for-d-win
for-d-win
Asan si Kristo?
34 posts
Homilies of Fr. Aldwin Ivan Gerolao
Don't wanna be here? Send us removal request.
for-d-win · 2 days ago
Text
Vigil of the Assumption of the Blessed Virgin Mary
Magandang gabi po sa inyong lahat! Pakibati naman po ang inyong mga katabi ng GOOD EVENING!
We are celebrating this evening the Solemnity of the Assumption of Mama Mary,
Kaunting Katekesis po muna:
Taon-taon po natin itong cine-celebrate, PERO ang tanong ko po sa inyo, sa taon-taon na pag-celebrate, NALAMAN NIYO NA BA KUNG ANO ANG IBIG SABIHIN NG ASSUMPTION OF MARY?
Para dumali, Tagalugin po muna natin. Ang Tagalog ng Assumption of Mary ay Pag-aakyat sa Langit sa Mahal na Birheng Maria. Madali lang po, ‘di ba? Assumption of Mary = Inakyat si Maria sa Langit.
PLEASE TAKE NOTE: INAKYAT PO SIYA SA LANGIT NG DIYOS, HINDI po siya ang mag-isang umakyat – at noong inakyat siya sa langit, hindi lang po kaluluwa. Tayo po, ‘di ba, kapag may pumanaw na kamag-anak o kaibigan, yung kaluluwa, umaakyat sa langit pero yung katawan, saan po naiiwan? Sa sementeryo.
Pero, iba po yung kay Mama Mary – natutulog daw po siya isang gabi, iniakyat ang kanyang parehong katawan at kaluluwa sa langit. Kaya nga, wala po tayong relic ni Mama Mary.
‘Di tulad ni San Felipe Neri, may muscle niya dito kasi umakyat kaluluwa niya sa heaven pero yung katawan niya, nasa Rome, Italy. Kay may kapiraso tayong katawan niya – may mapagkukuhanan. Pero si Mama Mary, since pati katawan niya ay nasa langit, wala tayong nakuhang relic. Gets na?
Ano nga po ulit ang ibig sabihin ng ASSUMPTION OF MARY? INAKYAT SA LANGIT SI MARIA NG BUONG KATAWAN AT KALULUWA.
Susunod na tanong: “Father, bakit iniakyat si Mama Mary sa langit na magkasama ang katawan at kaluluwa samantalang tayo, kaluluwa lang ang umaakyat?”
SIMPLE lang po ang sagot: DAHIL WALANG KASALANAN SI MARIA!
Tanong ko po sa inyong, sino pa ang isang umakyat sa langit na kasama ang katawan at kaluluwa? Walang iba kung hindi si HESUS! Kaya nga po may Feast of the Ascension of Jesus or in Tagalog, Kapistahan ng Pag-akyat ng Panginoon.
Paano Siya naka-akyat sa langit ng buong katawan at kaluluwa? ‘Liban na Siya ay Diyos, dahil Siya rin ay WALANG KASALANAN!
Ang nakaka-akyat lang sa langit ng buong katawan at kaluluwa ay mga WALANG KASALANAN!
Balik tayo kay Mama Mary – bakit or paano siya naging Walang Kasalanan? Ano po ba si Mama Mary? Ina ng Diyos! Siya ang magdadala kay Hesuss a sinapupunan. At ang dadalhin niya, hindi lang basta regular o ordinaryong tao – ITO ANG DIYOS!
Hindi ba, kung Diyos ang dadalhin mo, dapat MAGANDA AT MALINIS YUNG LALAGYAN?
Kaya naging WALA SALA si Maria, kasi Diyos ang dadalhin niya sa kanyang sinapupunan.
Halimbawa, nagluto po kayo ng masarap na masarap na caldereta, yung napakalambot ng karne at ma-anghang-anghang pa – saan niyo po iyon ilalagay? Lalagay niyo ba iyun sa maruming Tupperware o yung ma-oil pa yung lalagyan? Hinde! Bakit po? MASISIRA yung caldereta. Ilalagay mo yung masarap na caldereta sa malinis at bagong lalagyan para ma-preserve yung freshness at sarap.
Kaya si Maria, wala ring kasalanan, dahil espesyal na tao ang dadalhin niya, ang Diyos na si Hesus! That’s why we heard in our Gospel a while ago, “[a woman said to Jesus] Blessed is the WOMB THAT CARRIED You…” “Mapalad ang babaing nagdala sa inyo sa kanyang sinapupunan…”
At ano po ang tinuturo sa atin ng Solemnity of the Assumption of Mama Mary?
Sino po dito ang gusto rin ma-iakyat sa langit tulad ni Mama Mary, taas ang kamay?
Gusto mong maka-akyat, dalhin mo si Hesus sa buhay mo, dalhin mo si Hesus sa puso mo!
At para madala mo si Hesus sa buhay mo – anung kailangan mong gawin? Tulad ni Maria, magsumikap na UMIWAS SA KASALANAN! Wala nang ibang daan!
Mahirap dalhin si Hesus sa ating mga puso kung kaagaw Niya sa pwesto at nakikipagsiksikan Siya sa ating mga kasalanan.
Ingatan ang sarili mula sa kasalanan kung paanong iningatan ni David sa first reading ang Ark of the Covenant or parang tabernacle na naglalaman ng Presensya ng Diyos: “(1) bore the ark of God on their shoulders; (2) appoint their kinsmen as chanters, to play on musical instruments, harps, lyres, and cymbals, to make a loud sound of rejoicing [inawitan]; (3) offered up burnt offerings and peace offerings to God.”
Para maka-akyat sa langit, umiwas sa kasalanan; at kapag naka-iwas sa kasalanan, tulad ni Maria, mabibitbit natin sa buhay si Hesus:
Palagiang Kumpisal – at least once a month; mainam kung weekly para mas aware tayo sa mga pinaggagawa natin.
Gumawa ng Mabuti – ang buhay Katoliko Kristiyano ay hindi lamang pag-iwas sa kasalanan; ito rin ay tawag na gumawa ng Mabuti sa kapwa, higit lalo sa maralita.
Bantayan ang Pinapapasok sa Senses – mag-ingat sa contents na pinapapasok sa mata (social media at kahalayan), tenga (tsismis), bibig (katakawan) – dito kasi madalas nag-uugat ang mga tukso at eventually, hindi natin napansin, nalaglag nanaman tayo sa sala, nabitawan nanaman natin si Hesus.
Sana, dumating ang punto, na sa ating pamumuhay na PUNO NG PAGMAMAHAL at PAG-IWAS SA KASALANAN, ma-iakyat rin tayo ng Diyos sa langit ng buong katawan at kaluluwa, katulad ni Maria.
Amen.
1 Chronicles 15:3-4, 15-16; 16:1-2 Psalm 132:6-7, 9-10, 13-14 1 Corinthians 15:54b-57 Luke 11:27-28
Tumblr media
0 notes
for-d-win · 4 days ago
Text
Tuesday of the 19th Week in Ordinary Time
Magandang gabi po sa inyong lahat! Pakibati naman po ang inyong mga katabi ng GOOD EVENING!
My dear brothers and sisters, I wish to ask you, nakapanuod na po ba kayo ng video sa social media nang mga bata, murang-edad pa lang po, musmos – PERO ang lutong-lutong na pong magmura?
What comes to your mind po kapag nakakakita kayo ng mga bata na ganitong edad pa lang, nagmumura na?
“Sinong MAGULANG nito?” “KANINONG anak ito?” “PAANO PINALAKI ang batang ito?”
Bakit ko po ito kinukwento sa inyo? If you listened carefully to our Gospel this evening, we heard Jesus saying: “It is NOT THE WILL of your heavenly Father that one of these little ones BE LOST.” “HINDI KALOOBAN ng inyong Amang nasa langit na MAPAHAMAK ang isa sa maliliit na ito.”
Ayaw ng Diyos Ama na mapariwara, na mawala, at mapahamak ang mga maliit na bata!
Please remember, my dear brothers and sisters, lalong-lalo na ang mga magulang, mga ninong at ninang, mga lolo at lola, mga tito at tita – we have a MORAL OBLIGATION to lead the young ones to Jesus.
Anu po ang sabi ng ating first reading, “You must bring this people into the land which the LORD swore to their fathers he would give them.” Joshua was tasked to bring the people to the Lord’s promised land; we are also tasked to bring each other to Jesus, most especially the little ones.
However, here is the thing, my dear brothers and sisters… marami po ang lumalapit sa akin at nagsusumbong, “Father, tinuturuan ko naman po yung anak o apo ko ng mabuting asal, paano mag-po at opo, paano igalang ang nakatatanda, paano magdasal o magsimba tuwing araw ng Linggo – eh bakit parang hindi po natututo?”
Magkaiba po ang NAITUTURO sa NAKIKITA sa atin ng mga bata!
Nagtuturo tayo ng PO at OPO sa mga bata pero naririnig naman nila kayong nagsisigawan o nagmumurahan kapag nag-aaway kayong mag-asa – iba ang naituturo sa nakikita ng mga bata.
Nagtuturo tayo na gawin kaagad ang mga assignments at projects, na tapusin agad ang trabaho PERO makikita tayo ng mga bata na laging nag-cellphone at hindi na tumatayo - iba ang naituturo sa nakikita ng mga bata.
Nagtuturo tayo paano magdasal PERO kapag araw ng Linggo, hindi nila tayo nakikitang magsimba.
Sana maalala lang po natin, na sa pagpapalaki ng maayos sa mga bata, ang unang dapat matuto, ang unang dapat bumait, ang unang dapat magbago ay tayong mga magulang, tayong mga nakatatanda – bago sila. “You cannot give what you do not have.”
