#hihintayin kita sa langit
Explore tagged Tumblr posts
elnotfound · 2 years ago
Text
Mahal ko :')
Maikling sulatin lamang 'to, nais ko lang sabihin sa'yo sa umagang ito, na katulad ng isang araw na napagmamasdan mo sa tuwing tumitingala ka sa alapaap sa mundong nilikha ng Maykapal, ay minsan na ring pumalya na hindi masilayan sa pang-araw-araw, asahan mo pa rin na ang aking nararamdaman o pag-ibig ay buong-buong mananatili sa iyo.
Mahal na mahal kita, marami man tayong napagdaraanan ngayon o ikaw na mayroong dinaramdam d'yan sa loob-loob mo, asahan mo na hindi ako bibitaw dahil hindi naman kasing babaw ng tubig sa tabo o baso ang nararamdaman ko sa iyo.
Huwag mo rin sanang sukuan ang pamilya, sarili at mga pangarap sa iyong buhay, dahil lahat nang nag-uumpisang mangarap ay dumaraan sa hirap, pighati at lungkot, kaya tibayan mo lang ang loob mo, Mahal ko! Alam kong balang-araw matutupad mo rin lahat ng pangarap mo sa buhay, maghintay ka lamang at habaan pa ang iyong pasensya at sana sa araw na iyon, kasama mo pa rin ako sa pagtupad naman ng mga pangarap natin sa isa't isa, alam kong malabo pa sa ngayon ngunit wala namang masama kung mangangarap tayo na kasing taas ng mga gusali o ng langit, 'di ba? Hihintayin ko 'yon!
Hangad ko ang kasiyahan mo sa pang-araw-araw, mahal na mahal kita, Mahal ko, laging ikaw.
2 notes · View notes
midnightsunshine24 · 3 months ago
Text
My missing piece
"Lahat ng kulang, napuno. Binuhay mo ang natutulog kong puso~" (abot langit by silent sanctuary) This song reminds me how I met you. I never thought that I will fall in love again. You showed me how true love is. You showed me how colorful the world is. You showed me how love is supposed to work. You gave all of that to me without wanting anything back. You love me unconditionally and I didn't notice that I fell in love to you. You light up a spark in this cold bloody heart of mine. You fill up my missing pieces that I thought that I will never find it again.
Love, hindi ako magsasawang mahalin at alagaan ka sa bawat sandali ng aking buhay. Aalayan ka lagi ng mga sulat bilang paalala sayo na minamahal kitang tunay. Nais ko ring samantalahin ang pagkakataong ito na pasalamatan ka. Una't higit sa lahat, salamat dahil inadd mo ko hwhahaha dahil dyan binago mo ang buhay ko. I know to myself na kaya kong mabuhay ng mag-isa pero mas pinarealize mo sa akin na mas masaya at mas makabuluhan ang buhay kapag may kasama lalo na sa hirap at ginhawa, lungkot at ligaya. Salamat love sa pagmamahal na binibigay mo sakin. Salamat sa oras at pag-alala sa akin. Salamat mga salitang binitiwan mo noong panahon na ako'y nag-aalinlangan. Salamat sa assurance na binigay mo at habang buhay ko ito panghahawakan. Salamat dahil meron akong ikaw.
Reese, gaya ng sabi mo takot ka na umibig dahil ayaw mong masaktan sa huli. Alam ko ang pakiramdam na ganyan dahil katulad mo, takot akong sumugal ulit. Pero iba ka, you're the only exception. Para sayo, susugal akong muli, iibig akong muli at iaalay ko ito sayo ng buong buo. Tandaan mo na palagi akong nandito sa tabi mo physically, emotionally and virtually. When you feel sad, remember that you have me. I may not be much but I will always be by your side. Gaya ng sabi ko, palagi kitang hihilingin. Hihintayin kita kahit gaano katagal. Magkalayo man ang ating tadhana, parati parin kitang hihintayin. Dahil sayo panatag ako, panatag ang puso ko. Natagpuan ko na ang tahanan ko. Alam kong marami pa akong pagkukulang at mga ugali na baka hindi mo magustuhan pero araw araw kong iimprove ang sarili ko. Gusto kong maging perpekto sa mga mata mo.
Love, I love your eyes and I really meant it. You are my one and only beloved sunshine.
-Joel
0 notes
gisud · 7 years ago
Photo
Tumblr media
3 notes · View notes
chardawned · 8 years ago
Photo
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
ABS-CBN Film Restoration: Hihintayin Kita Sa Langit Restored Trailer (x)
34 notes · View notes
officialpavo · 3 years ago
Text
hanggang kailan mananatili?
hindi ko na alam kung ga'no katagal na ang lumipas nang umupo ako rito sa mga hagdan sa harapan ng bahay natin. hindi ko na alam kung ga'no katagal na kitang hinihintay rito, ang alam ko lang ay naupo ako rito nang may araw pa, pinanood ko ang araw na lumubog, at ngayon, mga bituin nalang ang laman ng langit. ayos lang, hihintayin pa rin kita.
maya maya, dumating na rin ang kotse mo sa ating garahe. nanatili akong nakaupo at hinayaan kitang maglakad papunta sa'kin at maupo sa tabi ko. 'di kita kayang tignan, damang-dama ko na ang pagbabago, damang-dama ko na kung ano ang kasunod nito.
"love." pabulong mong tawag sa'kin. hindi ko alam kung matatawa ba ako o maluluha, baka pareho. hindi naman na kasi totoong mahal mo ako, pakiramdam ko nga'y baka hindi mo talaga ito naramdaman para sa'kin.
ibinaling ko ang ulo ko sa ibang direksyon, 'wag lang magtama ang mga mata natin. ngayon kasi siya umuwi, pagkatapos ng mahabang panahon, umuwi na rin ang nang-iwan sa'yo matapos ang limang taon. mahaba para sa'yo, maikli para sa'kin. kaya iba na ang bawat kilos at galaw mo, hindi mapakali ang 'yong diwa dahil alam mong nandito na siya ulit. kahit pinilit mo itong itago sa'kin, pansin ko pa rin.
alam ko na ang susunod dito, kaya ayaw kitang tignan. gusto ko nalang manatili rito. tumigil na sana ang oras para ang matitira nalang ay ikaw at ako sa minutong ito, kahit habang buhay na tayo manatili sa katahimikang ito, ayos lang sa'kin. basta't kasama kita, basta't hindi ko kailangang bitawan ang 'yong mga kamay.
"love, please, tignan mo naman ako." at nang ibalik ako sa katotohanan ng iyong boses, alam kong hindi na pwedeng hindi ko ito pansinin.
"so, hanggang dito nalang tayo 'no?" ang tanong ko nang tignan na kita. "dito na magtatapos ang kwento natin." ang mariin kong sabi. may maliit na boses mula sa'king puso na umaasang ipaglalaban mo ako, umaasang pipiliin mo ako. nadurog na ang lahat ng pag-asa ko sa mahina mong tugon.
"i'm sorry."
hindi ko na ata kayang masyadong malapit sa'yo, nanlalamig ang aking katawan. kaya tumayo nalang ako at nagbuntong hininga; malamig ang simoy ng hangin ngayong gabi. "don't say sorry. kasalanan ko naman ang lahat." muli kitang tinignan, hindi ka pa rin gumalaw sa pwesto mo. "mula naman noon, alam ko nang wala akong laban sa kanya. nagdasal ako na sana maging enough ako." nanghina ang boses ko sa may dulo, pero tinuloy ko pa rin. "nagmakaawa ako sa diyos na sana... sana balang-araw, matutunan mo rin akong mahalin." tunog nalang ng mahina mong hikbi ang pumupuno sa katahimikan ng gabing ito. "so don't blame yourself, kasi alam ko nung simula palang, i felt it. destined kayo para sa isa't isa. tanga lang talaga ako, akala ko kaya kong labanan ang tadhana."
wala ka nang sinabi nang naglakad ako paalis. hindi mo ako hinabol, hindi mo ako tinawag. naglakad ako nang naglakad hanggang sa ang mga paa ko'y tumatakbo na. malakas ang pagsinghap ko sa hangin, tumatakbo sa kung saan man habang ang mga luhang 'di ko mapigilan ay tumatakbo na rin pababa ng aking mga pisngi.
duwag ka.
tanga.
gago.
gusto kong bumalik at sabihin sa'yo na nagkakamali ka. na dapat ako 'yung pinili mo. na dapat ako 'yung mahal mo.
kasi hindi kita iiwanan katulad niya.
sa loob ng limang taon, hindi kita iniwan kahit kailan.
pero ang kwento niyo ay isinulat ng tadhana at tapos na ang parte ko sa istorya niyo. kailangan ko nang umalis.
nang hindi na nakayanan ng aking mga paa ang kahit isa pang hakbang, hinayaan ko ang mga tuhod kong lumagakpak sa sahig. nanatili ako ro'n na umiiyak, humihikbi na parang walang bukas. nanatili ako ro'n hanggang naubos na aking mga luha.
3 notes · View notes
themychemicalromance · 4 years ago
Text
Wuthering Heights Watch List:
Streaming / Youtube:
WH (1939) - Prime
Studio One: Wuthering Heights (1950) - https://youtu.be/XbiaEgjgJX8
WH (1970) - https://www.youtube.com/watch?v=E1zMVqm_Z0w
WH (1978) - Pt1: https://www.youtube.com/watch?v=9TRagj927Wo | Pt2: https://www.youtube.com/watch?v=xrFn6Jj7Ym0
Hihintayin Kita sa Langit (1991) - Prime (Rent)
WH (1992) - Prime
WH (1998) - Prime
Sparkhouse (2002) Pt1: https://youtu.be/KnErTxnHPwM | Pt2: https://youtu.be/exqiETthq9M
Cime tempestose (2004): https://youtu.be/LuK6UP3M3vw
The Promise (2007) - Prime (Rent)
WH (2009) - https://www.youtube.com/playlist?list=PLFCE06FDBE6EB78F2 (Behind the Scenes: https://www.youtube.com/watch?v=1q1lFYmLUFA )
WH (2011) - Prime
Wuthering High (2015) - Prime / https://youtu.be/MLT_NnAuOcI
Here is what I’m gonna have to find/pirate/rent:
WH (1920)
Abismos de Pasión (1954)
WH (1958)
Ravina (1959)
WH (1962)
Ölmeyen Aşk (1966)
WH (1967)
Hurlevent (1985)
Heathcliff (1998)
Wuthering Heights (modern adaption, 2003)
5 notes · View notes
bondagedfeelings · 4 years ago
Text
Sa Dating Tagpuan
Oh aking mahal, sa muling ika’y aking makita sa gitna ng naglalakihang alon,
Sasalubong sa’yo ang mga halik at yakap na matagal ko nang naipon.
