#bai tulong bay
Explore tagged Tumblr posts
expatrace · 1 year ago
Text
youtube
0 notes
exactlyunlikelycreation · 6 months ago
Text
TULONG
May Akda: Jonas G. Tayab
Gabi na nang mapag-desisyonan namin ng kaibigan kong si Nelly na umuwi, alas dos na ng madaling araw at nabibilang na lamang sa daliri ang mga tao sa loob ng club house. Biyarness ngayon, at wala kaming pasok kina-umagahan kaya naman napagdesisyonan naming pumarty dahil alam namin sa sarili na deserve namin ito pagkatapos ng mga exam at quizzes sa loob ng isang lingo. Nakakapagod ngunit wala akong balak sumuko, dahil ito ay mga hamon sa buhay na kailangan harapin para sa ganoon ay marating ang patutunguhan at makamit ang tagumpay, hindi man biglaan at easy journey ngunit alam ko at ramdam ko sa sarili na malapit na, kaya naman ako ay magpapatuloy sa paglalakbay. Lumabas kami sa club house nang medyo may tama ng alak, wala naring dumadaan na tricycle kaya naman napilitan nalang kaming maglakad pauwi. Hindi naman kalayuan ang bahay namin ngunit dadaan muna kami sa eskinita at sa gilid nito ay may puno ng balete na kung saan may mga kuwento kuwento nuon na pinamumugaran ito ng mga masasamang ispirito at ligaw na kaluluwa.
“Wala na ba yung puno ng balete sa tabi ng kalsada? biglang tanong ni Nelly, matutulog kasi ito sa aming bahay ngayon dahil balak naming mag outing kinabukasan. Tumigil ako sa paglalakad at natatakot na sumagot,
andun parin ung puno, madilim parin ang kalsada at wala padin itong mga ilaw. Kung meron man, patay sindi naman ito
hindi ko gustong dumaan doon, iba ang aking pakiramdam natatakot na sagot niya sa akin.
Parehas pala kami ng nararamdan, kasi ako din natatakot, kung anu-ano na ang tumatakbo sa aking isipan, na kesyo may biglang magpakita sa aming harapan na duguan, o di kayay sobrang laking aso o may biglang hahabol sa amin na may itak.
“Nararamdaman mo bay un? tanong ko sakanya.
“Oo Maria, sobrang lamig dito kumpara sa mga nadaanan natin kanina, kakaiba talaga ang aking pakiramdam saad nito.
Nasa bandang eskinita na kami, hindi ko alam kung dala lang ba ng alak ito o kung ano dahil iba talaga ang pakiramdam ko sa daan nato malapit sa puno ng balete. Tumataas ang aking mga balahibo at lumalakas din ang kabog ng aking dibdib.
Nagpatuloy lang kami sa paglalakad na may takot sa dibdid nang biglang natumba ang mga basurahan sa tabi ng daan at napasigaw kami sa sobrang takot at napakapit sa isat-isa.
“Hindi ko na kaya ito nanginginig kong saad kay Nelly.
Hindi ko alam kung lalapit ba kami sa mga basuharan o magpatuloy nalang, napatigil kami sa paglalakad ng napakaraming daga ang lumabas sa basurahan. Hindi na ito normal, takot na takot kami sa mga nasasaksihan, wala kaming magawa kundi tumakbo ng mabilis habang magkahawak kamay.
Parehas kaming malakas ang kabog ng dibdib, pinagpapawisan at takot na takot, nasa tapat na kami ng puno at hindi ko pa matanaw ang aming tahanan. Walang bahay ang malapit sa puno, patay sindi din ang ilaw dito.
“Tumataas ang mga balahibo ko, may nararamdaman ako, bakit parang my nakatingin sa atin. Kanina ko pa ito nararamdaman noong na sa eskinita palamang tayo Maria saad ni Nelly
Ako din, ramdam ko yun, naiihi na ako sa takot. Patuloy lamang kami sa paglalakad ng biglang may naramdaman akong humipan sa aking batok, hindi na ito normal, ibang-iba na ito, napahiyaw ako sa gulat at hindi ko mapigilang mapaiyak.
“Naramdaman mo yun? May humipan sa aking batok takot na takot kong saad.
“Ako din, bilisan nalang natin ang paglalakad saad ni Nelly.
Grabeng kabog ng dibdib ang nararamdaman ko sa mga oras na ito, bakit ba parang ang layo ng aming tahanan? Sobrang lapit lang ng bahay pag umaga, tapos sa mga ganitong oras ay parang napakalayo? Hindi pa kami nakakalayo sa puno nang may biglang bumagsak sa aming harapan. Gulat na gulat kaming napatingin dito. Isang lalaki, wala ng buhay, putol ang mga kamay at paa. Duguaan ito at may malaking hiwa sa ulo. Ang mga mata ay nagmamakaawa at humihingi ng tulong sa amin na animoy buhay pa ito. Ang mga bibig ay may busal, hubot-hubad ito kaya kitang-kita ang mga galos, pasa at malalaking sugat sa kanyang katawan. Hindi kami makapaniwala sa aming nakikita, hindi namin magawang tumingin sa itaas. Napahiyaw nalang kami sa gulat at takot, hindi namin alam kung ano ang gagawin. Parehas kaming hindi makagalaw, at nakikipagtitigan sa patay na lalaki. Hinila ako ni Nelly patakbo ng mabilis hanggang sa hindi ko namalayan na nasa tapat na kami ng aming tahanan. Hindi maalis-alis sa aking isipan ang mga matang nakatitig ng lalaking iyon, anong gagawin namin? Iniwan namin siyang nakahandusay doon ng nag-iisa. Hindi na naming naisipang tumawag pa ng tulong dahil sa takot na bumabalot sa aming katawan.
Wala ni isa ang nag salita sa amin ni Nelly, parehas kaming tahimik at hindi makapaniwala sa nasaksihan.
Umaga na, at parehas kaming walang tulog ng aking kaibigan, hindi parin maalis sa aking isipan ang itsura ng lalaking iyon. Ngayon pala ang outing namin ni Nelly kaya naman nag handa na kami at lumabas na ng bahay. Sumakay kami ng bus at naupo kami sa bandang likuran. Susubukan ko ritong matulog baka sakaling akoy makatulog.
*boooggssssssshhhhhhhhhh*
Nagising ako sa lakas ng tunog na animoy parang may nabangga. Ang mga tao sa loob ng bus ay nagsimulang mag-ingay at nag uunahang bumaba.
“Ano pang ginagawa mo diyan, bumaba natayo natatarantang saad ni Nelly. Bumaba kami at nakisali sa may kumpula. Ang bus na sinasakyan naming ay nakabangga ng motorsiklo. Gulat na gulat at pinagpapawisang tumingin si Nelly sa akin na pinagtaka ko ng husto.
“Tignan mo yung lalaking nabangga, bakit ganun? Wala siyang mga kamay, may hiwa ang ulo at dilat na dilat ang mga mata, ganyan na ganyan ang itsura ng lalaki kagabi saad neto na nauutal.
Oo nga. Ganun ang itsura ng lalaki kagabi, nagkataon lang ba ito o ano? Nilibot ko ang aking paningin sa kumpulan ng mga tao. Hindi nga ako nag kamali, nandoon yung lalaking nakita namin kagabi. Walang pinagbago ang itsura nito, ang mga mata ay seryosong nakatingin sa akin na parabang buhay na buhay ito.
Matinding takot ang bumalot sa buo kong pagkatao sa mga oras na iyon.
Gabi nang kami ay nakarating hotel na kung saan kami ay matutulog. Pumasok ako sa loob ng banyo at naligo, habang ako ay naliligo, nakaamoy ako ng amoy ng dugo, dinilat ko ang aking mga mata at hinanap kung saan ito nanggagaling at nakita ko na may dugong dumadaloy sa pagitan ng aking mga hita. Gulat na gulat akong napatingn dito, nang napatingin ako sa salamin, ay mayroon ding dugong dumadaloy sa aking ilong at doon ay nakaramdam ako na parang may kasama ako sa banyo, na hindi ako nag-iisa sa loob.
Napahiyaw ako sa takot at tinawag si Nelly. Gulat itong napatingin sa akin, sobrang daming dugo ang lumalabas sa akin, nanginginig ako at nahihilo, sa unti-unting pag pikit ng aking mga mata, ay hindi nga ako nagkamali, nandito ulit yung lalaki, nakatitig sa akin, malapit ang mukha. Bumubula ang dugong umaagos sa kanyang bibig habang itoy may binibigkas na mga salita,
“Bakit iniwanan ninyo akong nakahandusay sa daan kagabi? Bakit hindi ninyo ako tinulungan! pasigaw na saad nito sa akin bago ako tuluyang mawalan ng malay.
Nagising ako na masakit ang katawan, at muli naalala ko ang nangyari sa akin kagabi. kaya ba? Kaya ba siya nagpapakitat nagpaparamdam dahil doon? Kaya ba ganun ang nangyari sa lalaking nabangga dahil gusto nitong ipaalala ang pag-iwan naming ni Nelly sa kanya? Gumaganti ba ito sa amin? Naiiyak ako sa mga katanungang ito sa aking isipan. Wala si Nelly sa kuwarto, nag-iwan nalamang ito ng isang text message na nagpapatunay na lumabas ito at nag-jogging.
Lumabas ako sa kwarto na tinutuluyan namin, dito akomaghihintay sa pagbalik ni Nelly dahil sabay kaming kakain ngayon.
Ilang oras na ang nakalipas at wala parin si Nelly. Tumunog ang aking telepono, si Nelly tumatawag. Sinagot ko ito ngunit ibang boses ang nasa kabilang linya.
“Kayo po ba si Maria? Kamag- anak po ba kayo or kaibigan? Pumunta po kayo ngayon sa may likod ng Malaya hotel, may natagpuan kasing babae dito, kaibigan niyo po ata siya
Kumalabog ang dibdib ko, dali dali akong lumabas at patakbong pumunta sa may likod ng Malaya hotel. Hindi ako makapag-isip ng tama, natatakot ako sa pwedeng mangyari, hindi maaari, sana mali ako ng iniisip.
Pagdating ko sa Malaya hotel, nakita kong may mga taong nagkukumpulan sa isang lugar at doon ako nagtungo. Habang papalapit ako sa kumpulan ay sobra ang lakas ng kabog ng aking dibdib ang mga tuhod koy lumalambot. Napaiyak nalang ako sa nakita, si Nelly, duguan, may hiwa sa ulo, walang salawal, dilat na dilat ang mga matang nakatingin sa akin. May bulas ang kanyang bibig, hiniwa ang mga daliri pati narin ang dibdib.
Napaluhod ako at umiyak, gulat na gulat sa nasasaksihan, bakit nagkaganito? Narito na naman yung lalaki, nakatitig ulit ito saakin, bumubula ang bibig at may mga dugong tumutulo galing sa mga sugat. Hindi ko na alam ang gagawina, parusa ba ito sa amin? Sa akin? Naghihiganti ba ito sa hindi namin pagtulong sakanya?
Dalawang araw na ang lumipas mula ng mangyari ang insidenteng iyon, mabigat parin sa dibdib ang pagkawala ni Nelly. Naglalakad ako pauwi galing sa eskwelahan, hapon na at nasa eskinita na ako papasok sa daan patungo sa aming bahay.
“Ano yan, bakit may masangsang na amoy saad ko sa sarili.
Ang baho, amoy nabubulok. napatakip ako ng ilong at patuloy na naglakad, palakas ng palakas ang amoy, napatingin ako sa puno, bakit parang doon nang gagaling yung amoy? Sa likod ng punong iyon ay bangin na hindi naman kalaliman. Lumapit ako dito, dahil Narin sa kuryusidad, tumingin ako sa baba at napaatras sa nakita. Isang lalaki, naaagnas, walang mga kamay at paa, may hiwa sa ulo. Gulat na gulat ako at takot na takot, naaalala ko, ito yung lalaking nakita namin ni Nelly ng gabing pumarty kami. Bakit nasa bangin ito? Naiiyak ako sa nakikita. Naaagnas na ang katawan, ngunit ang mga mata ay nakatitig parin sa akin, buo pa ang mga mata nito na animoy buhay na buhay.
