kuwentoniluna
Kuwento ni Luna
74 posts
Tamang Kuwento
Don't wanna be here? Send us removal request.
kuwentoniluna · 4 months ago
Text
Habagat at Bagyong Carina
0 notes
kuwentoniluna · 4 months ago
Text
Mga Kainan sa Eastridge, Angono, Rizal.
0 notes
kuwentoniluna · 4 months ago
Text
Kisapmata
0 notes
kuwentoniluna · 4 months ago
Text
"KARAMIHAN" ibig sabihin, hindi lahat. Okay?
0 notes
kuwentoniluna · 5 months ago
Text
PAMANGKIN
0 notes
kuwentoniluna · 5 months ago
Text
PAMANGKIN
0 notes
kuwentoniluna · 5 months ago
Text
Maganda ba ang Inside Out 2?
0 notes
kuwentoniluna · 5 months ago
Text
0 notes
kuwentoniluna · 5 months ago
Text
0 notes
kuwentoniluna · 2 years ago
Text
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
May bago nakainan sa Visayas Ave.
Ito ang Oliva Bistro Cafe.
Hindi siya ganun pansinin. Ilang beses na kasi ako nakakadaan ng Visayas Ave. pero di ko napapansin ang kainan na ito. Mabuti na lang dito nagyaya ang aking Ate kumain.
Una, akala ko ang parking ay ung nasa harap lang pero meron pang parking sa basement at ang maganda pa, "Free Parking" ito.
Interior at Exterior, sobrang cozy.
Sobrang welcoming ng ambiance at ung mga staff nila, ramdam mong gusto nila yung ginagawa nila. Meron kasing iba na parang napipilitan lang 😅
Sa presyo, medyo may kamahalan. Ang presyuhan ng main dish nila ay nasa P400-1,200.
Ang sinubukan namin dun ay ung pasta, salad at ung Baby Back Ribs nila.
Ang masasabi ko lang sa mga natikman namin. Ang sarap👍 Saka ung serving, marami na din. Hindi na masama sa presyo nya.
Masarap dito magkita kita ng Family and Friends dahil sabi ko nga nung una.
Ambiance pa lang, feel at home ka na👍
1 note · View note
kuwentoniluna · 2 years ago
Text
Tumblr media
Ito ung pinagkakatiwalaan long Mekaniko.
Si Jansen pala, mekaniko ng Yamaha 3s Shop Angono.
Siya yung tipong mekaniko na kapag may sinabi kang problema sa motor mo, aayusin aayusin with passion. Hindi ung tipong napipilitan lang... Hindi dahil trabaho nya un pero dahil gusto nya talaga ayusin.
Siya din ung tipong kapag meron hindi kayang gawin sa shop, hindi siya ung tipong iiwan ka sa ere na ikaw na bahala maghanap ng mag-aayos.. Sasamahan ka sa alam nyang makakakapag ayos nun.
Pero kamakailan lang, pagbalik ko sa Yamaha Angono. Wala na si Jansen. Nasa Antipolo na daw.. Lungkot at dismaya naramdaman ko nung nalaman ko. Mahirap kasi maghanap ng Mekaniko tulad ni Jansen.
Pero pinagawa ko pa rin sa Yamaha Angono ang dapat ipagawa.
Pero ibang iba ang serbisyo ni Jansen. Sa pakikipag usap palang sa customer. Ibang iba na.. Hindi ko maramdaman ung interes para pakinggan ung hinaing mo.
Tamang gawa lang ba.
Natapos naman ung pinapagawa ko pero nung nasubukan ko na ulit motor ko.
Wala ako maramdaman na improvement. Lalo pa nga pumangit.
Kaya naman napag desisyon na ako na dadayuhin ko na lang si Jansen sa Antipolo
Nung nagkita ulit kami, sabi nya agad sa akin. " Ang layo ng narating mo ah"
Sabi ko na lang. Bakit ka kasi umalis.