Siguraduhin po na kung may gusto kayong ituro o gusto kayong matutunan nila, make sure na kayo po mismo ang unang gumagawa nito. Do not expect na susunod sila kung hindi nila makita sa inyo yung sinasabi ninyo.
Kaya nga po, lead yourselves first to Jesus before you can bring others to Him. Gabayan po muna ninyo ang sarili ninyo – mga kilos at pananalita ninyo – bago niyo gabayan ang ibang tao. Kapag tunay at buo na ang inyong pagbabago, duon mo mas mailalapit ang mga tao kay Kristo.
Amen.
Deuteronomy 31:1-8 Deuteronomy 32:3-4ab, 7, 8, 9 and 12 Matthew 18:1-5, 10, 12-14
Tumblr media
1 note · View note
for-d-win · 7 days ago
Text
19th Sunday in Ordinary Time
Magandang gabi po sa inyong lahat! Pakibati naman po ang inyong mga katabi ng GOOD EVENING!
Tatlong punto lamang po para sa gabing ito:
One, mga kapatid, hindi na po ako magpapaligoy-ligoy pa – napakasimple po ng nais iparating sa atin ng Ebanghelyo sa gabing ito:
“You also must be prepared, for at an hour you do not expect, the Son of Man will come.”
“Kayo ma’y dapat humanda, sapagkat darating ang Anak ng Tao sa oras na hindi ninyo inaasahan.”
Maraming beses niy o na pong narinig ito sa mga pari: PINAGHAHANDA TAYO NI HESUS kasi hindi natin alam kung kelan niya tayo kukunin.
Kapag ba tinawag niya na tayo, makikita niya ba tayong ready makapasok sa langit or madadatnan niya ang bawat kilos at pananalita natin ay dinadala tayo sa impyerno. Kaya nga po, ‘di ba, sinisikap natin araw-araw na magpakabuti para kung sakali mang dumating na ang araw natin, makita ng Diyos na tayo ay karapat-dapat sa kanyang Kaharian.
Parang ganito na lang po ‘yan – ngayon po, marami po sa atin ang nagsisikap mag-ipon, nagsusumikap po tayo na magkaroon ng SAVINGS ACCOUNT, sort-of EMERGENCY ACCOUNT, para kung sakasakaling magkaroon man ng sakuna:
tulad noong COVID19;
itong mga baha-baha;
kanina po, ginising ako ng sangkatutak na sirena ng bumbero dahil sa sunog;
o mga sakit o aksidente…
dahil sa ating EMERGENCY FUNDS, handa po tayo.
Pero, sabi nga po ni Msgr. Jerry Orbos, SVD – na-inspire po ako sa Nakita kong sinabi niya sa internet: handa nga ang pitaka mo… handa nga ang wallet mo… handa nga ang savings account / emergency funds mo… PERO ANG KALULUWA MO, HANDA BA ‘PAG TINAWAG KA NA NI HESUS? Anong madadatnan o makikita niya sa budhi mo?
Two, may isa po akong kaklase, ito po, narinig niyo na po ito sa isa sa mga homily ko in the past…
Ka-badminton ko po ito at kapag susunduin niya po ako dito sa parish, lagi po siyang nagpapabarya ng bills niya sa ating opisina. Gusto niya marami siyang barya! Kaya tinanong ko siya, “Pre, bakit ka ba laging nagpapabarya bago tayo umalis?”
Sagot lang po niya, “Para kapag may barya ako, lagi akong may maiaabot sa mga kakatok sa bintana ng kotse, para lagi akong READY na may panglimos sa mga naghihikaos.”
Para lagi siyang READY na may maitulong sa iba…
Naalala ko po yung isang Bible verse: Matthew 25:40
“Truly I tell you, just as you did it to one of the LEAST of these brothers and sisters of mine, you did it to me.”
“Tunay na sinasabi ko sa inyo na ano man ang ginawa ninyo sa isa sa aking mga PINAKAMALIIT na kapatid ay ginawa ninyo sa akin.”
Sino po itong LEAST o PINAKAMALIIT – mga mahihirap, mga maysakit, mga nakakulong, mga ulila, mga out-of-school youth, mga taong-lansangan… sabi ng Matthew 25:40, “Kung anung ginawa para sa mga aba, ginawa rin natin para kay Hesus.”
So, madaling sabi, yung kaklase ko na nag-aabot ng barya sa mga aba, kanina talaga siya nagbibigay? KAY HESUS!
Ikalawang tanong ko po, kapag kumatok si Hesus sa bintana ng kotse ninyo, kapag si Hesus nag-abot ng ampao sa tuhod ninyo at pinunasan ang inyong sapatos – HANDA BA KAYO? Paano niyo itatrato si Hesus kapag dumating siya sa buhay ninyo sa mukha ng mga aba?
At ikatlo po, kung darating si Hesus NG biglaan, dumarating rin siya SA mga biglaan.
Tama naman po yung ating Ebanghelyo, na ang pagdating ni Hesus ay BIGLAAN. Unannounced hindi natin alam kung kailan. Pero sana malaman niyo rin po, dumarating rin si Hesus SA MGA BIGLAAN.
May instructions ako, hindi napangyari;
Nagready ako sa Misa at Homily, hindi daw tuloy ang Misa – BIGLAAN;
Kung kelan iidlip lang ako saglit after lunch, duon may kakausap or blessing – BIGLAAN…
At sa mga biglaan ng buhay, anung reaksyon po natin? Sana tandaan po ninyo, darating si Hesus NG biglaan at SA mga biglaan…
Bantayan ang sarili, lalo ang mga labi, kasi, kung anung bitawan sa mga biglaang ito – mahirap ng bawiin, mahirap ng baguhin. Kaya alalahanin mo na sa mga sitwasyong ganito, BIGLAAN, narito si Hesus – paano mo siya kakausapin, itatrato sa mga biglaan?
Ihanda ang KALULUWA – magpakabuti – para tayo ay READY kapag tinawag na for heaven.
Ihanda ang KAMAY – magbigay – para tayo ay READY mag-abot, maging bukas-palad sa mga kapus-palad.
Ihanda ang PUSO – huminahon – para tayo ay READY sa mga biglaang sitwasyon kung saan naroon si Hesus.
Amen.
Wisdom 18:6-9 Psalm 33:1, 12, 18-19, 20-22 Hebrews 11:1-2, 8-12 Luke 12:32-48
Tumblr media
2 notes · View notes
for-d-win · 9 days ago
Text
Thursday of the 18th Week in Ordinary Time
THE ONLY WAY IS THROUGH!
Magandang gabi po sa inyong lahat! Pakibati naman po ang inyong mga katabi ng GOOD EVENING!
Mga kapatid, medyo HARSH si Hesus sa Ebanghelyo natin sa gabing ito! Bakit kamo?
Kasi po, ‘di ba, sinabi niya that, “He must go to Jerusalem and SUFFER GREATLY… and BE KILLED!” “Dapat siyang magtungo sa Jerusalem at magbata ng maraming hirap… at kanilang ipapapatay siya.”
If you are one of the twelve Apostles, kung isa po kayo sa mga labing-dalawang Alagad – marinig niyo na pahihirapan at papapataying ang boss po ninyo – ano pong mararamdaman at gagawin po ninyo?
Kung ako lang po, sasabihin ko, “Aba, boss, hindi po ako papayag niyan! Hindi ko po hahayaan na saktan at paslangin ka po nila! Kung gusto niyo, itakas ko na po kayo or patumbahin ko na po sila!”
Hindi ba, proprotektahan natin si Hesus mahal at mahalaga sa atin Siya eh. That’s why, I can understand Peter if he said, “God forbid, Lord!  No such thing shall ever happen to you.” “Panginoon, huwag naman itulot ng Diyos! Hindi po dapat mangyari ito sa inyo.” Gusto lang naman ingatan ni Pedro ang kanyang pinakamamahal na Hesus!
At marahil, ganito rin po tayo sa mga taong mahalaga po sa atin, mga gusto nating protektahan, na kung kakayanin natin, iiwas sila sa lahat ng kapahamakan, ilayo sila sa lahat ng nakapananakit sa kanila. ‘Di ba, nung maliliit pa po tayo, anung sabi ng ating mga magulang, “Hindi ko hahayaan kahit ang lamok dumapo sa iyo!” Ganoon natin gusto ingatan at protektahan ang isa’t isa.
Pero, bakit ganoon? Gusto lang naman ingatan ni Pedro si Hesus, anong natanggap niya mula kay Hesus? “Get behind me, Satan!  You are an obstacle to me.” Tinawag siyang Satanas at tinuring si Pedro na hadlang sa kanyang landas!
Ang sakit naman ‘nun! Ayaw mo lang naman mahirapan yung tao, tinawag ka pang Satanas!
What could be Jesus trying to teach us today? Si Pedro, hinahanapan si Hesus ng shortcut para iiwas sa kapahamakan, pero ang sinasabi ni Hesus: “Peter, there are no shortcuts. The ONLY WAY is THROUGH!”
Gusto sabihin sa atin ni Hesus, sa buhay, minsan, walang ibang daan kung hindi pagdaanan mo talaga itong problema at suliranin na ito.
Parang kapag magbadminton po ako sa Makati, sa may Pasong Tamo – walang ibang daan po talaga kung hindi EDSA! Kung hindi ako dadaan ng EDSA na pagkatraffic-traffice, hindi ako makakapunta sa Pasong Tamo. Kahit anong ikot ko kay Waza or Google Maps, the ONLY WAY IS THROUGH, through the traffic of EDSA.
