#Hindi ka pangit mahal kong kaibigan!
Explore tagged Tumblr posts
Text
SP002: make the world know (you're my girl)
Pairing: Jenica x Jeremy from You Make Me Sick
Other Characters: Lorraine
Prompt: Jealous Jenica
Merry Christmas and happy holidays! Ito na yung promise kong special ficlet sa inyo. Thank you for reading and loving YMMS, especially for being patient in waiting for this ficlet. Enjoy! 🫀
Minsan hindi makapaniwalang boyfriend na ni Jenica ang taong kinamumuhian niya. He also happens to be one of the most attractive doctors in the hospital. It feels like a blessing and a curse.
Jenica and Lorraine are walking to the cafeteria for their lunch. Jenica spots a familiar built at the entrance of the cafeteria. That was her boyfriend talking to a really attractive and sexy female doctor. The woman was chuckling and caressed Jeremy's biceps, which made Jenica's stomach flip. She caught Jeremy smiling at the lady. Now, she wants to throw up so bad.
As much as she wants to grab the lady by her hair, she stopped herself. Hindi siya pwedeng magpaka-squammy dito sa ospital ngayon at baka matanggalan pa siya ng trabaho. But she can't deny that it didn't feel good watching him laugh with someone prettier than her. It made her feel sick.
Nilagpasan na lang nina Jenica at Lorraine ang dalawa. Hindi na lang ito pinansin ni Jenica. Baka pagkain lang ang sagot sa nararamdaman niya. Sana nga, pagkain lang.
Nakakuha na sila ng pagkain at lahat-lahat, hindi pa rin maipinta ang mukha ni Jenica. "Teh, ayos ka lang ba? Ayaw mo ba nung pagkain mo?" tanong ni Lorraine.
Kunot-noong umiling si Jenica. "Wala 'to. H'wag mo na lang pansinin." Kumain na si Jenica kahit na masama pa rin ang loob niya. Kanina pa niya inaabangan si Jeremy na pumasok sa cafeteria.
She thought that when he sees her, he would immediately follow her inside. Boy, she thought wrong. A few minutes later, pumasok na sa cafeteria yung kanina pa niya hinihintay. She looks like a lovesick puppy with what she's doing and she doesn't care anymore. Si Lorraine lang naman ang nakakakita sa kanya.
"Ay, kaya pala parang nagusot 'yang mukha mo, teh!" sabi ng kaibigan niya.
"Kilala mo ba yung kausap niya kanina?"
Napatigil sa pagkain si Lorraine at napaisip. "Isa yata 'yon sa mga bagong intern na doktor. Hindi ko lang alam kung anong specialization no'n."
Tumango-tango si Jenica. Napansin niyang naglalakad papunta sa kanila si Jeremy kaya umiwas na siya ng tingin dito.
"Ay, papunta na rito si Sir Dok! CR lang ako," paalam ni Lorraine. Pipigilan pa sana ni Jenica ang kaibigan pero hindi na siya nakaangal pa.
"O, saan pupunta 'yon?" bungad ni Jeremy sa kanya.
"CR," maikling sagot ni Jenica.
Nilapitan ni Jeremy si Jenica para halikan ang pisngi niya pero umiwas lang siya. Alam na nito agad na may problema. "Ryl, what's wrong?" malambing nitong tanong. Nang hindi niya pansinin ang lalaki ay hinawakan nito ang baba niya saka iniharap sa kanya. "Baby, tell me what's wrong."
"Wala."
Jeremy kissed her hand. "Come on. It's obvious you're angry. Please tell me what I did to upset you," paglalambing niya. He ended it with another kiss on her hand.
Come to think of it, Jenica thought it was ridiculous this time. Mas lalo lang siyang nahiya sa inasta niya dahil lang sa selos. Ang pangit pala sa pakiramdam ang magselos. "Pagtatawanan mo lang ako kapag nalaman mo," nahihiyang sabi ni Jenica.
"What is it then?" He was still holding her hand, never letting it go unless he's sure that she's already pacified.
She let out a thin sigh. "Ang gwapo mo kasi masyado," reklamo ni Jenica. She could see him smirk from her peripheral view.
"And what about it? This handsome face is yours." She rolled her eyes at how good he was with his words.
Pumasok sa cafeteria yung babaeng kausap ni Jeremy kanina sa labas ng cafeteria. Bumalik na naman ang hindi maipintang mukha ni Jenica. That was when Jeremy understood what was happening.
He stole Jenica's attention by holding her chin and making her face him. "You are the most beautiful woman in my eyes, kahit na gusot na gusot na naman 'yang mukha mo. Ikaw ang mahal ko, Airylle Jenica de Leon, soon-to-be Ylagan." He ended his spiel with a kiss on the forehead. "Don't be jealous anymore, hmm?"
Jenica's face softened. It felt like all her jealousy faded away. He sure knows what to say. Hindi nito alam na isang halik lang sa kanya, mawawala na agad yung selos na nararamdaman niya.
Oh, to be loved by Jeremy Ylagan is probably the best feeling in the world.
"Are we okay now?" he asked. Tumango naman si Jenica. "Alright, I have to go now. Liam is probably looking for me."
"Hindi ka ba kakain ng lunch?" Jeremy smiled at how she worried about him. It's the most adorable thing for him in the world.
Umiling ito. "Kumain na ako, Ryl."
"E anong ginagawa mo rito sa cafeteria?"
"I just made sure you'd actually have lunch. I was actually waiting for you earlier then I bumped into one of the interns." Ahhh, maybe that girl from earlier. "Sige, kain ka na. I'll see you later."
"Alright. See you later."
Jenica watched him walk towards the cafeteria door. Halfway from the door, he turns back again and shouts, "I love you, Jenica!" She was so stunned at his loud proclaimation that even the entire cafeteria heard it.
Now, everybody's staring at her. Jeremy just stood there like he was waiting for something. When she didn't say anything, Jeremy repeated, "I love you, Jenica!"
Ramdam na ramdam na ni Jenica ang pagtaas ng dugo niya sa mukha. Sobrang namumula na siguro siya. Paano ba siya hindi mahihiya nito e lahat ng tao sa cafeteria, nakatingin sa kanya?
"Argh! Just say it back already!" Lorraine complained, coming back from the restroom.
Iyon ba yung hinihintay ni Jeremy? "I love you, too," mahinang sabi ni Jenica.
"Hindi kita marinig."
"Sabi ko... I love you, too!" frustrated na sigaw ni Jenica.
"That's more like it," he said like he's so proud of his girl. Nakangiting naglakad palabas si Jeremy. Samantalang naiwang namumula si Jenica.
"Hay nako. Ang lalandi!" komento ni Lorraine.
10 notes
·
View notes
Text
Isa Kang Rosas, Na Minahal Ko Rin Paglipas ng Panahon
Aminado akong mas maingay pa ako sa pangkaraniwang lalaki. Na sinumbong ng guro ko noong nasa pangatlong baitang ako na ang daldal ko raw at ang tatay ko naman, sinermunan at sinabon ako nang maigi pagkatapos niyon. Na dapat ang mga lalaki ay hindi madaldal at hindi maingay. Anong magagawa ko kung gusto kong mag-ingay at dumaldal.
Makulit, pasaway, madaldal, tsismoso pa sa mga babae. Batugan, hindi palaaral at wala yatang magandang nagawa sa paaralan kundi puro laro at pagbubulakbol. Hanggang sa nagbago nang kaunti ang takbo nang magkagusto ako sa isang babae noong nasa highschool. Sa maniwala kayo o sa hindi, kahit sabihing gustong-gusto ko siya at mahal ko na siya pagtungtong namin ng kolehiyo ngunit anong lupit yata ng tadhana, tinutukso ako.
Wala naman talaga akong pakialam kung di lang nayanig ang mundo ko nang may isang babaeng lagi na lang nakabusangot kapag nakikita ako o kapag nasa paligid ako. Umaalis ka kaagad kapag nasa malapit ako. Nararamdaman ko na naiingayan ka sa akin at nakompirma ko din na naiirita ka sa malakas kong tawa. Gumugusot ang ilong mo kapag nagbitiw na ako ng mga jokes na bagama’t corny at di naman katawa-tawa ay proud na proud akong bigkasin at ibahagi noong kabataan. Nahuli ko ang pagbuga mo ng hangin noong humarap ka na sa kaibigan ko na kaklase natin. Noong ako, nanigas ka at nangungunot ang noo. Ang taray-taray ng mukha mo. Seryuso, bakit sukdulan yata ang pagkadisgusto mo sa akin? Ano ba ang ginawa kong mali?
Kung hindi lang sinabi ng kaibigan kong kapares mo sa sayaw, hindi yata ako magigising noong nagkita ulit tayo. Sa pangalawang pagkakataon. Hinihilom ko pa ang sugat ng pagkawala ng unang babaeng naging malapit sa aking puso, na hindi ko kadugo. Ang babaeng parte na lamang ng kabataan ko na hindi ko na makikita pa. Binawi na siya ng kalangitan at ilang taon rin ang nilakbay ko, kasama na ang pagbabago ko at pananaw ko sa mundo.
Ganoon ka pa rin noong nagkakilala tayo. Mataray tingnan lalo na kapag hindi ka nakangiti. Hindi ka pa naman nakangiti lagi. Inoobserbahan kita sa malayo. Nagbabago ang ekspresyon sa mukha kapag nagbabasa ka sa libro. Kahit na may lalaking gustong lumapit sa iyo ay binabalewala mo dahil tutok ka sa mga librong binabasa mo at doon ko lang din nadiskubre na lumalambot pala ang ekspresyon sa mukha mo kapag nagbabasa. Nakakatawa at nakakangiti ka kapag andiyan ang matalik kong kaibigan na babae at lalaki. Hindi ko alam kung bakit may kaunting kudlit kapag nakangiti ka sa kaibigan kong kagaya kong maingay rin kahit kalalaking tao. Bakit ganoon? Bawal ang kahit ano mang bago kong nararamdaman sa kahit sinong babae na lumgpas sa pagiging kaibigan dahil may kasintahan ako. At mukhang gusto ka rin ng kaibigan ko kaya hinayaan ko na lang.
