#gugustuhin niyo kasi sabi ko
Explore tagged Tumblr posts
kimhortons · 1 month ago
Text
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
when in manila. | september 28-29
lagi talagang yung mga favorite food na wala dito sa bicol una kong kini-crave tuwing uuwi ako ng manila. at kahit kailan di talaga ako nagsasawa sa tacobell lalo ko pang namimiss kasi wala nga nun dito.
naalala ko tuloy yung bida bida naming manager haha. kakilala niya raw yung anak ng may ari ng tacobell haha. mahuhuli mo talaga sa bibig ng mga sinungaling minsan yung boka boka lang e. haha. wala namang anak si araneta haha.
anyway, syempre namiss ko rin mga mall dito, nag sasawa na kasi ako linggo linggo nalang ako nasa sm legazpi haha. miss ko na yung baluarte ko—trinoma haha.
i haven't tried llao llao kasi sobrang hype din dun ng mga tao dito sa albay. (kahapon na try ko) and all i can say is mas bet ko talaga 'tong frozen yogurt ng blk 513 na may activated charcoal. hindi ganun katamis for me ha. tsaka mas bet ko mga toppings dito.
umuwi talaga kami para manuod ng music festival. sobrang solid ng line up kaso hindi na namin natapos dahil sobrang late na at pagod na kami sa sobrang antok. sayang di ko tuloy napanuod urbandub huhu. 2:30am na nga kami umuwi nun, tapos nakita ko sa tiktok quarter to 4am na sila nakatugtog kawawa naman sila gab. 12am sila sa sched e, hindi nasunod. hays.
sabi ni Jay Contreras, "sa mga bata dito, sa mga hindi kami kilala, kami yung mga bandang pinapakinggan ng mga tito at tita niyo." hahaha. i felt so old. ang tatanda narin naman nila puro puti na nga din yung balbas ni Jay haha. ang saya at ang sarap sa pakiramdam na bumalik ako sa mga ala ala ng nakaraan hihi. watching these bands hits different talaga these days. hehe.
nag kita kami ni rachel the night nung pagkadating namin ng manila, after kumain nabudol niya pa ko bumili ng tinted moisturizer sa happy skin haha. first time ko 'tong brand na 'to actually, hindi ko naman kailangan haha. pero kasi buy 1 take 1 and namahalan ata siya kaya pinag hatian nalang namin haha. so far okay naman, feeling ko lang pag ginagawa ko 'tong base super oily ko haha.
yung dating shopwise sa araneta, fiesta carnival na pala ngayon. ang cool sa loob medyo retro yung vibes. sabe ko kay J sa sunod na pag uwi namin tatry namin mag laro dun. nag kita lang kasi kami nila rachel jan nung papunta kami ng music fest. hehe.
bago kami bumalik ng bicol the next day, as usual dumaan kami kila mitch. dun kami sa coffee shop ng ate niya tumambay. coffee na yung in-order namin, pero nag insist yung ate niya that i should try their matcha haha. dati kasi lagi namin jinajudge mga matcha ng mga local coffee shops sa lugar namin. ngayon, she really made sure na the best yung matcha ng cafe nila. and indeed it really is, kasi halos kalasa ng matcha latte sa starbucks haha.
although may unpleasant and upsetting na ganap—which i know misunderstanding lang naman, nung pag uwi ko, i think mas gugustuhin ko parin talaga umuwi from time to time. tingin ko keri ko na ng once a month kapag wala nakong bayarin. haha.
saya. hehe
8 notes · View notes
sunb0rn · 1 year ago
Text
(unplanned) productive weekend dito sa apartment, part I
short zoom meeting with my Sunlife FA, na sobrang na-happy ako after.
i was planning kasi na iwithdraw na funds ko at ilagay sa bank muna kung wala pa naman pag gagamitan. na confuse kasi ako na continous payment pala yung policy ko until mag 80y/o ako. dba?? ayaw ko mag bayad ng insurance hanggang umabot sa age na yon but after talking to her i realized na mas magiging beneficial for me na iretain yon or maybe withdraw it some later time.
not that she made me change *my mind, inexplain lang nya yung mga dating hindi ko gets and na refresh ako about my policy since I had it at only 20, kakasimula ko lang mag work. it was just my mom's idea initially tapos pinsan ko pa FA ko (bago na yung ngayon ksi nag venture into real estate si kuya) kumbaga all trust na ako at di ko na binusisi fully mga naka saad sa contract.
dami ko gusto ishare about this kaso baka TMI or what. hingi nalang ako mg insights niyo sana into getting an insurance? like kelan ba dapat? and kung ayaw ninyo bakit?
kasi when I got mine, di naman yun with full conviction. hindi ko pa plano pero naisip ko "sige ipon naman" and "akin din naman mapupunta". andon din yung part na gusto ko makampante mom ko na from the start ng pag ttrabaho ko makakpag save ako.
si Miss Mia, hindi siya hard-selling. sabi nga nya she understands yung circumstances ng mga tao kung bakit gugustuhin o aayaw sila to have themselves insured, how soon o kung later pa. and if i decided right there and then na mag withdraw, she would assist me all the way.
another thing na naiiisip ko though, if ever mag kakaron ako mg kid/s at dumating yung time na magkakatrabaho na sila hindi ko gagawin yung katulad ng akin especially aa unang year of working nila, unless personally ready at gustong gusto nilang kumuha. sa isip ko, mas gusto kong ienjoy nila mga unang sahod sa paraan na gusto nila as long as hindi makakasama sa kanila, and to be able to do that dapat wala din akong financial hang ups. not that I woul tend na umasa sa kanila pero yun bang maipasa ko yung mga takot ko for their future eh dapat mas mag focus sila sa present lalo at age 20s. ayuuun.
20 notes · View notes
queenof-narnia-blog · 10 months ago
Text
Jan 2, 2024
I'm still not okay with the fact that you cheated on me. The fact that you ignored me.. that you wanted to see her and you wanted to talk to her instead of me.. is very traumatic. There's not a time that I don't think about it.
Maybe we are not meant together.
Pinipilit ko lang talaga. Kaya siguro kayo nag away ng kapatid mo at nag-move ka sa hometown ko para ma meet siya. Di ko matanggap na kakilala mo lang sa kanya.. ganun na kaagad usapan niyo at willing kang balewalain yung nararamdaman ko para sa kanya.
Baka nga kayo talaga yung naka tadhana at hindi tayo. Kasi di mo naman gugustuhin mag explain at kausapin siya kung hindi siya importante sa iyo to the point na mas inuna mo siya kesa sa akin na matagal mo ng kakilala.
Sabi mo nga same shit everyday.. pero yung trauma hindi na mawala sa akin. Its fine kung ayaw mo na talaga. Kahit bantayan kita, wala na.. its too late niloko mo na ako.
Masyado mo siyang ginusto na halos lahat ng story niya, naka heart react ka or wow react. Halos lahat ng post niya nakikita mo at nag re-react minsan meron pa comments kahit sa IG di mo pinalagpas. You stalked her and took a screenshot telling her how cute she is. How you wanted a hug and a kiss from her.
You never did those to me. You never told me, I was pretty with so many post I shared. You never called my mom "mama". You never told me to send regards to the rest of my family when all we do is wish you the best in life. Even your bio in fb maybe its not for me.. maybe its even for her.
Ikaw nagloko, pero di mo kayang i-share mga pictures natin in public coz you're too scared na baka makita nila or worst is, makita niya. You've never been proud of having me. Lagi mong tinatago yung relasyon natin.
You even unfollowed me on fb. Twice. I guess, she replaced me. Sabi mo nakita mo na di na tayo friends sa fb. But I don't think so, you never checked on me. If you did, you would add me as a friend. You never did.. buti pa siya gumawa ka ng new account to send her a new friend request. For sure, baka nag msg ka pa sa kanila ni Ronna. Sure ako jan kahit di mo aminin. Wag mo din sabihin na lagi kong ginagawa na i-unfriend ka.. kasi, dalawang beses lang. Una nung nalaman kong nagloko ka. Second, netong bagong taon lang kasi gusto na kitang iwan.
I will never be enough for you. And I'm tired of begging to be your priority. I always tell you what's best for you pero never ka nagsabi sa akin kung ano ba makaka buti para sa future natin or kahit pra sa akin. I envy her, coz you always assure her na siya lang ka chat mo which is true din naman kasi di mo ko kina-kausap. I envy her because you always flatter her with flowery words. Ako, ni minsan wala kang sinabi na sana magkita tayo sa panaginip. You never told me to tell you when I reach home.. sabi mo lang prati, ingat sa pag uwi.
You never told me na wag masyadong magpaganda kasi I look pretty na already. With her, sinabi mo. Sobrang sakit na yung taong mahal mo magsasabi nun sa ibang babae. Even once, on your bdays you never told me that you were happy spending it with me. Pero sa kanya you were happy.
Maybe, I was toxic. But, before all that, I was a good happy go lucky girl and that changed when I learned about your past.
You changed me, you betrayed me, you ignored me, you have taken me for granted, you lied to me over and over again. And you kept choosing her first before me. Iniisip mo ano mararamdaman niya pero ako never sumagi sa isip mo. Ako yung taong sinaktan niyo pero mas natakot ka na mawala siya sa iyo. At sabi mo nga sayang pinagsamahan niyo. Kelan lang kayo nagkakilala.. netong July lang. Nahiya naman ako sa pinag samahan niyo.
I'll be very busy these few months. Mag focus nlg ako sa work para di na gaano mag isip. I will never forget what you did. Its been one month.. but the trauma and pain is still fresh both in my mind and my heart. At alam ko lagi ko yun iisipin. Kaya kung gusto mo talaga siya.. pwede mo na siya ligawan. Di na ako magagalit. You can have her back. It seems that's all you wanted too.
You never failed to call her "baby pillow". Every sentence mo may "pillow". You were like that too nung mga panahong wala pa siya. But all of that is gone now. Eventually, all our memories will fade.
I deleted everything in my phone. I just hope this will help me heal. I never imagine myself to get hurt like this. Ikaw may sabit sa atin pero ikaw pa yung nagloko. Siguro oo, lagi akong galit sa iyo but that is not an excuse to find someone new.
Nakaka miss yung dati. Nung bago ka nawala.. lahat ng msg mo sa akin merong iloveyou sa dulo. Pero di na siguro yun mababalik kasi nagmahal ka ng iba at alam ko mas nasaktan ka nung nawala siya sa iyo. You never even shed a tear for me. I never saw you did. But that's okay. Yung feelings di naman yun napipilit. Kaya okay lang. ramdam ko naman na ginusto mo talaga siya. I would understand if you want to pursue her. Di kita pipigilan basta tapusin mo lang yung sa atin. Mas okay yun kesa sabihan ako na mahal ako pero hindi naman na pala.
Good night, mahal pa din naman kita hanggang ngayon. You just wait, I'll move on and wala ng magsasabi sa iyo ng mga ganto araw-araw. Same shit everyday nga dba? Di mo kasi ramdam kaya parang wala lang sa iyo.
Tutulog na ako. Maaga pa ko bukas. Di ko na need magpuyat para antayin ka. You made your choice. And that choice is to talk to her and see her without me knowing. We both grew up in Canda.. what you both did is already dating. Dating while we are still together. Its painful, depressing and very traumatic. Kaya goodjob for making me feel this way. 🙃
0 notes
monkismmard · 2 years ago
Video
tumblr
Tumblr media Tumblr media Tumblr media
Mga kaibigan na mahilig jan sa rap, may bagong kanta si maestro Biko, trip niyo to kasi sabi ko hahaha. Youtube Link: https://www.youtube.com/watch?v=6q1U3IzrXpI Spotify Link: https://open.spotify.com/album/0LqT5PTB3im4INNY5WZfaY?si=r9zaCCfySgy6LHL4qhDn7Q&nd=1 Written by Biko and  @Zend Luke Abrea   https://www.facebook.com/bikobikobiko00/ https://www.facebook.com/zendlukethen... 
Performed by Biko, Shaheen, and @Zend Luke Abrea https://www.facebook.com/bikobikobiko00/ https://www.facebook.com/shaheen.frig... https://www.facebook.com/zendlukethen... 
Produced by @CarlNationMusic Official https://www.facebook.com/carlnationmu... 
Recorded at  @J-Lhutz  studio https://www.youtube.com/watch?v=ZvKnS...
Mixed and mastered by @J-Lhutz https://www.youtube.com/watch?v=ZvKnS...
