thedundundundun
I found my life when I laid it down
220 posts
Welcome to the world of my cerebral activities.
Don't wanna be here? Send us removal request.
thedundundundun · 2 years ago
Text
Panaginip:
We were preparing for an event sa church. Anniv yata. Kami ni ate dimple ang hosts.
Nasa parang backstage kami and nagkkwentuhan lang halos lahat ng mga prod/tao.
Ako nasa couch with one ka-cg and si Francis. Silang dalawa yung unang naguusap. Like nakikinig lang ako and all, and pinapakita ko na interested ako sa usapan at cool ako kay Francis. Yun talaga yon.
And then parang hindi na ko nageexpect kay Francis na kakausapin nya ko, kasi ganun naman sya in real life. Pero nagulat ako hinawakan nya yung braso ko sa may wrist, sabi nya, "Nakalipat na pala yung papa mo ng bahay?"
And then hindi naman din ako nagtaka bakit nya alam. Sabi ko, "Oo. Dyan lang din sa malapit sa Malabon."
And then nagkwentuhan lang kami ng parang normal lang. Hindi ko na alam anong nangyari sa event pero naghost nga kami ni ate dimps. Yun lang.
0 notes
thedundundundun · 2 years ago
Text
mas mahaba pa panaginip ko dito pero ito na lang yung naalala ko
nasa parang cafe sa intra daw kami. tapos ang kasama ko, sila shane and various other cousins (na malalaki na) di kasama sila miel
need na daw namin umalis dun sa cafe, kaso yung dadaanan namin palabas, andun sila lee min ho, kim seonho and various other k-artists, kumakain sa malaking table HAHAHAHAHA
so medyo nahiya kami na dumaan, kasi alam namin na need namin sila batiin bago kami umalis, magbababye kami ganern. eh kaso nahihiya nga kami i dunno bat di na namin sineize yung opportunity hahaha
so nagsuggest ako, sabi ko umikot na lang kami para di kami dumaan kina lee min ho. tapos ayon na, lakad lakad na kame. very adventurous mga pinaggagagawa namin HAHAHAHA hanggang sa napunta kami sa dalawang hagdan. so may choice kami. left or right na stairs
sila shane and others (umakyat sa right na stairs) ako, sure na sure ako na dito tayo sa left. "dito yung daan" sabi ko.
tapos nakinig naman sila saken. dumaan kami sa left stairs. alam mo ending? MALI YUNG SUGGESTION KO HAHHAHAA
di kami nakalabas sa cafe. napunta kami sa isang floating village sa gitna ng lake hahjahaha may idea ka ba dun. meron dito sa pinas nun eh.
basta teka magsend ako pic.
pero gabi na yung time. so medyo creepy, pang horror yung filer. tapos nagkahiwahiwalay na kaming magpipinsan. ako naiwan magisa. may humabol bigla saking nakawhite HAHAHAHA
ayon very temple run yung peg ko dun. hanggang sa hiningal na ko nagtago ako sa may bandang shed. NAKO PAG SHED TALAGA WALANG MAGANDANG NANGYAYARI HAHHAAHA
paglingon ko andun na yung humahabol sakin. kinakausap ako ng maayos HAHAHAHAHA di naman pala sya nakakatakot, may ineexplain lang
tapos yun pala, i-lilead nya lang ako sa may bandang lake. may nakaprepare na bangka dun, surprise daw pala. ang romantic daw HAHAHAHAHA eme
parang sa rapunzel na scene, yung kumanta na sila ng i see the light. ganern daw yung feels
tapos di ko alam sino andun sa bangka HAHAHAH sumakay lang me tapos nagzoom out na yung camera. drone shot na lang nakita ko.
mga nakapaheart daw yung lights dun sa bangka EME GHAHAHAAHAHAH sabi ko ayaw ko na labstori bat ganto
0 notes
thedundundundun · 2 years ago
Text
Panaginip log #74910371
Anlupet neto parang video game na apocalyptic HAHAHA
Nung una nasa supermarket ako. Tapos gabing gabi na. As in ako na lang yung nasa counter. Last customer kumbaga. Pero nung nakaalis na ko sa counter, may nakita akong grupo ng mga high school? Or senior high students na biglang pumila. Magchecheck out din daw sila
Tapos ang situation is, sa sobrang gabi na, hindi na sila pagbibigyan ng cashier. Pero di ko alam bakit may sort of influence ako, ako yung kumausap sa manager na i-cater sila. Tinanong ako ng manager kung kamag-anak ko daw ba sila bat ko pa pinakausap. Sabi ko hindi, tapos umalis na lang din ako agad.
