#gabe pinto
Explore tagged Tumblr posts
Text
#NY#Brooklyn THIS SAT 3/30 @picturethiscomedy kicks off your holiday weekend with this hilarious lineup!
Just a few days left to save $5 on tix!
Comedy by: Dan Licata (Adult Swim) Dina Hashem (Conan) Tej Khanna (Car World) Gastor Almonte (Comedy Central) Ben Wasserman (Live after Death) Animation by: Jason Chatfield (The New Yorker) Ray Alma (Beavis & Butthead) Hilary F. Campbell Elvie Mae Parian Gabe Pinto Dan Pinto Hosted by: Samantha Ruddy (Tonight Show) TICKETS: $10 pre-sale, $15 day-of/at the door
Masking HIGHLY encouraged when not actively eating or drinking.
21+, Street Parking available, ride share encouraged
Lineup subject to change without notice
Flier art by Jason Chatfield
#live comedy#live animated comedy#picture this!#ny#brooklyn#live animated comedy show#new york#dan licata#dina hashem#tej khanna#gastor almonte#ben wasserman#jason chatfield#hilary f. campbell#elvie mae parian#dan pinto#gabe pinto
2 notes
·
View notes
Text
find a blorbo (nhl tag game)
RULES: Go through the roster of each NHL team and find at least one player that you can root for.
tagged by @bondedpairs!! when i say too many teams to count and here for the narrative um. i may not have lied. this is not an extensive list of my blorbos but in order to make it not ten thousand years long i made up the rule that i had to do it straight from memory :)
anaheim ducks: as evidenced by recent events i DO like mason mctavish and trevor zegras but i have to honor laura and mention troy terry and beloved goalie gibbie*
boston bruins: oh for sure brad marchand… can i say patrice? one of the charlies got traded but i think mcavoy is still there because gryz is gone, brandon carlo is there still i think
buffalo sabres: cozens & thompson, owen power, rasmus dahlin, ukko pekka luukkonen
calgary flames: is chris tanev still here? is markstrom still here?? noah hanifin?? as a last resort i’ll say blasty
carolina hurricanes: aho & jarvy & teuvo teravainen & brent burns is still playing maybe? i know sepe got traded
chicago hockey: the bedsy narrative is compelling but ANDREAS ATHANASIOU MY BELOVED reunited with tyler bertuzzi… that’s the real story. also i like foligno
colorado avalanche: gabe landeskog, whatever ross colton & miles wood have going on, natemac + jo, mikko
columbus blue jackets: have long been on the merzlikins train, have been swayed to the darkside of umich boys (brindley, kent johnson, fantilli, blankenburg who is now on nsh)
dallas stars: seggy! mush! roope + miro and otter and robo and wyjo (rip ty dellandrea) and harls! etc.
detroit red wings: MOST players. dilly larks, moritz seider, jv, raymond, rasmussen, kitty, lyon, etc except for k*ne
edmonton oilers: mcdrai, ofc. nugent-hopkins, nursey, rip vinny & skinny
florida panthers: tkachuk, reinhardt, sasha barkov, verhaeghe (is there still?)
los angeles kings: adrian kempe… kevin fiala… danault… quinton byfield & alex turcotte
minnesota wild: kirill, marat, fleury, brodes, fabes, boldy, moose, middsy, spurge… god’s perfect idiots
montreal canadiens: going out on a limb here to say martin st. louis but also xhekaj (both), slafkovský, suzuki, my austrian reinbacher, yes fine cole caufield
nashville predators: MOST BEAUTIFUL D PAIR IN THE WORLD GRADY SKJEI AND ROMAN JOSI!! juuse, evangelista, isn’t stamkos there and also someone else who absolutely should not be
new jersey devils: nico… tuna (tatar), dawson mercer, siegenthaler, dougie hamilton, yes the hugheses whatever
new york islanders: barzy, zeeker & marty, anders lee, noah dobson lol
new york rangers: mika & chris, lafrenière & k’andre, shesterkin
philadelphia flyers: frosty & beezer and tk and sanny and the new baby michkov and coots and scooty loots and foerster etc etc. you know the Guys
pittsburgh penguins: the two headed monster but also compelled by rutger mcgroarty, and kevin hayes was there!!!
ottawa senators: timmy stü & brady! josh norris! the evolution of shane pinto! ullmark now and brännström and claude giroux and chabot
san jose sharks: ekky, thrun, mario, borde, logan couture, shakir, that other vaguely blond rookie
seattle kraken: brandon tanev, andre burakovsky! grubauer & d’accord also
st. louis blues: jordan kyrou, nathan walker (is still there?), rob thomas? is parayako still there?
tampa bay lightning: hedman, point, they dumped so many guys after the cup run… is kucherov still there or is he in nashville?? anthony cirelli (notable for being made out with by pat maroon)
toronto maple leafs: mitch, jt, willy, alex nylander, kniesy, dewar, et
utah hockey: crouse, keller, tuba
vancouver canucks: quinn, brock, petey, jt, garly, höggy, i want to say dakota johnson, elias lindholm?
vegas golden knights: brandon montour is here now… alex pietrangelo, so sorry to one i can’t remember who loves the lions it will come back to me
washington capitals: full of love and stupidity. oshie, nicke/ovi, pierre-luc dubois, dowd, vrána, milano
winnipeg jets: adam lowry!! josh morissey and kc and morgan barron, also vladdy my beloved
tagging @stillfertile + @colap1nto + @songsandswords + @moregraceful if they haven’t done it yet, i know they follow at least a couple teams. if anybody else wants to play i love adopting blorbos!!
#it is literally my DREAM to get challenged by someone about how many hockey guys i can name because i am a freak like that#and i make up arguments in my head for fun. please Try Meeeee#me when i wear all of my different crewnecks out & make up an imaginary argument where i have to list five guys from every team… ok why not#in doing this i hope i expose so many of you to narratives and also don’t show my ass because we’re at the point in the season where i go#‘he got traded WHERE???’ & i forget where everyone got moved around 🫡 everyone who watches a game has to deal with me regularly going WAIT#tag games#liv in the replies#this is secretly just a love letter to everyone i follow who got me invested in these narratives. i WILL adopt ur interests &speech pattern#and like. it very much does NOT even come close to reflecting the narratives i have and will be invested in#hated my own rule as soon as i made it but it prevented me from creating an even MORE elaborate set of rules which was like. would you#actually root for this guy playing hockey vs are these all narrative characters so you need to them be able to back it up with a fic#which. given that it’s BLORBO i was like none of them are about to named on the basis of their hockey and also i am a giant hater#if you’re playing the red wings i want you to lose if the red wings are out i cannot guarantee who i will root for. it is up to The Spirit#this took me too long… worth it#like I don’t know as if i’ll ever make a proper pinned post but this is high in contention simply for the fact that i just Talk about Guys#you guys missed the part where i tried to do it in alphabetical order but completely forgot all teams that started with a p and colorado#among other teams and then i had to google ‘32 nhl teams’ because i could not for the life of me figure out who i was missing. rip ottawa#which is so funny because i love so many guys on their team. like. this list is such evidence of my BLANKING on the spot under pressure.#*everyone who saw this say stolarz no you didn’t. listen i knew ONE of them had gotten traded 😭 and literally during the pre-season det/tor#game today i heard ‘stolarz’ and went OH FUCK NO OH NO and wheezed my way here to fix it.
7 notes
·
View notes
Text
FEATURE: Creepy Tales of UPIS
Have you ever heard of scary stories around UPIS? Have you ever had a haunting encounter that called for a story of its own? Despite the high school building being only 11 years old, tales of strange presences in certain rooms and unsettling legends about the statues have already taken root. It's not just the high school (7-12) building—similar stories circulate about the 3-6 and K-2 buildings, hinting at eerie encounters throughout the school. One can’t help but wonder what history lies beneath the UPIS grounds. One of the stories is from a student from Batch 2026, Uno Macadaan, who shared chilling rumors about the different school buildings of UPIS.
“There’s a story about a floating hand that roams around the 7-12 building when it’s dark, and that there are ghosts wandering the 3-6 building when it’s late,” Uno said.
Athens Hombrebueno, a fellow student from Batch 2025, added to what they’ve heard: “In the K-2 building, there’s talk of a white lady haunting the first-floor girls’ bathroom. In the 3-6 building, there’s an abandoned science lab that people avoid after dark, because of the said rumor of a ghost in the specific room. And in the 7-12 building, there’s a story of a spirit that followed the Girl Scouts during their pre-pandemic annual camp.” Athens also added the known story she has heard about Lorna, the statue located on the high school grounds. Because she is frozen in a pose where she appears to be holding a nonexistent pen, the stories say that she wanders around at night to find that very pen. These strange occurrences aren't limited to students alone. Some of the school’s security guards have their own unsettling experiences, as one Batch 2026 student, Kirsten Negros, revealed.
“Nakwento sa ‘kin nung night shift na guard yung experience niya sa elem[entary] building na kada gabi daw meron siya laging naririnig na mga batang naglalaro sa iisang classroom… nagtatakbuhan, sumisigaw, at kumakanta,” Kirsten recounted.
These aren’t just stories passed down from one student to the next—varsity students, who habitually arrive at school early and stay late for practice, have their own chilling encounters to share. Their schedule gives them more exposure to the school's creepy atmosphere, especially during quiet hours, adding to the growing collection of eerie experiences from the buildings.
Kirsten recounted, “Nag-SPLT [Senior Patrol Leadership Training] kaming mga cadets para sa GSP [Girl Scouts of the Philippines]. Nung second night namin, lights out na, so dapat matutulog na lahat pero may mga gising pa sa amin. Biglang may nag-open ng door; akala namin senior cadet na mag[che]-check kaya nagtulog-tulugan kami. Pero nakita namin naka-all white yung pumasok—white shirt and pajama. Kinabukasan, nalaman namin na walang naka-white na senior cadet noong gabing iyon at wala ring nagbukas ng pinto.”
Athens shared a similar experience with Kirsten about camping, recalling an incident from before the pandemic: “I attended the annual camp the year they said the spirit followed us back to the 7-12 building.”