Hinayaan ko na lang ang nangyayari kapag nasa paligid ka lang. Hinayaan ko lang ang mga mata ko minsan na purihin ang kagandahan mo. Ang lihim mong mga ngiti at ang mga mata mong tumitingkad kapag may bago kang librong nahihiram sa library. Masisisi mo ba ako kung lagi kita nakikita pagkat lagi kayong magkasama ng kaibigan kong babae? Kaya ko bang makapagsinungaling sa mga kaibigan ko at sabihing ang pangit ka pero iba naman ang sinasabi ng mga mata ko? Hindi naman ako bulag o nagbubulag-bulagan lang.
Hanggang sa umabot sa puntong ikaw ang ang hinahanap ng mga mata ko dati kahit na bawal. Kahit na mali. Kahit na alam kong may kasintahan ako. Sumemplang lang talaga ako noong ikaw ang ginawa kong representate sa section natin para sa isang patimpalak at galak na galak ako noong manalo at ang sumama ang loob niya. At ikaw pa ang napagbuntunan ng selos niya. Oo, selosa siya pero natatakot ako kung ano ang maiisip mo kung nasagap mo ang pagkadisgusto niya sa iyo sa patimpalak. Na baka mas lalo kang lalayo.
Na totoo namang nangyari. Minahal ko talaga siya. Alam ko. Nasa iisang unibersidad lang tayong dalawa. Alam kong may mga klase na magkaklase tayo at sinisikap kong ignorahin ka kahit sa jeep dahil masyado na akong lunod na lunod sa panahon na iyon. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Hanggang sa iniwan na niya ako. Hindi ko na siya mahahawakan at makikita pa. Matagal kong tinanggap ang nangyari at nagbago.
Matagal makalimutan ang mukha mo. Kilala ko ang katarayang taglay ng mukha mo ngunit alam ko na busilak ang puso mo sa kaibigan mo. Sa matalik ko ring kaibigan. Malakas ang dating ng presensiya mo sa akin noon pa lang kaya kahit ilang taon na ang lumipas kilala ko ang likod mo. Ang iyong postura kapag naglalakad kasama ang matalik kong kaibigan. Nang kilalanin kita, sa jeep bilang konduktor at bilang kapitbahay ng Tita ko, alam ko kung gaano ka kabait. Akala ko lang mataray ka. Aminado naman akong masyado ko nang kinokontrol ang pangyayari noon para sa kaibigan nating dalawa na mahal naman ang isa’t isa.
Hanggang sa paglipas ng panahon, pinoprotektahan mo pa rin siya at ako nama’y isa na namang siraulo sa paningin mo. Ngunit hindi ko pala akalain na sa mga samu’t saring reaksiyon at ekspresyon pag malapit ako sa iyo ay isa palang lihim na mabubunyag. Tila lumaki ang ulo ko ngunit makapal na sa makapal, aaminin kong may bahagi dito sa akin na tuwang-tuwa. Kulang na lang tumalon ako at sumuntok sa hangin.
Nagulat ako. Nawindang. Tila ba sinampal ako ng katotohanang itinago ng utak ko at ngayon ko lang nalaman ang misteryo kung bakit. Kung bakit hinahanap ka ng mga mata ko. May guilt sa akin noong nararamdaman ko iyon at pilit na iwinaglit. Nagtagumpay ako ngunit ngayon pala’y bumalik. Hinayaan ko na lamang ang sarili ko na tangayin. Papalapit sa iyo. Mukha akong ulol na pilit ka hinuhuli at aminado akong gago na tuwang-tuwa pa sa ginagawa ko sa iyo pero sinong makakatiis kung nakikita kitang namumula ang mukha? Iniikot ang mga mata pag nasa malapit lang ako? At wala kang pakialam kung makita kita na buhaghag ang buhok dahil bakit pa? Kung totoong maganda ka at maganda rin ang kalooban mo.
Makulit. Pasaway. Masakit sa ulo. Ganoon yata ako sa iyo kapag binibisita kita. Bakit pa? Palalampasin ko pa ba ang pangalawang pagkakataon? Hindi ka na gusto ng kaibigan ko. Kaya hinayaan ko kayo. Kahit na asar na asar ako na masaya ka pa noong magkapares kayo sa sayaw noon. Ako dapat iyon pero kailangan kong magpigil dahil napansin na rin ako ng matalik ko na kaibigan na nakatuluyan ng matalik mo ring kaibigan. Malansa na ang amoy ko pagdating sa iyo, highschool pa pang kahit pa sabihing kami ng dati kong kasintahan. Mali. Mali talaga noon.
Ngunit ngayon? Mapapalampas ko ba? Kung nasa malapit ka lang? Kung nalaman ko na ako ang lalaki sa nobela mo? Kung dati pa lang malakas ang presensiya ko sa ‘yo? Makapal na kung makapal. Magpapahangin ako. Gusto kong sabihin na nandito na ako. Bakit pa natin patatagalin ang lahat? Gusto kong ituloy ang nadiskubre ko sa sarili ko.
Totoo. Gusto kong mag-alay sa iyo. Kahit korny. Kahit patay na patay ako sa iyo kahit na bagong gising ka pa lang at umaandar na naman ang katarayan mo. Gusto kitang pagawan ng rebulto. Ang kagandahan mo na pinagsamang katalinuhan ni Athena at kagandahan ni Aphrodite. Patay na patay ako sa iyo na mistula na akong buntot mo pero aminin mo natutuwa ka? Alam ko ang tunay mong ngiti. Na sa wakas, nahuli ko rin ang kiliti mo.
At alam mo ba kung kailan ko naisip na pakasalan kita? Na ikaw na ang babae na ihaharap ko sa altar? Na ikaw lang ang babaeng magiging ina ng mga anak ko? Na ikaw lang ang babaeng gusto kong mag-asikaso sa akin? Na ikaw lang ang babaeng kaya akong sipain palabas ng kuwarto pag nag-away tayo na huwag naman sana mangyari. Alam mo ba?
Noong dumating ka sa kompanya. Dala-dala ang pagkain para sa lunch. Masyado kang maganda. Isang diyosa na bumaba sa lupa upang bigyan ng pansin ang isang makasalanang mortal. Walang ibang nasa utak ko, ikaw lang at gusto kitang pakasalan kahit bago ko pa nalaman na lihim ka ring may nararamdaman sa akin. Gusto muna kitang hayaan at ikaw na mismo ang lalapit at tatanggap sa nararamdaman ko para sa iyo.
Nang tumugtog ka sa harap ko ng violin. Lihim akong tumangis, sa saya at galak. Masyado yata akong sinuwerte sa buhay at nandito ang isang babaeng minahal ako at tanggap ako kung ano ako. Isang lalaking handa siyang mahalin at alagaan.
Ngayo’y hindi mapuknat ang mga ngiti ko sa labi. Bakit naman ako iiyak kagaya ng ibang kalalakihan pag ikinasal? Masaya ako dahil nandito na ang diwata at diyosa ng buhay ko, naglalakad at handa akong makasama habangbuhay. Napapailing na lang sa gilid ang dalawa kong kaibigan dahil alam nilang wala na talaga akong kawala.
Isa kang rosas. May tinik noong una at nahihiya pang ibuka ang talulot hanggang sa hinintay ko lamang ang pagbuka at ang kagandahan mong alam kong matagal mo nang taglay, sa panloob at panlabas. Sa paglipas ng panahon, sa’yo pa rin pala ako patungo.
Pangako, sa hirap at ginhawa. Mananatili ako sa tabi mo.
Mahal na mahal kita.
Sa harap ng altar.
Sinusumpa ko na ikaw lang.
Habangbuhay.
1 note
·
View note
Text
Nalaman ko lang from someone na akala niya may iba ako last time. How can I even do that eh sa lahat ng kilos ko siya yung iniisip ko? Baka naman sinasabi niya yun dun sa kaibigan niya para lang mag mukang mahal niya ako. Mahal ba yung ganyan? Sasaktan ka physically, verbally at mentally? Paulit ulit kong pinag iisipan kung totoo ba na hindi niya ako mahal. Na kaya ba ganon yung mga kilos niya? Ako yung last priority, hindi iniisip kung ano yung mararamdaman ko at patuloy na hindi palikinig sa mga payo ko. Ganun ba siya mag mahal? Tsaka kya naman pala sinasabihan akong pangit kasi nandidiri siya sakin. Dahil ba sa mataba ako? That I don’t look like the person he like? Na hindi ko na kamukha yung dating ako? Nakakapagod na mag isip. Sana matapos na to. Gusto ko nang mag pahinga.
0 notes
Text
2022
Halo-halong emosyon at pakiramdam ang dala ng taong ito. Thesis ang nagsimula ng taon kong ito. Pagod, stress, breakdown pero at the end, nag wagi naman. Salamat.
After thesis kabi-kabilang job applications na puro rejections pero at the end, natanggap naman ako as programmer, maliit nga lang sweldo pero atleast masaya ako (noon ata).
Election. Nawalan ako ng mga kaibigan dahil dito. Well, ok lang. HAHAHAHAHAHA Goodluck nalang sating lahat. Ginusto niyo yan eh.
Heart break. Mahirap pala nuh. Grabe iniyak ko dun kasi feeling ko I'm a looser. Pangit. Bobo. (Well, totoo naman?. Chariizzz)
Graduation. Ang sarap sa feeling kasi sa wakas nakapagtapos din. After so mang years of waiting. Congrats self. Dika bobo.
Regularization and promotion. Ginalingan. Sobrang proud ako dito. Naging masaya ako sa work ko. Hindi toxic. Masaya ang environment.
Dancing Career. Hahahaha oo kasama to syempre. As an artist (amfeeling) isang malaking achievement lagi ang makapagperform sa harap ng maraming tao. Magartista nalang kaya talaga ako? Kidding aside, umalis nako sa church at iniwan ko na dance ministry. Walang paa-paalam. Ayoko na eh. Dinako masaya.
