exactlyunlikelycreation
Untitled
2 posts
Don't wanna be here? Send us removal request.
exactlyunlikelycreation · 7 months ago
Text
TULONG
May Akda: Jonas G. Tayab
Gabi na nang mapag-desisyonan namin ng kaibigan kong si Nelly na umuwi, alas dos na ng madaling araw at nabibilang na lamang sa daliri ang mga tao sa loob ng club house. Biyarness ngayon, at wala kaming pasok kina-umagahan kaya naman napagdesisyonan naming pumarty dahil alam namin sa sarili na deserve namin ito pagkatapos ng mga exam at quizzes sa loob ng isang lingo. Nakakapagod ngunit wala akong balak sumuko, dahil ito ay mga hamon sa buhay na kailangan harapin para sa ganoon ay marating ang patutunguhan at makamit ang tagumpay, hindi man biglaan at easy journey ngunit alam ko at ramdam ko sa sarili na malapit na, kaya naman ako ay magpapatuloy sa paglalakbay. Lumabas kami sa club house nang medyo may tama ng alak, wala naring dumadaan na tricycle kaya naman napilitan nalang kaming maglakad pauwi. Hindi naman kalayuan ang bahay namin ngunit dadaan muna kami sa eskinita at sa gilid nito ay may puno ng balete na kung saan may mga kuwento kuwento nuon na pinamumugaran ito ng mga masasamang ispirito at ligaw na kaluluwa.
“Wala na ba yung puno ng balete sa tabi ng kalsada? biglang tanong ni Nelly, matutulog kasi ito sa aming bahay ngayon dahil balak naming mag outing kinabukasan. Tumigil ako sa paglalakad at natatakot na sumagot,
andun parin ung puno, madilim parin ang kalsada at wala padin itong mga ilaw. Kung meron man, patay sindi naman ito
hindi ko gustong dumaan doon, iba ang aking pakiramdam natatakot na sagot niya sa akin.
Parehas pala kami ng nararamdan, kasi ako din natatakot, kung anu-ano na ang tumatakbo sa aking isipan, na kesyo may biglang magpakita sa aming harapan na duguan, o di kayay sobrang laking aso o may biglang hahabol sa amin na may itak.
“Nararamdaman mo bay un? tanong ko sakanya.
“Oo Maria, sobrang lamig dito kumpara sa mga nadaanan natin kanina, kakaiba talaga ang aking pakiramdam saad nito.
Nasa bandang eskinita na kami, hindi ko alam kung dala lang ba ng alak ito o kung ano dahil iba talaga ang pakiramdam ko sa daan nato malapit sa puno ng balete. Tumataas ang aking mga balahibo at lumalakas din ang kabog ng aking dibdib.
Nagpatuloy lang kami sa paglalakad na may takot sa dibdid nang biglang natumba ang mga basurahan sa tabi ng daan at napasigaw kami sa sobrang takot at napakapit sa isat-isa.
“Hindi ko na kaya ito nanginginig kong saad kay Nelly.
Hindi ko alam kung lalapit ba kami sa mga basuharan o magpatuloy nalang, napatigil kami sa paglalakad ng napakaraming daga ang lumabas sa basurahan. Hindi na ito normal, takot na takot kami sa mga nasasaksihan, wala kaming magawa kundi tumakbo ng mabilis habang magkahawak kamay.
Parehas kaming malakas ang kabog ng dibdib, pinagpapawisan at takot na takot, nasa tapat na kami ng puno at hindi ko pa matanaw ang aming tahanan. Walang bahay ang malapit sa puno, patay sindi din ang ilaw dito.
“Tumataas ang mga balahibo ko, may nararamdaman ako, bakit parang my nakatingin sa atin. Kanina ko pa ito nararamdaman noong na sa eskinita palamang tayo Maria saad ni Nelly
Ako din, ramdam ko yun, naiihi na ako sa takot. Patuloy lamang kami sa paglalakad ng biglang may naramdaman akong humipan sa aking batok, hindi na ito normal, ibang-iba na ito, napahiyaw ako sa gulat at hindi ko mapigilang mapaiyak.
“Naramdaman mo yun? May humipan sa aking batok takot na takot kong saad.
“Ako din, bilisan nalang natin ang paglalakad saad ni Nelly.
