#Lumayo Ka nGa
Explore tagged Tumblr posts
Text
081124 — ang low frequency ng energy ko recently.
napansin ko yun nung nawala yung parang magnet ko. dati kasi everytime na papasok or bibili ako sa isang store na walang tao or walang pila, biglang hahaba or mapupuno after ko, ngayon parang wala na yung ganun kong effect, ilang beses ko na natry. madalas pa yung papasok ako ng puno, tapos biglang kami nalang yung matitira tas wala ng susunod, or yung ako lang talaga. i dunno, but somehow may konek yun. lol.
tsaka yun ngang nag isolate sakin yung bestfriend ko, nung kinonfront ko siya, ni-realtalk niya naman ako as usual—yun nga nadidrain ko daw yung energy niya. feeling ko yun yung pinaka realtalk na natanggap ko sa buong buhay ko, yung akala ko aware na ako sa mga actions at nasasabi ko, not until someone important actually told me how I make them feel—I do feel bad and sorry na ganun na pala yung energy na nababato ko sakanila.
nung nag move ako dito, i thought was getting better na, i thought i was gonna thrive. pero parang kahit saan naman ata ako pumunta, hangga't hindi ako natututo talaga, babalik at babalik ako to zero, sobrang hirap ipick up ulit ng sarili everytime na babagsak ka na naman. parang yung sinabi 'to ni faye sa story niya last time e. tsaka yung itetest ka talaga ng universe kung natuto ka na, yung bibigyan ka ng challenges na magtritrigger sayo, in my case, mas madalas talaga failed parin ako. hehe.
siguro it's about the environment din talaga and the people you allow to surround you. since bahay at work lang naman ako dito; sa work, definitely it's a toxic environment na, at sobrang hinayaan ko na maapektuhan ako mentally and emotionally. sa bahay nila J, it's peaceful naman okay naman family niya, ang worry ko lang baka pati sila nakaka absorb ng energy ko, like since andito ako baka dahil sakin kaya medyo mabigat yung buhay, but I don't want to think na ganun talaga.
kaya lately, hindi rin ako masyadong nag shishare ng mga kaganapan sa buhay ko dito. cos I always sounds like nagrereklamo, tulad nga nung shinare ng bestfriend ko sa tiktok, wala naman siguro siyang pinatatamaan pero feeling ko para sakin yun. like yung lumayo sa mga taong mareklamo and all. minsan kahit sa ibang friends ko tuloy, pinipigilan ko narin mag share, madalas di nalang ako magrereply bigla, kasi mag sosound na naman akong nag rereklamo kasi nga ang dami kong reklamo sa buhay. haha. yung mapapaisip ako if okay ba na shinare ko pa yun or what or kapag mag rarant ako nag papaalam na ko kung okay lang mag vent out. ayaw ko na kasi mag pasa ng bad energy.
pinag iisipan ko na nga rin mag resign kasi lahat kami ni Z panay rants na about sa mga nangyayari sa office, cos it's not getting any better e. lahat kami gusto na mag resign, pero di ko pa alam next step ko so nag tyatyaga na muna ako, at tinatry mag work ng peaceful. feeling ko kasi malaking part yung environment sa work kung bakit hirap mag thrive, survival mode na naman e. hehe.
8 notes
·
View notes
Text
Hello?
Okey. Mag uupdate lang ako dito. Para i remind ang self ko.
Nov 6,2024
Gumising ako ng 5am. Normally talaga 6:30am pa ako nagigising siguro nasanay ako sa ganoon gising sa pag rerelieve ko sa batangas branch.
7:52am na yata ako nakapag time in sa office. Kabado pa ako nito dahil advance ang pinag titime inan namin tapos traffic pa.
First time gamitin ng whole day yung isa kong phone. Mostly kasi yung isa kong phone ang gamit ko dahil mas matagal ang battery niya. Pero main phone ko naman ito. (Gulo ba?)
3 weeks na yata akong walang fb app sa phone. (Ang saya lang nagka roon ako ng peace of mind kahit konti)
Hindi pa rin ako tinatantanan nun asawa ng friend ko. Facebook,IG,discord,gmail, messenger ng kapatid ko. Puro mura yun natatanggap ko galing sa kanya. (Lahat na yata ng mura nasabi na niya sa akin, tapos sinabihan niya ako kulang ako sa atensyon, kung nakakatulog paba ako dahil may nasira akong pamilya? ) minsan gusto ko sumagot. Gustong gusto ko idefend yung self ko. Pero dahil puno na siya ng galit kahit anong explain ko sa kanya hindi niya yon tatanggapin. Iniisip ko palage if mali ba talaga makipagkaibigan sa isang lalaki? Like? Ni remind ko narin naman yun guy na hindi ako papatol sa kanya dahil may asawa siya at friend lang tingin ko sa kanya. Nag uusap kami ng magkaibigan! A friendly convo!! Nothing else. Hindi ako una nag cha chat sa kanya. Never ako nag goodmorning sa kanya, never ako nag ask if anong problem nila nun asawa niya dahil ayoko makisawsaw, never ako naging sweet sa kanya, NEVER AKO NAG UPDATE SA KANYA NG NANYARE SA ARAW KO!!!!!!! Isang tanong isang sagot lang convo namin. At mas madami pang "G?" Sa convo namin!!!!
Nadamay pa yung long guy friend ko. Lumayo ako sa kanya. Seryoso. Close guy friend ko siya! Ina ask ko siya dahil nga guy siya na friend ko na may girlfriend.
"May time ba na feel mo nilalandi kita?"
Tinanong ko talaga siya. Sagot niya "no! Never. Ang taas ng bakod mo. Seryoso! Super taas ng wall mo. Sorry sa word pero parang ayaw mo magpapasok ng ibang tao sa mundo mo! HAHAHAHAHA. Umiikot yung mundo mo sa Anime, k drama, ML, stardew valley, work(na dumadagdag sa stress mo! HAHAHAHA), bahay, simbahan, Exercise, kape. Nothing else. Diba sayo ko sayo. Try new things. Mag memessege ako sayo ng lunes friday ka mag rereply ang sipag mo!" (ETO TALAGA REPLY NIYA)natawa ako dahil totoo to. Nakikita ko chat niya pero if di naman importante hindi ako mag rereply.
So eto ako. Laman ng messenger ko puro babaeng friend ko lang. workmates ko, madir, at kapatid ko. Wtf? .
4 notes
·
View notes
Text
LITERARY: Overdrive
Ayoko nang mag-drive. Pagod na pagod na ako. Pero hindi ako pwedeng huminto. Hindi ko maalis sa isipan ko ang itsura n’ya, Kung paano ko lang s’ya iniwan ng ganoon. Hindi malinaw ang dinadaanan, Walang tiyak na patutunguhan. Nauubusan na ako ng oras. Malapit na sila at wala na akong mataguan.
Magdadrive ako hanggang Baguio Baguio—Teacher’s Village: Halos buong araw kong inikot ang haunted house na yun. Inabot na ako ng hapunan pero okay lang. Dahil mas onti ang naglilibot na tao pag gabi, Mas walang nakakakilala sa ’kin. Pero pag naglilibot ako ng paikot-ikot, Naaalala ko ang tinago ko dito. Kailangan ko pang lumayo. Magdadrive ako hanggang Batangas Batangas— Nasugbu Beach: Nahugasan ko ang sarili ko mula sa ebidensya, Nang walang naiiwang bakas. Sa dami ng tao rito, maduduling ka sa paghahanap. Kaya maganda itong lugar para sa tagu-taguan. Kahit hindi pa maliwanag ang buwan. Magdadrive ako hanggang Bicol Bicol— Mt. Mayon: Hindi pala maganda ang view ng mount Mayon mula sa ibaba. Restricted area nga naman kasi rito. Pero sino ba ako para magreklamo? Walang pwedeng pumunta sa parte na ito, masyadong delikado. Kaya kailangan ko nang umalis dito, mas malayo pa. Magdadrive ako hanggang Visayas Kung kaya ko lang itawid itong kotse sa dagat, Na di ko kakailanganin sumakay sa isang roro, Nakarating na ako ng Visayas. Gustong-gusto ko nang tumigil, Pero nauubusan na ako nang mapupuntahan. Magdadrive ako hanggang Minda— Naramdaman kong unti-unting bumabagal ang kotse Nanlaki ang mata ko nang tuluyang tumigil ang sasakyan. Tanaw ko na ang pula’t asul na ilaw, malapit na sila. Palakas nang palakas ang tunog. Dali dali akong lumabas ng sasakyan para tumakbo, Hindi ko namalayan na nasa gitna na pala ako ng kalsada, Paglingon ko sa kaliwa hindi flashlight ang nakatutok sa akin, Kundi headlights ng isang malaking tru— SCREEEEEEEEECH— Halos tumilapon lahat nang nasa loob ng kotse sa lakas ng preno. Napatitig ako sa windshield at nakita ang taong nagmamadaling tumawid. Tuyo na ang mga pulang mantsa sa damit at katawan ko. Agad akong napalingon sa likod ng sasakyan. “Hindi. Hindi ko sinasadya.” Bulong ko habang inaayos sa upuan ang nakahimlay na katawan. Kailangan ko nang umalis. Malapit na sila.