Wala pa ring nagbago sa iyo; sa mga kilos at galaw, at ang panyolitong dala mo. 
At sana sa pagtatagpong ito, pag-ibig mo’y hindi magbago. 
Puwede bang sa pagkakataong ito’y hawakan mong maigi ang aking mga kamay, 
Habang sinusuyod ang dalampasigan, habang ika’y aking kapiling sa gitna ng dapit-hapon.
Maari bang sa sandaling ito, hayaan mong ako naman ang gagabay kung saan man tayo tutungo, 
Basta ipangako mong sasama ka, upang sa muling ika’’y aalis, dala ang palatandaang tinayo.
Kung sa susunod man na pag-alis mo ay hindi na muling matandaan ang daan patungo doon, 
Hayaan mong mga bituin ang magmistulang ilaw mo habang ika’y naglalakad sa dilim, 
Hayaan mong ang buwan ang maging palatandaan na ang pagmamahal na aking kinikimkim,
Ay kasing lawak ng bisig na handa ka muling tanggapin, na handa ka muling yakapin. 
At kung ikaw man ay nalulumbay, tandaan mo sana  ang mga pangako na  aking binitawan, 
Na sa susunod nating pagtatagpo, suot ko pa rin ang paborito kong bistida, at ang ipit ng buhok, 
Na hindi magbabago, kahit paglipasan man ng maraming panahon, at kahit na ang bawat pangako
Ay hindi na muling mabalikan sa bawat pag-alala mo ng bawat daan, hayaan mo kong hagkan kita. 
Para maipaalala sa’yo, na ako’y maghihintay sa ating dating tagpuan, doon malapit sa may dalampasigan
Sa gitna ng alon, at nag-aalab na puso; doon sa pagitan ng kasiguraduhan at ang aking pangako. 
Doon sa panatag at gitna ng delubyo, sa nag-sasalubong na kidlat at ulan sa madalim mong hapon;
Doon sa dulo ng bawat alaalang nakatago sa loob ng isip, diwa, at pusong naghihikahos. 
At kung hindi na muli matandaan ang mga salitang iyong binitawan noon, 
Bigyan mo ako ng pagkakataon na ika’y muling yakapin kahit saglit, kahit sa pagkakataon na ito, 
Kahit hindi mo na tanda ang pangalan ko, hayaan mong sambitin ng aking mga labi ng paulit-ulit,
Hanggang sa maalala mong muli, na baka sakaling matandaan mo, oh mahal ko. 
Na hihintayin kitang muli, at ika’y mag-tutungo doon; sa ating dating tagpuan, at sinumpaang pagtatagpo.
Sa hintayan ng langit, sa gitna ng tala at himpapawid, sa pag-lubog ng buwan at araw, sa gitna ng takipsilim at bukang liwayway, sa gitna ng mga salubong at paalam, sa gitna ng hanggang sa muli at sa susunod na habang-buhay. 
Ako’y maghihintay.
At kung hindi ka man dumating, babalik ako sa dating tagpuan. 
3 notes · View notes
trickramirez · 6 years ago
Text
bulalakaw
Tumblr media
LAGUNA, PHILIPPINES
JANUARY 20, 2019  
Second entry: CALLISTO: Celestial Texts, All 4 U
Suggested Song — Sugarol by Maris Racal
Humiling
Ako ay humiling
Sa mga bituin at buwan
Habang nakapikit
  Nakatikom ang bibig
Ang puso’y pumipintig
Pabilis ng pabilis
Hindi na namalayang nahuhulog paunti-unti
  Umaasang baka magkatagpo
Magkasalpukan
Mga mundo nating pawang magkalayo
… milya-milya ang pagitan
  Mayroong ninanais ang dibdib
May mithiin
Hirayamanawari …
  Maging bahagi ng iyong mundo
Madama ang init na nagmumula sa iyo
Mahawakan ka
Mayakap ng mahigpit at
Maging isa ating mga kaluluwa
  O, pano mo mababatid
Ang pagtingin sayo’ng palalim ng palalim?
Pano mo malalaman?
Gayong ako sayo’y kaibigan lang naman
  Nakatingala sa langit
Sa gitna ng gabi habang nakapikit
Humihiling na sana’y naririto ka
Aking katabi …
  May mga awiting nilalaman ang dibdib
Nagbabaka sakaling iyo sana itong madinig
Iyong mabatid
Hanggang ang mga mumunting himig na ito’y maging iyo na rin
  Gabi-gabing naghihintay
Minu-minutong nag-aabang
Na baka kahit sandali’y may bulalakaw na magdaan
Baka magalak sya’t mga pagsamo ko’y kanyang pagbigyan
  Pagkat ikaw ang nais ko
Ikaw lang ang laman
ng puso
Ang s’yang sigaw
At s’yang tinatangi nito
  Hihintayin kita
Kahit gaano pa katagal
Kahit gaano ka-kumplikado at
Gaano pa kahirap
  Pagkat bumabalik ako sa umpisa:
Sa mga paghanga sa iyo’t
Paru:paro sa aking sikmura
Ikaw lang, o ikaw lang
  Kaya sana nama’y dinggin
Ng mga bulalakaw sa gabi
Aking mga hiling
Ang hiling na sana’y iyong naririnig
21 notes · View notes
retrograde15 · 3 years ago
Text
210519
Siguro sapat na
ang dampi ng hangin sa gabi
sa tuwing nakatanaw ako
sa kalangitang puno ng mga bituin.
Napapapikit ang mga mata.
Ninanamnam ang katahimikang nadarama.
Unti-unting sisilay ang ngiti.
Bubuksan ang labi at magtatanong…
“Gaano mo ba ako kamahal?”
Magbibilang ng ilang segundo.
Hihintayin ang boses mo—
na tila ba dinuduyan ako habang
sinasambit ang mga katagang...
“Kung gaano kadami ang bituin
sa kalangitan, ganun kita kamahal…"
Unti-unting manunuot
ang lamig ng hangin sa balat,
Kakapain ang ispasyo sa tabi
at aasang may kamay na mahahawakan.
Hanggang sa papatak na ang mga luha.
Aasang may sasalo sa bawat pagbagsak
ng mga butil nito.
Sana nandiyan ka
at ang mga bisig mo—
mahigpit na niyayakap ako.
Maibsan man lamang ang sakit
na araw-araw kong dala-dala.
Segundo.
Minuto..
Oras—
— ay lilipas...
Nanamnamin ulit ang katahimikan.
Titingala na naman sa langit.
Hahayaan ang pusong hanapin ka.
Hanggang sa hihinto ang mga mata.
Sisilay muli ang ngiti sa mga labi.
Pagmamasdan ang kinang mo at
kakapain ang pusong kilalang-kilala ka…
Ramdam na ramdam pa rin kita
kahit nasa kabilang buhay ka na.
Nandito lang ako—
Tatanawin ka.
Aawitan ka.
Mamahalin ka.
Hanggang sa muling
pagsabay ng kampay ng mga kamay
at padyak ng mga paa—
Maglalakbay muli tayo nang magkasama...
Hindi man dito...
pero sa susunod na habang buhay—
—aasa akong may tayo pa.
~ Lavender Pen ~
0 notes
boastful-crimson · 4 years ago
Text
i kinda like letters and i thought what if it’s something like this????
Mahal ko, Ang gabi ay maginhawa dahil sa mahinahong pag-ambon. Wala 'ni isang tala sa langit, sa buwan lamang ako nakatanghod. Kailan nga ba masisilayan ang iyong anyo? Hindi sa pagmamadali o paghihinala, ngunit hindi na sapat ang matatamis na salita ng ilang pahinang liham. Sa bawat oras, minuto, segundo, umaasang papalapit ka na. Ngunit malawak ang mga karagatan at malayo pa ang bukas. Nakakapagtaka, ang dilim ng gabi ay walang bahid ng kalungkutan at pangamba, kung kaya't dito na ako magpapaalam. Alalahanin mo ako bilang maliwanag na buwan sa gitna ng itim na langit at aalalahanin kita bilang hangin sa aking maginhawang gabi. Hihintayin kita sa panaginip, sa kaparangan, sa ulap, sa ilalim ng sikat ng araw. Ang ating pagtatagpo ay kapana-panabik! Kasabay ng paghuni ng mga ibon ay ang pagsipol ng hangin. Narito ka sa aking tabi at ako'y sinasalamin ng iyong mga mata. Maging ang mga lumilipad na alikabok ay nangingintab sa liwanag ng umaga. Ako ang magiging pinakamaligaya kung hahawakan mo ang aking kamay. At palagay akong luluha sa kaligtasan ng iyong mga braso.