Heart break ulit. Tanga banaman. Nagkagusto kasi ako sa kawork ko na kakabreak lang sa jowa. Pinormahan ko. Ayun nagkamabutihan. Tas eto ka na nga, nagkabalikan sila. Fota. Iwan ang ferson. Magkatabi pamandin kami table. Forda resign nalang kaya? HAHAHAHA jk. Mahal ko trabaho ko.
Haayyysss di pa tapos ang taon na to. Pero hoping na sana wala nang kahit anong klaseng heart break sa 2023. Sana sumaya naman ang puso ko ng totoo.
Haaayyysss. Daming ganap nuh. Pagod nakooooooo.
0 notes
Text
Prologue Previous
Come down that tree! (An aftermare story)
Chapter 8: Hindi ka pangit mahal kong kaibigan!
Something was tingling his nose. Nightmare groaned before cracking open an eye-socket and falling nose to nose with his twin's face, far too close to his. He somehow looked really smug and was holding a blade of grass, he probably used that to bother his nose and that's what woke him up.
"What…"
Dream instantly shushed him, smile going wide and body almost vibrating from barely contained energy. What was happening? The dark twin tried to remember the last time he was greeted from sleep in such a strange way. His fuzzy mind summoned some distant memory about a "really cute squirrel who somehow fell asleep on his lap and that should not be awakened" and he glanced to his lap. There was resting the snoozing head of their “guest”. Gears turned slowly inside his mind and due to an inability to properly compute any information so early in the morning, Nightmare just huffed and looked back at his brother as if everything was normal.
“You think you can get us something good for breakfast ‘m kinda hungry?”
Dream just nodded and went his merry way to the village but he still saw the shine in the goldenish eyes. That little-
He will let this slide because the other guardian finally looked happy again and maybe also because he was beyond exhausted. Maybe. He didn’t even remember falling asleep last night.
Now about his lap’s situation… Should he move him?
He didn’t move him.
What would be the point? All he risked was to wake the other up. When he was probably just as tired as him. What if he somehow woke up half panicked again? Would he be able to be left unharmed this time? There was no cute animal on his lap.
A menacing ticking bomb at best.
The future exploding engine stirred a bit and Nightmare tensed.
Do not move.
May the train of panic go back to its station without his passenger.
“I GOT DONUTS!”
Nightmare silently cursed his twin and surveyed the result of the shout with a wary eye. The sleeper uncurved from his asleep posture and gazed upon the surroundings.
Geno didn’t even seem to react upon realizing his position and just sat up against the tree, all while rubbing away the tiredness of his face.
Dream sat in front of them and started to share the various pastries stored in a basket he brought back from down the hill without a care in the world.
They ate together, ignoring for a blissful moment all the turmoil from the last days. Nightmare cut half of his sugary treat to nimble on it, pondering over his feelings over the whole situation. He could see on one side his brother eating far too quickly as usual -he was going to choke anytime soon now- and on the other side Geno treated the food as if it was something incredibly precious… Was he eating enough? Spirit guardians didn’t need that much food to go on. Honestly, a sunny day was almost as filling as a big meal and they only ate sometimes as a treat.
The monsters in his books seemed to eat at least once a day, unless they were on some sort of adventure. He eyed up and down their guest. Hard to say when a skeleton was malnourished. But his bones’ dull color and… “melted” eye socket didn’t offer him the image of a healthy individual…
A part of him refused to even worry about the one who scared and endangered him so much recently. How dared he call him soulless… It hurted. A lot. It wasn’t the first time he had been accused of such a thing and he would have lashed out -or fled- if not for the sad sight he had had before him. Geno had all but crashed down, unresponsive to the outer world. Memories of weeping down in a dark alley after a literal breakdown had made him do what he’d wish someone had done to him then. Get him back to reality, maybe a bit harshly, and ensure he calmed down fully before anything. His anger had dimmed along the ordeal.
It had disappeared completely when the other went back on his words.
Still, he was still waiting for a genuine apology. But confronting the other about that didn’t sit well with him. He will wait. He was sure now. Geno was strange, not mean.
A shiver on his neck made his head turn around. He caught Dream staring at him with a frown, some donut crumbs lingering around his mouth. His brother almost instantly smiled at him brightly as if the frown had been nothing more than a hallucination upon noticing him watching. Uh? Was something worrying him? Maybe a conversation will be needed later… He didn’t like the face he saw and liked even less what it could mean.
Later.
When he’ll no longer be so exhausted from all this touchy feelings stuff. Urg.
He’ll ignore it for today, just today.
Ignorance was bliss and he sure was yearning for some…
It was not as blissful as he'd hoped. Not for him. They stayed in an awkward silence for days!!!
Dream seemed to spend an awful long time in the village. Geno kept silent and Nightmare didn't know what to say.
Awkward. Silence.
The time suddenly felt so long. He was used to silence but not that kind. A heavy one. He tried his best to distract himself with books. Why couldn't he focus properly on the stories? He already read that line three times and that was one of his favorite books he specially went to pick up at the library -he also finally apologized for the wet book, thankfully the old librarian was one of the few to not dislike too much so his precious book's supply hadn't been cut off- in the vain hope it could distract him.
But no. He kept thinking about the other resting in the grass not far.
It was the 4th time he read that sentence.
"What are you readin' ?"
Geno was all of the sudden right next to him, glancing at the words he was trying to understand. The surprise made Nightmare let go of the book that hit the grass with a flap. The monster calmly picked it up and handed it to him. The guardian took it with much more precaution than needed and secured it against his chest before even thinking about answering.
“It’s “La nuit des enfants rois” by Bernard Lenteric…”
“Oh? I don’t know that one, what’s it about?”
He turned fully towards Geno and cocked his head on the side, wondering if the other genuinely wanted to hear about the book’s plot or was just… What?
“Come on, don’t be shelf-ish! Share with the class!”
“If you insist… Wait a second.”
The realization of the attempt at a book pun made him wheeze. It was bad! Truly! But he did not expect it and now he just. Couldn’t. Stop. Laughing! They ended up talking for a while about this book, then other books, then weird scientific experiments about waffles… Geno tried to pun his way through the whole conversation, talking faster and louder with each one succeeding in making the guardian react.
It had been… fun.
He glanced at Geno who was trying to tell a story with the more fish puns possible in it. The monster was grinning brightly. He sure was prettier with a smile on.
Geno suddenly dropped the smile and looked at him with a strange shine in his eyes.
"I'm no pretty."
Oh. Oh! He said it aloud. Warmth went up his face as shame flooded his system. Whyyyy!?
His bashful act disappeared as soon as he registered how serious Geno seemed. He stared at the other for a second before saying out loud and clear:
"You're not ugly either."
"No. I am."
"Why are you being so stubborn about it? Can't accept a little compliment, can you?"
At this point, Nightmare was just irked by the discussion and stopped thinking altogether about what he was sputtering about. He would think later about how utterly silly the argument was and maybe swallow a bit in shame once alone. But now what was important was winning the argument.
"Sure, you aren't a beauty princess but going as far as calling yourself ugly is stupid. Why are you doing that?"
“Hypocrite!” was shouting his mind but he pushed the thought away. Now was not the time for that.
Geno sighed and shaked his head. Was the fool going to argue such a dumb fact?
Nightmare squeaked as he watched the monster slowly lift his shirt. Nope. Automatically his hands flew to his eye sockets. Ah! He can’t see anything now. Not good if the need to run arised…
“What are you doing?”
…
No answer, nothing. Should he try a peek?
His fingers moved slightly to allow himself to see.
His hands dropped.
In front of him, Geno was looking away, a hand holding his shirt up, revealing a sight the negative guardian wasn’t prepared to see. Ever. He tentatively itched closer, not daring to turn his eyes away.
“Does it hurt?”
A shiver runned through the most damaged ribs Nightmare has ever seen.
“No. Not anymore.”, breathed Geno.
The bones looked like something all but gnawed on it right after stabbing it all over. What was strange was the absence of cracks. Almost as if, the missing bits had not been torn away but just decided to stop existing. What could cause such “wounds”?
“How did you…?”
“I rather not talk about it.”
And with these words, the fabric flopped down, cutting short the fragile conversation. They fall back into silence.
But with the thoughts raging through his mind, Nightmare didn’t feel really “quiet”.
He didn’t know what to say so he said nothing and went to sit a bit further against a tree, cracking open his book. Not once did he cross Geno’s eyes during the process.
It was the 5th time he read this sentence.
End of chapter 8!
Go to chapter 9?