“Anak gising, gising! nagising ako sa lakas ng yugyog ng aking ina, basang basa ang mukha ko at likod dulot ng aking pawis, ang lakas ng kabog ng aking dibdib.
“Diyos ko! binabangungut ka Maria, kanina kapa sumisigaw!! nag-aalalang saad ng aking ina.
Akala ko totoo lahat ng mga nangyari ngunit panagip lang pala ang lahat, pero bakit pakiramdam ko ay parang totoo ito lahat?. Lumabas ang aking inay sa kwarto, at ako naman ay maliligo dahil kakain na kami ng panghapunan. Napatingin ako sa bintana, malakas pala ang hangin at ang kalabog ng aking dibdib ay malakas rin. Pumasok ako sa banyo upang maligo, ngunit napatigil ako dahil my naramdaman akong kakaiba sa loob ng aking kuwarto.
Tumaas ang mga balahibo ko, ramdam ko na hindi ako nag iisa sa kwarto, ramdam ko na parang may nakatingin sa akin. Nag simula akong maligo habang nakapikit.
“Bakit amoy dugo saad ko.
Napatigil ako, nabalot ng takot ang aking dibdib, napatingin ako sa salamin, may dugong tumutulo sa aking ilong, nandito parin yung kakaibang presensya, nakamasid sa bawat kilos ko.
Takot na takot ako, pinilit kung ibuka ang bibig upang sumigaw ngunit dugo ang lumalabas rito. Napaiyak ako ng malakas, nandito yung lalaki sa panaginip ko, nakikita ko sa salamin. Duguan, may hiwa sa ulo, bumubula ang bibig ng dugo, at ang mga matay nakatitig sa akin.
0 notes
chubbycheeksjourney · 1 year ago
Text
Ang Unang Paglalakbay
Isa sa mga lugar sa Pilipinas na talaga namang hinahangaan at binabalik-balikan ng mga turista maging ng mga Pilipino dahil sa angking ganda ng tanawin, bungahin, at karagatan nito ay ang pulo ng Palawan. Ang Palawan ay isang pulo na matatagpuan sa MIMAROPA. Ang pulo ay kilala sa Pilipinas maging sa ibang bansa dahil sa kahanga-hanga nitong puting buhangin, malinaw na tubig, rock formations, at mga islang nakapaloob dito.
Tumblr media
Kasama ang isang lugar sa Palawan na kilala bilang Underground  River sa 7 Wonders of Nature dahil sa kahanga-hanga nitong tanawin at dahil sa lawak ng kweba na nakapaloob dito.
Tumblr media
(mula sa LIFESTYLE.INQ)
Ika-14 ng Hulyo taong 2023 noong pumunta kami ng aking nakatatandang kapatid kasama ng kanyang asawa sa Puerto Princesa, Palawan. Tila talaga namang kamangha-mangha ang kagandahan ng Palawan, ngunit nasaktuhan na may bagyo noong makarating kami kaya talaga namang malakas at malaki ang mga alon sa karagatan na tila talagang nagwawala. 
Sa unang araw namin sa Palawan ay city tour ang aming ginawa. Una naming pinuntahan ang Palawan Wildlife Rescue and Conservation Center o mas kilala bilang Crocodile Farm and Nature Park. Kilala ang lugar na ito dahil sa mga pinaparami nilang mga buwaya. Hindi lamang mga buwaya ang nasa parke na ito ngunit dahil sa sama ng panahon gawa ng bagyo ay hindi na namin nakita at nalibot ang lugar.
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
Kasunod naman na aming pununtahan ay ang Palawan Butterfly Ecological Garden and Tribal Village o mas kilala bilang Butterfly Garden. Bukod sa mismong garden na puno ng mga paru-paro mayroon din mga ibang hayop doon tulad ng Palawan peacock, centepedes at iba pa.
Tumblr media Tumblr media Tumblr media
(mula sa rcannon992.com at travelearningtales.blogspot.com)
Pagkatapos naming bumisita sa Butterfly Garden, kami ay nagtungo naman sa Baker's Hill na kilala sa kanilang hopia.
Tumblr media Tumblr media
Sa ikalawang araw naman ay island hoping ang aming ginawa sa tulong ng Honda Bay Island Hoping Tour. Malalakas na alon ang sumalubong sa amin pagsakay namin ng bangka papunta sa mga isla, dahil sa panahong iyon ay papalayo pa lamang ang bagyo mula sa Palawan ngunit malakas na ulan at hangin ang nararanasan sa Bataan. Ayon na aming tour guide ay dapat ay tatlong isla ang aming pupuntahan ngunit dahil kahit hindi man maulan pero malalakas pa rin ang mga alon para sa aming kaligtasan ay dalawang isla lamang ang aming mapupuntahan. Natanong ng isa sa aming mga kasama kung kasama pa rin ba ang Starfish Island sa aming pupuntahan ngunit ayon sa aming tour guide ay kasalukuyang inaalagaan ang isla dahil sa pagsalanta ng bagyo rito at sa kadahilanang iyon ay nangamatay ang mga starfish at bumulok ang isla.
Ang unang isla na aming pinuntahan ay ang Luli Island. Ang LuLi Island ay pinangalanang "LuLi" mula sa mga salitang lulubog at lilitaw. Sa islang ito ay may mga aktibidad na maaaring gawin tulad ng snorkeling at magpakain ng mga isda. Dahil maaga kaming umalis at maaga rin kaming nakarating ng LuLi Island ay mataas pa ang tubig kaya hindi pa gaanong kita ang sand bar. Malabo rin ang tubig dahil malalakas ang alon ng dagat at marami ang taong nasa isla.
Tumblr media
Ang isang pang isla na aming pinuntahan ay ang Cowrie Island. Pinangalanan daw itong cowrie dahil dati raw ay maraming shell sa lugar na kilala bilang cowrie. Ngunit dala na rin ng mga bagyo at panahon ay swertihan na lamang kung makakikita ng cowrie sa lugar. Kumpara sa Luli Island, masasabi ko na mas marami ang mga isda na pwedeng pakainin sa Cowrie Island at tila talagang wild sila at hindi sanay sa tao.
Tumblr media
Sa ikatatlong araw ay pumunta naman kaming Underground River. Ang Underground River ay di hamak na mas malayo kumpara sa nauntahan naming mga isla. Bago makarating sa mismong bukana ng kweba ay kailangan munang saglit na maglakad sa kagubatan. Sa loob nito ay talaga namang maririnig mo ang huni ng mga ibon at sasalubong sa iyo ang mga unggoy.
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
Pagkarating sa bukana ng kweba ay talaga namang magugulat ka sa amoy doon dahil ang lugar ay talaga namang mapanghi dahil sa dumi ng mga hayop na naninirahan sa loob ng kweba. Ngunit sa pagpasok naman sa loob ay hindi na gaanong mabaho o mapanghi dahil na rin siguro sa palabas ang hangin sa kweba kaya mas maamoy sa labas. Ganon pa man ay napakaganda ng tanawin at mga rock formations sa loob man o labas. ng kweba.
Sa huling araw namin sa Palawan ay nagpunta kami ng bilihan ng pasalubong. Nagpunta kami ng MCA Market, ito ang lugar kung saan marami at mura ang mga pasalubong kumpara sa ibang lugar. May mga souvenirs tulad ng keychains, magnet, damit, talmpipi, at iba pa. Maliban sa mga gamit ay mayroon din silang binebenta na mga pagkain tulad ng buto ng kasoy, mga pastilyas, yema, peanut brittle, hopya at marami pang ibang produkto ngunit kadalasan na nating nakikita sa ating mga palengke o bilihan.
Tumblr media Tumblr media
(mula sa definitelypinoy.wordpress.com)
Kasunod naming pinuntahan ay ang Immaculate Conception Cathedral o mas kilala bilang Plaza Cuartel, ito ang lugar na ginamit bilang kulungan at dito rin sinunog ang higit-kumulang 150 na sundalong Amerikano ng mga Hapones noong panahon ng World War 2.
Tumblr media
Binalak namin na puntahan ang Palawan Special Battalion World War II Memorial Museum ngunit ito ay nakasara noong magpunta kami kaya nagpunta na lamang kami sa Palawan Museum. Sa loob ay punong puno ng mga kasaysayan ng mga taga-Palawan, mula sa kanilang kasuotan, sa kanilang paraan ng pagsulat na kung ipagkukumpara sa baybayin ay halos kapareho lamang ngunit hindi, sa mga hayop, mga shell, at marami pang iba.
Tumblr media
(mula sa definitelypinoy.wordpress.com)
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
Kinahapunan ay dumaretso na kami sa paliparan para sa aming pag-uwi, bitin man ngunit masaya dahil sa unang pagkakataon ay nakapaglakbay ako sa loob ng ating bansa.
Tumblr media
Ang aking realisasyon:
Sa paglilibot sa isang lugar ay hindi sapat ang ilang araw lamang dahil tanginging mga kilalang lugar lamang ang aming napuntahan. Ngunit gayon pa man ay talagang nakahahanga ang Palawan dahil kahit maraming turista ang dumadalaw sa pulo ay napapanatili ng mga mamamayang nakatira rito ang kalinisan ng Palawan. Mahalaga rin na kahit gaano pa karami ang turista na pumupunta hindi lamang sa palawan dahil dapat ay kahit saan ay mapanatili ang kaorihinalan ng lugar. Bilang isang Pilipino ay tungkulin natin na mahalin, tangkilikin at alagaan ang sariling atin upang mas mapagyabong ito lalo na ang ating tradisyon dahil ito ang ating pagkakakilanlan.
Sa aking naranasan ay masasabi ko sa aking sarili na muli akong babalik sa pulo ng Palawan upang mas kilalanin ang lugar, hindi lamang sa pulo ng Palawan ngunit maging sa ibang bahagi ng ating bansa upang kilalanin ang mga tradisyon, kultura, paniniwala, at buhay ng kapwa ko Pilipino na nakatira sa Pilipinas.
1 note · View note
francemarcaida-blog · 6 years ago
Text
Welcome to Barangay Rosario!
Ang seguridad ay isa sa mga pangunahing pangangailangan ng mga tao ayon kay Abraham Maslow. Sa araw-araw nating pamumuhay lagi nating sinisiguro ang seguridad ng ating sarili at ng ating buong pamilya. Kaakibat ng seguridad na ating inaasam sa araw-araw ay ang kaligtasan. Kaligtasan sa labas at loob ng ating mga tahanan sa lahat ng oras. Ngunit gaano nga ba kaligtas at kahanda ang ating barangay sa mga sakuna na maaaring maganap anumang oras?
Ilang linggo pa lang ang nakakaraan ay nag-tungo ako sa aming barangay hall upang mag-sagawa ng panayam sa taong namumuno at nangangasiwa sa Barangay Disaster Risk Reduction o BDRR. Ngunit sa pag-bibigay ko ng liham na galing sa aking NSTP instructor, sinabi ni Gng. Julie, ang Kalihim ng aming barangay na balikan ko na lamang ang papel na ito dahil kakausapin niya muna ang taong namumuno para sa BDRRM. Hindi ako nakapag-pakuha ng litrato kasama si Gng. Julie dahil may mga bagay pa siyang inaayos.
Makalipas ang ilang araw ay bumalik ako sa aming barangay at nagkaroon ako ng pagkakataon na makita at makilala ang taong tumugon sa aking mga katanungan at ito ay si Ginoong Rosano “Sano” Rivera. Ayon sa kaniya mas kumportable siya na ibigay na lamang sa akin ang mismong papel na may sagot kaysa sa panayam. Pagkatapos nito ay nanghingi ako ng permiso na mag-karoon ng litrato sa kaniya kasama ang Ingat-yaman ng aming barangay na si Gng. Maria Nieves Mateo.
