#habang may buhay may pag-asa
Explore tagged Tumblr posts
Text
Nakilala ko si Summer nang di inaasahan. Nung mga panahong ang nais ko lamang ay magsaya at tumakas sa sitwasyon na naroroon ako. Nung mga panahong di ko inaakalang maaari pa rin palang maging posible ang mga bagay na alam kong malabong mangyari. Habang lumilipas ang mga araw, naranasan ko yung mga bagay na akala ko ay para lamang sa mga bata, may positibong pananaw sa buhay at sa mga klaro ang pag-iisip. Pinaranas ni Summer ang kahalagahan ko bilang isang indibidwal, yung mga bagay na nararapat "kuno" para sa isang tulad ko. Gaya sa isang pelikula, inabot din ng 500 araw ang aming relasyon. Naniniwala akong masaya, puno ng pag-asa at pagmamahalan ang 500 araw na yun. Ngunit, gaya ng inaasahan, napagod din si Summer. Napagod siyang umintindi, magpaalaala, umunawa at magmahal sa tulad kong punong-puno ng alinlangan sa buhay. Akala ko walang bibitaw sa kung anong meron kami. Akala ko yung mga posibilidad na meron kami ay walang hangganan. Unti-unti siyang napagod at nawalan ng gana. At sa mga panahong kailangan na kailangan ko pa at sa mga panahong mas natutunan ko pa siyang mahalin. Kahit papaano, magaan ang pakiramdam sapagkat wala na kong iniisip na ibang tao kung sapat ba ang naibibigay ko para sa kanya at kung nasusuklian ba ko ng tama. Magaan sa pakiramdam na wala na si Summer sapagkat alam ko ring di na siya mag-aalala sa tulad kong di sigurado sa takbo ng buhay. Kung nasaan ka man Summer, alam kong masaya ka pa rin kahit nahihirapan ka sa buhay. 500 araw na ang lumipas, ako naman ang pasayahin mo Summer.
#August #short-termloveaffair
4 notes
·
View notes
Text
Maniwala ka sana. Pero sa tingin ko mas malaya ang taong mas maraming pera. Mas marami kasing nagagawa, napupuntahan, at kaibigan. Pero hindi nangangahulugan na kapag wala kang pera hindi ka malaya, na tipong wala kang kayang gawin. Pero ang totoo mas marami kapang gagawin para merong kang magagawa at sa mga lugar pwedeng kang gumala kahit walang mapapala.
Mas magulo naman yung mawalan ka ng kalayaan na gumawa ng tama. Yung nasobrahan kana sa tama. Gusto mo tama ka, gusto mo din may tama ka, tapos makaka-tama ng hindi tama, kahit na hindi pinatamaan. Kahit anong iwas, hindi na kayang mailagan. Pero hindi ikaw yung tinutukoy ko, tinutukoy ko ay kayo, syempre kasama ako. Basta alam mo na yun, pero kung hindi, maaaring hindi ko din alam. Sino ba naman kasing nakakaalam diba.
Hindi kasi sa lahat ng pagkakataon si Batman ang bahala, ba’t naman kasi diba. Dapat ikaw na bahala sa sarili mo, tapos ako na bahala sa sarili ko. Para naman wala na tayong kinakabahala. Paminsan kasi nadadamay pa yung tunay mong karamay sa buhay habang nabubuhay.
Kaya naman napagtanto ko na, matatawa ka sa sarili mo kapag pinilit mong magpatawa. Walang ibang natawa kundi ikaw lang din sa sarili mo. Matutuwa ka dun, kasi nagtagumpay ka. Matutuwa sayo ang iba, pati narin yung mga taong hindi na iba sayo, lalo na yung sa buhay mo gumabay. Si Nanay, na laging kang sinanay na masanay sa hirap ng buhay. Dapat sa tamang oras ay nasa loob kana ng pamamahay. Makakamtan mo ang pagpupuri na makakatotohanan at hindi kalokohan. Kapag sinabi niyang ang galing mo talaga pagdating sa kalokohan. Dapat mo yung ipagmalaki kasi hindi nalang palaging mali ang nakikita sayo. Kalokohan nga e. Ibig sabihin simula palang, mali na.
Bandang huli niyan, walang ka paring pera. Advance kasi mag-isip e. Wala pa yung pera, ginastos mo na, sobra pa yung ginasta. Pero ito talaga ang hinitay nating pagkakataon. Dito natin masusubukan kung umaasa kapa. Tulad ng kung sino man nagsabi na, “Di na baleng maubusan ka ng pera, wag ka lang maubusan ng pag-asa.” at “Di na baleng maubos ang yaman, wag lang ang yabang.”, sa bahaging ito tama kana. Ang yabang mo kasi putang ina ka. Hahaha.
Nasa dulo pa naman ang pamagat nito.
MALING TAMA NG MAGULONG ISIPAN
12 notes
·
View notes
Text
AKALA
Flash Fiction
Siya si Jing, isang dalagang makulit, masiyahin, pala-kaibigan, at higit sa lahat, mapagmahal. Mapagmahal sa kanyang mga magulang pati na sa kanyang mga kaibigan. Siya’y may mataas na pangarap para sa kanyang pamilya pati na sa sarili. Kung tutuusin ay maswerte siya dahil kahit simple lang ang kanilang buhay, nakakakain pa rin sila ng tatlong beses sa isang araw hindi pa kasama ang meryenda sa hapon. Naibibigay rin ng kanyang mga magulang ang kanyang pangangailangan sa paaralan. Sa kaibigan naman, may tatlo siyang matatalik na kaibigan mula pagkabata na talaga namang nagiging sandalan niya sa mga pagkakataong napanghihinaan siya ng loob. Kaya’t masasabing maswerte siya sa mga taong nakapaligid sa kanya. Kung kwentong pag-ibig ang pag-uusapan, ewan ko na lang kung maswerte pa rin siya dahil hindi siya gusto ng taong gusto niya. Maganda naman siya, masipag at mabait ngunit bakit hindi siya gusto ng gusto niya? O talaga yatang hindi pa ito ang tamang pagkakataon para sa pag-ibig.
Dahil dito, minsan napapaisip siya kung kailan darating ang taong magmamahal sa kanya nang lubos. Nawawalan na rin siya ng pag-asa dahil parang wala ng darating na matinong lalaki na iibig sa kanya. Napapa-sana all na lang siya tuwing may nakikitang magkasintahang magkahawak-kamay sa mga pampublikong lugar. “When kaya” ang laging sambit tuwing nakakakita ng babaeng may hawak na kumpol ng rosas na bigay ang kasintahan. Ngunit ang totoo ay minsan na siyang umibig nang totoo, gusto nila ang isa’t isa ngunit ayaw pa ng lalaki na mag-commit sa seryosong relasyon. Habang siya, gusto na niya. Umasa siya na magkakaroon ng sila, pero hindi pala. Kaya’t linakasan niya ang kanyang loob na wakasan kung anong meron sila kahit wala naman silang nasimulan. Pinutol niya ang kanilang komunikasyon kahit mahirap at hindi na nagparamdam pa. Sobra siyang nasaktan, dahil akala niya siya na, akala niya hindi na siya magsa-sana all at when kaya. Dahil dito, hindi niya maiwasang maging bitter lalo na kapag tinutukso siya ng kanyang mga kaibigan na masaya sa kani-kanilang relasyon. Masaya nga ba sila?
Gayunpaman, ipinagsawalang bahala niya ang tungkol sa pag-ibig at ibinuhos niya ang kanyang oras sa pag-aaral at pagiging mabuting anak. Kaya siguro wala pa siyang kasintahan ay ayaw pa ng kanyang mga magulang lalo na ang kanyang ina na pumasok sa relasyon. May mga nagiging crush pa rin naman siya ngunit hanggang doon na lamang. Kontento na siya sa pasimpleng sulyap sa tuwing naglalakad sa hallway ang kanyang crush. Dahil sa naging karanasan niya noon, parang nawalan na rin siya ng gana tungkol sa pag-ibig. Nawalan na siya ng pag-asa na may lalaking magmamahal sa kanya nang higit pa sa kanyang pagmamahal.
Ngunit akala lang pala niya. Dahil isang araw sa hindi inaasahang pagkakataon, biglang sumulpot na parang kabute ang dati niyang kaklase noong high school, si Cy. Isang binatang makulit at mapagmahal na anak. Bigla na lamang itong nag-chat kay Jing at kinukumusta ito hanggang sa araw-araw na silang magkausap. Dahil magkaklase sila noong high school, lagi nilang inaalala ang mga araw na laging inaasar at kinulit ni Cy si Jing. Lingid sa kaalaman ni Jing, may pagtingin pala si Cy noon sa kanya. Naalala rin nila kung paano naging kulay kamatis ang mukha ni Jing noong binigyan siya ni Cy ng isang pulang rosas. Siya ang kauna-unahang lalaking nagbigay sa kanya ng bulaklak.
Tuloy-tuloy pa rin ang kanilang pag-uusap hanggang sa umamin si Cy na nahuhulog ang kanyang loob kay Jing sa pangalawang pagkakataon. Gustong siya nitong ligawan pero naalala niya ang sinabi ng kanyang ina na magtapos muna siya ng kanyang pag-aaral bago makipagrelasyon. Sinabi niya na hindi pa ito handa dahil sa naging karanasan niya at ayaw niya itong maulit. Ngunit buo ang loob ni Cy na hintayin niya ito hanggang sa pwede na. Kahit na hindi pa pumayag si Jing na magpaligaw ay linigawan pa rin siya ni Cy. Kahit na nasa ibang bansa ito ay gumagawa siya ng paraan upang maipakita at maipadama niya ang kanyang pag-ibig kagaya ng pagpapadala ng bulaklak at mga tsokolate sa tulong ng kanila ring kaibigan. Kahit na magkalayo ay pinapadama ni Cy na mahalaga si Jing sa kanyang buhay, na hindi hadlang ang distansya sa kanyang pag-ibig.