------------------------------------------------------------
@dragon-tamer-1 @shinechermont @zu-is-here
Dreamtale, Dream and Nightmare belong to @/jokublog
Geno to @/loverofpiggies
#chapter 8#aftermare#come down that tree!#Hindi ka pangit mahal kong kaibigan!#I wonder if some of you guys look up the translation of the titles X)#by ''you guys'' I mean the 4 (sometimes 5) persons reading my story XD#I'm not very fond of this chapter#kinda hate it#just a bit#but I hope dear readers that you'll enjoy it!#the twins really need to talk at one point#but nothing like fleeing from a difficult conversation uh?#both sides#here a lil' thing I wanted to write more about but didn't#about the food thingie (a headcanon of mine for this story)#Night' rarely asks Dream to go search for food unless it's to celebrate something#when he is in a very good mood or when he wants some confort#(or to distract his twin)#which one is it here? :)
64 notes
·
View notes
Text
Mahal kong Jennifer,
Ako'y nagagalak na ika'y aking nakilala noong baitang pito, hindi ko inaakala na ika'y magiging malapit kong kaibigan dahil hindi tayo parehas ng personalidad. Ikaw yung tipong tahimik lang at magbabasa sa gilid at ako naman ay madaldal at makikipaghalubilo kung kani-kanino. Para sa akin ito ay araw ng pagbibigay ng pasalamat sa mga taong tumulong sa akin matapos ang baitang walo. Ikaw ang lagi kong kasanga sa mga kalokohan, ikaw din ang una kong sinasabihan ng aking mga problema, at ikaw din ang tumutulong sa akin sa balarila ng English. Hindi ka sa akin napapagod makinig tuwing ako'y naiiyak sa aking pagsasagot ng modyul. Nitong baitang walo ay hindi pa rin nawala ang ating pagiging malapit sa isa't-isa, kaya sinasabi natin sa ating mga sarili na tayo ay magkapatid na, hindi man sa dugo ngunit sa puso'y tayo'y nagkakatagpo. Sabay lagi tayong gumawa ng ating mga gawain, pinapaalalahanan natin ang isa't-isa. Lagi tayong magkasama sa grupo para lang mga itik, hindi naghihiwalay. Mas naging masipag ako nang dahil sayo, dahil mas maganda nga daw ng may kasama gumawa kasi puro kasiyahan at tawanan lang iyon at ako'y naniniwala sa mga kasabihan na ganun. Nagpapasalamat nga ako sa ating guro na si ginang Elaizah dahil pinagawa nya itong pagpapasalamat dahil mula unang marka hanggang ika-apat na marka ay wala akong tiyansa para makapagpasalamat sa iyo. Kaya ngayun ay susulitin ko na ito, pasensya ka na at sobrang haba ng aking nasabi dahil nadala lang ako sa aking sinusulat. Maraming salamat sa lahat ng ginawa mo para sa akin. Napaisip ako na bakit kaya hindi natin na aalala ang isa't-isa pero tayo naman ay laging magkausap at malapit na kaibigan? Hindi ko din alam dahil parehas tayong makakalimutin. Maghahandog sana ako ng isang kanta ng pasasalamat ngunit wag nalang baka di ka na makakinig bukas. Kung papaiksiin mo ang sinabi ko ay nagpapasalamat ako dahil hindi mo ko iniwan sa aking tagumpay at kabiguan. Mamahalin kita ng lubusan aking kaibigan! Sapat na sana ito upang ika'y matuwa. Cuídate siempre ;) Nagmamahal, Czarina P.S. So una sa lahat itong message na to ay binubuo ng mala sinang una kasi alam mo naman ako si Camila char. Gawin ko na din nn mo dito ay Jennifer para feel ko yung sinusulat ko yun lang AHHAHAHA. Yung kanta ko ay isesend ko nalang through messenger, ang pangit pala ng boses ko AHAHAHAH. Goodmorning na rin kasi alm kong makikita mo na to ay sa umaga sa good mood ka HAAHAHA
4 notes
·
View notes
Text
I think masarap basahin ito. Kahit mahaba kasi nga wala ka din naman gagawin so better read it than matulog ka ulit.
Walang airplane, ships, bus and cars ang bumabiyahe since nagstart ang covid kaya bumagsak ng $-40 ang price ng oil a few days ago. Dahil continues ang production ng supply pero walang demand.
Dito mo makikita na wala naman talaga shortage ng oil mula pa noong panahon ng dinosaurs, kaso kinokontrol lang nila ang presyo para kumita sila. Madami ditong trader na kawawa na nagbuy agad nung pumalo ng $20 per barrel.
So now, natuto ka na, namulat mata mo na ganun pala yun.
Anyways, stay away muna sa stocks dahil sobra matatagalan ito makarecover sa crisis na nangyari ngayon. Parang tao na iniwan ng jowa nya, nadepressed, natanggal sa trabaho tapos nagkasakit pa.
Ganun. Malala na talaga.
Kasi ang Federal Reserve (google mo muna) ng America ay print lang ng print ng pera ngayon at pinapamigay sa mga tao. Kaya kung may kamaganak ka dun sabihin mo ayusin nya mga papers niya para mabigyan sya ng 1,000 dollars. Bakit ko alam ito? updated ako sa world affairs kaya yung kapatid ko dun sa states tinuro ko sa kanya ito at ayun nakakuha sya, at ang isang good news balita ko magkakaroon ng amnesty ng debt loans at credit card debt doon feeling ko and i hope masasama din bansa natin.
Ang magandang gawin mo, mallit na porsyento ng pera mo, maliit lang ha, sa crypto ka, gold, forex, or lalo na business na meron kang control. And ofcourse mamaluktot muna ng sinturon. At kung may pera ka pang naitabi tapos meron kang negosyo gamitin mo ito para sa inventory at itodo mo ang online promotion mo sa panahon na ngayon.
Bakit maganda ang business? Tignan mo ngayon mga tindahan ng pagkain. Dahil sa pagtitinda nila kumikita sila.
Meaning, ang selling will never experience crisis maganda o pangit man ang ekonomiya meron at meron kang kikitain. Unless puro recruit ka nako, gutom abutin mo, dapat may retail based or customer based kang malakas na nadevelop long before nagkaroon ng crisis, meaning kahit wapang recruit may kita, na ilang beses ko ng paulit-ulit na sinasabi sa mga videos ko last 2019. Kaso nakinig ka ba? or baka late mo na napagtanto?
So ayun lang, totally magbabago ang pamamaraan ng pamumuhay natin. Lalo na ngayon, social media at online platforms ang bumubuhay sa lahat ng businesses ngayon, most likely, kung ang company mo ay walang maayos online infrastructure umaaray na kayo ngayon.
Kailangan as a business person bilisan mo magadapt sa mga nangyayari, tanggapin mo na mamamatay ang offline business at walang kasiguraduhan at guarantee kung kailan ito fully makakarecover, yung mga paweran-sizzles-baliwan ng sasakyan, kakamayan si upline tapos selfie, maglalaho na lahat yan as of now, so yung mga offliners talaga tapos ngayon ang career, yung mga insurance companies nga ngayon pwede na magbayad online na dati dapat face to face ang transactions, wag ka magalala d ka special, kasi buong mundo mayaman at mahirap ay nararanasan itong crisis na ito.
Bakit ko ba ito nasasabi? Eh kasi kung nararamdaman mo ngayon, ay may malaking pagbabago ang mangyayari d lang sa kultura at ekonomiya natin kaya dapat bilisan mo, bumangon ka,gising-gising ka na kaibigan.
Walang nakapredict ng crisis na ito. May naririnig ako mga nagyayabang matagal na daw nila alam. Kasi kung meron man nakapagprepare sana, most ng companies ngayon either walang stocks or paubos na ang stocks, sarado kasi lahat ng factories now you know, ako ay swerte lang dahil madami kaming stocks, pero ano lang yan shameless plug ng business ko hahaha
Now back sa isuue.
Sa larangan naman ng covid based sa research ko mabilis talaga ito kumalat pero hindi ka mamatay dahil nasa 97% chance yung recovery rate, parang trangkaso lang na medyo makulit, kaso lang naexagerate lang ng media. Tapos madalas kahit hindi naman covid ang sakit nilalagay covid kasi nga merong extra na pondo ang government, ang galing din eh noh, nasa 0.03% lang ang death rate, napakaliit! so wag ka matakot, medyo mahirap kapag may existing condition ka. Ang gamot naman daw na effective sabi ng mga experts na doctor, Hydroxycholoquine at Azythromycine at zinc, hindi nga lang alam ito ng media, research mo nalang sa google at kapag may time bumili ka na din sa mercury bago pa ito malaman ng madami para meron ka ng stock just in case, kasi feeling ko lahat tyo ay dadaan ito parang bulutong at tigdas na need natin lahat dumaan para maimmune tayo, kaso ako kasi mataas na immune system ko at may powers ako so hindi nako tatablan nito, mas possible pang tamaan ako ng topak kesa tamaan ako ng virus hahaha kung binabasa mo pa ito good meaning matalino ka madami ka na natutunan ngayon.
Actually, noong pumutok ang covid natakot din ako. Pero after a few days, pinairal ko na na ang pagiisip ng tama. Meaning, need mo talaga ng tamang kaalaman para hindi ka matakot. Sa buhay naman yung mga taong tako ay usually mga kulang sa kaalaman. Parang sa exams kung hindi ka nakapag aral takot ka sa exams pero kung informed ka ng tama, hindi ka takot. Kaya ang weapon mo againts fear is proper education.
Katulad ng alam mo ba, na madami bansa ngayon nagumpisa na Japan pinapaalis na nila lahat ng japanese manufacturing nila sa China dahil sa perwisyo na dinulot nila, kasi based sa reports sa Taiwan kaya successful din ang Taiwan sa pagdeal ng virus kasi nabalitaan nila ahead of time parang November palang meron na daw virus sa china kaso binablock ng media, at may kumakalat na balita sabi ay invented daw itong virus bilang bioweapon, try mo nalang siguro iresearch kung totoo ito. Pero I hope not kasi napakasaman naman ng nakaisip nito. Syempre yung nakaisip sila din nasa likod ng gamot na gusto nila ipush na yung vaccine daw buong mundo na plano ni bill gates na investor sya sa laht ng big pharma at sa world health organization, kaya mapapaisip ka talaga kung bakit connected sya dito ngayong nasa technology industry sya, kung titignan mo nga yung instagram nya ang daming hate comments umabot na ata sa one million dahil siguro marami na nakakaamoy sa power ng social media at internet madami na din nagigising at nagreresearch ngayon.
Most ng lupa at mga property ngayon sobra mura, ang gas mura, sasakyan mura, stocks mura, pagkain lang ang mahal ngayon dahil nga pahirapan makakuha ngayon.
Ang nakikita kong mangayayari sa mga susunod na buwan ay hindi pa agad-agad makakarecover ang mga business, lalo na mga bars, restaurants, malls sinehan, hotels at tourism. Nasa tinatawag na tayo na deperessin sa ekonomiya, So feeling ko talaga, may divine powers manggaling sa government or sa unicef or sa world banks para tulungan magQuickstar ang ating pera at buong ekonomiya ng mundo.
Kasi imagine mo nalang kung meron kang 1,000 plus na restaurants or branches ng business mo na meron kang empleyado bawat branch paano mo sila papasahurin kung ilang buwan na wala pa din benta gets? madami na nagsasara ngayong business sa buong mundo kaya need talaga ng divine intervention and feeling ko naman may paparating dahil lahat ng naman ng unos at merong bagong umagang parating kasi sobra init ngayon sana wag naman sobrang araw pero okay din kasi namamatay ang virus sa sobrang init na parang nasa loob ka ng oven.