6 notes
·
View notes
Text
I've been trying to practice na taasan yung frequency at iset yung boundaries ko ever since na mapagdesisyunan ko lumayo sa mga taong di na align sa values ko. Pero ito n naman, may tendency na naman na mapalapit sa mga ganong klase ng tao. Nako-caught off guard ako. Hindi ko alam kung challenge lang ba 'to para masubukan ng universe kung kaya ko nang tumanggi o ilayo yung sarili sa mga ganon, or low pa rin talaga yung frequency ko to prevent those kinds of shits. Or baka ganon sila ka-kumportable mag-open ng mga ganong bagay. Idk. Pero decided na ko talaga na ayokong ilagay ng matagal sa ganong klase ng environment at tinataga ko talaga sa bato na gagawin ko lahat makalayas lang sa ganito.
Pero one thing lang din na napansin ko sa sarili ko na alam ko na pano controllin ang sarili ko sa mga harmful things na nagagawa ko noon na nagre-result sa pagka-wala or pagkakaron ng impression na pwede akong bastusin ng kahit na sino. Maybe one step at a time talaga.
Also, medyo umaatake na naman yung boredom ko dahil at peace na ko sa lahat ng bagay ngayon. Totoo nga yung sinasabi na may times na hahanapin mo yung thrill and all the stuff pero dahil feel ko naman nagbu-bunga na mga self help books na nababasa at videos na napapanood ko noon sa youtube, kahit papano napa-practice ko na gumawa ng matalinong desisyon. Di na ko basta naggi-give in sa emotions ko. Kung maririnig lang siguro ng iba mga napagdaanan ko, baka for them masasabi nilang mababaw lang 'to. Pero knowing me, lahat ng nararamdaman ko palaging intense eh (intense magalit, magmahal, matuwa, malungkot etc.) so for me, big deal talaga na medyo kapa ko na pano ima-manage yung sarili ko.
3 notes
·
View notes
Text
mahirap na nga yung hindi ka priviledged enough, another hirap pa when people think you are or maybe you are, compared to them kaya ikaw ang nilalapitan.
bukod sa frustration, may misplaced guilt eh.
on your own, lahat pinagttrabahuhan, pinaghihirapan at hinihintay mo nang matagal bago ka magkaroon o maranasan; ang dami mo nang hindi nakuha. pero aware ka din na hindi mo naranasan yun hirap tulad ng kanila. in my case, salamat sa magulang ko, na hindi rin madali ang pinagdaanan.
kung sa gusto lang, gusto mo naman tumulong and most of the time tutulong ka pa din. pero di maiiwasan na malungkot kasi yung kaunti na iniipon mo para unti unti makuha gusto, lumayo nanaman. eh may iba kapang pangangailangan na pinaglalaanan.
another thing, kapag ikaw yung nawalan parang ang hirap makakuha ng tulong kasi people think you'd always get through it.
may dump ako about this (next time) na madalas masabi sa akin ni mamy kapag napapaseryoso usapan namin.
di naman nya sinasabi dahil masama loob niya at gusto niyang sumama din loob ko sa mga "hindi tumulong" but she wants me to think of that as a lesson.
18 notes
·
View notes
Text
9:49 pm, Ika-12 ng Abril, Taong 2024
Makasarili na ba ako nito dahil lumalayo ako sa mga taong may pakialam sa akin? Masama ba ako dahil dumidistansiya ako? Baka nga, dahil nasasaktan sila.
Kahit pamilya nagawa kong i-unfriend sa social media at lumayo. Sa kaibigan ko naman ay nagawa kong distansiyahan at layuan, binalak ding tapusin ang pakikipagkaibigan. Masama na ba ako nito? Nais ko lang namang protektahan ang pansariling kapayapaan ko, o di kaya nama'y, nais ko lamang na hindi makaistorbo.
Palagay ko kasi pabigat lang magsabi ng problema sa iba kaya naman mas mainam sa akin kung sarilihin ko na lamang lahat. Ano rin namang mababago ng pagsabi ko hindi ba? Tingin ko kasi lahat ng tao may kani-kaniyang problema, ayaw ko namang mag-alala sila sa akin dahil problemado ako. Lahat naman tayo nagsusuot ng maskara at nagkukunwaring okey lang ang lahat kahit hindi naman talaga.
Pasensiya na sa aking ina, na umiiyak dahil hindi ako bukas sa kanila na magulang ko. Dahil hindi ako nagsasabi ng mga problema ko o kahit mga masasayang pangyayari sa buhay ko. Sadyang ganito ako e, hindi ako sanay magkuwento kahit kanino.
Pasensiya na rin sa kaibigan ko, na naramdaman kong parang natraydor ako dahil kaibigan niya ang ex ko. Dahil sa pagkaramdam ko ng pagkatraydor ay nagkaroon ako ng galit, dahil bukod sa kinaibigan, ay nagustuhan din niya at inaasar silang dalawa sa klase ng mga kamag-aral niya pati ng guro niya.
Pasensiya na sa mga kaibigan ko na nagpapakita ng pag-alala sa akin sa tuwing tahimik ako. Sadyang ganito ako, lagi akong tahimik. Lagi rin naman akong mag-isa at walang enerhiya makipag-usap sa mga tao. Pasensiya na talaga kung hindi ko kayo pinapansin sa tuwing tinatanong ninyo ako kung ayos lang ba ako.
Ganito talaga ako, tahimik akong tao, masisisi ko ba ang sarili ko? Hindi ako sanay magsabi sa iba, makihalubilo, at makipag-usap.
Sana maintindihan ninyo ang rason bakit ko inilalayo ang sarili, bakit hindi ko gustong magkuwento ng mga problema kahit anong pilit niyo. Sana intindihin niyo kahit isang beses man lang kahit na nasasaktan kayo sa pagdistansya ko mula sa inyo. Intindihin niyo naman ako, kasi pagod na akong makinig nang makinig sa inyo na lang palagi, na puro kayo reklamo na lumalayo ako. Intindihin niyo naman ako hindi lang puro kayo. Kahit anong paliwanag ko ni hindi man lang kayo nakikinig o umiintindi. Unawain niyo naman ako.
Pasensiya na rin sa isang guro na naging ate sa buhay ko, nabalitaan mo na siguro ang kumakalat na isyu patungkol sa akin. Pasensiya na, alam kong ayaw mo sa mga ganoong tao. Hindi mo man sinabi sa akin na alam mo, pero sa simpleng pag-reply man lang sa mensahe ko na wala akong natanggap kahit 'seen', sa mga reply mo sa komento ko sa mga post mo na tila taglamig sa sobrang bitin, ay nahahalata kong may galit ka sa akin. Pasensiya na, hindi ko na rin alam ang nangyayari sa sarili ko. Tatanggapin ko kahit na lumayo ka sa akin, takot akong mawala ka sa buhay ko, pero iintindihin ko ano man ang magiging desisyon mo dahil sa nabalitaan mong isyu tungkol sa akin, na hindi ko rin naman itatanggi dahil totoo naman ang isyu na iyon.
Pasensiya na, sana'y maging masaya kayo.
-Em (10:07 pm, Ika-12 ng Abril, Taong 2024)
1 note
·
View note
Text
GANDANG LIWLIWA, SAN FELIPE, ZAMBALES
Tuwing sasapit ang tag-init, Liwliwa, San Felipe, Zambales ang takbuhan ng mga nais magpalamig. Sapagkat ito ay may malaking parte ng anyong tubig na siya namang ipinagmamalaki ng lungsod at dahil din sa kaakibat nitong mga magagandang tanawin at nakakarelaks na tunog ng hampas ng alon ng dagat. Ito rin ay kilala dahil sa maganda nitong sunset at kilala rin itong isang surfing spot ng mga eksperto pati na rin ng mga baguhan at kung nagnanais kang maranasan na ikutin ang dalampasigan mayroong ATV bike adventure na maaring rentahan.
