#ako'y hindi sanay
Explore tagged Tumblr posts
Text
monthly proof that i'm a filipino
BAKUDEKU LAPLAPAN
TOGACHAKO CHUKCHAKAN
thank you
#i am a filipino#filipino#ako'y#isang pinoy#sa puso't diwa#pinoy na isinilang#sa ating bansa#ako'y hindi sanay#sa wikang mga banyaga#ako'y pinoy na#mayroong sariling wika#si gat jose rizal#noo'y nagwika#siya ay nagpangaral sa ating bansa#ang di raw magmahal#sa sariling wika#ay higit pa ang amoy sa#mabahong isda
10 notes
·
View notes
Text
Pang Anim na Pahina (Pangungulila)
Ngayong araw giliw, lubos akong nangungulila. Sabik sa yakap, halik mo'y inaalala. Mga kilos mong nagsasabi na "Mahal kita" bawat dulo ng tahanan ika'y nakikita.
Agwat nating dalawa ay hindi biro, nakakabaliw. Sanay naman akong mag isa, ngunit iba ka giliw. Hinahanap hanap kita saan man ako tumingin, sa bawat pasilyo at lugar na pinuntahan natin.
Hanggang kailan mo ako itatago sa dilim? Hanggang sa puso ko'y madurog? Hanggang sa ako'y lisanin? Sa liwanag hangad ko'y mahayag sa ng langit, maging sa kailaliman nitong ating daigdig.
Isang dula dulaan na tigib ng pighati, sa saliw ng kundimang luha ang hatid. Matayog na bituin ang nais kong marating, hagdan ko'y papel, pangarap ko'y nakaguhit sa hangin.
Ngunit....
Liwanag ay sasapit, dapit hapon ay darating. Mapait na gunita'y mawawaglit sa isang saglit. Huni ng musikang ubod kaytamis, ang syang aaliw sa pusong umiidlip.
Dinggin ang tinig ng tulang sinasambit, pag asa ang muli nitong hatid. Sugat ay hihilumin, papawiin ang sakit. Muling matitikman ang langit sa isang halik.
Bumalik ka na agom.... iligtas mo ko sa aking sarili...
0 notes
Text
Maskara ng Kalakasan
Masaya akong kasama ka parang paskong ginugunita, makita kitang nakatawa kahit di iba ang iyong kasama.
sanay ma akong naiiwan isinasantabi sa daan, sanay di maranasan ang kalunglutan itong sakit ng kalooban.
na hinihiniling amg ako ang kasama tumawa, kiligin at lumigaya, pagkat bakit pa ako aasa kung iyon saaki'y hindi mo magawa.
"makuntento na ako kung anong meron ako", ang sabi nila sakin kaya ako sumusuko, na parang batang hindi na natuto na sa taong may mahal ay wag mahulog.
huwag akong alalahanin pa ako'y ayos sa anong ipadama hirap, sakin na aking nadarama hindi ko ipapakita at mamaskara
natatakot kasi ako na iyong makita ang sugatan, bugbog sarado sa iyo sinta ayakong ako ay iyong kawaan na nakita mo aking angking kahinaan
0 notes
Text
Akala mo nakalimutan ko? Hindi ah.
Gusto kitang kantahan, padalan ng bulaklak pero alam ko di ka matutuwa, kaya dito nalang ilalatag tong kanta
Nung una kitang makita
Doon sa may Teresa
Dala-dala ko pa, ang payong kong Byoleta
Pusong kong kay saya
Sanay di na matapos pa
Ako;y napakanta ng Kundiman
Kung uulitin ko ang panahon
makasama kang muli
Ay pipiliin kong alagaan
At di ka masaktan
Nais kong malaman mo
Na ikaw pa rin ang ibig ko
Pagmamahal kong. Habangbuhay
Habangbuhay
Di ko malimutan
Yung talo ko sa pustahan
Ayon tuloy ako'y sumakay sa may kabayuhan
Isip koy litong lito
Ito ba ay totoo
Ako ay napadpad sa may Cubao
Kung uulitin ko ang panahon
makasama kang muli
Ay pipiliin kong alagaan
At di ka masaktan
Nais kong malaman mo
Na ikaw pa rin ang ibig ko
Pagmamahal kong. Habangbuhay
Habangbuhay
1 note
·
View note
Text
Sorry, hindi ako mabait.
Sorry, mataas ang pride ko.
Sorry, hindi ako sanay na pinapakinggan ang side ko.
Sorry, hindi ako katulad niya.
Natatakot lang ako na baka kapag napagtanto mong mayroon siya ng mga bagay na hindi ko kayang ibigay sa'yo,
Iiwan mo 'ko.
Natatakot lang ako na baka kapag nagsawa ka na at nariyan siya pra pahimbingin ka,
Kakalimutan mo 'ko.
Natatakot lang ako na baka habang hawak pa kita at yakap sa panaginip tuwina,
Kapag naman ako'y nakatalikod naipaparamdam mo sa kaniya ang mga bagay na sa akin mo ipinangakong ibigay.
Bobo ka ba? Utak mo nasa paa.
#quotes#hi mga shutek#lol#fuck em people#i hate people#i hate everyone#hate everyone equally#Spotify
0 notes
Text
Ang Karanasan ng Buhay Bilang Isang Mag-aaral sa Elementarya
Noong ako'y bata pa lamang ako ay takot na takot tuwing ako ay papasok sa eskwelahan, dahil sa mga panahong iyon ayaw ko pang nalulumbay ako sa piling ng aking mga magulang. Hanggang sa natutunan ko na rin kung paano pumasok sa paaralan at naging matatag ako sa sarili. Kasabay nang pagiging matapang ko sa sarili pumasok sa paaralan, ay natutunan ko na rin kung paano maligo at kumain magisa. Sa pag-kakatanda ko pa non ay ikinuha na rin ako ng aking mga magulang ng service para hindi ako mapapagod maglakad. Kasabay kong pumasok noon ang aking mga pinsan dahil sa iisang paaralan lamang kami pumapasok. Kami na din ng mga pinsan ko mag-isa ang umuuwi sakay ng tricycle. Hindi ko makakalimutan ang mga panahong iyon.
Nung ako naman ay nasa ika-unang grado. Kumuha ako ng exam sa NU Nazareth School sa Sampaloc, Maynila para doon na rin ako mag-aral. Nakapasa ako sa entrance exam at napag-desisyunan na ng aking mga magulang na doon na nga ako mag-aaral. Simula nung ako'y nakapasok na sa paaralang iyon ay ako ay gumigising nang maaga tapos maliligo at kakain ng almusal, maaga akong pumapasok dahil ayaw ng aking mga magulang na akoy ma huli sa klase. Noong mga panahong iyon, itinuro na sa amin kung paano mag add at subtract ng mga numero sa math, habang sa RHGP naman ay itinuro na sa amin ang mga salitang magagalang at ang proper hygiene. Sa mga panahong iyon ay kasama ko pa rin ang aking service. Noong nakapagtapos na ako sa unang grado ay napag desisyunan na ng aking mga magulang na tumira ako sa Tondo, Maynila.
Panibagong Lugar, Panibagong Antas nanaman ang aking lalakbayin sa aking buhay, buhay na hindi masusuklian ng kahit sino. Nung ako ay nasa ika-dalawang antas sa eskwela ako ay inilipat ng aking mga magulang sa Manila Cathedral School sa Tayuman. Kumuha muli ako ng entrance exams upang makapasok at ako ay natanggap. Para sa aking unang araw, ako ay nangangapa pa lamang sa aking paligid, gawa ng hindi pa ako sanay at hindi ko pa kabisado ang bawat sulok ng aking paaralan, hanggang sa na tunton na namin ang aking classroom at ako ay iniwan na ng aking mga magulang sa paaralan. Pagkatapos ng aking unang araw at unang klase ako ay sinundo ng aking mga magulang at kumain sa Jollibee. Natutunan ko noong mga panahong iyon kung paano mag multiplication sa Math habang mga pangngalan naman sa Filipino. Hanggang sa ako ay pumasok na sa ikatlong grado, napag-isip isip ko na "grabe, ang bilis na pala ng panahon" sa aking napakaganda at napakalaking paaralang MCS. Ipinagpatuloy ko ang aking pag-lalakbay ng Elementarya sa paaralang MCS. Napakarami kong natutunan sa paaralan kong ito at masaya ako sa aking mga guro na trinato ako ng tama at pinaramdam sa akin ang halaga ng buhay.
1 note
·
View note
Text
Pagtapak sa Mindoro, Sasalubong sa iyo ang Paraiso
Habangbuhay nang nakamarka sa aking isipan ang bighaning taglay ng Oriental Mindoro. Tila hagikgik sa aking puso ang maglakbay sa mga lugar na nakapagbibigay ginhawa at pahinga papalayo sa reyalidad, ang maghahatid sa akin patungo sa walang kapantay na ngiti at kapayapaan kasangga ng kalikasan—pansamantala ngunit tumatatak na karanasan, kasama ang aking mga mahal sa buhay. Abril 27 2018, ginising ako ng aking ate bandang alas tres ng umaga. Ako'y labis na nasabik sa paraisong naghihintay sa akin.
ASUL NA DAGAT at SARIWANG HANGIN, KAAKIBAT NG MANGHA SA PUTING BUHANGIN
Bakit nga ba dapat mong tuklasin ang sulit na alok ng isla? (Kasaysayan)
Tinaguriang “One of the Most Beautiful Bays,” bitbit na ng Oriental Mindoro ang pagkakakilanlan sa kanilang probinsya sa pagkakaroon ng lugar ng magkabilaang mga tourist spots, at matatagpuan dito ang isla at munisipalidad ng Puerto Galera. Madalas binibisita ng mga lokal at dayuhang turista ang Puerto Galera, at sapagkat isa itong sikat na destinasyon sa tuwing sasapit ang tag-init (summer/dry season) ay dumayo na rin kami dahil sa kasaganaan ng mga aktibidad sa tubig.
