#bagong umaga
Explore tagged Tumblr posts
Text
٩(๑ `н´๑)۶ ヾ( ・`⌓´・)ノ゙ ----- aaaaargh!
today did not start the way i had envisioned it would; sobrang nakakainis as in i went from 0 to 10000 so fast na kahit sobrang aga pa, pagod na yung utak ko
tapos dumagdag pa yung the fact na nag release na here sa ph yung bagong series ng sonny angels and i really really REALLY want the baking treats sonny angel pero syempre what are the chances na ill get that sa first box i buy
im trying to calm down kasi grabe talaga yung stress to the point na hindi ko tuloy nagawa yung mga gusto kong gawin out of my to do list kaninang umaga
i have my lunch ready, im about to watch chappell roan's tiney desk concert (aaaaah! i love her so much), and im just ready to get today over with para weekend na
7 notes
·
View notes
Text
" Ba't ba naman ako matatakot? "
" Ba't ba naman ako matatakot? " ------------------------------------------------
A jeongcheol AU: Sa munting nayon nina Choy may nakakalat na kwento na mayroong halimaw na naglilibot sa gubat ng bundok malapit sa kanila.
Eh ano ba naman ang pake ni Choy sa munting kwento na iyan?
Sabi-sabi lamang iyan, at saka wala namang pagkakataon na magkakaroon siya ng sitwasyon na may kinalaman dyan…diba?
1. May Halimaw raw?
“ Bibili po....tao po?! ” paulit-ulit na sinasabi ni Tin, ang kaibigan ng pamangkin ni Choy.
Halos magtatatlong minuto na si Tin na tumatawag at nakatambay sa sari sari store ni lola Marie, pero wala paring taong lumalabas.
“ Ano ba yan! Hoy Bojork ikaw na nga yung magbenta, di parin lumalabas si Kuya Choy ”
“ Ha..ako? “ usal ni Bojork, ang anim na taong gulang na pamangkin ni Choy.
“ Ayoko Tin, mapapagalitan na naman ako ni Tito, at diba sabi ko sayo na batak yan mag puyat, mahimbing pa yang natutulog. ”
“ Hay nako, bahala na nga ” umupo na lamang si Tin sa batong upuan ng sari sari store, na muli naman itong nag salita “ Huy, Bojork ”
“ Ano nanaman yun Tin? ” sagot ng kaibigan habang tinatanaw at binibilang ang mga langgam sa sahig.
“ Narinig mo naba na mayroong halimaw na nakatira sa bundok ‘pay? ” (‘pay as in tinapay…hehe-)
“ Ha?? Anong pinagsasabi mo.. baka tinatakot mo nanaman ako Tin!”
“ Hindi no! ang sabi daw ni kuya Seo saakin na may halimaw na naninirahan sa gubat ng bundok ‘pay. At bumababa ito sa mga gabi kapag bilog ang buwan para kunin yung mga bata na hindi sumusunod sa mas nakakatanda, yung mga pasaway ” salpot ni Tin sa bintang ng kaibigan niya.
“ ...bakit ba niya kinukuha ang mga pasaway na bata? ” Takot na tanong ni Bojork.
“ Hehehe, para…GAWIN SILANG MGA TINAPAY!! ” sigaw ni Tin sabay taas ang kanyang mga kamay para takutin lalo yung mas nakababata.
“ WWAAAAAAAAAAA-”
“ HAHAHAHAHA- ”
“ HOY! ang iingay nyo! Alas dyes pa lamang ng umaga! ” sigaw ni Choy.
…
Ayown, lumabas na rin ang bagong gising na tindero - - meet Choy! Ang main character ng kwento natin ngayon. Isang mabait? at basagulerong (na somehow may katorpehan din) tagabantay ng minamahal na sari sari store ng kanyang lola Marie. (Hehe sige back to the story na)
…
“ Tito Choy! tinatakot nanaman ako ni Tin, UE..ueueue “ iyak ng kanyang cute na pamangkin.
“ Ano..? “ Tanong ni Choy habang kinakamot ang mata nya. Masyado pang maaga para sa kanya na mag handle ng gulo.
“Ay lumabas na rin kayo kuya! Good morning!! Pabili nga po pala si mama ng isang packet ng toyo, dalawang mantika, asin, paminta, betsin, isang luya, tatlong itlog, apat na sibuyas, dalawang bawang, tatlong kamatis, tatlong sardinas, magluluto kasi si mama ng miswa! At saka tatlong packet ng milo, dalawang bearbrand, isang cornedbeep, ano pa nga yun.. “ sabi ng bata habang umaaksyon siya na parang nag iisip.
“ AHA ! ”
“ ..A..ha..? ”
“ Isang packet ng toothpaste, ang may dalawa sa isang sachet at tatlong packet ng shampoo. Yung kulay orange, ‘yun o! At ‘yun lang po “ masayang sinabi ni Tin.
“🧍🏻” hindi at wala yun na process ng utak ni Choy.
“ Teka lang, bagong gising pa yung tao, let's take it one step at a time, eyy, galing ko no? “ kahit antok pa yan, hindi mawawala ang pagbo-boost ng sarili. Si Choy na nga yan.
“ Ang corny mo tito, pero totoo ba? Na may halimaw sa bundok ‘pay?? Tito Choyy natatakot ako ueUEueue, mabait naman akong bata diba? ” iyak ni Bojork.
“ Oo talagang may hamlimaw, at kukunin ka no’n kasi ang kulit mo at napakapasaway! “ Matawang niyang sinabi sabay kirot ang namumulang ilong ni Bojork.
“ Aray tito! Ha?!? “ tinakpan niya ang kanyang ilong at nagtanong muli “ Tin mabait naman akong bata diba?! ”
“ Mabait ka naman na kaibigan pero hindi ko mababasi kasi di naman ako ang nag aalaga sayo Bojork, pero ako, magiging masunurin na ako! Kita mo naman na sinusunod ko ang utos ni mama na bumili dito! “
“ …UeuEueue! Lolaaa, ayaw ko pong kunin ako ng halimaw ueueuee- “ sabi ni Bojork na paiyak na pumasok sa bahay nila papunta sa lola niya.
“ Hay nakong batang ‘yon. Tin, ano ba naman ang kinwento mo kay Bojork? “ tanong ni Choy sa batang hinihintay ang mga bagay na inilista niya.
“ Ang kwento tungkol sa halimaw na tumitira sa bundok ‘pay kuya! Sabi kasi ni Kuya Seo na sobrang nakakatakot niya! At kapag mag-eye contact ho kayo, mawawalan ka ng malay! “
“ Ahhw sus, ‘di naman yan totoo.. “
“ Paano nyo po nasabi kuya? “
“ Kasi kwento-kwento lamang yan ng mga taga rito, ‘wag kang maniwala dyan, atsaka gusto ko lang “ sabi ni Choy habang kinuha niya ang listahan..
“ Pero anywayz, ulitin mo nga yung sinabi mong bibilhin mo “ pangiti niyang sinabi.
“ Kuya naman ihh, ang hirap mo baka ito ang dahilan ba't wala kang jowa “ reklamo ni Tin habang kinakamot ang ulo niya.
Umaksyon lamang ang binata na pa-offend sa sinabi ng mas nakakabata. Ay, bat parang kasalanan ko?? Bagong gising nga, gaganyanin mo agad-agad, ano akala mo saakin, si batman??
“ Sabi mo magiging mabait ka na, ba't ang sama-sama mo sa akin. “ huhu
“ Sinabi ko lang yung totoo kuya Choy, sabi rin kasi ni mama na, ‘ being honest is being kind ‘ pero ok lang yan kuya, lahat naman takot sa inyo ih hehe. “
….anong connect?? Sabi ni Choy sa isip niya.
“Bwisit kang bata ka, ang kulit mo, sabihin mo na nga ulit ang kailangan ni Aling Rosa “
“ Sige po kuya, dahan dahan kong sasabihin para makuha nyo ho “ wika ng bata.
“ Ay ikaw! “ paturong usal ng binata na unti unting ng naiinis “ Bilisan mo na nga! “
“ Oum okey sige po kuya! “ Huminga ng malalim ang bata tas.. “ isangpacketngtoyodalawang mantikaasinpaminta- “
Jusko po. Suko na ako.
…
At ganyan nagsimula ang magandang at mapayapang umaga ni Choy. Planado niya na ang gagawin nya sa buong araw, maglaro ng ml at manood ng mukbang ng buong hapon habang nagbabantay ng sari sari store at matutulog na kapag umabot na ng madaling araw :)
Yan ang nakatatak sa isipan ni Choy, yan naman ang palagi niyang ginagawa. Syempre, except lang kapag inuutusan siya ng kanyang lola, mahal na mahal niya yan eh.
pero For Sure, walang mangyayari na ikakasira ng kanyang plano. Sinigurado nya sa kanyang sarili.
#choi seungcheol#yoon jeonghan#jeongcheol#seventeen#alternate universe#fanfic#svt fanfic#tagalog fanfic
2 notes
·
View notes
Text
LITERARY: Paglipat sa Bagong Kabanata
Sa bagong umaga,
Bumabalot ang sariwang amoy ng pag-asa.
Sa bagong bahay na matagal nang inaasam,
Bawat sulok, unti-unting natutuklasan,
Sa wakas, ako’y nakatuntong at handa nang manirahan.
Sa bawat hakbang, unti-unting natutuklasan,
Nagbabalik-tanaw sa panahong puno ng pagsubok at galak.
Ang bawat pader, tila may kuwentong isasalaysay,
Mga tagumpay at luha na nagtulak sa akin sa hantungan nito.
May halong saya at kaba
Sa pagbubukas ng bawat pinto’t bintana.
Unti-unting pinupuno ng mga alaala,
At mga bagay na sa puso’y mahalaga.
Bagong pag-asa’y sumisilip,
Kaya sa tahanang ito, bagong buhay ay sumisibol.
Sa ilalim ng bubong na nagbibigay proteksyon,
Naroon ang aliwalas ng bagong direksyon.
Ang dati’y iniwan, upang yakapin ang bago,
Sa bawat silid, may kasamang tibay ng loob at pag-asa ng pagtubo.
Sa bawat pintig ng muling pag-usbong,
May ngiti, saya, at kilig na dala.
Tahanang ito, sa wakas ay akin,
Sa bagong kabanata ng aking buhay, ako’y handa na.
5 notes
·
View notes
Text
pasada
pumasok kami nang maaga ngayon. kaiba sa nakasanayan naming oras ng pások mula pa no'ng first year kami. gustong-gusto ko ang pumapasok nang maaga; habang malamig pa; habang gustong-gusto ko pa ang dampi ng hangin sa balat ko. kahit masikip ang nasakyan kong dyip, masaya at kuntento akong pumikit matapos iabot ang bayad. ninamnam ko ang tinig na pumapailangilang mula sa earphone ko. hanggang isang malakas na paghinto ang nagpamulat sa akin. kung wala ako sa pokus, tiyak na tumalsik na ako padulo. pinagmasdan ko ang paligid. halos nása gitna kami ng daan. may liwanag na palá; sumisilip na ang araw.
malamig naman pero halos makita ko ang unti-unting namumuong butil ng pawis sa drayber. ilang beses niya kasi sinubukang paandaring muli ang dyip pero gaya ng pabugso-bugsong kaba sa dibdib naming mga sakay na estudyante, putol-putol din ang buga ng makina. ang akala naming tuluyang pag-usad ay biglang pagsadsad kalaunan. hanggang sa nawalan na rin talaga ng hininga ang sasakyan. kinapos na; ubos na.
lumipas pa ang ilang sandali, may mga dumaraang dyip na rin. at sa sumunod na bakante'y pinalipat na kami. nagdadalawang-isip pa kami kung bababâ ba o mananatili lang doon kahit na malaki ang posibilidad na mahuli kami sa mga klase.
kahit nagugulumihanan, dahan-dahan kaming lumipat. nang makaupo na kami nang matiwasay, nakita ko ang drayber namin na ipinapása na rin ang mga pamasahe namin sa drayber ng bagong sinasakyan namin. at habang palayo siya sa amin at palapit sa dyip niyang bukás na ang harap, bakás ang panlulumo at panghihinyang sa kaniyang mukha. hindi ko mawari pero nalulungkot din ako para sa kaniya.
umaga pa lang, maaga pa, pero tilà ba pagál na pagál na agad si kuya. mababanaag sa mukha niya ang pagkayamot pero mas lamáng ang pagkalugmok; ang pagkabigo. kayâ sa saglit na inupo namin sa bagong dyip, tangan-tangan ko ang naramdaman kong 'yon. hanggang pagtawid, hanggang pagsakay pang muli ng isang dyip, hanggang sa unibersidad, at tingin ko, hanggang matapos ang araw.
sana makabawi si kuya at magkaroon ng magandang pasada.