0 notes
domagedpoet · 4 years ago
Text
tagpuan
sumapit ang gabing na kay tahamik tahimik na parang aking mga bibig na walang makausap sa mga sandali na munting naghihintay na may lumapit nang ikay biglang dumating nagusap nagusap nang nagusap nang nagusap hanggat sa bago dumating ang pagsikat ng araw tila bang ang aking pusoy galak na sa wakas ikay natagpuan tila bang ang aking diway naganahan na sa wakas sa wakas nandirito tayo hindi nagkulang ang mga bituin na hindi tayo nagusap nang umabot narin na akoy onti onting di mawaring mailahad ang totoong nararamdman dahil lang ba ito sa aking pagka-ulila? Dahil lang ba ito sa pagsabik na may maramdaman muli? Dahil lang ba ito sa pagging mag-isa? Pero hindi Alam ko sa sarili ko na totoo ang aking nararamdaman Hintay. Hintay. Hihintayin ko nalang muna Nang sa dumating na ang pinakahihintay kong mangyari Pangalawa na pinakahihintay Nakita narin kita Ninikaw mo ang aking mga salita Salitang mga hindi maibuga Katawan koy nanghina Ngunit ang aking mga ngiti ay umabot sa langit Nang makita ka Makita ang iyong maliliit ngunit puno ng kulay na mga ngiti Makita ang mga mata mong nagsisigawan na kay nagbibigay liwanag sa dilim Walang maibigay kundi ngumiti Kiligin Kiligin Sa isang anghel na napapad sa aking harapan At dun ko nalaman, muli Na gusto talaga ng aking damdamin ang makilala Ang makasama Ang makasalamuha Ang makita Ang marinig Ang maramdaman Na isang tulad mo Mula noon hanggang ngayon Tila bang nakatatak na saking isipan Sa aking memorya ang mga ngitit mata na kay ganda Na kay sabik makita Harap-harapan Sabik na maramdaman ang iyong mga nagpapawis na mga kamay Maramdaman ang iyong malalambot na mga labi Maramdaman ang iyong matang magtitig sa akin Maramdaman ang iyong tunay na nararamdaman tungo sa akin O sinta Ibig kong itoy tumagal Labanan lahat ng hirap Kahit na tayoy magkalayo sa isat isa Ang damdamin koy sayong sayo Na hindi magbabago sa pagitan ng bilang bilang na mga isla Na hindi mababawasan sa pagitan ng hindi pagkikita Ang damdamin koy sayong sayo Sayo ako
kc
0 notes
specialsum1 · 7 years ago
Text
Bago | Spoken Word Poetry (Original Composition)
Bago ang lahat
Nais Ko lamang malaman mo
Na mahal pa rin kita
Mahal na mahal kita
 Bago pa man may likidong pumatak mula sa mata ko na medyo maalat
Nais ko lamang malaman mo
Na hanggang ngayon, hinihintay pa rin kita
At iingatan kita hanggang sa makaalala ka
 Mahal na mahal kita
 May espesyal na lugar ka pa rin sa puso ko
Kahit sobrang sakit na
Mahal pa rin kita
Kahit tinalikuran mo ako para sa kanya
 Pinipilit mo kasing maging kayo
Kinalimutan mo na tayo
Sabi mo nais mo lamang lumaya
Bakit ka nagpagapos sa kanya?
 Bumigay sa kanyang mga pang-aakit
Ngunit sya’y likas na mapanakit
At pumuno sa’yo ng mga maling hangarin
Inimpluwensyahan ka ng mga masamang gawain
Na nagdudulot upang mga pasakit ay danasin
 Lahat ng pagbabawal
Ay simbolo ng pagmamahal
Oo, hindi ko pinagbibigyan lahat ng gusto mo
Pero binibigay Ko lahat ng kailangan mo
Kabutihan mo lamang ang hangad
Pagmamahal Ko ay sagad
 Pero nagsawa ka
At sya ang pinili mo
Dahil ba hindi Ako nagbabago?
 Mas ninais mong magmukhang timang
Sa kaaasam ng mga bagay na kumikinang
At nagpalutang-lutang na parang hibang
Na mas pinili mong makalimot
Gano’n ba Ako kanakakabagot?
 Nababasa ko ang lahat ng tweet at posts mo
Hindi ka na masaya
Sabi Ko naman kasi sa’yo
Bakit sya pa ang pinili mo
Eh ayaw naman nya sa’yo
 Hindi mo ba alam?
Madamot kaya sya
Gusto ka nyang angkinin
Balak ka nyang sarilinin at paasahin hanggang sa mag-isa ka na lang
At wala nang natitira sa’yo
Kundi ang napakalaking puwang dyan sa puso mo
Na lalamunin ang buong ikaw
Nang di ka na makagalaw
Upang gustuhin mo na lang umayaw at tuluyang bumitaw
 Simula’t sapul
Narito na Ako
Pero sya pa rin ang pinili mo
Dahil ba bago sya sa paningin mo
At mas nagmumukha kang “cool”?
 Pinilit mong makawala
At nagpagala-gala
Pero wala kang kawala
Sa pag-ibig Ko kahit hirap kang maniwala
 Pinilit mong abutin ang rurok
Dinig na dinig ko ang iyong pagtangis nang bumagsak kang pabulusok
Di mo ba naisip na baka masyado kang naging mapusok
At nakalimutan mong kung wala Ako ika’y marupok
 Sa pagnanais ng mga pansamantalang bagay
At pagpilit na bigyang kulay
Ay lalong nawalan ng tingkad ang ‘yong buhay
 Kahit anong gawin mo’y di sapat
‘Pagkat binigay Ko na ang lahat
Binigyan kita ng Kalayaan
Na inabuso mo
Tapos Ako pa rin ang sinisisi mo
 Puso mo ngayo’y puno na ng sakit
Sa kaiisip ng bawat sagot sa lahat ng bakit
 Bakit ka napapagod?
Basta-basta ka na lang kasing sumusugod
Bakit ka nalulunod?
Dahil hindi ka marunong sumunod
 Sa sobrang tigas ng ulo mo
Sa maling alon ka nagpatianod
Pero di pa rin Ako mapapagod
Maghihintay pa rin sa pagbabalik mo
Umaaasa pa ring matatauhan ka at sa wakas ay muling tatawagan Ako
 Hinabol mo s’ya kapalit ng puso mo
Pero tinubos kita kapalit ng langit
Nang mapawi lahat ng pait at sakit
 Nais mong mabuo
Pero hindi yan ang misyon mo
‘Yan ay gawain Ko
Kaya sana wag ka nang lalayo
Narito ako
Pagbuksan mo
 Tumigil ka na sa paghahanap
Ika’y aking mahahagilap
 Bumitaw ka man
Kakapit ako
Lumayo ka man
Lalapit ako
 At sa pagtawag mo
Tutugon Ako na mas mabilis pa sa alas kwatro at tatakbo papalapit sa’yo
Yayakapin ka nang mahigpit na mahigpit
Hanggang sa tuluyan ka nang bumigay at kumapit
 Maraming nawala sa’yo
Oo, tama ka, hindi ko na balak ibalik yun sa’yo
Dahil hindi Ako nagbago
At hinding-hindi Ako magbabago
Araw-araw ang pag-ibig Ko’y bago
Titiyaking di ka na mabibigo
At sisiguraduhin kong patuloy na lalago
 Wag mo nang ipagpilitang hindi kita naiiintindihan
Dahil Ako ang di mo maunawaan
Lahat ng Aking paninita
Ay larawan lamang ng Aking wagas na pagsinta
 Tama na ang kaproproblema sa lahat ng sagot
Ako ang gamot at sagot
Gaano man kalaki yang sinasabi mong problema
Higit Ako kahit pagsama-samahin mo pa sila
 Buksan ang iyong mga mata
Kung may dapat ka mang bitiwan
Bitiwan ang mga hadlang sa tunay mong kaligayahan
Ang makasakit at masaktan ay di maiiwasan
Tigilan mo na ang kalilista ng bawat pagkakamali mo at ng iba sa’yo
Yan ay ikalulunod mo
Walang perpekto sa mundo
Hindi perpekto ang mundong kinahuhumalingan mo
 Panalo ka
Yan ang ipakita mo sa mundo
Tigilan mo na ang pagmumukhang talunan at bigo
Ang kabiguan ay hindi kabaligtaran ng tagumpay
Kundi parte lamang nito
 Wag mo sanang kakalimutan kung sino ka
At kung anong meron ka
Anak kita
Mayro’n kang Ama
 Sumuko ka man
Hindi ka tatalikuran
Sasamahan ka saanman
 Wag ka na sanang makuntento sa pekeng pag-ibig na alay nya
Tatalikuran at iiwan ka ng mundo
Pero sasamahan at hihintayin kita
Bitiwan at talikuran mo man Ako
 Wag mo nang alalahanin ang wasak mong puso
Araw-araw kitang bibigyan ng bago
Buhay mo’y tuluyang isuko
Ako na ang bahala sa’yo
 Bawat kabiguan at panalo
Ay bahagi ng Aking perpektong plano
 Bumagsak ka man
Hindi ka lalagapak
Bibigyan ka ng pakpak
 Handa kang saluhin ng Aking mga kamay
Na ikaw mismo ang bumitaw at nagpako
Sa Akin matatagpuan ang tunay na buhay
Yan ang Aking pangako
 Pag-ibig Ko’y di mapaparam
Balutin ka man ng agam-agam
Gaano ka man kabaon
Ika’y ibabangon
 Wag ka sanang makuntento
Sa pag-ibig na hindi totoo
Heto Ako
Tunay na pag-ibig at di kailanman magbabago
3 notes · View notes
herwordlessness · 7 years ago
Note
hi, do you have a list of the adaptations you're planning on watching?
you betcha! Wuthering Heights (1939 film)Yoshishige Yoshida’s 1988 Japanese adaptation Wuthering Heights (1970 film)Hihintayin kita sa langit (1991 Filipino adaptation)Wuthering Heights (1998 TV film)Wuthering Heights - (2003 MTV AU) Wuthering Heights - (1978 BBC miniseries)Hurlevent (1985 French adaptation) Abismos de Pasion (1953 Spanish adaptation)Dil Diya Dard Liya (1966 Indian adaptation)
6 notes · View notes
ndsthoughts · 5 years ago
Text
Tumblr media Tumblr media Tumblr media
Mr. Zion Jacob Chelsea, my blessing. Dumating ka sa panahong hindi ko inaasahan, kahit ilang beses na kitang pinaglaban, nirerespeto ko ang iyong paglisan. Dahil kung ang pag-lisan mo ang iyong kaligtasan, hihilingin na lang na tayo’y magkita rin. Di man bukas, pero sa langit din.