Cover art by Sheyn Shane https://www.facebook.com/sheyn.shane.39 Lyric
Video by Biko Soundcloud https://soundcloud.com/biko-biko-7480... 
Special thanks to  @Dyurj
1 note · View note
sasoriselenophile · 4 years ago
Text
Why do people behave the way they do?
Kwento ako ng mga nangyari kahapon na nagpaiyak sakin sa harapan ng mga kawork ko. Yesterday unexpected na nagoffline yung branch namin due to intermittent connection ni Bayantel, so hindi kami makagalaw and to make transactions so tumawag ako sa head office namin to check if anong pwedeng solution and kung pwede lumipat sa back up line namin na PLDT. Kaso even PLDT intermittent din ang connection so no chance para magpalit ng line. Madami pang tao nakapila sa bank and alam namin na magrereklamo sila kapag magannounce kami na “offline po, sorry kasi hindi namin kayo maaccomodate today”-so yun nga nagannounce nga kami right after lang ng call ko sa head office mga around 2pm na yun nagannounce na kami nun. But before that I have client na malapit na kaming matapos sa pagpaupdate ko ng account niya kaso naabutan ng offline kaya sabi ko sakanya “pasensya na po sir, offline po kasi pero hintay hintayin lang po natin, baka bumalik pa naman” alam ko yung frustration nung ang tagal mo maghintay and nasa finish line ka na then biglang nagoffline, pero good thing naintindihan yun ni client. But may isang client kami na hindi pa nga kami nagooffline pilit ng sumisingit sa sakin, nababastosan kasi ako sa taong nakikita mo ng may kausap pa pero pilit sumisingit and yung number niya malayo pa sa katotohanan para tawagin, parang wala kasi yang respeto sa mga taong unang nakapila. so ayun nga nagoffline na then sinabihan ko yung sumisingit sakin na hindi ko mattransact yung transaction niya kasi offline nga kami, then galit galit na siya. pero nagfire up yung galit niya nung may isang client na malapit na line and after ng announcement namin bigla siyang tumayo at sinabi “ilang na hours ako dito, (she even tell us with loud voice  na Attorney siya so lahat ng nasa lobby narinig yun) wala pa akong breakfast, lunch and even coffee, nothing at all, minamigraine na ako, then sasabihin niyo sakin offline” then nagdecide na kami na ilista yung mga client kahapon para sa monday sila parin yung client na uunahin. habang linilista namin yung mga client syempre isa isa muna kasi hindi naman namin sila kayang ilista ng lahatan, so sabi ko pasunod sunod parin po number. yung client ko na sumisingit sakin pilit na sumisingit parin, sabi ko nga malayo pa sa katotohanan number niya so mga mga nauna pa sakanya. habang kasi nililista namin mga number nila tinatanong na namin transaction nila and nagaadvice kung anong pwedeng gawin like kung account opening man siya magonline application muna sila para sa monday madali nalang process. But she keep on insisting na ilista na siya. Si attorney naman tinanong ko na siya sabi ko may ibang ID ka pa po mam beside dun sa ID niya na Atty siya kasi naghahanap kami ng ID na may Address nila, then padabog niyang binigay sakin and said "o Ayan, pakibilisan lang".
We always deal with different difficult clients, but I want others to hear our side as a Employee who deals with them.
1. Branch offline- We are not Internet connection provider, just like smart and globe na kapag nawalan sila ng signal wala tayong magagawa kundi maghintay ng muli nilang pagdating. We're not God na kayang gawin yung impossible, We're not magician na sa isang blink lang mapapasaya ka kasi may connection na, We're not wizzard na sa isang hampas lang ng wand nila may mangyayari na. Offline status is out of our control. Hindi namin yan sinadya kasi kung kami papapiliin mas gugustuhin namin na matapos lahat ng client para hindi na sila bumalik kinabukasan.
2. To our Clients- We hear you, We see you and We understand you. We are just human lang naman po, everything na sabihin niyong masakit samin, we just take it and nasasaktan din po kami. Why can't we treat each others with respect and kindness. We understand that you feel entitled but We hope that you understand that we deserve proper treatment too. We can't fight with you kasi we commit ourselves to serve you. We're sorry kapag hindi namin nammeet yung mga gusto niyo.
Why do people behave the way they do? bc that's what they are.
PS. Attorney called me and nagsorry siya sakin sa naging attitude niya sa Bank. I appreciate Apologizing but the damage has been done. (pero habang nagsosorry sakin si Attorney umiiyak na ako ng sobra).
1 note · View note
charaughtlang · 6 years ago
Text
Alam niyo hindi ko talaga ma-gets yung mga taong sila na nga nangiwan sa ere, nanakit at nagpaiyak tapos ending sila pa aastang parang kawawang kawawa. Di ko talaga ma-gets bruhh!!!!!!! It has been a year pero hindi ko akalaing ganito pa din mindset ng taong nangiwan samin ni Drake.
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
Call me mataas pride or whatever, pero minsan may mga masasakit na ala-alang kahit kailan hindi mo na makakalimutan. Yung pakiramdam na parang sinaksak ka pero hindi na maaalis yung kutsilyo.
Sa loob ng isang taon ilang beses ko na siya bnlock pero nakakagawa pa din siya ng panibagong account para ipamukha sakin na ako yung dapat umintindi kasi depressed na daw siya
Pero for almost 2 years na kasama ko siya sa bahay pag ako nakakaramdam ng depression nasasabihan niya ko ng baliw
Isang taon na pero parang kahapon lang nangyari. Yung sakit na naramdaman ko last year, ganun na ganun pa din hanggang ngayon
Ang hirap kalimutan kasi hindi lang to basta jowa na nakipagbreak nung highschool. Dahil may bata na nakasalalay dito
Naiinggit nga ako sa ibang single mom kasi pagkaiwan sakanila ng tatay ng anak nila madali nilang nakalimutan. Ang dali para sakanila ngumiti ulit.
Minsan nakakangiti naman ako. Nakakayanan ko naman. Tulad ng dinadivert ko pagiisip ko sa paglalaro ng RoS o panunuod ng Kdrama. Pero bakit bandang huli may luha pa din ako?
Gustong gusto ko na kumawala sa rehas na to. Sabi nila hindi ko daw makakaya pag hindi ko gugustuhin. Ginagawa ko naman ang lahat eh.
Pero eto, after how many months nung kinausap na naman niya ko at masabihan ng mga salitang yan bakit bumalik na naman lahat :-( Time heals all wounds naman diba? Hindi pa siguro ngayon.
7 notes · View notes
insouciantex · 6 years ago
Text
1st drunk (mid)night
GRABE sobrang solid kaninang madaling araw ng mga happenings. It was my first time to drink that kind of sht so what should I expect diba?? Legit nga pala talaga yung masarap uminom pero ang nagpapasira sadya ay aftermath and fucking hangover. I hardly recovered kanina pota. SOLID. Tapos they were telling me stuffs na ginawa ko and I was like pota boii, that was not me HAHAHAHA Then they told na sobrang kulit ko and everything na minsan nakakaawa daw ako pero mas madalas talaga yung nakakatawa kasi sobrang ingay ko daw. Myghad wait. Magkkwento ako, lezz start it fr the very beginning.
So the original plan was to drink t.ice or sanmig sht apple kaso syempre nandon sina Tom, Ninoz, JO, Menmark, Chiro at Philip na ang prefer ay hard drinks. Edi pota nung una sobrang against ako pero deep inside there was something na parang curious ako kung anong lasa and such. I don’t know kung pano nahantong sa punto na we all agreed na lezz do gin and juice. Tapos yon, we waited for like half an hour then dumating na yung drinks and syempre I’m having doubts pa if I can do it ba. Btw, b4 ay kumain muna kami bc I know naman na b4 drinking alcohol dapat may laman ang tyan. Nauna bumaba boys tapos nadatnan namin na nagra-rounds na sila nung shot glass. I was so f’n nervous kasi daaammnnn okay lang ba talaga?? Tapos biglang myghad, nagstop na sa akin yung shot glass and ofc being the ever curious Eden, ininom ko hmmm Okay naman siya sa una pero yung after taste talaga ay very bitter and nakaka-trauma pero tangna na-trauma pero di ko na alam kung naka-ilang shot glass ako. Thank you sa Pic A na nagtanggal ng lasa ng after taste hehe. Tapos yon nung ubos na, dun ko na-feel na pota may tama na yata ako. Nakikipag-agawan na ako kay Carl nung t.ice kasi ang pangit talaga ng lasa ng ginjuice and syempre being the always tanga sbai ko baka mawawala yung lasa by drinking t.ice. I had 2 glasses yata??? kasi di talaga ako mapigilan and f ko sobrang kulit na kulit sa akin si Carl non. HAHAHAHA Nung ubos na talaga yung lahat ng drinks, syempre tataas na kami sa room kasi tutulog na kaso i can’t stand properly na so ano pa kaya ang paglakad??? Dati nababasa ko lang sa wattpad yung kapag drunk feeling mo ang wavy, ngayon naranasan ko na talaga. Unang try ko tumayo and maglakad, i failed kaya inalalayan na ako ni Kriszha. Di ko na alam mga nangyayari, di ko din tanda kung umihi ba ako non??? First na tinaas ay si Zaira. Andd maaahnnn, di din makatayo yon HAHAHAHA so alalay ni Carl tapos nung nasa taas na si Zai, binalikan ako ni Carl tapos inalalayan ako sa pag akyat. Ok hmm if ever that will happen again which I doubt na mangyayri pa, pls remind me/us na sana 1st floor na lang yung room kasi struggle pagtaas kapag lasing bruh. Tapos wait eto na, puro kwento na sa akin to kasi FR di ko na talaga tanda yung iba.
Pag-akyat ko daw, itinabi ako kay Marielle tapos I tried waking her up daw by saying HI MARIELLE na sobrang lakas. As in sigaw daw. Tapos I remembered na hinahanap ko si Kriszha, as in I was yelling her name(kasi nasa baba siya) kasi hinahanap ko phone ko. Tapos I remembered din na I even sat don sa may door way kasi hinihintay ko si Kriszha, di ko lang maalala kung bakit naglakad na din ako pabalik papuntang kama. Hmmm bakit nga kaya???😂 Tapos di ako mapalagay sa kama kaya lumipat ako don sa may upuan sa harap. Doon ako tumambay habang hinihintay si Zaira na ubusin ang suka niya sa banyo para ako naman. Noong nakaupo ako don, sabi sa akin ni Third, pinagsisisipa ko daw yung mga sapatos(which i don’t really remember why). Nakaramdam naman ako ng hilo so sa sahig na lang ako umupo tapos di ko alam kung paano nagkaroon ng plastic don, basta kinuha ko yon. Tapos maya-maya bigla na akong sumuka don sa plastic, sobrnag perfect ng timing na nakapa ko yung plastic sa gilid HAHAHAHA. Tapos sabi din sa akin na pinaglalaruan ko daw suka ko tapos cute na cute daw ako and i even told Third daw na ang init daw ng suka ko tapos binibigay ko yata sa kanya???? TANGA KO. Finally natapos si Zaira so it was my turn na pota SOBRANG SAYA KO NUNG NGA ORAS NA YON NA NAKAHARAP KO NA ANG BOWL. Idk kung sino nagiintindi sa akin nung una basta maalin yun kay JO, Carl at Third kasi sila pa lang yung nasa taas na boys non. Tapos binalik na nila ako sa kama kasi I was planning na dun na daw matulog sa banyo jusko🤦🏻‍♀️ Madami akong nainom so syempre bumalik ulit ako sa banyo pero this time, either si Carl, Chiro at Philip, Kriszha, JO at Third na yung nag-intindi sa akin??? Di ko talaga tanda kung sino pota huhu how to be sane when insane???😂 Wala na akong maalala srsly basta naka-ilang balik akong banyo tapos palagi nila akong kinukulit na bumalik na sa kama pero nakikipagtalo ako na ayaw ko nga kasi nga nahihilo ako and nasusuka pa. Sobrang sweet ng mga friends ko kasi di nila ako sinukuan kahit binabara ko sila everytime na may sinasabi sila. Gago ni renmark pa kasi tinatawanan lang talaga ako huhu. Si Carl lang daw nakapagpabalik sa akin nun sa kama and di ko maalala kung paano HAHAHAHAHAHA tapos yun nakatulog na yata ako???? And sobrang sweet ni Carl kasi di siya masyadong nakatulog kasi tinitingnan niya kami ni Zaira kung magsusuka daw kami. YIEEEE
TANGNA GUYS, i got the sweetest, solid and lit friends talaga!!!! Hindi ko man maalala kung paano niyo ako pinunasan, pinilit na bumalik sa kama and inalalayan, sobrang thankful pa din ako. Lalo na din kay Chiro and Philip na ofc di ko naman inexpect na aalalayan rin ako HAHAHAHA I won’t survive my fucking first drunk night kung wala kayoNg lahat. Huhu. Ilyall sadya. U all da best friends in the world. Lastly kung gugustuhin ko man mangyari ulit yon, pipiliin ko na sila ulit ang kasama(kahit ayaw na nila and na-trauma din sila sa akin HAHAHAHA) kasi stempre they already know kung paano ako i-handle pero I doubt rin kung papayagan pa ako ni Carl gawang yun yata talaga pinakapinerwisyo ko HAHAHAHAHAHA
Ayon yun na. Ang daming beses kong sunuka and sobrang sakit ng ulo ko. AYOKO NA MAG-INOM ULIT!!!!!(hehe)
4 notes · View notes
wakandaforeva24-blog · 6 years ago
Text
PAALAM, SALAMAT
To my friends,
Sorry sa lahat ha? Sorry kung hindi ako makagawa ng time para sa inyo. Sorry kung hindi ako nagpaparamdam sa inyo. Sorry kung nadisappoint ko kayong lahat. Pero gusto kong malaman nyo na masaya akong lahat para sa inyo. Kasi nakikita ko sa social medias na masaya kayo, na nagagawa nyo lahat ng gusto nyo. Sobrang saya ko para sa inyo. Gusto ko mag tuloy tuloy yan! Mahal ko kasi kayong lahat na mga kaibigan ko. Kahit na hindi tayo naguusap, sobrang miss na miss ko na kayo. Sobra sobra sobra sobrang miss ko na kayo. Sana miss nyo din ako.