Ikaw ung asset dun eh, ikaw ung magaling dun eh.
Tamang ngiti lang sabay sabi , 'Meron pang isa, ung kasama ko dun na malaki katawan"
Nalaman ko din na hindi pala siya umalis kundi nilipat daw siya.
Kung siya lang daw, ayaw daw nya umalis dun pero wala naman daw siya magagawa sa desisyon ng company.
So ano ba punto ng kuwento na ito? Ang punto ko lang naman eh.
Hindi mo kailangan sabihin kung saan ka magaling. Ibang tao ang magpapatunay nun para sayo👍
P.S
Sa mga company naman, bakit kailangan maglipat ng tao? Especially Motortrade Yamaha 3s Shop.. Ano ang reason?
1 note · View note
kuwentoniluna · 2 years ago
Text
Cafe Giya- Binangonan, Rizal
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
Meron bagong kainan sa Eastridge.
Ito ang Cafe Giya. Malapit lang sa guard house (Col.Guido) ng Eastridge.
Sa October 1, 2022 pa daw talaga ang opening nila pero ngayon, may dry-run sila kaya nasubukan na namin.
Papasok pa lang, magagandahan ka na sa itsura ng kanilang store. Nung pumunta kami, may mga customer na din sila na tamang chill na dun.
Kung magandang view ang hanap mo, meron din dito. Ibang angle ng Metro Manila.
Sa ngayon, cash lang daw meron sila as payment method pero pumayag naman din sila na Gcash muna dahil wala talaga kaming cash na dala.
Ginamit na lang ng cashier yung Gcash niya para makapag-bayad kami.
Ang inorder namin ay 2 drinks (Cucumber Lemon) at isang Potato Chips.Hindi namin natanong kung magkano per item pero ang total bill namin ay P500.
Na-enjoy naman namin yung pag-tambay namin dahil konti pa lang tao. Naka-pwesto agad kami sa magandang pwesto:)
Yung Potato Chips, hindi lang plain, may flavor. parang barbecue ng chippy yung flavor at good for 2 naman yung serving. For drinks, masarap naman dahil naubos namin:)
Sa ngayon, hanggang 9pm lang daw sila. Pero sa October 1, 2022. Grand Opening nila. Pagkakatanda ko, 10AM-10PM sila.
Meron din kasi silang offer na All Day Breakfast, Burger, Pizza, Pasta, Coffe atbp.
Hindi pa talaga siya tapos, dahil may ginagawa pang gusali doon. Hindi ko lang alam kung Cafe Giya pa rin ba yun o iba na.
For improvement lang din para sa kanila sana magakaroon ng Designated Smoking Area (hindi lahat ng tao gusto ang amoy ng sigarilyo)
Sa staff namin nila, okay naman pakikitungo, wag lang nila kalimutan mag bigay ng tissue. hehe.
Saka dahil bago pa, medyo malamok pa yung lugar kaya mas maganda mag-pants kayo. Kami kasi, naka-shorts lang dahil biglaan lang talaga yung pagpunta namin, nadaanan, nakitang bago kaya sinubukan agad :)
Katabi lang siya ng Perlie's Restaurant na ang sabi ng staff, iisa lang daw may-ari nun. Kaya kung sino man may-ari nun. Hello Ninong/Ninang?
Tara, Kape tayo sa Giya :)
1 note · View note
kuwentoniluna · 2 years ago
Text
East Bay Tambayan - Eastridge Rizal
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
May bagong kainan sa Eastridge, Angono/ Binangonan, Rizal. (Sabi ng iba, Angono, sabi naman ng iba, Binangonan)
Ito ang East Bay Tambayan. Malapit ito sa Thunderbird Resort.
pagpasok, pipili na kayo ng mauupuan nyo bago umorder. Meron isang maganda part dito na maganda mapwestuhan mas lalo kapag palubog na ang araw.
Kapag gabi naman, wala na masyadong makita sa view dahil sobrang dilim talaga.