Isa pa pala yung issue dun sa abs matagal na alam nila na mageexpire yung franchise nila pero hindi pa din nila inayos, parang bayad lang yan sa rent ng apartment alam mo na naman ang date kung kailan matatapos kontrata mo d ba? Pero kapag meron kang hindi nagawang maganda sa landlord mo wag mo na expect na i-renew nya license mo ganun lang kasimple, kaya siguro nahirapan sila irenew dahil may nagawa sila, kasi kung mabait ka sa landlord mo tapos maayos ka kausap, sya pa tutulong syo o magreremind kung malapit na magexpire ang konrata niyo.
Yung leader nga ng North Korea sabi ng mainstream media patay na eh pero pinakita a few days ago nagribbon cutting pa, so yung mainstream media talaga madaming mali minsan, bias sa reporting, nirereport lang nila yung mga gusto nila na malaman mo, in-away pinoprogram ka ng mga set of beliefs. TV ang nagproprogram kung ano maganda, pangit or kung sino kakagalitan mo or sino sasambahin mo. Ganito kalala ang TV kaya wag ka basta maniniwala. Lagi ko nga sinasabi na ang television or mainstream media ay hindi source ng educational information, source yan ng entertainment, kung dyan ka kumukuha ng lessons mo sa pera or sa pagibig hindi nako magtataka kung may problems ka sa mga areas na yan.
Merong information warfare na nangyayari ngayon kaya madaming posts about covid at youtube channels dinedelete nila dahil kasabwat din daw ha, according a nabasa ko, owner ng googlele at Fbook sa plano na ito sa covid. Maski itong post ko kung babasahin mo parang hindi tungkol sa covid but nevertheless may matutuanan kaya itinago ko nalang sa nakakapahabang post, pero clue na ito sayo!!! na dapat magresearch ka on your own kung ano ba talaga nangyayari sa labas ng mundo mo na hindi mo napapansin. Magbabago at magugulat ang buong mundo sa mga susunod na mangyayari wait ka lang.
Tsaka, kung binabasa mo ito ngayon tapos hindi ka productive for ilang weeks na, im sure either sobra yaman mo na (good for you) or naghihirap ka na ngayon at mahihirapan ka lalo sa mga darating na araw, kasi kailangan mo makadevelop ng habits of success kesa kain tulog ka lang maghapon. Kailangan mo magstart na today, khit maliit na gumalaw at gumawa ng pera para magimprove pamumuhay mo ngayon okay? Kahit anong badnews pa kasi mapanood natin ikaw at ikaw pa din, sa kamay mo nakasalalay ang success mo wala sa government.
Sa buhay kasi para magets mo ito hindi ka lang dapat puro positive or puro negative or isang perspective lang ang papansinin mo dapat dual or oneness of perspective ng lahat. Kaso, hindi ito para sa lahat nakakapagod kasi nagiisip kaya mas gusto nalang ng mga tao maghintay ng magsasabi sa kanila kung ano ba ang nangyayari sa mundo.
Most of all, despite of this crisis remember to be nice and kind, Lahat ng tao ngayon may pinagdadanan na crisis and pray always sya lang nakakaalam at nakaaksigurado ako hindi tayo papabayaan ng nasa taas.
Kaya kung may natutunan ka dito sa mahaba kong posts. Pwede mo ito sarilihin nalang o ishare or d kaya itag mga kakilala mo tapos pwede mo din icomment yung top 3 take-aways mo dito sa posts ko.
9 notes
·
View notes
Text
"Landas"
Aba teka! Parang gusto kong sumulat, pero walang pamagat. Ang kwentong ito ay hango sa isang tao, ay hindi.....(isa, dalawa...) dalawa. Dalawang tao pala. Ang kwentong ito ay hango sa dalawang taong nagkrus ang landas, at lumakad paatras. (Isang lalake at babae na walang pagkakahalintulad ang inyong masusubaybayan.)
Hello sa inyo! Ang pangalan ko nga pala ay Emilio, hindi ko na babangitin ang aking apelyido.
"Simulan natin ang storya ng lalaking hindi alam ang landas ng kanyang buhay. Isang lalaking naligaw ng pupuntahan, maligalig ang isipan at walang tamang paroroonan".
"Ako'y lubos na nalilito! Bakit nga ba ang bilis magbago ng isipan ko?! Panandalian lamang at iba na ang gusto ko? Ano ba talaga ang gusto ko?" Ika ni Emilio. Marahil, si Emilio ay tunay magmahal ngunit binabalewala ng karamihan. Mula pagkabata ay masiyahing tao na si Emilio, palatawa, palangiti, palabiro, at mapaglaro. Siya ay nagtapos ng elementarya at hayskul sa isang pribadong paaralan, sa Muntinlupa. At nagtapos ng kursong Bachelor of Science in Computer Science sa isang pribadong paaralan sa lungsod ng Laguna. Hindi naging madali ang pakikipagsapalaran ni Emilio sa paaralan dahil siya ay nagpapalit palit ng kurso bago nakapagtapos. "Ano ba 'tong ginagawa ko? Pinapaaral na lamang ako ngunit panay pangit na grado pa ang nakukuha ko." Hindi matalinong tao si Emilio ngunit masipag siya, handa siyang malaman at matutunan ang mga bagay bagay. Si Emilio ay mapaglaro sa mga babae, maharot kumbaga. Walang isang salita, mabilis mahulog, mabilis mabighani, mabilis magsabi ng nararamdaman. Maraming nahulog kay Emilio dahil sa kanyang matatamis na salita, ngunit walang nagtagal sa kanyang mga karelasyon, mabilis din itong iniiwan sa hindi malaman na dahilan. Taong 2017 ng magtapos ang binata ng pag-aaral, siya ay pumasok bilang isang Intern sa Pamahalaang Lungsod ng Muntinlupa. Disyembre 11, 2017 kaarawan ng Ama ni Emilio at kasalukuyang naka konfine sa ospital ang kanyang Nanay (Lola) dahil sa nakamamatay na sakit.
Emilio: Dito tayo kakain mamaya?
Ama: Oo, dito na ako magcecelebrate para kasama Nanay.
Emilio: Sige po, balik na lang ako mamaya pagkatapos ng trabaho.
Ama: Oo sige, wag kana masyadong magpalate ng punta dito at hahanapin ka ng nanay.
Emilio: Sige po.
Masayang pinag-usapan ng mag ama ang mangyayari sa kainan sa loob ng ospital. Lumisan na si Emilio upang bumalik sa Trabaho. Nang biglang nangyari ang hindi inaasahan ng lahat..................
"Dok! Dok!" sigaw ng isang nars sa ospital. Mabilis na nagtungo ang halos tatlong Doktor at tatlong nars sa kwarto namin. "Ready, Clear! Ready, Clear!". (Nay! Naaaaay! Gumising ka Nay!) Sigaw ng lahat.
Kinutuban ng masama si Emilio habang nasa trabaho. Tila bang, gusto niyang bumalik sa ospital para makita ang kanyang Nanay. Bumalik si Emilio sa ospital at napansing bukas ang pinto ng kwarto, maraming naka kulay puting uniporme at nasa labas naman ang kanyang Ama at mga Tiya.
Emilio: Bakit kayo nasa labas? (Masayang wika ni Emilio)
Tiya: Wala na ang Nanay. (Umiiyak na nagsalita)
Emilio: Anong wala na? Lilipat tayo ng kwarto?
Tiya: Wala na Nanay, patay na. (Umiiyak)
Emilio: Ha?! (Sabay takbo papasok ng kwarto)
Nakita ni Emilio ang kanyang pamilya na umiiyak. Hindi narin napigilan nito ang umiyak ng makitang walang buhay na nakahiga ang kanyang Nanay. "Nay! Birthday ni daddy, magkakainan pa po tayo mamaya". Hindi na agad nakabalik sa trabaho si Emilio dahil sa kanilang pinagdaraanan. Kitang kita sa mukha ng buong pamilya ang sakit at lungkot sa pagkawala ng isang napakabuting tao.
Emilio: "Calling......" Hello Polen, si Nanay. (Umiiyak)
Polen: Bakit? Anong nangyari? (Gulat na nagtanong)
Emilio: Wala na si Nanay, patay na. (Mas matinding pag iyak)
Polen: Hala?! Sorry sa masamang balita. Tatagan mo loob mo, pupunta kami mamaya ni Echo.
(Si Polen at Echo ay ang matatalik na kaibigan ni Emilio nung sila ay nasa kolehiyo)
Nakalabas na sa ospital sila Emilio, dinala narin sa polinarya ang kanyang Nanay para bihisan. Pag uwi sa kanilang bahay, sila ay nagkwentuhan tungkol sa nangyari. Wala ng bakas ng lungkot sa mukha ng bawat isa dahil alam nilang ayaw ng kanilang Nanay ng malungkot. Binuksan narin ng Ama ni Emilio ang mga regalong natanggap nito mula sa kanyang mga anak.....Oras na upang sila ay magtungo sa lugar na pagdarausan ng ilang gabing pamamahinga ng kanila Nanay. "Gusto ko doon tayo sa pinakamalaing kwarto. Gusto ko magandang maganda ang mga bulaklak ng Nanay, gusto ko maraming ilaw", ika ng isang tiya ni Emilio.
Lumipas ang mga araw at dumating ang araw ng pamamaalam nila Emilio sa kanilang Nanay. Maraming tao, lahat ng kamag-anak, mga mahal sa buhay, mga kaibigan, mga natulungan, mga kapit bahay, mga kasamahan. Napakaraming nakiramay dahil napakaraming nagmamahal sa Nanay ni Emilio. Umagos muli ang luha sa mga mata ng bawat isa, hindi mapigilan ang lungkot na nadarama. Matapos mamaalam ng buong pamilya, sila ay nagtungo sa isang mall sa Alabang upang kumain at magpalipas ng oras. Masaya nanamang nagkwentuhan ang buong pamilya, tila bang walang mabigat na pinagdaraanan. Marahil, alam ng lahat na nasa mabuting kalagayan na ang kanilang Nanay, kapiling na nito ang lumikha. Panatag na ang loob ng lahat, dahil sa wakas, natapos na ang hirap na pinagdaraanan ng kanilang Nanay.