To my parents,
Me, De, sorry ha? Alam kong lagi ko kayong nadidisappoint simula ng nawala ako sa maayos na landas. Oo, nakalimutan ko alagaan sarili ko dahil busy ako sa pagaalaga kay Bea. Pero huwag nyong isisi kay Bea yung mga nangyari saken. Oo, nabaon ako sa mga utang dahil kailangan ko talaga ng pera para matulungan ko si Bea. Alam kong hindi ko responsibilidad pag-aralin si Bea pero kasi nung mga panahon na yon, walang tumutulong sa kanya.Sarili kong desisyon na tulungan si Bea sa pag-aaral nya, even if it means that I have to put a hold in achieving my dreams. Malayo pa kasi yung saken talaga eh pero yung pangarap ni Bea, abot-kamay na nya. Konting tulak lang kaialangan. Totoo, hindi ako marunong mag-budget ng pera ko maski nung wala pa si Bea saken, lagi ako kinakapos sa budget eh haha. Pero eto gusto ko marealize nyo, Me, De, mahal ko kayo at mahal ko din si Bea. Sobra sobra sobraaaa. Tinutulungan ko si Bea kasi alam ko sa sarili ko na habang nandito ako at nakikita ng pamilya nya na maayos sya sa school, unti unti nila makikita yung importansya na makapagtapos si Bea sa pag-aaral. Sobrang sarap kasi sa pakiramdam ang makapagtapos eh. Naramdaman ko yun. Sobrang sarap. Hindi naman sa binabalewala ko yung hirap nyo saken nung pinag-aral nyo ako pero alam ko kasi magiging worth it ang lahat ng 'to, hindi lang para kay Bea kundi para na rin saken. Kasi simula ng matutunan kong mahalin si Bea, lagi ko ng nakikita sarili ko na kasama sya hanggang pagtanda ko. Huwag sana kayo magalit kay Bea. Huwag niyo sana siyang husgahan. Kasi sobrang sakit din para saken ng mga sinasabi niyo sa kanya eh. Hirap na hirap na ko sa sitwasyon naten. Isa pa ha, hindi ako pineperahan ni Bea. Oo, inuutusan nya ko pumunta kay Ate para humingin ng pera pero para sa kanya yun. Hindi ko utang yon. Pero naalala ko may utang ako kay Ate na 500 haha. At tsaka, nung mga panahon na wala akong trabaho, kaya lang ako nakakaalis ng bahay para puntahan si Bea kasi yung baon nya binibigay nya saken para pamasahe at hindi nya ko inaaway kapag wala akong dalang pagkain. Anuba. Ayokong bitawan sa buhay ko si Bea. Nagkaroon kami ng malalaking away, oo, pero kahit kelan hindi ko naramdaman na pinahirapan nya ko. Mahal na mahal namin isa't isa eh. Ayun lang.
To my baby brother,
Mahal kita kapatid. Sorry kung hindi na kita nasusuportahan ha? Sorry kung hindi ako makapag allot ng oras para makapag bonding tayo. Sorry kung hindi kita mailabas para makapamili ng mga gamit mo. Gustong gusto kita makalaro ng Dota tsaka CS:GO kaso libre na yun eh dami na cheater don haha. Mahal na mahal kita, bins. Ikaw pinakamahal kong tao sa mundo. Ikaw pinakapaborito kong tao sa mundo. Ikaw ang pinakamabait na kapatid sa buong mundo. Hindi ko deserve na magkaroon ng kapatid na katulad mo. Sobrang thankful ako na dumating ka sa buhay namen. Tamad ka lang pero the best ka. Mahal na mahal kita. Mahal na mahal. Magpapakabait ka lagi. Huwag mo muna buntisin jowa mo. Graduate ka muna ng college at tulungan mo sila mame. Ikaw bahala sa kanila kasi wala na ko. Mahal na mahal kita.
To the family of my beloved woman,
Ma, Lo, thank you sa pagaalaga saken nung mga panahon na kailangan ko ng tulong at matutuluyan. Thank you kasi lagi po kayong nagaalala samen kahit na madalas ka nakasigaw. Haha. Pero kahit ganon, ramdam na ramdam ko yung pagaalala nyo po samen ni Bea. Ramdam ko yung pagmamahal nyo samen.
Ate Mabs, thank you ate ha? Hindi naman talaga tayo close pero thankful pa din ako kasi tinutulungan mo si Bea sa pagaaral nya ngayon. Pangako ko sayo na hindi ka magsisisi na pinag-aral mo si Bea. Sobrang magiging proud ka kay Bea!
Tita Melody, Tita Majo, Tita Meann, thank you po sa inyo. Salamat po sa pag-tanggap saken sa pamilya nyo. Sobrang saya ko na naging parte kayo ng buhay ko kahit na wala naman tayong bonding na tayo tayo lang hehe.
Tito Ante, Tito Raul, thank you sa inyo mga tito! Kayo mga the best na tito na nagkaroon ako haha! Pasensya na hindi ako masyado nakakasama sa mga inuman nyo. Mahal ko kayo!
Thank you po sa inyong lahat. Sana huwag kayong magbabago at huwag sana kayong mag-aaway lalo na pag mga lasing kayo. Lol. Patuloy nyo pong alagaan si Bea para saken. Mahal ko kayong lahat!
To my one and only woman,
Hi mal! Mahal na mahal na mahal na mahal na mahal na mahal na mahal kita! Despite everything that they say about us, sobrang solid pa din ng pagmamahal ko sayo. Pero aminin ko sayo na humina yung loob ko pero kahit kelan hindi humina pagmamahal ko para sayo. Sobrang saya ko na naging parte tayo ng buhay ng isa't isa. Masayang masaya ko sayo. Sobra. Madami tayong pag-aaway, pero kahit na ganon, sobrang mahal pa din naten ang isa't isa. Pero ngayon, hindi ko na alam kung maisasalba ko pa yung relasyon nating dalawa. Oo, sobrang mahal pa din kita. Sobrang mahal kita. Gusto kong humingi ng tawad sayo sa lahat ng kasalanan na nagawa ko sayo. Sorry sa lahat ng mga pangako ko sayo na napako. Sorry sa mga pagkakataon na napagtaasan kita ng boses. Oo, sobrang igsi ng pisi ko nung mga nakaraang buwan pero everytime na napagtataasan kita ng boses, sobrang naiinis ako sa sarili ko kasi everytime na sinasabi kong hindi ko na uulitin, nagagawa ko pa din. Kaya sorry. Sorry din sa mga pagkakataon na nabigo at nadisappoint kita. Sorry kasi nawala ako ng tatlong linggo. Sobrang bullshit lang ng reason ko pero hindi ko magawang kausapin ka kasi sobrang takot ako na magkamali. Kasi lahat ng 'to nangyayari ng dahil sa mga pagkakamali ko. Alam ko nasaktan ka ng parents ko sa mga sinabi nila sayo, pero gusto ko malaman mo na tayong dalawa lang ang lubos na nakakakilala sayo, hindi totoo yung mga yon. Maayos at mabuti kang tao. Napakabuti mo sa mga kapaitd mo, napakabuti mo sa pamilya mo, napakabuti mo sa mga kaibigan mo, napakabuti mo saken. Oo, madalas nasasaktan ako sa mga kaprangkahan mo pero thankful pa din ako kasi hindi ka nagsisinungaling saken. Sobrang thankful ako na ang isang Denzel, minahal ng isang Beatrice na gaya mo. Huwag mo sanang maliitin yung kakayahan mo kasi matalino ka. Sobrang matalino ka. Mawala ka man sa DL, hindi ibig sabihin non, tanga ka, mali yon. Kahit na anong mangyari kailangan mong malaman na matalino ka. Isa ka sa pinakamatalinong tao na nakilala ko. Huwag na huwag mong ineneglect studies mo ha? Kasi gustong gusto kong makapagtapos ka ng pag-aaral mo. Gustong gusto ko. After one year, aakyat ka sa stage at kukuhanin mo yung diploma mo. Lagi kong naiisip yung magiging reaksyon mo pag dumating yung araw na yon. Sobrang proud ako sa kung ano na yung narating mo at kung ano yung mararating at makakamit mo. Gusto ko lang din malaman mo na kahit kelan hindi ka naging pabigat saken. Tinulungan kita at patuloy kitang tutulungan dahil yun yung gusto ko. Sobrang mahalaga ka saken. Hindi ko kayang mawala ka saken. Pero gaya nga ng sabi ko kanina hindi ko na alam kung masasalba ko pa 'tong relasyon naten. Kung mawawala ka saken, mas gugustuhin ko pang ako na lang yung mawala. Hindi ko kayang paulit ulit nadidisappoint parents ko saken lalo kapatid ko and at the same time hindi ko na kayang paulit ulit kitang nasasaktan at nadidisappoint. Sorry mal. Sorry kung gagawin ko 'to. Mahal na mahal na mahal kita.