Meron din silang spot for picture taking. Hugis Puso na Upuan.
Sa pagkain naman, marami din kayo pagpipilian sa Main Dish, Grilled, Pulutan, Pica-pic, Dessert, Drinks, Milktea at Fruit Tea. Kaya pwedeng dito na kayo maghapunan bago mag-inuman.
Ang inorder pala namin ay Buttered Shrimp, Twisted Fries at Kiwi Fruit Tea.
Pero yung naibigay sa amin ay iba yata. Hindi Buttered Shrimp. Medyo late na namin na-realize na hindi buttered shrimp yung naibigay sa amin dahil sobrang gutom na talaga kami.
Shrimp pa rin naman pero ibang luto. Shrimp Guisado with Green Chili yung naibigay sa amin o marahil ganun talaga yung style ng Buttered Shrimp nila..hahaha.Kaso wala talagang butter eh.
Oh well, nabusog naman kami.
Sa Twisted Fries naman, masarap naman kahit walang ketchup or kahit anong sawsawan.
Meron din pala Live Band dito na okay lang naman. Nasa edad na kasi ako na hindi ko na trip ang Live Band. 7PM-10PM yata yung live band dito. (not sure) Kaya kung ayaw nyo sa live band, punta na lang kayo ng mas maaga.
For improvement lang siguro para sa kainan na ito.
- Maglagay sila ng designated na smoking area. Hindi lahat ng tao gusto amoy ng yosi.
- Maglagay ng pamatay lamok. medyo malamok din kasi. Kaya I suggest, magpantalon kayo.
- More training sa mga staff especially sa pagiging attentive.
Babalik ba ako dito? Oo naman, kasama ang tropa. Mas gusto ko uminom dito kaysa sa iba dahil maliit lang seating capacity nila kaya mas konti ang tao. hehe.
Para sa iba pang impormasyon tungkol sa East Bay Tambayan. Ito ang kanilang Facebook Page- https://www.facebook.com/eastbaytambayan/
1 note · View note
kuwentoniluna · 2 years ago
Text
Off the Grid Sunset View Resort sa San Felipe, Zambales.
Tumblr media
Tag-Ulan na!
Sarap pumunta sa beach! Oo tama po nabasa nyo.
Para sa akin, masarap pumunta ng beach kapag tag-ulan dahil siguradong konti lang ang tao.
Mas ma-eenjoy ang ingay ng dagat at hindi boses ng mga lasing na tao sa gabi.
Opinyon ko lang po ito, bawal ang balat sibuyas.
Irerekomenda ko lang ang resort na nabook namin nung nakaraang Linggo.
Ito ang Off the Grid Sunset View Resort sa San Felipe, Zambales.
3-4hrs na biyahe mula sa Manila.
Kung gusto nyo mapabilis ang biyahe pero mas mahal na toll gate. Mag-SCTEX na kayo.
Pero kung gusto makatipid sa toll gate. Mag-exit na kayo sa San Fernando.
Pangalawang beses na namin pumunta dito pero magkaiba resort lang sinubukan namin.
Abot kaya kasi ang presyo ng halos resort dito.
P5,000.00 per night good for 8-10pax na. Ganyan ang minimum price dito. Pero siyempre kapag peak season, expect na nyo na mas mahal pero kinagandahan kasi, pang-maramihan yung presyo nila. Hindi yung tipong. P5,000 per night good for 2 pax lang. Sakit sa bulsa kapag ganun.
Halos din lahat ng resort dito ay walang Airconditioned Room kaya nirerekomenda ko na hanggat maari, mag-book kayo sa mismong front beach. Yung kita mo talaga agad yung dagat.
Kapag sa bandang looban kasi, wala talagang hangin kaya ang init.
Kaya irerekomenda ko ang Off the Grid Sunset View Resort.Bakit? ito ang mga dahilan.
- Front Beach siya.