[03-14-24]
#commute#cavite#essay#talata#tagalog#filipino#writing#feelings#art#aesthetic#books & libraries#thoughts#school#university#no to jeepney phaseout#jeep
5 notes
·
View notes
Text
Broken? No, Just Rearranging (SERIES)
Kim Mingyu x Female Reader
Kim Mingyu as Lucas Blue Ramirez and Y/N as Ara Riona Teves De La Vega
Just let go of the illusion that it could have been any different.
Genre: M/F, old friends to lovers, fluff(in the next chapters), smut (not in this chap tho), angst, late 20s established career setting
Warnings: Just mean, bratty and hateful OC
Word Count: 2 318
Hello and welcome to my first ever series! This is the second chapter already, I hope you guys would enjoy reading this!
----
CHAPTER 2: Welcome Note
She woke up early dahil alam niyang marami siyang kailangang ngayong araw. As usual, her outfits are never toned down.
Her hair was just dried and brushed today leaving it with natural waves. She's wearing a baby blue high neck, bell-sleeved wide leg jumpsuit with belt and a pointed-toe pump of the same color. She wore those with simple accessories with white crystals on it.
Pagbukas ng elevator, nakatayo na doon si Blue. She threw the car keys to him.
"May nag-iwan ng bulaklak para sayo." Sabi ni Blue at umangat ang isang kilay ni Ara.
"Galing kay?"
"Hindi namin alam. Dineliver lang naman ito ng isang flower shop." He shrugs. Pumunta sila sa may sala at nakita ang flower arrangement na napakalaki.
"Orange lillies." Bigkas ni Ara habang kinukuha ang note na nakalagay dito.
"WELCOME HOME, THIEF."
It said.
Her eyebrows furrowed in confusion. "Who could this be from?" She asks herself. "Burn that." Utos niya sa kasambahay na nagmadali naman para kunin ang bulaklak.
She closed her eyes and took a deep breath. "What's my schedule for today?" Tanong niya kay Blue habang nagtitimpi ng galit.
He held the iPad up. "You'll have a meeting with the board of directors in the morning then later in the afternoon you'll have a meeting with the corporate officers and then film and shoot for both Clear Cosmetics and DLV Fashion." He reads.
Sumakay silang dalawa sa puting Aston Martin Rapide ni Ara. Si Blue ang nagdadrive.
"What was written on that note?" Tanong ni Blue.
"It's got nothing to do with you." She replied.
He snickered. "You were flustered upon seeing it. You can tell me, I can help you with anything."
"You're making me hate you." She said through gritted teeth.
"So you don't hate me yet?" He grins at mas lalong nagpapainis sa kanya.
She shut her eyes and ignored him. Pagdating nila kompanya ay gumawa ng mabilis na check up si Ara sa mga nagtatrabaho. Pumunta siya sa laboratory kung saan nagfo-formulate ng mga bagong produkto. Isinuot ni Blue sa kanya ang lab coat, protective eye glass, mask at gloves.
Isang magandang babae ang bumati sa kanya pagpasok ng laboratoryo. "Magandang umaga po, ako po si Anne ang Creative Director ng Clear Cosmetics. Isa rin po akong cosmetologist."
She smiled and nodded. "What are you guys currently working on?" She asks.
"Well, we're just working on new formulas for a new eyeshadow palette and we're just waiting for your ideas about it." She replied.
"Maybe I'll come back here tomorrow. I have my schedule packed for today kasi. I'm just doing a quick look right now."
Anne smiles. "Wala pong problema."
Lumabas sila Blue at Ara sa laboratory. "Put that on my schedule for tomorrow." Sabi niya kay Blue at agad itong tumango at binuksan ang iPad na dala niya.
Sumakay na sila ng elevator paakyat ng ikalawang palapag. All these sewing machines and mannequins are riled up on the entire floor. Sa pinakadulo ay may mga opisina. Doon sila nagtungo.
"Hi, how are we doing here?" Tanong ni Ara general manager ng De la Vega Fashion na bakla.
"Good morning, Miss de la Vega." Bati nito. "Everything's running well. We have our three professional designers here with us. The production of our current products are always on going, they never stop. Our designers have designs that need approval from you so we can start the production and launch them soon."
"Send them to my office, I'll look at them as soon as I can. Medyo busy pa kasi ngayon kasi pangalawang araw ko palang dito." Sagot niya.
"And we'd also like to see designs from you as well, Ms. De la Vega. But for now, please take your time." He smiled and she smiled back.
"Thank you."
Nagring ang telepono ni Blue, tumatawag ang secretary ng kompanya. "Blue, andito na ang board of directors."
"Sige, aakyat na kami dyan." Sagot ni Blue. Lumapit siya kay Aya at bumulong. "Nandun na sila lahat."
"We need to get going." Paalam niya sa kanila at umalis na sila. Before riding the elevator, he took of all her PPE and handed it to someone.
They rode the elevator and she scanned herself through the glass.
"You look fine." Blue comments.
"I know." She replied and he rolled his eyes in her confidence.
Pagkatapos ng kanyang meeting ay agad siyang pumunta sa kanyang opisina kasama si Blue.
"Anong gusto mong kainin?"
"Coq au vin."
Kinuha ni Blue ang kanyang phone mula sa bulsa at may tinawagan.
"Pakiluto po ng Coq au vin, diyan kakain si Ara." Sabi niya.
Nagulat naman si Ara. Hindi siya makapaniwalang nasabi ni Blue ng maayos at perpekto ang French na salitang iyon.
"Tara?" Tanong ni Blue sa kanya.
"Where?"
"Kakain."
Lumabas sila ng building at sumakay sa sasakyan. Pinaharurot ito ni Blue. Huminto at pinarada ang sasakyan sa restaurant na may pangalang Le Patrimoine.
"Why did you bring me here?" Tanong niya. Dinala kasi siya sa restaurant na kanila rin. Iba-ibang branches at locations at bawat isa nito ay naka concentrate sa isang cuisine. Le Patrimoine ang tawag sa restaurant na ito na sa ingles ay The Patrimony. Iba iba ang pangngalan ng mga restaurant nila ayon na ayon sa cuisine na ginagawa nito ngunit iisa lang rin naman ang kahulugan sa ingles.
"Wala namang ibang restaurant na malapit na gumagawa ng pagkaing gusto mong kainin eh."
Ang namamahala ng buong De la Vega Foods ay ang pinalitan ni Ara na namamahala noon ng Cosmetics and Fashion company nila na mommy ni Aimee.
"You're so annoying." Sabi ni Ara kay Blue at pumasok na ng restaurant.
Pagpasok niya ay nakita niya agad ang kapatid ng dad niyang si Margarette na para bang naghihintay talaga sa kanya. "Kamusta naman ang kompanya?" Tanong nito sa kanya habang nakangiti.
She smiled back, but fakely. "It was fine." But her face suddenly turned serious and emotionless within a second. "But it could have been better."
Margarette was insulted by her remarks but she stayed cool despite the rage in her chest. "Why don't we eat together?"
They both sat across from each other. "What would you like to drink?" Tanong ng waiter sa kanila.
"Château Montelena Chardonnay." She said in thick French accent.
"I'll have champagne." Sabi naman ni Margarette.
"How's Aimee?" She asks.
"She was actually studying fashion but you suddenly came." She smiled bitterly. "Now she has shifted to culinary. Her place was stolen from her, apparently."
Something in her mind rang when Margarette said 'stolen'. She received flowers this morning and had a note that called her a thief, now, Margarette says that she stole Aimee's place from her. She smirked at the thought.
"Aimee is good with me. Honestly, she was the one who told me first that I was going to replace you in that company." She replied and their drinks arrived.
"You're food will be arriving soon." The waiter said and poured wines on their glasses.
Pagkatapos nilang kumain, umalis agad si Ara.
"You're so fucking annoying." Sabi ni Ara kay Blue pagpasok niya ng sasakyan. Kumunot naman ang noo ni Blue at nagtaka.
"Tita mo yun." Sagot niya.
"Just shut up. Buy me food."
"Hindi ka pa busog?!"
"SA TINGIN MO MAKAKAIN AKO NG MAAYOS KASAMA ANG BRUHANG YUN?!" She screamed in anger at him. He stopped the car and took a deep breath tas pinaharurot ulit.
"Anong gusto mong kainin?"
Hindi sumagot si Ara kaya dumaan nalang sila sa drive-thru ng isang fast food at bumili si Blue ng kahit ano.
They went to her office. Dala dala ni Blue ang mga paper bag na may take out food.
"Ms. De la Vega, mag nag-iwan po ng regalo para sa inyo. Nilagay nalang po namin sa opisina niyo." Sabi ng nakasalubong nilang trabahante.
Kumunot ang noo ng dalawa. "Sino ang nag-iwan?"
"Hindi po namin kilala, naka helmet rin po." Sagot nito.
Pagpasok nila sa opisina ay agad nilang nakita ang kahon na kasing laki ng shoe box na nakapatong sa lamesa ni Ara. Kinuha niya ito gamit ng dalawang kamay pero pinigilan siya ni Blue.
"Ako nang magbubukas, baka ano pa ang laman niyan." Sabi ni Blue at babawiin sana ito ngunit hinigpitan ni Ara ang hawak niya dito.
"Kala mo naman kung sinong may kapangyarihan." She rolls her eyes at him and opened the box.
Every small motion of her body stopped when she saw a dagger. Ginto ang hawakan nito at may disenyo. Agad itong binawi ni Blue mula sa kanya.
"Akin na yan!" Nagpupumilit si Ara para makuha ito dahil may papel sa ilalim nito. Kinuha naman iyon ni Blue at binasa.
Padabog siyang lumabas ng opisina dala ang kahon at laman nito at bumaba. Hindi na siya naabutan ni Ara dahil sa bilis ng kanyang paglakad.
Bumalik nalang si Ara sa opisina niya. Kumuha siya ng bote ng wine at wine glass sa maliit na wine bar na kanyang pinagawa talaga para sa opisina niya.
Nakasandal siya sa lamesa niya habang umiinom at nag-iisip kung sino man ang maaaring magbigay sa kanya ng ganun. All she can think of is Margarette or her cousins.
She was snapped back to reality when Blue's phone rang. Katabi ito ng mga pagkaing binili nila.
'SECRETARY'
She picked it up.
"Blue, andito na ang corporate officers." Sabi ng babae sa kabilang linya.
"This is Ara, I'm coming." Sagot ni Ara at lumabas ng opisina para pumunta ng conference room.
Tinapon ni Blue ang kahon at ang laman nito maliban lang sa sulat na kasama nito. Bumalik siya sa opisina ni Ara. Nakita niya ang bote ng alak at baso na nasa lamesa ni Ara. Napasinghap nalang siya at kinuha ang phone niya. Lumabas ulit ito habang mag dinadial na numero. Pagkatapos ng ilang ring, sumagot naman agad ito.
"Blue?"
"Aimee, pwede ba tayong mag kita?" Tanong ni Blue na para bang nagmamadali.