The same with our Salvation – there are no shortcuts! Kailangan talagang batain ni Hesus ang Daan ng Krus para iligtas tayo. Walang mas madaling daan, walang mas mabilis na ruta para sa ating kaligtasan kung hindi ang kanyang kamatayan.
Now, I get it po, kung bakit may ibang elders, kapag na-share din po ako ng struggles sa kanila, they simply tell me, “Parte ‘yan ng buhay, father! Pagdadaanan at pagdadaanan mo talaga ‘yan.” Si Hesus nga eh, dinaanan ang Daan ng Krus – ‘yan din ang daan natin bilang mga Katoliko at mga Kristiyano.
Now, we can be quite relieved, that when we’re on the Way of the Cross, we’re on our way to Jesus.
At kung may kabigatan ang daan ng Krus, sana maalala niyo po, just like in our first reading, noong uhaw na uhaw ang mga Israelita sa disyerto, ang Diyos nagpadala ng bukal ng tubig. Pinapakita sa atin na ang Diyos, batid ang ating pinagdaraanan, magpapadala siya ng tubig, ng sapat na biyaya para mapagtagumpayan itong daan ng ating mga Krus.
Kaya po, mungkahi ko lang naman po, just a simple suggestion: matuto pala sana tayo ng kaunting TOUGH LOVE! ‘Wag laging nana – na makita natin na itong mga pinagdaraanan natin ngayon, parte talaga ng buhay, no shortcuts – kailangan talagang harapin.
Si Hesusn ga eh, nung sinabi ni Pedro na ilalayo kita sa kapahamakan, tinawag na Satanas at hadlang sa kanyang kaluwalhatian. So, ‘pag may mga kaibgan rin po na mag-open sa inyo, ‘wag niyo iwas sa problema. Bagkus turuan po ninyo paano harapin – head on – ang problema.
Amen.
Numbers 20:1-13 Psalm 95:1-2, 6-7, 8-9 Matthew 16:13-23
Tumblr media
1 note · View note
for-d-win · 10 days ago
Text
Feast of the Transfiguration of the Lord
ZOOM OUT!
Good morning, my dear brothers and sisters! Pakibati naman po ang inyong mga katabi ng GOOD MORNING!
Admittedly, we have our own down days, right? Howevers, here is the thing: during my most stressful days, during my most hurtful days, during my saddest days – I am not kidding with what I am about to tell – it is when people tell me, “Father, glowing ka ngayon!” “Father, ang ganda ng katawan mo ngayon ah!” “Father, gumagwapo ka!”
Nakakatuwa marinig, pero, ang sabi ko sa sarili ko, “Parang ang ganda naman nung tuming, sasabihin nila yan dun sa days na talagang down or mababa ako. Parang nakakapogi pala ang problems.”
I’m telling you this story because today, we celebrate the Feast of the Transfiguration of our Lord – ang Kanyang Pagbabagong Anyo. For the early Christians who are reading the story of the Transfiguration [in the earliest versions of the Bible,] they might not understand the significance of it and all the theological innuendos that go with it.
that it is a foretaste of Easter Sunday;
that it is a fulfillment of the Old Testament; or
that it is a revelation of Jesus’ Divinity.
But what can be deduced from the story without much theorizing about it is probably this: “his face CHANGED IN APPEARANCE and his clothing became dazzling white” when they were talking about… “[The] EXODUS that he was going to accomplish in Jerusalem.”
Nagningning si Hesus, nagbago ang kanyang anyo, pumogi si Hesus nung ang pinag-usapan ay ang kanyang raranasing pagdurusa. What can we say about this?
I would like to quote one of my patron saints, St. Ignatius of Loyola: “If God sends you many sufferings, it is a sign that He has great plans for you and certainly wants to make you a saint.”
Cliché as it may sound, your present struggles are only preparation for a better version of you. When Jesus talked about his EXODUS, His face changed in appearance, NAGNINGNING! Yung mag pinagdadaanan mo pala, ‘yan pala ang magpapaganda, magpapapogi sa iyo – iyan pala ang magdadala sa better version of yourself.
Pero, you might tell me that this is easier said than done right? Totoo naman po, ang daling sabihin na itong mga problemang ito ang magpapa-Transfigure sa atin, magpapatibay sa atin. Pero, habang nandoon tayo sa gitna ng problema, ang bigat-bigat!
One practical way to ease the way we carry these struggles: learn to ZOOM OUT!
‘Di ba po, kapag nag-zoom out ang camera, lumalawak yung angle – ang daming nakakapasok dun sa frame, dun sa picture.
The same, zoom out your struggles, lawakan mo yung angle – makikita mo kung saan papasok yung ibang bagay sas pinagdaraanan mo, at makikita mo na lumiliit yung problema mo kapag nag-zoom out, kapag katabi na rin ang ibang problema ng iba.
Tulad po niyan: I have my personal struggles sa parish – sunod-sunod na activities na kailangan tutukan, mga desisyon na kailangan tuldukan, mga fund-raising, the attitudes of my parishioners and whatnots. Minsan bigat na bigat ako, minsan parang gusto ko na lang po magkulang sa kwarto.
But when I zoomed out, when I went for Dalaw Hilom or Anointing of the Sick among our barangays, what did I see?
30-year-old patient – stroke, half-body paralyzed for the rest of his life;
A poor mother with three patients: her husband (half-body paralyzed), her son (full-body paralyzed), her grandson (with autism);
A home so small, that I need to turn sideways just to get in – please get this, my waistline is 32” but I need to turn sideways – you can just imagine how narrow and small that house is.
After seeing this, is it but right that I put that much weight on my struggles? No! Rather, they are for my own Transfiguration to shed “the dazzling light” to the dark struggles of others.
Two things for us this morning:
When Jesus talked about His exodus – his passion and death – He magnificently changed His appearance. Your personal exodus leads also to your magnificent growth as a simple preparation for the great that is in store for you.
However, this is easier said than done, especially when our struggles are overwhelming. Should this be the case, learn to zoom out, learn to include others in the picture and you’ll see that your struggles are sometimes nothing compared to the struggles of others. Be the one to shed light in their darkness.
Amen.
Daniel 7:9-10, 13-14 Psalm 97:1-2, 5-6, 9 2 Peter 1:16-19 Luke 9:28b-36
Tumblr media
2 notes · View notes
for-d-win · 11 days ago
Text
Tuesday of the 18th Week in Ordinary Time
Ang taong marunong MANALANGIN, makakalakad sa tubig at malakas na hangin.
Magadang gabi po sa inyong lahat! Pakibati naman po ang inyong mga katabi ng GOOD EVENING!
My dear brothers and sisters, we heard Jesus in our Gospel this evening, walking on water. Narinig po nating naglalakad sa ibabaw ng tubig si Hesus sa ating Ebanghelyo sa gabing ito.
Now, I wish to ask you – anung pakiwari po ninyo kung paano nakalakad si Hesus sa ibabaw ng tubig? What could be the possible reason the Jesus was able to walk on water?
Noong maliit po ako, simple lang ang sagot ko: nakakalakad si Hesus sa tubig DAHIL DIYOS SIYA! Tama naman po ‘di ba?
Binuhay ng ani Hesus mula sa kamatayan si Lazaro eh; Napakain nga Niya ang limang libo gamit ang limang tinapay; Nakalakad nga yung mga pilay at nakakita nga yung mga bulag eh!
Nagawa niya itong mga miracles na ito for the simple fact: DIYOS SIYA! So, basically, walking on waters will be very easy for Him, again for the simple reason na: DIYOS SIYA!
However, upon reading closely our Gospel, I realized na parang may ibang dahilan kung bakit nakalakad si Hesus sa ibabaw ng tubig. Can you recall what Jesus did before he went on walking on waters?
It was written here, “He went up on the mountain by himself to pray… [then] During the fourth watch of the night, he came toward them, walking on the sea.”
Balik po ako sa tanong ko, What did Jesus do before walking on the waters? HE PRAYED!
At sa taong marunong MANALANGIN, makakalakad sa tubig at malalakas na HANGIN! Ito po ang pangako sa mga marunong magdasal: hindi kakalma ang dagat, hindi mawawala ang bagyo, PERO malalakaran mo ang problema mo at magagawa mo ang imposible.
Wala naman po akong gustong iturong bago sa gabing ito – bagkus, paalala or reminder lang po, na ang mga dasal natin, malabong mabago ang ating mga sitwasyon [katulad kay Hesus, hindi naman nabago ng dasal niya ang bagyo], pero nang dahil sa dasal niya, nakalakad siya sa bagyo – at ganon rin po tayo, matatagos rin natin ang problema, magkakalakas tayong lagpasan ito ng dahil sa dasal.
Tignan na lang po natin ang ating first reading: sabi po dito, “Miriam and Aaron spoke against Moses.” “Sina Miriam at Aaron ay nag-usap laban kay Moises.”
Noong malaman po ng Diyos kung anung sinasabi ni Miriam labay kay Moses – what happened to her? “Galit na umalis ang Panginoon at si Miriam ay namumuti sa ketong.” “So angry was the LORD against them [that] Miriam [became] a snow-white leper!”
Nang dahil sa mga dasal at pagkamabuti ni Moses, Diyos ang nagtanggol po sa kanya laban sa mga naninira sa kanya.
‘Wag pong mag-alala, makaka-asa po na tahimik na nagmamasid at nakikinig ang Diyos, alam ang pinagdaraanan natin, may ginagawa rin siya sa likod ng ating mga pananalangin.