Ito ang mga nakuha kong sagot galing kay Ginoong Sano: Ang mga hindi inaasahang pangyayari na madalas na nararanasan sa aming barangay ay ang mga sumusunod: 1.) Sunog. Hindi maiiwasan na mag-karoon ng malaking sunog sapagkat dikit-dikit ang mga kabahayan na gawa lamang sa hindi katibayan na mga materyales at hindi rin nawawala ang ilegal na koneksyon ng kuryente o “jumper”. 2.)Baha. Ayon kay Ginoong Sano, kung pagbabasehan ang topograpiya ng Barangay Rosario, labing-walong porsyento (18%) nito ay below sea level at tatlong porsyento (3%) lamang ang above normal plane. Hindi ito maganda lalo na at malapit ang aming barangay sa Marikina River at ang ilan sa mga lugar, gayun na rin ang kinatitirikan ng aming bahay ay malapit sa Flood Way na nagsisilbing daanan ng tubig galing sa iba’t-ibang lugar papunta sa Laguna de Bay. 3.) Bagyo. Ito ay pang-huli dahil ito ay nararanasan sa buong bansa.
Isa sa mga panganib na kinakaharap ng aming barangay ay ang pagkakaroon ng Adobe na klase ng lupa. Kung magkakaroon ng lindol ay maaaring makaranas ng liquefaction, ground rupture at building collapse.
Ang kaalaman tungkol sa pag-dating ng sakuna ay naka depende pa rin sa kung ano ang sasabihin ng National Disaster Risk Reduction Management Council o NDRRMC at iba pang ahensya ng gobyerno. Ang mga kalamidad at sakunang ito ay madalas na nangyayari sa aming barangay.
Ang West Bank Road Flood Way, Rodriguez Compound at ROTC ay ilan lamang sa mga lugar na lubhang maaapektuhan kapag nag-karoon ng sunog. Ayon kay Ginoong Sano, ang mga bahay sa mga lugar na ito ay dikit- dikit at marami rin ang mayroong ilegal na koneksyon ng kuryente. Ngunit karamihan sa mga tao ay hindi siniseryoso ang epekto ng sunog sa kanilang pamilya maging sa kanilang mga kapit-bahay. Kapag naman nag-karoon ng bagyo at baha isa pa rin ang West Bank Road Flood Way sa mga lubhang maaapektuhan kasama na rin ang Dabba dahil ang mga lugar na ito ay mababa at hindi rin nila sineseryoso ang panganib na dala ng mga pangyayari na ito.
Lahat ng kalamidad na tatama sa bawat barangay hindi lamang sa amin ay tiyak na makakaapekto sa bawat mamamayan lalo na pisikal, pinansyal at pati na rin sa pakikitungo sa kanilang kapwa tao.
Sa bawat pag-tama ng mga kalamidad, kasunod nito ang pagbangon ng bawat taong nasalanta nito. Ngunit ano nga ba ang mga suliranin na  pumipigil sa pag-bangon ng pamayanan? Sa sagot na nakuha ko, unang-una rito ang paglalabas ng badyet mula sa lokal na pamahalaan. Kung nag-karoon ng “damage value” na hindi naman kasama sa pondo para sa kalamidad ng siyudad ay hindi basta-basta ang magiging madali ang paglalabas ng pondo.
Sa mga kalamidad na ating nararanasan  ay natututo tayo na mas maging handa upang hindi na magkaroon pa ng malaking pinsala sa ating pamayanan. Ayon sa mga sagot ni Ginoong Sano, ito ang mga programa o hakbang na isinasagawa hindi lamang sa aming barangay kundi pati rin sa buong siyudad ng Pasig.  
·         Engineering solutions and preventive measures
·         Disaster preparedness and awareness seminar
·         Earthquake and Fire drills
·         Skills enhancement seminars and trainings
·         EMS (ambulance) skills update
·         Recruitment of additional manpower
·         Inter Brigade and Organizational Bond
Ang aming baranagay ay gumagamit ng Sendai Framework  na naglalayon na pataasin ang kaalaman ng mga mamamayan sa kung ano man ang mga programa at patakaran na ipinapatupad tuwing may kalamidad kasama na rito ang pag-likas at ang tamang pagsasagawa nito upang matiyak at mapanatili ang kaayusan at maiwasan ang kaguluhan at mas lalong pag-lala ng epekto ng mga kalamidad.
Ang mga taong nangunguna sa pag-hahanda, pag-harap at pag-tugon sa mga kalamidad ay ang mga opisyal sa barangay (Kapitan ng Barangay, Kalihim ng Barangay at iba pa kasama na rin ang mga volunteer).
Sumasangayon ako sa mga naging tugon ni Ginoong Sano. Marami sa barangay namin ang may mga kabahayaan na gawa sa hindi katibayang materyales at dikit-dikti pa ang pagkakatayo nito kaya naman hindi maiiwasan na kapag nag-karoon ng sunog ay marami ang maaapektuhan dito, idagdag pa na mas mataas ang panganib  na kanilang kinakaharap kapag mayroong bagyo dahil nakatirik ang kanilang mga kabahayan kung hindi sa tabi ng ilog ay nasa mga mababang lugar. Naaalala ko noong Bagyong Ondoy, may mga kabahayan na natangay sa West Bank Road dahil na rin mataas ang tubig at malakas ang agos nito. Pinipilit ng Barangay Rosario at ng lokal na pamahalaan na tanggalin sila sa mga lugar na ito para na rin sa kanilang kaligtasan ngunit hindi nila alintana ang pag-sisikap na ito mga pamahalaan sa hindi ko maipaliwanag na dahilan. Lubos akong nalulungkot na mas iniisip nila na mas maayos kung mananatili sila roon dahil sa kabuhayan kaysa ang lumipat sa mas ligtas na lugar at doon mag-simula ulit ng panibagong buhay.
Masasabi kong isa sa mga issue na kinakaharap ng aming barangay ay ang kakulangan sa kooperasyon lalo na sa mga taong higit na nangangailangan nito. Marahil ay iniisip nila na kaya sila pinapaalis sa kanilang mga tahanan ay dahil sagabal sila sa mga plano ng pamahalaan ngunit ang katotohanan naman ay nais lang ng mga opisyal na masiguro ang kanilang kaligtasan kapag nagkaroon ng mga kalamidad. Sa tingin ko ay kailangan na ipaintindi sa mga  residente ang panganib na kanilang kinakaharap at kakaharapin kung sakaling patuloy pa din ang paninirahan nila sa lugar na ito.
Kaya hindi kataka-taka na ganito rin ang sitwasyon sa ating bansa. Hindi lubos na naiintindihan ng mga residente ang panganib na kanilang kinakaharap sa tuwing sinasabi sa kanila ito. Hindi lubos na sineseryoso ang mga babala ng mga lokal na opisyal maging ng ating gobyerno. Kung tama ang aking naaalala ganito rin ang pag-tuturing ng mga kababayan natin na lubhang naapektuhan ng bagyong Yolanda. Noong sinabing magkakaroon ng daluyong ang naging katwiran at pag-iisip ng mga tao roon ay normal na taas lamang ng daluyong ang kanilang mararanasan ngunit ang pag-iisip na ito ang naging dahilan ng pag-kawala ng maraming buhay.
Ang mga naging realisasyon ko habang binabasa ang mga sagot ni Ginoong Sano at habang nag-babalik tanaw din ako sa mga naranasan na kalamidad at sakuna ng aming barangay ay una, kahit ba nagiging matigas ang ulo ng iilan pag-dating sa pag-sunod sa mga opisyal ay may ilan pa rin na natututo at sumusunod  na sa tuwing may mga babala na sinasabi ang pamahalaan dahil naranasan nila ito at nalaman nila na seryoso at malaki ang epekto nito hindi lamang sa kanilang buhay pati na rin sa buhay ng kanilang buong pamilya. Napagtanto ko rin na ang pagsisikap ng pamahalaan ay mababalewala kung hindi tutulong ang mga nasasakupan nito. Maaaring maganda at maraming programa ang ipinapatupad ng bawat barangay upang maiwasan ang pagkakaroon ng mas matinding epekto ang bawat kalamidad ngunit kung hindi naman sapat ang kaalaman ng mga residente ukol dito ay lubos na mababalewa ang pagod at hirap sa pagsusulong ng mga ganitong programa.
Sa mga nag-daaang panahon ay unti-unting nababawasan ang laki ng epekto ng bawat kalamidad at sakuna na ating nararanasan. Ngunit hindi pa rin maiiwasan ang pagusbong ng mga suliranin ukol sa pag-tugon at pag-harap sa mga ito. Sa tingin ko ay mas lalo dapat na pag-tibayin ang pag-papatupad ng mga batas na mayroon tayo sa tamang pag-tatapon ng basura upang maiwasan ang malawakang pagbaha. Sa tingin ko rin ay dapat na mas dumalas ang pag-kakaroon ng mga seminar tungkol sa Risk Reduction Manangement mula sa mga bata, kabataan at sa mga magulang. Hindi sa lahat ng pag-kakataon ay magkakasama ang buong pamilya kaya mahalaga na kahit ang bata ay alam ang gagawin sa gitna ng sakuna at kalamidad. Kailangan na makasama sa bawat pag-hahanda ang bawat isa nang sa gayon ay maiiwasan natin ang mataas na bilang ng mga nasawi o napahamak. Sa tingin ko rin kung magkakaroon ng tulong pinansiyal mula sa iabng bansa ay mahigpit na i-monitor ito at siguraduhin na makakarating ito sa mga taong nangangailangan. 
Panghuli, bilang isang mag-aaral sa tingin ko ay makakatulong ako sa pamamagitan ng paghikayat una sa aking pamilya na maki-isa sa mga programang ipinapatupad ng aming barangay tungkol sa pag-iwas sa mga sakuna at kalamidad at kung paano magiging handa rito. Sa isang maliit na hakbang na ito ay maaaring makahikayat din kami ng iba pang mga kapitbahay na sumama at maki-bahagi sa bawat pag-hahanda sakaling tumama ang mga kalamidad. Kung lahat ng tao sa bawat barangay ay magkakaroon ng kusa sa pagiging bahagi ng pag-hahanda ay malaking tulong na ito upang makabawas na sa mga pinsala na kakaharapin ng aming barangay.
Tumblr media
Sa litratong ito ay kasama ko si Gng.Maria Nieves Mateo ang Ingat-Yaman ng aming barangay (kaliwa). Si Ginoong Rosano “Sano” Rivera, isa sa mga namumuno ng BDRRM sa aming barangay (kanan).
Sa akin namang pagsasagawa ng community walk aking kinuhanan ng litrato ang mga sumusunod. 1.) Ang delikadong lugar at hindi ligtas na gawain sa aming lugar. 2.) Ang ligtas na lugar at ang ligtas na gawain sa aming lugar. Panghuli ay ang maipagmamalaking gawain sa aming komunidad.
Tumblr media Tumblr media
Sa mga larawan na ito ay makikita ang mga sala-salabid na kawad ng kuryente. Kung mag-kakaroon ng aberya at mag-karoon ng short circuit ay maaaari itong pag-mulan ng sunog at maaaninag naman ang mga sitwayon ng bawat kabahayan na dikit-dikit na magiging dahilan ng mabilis na pag-kalat ng apoy. Isa pa ay marami rin ang nagja-jumper o may mga  ilegal na koneksyon ng kuryente.
Tumblr media
Sa larawang ito ay makikita naman ang isang basketball court na sa tingin ko ay ang pinaka-malapit na pinaka-ligtas na lugar sa aming komunidad. Para sa akin kung mag-kakaroon man ng sunog o lindol maaaring dito magkita kita ang mga pamilya bago magtungo sa evacuation center na nakalaan para sa aming barangay.Tinuruan ako ng aking magulang na ano’t-ano man ang mangyari at wala ako sa bahay o wala sila sa bahay ay dito kami magkikita-kita upang masiguro na lahat kami ay ligtas.  