1 note · View note
idyotnaj1409 · 3 years ago
Photo
Tumblr media
Late 2015, nung napanood ko kayo sa gayo daejeon. Wala akong balak magstan ng another group nun kasi okay na sa akin na Girls' Generation at Red Velvet ang ini-stan ko officially. Pero noong napanood ko iyung performance niyo sa MBC Music Festival, na-lss ako sa Me Gustas Tu pero pinigilan ko kasi ayaw ko na nga madagdagan ng group pero ewan ko ba, dumating na ako sa point na hindi ko na napigilan ang sarili ko at nagdownload na ako ng mga kanta niyo at nagustuhan ko ang mga beat. Hindi ko na tanda ang exact date pero ang naaalala ko dali-dali akong nagdownload ng kanta niyo dahil nung araw na iyon ay pupunta kami sa airport para sunduin si Nanay galing America. Doon na ako nagdesisyon na sige na nga, gugustuhin ko na sila. At nung dumating ang showcase ng Rough noong January 25, 2016, doon ako naging official fan niyo at sakto pang nireveal niyo na ang fandom name niyo ay "Buddy". Simula nun, sinubaybayan ko na ang bawat comeback niyo, bawat release niyo ng mga kanta. Lagi kong hinihintay ang mga ballad song niyo sa bawat album niyo. Hanggang sa dumating iyung concert niyo dito sa bansa. Nakailang balik din kayo dito pero ni-isa wala akong napuntahan 😭 umaasa pa naman ako na someday makakapunta rin ako ng concert niyo pero ngayon, hindi ko na alam 💔 Masakit kasi biglaan. Okay lang naman na hindi kayo magrenew ng contract eh pero huwag lang disband pero sabi nga, hindi lahat ng gusto ay makukuha. Pero umaasa pa rin ako na pwede kayong pumirma ng kontrata sa ibang agency pero kung mangyayari nga, siguradong maraming pagbabago. Peroooo, hindi ko na alam 😔 Thank you so much, Sowon, Yerin, Eunha, Yuju, Sinb, at Umji sa six years of being our GFRIEND. Thank you sa lahat ng hardwork at patience niyo para mapunta sa kung nasaan kayo. Goodbye is a word I haven't learned yet and I think I'll never learned. Masakit, sobra. Pero kung masakit sa amin na fans niyo siguradong mas masakit 'to para sa inyo. Please be okay, 여자친구. We will always be your Buddies, GFRIEND or not. I hope may chance pa sa future na maging kompleto kayo at magkapagperform sa iisang stage. Sa ngayon, we'll support you in your individual plans. Please be healthy and be happy. https://www.instagram.com/p/CPJPlX8jIo5/?utm_medium=tumblr
0 notes
kimhortons · 3 months ago
Text
thursday, 8th of august.
nag breakdown na naman ako kanina sa work while doing my task, dahil ang pangit ng mood ko nung morning. di kasi mawala sa isip ko yung shinare ni z kahapon. mula nung sabihin niya hanggang pag uwi ko ng bahay, bago matulog, pag gising hanggang pag pasok—hanggang ngayon nga.
it's getting worse na talaga, napakalayo niya na sa dati. isa't kalahating taon mahigit na nakalipas, puro positive things about work yung mababasa niyo dito, ang hopeful ko pa nun kasi ibang iba rin sa dati kong work, na para bang nabunutan ako ng tinik sa dibdib. ngayon, parang mas malaking tinik pala yung kakailanganin ko tanggalin kung sakali. hehe.
although, hindi naman directly ako yung tinutukoy nung taong nag sabi sakanya, wala namang pangalan na binanggit; kesyo dapat daw hindi nag sasama si z samin, dapat sa management, wag sa mga "kuntento na sa posisyon" nila. sobrang off, ganitong ganito yung eksena nung dati kong bisor e. alam ko naman na hindi yun gagawin ni z kasi mas gugustuhin nalang nun mag isa kesa may panigan.
naalala ko kasi lagi akong nag shishare noon ng post na hindi na ako nag aaim na mag climb ng corporate ladder etc. pero that doesn't mean na kapag binigay sakin ay tatanggihan ko talaga. i just wanted someone na makikita at ivavalue talaga yung potential ko. di ko pa ata na kwento dito na, hindi na kasi si z ang TL namin, SME na siya. process wise okay daw siya pero leadership wise nakulangan sila. kaya mag hihire sila ulit.
i wonder kung nag sisisi ba yung boss ko na hindi ako yung pinili niya dahil "emotional" daw ako? hindi naman sa pag mamayabang, alam kong kaya ko maging leader, kailangan lang ng training. pero wala e, hindi talaga ako lagi yung favorite hehe.
naiyak ako kanina kasi di mawala sa isip ko yung sinabi. na kahit hindi naman directly para sakin, parang ang dating kasi; hanggang dito lang ako, eto lang yung kaya kong gawin, dahil tuloy dun parang gusto ko hamunin at mag presenta na ako nalang maging team leader, pero dahil hindi naman ako favorite, baka mapahiya lang ako. si z nga na umapila na gusto nalang magpa train, hindi nila nabigyan ng chance—ako pa kaya?
nawalan ako ng gana, unmotivated na talaga ako. hindi na ito yung culture na ni-look forward ko nung natanggap ako dito. sobrang nakaka lungkot.
sinasampal na naman ako ng universe ng mga sign na ayaw ko na naman intindihin. hehe
10 notes · View notes
misisdchinita · 4 years ago
Text
Borrowed Time Chapter 1
Farrah's POV
Limang taon na din pala ang nakalipas, sa limang taon na yon ang dami kong natutunan, ang dami kong aral sa buhay na kailangan kong tandaan araw araw noon hanggang sa nakasanayan ko nalang gawin at itatak sa isip at puso ko. Ang saya lang na pinaliligiran ako ng mga positibong tao. Na hindi lang si Jax ang naging kaibigan ko. Oo, totoo hindi lang isa ang nadagdag sa mga kaibigan ko kundi dalawa.
Hindi ko makakalimutan ang mga sinabi ni Jax saakin noon upang pakalmahin ang isip ko.
"Kaya mo 'tong laban na to Farrah, kaya mo! Kakayanin mo. Kasi nandito ako, ituloy mo ang laban mo. Life must go on! Keep going. Hindi kita iiwanan, anong gusto mo? San mo gustong pumunta? Pupunta tayo kahit saan pa yan, sasamahan kita kahit saan basta ipangako mo saakin na lalaban ka. Okay?? Nawala man ang Mommy mo, nawala man ang Daddy mo pero promise me ipagpapatuloy mo ang pangarap mo. Tuloy lang ang buhay. Kung hahayaan mo ako sasamahan kita sa bahay niyo, kahit isa o dalawang buwan lang ako o kahit kailan mo gusto. Hindi ako mawawala Farrah. Pangako! Hindi ba't marami tayong planong puntahan? Magtatapos pa tayo konti nalang hindi kita bibitawan" sabi ni Jax saakin na araw-araw kong iniisip, araw-araw kong gustong itatak mabuti sa isip ko na dapat eto yung ginagawa ko, dapat eto yung mas mabuting isipin ko.
Dahil dumating ako sa puntong down na down na ako, dumating ako sa puntong hindi ko alam pano sisimulan ang buhay ko, dumating ako sa puntong susuko na dapat ako. Pero dahil kay Jax napigilan ang binabalak kong gawin sa sarili ko. I'm proud of myself, kasi nakayanan ko, nalagpasan ko yung pagsubok ng buhay na ganon. Dahil din sa mga taong nakapaligid saakin. Silang tatlo yung masasabi kong gugustuhin kong makasama dahil sakanila nagkaroon ako ng dahilan para makapagpatapos at makapag simula ng panibagong buhay.
Nang huling gabi na ng burol ni Mommy, kinamusta ni Jax si Rhett, naalala kasi ni Jax na may inabot sakaniya si Rhett na business card at nagulat nalang ako ng dumating siya kasama ang isang napakagandang babae, ang puti puti niya ang haba ng buhok siguro magkasing haba kami ng buhok at kulay brown ito, natural ang pagkapula ng kaniyang labi halatang halata ang mahaba niyang pilik mata at ang hugis ng katawan niya?? Ay bongga!! Para siyang model, ang sexy niya. Hayy ano ba 'tong iniisip ko. Hahaha naalala ko nanaman kasi ang unang beses ko siyang nakita. Siya si Amara, bestfriend ni Rhett. Nang makita ko naman si Rhett, noon ko lang narealize na ang gwapo gwapo pala niya hindi ko kasi siya napagtuunan ng pansin ng magkita kami sa Cafe Adelina, unang beses ko siyang natitigan nung nakikipag usap siya sakin huling gabi ng burol ni Mommy, kinukwentuhan niya ako ng kinukwentuhan hanggang sa nalaman kong kilala na pala niya ako sa mukha dahil sa parehas kaming tatlo nila Jax ng paaralan noong kolehiyo kami. Natitigan ko siya, ang ganda ng mata niya may pagka chinito, ang puti, matangkad at ang katawan?? Grabe halatang halata mong mamuscle mukhang suki sa gym!!
"Cass?? Hello?? Are you with me??"  Sabi ni Amara sakin na nakapagpabalik ng ulirat ko. Hahaha oo nga pala nasa pang apat na kaming cake shop wala padin kasi swak sa panlasa niya para sa nalalapit niyang kasal isang buwan nalang.
"HAHAHAHAHA Yes!!! Yes, sorry Lianne para kasi akong nabusog kakatikim ng cakes, hello? Pang apat na natin tong cake shop. Natutulala na ako sa kabusugan wala ka padin ba naiisip na cake shop or do you want us to explore more tomorrow? Sa ngayon pahinga muna tayo after this, if you want sasamahan talaga kita ulit tom. Super excited kana talaga para sa kasal niyo no? ano pakiramdam mo? Ready kana talaga para sa September? Wala na bang kulang? if ever don't hesitate to ask my help, so aside from looking for a better cake shop do you need anything else?? Please I really wanna help you guys para din nalilibang ako maliban sa subsob kami sa trabaho nina Jax" sabi ko kasi lagi nalang nila ako hindi binibigyan ng gagawin na di ako gaanong mabibigatan hindi ko alam kung sadya ba yon o hindi kasi lagi ko nalang napapansin pag merong mga celebration lagi nalang ako yung walang participation masyado. HAHAHAHAHAHA
"You know what Cass? I don't want to give you so much work especially in our wedding ayokong isa ka sa mga stress. Okay na yung kaming tatlo lang yung namomroblema masyado sa wedding na 'to. Gusto ko mas fresh ka pa sakin pag kinasal ako HAHAHAHAHAHA. Anyways imma say yes!! I'm super ready na Cass kasi iba yung feeling ng excited ka talaga like this hindi na matanggal sa isip ko yung magiging itsura ng kasal namin like gusto kong maging maayos, maging mas organize kasi gusto ko yung mga bisita namin masasatisfy they will enjoy and iniiwasan ko din na yung mga guests namin mabored. And you know what is the most exciting part?? I'll be marrying my bestfriend the fact na kilala na namin ang isa't isa since we were a kids like kabisado ko na siya likewise saakin, alam mo yung sa tagal naming magkakilala minsan pumasok sa isip kong solid 'tong tao na to hindi niya ako iniwan sa downs ko even in my ups lagi siyang nandoon walang palya. That's why ganito nalang ako ka excited" sagot ni Amara saakin ng hindi na matanggal sakaniyang labi ang ngiti, miski ako na eexcite na din ako sa kasal nila. Minsan pumasok din sa isip ko yung sinabi ni Amara kanina about sa bestfriend, dumating na din ako sa puntong umamin ako kay Jax na crush ko siya siguro nasa 2nd year HS palang kami non, pero deadma lang hanggang sa nakalimutan na at di na naungkat pa kaya simula non hindi na ako nag hangad ng iba pa maliban sa friendship namin, hahahahahha pag naiisip ko yun nahihiya nalang talaga ako, parang ayaw niya sakin kaya minsan napapaisip ako kung panget ba ako. Sabi naman niya hindi, maganda daw mata ko, bagay daw yung morenang balat ko sa itsura ko. Ewan ko ba, pang friendship relationship lang talaga kaya namin ioffer sa isa't isa.
"Alam mo ang saya ko para sayo, mararamdaman ko din yan siguro pag malapit na din akong ikasal, pero sa ngayon enjoy enjoy ko muna yung buhay ko, enjoyin ko muna trabaho ko. Ngayon palang din kasi ako nagsisimula ulit ibalik yung dating ako, naiba kasi pananaw ko sa buhay simula ng mawala ang Daddy ko hindi ko alam kung paano ako magsisimula kasi Daddy's girl ako sobrang open ko sakanya alam ni Jax yun hanggang sa eto 5 years ago nawala naman ang Mommy ko hanggang ngayon parang gusto ko nalang muna ienjoy yung buhay ko. Hanggang ngayon kasi bumubwelo pa ako" sabi ko sakaniya na parang hindi ko pa kayang pantayan yung excitement niya sa kasal niya. Hehehe siguro kasi talaga wala pa ako sa stage na ganon.
"Alam mo Cass isa ka sa mga taong sobrang tatag, parehas kayo ni Rhett, actually everytime na may heart to heart convo tayong ganito hindi ko maalis sa isip ko si Rhett. Kasi parehas kayo alam ko yung pinagdaanan ni Rhett when her Mom died like Jax hindi din ako nawala sa tabi ni Rhett hindi ko man alam yung pakiramdam ng mawalan ng Parents pero alam mo yun? Yung matic na saakin yung kailangan ko siyang damayan, kailangan ko siyang samahan, kailangan ko siyang intindihin kasi kami lang din yun nagkakaintindihan. Kaya ang saya ko lang kasi bestfriend ko siya. Nandito lang din kami/ako may girl bestfriend kana. Smileee kana jan!!! Tara na tom nalang tayo ulit maghanap. Hehehe sorry Cass babawi talaga ako sayo." Kaya thankful talaga akong meron akong katulad nila eh, kasi everytime na magkakasama kami na lalo akong sinisipag na ibalik yung dating sigla and saya ko.
"No worries, eto na nga lang maitutulong ko tapos babawi kapa" sagot ko sakaniya. Narinig kong tumunog ang aking tiyan, hudyat na gutom padin ako. Seriously?! Ang daming cakes na tinikman namin tapos gutom padin ako?! Whaaaaaaat theee!!!
