shutfalls
TREVORSPH
8 posts
Don't wanna be here? Send us removal request.
shutfalls · 21 days ago
Text
Nandito ako sa situation ko na kalaban ko palagi yung sarili ko, bakit ako ganito? Bakit ako gnyan? Dapat ba maging ganito ako? Hindi ko alam kung ano yung tamang gawin kahit aminado ako sa sarili ko na mali na.
Pinaparusahan ko lang araw araw yung sarili ko, how to get better? Alam ko yan. Alam ko yung solusyon pero? Bakit di ko magawa.
Siguro nga binigay ko lahat ng ako, lahat ng ako. Sa taong di nakuntento sakin, kaya eto sirang sira yung pagkatao ko na di ko alam saan huhugutin yung lakas ng loob or yung relayidad na kailangan kong mabuhay ng mag isa.
Or dapat paba?
Tumblr media
1 note · View note
shutfalls · 1 month ago
Text
Tumblr media
Cheating will never okay. There is no justification for it. Just don't!
Nakakalungkot na kung paano nila isinawalang bahala yung ginawa ng anak nila saakin at kung paano ko hinarap yung sakit dahil doon. How can they come up with the "it takes two to tango" thing? I've never cheated. Yung anak nila pinag sabay kami nung bago niya ngayon. Nag overlapped kami, never kong ginawa yun, at never magiging tama yung ginawa niya. Di ako nag loko hindi ako nambabae, di ako nanakit physical. Totoo nyan ako pa nga binugbog ng anak nila dati ng dahil sa napapanood kong reels na di maiwasang lalabas sa fb.
I don't know, siguro nga i have to end talking to them.
2 notes · View notes
shutfalls · 2 months ago
Text
UMANGKAS SA IBA
Gusto ko lang sanang ishare yung nangyari saakin last year. sobrang devastated ako as-in wasak na wasak. 
simulan ko sa umpisa tawagin niyo na lang po akong trevor at siya naman siya Chiqi
nag kakilala kami ni chiqi noong 4th year highschool pa siya, ka M.U siya ng bestfriend ko. same school sila pero mas higher year yung best friend ko. Limang taon ang agwayt ko kay chiqi, mas matanda ako sknya.
saakin nag papatulong ang bestfriend ko para diskartehan siya, tulad ng pag gigitara habang naka call sila at si bestfriend ko naman yung kumakanta.
sa kasamaang palad naman ay hindi naman naging sila, tamang sweet sweet lang.
Tapos dumating yung araw na tinigilan siyang ligawan ng bestfriend ko. 
saakin nag memessage si chiqi, asking kung ano bang nangyari? bakit di na nag rereply and best friend ko. kumbaga ako yung naging sandalan niya noong malungkot siya. 
years na nakalipas nakasanayan namin ni chiqi na mag greet sa isa't isa ng happy new year. naging mag kaibigan kami. sabay kaming tumatalon habang hawak ang cellphone at mag katawagan kapag new year, kasi nga diba para sabay kaming tumangkad sabay kaming tumatalon.
Bunsong kapatid na ang turing ko sa knya, maganda si chiqi, sexy siya at maliit ang muka na parang manika. 
lumilipas ang panahon na parang ako yung naging kuya niya sa mga heartbreaks niya. minsan nga gusto ko na lang sabihin na "alam mo ba kung sakin ka? di ka iiyak ng gnyan, kasi aalagaan at iingatan kita gaya ng ginagawa ko pa lagi pag malungkot ka" kaso pag may chance para sana pumasok sa sitwasyon na yun eh? bigla ko na lang malalaman na may bago na siya. at yun na nga ang nangyayari every single heartbreak niya.
Bawat pag iyak niya weeks later may bago na siya, ilang beses na palaging ganun ang sitwasyon. nakakalungkot din kasi parang hindi nako siguro mag kakaroon ng chance talaga kasi madami siyang nagiging sandalan,  at yung sandalan niya ang nagiging BF niya siguro kaya mabilis siya magkaroon ng kapalit. kaya nag stay na lang ang relationship namin na ganun. kapag iiyak siya saakin siya mag kukwento. 
dumating na lang yung panahon na kailangan ko ng sumunod sa family ko sa saudi para mag trabaho. alam kong matatagalan ako doon dahil nandoon na halos ang mga pamilya ko. nawalan na ako ng pag-asa. pero sa mga taon naman na may bf siya eh nag kakaroon din ako ng ka relasyon. 