Sobrang rough ng daan papunta sa kasiyahan natin, na every time na magiging masaya tayo, laging may kapalit. Laging pinaghihiwalay. Kahit sabihin natin na suportado yung pamilya natin pareho, dadating pa rin sa point na ihihiwalay ka sakin dahil sa sakit mo. Nakatali ka ngayon sa pamilya mo, ni wala tayong magawa kasi gusto ko lang din naman is gumaling ka. Hindi ko inaasahan na posible pala ang mga kwento na napapanuod ko noon sa maala-ala mo kaya. O sa kmjs. Posible pala talaga. At ito na nga yun, itong kwento na natin yon. Na kahit ilang beses kitang ipaglaban, ilalayo ka pa rin sakin. Sobrang hirap lang sa part ko kasi pangalawang chance mo na ‘to, dahil ganito rin ang nangyari noon, natakot ka kaya di ka lumaban. Ngayon, natakot ka na naman. Naiisip ko na baka nga di ako kalaban-laban. At hindi mo na rin kayang lumaban. Iniisip ko nun, kung mahal mo ko, bakit hindi mo kayang lumaban? Pero naisip ko rin na kung mahal kita, bakit kita pipigilan? Alam kong ayaw mo lang din akong masaktan– kaya kahit ang mga salitang ayaw kong marinig na manggaling sayo, na ayaw kong pakawalan mo ko, hinayaan ko na lang pakawalan mo ako dahil sabi mo, di mo deserve lahat ng pagmamahal na ginagawa ko. Hindi ko rin naman inaasahan na sasabihin mo rin yun kagaya ng mga lalaking minahal ko rin. “Di namin deserve yung pagmamahal na binibigay mo ela. May taong mas deserve yan.” Akala ko ikaw na yun. Kasama ka pala dun. Sino ba talaga deserving ng pagmamahal na binibigay ko? Masyado bang sobra kaya ako iniiwan? Masyado bang kulang, kaya di ako pinapanindigan? Ang daming tanong, pero ayoko na hanapin ang kasagutan. Na alam kong ni kahit sino man, walang makakasagot. Hanggang kailan ko ba hahanapin o hihintayin yung taong mananatili dahil sa pagmamahal na nabibigay ko? Hindi ko alam kung ako ba ang may kulang, o talagang wala naman talaga para sa akin? Nakakapanghina, sobrang nakakapanghina. Hindi ko alam kung saan magsisimula, dahil ang gusto ko lang naman ay yung makakabuti para sa ‘yo. Sobrang sakit na akala ko ikaw na yung taong mananatili sakin, dahil tinanggap mo ako ng buong-buo.
Hindi ko na alam kung paano pa kita matutulungan dahil sabi mo ika’y aking iwasan, gagawin ko lahat ng aking makakaya. Dahil kung ang aking pag-iwas ang iyong kagustuhan, paki-siguraduhin lang na ang kapalit nito ay ang iyong pag-galing. Gagaling sa lahat ng sakit, at ako’y mananahimik na. Pangako, huling beses na ito na mababasa mo lahat ng mga salitang manggagaling sa akin. At kung tayo’y magkita man, ako’y ngingiti pa rin, dahil minsan sa aking buhay, nasubukan kong lumaban na walang hinihintay na kapalit, nasubukan kong magmahal ng walang hinihintay na balik, nasubukan kong sumagal nang walang kasiguraduhan. Lahat ng ito ay magagamit ko sa susunod kong yugto.
At kung makita man kita na hawak na ng iba, ako’y ngingiti pa rin, dahil hindi man ako ang iyong binalikan, ako’y mapalad pa rin. Dahil sinubukan mong lumaban, sinubukan mong magpagaling, sinubukan mong sumugal. Hindi nga lang sa akin– pero sa taong gagawin lahat para sayo.
Nakakalungkot na hanggang ngayon, hindi mo ako pinagbigyan ipakita sayo yung mga bagay na kaya ko pang gawin. Wala pa ako sa kalahati eh, meron pa akong mapapatunayan, pero pinahinto mo na ako kaagad. Maiintindihan ko. Ganun kita kamahal. At minsan lang ako magmamahal ng ganito. At para sa aking sarili, maipapangako ko, sarili ko muna. Sobra sobra na lahat ng sakit, ayoko na rin gumamit ng kahit sino mang tao para maging okay, sarili ko muna. Paalam aking zion, hindi hanggang sa muli, kundi hanggang sa langit din.
0 notes
ayinisms · 5 years ago
Photo
Tumblr media
Now Showing: Not the movie remake of "Hihintayin Kita sa Langit" but the netflix Batanes original "Hihintayin Kita sa... Van" (last shot na daw kay gutom na 😂) (at Alapad Hills and Rock Formation) https://www.instagram.com/p/B0LLr6uASQD/?igshid=1nrxp4mndhvao
0 notes
k-with-j · 5 years ago
Photo
Tumblr media Tumblr media
K 2:38 PM 3 days before
"Ah... sige...ummm.."
"Tama na po ba dito 'yung pressure?"
Wala na siyang ibang magawa kundi ang tumango sa masahista habang kagyat na kagat ang labi at nakapikit. 
WARNING: VERY LONG POST AHEAD!!! Read at your own risk.
Kontento siyang napa-buntong hininga at mukhang hindi magiging palpak ang nirekomenda ng kanyang kaibigan na massage parlor. She badly needs one right now and she knows she hella deserves it. Ilang linggo na siyang laging OT sa trabaho, ano ba naman ang isang araw ng pagre-relax? Isa pa, kailangan niya talaga 'to para sa nalalapit na kaarawan ni J. Sobrang bilib niya sa sarili niya na nagawa niya nang pangunahan ang mga mangyayari sa araw na iyon. Tiyak niyang mapapasabak siya sa mas nakakapagod na gabi.
Napapapikit na siya. Tila malapit niya nang maabot ang langit nang biglang tumunog ang kanyang cellphone. Balak na sana niya itong hindi na pansinin kundi lang malakas ang paulit-ulit nitong pagtunog. Paasik niyang kinuha ito at nakita ang pangalan ng kaibigan.
"Hm.." tipid niyang sagot dahil ayaw niya nang mag-aksaya ng laway sa taong inistorbo ang kanyang pagri-relax.
"K! Nasaan ka?"
"Oh..."
"Hoy, bakit ka ba umuungol?----- Di na ako makakasama sa'yo sa oplan birthday surprise kay J ha. Bigla akong niyaya ni boyfie e. Pasensya na, bawi na lang ako next time, promise!"
"Ok.."
"Nasa massage parlor ka?" Narinig niya na lang na tumawa ito nang malakas bago nagpaalam. Inihagis niya pabalik sa kanyang shoulder bag ang aparato at muling ninamnam ang mga kamay na umiikot sa kanyang likuran.
"Aa..aaaa....! "
Pareho silang bahagyang nabigla ng kanyang masahista sa biglaan niyang malakas na pag-ungol.
"S-sorry.." Napahagikgik na lang siya at napangiti, pumikit ulit at tinuloy sa isipan ang mga posibleng magandang mangyari kasama si J.
J 12:20 PM 3 days before
"Hoy Sir J, break muna o," wika ni Nestor, kanyang pinakamalapit na kaibigan sa opisina. Kasama ang pagpapakita ng Rolex niya na halos ipangudngod kay J.
Napailing na natatawa na lang si J ngunit walang kibo. Pokus ito sa tinatapos niya kasabay ang paghinga nang malalim.
"Gusto ko kasi matapos na lahat 'to para sa birthday ko walang kaagaw si bossing."
Pabirong batok habang ngiting aso ang binigay ni Nestor kay J. "O, sige una na kami nila Regie, ah?"
Tumango na lang si J. Napatingin siya sa litratong nakapaskil sa sarili niyang cubicle. Litrato ng asawa niya. Napangiti na lang ito. 'Kailangan ko na talagang matapos 'to.' ani niya sa sarili.
Nagbukas siya ng bagong tab sa browser, 'trip to palawan for two' ang nilagay niya sa search bar.
'Okay na siguro dito para sa birthday celebration ko kasama siya.'
K 3:13 AM 2 days before
"I'm gonna be your wifey someday.. and soon." bulong ni K kasabay ng mahina niyang paghagikhik sa katabi niyang lalaki sa kama.
Ginantihan lamang siya nito ng tipid na ngiti at iginaya siya na yumakap pa nang mas mahigpit rito.
"I love you."
"I love you as much."
Ibinaling na muli ni K ang sarili sa reyalidad matapos maalala ang mga sandaling iyon sa nakaraan niya. Naroon pa rin ang nag-iisang kama. Naroon pa rin siya, pero wala na ang lalaking nakatabi niya.
Pinagtuunan niya ulit ng pansin ang mainit na kape at ininom. Tiningala niya ang langit at napansin ang mga nagpapadilim na ulap. Kakaunti ang mga bituin ngayong gabi. Balak pa naman sana niyang humiling.
Tiningan niya ang kapansin-pansing kahon sa kwarto niya. Napangiti siya sa sarili niya, umaasang magugustuhan ni J ang regalo niya. 'Kahit ano naman, basta galing sa'yo.' boses ni J na naririnig niya sa likod ng kanyang isipan sa tuwing tinatanong niya ito ng gusto nitong regalo noon.
Umihip ang malamig na hangin dahilan para ilapag niya ang tasa ng kape at yakapin ang kanyang mga braso. Kaliwa't kanan niyang iniling ang ulo upang igiya ang sariling 'wag nang mag-isip.