(Ang larawan na ito ay galing sa https://www.rome2rio.com/map/Dinalupihan/Zambales)
Dalawang paraan ng pagbiyahe mula Dinalupihan papuntang Zambales
BUS - 2 hours and 26 minutes
DRIVE - 1 hour and 31 minutes
Ang plano naming magkapatid na pagbisita sa Liwliwa, San felipe, Zambales ay biglaan lamang, ninanais lamang namin bumisita sa lugar ng isang araw. Kaya habang bumabyahe ay naghahanap na rin kami ng lugar na tutuluyan pansamantala sapagkat halos lahat ng mga hotel sa lugar ay kinakailangan muna ng reservation at hindi nirerekomenda na mag walk-in. Idagdag din ang pagbuhos ng ulan na hindi namin inaasahan, kaya kami ay nagdadalawang isip kung itutuloy pa ba namin o hindi sapagkat inaalala namin ang aming seguridad sapagkat madulas ang kalsada at hindi namin batid ang dulot nito sa aming kaligtasan. Ngunit sa huli ay napagdesisyunan naming ituloy at mag-ingat na lamang sa pagbyahe.
Sa pagdating namin sa bungad ng lugar ay ang pagharang sa amin ng mga tourist guard na siyang nagtanong sa amin kung saan kami galing at kung ano ang aming pakay. Hiningan nila kami ng entrance fee dahil ito raw ay regulasyon ng departamento ng turismo para sa pagpapangalaga ng kapaligiran at pagpapanatili ng kaayusan nito. Sumunod ay ang paghahanap namin ng aming tutuluyan, kami ay nahirapan sapagkat ito ay na sa kabilang dulo ng aming lokasyon. Ang lugar din ay hindi sementado at dahil nga sa pagbuhos ng ulan ay mayroong nabuong mga putik at baha.
Nang amin ng pinasok ang compound ng aming tutuluyan bumungad sa amin ang nipa hut, lababo, paliguan, kusina at bahay kubo. Dahil tatlo lamang kami ay isang nipa hut lamang ang aming nirentahan. Napansin namin na parang ginawa ang lugar na ito sa makalumang paraan at tradisyonal. Kulang din ang mga gamit gaya ng pang kusinang kagamitan at kabinet na lalagyan ng aming mga kagamitan o damit. Sa pagpasok namin sa nipa hut ay maliit lamang ito ngunit kasya naman kaming tatlo at pwede na rin tuluyan pang isang araw. Wala ring internet ang lugar at signal kaya kung nagnanais ka ng pahinga malayo sa syudad at mga tao ang lugar na ito ay para sa iyo. Noong kami ay nakapag-ayos na ng aming mga gamit ay pinuntahan namin ang dagat at naligo sumandali ngunit hindi kami lumayo sa dalampasigan sapagkat napakalakas ng mga alon. Pagkatapos naming maligo sa dagat ay bumalik din kami sa aming tinutuluyan upang makapaghanda sa hapunan.
Dahil nga biglaan lamang ang pagbisita namin ay wala kaming baon na pagkain kaya napagkasunduan namin na lumabas at maghanap ng makakain. Dahil ang lugar na aming tinuluyan ay halos sa dulo na ng lugar ay mahaba at matagal na lakaran ang aming ginawa, idagdag din ang baha at putik na sumalubong sa amin sa paglalakad. Ang una naming pinuntahan ay ang carinderia ni Mommy Phoebe ang mga pagkain na hinahain nito ay lutong bahay at mga ihaw-ihaw gaya ng isaw, betamax, at barbeque.
(Ang larawan na ito ay galing sa restauranguru.com)
Kasunod na aming pinuntahan ay ang Kapitan’s Liwa, ang mga pagkain na hinahain nito ay mga pasta, filipino food, pastries at american food.
Bago kami bumalik sa aming tinutuluyan napagdesisyunan ng aking ate na pumunta sa dalampasigan upang maglakad at pakinggan ang tunog ng alon ng dagat. Sa aming paglalakad ay nakita namin na may bukas na bar malapit sa dagat na may pangalang Bangan Beach Bar kaya naman amin itong pinuntahan at bumili na rin ng inumin. Kami ay nanatili sumandali at nanood ng lalaking sumasayaw habang may binubugang apoy, sa pananatili, amin itong kinagiliwan at kinamangha. Pagkatapos nito ay bumalik na kami sa aming tinutuluyan upang magpahinga at gumising ng maaga para pumunta sa dagat.
Kinabukasan kami ay gumising ng maaga at naghanda para sa almusal. Kumain kami ng almusal sa Fely’s store and Canteen mayroon silang iba’t-ibang bariyasyon ng almusal gaya ng tuyo, tocino, at spam. Mayroon ding silang libreng kape na ibinibigay.
(Ang larawang ito ay galing sa Tripadvisor.com.ph)
Pagkatapos naming mag-almusal ay naglakad ulit kami ng matagal papunta sa dalampasigan at naligo sa mababaw na parte ng dagat. Mga bandang 10am ay umahon na kami at bumalik sa aming tinutuluyan upang makapaghanda na sa aming pag-alis sa lugar.
Isama ko na rin ang aking karanasan sa mga residente ng lugar na siya namang napakabait at matulungin sa mga turista. Sila ay maasahan at mapagkakatiwalaan. Banggitin ko rin ang mga turista na siya ring nakakagulat na masayang kasama, kahit na hindi namin sila kilala ay may respeto at pagpapahalaga silang ipinapakita. Marami rin silang kwentong dala tungkol sa kanilang karanasan sa buhay. Nakakatuwang isipin na kahit hindi namin kilala ang aming mga nakasalamuha ay may kabutihang loob silang ipinakita.
Sa pagtatapos ang aral na aking nakuha mula sa aming karanasan sa pagbisita sa Liwliwa, San Felipe, Zambales ay napakahalagang magplano sa lahat ng okasyon, dito ko nabigyan ng importansiya ang pagplaplano ng detalyado at mayroong back-up na plano kung sakaling may mangyaring hindi inaasahan. Bago rin pumunta sa lugar na nais puntahan ay dapat na alamin ang panahon sa araw na iyon at iayon ang kasuotan at gamit na dadalhin upang masaksihan at maranasan ng mas malaya ang lugar para rin makapag hanap ng lugar na matutuluyan na pasok sa inyong standards. Akin ding isasama na magdala o magbaon na lamang ng pagkain imbes na bumili sa labas sapagkat may kataasan ang presyo ng mga bilihin sa lugar. At panghuli, kung ninanais ninyong bisitahin ang Liwliwa nirerekomenda kong puntahan ninyo ito sa panahon ng tag-araw upang maranasan ninyo ng mas masaya ang paglalakbay.
4 notes
·
View notes
Text
'Di ako makatulog. Anong oras na. Hindi kasalanan ng milk tea or boba ito ('di ako nagpalpitate today), probably bodyclock na talaga ang may sira. Since marami naman akong nakikitang post about therapy sessions, magkukuwento na lang ako about my experience.
Parang ever since naman, I've felt na I needed help pero 'di ko alam bakit and 'di ko alam paano iexplain. So nu'ng college, merong volunteer mentors (not sure na kung ito 'yung tawag) and nag-sign up ako to be a mentee. After one sem, ayaw ko na. Parang wala naman akong napapala.
Then nakausap ko 'yung guidance counselor sa school. Nakalimutan ko na bakit. Pero naasar lang ako kasi kinontra niya lang lahat ng sinabi ko. I'm not grateful enough daw. Sa PUP nga raw, worse ang sitwasyon. LOL, never na akong bumalik.
In short, panget ang experience ko sa therapy therapy. Noong pumasok ako sa med school, merong "coaching"!!! And I hated na parang irereflect back lang nila sa 'yo 'yung mga sinasabi mo. Sabi ng younger self ko, edi sana kinausap ko na lang ang sarili ko.