And then paglabas ko, nasa mall ako. Hinahanap ko na pamilya ko haha. Nakita ko isa kong tita, nag-cr kami. Maglilipstick ako kasi para daw fresh HAHAHA waw apaka vain.
So yun na nga, nakahanap kami cr, nag lipstick ako kahit madami taong nakapila. Lumabas na kami ni tita, nagikot ikot sa mall (partida gabing gabi to)
Tapos may humahabol sakin dalawang students. In my understanding, kasama sila sa grupo kanina sa supermarket.
Pinipilit nila tignan yung mukha ko. Eng gende ke dew HAHAHAHA diba narcissistic si subconscious hahahaha. Chinecheck daw nila mukha ko kasi yung isa nilang kaklase, naging crush daw ako nung pinakausap ko sila sa manager HAHAHAH anubayan hahahhaa pero alam ko mga mas bata sakin to so di ko masyadong inintindi
And then may pumasok sa utak ko. Yung dalawang students na humahabol sakin, isang babae tsaka medyo bading, itatry ko daw i-one verse HAHAHAHHAA
Inaaya ko sila sa medyo tahimik na lugar. Parang emergency exit. Para mas maintindihan nila yung sasabihin ko. Pero itsura nya hindi emergency exit ng mall. Parang kahoy kahoy lang. Pero liblib yung lugar, at para syang kwarto. Tapos nagsalita na ko. Tapos yung gurl, nakikinig talaga sakin. Yung lalaki, medyo madaming satsat.
Tapos biglang dumilim. Natakot silang dalawa. Lalo na yung lalaki. Triny nyang buksan yung pinto. Ayaw bumukas. Nagpapanic na sila ako hindi, i dunno why.
Tapos it turned out, prinank lang pala sila ng kaklase nila HAHAHA PAGKALABAS NAMIN SABI SAMIN START NA DAW NG BAPTISM.
Sana all diba kakaone verse pa lang deretso baptism hahahaha edi pinapila ko sila non. Feeling fulfilled ako don hahaha
Tapos dito na nagstart yung apocalyptic eme:
Naghanap ako ng mga kachurch ko nun kasi sobrang daming tao magpapabaptize. Nakita ko si tin, si gege tsaka si grant (yung pinsan ko) nagcacamping sa gilid hahaha mga nakahiga na. Nakihiga ako sa kanila umidlip ako konte.
Pagkagising ko, iba na settings. Tropical na, parang palawan. May nageexplain sakin ng map. Na andito tayo. Ang galing daw ang ganda sa malayo.
Tapos may napansin akong panda, nagsiswimming sa lagoon. Ang cute daw pero masama pala sya HAHAHAHA kaya pala sya nagsiswimming kasi hinahunt nya yung squirrel tsaka turtle na nagsswimming din. Edi ako tsaka yung kasama ko to the rescue. (di ko na maalala kasama ko, isa lang sa inyong mga ka-cg haha)
Tig isa kami ng hawak ng kasama ko. Sya naghawak sa squirrel, ako sa turtle. Magkalayo kami. Nilalayo namin sa panda. Tapos bigla akong nilalapitan ng panda. Nakakatakot HAHHAHAA. Pero he's after the turtle na hawak ko. Nung malapit na sya, ginawa ko hinagis ko yung pagong sa lagoon ulit. Pagkakita ko, unconscious na yung pagong HAHAHHAHAHAHAA sa isip isip ko, napasama pa yata na hinagis ko. Pero nire assure naman ako ng kasama ko, gumalaw na daw. Buhay na daw. Nagsisigawan lang kami kasi malayo kami sa isat isa.
And then pagkalingon ko sa panda, lumalapit pa din daw saken HAHAHAHAHUHU inaatake pa din ako. Edi ako for the run hahaha very action itu. Bigla na syang may kasabwat na tao. Naguusap sila anong gagawin sakin. Pinagtatanggol ako ng tao na hindi naman ako sus. Hahahaha. May alam daw ako pano isolve yung mystery bat may apocalypse etcetera
Pero yung panda hindi naniniwala. Edi ginawa nila, pinatakbo ako. Yung panda, may baril HAHHAHAHAA babarilin daw ako. Pero sumisigaw yung tao na pag bigyan daw ako. Kahit anino ko lang daw barilin.