Tumblr media
Sa larawan na ito ay makikita ang Flood Way. Ito ay isang artipisyal na daanan ng tubig. Kapag mayroong bagyo at tumataas na ang tubig sa Marikina River, binubuksan ang mga gate ng Flood Way upang maiwasan ang pag-taas ng tubig sa mga kalapit lugar nito. Mag-mula rito ay dadaloy ang tubig hanggang sa makarating ito sa Laguna de Bay. Isa ito sa mga dahilan kaya hindi kami nakakaranas ng pagbaha sa aming lugar. Kaya masasabi kong isa ito sa pinaka-maganda at epektibong gawain sa aming komunidad bukod sa nakakatulong ito hindi lamang sa pag-bawas ng banta ng pag-baha sa aming lugar at karatig lugar, nag-sisilbi din itong babala sa amin upang malaman kung kinakailangan na ba naming lumikas sa mas ligtas at mas mataas na lugar kung sakali.
1 note · View note
phgq · 4 years ago
Text
MPBL commish Duremdes airs side on Basilan Steel drama
#PHnews: MPBL commish Duremdes airs side on Basilan Steel drama
MANILA — Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) commissioner Kenneth Duremdes has finally broken his silence about the brewing drama between the league and the Basilan Steel which was handed a forfeiture loss in the South Division Finals rubber match against eventual national champions Davao Occidental Tigers.
In a statement on Tuesday, Duremdes said the MPBL has to be very strict about the Inter Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Disease’ guidelines set on the league's bubble in Subic considering a crucial clause that a positive coronavirus disease 2019 (Covid-19) test would merit the total cancellation of the bubble.
That is why he was disappointed Basilan has kept on calling him out for not allowing them to play.
"Itong pinag-uusapan natin ngayon, ano ba mas importante (Regarding this topic we are talking right now, which is more important)? You have to be considering the health risks and factors of each individual," Duremdes said.
He then bared that they were not keen on allowing the Steel to play in the first place after the release of the first RT-PCR test results showing two Basilan players positive for Covid-19.
"Actually, nung may dalawang nag-positive na sa kanila, pinapauwi na dapat sila (when two of them were tested positive, we asked them to return home),” Duremdes continued, adding that he made the plea since the entire delegation arrived in Olongapo through a single bus, making them close contacts.
"Sabi namin, 'Wala kami magagawa kasi Department of Health and Subic Bay Management Authority na nagsabi.' So nag-appeal sila (We told them, 'There is nothing we can do because the Department of Health and the Subic Bay Management Authority already said it.' So they appealed) for re-swabbing. After consulting with our medical team headed by Dr. Aris Cabigao, we agreed. So re-swabbing was seven days," he said.
Duremdes said he told Basilan coach Jerson Cabiltes and team manager Jax Chua the implications of the retesting and that they agreed to it with Cabigao and MPBL operations head Emmer Oreta as witnesses.
"They cannot deny that. Ako, itataya ko credibility ko diyan at yung lahat ng accomplishment ko sa basketball (I will stake my credibility and all my accomplishments in basketball for this)," the 1998 Philippine Basketball Association Most Valuable Player said.
Duremdes said they could have given the Steel another chance after the second test netted four more suspected Covid-19 cases, but said that he has footages of the players breaking quarantine protocols, which seemed like the last straw.
"We have CCTV video kaya hindi nila puwede sabihin na nag-quarantine sila sa isang room: 'Nag-isolate kami based on sa sinasabi ninyo' (so they cannot claim that they underwent quarantine and isolation in a single room). We have video. This is during the additional days of their quarantine. Alam ba ng team owner nila [Hegem Furigay] yan (Do their team owner know all about this)?" Duremdes said.
He said Basilan is not being singled out here and that they would do the same if someone from Davao Occidental, San Juan, or Makati would be tested positive for Covid-19 as well.
Financial rift?
Duremdes also addressed the financial issues hounding the Steel.
The team's participation in the MPBL bubble was in peril even before it started due to monetary constraints.
The commissioner hinted that there was some tension within the Basilan side when he said that Chua and Cabiltes told him and some other league officials that they and the players allegedly never received their salaries since the league postponed its season last March due to the pandemic.
Duremdes issued a memorandum that all the semifinalists must pay their players at least 20 percent of their supposed salaries during the lockdown, but he said that a few days before the start of the bubble on March 10—when the restrictions were slowly being eased—the Steel players had yet to get their wages, even only a one-month salary just for them to participate.
"The management was saying they will pay 50 percent bago pumasok (before entering) and the other 50 pag nakapasok na (once they enter). Ayaw pa rin pumasok ng players. Galit na galit sila. So sabi ko, 'Tulungan natin (The players still do not want to enter. They were mad. So I said, 'Let's help them).' I tried to call Matt and Hegem pero hindi pa rin namin makausap. Nung sumagot na yung Matt, he said na, 'What will we gain? One game lang naman lalaruin namin.' Sabi ko, 'Sige, kausapin ko na si Senator (Manny Pacquiao) (but we cannot reach them out. When Matt finally responded, he said, 'What will we gain? We'll only play one game.' I said, 'I will talk to Senator),'" Duremdes quipped.
He clarified that he did not threaten a franchise forfeiture on Basilan since the ruling is in the MPBL by-laws and that he had to ask the team to join because Pacquiao thinks the bubble will be ruined if they beg off.
"Next day, nag-respond na si Hegem at si Matt na papasok na raw sila sa bubble. Kasi sabi ko, 'Pag hindi niyo binigay yung hinihingi ng players, sasagutin ng MPBL yan para lang matuloy ito (Hegem and Matt responded that they will enter the bubble. I told them prior, 'If you don't give what the players want, the MPBL will shoulder it just for the bubble to push through).' To our surprise, the following day, nag-connect na si Hegem at Matt kay Jax at Jerson (Hegem and Matt reached out anew to Jax and Jerson)," Duremdes continued.
It was surprising in the sense that the four officials were said to be still in conflict regarding the salaries, which according to Duremdes factored on why the team did not immediately adhere to pre-departure Covid-19 protocols like self-quarantine and Covid-19 tests right before they leave, all the more that their participation was just confirmed on March 5.
"Dito kitang-kita na hindi sila sumusunod sa protocol. Paano pa kaya sa labas (It was shown here that they did not follow the protocol. How much more outside)?" he added.
Duremdes thanked Chooks-to-Go president Ronald Mascariñas for stepping in to help the Steel's finances.
"Ayaw nga niya ma-credit dito pero (He does not even want to be given credit, but) we had to thank him," said Duremdes.
But he turned his attention anew to Basilan after they "politely declined" Mascariñas' help.
"May mali ba sa pagtulong? Tinulungan natin sila (Is there something wrong in helping? We have been helping them) ever since," Duremdes continued.
Duremdes said they cannot heed Furigay's call for a full refund of his team's expenditures during the bubble, but the commissioner aid that they were ready to help them.
"Ang sabi sa akin ng ating legal [department], tulungan sila pero not in full. Si Basilan kasi, ang salaries kasi manggagaling kay Hegem at yung operational expenses galing sa Jumbo Plastic, as per Jax yan (The legal department told me to help them but not in full. According to Jax, Basilan's salaries would come from Hegem and the operational expenses would come from Jumbo Plastic)," Duremdes said.
He said the Steel's recent statements were "uncalled for."
"Meron tayong commissioner's office na lahat ng complaints niyo nung araw, nung nangangailangan kayo ng tulong ko, dinadala niyo dun at hindi sa social media (We have a commissioner's office where you could have sent your complaints before especially when you asked me for help then and not in social media),” said Duremdes. "Sa commissioner's office kayo nagpadala ng letter nung may problema kayo sa salaries ninyo. Yun yung tamang proseso (You should have sent a letter to the commissioner's office concerning your salary problems. That is the proper process.)”
A happy ending
On the other hand, despite the situation within Basilan and even Makati, whose own row led to a drastically undermanned lineup showing up in Olongapo, Duremdes is glad that the MPBL bubble ended without hitches.
He first said that no one was tested positive for Covid-19 among those who were allowed entry for the entirety of the event.
"I thank God dahil walang nag-positive sa loob ng (because no one was tested positive inside the) bubble,” said Duremdes. "That's the main reason why we are very strict in implementing the DOH guideline. Based on the guideline, if one person tests positive inside the bubble, they will cancel the event. So, nagpapasalamat tayo kasi health concerns na ito (we are thanking everyone because this is all about health concerns)."
He thanked the Tigers and the Knights for providing the MPBL fans a championship series to remember.
"Nagpapasalamat din ako na binigyan tayo ng magandang series ng Davao Occidental at San Juan (I am also thankful that Davao Occidental and San Juan gave us a beautiful series),” said Duremdes. "I'm happy overall and hopefully na inspire natin ang mga front-liners at fans natin (we inspired the front-liners and our fans).”
The Tigers dethroned the Knights as MPBL champs after winning the best-of-five finals in four games. (PNA)
***
References:
* Philippine News Agency. "MPBL commish Duremdes airs side on Basilan Steel drama." Philippine News Agency. https://www.pna.gov.ph/articles/1134596 (accessed March 24, 2021 at 02:08AM UTC+14).
* Philippine News Agency. "MPBL commish Duremdes airs side on Basilan Steel drama." Archive Today. https://archive.ph/?run=1&url=https://www.pna.gov.ph/articles/1134596 (archived).
0 notes
Photo
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
"Apocalypse Now" was filmed in the Philippine city of Baler Bay, Baler, Aurora beach, Philippines "(Helicopter attack on village), Pagsanjan River, Pagsanjan, Laguna, Philippines (Magdapio River - Do Long Bridge) , (Do Long Bridge - Kurtz 'Compound) "Iba, Zambales, Philippines" (medevac) on the island of Luzon, in the Philippines, giving life to the surfing culture of the country. "Charlie does not surf"                                                                                                                       ..The US military refused to provide assistance to Coppola, the withdrawal from Saigon the loss of Vietnam was too fresh. Base of Clark Air is a Philippine Air Force base on the island of Luzon in the Philippines, located 3 miles west of Angeles (The Hueys were an important part of the Philippine Air Force.) Several times during filming, the helicopters had to fly off and fight the "Filipino rebels" (MILF predecessors who were active in the area at the time. Filipinos.) The "Montagnards" and a local tribe of natives that Coppola found in the area                                                                                                                                                                                                                                                                   "Apocalypse Now" ay pagbaril sa lungsod ng Baler Bay, Baler, Aurora beach, Pilipinas "(Helicopter atake sa village), (beach na may mga sundalo surfing) Pagsanjan River, Pagsanjan, Laguna, Pilipinas Philippine (Magdapio River - Do Long Bridge) . (Do Long Bridge - Kurtz 'compound) "Iba, Zambales, Pilipinas" (MEDEVAC) sa isla ng Luzon sa Pilipinas .. nagbibigay sa pagtaas sa ang kultura ng bansa surfing "Charlie ay hindi pag-surf"                                                                                                                       ..the US military tumangging magbigay ng tulong sa Coppola, pag-urong mula Vietnam Saigon pagkawala ay masyadong sariwa sa. Clark Air Base ay isang air force base Philippine isla ng Luzon sa Pilipinas, matatagpuan 4.8 km sa kanluran ng Angeles (Ang Hueys ay isang mahalagang bahagi ng hangin. Philippine pwersa Maraming beses sa panahon film, helicopters ay nagkaroon upang lumipad off at labanan sa mga "rebeldeng filipini" (MILF predecessors? Ano ang aktibo sa lugar sa panahon. Ang lahat ng mga driver ay Pilipino.) ang "Montagnard" at ang isang lokal na tribo ng Indians na Coppola natagpuan sa kapaligiran   "                                                                                                                                                                                                                                                                      Apocalypse Now " è stata girata nella città filippina di Baler Bay, Baler, Aurora spiaggia , Philippines"(Helicopter attack on village),(beach with soldiers surfing)  Pagsanjan River, Pagsanjan, Laguna, Philippines (Magdapio River - Do Long Bridge) ,(Do Long Bridge - Kurtz' Compound)"Iba, Zambales, Philippines"(medevac)sull'isola di Luzon, nelle Philippines . . dando vita alla cultura del surf del paese. "Charlie non surfare"                                                                                                                                                                                                ..Le forze armate statunitensi si rifiutarono di fornire assistenza a Coppola,la ritirata  da Saigon  la perdita  del Vietnam era troppo fresca la. Base di Clark Air   è una base delle forze aeree filippine sull'isola di Luzon nelle Filippine , situata a 4,8 km ad ovest di Angeles                             (gli Hueys erano una parte importante delle forze aeree filippine. Diverse volte durante le riprese, gli elicotteri hanno dovuto volare via e combattere i "ribelli filipini " (predecessori del MILF?  Che erano attivi nell'area in quel momento. Tutti i piloti erano filippini.)I "Montagnard" e la una tribù locale di indigeni che Coppola trovò nella zona    
2 notes · View notes
kuwentoniluna · 4 years ago
Text
Tumblr media
Kahapon, nagbiyahe ulit ako.