"Ngayon? Like right now?"
"Oo."
"Sige, saan ba?"
"Yung cafè malapit dito sa kompanya. Wala kasi akong sasakyan."
"Sige sige."
Walking distance lang naman yung tinutukoy nilang cafè mula sa kompanya. Unang dumating si Blue obviously, umupo lang siya dun para hintayin si Aimee.
Dumating siya sakay ng kanyang sedan.
"May problema ba?" Tanong niya kay Blue nang makaupo na siya sa tapat nito.
Kinuha ni Blue ang sulat na kasama nung kahon at binuklat ito sa harap ni Aimee. Napataas agad ang kilay ng dalaga.
'Thiefs belong somewhere else.'
"What's that?" She asked.
"May nagpadala ng balak sa opisina ni Ara kanina at ito ang kasamang sulat."
"Sino ang pinanhihinalaan niyo?"
"Hindi pa kami nag-usap dahil may meeting siya at dumiretso ako dito pagkatapos kong itapon yun." Sagot ni Blue na halatang nag-aalala. "Sino ba kasi ang mga kaaway ni Ara? Ba't bigla na lang siyang umuwi dito?"
"Hindi ko rin alam. Eh anong balak mo ngayon?"
"Ako mismo ang maghahanap sa kung sino man ang nagbibigay nito sa kanya."
She worriedly looked at him. "Umiwas kayo sa pahamak, ha!"
"Wait, kasama naming kumain ang mommy mo kanina. Galit na galit siya kay Ara pero hindi niya lang pinapakita, halata naman."
"She was the previous president of that company."
Pagkatapos ng meeting ay agad na lumabas si Ara. Nakakita niyang naglalakad papunta sa kanya si Blue. Naka puting button-up shirt nalang ito na rolled up ang manggas at tinanggal na ang kanyang blazer na suot. Nasa bulsa ang kanyang mga kamay habang nakatingin kay Ara.
"Wala ka sa meeting." Sabi ni Ara at huminto si Blue sa harap niya.
"May pinuntahan ako." Sabi nito ng walang kahit anong emosyon sa mukha. "Tara na sa studio ng Clear, gagawa ka pa ng video."
Pumasok sila sa studio na maraming reflectors, ilaw at camera. "Hi, I'm Wendy, the social media strategist of Clear Cosmetics. Congratulations for being the new president of both Clear and DLVF." Bati ng babae.
Ngumiti naman si Ara kahit wala siyang gana ngayon. "Thank you."
"Today, you'll be doing your own make up on camera using our products, and introducing yourself as the new president of this company. This will be uploaded on YouTube and will also be shown in our website."
"Am I going to do a lot of talking?" She asks.
"Unfortunately, yes. You're supposed to look and feel active and lively." She replied.
"I want to change my outfit." She said.
"Oh, okay." Wendy nods. "Let's go next door. This is the closet for shoots. All clothes are from DLVF. Please choose whatever suits you well and take your time."
Lumabas ng closet si Wendy at naiwan dun ay sina Blue at Ara na lang. Nagkatinginan sila.
"O, anong tinitingin tingin mo?! Magbibihis ako!" Sigaw ni Ara sa kanya. Tumalikod naman siya.
She chose a crimson red frill-puff sleeved bodycon dress. The dress ends a little higher than her mid-thigh and shows her body curve.
She also wore fluffy slides since she did not find any heels that would suit her dress. "I'm done." She said at humarap na si Blue sa kanya.
He looked at her from head to toe. The dress looked perfect on her but he doesn’t have the courage to say. "You're so short." He, instead, points out.
Sinamaan siya ng tingin ni Ara. "Don't get me started."
Lumabas silang dalawa sa closet at pumasok sa studio.
Nasurpresa ata si Wendy nang makita si Ara. "Ang sexy niyo naman po! Umupo po muna kayo nandito na ang hairdresser."
Inunat ang buhok niya habang tinatanggal ng isa ang make up niya. Nilagyan ang kanyang buhok ng pulang clips na babagay sa suot niya.
Nakaset-up na ang lahat. Nakaupo lang si Blue sa harap ng monitor. "Simula na po tayo." Sabi ni Wendy.
"Hi, guys! I am Clear Cosmetics' new President and CEO, Araa Riona de la Vega. Today, I will be showing you a few of my favorites from our cosmetic line."
"She's totally different on camera." Blue thought.
#oldfriends to lovers#Seventeen#SVT#Seventeen smut#seventeen au#mingyu x reader#mingyu#seventeen mingyu#mingyu fanfic#mingyu x you#kim mingyu#kpop#kpop smut#kpop au#kpop fanfic#mingyu fic recs#mingyu fic#mingyu fics#kpop imagines#lovestory#boyfriend#best friends#breakup#heartache#heartbroken#heartbreak#kpop boys#revenge story#revenge#pain
15 notes
·
View notes
Text
A few days ago, may nakita akong post sa reddit. What are some signs daw na someone is into you? Hindi ko inopen 'yung thread pero I wanted to say na, ano 'yan, high school? Sabi ng nag-post, 32/F siya. Bakit kailangan ng signs? Either into you or not into you lang naman... unless gusto mo ng emotional torture at magsayang ng oras.
Gustong-gusto ko talagang umuuwi pag umaga, 'yong may araw na sa labas. Parang well done for the day na tapos makakapahinga ka na, finally. Pwede ka nang magkape sa balcony or labas ng bahay niyo malapit sa pintuan in peace. Bukod sa against the traffic ang byahe, ang gaan sa pakiramdam na pwede nang umuwi.
Siguro may sense of accomplishment dahil anong oras ba nakakauwi pag "from"? Haha. (Ang from ay after ng 24-hr duty. Sabi ni R, bakit daw from, eh 'di ba may pre-duty, duty, tapos from? Hindi raw nagmemake sense. Mas tama raw 'yong kanila, post-duty ang tawag. Tse.)
Ayaw ko 'yung papasok pa lang ako sa umaga tapos nagmamadali pa, tapos mata-traffic pa, tapos bagong ligo ka pag-alis ng bahay pero pagdating sa work, amoy nag-basketball na. Parang ang haggard-haggard sa feeling. Tapos pag uuwi sa hapon, parang pagod na pagod ka na. Pero may choice ba ako?
Anyway, sabi ni doc E, noong 2009, pagka-graduate niya, nag-work siya sa mga disaster relief program. At ang sahod daw nya noon ay 60,000 na. Hindi na sya tumanggap ng mas mababang offer after. At ngayon, mayaman na raw siya. Edi siya na.
4 notes
·
View notes
Text
Nakakamiss mamuhay sa probinsya.
Nung minsan umuwi ako sa probinsya namin sa Zambales… hindi ko masyado naappreciate yung fact na walang internet/mahina ang signal. Siguro nga kasi sa buong buhay ko eh isa ang internet sa bumubuhay sa’kin.
Pero naalala ko, paglabas ng bahay namin. Bundok agad yung bubungad sa’kin sa umaga tapos ang ganda ng sikat ng araw. Ang aliwalas ng paligid tapos magaan sa pakiramdam.
Siguro masyado pa akong bata noon kaya hindi ko maappreciate pa yung mga ganung bagay. Ngayon ko narerealize na iba talaga ang buhay doon, sa buhay dito. Doon walang pressure, walang tamad, walang maarte. Dito… ahm wala ko masabi.
Ibang iba. Sana makarating ako uli doon, medyo sumisikip na yung pakiramdam ko dito at kailangan ko ng mga bagong tao sa paligid at buhay ko.
Yun lang naman. Matulog ka na.
7 notes
·
View notes
Note
the lrt wonyoung smut !!! u're so real for that the potential for exhibition sa lrt when u think abt it sa fantsy like i too wrote abt that mga two weeks ago or smth HAHAHA pero irl mygaddd lakas makasira ng mood sa umaga HAHAHAHAHAA
huy.. huy, bhe... asan ung link (kung pinost mo 👀)... baka kailangan ko—
HAHAHA baka kasi tourist ako kaya sobrang saya ko nung nakapag lrt ako 😭 kala mo bata na binilhan ng bagong laruan ng parents kung makangiti sa tren kahit sobrang crowded 🤣
10 notes
·
View notes
Text
May kwento ako.
Kaninang umaga naisip kong mag mrt pauwi. 6am. Naisip kong umidlip dahil malayo pa naman ang bababaan ko. Dumating ang tren sa Shaw Boulevard, ramdam kong umalis ang katabi ko at may bagong umupo. Maya maya ay kinalabit ako nito sabay sabing "Pwede pong paabot ng bayad?"
Nagising ako ng marinig ang pamilyar na boses, napatitig sa katabi dahil nga antok pa ako. Bigla syang tumawa at niyakap ako.
"Kumusta?" Bati nito sa akin. "Grabe, of all places dito pa talaga tayo nagkita?"
Sinuklian ko sya ng ngiti. "Uy, long time." Sagot ko.
"Na-miss kita."
Nang hindi ako nakasagot, binago nya ang topic ng usapan. Nagkumustahan, kwentuhan. 'Di ko namalayan lumagpas na pala ako. Ayun, nagkayayaan na lang kaming kumain ng breakfast. Nagpatuloy ang kwentuhan na para bang walang nangyari, para bang hindi kami nag break 2 years ago.
For a moment, I forgot who and how much this person meant to me, we talked and laughed like two friends who hadn't seen each other for quite some time. At a certain point in my life, they were my person, the one who calms my thoughts when the world was too chaotic to handle. I shared my plans and aspirations, including them in my future. I was once their solace, the one who cheers for their joy and holds them in their sorrow.
We used to spend everyday together, even when we can't stand each other on most days. I have a vague recollection of our relationship, the trips we went to, every event we attended, the story of how we met. But beyond the memories, I can't remember how I felt when we held hands, or when we found each other's gaze in a crowded room, or why we wore the biggest smiles in the photographs I still have stashed somewhere in my apartment.
Ang lungkot isipin na I can't even remember how it feels to be loved by them, all I can recall was how it ended. And we didn't end in good terms. The fights were bad, the endless reproach, constant exchange of spiteful words, and the resentment we had for each other. We haven't talked or seen each other since we broke up.
After breakfast, we hugged each other for the last time. And just as I was walking away, they reached for me again. "Hey, I'm sorry. I really wish we were still friends. I miss you."
I just smiled, "I know."
I still wish them all the best in their future, and though it saddens me to admit it, I genuinely hope I never get to be a part of that.
8 notes
·
View notes
Text
May 24, 2024
"Maybe we were meant to be a lesson to each other
But I wish you well, and I'm sorry"
-The Ones We Once Loved by Ben&Ben
Sabi nga nila, pwedeng ung taong nakilala mo ay dumaan lang talaga sa buhay mo to either to teach you a lesson, or to be a blessing.
It's been 9 years since I first met the person na naging parte ng buhay ko for a long time. He is one of those people na nandyan for me even on my worst days, in sickness, sa pagiging toyoin ko, at pati sa panahong akala ko di ko na kakayanin kasi nawala si Mommy. I'll admit na akala ko sapat na ung nandyan lang sya, akala ko okay na ung magkasundo kami, akala ko okay lang ung misunderstandings kasi normal naman un sa bawat relationship, pero ang daming dumadating na problems na hindi ko na alam kung pano ko lalagpasan mag-isa na dapat magkasama kami, magkaibang goals, and magkaibang beliefs. Kahit gano kami katagal, parang may kulang, at ung kulang na un, natagpuan sa Kanya.
As per Matthew 6:33 (NIV), "But seek first his kingdom and his righteousness, and all these things will be given to you as well."
After the breakup, I decided to seek God again, and come back to Him, which I can say is the best decision that I've ever made. It's not the usual comfort that your friends can give. Iba pag Siya ung kausap mo, kasama mo. For a long time, I felt lost, but He found me. He accepted who I am, even on my darkest days, and though I don't deserve it.