Tapos ako di ko maalala saang technique ko to nalaman. Sa COD yata. Ang gagawin mo lang pag nasa likod mo yung shooter, magzizigzag ka ng takbo. Edi ayun yung ginawa ko. Tapos nakaligtas naman. Di ako nabaril.
Nagcamping ako dun sa taas ng isang old church. May palampara pa. Pero ito yung twist: hindi na ako tao. HAHAHHAHAHAHAHAHA
Iba na daw tsura ko gurl. I think pinaka malapit na yung itsura ni kyo ng fruits basket nung nag transform sya. Sesend ko wait
Pero ayun na, sobrang haba ng panaginip ko. Naging monster pa ko. Pero sinosolve ko nga daw yung mystery bakit nangyayari ang mga nangyayari. Kinabukasan, may mga taong nakatuklas sa location ko. Nagtago ako tapos chinechek nila yung mga notes na pinagsususulat ko, andun nakakalat sa sahig HAHAHA
At the back of my mind, video game lang talaga lahat ng yun. Yung video game na may story board. Kasi nagpaplano ako i-restart yung game sa episode 1. May iba daw akong gagawin.
0 notes
thedundundundun · 2 years ago
Text
icongrats mo ko chie may jowa na ko... sa panaginip HAHAHAHA
Nasa fam vacation daw kami. Yung as in buong angkan. Medyo pawala pawala signal. Ang hassle pa nga daw kasi may dala kaming aso. German shepherd na yung aso kaloka anlaki nun. Nakipag barda pa sa mga ibang maliliit na aso na andun.
Tapos yung cottage namin na may tulugan, floating daw sa pool hahaha panes. Edi ayon bihis bihis na pang swimming. Di pa ko tapos bigla namang pumasok sila mama sa kwarto matutulog daw. Edi hinayaan ko lang. Tinamad na ko magswimming, nagscroll na lang ako sa ig.
Then napansin ko may nagheart sa story ko. Pagkatingin ko ng profile, BHIE AKALA KO FANPAGE KO. HAHAHAHAHAHA
Puro selfie ko andon, may mga video pa nga. Para akong vlogger na ewan. Baka nagvvlog talaga ko sa panaginip. Pero yung mga caption ni koya don, "i was losing my breath" 🤣🤣🤣
May mga selfie sya here and there pero ang bata nya pa non. Walang masyadong recent pics. Ang pogi daiii hahahhahahaha para syang half filipino half american. Pero mas andun sya sa tanned skin.
Tapos scroll scroll pa ko sa profile nya, nakita ko nag church pala sya datiiii. Nung mga bata bata sya highschool ganern. Nakalimutan ko sinong totong kachurchmate natin yung andun sa group picture. Pero para silang nag ccg.
Edi gulat ako sa revelation no, may pafanpage si kuya. May isang pic don may caption, "she did not know about this" tapos gurl nagcomment ako.. "until today"
Lam mo ambilis nya nagpm agad sa ig ng "hey". Sabi ko "hey"
Tapos tumawag ako video call!!!! HAHAHAHAHAHAHAHA
I feel like may urge saken na makita ano na itsura nya ngayon kasi medyo binatilyo pics yung sa ig. Tapos GURL ANG GWAPO SA VIDEO CALL HAHAHAHHAA MALAKI NA NGA HAHAHAHA
Yung personality ni koya golden retriever energy. Yung unang lumabas sa screen andaming batang afam sa paligid nya, mga step bros and sis nya yata char.
Tuwang tuwa sya sa vc, "oh my God it's you!!!!" Tapos umiwas sya sa mga kapatid nya, lumabas ng bahay. Nakita ko nagssnow!!!! Nageenglish bhie hahahaha
Nasa ibang bansa pala ang ferson. Tas medyo mahina yung signal saken, ang naririnig ko lang sa kanya, "i'm in hawaii with the fam"
Tas ako, "did you say hawaii?" kasi di ko talaga marinig ng maayos.
Tapos ayun dun na nagsimula. HAHAHHAHAHAHA
VC araw araw haha. kakanuod ko to ng the loud house, katawagan lagi nung isang ate yung jowa nya. Tapos nagbabatuhan din kami ng corny jokes,(reference in real life is another ate na naman dun sa loud house.)