Simple lang po ang gusto kong ipabaon sa gabing ito:
Nakalakad si Hesus sa ibabaw ng tubig – hindi lang dahil Diyos siya – kung hindi dahil, NAGDASAL SIYA! Hindi mababago ng dasal ang sitwasyon o bagyo ng problema, pero magkakalakas na makalakad sa tubig, magkakalakas ka na malampasan ang bawat problema.
Amen!
Numbers 12:1-13 Psalm 51:3-4, 5-6ab, 6cd-7, 12-13 Matthew 14:22-36
Tumblr media
1 note · View note
for-d-win · 14 days ago
Text
18th Sunday in Ordinary Time
MAGKANO BA ANG SAPAT NA?
Magandang gabi po sa inyong lahat! Pakibati naman po ang inyong mga katabi ng GOOD EVENING!
Mga kapatid, gusto ko po sana kayong tanungin, para po sa inyo, sa mga ipon or savings natin, MAGKANO BA ANG SAPAT NA? Magkano ba yung masasabing mong, okay na to? Sapat na itong meron ako?
Bakit ko po ito natatanong? Batid ko naman po na may kahirapan Talaga ang buhay higit lalo dito sa ating bayan – pero, may mangilan-ngilan akong nakilala na kahit Malaki na ang meron sila, pinalalaki ng pinalalaki pa rin ang meron sila…
Dumarating sa punto na kahit araw ng Linggo or Sunday, araw na para sana sa pamilya o sa Simbahan, aba, naghahanapbuhay pa rin – kasi nga, parang kulang pa rin ang sapat na. MAGKANO BA ANG SAPAT NA?
Mayroon din po – at guilty po ako dito – dadalawa lang ang paa ko, pero, kapag may bagong labas na sapatos, nag-iisip nanaman akong bumili ng bago kahit na hindi pa pudpod at hindi pa sira mga sapatos ko. ILAN BA ANG SAPAT NA?
Bakit ko po ito tinatanong mga kaibigan? Balik po tayo sa ating Gospel sa araw pong ito. “There was a rich man whose land produced a bountiful harvest.” Umani po siya ng saganang-sagana na napuno na po yung kanyang imbakan.
Kung tutuusin, dahil napuno niya na – pwedeng okay na, ‘di ba? Sapat na. At yung hindi na magkakasya, anu na pong tawag natin doon? SOBRA NA! At yung sobra, saan na dapat, para sa iba.
Pero anung ginawa po niya, imbis na ipamigay yung sobra, nagtayo pa ng mas malaking imbakan para KAHIT YUNG SOBRA AY MAPUNTA SA KANYA!
Gusto ko pong tanungin yung lalaki duon sa Gospel – “Kapatid, GAANO KARAMI BA ANG SAPAT NA?”
Minsan, hindi po natin napapansin ang ating mga sarili, bagamat mayroon na tayo, bagamat hindi nagkukulang ang Diyos, bagamat mayroon na tayong sapat – pero gusto natin, kahit yung sobra ay atin pa rin.
Anu po mangyayari kapag pati ang SOBRA ay kinimkim mo pa?
Ilang linggo na po akong nag-Dalaw Hilom or yung mag-iikot po ako sa barabaranggay para mag-Anoint ng mga Maysakit. Alam niyo po kung anu yung number one na sakit ng mga pasyente ko po:
80% sa kanila ay stroke patients, mga half-body paralyzed. Anu po ng dahilan ng stroke? High-blood. Bakit na high-blood? Kasi SOBRA ang baboy! Kasi SOBRA ang alak! Kasi SOBRA ang yosi.
Sumunod na sakit? Diabetes. Bakit nagka-diabetes? Dahil SOBRA sa milk tea! Dahil SOBRA sa lecheplan! Dahil SOBRA sa kanin!
Balik po tayo sa ating tanong: Anu po mangyayari kapag pati ang SOBRA ay kinimkim mo pa?
Anu pong isasagot natin – lahat ng SOBRA, NAKASASAMA!
Kaya una po nating isangkalan, matutong magtimpi. Matutong maglagay ng hangganan. Tignan po natin sa balita – uso ngayon yung gambling, hindi po ba?
SOBRA ang pera nila – anu nangyayari? May mga paslangan; ngayon, nagkakabukingan. Gusto kasi ng SOBRA-SOBRANG pera, ngayon, sila po ang binabalikan!
Bakit ito nangyayari, dahil hindi natin maitakda kung anung sapat na!
Kaya sana, balik po tayo sa old habit of FASTING, PAGTITIMPI! Yung minsan, kahit isang araw sa isang linggo – may araw na one full meal lang kakainin natin, hindi yung kahit busog pa, lamon ng lamon. O ‘di kaya, isang araw na walang social media o isang araw na walang baboy, manok, o baka, tiis muna tayo sa GG at munggo – para maturuan ang sarili na hindi porket meron, lalamon. Para matuto tayong prenuhan ang ating mga kagustuhan
Sabi nga po sa ating second reading: “Put to death, then, the parts of you that are earthly: immorality, impurity, passion, evil desire, and the greed that is idolatry… Think of what is above, not of what is on earth.”
At kung may magtanong po sa akin, “Father, natuto na po akong mag-timpi, mag-fasti, alam ko na po kung ano yung sapat na para sa akin at sa aking pamilya, anu pong gagawin ko sa SOBRA?
Tandaan po - LAHAT NG SOBRA AY PARA SA ABA! LAHAT NG SOBRA AY PARA SA IBA!
Yung sobra, pinadadaan lang po sa inyo ni Hesus para sa mga mahihirap. Yung sobra, ginagamit lang po kayong LBC or DHL or courier ni Hesus para makarating yung kanyang pagmamahal at awa sa mga nangangailangan. Yung sobra, hindi na po sa inyo iyan, para na iyan sa mga walang-wala.
Matutong magbigay at magbahagi – para mabawasan yung isipin. Remember our first reading: “All his days sorrow and grief are his occupation; even at night his mind is not at rest.” ‘Di ba ho, kapag maraming ari-arian or kaperahan, kapag sweldo, anu nanaman kayang i-Lalazada ko, saan kayo ako kakain pagkatapos magsimba – isip ng isip kasi ‘di mapakali kung anung paggagastusan.
Save yourself from some troubles of your resources by learning how to share! Ang kapayapaan ay matatamo sa pagkawala at hindi sa pagkakaroon.
Enough is always more!
Amen.
Ecclesiastes 1:2; 2:21-23 Psalm 90:3-4, 5-6, 12-13, 14 and 17 Colossians 3:1-5, 9-11 Luke 12:13-21
Tumblr media
1 note · View note
for-d-win · 15 days ago
Text
Memorial of St. Alphonsus Ligouri
Good morning, my dear brothers and sisters! Pakibati naman po ang inyong mga katabi ng GOOD MORNING!
I was a seminarian for thirteen years, nakakulong po ako sa loob ng labing-tatlong taon. And in those thirteen, tinuruan po kami how to really become a priest:
Paano i-celebrate ang Misa;
Paano aralin at basahin ang Holy Bible;
Paano ba mag-Binyag ng bata;
Paano ba mag-sermon or homily
Paano mag-handle ng finances;
Paano magpa-construction…
At nagpari po ako kasi gusto ko lang naman paglingkuran si Jesus at ang sambayanan – I find joy serving Jesus and the people of God. However, here’s the thing…
The seminary did not prepare me for one thing: how to handle rejections and paninirang-puri.
Kasi sa seminaryo, we treat each other as brothers, parang pamilya kaya mababait sa isa’t isa. But when we became priest – akala naming, paglilingkuran lang naming si Hesus at ang tao – little do we know na part pala ng ino-oohan naming sa Diyos ay yung mga panglilibak at hindi magandang masasabi ng tao.
Why am I saying this, my dear brothers and sisters?
We know the many charitable acts of Jesus, correct?
Letting the blind see;
Letting the crippled walk;
Teaching beautiful lessons;
Feeding so many people;
Raising a dead person to life… and the list goes on.
However, despite all these good-intentioned actions of Jesus, what did He receive in return? Listen to our Gospel this morning:
“Where did this man get such wisdom and mighty deeds? Is he not the carpenter's son?”
Kahit anung ganda ng ginagawa mo? Kahit anung pagmamahal ang ilagay mo sa project mo, please remember that many people will try to intentionally find mistakes within you at ang mas masakit, naghihintay lang sila sa iyong pagkadapa, naghihintay lang sila sa susunod mong blunder para masiraan ka or mahatak ka ulit pababa.
And remember, hindi lang ikaw yan – Jesus experienced it first. And can you recall, “Jesus came to his NATIVE PLACE…” Yung mga tumutuligsa sa kanya, mga KABABAYAN niya, one of his VERY OWN. Kaya siguro, mas doble ang sakit.
However, how did Jesus handle such rejections and slanders? Did He sob or succumbed into sadness because of the pain? NO!
Listen again: “He did NOT WORK many mighty deeds there because of their lack of faith.”
Marunong kumilatis at mamili si Hesus kung anung mga bagay ang papasukin niya sa tenga niya. We can hear Jesus almost saying, “Ayaw niyo sa sinasabi ko… OK, fine. I’ll leave you be. I’ll NOT WORK MANY MIGHTY DEEDS HERE.”
In the same manner, let us also be discerning on which matters will we bring our attention and which we will shrug away. Sabi nga po ng Spiritual Director ko, “‘Pag may construction – jackhammer or drill na maingay, anu gawa mo? Cover your years. Pero kapay may magaling na singer at musikero, anu gawa mo? Pakinggan maigi.