- Mabait at responsive sila sa mga inquiry mo. Mas lalo sa Facebook page nila.
- Hindi gahaman ang may-ari nito. Bakit? Libre mo na kasi magagamit ang kitchen utensils nila pati gas stove. Karamihan kasing resort. May extra fee pa.
- Pati tent pitching, libre na din.
- Abot kayang presyo.
For improvement lang siguro para sa Off the Grid Sunset View Resort.
- Gawa sila ng water connection. Mula sa Poso>Water Drum>Pipe papunta sa gripo sa Kitchen at CR. Tulad lang din sa nakita namin sa ibang resort.
- Yung isang kwarto na nabook namin, may kakaibang amoy. Not sure kung mapanghi or nakulob lang yung amoy. Pero yung bedsheet at pillow, wala naman amoy. Well, hindi naman siya ganun ka dealbreaker dahil hindi naman maamoy ng iba kong kasama at nakatulog sila ng maayos. Pero sa mga taong medyo sensitibo ang ilong. Not okay siya.
So far, sobrang na-enjoy namin yung pag-stay namin dito. Saka maganda din kasi talaga yung dagat. hindi siya mabato at hindi biglang lalim.
Ang isa pang advantage na pumunta sa beach mas lalo sa lugar na ito na tag-ulan. Hindi ka mahihirapan mag-parking. Last April kasi na pumunta kami dito. Ka-stress yung parking dito. Napaka-sikip. Sa main road lang kasi yung parking ng mga resorts dito. Kaya sobrang ka stress talaga ang parking dito kapag summer.
Para sa ibang detalye ng Off the Grid Sunset View. Ito ang kanilag Facebook Page.
https://www.facebook.com/Offthegridzambales
Salamat sa pagbabasa. Hanggang sa muling kuwento!
3 notes · View notes
kuwentoniluna · 2 years ago
Text
Carinderia sa Castillejos, Zambales
Tumblr media
Carinderia sa Castillejos, Zambales
Nung nakaraang Sabado, pumunta kami sa Zambales at katulad sa lahat ng roadtrip, naabutan kami ng gutom sa daan.
Unang balak namin ay kumain sa Jollibee sa Subic pero di namin napansin na napadaan pala kami sa bypass road.
Ang labas nun ay almost boundary ng Castillejos.  Kaya naman dito na lang kami naghanap ng makakainan.
May nakita naman kami na parang pizza hut pero walang parking, mabuti na lang nakita namin ang Puregold Castillejos.
Dun kami nagpark. Nagpasya na din kami bumili pa ng ibang kailangan para sa swimming namin.
After namin bumili, tinanong ng kasama ko sa Guard kung saan meron kainan at ito dito na nga kami tinuro ng guard.
"Masarap Dun!" - yan agad sinabi ng guard sa amin.
Kaya naman dito na kami kumain.
Sa iba't-ibang ulam na inorder namin, (Sisig, Dinuguan, Laing, Kaldereta, atbp) wala kami masabi kundi.
"Masarap Nga"  kahit yung libreng sabaw. Solid!
Depende sa ulam pero ang price range ng isang kain dun ay P100.
Pero makakamura pa siguro kayo kung kalahating order lang ng ulam ang gagawin nyo.
Nung pagkabalik lang kasi ng tropa ko sa puregold para kunin yung sasakyan,  dun lang sinabi ni Kuya Guard na pwede kalahati  ang order. 😅
10 kami kumain dun, nagkasya naman kami👍
Kaya tandaan nyo, kapag on the way kayo ng  San Felipe  Iba Zambales. Una nyo makikita ay Puregold Castillejos bago yung carinderia.  Mga 3-4 na bahay lang yata pagitan👍
Note: Para lang ito sa mga hindi sensitibong/maarteng tao.
1 note · View note
kuwentoniluna · 2 years ago
Text
Alba Restaurante Español
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
Nung nakaraang Sabado, nagkita kita kami ng mga katrabaho ko dati at napagkasunduan namin kumain sa Alba Restaurante Español para lang maiba.