Quezon City-Marikina nman ang naging ruta ko.
Tatlo ang hindi ko makalimutan sa biyahe ko kahapon.
Una, yung customer ko na mali ang pinpoint sa kanyang address pero nakakatuwa naman dahil inamin naman niya na kasalanan niya at humingi siya ng patawad at binigyan pa ako pagkain.
Pangalawa, yung isa ko naman customer na nagbigay ng P100 na tip, naawa yata sa aking itsura, paano naman kasi, ang lakas ng ulan sa katipunan, tapos pagkadating ko sa commonwealth, tirik ang araw. Nagulat yata siya bakit naka-rain coat pa ako, maaraw naman😅
Pangatlo, si kuya na taga-angkas na tumulong sa akin. May karga kasi ako na malaki at ramdam ko na malalaglag na siya. Kaya sa emergency bay sa Edsa Roosevelt, huminto ako para ayusin ang karga ko. Kaso wala akong tali na dagdag suporta. Tape lang meron ako😅
Mabuti na lang may nakaparada si Kuya doon. Kahit nakikita ko sa aura niya na down siya. Tinanong ko pa rin kung may extrang tali siya. Agad naman niya ako binigyan at tinulungan pa ako magtali.
After namin matali ng maayos, nagpasalamat ako at tinanong ko kung pauwi na siya. Pero hindi pa daw, sinusubukan pa niya makakuha ng biyahe. Sobrang tumal daw ng biyahe nila ngayon.
Humanga lang ako kay Kuya na kahit problemado din siya, nagawa pa rin niyang makapagbigay tulong sa iba.
Kung lahat sana ng tao, handa laging tumulong👍
0 notes
egeeofficial · 7 years ago
Text
August 8, 2017
Second day pa lamang ng pasukan pero ramdam na ramdam ko na ang kaba, pagod lalong lalo na ang pressure sa pag aaral. Last 2 Semesters na lang at sana matupad ko ang pangako ko kina Mama at Papa na Cum Laude ako. Hopefully sa tulong ni God, kayang kaya ko yun. Kung napapagod, pwedeng magpahinga pero bawal sumuko.
Sorry, late ako ngayon dahil napuyat ako sa pag e edit at pag co-compile ng mga pictures ng mga mahahalagang tao sa buhay ni Sir. Nakatulog ako ng umaga na dahil hinintay ko na mag upload yung video then nagising ako by 7 am which is dapat nakasakay na ako ng jeep that time kasi 8:30 am ang schedule ng klase ko ngayon. Pero ayun na nga, sa sobrang antok ko, tinatamad akong kumilos. So the bottom line is 10 minutes lang ako naligo, hot bath dahil puyat ako. Then after that. di na ako nakapaglagay ng cream ko sa mukha, naglagay lang ako ng sunblock kasi pinaka importante yun sa lahat. Then, di na ako nakapag breakfast kaya gutom na gutom ako habang nasa klase. Nakadating ako ng 9 am sa school. Buti na lang at nakapag attendance ako. Haha. 
Then after that, dumiretso ako ng CSC Office para sa preparations ng Election ng next batch of CSC Officers. Habang nandun ako, nandun din yung ibang officers. Di kami nag iimikan ng Sir Angel dahil meron kaming konting tampuhan. The worst part is tinawag niya akong “Walang Kwenta”. I will never forget that word. Pero it’s okay, besides tanggap ko na naman na kahit kailan di ako naging valuable kay Sir. Sanay na ako dun. Wala akong choice kundi tanggapin na lang.
Then, bumaba ako sa ground floor kasi nandun si Venessa, at sabay kaming mag la lunch kasi parehas din naman kaming magpapa concult kay Sir Romer for our thesis. Nung pababa na ako ng hagdan, nakasabay ko siya. Hindi ko alam kung nakita niya ako. Hindi ko alam kung nakatingin din siya sa mga mata ko. Pinagmasdan ko lang siya palayo sa kinatatayuan ko. Ganun pa din siya. Ganun pa din ang nararamdaman ko sa kanya, mahal ko pa din siya. 
So ayun back to the birthday celebration, nagkaroon ng konting celebration sa Office, ako ang nautusan na bumili ng pancit at soft drinks. Kumain lang ako then dumating sina Ate Loren at Aaros, the Mr. Bay City Mall 2017. HAHA Pinapayuhan niya ako at binibigyan niya ako ng advice at tips if ever na gusto kong sumali sa pageant. Haha. After that, umuwi na din kami kasi gabi na. At madami pa akong gagawing assignments. Besides kailangan ko ding matulog ng maaga dahil pagod na pagod at antok na antok ako. 
P.S. Medyo okay na kami ni Apo Ian. Thank you Lord. Sana magtuloy tuloy na po. Thank you. 
1 note · View note
globaldominion · 6 years ago
Photo
Tumblr media
Business Tycoons Ramon Ang at Lucio Tan tutulong sa mga River Rehabilitations
Simula sa rehabilitation ng Boracay, na sinundan ng sa Manila Bay, ngayon naman ay nakatuon ang marami sa paglilinis ng mga ilog, gaya ng Tullahan River, na itinuturing na isa sa pinakamaruming ilog sa bansa sa kasalukuyan.
Ayon kay Environment Sec. Roy Cimatu, gustong pangunahan ni Ramon Ang, ng San Miguel Corporation, ang rehabilitation ng Tullahan river na nag-uugnay sa Quezon City at Camanava area. As proof, nakatakdang mag-sign ang DENR at ang grupo ni Ang sa isang Memorandum Of Understanding kaugnay sa nasabing plano.
“Nagpahatid rin ng abiso ang grupo ni Lucio Tan na nakahanda ring tumulong sa rehabilitation ng ilang major rivers sa Metro Manila” ani Cimatu. Si Tan ang negosyante sa likod ng Philippine Airlines. Dinagdag din ni Cimatu na DENR ang pipili sa kung anong ilog ang pagtutuunan ng pansin ng grupo ni Tan.
Ang kalinisan ng mga bahaging tubig ng bansa ay maaaring makatulong sa atin mismong ekonomiya sa hinaharap. Kung sakaling tunay at tuloy-tuloy na nga ang mga pagbabagong ito, tiyak na maraming Pilipino ang makikinabang, at siguradong dadami pa ang negosyo sa mga nakapaligid na lokasyon sa mga naturang bahaging tubig, katulad na lamang ng sa Boracay.
Anu-anong negosyo kaya ang uusbong sa may Manila Bay at Tullahan River?
Source: https://radyo.inquirer.net
Kung nais magsimula ng negosyo, i-check muna ang iyong pondo. Kung kailangan ng tulong pinansyal, mag-apply na sa Global Dominion Financing Inc.
0 notes
thongtin360221973 · 4 years ago
Link
Trấn Thành "điêu đứng" trước sự lợi hại của Kay Trần | Ơn Giời Cậu Đây Rồi mùa 7 Trời ơi Kay Trần xuất sắc quá :)) Đến bây giờ Ad vẫn không biết câu trả lời của Kay Trần là "chị ong nâu nâu nâu nâu, chị bay đi đâu đi đâu?" luôn ấy 🤣🤣 Có link full trên Youtube ròi nhan cả nhà yêu <3 ------------------------------------------------------------------ 🔸 Cám ơn nhãn hàng sơn Dulux đã đồng hành với chương trình. 🔶 Đón xem Ơn Giời Cậu Đây Rồi mùa 7 sẽ phát sóng vào lúc 𝟮𝟭𝗴𝟭𝟱 Chủ Nhật hàng tuần trên kênh #VTV3 nhé! 🔶Xem thêm tập full của các chương trình Ơn Giời Cậu Đây Rồi trên kênh YouTube "ĐÔNG TÂY PROMOTION OFFICIAL" nhé! © Nội dung được khai thác và bảo vệ bản quyền bởi Vie Network #Dulux #OnGioiCauDayRoi #DongTayPromotion #XuanBac #TuLong #TruongGiang #TranThanh #LamVyDa #MacVanKhoa #news
0 notes
tin3602861993 · 4 years ago
Link
Trấn Thành "điêu đứng" trước sự lợi hại của Kay Trần | Ơn Giời Cậu Đây Rồi mùa 7 Trời ơi Kay Trần xuất sắc quá :)) Đến bây giờ Ad vẫn không biết câu trả lời của Kay Trần là "chị ong nâu nâu nâu nâu, chị bay đi đâu đi đâu?" luôn ấy 🤣🤣 Có link full trên Youtube ròi nhan cả nhà yêu <3 ------------------------------------------------------------------ 🔸 Cám ơn nhãn hàng sơn Dulux đã đồng hành với chương trình. 🔶 Đón xem Ơn Giời Cậu Đây Rồi mùa 7 sẽ phát sóng vào lúc 𝟮𝟭𝗴𝟭𝟱 Chủ Nhật hàng tuần trên kênh #VTV3 nhé! 🔶Xem thêm tập full của các chương trình Ơn Giời Cậu Đây Rồi trên kênh YouTube "ĐÔNG TÂY PROMOTION OFFICIAL" nhé! © Nội dung được khai thác và bảo vệ bản quyền bởi Vie Network #Dulux #OnGioiCauDayRoi #DongTayPromotion #XuanBac #TuLong #TruongGiang #TranThanh #LamVyDa #MacVanKhoa #news
0 notes
itsmeathan · 5 years ago
Link
BAY, Laguna, Marso 20 (PIA) - Pansamantalang ipinagpapaliban ng mga water district sa lalawigan ng Laguna ang pagpuputol ng koneksyon ng tubig.   Ang Laguna Water District Aquatech Resources Corporation (LARC), Calamba Water District (CWD), Alaminos (Laguna) Water District (ALWD) at San Pablo City Water District (SPCWD) ang ilan sa mga nag-anunsyo ng pagsuspinde ng paniningil at pagpuputol ng linya ng tubig bilang tulong sa mga mamamayang apektado ng Enhanced Community Quarantine dulot ng banta ng Coronavirus Disease o COVID-19.   “Batid ng LARC ang kahalagahan ng suplay ng tubig para sa kalinisan at pag-iwas sa sakit. Gayundin,ramdam naming ang hirap sa pag-intindi ng ating kalusugan at ng mga bayarin sa panahong ito dulot ng COVID-19 at ng enhance community quarantine,” pahayag ng LARC sa Official Facebook Page nito.   Pansamantala aniyang pinagpapaliban ng LARC ang disconnection ng mga overdue accounts simula Marso 17 hanggang Abril 15, 2020 upang masiguro na ang mga customer nila ay siguradong may magagamit na tubig para mapanatili ang kalusugan at sanitasyon.   Dagdag pa nito, ang mga bayarin sa tubig para sa Marso 2020 ay maaaring bayaran hanggang Abril 15, 2020 na walang pataw na penalty.   Hinihikayat naman ang mga nais magbayad na gawin ito sa pamamagitan ng mobile fund transfer sa GCash o online banking sa LandBank upang makaiwas sa mahabang linya ng mga tao.   Patuloy umano ang normal na operasyon ng LARC upang makapaghatid ng suplay ng tubig sa mga tahanang sakop nito.   Wala ring ipapataw na penalty sa mga hindi makakabayad ng water bill sa itinakdang araw o due date at sinuspinde ang pagdiskonekta ng tubig sa nasasakupan ng Alaminos (Laguna) Water District na ipapatupad mula Marso 19 hanggang Abril 14.   Bukas pa rin aniya ang kanilang tanggapan tuwing Lunes hanggang Biyernes mula 8:00 hanggang 5:00 ng hapon. Ang mga magbabayad at mga hindi makakatanggap ng bill ay maaaring pumunta sa opisina o tumawag sa ALWD tel. bilang (049) 567-1432.   Pinapayuhan ang lahat nang sasadya sa opisina na magsuot ng mask at panatilihin ang 1-meter social distancing sa loob ng tanggapan.   Ang San Pablo City Water District ay nagpabatid rin na maaaring di muna bayaran ang water bill nang mga mayroong due date ng Abril 13, 2020 o mas maaga pa nang walang ipapataw na penalty charge at wala ring puputulan ng koneksiyon.   “Wala rin pong transaksiyon na mangyayari sa main office ng SPCWD  sa Maharlika Highway simula Marso 18, 2020 hanggang sa petsang iaanunsyo sa susunod na pabatid,” nakasaad sa kanilang Official Facebook Page.   Nag-anunsyo rin ang Calamba Water District ng temporary suspension sa pagputol ng linya ng tubig sa kanilang nasasakupan.   Lahat nang ito ay paraan ng mga water district upang matulungan na siguruhin na matugunan ang pangangailangan sa suplay ng tubig ng mga mamamayan sa panahon ng krisis dahil sa virus. (Joy Gabrido)
source https://pia.gov.ph/news/articles/1036691
0 notes
phgq · 4 years ago
Text
1 dead, 76 hospitalized due to ammonia leak in Navotas
#PHnews: 1 dead, 76 hospitalized due to ammonia leak in Navotas
MANILA – A person died while 76 others were hospitalized due to an ammonia leak at a cold storage facility in Navotas City, the Department of Health (DOH) reported Wednesday.