Naranasan ko ung pagbabago sa buhay ko nung tinanggap ko Siya. Ung mga problema na hinaharap ko mag-isa noon, ngayon kasama ko na Siya palagi. Sobrang daming blessings na hindi ko nakikita before, na ngayon hindi ko alam kung paano ko ipagpapasalamat lahat. Ung simpleng paggising sa umaga, ung makita mo lang ung mahal mo sa buhay, ung mga furbabies ko, ung mga bagong tao sa buhay ko na nakilala ko, my churchmates, my friends, all of them are blessings. And I can say that I am truly grateful to God.
Iyon siguro ung kulang sa min before. We are happy sometimes, then we argue, but we never seek His guidance. But I never regret meeting him. Madami akong natutunan sa relationship na un. Tama nga sila na minsan, hindi ung tao ung namimiss mo kundi ung memories. And I still pray the best for him, no hate. I'm happy that he is starting a better life without me. And I can say that I already let go of the past, and now focused on the present. My present life with God.
I learned to easily forgive the people around me too as I don't want to hold any grudge with them. Some may say that "Magalit ka naman, Why are you so forgiving?, Ang tanga mo naman Angelica". I know that they are concerned with me, but I admit na sometimes, I'm already being fed up with those lines. Pero kapag naiisip ko na kung si Lord nga, napatawad tayo na makasalan, so who am I not to forgive someone who once became a part of my life, who am I to judge them. If they repent, and correct their wrongdoings, who am I not to forgive them? And I know naman ung you can forgive but it doesn't mean that you are giving them the access to hurt you again. But I believe pa din sa kabutihan ng bawat tao, na hindi naman lahat sila ay sasaktan ka, at na hindi lahat ng nanakit sayo ay hindi magbabago.
So I'll leave this verse: Colossians 3:13 "Bear with each other and forgive one another if any of you has a grievance against someone. Forgive as the Lord forgave you."
As for now, I'll just wait kung anuman ung will Niya, and focus on my relationship with Him. I'll trust in the Lord with all my heart and lean not on my own understanding; in all ways I'll submit to him. So sa lahat ng pinagtagpo pero hindi tinadhana, may purpose bawat pain. Sa una mahirap tanggapin, but when you realize that greater things are waiting for you, you'll thank Him. Sa lahat ng taong nandyan for me, tinatama ako kapag naliligaw ako, hindi ako iniwan, always asking how I am, and laging pinapaalala sa kin na lahat isurrender sa Kanya lalo na pag sobrang bigat na, a big big thank you, next time na ung kape nyo 🙂 I can say now that what happened made me stronger, and I don't regret anything.
2 notes
·
View notes
Note
🕺sino bang nag🕺sa🕺bi 🕺na🕺 kailangan🕺 kong mauna🕺
💃hindi naman💃 i💃to💃 ka💃rera💃 pwedeng 💃magdahan 💃 dahan💃
🤸♀️ sa🤸♀️ ba🤸♀️wa't 🤸♀️ pani 🤸♀️bagong 🤸♀️ umaga 🤸♀️
👯♀️ ang 👯♀️ pagsi 👯♀️mula 👯♀️ muli 👯♀️ ay 👯♀️ isang tagumpay na 👯♀️
LEZZGO BINI GEL
3 notes
·
View notes
Text
Ang Kape ng Cozy Cove, Baguio
Ano ang kadalasan mong ginagawa pagkatapos ng isang pagsusulit? Ikaw ba'y namamahinga sa bahay? Naglilibot kasama ang mga kaibigan? Kung ako naman, ako'y nahihilig mamahinga ngunit sa mahalagang mga pagsusulit, karaniwan kong ginugusto lumuwas sa iba't ibang panig Pinas, malapit man o malayo, para maihiwalay muna ang buhay-aral sa buhay-saya. Noong ika-13 ng Mayo, 2023, kami'y naglakbay paakyat ng Baguio ngunit iba ang dahilan ng aming pagpunta kumpara sa mga karaniwang mga turista.
Ang Baguio ay kadalasan sikat sa iba't ibang panig ng mundo dahil sa kultura, pagkain, at mga destinasyon dito pero may isa pang panig ang ikinasikat nito, ang larangan ng musika. Sa kasalukuyang panahon, ay isang bagong "tourist hotspot" na sumikat dahil sa larangan ng musika. Ito ay ang ang Cozy Cove, pero bakit nga sumikat ang lugar na ito? Maraming mga artistang tumutugtog dito, kung sa makabagong banda tulad ng Cup of Joe at Dilaw, atsa mga lumang banda tulad ni Mayonaise at si TJ Monterde. Ngunit tayo muna’y magbalik sa mismong oras ng pagdating.
Dumating ang pamilya ko sa Baguio noong bandang pa-tanghalian pa lamang. Kami’y umakyat noong umaga ngunit hindi namin dinaan ang sikat na tourist spots habang kami’y paakyat para mahabol sana ang maangang “check-in” time ng hotel. Pagdating namin sa mismong Baguio, kami’y hinabol gutom dahil hindi pa kami kumain ng almusal kung kaya’t kami’y dumiretso sa isa sa mga pinakakilalang kainan sa gitna ng Baguio, ang “Canto.” Medyo humigit ng mga tatlumput minuto bago dumating ang aming pagkain ngunit hindi namin inasahan na ganoon ka ganda ang mismong pagkain rito.
Sa mabilisang salita, napagkasarap pero masakit sa bulsa ang mga presyo rito. Kung kaya't unahin ninyo rito kung pupunta man kayo. Ang mga litrato sa ilalim kinuha namin at bawat isa sa kanila ay napagkasarap pero ang pinakapaborito ko rito ang croquettes dahil ngunit mainit ay nagpakasarap ng bawat kagat sa bola-bolang patatas.
Pagkatapos namin kumain namin ay kami'y dumiresto naman sa aming estasyong hotel ngunit hindi pa bukas ang mismong check-in kaya kami muna ay nagpark ng aming sasakyan sa ilalim ng hotel at naglakad papunta sa SM City Baguio. Ang SM City Baguio ay hindi katulad ng mga ibang SM dito sa Pinas dahil sa bukas hanging na porsyento nito. Sa madaling salita, walang air-con pero hindi ganoon kainit maliban kung tatapat ka sa mismong sikat ng araw. Pero kung tutuusin man, medyo may sariling ganda rin ang arkitektura ng SM kumpara sa mga ibang building parang “Cruise Ship design nito” pero balik tayo sa kwento ng aming araw. Hindi gaanong kawili-wili ang mga nangyari kaya tayo ay lumipat sa pagbalik namin sa hotel.
Ang hotel nga pala naming pinili ay yung mas bagong Hotel Veniz sa Session Road, hindi yung luma sa Burnham. Medyo tipikal rin naman ang nilalaman ng kwarto, matinong pagkain, at malinis naman ang bawat sulok pero ayun ang normal sa hotel. Matapos kami pumasok, nagpahinga muna lamang kami hanggang sa oras noong mismong tugtugan.
Dumating kami sa Cozy Cove ng mga bandang mga alas-singko pagabi, naabutan namin noon ang iba sa mga artista at bandang itinatampok. Sina Raphy at CJ mula sa Cup of Joe, si Arthur Miguel, at si Janine Tenoso. Kumuha muna kami ng pagkain sa mismong lugar dahil Cafe sila, dalawang inumin, at tatlong burger (na hindi ko na maalala ang pangalan). Medyo masarap naman ang pagkain pero ang tunay na dahilan kung bakit kami pumunta rito ay ang para mismong tutugan. Kung kaya’t ang tatay nilapitan ang isa sa mga kasama nila sa mesa at nanghingi ng retrato kasama sila.
At sa wakas, nagsimula ang gabi. Madaming video sa YouTube ngayon ang nakuha sa gabi na iyon pero naman sa aking pananaw, sang-ayon sa setlist ng mga banda nila. Pinangunahan ang gabi noon ni Janine Tenoso at tinugtog niya ang kanyang mga orihinal na kanta, pati na rin ang mga sikat na makalumang OPM tulad ng Di Na Muli ng Itchyworms. Sumunod sa kanya ay si Arthur Miguel kung saan siya rin ay tumugtog ng ilan sa mga sikat niyang cover ng iba’t ibang sikat na kanta, pati na rin ang mga bago niyang sikat na orihinal tulad Dito sa Ilalim ng Buwan. Matapos ang mga solong artista ay umakyat na ang unang banda na sina Calein. Di katulad ng dalawa, hindi gaanong nahatak ang mga manonood sa kanilang tutugan ngunit pagdating biglaang nahaktak pabalik ang atensyon noong itinugtog nila ang kanilang orihinal na kanta “Umaasa.” At para sa pinakahuli, ang hinihintay ng lahat na sina Cup of Joe kung saan bawat kanta, bawat sigaw, bawat galaw, ay nagbigay-buhay sa bawat manonood. Masigasig at masaya nagtapos ang gabing iyon, busog sa pawis, pagod, at saya. Masarap mapanood, lalong-lalo sa personal, ang mga artistang iniidolo mo. Nakakabuhay ng isip, galaw, at pagmamahal sa bawat larangan na hinihilig mo.
2 notes
·
View notes
Text
| 020224 . FRIDAY . 5:58PM
yung napaka papansin talaga ng supervisor ko. Kagabi nag post lang ako ng laro ko sa fb. For sure nakita nya. Nag chat ba naman saken kagabi finafollow up yung mga business permit ng site. Shutaaa out nako sa office nasa bahay nako kung ano2x pa pinagsasasabi about work di nalang sabihin kinabukasan, papansin pucha!
Tapos eto na nga kanina wala pang ilang minutes lumapit saken. Hinahanap at ina update ako sa business permit, akala ata di ako nag uupdate sa site. Oh ayun napaka dali binigay ko sa kanya yung mga ayos na. Akala siguro wala ako mapapakita hahaha ulol! Tapos maya maya lapit ulit tinanong naman kung nag checheck ako ng mga deposit slip, pinakita ko sa kanya na mag checheck ako ginagawa ko. Epal putek dati di naman nagtatanong ngayon dami nya time.
Feel ko talaga trip nya ibigay iba kong work sa bagong employee na fave nya dahil taga bitbit ng gamit nya. E kaso ginagawa ko ng maayos work ko hahaha! Sorry nalangs.
Naaalibadbaran talaga ako sa mukha nun. Umaga palang nababadtrip nako. Kaya pag may pinapagawa yun inuuna ko tapusin ng di na ako kausapin pa.
2 notes
·
View notes
Text
Sobrang pangit ng araw na to feeling ko umedad ako.
Hay. Grabe. Wala akong masabi. Productive naman pero sobrang nakakabugnot. Kagabi nilalagnat pa yung anak ko kasi nag-ngingipin siya. Puyat tuloy ako at hindi ako nakapag start ng 5 AM. Mga 6:30 na yung first class ko, okay na rin hindi na masama. Nakapag open naman ako ng 6 hrs nung umaga kaso nga lang closed na yung dalawa. Di ko na lang masyadong inisip nag post na lang ako ng financial advisor content sa tiktok so kahit papano productive pa din. Dahil feeling ko may energy pa ako, nakapagtahi ako ng onting parts ng table skirt project ko at nakapakinig ako ng 30 mins dun sa module na tinatapos ko.