Pero naging open pa rin naman ako. And I'm glad I did. Maraming klase ng coach and okay naman 'yung na-assign sa akin. Na-overcome ko rin 'yung shame, feeling ko ang stupid ng lahat ng sinasabi ko or mga problema ko pero shinare ko kay "coach" anyway. Hahaha. Surprisingly, kahit na may expectations na akong panget, hindi gano'n 'yung nangyari. Hindi rin naman parang parrot na nirereflect back lang sa akin 'yung mga sinabi ko. I actually felt heard and validated, and 'yung mga advice niya palaging outsider view, like something I never considered before, or something na pinangunahan ko na, e.g. "hindi ko kaya," pero mali nanaman ako.
I can say na naging helpful sa akin 'yung coaching sessions sa school. Maraming moments of vulnerability. Naisip ko rin at some point, okay lang kaya siya? Puro problema na lang sinasabi ko. Marami talaga akong napulot, like matutong maging grateful, tumanggap ng compliment (alam mo naman dito, Regina George vibes, pag sinabihan kang you're really pretty at nag-thank you ka, "so you think you're really pretty?"), mag-reflect nang tama, lumayo sa limiting beliefs, at iba pa.
Naalala ko noong shinare ko sa friend ko 'yung tungkol dun, na may ganitong eme kami, sabi niya, wow inaalagaan talaga kayo dyan ha. Hahaha. 'Yun lang. 'Di ko na kinukulit si coach kasi hindi na siya bayad ngayong wala na ako sa school, pero nangangamusta pa rin naman siya minsan.
tl;dr
May nagagawang mabuti ang coaching sa buhay, pero depende sa inyong dalawa. Parang relationship. Wala kang mapapala if hindi ka magsheshare or hindi mo iaapply 'yung mga bagay-bagay.
Not sure how different ang "therapy" sa "coaching". Hindi naman career coaching 'yung sa school ha, mas life coaching siya, I'd say. Pero marami rin akong naencounter na doctor na life coach and 'di ko pa rin sila bet. Swerte kasi happy ako sa nakuha kong coach sa school, down to earth, humble, patient, hindi nang-iinvalidate. I think, in the end, hindi na rin siya strictly naging coach lang, naging friends na rin kami.
Btw, more than half a century na siyang nasa earth.
#eto natuto rin akong mas iexpress nang maayos ang sarili ko in words#though dati naman na akong nagtatumblr#dati na rin akong nagsusulat#pero i always blamed myself#napakaabusive ko rin sa sarili ko 💀#should have acquired that growth mindset earlier#and should have cared more dati
10 notes
·
View notes
Text
in a relationship?
Nung wednesday pumunta ko sa house nila, dun me umidlip para samahan mga pinsan nya. Kaso di rin ako nakatulog ng maayos kahit kahug ko sila. Kasi ang ingay rin nila e hahahahaha
tas thursday, ayun dun parin ako nag idlip. tas syempre knows ko na maaga uwian nya non. I miss her. Sabi ko sa sarili ko, di na namin uulitin yon. Gusto ko lang sya makausap ng normal ulit. Ayoko nang iniiwasan nya ko tas awkward sya sakin. Ayokong maramdaman nya na rejected sya sakin kasi hindi naman talaga. I just need to do and say those things para lumayo sya at maka-move on sakin. Para din di ako matempt na gawin yung gsto ng flesh ko.
pag dating nya ng house, na aawkwardan pa sya. Di nya alam pano lalapit sakin. Kaya pumunta na kong room nila. (ang kapal ng face ko diba) Gusto ko na kasi sya mayakap tas makausap narin.
Di naman sya umiwas sakin that time. Lumapit parin sya. hinug nya parin ako. Kiniss ko parin sya. As is parin. Pero this time, ako na ang nag move. Ang hirap iresist ng nararamdaman ko towards her. Ang hirap iresist kapag crush ka ng crush mo. Gusto ko itama kung anong meron kami, pero di ko alam kung pano. Gusto ko ring itreasure every moment na nabubuhay ako sa mundo. Ayoko ng regrets. Ayokong di ko nagawa o nasabi yung nararamdaman ko dahil lang sa standard ng mundo.
we kissed again. (yung pinsan nya tamang selpon lang sa sala nila) bata pa kasi yon, wala syang pake samin ahahahahhaha. Di yun nakakarinig kapag nag sselpon na e.
Pero alam kong mali yung nararamdaman namin sa isa't isa. Bumulong pa ko sa kaniya non, "sorry" sabi ko. Feel ko kasi di ko sya napprotektahan everytime na mag kasama kami. Specially kapag ginagawa namin yon. Feel ko hindi ayun yung way of protecting her. Pero ayun yung pinaka-immediate way ko to protect her. Ayokong mapunta sya sa iba. Pero di ko sya inoown. Ayoko lang na sa sobrang fragile nya, mabola sya ng mga taong mukang perfect sa campus or anywhere. ayoko. dahil sya ang first kiss ko. Tapos dumating yung tita nya. natulog pa sa room. Buti nga di tumabi samin e . hahahaha Pero feel ko nakakaramdam na yon na meron kaming ginagwang kakaiba sa buhay. Pero i don't know really. Alam kong pag nalaman nila to, wala na finish na. Pero i just pray na mas maging close ko pa family nya. I pray na mas maging close pa kami tas itreat nya ako bilang "ate" talaga para as if lahat ng ginagawa namin ay 'normal' lang sa isang mag kapatid. Para walang issue.
Tapos umabot ako ng 6pm ata sa knila. kasi ayoko talagang tumayo non. Gusto ko forever syang kasama. Gusto ko forever ko syang kayakap. Sya lang yung gusto kong kasama palagi.
Nag ka dgroup nga sa house nila tas gsto ko tumulong sa pag prep ng tita nya sa foods. Kaso, mas gusto ko yung feeling na kasama ko sya. Kaya ayoko talaga tumayo sa pag kakahimlay.
Tas nag datingan na lahat ng visitor. Need ko na tumayo kasi di naman malaki ang house nila. anytime papasok mga tao sa room hahahaha.
tas ayun tumayo na ko. i said goodbye by kissing her 3 times sa lips. meaning kasi non "i love her"
Pero ayon after ko tumayo at mag prep. naligo muna rin ako sa bahay. tapos bumalik sa kanila para makikain hahahaaha tapos syempre, to be with her parin. Hanggat may chance, ginagrab ko talaga e. Gusto ko yung feeling na there is someone that is willing to be with me too. I feel special and appreciated. Gusto ko na sya. Gusto na nga talaga sya. omygoodness. Gusto ko na sya.....
0 notes
Text
though dump [016]
narealize ko rin the more na lagi kong binabanggit o nirereklamo or nilalagay dito, mas nagiging makatotohanan siya. remember, back in 2020 pandemic, i was in a dark situation sa buhay ko, i really wanted to move out of our house dahil nga sa conflict namin ng tatay ko. sabi ko nun, ayaw ko na sa bahay, gusto ko na lumayo sakanila, dun ko narealize na gusto ko na mag settle nalang sa bicol and here i am.
also remember, nung bawat post ko nalang dito noon how miserable my life is at work before, halos araw araw ko isumpa yung trabaho ko nun lalo na yung bisor ko nun na napaka impakta haha. sabi ko nun gusto ko lang naman ng work na may fixed schedule at weekends na off, look at me now. huhu
naalala ko may post din si faye last time na parang connected dito, na kapag daw may sinabi kang gusto mo mangyari, uudyokin ka talaga ng universe na kumilos para makuha mo yun. naalala ko rin yung post ni nikko noon sa fb about sa law of attraction, though may humor na kasama, yung point niya e kailangan talaga samaan parin ng actions. hindi yung parang mag wiwish ka lang sa genie na ibigay sayo yung gusto mo ng parang magic. haha. nag sisimula talaga mag manifest yung bagay na gusto mo pag sinamahan mo ng kilos.
kaya nag iingat din ako minsan sa mga bagay na naiisip ko, lalo pag mga negative thoughts, baka kasi mangyari din in real life. ewan ko kung nag manifest nalang din yung mga katoxican na nangyayari ngayon sa work dahil sinimulan ko rin ng reklamo unti unti or talagang toxic lang at nareveal lang siya saken.
hindi ko rin namanifest yung promotion kasi i tend to push it away, lagi kong ini-instill kasi na ayaw ko naman talaga umakyat ng corporate ladder, kasi ayaw ko ng responsibility at gusto ko lang sumahod ng sapat at mabuhay ng matiwasay. andun rin kasi talaga yung kailangan mo magpa bibo para makuha mo yung attention nila na para dun ka sa role na yun. e hindi naman nga ako pabibo talaga.