Hanggang sa isang araw, ibinalita ni Cy na uuwi siya at magbabakasyon sa Pilipinas. Magkahalong reaksyon ang nadama ni Jing. Tuwa na may kasamang kaba dahil sa wakas magkikita na sila matapos ang anim na taon ng hindi pagkikita. Sinabi ni Jing sa kanyang ina na may nanliligaw sa kanya at uuwi ito at magbabakasyon.
Dumating ang araw na nasa Pilipinas na si Cy. Agad siyang nakipag-kita kay Jing at hindi matumbasan ang saya nilang dalawa. Pinakilala ni Jing si Cy sa kanyang mga magulang. Nagustuhan nila ito kaya’t lagi na itong dumadalaw sa kanilang bahay. Sinagot na rin ni Jing si Cy kaya’t sobrang saya ni Cy nang malaman ito. Minsan ay pinagpapaalam niya sa magulang ni Jing na mamamasyal sila. Naging masaya ang naging bakasyon ni Cy dahil nakasama niya si Jing at ang kanyang pamilya. Sinulit nilang ang bawat minuto na sila ay magkasama.
Hanggang sa sumapit na ang araw na babalik si Cy sa ibang bansa. Mabigat man sa kalooban ay masaya pa rin ang isa’t isa dahil sa kaunting panahon ay nagkasama sila. Bago sumakay sa bus si Cy ay niyakap niya nang mahigpit si Jing at sinabing “Babalik ako, hintayin mo ako hanggang sa magkasama na ulit tayo. Kaya natin ‘to mahal. Mahal na mahal kita”. “Hihintayin kita. Mag-iingat ka. Mahal na mahal kita”. Mangiyak-iyak na wika ni Jing. Sa ngayon ay hinihintay nila ang pagkakataon na magkikita at magkakasama silang muli. Akala ni Jing hindi na siya magmamahal pa, pero dahil kay Cy ay naniwala ulit siya na mayroon pa palang matinong lalaking magmamahal sa kanya ng higit pa sa akala niya.
2 notes
·
View notes
Text
Bakit?
Isang salita, isang tanong ang gumugulo sa aking isipan.
Bakit humantong sa ganito ang buhay ko? Bakit ako nag-iisa at nagdurusa?
Ako ay isinilang na walang alam tungkol sa totoo kong pagkatao, pinuno ng pagmamahal, pinag-aral, tinuruan kung paano maging isang huwarang babae na dapat tularan ng ibang dalaga, at upang maging karapat-dapat na asawa para sa aking nag-iisang mahal. Ang aking irog na si Crisostomo, wala akong hinangad kundi ang makasal sa kanya, maging katuwang niya habang unti-unti niyang tinutupad ang mga pangarap niya para sa bayan, bumuo ng pamilya, at tumandang magkasama.
Ngunit sa isang iglap, nawala ang lahat…
Tila ang lahat ng iyon ay isang magandang panaginip na naglaho nang ako’y magising sa masakit na katotohanan. Na ako’y hindi bunga ng pagmamahalan ng aking mga magulang, kundi ng pagnanasa ng isang taong itinuring kong pangalawang ama, na ako’y matagal nang bilanggo at pinatatahimik ng mga taong akala ko’y naghahangad lamang ng mabuti para sa akin, na ang mga taong akala ng lahat ay banal na sugo ng Panginoon, ay siya palang mga tunay na mga makasalanan, na siya ring nagwasak at pumaslang kay Crisostomo.
At ang pinakamasakit ay wala akong nagawa upang sagipin siya.
Hanggang sa kanyang kamatayan ay pinili kong ingatan ang pagmamahal na inalay ni Ibarra sa akin, ito na lamang ang magagawa ko upang ipaglaban siya at ang aming pag-iibigan. Kung hindi rin siya ang aking magiging kabiyak ay mabuti pang magpakasal na lamang ako sa Panginoon, at igugol ang buhay ko sa paglilingkod sa Kanya kahit na tutol ang tunay kong ama. Hindi ako nagpatinag sa kabila ng kanyang pagmamakaawa, kahit ang kinilala kong ama, at ang tiya Isabel ay wala ring nagawa. Pinili kong manirahan sa tahanan ng Diyos, sa paniniwalang makakamtan ko ang paghilom at katahimikan na aking inaasam sa Kanyang piling.
Ngunit mali ako, nagkamali ako…
Sapagkat ang lugar na inaasahan kong magiging kaligtasan ko ay siya palang maghahatid sa akin sa impyernong ito! Dahil dito ko nasilayan ang tunay na anyo ng isang demonyo! Wala siyang pangil o sungay, isa siyang taong nagbabanal-banalan, nagmimisa, at nagtuturo ng mga aral ng Diyos. Ngunit ang kanyang ugali at gawi ay taliwas sa sinasabi ng Bibliya, tunay siyang kasuklam-suklam! At habang niyuyurakan niya ang aking dangal, ay sumagi sa isip ko ang aking masaya at tila perkpektong buhay noon, ang aking papá at tiya na nagmahal at nag-aruga sa akin, ang aking mga amiga na lagi kong kasa-kasama mula pagkabata. Si Crisostomo na nag-alay ng dalisay na pagmamahal at paggalang sa akin. At si Klay, ang estrangherang nagturo sa akin na tumayo sa sarili kong mga paa, ang babaeng nagpakita sa akin ng tunay na halaga at kakayahan ng isang babae. Higit sa lahat, ang aking sarili na parang kandilang unti-unting nauupos habang isa-isang binabawi sa akin ang aking kaligayahan, lakas, at natitirang pag-asa.
Akala ko, ang pagkamatay ni Crisostomo ang pinakamasakit na nangyari sa buhay ko. Na akala ko'y naubos na ang natitira kong luha sa pagkawala ng aking pinakamamahal. May mas isasakit pa pala...
At habangbuhay ko itong tatangisan...
Maraming katanungan ang naglalaro sa isip ko, ito ba ay parusa ng langit dahil sa kalapastanganang ginawa ng aking tunay na ama sa aking ina? Ako ba ang naging kabayaran sa lahat ng hinagpis na dinanas ni mamá noong siya ay nabubuhay pa? Ako ba ay kanyang isinumpa dahil sa kanyang matinding galit?
Aking Ina, bakit pinabayaan mo ako't isinadlak sa matinding pagdurusa? Ano’t tila ako ay iyong tinalikuran at kinalimutan? Bakit hinayaan mong danasin ko ang kaparusahang higit pa sa kamatayan?
Bakit ako Ina? Bakit?
-Ang Hinagpis ni Maria Clara (sa panulat ni: Iris)
Mula sa epilogo ng Noli Me Tangere ni Dr. Jose Rizal na pinagbasehan ng palabas na Maria Clara at Ibarra. Ang dalawang ito naman ang siyang aking naging inspirasyon at basehan upang maisulat ang kathang ito.
*
A/N: It's my first time writing a 99.99% tagalog fanfic. Mej nag nosebleed lang ako ng very slight but I’m so proud that I was able to write this. Obviously this is more of an expounded version of Maria Clara��s anguish after Padre Salvi violated her (and just before her breakdown), I wish she slit that asshole of a priest’s throat though, like seriously he doesn’t deserve to live. I have watched a video somewhere saying that the epilogue of Noli was based on the ill fate of a nun who was raped by a priest and was seen screaming and crying at the kampanaryo...or something like that. Oh and the "Ina" Maria was referring to on the last part was the Blessed Virgin Mary in case you're wondering.
Anyhoo, I feel sad that this show is going to end in 4 weeks, and idk how they are going to pull-off the story of El Filibusterismo in such a short amount of time, but I’m wishing the whole MCI team the best.
#fanfiction#gma 7#jose rizal#noli me tangere#maria clara at ibarra#maria clara delos santos y alba#juan crisostomo ibarra y magsalin#santiago delos santos#bernardo salvi#padre damaso#julie anne san jose#dennis trillo#juan rodrigo#juancho trivino#tirso cruz iii
27 notes
·
View notes
Text
LITERARY: Koleksyon ng mga Tula ng Buhay
Pagmamahal Ang pagmamahal ay matatagpuan kahit saan, romantiko, pampamilya, o pangkaibigan man Nakikita ito sa pagitan nating mga tao, at nararamdaman, at binibigyang-buhay sa kahit na anong paraan Lahat tayo ay mayroong kakayahang magbigay nito, ngunit ang iba ay natatakot o kailangan pang matuto Maihahambing sa isang goma na kapag iyong binitawan, masakit ang balik sa nasa kabila na iyong iniwanan
Pagkakaibigan Mahirap mamuhay sa mundong ating ginagalawan, ngunit mayroong mga tao na pwede nating sandigan Sa bawat oras ay nandiyan ang ating mga kaibigan, kaya’t hirap at suliranin ay kahit papaano’y nababawasan Ang tunay na kaibigan ay palagi kang tutulungan, at sa mga pagsubok ay sasamahan ka’t aalalayan Kaya dapat ay nandiyan din tayo para sa kanila, dahil mas matatag tayo ‘pag nagsasama-sama Pangarap “Libre lang mangarap”, yan ang laging sinasabi nila, kaya’t mga pangarap sa sarili ay ‘wag ililimita Subukan lagi ang buong makakaya upang makamit, ang mga pangarap at ambisyon na ating minimithi Hindi sa lahat ng oras ay para sa sarili lang ang pangarap, maaaring para sa iba o sa bayan na matapos na ang paghihirap Bagamat walang katiyakan at resulta’y mahirap hulaan, binibigyan tayo nito ng bagay na paghihirapan at aasahan Lakas ng Loob Maraming mga bagay na walang kasiguraduhan, kaya mahirap makita kung ano ang kalalabasan Ngunit kailangan nating sumugal at subukan, upang sa sarili ay magkaroon ng kapanatagan Hindi solusyon ang pagtalikod sa mga hamon, dahil walang mangyayari kung hindi tayo aaksyon Lakasan lamang ang loob na harapin ang mga ito, at huwag magtatago, yuyuko, at magpapatalo Pag-asa Sa mundong puno ng problema, takot, dilim, at pangamba Susuko na ba sa mga paghihirap, o magtitiwala sa darating na pag-asa? Sa dulo ng dilim ay laging may liwanag, kaya tumingin lang nang diretso upang ito’y maaninag Tandaan na bukas ay panibagong araw, kaya kumapit lang, umasa, at huwag bibitaw Wakas Iilan lamang ito sa ating mga nararanasan, habang ang buhay ay tumutuloy at dumadaan Kaya sa iyong mga yapak tungo sa hinaharap, gawin at danasin ang mga ito nang masikap Bagamat ang mga ito’y puro positibo, hindi maiiwasan ang mga kabaliktaran at negatibo, Huwag aattras at harapin lang ang mga ito, sa tulong ng mga salitang nandito
4 notes
·
View notes
Text
#FromTheArchives: Aba, Nilapastanganang Maria!