Maggrocery sana kami today kasi today lang pwede dahil sobrang busy ni partner dun sa bagong tayong gotohan kaso mga past 5pm na siya nakabalik, may work ako ng 8 pm at 40 mins ang biyahe to town more or less. Pag dating pa namin dun hindi pa nagloload yung code ng gift check na dapat gagamitin namin sa puregold :( 4 na gift check dapat worth 500 ending 1k lang nagamit. Bibili pa naman sana siya ng alak kasi bday niya super stressed na siya at ako din. Hindi naman ako pwede umabsent sa work kasi bengga na ako :( Hay dapat bibili pa kami ng jollibee after mag puregold pero 7:11 na eh. 7:30 na kami dumating dito so 15 mins lang yung biyahe kaya pa sana kung bumili ng food sa jollibee pero hays. Nag alangan kasi ako kanina. Stressed na ako. Hindi ko naman alam na magkakaganon yung gift check sa puregold. Di na din ako makapagisip kasi gutom na rin ako nung mga time na yan. Sobrang nakakainis pa kasi ang bagal ng internet! Pinaloadan ko siya sa smart pero di nagwork. Nagttry kami magpaload ng globe ayaw gumana nung go50 ba yon. Napaka :(( Stressed na ako kasi wala akong pera pero kung may pera ako di ako masstress ng ganito kasi hindi ko kailangan mag tiis ;(
Gets ko na kung bakit yung mama ni Allie ayaw kay Noah. Ang hirap pag walang pera :(
7 notes
·
View notes
Text
PATRICE'S STORY
Dear Kuya Bono,
Kumusta po ang lahat. I hope everybody is OK. Ako, mas OK ngayon kesa nagdaang mga taon ng buhay ko. Nag-explore kasi ako noong 2018. Nainggit sa mga pinsan ko at pinatulan ko rin yung sinasabi nilang ‘Get Out of your Comfort Zone’.
DALAWANG TAON DIN NA NAMUHAY ako gaya ng buhay ng mga pinsan ko sa Maynila..at nakasanayan at nagustuhan ko na rin ang pamumuhay nila….pero NAGKA-PANDEMIC kaya’t noong JUNE 8, 2020 ay…wala akong choice kundi ang UMUWI muna dito sa Probinsiya.
>>>>>
Graduate po ako ng BSE Major in English noong 2016. Same year ako nag-take Licensure Examination for Teachers at pinalad naman mapabilang sa 31,334 na pumasa. Imagine that number of new teachers. Secondary pa lang yan ah. Sa Elementary naman ay 23,378 ang pumasa.
Hindi lang ako at pamilya ko ang natuwa sa pagkakapasa ko ng Licensure Exam Kuya Bono kundi…baka, lalo na si Yosee. Matagal na kasi siyang nanliligaw sa akin noon kaya lang, parang hindi siya seryoso…kaya’t hindi ko rin siya sine-seryoso.
Kabarangay ko lang si Yosee. Puro opposite ang mga purok namin. Purok Uno sila, Purok siyete kami.
Sa paraang pabiro ko lang nasabi noon kay Yosee ang ganito;
“Yosebio,..pag pumasa ako sa Board Exam, sasagutin na kita….”
“Luh, huwag na! Ayoko ng ganon. Di naman ako desperado sa chance na maging GF kita noh?...Kung sagutin mo man ako dapat dahil yan sa…mahal mo ako, hindi dahil sa masaya ka lang kasi pumasa ka sa exam. Apaka-kenkoy mong babae ka!”
“Kaarte mo naman Yosebio. Ayaw mo di huwag….at lalo namang hindi ako desperadang maging tayo noh? Ang kapal mo!!!”
“Mas makapal ka! Dadaanin mo pa pala ako sa pustahan eh. Pano kung di ka pumasa eh di hindi rin ako pumasa sayo?! Style mo bulok!”
“Mukha mo bulok! Huwag ka na ngang pumupunta dito sa’men noh? Istorbo ka lang sa buhay ko! Uwi ka na!”
“Oyyy…nagalit naman agad. Joke lang darling ko…..di ka mabiro…..”
“Anong darling ko?! Di pa tayo noh?”
“Tayo na….kasi sigurado namang papasa ka sa exam eh. Ikaw pa ba? Maganda na…matalino pa…”
“Hay naku Yosebio,..hindi mo ako mauuto….”
“Payag na nga ako eh. Sagutin mo na lang ako kapag pumasa ka sa exam….pero kapag hindi ka pumasa. Liligawan pa rin ulit kITA kahit na…back to zero ako, start from the beginning…OK lang sa akin kasi….mahal kitang totoo…todo todo walang preno…SAGAD HANGGANG BUTO!”
“Diyan ka magaling sa kasaltikan mo. Alam mo, kaya hindi ako naniniwala sayo eh kasi puro ka biro….”
“Hindi. Promise. Mula mamayang gabi bago ako matulog, madadasal ako…ganon din paggising ko sa umaga, magpe-pray ako….hihilingin ko kay Bro na….ipasa ka niya sa board exam…..para maging tayo na….para matikman mo na ang aking matamis na halik….at naguumalab na yakap…aking mahal na Patrice, Pa-kiss na lang, KAHIT isa lang please…..”
PLAY>S1
DKB-2
Kahit hindi kataasan ang score ko sa LET ay nagpa-ranking pa rin naman ako, baka sakaling suwertehing magkapagturo sa Public School…kahit na, alam kong mahirap kasi nga napakarami naming bagong teachers.
Alam kong matagal makatanggap ng balita tungkol sa ranking kaya’t nag-apply muna ako sa isang Private High School sa bayan pero huwag na lang nating pagusapan ang suweldo dahil talagang minimum lang. Mas mataas pa nga ang suweldo ng nakababata kong kapatid na si Perry sa kaniyang trabaho bilang collector sa Lending…at pinagyayabang niya sa akin yun kasi siya, hindi tapos ng college. Choice niya yung hindi magtapos kasi tinamad nang mag-aral at pinakinabangan na lang niya ang pagkahilig niya sa pagmo-motor sa pagiging collector. Bestfriend ni Peter si Yosee kahit na hindi sila magka-age kasi, si Yosee ang ka-age ko. Ka-batch ko siya sa public elementary school dito sa amin…pero hindi kami close noon. Ang ka-close niya ay yung mga kagaya niyang bardagul na laging pasimuno sa mga kalokohan sa school.
High School, sa private nag-aral si Yosee. May kaya kasi talaga sila kahit noon pa. Empleayado sa DENR ang Papa niya, pero siya din ang boss sa kanilang malawak na Palayan at Maisan, malawak na Manggahan at may Poultry din sila. Ang Mama naman niya ay may puwesto ng dry goods at beauty parlor sa bayan. Yung mga nakatatandang kapatid ni Yosee ay nasa abroad kaya’t well-off talaga sila…pero walang yabang at arte si Yosee sa katawan. Napaka-simple niya at barriotic pa nga kung pumorma.
College, nag-enroll siya ng Bachelor of Science in Agriculture major in Crop Science sa Mountain View College sa Valencia City. That time ay dalawa na lang sila ng bunso niyang kapatid na si Carmela ang naiwan dahil ang mga nakatatandang kapatid nila ay nag-stay sa Maynila at yung dalawa, panganay at sumunod sa panganay ay nagpunta sa America.
Ako naman ay kumuha ng Bachelor in Secondary Education major in English sa BukSU o Bukidnon State University dito lang sa amin sa Malaybalay, Bukidnon. So, hindi kami schoolmate ni Yosee pero, updated ako tungkol sa kaniya dahil nga sa bestfriend siya ng bunso kong kapatid na si Perry…at nagkukuwento ito tungkol kay Yosee kahit hindi naman ako interesado.
Vocal din si Perry noon sa palaging pakumusta daw ni Yosee sa akin…pero that time ay, wala talaga akong interes kay Yosee kasi, in-love na ako noon sa ka-klase at secret boyfriend kong si Michael.
Nakay Michael Kuya Bono ang mga katangian ng lalaking pangarap kong maging boyfriend. Guwapo, mas matangkad sa akin, malinis sa katawan, matamis ngumiti at matalino.
Consistent Dean’s Lister si Michael Kuya Bono, hindi siya bumababa sa Top 5. Ako, never mind. Hindi ko na-experience ang mapasali sa Deans List kasi hindi naman ako matalino at hindi ako masipag mag-aral. Masipag lang ako sa bahay, masipag akong magluto at maglinis pero tamad akong maglaba at mamalantsa,..kaya kay Mama napupunta ang mga gawaing ayaw ko.
Balik tayo kay Michael. Kabatian ko na rin siya dati pa, naka-grupo ko din siya sa Project noong 3rd year kami pero hindi naman kami nabigyan ng chance para maging close noon. Siya ang group leader noon kaya’t naka-distribute amin na mga members nya ang kaniyang atensiyon.
Pero noong 4th year na kami, pareho kaming na-assign sa Silae National High School para sa aming Practice Teaching. Pabor kay Michael na sa Silae kami na-assign kasi, taga-Kibalabag siya which is katabi lang ng Silae. Pero ako ay sa kabilang panig nakatira at malayo sa Silae ang sa amin.
Mabuti na lang at nag-abroad noon ang panganay naming si Kuya Paulo. Binata pa siya noon at INIWAN niya kay Papa ang kaniyang Honda TMX 125 pero madalang namang magamit ni Papa dahil walang daanan ng sasakyan papunta sa bukid niya.
Ang motor na yun yun Kuya Bono ang ginamit ko sa pagpasok sa Practice Teaching ko at dahil sa motor na yun ay, naging kami ni Michael.
PLAY>S2
DKB-3
Grade 5 pa lang ako marunong na akong mag-motor. Nagsimula akong matuto sa tricycle ni Tito Tonyo na kapitbahay lang namin. Noong High School ako, nagagamit ko na rin ang motor ni Kuya Paulo kapag wala siyang sumpong. Madalas kasi ay madamot siya sa motor.
Unang araw ng Practice Teaching namin ay nagulat pa si Michael noong makita niya akong nagpa-parking. Naka-jogging pants lang ako noon pero dala ko ang pencil cut naming paldang uniform sa Practice Teaching. Nagbihis na lang ako noon sa CR ng Faculty Room.
May dala akong baon noon na lunch Kuya Bono pero inaya ako ni Michael sa bahay nila na nasa kabilang barangay lang naman. Sumakay kami sa motor na dala ko pero siya ang nag-drive at ako’y angkas niya. Ang sarap sa pakiramdam ‘non Kuya Bono, feel na feel kong kaangkas ako ni Michael sa buhay niya.
Noon ay nakilala ko na rin ang magulang at dalawang kapatid niyang wala pang asawa. Bunso si Michael at…mamangha ka talaga sa mga naka-kuwardong graduation pictures ng mga kapatid niya sa kanilang dingding. Ang ayos ng pagkakahilera. Kagaya ng pagkakahilera ng mga pictures ng mga naging Mayor sa mga Munisipyo. Walo silang magkakapatid at si Michael ang bunso at picture na lang niya ang kulay sa dingding na yun.
Malaki ang bahay nila Kuya Bono pero simple lang. Para itong Ancestral House. Malawak din ang kanilang bakuran at napakaraming tanim sa paligid. Mabait naman ang parents ni Michael. Makuwento ang Mama niya at lagi itong nakangiti. Ang Papa niya, hindi palangiti, mukhang strikto at English Speaking….pero nauunawaan ko naman yun kasi, siya ay retired principal.
>>>
Naging sobrang close kami ni Michael Kuya Bono at talagang in love na ako sa kaniya pero, alangan namang ako ang manligaw? Ramdam kong caring din siya sa akin pero hindi naman nagsasalita. Eh ako, experto ako sa pagtatago ng damdamin ko kaya’t alam kong hindi rin ako nagpahalata na gustong-gusto ko siya.
Kaya lang noong sumapit ang 21st birthday ko Practice Teacher pa kami noon, tandang-tanda ko pa, LUNES yun at katatapos nga lang ng Flag Ceremony at nakikipagkumustahan pa lang ako sa mga estudyante ko noong biglang pumasok ang dalawang lalaking Grade 10 Students. Yung isa ay may dalang gitara.
“Yes boy? What can I for you?” tanong ko sa kanila.
“Haharanain ka namin maam…” sagot ng isa at yung isa’y nagsimula nang tumugtog ng gitara. Yung isa ay kumanta naman ng EVERY WOMAN IN THE WORLD NG AIR SUPPLY.