Grabeng kabog ng dibdib ang nararamdaman ko sa mga oras na ito, bakit ba parang ang layo ng aming tahanan? Sobrang lapit lang ng bahay pag umaga, tapos sa mga ganitong oras ay parang napakalayo? Hindi pa kami nakakalayo sa puno nang may biglang bumagsak sa aming harapan. Gulat na gulat kaming napatingin dito. Isang lalaki, wala ng buhay, putol ang mga kamay at paa. Duguaan ito at may malaking hiwa sa ulo. Ang mga mata ay nagmamakaawa at humihingi ng tulong sa amin na animoy buhay pa ito. Ang mga bibig ay may busal, hubot-hubad ito kaya kitang-kita ang mga galos, pasa at malalaking sugat sa kanyang katawan. Hindi kami makapaniwala sa aming nakikita, hindi namin magawang tumingin sa itaas. Napahiyaw nalang kami sa gulat at takot, hindi namin alam kung ano ang gagawin. Parehas kaming hindi makagalaw, at nakikipagtitigan sa patay na lalaki. Hinila ako ni Nelly patakbo ng mabilis hanggang sa hindi ko namalayan na nasa tapat na kami ng aming tahanan. Hindi maalis-alis sa aking isipan ang mga matang nakatitig ng lalaking iyon, anong gagawin namin? Iniwan namin siyang nakahandusay doon ng nag-iisa. Hindi na naming naisipang tumawag pa ng tulong dahil sa takot na bumabalot sa aming katawan.
Wala ni isa ang nag salita sa amin ni Nelly, parehas kaming tahimik at hindi makapaniwala sa nasaksihan.
Umaga na, at parehas kaming walang tulog ng aking kaibigan, hindi parin maalis sa aking isipan ang itsura ng lalaking iyon. Ngayon pala ang outing namin ni Nelly kaya naman nag handa na kami at lumabas na ng bahay. Sumakay kami ng bus at naupo kami sa bandang likuran. Susubukan ko ritong matulog baka sakaling akoy makatulog.
*boooggssssssshhhhhhhhhh*
Nagising ako sa lakas ng tunog na animoy parang may nabangga. Ang mga tao sa loob ng bus ay nagsimulang mag-ingay at nag uunahang bumaba.
“Ano pang ginagawa mo diyan, bumaba natayo natatarantang saad ni Nelly. Bumaba kami at nakisali sa may kumpula. Ang bus na sinasakyan naming ay nakabangga ng motorsiklo. Gulat na gulat at pinagpapawisang tumingin si Nelly sa akin na pinagtaka ko ng husto.
“Tignan mo yung lalaking nabangga, bakit ganun? Wala siyang mga kamay, may hiwa ang ulo at dilat na dilat ang mga mata, ganyan na ganyan ang itsura ng lalaki kagabi saad neto na nauutal.
Oo nga. Ganun ang itsura ng lalaki kagabi, nagkataon lang ba ito o ano? Nilibot ko ang aking paningin sa kumpulan ng mga tao. Hindi nga ako nag kamali, nandoon yung lalaking nakita namin kagabi. Walang pinagbago ang itsura nito, ang mga mata ay seryosong nakatingin sa akin na parabang buhay na buhay ito.
Matinding takot ang bumalot sa buo kong pagkatao sa mga oras na iyon.
Gabi nang kami ay nakarating hotel na kung saan kami ay matutulog. Pumasok ako sa loob ng banyo at naligo, habang ako ay naliligo, nakaamoy ako ng amoy ng dugo, dinilat ko ang aking mga mata at hinanap kung saan ito nanggagaling at nakita ko na may dugong dumadaloy sa pagitan ng aking mga hita. Gulat na gulat akong napatingn dito, nang napatingin ako sa salamin, ay mayroon ding dugong dumadaloy sa aking ilong at doon ay nakaramdam ako na parang may kasama ako sa banyo, na hindi ako nag-iisa sa loob.
Napahiyaw ako sa takot at tinawag si Nelly. Gulat itong napatingin sa akin, sobrang daming dugo ang lumalabas sa akin, nanginginig ako at nahihilo, sa unti-unting pag pikit ng aking mga mata, ay hindi nga ako nagkamali, nandito ulit yung lalaki, nakatitig sa akin, malapit ang mukha. Bumubula ang dugong umaagos sa kanyang bibig habang itoy may binibigkas na mga salita,
“Bakit iniwanan ninyo akong nakahandusay sa daan kagabi? Bakit hindi ninyo ako tinulungan! pasigaw na saad nito sa akin bago ako tuluyang mawalan ng malay.
Nagising ako na masakit ang katawan, at muli naalala ko ang nangyari sa akin kagabi. kaya ba? Kaya ba siya nagpapakitat nagpaparamdam dahil doon? Kaya ba ganun ang nangyari sa lalaking nabangga dahil gusto nitong ipaalala ang pag-iwan naming ni Nelly sa kanya? Gumaganti ba ito sa amin? Naiiyak ako sa mga katanungang ito sa aking isipan. Wala si Nelly sa kuwarto, nag-iwan nalamang ito ng isang text message na nagpapatunay na lumabas ito at nag-jogging.