The same – noises that disturb your peace, cover your ears. Genuine comments or constructive criticisms that uplift you and make you learn, listen more.
Let us learn from the saint we commemorate today, St. Alphonsus Ligouri. During his time, he was a renowned lawyer, having lost zero cases in courts for eight years. Until one day, he overlooked an important document or evidence on his desk, causing him to lose a trial.
He was downed by this experience since he established himself as a no-miss attorney. Then, as per my research from Wikipedia, St. Alphonsus heard something deep within him. “Moreover, he subsequently reporting hearing an "interior voice" saying: "Leave the world, and give yourself to me."”
Like Jesus, St. Alphonsus was also discerning, whether he will accept or reject that little voice inside him. But, after deciding to really listen to it, look at what happened, he became a priest, eventually becoming a bishop, eventually becoming a saint. He knows what to rightly listen in his life.
So, this day, may we be DISCERNING with the sounds that we listen to:
Sounds that disturb your peace, make you more angry and grudging, saddens you too much – these are NOISES. And when there is noise, the logical thing to do is close your ears. Take a look at Jesus, after the people “took offense at him – He did NOT WORK many mighty deeds there” – iniwan niya, ayaw maniwala sa kanya. Mga sinasabi nila walang naitulung kay Hesus. Noise.
But sounds that keep your peace, help you be more Christian and more of a man, make you glad ang uplift your spirits – these are MUSIC. And music, good music must be listened to. Just like St. Alphonsus, when he heard that beautiful voice inside him, it brought him peace leading to his holiness and eventually, his sainthood.
Not all that we hear are meant to be listened to. Be discerning. Know when to close or open your ears to the sounds and voices you hear.
Amen.
Leviticus 23:1, 4-11, 15-16, 27, 34b-37 Psalm 81:3-4, 5-6, 10-11ab Matthew 13:54-58
Tumblr media
1 note · View note
for-d-win · 16 days ago
Text
Feast of St. Ignatius of Loyola
Magandang gabi po sa inyong lahat! Pakibati naman po ang inyong mga katabi ng GOOD EVENING!
My dear brothers and sisters, kapag po may finiful-uppan po kayong mga from at tinatanong duon, Religion, anu pong nilalagay or sinusulat ninyo? ROMAN CATHOLIC!
Sa mga nagsusulat po na ang religion nila ay Roman Catholic, alam niyo po ba kung bakit tayo tinatawag na Roman Catholic? Alam niyo po ba big sabihin ng Roman Catholic?
Kaunting Katekesis po:
Kaya po tayo tinatawag na Roman ay dahil ang pinaka-una nating Santo Papa, si St. Peter, tinayo or inestablish niya ang simbahang ipinagkatiwala sa kanya sa Roma. At dahil duon rin niya na-martyr at inilibing – kaya sa kanya ring libingan itinayo rin ang Simbahan ni Kristo. “And I tell you, you are Peter, and on this rock I will build my church.” (Matthew 16:18) We are Romans in a way because our faith is ROOTED IN ROME where Peter was martyrd.
Tayo po ay tinatawag na Catholic, ibig sabihin ay UNIVERSAL, para salahat – for all people and in all places. Kaya, lahat ay pwede maging Roman Catholic kung gugustuhin nila.
However, here’s the thing, my dear brothers and sisters: we call our faith and ourselves as Roman CATHOLIC, but listen to our Gospel this evening: “the good fish, they put into buckets; the bad fish, they throw away.”
“The angels will go out and separate the wicked from the righteous and throw them into the fiery furnace…”
Baka may magtanong po sa inyo sa akin, “Akala ko po ba, Father, tayo ay Catholic, tayo ay universal, pang lahatan – eh, bakit po sad ulo ng panahon, i-segregate, paghihiwalayin ang mga mabubuti at mga makakasalanan?”
Mga kapatid, tama naman po, our faith is Catholic, ang pananampalataya natin ay universal o pangkalahatan – pero tatandaan po ninyo, kahit na gusto ni Hesus na maligtas tayong lahat – nirerespeto niya ang ating kalooban.
Inasmuch that Jesus wants all of us to be saved, please remember that He always respects our FREE WILL!
‘Di ba ganoon ang nagmamahal, nirerespeto ang kagustuhan o kalooban ng kanyang minamahal. Kaya kahit gusto tayo maligtas ni Hesus, ang tanong, ang kilos at pananalita mo ba, ay gusto ring maligtas?
Yes, we are Catholics; yes, our salvation is universal; but out of love for us, Jesus will always heed our will. Ililigtas niya lang yung gustong maligtas.
Kaya nga, ngayon pa lang po – bago dumating yung tinatawag ng Gospel na “END OF THE AGE,” bago pa dumating yung segregation between the righteous and sinners, ngayon pa lang po, magsegregate na rin po tayo:
Learn from the saint we celebrate today, St. Ignatius of Loyola. Pinaka-una niya pong tinuturo sa mga Jesuits:
Lahat ng maglalapit sa'yo kay Hesus - 𝗬𝗔𝗞𝗔𝗣𝗜𝗡 𝗠𝗢. Lahat ng maglalayo sa'yo kay Hesus - 𝗕𝗜𝗧𝗔𝗪𝗔𝗡 𝗠𝗢.
Kung ang isang bagay, halimbawa po, cellphone or online gambling – kinakain na ang oras mo sa maghapon, inaagawan na ng oras yung dasal mo sa Panginoon, baka nilalayo ka na ng cellphone or onling gambling sa Diyos. Anung gagawin? BITAWAN MO.
Kung may isang tao na ang sakit-sakit magsalita at sa tuwing nakikita mo siya, talagang napapakapit ka sa rosary mo sa bulsa at napapadasal ka na, “Lord, andiyan na yung kaaway ko!” Baka yung presensya ng taong iyan, baka yung problemang dulot niya, mas napapadasal ka, mas napapalapit ka sa Diyos: Anung gagawin? MAS YAKAPIN MO.
Sa dulo ng panahon, ihihiwalay ng mga anghel ang mga mabubuti mula sa mga masasama; pero sana, ngayon palang, hinihiwalay mo narin ang mga bagay na maglalayo s aiyo sa Diyos at yakapin ang mga bagay na maglalapit sa iyo sa Kanya.
Amen.
Exodus 40:16-21, 34-38 Psalm 84:3, 4, 5-6a and 8a, 11 Matthew 13:47-53
Tumblr media
0 notes
for-d-win · 21 days ago
Text
17th Sunday in Ordinary Time
Magandang umaga po sa inyong lahat! Pakibati naman po ang inyong mga katabi ng GOOD MORNING!
Mga kapatid, pakitaas naman po ang kamay: sino po sa inyo dito ay may ipinagdarasal o may hinihingi o may wini-wish mula kay Jesus ngayon?
Sa mga nagtaas po ng kamay: gaano katagal niyo na po iyang hinihingi or pinag-pray iyan kay Lord?
Sino po dito yung araw/days pa lang ang binilang mula nung pinagpray niyo yan kay Lord? Sino po dito yung ilang weeks nang lumipas mula nung hiningi niyo po iyan kay Lord? Sino po dito yung months na ang binilang kakahingi kay Lord? Or Sino po dito yung ilang years nang nagdarasal o humingi kay Lord pero hindi pa rin binibigay?
Why am I asking you this question?
Kasi, nahihirapan po akong pagtagpuin yung sinabi ni Hesus sa ating Ebanghelyo sa araw na ito. Anu po ang sinabi niya?
“Humingi kayo, at kayo’y bibigyan; humanap kayo at kayo’y makasusumpong; kumatok kayo, at ang pinto’y bubuksan para sa inyo.”
Paano ko po eexplain dun sa mga nagtaas ng kamay kanina, paano ko po sasabihin dun sa mga taong taon, buwan, o ilang linggo nang nagdarasal at humihingi kay Hesus yung sinabi na, “Humingi kayo, at kayo’y BIBIGYAN!”
Lord, ang simple nung formula eh: HUMINGI = BIBIGYAN. Eh paano po yung mga parishioners ko, ilang araw, ilang linggo, ilang buwan, at yung iba, ilang taon nang HUMIHILING s aiyo pero bakit HINDI PA RIN SILA NABIBIGYAN?
Pakiwari ko po, parang nagsisinungaling tuloy sa atin si Hesus. ‘Di ba, ang simple: Humingi ka at ika’y bibigyan. Humihingi ka naman, araw-araw pa nga – pero bakit hindi nangyayari yung MABIBIGYAN.
Alalahanin niyo na lang po noong maliit pa po tayo – gusto natin ng tsokolate, gusto natin ng candy, gusto natin ng sitsirya, pero ano ang binibigay po sa atin ng ating mga magulang? Gulay, prutas, oatmeal. Ito lang po ang tatandan Ninyo – kung nagdarasal ka, kung HUMIHINGI ka PERO HINDI PA RIN BINIBIGAY, isa lang po ang ang ibigsabihin: MALI PA PO TAYO NG HINIHINGI SA DIYOS!
Sinong magulang ang magbigay sa anak niya ng candy o chocolate na makakasira sa ipin niya? ‘Di ba wala – kasi ang magulang laging binibigay lang ang MAKAKABUTI sa kanyang anak.
Kung mali-mali ang hinihingi sa akin ng anak ko – hindi ko ‘to ibibigay kasi makasasama sa kanya. Kaya mga kapatid, kahit ilang taon, buwan, linggo, o araw na kayong nagdadarasal o humihingi sa Diyos, pero mali naman ang hinihingi Ninyo – hindi Talaga po niya maibibigay sa atin – dahil ang nais niya lang ibigay, mga bagay na makabubuti sa atin.