PLAY>S3
DKB-4
Nasa kalagitnaan na siguro ng kanta noong pumasok naman si Jericho, ang pinaka-poging estudyante ni Michael at may dala itong bouquet of red roses. Tilian kami noon, oo Kuya Bono pati ako ay nakitili sa mga babae kong estudyante. Ang tamis ng ngiti ni Jericho noon….diretso siya sa akin at inabot ang bouquet ng pulang rosas.
“Ano to, anong nangyayari?” tanong ko kay Jerico. Sumenyas siya sa pinto at doon ay lumitaw naman si Michael. Parang maiihi ako kilig noon Kuya Bono, patuloy pa rin noon ang pagkanta nung dalawa sa harapan pero noong matapos sila ay pumasok si Michael.
“Saglit lang to guys!” Tila paumanhing sabi niya sa mga estudyante ko.
“Ahmm…..Patrice, sa totoo lang hindi ako marunong manligaw. But…here and now…I am expressing my love to you. I LOVE YOU…..can you be my girlfriend?”
“YES! YES!!!” narinig kong sigaw ng isang estudyante ko, una siya lang pero halos mag-chorus na sila sa pagsigaw ng YES! YES! YES!”
“Yes…daw…” Sabi ko.
“Gusto ko manggaling sayo. It is a yes?”
“Michael….of course, YES!”
PLAY>S4
DKB-5
Nakakakilig diba? Pero…hindi kami nagtagal ni Michael. Sorry to disappoint you pero,..BU-ANG kasi ako at nakakahiya ang nangyari.
Buwan na ng March noon. 7 months na kami ni Michael noon kasi, September 22 ko siya sinagot. Gaya ng dati, umuwi kami sa bahay nila ng Lunch Time pero kararating lang namin ay nagpaalam ang katulong nila. Ang Mama ni Michael ay nag-attend daw ang Mama at kapatid niya ng kasal. Ang Papa naman daw niya ay may nilakad sa Maramag, isang bayan din yun ng Bukidnon. In short, kami lang ang tao sa bahay nila.
Dati nang maka-serve ang pagkain namin sa mesa. Pagkakain namin ay nag-shower si Michael pero hindi muna nagbihis. Nakatapis siya ng tuwalya noong tabihan niya ako at ang lakas ng kabog ng dibdib ko noon Kuya Bono. Hinagkan niya ako sa labi at naging maalab yun…hanggang sa hinila niya ako sa kuwarto niya nakatabi lang ng salas. Sumama naman ako at doon Kuya Bono ay natangay na rin ako. Hinayaan ko na siyang tanggalin niya ang saplot sa katawan ko. Nakabuyang-yang na ako ng hubot-hubab sa kaniya…tapos pumatong siya. Nagulat ako noong madama ko ang kaniyang…ANO sa pagitan ng hita ko…ang tigas at parang ang laki.
Doon ay natakot ako Kuya Bono. Bigla akong bumangon, tinulak ko siya. Dinampot ko ang mga damit ko saka ako lumabas ng silid niya. Sa salas ay magmamadali akong nagsuot ng panty ko, bra at ang palda ko…at noong sinusuot ko na ang blouse ko ay nagulat ako dahil napansin kong may nakaupo sa sofa….may hawak na diyaryo….pero sa akin nakatingin---ang Papa ni Michael.
>>>
Sa sobrang hiya ko Kuya Bono ay umalis ako ng walang imik sa Papa ni Michael. Bumalik ako sa school mag-isa pero hindi na pumasok si Michael nung hapon.
>>
Kinaumagahan ay sa BukSU kami, kasi may klase pa ako noon liban sa Practice Teaching. Noong matapos ang subject na yun ay nilapitan ako ni Mara, ka-klase ko siya at ang sabi niya;
“May kakausap sayo….pinsan ko….PUWEDE, sama ka?” Sumama naman ako Kuya Bono kasi, alam ko namang hindi gaga si Mara. Actually isa siya sa mga campus crush sa school at lagi ding parte ng Deans List. Dinala niya ako sa library na malapit lang sa classroom namin. Doon ay nadatnan namin si Katarina. Kilala siya ng lahat kasi nag-runner up siya sa Mr. & Miss BukSO nung nakaraang taon. Pinsan siya ni Mara.
“Hi!” Nakangiting bati niya sa akin saka niya ako pinaupo sa harap niya.
“Ako si Katarina…..”
“Kilala kita….” Nakangiting sagot ko.
“Patrice right?”
“Oo….”
“Ahm, hindi na ako magpaligoy-ligoy pa Patrice. May itatanong lang ako…..”
“Sure. Ano yun?”
“Hindi ba nabanggit ni Michael sayo na…girlfriend niya ako?”
>>>
“Girlfriend ka niya?...hala. Sorry, hindi ko alam…wala, wala siyang nabanggit sa akin…ang alam ko talaga, wala siyang girlfriend…..sabi pa nga niya hindi siya marunong manligaw….”
“Complicated kasi ang sitwayson ko dito sa school…kaya usapan namin ni Michael na, sikreto muna ang relationship namin. Akala ko OK lang sa kaniya.
“Sorry Katarina, hindi ko alam….”
“May estudyante ka na…kapatid ng friend ko. Yung friend ko ang nagkuwento sa akin na….sinagot mo daw si Michael infront of your class….”
“Oo, totoo yun…pero promise, hindi ko alam na kayo….”
“Sigh. Anniversary namin ngayon. Nasa simbahan siya…naghihintay sa akin. Hindi ko pa siya nako-confront tungkol sa inyo…and I decided na sayo ko alamin kung totoo..bago ako humarap sa kaniya…and I think, kayo nga diba?”
Hindi ko nasagot ang tanong na yun ni Katarina.
“It’s OK Patrice. The truth is, mahal ko si Michael pero, sa ginawa niya…pinatunayan lang niya na…hindi niya deserve ang pagmamahal ko. Pupuntahan ko siya para makipagbreak na. Mas OK na yung may closure diba?”
“I’m sorry Karatina…promise hindi ko alam….”
“No, it’s OK. Siguro nga…kayo talaga ang para sa isa’t-isa…and I want you to know na hindi ako galit sayo. In fact, sobrang nagpapasalamat pa nga ako kasi…pumunta ka dito at nagsabi ka ng totoo….thank you Patrice….” Pagkasabi ni Katarina yun ay nakita kong tumulo ang luha sa makinis niyang pisngi.
Tinapik pa niya ang balikat ko noong bago siya marahang lumakas palabas ng library.
“Tara na din…” Aya sa akin ni Mara pero ang sagot ko;
“Mauna ka na Mara…dito lang muna ako……” Pag-alis ni Mara ay, nagisip ako ng gagawin ko kay Michael.
Mahal na mahal ko din siya Kuya Bono kaya lang, HINDI OK sa akin ang ginawa niya,..o mga ginawa niya. Una, yung pagtatangka niyang kunin ang pagkababae ko. Pangalawa,..may girlfriend pala siya.
Noon ko lang nakaharap at nakausap si Katarina Kuya Bono pero natantiya kong mabuting babae siya,..at nakonsensiya ako kasi…bahagi ako ng sakit na dinanas niya dahil kay Michael.
Noon din sa library ay nagdesisyon ako. Makikipagbreak na din ako kay Michael kahit na…mahal ko siya.
PLAY>S5
DKB-6
Hindi lang actually si Katarina ay yung attempt ni Michael na kunin ako…ang mga dahilan kung bakit, kailangan ko na din talagang iwasan siya. Isa pang major reason ay yung…nahihiya na ako sa magulang niya, lalo na sa Papa niya.
>>
Hiyang-hiya pa rin ako sa sarili ko Kuya Bono kapag naaalala ko yung tagpong yun na…siguro nakita ng Papa ni Michael ang buo at hubad kong katawan.
>>>
Hanggang sa maka-graduate kami ni Michael ay hindi na siya lumapit sa akin…at wala na rin akong pakealam noon sa dahilan niya. Then, days before graduation namin ay madalas ko silang makita ni Karatina. Minsan nga, nakasalubong ko pa sila sa corridor at nag-ngitian kami ni Katarina….at nakapagtataka Kuya Bono kasi, hindi naman ako masyadong nasaktan o nagselos. Actually, masaya ako para kay Katarina kasi…siguro ay nagawa niyang patawarin at bigyan ng pangalawang pagkakataon si Michael…at hindi niya ako inaway diba? At sa totoo lang, bagay sila ni Michael. They really look good together…
PLAY>S6
DKB-7
So far noon Kuya Bono ay si Michael ang pina-OK na naging boyfriend ko; pinaka-guwapo, pinakamatalino, pinaka-maganda ang family background pero siya pa ang hindi ko iniyakan.
Nakatatlong boyfriends din ako noong High School. Hindi pa K to 12 noon. Dalawa noong 3rd year then isa noong 4th year na na-extend pa ang relationship namin hanggang First Year ko sa college. Silang tatlo pero third party ang reason kung bakit ako nakipag-break. Ayoko kasi ng lalaking HINDI LOYAL AND FAITHFULL…Kaya kahit masakit, nakikipagbreak ako. Sa relasyon Kuya Bono ay idol ko ang parents ko. FIRST AND LAST LOVE nila ang isa’t-isa.
Pareho din silang nag-abroad noong maliliit pa kami. Si Mama nag-DH sa Kuwait, then si Papa nag-Saudi naman pero pareho silang hindi nagtagal sa abroad kasi, ayaw nilang masanay na malayo sila sa isa’t-isa. Nanghihinayang sila sa mga taon na hindi nila kasama ang isa’t-isa.
Ganon ang gusto ko. At gusto ko ng lalaking loyal at faithful…yung ako lang ang mahal at pakamamahalin.
Oo, hindi ako kagandahan…at hindi naman ako nag-aasam ng guwapo eh. Actually, akala ko nga swerte ko lang kay Michael. Akala ko, may nakita siyang special sa akin…something na hindi nakikita sa panlabas kaya niya ako jinowa….pero na-realize ko din na…gusto lang niyang makaisa kaya siya nag-effort din sa akin.
Then nung bakasyon, eto naman si Yosebio…o Yosee, na unang lumapit sa akin dahil kukunin daw akong muse sa team nila sa basketball. Nagdidilig ako ng halaman noon at tinapat ko sa kaniya ang sprinkler.
“Ay bu-ang ka ba? Kagagaling ko sa basketball..mapapasma ako!”
“Umalis ka kasi dito. Huwag mo akong pagtripan!”
“Seryoso ako Patrice, wala kaming muse kaya ikaw na lang…..”
“Ang sama mo noh? Porke wala kayong mahanap…mapipilitan kayong ako na lang ganon? Lumayas ka nga dito!” Sabi ko saka binugaan ng tubig kaya tumakbo sa kinaroroonan ni Perry….pero panay pa rin ang tingin sa akin at nagpapa-cute. Ngingiti-ngiti, kikindat-kindat at saka parang batang nagbu-beautiful eyes. Napapangiti ako sa kakulitan at kakengkoyan niya pero hindi ko pinapakita. Tumatalikod ako kapag napapangiti ako para hindi niya makita at nang hindi niya isiping….napapasaya niya ako.
PLAY>S7
DKB-8
Alam na alam ko naman na ganon ang style nila ni Perry sa babae eh. Pareho silang naniniwala sa kasabihan nilang; “IF YOU CAN MAKE A LADY LAUGH, YOU CAN WIN HER LOVE!”
Kaya yung style ni Yosee na yun, hindi epektibo sa akin. Kaya yata nag-isip sila ng iba. Sila kako kasi, alam kong kakutsaba niya ang kapatid kong Perry. Unang araw ko ng pagtuturo sa Private High School sa bayan na sabi ko’y pansamantala lang habang hindi pa ako nabibigyan ng break sa Public School….ay, nakisuyo ako kay Perry na ihatid ako. May MIO kasi si Perry, regalo sa kaniya ni Papa noong mag-tapos ito ng High School. Bigla siyang nagdahilan, magsi-CR lang daw kaya hinintay ko naman. Kaso paglabas niya ng CR, may LBM daw siya.