Lumabas ako sa kwarto na tinutuluyan namin, dito akomaghihintay sa pagbalik ni Nelly dahil sabay kaming kakain ngayon.
Ilang oras na ang nakalipas at wala parin si Nelly. Tumunog ang aking telepono, si Nelly tumatawag. Sinagot ko ito ngunit ibang boses ang nasa kabilang linya.
“Kayo po ba si Maria? Kamag- anak po ba kayo or kaibigan? Pumunta po kayo ngayon sa may likod ng Malaya hotel, may natagpuan kasing babae dito, kaibigan niyo po ata siya
Kumalabog ang dibdib ko, dali dali akong lumabas at patakbong pumunta sa may likod ng Malaya hotel. Hindi ako makapag-isip ng tama, natatakot ako sa pwedeng mangyari, hindi maaari, sana mali ako ng iniisip.
Pagdating ko sa Malaya hotel, nakita kong may mga taong nagkukumpulan sa isang lugar at doon ako nagtungo. Habang papalapit ako sa kumpulan ay sobra ang lakas ng kabog ng aking dibdib ang mga tuhod koy lumalambot. Napaiyak nalang ako sa nakita, si Nelly, duguan, may hiwa sa ulo, walang salawal, dilat na dilat ang mga matang nakatingin sa akin. May bulas ang kanyang bibig, hiniwa ang mga daliri pati narin ang dibdib.
Napaluhod ako at umiyak, gulat na gulat sa nasasaksihan, bakit nagkaganito? Narito na naman yung lalaki, nakatitig ulit ito saakin, bumubula ang bibig at may mga dugong tumutulo galing sa mga sugat. Hindi ko na alam ang gagawina, parusa ba ito sa amin? Sa akin? Naghihiganti ba ito sa hindi namin pagtulong sakanya?
Dalawang araw na ang lumipas mula ng mangyari ang insidenteng iyon, mabigat parin sa dibdib ang pagkawala ni Nelly. Naglalakad ako pauwi galing sa eskwelahan, hapon na at nasa eskinita na ako papasok sa daan patungo sa aming bahay.
“Ano yan, bakit may masangsang na amoy saad ko sa sarili.
Ang baho, amoy nabubulok. napatakip ako ng ilong at patuloy na naglakad, palakas ng palakas ang amoy, napatingin ako sa puno, bakit parang doon nang gagaling yung amoy? Sa likod ng punong iyon ay bangin na hindi naman kalaliman. Lumapit ako dito, dahil Narin sa kuryusidad, tumingin ako sa baba at napaatras sa nakita. Isang lalaki, naaagnas, walang mga kamay at paa, may hiwa sa ulo. Gulat na gulat ako at takot na takot, naaalala ko, ito yung lalaking nakita namin ni Nelly ng gabing pumarty kami. Bakit nasa bangin ito? Naiiyak ako sa nakikita. Naaagnas na ang katawan, ngunit ang mga mata ay nakatitig parin sa akin, buo pa ang mga mata nito na animoy buhay na buhay.
“Anak gising, gising! nagising ako sa lakas ng yugyog ng aking ina, basang basa ang mukha ko at likod dulot ng aking pawis, ang lakas ng kabog ng aking dibdib.
“Diyos ko! binabangungut ka Maria, kanina kapa sumisigaw!! nag-aalalang saad ng aking ina.
Akala ko totoo lahat ng mga nangyari ngunit panagip lang pala ang lahat, pero bakit pakiramdam ko ay parang totoo ito lahat?. Lumabas ang aking inay sa kwarto, at ako naman ay maliligo dahil kakain na kami ng panghapunan. Napatingin ako sa bintana, malakas pala ang hangin at ang kalabog ng aking dibdib ay malakas rin. Pumasok ako sa banyo upang maligo, ngunit napatigil ako dahil my naramdaman akong kakaiba sa loob ng aking kuwarto.
Tumaas ang mga balahibo ko, ramdam ko na hindi ako nag iisa sa kwarto, ramdam ko na parang may nakatingin sa akin. Nag simula akong maligo habang nakapikit.
“Bakit amoy dugo saad ko.
Napatigil ako, nabalot ng takot ang aking dibdib, napatingin ako sa salamin, may dugong tumutulo sa aking ilong, nandito parin yung kakaibang presensya, nakamasid sa bawat kilos ko.
Takot na takot ako, pinilit kung ibuka ang bibig upang sumigaw ngunit dugo ang lumalabas rito. Napaiyak ako ng malakas, nandito yung lalaki sa panaginip ko, nakikita ko sa salamin. Duguan, may hiwa sa ulo, bumubula ang bibig ng dugo, at ang mga matay nakatitig sa akin.