(June 11, 2018......ng matanggap sa trabaho sa Pamahalaang Lungsod ng Muntinlupa si Emilio)
Hindi maipinta ang saya sa mukha ng binata, dahil sa wakas ay may trabaho na siya matapos ang mahabang pag aaply sa iba't ibang kompanya. Masaya ang binata sa kanyang trabaho, masaya siyang tumutulong sa mga tao. Maraming hirap na pinagdanan sa trabaho ngunit hindi ito sumuko. "Hindi ako pwedeng sumuko, babawi pa ako sa mga magulang ko". Nagpatuloy si Emilio sa kanyang trabaho hanggang sa nakilala niya ang isang babaeng nagngangalang, Cassie. Si Cassie ay isang dalaga at namasukang intern sa opisina nila Emilio, at hinangaan ito ni Emilio dahil sa anking ganda, talino, bait, at iba pa. Ngunit may ibang gusto ang dalaga kaya hindi ipinilit ni Emilio ang kanyang nararamdaman para dito. Nakakita ng iba si Emilio sa ibang departamento, at agad niya itong pinormahan. Pinormahan ng pinormahan hanggang sa malaman ni Emilio na hindi pala sila pareho ng relihiyon.
Babae: Anong relihiyon mo?
Emilio : Katoliko ako, ikaw ba?
Babae: Nako, patawad ngunit hindi ako maaaring magmahal ng isang katoliko, Kristiyano ako.
Hindi umayon kay Emilio ang gusto niyang relasyon, dahil pinatigil siya sa pag porma dahil sa magkaiba nilang relihiyon. "Ewan ko ba, hindi naman hadlang ang relihiyon sa pag-iibigan, pero iba ang pananaw niya" ika ni Emilio sa kanyang sarili. Hindi naging madali kay Emilio ang nangyari dahil ang kanyang puso ay nahirapan. "Talo nanaman, nakakasawa". Lumipas ang tatlong buwan at natapos na ang kontrata ng mga intern sa opisina nila Emilio, kabilang dito si Cassie.
Emilio: Cassie picture naman tayo, para lang sa ala-ala.
Cassie: Sige po sir, walang problema.
Emilio: Wag mo akong kakalimutan ah?
Cassie: Ala, OA naman. Syempre hindi.
Namaalam si Cassie kay Emilio ng masaya, ngunit malungkot naman si Emilio. "Ni hindi ko manlang nasabi kay Cassie na gusto ko siya", ika ni Emilio sa kanyang isipan. "Hay nako, makakahanap din ako ng para talaga sakin, yung hindi sapilitan". Naging magkaibigan sina Cassie at Emilio sa labas ng opisina, nadadalas ang pagkikita nila kasama ang mga barkada. Ngunit wala pading alam ang dalaga sa nararamdaman ng binata para sa kanya. Lumipas pa ang ilang buwan, at hindi na maitago ni Emilio ang nararamdaman. Nagparamdam na ito sa dalaga sa pamamagitan ng Chat, text at maging sa personal na kilos. Naguluhan ang dalaga at tila nailang. Dumidistansya ito kay Emilio, ngunit hindi nagpatalo si Emilio. Mas ipinakita ng binata ang kanyang magandang intensyon para sa dalaga.
April 26, 2019.....Magkakaroon ng konsert ang mga bandang Pilipino at niyaya ni Emilio na sumama si Cassie kasama ang mga barkada.
Emilio: Cassie, sama ka samin ah? Nood tayo konsert.
Cassie: Nako ayoko, hindi ako sanay sa maraming tao.
Emilio: Kasama naman ang barkada natin.
Cassie: Ayoko talaga.
Emilio: Sige na (nagmamakaawa)
Cassie: Sige pag-iisipan ko.
Emilio: Yes! Sige sige. (masayang masaya)
Dumating ang araw ng konsert at nakarating din si Cassie. "Hala, napakaganda niya talaga", ika ni Emilio sa sarili habang nakatitig kay Cassie.
Cassie: Ang daming tao, nakakahiya
Emilio: Ayos lang yan, samin ka lang dumikit lagi
Tugtog dito, tugtog doon. Kanta dito, kanta doon. Aliw na aliw si Emilio at ang mga barkada nito sa mga tumutugtog na banda. Habang tila hindi nagugustuhan ni Cassie ang nangyayari.
Emilio: Okay ka lang ba? Parang hindi ka masaya
Cassie: Okay lang ako, sige lang enjoy ka lang.
Nagpatuloy ang kantahan, sigawan, sayawan at talunan sa konsert. Masayang masaya si Emilio ngunit hindi parin nito mapigilan na mag-alala kay Cassie. Tumabi si Emilio kay Cassie habang nakaupo ito sa damuhan. "Oh, bakit? Pagod kana noh?" ika ni Cassie kay Emilio. "Hindi, eh hindi ka naman masaya eh." ika naman ng binata kay Cassie. Natapos ang konsert at mag-uuwian na ang mga tao. "Parang hindi siya natuwa, dapat pala hindi ko nalamang siya niyaya."
Emilio: Parang hindi ka naman natuwa.
Cassie: Natuwa ako, hindi lang halata.
Emilio: Talaga?
Cassie: Oo nga.
Emilio: Okay sige. HAHAHAHA!
Simula noon ay palagi ng niyayaya ni Emilio ang dalaga na lumabas ng silang dalawa lang. Masaya namang sumasama ang dalaga. Hanggang sa dumating ang araw na umamin na ng nararamdaman ang binata.
Emilio: Cassie, gusto kita matagal na.
Cassie: Seryoso ba?
Emilio: Oo, matagal kong hinintay ang pagkakataon na ito para umamin sayo.
Cassie: Wala akong masabi, pero ramdam ko naman dati pa. Hindi lang ako sigurado, ngayon sigurado na ako.
Naging mas komportable ang dalawa sa isa't-isa, wala ng hiya, bukas sa lahat ng klaseng kwentuhan, at nakakapagsabi na ng sikreto. Dumating ang araw ng kaarawan ni Cassie, at niregaluhan ito ni Emilio. "Isang camera? (masayang tanong)" ika ni Cassie kay Emilio. "Oo para makuhanan natin ang bawat sandaling magkasama tayo", ika ni Emilio. Dala dala ni Cassie ang camera kapag umaalis sila ni Emilio. Nagsimulang manligaw si Emilio kay Cassie, at hindi ito naging madali para sa binata. Dahil sa mga nakaraan ni Cassie kaya takot na ito na magtiwala muli. Ngunit pinakita ni Emilio ang kanyang malinis na intensyon para sa dalaga. Unti unti nitong nakuha ang loob ng dalaga. Nagkaroon ng tiwala si Cassie kay Emilio, isang tiwala na hindi niya pinagkaloob sa iba. Naging maganda ang samahan ng dalawa, walang bahid ng lungkot sa kanilang mga mata. "Ito na siguro yung pag-ibig na hinihintay ko" ika ni Emilio kay Cassie. Lumipas pa ang mga araw at buwan, at dumating ang gabi na hindi inaasahan ni Emilio. Habang sila ay nakatambay ni Cassie sa kanilang paboritong tambayan....
Emilio: Tayo na ba? (Seryosong tanong ng binata kay Cassie)
Cassie: (Matagal na nag isip) Oo
Emilio: Talaga? Walang biro? (Tarantang tanong)
Cassie: Oo nga.
Emilio: YES!!!! May girlfriend na kooooo!
Niyakap ng mahigpit ni Emilio si Cassie at hinalikan sa pisngi. "Thank you! I love you!" ika ni Emilio habang nakayakap kay Cassie. Isang hindi malilimutang sandali ang gabing 'yon para kay Emilio, napakasaya ng binata. Hindi maalis ang ngiti sa mga labi, dahil sa wakas ay binigyan ito ng dalaga ng pagkakataon upang ipakita ang pagmamahal at ang malinis na intensyon. Nagpatuloy ang pagmamahalan ng dalawa, dumating narin ang mga pag-aaway at pagtatampuhan. Naging sobrang negatibo sa pag-iisip ni Cassie, na tila bang si Emilio ay mawawala at iiwan siya palagi. Ngunit hindi sumuko si Emilio kahit na naubos na ang pasensya nito dahil sa sobrang negatibong pag-iisip ng dalaga. "Nangako ako na si Cassie na ang huli at siya na ang aking pakakasalan. Mamahalin ko siya kung sino siya, tatanggapin ko siya kung ano siya", ika ni Emilio sa sarili.
Nang dumating ang isang nakakamamatay at hindi inaasahang sakit, ito ay ang Covid-19. Isang sakit na nakakahawa sa pamamagitin ng laway na tumalsik sa isang bagay at nadikitan ng iba. Lahat ay natakot sa sakit na ito, kaya ipinatupad ng Presidente ng Pilipinas ang Lockdown at Quarantine sa buong bansa upang mapigilan ang pagdami ng mga taong apektado ng nasabing sakit. Totoong napakahirap ng Lockdown, dahil hindi maaaring lumabas ng bahay ang mga tao kung wala itong mahalaga at katanggap tangap na rason. Lalo pang naging negatibo ang pag-iisip ni Cassie, dahilan upang mag-away sila ni Emilio.
Cassie: Hindi ko na kaya 'tong lockdown. Gusto ko ng lumabas.
Emilio: Hindi tayo pwedeng lumabas dahil delikado. Baka mahawa tayo.
Cassie: Bagot na bagot na 'ko dito sa bahay.
Emilio: Hindi mo ba naiintindihan na nakamamatay yung Covid-19? Hindi birong sakit yon.
Cassie: Pero gusto na kitang makita.
Emilio: Gusto nadin kitang makita, pero kailangan natin mag tiis pa.