Malamag ay mahimbing na ang tulog ng lalaking iniisip niya ngayon. Marahil katabi nito ang mapapangasawa, yakap ito kung gaano siya kahigpit yakapin nito noon.
'What did he saw in her? A big future?'
Tawa niya ang pumunit sa tahimik na gabi at tinungo ang kanyang aparador. Pagpapantasyahan muli ang kanyang damit para sa kaarawan ni J.
'Unting paghihintay na lang.
J 10:09 PM 2 days before
"Love, baka isang oras pa ako dito sa EDSA. Tangina, Friday night it is," wika ni J sa telepono kausap ang kanyang fiancé. "Ginabi na naman ako sa opis napakadaming pending. Gago pa itong si Nestor, binigyan ako ng isa pang proposal," dagdag niyang sumbong.
"Kumain ka ba bago mag-drive? Paghahanda pa ba kita? Hihintayin na lang kita para sabay na tayong matulog." nag-aalalang sagot ni Caye sa kabilang linya.
Tila natanggal ang pagod at bigat ng katawan ni J sa malambing na tono ng kasintahan. "Thank you, love. Opo, kumain na ako. Salamat at 'wag ka na mag-alala. Gimme 30 minutes, patungo na 'ko sayo."
"Sige, love. Mag-ingat ka, para sa 'kin. Please?"
"Yes, love." sabay pinutol ni J ang tawag.
Napangiti na lang siya ng nakita ang kahabaan ng Crossing sa EDSA. Madalas kasi siyang nandoon noon. Napailing siya at napaisip.
'Kumusta na kaya si K?'
Sa kalagitnaang ng pag-iisip ay pinatugtog niya ang E-heads hit na Alapaap sa stereo ng sasakyan.
K 9:02 PM 1 day before
Paggising niya ay agad siyang nakatanggap ng mensahe mula sa kaibigang siya ding nag-rekomenda sa kanya ng massage parlor. Ngayon na raw pala magsi-celebrate ng birthday si J at di na sa mismong araw ng kaarawan nito. Hindi niya malaman kung nahihilo ba siya o sumasakit ang kanyang tiyan. Ilang oras na siya kinakabahan.
Bakit ba kasi kailangang mapaaga ng plano niyang pakikipagkita ditto?
Wala siyang magawa buong araw hanggang sumapit ang alas-nuwebe ng gabi kundi ang ikutin ang bawat sulok ng bahay niya. Hell, she even tried distracting herself by watching films and sleeping again, pero sadyang lumilipad ang isipan niya. Nag-aalala siya sa mga maaaring mangyari mamaya.
Ilang malalalim na hininga na ang pinakawalan niya habang inaayos ang suot na itim na bestida. Kapit na kapit ito sa katawan niya kung kaya naman kitang-kita ang kurba ng balingkinitan niyang katawan. Ang pulang sapatos naman na regalo ng kanyang matalik na kaibigan sa kanya noon ay ilang oras na din niyang inilalakad dahil sa taas ng takong nito, sinisiguradong hindi siya dapat kabahan dahil baka siya'y matapisod at mapahiya sa oras na kaharap niya na si J.
Muli siyang huminga sa harap ng malaking salamin matapos lagyan ng pulang kolorete ang kanyang labi.
'Kaya mo 'to. Si J lang 'yun, baliw. Hindi bago sa'yo makipagkita dun!'
Mapait na ngiti ang binalik na lamang ang binalik niya sa kanyang repleksyon at saka nilisan ang bahay niya.
=====*=====
K 11:16 PM 1 day before
"Uy, ayan na naman sila J oh." "'Wag ka ngang maingay.. baka marinig ka nila." "E ano naman?! Uy, J, hello daw sabi ni K!" "Uy! Ano ka ba?" "Tama na nga yan! Pinapahiya mo naman yung kaibigan natin e."
She saw him. Right then and there with his serious yet warm face. His even and smooth moves making her stuck staring at him. Hindi na nga ata siya magsasawang ulit-ulitin pa ang eksenang yun buong buhay niya. Her first love, walking outside the building, laughing with his friends. Mistulang kahapon lang nangyari nang makilala niya si J. Mahilig kasi 'tong tumugtog kasama ng mga kaibigan nito sa ilalim ng puno doon sa field ng kanilang eskuwelahan. Madalas tuloy siyang kantyawan ng mga kaibigan niya noon simula nang itanong niya sa mga ito ang pangalan niya. Hindi pa nga niya nakakalimutan ang unang pagkakataon na magtama ang mga mata nila noon habang kumakanta ito at nagi-gitara. Pakiramdam niya noo'y nagkaroon ng panibagong klase ng reyalidad. 'Yung tipong silang dalawa lang ang naroon at wala na'ng iba.
Nang makahanap ng tiyempo ay sinimulan niya nang salubungin ito kasabay ng mga hakbang na tila bumibigat habang lumiliit ang kanilang distansya. At sa wakas.
Tipid na ngiti kasabay ng simpleng kaway ang ibinigay niya sa nag-iisang lalaking nagmamay-ari ng puso niya.
"It's K. Still remember me?" Dinugtungan niya yun ng mahinang tawa. Hinihiling na sana natanggal nun ang kaba sa kanyang boses at tensyon sa kanyang dibdib.
J 7:02 AM 1 day before
“You know how much I love you. Always… in all ways.”
Napadilat si J. Balot sa kanyang bisig ang magiging asawa. “Panaginip…” napahinga na lamang ito kasabay ng paghawi sa buhok ng babaeng katabi. Kasabay ng mga tilaok ng manok ay ang bukang liwayway. Sinag na ang araw at halatang-halata ito sa mga kurtinang ang mapapangasawa mismo ang pumili, kulay lila. Aninag ang anghel na mukha nito na tila panatag at mahimbing ang pagkakatulog. Hingang malalim ang ibinigay ni J sa pangalawang pagkakataon habang sentralisado ang pagtingin sa kahimbingan nito. Napangiti si J at yumuko upang bigyan ng magaang halik ang sinisinta.
“Mahal kita..”
=====*=====
J 9:02 AM 1 day before
“Uhm.. mw…. Mw.m...ummm.. “
Muli ay napadilat si J. Pagkakaiba’y pinupugpog na ng magiging misis ng mga halik ang mga pisngi niya. “Wakey, wakey, love.. Um. um.. mwa..” Nasa ibabaw ito ni J na tila pusang naglilinis ng balahibo nito. “Good morning, my love..” sabay pasimula ng mainit na yakap nito na dama sa buong sistema ni J. “Kain na at baka ma-late ka. I’ve prepped our breakfast na.”
Ngiti agad ang sagot ni J at ginantihan ng yakap ang kapit-koala niyang iniirog. “Ganda, gandang umaga…” amoy ang halimuyak ng buhok nito ay mas lalong gumanda ang simula ng araw ni J.
“Yiee 'yung isa diyan, tatanda na naman,”
“Sino? Sino kaya yun? Hmmm…”
“Ikaaaaw...” sabay tago nito sa dibdib ni J.
Pasimpleng may kinuha si J katabi ng lampshade.
“Love, nagpa-book na ako bukas. Palawan.”
Nanlaki ang mata ng babaeng katabi niya sa kama na tutok sa ticket "Palawan for two... Omg, love! Aw... thank you, ikaw dapat ang sinu-surpresa, e!” sabay higpit lalo ng pagkakakapit nito kay J.
Natutuwa siya sa biglaan nitong reaksyon. Titig lang ang lalaki dito. Alam niya na nagalak at nasiyahan ang sinisinta sa munting surpresa niya. Lumingon sa kanya ang kasintahan, kasama ang ngiting anghel nito at sinugod nito ang mapulang labi sa sariling labi ni J.
=====*=====
J 11:16 PM 1 day before
“ALRIGHT! HAPPY BIRTHDAY PAPI J!” kantyaw ni Nestor na may espiritu na ng Muchong kanina pa nito nililigawan.
Kanina pa natapos ng grupo ni J ang quota para sa araw na ito. Halos isang oras na rin ang lumipas bago magsimula ang kaunting selebrasyon ng kaarawan ni J sa opisina. Bilang team leader ay hindi siya maka-hindi sa mga kasapi ng kanyang grupo. Kakaunti na rin ang tao noon, tila sila-sila na lang ang nag iingay at nag ku-kuwentuhan at namumulutan at nagkakasiyahan sa opisina ng ganitong oras.
“Inom lang, ha? Bukas balik sa mga proposal tayo, napaalam ko na sa sekyu na lasing kayong lalabas ng building na ‘to,” pabirong linyahan ni J sa mga kasamahan nito sa trabaho. Kinalabit nito si Nestor na medyo gewang na. “Nes, isoy tayo…” akay nito. “Walaha naakohu… dito sher J….” Sagot ni Nestor sa kanya.
“Tara Sir J, bibili rin ako ice tube, eh. Baba na lang tayo sa 7-11,” wika ni Regie na kontrolado ang sarili sa alak siguro’y dahil na rin sa pagiging tanggero nito.
“Sige, sige,” sagot ni J.
“Samaha..!” epal ni Nestor.
Ground floor. tunog ng elevator na sinakyan ng tatlo.
Naglalakad na sila patungong 7-11 nang biglang nagsuka si Nestor at napatigil ang tatlo sa gilid ng isang puno. “Puta, kaya pala,” inis na sambit ni Regie. “Sige pre, ako na lang bibili, alalay lang diyan ha, balikan ko kayo.” sagot ni J na natatawa at napapailing pa habang naglalakad nang sa di kalayuan ay nakita niya ang mestisang alam niya na siya lang ang ganun ang pagkakakulay, kasama ng labing pulang pula at ang lakad, hindi niya maikakaila. Sigurado siya. Papalapit sila ng papalapit sa isa’t-isa.
“It’s K. Still remember me?”