Unang kita ko pa lang, alam ko ng sosyal. Kapag may napkin na nakalagay sa table, automatic, sosyal yun. May libreng tinapay pala at butter. Yung tinapay pala walang lasa. Dito ako una nadismaya eh. Ang dami ko pa naman gutom tapos unang kinain ko, walang lasa.
Unang dumating sa order namin ay yung calamares nila. Sobrang excited ako tikman kasi siyempre, CALAMARES yun di ba? Pero nagulat ako, yung calamares nila, wala din lasa.
Yung Garlic Soup naman nila, sa unang higop, hindi ko nagustuhan yung lasa pero habang tumatagal, medyo natatanggap naman ng sikmura ko, dahil siguro na din sa gutom. Yung isang order namin na clams, lasang garlic lang din. Tapos nag-order din kami ng Beef Ribs in red wine sauce. yung natikman ko, hindi ko naman maintindihan yung lasa. At siyempre sinubukan namin ang Paella nila.
Paella Marinera yung inorder namin. May lasa naman pero hindi nakaka-amaze, hindi mo hahanap-hanapin.
Marahil hindi lang sanay ang aking dila sa mga sosyal na pagkain. Kami lang siguro yung hindi nasiyahan nung araw na yun dahil marami naman kaming kasabay at mukha naman silang masaya.
Baka ganun talaga ang setup ng pagkain dun dahil sa table namin, may asin eh. Baka ikaw na bahala magdagdag ng asin. Bsata ang sineserved nila healty food kaya walang lasa.
Kaya kung hindi kayo sanay kumain sa mga sosyalan, wag na lang nyo subukan.
Pero sa mga sanay,feeling magugustuhan nila dito.
Kuwento mo kapag nakakain ka na dito :)
1 note · View note
kuwentoniluna · 2 years ago
Text
Little Boracay, Calatagan, Batangas
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
Nakapag-dagat din after two years.
Actually pangalawang beach ko na ito ngayon taon, pero hindi ko naibahagi sa inyo yung unang beach ko. Try ko makuwento sa susunod na araw, linggo, buwan o taon.
Pag-usapan muna natin yung napuntahan namin nung June 26, 2022.
Daytour lang kami dahil yung iba kasama namin ay mga responsibilidad na hindi kayang iwan na matagal.
Pumunta kami sa Little Boracay sa Calatagan, Batangas.
Madaling araw pa lang bumabiyahe na kami at dumating nga kami ng 5:45AM sa Total Calatagan.
Bago pala kayo pumunta dun, mas maganda kung may kausap na kayo.
Kaya kung naghahanap kayo ng contact person dun na mapagkakatiwalaan. Refer ko sa inyo si Ate Emalyn. 09512784229 https://www.facebook.com/emalyn.estremos.9
Marami ako nakausap at pare-pareho lang naman rate nila.
Roofdeck floating cottage-5k minimum 10 pax po
Ordinary floating cottage -4500 minimum 10 pax po
Bale hihingi sa inyo si Ate Emalyn ng Downpayment na 1k thru Gcash. (Ibang Number pa yun)
Magkikita kayo sa Total Calatagan. Yan lang type nyo sa Google Map or Waze. Hindi na kayo maliligaw.
From Total Calatagan, sasamahan na kayo ni Ate Emalyn papunta sa pinaka port. Mga 900m lang layo nun.
Wala palang parking sa mismong port kaya after nyo ibaba yung mga gamit nyo, sasamhan yung driver nyo ng kasama ni Ate Emalyn papunta sa parking.
Isa pang dapat nyo tandaan. 2 lang ang CR sa mismong Port. Yung CR naman sa Total Gas nung pumunta kami ay sira.
Kaya ang payo ko sa inyo ay mag-cr na kayo ng todo bago tuluyan sumukay ng Balsa.