At ipinaliwanag ni Emilio kay Cassie ng mabuti ang sitwasyon upang mapanatag ang pag-iisip nito. "Yayakapin kita ng mahigpit at hahalikan na marami kapag nagkita tayo pagkatapos ng lockdown" ika ni Emilio kay Cassie.
Hanggang ngayon ay lockdown padin ang buong Pilipinas, ngunit panatag na ang pag-iisip ni Cassie dahil sa tulong ni Emilio, hindi na ito negatibo mag-isip. Maraming salamat kay Emilio dahil hindi niya pinapabayaan ang kanyang kasintahan na si Cassie. At maraming salamat din kay Cassie dahil sa patuloy nitong pag-aalaga kay Emilio kahit sila ay hindi makapagsama. Patuloy ang pamumuhay ng dalawa bilang magkasintahan, masaya ng muli, nag mamahalan, at patuloy na magmamahalan hanggang sa walang hanggan.
Hanggang sa susunod na yugto ng dalawang taong walang pagkakahalintulad ngunit nag krus ang landas.
1 note
·
View note
Text
Trapped in an unknown situation
BS Computer Engineering. 2011-2017: Technological Institute of the Philippines. 1110646 2017-2018: Central Colleges of the Philippines. 2017-2-0019
FINALLY DIBAAAAYYYNNN. NABUNOT NA SA RAFFLE!
Akala ko nung highschool sobrang alam ko na ung gusto kong gawin. Yung sobrang confident ko pa na, “ah pag nakagraduate ako sa college, ganito ganyan ganyan” Ni hindi ko naisip ung mga pwedeng mangyari. lol. Nung pagdating ko sa college bigla kong naisip na hindi pala. Hindi ko pala talaga alam gusto kong gawin. Ayan tuloy tumagal. Charot. Hahahah! Sobrang struggle ko talaga ung 3rd year ko. Dyan talaga nagstart magkandaleche leche lahat. Di ako nakakapasok kasi malungkot ako. Ya feel me?? haha. Sad dibayn. Pero nasurvive ko naman. kahit papano. lol. Well… finally tapos na din. Ginapang na po natin ung last 2 or 3 years natin. Buti nabunot na ko sa raffle ni Mayor. HAHAHA Pero sobrang dami kong time magbreakdown noon? Kunyare walang inaasikasong projects kung makapagbreakdown e. Ganern. Pero laban pa din naman. kasi wala naman akong no choice. Kung titingnan, ang pangit din nung dating. Like, yuck ang tagal sa college. lol. Aminin niyo, ganyan tingin niyo sa mga irregular student noon.(sana nabago na un ngayon haha) Hirap kayang maging irregular student. Wala ka talagang kilala sa room. Tas minsan di ka nauupdate kung may mga dapat bang ipasa or di ka updated kung nabago ba ung room niyo or kung wala bang klase sa subject na yon?? Tas ang sad kung wala kang klase tas di mo alam tas un lang class mo for the whole day. Ang pangit din ng vacant mo kasi minsan la ka kasama tumambay sa SA. HAHAHAH. Pero sobrang solid ng experience. Di ko na ikkwento lahat kasi masyadong mahaba. sa next blog na lang. char. Nung lumipat akong CCP, sobrang kapaan gaming. DI ko kilala mga tao e. pero sobrang approachable din naman sa dept. Dami ko din nakilala. Nakakamiss lang magpotsdam at plaza nung nasa CCP na ko. Sa SM Sta Mesa na lang ako lagi kumakain e. Ubos pera. HAHAH. Pero solid din. Dami ko naexperience. pati masnatchan naexperience ko. di ko talaga malilimutan un kasi fave phone ko un ih. sad. Pero ayon nga, sa CCP ko naigapang ang lahat. Salamat sir RJ! HAHAHA. Solid expi kahit sobrang tagal. Di man naging matalinong estudyante at least naging mabuting tao ako. mejj. HAHAHHAHA.
Wala akong pwedeng ipagmalaki. So eto na lang. Wala din naman ako honor honor. Di rin naman dean’s lister. Naprobi sa TIP, oo. HAHAHA.
Crissa Dance Synergy: 2012-2015 Skechers Street dance battle: 2012, 2013 Maximum Groovity: 2012 Sykes Dance Synergy: 2013(?) 2nd place Dance for Life: 2013, 2014 Hiphop International Ph: 2013(?) World of Dance: 2015, 2016 Dance Supremacy: 2017 Vibe Philippines: 2016 - 2018 Chosen Ground: 2018 Champion
Buhay student-dancer talaga ako buong college life ko e. HAHA. Wala akong achievement e. Yan na lang lagay ko. Buti nakahabol pa ng isang championship bago grumaduate. hahahah. Salamat sa mga naging classmates at groupmates ko na umintindi sakin during those days. Apir! Sana nakatulong talaga ako sainyo non. hahaha Sana I made y’all proud mga kaibigan! At salamat sa bumuo talaga nung college life ko, THANK YOU! MAHAL KO KAYO!
TO MY TG FAM: Salamat. Sobrang solid expi. Sainyo talaga ako natutong mag inom e. hays. char. Thank you ng sobra! Tinupad niyo pangarap ko.Yung makapagskechers pa lang solid na e. Di nga lang ako pinalad manalo kasama kayo. Pero panalo naman kayo sakin. JOKE. HAHAHAHAHHA. Love you guyth! Special shoutout kina: Kuya mox, kuya doyn, ate lhen, kuya lem, kuya art, kuya kaloy, batchmates, babies and to my EGO BB’s! Love you. Alam niyo kung bakit. Kahit ang sama sama na ng ugali ko, tinuturuan niyo pa din ako. hehe TO MY KIN FAM: Thank you ng sobra!!! Sobrang inspirasyon ko kayo since 2011!! Buti na lang nabrokenhearted ako nung 2014, napasali tuloy ako sainyo. charot. hahaha Kayo pumutol ng sumpa ko. Yung sumpa kong di makakapagchampion. HAHAH. Special mention syempre kay kuya Goj, my gojienatics heart is so happy na naging director kita!! Love you kuya! wihooo! Kay kuya bert na sobrang inspirasyon since D.R.E.A.M days pa. More shots to come. char. collab na kaya? jk. Love you kuya! Kuya dan, kuya mattz, ate ca, ate reg, ate dez, sa og, sa batchmates ko at sa mga sumunod samin, thank you ng sobra! Ang tagal niyong inantay ung grad ko aminin. charot. love you fam! TO MY HARTHART FAM: Alam niyo na yon guys. Mahal ko kayo. Wag niyo na kong pigilan magjowa pls. charot. Makakapagout of town na ulit tayo. Adulting is realllllzzz. To more tulugan tuwing inuman. HAHAHAHAH.
I HOPE I MADE Y’ALL PROUD KAHIT MUKHANG WALANG KAPROUD PROUD. HAHAHA
9 notes
·
View notes
Text
dis\crying again?
another melancholy night episode for me then. Surely, dahil wala akong natutunan sa online class ngayon and fuck I feel so stupid. Wala akong magawa sa sistemang kinakaharap ko ngayon.
Yes and I will rant tonight dahil hindi ako makutulog.
well ganito talaga kapag wala akong mapagsabihan ng damdamin na kahit friends or family ko hindi ako maiintindihan kasi I’ve always been misunderstood whenever I speak so i’d type or write it out. No one knows me so okay lang magsulat dito.
I’ve been giving all my best whenever I work pero some things are not worth fighting lalo na kung bale wala lang lahat ng ginagawa ko sa huli. Underestimated ako palagi. Sure baka naman sa aura ko na iyon pero nakakapagod. Kahit ako hindi ko na ma-appreciate sarili ko at iyon ang masama. Kasi sa personality kailangan lahat ng ginagawa ko may saysay, may patutunguhan, kung baga, I don’t like things doing that are meaningless, kailangan may saysay lahat. Kunwari, nagaral ako ng katawan ng tao dahil gusto kong magingdoctor, at kung pagaaralin mo ako ng calculus dahil kailangan sa subject eh ayoko. Naalala ko tuloy yung exam namin sa English na Purposive Communication na Body Language ang pinaguusapan which is a very good topic at interesting siya dahil I am aware that body languages have hidden messages that is done unconsciously by the communicator. Sobrang mahalagang skill ito para sa akin dahil I want to know and communicate effectively. Pero sinayang lang ng aking guro ang topic na iyon dahil pina memorize niya lang ang terms sa amin at moslty fill in the blanks pa at nakakainis na memorization kuno ang nangyari, wala, ang baba ko tuloy. I hate it dahil ang ganda-ganda ng topic naging isang basura lang dahil pangit magturo ang guro...
And that’s what’s happening half of my school life, and retaining absolutely nothing. Anong silbi, kung hindi ko naman magagamit lifetime (even afterlife)? fuck material things, fuck grades and fuck everyone trying to destoy my dreams!
And I am truly enrage of this system that I am currently with. Why? Our curriculum is SHT. Ang mahal-mahal pero wala parin silbi! I’ve already wasted 2 years of my life sa Senior high at ngayon wala parin at hindi man nabawasan ang subjects sa college at nakakapagod dahil paulit-ulit na lang itong mga walang kwentang mga subjects na hindi ko naman kailangan. Wtf. And look, kahit wala ako sa artschool doesn’t mean mas maganda sitwasyon nila. Y-yes i mean atleast sa direksyon na iyon straight to the point ang mga tinuturo pero ugh, artschools are not that impressive, mas papatayin nila ang pangarapp mo mag-express ng damdamin mo dahil they reject originality, they embrace familiarity kaya gagawa ka ng artworks na katulad ng karamihan at imbis sa sarili mong pananaw which blocks the true meaning of art (for me). Well. Walang pinagkaiba. Sht talaga.
btw, if you don’t know EMC, you should expect na may coding, dahil ako, i didn’t reasearched enough. I should go straight to what I love and it is truly my passion: animation. I was hooked bait by the school I enrolled to at walang magandang titser dito at thankgod, walang nagenroll dito sa hell hole na nararanasan namin ngayon dahil (secretly) one time na napasama ako sa promotion ng school and we advertise our course which is (EMC:major in digital animation pero secretly IT) sinabi ko sa mga nakakilala ko sa ibang school na huwag na maegenroll dito kung sa aming department nila kami mageenroll, dahil false advertisement nga pinopromote namin dito at hindi talaga maganda ang curriculum. Don’t call me names dahil, ayoko lang sila magsuffer in the end as well as their parents na rin.