Ang Puerto Galera ay nagsilbing daungan ng kalakalan at ligtas na kanlungan laban sa madalas na mga bagyo sa Pilipinas bago ang kolonyal na panahon. Nang dumating ang mga Kastila at nanirahan sa baybayin, pinangalanan nila itong “Port of Galleons” sa Espanyol. Kinilala ng UNESCO ang Puerto Galera bilang “Man at Biosphere Reserve” sa taong 1973, kaya mula noon ay napanatili ang katayuan nito sa pagiging patok o pagtangkilik ng marami sa paglalakbay. Ang bayan ay mayroong humigit-kumulang 42 kilometro na baybayin na maipagmamalaking taglay ang diverse ecosystem, kaya walang duda rin na ito ay itatanghal ko bilang isa sa mga pinakasikat at pinakamahusay na mga destinasyon napuntahan ko sa mundo.
Paano nga ba ang patungo sa Puerto Galera, Oriental Mindoro? (Heograpiya)
Ang silangang hati ng Mindoro ay matatagpuan sa lalawigan ng Pilipinas sa rehiyong MIMAROPA sa Luzon. Inabot ang aking paglalakbay kasama ang aking pamilya ng humigit-kumulang tatlo hanggang apat na oras na byahe sa lupa at dagat mula sa Maynila. Sinundan namin ang karaniwang jump-off point sa Port of Batangas na nag-uugnay sa mga pampasaherong daungan ng bayan (Muelle at Balatero) sa mainland Luzon. Nakakuha kami ng tiket at terminal fee para sa kabuuang 500php isa. Ang pagsakay sa bangka ay kaaya-aya sa unang kalahati ng byahe habang naglalayag kami, ngunit buti na lang ay hindi ako kumain kaagad bago sumakay sa bangka sapagkat nakaranas kami ng matagtag at nakahihilong pagdako sa mayayabong na baybayin ng Muelle dahil kung nagkataon ay matutulad ako sa aking nakatatandang kapatid na hindi maganda ang naging pakiramdam. Iba pa rin talaga kung sanay ka na sa dagat at sa kulot na mga alon nito.
Saan maaring manatili habang nagbabakasyon (Akomodasyon)
Ang bayan mismo ay hindi na estranghero sa mga turista kaya agad kami nakahanap ng maraming abot-kayang lodging sa paligid ng bayan. Malayo sa siyudad at ingay, kami ay nagtungo sa Aninuan Beach (Ara Beach Resort) upang doon mapalagi kung saan matatagpuan sa tabi lamang ng White Beach. Pumabor ako na maparito dahil mas maamo at tahimik, talagang maaliw ka nang walang istorbo at damang-dama ko ang kaalwanan habang nilalanghap ang simoy ng hangin kung saan saglit kong nakalimutan ang aking mga problema.
Dito ko naranasan ang tunay na saya. (pagkain, mga gawain, pasalubong at kultura)
Ang magkakaibang likas na atraksyon ng Puerto Galera ay ang nagbibigay rason na maging isa ito sa nangungunang destinasyon ng turista sa Pilipinas. Ang munisipalidad ay biniyayaan ng malinis na mga cove, tila pulbos na puting buhangin ng dalampasigan, talon, mga bundok, at mayamang marine biodiversity. Nagsimula kami sa Island Hopping, kung saan natuklasan o napuntahan ko ang Haligi Beach, Bayanan Beach, Sandbar at Coral Garden. Naranasan ko rin ang mga kilalang aktibidad tulad ng pagsakay sa jetski, kayaking, at marami pa! Nagbigay talaga siya sa akin ng oras upang tunay na makapagpahinga at masiyahan sa aking oras kasama ang aking pamilya.
Maliban sa Beach Bumming at Cove and Island Hopping, pati ang pagbisita sa mga waterfalls, ayon sa mga naninirahan dito, ang isla raw ay mayroong angking mahika pagdating sa mga isda, kaya naman naging interesado at na-enganyo kaming mag-snorkeling. Sa aking edad na hindi pa masyadong gamay ang dagat at kahit na hindi ako magaling lumangoy ay sinubukan ko pa rin tumuloy sa pagsisid. Totoo nga na “out of this world” ang nasaksihan ng aking mga mata. Nagpakain din kami ng mga lamang dagat sa paraang pinutol-putol namin ang mga tinapay kaya talaga namang talagang nasilayan ko ang iba’t ibang uri ng isda.
Masarap nga ba ang pagkain sa Puero Galera, Mindoro?
Napakayaman sa lamang dagat ng Puerto Galera, kaya naman hindi ko na maitatago ang sarap at gulat sa mga panibagong lasang aking natuklasan sa kanilang mga pagkain. Dumayo pa kami sa mga bayan at sumakay sa traysikel. Maraming matatagpuan na kainan sa paligid ng isla, medyo mayroong kamahalan nga lamang ang mga restaurant dahil nag-aalok sila ng tila-five star o sosyal na hapagkainan para sa mga manlalakbay, ngunit tiyak naman na nabusog ang aming kalamnan. Pagkatapos namin maglibot ay nagpunta kami sa mga maliliit na karinderya kung saan patok ang mga inihaw na isdang maliliit. Ang ngiting aking nakamtan sa pagkain ng lugar na ito ay hindi na mapapantayan pa.
Sa iyong pagbisita, ano-ano pa ang mga maari mong gawin sa pagtuklas ng kanilang kultura?
Ang taglay na dalampasigang pambansa ay ang pupukaw sa iyong atensyon kung saan hanggang dulo ng hangganan ay hindi mo ito makakalimutan. Kung ikaw ay tulad kong ganado sa tuwing makatutuklas ng ibang kultra, dapat kang pumunta sa nayon ng Irawan Mangyan sa Talipanan–sa paanan ng Mt. Malasimbo. Bago kami talaga nakarating sa Talipanan Falls, dumaan kami sa Mangyan Village. Sa kabila ng pagod at init, ang isang maliit na sibilisadong komunidad ng mga Mangyan sa bayan ang bumungad at nagpaligalig sa aking pakiramdam. Ika nga, "It's More Fun In The Philippines!" Sinalubong ako ng mga Mangyan at kanilang sariling mga materyales na ginagamit nila para sa mga produktong habi sa bundok. Sa saglit na pagkakataong iyon ay umapoy ang aking pagiging Pinoy, dahil taas noo akong nabighani sa sariling atin.
Sa pag-uwi, bitbit ko ang mga ala-ala.
Sa malaya at magaan kong karanasan, dala-dala ko ang ilang mga gamit na ibibigay ko sa aking mga kaibigan. Simbolo at tanda ito ng aking paglalakbay.
Sa muling pagkakaroon ng aking sarili ng rason upang magpatuloy sa kabila ng kalungkutan o problema, ang munting mga paglalakbay ang nagpapaalala sa akin na napakaraming biyaya ng kalikasan—na sana huwag kong malimutan ang liwanag na taglay ng pagiging buhay.
Hanggang sa muli.
(Sanggunian:)
1 note
·
View note
Text
Sasalubungin ang bagong umaga Sa kalungkuta'y 'di na mananatili pa Nakaraa'y hindi na hahabulin Pagibig na hindi para sa atin
Hindi ka na hahayaan pang malumbay Kung dito sa piling ko'y hindi ka na sanay Iyong paglipad ay 'di na pipigilan
Pasensya ka na, ako'y may kabagalan May kabagalang makalimot Hayaan mo na, hanggang ngayon na lang ito
Pangako ko
8 notes
·
View notes
Text
Sampung beses ko siguro sinabi sa sarili ko na wag ka nang mahalin. Kalimutan ka na at wag na rin bigkasin, ang mga pangalan mo na habambuhay na naka-ukit sa puso ko. Pero ang kabalintunaan dito ay kahit anong tahimik at pagpigil ng bibig ko, sinasambit pa din ng nasa dibdib ko ang bawat letra ng pangalan mo. Hanggang ngayon. Kulang pala ang sampung beses.
Siyamnapung porsyento ng litrato naten sa telepono ko ay puro mukha mo. Yung iba nakatago, yung iba tila bang kumakaway agad kapag binuksan mo ang telepono ko. Yung iba matagal na, yung iba baguhan palang. Napagtanto ko, hindi nga talaga ako mahilig kumuha ng sariling litrato ko simula nung naging tayo. Puro ikaw, puro sayo. Madalas ang sayo kesa sa tayo. Kaya siguro tayo nawarak, dahil mas pinaglaanan ko ng pansin ang ikaw, kesa sa tayo
Walong araw sa isang linggo ang pakiramdam ko kapag kasama kita. Kulang ang lunes hanggang linggo. Kulang ang pito. Sa sobrang saya ko nadadagdagan ng isang araw ang buhay ko. Sobra mokong pinasaya, mahal ko.
Pitongdaan at pitumputpitong beses kita minahal. Alam mo ba na ang numerong pito ay numero din ng panghabang buhay. Hindi man literal, pero minahal kita at mamahalin kita habambuhay.
Anim na taon na ko sa kolehiyo. Ibawas naten yung dalawang taong tumigil ako. Noong una Hindi ko alam kung pano ako nabuhay sa putanginang kursong ito. Pero alam ko na, kung hindi dahil sayo matagal ko nang sinukuan to. Binigyan moko ng lakas at pagasa na tahakin ang masalimuot na daanang ito.