Maya-maya’t dumating si Yosee dala ang kotse ng Papa niya. Halata sa ngiti ni Perry noon na planted ang pangyayaring yun. Sumakay na rin ako sa kotseng dala ni Yosee kahit na, hindi ako nagre-react noon sa mga pambobola niya.
“Ang isang magandang dilag na kagaya mo, hindi dapat sa motor sumasakay….” Sabi pa niya noon pero hindi ako nag-react. Sinulyapan ko lang.
“Mula ngayon, hatid sundo na kita….” Sabi pa niya noong bumaba na ako sa harap ng school at noong labasan ng hapon ay nandun na siya, nakatayo pasandal sa kotse at nakakaloka ang ngiti niya sa akin.
>>
Pinanindigan niya Kuya Bono na ihatid-sundo ako kahit noong busy na siya sa farm nila. Isa kasi siya sa mga nag-ooperate ng malalaking makina na pansaka, in short, sa sarili nilang farm niya ginamit ang pinag-aralan niya. Hindi siya nag-apply sa iba.
Tuwing Sabado at Lingo, nasa bahay din siya kahit wala si Perry, ako ang ina-alaska. Hanggang sa napansin kong parang seryoso na siya pero dinadaan lang sa biro. Wala na ring babaeng nali-link sa kaniya noon, ayon sa mga kaibigan ko dito sa baryo….at ayon din mismo kay Perry.
“Seryoso yun sa’yo. Alangan namang gagaguhin ka nun eh…tropa ko siya. Hiya na lang nun sa akin….” Ito pa ang sabi ni Perry sa akin noong minsang, tinanong ko kung wala na talagang babae si Yosee.
At yun nga, sinagot ko na rin kahit na…may duda pa ako noon sa kaniya at hindi ko pa siya ganon kamahal.
>>>
Pero habang nagtatagal Kuya Bono ay unti-unti siyang napamahal sa akin. Nakasanayan ko ang kautuan niya,….kasi, sa kabila ng mga kalokohan niya Kuya Bono ay mabait siya, may isang salita at marespeto.
Lagi niya akong hinahagkan pero sa pisngi o noo….at kung sa labi naman ay smack lang….at hindi ko namamalayan Kuya Bono na,…talagang mahal na mahal ko na siya. Yung tipong, siya na talaga ang gusto kong makasama sa habang-buhay.
PLAY>S8
DKB-9
Noong kaga-graduate ko pa lang ng college ay kinukumbinsi na ako nina Alice at Gwen…mga pinsan ko na mag-call center din sa Maynila. Si Gwen, hindi nga college graduate eh, second year lang sa Nursing ang naabot niya.
Noong kasal ni Ate Mayet na pinsan ko din, kapatid ni Alice ay umuwi sina Gwen at Alice kasi mga abay din sila kagaya ko, partner ko din noon si Yosee at, sakto pang SECOND anniversary namin noong ganapin ang seremonya ng kasal nina Ate Mayet at Kuya Kris sa simbahan.
“Next year, tayo naman pakasal…” Narinig kong sabi ni Yosee noong kami ay nagma-martsa sa aisle ng simbahan. Hindi ko yun pinansin kasi, palabiro nga siya at baka biro lang niya yun…pero seryoso pala siya.
Kinagabihan kasi, sa handaan ay inulit niya yun sa akin kaya ang tanong ko;
“SERYOSO ka ba?”
“Oo, bakit? Nasa tamang edad naman na tayo ah. 24 na tayo pareho….”
“Masyadong maaga Yosee. Ganiyan dapat kina Ate Mayet,…27 siya…28 naman si Kuya Kris….”
“Ayaw mo di huwag!” Ganito ang narinig kong sagot niya at bahagyang nakasimangot. Hindi ko na lang pinansin.
>>>
At dalawang taon na akong nakapila sa ranking Kuya Bono pero, wala pa ring good news. 2 years na rin akong nagtitiis sa kakarampot ng pasuweldo sa Private School sa bayan….at iyon ang dahilan kung bakit, nakumbinsi na ako ng tuluyan nina Alice at Gwen na mag-apply din sa Call Center kung saan sila nagta-trabaho.
Ang alam ko Kuya Bono ay, hindi naman talaga ako materialistic na tao pero, nakakainggit din kasi talaga ang mga pinsan ko. Iba sila manamit, iba silang kumilos at magsalita since nag-call center sila,…tapos ang mga gamit nila, alahas, cellphone…mga mamahalin talaga.
Ang reason ko talaga noon kung bakit ako umaayaw sa anyaya nila ay, ayoko mapuyat gabi-gabi. Kaya lang sabi nila, nakakasanayan naman daw yun…at hindi naman sila dry Kuya Bono, fresh skin nga sila eh kasi bumabawi naman daw sila ng tulog sa araw.
Nag-decide akong sumama sa kanila…pero noong magpaalam ako kay Yosee, matigas ang kaniyang PAGTUTOL…pero wala siyang nagawa kasi, katawan ko, sarili ko ang boss ko sabi ko pa sa kaniya…at lalo pa akong nagmatigas noong sabihin niyang; “Pag umalis ka, manliligaw ako sa iba!” At ang sagot ko;
“Eh di manligaw ka!”
PLAY>S9
DKB-10
Noong mga unang buwan ko sa Maynila Kuya Bono, lalo na noong training days ko pa lang….madalas kong maisip si Yosee. Liban din sa, napaka-kulet sa text at chat at pinapauwi ako…pero nagmamatigas ako, sabi ko hindi ako uuwi. Hindi na niya inulit yung banta niya na manliligaw sa iba.
Sa totoo lang, umiyak siya noong paalis na kami papuntang Maynila at ang higpit ng hawak niya sa kamay ko na parang bang, ayaw talaga akong paalisin.
>>>
Nasabay nga ako sa buhay KUWAGO Kuya Bono, gising sa gabi, tulog sa araw…at hindi ko namamalayang, tuluyan ko nang napabayaan si Yosee. Hindi kasi ako puwedeng magbabag sa chat o text sa gabi kapag nasa trabaho ako at sa araw naman, siyempre tulog ako maghapon….at sa pagdaan ng mga araw Kuya Bono ay, totally wala na. Kahit si Perry, hindi na rin nagkukuwento tungkol kay Yosee.
Pero isang araw, 7 months na ako noon sa Maynila at chinat ko ang kapatid ko. Kinumusta ko si Yosee. Ang reply niya sa akin;
“Ate…ang relasyon inaalagaan. Hindi yung kukumustahin mo lang kapag may time ka….” Hindi na ako nag-reply. Ramdam ko kasi na disappointed sa akin si Perry. Hinayaan ko na lang Kuya Bono at, sa totoo lang ay….hindi ako nagkaroon ng pagkakataon noon na mag-emote kasi,..mas pinili kong matulog kesa sa mag-isip ng kung ano-ano. Pero with all honesty, hindi ito ibig sabihin na….hindi ko na mahal si Yosee. Mahal ko siya pero, wala lang talaga akong time…AT magkaiba nga kasi ang FREE TIME namin. Gising siya sa oras na tulog ako and vice versa.
PLAY>S10
DKB-11
Hanggang sa, napako na rin ako sa buhay call center Kuya Bono. Nakigaya na ako sa mga pinsan ko na naging materyosa at nahilig sa mga mamahaling items na…kadalasan ay pinapangutang lang naman pala. Kaliwat-kanang LOAN AND INSTALLMENT.
Sumapit ang pasko, hindi ng kami nakauwi…ganon din noong sumapit ang HOLY WEEK, may pinili naming magpipinsan ang sumama sa Palawan.
LIMANG ARAW ang bakasyon na yun sa El Nido Kuya Bono at noon ko nakilala si RICO, sa facebook.
Napansin kong marami na pala siyang message sa akin dati pa. Nakita ko sa message request. That day sa El Nido ay kinonfirm ko na rin ang Friend Request niya kahit napansin kong lilima ang pictures niya. Sabi niya, hindi daw siya mahilig sa camera. Sabi ko, bakit naman eh ang guwapo mo nga.
“Mas gusto ko sa text at call kaya…puwede, pahingi ng number mo?”
>>>
3 months lang siyang nanligaw sa text at call Kuya Bono, sinagot ko na si Rico. Gising pa siya kapag ala-una ng madaling araw na siyang BREAK TIME namin. Saka pa lang siya matutulog pagkatapos naming magusap.
Sa umaga, alas nuwebe…naging pampatulog ko ang kanta niya. Naka-loud speaker lang ang phone ko, kumakanta siya at naggigitara. ISA YUNG TALENT NIYANG yun Kuya Bono, ang husay niyang maggitara at ganda ng boses niya pagkanta…na naging dahilan kung bakit ako nahulog sa kaniya kahit hindi pa kami nagkita sa personal.
Kapag matutulog na ako sa umaga,..tatawagan ko siya.
“Malko,HELE TIME NA”…Sabi ko. Siya ang nakaisip ng tawagan naming yun. MALKO..na shotcut ng MAHAL KO. At kapag tinawagan ko siya sa umaga at matutulog na ako, kahit anong ginagawa niya, ititigil niya at kakantahan niya ako hanggang sa makatulog ako.
PLAY>S11
DKB-12
Kaya lang, natapos din ang relasyon namin ni RICO. Parang nagising na lang ako sa katotohanan na, nakikipaglokohan lang ako sa kaniya. Ilang beses ko na kasing inaya na mag-kita kami sa personal pero, puro palusot siya. Hanggang blinock ko na lang bigla sa PHONE pati sa Facebook.
Nakakalungkot lang kasi, kinailangan kong magadjust noon sa nakasanayan ko nang HELE TIME ko sa umaga para makatulog. Pero, naka-move-on din ako…at OK na ako noong bago pa magsimula ang PANDEMIC.
JUNE 2020 noong mag-announce ang company na, WALA MUNANG PAPASOK…pero may ilan na nabigyan ng unit para makapag-work from home. Kasama dun ang mga pinsan ko na talaga kasing magagaling na sa larangan ng call center.
Ako, wala akong choice noon kundi umuwi muna dito sa amin….NOONG JUNE 8, 2020…..AT HINDI KO INAASAHAN KUYA BONO NA….muli pa lang mabubuhay ang pag-ibig ko para kay YOSEE.
After 2 years na hindi kami nagkita,…I never expected na sa muling PAGTATAMA ng paningin namin ay…may luhang papatak mula mga mata namin.
PLAY>S12
DKB-13
Nangyari ang muli naming pagkikita ni Yosee noong kararating ko lang ng Malaybalay. Kababa ko lang ng tricycle noon mula sa bus stop, papunta sa TODA ng aming barangay, at yun nga…kabababa ko lang ng tricycle ay kaagad si Yosee ang nakita ko na noon ay naglalagay ng akung ano sa compartment ng kaniyang motor, may kasama siyang babaeng seksi at maputi na nakatingin din sa compartment ng motor. Kahit naka-face mask siya Kuya Bono ay kilalang-kilala ko siya, sa lahat ng anggulo. Noong isara ni Yosee ang compartment ay sa akin napunta ang paningin niya at doon ay…nagkatitigan kami.
Nakita kong nagpunas siya ng luha. Kinausap siya ng babaeng kasama niya at ako’y sumakay na rin sa naka-parking na tricycle ng itinuro ng lalaki. Sa sulok ng mga mata ko’y nakita kong umalis na si Yosee kaangkas ang babaeng maganda….at noon ay tumulo na rin ang aking luha.
Na-miss ko siya….at mahal ko pa. At hindi ko inaasahan ang pagdating niya sa bahay namin kinagabihan pero, iba na siya. Hindi na siya yung maingay at masayahing Yosee na nakilala ko noon, kasi nung gabing yun ay seryoso siya.
“Kumusta ka na?” ito ang una niyang tanong sa akin.