though sumama parin talaga yung loob ko dahil nalaman ko nga na ako yung ina-eye ng client pero hindi ako yung gustong irecommend ng boss ko. pinersonal narin siguro. wala naman kasi dapat siya magagawa kung ako yung gusto ng client pero dahil nga dalawa kaming candidate, siya yung nirecommend at dahil torned din si client kasi mas nakakasama naman kami ng boss namin, e pumayag nalang sa recommendation. hehe
dun ko naman biglang narealize na baka hindi rin ako para dito? baka way lang 'to para mapunta ulit ako sa mas deserve ko pa ulit, baka sinubukan lang ng universe kung kaya ko mag deal sa ganitong environment.
parang ang dami kasing red flag din sa mangement, nabubulagan lang kami ng magagandang benefits at maayos ka deal with the client. kaya mag titiis nalang kami.
narealize ko rin after ko matapos yung recording ni faye, our company is most likely to be a va agency than bpo. yung pagkaka describe kasi niya sa agency e halos ganun yung samin. hehe. like maraming pool ng clients, tapos pag nawalan ka ng client yung recruitment samin naman maghahanap ng client ulit na mag mamatch sayo. yung mga manager namin yung gumagawa ng invoice ng client namin, tsaka nung one time nadiscover rin namin kung magkano talaga yung binabayad ng client samin na dapat sahod namin kung hindi sila kumukuha ng part dun. haha pero ewan gulong gulo parin ako kasi bpo parin kami haha.
12 notes
·
View notes
Text
Kailan Ang Magpakailanman
Kailan ang magpakailanman sa ating dalawa? Noong una mong sabihin ang mga katagang gusto kong marinig noon pa man, pinaghalong ligaya at lungkot ang aking nadarama pagkat hindi pa ako handa.
Hindi pa ako handa dahil naghihilom pa ang sugat na mayroon ako at wala kang kasalanan doon. Gusto ko lang na harapin ka at mahalin na buo ako, hindi iyong pira-piraso pa ako at hinihilom ang sugat na mayroon ako. Takot akong masugatan ka rin dahil alam ko, tinatahak mo rin ang kadiliman na iyong naranasan sa buhay mo. Ngunit sa isip-isip ko, sana andiyan na lang ako sa tabi mo kahit na nahihirapan ako. Alam ko namang andiyan ka rin upang suportahan at mahalin ako. Takot ako. Takot ako na hindi ko kakayanin. Takot ako na baka mas lalong lumala ang sugat ng ating kahapon. Kaya gusto kong lumipad ka at kahit pa lumipas ang panahon, alam ko na minamahal pa rin kitang tunay.
Na sa susunod na pagkikita natin, pipiliin pa rin ng puso kong ikaw ang mahalin. May pag-alala sa puso ko na baka iyong puso mo nama'y hindi na titibok para sa akin. Ngunit alam ko sa sarili ko na kung anuman ang desisyon mo, basta sa ikakaligaya mo, hahayaan kita. Kahit masakit. Dahil ako naman ang unang nangtaboy. Ako naman ang unang lumayo. Ako naman ang nagsabing hindi pa ako handa. Gusto ko munang paghilumin ang sarili ko.
May mga peklat pa ring natira ngunit mas matibay na ako sa mga pagsubok sa buhay. Dadating ang panahon na mararanasan ko ang magpakailanman sa taong mahal ko at mamahalin ako ng tunay, kahit ilang taon man ang lumipas.
Isa na nga lang ba itong pangarap? Magtatagpo pa ba ang landas nating dalawa? Mamahalin mo pa ba ako at sabihin ang mga katagang narinig ko sa iyong mga labi noon? Bakit nasasaktan ako kapag isiping lalayo ka kahit wala ka pa sa piling ko. Gusto kong buong-buo kitang mamahalin at iingatan gaya nang kung paano mo ako ingatan. Ang mga alaala mo, narito pa rin sa isip ko at kapag may ginagawa ako, ang mga alaala natin ang nagpapaligaya saglit sa puso kong ikaw ang hinahanap.
Kailan ang magpakailanman sa ating dalawa? Gusto ko mang abutin ang iyong kamay ay tiyak na huli na yata. Huli na ba talaga para sa ating dalawa? Huli na ba para sabihing mahal na mahal kita?
Minahal kita. At mamahalin. Magpakailanman.
1 note
·
View note
Text
Bakit nga ba mahalaga ang " Break up "
Ito kasi ang paraan para ilayo ka o lumayo ka sa maling tao na akala mo tama para sayo..
Wag kang umasa na pipiliin ka nya kasi hindi mo yun kailangan hilingin sa kanya..
kusa nya yang bibigay kung mahalaga ka talaga..
Wag mo hingin sa kanya na magbago sya kasi kung totoong mahal ka nyan kusa yang magbabago para sa prinsesa o sa hari nya..
Wag kang laging magmakaawa o magpakababa kasi yang mga yan habang pinapakita mo na mahal mo sya o lagi mong pinatatawad at inuunawa aabusuhin ka nyan..tingin nyan sayo ta-nga ka..
Di masamang maging mabuting partner o asawa pero ibigay mo yun sa taong pinahahalagahan ka hindi sa taong araw² kang ginagawang ta_nga
Ang hindi mo alam habang niloloko ka ng mga yan pinagtatawanan ka dahil alam nila na konting suyo at I Love you nila mapapatawad muna sya..
Gumising ka sa katotohanan..napaka daming tao na hinahangad ka na mapunta sa kanila tapos iiyakan mo lang ang isang taong WALANG KWEN-TA
Bhelove
0 notes
Text
LITERARY: Tira-tira
“There’s a hundred and four days of summer vaca—”
“Lola! Kakasimula pa lang!”
“Hetong bata nga naman, o. Tumigil ka muna sa panonood. Magdamag ka nang nakatutok sa TV, baka malagot ka pa sa mga magulang ninyo ‘pag lumabo ‘yang mata mo!” sambit ng nakatatanda.
“Pero Lola Fe—” ang hirit ng apo.
“Hep, hep, hep! Maglinis muna kayo doon ng ate mo. Ibinilin ng mama ninyo na iligpit ang napakagulo ninyong aparador sa kwarto habang wala sila,” ang utos ng lola. “Heto ang susi. O siya, magdidilig pa ako ng halaman.”
Halos umuga na ang lumang aparador na ngayo’y pagmamay-ari ni Kikay, ang ate sa magkapatid, na matagal nang itinago sa tirahan ni Lola Fe. Pumarito ang dalawa dahil buwan na ng Abril, ang panahon ng pinakahihintay nilang bakasyon; walang pasok! Ibig sabihin, mamamalagi muna sila sa bahay ng minamahal na lola. Kailangan kasi nilang asikasuhin ang aparador na ipinamana ni Lola Fe, na nang huli nilang makita ay nagsisilbing bahay ng mga dating laruan ni Ate Kikay.
“Mamaya na lang tayo mag-ayos, please? Linis na lang nang linis,” reklamo ni Haning, ang makulit na kapatid ni Kikay. Nakagawian na rin ng kanilang pamilya ang pana-panahong itabi, ipamigay, o itapon ang kahit ilang piraso ng gabundok na papel, libro, maleta, bag, memorabilya, tupperware, at tumataginting na trentang pares ng sapatos na nakapaligid sa bahay nila. Hindi rin mawawala ang mga laruang manikang malapit sa mga dollhouse, na, sa ‘di malamang dahilan, tila hindi nauubos (‘di ba dalawa lang naman silang magkapatid?).
Hindi rin kalakihan ang kanilang tambakan, este tirahan, kaya dapat lang, dapat lang, palagiang magligpit. Very good pa kung nakapagtapon ng nakatiwangwang na mga gamit. Alang-alang din ito sa maluwang na paghinga ng sinaunang bahay, na malamuseo rin minsan dahil maraming naka-display. Burara man, sino nga namang nais magpagod para galawin ang payapang lagay ng bahay? Bakasyon na bakasyon, tapos maglilinis?
“Tara na ‘Ning, saglit lang ‘to. Gusto mo bang kunin ulit ni mama ‘yung favorite teddy bear mo? Sino nga ulit ‘yun? Si Choosy?” biro ng ate.
“Suzy! ‘Di siya teddy bear. Pusa!”
“Ay, basta. Samahan mo lang ako. Malay mo, makahanap pa tayo ng manika sa aparador. Ibibigay ko na lang sa ‘yo! Para sa dollhouse mo!” usisa ni Ate Kikay sa “sa ’yo.” Sabay kindat.