This is a piece that I wrote during high school—an attempt to make something bold, controversial, and unapologetically wicked piece with a clement conclusion.
Ermita, Maynila. Alas-doce ng hatinggabi.
Naglalakad ako sa kahabaan ng Padre Faura St., malapit sa may baywalk. Suut-suot ang pekpek shorts na ibinubulgar ang makinis kong singit. Maganda ako, sabi nila. Kaya siguro patok ako sa mga parokyano. Hinubog ng prostitusyon ang aking magagandang labi at pinalusog ng kahirapan ang aking malulusog na suso. Pinapaswitan at pinagtitinginan ako ng mga kalalakihan habang binabagtas daan patungo sa patay-sinding ilaw na tinatanglaw ang mga mukha ng mga kalalakihamg uhaw sa pagmamahal at parang mga hayok na buwata na nag-aabang ng butas na papasukan.
Bilang prosti, bawal akong maging choosy. Tanggap ako nang tanggap kahit bata o matanda---basta magkakapera---mairaos lang ang buhay ng anak kong mahimbing na ang tulog. Nakapikit, at hindi nakikita kung paano babuyin ng iba ang aking katawan.
"Tara?" sabi ng lalaking halos linggo-linggong bumibisita sa akin.
"Sige, magkano ngayon?" tugon ko.
"Dalawang libo?" sagot ng manyakis.
"Tangina, matagal kang labasan, dalawang libo lang?"
"Eh 'di apat na libo,"
"Tara."
Ala-una, dinala niya ako sa kulay pulang gusali na may karatulang may pamaypay na takip ang kalahating mukha ng babae.
Pagpasok pa lamang, sinunggaban niya agad ang mga labi ko. Nilamas ang malulusog kong suso. Hinalikan niya ang bawat bahagi ng aking katawam. Pinasok niya ang malaki niyang tarugo. Kasabay ng pag-indayod ng kayang katawan laban sa akin ay ang pagtusok at pagtagos nito sa aking kaluluwa.
Masama ba akong tao? Gusto ko lang naman ng magandang buhay para sa anak.
Malapit nang labasan ang lalaking ito, kasabay nito ay paglabas at pagtulo ng aking luha---dahil sa pandidiri sa aking sarili.
Natapos ang gabing puno ng kasalanan. Nauna na siya samantalang ako'y hubo't hubad pa.
Lumiliwanag na ang kalangitan, pasilip na ang araw---simbolo ng pag-asa. Napagpasiyahan kong magtungo sa lugar na minsan sa buhay ko lang mapuntahan. Sinindahan ko ang aking yosi at hithit-buga habang papalapit ako sa lugar na ito.
"Tangina. Baka masunog ako rito."
Pinatay ko ang apoy ng aking sigarilyo at dumiretso papasok sa simbahan bitbit ang mga panalanging matagal kong inipon at mga kasalanang nagbigay-depinisyon sa pagkatao ko---at handa ko nang i-kumpisal ngayon.
Habang papalapit, natanaw ko ang mukha ng lalaki na pamilyar sa akin.
"Siya nga," siya ang kumantot sa akin kagabi.
Habang papalapit, nanginginig ang tuhod ko. Puta, baka masunog ako. Katawan na naman ba tatanggapin ko, at dito pa sa loob ng simbahan? Sabagay, ang prosti nga pala ay 'di dapat choosy.
Lumapit ako sa kanya.
"Katawan ni Kristo," sabi ng lalaking kasabay ko nagparaos kagabi.
"Amen." Tugon ko.
5 notes
·
View notes
Text
random rants.
Walang madaling trabaho lahat nakakapagod tapos ang sahod hindi maka-tao.
Minsan gusto nating mawala na lang sa mundo ng social media dahil hindi na maganda sa ating kalusugan.
T*nginang gobyerno to at sa 31M na bomoto dito! Asa pa tayong pagaanin ang buhay natin (bulok na sistema, bulok/mabagal na justice system, siksikan sa public hospital, walang pagbabago sa traffic, walang sulosyon sa public transpo at sa pag taas ng mga bilihin/gasolina.)
Nakakap*ta yung mga ibang vlogers na mas pino-promote pa nila ang pagsusugal at yung walang kwenta nilang content. (basura eh! hindi man lang mag isip ang mga put*ng*na)
Yung wala ka talagang paki alam sa showbiz news pero gaano ba siya kalaking tulong sa buhay natin? T*ngina diba.
Wag na wag kayo magtitiwala sa mga pulis kahit sino sakanila. Please lang.
Nakakawalang pag-asa talaga pag dito ka sa Pilipinas, kaya pag may pagkakataong mag ibang bansa piliin na natin yon kesa mabulok o maging mahirap lang tayo dito habang buhay.
Yung iba sa chismis o pag mamarites na lang nabubuhay eh! Kakairita kayo! (Shout out sa mga kapitbahay at sa mga nag work na may marites)
Daming b*bo sa comment section ng facebook.
Bicol, Albay Philippines | 2015
#philippines#photography#thoughts#manila#2023#rants#random#police#vlogers#justice#injustice#system#politics#showbiz#work#people#socialmedia#socialissue#government#public#public transportation
3 notes
·
View notes
Text
Believing Without Seeing
By Ralph R. Sarza
Original final script | April 23, 2023 Preaching for Open Table MCC | Gospel Reading: Luke 24:13-35
SA MISMONG ARAW NG MULING PAGKABUHAY NI HESUS, dalawa sa mga tagasunod Niya ang papunta sa Emmaus, isang komunidad na nasa labing-isang kilometero ang layo mula sa Jerusalem. Habang naglalakad sila at nag-uusap tungkol sa mga nangyari kay Kristo sa Jerusalem, they were interrupted by Jesus. Ang sabi ni Hesus, “Ano ang pinag-uusapan ninyo?”
Now, Luke states that the eyes of the disciples “were kept from recognizing Jesus.” Ibig sabihin, hindi si Hesus ang nakikita ng mga mata nila kundi isang estranghero.
Nakatayo lang yung dalawa, malungkot, at ang tanong ng isa sa kanila kay Hesus, “Ikaw lang ba ang nag-iisang estranghero sa Jerusalem na hindi alam kung ano ang mga naganap doon?” Now, this is actually a funny and ironic scene because, kung meron mang nakakaalam sa lahat ng mga bagay na nangyari sa Jerusalem, that was the stranger in front of them — that was Jesus.
So ang lola n’yo, patay-malisya: “What things?” They replied, “The things about Jesus of Nazareth, who was a PROPHET (emphasis sa PROPHET)… and how our chief priests and leaders handed Him over to be condemned to death and crucified him.”
I would like to emphasize the use of the word PROPHET, instead of MESSIAH, because it’s an implication that the two disciples had lost their faith in Jesus. In fact, sabi sa verse 21, “We had hoped that He was the one to redeem Israel.” HAD HOPED. Past perfect tense. Nawalan na nga sila ng pag-asa, nawalan pa sila ng pananampalataya.
And before I go on, I want to validate the disbelief of the two disciples. For indeed, we have witnessed numerous instances that have left us disenchanted and disheartened, ranging from the complexities of family dynamics, the intricacies of financial matters, and the often turbulent realm of Philippine politics.
LAST MONTH, sa loob lamang ng isang linggo, actually sa loob lamang ng dalawang magkasunod na araw, na-reject ako sa dalawang in-apply-an kong trabahong bet na bet ko talagang makuha. It was a humbling experience, it made me realize that I am not the best and the world doesn’t revolve around me, but it was also a very frustrating experience. Ang sakit kasi breadwinner ako, three years na kaming walang pay raise dahil sa ABS-CBN shutdown, at oras ang kalaban ko. I need a better-paying job, not today, not yesterday, but months ago.
At tulad ng “pagkabulag” ng dalawang tagasunod ni Hesus, nakakabulag din sa pananampalataya ko ang mga panahong frustrated ako, galit, malungkot, at talunan. “Bakit hindi ko maramdaman ang sinasabi nilang grasya ng Panginoon?” “Totoo ba ang ‘Jesus story,’ o inimbento lang ‘yan ng mga sinaunang tao para paniwalain ang mga sarili nilang may ‘forever’ after death?” “MAY DIYOS BA TALAGA?!”
In fact, nung may kinonsulta ako kay Pastor Joseph tungkol dun sa isang job application kung saan na-reject ako, I told him na nagiging agnostic na ako recently at nahihirapan akong magdasal.
Kapag napapagod na tayo sa buhay, kapag hindi natin nakukuha ang gusto natin, mas madaling sisihin ang universe o kuwestyunin ang existence ng Diyos dahil ‘yon ang mas convenient.
So the two disciples became doubtful after they learned that the body of Jesus was nowhere to be found: Verses 22-24: “Some women of our group astounded us. They were at the tomb early this morning, and when they did not find His body there, they came back and told us that they had indeed seen a vision of angels who said that JESUS WAS ALIVE. Some of those who were with us went to the tomb and found it just as the women had said, but they did not see Him.”