Tas tinatawag nya na kong baby HAHHAHAHAHAA harot yarn. Sabi ko naman, "yes?" HAHAHAHAHA GIGIL
Sabi nya, what if I come to the Philippines?
Tapos dahil panaginip, in a snap andito na sya HAHAHHAA alam mo ginawa namin, nagturuan kami pano magdevo.
Ako din yung nahirapan need ko mag english.
Tinuturuan ko sya ng napakaraming acronym, tapos nakakimutan ko din andaming bura hahaha in the end, sabi ko "let's stick with SOAP"
Edi sinulat ko na ano meaning ng soap. Nagets nya naman agad, tas sabi ko "I'm so proud of you" kiniss ko sya sa cheeks. Gulat na gulat sya HAHAHHAHAHA
Tapos nag walk out sya na gulat na gulat pa din. Tapos sa ig, andaming nagcocongrats saken HAHAHAHHAAHA so i think official na nga hahahaha
Yun lang sadt walang continuation chariz
Naloka ako chieeee parang totoo. Kung hindi afam, half afam na lang hahahahahha
0 notes
thedundundundun · 2 years ago
Text
Panaginip:
We were in an elevator, nakalimutan ko sino kasama ko, then suddenly humawak yung mga kasama namin na seaman students yata sa gilid na bakal, like they’re preparing for some impact.
Napahawak din kami ng kasama ko. Then bumabagsak na nga yung elevator na parang container ng truck. Napunta naman kami bigla sa dagat. Pero nasa loob pa din kami ng container.
Tapos biglang umapoy yung nasa side namin, I don’t know pano kami nakalabas don, pero nasurvive namin.
Turns out nasa balita na pala ‘yun. Pagkarescue sa’min, kinekwento ni Mama sa mga kamag-anak namin kung pa’no syang nag-alala, at hindi makakatulog hangga’t hindi nya nakikita ‘yung mga pangalan ko sa narescue. Inabutan sya ni Papa ng tablet na inabot din sakin to show na andun ako sa balita.
And then di ko alam saang part ng panaginip ko to. Pero yung mga kasama ko pa din sa container yung ka-team ko. May parang elimination na nagaganap. Paunahan makarating dun sa sasakyan namin, hanggang sa malagas. 
I remember nakaabot naman ako sa top 5 or 6. Yun lang. Kakarunning-man at chasing tails ko to hahahah
0 notes
thedundundundun · 2 years ago
Text
For God uses these difficulties as opportunities to manifest more dimensions of himself to us. Through tribulations, we experience that Jesus has overcome the world.
0 notes
thedundundundun · 2 years ago
Text
Int. Bahay nila Tita Milet.
Nag-uusap kami ni Maui, MIel and ako.
Maui: Miel, di makakapunta si ate sa birthday mo.
Me: Oo Miel, di ako makakapunta.
Miel: *malungkot* Si kuya Maui na lang wag pumunta.
0 notes
thedundundundun · 2 years ago
Text
Weird neto tumingin saken tas biglang tumawa
Hinaharangan pa dinadaanan ko
Highschool yern?
0 notes
thedundundundun · 2 years ago
Text
Tumblr media Tumblr media
0 notes
thedundundundun · 2 years ago
Text
Panaginip log:
We're in a mall pero nagroroller skates lahat ng tao sa loob. Hinahanap daw ako ni Francis tapos pinagtataguan ko sya I don't know why. Parang eksena sa movie ganern.
Tapos nakita ko sya sa malayo, nagskate ako papuntang emergency exit ng mall (walang pinto, deretso hagdan). Nagtago ako sa gilid, pumunta din sya dun di nya ko nakita.
Nagskate ako paalis ulit, sa isang cafe. Nararamdaman ko yung kaba talaga nung nagtago ako sa may gilid ng halaman habang nakaupo. Ewan ko kung eng eng ako kasi naalala ko glass nga pala yung wall non. Edi nakikita din ako sa labas.
Gulat na lang ako hinila na ko ni Francis patayo tapos nagskate na kami sa isang part ng mall na parang 168. Masikip, maraming nagtitinda. Pero ang bilis namin kumilos kasi nga nagsskate kami, magkahawak kamay. May mga nalagay na kami sa plastic, mga basahan yata. Basta tela. Nakita ko din si Maron, parang binantayan mga pinamili namin.