Recounting the rumors he has heard, Uno shared his own experience from the high school building: “Once, I went to school around 4:30-5:00 AM. I thought I saw a floating hand coming toward me, but it vanished as soon as I blinked. It was probably because I was half-awake, but it was still creepy.”
Adding more to Uno’s encounters, he shared, “Another time, I stayed late, around 6:30-7:00 PM, when I was still in the 3-6 building. I went to check the canteen to see if the rumors were true, and I heard something behind me by the PA [Practical Arts] room near the garden. I ran faster than ever.”
The students who shared their own stories mentioned that they've become more aware of the strange occurrences in the buildings. Athens and Kirsten highlighted that the high school building seemed more scary to them for the following reasons: “Malaki ang building and mas nakakatakot ‘pag gabi kasi madilim,” Kirsten mentioned, and, “because that’s where I experienced my own encounter,” Athens shared. However, Uno shared that the 3-6 gave him more of a fright, saying, “Mostly because I have an older sister and that was around the time she started scaring me and telling me stories, but also because we were kids and we liked spreading stories like that and I was one of those weird kids who wanted to verify the stories and see for myself.”
As we walk through these familiar hallways, we may find ourselves wondering about the variety of people's experiences in these buildings and what they have encountered. Whether you believe in ghosts, legends, and rumors or not, it’s hard to ignore the chilling sense of presence that lingers in the air. Perhaps the true spookiness lies not in the scary tales themselves, but in the stories we continue to share, and the way we see the places around us. Have you experienced anything out of the ordinary?
//by Bianca Regala
5 notes
·
View notes
Text
✮ Who I write for ✮
I am accepting requests, but please note that it may take some time for me to write them.
Anaheim Ducks
☽ Mason Mctavish
Boston Bruins
☽ Matthew Poitras
☽ Mason Lohrei
☽ Johnny Beecher
Columbus Blue Jackets
☽ Adam Fantilli
Chicago Blackhawks
☽ Connor Bedard
☽ Lukas Reichel
☽ Kevin Korchinsk
☽ Alex Vlasic
Dallas stars
☽ Wyatt Johnston
Los Angeles Kings
☽ Alex Turcotte
Montreal Canadiens
☽ Cole Caufield
☽ Kirby Dach
☽ Juraj Slafkovsky
☽ Kaiden Guhle
New York Rangers
☽ Braden Schneider
☽ Matt Rempe
Ottawa Senators
☽ Shane Pinto
Philadelphia Flyers
☽ Tyson Foerster
☽ Jamie Drysdale
☽ Cam York
San Jose Sharks
☽ Henry Thrun
☽ William Eklund
Toronto Maple Leafs
☽ Matthew Knies
☽ Joseph Woll
-
Boston college
☽ Will Smith
☽ Gabe Perreault
☽ Ryan Leonard
Saskatoon blades
☽ Fraser Minten
Voltigeurs de Drummondville
☽ Maveric Lamouerux
7 notes
·
View notes
Text
Hinayaan kitang umalis noong gabing ’yon.
Hindi kita hinabol. Hindi ako nagmakaawa. Hindi ako nagtunog sirang-plaka sa pagbanggit ng “mahal kita.” Hindi na kita inilaban. Mahal kita, pero hinayaan kita maging malaya. Dahil sabi mo, iyon ang kailangan mo at hindi ang aking presensiya. Kaya’t hinayaan kitang maglakbay sa malayo, sa kaniya. Sa totoo lang, tuwing umaalis ka, siya palagi ang dahilan. At binabalikan mo lang naman ako kapag hindi kayo nagkakaayos. Sanay na ako. Dapat masanay na ako. Pero may kung anong kirot na hindi mawala sa puso ko. Mahal kita, pero mas pinili ko ang kalayaan at kaligayahan mo. Mahal kita, pero mas handa akong ipaubaya ka sa taong kailangan ng puso mo.
Kayâ noong gabing umalis ka, hindi ako nakipagtalo. Hindi ko niyakap ang mga tuhod mo. Hindi ako lumuhod. Hindi ako nagmakaawa. Pinagbuksan pa nga kita ng pinto sabay sabing “mag-ingat ka.” Hinayaan kita dahil alam kong doon ka sasaya. At naalala ko, sabi ng isa kong kaibigan, “hindi mo mapipigilan ang isang taong nakapagdesisyon na.” Kayâ kahit masakit, tinanggap ko ang ating tadhana. Tinanggap kong hindi na ikaw ang dati kong nakilala. At kasimbilis ng mga nagkakarerang kabayo ang pananatili mo sa akin. Masakit, pero mas kailangan kitang palayain kaysa habulin.
Dahil kung ang pag-ibig ay nangangahulugang pagpaparaya, hindi ako magdadalawang-isip na ipaubaya ka nang paulit-ulit hanggang sa maramdaman mo na buong tiyak kitang inibig.
Hindi ako umalis.
Palagi kitang hinihintay na bumalik.
----
✍︎ Writer ABBA | 2023
----
4 notes
·
View notes
Text
Mga Tula Ni José Corazón de Jesús
KAHIT SAAN ni José Corazón de Jesús
Kung sa mga daang nilalakaran mo,
may puting bulaklak ang nagyukong damo
na nang dumaan ka ay biglang tumungo
tila nahihiyang tumunghay sa iyo. . .
Irog, iya’y ako!
Kung may isang ibong tuwing takipsilim,
nilalapitan ka at titingin-tingin,
kung sa iyong silid masok na magiliw
at ika’y awitan sa gabing malalim. . .
Ako iyan, Giliw!
Kung tumingala ka sa gabing payapa
at sa langit nama’y may ulilang tala
na sinasabugan ikaw sa bintana
ng kanyang malungkot na sinag ng luha
Iya’y ako, Mutya!
Kung ikaw’y magising sa dapit-umaga,
isang paruparo ang iyong nakita
na sa masetas mong didiligin sana
ang pakpak ay wasak at nanlalamig na. . .
Iya’y ako, Sinta!
Kung nagdarasal ka’t sa matang luhaan
ng Kristo’y may isang luhang nakasungaw,
kundi mo mapahid sa panghihinayang
at nalulungkot ka sa kapighatian. . .
Yao’y ako, Hirang!
Ngunit kung ibig mong makita pa ako,
akong totohanang nagmahal sa iyo;
hindi kalayuan, ikaw ay tumungo
sa lumang libinga’t doon, asahan mong. . .
magkikita tayo!
Mensahe ng Tula: Ang tulang "Kahit Saan" ni José Corazón de Jesús ay naglalaman ng mahalagang mensahe tungkol sa pagmamahal sa isa't isa. Dulot ng mga problema na nangyayari ngayon na nagkakaroon ng pagkabalisa. Ang pagmamahal sa isa't isa sa pagkakaroon ng bukas ng pinto saating puso sa iba ay magkakaroon ng pagkakaisa kahit nasa gitna tayo ng kahirapan at mga pagsubok. Ito rin ay ang magiging dahilan ng pagkaka-unlad sa lipunan at sa isa't isa.
ITANONG MO SA BITUIN ni José Corazón de Jesús
Isang gabi’y manungaw ka.
Sa bunton ng panganorin
ay tanawin ang ulila’t naglalamay na bituin;
Sa bitui’y itanong mo ang ngalan ng aking giliw
at kung siya’y magtatapat, ngalan mo ang sasabihin.
Ang bitui’y kapatid mo. Kung siya ma’y nasa langit,
ikaw’y ditong nasa lupa’t bituin ka ng pag-ibig;
dahil diya’y itanong mo sa bituin mong kapatid
kundi ikaw ang dalagang minamahal ko nang labis.
Itanong mo sa bitui’t bituin ang nakakita
nang ako ay umagahin sa piling ng mga dusa;
minagdamag ang palad ko sa pagtawag ng Amada,
ngunit ikaw na tinawag, lumayo na’t nagtago pa.
Mensahe ng Tula: Sa panahon ngayon marami tayong hinahanapan ng mga kasagutan sa ating mga katanungan. Ang tulang “Itanong Mo Sa Bituin” ni José Corazón de Jesús ay ipinapahiwatig na mensahe ay sa mga tao, ang mga simpleng bagay sa kanilang buhay ay mahalaga, at hindi ito palaging hinahanapan ng mga kasagutan sa mga matataas na lugar o mga bagay. Itong mga bagay may maaaring nasa ating paligid lamang. Ang pagbibigay-diin sa pagmamahal, pagkakaunawaan, at pag-aalaga sa mga tao sa ating paligid ay maaaring magkaruon ng positbong epekto sa lipunan. Ito ay sa pamamagitan ng pag-respeto sa bawat isa, pagkakaroon ng maligaya at maunlad na pamumuhay. Ang tula na ito ay nagpapaalala sa atin na ang pag-ibig at kasiyahan ay madalas natatagpuan sa mga simpleng bagay lamang, at hindi nangangailangan ng mga mataas na pangarap o higit na kasikatan na umaabot sa bituin.
ANG POSPORO NG DIYOS ni José Corazón de Jesús
Sa dilim ng gabi’y may gintong nalaglag,
may apoy, may ilaw, galing sa itaas;
at dito sa lupa noong pumalapag,
nahulog sa bibig ng isang bulaklak.
Ang sabi ng iba’y kalulwa ng patay,
luha ng bituin, anang iba naman.
Lalo na’t sa gabi ay iyong matanaw
tila nga bituing sa langit natanggal.
Bituin sa langit at rosas sa hardin,
parang nagtipanan at naghalikan din;
nang di na mangyaring sa umaga gawin,
ginanap sa gabi’y lalo pang napansin.
Katiting na ilaw ng lihim na liyag,
sinupo sa lupa’t tanglaw sa magdamag;
ito’y bulalakaw ang dating pamagat,
posporo ng Diyos sa nangaglalakad.
Kung para sa aking taong nakaluhod
at napaligaw na sa malayong pook,
noong kausapin ang dakilang Diyos
ay sa bulalakaw lamang nagkalugod.
Sampalitong munti ng posporong mahal
kiniskis ng Diyos upang ipananglaw;
nang ito’y mahulog sa gitna ng daan,
nakita ang landas ng pusong naligaw!