Narinig niya. At pagkakita niya'y sigurado siya. Si K nga.
K The day
Nang wala pa rin siyang nakuhang tugon dito ay nilakasan niya na'ng loob niya para yakapin agad ito. "I miss you. Happy birthday, baby!"
J The day
Parang nawala sa ulirat ng ilang segundo, halo ang emosyon. May takot, pag-aalala, at madali. At naramdaman ni J na may humigpit sa katawan niya.
Napaatras ito at hinawakan ang mga bisig ng babae para bumitaw.
"K?.... Ikaw?" nakawala na ito sa yakap ng babaeng matagal nang wala sa bokabularyo niya na tila tumining ang tenga nyang nagbabalik lahat.
K Halos mangiyak-ngiyak na siya sa ginawa niyang pagyakap dito. Parang isandaang taon sa pakiramdam ang lumipas nang hindi niya ito nakasama.
"Oo, ako nga 'to, J.. para kang nakakita ng multo." dinugtungan niya ulit ng tawa ang sinabi niya at hindi na hinintay pa ang sagot nito, niyakap niya itong muli. Nang mas mahigpit. Gusto niyang maramdaman na totoong kayakap niya na ang lalaking matagal niya nang gustong makuha ulit. Napapikit siya nang mariin at hinayaang pumasok sa kanyang sistema ang pamilyar na amoy nitong hindi nawala sa kanyang memorya.
"Miss na miss kita..."
J Muli ay hinawakan nito ang mga bisig ng babaeng sa gabi ay mutawi ang pagka-mestisa kasama ng itim nitong blusa. "Oo," naiilang niyang pagtawa "Ikaw nga pala talaga. Salamat, ah." manaka-nakang nangatog ang sistema nito kasabay ang paglingon sa dalawang kaibigan na patuloy ang pagtatawag ng uwak.
"K..." Sabay tanggal ng pagkakayakap nito sa kanya. "Halika," naglakad ang dalawa at narating ang 7-11. Halatang bakas sa lalake ang kaba at pagkahiya. Muling pagkikita ba naman ng una niyang minahal makalipas ng dalawang taon. Napahingang malalim ito.
Nabili na ni J ang kailangan niya. Sumindi rin ito ng yosi para mabawasan ang tensyon. Sa bukana ng convenient store ay bigla na lang niyang nasabi.
"Makakahintay ka ba?"
K Batid niya namang may kasama ito sa kabila ng biglaang pagpapakita dito sa gitna ng gabi. Hindi niya na kasi matiis na palampasin pa ang ibinibigay sa kanyang pagkakataon ng tadhana upang makausap ito.
Tiningnan niya ito saka pinagtuunan ng pansin ang paglalaro sa kanyang mga daliri.
Napansin niya ang pagyo-yosi nito. Gusto niya sanang isaboses ang kompirmasyon kung bumalik na ba ito sa dating bisyo pero nawalan siya ng lakas ng loob.
Isa kasi sa mga bisyo nito ang muntikan nang maging dahilan ng hiwalayan nila noon. Agad naman nitong tinigil 'yun noong nagkausap sila. Hindi niya akalaing babalik ito sa dating gawi nang lisanin niya ang buhay nito pansamantala.
"Oo naman. I can wait in the car."
J
Lumipas ang dalawang oras at nagsimula nang magligpit ang team ni J sa opisina. Nagbalot ang iba ng tirang pulutan, ang iba'y nagpunas ng mga desk at cubicle na nalapastangan. Medyo nakainom na si J at ang iba.
"O siya, kaniya-kaniyang batsi na ah," alam ni J na nasa katinuan pa siya at kontrolado ang sarili niya.
Tumunog ang cellphone niya. Ang kasintahang mapapangasawa. Tiningnan niya ang oras. Ala-una na rin pala. Hindi niya namalayan ang oras. Kaarawan na niya.
‘Love, saan ka na ba? Baka naman nasobrahan ka sa pag-inom, ha?’ alala nito sa mensaheng pinadala.
Agad-agad ay tinawagan ni J ang asawa. "Uh, hello, love. Tapos na rin kami dito. Nagliligpit na lang. Alam mo naman si Nestor." hinaluan niya iyon ng tawa para gumaan ang usapan.
"Ah, sige. Ingat ka." halata sa boses ng babae ang tampo. Alam ng babae na simula na ng kaarawan ni J at gusto niya sanang ibigay ang regalo nito pagkauwing-pagkauwi sana nito mula sa opisina.
"Ingat, okay? Matutulog na rin ako." dagdag nito.
Magsasalita pa lamang si J ng biglang binabaan siya ng telepono ni Caye. "Malas naman."
Nagmadali ito at nagpaalam na sa mga katrabaho niya na tila may hinahabol na pending.
"Hala shige Sir Jehhy.. Gg sa asawaha.." tawanan ang grupo niya.
"Gago!" habol nito habang nagmamadaling sumakay sa elevator at naalala si K.
"Gago nga."
Nasa basement na si J ng building. Nilalaro ang susi nang biglang may bumusina. Sobrang liwanag ng parte na iyon dahil sa ilaw na pinapakawalan ng kotse nito. Kulay itim. Alam niya kung kanino ito.
"Gago talaga." bulong nito sa sarili.
K
Napagdesisyunan niya na lang na bumaba ng kotse para salubungin si J dahil mukhang naga-alinlangan pa 'tong lumapit sa direksyon niya. Once a few inches away from him, she could sense the faint smell of beer mixing with his scent. "Uh.. uuwi ka na?"
J
"Uh, oo eh.."
"Napasugod ka?.." dagdag nito na tunog kalmado gaya ng natural nito. Sa loob-loob nito'y naguguluhan na. Kausap ang sarili.
'Ganito pa rin siya.' Natawa na lang ito bahagya sa loob-loob.
K Hindi nakatakas sa paningin niya ang singsing sa daliri nito. Oh, if he only knew how devastated she was when she knew about his engagement. Nilunod niya ang sarili noon sa alak at sa paminsan-minsang pagpapaubaya sa droga. She dissapointed her friends and colleagues. Akala marahil ng mga ito ay siya 'tong tipo ng babae na walang iiyakan. Nagkamali sila. But this time, she's more than willing to do what it takes to get her man back. To where he only belongs. Hindi niya 'to maaaring pauwiin. Hindi niya alam na baka ito na lang ang nag-iisang pagkakataon para makausap niya ito.
"I know it's been years. Kaya nga ko bumalik kasi gusto ko sanang makipag-usap sa'yo. Kung ayos lang?" "And I have a gift for you. Nasa bahay nga lang.. if you don't mind?"
Pakiramdam niya ay tatanggi na agad 'to sa unang kagustuhan niya kaya naman agaran niyang dinugtungan ito. Sana lang ay pumayag siya.
'Please. Sana pumayag ka.'
J "Kawawa naman si sir Jehhy nobhhbb habahan..."
"Eh ikaw ba naman kantyawan ng malalah ehii.." banggit ng isa pa..
Rinig na rinig ang boses ng ilang grupo ng kalalakihan na pababa sa basement. Napatingin si J kay K. Sa unang pagkakataon ay muling nag-krus ang landas ng mga mata nila.
Walang halong salita ay agad na hinawakan ni J ang kamay ng dalaga at dali-daling sumakay sa kotse nito.
"Kung minamalas ka nga naman." sambit nito na minadali ang pag-start up ng makina.
"I'll take you somewhere else, baka may makakita pa sa atin pag dito lang tayo mag usap." kasama ng mga salitang ito ang pagpapaandar ng kotse palabas ng building.
Hindi alam ni J kung ano'ng maaaring mangyari ngunit alam niya na may nakatakda siyang prayoridad. Muli ay pinapatunayan niya ang pagiging radikal at kalmado niya sa ganitong sitwasyon.
"Kumusta ka?"
K
Hinawakan ni J ang kamay niya. Hinawakan ni J ang kamay niya. Hinawakan ni J ang kamay niya.
Parang bumalik ang katauhan niya sa pagiging isang kolehiyala. Bumilis ang pagtibok ng puso niya at tila ata naramdaman niyang uminit ang kanyang mga pisngi.. pero bigla siyang nalungkot sa ideya na kinailangan siyang itago nito mula sa mga ka-trabaho. Siguradong kilala na ng mga ito ang fiancé ni J. Magtataka nga naman ang mga iyon kung bakit may kausap siyang babae na hindi nila kilala.
Pinokus niya na lamang muli ang atensyon sa daang tinatahak nila at sinimulang buuin ang isasagot niya rito.
"I'm fine!" pamemeke niya ng sigla sa kanyang boses, "I've actually been. America's... been a good change of temporary environment and lifestyle..." binalingan niya ito ng tingin habang nakakunot noo itong nagmamaneho.
He was not like that before. Uncomfortable with her. They were the perfect match and J felt at ease every time he was with her. Tila ibang tao ang katabi niya ngayon sa sasakyan.
'Sinaktan mo siya. Hello, what do you expect, girl? A warm hug and torrid kiss?' sita ng isang boses sa isip niya.
"..except that you weren't there with me." dugtong niya sa naudlot niyang sagot rito.
Magaan niyang nilapat ang kanyang palad sa tuhod nito, "I've missed you terribly, J."
J
"Tunog foreigner ka na, ah." kantyaw ni J sa kanya na tila hindi ininda ang nakalapat na kamay sa tuhod nito. Nakadama siya ng kakaibang pakiramdam kahalo ng kaunting nainom nito na alak.
"You looked and sound so different, parang dati lang you can't gather your thoughts well," dagdag nito na may halong asar. Alam niyang madaling mainsulto si K. Pasimpleng hinawi ni J ang tuhod nito para matanggal ang kamay na nakalapat dito.
"Hay. Grabe ang araw na 'to," sambit na lang nito habang tutok pa rin sa daan.