The chemical spill occurred at the T.P. Marcelo Ice Plant and Cold Storage on R-10 North Bay Boulevard South, prompting the evacuation of residents in the area.
DOH Health Emergency Management Bureau director Gloria Balboa said 53 individuals experienced vomiting, drowsiness, and difficulty of breathing and were brought to Navotas City Hospital, while 23 others were sent to Tondo Medical Center.
The casualty was identified as Mr. Gilbert Tiangco, 44, a security guard at the ice plant who was earlier brought to Navotas City Hospital.
"All residents near the area were evacuated to a certain evacuation center in Navotas. Emergency ambulances are on standby. BFP (Bureau of Fire Protection) contained the ammonia leak," she said.
Residents are currently barred from returning to their homes following a closure order on the area.
The Bureau of Fire Protection (BFP), meanwhile, continues to secure the facility, but has yet to identify the cause of the leak.
"We're still waiting for the progress report (of those on the ground) on this incident," BFP-National Capital Region spokesperson, Fire Senior Insp. Anna Rizza Bancolita-Celoso told the Philippine News Agency.
"Kapag ganito papatayin muna nila 'yong source ng ammonia dahil may distribution 'yan sa buong planta, so kailangan nilang i-turn off 'yong valves at kung saan pa mayroong hazard para matanggal 'yong spill (In cases like this, they must first turn off the source of the ammonia because there's a distribution system in the entire facility, so they need to turn off the valves and search for hazards)," she said.
She said this is the second time that ammonia leaked in Navotas.
In a DZMM interview, Mayor Toby Tiangco said he received report of the incident around 4:19 p.m., and a response team from BFP was immediately deployed.
As of 7:12 p.m., the smell of ammonia has subsided, however, it will still take two to three hours to completely eradicate the odor in the facility, the official said. The valve that caused the leak has also been turned off.
"Nagpahanda na rin po tayo ng food packs sa ating CSWDO (City Social Welfare and Development Office) para sa mga apektadong residente. Nananatili rin po ang ating first aid station sa area para sa mga nangangailangan ng dagliang tulong medikal (We've readied our food packs for the affected residents. A first aid station in the area is also on standby for those would need any medical assistance)," he said. (PNA)
***
References:
* Philippine News Agency. "1 dead, 76 hospitalized due to ammonia leak in Navotas." Philippine News Agency. https://www.pna.gov.ph/articles/1129557 (accessed February 04, 2021 at 05:06AM UTC+14).
* Philippine News Agency. "1 dead, 76 hospitalized due to ammonia leak in Navotas." Archive Today. https://archive.ph/?run=1&url=https://www.pna.gov.ph/articles/1129557 (archived).
0 notes
osanecif · 7 years ago
Text
Mga tinderong apektado ng red tide sa Palawan, humihingi ng ayuda sa gobyerno
Humihingi ng tulong sa lokal na pamahalaan ang mga tinderong apektado ng red tide sa Honda Bay sa Palawan.
Mga tinderong apektado ng red tide sa Palawan, humihingi ng ayuda sa gobyerno
0 notes
maligayangnilalang · 8 years ago
Text
ADORABLE | JONALD’S BABIES | MGA ASHTADING PASHNEA
Tumblr media
Hindi ko talaga alam kung paano ko ito sisimulan. Marso 19, 2017, 10:26 PM.  Ay, hindi pa rin pala ako nakakapagsimula. 11:56 PM na. Masimulan na nga.
 Siguro marami na sa inyo ang nakakakilala sa akin bago pa man tayo magkita-kita noong June 13, 2016. Yung iba kilala ako kasi kasama sila sa Team Aurochs/Orange team noong sportsfest 2015. Yung mga Sociable noon na binantayan ko noong Periodical nila. Isama mo pa ang Reliable noon na kung saan naging teacher ninyo ako sa AP for one day nang magkaroon ng Rigodon sa schedule ng teachers. Pero sa kalagitnaan ng “klase” natin ay bigla akong ipinatawag dahil may changes daw.
Bagong school year, bagong bata, bagong pakikisama. Paano nga ba tayo nagsimula? Paano nagsimula, nabuo, at naging JONALD’S BABIES ang mga Ashtadi na tulad ninyo? Tulad nga ng sinabi ko kanina, June 13, 2016. First day of class. Tanda ko pa, ang babait ninyo non. Tahimik (kahit papaano), akala mo talaga mga tunay na estudyante, yung tipong nag-aaral nang mabuti. J Noong una ay maayos pa kayo, I mean normal. Pero habang tumatagal, lumalabas ang tunay ninyong kulay. Ang kulay na aking minahal at pinahalagahan noong una pa lang.
Dumaan ang mga araw, mga araw ng practice sa Jingle, kung saan unang beses tayo na nanalo. Kahit na alam ng lahat sa inyo yung mga nangyari bago dumating ang araw na iyon. Nagalit ako, nag-leave ako sa GC natin, iniyakan ko kayo. Pero dahil nga inilagay natin si God sa sentro ng ating ensayo at dahil na rin sa taglay ninyong kahusayan, nanalo tayo. Sinundan pa ito ng Sabayang Pagbigkas, na muli same reasons, kaya tayo nanalo. Ipagpalagay ninyo na ang nagdaang school year ay isang notebook na inyong pagmamay-ari. Notebook na minsan nawawala, sinusulatan kapag nais at notebook na naging bahagi ng inyong buhay. Kung iniisip ninyo na never ko kayong minahal, nagkakamali kayo. Walang gurong tagapayo ang hindi magmamahal nang labis sa kanyang mga anak.
Carl, isa ka sa mga tao na kilala ko na, bago ko pa kayo maging advisory. Team Aurochs eh. Nais ko lang talagang magpasalamat dahil sa mga naitulong mo sa akin at sa mga kaklase mo noong mga panahon na kontisera pa tayo. Hahaha. Salamat sa pag-e’ensayo sa kanila kahit alam mong naiinis ako sa inyo. Salamat sa pagbabahagi ng talent mo na naging isa sa pundasyon ng pagkapanalo natin. Actually, kahit na galit ako sa inyo noong araw ng mga practice, kampante ako na makabubuo kayo kasi nariyan ka. Yung mga ideas mo na kahit ako ay di ko naisip, ay lubhang kahanga-hanga. Nawa’y kahit ito ay magamit mo pa sa tama. At naniniwala akong you’ll go far sa kung anuman ang tatahakin mo.
Ang babaeng walang emosyon, tulonggis, walang ekpresyon. Hahaha. Rika Ganda. Ang ganda mo. Naiinis ako sa’yo. Chos! De, walang halong biro. Feeling ko kung saan ka man lilipat na school, iwasan mo na ang pagiging late mo. Maraming oras ang nasasayang. Chos! Salamat sa mga pagkakataon na naririnig ako ang walang emosyon mong boses, I mean kung meron man ay hindi masyadong expressive, yung tipong “Kasi, ano ba yan? Hay nako?” yung para sa’yo ay punong-puno na ng energy, pero wala pa talaga sa kalingkingan ng energy ng lahat with matching irap na yan, sabay ngiti. Nakakatawa lang pakinggan. Isama mo pa yung “Bye Siiir!” mo na bihira ka lang nakatingin sa akin. Madalas kasi habang nagba-bye ka eh naglalakad ka na palabas. Pero realtalk, salamat sa pagpapaunlak mo na sumali ka sa Miss YASC, di man ikaw ang Crown, ikaw pa rin naman ang Miss YASC ng Adorable. Iwasan na ang pagkakaroon ng energy gap. Hahaha
Para sa isang lalaki na unang nagpa-asa sa akin. Hahaha. Letse ka! Chos. Kay Chua na puro pagbabasketball lang ang inatupag. Yung tipong dumating sa punto na pinanggigilan ko na kasi sa kanya ay “Study is life, but Ball is Lifer.” Aminado ako na naiirita talaga ako sa’yo noong una. Kasi tamad ka. Kasi kampante ka. Alam mo naman na muntik na kitang ibagsak noong second qtr. Pero kinausap kita, at nalaman ko ang mga rason. Simula noon ay nagbago na ang tingin ko sa’yo. Alam mo ito lang ha, walang taong walang utak. Tamad marami. At naniniwala ako na hindi ka na mapapabilang sa kanila. Sana gamitin ang pagbabasketball na dahlilan para makapag-aral ka ng mabuti. Hindi yung dahil sa basketball ay di ka na mag-aaral. Pag sikat ka na, kapag nasa PBA ka na, sana mabati mo ako sa TV. Hahaha.
Hi Bai! Hahaha. Keep on smiling ha? Sana wag mong alisin sa hobby mo ang pagtawa at pag-iingay, pero ilagay mo sa tamang lugar. Kasi minsan, nakakaloka na eh. Anyways, salamat dahil kapag nais kong tumawa, tignan lang kita, matatawa na ako. Salamat dahil kahit papaano ay napapakiusapan kita. Hmmm, wag mo na asamin na maging basurera, oo, marangal naman iyon, pero naman kasi, kaya mo naman na maging accountant. Yakang-yaka mo yan. Sorry pala kasi wala akong regalo noong birthday mo. Nakalimutan ko kasi. Actually ngayon ko na lang ulit naalala. Hahaha. Stay outgoing at vulnerable as you are. Ako na lang siguro ang magpo-produce ng movie na How to Train Your Dragon o self titled movie mo na “TOOTHLESS”
Para kay Leigh na minsan matured mag-isip, na minsan ay close minded. Hahaha. Alam mo bang minsan ay may natututuhan ako sa mga minsan “baluktod” mong pananaw? Kasi I’m seeing the other side of some things that I can’t ever imagine. Salamat sa pagbabahagi mo ng iyong kakayahan at talent sa klase. Alam kong isa ka rin sa mga naging pundasyon ng ating klase sa tuwing may contest, may event, celebration. Salamat pala sa pagtitiyaga mong paghintay sa akin noong teachers day na kung saan ay may surprise kayo at pagiging kooperatibo sa Gawain. Hahahaha. Leigh, gwapo ka naman eh. Pero sobrang bait mong tao. Chos. De, hayaan mo, naniniwala akong malayo ang mararating mo (hello? Ang haba kaya ng biyas mo!) at sa iyong paroroonan ay makikita mo na siya.