Sinabihan na silang JESUS WAS ALIVE, pero they still chose not to believe and just leave. So naimbyrena si Hesus at inawardan sila. Verse 25: “Then He said to them, ‘Oh, how foolish you are and how slow of heart to believe all that the prophets have declared! Was it not necessary that the Messiah should suffer these things and then enter into His glory?’”
So ang ginawa ni Hesus, “nagpa-Bible study” ng Old Testament para i-remind ang dalawa tungkol sa ugat ng pananampalataya nila. And that’s very noteworthy, kasi minsan, kumbaga sa halaman, ano ba ang pumipigil sa pag-blossom ng bulaklak? Baka naman hindi nakakakuha ng sapat na nutrients, so didiligan mo nang sapat at maayos ang mga ugat nito. Minsan, kapag nawawalan na tayo ng pananampalataya at pumupunta na lang tayo sa MCC para sa mga “baklaan” at hindi dahil kay Hesus, kailangan nating balikan ang ugat ng problema na tumulak sa’tin para maghanap ng espasyong tulad ng MCC. At ang ugat ng problema na ‘yon ay ang katotohanang hindi tayo binigyan ng dati nating mga Simbahan ng espasyo na maging Kristyano at queer at the same time.
Kaya tayo nandito sa MCC kasi kailangan natin ng chosen family na gagabay sa’tin para mag-blossom tayo by being our authentic self. Kaya tayo nandito kasi alam nating may potensyal tayong maging magagandang mga bulalak, at alam nating hindi tayo mamumukadkad habang nasa konserbatibong hardin tayo at ang pinandidilig nila sa’tin ay kung anu-anong mga kathang-isip na kasalanan.
Nung malapit na sila sa Emmaus, nagpatay-malisya ulit si Hesus, and He walked ahead as if He were going on. Pero pinigilan Siya ng dalawang desipulo. “Stay with us because the day is nearly over.” Sumama sa kanila si Hesus. No’ng nasa hapag na sila, kumuha si Hesus ng tinapay, binasbasan N’ya ito, biniyak, at inialay sa kanila. Pagkatapos ay namulat sila, nakilala nila si Hesus, at bigla Siyang naglaho sa kanilang paningin.
“Were not our hearts burning within us while He was talking to us on the road, while He was opening the scriptures to us?” That same hour they got up and returned to Jerusalem, and they found the eleven and their companions gathered together. They were saying, “The Lord has risen indeed, and He has appeared to Simon!” Then they told what had happened on the road and how He had been made known to them in the breaking of the bread.
The story of the Road to Emmaus prompts us to contemplate the profound impact of encountering the risen Christ and underscores the importance of community in our personal journey of transformation. It reminds us to actively seek guidance and support from others and to remain receptive to the possibility of encountering the Divine in unexpected and unconventional ways.
Naramdaman ko noong nakaraang eleksyon ang frustration na naramdaman ng dalawang tagasunod ni Hesus. Alam ko ang pakiramdam ng magpakapagod para sa kinabukasan ng bansa, at ang mapangakuan ng pag-asa at makita itong maglaho na parang bula dahil sa maling pagpili ng mga taong biktima ng bulok na sistema at nilang mga namulat na sana ngunit mas piniling hindi makakita.
Nakakagalit. Nakapanghihinayang. Pero tulad ng nangyari sa Daan Patungong Emmaus, mga estrangehero rin ang nagpakita sa akin ng daan pabalik sa muling paniniwala at patungo sa panibagong pakikibaka. Mga estrangherong galing sa iba’t ibang karanasan at katayuan sa buhay, ngunit pinagbubuklod ng isang kulay — isang kulay na simbolo ng pag-asa, hustisya, at totoong pagbabago.
The story of the Road to Emmaus is a compelling reminder that the Resurrection of Jesus transcends mere historical significance, but rather represents an enduring invitation to encounter the Divine and undergo transformation. It enlightens us to the unpredictable ways in which the risen Christ can manifest in our lives, be it through chance encounters with strangers or through introspective reflection. Embracing this invitation sets us on a transformative journey of growth, change, and renewal, affording us the opportunity to flourish into a life imbued with deep meaning and purpose.
Finally, the story of the Road to Emmaus reminds us that, if we have unwavering faith in Jesus, for better or for worse, for richer or for poorer, in sickness and in health, not even death can make us part.
-30-
#Easter#Road to Emmaus#Gay Church#Open Table MCC#MCC#Metropolitan Community Church#Queer Christian#Gay Christian
4 notes
·
View notes
Text
Sunki one shot "Last Sunset" taglish
.
Reminder!!!!
this is a fanfictional story only
Be a responsible reader!
.
Playlist
≧ Sa susunod na habang buhay - Ben&Ben
"tap Play"
.
.
Sunoo said✿
" the place is so cold, i can see people swimming in the ocean, naingit ako, gusto korin mag swimming, nang kasama ka of course but, how?, i know you cheated, yes I'm angry, but i forgive you, because i trust you so badly, i forgive you because your my first boyfriend, hindi ko alam na mangyayari to sa relationship natin, because, it's so hard na paniwalaan na mangyayari yung ganong problem, like napaka tibay nung relationship natin, you didn't even turn into a cold person, you didn't even hurt me, until you confess na your cheating with my bestfriend, nung una di ako naniniwala so I laugh..."
Sunoo's thought 💭
unti unting humihina ang boses ko I don't know what is happening, is god taking me now?, but I'm not ready yet, hindi pa ako nag papaalam kela mama, sa pamilya ko, kela jungwon at jake, naramdaman ko na umiinit yung katawan ko naka upo kami sa bench ni ni-ki, we're waiting sa sunset, because sunset reminds me of use before we break up.
Ni-ki pov.
i thought...
I look at him, i can see his eyes getting tired, "do you wanna go inside na?" i ask him but he refuse, "i, wan na wait the sun-s-set" sabi nya sobrang nanghihina na he's also wearing coat at sumbrero, i can rarely see his hair, taklob na taklob yung ulo nya, i slowly put my right hand to his head but he avoids it, "why?" hes teary eyes look at me, red nose at namumutlang labi, "i just wanna hold you he-" , sumandal sya saken, saktong palubog na ng araw, "love ang ganda ng paglubog ng araw, gusto ko ulit makita yung pag lubog ng araw ng paulit ulit, pero pagod na ako, pagod na pagod, I don't know if i deserve this or what, but i really wanna rest, for intire life, forever..." hinigpitan nya ang yakap nya kabod kong tinignan ang mga mata nya unti unti itong pumipikit.
"l-love?" "hmm?" "i-im sorry, i-im so afraid that you'll get angry at me pag sinabi ko to, but i have a c-cancer, i-im so afraid to die mahal... ayoko pa, gusto ko pang maging nurse, gusto ko pang gumraduate, papagawa pa ako ng bahay nila mama at papa..., pero I'm so tired, if i rest, can you always visit me?, and watch the sunset with Rhian?" umiiyak na sya i can feel his body shaking, "h-hindi ka mamamatay okay?, hindi mo ko iiwan huh?, you'll stay here" i hug him very tight, "m-mahal, the sunset i-is bea-autiful i-isn't it?" blood slowly dripping in his nose, i immediately take my phone and call jungwon, "h-hyung, si s-sunoo, as-sa bench kami sa labas, please tumawag kayo ng ambulansya, bilisan mo!!!".
"s-sunoo, sun, s-sunshine, luna!!!, gising na please!!"
Third pov.
Mahigpit na mga yakap, tubig na patak ng patak mula sa mga mata, mga matang namumula, tunog ng humahagulgol na iyak, yan lamang ang na abutan ni jungwon at jay.
habang lumalapit sila, unti unti nilang naaninagan ang muka ni sunoo, namumutla at may pagid ng dugo sa ilong, tila wala na talang pag asa.
Bawat hakbang, may bawat pagpatak ng luha, unti unting hinawakan ni jungwon ang likod ni ni-ki, "niks?", "w-wala na s-si s-sunoo ko" nanghihinang boses na lumabas sa bibig ni ni-ki, "beh?, b-beh, gising jan, to naman wag kang mag biro ng ganyan, huy!!, attend kapa sa kasal nila mama at papa, huy!!!" sabay yakap ng mahigpit sa pinakaunang kaibigan nya, sya lang ang laging kasama ni jungwon since g7, hindi rin sila nag hihiwalay pati sa section.
kitang kita sa mata ni Jay yung nangyayari ngayon, sa lamig ng paligid at simoy ng hangin, mga taong nanunuod sa nangyayari, hangang may apat na taong tumatakbo kasama ang tatlong rescuers, may hawak rescue bed, unti unting binuhat ang katawan na namumutla at tila wala ng pagasang mabuhay pa.
lahat sila ay sumunod sa ambulansya nakasakay sa itim na van,hawak hawak ni ni-ki ang kamay nito hangang sa makaratung sila sa emergency room, still,,, reviving him, putting oxygen, at dextrose, but they remove the dextrose too, because the blood is not functioning already.
lumabas ang doctor at hinarap si ni-ki na nag mamakaawang buhayin ulit ang hanyang minamahal, ngunut malungkot na umiling ang doctor, "sorry sir Nishimura, but we failed to rescue him" he tap ni-ki right elbow at pumasok ulit sa room kung saan asa loob si sunoo, napa lingon sila nang maabutan nila ang magulang ni sunoo, "a-anak ni-ki asan si sunoo ko?" mga luhang pumapatak sa mata ng mga magulang nito, ang kaunaunahang anak nila, ang pinaka mabait sa apat na mag kakapatid, ay wala na.
"s-sunoo, a-anak, gising na, look dala ko pa yung favorite mong adobo na may nilagang itlog, o, susubuan pa kita, kakain pa tayo ni daddy mo ng sabay," sabay yakap sa knyang anak.
apat na worker ng morgue ang kumatok at pumasok may hawak na papeles para sa death title ni Sunoo, finillup ng daddy nya ito, then "mam sir, kelangan nyo po muna mag intay sa labas habang inaasikaso po namin ang bangkay ng anak nyo", tumango sila at lumabas, huling halik ng mag asawa sa noo ng kanilang anak.