1 time nag chat siya. nag tatanong kung safe ba sa saudi at anong sitwasyon, tinanong ko siya "bakit? ano meron? pupunta ka dito?" 
sagot ni chiqi "hindiiiii yung bf ko kasi mag wowork sa saudi, tapos naisip kita kasi alam ko nandyan ka" 
ahh okay! at yun na nga nagamit nanaman ang karupukan ko para mag karoon siya ng peace of mind. nag offer ako na pag dating ng bf niya wag mag worry kasi iaassist ko kung may kailangan. tulad ng sim or mag paabot ng message habang wala pang net ang bf niya. 
hanggang sa nakadating na ang BF niya sa saudi, hindi siya nag rereply kay chiqi ilang days na. ako yung nagiging way of communication nila. 
ilang buwan ang nakalipas nag chat si chiqi. at kinukwento niya na hiwalay na daw sila ng BF niya, sabi ko sa sarili ko chance ko na siguro to kasi di ko na din kaya na gnyan nanaman siya at dadanasin niya itong sitwasyon nanaman na masasaktan siya sa maling tao. na kung kaya ko naman gawin ehhh bakit hindi ako na lang diba? 
ang una kong ginawa ay chinat ko ang bestfriend ko, nag paalam ako kung okay ba na ligawan. medyo awkward nga kasi wala naman na daw yun sknya at hindi naman naging sila. peero ako syempre gusto ko wala akong maging problema sa mga taong mahalaga sa sa buhay ko. 
ilang month na ligawan, ginagamit ko mga friend ko sa pinas para bumili ng human size teddy bear, pizza, chocolates, flowers para madeliver sa kanila. nahulog naman ang loob niya at ng pamilya niya dahil nakikita naman nila na okay naman pinapakita ko para mapasaya ang anak nila. 
dumating ang bagong taon, expected ko na sa ilang taon kaming tumatalon mag kasabay ng naka call ito yung LDR celebration namin kasi nasa saudi na ako. habang nag cecelebrate siya at tumatalon na sa pinas. kahit hindi pa 12 midnight sa saudi at natalon na din ako. at mas tumaas pa ang talon ko na may kasamang sigaw at saya nung sinagot niya ako nag new years eve sa pinas. NAGING kami SAWAKAS. 
makalipag ang 7 months, nag decide akong magbakasyon sa pinas. unang bakasyon ko makalipas ang 4years straight working sa saudi. 7th monthsary namin! sinabi ko saknya na uuwi ako mag babakasyon ako. 
sinundo niya ako sa NAIA walang mapaglagyan ang saya ko ng makasama ko na yung taong mahal ko. 30 days lang ang tinagal ko sa pinas at sakanila ako nag stay ng buong 30 days. walang problema sa parents niya kung magkasama kami sa isang kwarto kasi tanggap at gusto nila ako para sa anak nila. after 30 days balik ulit ng saudi. 
makalipas ang 8 months di ko na kinaya ang lungkot kasi nasanay ako na kasama siya. nag paalam ako sa father ko at sa family ko na nag decide na akong umuwi at mag for good sa ibang bansa. ipinag palit ko ang magandang trabaho, sahod, oportunidad para sa babeng mahal ko. 
after that nag live-in kami for 6 years, madami kaming pinag daanan. Away bati at may time din na nabugbog niya ako sa harap ng pamilya niya nasa bakasyon kami noon(di po ako nambabae) nag sorry naman siya at pinatawad ko naman.
naging mag kasama sa trabah, pinasok ko siya sa company namim as HR. unti unti naming naabot yung mga pangarap namin step by step. medyo mabagal pero we're getting there naman.