Limang patak ng luha ang tumulo sa bawat mata ko. Sanay naman nako sa limang patak ng luha, nahuhulog sila kapag sobrang saya ko kapiling ang mga yakap mo. Habang pinagmamasdan kang natutulog. Hinahalikan para lang mabwisit ka kase antok na antok ka. Limang patak ng luha ang dumadaloy palagi sa mga nakangiti kong labi. Iniisip na napakaswerte ko na nasa akin ka ngayong gabi. Pero isang gabi bigla nalang sila pumatak ng walang sinasagasaang ngiti. Tanging mga luha lang.
Apat na taon tayong magkasama. Kabisado ko ang mga ayaw at gusto mo, kabisado ang mga galaw ng mga daliri mo. Ang pagpinta sa mga labi mo. Kabisado kung para saan ang mga kinang sa mata mo. Ngayon kaya? Kabisado ko pa kaya? Gusto ko ulit kabisaduhin simula umpisa. Bigyan mo naman ako ng isa pang pagasa.
Tatlong salita ang paborito kong sinasabi sayo nung umpisa. "masaya ka ba?". Naaalala ko madalas ko sinasambit ang mga salitang yan pagkatapos naten lumabas. Habang nakahiga sa kani-kaniyang kama. Tinatanong ko kung masaya ka ba. Pero nung mga huli na hindi na... Hindi ko na naitanong. Hindi ko na naitatanong. Siguro kung naitatanong ko pa din, maisasalba ko kung anong meron tayo.
Dalawang bundok ang naakyat nating dalawa noong opisyal na tayo na. Isang kasama ang tropa at pamilya, isang tayong dalawa lang magisa. Dalawang beses tayo nakarating sa dulo ng mundo. Dalawang beses tiningala ng mga normal na tao. Dalawang beses naabot ang mga ulap sa himpapawid ng pangarap na tila ba lumilipad tayo sa alapaap.
Isang bagay lang ang pinakaka pinagsisisihan ko. Na tumigil ako. Tumigil sa pagbibigay ng tsokolate sayo. Tuwing lalabas tayo at magkikita palaging may nakaabang na tsokolate sa kamay ko. Piso man o isang daan. Nagbibigay ako ng walang palya. Pero pumalya. Siguro kung hindi pumalya naiparamdam ko sayo na ako ay masaya. Na mahal na mahal kita. Pero putangina pumalya. Pasensya na.
Sampu, siyam, walo.
Mahal pa din kita kahit alam ko nang talo
Pito, anim, lima
Gusto kitang hagkan, yakapin, at sabihing bumalik ka na.
Apat, tatlo, dalawa
Talo na, pero kung bibigyan ng pagkakataon ako'y susugal pa
Isa.
Isang salita mo lang lilipad ako pabalik sayo, sinta.
2 notes
·
View notes
Text
Songs That Will Tug Your Heartstrings
Dalawang Tao by Rice Lucido
youtube
Ikaw at ako Nagkasalubong Nahumaling sa'yo O, panaginip ba ito?
Dalawa tayo Laban sa mundo Sa mundong magulo Oras ko'y humihinto
Ayaw nang lumayo Pa sa piling mo Sayo ako'y buong-buo
Ikaw at Ako by Johnoy Danao
youtube
Ikaw at ako, pinagtagpo Nag-usap ang ating puso Nagkasundong magsama habangbuhay
Sana'y di magmaliw ang pagtingin Kaydaling sabihin, kayhirap gawin Sa mundong walang katiyakan Sabay natin gawing kahapon ang bukas
At kung magkamali akong ika'y saktan Puso mo ba'y handang magpatawad
Ang Awit Natin by Janine Teñoso
youtube
Minsan sinabi natin, walang ibang mamahalin Tulad ng himig ng hangin, dati 'ko nang napapansin Naririnig ko sa awit ang buhay natin
Biglang nag-iba ang buhay, nagkasundong maghiwalay Ipilit man, 'di na sanay, 'di magtagpo mga kamay Pangako ng awit noon ay hindi nabigay
Paano Na by Keiko Necesario
youtube
Para bang nagalit ang pagkakataon Sa atin na ang tanging hangad lamang Ay umibig
Patawad by Moira dela Torre
youtube
Wala na rin naman kahit na balikan Wala na ang tamis nung ika'y nahagkan At sa huling paalam naintindihan Na sa ating dalawa May ibang nakalaan
4 notes
·
View notes
Text
"Landas"
Aba teka! Parang gusto kong sumulat, pero walang pamagat. Ang kwentong ito ay hango sa isang tao, ay hindi.....(isa, dalawa...) dalawa. Dalawang tao pala. Ang kwentong ito ay hango sa dalawang taong nagkrus ang landas, at lumakad paatras. (Isang lalake at babae na walang pagkakahalintulad ang inyong masusubaybayan.)
Hello sa inyo! Ang pangalan ko nga pala ay Emilio, hindi ko na babangitin ang aking apelyido.
"Simulan natin ang storya ng lalaking hindi alam ang landas ng kanyang buhay. Isang lalaking naligaw ng pupuntahan, maligalig ang isipan at walang tamang paroroonan".
"Ako'y lubos na nalilito! Bakit nga ba ang bilis magbago ng isipan ko?! Panandalian lamang at iba na ang gusto ko? Ano ba talaga ang gusto ko?" Ika ni Emilio. Marahil, si Emilio ay tunay magmahal ngunit binabalewala ng karamihan. Mula pagkabata ay masiyahing tao na si Emilio, palatawa, palangiti, palabiro, at mapaglaro. Siya ay nagtapos ng elementarya at hayskul sa isang pribadong paaralan, sa Muntinlupa. At nagtapos ng kursong Bachelor of Science in Computer Science sa isang pribadong paaralan sa lungsod ng Laguna. Hindi naging madali ang pakikipagsapalaran ni Emilio sa paaralan dahil siya ay nagpapalit palit ng kurso bago nakapagtapos. "Ano ba 'tong ginagawa ko? Pinapaaral na lamang ako ngunit panay pangit na grado pa ang nakukuha ko." Hindi matalinong tao si Emilio ngunit masipag siya, handa siyang malaman at matutunan ang mga bagay bagay. Si Emilio ay mapaglaro sa mga babae, maharot kumbaga. Walang isang salita, mabilis mahulog, mabilis mabighani, mabilis magsabi ng nararamdaman. Maraming nahulog kay Emilio dahil sa kanyang matatamis na salita, ngunit walang nagtagal sa kanyang mga karelasyon, mabilis din itong iniiwan sa hindi malaman na dahilan. Taong 2017 ng magtapos ang binata ng pag-aaral, siya ay pumasok bilang isang Intern sa Pamahalaang Lungsod ng Muntinlupa. Disyembre 11, 2017 kaarawan ng Ama ni Emilio at kasalukuyang naka konfine sa ospital ang kanyang Nanay (Lola) dahil sa nakamamatay na sakit.
Emilio: Dito tayo kakain mamaya?
Ama: Oo, dito na ako magcecelebrate para kasama Nanay.
Emilio: Sige po, balik na lang ako mamaya pagkatapos ng trabaho.
Ama: Oo sige, wag kana masyadong magpalate ng punta dito at hahanapin ka ng nanay.
Emilio: Sige po.
Masayang pinag-usapan ng mag ama ang mangyayari sa kainan sa loob ng ospital. Lumisan na si Emilio upang bumalik sa Trabaho. Nang biglang nangyari ang hindi inaasahan ng lahat..................
"Dok! Dok!" sigaw ng isang nars sa ospital. Mabilis na nagtungo ang halos tatlong Doktor at tatlong nars sa kwarto namin. "Ready, Clear! Ready, Clear!". (Nay! Naaaaay! Gumising ka Nay!) Sigaw ng lahat.
Kinutuban ng masama si Emilio habang nasa trabaho. Tila bang, gusto niyang bumalik sa ospital para makita ang kanyang Nanay. Bumalik si Emilio sa ospital at napansing bukas ang pinto ng kwarto, maraming naka kulay puting uniporme at nasa labas naman ang kanyang Ama at mga Tiya.
Emilio: Bakit kayo nasa labas? (Masayang wika ni Emilio)
Tiya: Wala na ang Nanay. (Umiiyak na nagsalita)
Emilio: Anong wala na? Lilipat tayo ng kwarto?
Tiya: Wala na Nanay, patay na. (Umiiyak)
Emilio: Ha?! (Sabay takbo papasok ng kwarto)
Nakita ni Emilio ang kanyang pamilya na umiiyak. Hindi narin napigilan nito ang umiyak ng makitang walang buhay na nakahiga ang kanyang Nanay. "Nay! Birthday ni daddy, magkakainan pa po tayo mamaya". Hindi na agad nakabalik sa trabaho si Emilio dahil sa kanilang pinagdaraanan. Kitang kita sa mukha ng buong pamilya ang sakit at lungkot sa pagkawala ng isang napakabuting tao.
Emilio: "Calling......" Hello Polen, si Nanay. (Umiiyak)
Polen: Bakit? Anong nangyari? (Gulat na nagtanong)
Emilio: Wala na si Nanay, patay na. (Mas matinding pag iyak)
Polen: Hala?! Sorry sa masamang balita. Tatagan mo loob mo, pupunta kami mamaya ni Echo.