Ito’y bulalakaw, ang apoy ng lugod,
na nagkanlalaglag sa lupang malungkot.
May nakikisindi’t naligaw sa pook:
Aba, tinanglawan ng posporo ng D’yos.
Mensahe ng tula: Sa kasalukuyang panahon, nahaharap at nakakaranas tayo ng mga pagsubok at krisis. Ito ay ang pag-asa sa kadiliman na ang ating pagsubok at krisis. Dahil sa kabila ng kadiliman ay mayroong liwanag at pag-asa na nagmumula sa Diyos. Ipinapahiwatig rin ng tula ay sa kasalukuyang panahon ng hidwaan dahil sa pagkakaiba-iba ay dapat nating magkaroon ng pagkakaisa at pag-ibig sa kapwa natin, tulad ng pagkakaroon ng kabutihang-loob. Ang mensahe rin sa tula ay nagpapakita ng pagkakaroon ng pananampalataya at pagtitiwala sa Diyos dahil ang Diyos ay ang nagdadala ng liwanag at gabay sa atin. Imbis na gawin nating madilim ang ating mga buhay ay dapat natin hanapin ang liwanag nito tulad ng pagmamahal sa ating lipunan.
KAMAY NG BIRHEN ni José Corazón de Jesús
Mapuputing kamay, malasutla’t lambot,
kung hinahawi mo itong aking buhok,
ang lahat ng aking dalita sa loob
ay nalilimot ko nang lubos na lubos.
At parang bulaklak na nangakabuka
ang iyong daliring talulot ng ganda,
kung nasasalat ko, O butihing sinta,
parang ang bulaklak kahalikan ko na.
Kamay na mabait, may bulak sa lambot,
may puyo sa gitna paglikom sa loob;
magagandang kamay na parang may gamot,
isang daang sugat nabura sa haplos.
Parang mga ibong maputi’t mabait
na nakakatulog sa tapat ng dibdib;
ito’y bumubuka sa isa kong halik
at sa aking pisngi ay napakatamis.
Ang sabi sa k’wento, ang kamay ng birhen
ay napababait ang kahit salarin;
ako ay masama, nang ikaw’y giliwin,
ay nagpakabait nang iyong haplusin.
Mensahe ng Tula: Ang mensahe ng tula ay tungkol sa pagmamahal, pag-asa, at pagbabago ng isang tao. Sa tulang ito ay ipinapahiwatig ang kapangyarihan ng pag-ibig. Kahit may kakulangan o nagkaroon ng sala ang isang tao, dito ipinapakita ang kahalagahan ng pagmamahal at pangangalaga mula sa taong minamahal na mayroong kakayahan na magdulot ng pagbabago at kabutihan sa kanyang minamahal. Ipinapakita dito ng kakayahan ng pagmamahal na kayang ibago ang isang tao na maging mabuti at pagkakaroon ng pag-asa sa pamamagitan ng pagtanggap ng pagmamahal mula sa iba. Bilang kabuuan ito ay nagdudulot ng positibong pagbabago sa mga tao at sa lipunan.
AGAW-DILIM ni José Corazón de Jesús
Namatay ang araw
sa dakong kanluran,
nang kinabukasa’y
pamuling sumilang,
ngunit ikaw, irog, bakit nang pumanaw
ay bukod-tangi kang di ko na namasdan?
Naluoy sa hardin
ang liryo at hasmin,
Mayo nang dumating
pamuling nagsupling,
ngunit ikaw, sinta, bakit kaya giliw
dalawang Mayo nang nagtago sa akin?
Lumipad ang ibon
sa pugad sa kahoy,
dumating ang hapon
at muling naroon,
ngunit ikaw, buhay, ano’t hangga ngayo’y
di pa nagbabalik at di ko matunton?
Mensahe ng Tula: Ang panahon ngayon ay maaaring maipahayag ang mensahe ng tula sa pamamagitan ng hangaring bumalik sa normal na kalagayan matapos harapin ang mga pagsubok at pagkakawala dulot ng pandemya. Ang pagnanais na mabawi ang mga bagay na nawala, gaya ng karaniwang buhay bago ang pagdating ng pandemya, ay may malalim na kahulugan para sa marami. Sa tula, itinatampok ang kahalagahan ng pag-ibig at ng pagkakaroon ng mga espesyal na tao sa ating buhay. Ipinapaalala nito na hindi natin dapat kalimutan ang mga taong may espesyal na pwesto sa ating puso, sa kabila ng mga pagsubok na kinakaharap natin. Ang pag-unlad ng lipunan at ng bawat isa ay makakamit lamang kung magkakaroon tayo ng pagkakaisa at pagmamahal sa ating mga pamilya at komunidad.
Si José Corazón de Jesús o Huseng Batute ay isang tanyag na makata nakilala bilang ang “Hari ng Balagtasan” dahil sa kanyang pagiging liriko. Dahil dito ang naisulat niyang mga tula ay nagbibigay ng inspirasyon, pag-asa, at pagmamahal sa mga Pilipino. Ang "Isang Punong Kahoy" ay nagpapakita ng mga pagpapahalaga tulad ng buhay, pakikialam sa lipunan, pag-asa, karanasan, at pagkakaroon ng boses. Ang pag-aaral ng akdang ito ay maaaring magdulot ng malalim na pang-unawa sa mga aspeto ng pagkatao at sa kahalagahan ng pagtutok sa sining at sa lipunan. Ang "Pag-ibig" ay nagbibigay-diin sa kahalagahan ng pag-ibig sa buhay ng tao, ang kakayahan nito na magdulot ng pagbabago, at ang pangangailangan ng katapangan at pagsusumikap sa pag-ibig. Ang tulang “Puso, Ano Ka?” ay nagpapakita ng mga pagpapahalaga tulad ng pag-ibig, pag-asa, pagtitiis, at pananampalataya. Ito ay isang paalala na ang puso ng tao ay may kakayahan na magdala ng kaligayahan at kahulugan sa kabila ng hirap at pagkatalo sa buhay. Ang tulang “Manggagawa” ay nagbibigay-diin sa mga pagpapahalaga tulad ng kasipagan, kahalagahan ng gawaing kamay, kabayanihan ng mga manggagawa, pag-aari sa sariling tagumpay, at pagkilala sa halaga ng manggagawa. Ito ay isang paalala na ang mga manggagawa ay may malaking bahagi sa pag-unlad at pag-angat ng lipunan, at kanilang mga pagsisikap ay dapat kilalanin at ipagmalaki. Ang tulang “Ang Buhay ng Tao” ay nagbibigay-diin sa mga pagpapahalaga tulad ng pag-asa, pagkabigo, halaga ng sarili, kamalian ng akala, pagsusumikap, at kamalayan sa kahalagahan ng buhay. Ito ay isang paalala na ang buhay ng tao ay puno ng mga pagkakataon, at dapat nating ituring ang bawat araw na may pagpapahalaga at pag-asa. Ang tulang “Tren” ay nagbibigay-diin sa mga pagpapahalaga tulad ng modernisasyon, komunikasyon, pag-ibig, at pag-ibig. Ito ay isang paalala na ang buhay ay patuloy na nagbabago at naglalakbay, at dapat tayong mag-adapt at magkaroon ng malasakit sa mga pagbabagong ito. Konklusyon: Sa kabuuan, ang mga tula ni José Corazón de Jesús, o Huseng Batute, ay hindi lamang nagbibigay-buhay sa mga makulay na pagnanasa at emosyon ng mga Pilipino, kundi naglalaman rin ng mga halaga at aral na may malalim na kahulugan. Ipinapakita ng kanyang mga akda ang pagpapahalaga sa buhay, pag-asa, pag-ibig, kasipagan, at kahalagahan ng mga ordinaryong manggagawa. Ito'y isang paalala na ang mga simpleng bagay sa buhay ay may mataas na halaga at kahulugan, at ang pagmamahal sa bayan at pagtutok sa sining at lipunan ay mga aspeto ng buhay na dapat itaguyod. Ang mga tula ni Huseng Batute ay patuloy na nagbibigay-inspirasyon at nagpapamulat sa mga Pilipino sa mga halagang ito, at nagbibigay-daan para sa mas malalim na pang-unawa sa kanilang pagkatao at sa buhay mismo.
1 note
·
View note
Text
KOLEKSYON NG MGA PAGSUSURI NG MGA TULA NI JOSE CORAZON DE JESUS
Ang mga tula ni Jose Corazon de Jesus, o mas kilala bilang "Huseng Batute," ay naglalaman ng makabayan at makataong damdamin na nagpapahayag ng kanyang pagtutol sa pang-aabuso ng mga dayuhan sa Pilipinas noong kanyang panahon. Sa kanyang mga akda, mababasa ang kanyang pagnanais na makamtan ang kalayaan mula sa pananakop at kanyang pangarap para sa katarungan. Sa pag-aaral ng kanyang mga tula, mas magiging malinaw ang ating pang-unawa sa kahalagahan ng kanyang kontribusyon sa panitikang Pilipino at sa pagpapahayag ng damdamin ng mga Pilipino sa kasaysayan.
"KAMAY NG BIRHEN"
Mapuputing kamay, malasutla’t lambot, kung hinahawi mo itong aking buhok, ang lahat ng aking dalita sa loob ay nalilimot ko nang lubos na lubos.
At parang bulaklak na nangakabuka ang iyong daliring talulot ng ganda, kung nasasalat ko, O butihing sinta, parang ang bulaklak kahalikan ko na.
Kamay na mabait, may bulak sa lambot, may puyo sa gitna paglikom sa loob; magagandang kamay na parang may gamot, isang daang sugat nabura sa haplos.
Parang mga ibong maputi’t mabait na nakakatulog sa tapat ng dibdib; ito’y bumubuka sa isa kong halik at sa aking pisngi ay napakatamis.
Ang sabi sa k’wento, ang kamay ng birhen ay napababait ang kahit salarin; ako ay masama, nang ikaw’y giliwin, ay nagpakabait nang iyong haplusin.