Habang nakasimangot ang nakababatang kapatid, tuluyan naman silang pumasok sa kwarto kung saan makikita sa likuran ang dalawang makulay na pintong yari sa kahoy na nasisinagan ng sikat ng araw. Tinatakpan ng iginuhit na mga tau-tauhan at ulap, pati na rin ang sandamakmak na stickers, ang pintuang papunta sa bahay ni Kuya, este ‘yung nakapwestong cabinet sa malayo, na siya lamang ang may lakas-loob na buksan.
“‘Te Kikay, ayaw ma-open.” Tila pahirapang bumigay kay Haning ang aparador dahil nangalawang na ang susi, kandado, kahit ang pantali sa hawakan nito. Delikado kasi itong maiwang bukas nang basta-basta. Kaya, hinablot ni Kikay ang susi.
“O, ba’t mo binubuks—akala ko ba ayaw mo maglinis? Ako na nga.” Habang nagpapaligsahan ang kamay laban sa kandado, biglang may nagtambol sa loob ng Narnia.
Humatsing ang bunso. “Ang alikabok naman… Ano ‘yun, ate? Ba’t parang may tumutunog sa loob,” dinig ni Haning ang kakaibang kalabog sa gitna ng pagpapaikot-ikot ng ate sa susi.
“Wait, ‘wag ka magulo,” ang sabi ni Ate Kikay.
“Lumalakas na o,” idinikit ng bunso ang tenga sa pinto ng aparador.
“Ayan! Nabuksan ko na. O, tabi.” Ibinigay ni Ate Kikay sa kapatid ang ginamit na susi nang matanggal ng ate ang tali ng mga hawakan. Lumayo muna sa aparador si Haning.
“Ito na ha, ready ka na magkaroon ng bagong manika?” tanong ng ate.
“Aaate! Buksan mo na nga!” hindi mapakaling sigaw ni Haning. (Pakipot pa siya!)
“Okey po! Ito na, ha. Charaaan!”
---
Sa labas ng bahay, dinidiligan naman ni Lola Fe ang mga alagang gumamela. Nagulat siya nang may marinig na dalawang malalakas na tinig.
“O, Fe, ano’ng atin? Dahan-dahan ka lang sa paglinis ng bakuran ha, mahirap na!” bati ng dalawang kapitbahay na kasing-edad ng lola.
Habang nagkukumustahan ang mga oldies, nasa munting kwarto naman ng bahay ang magkapatid, silang nagpasyang maglinis ng aparador. Dapat.
Maya’t maya, may dalawa pang boses na muling ikinagulantang ng lola.
“Sinasabi ko na nga ba,” sumagi sa isip ni Lola Fe.
---
“Ate Kikay?” Mag-isa na lang ang nakababatang kapatid sa isang kakaibang dimensyon. “Aray… Hatchoo!” Tumayo siya’t lumingon-lingon hanggang sa kumunot ang kaniyang noo. Kahit inulit-ulit ang pagtawag, wala pa ring bakas ng kaniyang ate. Pero, siya nama’y namangha sa nakitang kumpol-kumpol na mga unan na hugis bahay sa may hindi kalayuan.
“Nasaan ako? Si Ate?” isip-isip ni Haning.
Habang nakatapak sa kalsadang nababalutan ng tela at kutson, naramdaman ni Haning na tila yumayanig ito mula sa likod. May paparating! Palapit nang palapit, tumigil ang pagyanig nang may tumapik sa balikat ni Haning. Matagal silang nagkatitigan na tila nakaharap sa salamin.
“Gusto mo ng Cloud 9?” ang alok ng isang babaeng kasintangkad ni Haning. Magkahawig ang dalawang bata sa estilo ng mukha at boses. Baka magkamag-anak ang dalawa? Pwede ngang kambal eh, pero imposible.
“Umalis ka nga!” sigaw ni Haning. “Hinahanap ko ‘yung ate ko!”
Walang ideya sa nangyayari, umalis ang batang babae sa pagtaboy at tumakbo patungo sa pasukan ng mga bahay na gawa sa tagpi-tagping unan, kumot, at tela. In fairness, high-class ang pagkakagawa—may balkonahe pa! Sa itaas, may karatulang papel at may nakasulat na “bAHAy-BaHaY.” Pagkalipas ng tatlong hikbi, napilitan si Haning na sundan ang ‘di kilalang bata.
Tulad ng nauna, gumapang rin siya patungo sa tirahan de unan na may iba’t ibang disenyo at burda ng punda, na ‘di nagtutugma—basta kulay-pambata! Kada hakbang ay nahihila ng tuhod ni Haning ang telang sumasabit at ilang beses namang nabulabog ang bahay dahil sa paghatsing ng bunso. Tuloy, sunod-sunod namang natumba ang mga nakatayong alagad—stuffed animals—sa magkabilang gilid ng lagusan.
Haning’s coming.
Nang hinawi niya ang kumot na nagsisilbing pinto ng bahay-bahayan (syempre gate pa lang kasi ‘yung nauna), muli siyang napasigaw.
“Bulaga! Akala mo mumu noh? Hahaha!” halakhak ng batang babae.
Tumalon si Haning. “Uy, ‘wag! Isusumbong kita sa ate ko!” ang banta niya (kunwari lang).
“Ay nagulat! Ahahaha! Uy, ‘wag, nilagay ko na ‘yan kanina, baka magulo.” Binalaan niya ang napipikong si Haning nang makitang sinusubukang hilahin nito ang de-telang pinto pababa. Tila balak kasing maghiganti ni Haning sa nakakaasar na ugali ng batang hindi malaman-laman kung sino ngunit, tagos ang lukso ng dugo sa kaniya (feeling niya lang).
“Hindi kaya!” nagtatakang sagot ni Haning na bigla-biglang humagulgol na parang bata (parang ano pa ba?).
“Hala, bakit?” nag-alala ang palabirong bata.
“Hinahanap ko lang naman ‘yung ate ko eh, tapos inaaway mo ako.” Hindi tumigil sa pag-iyak ang naliligaw na si Haning.
Kaya, siya nama’y niyaya ng batang babae na maglaro upang mapatigil ang kaniyang pag-iyak. “Tahan na, ‘wag ka na malungkot. Gusto mo ba maglaro? Marami akong doll! Ito o, favorite ko: si Lala. Alam mo ba binigay siya ni ma—”
Hinablot ni Haning ang manika ng batang babae. Gusto niya itong agawin, este, hiramin.
“Uy! Hiram lang, ha!”
“Wow, ang cute niya naman!” sagot ng bunso habang hawak-hawak ang manika.
“Anong name mo?” Hindi pa pala nila kilala ang isa’t isa sa bilis ng mga pangyayari. Mabilis din kasi silang naglakad papasok pa ng bAHAy-BaHaY.
“Wow! Meron ka ring dollhouse! Gusto ko ‘to!” Naiinggit na sabi ni Haning. Hindi niya na rin napansin ang tanong ng batang parang pamilyar, na hindi naman, pero siguro?
“Tara, laro tayo! Lalala lala… dito ‘yung kitchen… tapos pwede mo buksan ‘yung ilaw dito… ito o… pwede ka pumunta dito sa hagdan. Dito naman ‘yung kwarto niya… meron siyang pet tapos pwede mo palitan ‘yung hat na suot niya… parang ganito, o. Tapos nandito ‘yung swimming pool… may stickers dito o tapos… ay, meron din mga sapatos dito… o marami… anong gusto mo?”
At tuluyan na ngang naging playmates ang dalawang batang babae kahit hindi nila alam ang pangalan ng isa’t isa.
“Hatchoo! … Pwedeng sa’kin na lang ‘to?” Lumipas ang oras, itinuro ni Haning ang hawak pa ring si Lala na pinahiram ng batang babae.
Tumahimik sa bahay na unan.
“Pwede? Please?” pakiusap lalo ni Haning.
“Uhhh… alam ko na! Laro muna tayo ng game! May games ako sa laptop!”
“Anong game?”
“Ito, o. Alam mo ‘yung Home Makeover? Lagi ko siyang nilalaro!” Lumapit sila sa lamesa kung saan nakaupo ang mistulang librong laptop. Kulay dirty green (style o marumi lang?) ang labas, makapal ang iskrin, at may maingay na keyboard at mouse.