Pero bago sumakay ng Balsa, may briefing pa mangyayari which maganda at dapat may ganun talaga sa mga tourist spot. Tamang paalala sa mga bawal na kung iisipin hindi na dapat i-remind sa atin yun. Common sense na lang yung Bawal Magkalat. Pero siyempre, tao lang tayo. Pasaway talaga at walang balak magbago.
After briefing, may go signal na kayo sumkay ng balsa.
May babayaran pa pala na P30 na ecological fee per head at P100 sa parking.
Saka siyempre, wag nyo kalimuntan iabot kay Ate Emalyn yung balance nyo.
Wag nyo kalimutan, mag-cr na kayo, mas lalo yung natatae dahil bawal at sobrang nakakahiya naman tumae ka pa sa gitna ng dagat. Yung ihi, mapapatawad ka pa ng inang kalikasan nun.
Pero sabi naman din sa briefing, kung natatae talaga, pwede magsabi sa inyong bangkero :) para maihatid kayo pabalik. (Walang extrang bayad yun at para lang sa natatae yun)
Sa balsa, meron tatlong basurahan.Kaya wala kayong dahilan para magtapon sa dagat at WALA TALAGA KAYONG KARAPATAN MAGTAPON SA DAGAT!
Sa Little Boracay may 4 destinations. Depende sa panahon, maari mapuntahan nyo lahat pwede rin hindi. Depende talaga sa panahon. Pero mabuti na lang nung pumunta kami, maganda and panahon.
Unang pupuntahan o tatambayan nyo ay Sandbar 1 o ang tawag ko dito ay Kid Level 1 dahil sobrang baba talaga ng tubig. Pwedeng pwede maglaro ang mga bata.
Pangalwang pupuntahan ay yung Starfish Area o Adult Level 1. Tandaan din nyo, bawal hawakan, apakan at kunin ang starfish. RESPETO na lang please. Kung ang tangkad mo ay 5'6, sakto yung height mo dito. hindi ka malulunod pero i suggest, mag life jacket ka para nakalutang ka talga para masigurado mong hindi ka makaka-apak ng starfish.
Pangatlong pupuntahan ay Coral Reef Area o Adult Level 2.
Kung hindi ka marunong lumangoy, lunod ka talaga dito. Malalim talaga dito kaya sa mga hindi marunong lumangoy, mag life jacket na lang kayo.
Pang-apat at sandbar 2 o Kid Level 2. Dito ulit matutuwa ang mga bata. Mas mababa ang tubig dito kaysa sa Sandbar 1.
Maari mag-stay dito hanggang 4pm pero I suggest, umalis kayo ng mas maaga kung balak pa nyo magbanlaw. Bakit?
Dahil 2 nga lang yung CR sa mismong port. Kaya kung sasabay kayo sa pag-out ng iba. Goodluck talaga sa pila. Kami nga, 1:30PM nag-out na kami pero pagdating namin sa port, may pila na agad. Kaya umuwi na lang kami na walang banlaw. Nagmamadali na din kasi kami dahil ang daaan namin pauwi ay tagaytay at may pasok kinabukasan.
Meron din pala mga water activity at ito rate nila (As of June-July 2022)
Banana boat -2500 minimum 10 pax
Kayak-300 perhead
Snorkeling- 150 each
Sa pagbabanlaw naman ay P20 -40 pesos bawat isang Tao,
Sa napapaisip, maganda ba? Yup, maganda siya pero para sa akin, dapat hindi nila tinawag na Little Boracay dahil malayong malayo sa Boracay talaga.
Ang ibig kong sabihin, dapat ipromote nila as in sa kanila. Imbes Little Boracay, pwedeng The Sandbars of Calatagan. Di ba? mas nakaka proud?
Nawa'y nagustuhan at meron kayo natutunan sa aking kuwento :)
Pasensiya nga plaa kung konti lang yung pictures, sarap lumangoy eh.😂😅
1 note · View note