At Sunoo's Funeral
everyone is crying, they lost their sunshine too, lalo na si ni-ki.
6 days after, saktong linggo ililibing na si sunoo, lahat ay nakasuot ng puti ka hit hindi kaano ano nakaputi rin basta kilala, hawak hawak ni ni-ki ang litratong naka frame
this photo is from Pinterest
Ni-ki is standing at his grave, all people leave already, si jungwon, jake, hee, jay, at sunghoon ay pumunta sa garden na madalas nilang pagtambayan nung buhay pa si Sunoo, hindi na sya sumama, he want to cherish every moment kahit wala na si Sunoo.
"it's hurt, but i know you hurts more, sana mapatawad mo pa ako, i know it's too late to regret, pero still, sana mapatawad moko, because niloko kita at iniwan kita, at lalo kitang sinaktan ng palihim, hindi ko inaakalang may sakit ka, nagulat lang ako bigla nung sinabi mo sakin yon nung nasa resort tayo, that's also our last Sunset watching right?, also our last hug and last conversation, sana sa bawat yugto ng buhay ko ay kapiling parin kita, yung sinabi mo..? yung manood kami ng sunset kasama si Rhian, heh, mhmhmmh, ayoko nga, kasi gusto ko ikaw lang ang kasama kong manood ng sunset, hahaha pinaglololoko mo ba ako mahal?, kahit multo ko pa or anything, tatangapin parin kita, your always welcome to me, basta mag paramdam ka na kasama kita, kahit nakakatakot, feeling ko babangungutin ako mamayang gabi hahaha, yung bracelet ngapala na binigay mo saken, na color pink, i really love it, tataka mga bestfriend ko sabi ko bigay mo yon saken, hindi ko parin inaalis,,, look o, nangingitim nanga yung mismong garter e, ikaw mga yung nag suot neto saken e, bat ko aalisin"
dahan dahan na humilata si ni-ki sa araw at sa puntod ni Sunoo
"love?, pano kung... i let go kita?, kaso ayoko, ayokong sayangin yung time, gusto kopang habang buhay to"
sabay ng pagpikit ng mga mata
...
An imaginary dreams
"ni-ki ano baman yan, mag luluto kanangalang nasusunog pa, tong bata nato talaga oo" sbai ni sunoo, "suri suri, ganon kasi oag expert nakakasunog ng uniqe na pagkain" sabay ng mga malalakas na sigawan sa kitchen nanonood ang mga magulang nilang pareho, nakangiti at tumatawa ng mahina.
(ni-ki hoy gising anteh nananaginip ka bayan natawa mag isa habang natutulog)
minulat ni ni-ki ang kanyang mga mata.
bungad ang killer smile ni Jungwon "anteh sarap ng tawa mo ah alasdose na kaya"
oo nga three weeks na akong walang gana kumain at maligo medyo magaho narin ako, last nakain ko is yung asa grave pa ako ni sunoo, natulog panga ako e, binuhal lang ako nila.
"kumain narin sawakas" sabi ni sunghoon "maligo ka at aalis tayo" sabi ni jake, "k" sagot nya.
minutes later
humiwalay saglit si ni-ki para bumili ng donuts.
suddenly
"uy sorry po" inangat nya ang mga mata nya at nakita ang nakakabighaning muka ng babae
"sorry kuya ah nag aapora lang!" kinuha ang gamit na nahulog nya at tumakbo.
naninigas si ni-ki sa pwesto nya, then nag pop out si sunoo sa knyang isipan, "s-sunoo?"
-The end-
ewan ko kung oneshot ba itu or hindi HAHAHHAHA.
overthink ako kung gawin kosyang full story madami pa akong naiisip e.
4 notes
·
View notes
Text
Pagmamalaki sa Nakaraan, Pag-asa sa Hinaharap
Salud, Buena Vida-Mabuhay! Welcome to Las Casas Filipinas de Acuzar.
Unang tapak pa lamang ay tila ikaw ay nabalik sa nakaraan. Mula sa magagandang tanawin, hanggang sa kasasayan ay tiyak na hindi mo ito malilimutan. Iyan ang isa sa mga katangiang taglay ng Las Casas Filipinas de Acuzar na matatagpuan sa Bagac, Bataan. Isa ito sa tampok na pasyalan sa lalawigan ng Bataan na talaga namang pinupuntahan at dinarayo ng mga turista mula sa iba’t ibang panig ng mundo. Ipinagmamalaki ng lugar na ito ang ‘best of Filipino heritage and culture’ kaya talagang marami ka pang pwedeng matuklasan at matutunan.
Ang kuwento ng Las Casas Filipinas de Acuzar, na unang binuksan bilang isang resort noong 2010, ay isang kuwento ng inobasyon, hilig, at dedikasyon sa pamana ng Pilipino. Sa nakalipas na dekada, ang Las Casas ay lumikha ng isang reputasyon para sa kagalingan sa sining, pagpapahalaga sa lokal na kultura at kasaysayan, at paglikha ng mga puwang kung saan ang bawat Pilipino ay nabubuhay nang may pagmamalaki.
Ang pangunahing atraksyon ng Las Casas Filipinas de Acuzar ay ang mga heritage house nito na nailigtas mula sa kabuuang pagkasira at pagpapabaya. Ang mga bahay na ito ay inayos at muling itinayo mula sa kanilang orihinal na lokasyon at muling itinayo sa loob ng Las Casas Filipinas ng mga artisan at manggagawa sa bayan ng Bagac. Itinatampok ng Las Casas ang pinakamahusay na kasiningan, at kasanayang Filipino na nagbibigay buhay sa nakaraan at pakiramdam na katangi-tangi ang kultura nito.
Maaaring marami sa inyo ang napapa-isip kung ano nga ba ang magandang gawin sa Las Casas Filipinas de Acuzar kaya tara na at ating tuklasin ang mga kawili-wiling gawain at atraksyon dito.
Balsa Ride Ang Balsa Ride ang isa sa dinadayong atraksyon dito sa Las Casas Filipinas de Acuzar sapagkat hindi lamang ito ordinaryong pagbabalsa dahil ang balsa ride na ito ay linilibot ang iba’t ibang heritage houses dito na maaaring bisitahin ng mga turista.
2. Calesa Ride
Ito ay isa pa sa mga nakakaakit na atraksyon dito sa Las Casas sapagkat maaari mong maranasan ang pagsakay sa calesa habang iniikot ang magagandang tanawin dito.
3. Lunch at Hotel de Oriente Binondo Hall
Pagkain ba kamo? Tiyak na mabubusog ang bawat isa sa set lunch na inihahain dito. Ito ay kasama sa aming binayaran dito at sulit na sulit sapagkat mayroon pa itong kasamang panghimagas.
Mayroon din ditong iba’t ibang kainan katulad ng Italian Restaurant at Kusina ni Nanay Maria na naghahain ng mga kakaibang putahe. Sa kasamaang palad ay ito ay sarado noong kami ay bumisita dito.
4. Beach
Kung nais mong maligo at magtampisaw sa malalaking alon ng dagat, saktong-sakto ang lugar na ito sapagkat ito ay tabing dagat at kasama na rin ito sa inyong babayaran.
Mayroon din ditong bilihan ng mga pasalubong at madami kang pagpipilian dito na lahat ay gawang pinoy. Masasabi kong sulit talaga ang aming binayad dito sa dami ng pwedeng gawin at sa ganda ng lugar. May kamahalan lamang ito ngunit ang mga ala-alang iniwan nito ay hindi matutumbasan ng kahit ano. Napakarami kong natutunan tungkol sa kasaysayan at talagang naipakita ng lugar na ito ang kahusayan ng mga pilipino.
Hanggang sa muli, Buena Vida-Mabuhay!
3 notes
·
View notes
Text
Hi,
Turning 25 this month at naalala lang kita. Mas maganda kung ipllay mo yung song habang nagbabasa hahaha. Theme song ng first movie date natin, na almost nag end tayo sa same ending ng movie. Ikaw palagi naaalala ko sa song na ito.
Alam mo ba nung 2017, ikaw yung wish ko sa birthday ko noon. Kahit alam kong wala akong pag asa sayo, kasi nakita ko na yung standard mo nuon sa guy. Palagi pa naman ako malungkot nuon kasi alam kong may gusto ka ng iba. Palagi ako nakacheck sa mga stories mo, at talagang umiyak pa ko sa selos nung nakita kong may nagregalo sayo ng stuff toy na pagong. Sabi nila, kumpletuhin mo yung simbang gabi, yung isang iwwish mo, panigurado matutupad yon. Kinumpleto ko yon kahit magisa lang ako nagsisimba. At ikaw yung wish ko noon. Nalaman ko din non na totoo pala yung kasabihan na yon, after ilang months nagawa kong mahalin mo ko. For 4 years, naranasan ko mahalin ng pinapangarap kong babae nuon. Una ko din naranasan mag mahal ng sobra. Nagkaron man ng ups and downs yung relationship natin, pero never ko niregret na minahal kita ng sobra. Palagi ko dadalhin yung memories na binigay mo, and palagi ako magiging proud na naging girlfriend kita for 4 years. Lahat ng sacrifices ko, at sacrifices mo sakin, lalo na yung mga paghatid ko sayo kahit gabing gabi na, nakadorm pa ko pero mas pinili ko umuwi para may kasama ka pauwi. Kahit pagod sa byahe, nakangiti parin ako. Never ko ireregret dahil atleast sa mga ginawa ko na yon, napangiti kita ng sobra, na naparamdam ko sayo na special ka. Naalala ko pa na talagang hindi kita matiis na hindi ka kakain, gagawa ko ng way para madalhan ka, kahit malate ako sa klase. Tapos ayoko kita palaging sinasama sa mga kablock ko kasi talagang pinagdadamot kita. Kaya akala mo hindi ako proud sayo. Yung mga puchu puchu travels natin, na puro mall lang at watsons ang napupuntahan. Tas yung ilang beses na kinabahan tayo dahil sa mga pinag gagagawa natin. At suking suki pa tayo sa square tuwing gabi. Yung unang punta mo sa bahay na akala mo kakainin ka ng buhay ng magulang ko sa takot mo. Minsan nakakatawa talaga pag naiisip mo yung mga ganong moments natin.