"See gutom kapa? Akala ko ba busog kana?? Hahahahaha let's go siguro nababagot na si Jax kakahintay satin sa parking lot" sabi ni Amara na nakipag usap pa sa Manager ata yonng cake shop kaya nauna na ako maglakad.
Nang makarating na akong parking lot nakita ko si Jax na may kausap sa cellphone. Mukhang hindi pa niya ako napapansin hanggang sa nakalapit na ako sakaniya.
"Jax??" Tawag ko sakaniya kahit alam kong may katawagan pa siya. Sinensyasan niya akong wait lang.
Nakita ko na si Amara na papalapit na saamin, nginunguso niya sakin kung sino kausap ni Jax nagkibit balikat nalang ako. Nang tuluyan ng makalapit saamin si Amara binaba na ni Jax ang cellphone niya at nagsalita
"Kain tayo sa Mandaluyong, ang sarap ng pares don lalo yung honey garlic chicken diba favorite mo dun Cass?" Sabi ni Jax ng maibaba na niya ang katawagan niya. Konti nalang talaga iisipin ko talagang may gusto sakin 'tong si Jax lagi nalang akong inaalala. Hahahahahaha
"Hayyy nako Jax ayan tuloy lalo akong nagutom!!! Tara na nga masarap don Lianne pero wag kang mag expect na resto yun ah, kasi hindi siya pang sosyal na kainan parang karinderya lang na pinasosyal. Hahahaha" tawa kong sabi kay Amara kasi ang alam lang nito puro resto.
"Yeah sure, no worries guys mas gusto kong kumain sa ganon ngayon. Let's gooooo?? Uhmm sa passenger seat kana Cass, I'm okay at the backseat" Halatang gusto din namin talaga ni Amara. Hayy buti nalang hindi siya maarte katulad ng iba jan. 🙄
Pinagbuksan ako ni Jax ng pinto sa passenger seat at ng makasakay na ako, pinagbuksan naman niya si Amara sa backseat. Hayyy talaga 'tong bestfriend ko napaka gentleman kuno. Hahahahaha nang makasakay na din si Jax umarangkada na kami, as in ang bilis namin. Goooosh sis ang tahimik nila kaya ako na ang nagbasag ng katahimikan.
"Jax sino kausap mo kanina?" Tanong ko kay Jax ng bigla naman siyang napangiti "Si Rhett yun miss na daw niya kayo, inaasikaso niya din ang kasal. Eh tumatawag daw siya sayo ilang beses na hindi ka daw sumasagot pati sayo Amara wala daw sumasagot sainyo kaya sakin na siya tumawag sabi ko nga baka natabunan kayo ng iba't ibang flavor ng cakes kaya nagstay nalang ako sa parking lot" sabi ni Jax samin na napangiti naman ako.
Kinuha ko ang cellphone ko sa loob ng pouch ko at nagsimula na akong magcheck ng chats and calls niya. Talagang napakadami 61 missed calls tapos yung chats niya umabot ng 142 CHATS???!!!! Talagang napakanganga ako ano kaya nangyari dito. Nagsimula na akong magbasa ng mga chats niya saakin ng bigla naman siyang tumawag.
"Why didn't you pick up all my calls?! I've been trying to call you so many damn times!! and you're not even replying all my chats, kahit isang chat wala kang sineen!!!" eto na agad bungad ni Rhett sakin ng masagot ko ang tawag niya. hello?? wala manlang kamusta jan?? hayy galit nanaman si Boss Rhett!! HAHAHAHA
"Hehehe hiiii? how are you there? kailan ka uuwi?? sorry?? hehe we're on our way to Manda yung malapit sa cityhall remember that place? kakain kami nila Jax" tumingin naman ako sa orasan ko ang aga niyang magising o baka hindi pa siya nakakatulog?? 4:28AM palang don ah? hmm
"Anong hi? hindi ako makatulog kasi hindi kayo sumasagot ni Lianne tapos hi lang? kung hindi pa ako tumawag kay Jax wala akong idea kung ano nangyayari na jan!! btw, I'm gonna go home tomorrow hindi natuloy meeting namin ng developer tomo minove nalang they will just call me when is the next meeting nalang but for now i'll go back there muna. Ano do you have plans na para sa wedding? and please tell Amara na may kasama ako bukas. Actually that's why I can't sleep yet kasi kakaisip para bukas ako yung parang excited. HAHAHAHA naiinggit naman ako parang last time lang kumain tayo jan sa Manda, bukas we need to talk about the wedding" sagot ni Rhett saakin. Ahh, kaya pala siya tawag ng tawag at umabot pa ng 142 chats niya para lang sabihin na uuwi siya bukas, luh ang saya niya ah ano kaya surprise niya. Gustuhin ko mang tanungin pero kilala ko siya basta sa mga ganyan gusto niya yung surprise na makakapagpaiyak ng tao. HAHAHAHAHA
"Okay, okay I get it. I'll tell her sigurado akong iiyak nanaman yang si Amara sa mga ganyan mo Mister Santiago!! Nasa Boni Ave na kami, I'll chat you nalang. Okay??" Wala akong marinig sa kabilang linya pero hindi pa naman namamatay yung call. hayy nako siguro nakatulog nanaman yon!!! Hindi na ako naghintay pa ng sagot inend ko na ang call para din makapagpahinga siya. Chat ko nalang siya siguro para sa plans ko sa wedding.
"It's Rhett, right? What did he say? Is he going home tomorrow?" Tanong ni Amara saakin, minsan gusto ko nalang silang pagbuhulin na dalawa.
"Bukas daw siya uuwi, then sabi niya sabihin ko daw sayo na may kasama daw siya bukas. I don't know who is it kaya wag mo akong tignan ng ganyan na parang gusto mo akong pilitin kung sino yon!! HAHAHAHAHA" inunahan ko na siya kasi yung mga ganyang tingin niya sakin ganyan si Amara pag may gusto siyang paaminin.
"Yeah yeah sure, alam na alam ni Rhett kung paano ako bibitin and I know myself hindi ako mapapalagay kakaisip kung sino ba kasama niya!! Wala akong idea, I mean meron akong kilala pero I don't know kasi I know busy yun super lalo na kailangan niyang ayusin muna yung business nila ni Dad bago lahat" sabi ni Amara, hayy nako Rhett!! Miski ako napapaisip tuloy.
Nandito na pala kami sa gilid ng City Hall ng Mandaluyong dito kasi banda yung kakainan namin na masarap na pares, actually hindi lang pares ang menu nila dito. Meron ding Honey Garlic Chicken, Sisig Tofu, Pakbet, Crispy Pata at marami pang iba. solid dito!!!
Nang makahanap na kami ng pupwestuhan lumapit na samin ang waiter kilala na namin siya dito, siya si Zoe isa siyang beks super bait niya kaya hindi naging mahirap samin ni Jax na maging kaibigan siya.
"Hello guys! mukhang kulang kayo ah nasan si Sir Rhett? Siya ba si Amara?? ang ganda ganda mo naman po Ma'am Amara" ngiting sabi ni Zoe kay Amara, sabi ko na nga ba eh I feel you Zoe nung unang beses kong makita si Amara ganyan din reaksyon ko. HAHAHAHHA
"Aww thank you po, hindi kasi ako nakakasama sakanila because of our preparation para sa wedding ko. You should be there!! for real! I don't have a lots of friends kasi kaya if ever na free ka that day, you can come!" Pag aaya ni Amara kay Zoe, kaya maraming nagmamahal kay Amara eh dahil sa personality niya.
"Naku!! Ma'am Amara wag na po nakakahiya naman po ngayon mo lang po ako nakilala atsaka po araw araw ang pasok ko dito sa Paresan kaya hindi din po ako makakapunta, sobrang na appreciate ko po ang invite niyo. Thank you po" sagot naman ni Zoe kay Amara.
"You sure? But still if you're free, you come okay?" Hindi talaga siya titigilan ni Amara hangga't hindi niya napapa oo ang kausap niya. Hahahaha siya talaga si Amara, napangiti naman ako kasi narealize kong ang swerte ko lang din talaga sakanila ni Rhett dahil hindi lumiit mundo ko kundi mas naging makulay ito buhat ng magkasama sama kami.
"Sorry to interupt you guys but we need to order na, Beef Brocolli for me, Cass do you want HGC again?? Lianne try this Crispy Pata super lit nito!" putol ni Jax halatang gutom na gutom na talaga ang bestfriend ko.
"Yes Zoe, make it 2 order na sakin ng HGC tapos Sisig Tofu. Anong gusto mo Lianne??" tanong ko kay Lianne, kahit ano naman ang orderin niya sulit lahat sa murang halaga lang masasatisfy kana.
"Uhm, Crispy Pata nalang so that we can share. Zoe? may comfort room ba dito? wait lang guys ah" ani ni Amara at tumayo na sa kinauupuan niya
"Ay opo Ma'am Amara samahan ko po kayo. Excuse me po, serve ko nalang po. thank you!" nakangiting sabi ni Zoe saamin, binalikan din namin siya ng ngiti at sinamahan na niya si Amara sa CR.
Napatingin naman ako kay Jax hayy napakapogi talaga nitong bestfriend ko ang tangos ng ilong niya may pagkalight brown ang kaniyang buhok at bumagay sakaniya ang bilugang mata niya ang haba haba ng pilik mata niya hindi siya nakakasawang titigan. hayy nako talaga pag ganitong tinititigan ko siya naiisip ko yung umamin ako sakaniyang crush ko siya!! HAHAHAHAHA
"Woy FARRAH!! ano na?? nakatitig ka nanaman sakin! baka isipin ng iba jan may gusto ka sakin! nako patay pa tayo kay Lianne at Rhett niyan! ngingiti ngiti ka pa jan! seryoso na Cass ano? anong balak mo na sa kasal?" ani ni Jax, ang dami nanaman niyang sinasabi atsaka bestfriend ko naman siya eh ano naman kung titigan ko siya. duh!!
"Actually, kaya tumawag sakin si Rhett dahil jan wala padin kasi ako naiisip ano ba pwede? mag Guest Guess who kaya tayo? isa sa mga indoor wedding games exciting yun tatanungin kung sino yung unang nag first move sino yung ganito ganyan. HAHAHA naiimagine ko palang naeexcite nako" sabi ko sakaniya na may pagkalawak lawak na ngiti sa labi ko na tinataas baba ko pa ang kilay ko. HAHAHAHAH
"Sige dagdag natin yan sa program exciting yan! HAHAHA ako na gagawa ng mga questions!" sabi ni Jax na parang magkadugtong ang isip namin. tawa kami ng tawa ng biglang dumating si Amara kaya nabaling na din namin atensyon namin kay Amara, nagkatinginan kami ni Jax napansin kasi namin na parang namumugto ang mata ni Amara.
"What happen?? bakit??" sabi ko at agad akong tumayo para pakalmahin siya.
"Guys I---I miss him so much!! hindi ko din alam kung ba--bakit ako ganito ka emotional guys I really miss him!! si---guro mag red days na ako" humihikbing sabi ni Amara. Akala naman namin kung napaano na pero hindi lang siya ngayon naging ganyan halos lagi nalang every month na magkakared days siya ganyan siya laging umiiyak o dikaya laging masungit. HAHAAHHA buti nalang hindi ako ganyan. charot :D
"Magkikita na din kayo, don't worry!! Wag kana umiyak kakain na tayo" sabi ko na siguro mababaling na yung attention niya dahil palapit na saamin si Zoe dala dala ang mga inorder namin.
Nagsimula na din kaming kumain at nagpasya akong umuwi muna sa condo ko sa Chino Roces Ave. Inaya ko pa silang dalawa kung gusto ba nilang tumambay muna sa condo ko kaso nireject nila offer ko pagod na daw sila at gusto muna din nila magpahinga muna. Hinatid kami ni Jax inuna namin si Lianne dahil bungad lang din ang condo niya dito sa Makati at kahit kasunod na nito ang condo ni Jax hinatid padin niya ako at saka siya umuwi sakaniya.
Sumakay na akong elevator at pinindot ko ang floor ng condo ko, sobrang lungkot ang nararamdaman ko, hayy ganito na ako pag naghihiwa-hiwalay kami, iniisip ko kung ano ba pwedeng gawin, ituloy ko nalang kaya yung powerpoint para sa presentation namin sa Monday para sa proposal ng bagong ads na ginagawa namin ni Jax? hayyy hindi ko alam kasi tinatamad pa ako Thursday palang naman kaya pwede ko pa gawin bukas or next day.