nagkaron ng issue sa company na pinag tatrabauhan namin kasi nag decide kami na lumipat na lang siya ng ibang working place. nalipat siya sa isang trasportation company na may app. nakakatuwa kasi nag strive siya doon, matalino siya at magaling sa work niya. after a year nag propose ako sa knya, sa isang self shooting camera studio. kasi gusto ko ako yung kukuha mismo ng memorable moment. hindi medyo magarbo kasi hindi naman na ako OFW. sumagot naman siya ng "YES" tuwang tuwa kami kasama namin sa studio ang mga family niya na hindi niya alam nandoon na din pala sa loob ng studio. walang mapaglagyan yung saya ko dahil nasaakin na yung taong mahal ko. may away man oh tampuhan hindi kami nag give up sa isa't isa. 
lagi ko siyang hatid sundo sa work araw araw. pasok niya 9 ako naman 8 kaya lagi na akong na lalate sa work, sa uwian niya naman 7:30pm kaya nag hihintay din ako ng 2 hours sa labas ng parking. at yun na nga minsan mag papaalam niya na mag ba bar sila ng mga girl friends niya na okay lang naman saakin. ang gagawin ko na lang ay may yayaya ng ka work 2 bottles sa ibang bar habang hinihintay siya matapos at makauwi na kami. kasi ayokong humalo saknila kung mag isa lang akong lalaki. 
Ako ang taga luto, linis ng bahay kasi di naman sa minamaliit ko siya, pero di talaga siya pala galaw sa bahay. Mag laba lang sa automatic washing machine/ sampay ganun.
napadalas dalas na ang bar niya at overnight sa mga ka work niya. lagi nadin siyang babad sa cellphone pag gising. napapansin ko na din na iba na ang wallpaper niya hindi na ako or kami. hindi na siya sweet katulad ng dati. at pag nag babar sila ng may overnight sa apartment ng friend niya na si shine 3 times niya ng ginawa na di mag update starting 11pm to 10am. 
na lowbat daw tapos na lasing, doon natulog sa condo ni shine. hindi ako nagagalit kasi gusto kong maging open minded. gusto ko na magawa niya yung mga bagay na di niya nagagawa pa. kaysa dumating yung time na sasabihin niyang "alam mo anak? di ko na naexperience yan simula nung ikasal ako sa papa mo" ayokong masabi niya yun. kaya kada may labas siya at hapi hapi ay pumapayag ako. 1 time na kita ko ang phone niya may ka chat "i love you bb!" pangalan ay shine. so tinanong ko siya kung bakit ganun mag message si shine. may intense pa yung i love you nila na parang every sentence may i love you. alibi niya "ganun naman kami talaga ni shine dati pa, ano kaba? babae yun"
1 day. nagising ako nag linis sa baba at nagluto. may mga di kami pag kakaintindihan nung araw na yun, tagal niya bumaba siguro 12nn na nasa taas pdin siya. hanggang sa nag kasagutan kami na at nagkasalitaan ng masama. hinayaan ko muna siya sa taas para mag cool down. after 30 mins umakyat ako para yayain siyang kumain. pero umiiyak siya at biglang lumabas sa bibig niya na "ayoko na, mag hiwalay na tayo" nagulat ako hindi ako makapaniwala sa mga oras na yon. na para bang "ano to joke time?" dahil never dumaan sa isip ko na masasabi niya yun ng ganun ka seryoso. umiyak ako umalis ako sa tabi niya at pumunta sa kwarto umiyak ng umiyak. bakit mo nagagawa saakin to? lahat iniwan ko lahat binitawan ko para maging masaya tayo. tapos iiwan mo lang ako ng ganito? ubos na ubos ako! ikaw lang ang meron ako!. that night niyakap niya ako at hindi niya daw kaya dahil nakita niyang hawak ko yung basag nasalamin at gusto ko na lang mawala sa mundo. 
inayos niyo nung gabi na yon, pinakalma niya ako at niyakap. kinabukasan pag gising ko para papasok na kami sa trabaho. hinatid ko siya, at hindi na siya makahalik saakin pag baba ng motor. na kinailangan ko pa siyang tawagin dahil nakalimutan niya. 
