang iniintindi mo lang siya. gusto niya hindi ka lalapit sa ibang lalaki kapag may kailangan ka. dapat siya ang una mong tatakbuhan. gusto niya nandiyan siya palagi sa tabi mo. pero sa mga sinabi niya kahapon, nagkalamat talaga ata ang relasyon niyo.
"gusto mo bang isauli na 'yan, tas hiramin mo na lang yung akin?"
"no, bubu. oki lang. mali ko rin naman na kuha na lang ako nang kuha tapos hindi ko ibinibalik. tsaka si bin naman ang nag-alok, hindi ko lang talaga kinaya yung lamig, pasensya ka na."
hindi na nakasagot pa si jungwoo. sobrang lungkot niya. halatang-halata na dinamdam mo yung nangyari kahapon. sobrang nasaktan ka niya.
------------------------------------------------------------------------------
natapos na ang 2nd class niyo at agad kang lumabas ng classroom. sakto namang nakaabang na roon si jungwoo.
"tinext ko na si tita, sabi ko ako na maghahatid sa'yo," nakangiting bungad niya sa'yo. napansin nitong wala na rin ang hoodie ng kaklase mo sa'yo kaya lalo itong natuwa.
"ha? hindi ka pa uuwi? para sana makapagpahinga ka na agad. ayoko namang dumagdag sa pagod mo bu."
nagulat si jungwoo sa sinabi mo. "dagdag? sa pagod? ikaw? saan mo nakuha 'yan?"
"sa'yo," bulong mo, sabay tingin sa sahig. hindi mo kayang tingnan siya sa mata dahil baka maluha ka na naman. naaalala mo kasi ang galit niya kahapon.
"hey. bubu, mag-usap tayo please. ayusin natin 'to." hinawakan niya ang magkabilang ulo mo at pinilit tumingin sa mga mata niya.
nakatingin ka lang sa kaniya habang naluluha na. hindi ka makapagsalita.
"i know walang excuse sa mga sinabi ko kahapon. i really had a bad day yesterday pero hindi ko dapat sa'yo ibinunton lahat. sorry sa mga nasabi ko. gusto ko laging nakikita na suot mo ang mga hoodie ko, ang mga damit ko. hindi totoong nakakapagod ka, kasi ikaw na lang ang pinagkukuhaan ko ng lakas. ikaw ang dahilan ko kung bakit ako bumabangon araw-araw," mangiyak-ngiyak nitong sabi sa'yo.
niyakap mo na lang siya at itinago ang mukha mo sa dibdib niya dahil nahihiya kang may makakita sa'yong umiiyak. andami pa namang tao lagi sa park ng campus ninyo.
"sorry rin. hindi ko talaga sinasadyang hindi maibalik mga gamit mo. at hindi ko rin sadyang kulitin ka-"
"sshh. itigil mo 'yan. hindi ka dapat magsorry. wala kang kasalanan."
"if it makes you feel better, i forgive you," sambit mo sabay ngiti sa kaniya.
"thank you, bubu. pero hindi lang sa ganito matatapos 'to, oki? babawi ako sa'yo. pero last na, please suotin mo na ulit ang hoodie ko bukas?" tumango ka naman, sabay yakap nang mahigpit sa nobyo mo.
"i love you, y/n."
"i love you too, bu. namiss kita."
"i missed you more. namiss ko 'tong ganito."
#nct scenarios#nct 127#nct 127 x reader#nct 127 scenarios#nct 127 angst#nct angst#nct oneshot#nct jungwoo#nct 127 jungwoo#jungwoo imagines#jungwoo angst#nct tagalog oneshot#nct tagalog#nct filo#nct filo oneshot#kim jungwoo
21 notes
·
View notes