Nang makarating na ako sa loob ng condo ko laking gulat ko ng makita kong ang daming bulaklak ang dami dami at puro white roses ito, may isang malaking bouquet ng white roses ang nakalagay sa couch ko katabi ng book shelves ko nilapitan ko ito. Sa paglapit ko napansin kong may nakasingit na envelope. Agad ko itong kinuha at binasa ko ang nilalaman.
"Follow the petals on the floor :)" Basa ko sa nakasulat sa papel sa loob ng envelope isa lang ang naiisip kong gagawa saakin nito, paano nangyari yon??
At sinundan ko na nga ang mga petals, nagsimula ito sa tapat ng kitchen ko papunta sa kwarto?? Nang hindi na ako makapaghintay tinakbo ko na ang kwarto ko kung saan nakita kong may mga petals pa. At nang tuluyan ko ng buksan ang aking kwarto nagulat ako sa sobrang daming bulaklak sobrang punong puno ng white roses ang buong kwarto ko at nang makita ko ang may kagagawan nito. Tinakbo ko ang distansya namin atsaka siya sinunggaban ng mahigpit na yakap.
Wala akong maramdaman kundi saya, napakasaya ko kasi sa wakas nandito na siya. Nakayap lang ako sakaniya. At naramdaman kong nilapit niya ang kaniyang labi sa gilid ng aking tainga at bumulong siya sakin.
"I missed you! I really missed you!! I love you so much!!" Sabi niya saakin ng nakapagpaluha sakin, hindi ko mabitawan ang yakap ko sakaniya kasi hindi ako makapagsalita, gusto ko yung nararamdaman ko ngayong saya kasi kasama ko na siya ulit.
~*~
Yeyy!!! sobra akong kinikilig sa tuwing nakikita kong nadadagdagan ang readers ko, THANK YOU SO MUCH PO!! sana magustuhan niyo po ang chapter 1. kitakits ulit tayo sa next update ko po♥️♥️♥️
0 notes
excerptofmythoughts · 4 years ago
Text
CLOSER (movie)
never got the chance to post it here, buti nasa notes ko pa.
painful. fucked up.
"why won't you let me love you"
tanginang 'yan. napaiyak ako hahahahaha. sometimes people are like that. gugustuhin mong pumasok sa mundo nila, sa buhay nila at magkaroroon ka ng pagkakataon na makapasok. magiging masaya ka. you'll feel like home and then suddenly you'll hear laughters. then you'll realize you were just at the backyard. hindi ka pa pala nakakapasok sa loob ng bahay. may makikita kang bintana at duon mo makikita ang katotohanan na kahit kailan hindi ka makakapasok sa loob ng bahay na iyon kasi ayaw niya. ayaw niya at may iba siyang gustong patuluyin. at hindi ikaw 'yon.
oKAY SECOND,,, alice freakin deserve better and sobrang pasasalamat ko sa writer at director hindi nila hinayaan mag-settle sa bakuran lang. she deserve someone who will love her with every beat of someone's heart. someone who would choose her and not just because she's the last option but because she was the first choice, she was the priority. that is something i don't really understand. people realizing you worth AT THE END? ulul ka ba hahshshahahaha. you didn't realized her worth nagkataon lang na siya yung naging escape ni dan kasi hindi siya ang pinili ni anna. i mean what i'm saying is.. you deserve someone who knew your worth ever since the beginning than someone who barely knew it until you were gone, until he/she has no choice left.
third,,, julia roberts. anna. she actually symbolizes usual fucked up kind of partner. one day she loves you. one day she don't. hindi mo alam o sigurado kung pipiliin ka ba niya. kung ibibigay niya ba nang buo 'yung sarili niya sa'yo. then dun papasok yung issues. people are like that. sobrang daming issues and shits like fucking fix and heal youself first bago ka sumabak sa relasyon. hindi ko kasi gets. alam mo eh. alam mong may issues ka pa na kailangan mo pa magpagaling tapos papasok sa isang relasyon umaasa na magic siyang gagaling. it doesn't work that way. buti sana kung hindi mag-iiwan ng bakas sa taong susubukan niya at sisirain dahil hindi niya pa kaya eh. i mean come on. don't revolve yourself in the idea of romantic love. there are freakin many types of love in this world. and hey flash news love yourself is one of them.
fourth,,, doctor. larry. ito yung gago na mahal ka pero gago talaga siya. na mahal ka sa paraan niya. paraan niya na kukwestyunin mo kung mahal ka ba talaga dahil sa mga ginagawa niya sa'yo at sa relasyon niyo. that's the toxic kind of love and partner. and still, no. you don't settle for that kind of shit.
lastly, cupid bitch. dan. this asshole. ito 'yung alam na alam kung ano 'yung sasabihin pero hindi sigurado kung ano yung dapat gawin. isa rin na uhaw na uhaw sa pag-ibig. takot na takot mawalan o mabakante kaya lahat ng nasa listahan gagawin niya para hindi niya maramdaman na mag-isa siya. sabi nga, mama's boy kasi ang gago. sobrang kulang ata sa aruga. kulang sa pagmamahal. kaya hinahanap niya sa ibang tao. isa rin na fucked up. na ayaw ayusin ang sarili na akala niya magiging maayos kapag mayroon siyang jowa na sigurado siya na mahal siya. kaya siya sumabog nung iniwan siya ni alice at narealize niya na ayaw niya ng ganon na she deserves better and that better is not him. (one thing i loved about her; siya kasi 'yung pinaka nag grow para saakin). hindi talaga siya aayos kung patuloy siyang maghahanap ng maling pagmamahal sa maling tao, sa maling rason, at maling klase ng pag-ibig.
all in all. sobrang realistic ng movie. kaya sobra rin na fucked up. and it shows. out of 4 people. 1 lang talaga ang naggrow. kaya sa totoong buhay? sobrang daming fucked up na tao.
0 notes
ddayanghirang · 5 years ago
Text
18/04/20: Para kay Jan
Hello, Jan. Ilang taon na nung huli akong gumawa ng blog post tungkol sayo. Ilang taon na rin nung huli mo akong sinubukang kausapin. Ilang taon narin, pero paminsan-minsan, naiisip parin kita.
Hindi ko maipaliwanag kung bakit sa dinami-dami kong nakausap at nakasama dati, ikaw ‘yung parang hindi ko makalimutan. Ikaw yung laging kong naiisip, kumusta ka na ba? Naiisip mo rin kaya ako? Naiisip mo rin ba na sana hindi natin sinayang kung anong meron saatin dati? Naiisip mo rin ba kung ano kaya tayo ngayon kung hanggang ngayon naguusap parin tayo? Tingin mo may ‘tayo’ na? O tingin mo nagkaroon na ng ‘tayo’ pero nawala rin?
Masaya parin ako na hindi mo ako pinili, hindi karapat dapat yung katulad ko sa taong kagaya mo. Binalikan ko lahat ng chat natin sa isa’t isa, sa Twitter at sa Facebook. Gusto mo na at handa ka nang mag paka-tanga para saakin nung naghiwalay tayo, nung nag desisyon tayong itigil nalang kasi kailangan ko pa ng oras para mag-isip, at ayaw mo rin naman na hindi mo alam kung saan ka lulugar sa buhay ko. Hindi rin kita masisisisi, kasi kung ako ikaw, baka dati pa ako umalis. Sino ba naman ako? Sobrang wala akong puso, hindi ako nakaka-appreciate ng efforts, wala akong paki kung gaano kalayo pinanggalingan mo kapag pinupuntahan mo ako. Wala akong paki kasi ikaw may gusto niyan, hindi ako. Ang tanga ko rin pala sa part na ‘yon kasi, ito na yung lalaking hindi ako sasaktan, pero bakit ang hinahanap ko parin yung lalaking gusto kong papahirapan din ako, sasaktan ako, iiwan ako? Kasi para sa thrill? Ang tanga ko mag desisyon noon. Sobrang laking pasalamat ko at umalis ka sa buhay ko, hindi ako ang karapat dapat sayo. Salamat talaga at hindi mo itinuloy.
Ang sarap humanga sayo kahit sa malayuan: Ang dami mo nang na-accomplish at alam kong dadami pa ‘yan sa mga darating pang taon. Yung mag-aral palang sa school niyo, malaking bagay na ‘yon eh. Tapos ‘yung course na kinuha mo pa, hindi basta-basta. Isama mo pa noong naging Top 1 ka sa buong college nyo. May pinadala kang box sakin, hindi ko alam kung bakit hindi mo ako kinita nung binigay mo ‘yon sa landlady ko. Ang dami mong sulat para saakin, lagi mong sinasabi na gagawin mo lahat na mag top sa boards para saakin. Sana hindi mo ginawa ‘yon para saakin, kasi wala akong ambag na binigay sa’yo. Siguro nga baka gawa saakin kung bakit nawawala  focus mo mag-aral minsan eh, kaya pasensya ka na. Nakilala mo ko nung mga panahon na masyado pang mataas tingin ko sa sarili ko. Nag top ka sa boards, gaya ng pangako mo. Months before, nagsasabi ka nang baka hindi mo magawa. Sabi ko sa’yo, ‘wag mo ipressure sarili mo at ‘wag mong idedicate para saakin ‘yung pag-aaral mo. Sana ginawa mo. Kasi sa’yo yan, wala akong credit na dapat kunin diyan. Sobrang saya ko para sayo at kung nasaan ka man ngayon. Alam kong masaya ka na at nasa healthy relationship ka. May mga araw na hinihiling ko sana ako nalang sa posisyon nya, pero mas gugustuhin ko nang mag tagal kayo at kayo na ang magkatuluyan kaysa mapunta ka nanaman saakin. Hinding hindi ako magiging sapat para sayo, Jan. Iba ka sa lahat, masyado akong mapag-laro, hindi ako karapat-dapat sa taong katulad mo.
Ilang taon na tayong hindi nag-uusap, pero paminsan minsan, sumasagi ka parin sa isip ko. Paano kung tayo? Gaano kaya ako kasaya ngayon?
Jan, ikaw ang pinaka-malaking ‘sana’ ng buhay ko. Walang aagaw sa puwesto mo. Masyado akong naging duwag para aminin sa’yo ‘to: Mahal kita, at minamahal kita kahit malayo na ako sa’yo ngayon. Alam kong masaya ka na kaya hindi na kita kukulitin, hindi ko rin susubukang mag paramdam sa’yo.
Huwag na huwag ka nang babalik sa kulad ko. Parang awa mo na. Gawin mo ‘to para sa’yo.
Nagmamahal,
Hope
0 notes
aceylicious · 5 years ago
Photo
Tumblr media
30 years na! Ang bilis ng panahon.. 6 years old ako noong tinawag ka na ni BRO, sabi ko pa noon natutulog ka lang at gigising ka para sa akin. Wala pang kamuwang-muwang! After 27 years, pinasundo na sa'yo yun GREATEST LOVE natin pareho. Hanggang ngayon, napakasakit pa din isipin na wala na kayo pareho sa piling ko pero sa panahon ngayon mas gugustuhin ko na lang din hindi niyo na maranasan ang hirap ng buhay ngayon. Mahal na mahal kita, sabi nga ni Mommy kuhang kuha ko ugali ko lagi ko kasi siya sinasalungat hahaha! Miss ko na kayo, lagi niyo babantayan ah! Yakapin niyo pa din ako 'pag natutulog ako hanggang sa magising ako, dalawin niyo ko sa panaginip. I LOVE YOU DADDY! #30thDeathAnniversary https://www.instagram.com/p/B_Fs66ojQ2-8k_vdLVjR4VxqwBKB_zUi5zMuns0/?igshid=1n282hggr62on
0 notes
proserpoet · 5 years ago
Text
Banwa
Sentro ng komersyo kung maituturing ang barangay Pusok. Napapalibutan ito ng mga nagtatayugang establisiyemento katulad ng mga avante garde na gusali, mga kainan at restaurants, malls, coffee shops at marami pang iba. Sabi pa nga ni Lisa, Bikolana kong kaibigan, "Gusto ko talaga dito. Ibang-ibang sa Bula. Lahat abala. Lahat may ginagawa. Marami ring pwedeng gawin at puntahan."
"Hindi ka pa ba naaalibadbaran sa dami ng tao?" Tanong ko nito sa kanya.