Tapos nagtransition na yung panaginip ko, napunta na ako sa may isang box. Natrap kami sa parang isang malaking ice cooler. Masikip at mataas, hagdan lang pataas yung lalabasan. Biglang nagkaearth quake. Pero we have trusted in Jesus. As in nagready na kong tumumba yung ice cooler pahiga. Pero di nangyari, nag thank you Lord kaming lahat.
May sinundan akong lalaki, from what I know is si kuya Justin. Sya yung unang naakyat, tinatanggal nya yung mga yelo para maging open yung daanan palabas.
Naalala ko pa nga may rhema pa saken don. Hahaha.
Then pagkaakyat namin nasa isa kaming auditorium. Hagiazo anniversary na yata.
Andaming nakatingin samin, tapos inoffer ni kuya Jus yung kamay nya habang maglalakad kami pero naconscious ako baka may makakita at magbigay ng malisya, particularly si Francis kasi nakita ko sya sa crowd.
Di ko tinanggap yung offer ni kuya. Kunwari may hinanap ako sa bag kong yellow from Boracay haha. Tapos ginawa ni kuya Jus sya na lang humawak sakin, nilink nya yung arms namin at naglakad na nga kami.
I know maraming nakakita. Pero nakamove on naman ako agad kasi nakita ko nakaupo na mga members ko.
Andun si jaq, blanche, janna, jacqui tapos may isa pang di ko maalala.
The end.
0 notes
thedundundundun · 2 years ago
Text
Is it possible to miss someone when you're living with them naman?
I don't know, I just miss my mama a lot these days.
Siguro yung heaviness lang kasi ng heart ko sa work tapos pumasok na rin sya sa school so ako lang din talaga dito sa bahay lately.
Kahit nga mere presence lang ng kapatid ko tsaka papa ko masayang masaya na ko.
I really want to be with my mama right now. There's one night na nagpuyat talaga ako just to watch family feud with her. I took the opportunity to hug her na din, fighting my tears.
Di ko alam bat ako longing sa kanila, kay mama particularly, when araw araw ko naman sya nakikita.
Di naman ako ganto dati pag umaalis sya?
Neto lang lately nung nagbicol sya ng isang linggo. Nagvc kami tas naiyak ako after hahaha.
Di ko alam siguro andami lang overwhelming na nangyayari sakin lately.
I just want someone to hug. My mama most especially.
I thank the Lord for this love that I feel for her. I'm continually praying for her salvation.
0 notes
thedundundundun · 3 years ago
Text
I don’t know kung dahil lang ba to sa usapan namin sa cell group kagabi tungkol sa manliligaw na hindi nageeffort. Pero napanaginipan ko si Francis.
Nasa parang mall kami at marami kaming kasama probably mga taga-church. Tapos sabi nya sabihan ko daw sya pag uuwi na ko. Ihahatid nya daw ako.
Tapos nagkahint na ko nun na baka nga manliligaw na to. Nung una nahihiya pa ko magsabi na uuwi na ko. Tinitignan ko lang sya. Tapos nakita nya naman.
Naghintay sya sa labas habang may nagwrawrap up pa na kausap ko.
Paglabas ko, nag iba na suot. Nakauniform na pang highschool HAHAHAHAHA
Tinanong ko “Bat ganyan suot mo? Mukha kang bata!”
Sabi nya, eh kasi nakauniform ka. Para bagay tayo.
Tapos hinatid nya na ko. Di ko na alam anong sunod na nangyari.
0 notes
thedundundundun · 3 years ago
Text
Artista moment yung may nagpapicture saking group of gurls ganito yung nangyari
One girl may hawak na cam: ate papicture
Me: amina, picturan ko kayo *inaabot yung cam*
Girl: hindi po, kasama ka po
Me: ah? okayyyy
*takes pic*
Paw: iba ka na
Paw: kala ko cell group mo
Paw: di ka na mareach
Paw: famous
0 notes
thedundundundun · 4 years ago
Text
"When I see you, I see the rest of my life."
0 notes
thedundundundun · 4 years ago
Text
William Cowper,
Judge not the Lord by feeble sense,
but trust him for his grace;
behind a frowning providence,
he hides a smiling face.
0 notes
thedundundundun · 4 years ago
Text
Our new, transformed life of obedience is not the ground of our justification; it is the result of it.
0 notes
thedundundundun · 4 years ago
Text
the grace of God is an expression of his love
0 notes