Ang tula ni Jose Corazon de Jesus, "Kamay ng Birhen (Hands of a Virgin)," ay may pangunahing paksa ukol sa pagkilala sa halaga at kahalagahan ng kababaihan sa lipunan. Ipinapakita ng tula ang pagmamahal at pagpapahalaga sa kababaihan bilang mga mayamang bahagi ng kultura at lipunan.
Sa kasalukuyang panahon, ang mensahe ng tula na ito ay patuloy na may kahalagahan. Nakikita natin ang kahalagahan ng pagsusulong ng pantay-pantay na karapatan para sa kababaihan sa iba't ibang aspeto ng buhay, mula sa pagtanggap ng mas mataas na edukasyon hanggang sa oportunidad sa mga trabaho at liderato. Ang tula ay nagpapakita ng halaga ng pagkakaroon ng mga babae sa bawat sektor ng lipunan.
Sa konteksto ng kaunlarang panlipunan at pangkatauhan, ang tula ay nagbibigay-diin sa kahalagahan ng pagtutulungan at respeto sa pagitan ng mga kasarian. Ito ay makatutulong sa pag-unlad ng isang lipunan na may pantay-pantay na oportunidad at pagkilala sa mga kontribusyon ng kababaihan sa iba't ibang aspeto ng buhay. Ang pagpapahalaga at respeto sa kababaihan ay nagbubukas ng mga pinto para sa mas malawakang kaunlaran at pagsulong ng isang mas magandang kinabukasan para sa lahat.
Sa kalaunan, ang tula ni Jose Corazon de Jesus ay hindi lamang isang makatang pagnanasa, kundi isang paalala sa atin na ang kababaihan ay may mahalagang papel sa pag-unlad ng lipunan at dapat itong yakapin at suportahan sa lahat ng aspeto ng buhay.
"MAY MGA TUGTUGING HINDI KO MALIMOT"
O may mga tugtog na nagsasalita, malungkot na boses ng nagdaralita; pasa-bahay ka na ay nagugunita’t parang naririnig saanman magsadya.
Langitngit ng isang kaluluwang sawi, panaghoy ng pusong nasa pagkalungi; laging naririnig sa bawat sandali ang lungkot ng tugtog na mapawi’y hindi.
Ikaw baga’y daing ng nakaligtaan? Ikaw baga’y hibik ng pinagtaksilan? Matutulog ako sa gabing kadimlan ay umuukilkil hanggang panagimpan.
Oo, mayr’ong tugtog iyang mga b’yoling tila sumusugat sa ating panimdim; bawat isang tao’y may lihim na daing, pinakakatawan sa b’yoling may lagim.
Sa lahat ng gabi sa aking pag-uwi, kung ako’y hapo na na makitunggali, ang bawat tugtugi’y kalulwa ng sawi ako’y dinadalaw sa bawat sandali.
May isang tugtuging hindi ko malimot, kinakanta-kanta sa sariling loob; hiniram sa hangin ang lambing at lamyos, awit ng ligayang natapos sa lungkot.
Ang tula ni Jose Corazon de Jesus, "May Mga Tugtuging Hindi Ko Malimot," ay tumatalakay sa pagpapahalaga ng makata sa mga alaala at karanasan ng kanyang kabataan, partikular ang mga musikal na tugtugin o awit na nagbigay-kulay at saysay sa kanyang buhay.
Sa kasalukuyang panahon, ang mensahe ng tula ay may kaugnayan sa pagpapahalaga sa kultura at kasaysayan ng bansa. Ito'y nagsisilbing paalala na mahalaga ang pagturing natin sa mga tradisyon, awit, at sining ng ating mga ninuno. Ang mga tugtuging hindi malilimutan ay mga yaman na nagpapakita ng pagiging Pilipino at nagpapabatid ng mga karanasan ng mga nakaraang henerasyon.
Ang tula ay may kapakinabangan sa halaga ng kaunlarang panlipunan at pangkatauhan dahil ito'y nagpapalaganap ng kamalayan sa pagpapahalaga sa sariling kultura at kasaysayan. Ipinapakita nito na sa pamamagitan ng pagkilala sa mga karanasan at kultura ng mga nakaraan, maari nating mapanatili ang pagkakakilanlan natin bilang mga Pilipino. Ito ay isang paraan ng pagpapalaganap ng pagmamahal sa bayan at pagtutulungan na mapanatili ang ating kultura sa kabila ng modernisasyon at pagbabago.
Sa huli, ang tula ni Jose Corazon de Jesus ay nagbibigay-inspirasyon sa atin na alagaan ang mga tugtuging hindi malilimutan at pahalagahan ang ating kultura at kasaysayan. Ito ay isang paalala na ang pag-unlad ng lipunan ay hindi dapat kalimutan ang mga pag-asa, karanasan, at mga awit na nagbukas ng daan sa ating kasalukuyang pag-iral. Ang pagpapahalaga sa ating kultura ay mahalaga sa pagpapalaganap ng pagkakaisa at pag-unlad bilang isang bansa.
AGAW-DILIM
Namatay ang araw sa dakong kanluran, nang kinabukasa’y pamuling sumilang, ngunit ikaw, irog, bakit nang pumanaw ay bukod-tangi kang di ko na namasdan?
Naluoy sa hardin ang liryo at hasmin, Mayo nang dumating pamuling nagsupling, ngunit ikaw, sinta, bakit kaya giliw dalawang Mayo nang nagtago sa akin?
Lumipad ang ibon sa pugad sa kahoy, dumating ang hapon at muling naroon, ngunit ikaw, buhay, ano’t hangga ngayo’y di pa nagbabalik at di ko matunton?
Ang tula ni Jose Corazon de Jesus na "Agaw-Dilim" ay nagpapakita ng masalimuot na pagnanasa na mabawasan ang kadiliman at pag-aapi na umiiral sa lipunan noong kanyang panahon. Ang pagkakaagaw-dilim ay isang simbolikong representasyon ng pagnanais na maging malaya at makatarungan ang buhay ng mga Pilipino sa gitna ng mga hamon at pagsubok.
Sa kasalukuyang panahon, ang mensahe ng tula ay nagpapahayag ng kakulangan sa katarungan at pagkakapantay-pantay sa lipunan. Ipinapakita nito na ang pagnanais na makamtan ang kalayaan mula sa mga pag-aapi at dilim ng kahirapan ay nagpapatuloy sa ating mga puso. Ang pangarap ni De Jesus na malutas ang mga suliranin ng lipunan ay isang paalala sa atin na ang pakikibaka para sa katarungan at pag-unlad ay hindi dapat mawala sa ating kamalayan.
Sa konteksto ng kaunlarang panlipunan at pangkatauhan, ang tula ay nagpapakita ng halaga ng pagkakaroon ng malasakit at pag-aalala sa kapakanan ng mga maralita at nangangailangan. Ipinapakita nito ang importansya ng pagtutulungan ng mga mamamayan upang makamit ang tunay na katarungan at kaunlaran para sa lahat. Sa panahon ngayon, ang pangarap ni De Jesus ay patuloy na may bisa at kailangang isabuhay upang mapanatili ang pag-asa at pagtitiwala sa mas magandang kinabukasan.
ANG POSPORO NG DIYOS
Sa dilim ng gabi’y may gintong nalaglag, may apoy, may ilaw, galing sa itaas; at dito sa lupa noong pumalapag, nahulog sa bibig ng isang bulaklak.
Ang sabi ng iba’y kalulwa ng patay, luha ng bituin, anang iba naman. Lalo na’t sa gabi ay iyong matanaw tila nga bituing sa langit natanggal.
Bituin sa langit at rosas sa hardin, parang nagtipanan at naghalikan din; nang di na mangyaring sa umaga gawin, ginanap sa gabi’y lalo pang napansin.
Katiting na ilaw ng lihim na liyag, sinupo sa lupa’t tanglaw sa magdamag; ito’y bulalakaw ang dating pamagat, posporo ng Diyos sa nangaglalakad.
Kung para sa aking taong nakaluhod at napaligaw na sa malayong pook, noong kausapin ang dakilang Diyos ay sa bulalakaw lamang nagkalugod.
Sampalitong munti ng posporong mahal kiniskis ng Diyos upang ipananglaw; nang ito’y mahulog sa gitna ng daan, nakita ang landas ng pusong naligaw!
Ito’y bulalakaw, ang apoy ng lugod, na nagkanlalaglag sa lupang malungkot. May nakikisindi’t naligaw sa pook: Aba, tinanglawan ng posporo ng D’yos.
Ang tula ni Jose Corazon de Jesus na "Ang Posporo ng Diyos" ay tumatalakay sa kabiguan, pag-asa, at pag-aakala sa kabila ng mga hamon ng buhay. Ang posporo, na kumakatawan sa mga panandaliang liwanag at lakas, ay nagpapakita ng kakulangan ngunit buhay na pag-asa sa gitna ng kadiliman. Ang tula ay nagpapakita ng pag-asa at determinasyon na patuloy na umusbong sa kabila ng mga pagsubok.
Sa kasalukuyang panahon, ang mensahe ng tula ay nagpapahayag ng mahalagang kaisipan sa pagtahak natin sa mga pagbabago at mga pag-aalsa. Ipinapakita nito na ang pag-asa at lakas ay maaaring mahanap sa mga simpleng bagay, at ang pagsusulong ay maaaring simulan kahit sa mga maliit na hakbang. Ang "Ang Posporo ng Diyos" ay isang paalala na huwag tayong sumuko, kahit gaano pa ito kahirap, at ituloy natin ang paglaban para sa mas maliwanag na kinabukasan.
Sa pangkatauhan, ang tula ay nagbibigay-diin sa halaga ng pagtibay ng loob at pagtitiwala sa sarili. Ipinapakita nito na sa gitna ng dilim at kawalan ng pag-asa, maaari tayong magtagumpay kung magkakaisa at magtitiwala sa ating mga sarili. Ang pag-asa at determinasyon na itinataguyod ng "Ang Posporo ng Diyos" ay isang inspirasyon sa pag-angat ng moral at kalooban ng bawat isa, upang magkamit ang mas makulay na bukas sa kabila ng mga suliranin.