"Bakit naman? Ang saya kaya kung palaging ganito karami ang tao. Buhay ang siyudad. Nag-uunahan ang bawat isa sa pagpila ng masasakyan, sa pag-order ng pagkain, sa pagpapagupit, sa pagwi-withdraw sa ATM at iba pa. Mainit nga lang pero kaya naman."
“Mas maganda pa rin doon sa inyo. San ka man lumingon, tanaw mo ang kariktan ng bulkang Mayon.”
"Magkaiba tayo Liz," lahad ni Fey. "Natutuwa ako sa ganito karaming tao subalit mas gugustuhin ko pa rin ang tahimik na paligid. Kaya nga pagdating ng panahon, babalik talaga ako sa probinsya namin. Iyon kasi ang hiling ni Mama. Doon ako magta-trabaho, mag-aasawa at bumuo ng pamilya.”
“Pawang dagat ang matatanaw mo doon. Maganda nga ngunit iba pa rin ang ingay na dulot ng siyudad,” pagpapalinawang ni Lisa.
“Kahit nga si Ate May ay may bahay dito at ilang beses ng kinukumbinsi si Mama na dito na lamang sila ni Tatay tumira, inayawan nila ito. Ayaw na ayaw talaga ni Mama sa ganitong kaingay na lugar at ramdam ko siya." Pagpapatuloy ni Fey habang nilalakad namin ang kahabaan ng daan patungo sa pamosong condominium building na may magarang restaurant sa rooftop nito. "Feeling ni Mama magkakasakit sila dito. Mausok. Maalikabok. Maingay. Walang preskong hangin. Higit sa lahat, ma-trapik. Di katulad doon sa Bantayan, sariwa lahat. Malayo sa gulo at ingay." Sambulat ni Fey.
Ipagdiriwang kasi nina Lisa at Angelo ang kanilang first wedding anniversary kung saan personal naming dinaluhan ni Fey sa nakaraang taon.
Sa totoo, marami kaming nagplano upang dumalo sa kasal ni Lisa subalit kaming dalawa lamang ang natuloy na pumunta sa Camarines Sur. Gumala kami at pinuntahan ang mga lugar na sa mga post card lang namin madalas makita.
Paglapag pa lamang ng eroplano, agad sasalubong sa'yo ang kariktan ng bulkang Mayon. Taas-noong nakalatag ito na nagpapahiwatig ng kapangyarihan at katuwiran. Sa alinmang bahagi ng Kabikolan ito ang iyong makikita. Tunay na kapana-panabik na masilayan sa wakas ang kamutyaan ng bulkang Mayon. Akala ko na hanggang sa mga alamat at kuwento-kuwento lamang sasariwain ng aming haraya ang Mayon, subalit sa pagkakataong ito, totoo na.
Hindi rin namin kinaligtaan na dalawin ang Mahal na Birhen ng Penafrancia na matagal ko ring inaasam-asam na makita. Dinayo rin namin ang sikat na lugar na pinagdarausan ng wake boarding ng mga artista at sports enthusiasts at ganoon din ang Caramoan na nag-animo'y Survivor castaway kami doon.
---
"Noon, iilan lang ang napupunta dito. Wala pang MEPZ, walang mga hotel at airport," sambit ng matandang natitinda ng balot sa gilid ng gasoline station.
Higit na marami ang bilang ng tao na dumaragsa rito araw-araw dulot na rin maaaring mapagkakitaan sa barangay Pusok. Dito makikita ang Mactan Export Processing Zone na siyang nagbukas ng pintuan sa mga ordinaryong manggagawang Pilipino sa Cebu at karatig probinsya nito na makapaghanap-buhay. Kaya naman, hindi maipagkakaila na pumipintig ang puso sa lugar.
"Iyang mga nakikita niyo, pawang mga damong cogon ang nakapalibot niyan. Sa katunayan, simple lang ang buhay ng mga tao dito. Hindi katulad ngayon," pagpatuloy nito.
Narinig pala kami ng manang habang inaayos ni Angelo ang sintas ng kanyang sapatos na sa di kalayuan ay ang puwesto ng manang na naghahanda ng kanyang panindang balut.
Sa tuwing uwian, di magkamayaw sa dami ng tao ang nag-aabang sa kahabaan ng daan. Halu-halo. Karamihan ng mga ito ay mga trabahante sa mga dayuhang kompanya. May mga estudyante ring nag-aabang ng masasakayan, mga kawani ng gobyerno at maging mga dayuhan na panay ang palaroy-laroy sa daan na animo’y mga hindi dayuhan sapagkat bihasa na sa kalakaran.
“Di kayo taga-rito no? Malamang naninibago kayo. Ba’t di muna kayo kumain ng balut,” habang hinihithit ng manang ang sigarilyo na gawa sa nirolyong papel.
“Maaga pa po manang. Mamaya po, dadaan kami dito upang kumain ng balut. Maghahapunan pa po kasi kami,” paliwanag ko sa kanya.
“Sige, aasahan ko ‘yan! Tsaka, sa oras na ‘to, uwian ng mga trabahador kaya may mangilan-ngilan na kumakain na rin ng balut sa ganito kaaga.”
 Maaamoy sa hangin ang usok na nagmumula sa mga sasakyan at nakapalibot na establisyimento. Kanugnog nito ang amot ng mga pagnanasang maka-alpas sa bawat hamon ng buhay. Ang mga pawis ng pagsusumikap. Sa kahabaan ng mga daan, mapapansin ang mga naka-hilerang paninda katulad ng mga gulay at prutas na isinakay sa likod ng bukas na mini van, nilalakong medyas, damit panloob, unan at kung anik-anik na naibebenta. Nagsisimula na ring magsulputan ang mga tingi-tungi ulam at kanin na nakabalot nang sa ganoon pag-uwi sa kani-kanilang tahanan, di na kailangang magluto. Masasabihmng hindi lamang sa umaga nabubuhay ang lugar kundi maging sa gabi. Bitbit sa loob ng bawat nagtitinda ang pag-asa na sana'y makabawi. Kasabay din nito ang kaba na sana'y di sitahin upang makabawi sa puhunan. Isa na iyong ale na nagbebenta ng balut. Sa katunuyan marami sila.
----
Nariyan din ang mga gimik ng mga restaurant na hahatakin ka talaga upang doon kumain sa kanila. Hindi mo talaga aakalain na naghihirap ang Pilipinas dahil bawat kainan, bawat kiosks ito ay pinipilahan.
------
Ang barangay Pusok ay bukana rin patungo sa airport na nagpapadagdag sa kulay ng lugar. Kung humihinga lamang ang mga batong dinadaan-daanan, tiyak sasabihin nito, "Pagpahingahin niyo naman kami! Bugbog-sarado na kami sa magdamag. Ramdam naming sa inyong mga yapak. Mabibigat na pang sumasayad."
-------
 Sa likod ng ingay at pagiging abala nito yaymay nakakubling katahimikan. Mga nasusupil na ungol na tanging hininga ng hangin lamang ang naghahabol. Ang kaibang mukha ng syudad ay sinaksikan ng mga batong dinadaan-daanan, tinatapak-tapakan. Matatagpuan ito sa kahabaan ng daan kung saan may nakahilerang mga hilera ng mga puno papunta sa bukana papasok sa paliparan. Ito ang siyang nagsisilbing lilim at neutralizer kung maituturing sa pagiging maunlad at progresibo ng lugar. Ito rin ay may nakakubling lihim.
Naka-upo sa isang kapirasong ugat ng puno na umusling sa pagkakabuwal nito sa lupa si Jade. Hindi maaaninag sa labas ng mga nag-uunahang mga paa dulot ng sa madilim na bahagi ito naka-upo. Kung ninanais mang tingnan, kakailanganing ituon ang tingin upang maaaninag na may isang tao.
Hindi dahil sa pagod kung kaya siya napa-upo. Iba ang kanyang pakay.
Suot ang kanyang itim na t-shirt na binili sa Uniqlo at short shorts na nabili niya sa isang bazaar sa loob ng MEPZ noong nakaraang pasko, tumulak si Jade bitbit ang kasinungalingang katatagpuin niya ang mga dating kasamahan sa trabaho, sina Fey at Lisa.
"Aalis muna ako. Doon na rin ako kakain."
"Saan ka ba pupunta, eh alas-8 na nang gabi," usig ng kanyang ina habang abalang hinuhugasan ang pinagkainan ng pamilya.
"Nagtext si Fey, magkakape lang daw kami at mag-uusap-usap tungkol sa buhay. Alam mo na, sasamantalahin ang bakasyon habang wala pang trabaho," habang kinukuha nito ang kanyang tsinelas.
“Tsaka, narito si Lisa at asawa niyang si Angelo, makikipagkita sa’min,” dagdag ko sa kanya.
Hindi na umimik ang kanyang ina habang papalabas ng gate ng kanilang tahanan. Tiyempo naman na may napadaang bakante de-padyak na sinisitan nito upang kunin ang atensyon.
Habang nakasakay sa de-padyak na umiikot sa loob ng subdivision, iniisip ni Jade ang mga nagdaang panahong siya ay nagsisinungaling.
Minsan, napagabi itong umuwi dahil pumasok ito sa isang sinehan na ang tuon ng baway parokyano ay hindi upsmang manood ng pelikula kundi ang iligaw ang mga kamay sa pantalon ng iba pang mga parokyano sa sinehan.
"Paki-bukas ng pinto," hingal na pagkakasabi ni Jade.
"Di ko talaga maintindihan kung bakit kahit Sabado ay marami pa ring sasakyan sa daan. Wala namang pasok. Kaya tuloy, nahirapan akong makasakay."
Pinakinggan lamang ito ng kanyang ina at hindi na umimik.
Minsan ring inabutan ng tawag ng laman si Jade habang na sa bahay at walang ibang maisip na dahilan kundi ipinagpaalam nito na may birthday celebration ang kaibigan nila sa trabaho subalit ang totoo, maglalagi lang ito sa internet shop upang magbakasakaling makahanap ng kapareha nang topak.
Noong una, hirap pa itong paghabiin ang kuwento upang mag-anyong kapani-paniwala ang kanyang mga kuwento subalit ngayon, ay tila bihasa na ito upang pagkatiwalaan siyang umalis ng bahay. Organiko na ang pagsisinungaling sa kanya.
  Tila naninibago si Jade habang na sa labas ng tahanan sapagkat ang iksi ng kanyang isinuot na shorts. Di bali sana kung may malaki itong pangangatawan at mga hitang maaasahan subalit patpatin ito. Unti-unting nararamdaman niya na hindi na siya nag-iisa sa sulok-sulok na bahagi ng banwa. May mga yapak na siyang naririnig at halinghing ng mga boses na pabulong na nag-uusap.
"Simula na. Sana makahanap ako." Ito ang naglalaro sa isip ni Jade. Nililingon-lingon ng kanyang ulo at pilit pinalilinaw ang mga mata sa kabila ng dilim upang masipat ang mga aninong naglalakad sa dilim.
Naghahalo ang kaba at takot ang namamayani sa diwa ni Jade subalit nananaig pa rin ang pagnanasa na makita ang kanyang hinahanap. Masalat ang matagal nang inaasam-asam ng kanyang mga palad kasabay ng mga nagpupumiglas na damdamin.
Sa nag-aagaw na liwanag at dilim sa ilalim ng hatinggabi, buhay ang dugo ng banwa na dumadaloy sa mga ugat ng sangkapunuan nito. Saksi ang mga tuyong dahon, lagislis ng tunog ng mga umiihi at mga bakas ng pinaggamitan, mga pinunit na plastik ng condom, gamit na condom, lotion at creamsilk. Na sa tuwing lumalabas ang sinomang galing sa looban ng Banwa, agad nagbabagong-anyo na animo'y mga pawang parokyanong napadaan lang. Napag-umagahan sa paglalakad. Kung san man galing at ano ang ginawa, ito'y sa pagitan ng maliwanag na buwan, mga puno sa looban at mga aninong basta na lang naglabasan.
“Bagong salta?” tanong ng malalim na boses na nakatayo sa gilid ng kinauupuan na ugat ni Jade.
“Oo. Tawag ng pangangailangan,” tugon ko sa kanya.
“Saan mo nalaman ang lugar na’to?” habang dahan-dahan siyang umupo sa tabi ni Jade.
“Sa twitter. Alam mo naman ang mga nagaganap sa loob ng Twitterverse. Sa alterworld.”
“Oh, alter. Masaya doon. Ang daming ganap.”