(Si Polen at Echo ay ang matatalik na kaibigan ni Emilio nung sila ay nasa kolehiyo)
Nakalabas na sa ospital sila Emilio, dinala narin sa polinarya ang kanyang Nanay para bihisan. Pag uwi sa kanilang bahay, sila ay nagkwentuhan tungkol sa nangyari. Wala ng bakas ng lungkot sa mukha ng bawat isa dahil alam nilang ayaw ng kanilang Nanay ng malungkot. Binuksan narin ng Ama ni Emilio ang mga regalong natanggap nito mula sa kanyang mga anak.....Oras na upang sila ay magtungo sa lugar na pagdarausan ng ilang gabing pamamahinga ng kanila Nanay. "Gusto ko doon tayo sa pinakamalaing kwarto. Gusto ko magandang maganda ang mga bulaklak ng Nanay, gusto ko maraming ilaw", ika ng isang tiya ni Emilio.
Lumipas ang mga araw at dumating ang araw ng pamamaalam nila Emilio sa kanilang Nanay. Maraming tao, lahat ng kamag-anak, mga mahal sa buhay, mga kaibigan, mga natulungan, mga kapit bahay, mga kasamahan. Napakaraming nakiramay dahil napakaraming nagmamahal sa Nanay ni Emilio. Umagos muli ang luha sa mga mata ng bawat isa, hindi mapigilan ang lungkot na nadarama. Matapos mamaalam ng buong pamilya, sila ay nagtungo sa isang mall sa Alabang upang kumain at magpalipas ng oras. Masaya nanamang nagkwentuhan ang buong pamilya, tila bang walang mabigat na pinagdaraanan. Marahil, alam ng lahat na nasa mabuting kalagayan na ang kanilang Nanay, kapiling na nito ang lumikha. Panatag na ang loob ng lahat, dahil sa wakas, natapos na ang hirap na pinagdaraanan ng kanilang Nanay.
(June 11, 2018......ng matanggap sa trabaho sa Pamahalaang Lungsod ng Muntinlupa si Emilio)
Hindi maipinta ang saya sa mukha ng binata, dahil sa wakas ay may trabaho na siya matapos ang mahabang pag aaply sa iba't ibang kompanya. Masaya ang binata sa kanyang trabaho, masaya siyang tumutulong sa mga tao. Maraming hirap na pinagdanan sa trabaho ngunit hindi ito sumuko. "Hindi ako pwedeng sumuko, babawi pa ako sa mga magulang ko". Nagpatuloy si Emilio sa kanyang trabaho hanggang sa nakilala niya ang isang babaeng nagngangalang, Cassie. Si Cassie ay isang dalaga at namasukang intern sa opisina nila Emilio, at hinangaan ito ni Emilio dahil sa anking ganda, talino, bait, at iba pa. Ngunit may ibang gusto ang dalaga kaya hindi ipinilit ni Emilio ang kanyang nararamdaman para dito. Nakakita ng iba si Emilio sa ibang departamento, at agad niya itong pinormahan. Pinormahan ng pinormahan hanggang sa malaman ni Emilio na hindi pala sila pareho ng relihiyon.
Babae: Anong relihiyon mo?
Emilio : Katoliko ako, ikaw ba?
Babae: Nako, patawad ngunit hindi ako maaaring magmahal ng isang katoliko, Kristiyano ako.
Hindi umayon kay Emilio ang gusto niyang relasyon, dahil pinatigil siya sa pag porma dahil sa magkaiba nilang relihiyon. "Ewan ko ba, hindi naman hadlang ang relihiyon sa pag-iibigan, pero iba ang pananaw niya" ika ni Emilio sa kanyang sarili. Hindi naging madali kay Emilio ang nangyari dahil ang kanyang puso ay nahirapan. "Talo nanaman, nakakasawa". Lumipas ang tatlong buwan at natapos na ang kontrata ng mga intern sa opisina nila Emilio, kabilang dito si Cassie.
Emilio: Cassie picture naman tayo, para lang sa ala-ala.
Cassie: Sige po sir, walang problema.
Emilio: Wag mo akong kakalimutan ah?
Cassie: Ala, OA naman. Syempre hindi.
Namaalam si Cassie kay Emilio ng masaya, ngunit malungkot naman si Emilio. "Ni hindi ko manlang nasabi kay Cassie na gusto ko siya", ika ni Emilio sa kanyang isipan. "Hay nako, makakahanap din ako ng para talaga sakin, yung hindi sapilitan". Naging magkaibigan sina Cassie at Emilio sa labas ng opisina, nadadalas ang pagkikita nila kasama ang mga barkada. Ngunit wala pading alam ang dalaga sa nararamdaman ng binata para sa kanya. Lumipas pa ang ilang buwan, at hindi na maitago ni Emilio ang nararamdaman. Nagparamdam na ito sa dalaga sa pamamagitan ng Chat, text at maging sa personal na kilos. Naguluhan ang dalaga at tila nailang. Dumidistansya ito kay Emilio, ngunit hindi nagpatalo si Emilio. Mas ipinakita ng binata ang kanyang magandang intensyon para sa dalaga.
April 26, 2019.....Magkakaroon ng konsert ang mga bandang Pilipino at niyaya ni Emilio na sumama si Cassie kasama ang mga barkada.
Emilio: Cassie, sama ka samin ah? Nood tayo konsert.
Cassie: Nako ayoko, hindi ako sanay sa maraming tao.
Emilio: Kasama naman ang barkada natin.
Cassie: Ayoko talaga.
Emilio: Sige na (nagmamakaawa)
Cassie: Sige pag-iisipan ko.
Emilio: Yes! Sige sige. (masayang masaya)
Dumating ang araw ng konsert at nakarating din si Cassie. "Hala, napakaganda niya talaga", ika ni Emilio sa sarili habang nakatitig kay Cassie.
Cassie: Ang daming tao, nakakahiya
Emilio: Ayos lang yan, samin ka lang dumikit lagi
Tugtog dito, tugtog doon. Kanta dito, kanta doon. Aliw na aliw si Emilio at ang mga barkada nito sa mga tumutugtog na banda. Habang tila hindi nagugustuhan ni Cassie ang nangyayari.
Emilio: Okay ka lang ba? Parang hindi ka masaya
Cassie: Okay lang ako, sige lang enjoy ka lang.
Nagpatuloy ang kantahan, sigawan, sayawan at talunan sa konsert. Masayang masaya si Emilio ngunit hindi parin nito mapigilan na mag-alala kay Cassie. Tumabi si Emilio kay Cassie habang nakaupo ito sa damuhan. "Oh, bakit? Pagod kana noh?" ika ni Cassie kay Emilio. "Hindi, eh hindi ka naman masaya eh." ika naman ng binata kay Cassie. Natapos ang konsert at mag-uuwian na ang mga tao. "Parang hindi siya natuwa, dapat pala hindi ko nalamang siya niyaya."
Emilio: Parang hindi ka naman natuwa.
Cassie: Natuwa ako, hindi lang halata.
Emilio: Talaga?
Cassie: Oo nga.
Emilio: Okay sige. HAHAHAHA!
Simula noon ay palagi ng niyayaya ni Emilio ang dalaga na lumabas ng silang dalawa lang. Masaya namang sumasama ang dalaga. Hanggang sa dumating ang araw na umamin na ng nararamdaman ang binata.
Emilio: Cassie, gusto kita matagal na.
Cassie: Seryoso ba?
Emilio: Oo, matagal kong hinintay ang pagkakataon na ito para umamin sayo.
Cassie: Wala akong masabi, pero ramdam ko naman dati pa. Hindi lang ako sigurado, ngayon sigurado na ako.
Naging mas komportable ang dalawa sa isa't-isa, wala ng hiya, bukas sa lahat ng klaseng kwentuhan, at nakakapagsabi na ng sikreto. Dumating ang araw ng kaarawan ni Cassie, at niregaluhan ito ni Emilio. "Isang camera? (masayang tanong)" ika ni Cassie kay Emilio. "Oo para makuhanan natin ang bawat sandaling magkasama tayo", ika ni Emilio. Dala dala ni Cassie ang camera kapag umaalis sila ni Emilio. Nagsimulang manligaw si Emilio kay Cassie, at hindi ito naging madali para sa binata. Dahil sa mga nakaraan ni Cassie kaya takot na ito na magtiwala muli. Ngunit pinakita ni Emilio ang kanyang malinis na intensyon para sa dalaga. Unti unti nitong nakuha ang loob ng dalaga. Nagkaroon ng tiwala si Cassie kay Emilio, isang tiwala na hindi niya pinagkaloob sa iba. Naging maganda ang samahan ng dalawa, walang bahid ng lungkot sa kanilang mga mata. "Ito na siguro yung pag-ibig na hinihintay ko" ika ni Emilio kay Cassie. Lumipas pa ang mga araw at buwan, at dumating ang gabi na hindi inaasahan ni Emilio. Habang sila ay nakatambay ni Cassie sa kanilang paboritong tambayan....
Emilio: Tayo na ba? (Seryosong tanong ng binata kay Cassie)
Cassie: (Matagal na nag isip) Oo
Emilio: Talaga? Walang biro? (Tarantang tanong)
Cassie: Oo nga.
Emilio: YES!!!! May girlfriend na kooooo!
Niyakap ng mahigpit ni Emilio si Cassie at hinalikan sa pisngi. "Thank you! I love you!" ika ni Emilio habang nakayakap kay Cassie. Isang hindi malilimutang sandali ang gabing 'yon para kay Emilio, napakasaya ng binata. Hindi maalis ang ngiti sa mga labi, dahil sa wakas ay binigyan ito ng dalaga ng pagkakataon upang ipakita ang pagmamahal at ang malinis na intensyon. Nagpatuloy ang pagmamahalan ng dalawa, dumating narin ang mga pag-aaway at pagtatampuhan. Naging sobrang negatibo sa pag-iisip ni Cassie, na tila bang si Emilio ay mawawala at iiwan siya palagi. Ngunit hindi sumuko si Emilio kahit na naubos na ang pasensya nito dahil sa sobrang negatibong pag-iisip ng dalaga. "Nangako ako na si Cassie na ang huli at siya na ang aking pakakasalan. Mamahalin ko siya kung sino siya, tatanggapin ko siya kung ano siya", ika ni Emilio sa sarili.