Parang ‘yung karanasan ko po: gasgas na po ito, lagi niyo na pong naririnig ito sa akin.
Thirteen years po akong nagging seminarista; thirteen years rin po akong nakakulong sa seminary.
Noong nakagraduate at na-ordain last 2021 – hulaan saan ang aking first assignment bilang pari? Balik ulit sa seminaryo para magturo sa mga bata.
Gustong-gusto kong tuklasin yung mundo at i-share sa maraming tao yung mga natutunan ko sa loob ng seminaryo – ‘yun pala, ibabalik lang ulit ako sa loob.
Bawat araw po na nasa seminaryo ako, humihingi ako ng Parokya kay Lord. Anu nga po yung Gospel natin: “Humingi kayo, at kayo’y bibigyan.” Sabi ko, after two years, “Lord, kala ko ba, humingi lang, bibigay mo. Eh, two years na akong humihingi, hindi mo naman binibigay. Nagsasawa na po ako humingi. Suko na po ako.”
After a few weeks, bigla na lang pong may tumawag sa akin, “Fr. Aldwin, gusto mo ba talaga ma-assign sa Parokya?”
Bakit inabot ako ng two years sa kakadasal na ma-assign sa parish? Mali kasi ako ng hinihingi. Hingi ako ng hingi ng parish – ang gusto pala ni Lord na hingiin ko sa ka kanya ay paano SUMUKO! Sabi nga po ng Spiritual Director ko – kung sa unang buwan mo pa lang sa seminary, yung grace of SURRENDER na hiningi po, may Parokya ka na kaagad mula kay Lord.
Kaya tatandaan po, kahit dasal tayo ng dasal, kahit hingi tayo ng hingi, kung mali-mali naman hinihingi natin, malabong ibigay kasi ang gusto lang ibigay lagi satin ni Lord ay yung makabubuti sa atin.
Generous po siya – nagbibigay siya sa mga taong TAMA ang hinihingi!
Kaya nga po, medyo gusto ko lang i-modify ng kaunti yung ating Ebanghelyo:
“Kung TAMA ang inyong hinihingi, kayo’y bibigyan.”
Kaya, para duon sa mga nagtaas ng kamay kanina, na araw, linggo, buwan, o taon na ang hinintay at hindi pa rin binibigay, magtanong: ANU KAYANG GUSTO NG DIYOS NA HINGIIN KO MULA SA KANYA?
Amen.
Genesis 18, 20-32 Salmo 137, 1-2a. 2bk-3. 6-7ab. 7k-8 Colosas 2, 12-14 Lucas 11, 1-13
Tumblr media
0 notes
for-d-win · 23 days ago
Text
Feast of Saint James the Great, Apostle
A blessed afternoon, my dear brothers and sisters!
We are celebrating today, the twenty-fifth of July the feast of St. James the Great. What can we say about this saint?
Well, for one, included in his name already – he is THE GREAT! What a title to behold! For starters, you need to understand, my dear brothers and sisters, such titles, especially in antiquity, are used to distinguish if you have a KATUKAYO or KA-PANGALAN. We know that among the twelve apostles of Jesus, there are two Jameses.
So, to distinguish one from the other, our ancestors in the faith put up James the Great and James the Less. It does not necessarily mean that the former is  more brilliant and the latter is quite slow. No! It might mean the other is older and the other is younger; and, as per my research in Google, James the Great might be taller – not necessarily the more important  James.
However, our Gospel this afternoon teaches us that there is NOTHING WRONG IN BEING GREAT. There is NOTHING WRONG IN GREATNESS. Why? Who is a GREAT person? Let us listen to Jesus.
He said in our Gospel this afternoon: “Whoever wishes to be GREAT among you shall be your servant.” St. James the Great is teaching us this afternoon – be GREAT like me! But he and Jesus reminds us that greatness is not earned from accolades or accomplishment. Greatness lies in the number of people you served. Greatness is earned with the number of people you brought closer to Jesus. Number one that St. James the Great is inviting us today – BE GREAT! BE A SERVANT!
Second thing that we can say about St. James the Great, he was part of Jesus’ inner circle – maraming beses po nating narinig na si Jesus, he will go out and pray at ang lagi po niyang kasama ay sina Peter, James, and John. And one among many instances that James was invited by Jesus is during the Transfiguration – wherein James saw Jesus, “his face shone like the sun, and his clothes became bright as light.”
What’s the significance of this event in the life of St. James? Did you know that he is the first martyr among the twelve disciples? Ang hirap po ng pwesto niya – kasi, at least kung sa twelve apostles kung ikaw yung pang 2nd, 3rd, or 4th na martry – may kaunting tapang ka na kasi nagawa na, nakayanan ni James. Eh, kapag ikaw yung first, salo mo yung kaba – ikaw pinaka-una, wala kang reference sa karanasan ng iba.
However, what could James possibly clung at the hour of his death – remember our first reading: “We too believe and therefore speak, knowing that the one who raised the Lord Jesus WILL RAISE US ALSO WITH JESUS.”
When he saw Jesus shining and radiating during the Transfiguration, when he saw a foretaste of the resurrection – yun ang pinanghawakan niya, na ang mga namamatay kasama ni Hesus, babangon muli at magnining-ning kasama ni Hesus. Second invitation of St. James, the beginning is death – the ending is always RESURRECTION.
Kung hindi pa happy, ibig sabihin, hindi pa ending.
Two invitations from St. James the Great today:
There is nothing with being GREAT – Jesus and St. James is inviting you to be great, but please know, that greatness lies in being a SERVANT of others.
St. James became the first martyr. How did he endure death? He clung on to Christ’s resurrection – the ending for every follower of Jesus is not death, but RISING AGAIN TO LIFE.
Amen.
2 Corinthians 4:7-15 Psalm 126:1bc-2ab, 2cd-3, 4-5, 6 Matthew 20:20-28
Tumblr media
0 notes
for-d-win · 23 days ago
Text
Thursday of the 16th Week in Ordinary Time
Magandang gabi po sa inyong lahat! Pakibati naman po ang inyong mga katabi ng GOOD EVENING!
Mga kapatid, medyo nalilito ako kay Hesus sa Ebanghelyo po natin sa gabing ito. Bakit? Kasi po, if you will notice how I give my homilies or how I preach, I try to use some stories or some contextualization to help explain everything to the people attending the Mass.
Yung parang sa isang maliit na bata, hinihimay-himay ang manok para madali niyang masubo at makain – gayun rin po ginagawa ko gabi-gabi, hinihimay-himay ko po yung Salita ng Diyos para madali rin nating maipasok sa ating mga puso at isip.
However, in our Gospel today, it seems Jesus is intentionally using DIFFICULT-TO-UNDERSTAND PARABLES when teaching the people. Gumagamit si Hesus ng mga malalalim na talinhaga or parables na mahirap unawain. And I, together with his disciples are wondering as to why is Jesus doing such. Sabi ng mga disciples, “Why do you speak to the crowd in parables?”
At ganoon rin po ang ating first reading: can you recall how God appeared and talked to Moses? “I am coming to you in a DENSE CLOUD… the LORD came down upon it in FIRE… while Moses was speaking and God answering him with THUNDER.”
Parang ayaw talagang magpakita ni God: may CLOUDS pa, may FIRE pa, may pa-THUNDER pa!
Lord, bakit naman ganoon: ako, sa preaching, pinadadali ko po sa mga tao – tapos ikaw, parang pinahihirap mo naman silang unawain ang iyong salita. Why is this?
As Jesus said in our Gospel, people “look but do not see and hear but do not listen or understand.” “sapagkat tumitingin sila ngunit hindi nakakikita, at nakikinig ngunit hindi nakaririnig ni nakauunawa.”
Kaya pala gumagamit si Hesus ng malalalim na talinhaga – para matuto tayong maging mapanuri at matuto tayong magtanong. “Uy, ang lalim nung parable ni Jesus ah, anu kaya ibig sabihin noon?”
Gayun din po sa buhay, please know that our everyday circumstance can be used by Jesus as a parable – para maging mapanuri at magtanong tayo kung bakit nangyari iyon. Halimbawa, malakas ang ulang at bumabaha – that can be a parable! Magtanong – ano kayang sinasabi sa akin ng apat na araw ng bumabaha at umuulan? What is Jesus trying to tell me in the rain? Relearn the value of prayer or be generous to those struck by the flood.
Iniwan ka ng nobyo o nobya mo? Mapanuri – bakit kaya nangyari ito? Magtanong – anu kayang sinasabi ni Hesus dito.
Gumamit siya ng mahihirap unawain na parables – hindi po dahil gusto niya tayong pahirapan – kung hindi gusto niya po tayong turuang magtanong-tanong at maging mapanuri kung bakit nangyayari ang mga bagay at tanungin kung anong sinasabi ng Diyos sa mga regular na nangyayari.
Sabi nga po ng isa sa mga patron saint ko, si St. Ignatius of Loyola, “God can be found in all things!”
Kaya nais ko lang pong ibahagi sa inyong ang isang uri ng prayer called EXAMEN!
Padadaliin ko lang po sa inyo ang EXAMEN: bago matulog, itabi po muna ang cellhpone, tapos mag-Sign of the Cross, and then balikan ang maghapon – from the time you woke up up until that moment of prayer – balikan mo lang yung PINAKA-STRIKING MOMENT, yung scenario na talagang naka-affect s aiyo: pinalungkot ka, sinaktan ka, pinasaya ka, pina-excite ka – then ask, WHERE IS JESUS THERE? Nasaan si Hesus sa lungkot, sakit, saya, or excitement ko.