ITANONG MO SA BITUIN
Isang gabi’y manungaw ka. Sa bunton ng panganorin ay tanawin ang ulila’t naglalamay na bituin; Sa bitui’y itanong mo ang ngalan ng aking giliw at kung siya’y magtatapat, ngalan mo ang sasabihin. Ang bitui’y kapatid mo. Kung siya ma’y nasa langit,
ikaw’y ditong nasa lupa’t bituin ka ng pag-ibig; dahil diya’y itanong mo sa bituin mong kapatid kundi ikaw ang dalagang minamahal ko nang labis. Itanong mo sa bitui’t bituin ang nakakita
nang ako ay umagahin sa piling ng mga dusa; minagdamag ang palad ko sa pagtawag ng Amada, ngunit ikaw na tinawag, lumayo na’t nagtago pa.
"ITANONG MO SA BITUIN" ni Jose Corazon de Jesus ay nagpapakita ng tanyag na paghahangad ng pagbabago at pag-asa na kinabibilangan ng tala o bituin. Ang tula ay nag-uukit ng mga pangarap ng mga Pilipino na makamtan ang mas makulay at mas maunlad na bukas, at sa paggamit ng bituin bilang simbolo, ito ay nagpapahayag ng pag-asa at inspirasyon.
Sa kasalukuyang panahon, ang mensahe ng tula ay patuloy na may halaga. Ito'y nagpapakita ng diwa ng pag-asa at pagtitiwala, na kinakailangan sa gitna ng mga pagsubok at krisis na hinaharap ng lipunan. Ang "ITANONG MO SA BITUIN" ay nagbibigay-diin sa kahalagahan ng pagtitiwala at pangarap para sa mas maganda at mas makatarungan na kinabukasan. Ito ay isang paalala na sa kabila ng mga hamon, maaari tayong magkaruon ng inspirasyon at pag-asa mula sa mga simpleng bagay tulad ng mga bituin, at ang mga pangarap ay maaaring magkatotoo kung tayo'y magkakaisa at magtutulungan.
Ang tula ni Jose Corazon de Jesus na "ITANONG MO SA BITUIN" ay may mahalagang papel sa pagpapalaganap ng pag-asa, pangarap, at inspirasyon sa lipunan. Ito'y nagpapahayag ng katuparan ng mga pangarap at pag-asa na kailangan natin upang itaguyod ang kaunlaran ng ating bansa. Ipinapakita nito na ang mga simpleng bagay tulad ng mga bituin ay maaaring magdulot ng liwanag sa dilim ng ating mga buhay, at ang pangarap para sa mas mabuting kinabukasan ay nagpapalaganap ng positibong pagbabago sa lipunan.
Sintesis na nagbubuod sa lahat ng tula ni JOSE CORAZON DE JESUS na ating tinalakay
Sa mga tula ni Jose Corazon de Jesus, masusing naipakita ang halaga ng pag-ibig, pagtutulungan, at pag-asa sa kabila ng mga pagsubok ng buhay. Ang tula niyang "Ang Tren" ay nagpapahayag ng mga pangarap at layunin na umaandar tulad ng tren sa riles ng buhay. Ito'y isang paalala na kailangang magpatuloy tayo sa pag-asa at pagkilos.
Sa "Pag-ibig," ipinapakita ni De Jesus ang kahalagahan ng pag-ibig at pag-aalaga sa isa't isa sa kabila ng mga hamon ng buhay. Sa "Puso, Ano Ka?" at "Isang Punong Kahoy," ipinakikita ang kahalagahan ng pagmamahal sa kalikasan at pagiging may malasakit sa mga bagay na hindi makakamtan. Sa "Manggagawa," binibigyang-halaga ang dignidad at karapatan ng mga manggagawang Pilipino na magkaruon ng buhay na marangal.
Sa huli, ang "Ang Buhay ng Tao" ay nagbibigay-diin sa kabuluhan ng buhay at kahalagahan ng bawat sandali. Ang lahat ng mga tula ni Jose Corazon de Jesus ay nagpapahayag ng pag-asa, determinasyon, at pagmamahal sa kapwa at kalikasan. Ito'y mga aral na maaaring magdala ng pagbabago sa lipunan sa pamamagitan ng pagtutulungan at pagmamahal sa isa't isa.
0 notes
Text
Panaginip log #74910371
Anlupet neto parang video game na apocalyptic HAHAHA
Nung una nasa supermarket ako. Tapos gabing gabi na. As in ako na lang yung nasa counter. Last customer kumbaga. Pero nung nakaalis na ko sa counter, may nakita akong grupo ng mga high school? Or senior high students na biglang pumila. Magchecheck out din daw sila
Tapos ang situation is, sa sobrang gabi na, hindi na sila pagbibigyan ng cashier. Pero di ko alam bakit may sort of influence ako, ako yung kumausap sa manager na i-cater sila. Tinanong ako ng manager kung kamag-anak ko daw ba sila bat ko pa pinakausap. Sabi ko hindi, tapos umalis na lang din ako agad.
And then paglabas ko, nasa mall ako. Hinahanap ko na pamilya ko haha. Nakita ko isa kong tita, nag-cr kami. Maglilipstick ako kasi para daw fresh HAHAHA waw apaka vain.
So yun na nga, nakahanap kami cr, nag lipstick ako kahit madami taong nakapila. Lumabas na kami ni tita, nagikot ikot sa mall (partida gabing gabi to)
Tapos may humahabol sakin dalawang students. In my understanding, kasama sila sa grupo kanina sa supermarket.
Pinipilit nila tignan yung mukha ko. Eng gende ke dew HAHAHAHA diba narcissistic si subconscious hahahaha. Chinecheck daw nila mukha ko kasi yung isa nilang kaklase, naging crush daw ako nung pinakausap ko sila sa manager HAHAHAH anubayan hahahhaa pero alam ko mga mas bata sakin to so di ko masyadong inintindi
And then may pumasok sa utak ko. Yung dalawang students na humahabol sakin, isang babae tsaka medyo bading, itatry ko daw i-one verse HAHAHAHHAA
Inaaya ko sila sa medyo tahimik na lugar. Parang emergency exit. Para mas maintindihan nila yung sasabihin ko. Pero itsura nya hindi emergency exit ng mall. Parang kahoy kahoy lang. Pero liblib yung lugar, at para syang kwarto. Tapos nagsalita na ko. Tapos yung gurl, nakikinig talaga sakin. Yung lalaki, medyo madaming satsat.
Tapos biglang dumilim. Natakot silang dalawa. Lalo na yung lalaki. Triny nyang buksan yung pinto. Ayaw bumukas. Nagpapanic na sila ako hindi, i dunno why.
Tapos it turned out, prinank lang pala sila ng kaklase nila HAHAHA PAGKALABAS NAMIN SABI SAMIN START NA DAW NG BAPTISM.
Sana all diba kakaone verse pa lang deretso baptism hahahaha edi pinapila ko sila non. Feeling fulfilled ako don hahaha
Tapos dito na nagstart yung apocalyptic eme:
Naghanap ako ng mga kachurch ko nun kasi sobrang daming tao magpapabaptize. Nakita ko si tin, si gege tsaka si grant (yung pinsan ko) nagcacamping sa gilid hahaha mga nakahiga na. Nakihiga ako sa kanila umidlip ako konte.
Pagkagising ko, iba na settings. Tropical na, parang palawan. May nageexplain sakin ng map. Na andito tayo. Ang galing daw ang ganda sa malayo.
Tapos may napansin akong panda, nagsiswimming sa lagoon. Ang cute daw pero masama pala sya HAHAHAHA kaya pala sya nagsiswimming kasi hinahunt nya yung squirrel tsaka turtle na nagsswimming din. Edi ako tsaka yung kasama ko to the rescue. (di ko na maalala kasama ko, isa lang sa inyong mga ka-cg haha)
Tig isa kami ng hawak ng kasama ko. Sya naghawak sa squirrel, ako sa turtle. Magkalayo kami. Nilalayo namin sa panda. Tapos bigla akong nilalapitan ng panda. Nakakatakot HAHHAHAA. Pero he's after the turtle na hawak ko. Nung malapit na sya, ginawa ko hinagis ko yung pagong sa lagoon ulit. Pagkakita ko, unconscious na yung pagong HAHAHHAHAHAHAA sa isip isip ko, napasama pa yata na hinagis ko. Pero nire assure naman ako ng kasama ko, gumalaw na daw. Buhay na daw. Nagsisigawan lang kami kasi malayo kami sa isat isa.
And then pagkalingon ko sa panda, lumalapit pa din daw saken HAHAHAHAHUHU inaatake pa din ako. Edi ako for the run hahaha very action itu. Bigla na syang may kasabwat na tao. Naguusap sila anong gagawin sakin. Pinagtatanggol ako ng tao na hindi naman ako sus. Hahahaha. May alam daw ako pano isolve yung mystery bat may apocalypse etcetera
Pero yung panda hindi naniniwala. Edi ginawa nila, pinatakbo ako. Yung panda, may baril HAHHAHAHAA babarilin daw ako. Pero sumisigaw yung tao na pag bigyan daw ako. Kahit anino ko lang daw barilin.
Tapos ako di ko maalala saang technique ko to nalaman. Sa COD yata. Ang gagawin mo lang pag nasa likod mo yung shooter, magzizigzag ka ng takbo. Edi ayun yung ginawa ko. Tapos nakaligtas naman. Di ako nabaril.
Nagcamping ako dun sa taas ng isang old church. May palampara pa. Pero ito yung twist: hindi na ako tao. HAHAHHAHAHAHAHAHA
Iba na daw tsura ko gurl. I think pinaka malapit na yung itsura ni kyo ng fruits basket nung nag transform sya. Sesend ko wait
Pero ayun na, sobrang haba ng panaginip ko. Naging monster pa ko. Pero sinosolve ko nga daw yung mystery bakit nangyayari ang mga nangyayari. Kinabukasan, may mga taong nakatuklas sa location ko. Nagtago ako tapos chinechek nila yung mga notes na pinagsususulat ko, andun nakakalat sa sahig HAHAHA
At the back of my mind, video game lang talaga lahat ng yun. Yung video game na may story board. Kasi nagpaplano ako i-restart yung game sa episode 1. May iba daw akong gagawin.