I'm sorry kung marami ding times na nasaktan kita, at para sa mga mistakes ko, kahit gaano tayo kasaya, hindi rin ako yung perfect guy, at sometimes, natutukso rin ako. kahit sa mga toyo mo nuon, hinding hindi ako nagsawa manuyo. Sana naging magandang memory parin ako sayo kahit sa mga draw backs ng relationship natin.
Siguro nga fully healed na yung puso mo ngayon, at masaya ka na sa current life mo at masaya ko para sayo. This time, bago mag end yung year magwwish ulit ako tungkol sayo, pero ayoko na maging selfish. Wish ko na sana, maging successful ka pa lalo, makuha mo yung pure hapiness na hinahanap mo, at makakuha ka ng perfect guy for you, eto yung winish ko nung Birthday ko, at sa darating na christmas. Sobrang sakit man sakin, pero I need to let you go. Para narin siguro saakin, na kahit papano maka move forward ako. Para narin hindi ako gabi gabi umiiyak bago makatulog. Never ako nagdelete ng messages at pictures kasi sinsave ko yon as memories. Pero baka kailangan ko ng gawin yon kasi mahihirapan lang ako lalo. Kung kailangan mo ng kausap, nandito pa din ako. Sana basahin mo padin to, kasi sayang naman effort ko, naiyak padin ako habang nagttype. Hindi ko alam ano ba yung mas better. Gusto kita antayin ulit maging ready. Na matanggap mo ulit ako. Kahit bumalik ako sa umpisa, kahit gaano katagal. Pero naiisip ko rin na baka hindi na maging healthy yung ganon.
Sa totoo lang gusto ko na mag end ng buhay kasi hindi ko na kaya lahat itake ng sakit. Pumipigil nalang sakin yung gastos ng family ko kalag ginawa ko yon.
Im wishing you the best, Merry Christmas and Happy New year!
Mahal na mahal na mahal na mahal na mahal kita na mahal na mahal na mahal kita and I will always love you no matter what happens, kahit maputi na ang buhok ko.
Till we meet next time.
5 notes
·
View notes
Text
Ang pagtatanim ay hindi biro.
Katulad ng saad sa isang awitin, ang pagtatanim ay hindi isang biro. Mula sa proseso ng pagbubungkal ng lupa hanggang sa pagdidilig ng mga halamang nakatanim sa lupain, hindi mo masasabing madali lamang ito kung hindi mo pa nararanasan. Sa simpleng pagtatanim lamang ng maliit na hardin ay mararamdaman mo na ang butil ng pawis mula sa iyong mukha, paano pa kaya ang pagtatanim ng bawat butil ng bigas na kinakain natin sa araw-araw?
Maghapong nakayuko at hindi man lang makaupo habang namamanhid ang mga binti at braso sa magdamagang pagtatanim ng palay sa ektaryang lupain para kumita ng kakarampot na salapi—kulang pa sa puhunang inutang na hindi malaman kung kailan pa ito maibabalik dahil patuloy ang pagpatong nito na tila nagbibigay ng bigat sa puso ng bawat magsasaka. Idagdag pa ang El Niño, El Niña, mga bagyo, buhawi, lindol, at pagguho ng mga lupa na siyang nagiging dahilan ng pagkalugi ng mga magsasaka dahil kinakailangan nilang iligtas ang kanilang mga sarili kaysa isalba ang mga pananim—paano na ang kanilang mga pamilya kapag sila ay naglaho na?
Sa kabila ng dugo at pawis na inilalaan sa pagbibigay serbisyo sa pagbibigay ng produksyon ng bigas at gulay na ating kinakain sa araw-araw, sila ay walang sawa pa rin sa pagsigaw ng tulong habang ito ay parang bulong lamang sa mga taong makapangyarihan. Ano pa ang silbi ng mga platapormang ilang taon nang pinapangako sa mga mamamayan kung ni isang katiting ay wala silang maramdaman mula rito? Habang nagpapakahirap ang mga Pilipinong magsasaka, tinutumbasan ito ng mga produkto mula sa mga bansang hindi naman natin pag-aari. Kung kaya'y walang nagagawa ang mga mamamayan na babaan ang presyo ng kanilang mga produkto para lamang may mauwing salapi sa kanilang mga pamilyang buong araw nang tinitiis ang kumakalam sa sikmura dahil wala silang ibang magagawa kung hindi ang maghintay sa katas ng paghihirap ng isang magsasaka.
Bawat pawis at luha na kanilang idinadaing ay hindi pa rin nawawala ang mga ngiti sa kanilang mga labi. Sila ay umaasa pa rin na madinggin ang kanilang mga panalangin sa Poong Maykapal, ang natatanging pag-asa sa buhay na siyang nagbibigay-lakas sa pang-araw-araw nilang pamumuhay. Hindi biro ang pagtatanim dahil sa mahirap na proseso nito, ngunit ang bawat mahirap na gawain ay napapadali kung ito ay napagtutulungang wakasan na may kasamang determinasyon at inspirasyon sa pagsisikap.
0 notes
Text
UMANGKAS SA IBA
Gusto ko lang sanang ishare yung nangyari saakin last year. sobrang devastated ako as-in wasak na wasak.
simulan ko sa umpisa tawagin niyo na lang po akong trevor at siya naman siya Chiqi
nag kakilala kami ni chiqi noong 4th year highschool pa siya, ka M.U siya ng bestfriend ko. same school sila pero mas higher year yung best friend ko. Limang taon ang agwayt ko kay chiqi, mas matanda ako sknya.
saakin nag papatulong ang bestfriend ko para diskartehan siya, tulad ng pag gigitara habang naka call sila at si bestfriend ko naman yung kumakanta.
sa kasamaang palad naman ay hindi naman naging sila, tamang sweet sweet lang.
Tapos dumating yung araw na tinigilan siyang ligawan ng bestfriend ko.
saakin nag memessage si chiqi, asking kung ano bang nangyari? bakit di na nag rereply and best friend ko. kumbaga ako yung naging sandalan niya noong malungkot siya.
years na nakalipas nakasanayan namin ni chiqi na mag greet sa isa't isa ng happy new year. naging mag kaibigan kami. sabay kaming tumatalon habang hawak ang cellphone at mag katawagan kapag new year, kasi nga diba para sabay kaming tumangkad sabay kaming tumatalon.
Bunsong kapatid na ang turing ko sa knya, maganda si chiqi, sexy siya at maliit ang muka na parang manika.
lumilipas ang panahon na parang ako yung naging kuya niya sa mga heartbreaks niya. minsan nga gusto ko na lang sabihin na "alam mo ba kung sakin ka? di ka iiyak ng gnyan, kasi aalagaan at iingatan kita gaya ng ginagawa ko pa lagi pag malungkot ka" kaso pag may chance para sana pumasok sa sitwasyon na yun eh? bigla ko na lang malalaman na may bago na siya. at yun na nga ang nangyayari every single heartbreak niya.
Bawat pag iyak niya weeks later may bago na siya, ilang beses na palaging ganun ang sitwasyon. nakakalungkot din kasi parang hindi nako siguro mag kakaroon ng chance talaga kasi madami siyang nagiging sandalan, at yung sandalan niya ang nagiging BF niya siguro kaya mabilis siya magkaroon ng kapalit. kaya nag stay na lang ang relationship namin na ganun. kapag iiyak siya saakin siya mag kukwento.
dumating na lang yung panahon na kailangan ko ng sumunod sa family ko sa saudi para mag trabaho. alam kong matatagalan ako doon dahil nandoon na halos ang mga pamilya ko. nawalan na ako ng pag-asa. pero sa mga taon naman na may bf siya eh nag kakaroon din ako ng ka relasyon.
1 time nag chat siya. nag tatanong kung safe ba sa saudi at anong sitwasyon, tinanong ko siya "bakit? ano meron? pupunta ka dito?"
sagot ni chiqi "hindiiiii yung bf ko kasi mag wowork sa saudi, tapos naisip kita kasi alam ko nandyan ka"
ahh okay! at yun na nga nagamit nanaman ang karupukan ko para mag karoon siya ng peace of mind. nag offer ako na pag dating ng bf niya wag mag worry kasi iaassist ko kung may kailangan. tulad ng sim or mag paabot ng message habang wala pang net ang bf niya.
hanggang sa nakadating na ang BF niya sa saudi, hindi siya nag rereply kay chiqi ilang days na. ako yung nagiging way of communication nila.
ilang buwan ang nakalipas nag chat si chiqi. at kinukwento niya na hiwalay na daw sila ng BF niya, sabi ko sa sarili ko chance ko na siguro to kasi di ko na din kaya na gnyan nanaman siya at dadanasin niya itong sitwasyon nanaman na masasaktan siya sa maling tao. na kung kaya ko naman gawin ehhh bakit hindi ako na lang diba?
ang una kong ginawa ay chinat ko ang bestfriend ko, nag paalam ako kung okay ba na ligawan. medyo awkward nga kasi wala naman na daw yun sknya at hindi naman naging sila. peero ako syempre gusto ko wala akong maging problema sa mga taong mahalaga sa sa buhay ko.
ilang month na ligawan, ginagamit ko mga friend ko sa pinas para bumili ng human size teddy bear, pizza, chocolates, flowers para madeliver sa kanila. nahulog naman ang loob niya at ng pamilya niya dahil nakikita naman nila na okay naman pinapakita ko para mapasaya ang anak nila.