0 notes
exactlyunlikelycreation · 7 months ago
Text
KATARUNGAN
May Akda: Jonas G. Tayab
Sa isang malalim na sulok ng lungsod, sa isang maliit na apartment, natagpuan ang bangkay ni Juanito, isang kilalang mangangalakal sa lugar. Ang mukha niya'y puno ng galos at ang katawan'y nababalot ng duguan. Sa unang tingin, tila isang simpleng krimen lamang ngunit sa likod ng bawat bakas ng duguan, may mga lihim na nakatago.
Si Inspector Mateo ang naatasang imbestigador sa kaso. Kasama ang kanyang mga kasamahan, sinimulan nila ang kanilang pagsusuri sa lugar ng krimen. Ang apartment ni Juanito ay tila nawasak, ang mga kahon at kagamitan ay nasa disarray. Sa unang tiningin, tila isang karaniwang pagnanakaw ang motibo ng pagpatay. Ngunit sa pamamagitan ng masusing pagsusuri, natuklasan ni Inspector Mateo ang ilang mga hindi pangkaraniwang detalye.
Sa ilalim ng kama ni Juanito, natagpuan nila ang isang maliit na kahon na puno ng mga dokumento. Sa pag-aaral ng mga ito, natuklasan nilang may koneksyon si Juanito sa ilang mga kumpanya ng ilegal na droga. Isa itong bagay na tila hindi inaasahan ng mga kapitbahay ni Juanito. Sa pamamagitan ng pag-uusisa at pananaliksik, natuklasan ni Inspector Mateo ang mga labis na lihim sa buhay ni Juanito.
Isang araw, habang nakikipag-usap si Inspector Mateo sa mga kapitbahay ni Juanito, natuklasan nilang may isang tao na may galit kay Juanito dahil sa mga negosyo nito sa droga. Si Ricardo, isang dating kaibigan ni Juanito, ay maraming hinaing laban sa biktima. Sa pamamagitan ng mga patotoo at mga testigo, napatunayan ni Inspector Mateo na si Ricardo ang nagpasimuno sa pagpatay kay Juanito.
Sa pagkakahuli kay Ricardo, lumantad ang katotohanan. Galit siya kay Juanito dahil sa pagkamatay ng kanyang kapatid na naaksidente habang nakikipag-transaksyon sa mga ilegal na droga ni Juanito. Sa sobrang pagnanais na maghiganti, nagplano si Ricardo ng kanyang mabagsik na aksyon. Ginamit niya ang kanyang koneksyon sa ilalim ng mundo ng krimen upang mahanap at patayin si Juanito.
Sa pagtatapos ng kanyang pagsasalaysay, inamin ni Ricardo ang lahat ng kanyang mga kasalanan. Napagtanto niya ang kanyang pagkakamali at ang bigat ng kanyang mga kilos. Ngunit kahit na alam niyang may parusa siyang dapat harapin, tila hindi mapawi ang kanyang galit at poot sa kanyang puso.
Sa huli, si Inspector Mateo at ang kanyang mga kasamahan ay nakamit ang hustisya para kay Juanito. Ngunit kahit na may pagkakamit ng katarungan, nanatili pa rin ang lungkot sa puso ng mga taong naiwan. Ang krimen ay hindi lamang nagdulot ng pagkawala ng isang tao, kundi pati na rin ng pagkawasak ng mga buhay at pangarap.
Sa pamamagitan ng pagsusuri ng kaso ni Juanito, natutunan ni Inspector Mateo na ang bawat krimen ay may mas malalim na kwento sa likod nito. Sa bawat kaso, may mga tao at pangyayari na nagbibigay buhay sa isang simpleng krimen. At sa pagtugon sa bawat kaso, mahalaga ang pag-unawa at paglalakbay sa mga lihim at sikreto ng mga taong sangkot.
Sa kabila ng mga panganib at kaguluhan sa mundo ng krimen, nananatili pa rin ang hangaring maghatid ng katarungan. Ang bawat paglalakbay ni Inspector Mateo ay patunay sa kanyang dedikasyon at determinasyon na ipagtanggol ang mga walang boses at ipaglaban ang katotohanan.
Sa huli, bagamat may lungkot at kirot sa puso, nananatili ang liwanag ng pag-asa sa bawat pagnanais na makamtan ang katarungan. Sa mundo ng krimen at kasamaan, ang bawat pagkilos ng kabutihan at katotohanan ay isang hamon at tagumpay laban sa dilim.
1 note · View note