At anung sinasabi niya para sa bukas ko?
Please remember, if Jesus used difficult to understand parables, it’s because Jesus is teaching them to be discerning and curious – so that, they keep on seeking Jesus in their everyday life.
Gayun din po tayo, laging magtatanong kung nasaan si Hesus at kung anung sinasabi niya kahit sa pinaka-ordinaryong pangyayari ng buhay natin.
At mayroon tayong pwedeng panghawakan, from our Gospel Acclamation: “[Father,] you have REVEALED to little ones the mysteries of the Kingdom.”
Nagpapakita ang Diyos sa marunong maghanap. May sagot mula sa Diyos ang mga marunong magtanong.
Amen.
Exodus 19:1-2, 9-11, 16-20b Daniel 3:52, 53, 54, 55, 56 Matthew 13:10-1
Tumblr media
1 note · View note
for-d-win · 25 days ago
Text
Feast of Saint Mary Magdalene
Magandang gabi po sa inyong lahat! Pakibati naman po ang inyong mga katabi ng GOOD EVENING!
My dear brothers and sisters, one scenario struck me in our Gospel for today – may isang eksena sa ating Ebanghelyo ang nakapukaw sa akin sa araw pong ito:
Mary Magdalene was not able to IDENTIFY the Risen Jesus – hindi po nakilala ni Maria Magdalena si Hesus – inisip pa nga po niya, “She thought it was the gardener…” I was asking, bakit kaya hindi niya nakilala si Hesus?
Well, for one, please remember, Mary is weeping in the story, siya po ay nananaghoy, umiiyak – bakit? – dahil kamamatay lang ni Hesus. At gusto ko po kayong tanungin: paano po ba kayo umiyak? Nakamulat po ba kayo? Hindi po, ‘di ba?
Ang isang taong umiiyak, madalas ay nakapikit! Kaya, if ever Mary Magdalene did not identify immediately who Jesus is, is because, her eyes are closed because of her tears, because she is crying.
Pero nagsalita si Hesus eh. Sabi, “Woman, why are you weeping? Whom are you looking for?” Kung nagsalita si Hesus, meaning – dapat nakilala ni Maria Magdalena si Hesus sa boses. Pero hindi pa rin nakilala si Hesus. Inisip pa nga, isa lang siyang hardinero.
When did Mary Magdalene realize that it was Jesus? Kailan lang po napagtanto ni Maria na ang kausap niya ay si Hesus?
When Jesus said, “MARY!” Nakilala lang ni Maria Magdalena si Hesus nung tinawag siya sa kanyang pangngalan. What is this scenario telling us?
Jesus knows us by name. Kilala tayong lahat ni Hesus, alam niya lahat ng pinagdaraanan natin. If we think that we are the ones looking for Jesus, sana malaman mo ang kabaliktaran, araw-araw ka ring hinahanap ni Hesus.
At tignan niyo po – maraming accounts na nagsasabi, si Maria Magdalena ay isang prostitude, may isang account pa po na si Maria Magdalena ay sinapian pa ng seven demons – yet, despite her sinful past, despite her miserable background and history – Jesus knows her by name. Kilala tayong lahat ni Hesus. Tinatawag niya tayo by our own names.
And when Jesus called Mary by her name – in response, what did Mary Magdalene do? She announced to the disciples the GOOD NEWS: “I HAVE SEEN THE LORD!” She proclaimed Jesus is alive – sa kanyang bibig unang nalaman na nabuhay muli si Hesus. Good News, Mabuting Balita ang lumabas sa kanyang bibig!
Kilala ka ni Hesus, alam niya ang iyong nakaraan. Kilala ka ni Hesus, alam niya ang iyong mga kasalanan. Kilala ka ni Hesus, at kahit ganoon pa man, tinatawag ka niya sa iyong pangalan.
Gusto niya rin, tulad ni Mary Magdalene, ikaw rin ang magpahayag ng Mabuting Balita sa iba. Kaya check po tayo – anung uri ng BALITA ang lumalabas sa iyong bibig?
Please remember our first reading: “Whoever is in Christ is a new creation: the old things have passed away; behold, new things have come.” Lahat ng nakakikilala at nakakatagpo si Hesus, nagbabago, bumubuti at gumaganda.
Si Maria Magdalena na dating makasalanan – nagbago, ipinahayag ang Mabuting Balita.
Kung hindi ka pa nagbabago, kung hindi ka pa bumabait, baka hindi mo pa nakatatagpo si Hesus. “Whoever is in Christ is a new creation.”
Sana malaman mo lang po, na araw-araw kang tinatawag ni Hesus sa iyong pangalan, tulad ni Maria Magdalena, upang ipahayag mula sa iyong labi ang Mabuting Balita.
Tanong ko lang sa iyo, anung uri ng balita ang lumalabas sa iyong mga labi?
Amen.
2 Corinthians 5:14-17 Psalm 63:2, 3-4, 5-6, 8-9 John 20:1-2, 11-18
Tumblr media
0 notes
for-d-win · 26 days ago
Text
Monday of the 16th Week in Ordinary Time
Magandang gabi po sa inyong lahat!
Pakibati naman po ang inyong mga katabi ng GOOD EVENING!
Para kanino ba ang mga signs? Para saan ba ang mga karatula?
Mga kapatid, tatanong ko lang po sana, kapag po pupunta kayo sa Maysilo o sa munisipyo – kailangan niyo pa po ba ng signs o ng mga karatula? Hindi na po, ‘di ba? Dahil kabisado niyo na po paano pumunta sa Maysilo, alam niyo na po ang daan.
Kaya nga po, ngayon ko na-gets – para kanino ang mga street signs – para ito sa mga hindi alam ang daan, para sa mga hindi kabisado ang pasikot-sikot, para ito sa mga nawawala o naliligaw – para makarating sila sa dapat nilang puntahan.
Parang sa Japan po – sobrang kumpleto sa signs, pagbaba mo po ng eroplano, kahit hindi ka na po magtanong sa mga Japanese, makakarating ka sa bus or train station, makakarating ka sa taxi bay, sundan mo lang ang mga signs. Pero kung taga-Japan ka, kailangan mo pa ba yung signs, mukang hindi na kasi kabisado mo na.
Kaya ang signs, para sa mga hindi kabisado ang daan, para sa mga nawawala or naliligaw.
And please know, my dear brothers and sisters, sa pagmamahal at kagustuhan ng Diyos na tayo ay hindi mawala, sa kagustuhan niya na tayo ay laging nasa piling niya, everyday, He is sending signs in our lives:
Sign: makulimlim; For: magdala kang payong
Sign: sumasakit ang batok mo; For: magbawas sa karne at mag-exercise
Sign: bumaba ang grade sa isang subject; Why: less cellphone, more for books
May we learn from the example of our first reading: God had already sent ten (10) plagues / signs to the Egyptians – signs to let the Israelites escape. Ayaw pa rin, hanggang sa mamatay yung panganay ng pharaoh, hanggang sa maubos yung kasundaluhan niya sa Red Sea, dahil MATIGAS ANG ULO! Ayaw sumunod, ayaw makinig sa signs! Na naka-sampung paalala na ang Diyos sa kanya.
Parang sa Gospel rin po, the scribes and the Pharisees said, “Teacher, we wish to see a SIGN from you.” Hindi pa ba sapat na si Hesus na ang PINAKA-SIGN na mahal sila ng Diyos, hindi pa ba sapat si Hesus bilang sign na magbago na sila – ang tigas-tigas naman ng ulo nila.
Kaya nga po, anung paalala sa atin ng Gospel Acclamation, anung pinagagawa sa atin ng Diyos: “If today you hear his voice, harden not your hearts.” Simple lang po, SUMUNOD!
Sa taong marunong SUMUNOD, Diyos ay NALULUGOD!
Paalala ko po sa inyo - ang SIGNS ay para sa hindi tayo mawala, ang SIGNS ay para sa mga naliligaw para makarating sila sa patutunguhan.
Sobrang pagmamahal satin ni Hesus, araw-araw na nagpapadala ng signs para hindi tayo malayo sa kanya at lagi nating mahanap ang daan papunta sa kanya.
Kaya, kung tatanungin kita, anu ang mga signs na parang paulit-ulit na dumarating sa buhay mo ngayon? Anu kaya sa palagay mo ang malinaw na sinasabi ni Hesus sa mga signs na ito?
Amen.
Exodus 14:5-18 Exodus 15:1bc-2, 3-4, 5-6 Matthew 12:38-42
Tumblr media
0 notes
for-d-win · 4 months ago
Text
5th Sunday of Lent | Year C
Magandang gabi po sa inyong lahat!
Pakibati naman po ang inyong mga katabi ng, "Good evening!"
My dear brothers and sisters, in our Gospel this evening, someone was caught committing adultery and in the law of Moses, once proven that you have committed adultery, you will automatically be put to death.
Jesus has only one request to those who caught the adulterous woman:
"Let the one among you who is without sin be the first to throw a stone at her."
"Sinuman sa inyo na walang kasalanan ang siyang maunang bumato sa kanya."
And no one threw a stone at her - dahil siguro batid din nung mga nakahuli na makakasalanan sila.
And from our Gospel this evening, I wish to ask you - what's the sin of these people who brought the adulterous woman before Jesus?
Ano pong kasalanan nitong mga nagdala kay Hesus ng babaeng nakiki-apid?
St. John described the scenario as: "early in the morning"
Anong oras po ito sa umaga?
I looked up a Greek bible and the word used for "early in the morning" is "ORTHROU" - meaning, early dawn, daybreak, bukang liwayway, pagsikat ng araw.