dumating ang bagong taon, expected ko na sa ilang taon kaming tumatalon mag kasabay ng naka call ito yung LDR celebration namin kasi nasa saudi na ako. habang nag cecelebrate siya at tumatalon na sa pinas. kahit hindi pa 12 midnight sa saudi at natalon na din ako. at mas tumaas pa ang talon ko na may kasamang sigaw at saya nung sinagot niya ako nag new years eve sa pinas. NAGING kami SAWAKAS.
makalipag ang 7 months, nag decide akong magbakasyon sa pinas. unang bakasyon ko makalipas ang 4years straight working sa saudi. 7th monthsary namin! sinabi ko saknya na uuwi ako mag babakasyon ako.
sinundo niya ako sa NAIA walang mapaglagyan ang saya ko ng makasama ko na yung taong mahal ko. 30 days lang ang tinagal ko sa pinas at sakanila ako nag stay ng buong 30 days. walang problema sa parents niya kung magkasama kami sa isang kwarto kasi tanggap at gusto nila ako para sa anak nila. after 30 days balik ulit ng saudi.
makalipas ang 8 months di ko na kinaya ang lungkot kasi nasanay ako na kasama siya. nag paalam ako sa father ko at sa family ko na nag decide na akong umuwi at mag for good sa ibang bansa. ipinag palit ko ang magandang trabaho, sahod, oportunidad para sa babeng mahal ko.
after that nag live-in kami for 6 years, madami kaming pinag daanan. Away bati at may time din na nabugbog niya ako sa harap ng pamilya niya nasa bakasyon kami noon(di po ako nambabae) nag sorry naman siya at pinatawad ko naman.
naging mag kasama sa trabah, pinasok ko siya sa company namim as HR. unti unti naming naabot yung mga pangarap namin step by step. medyo mabagal pero we're getting there naman.
nagkaron ng issue sa company na pinag tatrabauhan namin kasi nag decide kami na lumipat na lang siya ng ibang working place. nalipat siya sa isang trasportation company na may app. nakakatuwa kasi nag strive siya doon, matalino siya at magaling sa work niya. after a year nag propose ako sa knya, sa isang self shooting camera studio. kasi gusto ko ako yung kukuha mismo ng memorable moment. hindi medyo magarbo kasi hindi naman na ako OFW. sumagot naman siya ng "YES" tuwang tuwa kami kasama namin sa studio ang mga family niya na hindi niya alam nandoon na din pala sa loob ng studio. walang mapaglagyan yung saya ko dahil nasaakin na yung taong mahal ko. may away man oh tampuhan hindi kami nag give up sa isa't isa.
lagi ko siyang hatid sundo sa work araw araw. pasok niya 9 ako naman 8 kaya lagi na akong na lalate sa work, sa uwian niya naman 7:30pm kaya nag hihintay din ako ng 2 hours sa labas ng parking. at yun na nga minsan mag papaalam niya na mag ba bar sila ng mga girl friends niya na okay lang naman saakin. ang gagawin ko na lang ay may yayaya ng ka work 2 bottles sa ibang bar habang hinihintay siya matapos at makauwi na kami. kasi ayokong humalo saknila kung mag isa lang akong lalaki.
Ako ang taga luto, linis ng bahay kasi di naman sa minamaliit ko siya, pero di talaga siya pala galaw sa bahay. Mag laba lang sa automatic washing machine/ sampay ganun.
napadalas dalas na ang bar niya at overnight sa mga ka work niya. lagi nadin siyang babad sa cellphone pag gising. napapansin ko na din na iba na ang wallpaper niya hindi na ako or kami. hindi na siya sweet katulad ng dati. at pag nag babar sila ng may overnight sa apartment ng friend niya na si shine 3 times niya ng ginawa na di mag update starting 11pm to 10am.
na lowbat daw tapos na lasing, doon natulog sa condo ni shine. hindi ako nagagalit kasi gusto kong maging open minded. gusto ko na magawa niya yung mga bagay na di niya nagagawa pa. kaysa dumating yung time na sasabihin niyang "alam mo anak? di ko na naexperience yan simula nung ikasal ako sa papa mo" ayokong masabi niya yun. kaya kada may labas siya at hapi hapi ay pumapayag ako. 1 time na kita ko ang phone niya may ka chat "i love you bb!" pangalan ay shine. so tinanong ko siya kung bakit ganun mag message si shine. may intense pa yung i love you nila na parang every sentence may i love you. alibi niya "ganun naman kami talaga ni shine dati pa, ano kaba? babae yun"
1 day. nagising ako nag linis sa baba at nagluto. may mga di kami pag kakaintindihan nung araw na yun, tagal niya bumaba siguro 12nn na nasa taas pdin siya. hanggang sa nag kasagutan kami na at nagkasalitaan ng masama. hinayaan ko muna siya sa taas para mag cool down. after 30 mins umakyat ako para yayain siyang kumain. pero umiiyak siya at biglang lumabas sa bibig niya na "ayoko na, mag hiwalay na tayo" nagulat ako hindi ako makapaniwala sa mga oras na yon. na para bang "ano to joke time?" dahil never dumaan sa isip ko na masasabi niya yun ng ganun ka seryoso. umiyak ako umalis ako sa tabi niya at pumunta sa kwarto umiyak ng umiyak. bakit mo nagagawa saakin to? lahat iniwan ko lahat binitawan ko para maging masaya tayo. tapos iiwan mo lang ako ng ganito? ubos na ubos ako! ikaw lang ang meron ako!. that night niyakap niya ako at hindi niya daw kaya dahil nakita niyang hawak ko yung basag nasalamin at gusto ko na lang mawala sa mundo.
inayos niyo nung gabi na yon, pinakalma niya ako at niyakap. kinabukasan pag gising ko para papasok na kami sa trabaho. hinatid ko siya, at hindi na siya makahalik saakin pag baba ng motor. na kinailangan ko pa siyang tawagin dahil nakalimutan niya.
pag dating ng hapon around 4:00pm wala ng update. kinamusta ko at ang sagot niya. ayaw niya na daw talaga saakin. last message niya na daw yun, lagi daw akong mag iingat. mahal na mahal niya daw ako. ipapa deliver niya na lang daw ang gamit ko sa bahay ng nanay ko. wag na daw akong umuwi sa knila. 7years and 11 months kami at iniwan niya ako ng December 19 ilang araw na lang sana 8 years na. wasak na wasak! lutang na lutang ako noong mga oras na iyon. nag early out ako, nag paalam sa admin/ Hr at mga ka work ko na need ko na umuwi. nag motor ako sa lugar na hindi ko alam kung saan ako aabutin, ng plano? wala at hindi ko alam.
from makati 4:30pm bumiyahe ako at nakarating ako ng theresa rizal. konti na lang marilaque na sana. kakaliwa ba ako? kanan? diretso? hindi ko alam dahil lutang na lutang ako kung saan na lang ako abutin. bahala na.
Pero sabi ko hahabulin ko siya, from theresa rizal bumiyahe ako pabalik sa company niya. Pag dating doon 1 hr ako nag hintay kaso umalis na daw sabi ng guard. Kasama mga ka trabaho naka sakay sa isang pick-up car. Umalis ulit ako sa pag aakalang umuwi siya ng bahay nila, pag dating ko doon wala na siya at wala na ang aso kong si maxie(bully) dinala niya na pala at ibinigay sa ibang tao.
Dumating ang araw ng pasko, ganun na malungkot at sa bagong taon na sana kasabay ko siyang tumalon ay ginawa ko na lang ng mag isa. Pumunta ako sa countdown concert sa bgc. Mag isa, nilibang ko ang sarili ko. Inabutan ako mg 12am sa parking lot sa bgc at hindi na siya ang kasabay kong tumingin sa kalangitan habang nanonood ng fireworks. si kuya security guard at parking boy na ang mga katabi ko, tatlo kami na alam kong sabay sabay kaming nalulungkot na sana kasama namin yung mga taong mahal namin sa buhay. Kung pwede nga lang bumulong ng kuya guard payakap naman kahit 5 seconds lang. nag celebrate ako ng new year at anniv namin na sobrang wasak na halos di ko na makilala yung sarili ko, dahil yung isang part na pinaka malaki sa buhay ko ay biglang nawala. Daig ko pa yung nawalan ng isang kidney, naputulan ng paa or nabulag ang mga mata.
iniwan ako ng taong binuhusan ko ng lahat ng ako, wala ng natira sakin.
nakahanap ako ng apartment, nag momove on, lasing every single day. pinabayaan ang sarili na halos di ko na nakitaan ng halaga yung isang katulad ko. umiiyak mag isa at sobrang delusional na, pinipilit bumangon! at eto naman siya nag pa soft launch na. pinakilala niya na sa lahat ang BF niya. sa family niya sa socmed, ipinakita niya na sa lahat na yung ka chat niya na si shine ay lalaki pala talaga. katrabaho niya sa trasport app. na company at ayun may 4 wheels. 6 digits ang sahod at may magandang trabaho.
ako? nasira ang buhay ko. ang hirap bumangon, ang hirap mag move on. hanggang ngayon 9 months na nakalipas siya pa din ang gusto ko. ako ito padin kung sino sinong babae ang nakikilala ko. hindi ko pa talaga kaya buksan yung puso ko na kung pano ko pinag katiwala saknya lahat. hindi ko alam kung kailan ako tunay na magiging masaya.
sayo chiqi? salamat sa lahat. mahal na mahal kita hanggang ngayon. at kung sakali man kahit malabo na, kung babalik ka man ay bukas lagi ang pinto para sayo. dahil ikaw padin ang mamahalin ko at patuloy akong mag mamahal sayo ng tahimik dito sa malayo.
masaya akong masaya ka ngayon at nakita mo na ang totoong gusto mo. para sa buhay mo.
Godbless you always. i love you bi!