Nang dumating ang isang nakakamamatay at hindi inaasahang sakit, ito ay ang Covid-19. Isang sakit na nakakahawa sa pamamagitin ng laway na tumalsik sa isang bagay at nadikitan ng iba. Lahat ay natakot sa sakit na ito, kaya ipinatupad ng Presidente ng Pilipinas ang Lockdown at Quarantine sa buong bansa upang mapigilan ang pagdami ng mga taong apektado ng nasabing sakit. Totoong napakahirap ng Lockdown, dahil hindi maaaring lumabas ng bahay ang mga tao kung wala itong mahalaga at katanggap tangap na rason. Lalo pang naging negatibo ang pag-iisip ni Cassie, dahilan upang mag-away sila ni Emilio.
Cassie: Hindi ko na kaya 'tong lockdown. Gusto ko ng lumabas.
Emilio: Hindi tayo pwedeng lumabas dahil delikado. Baka mahawa tayo.
Cassie: Bagot na bagot na 'ko dito sa bahay.
Emilio: Hindi mo ba naiintindihan na nakamamatay yung Covid-19? Hindi birong sakit yon.
Cassie: Pero gusto na kitang makita.
Emilio: Gusto nadin kitang makita, pero kailangan natin mag tiis pa.
At ipinaliwanag ni Emilio kay Cassie ng mabuti ang sitwasyon upang mapanatag ang pag-iisip nito. "Yayakapin kita ng mahigpit at hahalikan na marami kapag nagkita tayo pagkatapos ng lockdown" ika ni Emilio kay Cassie.
Hanggang ngayon ay lockdown padin ang buong Pilipinas, ngunit panatag na ang pag-iisip ni Cassie dahil sa tulong ni Emilio, hindi na ito negatibo mag-isip. Maraming salamat kay Emilio dahil hindi niya pinapabayaan ang kanyang kasintahan na si Cassie. At maraming salamat din kay Cassie dahil sa patuloy nitong pag-aalaga kay Emilio kahit sila ay hindi makapagsama. Patuloy ang pamumuhay ng dalawa bilang magkasintahan, masaya ng muli, nag mamahalan, at patuloy na magmamahalan hanggang sa walang hanggan.
Hanggang sa susunod na yugto ng dalawang taong walang pagkakahalintulad ngunit nag krus ang landas.
1 note
·
View note
Text
Pagkatao ko sa Pangalan ko
Misteryoso, tahimik, mahiyain at mabait ilan lamang yan sa mga katagang sinasabi nila sakin.
Kung ako'y tatanungin masasabi kong hindi ako misteryoso, dahil ako yung tipo na tao na walang tinatagong sekreto sa mga taong aking lubos na pinagkakatiwalaan; tahimik, isa sa katagang sinasabi nila nung ako'y una nilang nakita o nakilala, pero kapag ako'y lubos na nyong nakilala alam kong hindi nyo masasabi ang katagang iyan; mahiyain, oo, aaminin kong mahiyain akong tao, dahil ako yung tipo na babaeng hindi sanay makihalubilo sa mga tao; at ang isa sa huling katagang sinasabi nila sakin ay mabait, mabait ako sa mabait pero kapag naramdaman kong hindi ka rin mabait o kung sinasabi nilang "may masamang budhi" ay hindi ko mapigilan na lumabas ang isa ko pang ugali na kung minsan ay kinaiinisan ko rin.
Labing walong taong gulang; namulat sa mga istrikto ngunit mapagmahal na mga magulang; at nag-iisang anak kaya't halos saakin napupunta ang mga gawaing bahay at pag-utos sa mga bagay-bagay. Ngunit alam ko na hindi dapat ako magreklamo dahil para narin itong kabayaran sa mga paghihirap ng aking mga magulang para ako'y mapaaral lamang sa magandang paaralan.
Mahilig sa mga laro sa internet at magbasa ng mga istorya sa wattpad; ang mga ito lamang akong aking pinagkakalibangan. Maging punong tagapagluto, tagatuos o tagabilang, negosyante, istuwardes at libutin ang buong mundo. Ilan lamang iyan sa mga pangarap kong gustong abutin, ngunit habang ako'y lumalaki at nagkakaisip parang kay hirap na itong abutin.
Mula sa pangalan ng aking lola na si Maria at hango sa salitang reyna na sa ingles ay "queen" kaya nabuo ang pangalang Queenie. Maraming kaparehong tunog at kapangalan, ngunit mayroon pa rin itong pinagkaiba sa lahat, ang baybay nito. Na kung dapat ay Queenie, ay naging Quennie. Siguro nga ito lang ang pinagkaiba ko sa lahat at ang maipagmamalaki pa lamang.
Ang mapangalanang Maria Quennie Rodelas Morata. Ipinanganak para maging tunay, hindi para maging perpekto.
Maraming salamat sa inyong pagbabasa sa aking maikling kwento.
6 notes
·
View notes
Text
2:47 ng umaga // ika-17 ng oktubre, taong 2018
"halika." ang sabi nila habang tinitingnan kong mabuti ang mga labi nilang walang punit hindi tulad nung sa akin. marahil sanay silang isigaw ang mga salitang hindi ko man lang maibulong sa hangin.
"lapit." ang sabi nila. doon daw ay may pahinga. doon daw ay hindi isang mailap na usa ang pagiging masaya. doon daw kung saan 'di bibilanging ang mga sugat na pinapagaling mo pa. marahil ay sanay silang magsuot ng kamisetang yari sa peklat at pagguho habang ako'y hindi makuhang subukan na sukatin ang mga ito.
#writings#melancholic heartbeat#literature#writers on tumblr#poetry#tula#spilled words#sulat#poem#poems#spilled ink#spilled thoughts#maikling tula#manunulat#poets on tumblr#creative writing#poets#poet#poetsofinstagram#writersofinstagram#filipino poem#poetsofig#filipino writers#writerscreed#writers#writing community#melancholicheartbeat#tagalogpoem#poems on tumblr#free verse
6 notes
·
View notes
Text
Heto nanaman ang mga luha
Bakit ba ang rupok rupok ko?
Gusto ko rin naman maging matapang tulad mo
Pero sa tuwing ako'y nilalamon ng mga negatibo
Kong pag iisip, hindi ko maiwasan idaan sa luha
Napakahina kong nilalang no?
Sabi ko sa sarili ko, kakayanin ko
Kinakaya ko naman pero sadyang kinakain ako ng emosyon ko
Pero nakakatuwa lang isipin na kahit ganito
Nandito ako, nakikipagsapalaran mag isa
At hindi ako lumalapit sa mga handang makinig sakin
Gusto ko lang ipatunayan na kaya kong mag isa
Ngunit iba parin pala talaga kapag nandyan ka
Para bang kulang ako
Hindi ko sinasabing ikamamatay ko pag wala ka
Pero sigurado naman ako na alam mo ang feeling
Kapag wala sa tabi mo ang taong pinahahalagahan mo
Ang hirap humarap sa araw araw lalo na't sanay nakong nandyan ka
0 notes
Text
Jeziel Espedido
1ST SEMESTER
Activity 1: Speculative Writing
Activity 2 & 3
ARAYATA, CRISTINA
May mga araw
Tiwala sa sarili,
Nababawasan.
Ngayo'y natanto
Di pala dapat ganun,
Dahil kaya ko!
CAILO, ANGELICA
Laging magisa
kaibigan karamay
laging kwentuhan
ngayon masaya
sa piling ng pamilya
puso'y sumigla
DURAN, ISAIAH UREILLE E.
Nangungulila
Sa piling ng pamilya,
Pilit ang saya.
Ako'y lumaking
Puno ng pagmamahal,
Tuloy ang laban.
EBONIA, SHAIRA
Aking kinaya
Ang paglisan mo sinta
Ngunit kay hirap
Wag nang balikan
Ang ating nakaraan
o aking sinta
ESPEDIDO, ZHELLE
Ako'y nagsaya
Kasama ang pamilya,
Tuwa ang dala.
Masaya padin
Kahit na may problema,
Lungkot di dama.
TANGUILAN, CAMILLE
Takot magisa.
Sanay na may kasama.
Buhay masaya.
Gustong magisa.
Ayaw ibang presensya.
Puso'y sanay na.
BATION, ALEJANDRO
Mga pagdaloy
ng luha sa'king mata
ay 'di maubos.
Nang makilala,
ang puso'y lumigaya,
luha'y nawala.
LAUIGAN, TADEO
Sa dapit-hapon
Oras ay nalipasan
Ba't ka nasaktan
Sa'king paglago
Nakaraa'y iniwan
Ako'y lalakad
PADUA, JIM NERRY
May kaibigan,
Nasa tabi mo lamang,
ang kailangan.
Ito'y layuan
pagmamay-ari lamang
ay mawawalan.
SELVIO, JOHN VINCENT
Oh aking sinta
Labis kitang minahal
Bat ka nagloko.
Hindi mo na'ko
Maloloko pang muli
Salamat sa dios
Activity 4: Fan Fiction
MORE THAN FRIENDS
*NARANASAN NIYO NABANG MAINLOVE SA KAIBIGAN NIYO?