0 notes
Text
I'm still so emo over baby yoda, y'all don't even know
#i watched the episode 12 HOURS AGO#AND I'M STILL NOT OVER IT#he is babie#baby yoda#whom i have affectionately nicknamed#baby pinto#don't ask#nqp#the mandalorian#gabe rambles
19 notes
·
View notes
Text
holy shit guys the bom cast on ig is wild
- gabe gibbs left bom
- a mcpriceley post was made
- pj said his mcpriceley post got more likes than his engagement post
- eric huffman is rolling on the floor
- BRYCE CHARLES IS ALSO LEAVING BOM HHH
- john pinto jr is singing HIGH NOTES WHAAAAA
- did pj jus call mcpriceley a happy couple
- jordan put his name on a sticker and placed it on his forehead
- "i will miss all of you.. except for PJ"- gabe
- "i have never been to a group so right... except for Paul James Adzima" - gabe
- "i wont mind leaving PJ at all, the rest of you i love" - gabe
- bryce starts her speech and gabe just gives her some tissues
- THE ENTIRETY OF GABES GOODBYE NOTE
catch me crying in the club brb
#book of mormon#bom#bom cast#tour cast#tbom#elder price#gabe gibbs#mcpriceley#elder mckinley#brye charles#pj adzima#john pinto jr#jordan matthew brown#kim exum#elder cunnigham
117 notes
·
View notes
Text
#NY Live Animated Comedy HAS RISEN 👼🏻🙌
We're back at @unionhallny to kick off your easter early on SAT 3/30, tix are on sale now!
#dan licata#tej khanna#gastor almonte#samantha ruddy#jason chatfield#hilary f. campbell#elvie mae parian#gabe pinto#ray alma#dan pinto#live comedy#live animated comedy#picture this!#ny#live animated comedy show#brooklyn#new york#animation#live animation#live drawing
0 notes
Text
Kayad (kaya-kayod)
“Paula? Paula? Nandyan ka pa ba?”
Ang ingay naman ng TV ni papa.
“Maaari nang umalis sa Zoom call ang mga hindi ko kailangang kausapin.”
Biglang bumangon si Paula mula sa kanyang inuupuan. Napakunot ang mukha niya sa narinig at dahil sa hirap na ibukas ng kanyang mata; tila bang naghihilahan ito. Ilang segundo ang lumipas nang magkaroon na siya ng kaunting kamalayan sa kanyang paligid at tiningnan ang orasan. 2:41, ang naka-display rito. Napagtanto niya na nanggagaling pala ang boses sa laptop, kaya agad naman niyang binuksan ang kanyang mikropono upang magpaumanhin sa kanyang guro at umalis na ng Zoom call.
“Nakatulog nanaman ako? Pangatlong beses na ‘yan sa isang linggo...” May ilang katok sa kanyang pinto bago pumasok ang kanyang ina. “’Nak? Tapos na ba ang klase mo? Kumain ka na muna.”
“Mamaya na lang, nay. Ang dami ko pang gagawin,” sagot ni Paula. At nagsimula na nga siya sa pagsagot ng mga module sa kabila ng kanyang pagod at antok. Anong oras na ba ako nakatulog kagabi? Madaling araw ba? Sa bawat minutong lumilipas, bumibigat nanaman ang kanyang mga mata. Nais na niyang sumuko sa tulog, ngunit natatalo pa rin siya ng kaba at takot na hindi mapasa sa oras ang kanyang mga gawain.
Ganito na ang araw-araw na gawain ni Paula noon pang nagsimula ang online classes— magtatatlong buwan na.
Gawa, pasa. Gawa, pasa. Gawa, pasa... Tila ito'y isang umuulit na panaginip; madaling mawala sa tulog subalit gustong-gusto na niyang magising—balintuna sa nais ng kanyang katawan ngayon.
Pagkatapos ng ilang minuto lamang ay kumakatok muli ang ina niya. "Paula? Ano, kakain ka ba o hindi? Gabing-gabi na ah, iwanan mo na nga muna 'yan!" Pero... Sabay namang kumulo ang tiyan ni Paula. Isang sulyap muli sa orasan— "Teka, mag-aalas diyes na? May isa pa akong kailangang tapusin para bukas, hay... Sige nay, bababa na ako."
Nagniningning na nga ang buwan mula sa tanaw niya sa bintana. Isang sulyap ay naging tingin, na naging titig. Ngayon lang ulit niya napansin ang ganda nito dahil sa pagkakulong niya sa sariling kwarto sa gitna ng pandemya. Naaalala niya, sa isang gabi noong nakaraang taon, pauwi silang pamilya na puro ngiti sa kanilang mukha. Ano kaya ang magagawa niya para maibalik niya iyon bilang isang mag-aaral pa lamang? Naisip ni Paula na malaking tulong ang kanyang pag-aaral sa kabila ng pandemya dahil tiyak na magiging parte ito ng kanyang mga kaalaman at mga kaisipan na makakatulong sa kaniyang paglaki. Kaya’t para sa kanya ay tuloy pa rin ang pagsisikap na ito para sa kanyang maayos na kinabukasan.
Kaya ko ‘to.
Bago pa man siya makatayo sa kanyang inuupuan buong araw ay tumunog ang kanyang cellphone at tumatawag pala ang kapatid niyang si Lucia. Agad niya itong sinagot, “Ate! Kumusta diyan? Nakakain ka ba ng kahit kaunti?” Tumawa naman ito, “Alam mo, iyon din ang itatanong ko sa’yo eh. Hulaan ko, ngayon ka pa lang kakain, ‘no?”
“Hahaha! Oo, pero dapat makakain ka rin kahit papaano. Magtatampo na naman si mama sa’yo.” Pagkatapos ng ilang saglit ay nagsalita muli si Paula. “Makakauwi ka ba ngayong gabi? Kanina ka pa nila hinihintay.” Parang nag-aatubili naman ang tono ni Lucia nang siya’y sumagot: “Ah, mukhang aabutin ako ng araw dito, kailangan nila ng extra personnel para sa dami ng pasyenteng naa-admit ngayon, pati na rin sa pag… pag-aasikaso sa mga labi. Paki sabi na lang kina mama.”
“Sige, ate. ‘Wag kang mag-alala, ipagluluto ka namin bukas ng paborito mong ulam. O siya, makakain na nga ako.”
“Salamat, Paula. Matulog ka na nang mas maaga ha!”
“Oo, ate, ingat ka lagi.”
Doon na ibinaba ni Lucia ang kanyang telepono at bago siya tumungo kung saan dagsa ang mga pasyente, tahimik muna siyang nagdasal at inayos ang kanyang PPE.
Kaya ko ‘to.
At mula alas-diyes ng gabi hanggang alas-singko ng umaga, hindi nakapagpahinga ang kanyang paa kahit isang segundo. Pabalik-balik siya sa Emergency Room, sa mga ward, at sa iba-iba pang lugar sa ospital na magkabilang-dulo. Tulad ng kanyang iba pang mga shift, marami siyang nakikita at nakikilalang mga pamilya, lahat ay mukhang malungkot o pagod, kagaya niya. Kung hindi pagod ang kanyang kahinaan, ito ang mga nakikita niyang mukha na humahagulgol, walang malay, o wala nang buhay.
Pagsapit ng kaunting araw ay napaupo siya sa sahig kasama ng iba niyang mga katrabaho, hingal-na-hingal at nais lamang maidlip ng ilang saglit bago kumayod muli. Sa pasilyong makulimlim, nagbigay si Lucia ng tahimik na pasasalamat sa lahat ng kanyang kapwa front liners, para sa pagsasakripisyo sa bayan. Sa kanyang huling oras sa hospital bago makauwi, nagpahinga siya nang sandali, isang karapat-dapat na gantimpala sa kanyang serbisyo.
“Ma, Pa, Paula, Nandito na’ko!” Agad naman siyang naglinis ng katawan. Nakatulog siya nang ilang oras dahil sa sobrang pagod at ginising lamang ng kanyang kapatid para kumain na silang lahat.
Sa taas pa lamang ng hagdan, amoy na amoy na ang masarap na ulam na nakahanda na sa mesa. “Wow, may nakakalimutan ba akong okasyon ngayon? Pati ang nilagang baka, niluto niyo pa.”
“Siyempre, paborito mo iyan, e! Gusto ko lang naman ipagluto ang aking masisipag na mga anak,” ang sagot ng kanyang ina. Nakaupo na silang lahat sa mesa, nagdasal nang taimtim, at kumain na–sa wakas.
Habang kumakain, napatingin si Lucia sa kanyang pamilya. Ito’y pinagmasdan niya at napangiti siya. “Kumusta naman pag-aaral mo, Paula?” tanong niya sa kapatid niya. “Ito naman ate, parang paulit-ulit lang. Nakakapagod na. Pero oo nga pala, grabe pala yung isa sa mga kaibigan ko ate, si Armin.” sumimangot si Paula habang nagsasalita.
“Oh, ano naman ang mayroon sa kanya? Kumusta na nga pala siya? Grabe na yung apekto ng pandemya ngayon kaya nag-aalala ako.” wika ni Lucia.
“Maayos naman ate. Kaso nung nag-zoom kami chat siya ng chat sa amin na hindi talaga siya maka-connect. Napilitan rin siyang gastusin yung mga ipon niya para lang makapag-load. Grabe talaga ate. Isa pa naman siya sa mga top achievers namin, mabuti siyang kamag-aral, masipag pa, kaso dahil na rin sa kalagayan nila’y parang mukhang mahihirapan na talaga sila ngayon sa mga ganap ngayon. Dagdag pa kamo sa problema yung istrikto naming teacher.” Malungkot na isinambit ni Paula.