1 note
·
View note
Text
𝐀𝐧𝐠 𝐏𝐫𝐞𝐬𝐲𝐨 𝐧𝐠 𝐊𝐚𝐠𝐢𝐧𝐡𝐚𝐰𝐚𝐚𝐧: 𝐀𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐤𝐢𝐤𝐢𝐛𝐚𝐤𝐚 𝐧𝐠 𝐌𝐚𝐭𝐚𝐧𝐝𝐚𝐧𝐠 𝐌𝐚𝐠𝐬𝐚𝐬𝐚𝐤𝐚 🌾
𝑮𝑹𝑶𝑼𝑷 3
Sa aming pagsusuring ginawa bilang isang grupo. Ang mga katangian ng matandang magsasaka ay nakasakop sa tunggalian na Tao laban sa sarili. Sa nobelang “Mga Katulong sa Bahay”. Ramdam namin ang bigat ng buhay na pinapasan ng matandang magsasaka. Sa kanyang edad at karanasan, nakita namin kung paano siya nagpupunyagi para sa kanyang pamilya, kahit na ang kapalit nito ay ang paglimot sa kanyang sariling mga pangarap. Para sa amin, ang kanyang tahimik na pakikibaka ay nagpakita ng tunay na sakripisyo at ng tunggaliang internal na hinaharap ng bawat tao—ang labanan sa loob ng sarili upang ipagpatuloy ang buhay sa kabila ng hirap at kawalan ng pag-asa.
Habang binabasa namin ang kanyang kwento, napagnilayan namin ang mga sakripisyong ginagawa niya araw-araw. Siya ay nagsilbing paalala na ang bawat isa sa atin ay may mga laban na hindi laging nakikita ng iba. Naramdaman namin na sa kabila ng kanyang katahimikan, mayroon siyang matinding lakas na pinagmumulan ng kanyang determinasyon. Ang kanyang kwento ay nagturo sa amin na ang tunay na tagumpay ay hindi nasusukat sa yaman o kapangyarihan, kundi sa kakayahan nating magpatuloy sa kabila ng lahat.
Naging mas maliwanag para sa amin ang halaga ng pagtitiis at pagsasakripisyo, hindi lamang para sa sarili kundi para sa mga mahal natin sa buhay. Sa kanyang katauhan, nakita namin ang isang bayani na, kahit hindi kilala, ay patuloy na lumalaban sa isang sistemang tila nakalimot na sa kanya. Ang kanyang pakikibaka ay hindi lamang laban sa kahirapan kundi laban din sa kanyang sariling takot at panghihina.
Ang repleksiyon na ito ay nagdala sa amin ng mas malalim na pag-unawa sa realidad ng buhay, lalo na para sa mga tulad ng matandang magsasaka. Sa bawat araw na siya ay nagpapatuloy, natututo kaming pahalagahan ang bawat sakripisyo na ginagawa namin sa aming sariling buhay. Nagsilbing inspirasyon sa amin ang kanyang kwento upang maging mas matatag at mas mapagpasalamat sa mga biyaya, gaano man kaliit o kalaki.
Sa nobelang "Mga Katulong sa Bahay", Ang matandang magsasaka ay kumakatawan sa mga taong nagtitiis at nagsasakripisyo nang labis upang magbigay ng mabuting kinabukasan para sa kanilang mga pamilya, kahit na ito ay nangangahulugan ng paglimot sa kanilang sariling pangarap at kagustuhan. Sa kanyang edad, makikita ang kanyang pagod at hirap, hindi lamang sa pisikal na anyo kundi pati na rin sa kanyang damdamin at isipan. Ang kanyang pangarap na umangat sa buhay ay tila naging imposibleng abutin dahil sa patuloy na pang-aapi at kakulangan ng oportunidad.
Ang kanyang pakikibaka ay isang tahimik ngunit malalim na "tao laban sa sarili." Bagaman alam niyang wala nang malaking pagbabago sa kanyang kalagayan, patuloy siyang kumakayod dahil sa kanyang tungkulin bilang isang ama at tagapagtaguyod ng kanyang pamilya. Nariyan ang pakiramdam ng pagkatalo at kawalan ng pag-asa, ngunit sa kabila nito, pinipili niyang magpatuloy.
Kung ikukumpara sa aming sariling mga karanasan, maaaring nakikita namin ang ilan sa mga hamon na naranasan ng matandang magsasaka sa nobelang. Maaring tulad niya, naranasan rin namin ang pakiramdam ng pagod at sakripisyo, lalo na kung kami ay nagtatrabaho ng mabigat para maitaguyod ang sarili o ang pamilya.
Naramdaman rin namin ang bigat ng responsibilidad—mga oras na kahit pagod na kami, kailangan pa rin naming magpatuloy dahil may mga umaasa sa amin. Katulad ng matandang magsasaka, marahil ay naranasan namin ang kakulangan ng mga mapagkukunan o mga pagkakataon, na nagdudulot ng pakiramdam ng pagka-bigo o kawalan ng pag-asa.
Gayundin, maaaring may mga pagkakataon na naramdaman naming walang katiyakan ang aming hinaharap, tulad ng nararanasan ng matandang magsasaka. Ang kanyang buhay ay puno ng hirap, ngunit siya ay patuloy na nagtataguyod, at marahil ganito rin ang aming nararamdaman—ang patuloy na pakikibaka sa kabila ng mga hamon.
1 note
·
View note
Text
Grabe ‘no? Posible pala talagang dumating sa punto ng buhay na pakiramdam mo ibang tao ka na. Hindi mo na nagagawa ‘yung mga dati mong ginagawa. Hindi na kabisado ng mga paa mo ‘yung mga lugar na dati’y lagi-lagi nitong pinupuntahan. Hindi ka na nakapagtitipa ng mga sulatin na dati-rati’y ‘di mo kinatatakutang itipa o ipahiwatig sa madla. Punong-puno ka na ngayon ng takot at pag-asa. Takot kang sumubok pero umaasa kang maintindihan ng iba. Takot kang magbigay kasi umaasa kang hindi maubos. Takot kang hindi maintindihan kasi baka isipin nilang ganap ka nang malayo sa dating ikaw. Nakatatakot ang pagbabago ‘no? Habang hinahagkan mo ang ‘yong sarili, akala ng iba’y kumakalas ka na sa dati mong nakagisnan. Ngunit mas nakatatakot pakawalan ang sarili sa katotohanang hindi lahat ng tao, maiintindihan na may kapasidad kang magbago at magsilang ng panibagong katauhang malayo sa kanilang nakasanayan.
1 note
·
View note
Text
Ulan at Araw, Ikaw Pa Rin
Noong una kitang masilayan, ang alimpuyo na bumubuo ay mas lalong lumakas ngunit sa pagkakataong nakita ko ang mga mata mong nasasalamin ang misteryo, ang damdaming hindi ko maipaliwanag kung bakit gumaan ang pakiramdam mo. Mga mata’y may sinasabi at tila kinakatok ang malamig at matigas na pundayon ngunit unti-unting natitibag ng isang mayuming ngiti.
Ulan. Gusto kong habulin at hulihin ang iyong kiliti ngunit mahina pa rin ang aking loob dahil hindi ko maibibigay ang lahat pagkat matagal na akong sugatan, simula pa pagkabata. Walang kalinga mula sa mga magulang na ipinanganak ako sa mundong tila bulag at walang patutunguhan ngunit binigyan mo ako ng pag-asa. Na sa kabila ng unos, malakas na hangin at buhos ng ulan maging ang baha, gusto kong suungin ang lahat, makapiling at mayakap ka lang sa mga bisig ko. Ngunit hindi pa ako sapat. Kailangan kong hilumin ang sugat upang maibigay ko ng buo. Ang pagmamahal na gusto kong iparamdam.
Araw. Kahit panakaw ang sandaling kita’y tinitigan. Sa malayo. Sa malapit. Tumitingkad ang paligid kapag ikaw ay nakangiti at nakatawa. Ang mga mata mo’y kumikislap at ang maamo mong mukha na pinapanaginipan mo. Katulad ka ng isang araw na pinapainit mo ang malamig kong araw. Ang mga sugat ko’y tila naghihilom sa mga ngiti mo pa lang. Ang halimuyak na taglay mo at nang isayaw kita kahit sa maikling sandali, tila nasa alapaap ako.
Araw at ulan. Iyong maamong mukha. Ang nangungusap at kumikislap mong mga mata pag nakangiti. Ang iyong disposiyon sa buhay. Ang pag-aalaga mo sa kaibigan. Ang mahinhin mong tawa. Ang pagbikas mo sa pangalan ko. Ang mabini mong tinig na pinapawi ang kalungkutang bumabalot sa akin.
Kung hindi man tayo hanggang dulo. Mananatili kang natatanging babae na inibig ko na walang hanggan. Na kahit ilang taon pa ang nagdaan, ikaw pa rin. Isa kang diwata na madalang ko nang nasisilayan paglipas ng mga taon. Unti-unti ko ng nahilom ang mga sugat ko. Handa na kitang ibigin ulit. Ngunit hindi kita pipilitin kung hindi ka pa handa. Na tanggapin ako at siguro nga, naging makasarili ako, pagka’t hindi ko naisip na maging ako ay kahihilom pa lamang ng sugat ng kabataan ko.
Hinayaan kitang lumayo sa akin sa pangalawang pagkakataon at kahit masakit, naiintindihan kita. Hindi ka pa handa. Maghihintay ako hanggang sa handa ka nang umibig ulit. Na walang pag-aalinlangan. Buong-buo. Ikaw ang pinakamagandang nangyari sa buhay ko. Kagaya ng iyong pangalan, nakaranas ako ng pagbabago sa sarili ko. Na kaya kong magmahal. Na kaya kong pahalagahan ang sarili ko. At ang natatanging dilag na minahal ko sa kahapon at mahal na mahal ko pa rin sa kasalukuyan.
Nang yakapin mo ako habang tumatakbo ka, walang pagsidlan ang kaligayahan kumalat sa puso ko. Ikaw, nasa mga bibig ko at nangangako ako na buong buhay kitang aalagaan, mamahalin at pahahalagahan hanggang sa magiging anak at apo natin. Ika’y mamahalin habangbuhay.
1 note
·
View note