YUNG AKALA MO KAIBIGAN LANG YUNG TURING NIYO SA ISAT ISA PERO DI MO NAMAMALAYANG NAHUHULOG NAPALA KAYO SA ISAT ISA, ANG MASAKIT LANG DITO AY DI MO SIGURADO KUNG GANUN DIN BA SIYA SAYO, AT MAGUGULUHAN KADIN KUNG AAMIN KA KASI IISIPIN MO NA BAKA MASIRA YUNG PAG KAKAIBIGAN NIYO KUNG HINDI NAMAN KAYO PAREHAS NG NARARAMDAMAN MAARING UMIWAS SIYA SAYO KAPAG NALAMAN NIYANG HIGIT PA PALA SA KAIBIGAN ANG TURING
MO SA KANYA
HI MARKY ANDYAN KANA PALA DI KA NAMAN NAGSASABI, TAMANG TAMA ANDITO NA YUNG LUNCH BOX MO ALAM KO NAMANG AYAN PALAGI YUNG INAABANGAN MO EH KAYA DIKANA NAGBABAON 😊
ANIYA NI ZELINE HABANG INAAYOS YUNG MGA BAUNAN
SALAMAT ZELINE NASASANAY NA KASI AKONG PALAGING KASAMA SA BUDGET NG TATAY MO EH AHAHAHHAHAHA DAPAT MASARAP TONG PAGKALUTO MO DITO AH! PARA GANAHAN AKO MGA GAWAIN KO
MAMAYA .
NASANAY NALANG DEN AKO NA PALAGING NAGPAPABAON NG LUNCH
BOX SAYO, TARA NA NGA BAKA MAHULI PA TAYO SA KLASE .
AT AGAD NA KAMING UMALIS SA KANILANG BAHAY AT SUMAKAY PA
PUNTA SA AMING PAARALAN.
SA TAGAL NAMING MAGKAIBIGAN NI ZELINE SIMULA NUNG MGA BATA PA KAMI AT NGAYONG NASA 4TH YEAR HIGHSCHOOL NA KAMI AY PALAGING GANTO YUNG GINAGAWA NAMIN, PALAGI NIYA KONG PINAPABAUNAN NG PAGKAIN AT AKO NAMAN ANG NAGBABAYAD NG PAMASAHE NAMIN PAPUNTA AT PAUWE SA PAARALAN, PATI MGA MAGULANG NAMIN AY NASANAY NADIN NA GANTO KAMI MAG TRATUHAN SA ISAT ISA, PALAGI KAMING MAGKASAMA AT SABAY PAPUNTA SA PAARALAN INAASAR NGA KAMI NG MGA MAGULANG NAMIN NA BAKA MAGKAPALIT NA KAMI NG MUKHA KASI HALOS ARAW
ARAW NALANG KAMING MAGKASAMA.
NG DUMATING KAMI SA SCHOOL AY AGAD KO SIYANG HINATID SA KANYANG ROOM DAHIL KAMI AY HINDI MAGKAKLASE DAHIL MAGKAIBA KAMI NG STRAND NA KINUHA. SIYA AY ABM AT AKO
NAMAN AY STEM KAYA MAGKAIBA KAMI NG ROOM NA
PINAPASUKAN.
BYE ZELINE KITAKITS NALANG MAMAYANG RECESS AH! AGAD NASABI KO HABANG PAPAALIS NA SA AKING KINATATAUYUAN
SIGE INGAT KA DYAN MASAYANG SAGOT NI ZELINE BAGO
TULUYANG PUMASOK SA KANYANG ROOM
SA SOBRANG BILIS NG ORAS DIKO NAMALAYANG RECESS NAPALA, AGAD AKONG NAGMADALI AT KINUHA YUNG LUNCHBOX KO AT PUMUNTANG CANTEEN PARA DOON KUMAIN KASAMA SI ZELINE PAGDATING KO DUN ANDUN NA SI ZELINE SA UPUAN AT INAANTAY
AKO MASAYA NAMAN AKONG LUMAPIT SAKANYA.
TAGAL MO NAMAN DUMATING KANINA PAKO NAG AANTAY SAYO DITO OH! SIGURO NANCHIX KA MUNA BAGO KA PUMUNTA DITO
NAGTATAMPONG SAAD NI ZELINE
AYAN KA NANAMAN KUNG ANO ANO NANAMAN PINAG IISIP MO DIBA PEDENG NALATE LANG KASI MAY GINAWA, HAIISST NAKO ZELINE TARA NA KUMAIN NA TAYO NAGUGUTOM NAKO GUSTO KONA MATIKMAN TONG NILUTO MO E MASAYANG SABI KO
HABANG BINUBUKSAN YUNG LUNCHBOX .
PAGKATAPOS NAMING KUMAIN AY AGAD DIN KAMING BUMALIK SA AMING MGA ROOM PARA PUMASOK SA SUSUNOD NA SUBJECT . DAHIL MABILIS NGA YUNG ORAS AY UWIAN NANAMAN AT ANDITO AKO NGAYON SA TAPAT NG ROOM NILA ZELINE INAANTAY SIYA KASI MAY GAGAWIN PADAW SILA. PALAGI NAMAN AKONG NAG AANTAY SAKANYA NASANAY NADIN AKO NA GANTO PALAGI.
2ND SEMESTER
Activity 1: Love Story
Ikaw Mula Noon, Ikaw Hanggang Ngayon
Nagising ako sa alarm ng orasan 5am palang ng umaga pero kailangan kona pumasok hindi sa school kundi sa sariling kompanya ko nakakamiss din naman talaga pumasok sa school pero mas gusto ko ng pumasok sa sariling kompanya ko masarap sa pakiramdam yung gigising ka ng ganito at maiisip mo lahat ng
pinaghirapan mo mapapasabi ka nalang ng thankyou lord.
6am kailangan nandun nako kaya kailangan ko na agad gawin ang mga dapat kong
gawin.
Goodmorning ma'am fernandez bati ng isa sa mga tauhan ko
Magandang umaga po ma'am fernandez bati din ng isa sa mga tauhan ko
Goodmorning den sa inyo tugon ko sakanila ng nakangiti
Habang papasok ako sa kompanya ay madami akong natanggap na Goodmorning mula sa mga empleyado ko ansarap isipin na maaayos at maganda ang pakikitungo mo sa mga tauhan mo, hindi kagaya ng iba na masusungit at hindi maayos ang pakikitungo sa iba. Pagkasabi ko sa sarili ko habang nakatapat sa salamin at inaayos
ang buhok ko.
Ma'am.(tok-tok) katok ng secretary ko
Agad akong na patingin sa pinto sa narinig kong pagkatok sa pintuan ng office ko .
Sige pasok saad ko
Goodmorning Ma'am (sabay baba ng ulo) ma'am paki pirmahan daw po itong mga ito
para sa gagawing project na school laguna .
Okay sige thankyou saad ko
Pag kaalis ng secretarya ko ay agad kong binasa ang mga dokumentong nasa harapan ko at agad akong nagulat ng mabasa ko ang pangalan ng taong
makakasama ko sa project na ito MARK SAUREZ ?? shookktt agad akong nagpanic at iniisip kong bakit andyan siya ? Bakit andyan yung name niya? Sa dinami dami si
suarez pa talaga !
Wala akong nagawa kundi pirmahan ito dahil isa to sa mga project na napagdesisyonan namin ang makatulong sa mga batang nahihirapan dahil sa kakulangan sa paaralan hindi lang kami kumikilos para sa negosyo kundi nais din naming makatulong sa mga kabataan dahil naranasan din namin maging isang mahirap at sobrang hirap makipag siksikan sa isang maliit na paaralan.
mamaya na ang gagawing meeting para dito diko lang alam kong andun din siya pero wala akong
pakialam . Teka bat koba siya iniisip? Haiissyt makapag trabaho na nga ulet.
Nagtatype lang ako sa laptop ko maghapon at tinawag ko ang secretarya ko para dalhan ako ng makakain at kape para hindi ako antukin hanggang mamayang hapon dahil magkakaroon nga ng
meeting.
Ma'am gising napo kayo andyan napo sila saad ng secretarya ko
Agad akong napasapo sa ulo ng magising ako Shokkt di tumalab yung kape . Kaya agad agad akong kumilos at nag ayos at tumingin sa orasan 2:30 na may 30 mins pa ko buti nalang ginising ako ng secretarya ko kaya pagtapos ko mag ayos ay pumunta na agad ako sa room kung saan kami mag
memeeting.
Maganda ngang lugar to narinig kong pinag uusapan nila bago ako pumasok.
Goodmorning Ms. Fernandez bati nila sakin
Agad napatuon ang tingin ko sa isang lalaking hindi nagsalita at natingin lang sa mga papel na
sakanyang harapan .
Agad akong umupo sa upuan na katabi niya. no choice ako ayun na lang yung bakanteng upuan. napatingin siya sakin ng umupo ako dun agad naman kaming nag iwasan agad ng tingin .
Ano ang masasamabi mo Ms. Fernandez at Mr. Suarez ?
Magandang yung lugar na pagtatayuan natin at hindi tayo mahihirapan magdesisyon kung paano
natin itatayo yung mga gusali saad ni suarez
Ikaw po ms. Fernandez?
Maganda yung lugar na napili tiyak akong magugustuhan siya ng mga bata at ng mga taong nakatira
dun saad ko para di halatang di ako nakinig.
Natapos ang meeting ng hindi ako naging komportable kasi nagtatamaan kami ng tingin kaya agad
akong lumabas sa room nayun .