Habang kumakain ay saglit na napatingala si Paula sa hapag-kainan, sabay sabing, “Grabe na talaga ngayon ate. Ang hirap talaga. Nakakalungkot ding isipin na maraming tao rin ang walang access sa ganitong sistema. Bukod sa kalusugan, parang kabuhayan rin ang kailangan mong alalahanin. Nakakalungkot talaga lalo na alam mong mag-aadjust talaga tayo sa new normal kaysa sa back to normal. Hays… Sana matapos na talaga to.”
“Alam mo, proud ako sayo na kahit nahihirapan ka na tinutuloy mo pa rin ang pag-aaral. Nakakatulong ka kaya sa ibang tao kahit nasa bahay ka lang. Malaking tulong na sa amin yan, lalo na sa mga front liner na katulad ko”. Lumiwanag ang mukha ni Paula at naintindihan niya na ang mga paghihirap niya’y hindi lang para sa kinabukasan niya ngunit para sa iba rin.
“Ikaw ba ate? Hindi ka ba nahihirapan sa trabaho? Paano mo nakakaya yun?” tanong ni Paula habang ngumunguya. Tumawa muna si Lucia bago sagutin ang kapatid dahil puno ang bibig nito habang nagtatanong.
“Siyempre nahihirapan pero dahil alam kong makakatulong ako sa ibang tao, tuloy pa rin ang laban. Lalo akong ginaganahan pag naaalala ko ang mga uuwian ko rito sa bahay.” malambing na sinabi ni Lucia.
Tahimik na kumain ngunit puno ng saya ang puso ng pamilya.
Biglang lumakas ang dinig nila sa telebisyon: “Nagbabagang balita: mahigit dalawang daang positibong kaso ng COVID-19 ang iniulat ngayong--”
At iyon ang naghila sa kanila sa realidad: araw-araw, marami pa ring tao ang nababawian ng buhay dahil sa pandemya. Marami pa ring taong hindi nakakatanggap ng pangunahing pangangailangan sa isang mapanganib na panahon.
Gayunpaman, sa presensya ng pagmamahal at pagmamalasakit, sa pagiging mapag-unawa, at sa pagtulong sa anomang paraang makakaya, lahat sila'y magkakaroon ng pag-asa’t pagkakaisa.
Kakayanin namin ito.
Cuadra, Myckaella Janelle
Buniel, Lino Vincent
Bismar, Renee Joy
13 notes
·
View notes
Text
Sa Baguio
Seminar sa Baguio. Inn na hindi bago. Dinagdagan pa ng murang upa at malamig na gabi.
Hindi ako naniniwala sa mga kababalaghan, pero masayang makinig sa mga kwento, at mas masaya kung makakaranas ako ng katatakutan.
Sa aming grupo, tila'y lahat sila ay merong karanasan pagdating sa mga hindi pangkaraniwan. Ako lang ang walang maibahagi, ako lang ang hindi pa napapakitaan, ako lang ang hindi pa kinakausap.
Sabi nila baka wala akong konsensya. Umiling ako. Alam kong hindi ako ang pinaka-mabait na tao sa mundo, pero alam kong hindi ko kayang pumatay (pwera nalang nung ---)
Sabi nila baka takot sila sa'kin. Ang mga taga-ibang mundo? Eh, ako nga itong dapat matakot. Dagdag nila na masyado daw maliwanag ang presensya ko. Parati daw akong masaya, pero magaling akong mag-kimkim.
Sabi nila baka masyado akong skeptiko. Hindi naman sa hindi ako naniniwala, alam kong lang kung saan sila galing, ano ang komposisyon nila, at kung paano sila sirain.
Bakit ayaw nilang magpakita?
Pero nung gabing 'yon, sa Baguio, isa sa pinaka nakatatakot na syudad sa bansa, tumuloy kami sa isang Inn na may kasaysayan ng kababalaghan.
Sa takot, wala sa mga kasama ko ang nais humiga malapit sa hallway. O sige, sabi ko. Ako nalang, para matulog na tayo.
Mga alas tres ng madaling araw, nagising ako sa mga bulong. Dahan-dahan kong inalis ang kumot sa aking muka.
Sa dulo ng kwarto, nakita ko ang grupo ng mga nilalang na nakatingin sa aking tabi. Takot. Nanginginig. Bumubulong. Umiilig.
"Bakit?" Tanong ko. Patuloy sa pagtulala ang aking mga kasama mula sa dulo ng kwarto. Tumingin ako sa tinitignan nila. Ang bagay na nasa tabi ko? Ay sus, pintuan lang pala. Walang tao. Walang maligno. Bathala sa langit, naputol lang ang tulog ko.
Kinaumagahan, tsaka lang umandar ang utak ko. Ba't sila nan'don? Na parang mga hibang? Magkakadikit na bumubulong?
"May pumasok." Sabi ng isa.
"kinulbit niya ako." sunod ng isa.
"Binagsak niya ang pinto. Lahat kami nagising, maliban sa'yo."
"At nung nagising ako?" Tanong ko.
"Umalis na siya bago ka pa man magising."
Ganon ba?
Magaling.
Nung may dumating, ako lang ang hindi gising?
Nung may nagpakita,
Buong grupo mulat ang mata,
Maliban sa isa?
Amputa.
<<<aka that time my team thought I was a psychopath>>>
#if my life was in a scary movie - I be that extra who can't see shit#i get to live at least#why can't they show themselves to me?#my friends say I'm lucky#tagalog#true story#language#filipino#scary story#kababalaghan#scary story in june? it's more likely than you think#every month is October if you deny 2020 hard enough
23 notes
·
View notes
Text
2020-21 University Of North Dakota Fighting Hawks Roster
Wingers
#9 Brendan Budy (Langley, British Columbia)
#11 Griffin Ness (Wayzata, Minnesota)
#13 Carson Albrecht (Martensville, Saskatchewan)
#14 Jasper Weatherby (Ashland, Oregon)
#16 Grant Mismash (Edina, Minnesota)
#17 Riese Gaber (Gilbert Plains, Manitoba)
#18 Colin Adams (Brighton, Michigan)
#27 Louis Jamernik (Calgary, Alberta)
#28 Judd Caulfield (Grand Forks, North Dakota)
Centers
#8 Harrison Blaisdell (Regina, Saskatchewan)
#10 Gavin Hain (Grand Rapids, Minnesota)
#19 Mark Senden (Wayzata, Minnesota) A
#21 Jackson Keane (Winnipeg, Manitoba)
#22 Shane Pinto (Hempstead, New York)
#29 Jordan Kawaguchi (Abbotsford, British Columbia) C
Defensemen
#2 Gabe Bast (Red Deer, Alberta)
#3 Matt Kiersted (Elk River, Minnesota) A
#4 Cooper Moore (Greenwich, Connecticut)
#15 Ethan Frisch (Moorhead, Minnesota)
#20 Josh Rieger (Regina, Saskatchewan)
#24 Jacob Bernard-Docker (Canmore, Alberta) A
#25 Tyler Kleven (Fargo, North Dakota)
#26 Jake Sanderson (Dublin, Ohio)
Goalies
#1 Peter Thome (Minneapolis, Minnesota)
#31 Adam Scheel (Lakewood, Ohio)
#33 Harrison Feeney (Springfield Township, Pennsylvania)
#Sports#Hockey#Hockey Goalies#North Dakota#Minnesota#Canada#Alberta#Saskatchewan#British Columbia#Oregon#Manitoba#Michigan#New York#Ohio#Pennsylvania
1 note
·
View note
Text
una,
sige, pag usapan natin ang iyong mga mata. mga mata na sa tuwing iigsi ang distansya sa pagitan nating dalawa ay una kong tinitignan. sa unang paglapit sa paglabas mo ng pintuan at naroon ako at ikaw tatlong hakbang ang layo ng namamagitan sating dalawa at marami akong pwedeng tignan; marami akong tinignan, ang kutis mong di nalalayo sa katamtaman, mga binti mo na tila bibigay, eh yung iyong bewang, na kahit pa sa maluwag na kasuotan ay nangingibabaw ang hugis na simula’t simula pa lamang ay itinatanggi. marami akong tinignan, Mahal, pero sa iyong mata ko lahat nakita.
pangalawa,
ang magkakahalong pagod, takot, kaginhawaan at tuwa. na para bang nag hahanap ng tamang reaksyon na dapat mong ipakita mula sa halos lumabas mong mga ngiti o sa pag aalala sa iyong mga tingin pati na rin sa pag hinga mo nang malalim, alam ko, alam kong hinihintay mo rin ako. ang hindi mo lang alam na kasabay ng lahat ng mga bagay na ito ay ang sarili kong buntong-hininga saba’y sabing sulit ang lahat ng to. sulit lahat.
pangatlo,
lahat ng mga gabing halos di makatulog; di mag kandatuto sa pag aalala na anumang oras ay pwdeng bumukas ang pinto at may mangyari na hindi maganda. lahat ng mga luha na itinapon, lahat ng tubig na inilabas ng aking mga mata sa tuwing bigla ka na lang mawawala sa takot na may nangyari nang masama. lahat ng pag susumamo, lahat ng hindi pag bitiw sayo, at lahat ng pag kapit mo sa akin, lahat. sulit ang lahat.
pang-apat
at pansamantalang lumiwanag ang iyong mga mata; masaya. at gusto ko sana na panatalihin kang masaya ngunit hindi ko rin alam kung anong nangyari, unti unting dumilim, dahan-dahang lumamlam ang iyong mga tingin. h’wag mo sanang masamain sapagka’t alam kong ang pinakamaliwanag na bituin; ang araw sa gabi ay dumidilim din na sa kabila ng laki, at lahat ng mga bagay na hindi kapani-paniwala na kayang tinataglay, sa gabi, ang araw ay napupundi rin.
pang-lima
at ngayon, ako ay nasa pagitan ng iyong takip silim at bukang-liwayway na bagaman gabi, at lahat ng bagay ay madilim ay ibinibigay mo sakin ang mga tala bilang piraso ng mga ilaw na mag papaliwanag ng mga gabi na ikaw ay pagod din. siguro nga totoo na sa ating dalawa ay ikaw ang parehong araw, buwan at mga bituin. dahil kahit saan mo tignan, kahit saan ka tumingin ay di mo ako nakita na nag niningning. para sayo at para sa atin.
pang-anim
kaya sige, pag usapan natin ang iyong mga mata, Mahal, dahil gustong-gusto kitang tignan. dahil dyaan, ay pinakikita mong lahat. mula sa pag laki dahil sa inis, o sa pag taas ng kilay sa di pag sang-ayon, sa pag liit tuwing ngingiti or sa pag ningning sa sa tuwing masaya. naaalala ko pa, nung huli kang tumingin sakin ng may ningning sayong mga mata, hawak ko ay gitara kasabay ng pag-awit mo ng di mo maabot na mataas na kanta.
pang-pito
kaya araw, pakiusap, sumilay ka. At sa wakas ay dumaloy ang luha, IMT.