Masaya siyang nakikipagkuwentuhan kahit di naming maaninag ang mukha ng isa’t isa. Unti-unti niyang inakyat ang kanyang kamay tungo sa aking balikat at ako’y inakbayan. Sinusubukan niyang kinikilala ang aking mukha subalit tanging ilaw lamang ng mga poste at dumadaang mga sasakyan ang tanging ningas. 
Hanggang sa, inilapit niya ang kanyang mga labi sa aking leeg sabay bulong ng mga katagang, “ang dali mo sigurong buhatin. Habang nagsasalita ka, ako’y tinitigasan.”
Sa hindi maipaliwanag, biglang may nanigas sa bahagi ng aking katawan. Sinisimulan niya akong akitin. Kinikiliti na tanging sa katulad lamang niya ko lang ito nararamdaman.
Tumayo siya’t niyaya tumungo sa mas madalim na bahagi ng Banwa at doon, abala rin ang iba. Abala sa paggawa ng mga bagay na tanging sa lalim ng gabi lamang naipapakita’t nailalabas. Mga kalalakihang katulad ko rin ang hanap. Mga kulong ikinubli sa mata ng mapanghusgang lipunan.
Samu’t saring kalalakihan na hindi mo aakalaing makikita mo sa looban ng Banwa. May mga malalaki ang bulas ng pangngatawan na nag-yoyosi habang naghihintay ng lalaking matitipuhan. May mga malalambot din ang kilos subalit dahil madilim ay nakakalusot at napagbibigyan. May matatanda ring hindi pa sumusuko. Na sa hanggang ngayon, naghahanap pa rin ng magpapa-init sa malamig na katawan.
Mayroong grupo na abala sa paglalaro ng kanilang mga alaga. Ang mga kamay nito ay nagtutuwang paglaruan ang isang bagay na hindi bago sa kanila.
Hinila niya ako papunta sa madilim na bahagi sa ilalim ng puno ng mahogany. Kanya-kanyang diskarte ang iba samantalang kami, ako, ay sinolo niya. Dahan-dahan niyang hinimas ang aking puwetan hanggang sa papalakas na pinipinisil-pisil ito. Pinapadaan niya ang kanyang mga dila sa likurang bahagi ng aking taenga papunta sa aking leeg habang ang kamay ko naman ay isinilid sa loob ng kanyang pantalon na sa wari ko’y unti-unting tumitigas ang nagkukumahog nitong pagmamay-ari.
“Lumuhod ka. Iyong-iyo na iyan. Isubo mo ang kahabaan niyan.”
Sa pagkakataong ito, biglang lumalim ang kanyang boses. Ang lalim nito ay iba sa mga narinig ko kanina na may halong lambing at panunuyo. Ngayon, may bahid ng pwersa. May bakas ng pamimilit.
“Hindi kasi ako sumusubo eh. Narito ako upang magparaos din,” mahinahon kong tugon sa kanya.
“Putcha! ‘wag ka nang ma-arte. Alam ko kung bakit nandito ka. Alam ko ring gusto mo iyan!” pabulogn subalit ramdam ko ang lakas ng kanyang boses sabay sa pagtulak ng aking mga balikat upang lumuhod.
Sinubukan kong pumigwas. Sinubukan kong kumawala sa malalakas niyang bisig subalit talo pa rin ang patpatin kong katawan. Ngayon, hindi ko na ito nagugustuhan. Sa halip na libog, takot ang bumabalot sa aking pakiramdam. Animo’y kinumutan ako ng pangamba at takot.
“Siguro, maghanap ka na lang ng iba. Marami naman dito na iyan ang gusto,” sambit ko sa kanya.
“Ikaw ang gusto ko. Kaya, sige na. Huwa ka nang magpakipot pa. Kating-kating na ako.”
“Ayaw ko nga sabi eh! Bitiwan mo nga ako!” Napalakas ang boses ko subalit hindi pa rin kami pinapansin ng ibang lalaki dahil abala rin sila.
Hindi pa rin niya ako binitawan at sa halip mas lalo pa niyang hinigpitan ang pagkakahawak sa akin. Ramdam ko na ang sakit ng pagkakahawak niya. Isang kamay lang niya ang ginamit dahil abala siyang may dinudukot sa kanyang bulsa.
Nang ilabas niya ito, higit akong kinabahan. Isang balisong na maaaring isilid sa loob ng pitaka. Inilabas niya ito’t iwinasiwas. Ipinakita niya ang maayos niyang pagkakahawak nito at itinutok sa akin.
“Kung hindi mo gagawin ang gusto ko, bubutasan ko ang bituka mo. Sigurado akong walang makakaalam at wala silang paki-alam kung ano ang mangyayari sa iyo,” pananakot niya sa akin. “Kaya, kung hindi ka susunod sa gugustuhin ko, alam mo na ang sasapitin mo at tiyak, anong paliwanag ang gagawin mo kung uuwi kang may saksak.”
At dito na nagsimulang magdilim ang aking paningin. Hinahabol ang aking hininga dulot ng kaba at takot. Kaya habang tulak-tulak ng kanan niyang kamay ang aking mga balikat ay siya naming hawak ng kaliwa ang balisong na nakatutok sa akin. Kahit na hindi ako nasisiyahan, pinilit kong mag-anyong masaya para di niya lang ako saktan.
“Putcha! Galingan mo ang pagkakasubo niya kung ayaw mong ibaon ko itong patalim sa iyo!”
Habang ibinabaon ko ang aking ulo sa kanyang pagkatao, napapansin kong siya na mismo ang naggagabay nito. Itinutulak niya ako hanggang sa mabilaukan, maluha at masuka sa kanyang ari. Binibilisan niya ang ritmo na tila ba, hayok na hayok siya na mahirapan ako. Nang minsang itinaas ko ang aking mukha, Nakita kong natutuwa siya sa kanyang ginagawa. Natutuwa siyang makita akong nahihirapan. Nabibilaukan. Lumuluha.
Hanggang sa natapos nga at siya’y marausan. Itinaas niya ang kanyang pantalon habang ak, iniwan na lupasay sa lupa. Gulat at di makapaniwala.
Lumabas siya ng Banwa na parang wala. Natural na tila tumabi at umihi lang. Walang bahid ng malisya o anoman.
Ilang minuto rin akong nanatili sa posisyong iyon hanggang sa mahimasmasan.
“Ginusto ko ‘to kaya wala akong dapat sisihin sa mga nangyari. Walang dapat makaalam. Hindi nila dapat ito malaman.”
Ito ang naglalaro sa aking isipan.
Kaya, pinahid ko ang bakas ng luha. Sumuka at lumuwa. At nang sa tingin ko ay maayos na, inayos ko ang aking sombrero at lumabas sa Banwa. Bumili ng tubig sa katabing 7/11 at ng snow bear sa aleng nagtitinda ng balut.
Sa gilid ng daan kung saan ang abangan ng masasakyan, nilinis ko ang sarili gamit ang tubig na binili ko. Isinuka ang mga natitirang bahid ng kawalang-hiyaang ginawa ng lalaking iyon. Inayos ang mukha at naglakad ng parang wala lang. 
0 notes
nothin---g · 7 years ago
Text
November 25 2017
(May part na sa’kin na gusto ko nang magpakita ng mukha para dagdag pictures habang nagkkwento ako kaso katamad tsaka panget ko)
Ang dami kong firsts sa dalawang araw na magkakasama kami ng mga kaibigan ko sa Bataan. Yes, nakarating po kaming Bataan. Thankful na rin kasi nakauwi kami ng safe at higit sa lahat masaya.
Nung nasa van kami nagpatugtog sila ng Zombie. So ayon nagkakasabayan hanggang sa dun na sa part na “and their bombs, and their guns“ tapos ang narinig talaga namin nung friend ko “and their gums, and their lungs“ hanggang sa naging joke na siya hanggang sa magsiuwian kami.
Pinakain kami sa Mcdo tapos eto ang qt namin lahat kasi 10 kami diba tapos yung mga order namin by pair!!! Nang hindi sinasadya!!! As in hiwa-hiwalay kami nagorder at gusto ko na lang picture-an yung moment na yon.
Inasar na si Tin na buntis kasi yung damit niya talaga para siyang buntis at the same time busog na rin kasi. (Hindi na ako magcecensor ng names kasi katamad + wala naman magsisipag magbasa nito)
May rides nga pala btw: Zipline, Bicycle na nasa tali lang at sana gets niyo, yung hanging bridge tsaka swing.
Una yung swing. Kakaiba ‘to dun sa una kong experience kasi eto bangin yung nasa harapan namin so pag natanga yung machine or whatsoever, dedz. Ang sarap sumigaw!!! Nakakatakot mami pero keri. Nung pataas mapapamura ka talaga eh.
Pangalawa, yung hanging bridge. Super tangina kasi nagkahiwalay yung grp kasi ang dami raw namin like boo. Nakakatakot siya pag napupunta sa isang side kasi ewan ko para kang mahuhulog. Dun ko talaga narealize na hindi ako takot sa heights, takot akong mahulog. (Walang hugot ok)
Pangatlo, yung bike. Kami yung huling sinalang at sobrang nakakakaba kasi wow bike sa tali kamusta ka gurl pero once na naipadyak mo na, gugustuhin mo na lang tumira kahit sa gitna ka na lang kasi shet ang sarap sa feeling. Tingin ako sa gilid at baba kahit na sobrang taas. Ewan ko take me back agad. Nung nasa kabilang side na kami sabi nung lalake mageffort daw kami magpadyak sabi ni Karen “okay lang po, sanay na po kami na kami yung nage-effort“ okay sarap iunfriend.
Last, yung zipline. AKO LANG MAGISA DITO. Ang saya. Nakakaiyak sa sobrang saya. Parang gusto kong magkaroon ng zipline na iikutin mo buong mundo kasi bat ganon ang sarap lumipad. Hindi nakakatakot. Puta ang saya talaga nung hangin, nung scenery at yung pagiging alone ko non. Si Tin pagkababa niya nakitaan siya ng bra at nataasan ng shorts kasi ba naman loose at yung way pa nang pagtatanggal ng harness eh pataas. Yung pagbalik nga pala, L3 gamit at sobrang astig nung nagddrive para kaming nagrride ng walang harness. Sabi pa ni Karen, “faster“ kasi gags ang astig talaga.
+++ Kung conservative ka like me, be ready. Pag hinihigpitan yung harness madalas talaga nahahawakan yung legs as in mataas na part.
+++ Nakita ni gel yung kili-kili ko eh hindi pa ako nagshshave sabi niya “parang *name nung resort na tinutuluyan namin*” like wtf ang witty and funny kahit offensive.
+++ 350 pesos kapag gusto mo kuhanin shots ng mga gago nakakainis ang mahal eh tawang-tawa pa naman kami dun sa mga kuha kasi scared asf.
Naligo na kami sa infinity pool!!! Gusto namin masaksihan yung city lights at makaranas ng night swimming at hindi kami nabigo! May lights pa. Kulang na lang alak kaso may parents so we can’t.  Nga pala, trip nilang ikiss at ihug ako at NANGYARI at harassment beshie. Super. Pero super love ko rin sila.
Nagbanlaw kami after kasi sobrang lamig at habang nagsisiliguan, yung iba nasa parang rooftop??? Sobrang hangin doon at ang ganda ng view. Pinapatay namin yung ilaw kasi sobrang peaceful. Yung dalawa nga sa’min miss na yung mga naging jowa nila tas yung isa, umiyak na. Hinug ko siya kasi yun lang kaya ko and fuck feeling ko it hurts talaga. Naglaro pa kami dun ng Marco Polo coz why not. Btw, sa sobrang close namin narinig na nila ang utot ko.
Midnight fucking snacks!!! Sobrang random lang nito hanggang sa magkayayaan na sa kwarto na lang ituloy + UNO cards na isang round lang kasi tinamad at napagod na so DAPAT SLEEP TIME NA. Yung mga nasa 2nd floor biglang nagsisisigaw kasi may mga bintana pala sa taas at naghahanap sila ng ipantatakip kasi natatakot sila. Ginawa nilang pantakip yung drawstring bag, poster at boxer shorts hahaha. Ang ingay pala ng moment na ‘to pero funny. Nung bumaba nga pala ako sa hagdan para akong tipsy kasi nabundol ko talaga yung bintana sa baba kasi nga may iniwasan akong step ng hagdan.
Isa po ako sa mga huling natulog (dalawa kami) and may shitty feeling sa’kin na gusto sila lahat yakapin or halikan sa noo like wtf ang creepy mo kio.
2 notes · View notes