Pagdating ko sa office ko iniisip ko kung ano yung nakalimutan ko haiist di ako mapakali kakaisip
tumigil lang ako ng marinig ang katok sa pintuan ng office ko .
Nagulat ako sa pumasok isang lalaking matangkad,maputi at may maamong mukha at sobrang bango
niya .
Ms. Fernandez naiwan mo pala yung phone mo pati tong panyo mo saad ni suarez
Agad ko namang kinuha yun at nagpasalamat sa kanya
Sige alis nako saad niya
Agad na siyang umalis at pagkaalis niya ay nainis ako sa sarili ko bat koba nakalimutan yung cp ko ? Haissst . Nahalata niya kaya na hindi ako komportable? Natigilan lang ako ng may tumunog sa cp ko
*Toot-tooot* (Unknown) tara dinner ?
Nagulat ako sa nagtext sakin nakatulala lang ako sa text nayun hanggang sa may tumunog ulet .
(Unknown) Ayaw mo ba?
Agad na nireplayan ko siya ng sino kaba ?
(Unknown)Papakilala paba ako ?
Malamang !!! agad na saad ko
(Unknown)
Ako yung naghatid ng phone mo kanina sa office mo nakalimutan muna agad ?
(Unknown)
Ganyan ba talaga kapag umaasenso na nakakalimot na?
Nagulat ako sa sinabi niya paano nalamn ni suarez tong number ko?
(Me)
Suarez? Paano mo nalaman yung number ko?
(Unknown)
Binigay sakin ng secretarya mo .
So tara na dinner tayo mamayang 7pm sa may starbucks .
Hindi kona siya nireplayan at nagligpit nako ng mga gamit ko para umuwi dahil magsasarado na yung
office . Habang nag da drive ako iniisip ko kung dapat ba akong pumunta o hindi ? Pero
napagdesisyonan kong pumunta nalang kaya pagdating ko sa bahay ko agad kong nilapag yung mga
gamit ko at nag ayos ako 6:30 na kaya aalis nako para makipag dinner kay Mr. Suarez :)
Bago ako lumabas sa sasakyan ko tinignan ko muna yung suot ko naka backlessdress ako na black na may madaming glitters at may heels akong mataas at inayos ko yung buhok ko para maging mas maganda pa at pagkatapos nun lumabas nako ng sasakyan ko at pumasok na so loob unte nalang ang tao kaya nakita ko agad siya .
Suarez: Magandang gabi Ms. Fernandez long time no see!
long time no see?? Kakakita lang natin kanina saad ko sakanya
Hanggang ngayon di kapa din nagbabago agad na sabi niya ng
nakangiti at nakatingin sa akin
Akala koba dinner? Bat starbucks hindi ba dapat mag restaurant
tayo ? Saad ko sakanya
Dito kolang piniling mag antay dahil alam kong matagal kang kumilos tignan mo late ka ng 40 min saad niya habang nakangiti
Agad siyang tumayo at lumabas kaya ganun din ang ginawa ko !
Pasok na saad niya
Napatingin ako sa sasakyan niya
May sasakyan din ako siguro dun nalang din ako saad ko
At hinila niya ako
Dito kana wag kana makulit ako na mag mamaneho para sayo Ms.
Elise Fernandez :)
Habang nasa sasakyan ako naalala ko yung nakaraan namin
*Flashback
Ano ba mahal nakakairita wag mo naman ako titigan ng ganyan Saad ko habang nakangiti
Napaka ganda mo kasi mas lalo akong naakit sayo saad ni suarez sabay hawak sa bewang ko at hinalikan
ako sa leeg .
Tara mahal alis na tayo baka malate kapa sa pupuntahan mo maiwan kapa ng eroplano saad ko sakanya
Mas maganda nga yun para hindi nila tayo mapaghiwalay saad ni suarez habang niyayakap ako mula sa
likuran
Tanggap ko namang ayaw sakin ng mga magulang mo, dahil hindi ako mayaman katulad niyo ,kaya hindi
nako magtataka kung magkagusto ka dun sa iba saad ko ng may malungkot na ngiti
Hindi, hindi ako maghahanap ng iba dun! Pupunta lang ako dun para mag aral at pag balik ko dito
magpapakasal tayo saad niya saakin saka ako hinalikan
Ingat ka dun ah! Saad ko
Pagkalipas ng ilang buwan wala paden siyang text o tawag man lang sa akin nakakalungkot isipin
pagkatapos ng lahat na nagyari sabay hindi na siya nagparamdam .
Nakasalubong ko yung pinsan niyan si ash kaya agad ko itong tinawag
Ashhh (tawag ko )
Uyyy Elise ikaw pala ? Aattend kaba sa kasal ni mark ngayon?
Tanong niya sa akinKasal? Agad na nagmamadaling tumulo ang mga luha ko at umalis na bago pa ito makita
ni ash.
------------------------------------
Naputol ang mga iniisip ko ng bigla niya akong tapikin Ano tulala nalang ba palagi ms. fernandez ? Kanina
pako nagtatanong dito . Saad niya habang tumatawa
Ay sorry ano ba yun? Atska pede ba wag mona kong tawaging ms. Fenandez wala na tayo sa office. Saad ko
sakanya
Okay Ms. Elise pang aasar niya
Huminto na ang sasakyan pero nauna siyang bumaba para buksan yung pintuan ng kotse niya para makalabas ako. Hindi ko nalang yun pinansin at bumaba nalang at pumasok sa loob ng Jollibee
Elise anong gusto mo? saad niya
Chicken lang sakin tapos burger saad ko sakanya agad siyang umalis para umorder ng kakainin namin
Andito kami ngayon sa jollibee . Alam niya kasing favorite kainan koto . At iniisip ko paden kong bat bako sumama sakanya dito diba dapat hindi na ?
Baka magalit yung asawa niya ......
Ito na yung order mo
Inabot niya sa akin yung chicken na tatlo at burger na dalawa at sakanya naman spaghetti at fries.
At habang nasa kalagitnaan kami ng aming pagkain tumingin siya sa akin
Elise yung site na tatayuan natin ng school kailangan na nating puntahan bukas saad niya
Sige free naman ako bukas maikling sagot ko sakanya
Napakalaking tulong nun para sa mga kabataan dun sa laguna saad niya ng nakangiti
Kaya nga dina sila mahihirapan saad ko naman
Elise ? Tawag niya sa akin
Bakit? Tanong ko naman
Kamusta kana? Tanong niya sa akin
Ako? Ayus lang ako masaya ako nakangiting sabi ko sakanya
Ikaw ba pagdagdag ko
Ako? Ayus lang din naman saad niya ng nakangiti
Kamusta na yung asawa mo? Tanong ko
Tumawa siya anong asawa ? Natatawang tanong niya
Diba may asawa kana ? Tanong ko
Ano kaba saan mo naman nabalitaan yan elise hanggang ngayon talaga nagpapaniwala kapaden sa
mga sabi-sabi natatawang sabi niya
Nakatitig siya sakin at agad na lumapit at hinawakan yung labi ko para punasan kasi may gravy sa
gilid . Nagulat ako sa ginawa niya
Elise ? Saad niya
Bakit? Saad ko naman
Proud ako sayo nakangiting saad niya :)
Bago ako sumakay sa sasakyan ko tinawag niya ulet ako .
Elise ? Tawag niya sakin
Bakit mark? Sagot ko naman
Saan yung bahay mo? Hatid na kita baka mapano kapa dyan saad niya
Napaisip din ako 11:00 na ng gabi masyado na ngang gabi para puntahan kopa mag isa yung kotse ko sa starbucks kaya napagdesisyunan kong sumabay nalang ulet
sakanya .
Tahimik lang kami medyo malayo ang byahe kaya nagdesisyon muna akong
matulog saglit
Nagising ako ng nakahinto na yung kotse at nasa tapat na kami ng bahay ko .
Kinumutan niya pala ako
Bat dimoko ginising andito napala tayo saad ko pag kagising
Ansarap kasi ng tulog mo eh saad niya
Salamat ah sa paghatid nakangiting sabi ko
Nagulat ako ng bigla niya akong niyakap napatulala lang ako
Imissyou elise saad niya habang yakap yakap ako
Agad huminto ang pahinga ko sa ginawa niyang yun
Elisee Imisssyouuu ingat ka saad niya ulet at binitawan nako at pumasok na sa
sasakyan
Imissyoumore mark saad ko ng mahina at hindi niya
narinig dahil nasa sasakyan na siya
Nagising ako sa alarm ko at naalalang wala nga pala akong pasok ngayon dahil dadalawin namin yung site kung saan itatayo yung project namin sa laguna medyo malayo
ang byahe kaya kailangan ko ng mag asikaso .
Habang nasa kalagitnaan ako ng pagkain ko biglang tumunog yung cp ko
(Suarez)
Andito ako sa labas ng bahay mo :)
Kaya agad akong pumunta sa pintuan para buksan ito andun nga siya at nakabihis na samantalang ako kumakain pa.
Tuloy ka saad ko
Pagkapasok niya nilibot niya agad yung mga mata niya sa bahay ko at pinagtitignan yung mga design nito
Kumain kana ba ?tanong ko Hindi pa nga eh! Sagot niya
Inalok ko siya ng pag kain pero unte lang ang kinain niya dito . Kaya pagtapos ko kumain nagligpit aagad ako at inayos
kona yung sarili ko habang siya ay nag aantay sa sala .
Letss go saad ko pagkatapos ko
Ganun ulet sumabay ulet ako sa kotse niya dahil ayun yung gusto niya .