'Alam niya na kayang ikakasal ako? Mukha naman sigurong halata.' kausap nito ang sarili, nagtataka kay K sa katapangan nito na sumugod patungo sa opisina niya. 'Ah.. hindi pwedeng magtagal kami ng ganito, mayayari na talaga ako kay misis.' pahabol nito sa sarili.
Iba ang ruta ng daan ngayong madaling araw, hindi ito patungong EDSA. Tumigil sila sa kahabaan ng C5. Muli ay nag-park sa mapunong bahagi kalapit ng isang fastfood chain.
"Salamat, naalala mo pa yun,"  panimula nito habang nakatitig sa salamin na aninag ang mukha ni K.
"Hindi ka ba gutom? Matagal din yong paghihintay mo, ah." pinindot ni J ang unlock button ng sasakyan upang bumukas yun.
"Libre na lang kita."
K
Natawa na lang siya nang mahina sa mga tinuran nito.
"You changed and so do I. Pero ikaw pa rin yung J na nakilala at minahal ko." At minamahal ko.
Sinusubukan nitong pagaanin ang tensyon sa pagitan nila at unti-unti na ring gumagaan ang pakiramdam niya habang kasama ito. She has a lot to say to him. She badly wants to speak up right now, but all she could do was to nod and smile at him.
J
"It's been a while.." nilingon nito ang babae. "Ang dami nang nagbago, K," tinignan niya ito. Blangko at seryoso. Sabay pakawala ng ngiti.
K
Kung kanina ay siyang-siya ang pakiramdam niya tuwing nagtatama ang kanilang mga mata, ngayon nama'y ayaw niya salubungin ang tingin nito. Tingin ni K ay hinuhusgahan siya nito sa ginawa niyang pang-iiwan.
She cleared her throat before speaking, "We should go to my house para na rin maibigay ko 'yung regalo ko sa'yo."
Naalala niyang mukhang nagmamadaling umuwi si J. Kailangan niyang makumbinsi itong manatili pa nang mas matagal kasama siya.
"Don't worry, 'di naman tayo magtatagal 'don."
J
Hindi niya alam ang gagawin. 'Iniimbitahan niya ba ako sa bahay niya? Para saan? Para sa regalo? Tama ba ako?' ang dami ng naglalaro sa isipan ni J. Dala na rin ng alak na karga nito at tibok ng dibdib, napatutok siyang muli sa daan.
"Taga-Pasig ka pa rin ba? Ilang minuto lang din naman 'yon dito." alam niyang may mali. Pero may parte sa sarili niya na nais pumunta sa minsan ay naging tahanan niya.
"Pero hindi ako magtatagal. Aalis agad ako pagkuha ko." kasabay nun ay ang pagpapandar niya muli ng kotse. Huminga siya ng malalim. 'Pangako't huli na ito. Pangako J.' pagkumbinsi nito sa sarili.
K
Nakahinga siya nang maluwag nang nagsimula muling umandar ang kotse. Masaya siya dahil di niya na kinailangan pang sabihin ang lokasyon ng bahay niya rito. Sigurado siya dun.
"Kumusta naman ang buhay ng isang engaged?" tanong niya dito na may kaunting halo ng pagka-sarkastiko.
Hindi niya na tinanong ang kaibigan niya na may kilala sa mapapangasawa ni J. She's not insecure. J was broken and alone. Sadyang nangailangan lang siya ng masasandalan at pansamantalang makakasama noong iwan niya ito. Sa isip ni K'y kung bibigyan man siya ng pagkakataon ni J na kunin ulit ang puso nito, tiyak na magagawa nitong iwan ang fiancé niya kaagad para sa kanya.
J "Gago." natawa si J sa sinabi ng babae. Alam niyang may halong asar ang nais iparating nito sa kanya.
"Ayos. Ayos pa naman. Masaya kami. Nagmamahalan." seryoso siya. Alam niya sa sarili niya na hindi niya niloloko si K upang magyabang lang. Seryoso siya.
Nagkakilala sila ng nobya sa isang gig sa B Side Collective mahigit isang taon na ang nakalipas. Si J bilang isang masugid na tagahanga ng musika ay madalas tumambay sa mga ganoong okasyon. Nabaling ang mata niya sa isang babae na mag-isa rin ng mga panahon na iyon.
"Ey! Tom's story mahal ko kayo!"
"I love them, too." sambit ni Caye na tila siya ang kausap ng lalaki. At doon na nga nagsimulang makulayan muli ang itim at puting buhay ni J.
"Saan nga ba liliko? Isang kanto na lang 'to, di ba?" paninigurado niya pero sa loob-loob niya ay alam na alam niya ang pasikot-sikot dito. Lalo siyang nakakaramdam ng iba. Hindi pala kakaiba ngunit mga lumang pakiramdam. Nagbabalik ang mga ala-alang pinagsamahan nila ni K. Kinabahan ito lalo.
K
Pasimple at dahan-dahan niyang tinanggal ang seatbelt niya at bahagyang dinikit ang kanyang dibdib sa lalaki.
"Oo, isang kanto na lang.." bulong niya dito.
"Is your fiancée pregnant already?" tanong niya dito kasabay ng paggapang ng daliri niya sa braso nitong abala sa pagmamaneho.
Kung susumahin, tiyak naman na mas matagal ang pinagsamahan nila ni J kumpara sa fiancée nito. Kung totoo ngang mahal ni J ang fiancée niya, hindi siya mababahala. Mahal niya si J at alam niyang mahal pa siya nito. Nararamdaman niya yun. Her instincts never failed her. Handa siyang gawin ang lahat para lang bumalik sa kanya ang lalaking dahilan ng pagbalik niya sa Pinas.
J
Alam niya na si K ay may pagka-liberal at iniisip niya na lalo itong mas naging 'adventurous' kasabay ng pag-trabaho nito sa America.
Hinayaan niya lang na lamang ang babae dahil at inabal ang sarili sa paghahanap ng gate ng bahay nito.
"Nandito na," sabay pasimpleng wasiwas ng pagkakadikit ni K sa kanyang braso.
K
Hindi niya na lang pinansin ang ginagawa nitong pag-iwas sa kanya pero naiinis siya sa asta nito. She guided him inside the house. She muttered a silent 'Yes' for owning a door with a password lock. Kung sakaling takbuhan siya nito ay kakailanganin muna nitong tumalon sa veranda niya. Natawa na lang siya sa sarili.
Nakita niya si J na nililibot ang paningin sa kabahayan.
"Welcome home again," she said to him with a sweet smile.
"Akyat ka sa kwarto ko if ok lang. Nandoon kasi gift mo. May kukunin lang ako sa kitchen saglit." turan niya kay J habang kagat ang ibabang labi niya.
J
"Hindi ako magtatagal, alam mo naman siguro may kargo na ako," tawa nito. At umupo na lang sa sofa.
"Ayos na ako dito. Ikaw na lang kumuha sa kwarto mo after. After all, pribadong lugar mo pa rin yon," dagdag nito kasama ng isang ngiti.
K
"Oh, sure. Give me a minute." deep inside, she frowned. Uwing-uwi ito sa fiancée niya. Parang dapat pala sana ay hiningi niya sa kanyang kaibigan ang larawan ng fiancée nito.
Mas maganda ba yun sa kanya? Mas matalino? O mas magaling sa kama?
Hinubad niya na ang ang kanyang blusa at nagsuot ng roba. She got her gift and went directly to the kitchen to pour them both a glass of red wine.
Tinungo niya ulit si J na prenteng nakaupo sa sala. Iniabot niya rito ang pulang inumin at inilapag ang regalo sa mesa.
"Cheers to your birthday." she said with her dark gaze and a discreet playful smile.
J
Tinungga niya ng isang lagok ang ibinigay ni K. "Isa lang. Tama na yun," hirit nito pagkatapos. Nililingon niya ang kahon na nasa mesa.
Kinuha niya ito. "Akin na 'to, di ba? Salamat, K. Pa'no ba yan? See you when I see you?"
'Putangina. Ano ba 'tong pinasok mo J?' naramdaman niya ang sipa ng wine na kakalagok niya pa lang na humahalo sa mga alak na ininom niya kanina sa opisina. Naghahanda na itong umalis sa kinatatayuan niya.
K
Nataranta siya nang makitang paalis na ito. Hindi niya tuloy alam ang gagawin para pigilan 'to.
"Ah.. wait lang! H-hindi mo ba muna bubuksan 'yan?" tukoy niya sa regalong madaliang kinuha nito. Napapahigpit tuloy ang hawak niya sa inumin na nasa kamay niya pa rin at di pa niya nainom.
Tahimik siyang lumapit pa sa lalaki.
J "Doon na lang siguro sa bahay." tugon nito na hindi makatingin ng diretso sa kausap. Ayaw niyang may ibang mangyari kung hindi ang pag-alis nito sa bahay ni K.
K
"You should have some coffee with me tonight.. mukhang di mo kayang magmaneho nang maayos ngayong gabi," tuluyan na siyang naglakad palapit sa lalaki. She began tracing random lines on his polo. "Delikado na..."
"Baka mapa'no ka pa sa labas.. You can sleep in the guest room, J..." aya pa niya dito.
Mukhang malapit na sa imposible na mapapayag niya ito. She drink her wine hoping it would calm her senses and hopes for the best.
J
Hinawakan ni J ang mga balikat ng babae. "Alam mong may naghihintay sa akin. Alam mo yan..." tinignan niya ito mata sa mata.
"...nag bago ka na. Nagbago din ang lahat. Hindi lang ikaw." kasabay ng kanyang mga sinambit ay ang pagihip ng malamig na simoy ng hangin na pumalibot sa silid.
Titig ito sa mata ni K. "Oo, na-miss din kita." dagdag nito.
K
Nagtiim ang panga niya sa sinabi ni J. Tinignan niya ito nang masama pabalik. Parang dinudurog siya ng lalaking mahal niya sa kabila ng huling sinabi nito.