“OK lang…..ikaw? Mukhang maganda yung kasama mo kanina ah…..”
“Si Trisha. Hindi mo naman nakita ang buong mukha niya ah…..hindi siya maganda, hindi mo siya kasing ganda pero mabait siya…..”
“Maputi naman saka seksi…..”
“Ahm….Patrice, kaya ako nagpunta dito kasi….napagusapan ka namin ni Trisha kanina. Actually, nag-away kami…noong malaman niya na….HINDI PA TAYO OFFICIALLY BREAK…..at walang closure ang relasyon natin noon…..”
“Tapos….”
“Eh….” Natigilan siya sa pagsasalita. Tumitig siya sa mukha ko.
“Ano, hihingi ka ng closure Yosee. Paano kung, hindi ko ibigay sayo ang closure na gusto mo?” Muli siyang napapatig sa mga mata ko.
“Anong gagawin mo kung ayaw kong magbigay ng closure Yosee?”
“Ano namang dahilan para hindi mo ibigay?”
“Paano kung….gusto ko nang bumawi sa mga pagkukulang ko sayo Yosee…kasi mahal pa kita at mangangako ako na hindi ako aalis ulit…at handa na akong pakasalan ka….”
“Ganon ba kadali yun para sayo Patrice?”
“Valid naman siguro ang dahilan kung bakit kita napabayaan Yosee eh diba? Pinaunawa ko naman sayo yung naging trabaho ko…..”
“Patrice dalawang taon na ang nakaraan mula noong balewalain mo ako. Nagmakaawa pa ako sayo noon na huwag ka nang umalis….”
“Nagsorry naman ako sayo noon diba Yosee?...at sabi ko nga, babawi ako….hindi na ako aalis ulit, magpakasal tayo…..”
“Oo, inaamin kong mahal pa rin kita Patrice pero…paano naman si Trisha? Naibigay na niya ang lahat sa akin. Mahal niya ako…mahal na mahal at hindi ako kagaya mo na handang iwanan ang mahal niya para sa iba…..”
“Yosee, tao lang tayo, nagkakamali sa mga desisyon natin….pero ang mahalaga handa tayong magsisi at bumawi….at babawi ako sayo…..”
“Huli na Patrice. Nasubo na ako kay Trisha. Ikakasal na kami…..at kahit hindi mo ibigay sa akin ang closure na hinihingi ko….OK lang sa akin. Sige, aalis na ako….”
>>
Pagkasabi niya nun Kuya Bono ay tumayo na siya at walang lingon na tinungo ang gate namin…pero sinundan ko pa rin siya ng tingin hanggang sa mawala na siya paningin ko.
PLAY>S13
DKB-14
Sa kagagahan ko Kuya Bono ay nagpatulong pa ako kay Perry. Gusto kong ma-win back si Yosee pero, sinupalpal lang din ako ng kapatid ko.
“Umalis-alis ka pa kasi? Anong napala mo sa Maynila? Ni hindi ka nga nagpadala ng suweldo mo kahit minsan kina Mama ah, tapos ngayon uuwi-uwi ka at guguluhin mo si Yosee? Tanga ka? Pinabayaan mo tapos gusto mong balikan ka?!”
>>>
Nakakatakot ang Covid 19 Kuya Bono ay nagdulot din ito ng…distansiya sa bawat isa…pero makaraan ng ilang buwan at taon, ngayon ay OK naman na. Halos bumalik na tayo sa normal na buhay natin….pero yung sa amin ni Yosee,..hindi na nabalik. At kahit masakit ay tinanggap ko na lang. May imbitasyon pa ako noong kasal nila kahit na, bilang na bilang lang ang imbitado dahil….bawal pa noon ang mga pagdiriwang na dadaluhan ng maraming tao. Ginanap ang kasal sa FARM nila, parang Garden Wedding….pero nalaman ko lang ito kay Perry kasi, hindi naman ako nagpunta. Pinili kong huwag nang dumalo dahil baka…umiyak lang ako doon.
>>>
Hindi ko first time ma-brokenhearted Kuya Bono pero, dobleng hirap pala ang masawi sa panahon ng pandemya kasi, wala kang magagawa kundi magmukmok lang. Hindi ka puwedeng lumibot sa mga kaibigan mo para mabawasan mang lang sana ang kalungkutan mo.
>>
So I had no choice kundi ang magmukmok. Kain-tulog sa bahay ng ilang buwan at noong OK na ulit ang pandemic taong 2021 ay nag-open na ulit ang call center pero, hindi na ako pinayagan ni Papa na bumalik ng Maynila. Magturo na lang daw ako kahit sa Private School lang ulit pero, hindi na doon sa pinagturuan ko noon dahil nagalit sila sa akin na sa text lang ako nag-resign. Biglaan lang kasi ang pagalis ko noon.
Nag-pa-ranking na lang ulit ako nag-apply sa ibang school pero dahil MODULAR ang klase ay hindi naman ako natanggap. In short naging tambay ako sa dito sa bahay sa mga sumunod pang buwan hanggang sa biglang may nag-text sa akin, bagong number.
“Hi Patrice. Kumusta? Sana hindi ka na galit sa akin….” Ganito ang text niya.
“Who are you?” reply ko.
“This is me, RICO…at handa na akong magpakita sayo…..”
PLAY>S14
DKB-15
Na-curious akong masyado kay RICO Kuya Bono dahil sa mga sunod-sunod na pag-amin niya. Una, kilala daw talaga niya ako noon pa…at taga dito lang din siya sa Malaybalay.
“Sino ka ba talaga? Wala naman akong kilalang Rico?” Tanong ko pero ang sagot niya.
“Magkita tayo bukas sa Kaamulan Park. Dun sa garden sa may FOLK ART THEATER…doon ako magpapakilala sayo….”
“Michael, ikaw ba yan?” tanong ko pa pero ang sagot niya;
“Basta, bukas….5PM, makikilala mo na ako…..”
“Bakit ba may pasuspense ka pa kasi?” reply ko pero ang sagot niya;
“Basta, tandaan mo Patrice, mahal na mahal kita….at sana kapag nakita mo na ako, please….ibalik mo yung dating pagmamahal mo sa akin…..”
“Michael, ikaw nga yan noh?”
“Basta, bukas Patrice dun sa garden ng folk art theater. May mga upuan doon….doon kita hihintayin…..”
>>>
Kinabukasan nga Kuya Bono ay sinakyan ko ang motor ng Kuya ko at mag-isa akong nagpunta sa Kaamulan Park at doon sa garden ng FOLK ART THEATER AY…wala namang tao. Medyo madami ang tao sa park pero doon ay wala. BAKANTE ang mga concrete bench doon.
Gayunpaman ay umupo pa rin ako doon at nagsimula akong mag-text kay RICO pero hindi siya nagrereply at noong tawagan ko ay naka-OFF ang cellphone niya. Naka-data ako noon Kuya Bono kaya’t nag internet na lang ako kasi sabi ko, maghihintay ako kahit 10 minutes lang. Naglaro ako ng Tongits Go muna na siya kung kinaaadikan noon pero nabuset lang ako dahil sunod-sunod na talo at yung isang kalaban ko’y kaagad pang nagdo-draw kaya madalas ay nabe-burn ako.
WALA PANG 10 minutes noong marinig ko ang tugtong ng gitara sa gawing LIKOD ko…at paglingon ko’y isang napakaguwapong BINATA ang tumutugtog ng gitara…at kaagad ay kinatahan ako…..kantang minsan na niyang kinanta sa akin noon PERO hindi niya kinanta bilang PANGHELE sa akin noong nasa Maynila pa ako.
Pinanood ko siyang kumanta,…pero hindi niya tinapos dahil alam kong ramdam din niyang ang dami kong itatanong sa kaniya….pero noong tumigil siya sa pagkanta ay siya ang unang nagsalita.
“RICO ang palayaw ko…at yung mga pictures sa facebook ko ay…PICTURE ng Kuya kong namatay. I’m sorry kung nagsinungaling ako sayo…PERO YUNG DAMDAMIN KO….YUNG MAHAL KITA…ay hindi kasinungalingan….Mula pa noong 4th year ako…palihim na kitang minahal…..at nagsimula iyong damdamin kong iyon noong utusan kami ni SIR MICHAEL na haranain ka sa classroom niyo…..”
“Eh Jericho…..alam mo naman sigurong…..malaki ang agawat ng edad natin….”
“4 year lang, hindi malaki yun and besides….IN LOVE, AGE DOEST MATTER…..”
“OK,..pero nagulat talaga ako….”
“I’m sorry…at pasensiya ka na kung…HINDI NA KITA TATAWAGIN NG MAAM HA….KASI, gusto ko na yung dati nating tawagan….Malko…puwede ba…balik tayo sa dati?”
PLAY>S15
DKB-16
Sa ngayon Kuya Bono ay, going strong naman kami ni JERICO. 5 months pa lang mula noong magkabalikan kami pero,…ayoko nang humiwalay sa kaniya, ganon din siya actually. DEDMA na lang din ako sa age gap namin kasi, hindi naman masyadong halata. SO FAR ay wala pa namang nagkamaling sabihing mag-ATE kami or something.
May appointment na rin ako Kuya Bono sa isang public school pero sa August 2022 pa ako magre-report. Si Rico ay nagta-trabaho sa BANKO pero, hindi siya nagkukulang ng oras sa akin. We see to it na nagkikita at nagkakasama kami araw-araw. OPEN NA SIYA DITO SA BAHAY AT GANON DIN AKO SA KANILA. Actually, gusto na nga ng parents niya na magpakasal na kami kasi atat na silang magkaapo.
Only child na lalaki kasi si Jerico at panganay pa. Sabi ko naman, bigyan ko lang ng isang taon pa si Jerico…at kapag hindi nagbago eh di, papapasal na kami. Siya lang naman ang iniisip kong baka magbago pa kasi, bata pa nga….pero ako, natuto na ako…I WILL NO LONGER TAKE LOVE FOR GRANTED. Ibibigay ko ang lahat ng panahon at oras na kaya kong ibigay kay Jerico, siyempre ang akin ding love and honesty sa kaniya.
Si Yosee, happy naman. Di pa kami nakakapagusap pero nakikita ko siya lagi, madalas ay kasama niya ang buntis niyang asawa.
Si Michael naman ay nasa Thailand, doon siya nagtuturo ng English. Nagkaka-chat kami,. Single pa siya pero….nakakapagduda siya ngayon kasi, parang lumambot siya at lagi ay mga guwapong lalaki ang kasama niya sa mga posts niya.
Anyway, bago pa ako maging Marites ay tapusin ko muna ang aking kuwento Kuya Bono. Special SHOUT OUT na lang sa MALKO, HE IS one of your avid listener….lalo na sa SIT kasi, may gusto daw niya ang mga tema ng mga kuwento doon…at saka, maiiksi lang kasi…pero ako, I LOVE ALL YOUR CHANNELS AT LAHAT NG KUWENTO…NAPAKINGGAN KO NA….at sana, one day ay ito namang kuwento namin ang mapakinggan ko.
Umaasa at nagpapasalamat,
Patrice
2 notes
·
View notes
Text
Tapos na ang lectures ko for today. Ako ang lecturer. Haha. Cross-functional training daw. O 'di ba, okay naman ako sa work. Alam ko dati mukha akong work, puro work inaatupag hanggang sa naburnout ako kaya naghanap ng bagong friends. At may nakilalang naging more than a friend.
Napanaginipan ko na nagkaayos daw kami. Ang saya tuloy ng mood ko ngayong araw. Pero I look forward sa araw na hindi na ako natatakot na maging mag-isa. Sa ngayon lagi akong naghahanap ng kasama (physically). Dun nga ako sa kabilang kwarto natutulog kasama ng nanay ko at mga kapatid. Maaga rin tuloy akong nagigising pag umaga kasi ang aga ng pasok ng kapatid ko.
5 notes
·
View notes