And please remember, if you are committing adultery, you're doing it from evenings to mornings - not in the broad daylight.
Anong punto ko lang po?
Para po mahuli itong babaeng ito - ang mga humuli, nagpuyat!
When? Sa pagsikat na pagsikat ng araw!
Hindi natulog, hindi pinikit ang mata makakita lang ng kasalanan, makakita lang ng mali.
Kaya hindi sila nagbato, sa babae - kasi sila mismo, makasalanan.
And what's their sin - FAULTFINDING!
And little do we notice, sometimes, we become like these faultfinders:
- kapag gumagawa ng mabuti ang iba, parang tulog po tayo, hindi natin makita yung kabutihan at kabaitan na ginagawa nila;
- kapag naman gumagawa ng kalokohan o kasalanan ang iba, gising na gising po tayo, mulat na mulat ang ating mga mata para lang may alas tayo sa kanila, para may ipamumukha po tayo sa kanila kapag tayo naman ang siniraan nila.
On the other hand, may we imitate Jesus - although Jesus is the only rightful person to throw a stone at her - he DELIBERATELY CHOSE not to.
Why?
He did not throw because when he looked at that woman, he saw - not the sins - but only the love and the good that is in her heart.
Ang nakita lang ni Hesus sa kanya, ang pag-ibig at kabaitan nung babae!
Kaya hindi karapat dapat batuhin ng batikos at pang tsitsismis.
In the same way, inasmuch the faults and mistakes and shortcoming of other people are very much obvious and visible to our naked eye - may I invite you my dear brothers and sisters - look at them the way Jesus looks at us:
Try to find the LOVE AND GOODNESS in their hearts.
Do not fall to the trap of faultfinding - hindi natin alam, nagkakasala rin pala tayo kakahanap rin ng kasalanan ng iba.
Let the first reading guide us in this renewed way of dealing with our colleagues:
Sabi po dito sa book of Prophet Isaiah:
"Remember not [FORGET] the events of the past, the things of long ago consider not; see, I am doing something new!"
Look for SOMETHING NEW, look for SOMETHING GOOD in others - that is the GAZE of Jesus.
Otherwise, if we focus ourselves with the mistakes and shortcomings of other people - I'm afraid that we are no different from the people who DELIBERATELY CAUGHT that woman, we're no different from them who - talagang nagpuyat, talagang nag-abang sa pagkakadapa at pagkakasala ng iba.
Sakto po, if you will look around, nakatakip na po ang beautiful images and icons of our saints - passiontide.
Parang tinatawag po tayo - tignan mo naman yung beauty, kabutihan, kagadahan ng taong nakapaligid sa iyo.
Can you please take a look at the person beside you?
Nakikita mo na po ba yung kabutihan at pag-ibig sa kanya?
Be like Jesus - be deliberate in finding love and goodness in other people.
Amen!
Tumblr media
0 notes
for-d-win · 8 months ago
Text
Memorial of Saints Basil the Great and Gregory Nazianzen | 02 January 2025
Magandang gabi po sa inyong lahat!
Pakibati naman po ang inyong mga katabi ng Happy New Year!
Mga kapatid, may napapansin po ako sa aking sarili - kapag po ako ay nasa isang fancy coffee shop, biglang po akong napapa-ingles at parang may pagka-slang pa!
"Can I have a venti iced peppermint mocha, please?"
Sa pang-araw-araw kong buhay, nakakapagtagalog naman po ako. Nakakusap niyo naman ako sa Filipino at hindi Ingles pero bakit kapag nasa mamahaling restaurant o kapihan napapa-Ingles na?
Na tila baga, ayaw kong makita na ako'y mahina, ako'y slow - gusto ko makita ng iba na kaya kong makipagsabayan kahit ibig sabihin nito, magpapanggap muna ako.
Sa kagustuhan po natin na magmukhang mahusay, magaling, ayaw mapagiwanan, minsan nagkukunwari, nagsisinungaling - ayaw umamin ng kahinaan.
Sa bagong taon na ito, tinuturan po tayo ni San Juan Bautista sa ating Ebanghelyo kung paano umakto sa bagong taon - maging totoo sa ating mga sarili.
Paano ito tinuro ni San Juan Bautista?
In our Gospel, we heard people were asking John the Baptist, "Who are you?"
At this moment of the story, medyo sikat na po si John the Baptist - having thousand of followers - and many of them believe that John is their liberator, their savior, yung magpapalaya po sa kanila mula sa pagkakasakop sa mga Romano.
John could have lied - pwedeng magpanggap na lang siya, "Oo, ako ang mesiyas, ako ng tagapagligtas niyo!"
Sikat na siya eh at paniniwalaan ng marami, but how did he answer the question, "Who are you?"
"I'm not Elijah, I'm not THE prophet, I am simply here preparing the way of the Lord!"
Ako lang ang tagpaghanda ng daraanan ng Panginoon.
The challenge for us?
Just be you!
Si John the Baptist, even though he is popular, did not demand the attention of the people to him rather he simply admitted that I am only here to prepare, to make popular Jesus.
Hindi mo na kailangang pagtakpan kung sino ka kasi who you are is your mission to Jesus. Kung ano at sino ka ngayon, ganyan ka hinulma ng Diyos at kung ano at sino ka, sapat na - hindi mo na kailangan magpanggap pa! Okay ka na!
At kung sino ka, ginagamit ng Diyos para sa misyon niya sa iyo. Just like the Saints we celebrate today - St. Basil and St. Gregory.
Who and what they are are their service to Jesus.
They are brilliant, they are smart - kung ano at sino sila, ginamit nila para paglingkuran ang Diyos, ginamit ang talino para ipagtanggol ang pananampalataya mula sa mga kumokontra sa atin.
Kaya ikaw, ano at sino ka? Baka yaan ang paraan upang mapaglingkuran ang Diyos. Hindi na kailangan magpanggap, hindi na kailangan magkunwari o pagtakpan ang iyong kahinaan.
Si Juan, inamin kung ano lang siya - tagapaghanda ng daraanan ng Panginoon.
Sana kaya rin nating tanggapin ang ating mga sarili.
Amen.
1 John 2:22-28 John 1:19-28
Homily delivered at San Felipe Neri Parish
Tumblr media
0 notes
for-d-win · 8 months ago
Text
Anniversary of the Dedication of the Manila Cathedral 2024
Magandang gabi po sa inyong lahat!
Mga kapatid, I wish to ask you, naabutan niyo pa po ba yung mga panahong tatawag tayo sa radio station at magrerequest ng kanta?
Ewan ko po kung totoo, pero sabi lang po ng ilang mga nakatatanda, ganun raw po ang ligawan dati.
Nung natapos na yung era ng harana, naging song request sa radio naman.
At tatanungin ko po kayo, ano po yung sinasabi ng disc jockey or DJ bago i-play yung kanta?
"This song is dedicated to..." "Ang awiting ito ay alay kay..."
Na kahit marami po tayong nakakarinig sa isang kanta sa radyo, hindi natin maiaalis na yung kantang naririnig natin, hindi yan para sa iyo kung para sa isang tao lamang -
doon sa isang tao na inalayan or dedicated iyan!
Bakit ko po ito kinukwento sa inyo?
Because today we celebrate the Anniversary of the Dedication of the Mother Church of our Archdiocese, the Manila Cathedral.
When a church is dedicated, like the Manila Cathedral, it is like the song dedication on the radio - if that song is for a particular person only - the same, that Church is for a particular Person as well.
The structure, the walls, the lights, the altar of a church - when they are all dedicated - wala na pong ibang silbi at gamit iyan kung hindi para sa ikapupuri ng Diyos.
I remember, one professor in the seminary taughtt us in the past - kung magiging stricto raw siya, if a church is dedicated already, wala nang ibang purpose yan but to worship God.
Ergo, ang mga party, ang mga concert, hindi SANA pwede sa church.
Kasi dedicated na yan, may particular purpose na iyan.
That's why I would understand why in our Gospel for today, we heard Jesus:
"made a whip out of cords; drove them all out of the temple area; spilled the coins of the money-changers; and overturned their tables!"
Saan nanggaling yung inis po niya? Na ang templo o Tahanan ng Kanyang Ama ay ginamit sa iba't ibang purpose.
It is DEDICATED to worship and talk to God but they used it as a marketplace!
Remember from our first reading, from the book of Kings, King Solomon said, "Listen to the prayer that your servant will offer in this place."
The Church is dedicated for the SOLE PURPOSE of worshipping and conversing with God.
The feast of dedication of a Church is important in our faith - we celebrate it and even sing Gloria for it - because it tells us that we have a God who is faithful and always reaches out to us.
Na mayroong Diyos na nagregalo sa atin ng mga simbahan para makausap natin lagi Siya.
But remember, in the letter to the Corinthians, St. Paul reminds us, "Your body is a temple of the Holy Spirit."
Simbahan, templo ka rin na dedicated sa Diyos - wala na po tayong ibang purpose or silbi kung hindi ang, "to seek him, to know him, to love Him." (CCC #1)
That's why, now that we commemorate the anniversary of the dedication of our Cathedral, may we ask ourselves, how much of my LIFE has been dedicated to God? How many purposes have I put for it? Or am I confident to say that my life's SOLE PURPOSE is to seek, know, and love Him?
May the patroness of the Cathedral, Immaculate Concepcion, help us with her purity to dedicate our lives too, solely for the greater glory of God.
Amen.
1 Kings 8:22-23, 27-30 John 2:13-22
Homily given at San Felipe Neri Parish
Tumblr media
1 note · View note