Si Ateng na maganda, maputi, at naging karibal ko sa isang lalaki. CHOS! Hahahaha. Isa sa pinakamahinhin na taong nakilala ko. Alam mo, sayang at di ka pumunta noong Christmas Party. Ang saya pa naman non. Hahaha. Salamat pala sa mga naging tulong mo para sa section natin. Salamat din noong gumawa ka ng cones para sa parol natin. Hahaha. Alam ko naming mas loyal ka kay Sir Oli mo, pero gayunpaman, mag-aral nang mabuti ha? Yung tipong walang line of 8 sa first qtr, dapat puro line of 9 para may surebol na may honors ka na sa Grade 11.
Para sa taong unang nakapagpa highblood sa akin at paluha dahil sa sobrang galit. Hahaha. Si Escalona na di ko pa rin talaga makuha ang ugali. Oo tahimik ka, gumagawa ka minsan, pero kapag inatake ng ewan, ayun na, kakanta na lang bigla, parang ewan. Pero alam ko naming mabuti kang tao kahit papaano, basta dapat palaging sundin ang Mama mo. Iwasan na ang pagcocomputer nang sobra, mukha ka talagang zombie kapag pumapasok ka eh. Tsaka matutong mag-ayos sa sarili ha? Mag-aral nang mabuti dapat maging proud sayo ang Mama mo. I mean, lalong maging proud!
Si Ateng na nagmana sa akin sa kagandahan ng boses. Sa inyong lahat, ikaw ang una kong nakapalagayan kasi siyempre naman, nasa harap kita noong first quarter eh. Alam ko naman na masaya ka ngayon, kahit na gogora ka na Hong Kong, manatili pa ring maligaya. Kung nais mo pang maging magaling sa pagkanta, sabihan mo lang ako. Kasi you know, wala ka pa sa kalingkingan ko. Haaha. Pang Glee Club ka lang, pang Broadway ako! Hahaha
Si Marvin, wala naman akong sasabihin sa kanya so next na tayo. Chos! Alam mo, Marvin, walang mawawala kung ikaw ay magpapakatotoo. Tanggap ka namin kung ano ka. Hahaha. Para sa taong palagi kong inaaway, para sa taong mas maarte pa sa akin. Maraming salamat sa lahat ng pagtitiyaga sa pang-aalipusta ko, sa mga pagsunod mo sa mga pakiusap ko. At sa pagiging GC mo na rin. Hahaha. At least kahit papaano ay may GC sa klase. Umamin ka na, tanggap ka naming. Chos! Manatiling GC, pero huwag maging mayabang. Paumanhin na rin sa mga nagawa ko. Isa kang malaking tulong sa klase! Kahit inaaway kita, tandaan mo, inaaway kita kasi naiinis ako. Chos, inaaway kita kasi malapit ako sa’yo. Sissums!
Ang dancer ng klase, isa mga maasahan kapag kinakailangan. Coleen, salamat sa mga pagkatataon na may naiimbag ka para sa klase. Salamat sa pagbabahagi ng iyong talent. Salamat sa walang palyang pagtawag sa akin na Nanay. Hahaha. Ang taray mo ne, ikaw lang yata ang walang absent sa mga Ashtadi rito. Hahaha. Hayaan mo na yung mga pang-aasar nila. Hahaha. At least ikaw, may talent. Stay perfect, attendance! HAHAHA
Para sa pinakamachong lalaki ko. Hi Ryan! Macho ka pa rin kahit medyo mataba ka na. Hahaha. Alam mo kahit mukha kang “siraulo”, isa ka sa mga lalaki rito na masasabi kong TUNAY NA LALAKI. Salamat doon sa iyong pagbati sa akin noong teachers’ day. Haha. Yung sa stage. Haha. Basta. Alam mo Ryan, kahit ganyan ka, bilib ako sa’yo. Kasi hindi ka nagpaimpluwensiya masyado sa mga kaibigan mo. I mean, hindi ka ganoon na para lang maging kaibigan nila ay tutulad ka sa  kanila nang husto. Hahaha. Ball is life ka rin, pero alam ko na kaya mong balansehin ang lahat. Humahanga ako sa’yo. Haha. Dapat next SY, may abs ka na ulit. Hahahaha. Stay macho and gwapo Ryan.
Hi George! Hahaha. Ang babaeng, maliit ang boses. Pero may malaking utak. George, labis akong naiintriga sa iyong pagkatao. Pinipilit ko na magkaroon ka ng social life tulad ng nais ng iyong Mama, pero hindi ko magawa. Salamat sa pagsagot sa tanong kong “George, maganda ba ako?” Haha. Nag-iba ang tingin ko sa’yo. Ang sama mo pala. Chos. Akala ko kasi noon, sobrang tahimik ka lang, yung tipong panis na ang laway kapag pauwi na. Haha. Sa kabila ng iyong pagiging mailap, nakilala ko ang isang GC na babae. Kapag grade 11 ka na, subukan at hamunin mo ang iyong sarili na makipag-usap sa lahat. Pagbati sa’yo, High Honors!
Hoy Mondrei! Oh, di ba, hindi ka nahuli. HAHA. Pasenysa ka na kung minsan ay nakakaligtaan kita. Hahaha. Mondrei, magsipag na sa pag-aaral ha? Pumasok ka hindi para umupo at makipagkwentuhan, pumasok para makinig at matuto. Masipag ka naman kahit papaano, pero kasi ano eh. Haha. Chos, de, salamat Mondrei dahil kahit na inaaway ka nila eh mabait ka pa rin. Pero tanong ko lang, bakit munggo ang tawag nila sayo? Hahaha.
Yung babaeng, kadaldalan at kakuwentuhan ko tuwing spare time. Salamat sa pagbabahagi ng mga kuwentong kagagahan Precious. Yung KFC natin hindi na natuloy. Hayaan na yon. Haha. Iwasan na ang pagpunta sa SM. Salamat sa lahat.
Hi Lopez! Ayan, isa ka pa! Isa ka pa sa mga lalaking nagpaasa sa akin. Salamat ha? Haha. Hi lopez, salamat sa mga corny mong jokes na walang kwenta minsan. Haha. And salamat pala sa mga pagkakataon na kinukuha ko ang phone mula sa mga kumumpis nito. Alam mo, kahit na ganyan ka, bahagi ka ng Adorable. Wala naman kaming magagawa. Haha. Pag-ibayuhin pa ang talento sa pagsulat. J
Si Ingat-yaman, na hindi iningatan ang kayamanan. Hahaha. Chos! Hi Cyrille, salamat sa pagiging mabait na bata. Haha. Mag-aral ka pa nang mabuti. Mas maging GC pa ha? Para matalo mo si Marvin. Maraming salamat kasi isa ka sa mga mapagkakatiwalaan at maasahan na bata. Tuwing may practice, may props na gagawin. Haha. Ipagpatuloy pa ang pagiging mahusay. Tandaan, sarili mo ang higit na mas kalaban mo.
Ralph. Hahaha. Si Ralph na nirequest ko kay Maam Inah. Haha. Chos. Hi Ralph, salamat sa pagiging masipag. Thank you dahil, one time, naimulat mo ako. Naimulat mo ako na sobrang tamad ko palang anak. Kainis ka. Hahaha. Nang malaman ko na ikaw pa ang naglilinis sa bahay ninyo, tapos nag-iipon ka pa. Ang galling mo lang. Sana mas maging masipag ka pa na bata, kasi panigurado malayo ang mararating mo. Salamat pala kasi ano, hahaha. Salamat pala doon. Alam mo na yun. HAHAHA. Pasensya na rin. Maging mapagmahal pa na anak ha? At naniniwala ako na malayo ang mararating mo.
Ang pinakamatangkad sa section natin. Yung tipong pang Miss Universe ang height! Haha. Hi Zandra. Isa ka sa pinakamalambing na nilalang na nakilala ko. Salamat dahil kahit imbarbie ako sa inyo ay di pa rin nawawala ang pagmamahal mo sa akin. Pero pansin ko lang ha, pakiramdam ko, may katamaran ka. I mean yung hindi literal na tamad, tamad yung itsura mo. Haha. Walang energy or what. Anyways, alam kong lalaki ka pa, siguro next year. De, hayaan mo na maliit ka kasi diyan ka kilala ng mga tao, kakilala at kaibigan mo.
Hi Twin brother! Hahaha. Pero mas maganda ako sayo. Chos! Maximo, hahaha. May kaya ka naman na bata eh. Madaldal ka lang talaga minsan. Haha. Dapat sa June, payat ka na ha? Di naman sobra pero dapat payat na tayo. Haha. Salamat sa mga pagkakataon na nauutusan kita at sinusunod mo ako. Haha
Si Tolosa na si Quiroga ang favorite na character sa El Fili. Hahahaha. Hi Mirgil. Feeling ko ipatapyas mo na ang hinaharap mo para di ka mabastos. Chos. Hahaha. Hoy, mag-aral nang mabuti ha? Salamat sa Jollibee. Hahhanha. Kulang ka pa ha? Chicken pa. Chos. HAHAHA. Stay KPopping.!
HOY CEDRICK? PWEDE BA? BAWASAN MO NA ANG PAGIGING DISASTROUS MO? Hahaha. Si Cedrick na kahit ako ay di ko na kinaya. Siya na pinaiyak ako, Siya na pinanggigilan ng lahat. Siya na pinag-jack en poy lang naming ni Maam Marj kung kanino mapupunta. Haha. De, kahit ganyan ka, mahal kita. Haha. Ako na lang ang nagmamahal sayo. Chos, de, Cedrick, sana bawasan na ang kaangasan ha? Kasi baka ikapahamak mo pa yan eh. Hindi lahat ng tao o bagay ay kaya mo. Tandaan, may katapat ka, di lang nagpapakita. Haha. Mahalin mo pa ang Mama mo ha? Sana maiba na ang konotasyon kapag sinabing “PAMINTUAN”
Para sa taong unang gumuhit ng aking wangis. Hahaha. Napakalaki ng aking paghanga sa isang tulad mo. I mean sa iyong talent na taglay. Hello? Painter and Dancer? At mukhang you can play musical instruments as well. Siguro in the right time mahahanap mo rin ang taong para sa’yo. Sana bigyan mo naman ako ng karampot na talent. Hahaha. Anyways, stay artistic as you are right now. Kapag may mga Art Exhibitions ka na, invite mo ako ha? Aabangan ko iyan.
Mister YASC 2017 we never had. Salamat sa pagpayag mo na sumali sa Mister YASC for the third consecutive time kahit na noong una ay ayaw mo. Haha. Sa lahat ng mga lalaki na kilala ko, ikaw lang ang pinakamatiyga na maghintay in all forms. Hahaha. Lalo na sa mga babae. Mula sa mga pagbigay-bigay mo ng kunga ano-ano, sa mga surprise mo, pati nga mismo sa mga talent mo sa pageant ay kitang-kita ang labis na iyong pagsinta at pagtitiyaga sa mga babaeng iyong iniirog. Pero ito lang ha, sana may mga natututuhan ka sa mga naging karanasan mo. Wag mong sirain ang buhay mo dahil sa failure. Kapag ayaw talaga, itigil na. Hahaha. Sana sa SHS mo, makita mo na ang yung magiging future girlfriend mo. Yung papayag na manligaw ka at sasagutin ka.
Si Rimando na namukukod tanging sumira at pumunit ng seatplan ko. Hahaha. Ikaw lang talaga. Kung sa iba ang tingin nila sa’yo ay bida-bida, well oo minsan ganoon. Pero minsan hindi. Pero siguro kung ganoon na nga tingin sayo ng iba, medyo bawasan mo na.. Alam mo, hindi naman mananalo ang Adorable dahil sa talento mo sa pagbeatbox eh. Haha. Salamat sa pagbebeatbox sa dalawang beses na nanalo tayo. Stay strong sa inyo. Haha.