Habang nag ccp ako nakikita ko siyang nakatingin sakin na parang may gustong sabihin pero inantay ko nalang siya na
magsalita kaya patuloy lang ako sa pag sscroll sa cp ko
Elise ? Tawag niya sakin Bakit? Sagot ko
Simula ba nung umalis ak0..----- ay wag na nga lang agad na putol niya sa sasabihin niya
Ano ba yun? Saad ko Wala sagot niya
Sabi ko sige na sabihin muna mark
Ahmm elise simula ba nung umalis ako inaantay moko?
Natahimik ako sa tanong niya ewan ko kung sasagutin koba yun . Parang bumalik yung galit ko sakanya .
Elis.. magsasalita pa sana siya ng magsalita nako
Oo naman ikaw lang naman tong di nakapag antay sating dalawa diba? Nakangiting sabi ko para di halatang
naapektuhan ako sa tanong niya .
Sorry elise saad niya
Wag ka magsorry mark okay na yun sakin matagal nayun kalimutan na natin yun nakangiting sabi ko para di halatang
nasasaktan ako
Elise tawag niya muli sa pangalan ko
Simula nung dumating ako dito ikaw yung unang hinanap ko nung nalaman kong may sarili ka ng kompanya naging masaya ako para sayo kasi natupad mo yung mga pangarap mo nakangiting sabi niya at nung nalaman ko na magiging partner mo si ash sa gagawing project ang ginawa ko pinilit ko si dad na ako nalang yung ipalit dun para magkita ulet tayo
nakangiting sabi niya
Nakatitig lang ako sa malayo habang pinapakinggan yung mga sinasabi niya
Elise kahit sana sa huling pagkakataon pagbigyan moko ulet sa mga pagkakamaling nagawa ko sayo noon .
Hayaan mokong tuparin yung mga pangakong sinabi ko sayo noon . :)
Nabalot kami ng katahimikan maya-maya ay huminto na ang sasakyan niya at bumaba na kami para tignan yung lugar kung saan itatayo yung building ng paaralan para sa mga kabataan kinausap din namin yung engineer na magdedesenyo ng building at nilibot namin yung lugar sobrang lawak kasi pagkatapos nun ay napagod kami at kailangan naming magpahinga kaya pumunta kami sa office para kumain at
magpahinga dun .
Pagkapasok ko kala ko madaming tao. Yun pala wala miski isa nasa labas pa si mark
kinakausap pa yung engineer
Maya maya ay pumasok nadin siya
Elise kain ka muna saad niya pag ka pasok niya Tamang tama nagugutom nadin ako saad ko Kumain kami at nagpahinga muna
Elise ? Sana pagkatapos ng project na to magsama paden tayo saad niya habang
nakatingin sa malayo
Napatahimik lang ako sa sinabi niya at iniisip kong anong ibig niyang sabihin dun ?
Elise ? Pagkatapos ng project nato makasama paden kita sa susunod pang mga
project nakatingin na sabi niya sakin
Mark pede ba-- naputol ako sa sasabihin ko ng bigla niya akong hatakin palapit
sakanya at niyakap
Elise gusto ko ikaw na yung makasama ko habang buhay gusto ko tuparin natin yung mga pangarap natin dati diba nangako tayo saad niya habang niyayakap ako
Oo mark pero iba na yung mga destinasyon natin ngayon saad ko
Paanong iba elise ? Eh hanggang ngayon nasa iisang lugar padin tayo di paden tayo
lumalayo sa isat isa saad niya
Sige pagtapos ng project nato lalayo nako sayo saad ko
Ayokong malayo ka ulet sakin di nako papayag elise,kung dati pumayag ako para matahimik lang sila mommy pero ngayon hindi nako papayag saad niya
Ikaw yung gusto ko elise, simula noon hanggang ngayon di nagbago yun saad niya
sakin
At agad niya akong hinatak hanggang sa malapit na kami sa isat-isa yung wala ng space na pumapagitan sa amin hanggang sa may naramdaman akong malampot na
dumapo sa aking mga labi . :)
Mahal gising napo kakain na tayo saad ni mark habang nag bibihis
Habang ako nakahiga padin at sobrang sakit ng katawan parang
diko kakayaning bumangon dahil sa nararamdaman ko
Mahal di muna ako papasok ngayon tatawagan ko nalang yung secretarya ko para sabihin na di ako makakapasok masama yung
pakiramdam ko
Sige mahal ako na bahalang mag asikaso sa kompanya natin magpahinga ka nalang muna dyan at ito ang pagkain mo nagluto
nadin ako sabay halik sa noo ko bago umalis
Mark Suarez Pov
Best wishes sirr bati ng mga empleyedo ko sa akin pagkapasok ko
sa office
Ansarap sa pakiramdam na stable na ang lahat may maganda at maayos kang bahay, nakamit muna yung pangarap na gusto mo, nakatulong kana sa magulang mo at higit salahat nakasama mo yung taong minahal mo noon hanggang ngayon sobrang thankyou Lord napaka bless kong tao taimtim kong sinabi sa isipan ko habang nakatingin sa mga building na nasa paligid ko ngayon....
Betss wishessss and congratss Mrs, Mr SUAREZ............
Mamahalin kita palagi katulad ng pagmahahal ko sayo NOON
HANGGANG NGAYON
Activity 2: Children’s Literature
ANG MAYABANG NA UWAK AT ANG KALAPATI
Isang araw may isang uwak na lumilipad sa himpapawid at ito ay napaka bilis, buong yabang nyang sinasabi sa lahat ng mga ibon sa kagubatan na Sya ang pinakamabilis sa lahat.
Isang araw habang lumilipad ang mayabang na uwak may nakasalubong syang isang kalapati, itoy sinabihan nya ng "Hoy kalapati ang bagal mo naman lumipad Kaya mo bang makipag karera sa akin?" Ang Sabi ng uwak sa kalapati.
Tinanggap ng kalapati ang hamon ng uwak para tumigil nato sa kayabangan niya.
Natuwa ang uwak dahil pumayag ang kalapati sa hamon sinabi ng kalapati "kelan mo ba gusto maganap ang karera?"
Sumagot ang uwak "linggo ng umaga sa bundok ng mga baka bibigyan kita ng panahon Para mag ensayo dahil di moko kakayanin" payabang na sinabi ng uwak.
Sinabi ng uwak sa lahat ng hayop sa kagubatan ang mangyayaring karera sa pagitan nila kalapati.
Dumating ang araw ng linggo ang simula ng karera ni uwak at kalapati, maraming hayop ang dumating Para mapanood ang karera ng dalawang ibon.
Sinabi ng uwak "na ang karera natin ay hanggang bundok ng baka hanggang sa kagubatan ng mga unggoy" pumayag ang kalapati sa sinabi ng uwak.
Maya maya nag umpisa na ang karera, binuka ni uwak ang kanyang maitim at malaking pakpak at biglang lumipad ng napaka bilis at sinabing "kalapati di ka mananalo sa akin" paasar nyang sinabi.
Di nya Alam na ang kalapati nayun ang isa sa pinakamabilis na ibon na nabubuhay sa Mundo, nagulat ang mga hayop nananonood at ang uwak ng maabutan at naunahan sya ng kalapati,galit na galit ang uwak Kaya binilisan neto ang kanyang pag lipad na kinahantungan ng kanyang pag ka disgrasya sumabit angkanyang pakpak sa mga sanga ng puno at tuluyan syang natalo ni kalapati.
Simula noon di na nakalipad si uwak at di narin sya nakapagyabang.
Mensahe:
* huwag mag yayabang o manliliit ng kapwa base lang sa panlabas na anyo kung di mo pa Alam ang tunay na ugali o kakayahan neto. Kaya dapat piliing gumawa palagi ng mabuti at sikaping maging maayos ang pakikitungo sa lahat ng kapwa para maging
mabuti din sila sayo .
Activity 3: Historical Fiction
0 notes
Text
Bakit kaya masyadong mabilis ang oras tuwing masaya tayo at sa tuwing naiinip naman ay tila bumabagal ang mundo?
Tinuturi kong panaginip ang masasayang araw. Hindi ko rin alam kung bakit ngunit sa tingin ko'y hindi ako sanay na may mangyayaring masaya sa araw-araw na pinapahiram sa akin. Hindi ako sanay, hindi ako mapakali. Kaya rin siguro sa mga araw na 'yon hindi ko maiwasang tumigil at kumpirmahin na hindi ako nananaginip, na totoo ito nanangyayari.
Isa sa dahilan kung bakit ko ito itinuturing na panaginip ay kaunting oras lamang ang kinakailangan para mabuo ito at sa tuwing masaya ako ay tila bumibilis ang ikot ng mundo.
Naaalala ko, kakaiba man ay naramdaman ko na totoo ang araw na iyon nang magsagi ang tagiliran ng ating mga kamao. Nagpalitan ng tanong, nagpalitan ng sagot. Nagpalitan ng tingin at ngiti. Hindi man tayo nagpalitan ng pangalan ngunit pinatunayan mong hindi ako nananaginip. Napatunayan kong hindi lamang ako nakakaramdam ng saya sa tuwing ako'y umiidlip.
Hindi man sanay ngunit kailangan kong tanggapin na totoong nangyari ang pangyayaring iyon. Panahon na siguro para sanayin ko ang sarili kong makiramdam at tanggapin na hindi lahat ng masasayang pangyayari ay sa panaginip lang natutupad. Panahon na siguro para bigyang pansin ang mga alaala na aking babaunin at hahayaan na lamang ang oras na lumipas.
Sa huli'y, ito naman ang kapalaran ng oras. Tumakbo. Matapos. Lumipas.
𝐒𝐨𝐥𝐚 | 𝐢𝐢.
0 notes