“Gusto mo ‘to? Ako rin! O sige… ito ‘yung bahay ko… meron akong kwarto… dito ako nagde-design… kunwari pwede ka dito maglagay ng tv, bed… tapos kulay pink… pwede mo gawing violet ‘to… ito blue, tapos yellow… diba maganda?” Pagkatapos turuan ng batang babae ang “nawawala” pero nag-e-enjoy na si Haning, ipinasubok niya ang Home Makeover sa kaniya.
“Ikaw, gusto mo i-try mag-laptop?” yaya ng batang babae. Binigay ni Haning ang hawak na manika. Hinawakan naman ito ng may-ari nang tila ayaw nang pakawalan.
Muntik nang sumobra sa isang oras ang paglalaro ni Haning sa laptop ng hindi pa rin kilalang kalaro. Matagal na nanood at nakatutok sa iskrin ang playmates.
“Uy,... hatchoo! Maalikabok dito, noh? Ay, pwedeng makahingi ng tubig?” tanong ni Haning.
“Sige. Wait lang.” Kumuha ng isang basong tubig ang kalaro para ibigay sa kaniya.
“Ahhh (‘yung tunog pagkatapos uminom ng tubig), sa’n na siya?”
“Sino?”
“‘Yung doll.”
“Si Lala? Kinuha ko na. Ako naman.” Pero umangal si Haning. Sinubukan niyang agawin ang manika (sa dami-dami ng manika!). Syempre, magpapatalo ba si bunso?
“Ehhh, tapos ka na eh!”
“Pahiram!”
“Ayoko nga!”
“Please!” Ang pakiusap ni Haning. Sabay hatsing.
At heto na nga ang pinakahihintay natin. Natapon ang kaniyang hawak-hawak na tubig at unti-unting nagmistulang talon pababa sa laptop. Haning naman!
Very good.
“Hala, ayaw na ma-open. Nasira!” naaasar na sabi ng may-ari nito.
“Lagot…”
---
Lumipas ang ilang minuto, bumalik ang magkapatid sa tunay na dimensyon kung saan sila nagbabakasyon, naglilinis ng magulong bahay, at— ’yung aparador!
“...lagot na naman kayo sa mga magulang ninyo… sinasabi ko sa inyo… ’pag nalaman nilang nagkandagulo-gulo na lalo ang bahay ko!”
Unti-unti pa lang na nagigising ang magkapatid mula sa kakaibang pagkakatulog nang datnan sila ng lola na hinulugan ng hindi mabilang na mga laruan. Inulanan naman sila ng sermon dahil sa halip na naglinis, pinalilibutan sila ngayon ng mga alaala mula sa aparador ng pagkabata ni Ate Kikay.
“Akala ko pa naman maglilinis ‘tong mga batang ire. Diyos ko! Naghalungkat ba naman! Bakasyon na bakasyon,” bulong sa hangin ni Lola Fe. Dahan-dahan lang Lola Fe, mahirap na!
Samantala, naalintana ang katahimikan sa bahay ng lola.
“Ning, Ning! Haning! Okey ka lang?”
“Aray.” Halos malunod ang nakababatang kapatid sa dagat ng mga laruan. “Ate Kikay?”
“Oh my gumamela! Sorry, Haning—naku! Natamaan ka tuloy. Saan ba masakit? Dito ba? Hala, dito? Saan?” nag-aalalang tanong ni Kikay sa bunso.
Agad na pinuntahan ng ate si Haning para tulungan ito. Bigla niya namang ibinaling ang tingin sa hawak-hawak ng bunso.
“Uy Ning! Sa’n mo ‘to nakita? Alam mo ba favorite ko ‘to dati?” Pinulot ni Kikay ang nakilalang manika.
“‘Eto si Lala. Gusto mo ba sa ‘yo na lang ‘to?”
4 notes
·
View notes
Text
First Sunday of Advent | Cycle C
Maganda umaga po sa inyong lahat!
Pakibati naman po ang inyong mga katabi ng good morning!
Mga kapatid, matanong ko po sana kayo...
Kapag po ba may bisita na darating sa inyong bahay, anu po ba ang ginagawa ninyo?
Maglinis o magsinop - para presentable at may mapwestuhan sila.
Maghanda ng ilang pagkain at inumin - marahil pagod sa biyahe ang bisita natin, kaunting refreshments lang.
Bakit ko po ito tinatanong sa inyo?
Tayo po ngayon ay nasa panahon ng Adbiyento - kita niyo naman, kulay ube o violet na ang ating simbahan - tandaan po na kapag naka-violet ang simbahan, hindi lang po ibig sabihin nito ay may pumanaw o may kumpisal.
'Pag nakita po ang violet, maalala na sumisimbolo ito ng paghahanda at pag-aabang.
At anu naman po ang ating pinaghahandaan o inaabangan?
Ang pagdating ni Hesus sa ating buhay.
At kung tatanungin niyo po ako, "Father, paano ba maghanda at mag-abang sa pagdating ni Kristo?"
Simple lang po ang sagot, hindi niyo na po kailangan pang lumayo sa karanasan ng paghahanda ninyo para sa inyong mga bisita.
Una, sabi natin kanina, kapag may darating na bisita, anung ginagawa po natin?
Naglilinis, nagsisinop - mahalaga rin po na sa ating paghahanda sa pagdating ni Hesus, malinis rin po sana natin ang ating mga puso at isip sa pamamagitan ng Confession o Kumpisal.
Naranasan niyo na po ba iyon, na kapag tayo po ang bisita, tapos hindi nakapaghanda yung binisita natin, yung medyo magulo pa yung bahay, yung mga gamit kung saan-saan nakapwesto?
Ang hirap noh? Hindi natin alam saan tayo pwedeng umupo o kaya uupo tayo sa sofa nila, meron pa lang mga nakatagong laruan.
Gayun din naman po, mahihirapan po si Hesus makapasok sa buhay natin, mahihirapan po siyang makahanap ng mauupuan sa puso natin kung puno ito ng kasakiman at kasalanan at kamunduhan.
Mahihirapan dumating ang sanggol na Hesus sa buhay nating ngayon Pasko kung madatnan niyang puno at masikip ang puso at isip natin.
Kaya isang magandang paghahanda ngayon kapaskuhan, para lumuwag ng kaunti, magkaroon ng kaunting space ang ating puso - magbawas ng laman sa pamamagitan ng kumpisal.
Hingi tayo ng kapatawaran ng ma-clear mga bagaheng kasalanan ng puso natin - at samahan na rin natin ng pagbabago ng ating mga buhay ng makita ni Hesus na homey - kaaya-ayang manatili sa ating mga puso.
Sabi nga po ni Hesus sa ating Ebanghelyo: "huwag magumon sa katakawan at paglalasing!"
'Pag matakaw ka, punong puno ang tiyan ng pagkain;
'Pag lasing ka, punong puno ang iyong sikmura ng alak.
Pag puno ang buhay natin ng kung anu-anong bagay, baka walang mapwestuhan si Hesus. Mangumpisal at magbago - linisin ang kasalanan ng makitang malinis at kaaya-aya ni Hesus ang ating mga puso.
Balik tayo sa tanong, paano nga ba maghanda sa pagdating ni Hesus?
Ituring siya na parang bisita - pagkatapos maglinis ng bahay, anu nang ginagawa natin, naghahanda ng makakain.
Anung meryenda o anung pagkain naman ang ihahain natin kay Kristo?
Bumaling tayo sa ikalawang pagbasa:
"Palaguin at pag-alabin ang inyong PAG-IBIG sa isa't isa at sa lahat ng tao!"
Sa pagdating ni Hesus, anung dapat nating ihain o ihanda? Pag-ibig sa isa't isa.
Kaya't sana maalala niyo mga kapatid, na ang pag-hahanda o pag-aabang sa pagdating ni Kristo, may makaakibat na misyon:
- misyon ng pag-big sa mga kapuspalad - isama sila sa mga bibigyan ng regalo ngayon pasko.
- misyon ng pag-big sa mga 'di natin kasundo - paano magiging MERRY ang iyong Christmas kung mayroon ka namang kaaway.
- misyon ng pag-big sa iyong sarili - baka kaya laging mainit na ang ulo natin kasi hindi na naalagaan ang sarili - baka madatnan ka ni Hesus na pagod, wala nang energy para entertain ang pagdating niya.
Isang munting gantimpala ni Hesus sa mga iibig ngayon pasko, sabi ni San Pablo: "Pagbutihin ninyo ang pamumuhay ninyo ngayon upang kayo'y maging kalugud-lugud sa Diyos!"