"Alam mo ding mahal mo pa ako.." ganti niyang tugon na tunog nagmamakaawa rito.
"You've been with her for what? 3 years? Wala yun sa tinagal natin, J..." she managed to scoffed out while sounding like she's pleading. Bakit ba parang naiiyak siya, nag-iinit ang gilid ng mga mata niya. What a crappy wine.
Ayaw niya ng tingin sa kanya ngayon ni J. Pakiramdam niya ay naaawa ito sa kanya. And she don't want him sympathizing her. Hindi awa nito ang kailangan niya. Agad niyang binago at nilambutan ang ekspresyon ng kanyang mukha, hinayaang mahulog ang kanyang roba at agad na niyakap ang lalaking nasa harap niya.
"If you truly miss me.. then please stay..."
J
Hindi na bago kay J makita ang mga kurba ni K. Alam niya. Alam na alam niya ang bawat guhit nito napansin nya na may tattoo na ito sa gitnang bahagi ng likuran. Nagulat siya pero alam niya na matagal na itong gusto ni K.
'Gustong-gusto ko na magpa-tats, baby..' nakangusong sambit nito noon na ngayo'y naisakatuparan na.
Napangiti na lang si J ng makita ang tintang pakpak sa likod niya. "Siraulo ka talaga." tugon nito sa lahat ng sinabi sa kanya ng babaeng ngayo'y nakayapos sa kanya.
K
She smiled bitterly despite the tears welling on her eyes. Matapang niyang iginapang ang isa niyang kamay sa pribadong parte ni J at masuyong hinahaplos yun. With the little hint of courage from the red wine, K claimed his lips, tasting the toxicating taste of him after all those years.
J
Nagulat si J. Lalong bumalik ang lahat. May kaba at pagkasabik. Hindi niya iginagalaw ang labi niya ngunit napapahigpit ang mga kamay niya sa mga braso ni K. Gusto niya itong itulak. Gusto niya.. 
"Pero..."
K
She shushed her like how she used to when they were making love. Hindi siya sigurado kung ganun pa rin ba ang epekto niya sa lalaking kay tagal niya nang hindi nakasama. She wished for the positive.
Marahan niya itong tinulak paupo ulit sa mahabang sopa. Kahit na hindi nito tinutugon ang mga halik niya ay patuloy lang siya sa paghalik sa mapulang mga labi nito.
She remembered how they had their first long kiss back in college. It was in their locker room. Muntikan pa nga sila mahuli ng mga kaibigan niya kung hindi lang sila tumigil agad.
Oh, how teasing his smile was when they separated to go to their own classrooms that day.
Binalik ni K ang atensyon sa kasalukuyan. Masuyo niyang kinuha ang isang kamay ni J at ginabayan ito para hawakan ang kaliwa niyang dibdib habang inaakit ng dila niya ang bibig nito para tugunin siya. She then sucessfully inserted her hand inside his slacks, massaging his love muscle teasingly.
J
Tulala, balisa at malapit ng mawala sa katinuan. Dama ang darang na lumilibot sa labi niya, napaupo muli si J sa sofa. Dama ang labi na naglalaro sa manhid niyang bibig. Dama ang kamay ng babae na pumapasok sa kanyang pagkalalaki. 'Hindi... h-hindi dapat..' kalaban ang konsensya niya at pilit sinasabing mali ang pagpatol kay K dahil siya'y may kasintahan na.
Nanginginig si J at agad hinawakan ang mga pisngi ni K. Iniatras bahagya at tinignan ito ng taimtim. "K.. b-bakit?" tanong nito sa hubad na babae sa kanyang harapan.
K
She half expected a hand to slap her face but she was asked a question instead.
Hinaplos niya ang pisngi ng lalaking kahit kailan ay hindi maaaring iwanan siya. Hindi niya kakayanin, sigurado siya dun.
"What do you mean?.." balik niya dito sa pinaka-malambing niyang boses. "Nandito na ko.. You can come back to me now.." Hindi niya na ito hinintay pang makasagot at siniil muli ng maapoy na halik ang mga labi nito. She started unbuttoning his polo then turned to unbuckling his belt.
Ramdam niya ang bahagyang panginginig nito sa kanyang mga haplos kung kaya't inilapat niya muli ang mga kamay ni J sa kanyang dibdib bilang paanyaya.
She moaned at his steady touch hoping it would lead him on. Tiningnan niya ito sa mga mata, bakas ang pagkalito at panghihina gawa ng alak at marahil ay ng ginagawa niya. Sinimulan siyang halikan ni K sa dibdib pababa sa tyan nito bago niya dilaan ang pribadong parte ng lalaki. She felt him hardened in her mouth.
J
"K..."
Alam niya pa rin na mali ito, kahit saang anggulo. Ang gulo. Hindi niya kayang kumalas o hindi niya nga ba talaga kaya? Marahil ay nakakadama na si J ng init mula sa romansa ng bibig ng babae.
"Hm..." mababang halinghing nito sa mainit na bulusok ni K.
Tumingala na lamang si J, nakarehas ang kamay sa sopa at tila unti-unting iniindayog ang katawan sa saliw ng bibig ng katapat niya ngayon..
"Uh ..."
K
Ang pagtugon lang naman ng katawan ni J at ang pag-ungol nito ang kanyang hinihintay para igihan pa ang pag angat-baba ng kanyang bibig sa pribadong parte nito. Dama pa rin niya ang pagpipigil ng lalaki kasabay ng pagpapaubaya nito sa kanya.
Kinuha niya ang kamay ni J para ilagay sa kanyang buhok, iginigiya itong siya ang magmaniobra sa paglabas-masok nito sa kanyang bibig.
Habang nakapikit ito'y pasimple niyang hinubad ang kanyang pang-ibaba. She then placed her hand on his balls, gently masssaging as she bob her mouth up and deep down his length.
J
Hawak ang buhok ng babae ay tila naghahabol ito ng hininga. Dahil ba ito sa tensyon o sensasyong nadarama niya ngayon. Pati ang sarili niya ay naguguluhan.
"F...c..k.." malalim na tugon nito sa lahat ng trabaho ni K sa kanya.
Hinawakan niya muli ang pisngi ng babae at iniharap muli ito sa kanya.
"K..."
K
Oh, how she loved hearing him whisper her name. Tila ba nagdadasal 'to na may gustong-gustong makuha at dapat niya iyong ibigay.
Tumayo siya mula sa pagkakaluhod sa harapan nito at ginabayan ang kamay ni J para idampi sa basa niyang ari.
"Oh...babe.."
Nagpatuloy siya sa paggabay sa paggalaw ng kamay ni J sa ari niya habang sinasaliwan niya iyon ng makamundong pag-ungol. Nang magsawa sa kamay nito ay muli siyang umupo sa kandungan nito at siniil ito nang malalim na halik. Batid niyang ramdam nila pareho ang bahagyang pagkikiskisan ng kanilang mga ari.
"Babe..I want you.."
J
"Babe..I want you.."
Tila nahimasmasan si J nang narinig niya ang mga katagang iyon at hinawakan ang bewang ni K para tumigil sa paggalaw.
"Respetado kita alam mo 'yon. Ano ba'ng ginagawa natin?" tanong nito.
Bumalik sa kanya lahat ng sakit at hapdi. Hindi niya tiningnan ang babae dahil alam niya na kapag tumingin siya sa mata nito ay babagsak ang kanyang mga luha. Luluha ito sa harapan ng una niyang pag-ibig. Luluhang parang bata na magtatanong.
'Nasan ka noong mga panahong durog na durog ako?' naglalaro ito ngayon sa isip ni J.
Inisip niya ang lahat. Lahat ng sakripisyo't pag-aalala. Pagpapahalaga at pag-aalinlangan. Nagkaroon siya ng tapang para tignan ng diretso si K.
Walang salita.
K
"Kaya ako bumalik, kaya nga nandito na 'ko.. para sayo, J.."
Inaamin niya sa sarili na hindi ganun katindi ang pagmamahal niya sa lalaki ng mga panahong yun para piliin ito kapalit ng pagtatrabaho niya sa ibang bansa. But now she thinks she accomplished everything she wants at ang lalaki na lang ang kulang upang tunay siyang sumaya.
Hinaplos niya ang pisngi nito at ipinahinga ang kanyang noo sa lalaki. "Mahal mo ko.. mahal kita.. ba't di na lang tayo magsimula ulit?" bulong niya dito sa nangangarag na boses. "I'm sorry for leaving you.. you know I am.. Please.. Ako na lang ulit.."
She hugged him tight, not willing to let him go. Never again.
J
Nabuhayan si J at ang diwa nito sa mga narinig na salita. Niyapos niya pabalik ang babae, hindi niya alam kung kanino siya maaawa. Kung sa sarili ba o sa kayakap niya ngayon.
"Talunan naman ako palagi pagdating sa ganito." ngarag na diin nito sabay tawa na alam niyang bibiyak na sa pagluha.
Hindi niya kontrolado ang oras, ang panahon. Walang tiyak na maaaring mangyari sa mundo niya at sa mundo ng lahat. Ang tanging alam niya sa mga oras na ito ay panganib at pangamba.
"Masyado ka namang naging agresibo ngayon. Grabe ka, bata." biro nito.
Bata ang tawag nito kay K noon dahil sa pagiging hindi wais nito sa pagdi-desisyon. Padalos-dalos at sugod nang sugod. Mataas ang pride at laging sinasabing kaya niya kahit na mahirap at minsan kahit na hindi naman. Matagal na rin, matagal na rin ang pangyayari at alam ni J na nagkalamat na ang puso nito. Hindi na ito mawawala.
"Napatawad na kita, kahit noong di ka pa humingi ng sorry," buong tapang na sinundan niya ang biro ng linyang alam niyang may halong yabang pero totoo. Buong puso.
"Matagal-tagal na rin." 
                                                    --- WAKAS ---
0 notes