10 notes
·
View notes
Text
Title: Commencement Exercises
Scene 1: Bar
Packed with drinking and smoking college students. Nakaupo si Anton (20) sa isang sulok habang nagyoyosi at nag-iinom.
*Tumingin sa relo* 6:49 pm.
Bumukas ang pinto ng bar. Pumasok si Grace (20). Nagmamasid. Nakita niya si Anton.
Grace: Hoy, nagyoyosi ka na naman! Kaya ang pangit ng ngipin mo e.
Anton: *Nagulat* *Tumingin sa relo* Grabe, hindi ka talaga nalelate no?
Grace: Ako pa ba? Igagaya mo pa ako sayo! Ikaw lang naman tong mahilig magpahintay. *Laughs*
Anton: *Smiles awkwardly* Pwede pa bang magsorry?
Grace: Arte mo! Tara baba tayo, ang usok dito eh.
Anton: Bakit? Ayaw mo uminom? Baka last chance na natin to. *tumawa*
Grace: Tanga ka. Paano tayo mag-uusap dito. Ang ingay kaya.
Tumayo si Anton. Lumabas sila ng bar ni Grace. There is an awkward tension between the two.
Habang bumababa ng hagdan.
Anton: So san tayo?
Grace: Ano bang gusto mo?
Anton: Alam mo naman kung ano ang gusto ko. *smiles*
Grace: Gago! *Laugh* Aahh, alam ko na. Magkape nalang tayo.
Anton: Kape talaga? Gabi na ah.
Grace: Bakit? Gusto mo na ba matulog? E di mag warm milk ka. *Tumawa*
Anton: Ok fine. Sige na, magkape na tayo.
Scene 2: Coffee Shop
Pumasok sila sa coffee shop.
Grace: Ano gusto mo? Sagot ko na.
Anton: Bakit paulit-ulit yang tanong mo. *Laughs*
Grace: Gago! Sige ka, warm milk nga oorderin ko sayo. *Smiles*
Anton: Ikaw na bahala, kung ano nalang oorderin mo, yun na rin sakin. Hintayin kita dito.
Grace: Tama yan, ikaw naman ngayon ang maghintay. *Laughs*
Umupo si Anton sa bakanteng table na malapit sa pintuan. Tumingin uli sa relo. 7:01 pm.
Pagkatapos umorder, lumapit si Grace sa inuupuan ni Anton. Umupo siya sa bakanteng upuan sa harap ni Anton.
Grace: So... kumusta ka na?
Anton: Grabe siya o, ano ako? Bagong uwing OFW. *Laughs*
Grace: Oo, yung mukhang napasarap na sa buhay ng Saudi tapos nakalimot na may kelangan siyang balikan sa Pilipinas. *Laugh*
Anton: *Smiles awkwardly* Oo na. Ako na ang masama. *Awkward laugh*
Grace: So paano ba natin to sisimulan ng hindi awkward. *Laugh*
Anton: Bakit naman kasi kelangan maging awkward nito? Pede naman tayo mag-usap lang e.
Grace: Ano bang gusto mo pag-usapan? Ghost stories? *Laughs*
Anton: Oo, yung life story ni casper, the friendly ghost. *Laugh*
Grace: Pede naman, based ata yun sa life story mo e. *Laugh*
Anton: *Smiles* Namiss ko to.
Grace: *Natigilan* Yung ano? Yung pang-aasar ko?
Anton: Ito, yung tayo.
Grace: Anong tayo? Hindi naman naging tayo no. *Laughs*
Anton: Hay. Seryoso kasi ako.
Grace: Bakit? Feeling mo ba naging tayo?
Anton: *smiles* Hindi ko ba pwedeng mamiss yung mga panahon na nag-uusap lang tayo ng random stuff?
Grace: At kaninong kasalanan kung bakit natigil yun? *Laugh*
Dumating ang order nila.
Anton: *Kinuha ang order* Thank you, ate. Oo na. Kasalanan ko na.
Grace: Good. *Smiles*
Anton: Kumusta kayo?
Grace: Ok naman kami. Masaya. Inggit ka? *Laugh*
Anton: *Smiles awkwardly* Good to know. At least alam kong masaya ka na.
Grace: Drama mo! Mukha ka rin namang masaya e. So quits lang.
Anton: *sips coffee*
Grace: Ano balak mo after grad?
Anton: Di ko pa alam e. Pero nagpasa na ako ng resume. Siguro mag RA (Research Assistant) or Corpo (Corporate) ako. Ikaw?
Grace: Di ko pa rin alam e. I always wanted to do fashion, pero ayun, eto na yung natapos nating degree program e. So bahala na si batman.
Anton: *Sips coffee* Buti, pumayag si Al dito.
Grace: Bakit naman hindi? Friends din naman kayo. At tsaka, wala ka namang masamang balak sa akin di ba? *Laughs*
Anton: Nakakarami ka na ah! *Laughs*
Grace: *Laughs* Wag kang mapikon ah. Namiss lang kita asarin.
*Anton suddenly stares to his coffee*
Anton: Grace, sorry ah.
Grace: Hay, nakailang sorry ka na. Sige ka, baka magbago isip ko. *Laughs* Di ba sabi ko nga sayo, ok na nga tayo, wala na yun.
Anton: Thank you. Ang dami ko gusto sabihin, pero parang hindi ko alam paano sisimulan.
Grace: Anton, maganda siguro. I-enjoy nalang natin tong moment na to. After grad, baka hindi na natin to magawa. Baka kasi di ka na mamansin pag naging big time ka na. May history ka pa naman. *Laughs*
Anton: *covers ears* lalalala! Pwede bang mag move on na tayo sa kasalanan ko sayo? *looks Grace directly into her eyes then smiles*
Grace: Wag ka mag-alala. Naka move on na naman ako. Galing mong trainor eh *Laughs*
Anton: Bakit? Kung tinuloy ko ba, magiging tayo?
Grace: *sips coffee* Alam mo. Irrelevant na yang question mo.
Anton: Bakit naman?
Grace: E kasi, kung sagutin ko man yan. Hindi na naman magiging tayo.
Anton: *awkward silence* Ok, point taken. Pero, Grace, siya naman talaga ang gusto mo, di ba?
Grace: Aba, at paano mo naman nalaman yan? Zenaida Zeva, ikaw ba yan? *Laughs*
Anton: Ang tanga ko no?
Grace: Buti alam mo. Hirap kaya maghintay. *Laughs*
Anton: So naghihintay ka pala?
Grace: Ano sa tingin mo? *Looks directly to Anton's eyes*
Anton: *nods slowly*
Grace: Naghintay ako no! Pero napagod ako. Kasi parang hindi ko naman alam kung may hinihintay nga ba ako. *Laughs*
Anton: Galit ka pa sakin?
Grace: Bakit naman ako magagalit? Desisyon ko ang maghintay. Hindi mo naman ako pinilit gawin yon no. Kaso napagod lang talaga ako. Kaya sorry rin ha?
Anton: Ano ka ba? Ako yung gago, so hindi valid ang sorry mo.
Grace: Bakit? Nasaktan ka rin naman di ba?
Anton: Oo naman. Sobra. Pero hindi mo kasalanan na naging tanga ako. *smiles awkwardly*
Grace. Alam mo, grabe ka sa sarili mo.
*Both of them sips coffee*
Grace: Pero alam mo Anton. I realized na ok na rin ang nangyari. Kasi eventually, naging ok tayo. Yung ganito. Nag-uusap. Nagkukulitan. Nagbibiruan. Kase, nung bigla kang nawala. Iniisip ko kung anong mangyayari sa atin. At least ngayon, alam kong nandiyan ka, nandito ako, magkaibigan tayo. So... para sa akin... ok na to. Ok na tayo.
Anton: *Sips coffee* Salamat ha.
*Eye to eye contact then Grace decided to look away followed by a short awkard silence*
Anton: Pero Grace. Gusto ko lang sabihin na nawala man ako noon, hindi naman nawala sa isip ko yung thought na paano kung naging tayo. Siguro naduwag lang talaga ako. Nalito. Pero, wala naman talagang nagbago. Hanggang ngayon, ikaw pa rin yung taong gusto kong makasama sa pagtanda ko. Pero wala e. Sinayang ko yung pagkakataon ko.
Grace: *Smiles then grabs Anton's hand* Maniwala ka sa akin. Ok na tayo. Ok na ok na tayo.
Anton: *Smiles back* Basta, pag iniwan ka niya, itext mo ko ha?! *Laughs*
Grace: Gago. Ayoko na uli ma Seen zoned no?! *Laughs*
Anton: *Checks watch* O siya, ihatid na kita kay Al. Sabi ko sa kanya 30 mins lang. Baka malate ka. Mag away na naman kami. *Laughs*
Grace: Alam mo. Tama ka. Nakakamiss nga to.
Grace stands up.
Grace: Ano? tara na?!
Anton offered an awkward hug but Grace just decided to offer her hand for a friendly handshake.
They left the coffee shop.
Scene 3: Anton's dorm.
Anton is currently on his bed. Trying to sleep. He decided to grab his Phone. Time check. 10:57pm
Typing...
"Ang tanga ko, pero ang mahalaga alam kong masaya ka na ngayon. Salamat uli sa gabing to, Grace."
Sent.
Seen at 11:06 pm.
4:32 am. Anton decided to hide his phone under his pillow. He closed his eyes. His heart is pounding while he cries himself to sleep.
The end.
1 note
·
View note