Review po tayo:
1. Advent ay pag-aabang, paghihintay, at paghahanda sa pagdating ni Kristo.
2. Paano tayo maghahanda sa kanyang pagdating? Gawin mo lang kung anung ginagawa mo kapag may bisita ka.
Maglinis.
Maghain ng pagkain.
3. Kay Kristo naman:
Maglinis - linisin ang puso sa Confession o Kumpusal. Bawasan natin laman ng puso natin para may mahigaan ang sanggol na Hesus.
Maghain - hindi ng pagkain, kung hindi ng pag-ibig. Pag-ibig nawa para sa iba ang madatnang meryenda ni Hesus sa ating mga puso.
Amen.
Jeremiah 33:14-16 1 Thesalonians 3:12 - 4:2 Luke 21:25-28; 34-36
01 December 2024
Homily given at Mary Help of Christian Chapel, Mandaluyong
0 notes
Text
UNRESTRAINED
We broke up in November weeks before my birthday, but it's ironic that I can't straightforwardly tell my friends and classmates that 'We're over'.
...
"Si Giban oh, parang stress na stress na." saad ng kaklase ko habang pinag mamasdan akong parang bata na nag d-drop test ng snowflakes na ginawa ko gamit ang illustration board upang patunayang matibay ito. 'di ko na napansin ang pagkatanggal ng tirintas sa kaliwang bahagi ng aking buhok, dagdagan pa ng walang ka suklay suklay kanina pang umaga kaya nagmukhang bruha ang lola niyo.
Imbis na mainis sa komento nila ay tinawanan ko lang sila at pasimpleng tinanggal ang pagkakatirintas ng nawalan ng tali at inayos ng bahagya ang aking buhok.
Ipinagpatuloy ako ang ginagawa kong pag aayos sa snowflakes na hawak ko at di na pinansin ang mga chismisan ginagawa nila.
"Giban! Giban!..." nakuha ulit ng atensyon ko ang tawag sa akin ng kaklase kong lalaki dahilan upang unti unting humakbang papalapit sa kumpulan nila sa lamesa. "Ano?"
"Engineer o nag aaral?" bigla niyang tanong na ipinagtaka ko.
"Huh? yung?"
"Engineer na ba or nag-aaral pa?"
"Ano? Yung alin?" naguguluhang tanong ko.
"Yung boyfriend mo daw ba, Engineer na ba o nag aaral pa?" sagot naman ng isa kong klaklase.
Napakunot ang noo ko ng mapagtanto kung ano ang tinutukoy nila. Pano napunta sa ganitong topic and chismisan nila? At bat parang mga lalaki na ngayon ang chismoso sa relasyon ng iba?
Bahagya akong natahimik at ilang minutong 'di alam ang isasagot. Bakit ngayon pa nila itinanong toh? Ngayong hindi kami ayos at hiwalay na.
"Ahh...nag-aaral pa."
"Ano ba course?"
"Ano... Mechanical."
...
Mapait akong napangiti ng palihim... Kung alam lang nila.
"Saan nag aaral? Dito lang ba?"
"H-hindi, asa probinsiya namin."
"Saan ba probinsiya mo nun?"
"Sa Leyte."
"So LDR kayo?"
"Ano..oo"
Pasimple akong yumuko at inabala ang aking sarili sa hawak kong card board habang sinasagot ang mga tanong nila. Ramdam ko ang hiya dahil hindi ko inaasahang mapasabak sa hotseat ng wala sa oras. Pero di ko matago ang ngiti na pilit kumakawala sa aking labi.
"Talaga LDR kayo? Share mo nga sa amin. Ano sekreto?"
"Ahh, wala" awkward na sabi ko, hindi ko alam kung pano ipapaliwanag sa kanila na wala na kami at huli na sila sa balita. Ngunit gayon pa man, di ko kayang tanggalin yung ngiti na nagpapakita sa mukha ko lalo na't siya ang pinaguusapan.
"Ganyan pala kiligin si Giban, namumula oh."
"Hala hindi ah!"
Bahagya na kong lumayo sa kanila at pinagpatuloy ang ginawa ko sa kabilang lamesa. Mga lalaking toh daig pa mga babae napaka chismoso.
0 notes
Text
Silence
🎧 Di Naramdaman - Clinxy Beats, Yayoi, Yosso He came back here in Hong Kong last October 17th. He hid his instagram story from me. But, I guess he forgot to unlink his story from his facebook. Still no contact. Didn't even bother messaging me at all. I guess, It's really the end. Damn. That really hurt as fck. He obviously doesn't know how much I cried for him and how much it hurts me. I miss him so much. I haven't been here for a while. And, yes, I still love him. It annoys me so much because I know I should stop. But, how can you even unlove someone? I'm trying to move on. I'm trying to heal myself. I've cancelled the ticket he bought for me so I could be with him in France. My flight to France should be on Sunday (Nov 3rd) same as his flight back to France. I was supposed to be with him in France for a month. All plans gone. Instead of being in France, I've booked a flight to Thailand and I'll be leaving on Sunday. Will I see him at the airport? Honestly, I chose the date on purpose to see him for the last time. Who knows if we'll cross paths there and we could finally talk? Right now, I don't even know how to face him anymore. I'll definitely cry. I wouldn't be able to control my tears. Song's lyrics has been hitting me hard.
Hindi na kita sisisihin kung napaniwala ka nila Nawalan ng gana dahil sa mga naririnig sa kanila Sabihin mang dati na yang nangyayari Hindi ka masisisi kung ayaw mo na Bibitawan kita ng bukal sa loob pagkat mahal kita (oh yeah)
Maglalakad nang hindi na kita kasama na humahakbang At sa pagbabalik mo ay hinding hindi na 'ko mag aabang Wala na yung dating ngiti sa 'yong labi Kaya ayoko nang muli na mahibang At tatanggapin ang totoong hindi ka na masaya (oh yeah)
Hindi ka na pipilitin pa Di na mauulit di na aayusin pa Bibitawan at hahayaan kahit masaktan Basta sa maaayos ka Patawarin mo rin ako Kung di ko na kayang ibigay ang mga gusto mo Minahal kita sa alam kong paraan Baka hindi mo lang naramdaman
Heto na nga ba yung kinakatakot ko na mangyari Masyado lang ako siguro sayo na kampante Akala ko ayos lang biglang nagbago na lang Di ka na nagparamdam natitiis mo na
Minsan na rin naman akong napagod Pero ni minsan di kita sinuko Nung di ka na masaya biglang umalis ka na lang Ako ba sa 'ting dalawa ang nagbago Kaya kung hahayaan na kitang lumayo ay maisip mo Na di naman yun para sa'kin kundi para 'yon sayo
Hindi ka na pipilitin pa Di na mauulit di na aayusin pa Bibitawan at hahayaan kahit masaktan Basta sa maaayos ka Patawarin mo rin ako Kung di ko na kayang ibigay ang mga gusto mo Minahal kita sa alam kong paraan Baka hindi mo lang naramdaman
Aminado ako na may pagkukulang at pagbabago Mga rason para maging normal ating pagtatalo Oo malungkot ka pero tanong ko sa'yo kung naramdaman mo ba 'ko Eh kung hindi naman pala baka tama ang desisyon mong magsarado Ng puso mo para sa akin at baka mas gusto mong magpahinga Baka hindi ka na makahinga sabihin mo lang wag ka nang mahiya Na magsalita kase ramdam naman lahat 'yon dahil sa kabila Ng mga pagsubok pa lang natin kita kong pahina ka na ng pahina Pero totoo nakakabigla kase hindi pa 'ko nakahanda Parang bula na lang na nawala yung kabanatang 'kala ko ay maganda Wala na 'kong magagawa kundi tanggapin na tayo ay mas lumala Nakakadala na gano'n ka lang kabilis sa akin na kumawala
Hindi ka na pipilitin pa Di na mauulit di na aayusin pa Bibitawan at hahayaan kahit masaktan Basta sa maaayos ka Patawarin mo rin ako Kung di ko na kayang ibigay ang mga gusto mo Minahal kita sa alam kong paraan Baka hindi mo lang naramdaman
Hindi ka na pipilitin pa Di na mauulit di na aayusin pa Bibitawan at hahayaan kahit masaktan Basta sa maaayos ka Patawarin mo rin ako Kung di ko na kayang ibigay ang mga gusto mo Minahal kita sa alam kong paraan Baka hindi mo lang naramdaman
0 notes