pag dating ng hapon around 4:00pm wala ng update. kinamusta ko at ang sagot niya. ayaw niya na daw talaga saakin. last message niya na daw yun, lagi daw akong mag iingat. mahal na mahal niya daw ako. ipapa deliver niya na lang daw ang gamit ko sa bahay ng nanay ko. wag na daw akong umuwi sa knila.  7years and 11 months kami at iniwan niya ako ng December 19 ilang araw na lang sana 8 years na. wasak na wasak! lutang na lutang ako noong mga oras na iyon. nag early out ako, nag paalam sa admin/ Hr at mga ka work ko na need ko na umuwi. nag motor ako sa lugar na hindi ko alam kung saan ako aabutin, ng plano? wala at hindi ko alam.
from makati 4:30pm bumiyahe ako at nakarating ako ng theresa rizal. konti na lang marilaque na sana. kakaliwa ba ako? kanan? diretso? hindi ko alam dahil lutang na lutang ako kung saan na lang ako abutin. bahala na.
Pero sabi ko hahabulin ko siya, from theresa rizal bumiyahe ako pabalik sa company niya. Pag dating doon 1 hr ako nag hintay kaso umalis na daw sabi ng guard. Kasama mga ka trabaho naka sakay sa isang pick-up car. Umalis ulit ako sa pag aakalang umuwi siya ng bahay nila, pag dating ko doon wala na siya at wala na ang aso kong si maxie(bully) dinala niya na pala at ibinigay sa ibang tao.
Dumating ang araw ng pasko, ganun na malungkot at sa bagong taon na sana kasabay ko siyang tumalon ay ginawa ko na lang ng mag isa. Pumunta ako sa countdown concert sa bgc. Mag isa, nilibang ko ang sarili ko. Inabutan ako mg 12am sa parking lot sa bgc at hindi na siya ang kasabay kong tumingin sa kalangitan habang nanonood ng fireworks. si kuya security guard at parking boy na ang mga katabi ko, tatlo kami na alam kong sabay sabay kaming nalulungkot na sana kasama namin yung mga taong mahal namin sa buhay. Kung pwede nga lang bumulong ng kuya guard payakap naman kahit 5 seconds lang. nag celebrate ako ng new year at anniv namin na sobrang wasak na halos di ko na makilala yung sarili ko, dahil yung isang part na pinaka malaki sa buhay ko ay biglang nawala. Daig ko pa yung nawalan ng isang kidney, naputulan ng paa or nabulag ang mga mata.
iniwan ako ng taong binuhusan ko ng lahat ng ako, wala ng natira sakin.
nakahanap ako ng apartment, nag momove on, lasing every single day. pinabayaan ang sarili na halos di ko na nakitaan ng halaga yung isang katulad ko. umiiyak mag isa at sobrang delusional na, pinipilit bumangon! at eto naman siya nag pa soft launch na. pinakilala niya na sa lahat ang BF niya. sa family niya sa socmed, ipinakita niya na sa lahat na yung ka chat niya na si shine ay lalaki pala talaga. katrabaho niya sa trasport app. na company at ayun may 4 wheels. 6 digits ang sahod at may magandang trabaho. 
ako? nasira ang buhay ko. ang hirap bumangon, ang hirap mag move on. hanggang ngayon 9 months na nakalipas siya pa din ang gusto ko. ako ito padin kung sino sinong babae ang nakikilala ko. hindi ko pa talaga kaya buksan yung puso ko na kung pano ko pinag katiwala saknya lahat. hindi ko alam kung kailan ako tunay na magiging masaya. 
sayo chiqi? salamat sa lahat. mahal na mahal kita hanggang ngayon. at kung sakali man kahit malabo na, kung babalik ka man ay bukas lagi ang pinto para sayo. dahil ikaw padin ang mamahalin ko at patuloy akong mag mamahal sayo ng tahimik dito sa malayo. 
masaya akong masaya ka ngayon at nakita mo na ang totoong gusto mo. para sa buhay mo. 
Godbless you always. i love you bi!
1 note · View note
shutfalls · 5 months ago
Photo
Tumblr media
625 notes · View notes
shutfalls · 5 months ago
Photo
Tumblr media
by Clara Örh
6K notes · View notes
shutfalls · 5 months ago
Text
“Every day may not be good… but there is something good in every day.”
— Unknown
131 notes · View notes
shutfalls · 5 months ago
Text
Tumblr media
(by downtofowler)
2K notes · View notes
shutfalls · 5 months ago
Photo
Tumblr media
alex garcia
2K notes · View notes