Si Lowell na maingay, si Lowell na mukhang ewan, si Lowell na bigla na lang magsasalita, tatayo habang nagkaklase ka. Sa kabila ng mga iyan, si Lowell ang madalas na una kong kaututang-dila kapag pumapasok ako room. Sa kanya ko narinig ang mga balita sa Villa Luisa na wala akong kaalam-alam. Kahit na maingay si bata si Lowell, kita mo ang pagiging mabuting bata niya, kahit papaano. Sa totoo lang Lowell, sa ngayon nakikita ko na kahit na ganyan ka, I mean yung makuda, maboka, medyo ma-ere na bata, alam kong sa loob mo ay mayroong takot. Takot na di ko mawari kung ano. Pero ito ang tandaan mo, wala namang mali kung minsan ipapakita mo itong mga takot na ito. Mas lalong walang mali sa pag-iyak., tandaan mo iyan. Kasi kaalinsabay ng paglabas ng mga luha sa iyong mata ay ang paglabas ng mga sakit o kung ano mang emosyon ang dama mo. Haha. Sana maiyak ka sa mensahe kong ito.
Ang isa sa mga palaging atat na umuwi kapag bell na. Alam mo, akala ko tulad ka nila. Well nagkakamali ako. Haha. May kaya ka naman eh. I mean kay mo namang mag-catch up sa mga lesson, tamad ka lang talaga. Si Eugene na mukhang maloko, pero hindi naman pala. Sa’yo ko napatunayan na “Don’t judge the book by its cover.” Alam kong marami kang natutuhan sa remedial classes mo. Oh alam mo na susunod? Mag-aral nang mabuti, para iwas remedial.
Si Mr. President, si Marion na sinisisi ako dahil nawala siya sa honors. Chos! De, seryoso kahit na alam kong napatawad mo na ako (tulad nga ng sinabi mo) paulit-ulit pa rin akong magso-sorry sa’yo. I just ruined someone else’s life. Chos! Siguro nga nagmoving-up ka nang walang honors, pero hindi naman doon nakabase ang pagiging matalino mong bata. Alam kong matalino ka, it shows naman eh. Sa Grade 11 mo, doon ka na bumawi. Ipamukha mo sa akin na mali ang ginawa ko. Salamat pala kasi tuwing may contest, at may kailangan ayusin sa room, isa ka mga pwedeng mapakiusapan. Isa ka rin sa mga pundasyon ng klaseng ito.
Hoy Jayvee! Hahaha. Nako ha, hindi ko kasalanan kung bakit ka nawala sa honors. Chos! Well, alam mo naman na siguro ang mga sasabihin ko sa’yo. Nasabi ko na sa iyo iyon. Sana tuparin mo ang nakasaad sa liham mo sa akin. No one stops you na magbike, pero please, balance your biking hobby to your studies. Hahahaha. Salamat pala sa mga bagay na naitulong mo. Sa tuwing may ipabababa ako sa’yo kahit na kararating mo lang, sa mga pang-aaway at pagdadrama ko sa’yo sa chat. Sana maibalik mo ang pagiging masipag mo sa pag-aaral sa lahat ng aspeto.
Si Zuniga na di pa bayad sa 200. Hahaha. Seryoso, naiinis na ako. Si Zuniga na muntik nang ma-drop. Haha. Sa totoo lang nasa Drop list ka na talaga, sadyang nitong mga huling buwan ay nagpapapasok ka na. Sana Next school year kung saan ka man mag-aaral ay wag nang paabutin ng 42 bilang ang absences mo. Kasi hindi tama iyon. Hindi iyan Gawain ng isang mag-aaral. Kung ganoon na lang din naman, wag ka na mag-aral. ANG DAMI MONG DAHILAN, HINDI NAMAN TOTOO ANG IYONG ITINUTURAN! Hahaha.
Sampung buwan na tila isang roller coaster ride. Masaya, maligaya,tapos kapag may big event na mangyayari, naiinis o nagagalit ako sa inyo. Minsan naiisip ko, bakit nga ba sila ang mga naging anak ko? Bakit kaya ako nagpa-Grade 10 pa. Ang daming mga bakit, pero ito naman ay nasagot. Dahil marami akong natutuhan sa inyo. Ito ha, sa totoo lang, minsan talaga hindi ko trip ang mga trip ninyo sa buhay. Kasi parang sobrang matured niyo na mag-isip. Yung minsan magkapantay lang tayo ng mga naiisip.
Maraming-maraming salamat sa lahat ng bagay na natutuhan ko sa inyo. Salamat din sa mga pagtitiis ninyo sa ugali kong alam kong nakakairita. Salamat kasi hindi ninyo ako sinukuan bilang adviser, kahit na alam ko sa sarili ko na ang dami kong pagkukulang. Salamat kasi bagama’t hindi tayo buo, nabuo naman natin ang section goals natin. Salamat dahil kahit na nakikita ninyo na hindi ako showy sa pagmamahal ko sa inyo, ay palagi pa rin kayong nariyan para mapasaya ako. Bilib ako sa pagkakaibigan na mayroon kayo. Pero sana tandaan natin na ang tunay na pagkakaibigan, tuwing nahaharap sa mga pagsubok, tamang paraan o solusyon ang gagawin para lutasin ito.
Paumanhin sa lahat ng mga pagkululang ko bilang adviser, paumanhin kung may mga pagkakataon na nakikita ninyo na higit ang aking pagmamahal kaysa sa nauna, paumahin kung minsan basag trip ako, paumanhin kung ang sama kong tao sa inyo. At sorry kung hindi ako naging ganoong ka-showy. Siguro kasi alam kong 10 months ko lang kayo makakasama kaya ganoon.
Sana kapag nasa Grade 11 na kayo ay mag-aral ka pa kayo nang mahusay. Hindi naman kailangan na matataas ang inyong marka, basta maging masipag lang talaga. Pero hindi ibigsabihin ng hindi ninyo kailangan ng mataas na marka ay magiging tamad kayo. Sabi nga nila, nariyan ka na rin lang eh di give it your best shot. Sana lahat kayo pagdating ng panahon, ay matagumpay na. Sana makamit ninyo ang mga pangarap ninyo sa buhay. After 10 years, kapag nakita niyo ako sana mas mataas pa ang lagay ninyo. Sana yung mga binigyan ko ng mababang marka, o ng mga teachers nila mapatunayan ninyong hindi kayo deserving doon. Sana lahat ng mga naibahagi ko sa inyo ay palaging bitbit sa buhay. Kung may nakita kayong mali sa akin, iwan niyo na iyon.
Hindi ko mawari kung gaano nga kasakit o kung gaano ako kalungkot na bukas, alam kong di ko na kayo makikita. Yung iba, lilipat na ng school, yung iba sa kabilang building lang. Sana kahit na magkaroon pa kayo ng guro na mas magaling sa akin, adviser na mas mahusay pa sa akin, huwag ninyo akong kalimutan please? Kayong mga estudyante ko lang ang mayroon ako bukod sa pamilya ko. Ang sakit-sakit isipin na iiwan ninyo na ako. Bukas at sa mga susunod na araw, wala na kayo sa ROOM 402. Wala ng mag-iingay, walang magsasabi sa akin ng “Hi Sir!” Di ko alam. Dumating na naman ang araw na ito. Araw na kung saan aalis kayo, ako maiiwan rito. Araw na magsisimula ang Sepanx o Seperation Anxiety. Araw na muling madudurog ang puso ko. Pero alam kong sa kabila ng wakas na ito ay ang bagong simula sa inyo! Kung dumating man ang June, sana mag-hi pa rin kayo sa akin. At wag ninyong isipin na porket hindi ako unang nag-hi ay ayaw ko sa inyo. Nahihiya lang ako.
Alam ninyo na tuwing tinatanong ninyo ako kung mamimiss ko kayo, hindi ako makasagot. Kasi ang totoo niyan, ayaw kong sabihin harap-harapan sa inyo na mamimiss ko kayo. Ayaw kong aminin sa sarili ko na ganoon na nga. Sabi nga nila, walang tao ang umaamin sa sarili nilang krimen. Pero kung tatanungin niyo ako ngayon kung mamimiss ko kayo, OO SOBRANG MALULUMBAY AKO SA PRESENSYA NG BAWAT ISA! OO KAHIT MGA SIRAULO KAYO, KAHIT MGA MAPANIRA KAYO, MAMIMISS KO KAYO! KAHIT NA YUNG IBA SA INYO AY HINDI KO CLOSE, MAMIMISS KO KAYO! SOBRA!
I may not be the perfect and the best adviser na nagkaroon kayo, hindi ko man kayo nadisiplin nang sobra, hindi ko man kayo nabigyan ng mga payo, pero sana kahit papaano ay nagkaroon ako ng bahid ng aking pagkatao sa inyo. Wag niyo akong kakalimutan.
Magsikhay! Padayon! Pagpalain!
 Nagmamahal,
Ynang Reyna ♥
0 notes
phgq · 4 years ago
Text
Cimatu elated by PRRD support on Manila Bay project
#PHnews: Cimatu elated by PRRD support on Manila Bay project
MANILA – Environment Secretary Roy Cimatu on Tuesday said he felt “elated and overwhelmed” by the praise and support the Manila Bay beach nourishment project has received from President Rodrigo R. Duterte and the public.
“It is very encouraging and fulfilling to get positive feedbacks from the public, much more to receive a commendation from the President. For us, it is an affirmation that we did the right decision to pursue the beach nourishment project,” Cimatu said in a media release.
He also thanked the President for recognizing the efforts of the Manila Bay Task Force led by the Department of Environment and Natural Resources (DENR) to clean up the Baywalk area, particularly the overlaying of artificial white sand on the beach.
The DENR chief believes that supportive views outnumbered criticisms over the beach nourishment project, which is an important component of the Manila Bay rehabilitation program.
“We, in the DENR and Manila Bay Task Force believe in the principle of vox populi vox dei, which says the voice of the people is the voice of God,” Cimatu said. “The majority of the people have spoken, and they are supportive of the project."
Cimatu said seeing throngs of people at Manila Bay last weekend to get a glimpse of the white sand beach was a strong indication that the project enjoys overwhelming public support.
He, however, lamented the failure of the crowd to observe proper physical distancing with their eagerness to see the white sand beach.
“We are saddened by the overcrowding of people along Manila Bay, without observance of physical distancing. But somehow, we felt vindicated from the accusations and negative claims that the Manila Bay rehabilitation is artificial and harmful to human health and the environment,” Cimatu said.
The Manila Bay rehabilitation program dates back in 2008 when the Supreme Court issued a writ of continuing mandamus directing the DENR and other agencies to clean up, rehabilitate and preserve the bay.
In more than a decade since the writ was issued, it was only under the Duterte administration that the government finally set in motion an honest-to-goodness undertaking to bring Manila Bay back to its former glory.
Cimatu shared all the praise and recognition the DENR has been getting because of the beach nourishment project to the other mandamus agencies.
“Di pa tapos ang rehabilitasyon ng Manila Bay, ngunit ngayon pa lang nagpapasalamat na ako sa lahat ng hirap at tulong na binibigay ng mga mandamus agencies, kung wala ang tulong ninyo, wala kaming magagawa sa DENR (The Manila bay rehab is not yet finished, but right now I am grateful for all the support given by mandamus agencies. Without your support we can't do anything here in DENR),” Cimatu said.
He acknowledged the contributions of the Department of Public Works and Highways, the Metropolitan Manila Development Authority, the Philippine Coast Guard, the Department of the Interior and Local Government, the Laguna Lake Development Authority, the Armed Forces of the Philippines, the Philippine National Police, and the Philippine Maritime Group.
He said the agencies did not only vitally contributed in all rehabilitation works in Manila Bay, but also stood by the DENR in its most trying moments when the agency was severely criticized by some critics.
During the International Coastal Cleanup Day celebration on Sept. 19, almost all members of the Duterte Cabinet were there to give their statement of support to the DENR.
Manila Bay is only in its second phase of rehabilitation.
The third phase, according to Cimatu, is the hardest—changing the attitude and behavior of the people toward the environment.
This phase, if it becomes successful, would sustain all the efforts that have been done to bring Manila Bay back to its former pristine condition. (PR)
***
References:
* Philippine News Agency. "Cimatu elated by PRRD support on Manila Bay project." Philippine News Agency. https://www.pna.gov.ph/articles/1116416 (accessed September 24, 2020 at 02:11AM UTC+14).
* Philippine News Agency. "Cimatu elated by PRRD support on Manila Bay project." Archive Today. https://archive.ph/?run=1&url=https://www.pna.gov.ph/articles/1116416 (archived).
0 notes