Going back, gusto ko lang irant dito ang 1. pangit na curriculum 2. pangit na teachers 3. school is factory of killing your child dream. Well, this are just my opinion and based on what I feel at hindi lahat ng sinasabi ko ay totoo. Dahil ito nga ay onesided marami akong flaws na hindi mo kailangan paniwalaan at pwedeng pwede kang magdisagree.
4. I am tired
2 years lang ako sa college at napapagod na ako. lalo na ngayon na pandemya, mas lalo ako nawawalan ng gana, mas nawawalan ako ng lakas. Hindi na ako masaya, hindi na ako nakakatawa, palagi na lang ako nayayamot sa loob-looban ko, at higit sa lahat walang nakakaintindi sa akin.
Wala, bakit? hindi ko man kasi masabi sa magulang ko, kahit sa mga kaibigan ko ang nararamdaman ko. Nawawalan na ako ng pag-asa. Napansin ko din ng mga nakaraang buwan na nasasakal na ako, at dinadaan ko na lang sa laro dahil duon ako masaya, pero leche pinipigilan pa ako ng magulang ko at minsan, nawawalan na rin ako ng gana gumuhit at tumuntog dahil ano pa nga ba ang silbi? Para bang, nagiging maulap na ang aking paningin sa kakaiyak gabi-gabi. Parang bumabalik ako sa dati, sa dating ayaw ko ang sarili ko. Bakit ngayon pa na naghihilom na ako?
Ang dali kong malugmok sa kalungkutan ano? Jusko, nasa genes ko na eh. Sobrang bilis ko lang madrain kapag hindi ko gusto ginagawa ko. Hay...
0 notes
Text
Hindi ko alam kanina pa kami nagiinom masaya kami pero mas masaya pag kasama kita yun nannakasanayan ko ngayun lagi kita kasama oras oras minutoinuto na kasama ka sobrang sulit hawak kamay mo kawakap ka nahahalikan ka wala na ako hinihiling pa. Alam mo naman hindi ko kailangan ng material na bagay oara maging masaya. Ikaw palamg sobramg okay na kasi yun yung dahilan oara magkita tayo para makasama ka. Okay na okay na ako pag nakikita kita wala na ako kelangan hilingin pa. Bago tayo matulog sinasabi ko naman sayo kung gaano kita kamahal. Totooo lahat yun wag ka sana mag duda ganto ako e. Yun yung iniiiwasan ko, isa sa mga iniiwasan ko kaya ayoko mag mahal. Kasi sobra, sobra sobra na halos ikaw na piliin ko sa lahat ginagawa ko iniisip ko araw araw paano maging better na tao para sayo kasi sobramg worth it mo. Na ppressure ako gusto ko maging maayos para sayo sa future natin l. Yaan mo advance talagaa ako magisip, iniiisip ko kasi ikaw na talaga. Sana, ang dami dami kong sana mahal ko noon lagi ko sinsabi sayo sobramg dami kong sana na maranasan kasi naiingit ako sa iba whicy is d naman dapat mainggit kasi ibat ibang relasyon naman. Pero nung nakilala kila nagbago lahat. Lahat ng sana ko unti unting natupad minsan naiiyak akk deserve ko ba ganitong tao? Sobrang pangit nang ugali ko or ako lang nakakapansin? tapos ibibigay sakin ganitong tao. Ewan hindi ko na kailamgan ng ibang tao na papasok sa buhay ko bukod sa pamilya ko at mga kaibigan ko anjan kana. Hindi ko alam paano ko sasabihin sayo sa personal alam kong cormy hindi ka naman ganun pero totoo lahat. Sobrang masyado ko pinapakita na mahal na mahal kita hinding hindi ako magsasawa na mahalin ka sana kahit makita mo, maramadamn mo na gaano kita kamahal sana hindi ka magsawa. Kahit araw araw kita nakikita, nakakasama, hindj ka magsawa sakin mahal na mahal kita ikaw inisip ko ngayun masaya dito pero iba parin yung saya na naibibigay mo sakin. Mahal na mahal kita paolo maipapamgako ko sayo na hindi ito magbabago salamat sa lahat.
0 notes
Text
Denial
Hindi lahat ng bagay ay pabor sa atin. Kumbaga, hindi lahat ng gusto mo ay masusunod. Halimbawa, kung gusto mong maging matagumpay na tao pero mas mahal mo pa ang Dota kesa sa pag aaral at bumabagsak ang grades mo, tyak mahihirapan kang makamit ang gusto mo. Aba, hindi lahat makukuha mo. At hindi rin lahat ng maganda sa pandinig mo ay tama. Maaaring isa lang tong malaking kasinungalingan tulad ng pambobola sayo ng kaibigan mo kapag mangungutang sa sayo.
Ang tendency tuloy nating mga Pilipino ay piliin ang maganda at ilayo ang pangit. Kaya kung nilalayuan ka na ng ibang tao. Aba, tingin tingin din sa salamin. Hindi, biro lang kabayan. Kapag may mga bagay na hindi maganda, hindi natin to tinatanggap. In denial ang peg mo.
Tulad noong sinabi ko kahapon tungkol sa kaibigan kong si Jacob. Mamamatay na ang tatay nila pero hindi nya nila iyon matanggap kaya naman iniisip nila na "hindi, lalakas pa si tatay. Kaya nga nyang tumayo pa". Masaklap na katotohanan na mamamatay na ang tatay nila dahil malubha na ang karamdaman nito. At dahil hindi nila ito matanggap ay pinapalitan nila ang pangit na katotohanan na magpapalubag sa kanilang dinaramdaman. Ayun! Denial.
Balikan natin ang psychoanalyst na si Sigmund Freud, sabi nya na ang denial ay isang defense mechanism kung saan hindi niya tinatanggap ang masaklap na katotohanan at nirereject nya ito. Pilit nyang sinasabing hindi ito totoo sa kabila ng mga ebidensyang nakaharap sa kanya. Kaya kung madaming tao na nagsasabing hiwalayan mo na ang boyfriend mo kasi may iba na sya, ikaw naman ay todo tanggi na hindi yun totoo, na mahal na mahal ka ng boyfriend mo mga bwakang ina kayo wag nyong pakielaman ang lovelife ko! Ayun nga ate, nasa denial stage ka. O kaya naman kahit sandamakmak na ang ebidensya na corrupt si Congressman Nacao ay marami paring tao ang naniniwalang totoong tao sya sa kabila ng mga kabit nya, drug operations at mga fake news na nilalabas nya. In denial nga!
Ayon sa Journal of Clinical Oncology ni Rayson na On Denying Denial (2013), iba't ibang klase ang denial ng tao. Maaaring ayaw mo lang tanggapin ang totoo na may iba na sya at hindi ka na nya mahal. Sabi nga sa kanta ng Repablikan na Kabet: "O kay sakit namang isipin na sa puso mo ako'y pangalawa. Stupeeeeeeed". Maaring hindi mo matanggap na nagmumukha ka nang matanda. Minimisation naman ang tawag kung tinatanggap mo ang totoo ngunit dinedeny mo parin ito.
Friend: Ui girl, wag ka mooffend ha pero parang tumataba ka na.
Me: ano ka ba friend, hindi naman. Kita mo oh, suot suot ko pa yung niregalo ng boyfriend mo sa akin na dress. Ahihihi
Friend: seryoso girl, parang ang laki ng braso mo ngayon.
Me: *tumayo sabay naglabas ng baril at tinutok sa kaibigan* SASABIHIN MO PA BANG MATABA AKO O GUSTO MONG KUMALAT ANG UTAK MO DITOOOOO!!!!
Pagdating mo sa bahay ay tinignan mo ang sarili mo sa salamin. Naisip mo na sikip na sikip ka na sa damit na suot mo pero hindi mo parin matanggap na tumataba ka na.
Sa librong nilabas ni Sirri at Fava na International Review of Psychiatry (2013), pinaliwanag nila na sa ibat ibang klase ng denial mag uugnay pa din ito sa resulta na ayaw nating tanggapin ang totoo. Maraming klase ng denial at iisa lang ang pinapatunguhan nito. Ayaw natin sa katotohanang nalalaman natin.
Denial of fact kapag ayaw mong tanggapin na laos ka na. Hindi ka na sikat. Hindi ka na kilala ng ibang tao. Denial of fact kapag alam mo na fake news lang ang Mocha Uson blog pero naniniwala ka parin na kasalanan lahat ito ng dilawan.
Denial of impact naman kung denedeny mo ang isang bagay dahil guilty ka. Mahal mo parin ang ex ko na ex mo na ex ng buong bayan! Dahil sayo kaya naghiwalay ang kaibigan mo at ang boyfriend nya. Pero sinasabi mo na hindi ikaw ang dahilan pero deep inside, naaawa ka sa kaibigan mo dahil inahas mo sya pero at the same time natutuwa ka kasi makukuha mo na ang boyfriend nya. Galing galing!
Denial of awareness naman kapag alam mong aware ka sa mga nangyayari subalit dinedema mo lang ito. Tulad ng tinatanong ka ng mga tao kung kayo na ba ng classmate mo. Sasabihin mo "Friends lang kami". Tinalo nyo pa ang KathNiel sa mga ganitong eksena.
Denial of Responsibility naman kung nagfail ka sa ibang bagay pero hindi mo ito matanggap. Example, bumagsak kayo sa inyong thesis at kailangan nyong umulit. Sasabihin nyo na "naku maganda naman ang gawa natin. Maarte lang yang prof na yan. Balita ko nga may nilalandi yan sa ibang college at nagsoSogo daw!". O kaya naman sisisihin mo ang classmate mo na walang tinulong at tagabili lang ng meryenda kapag gawaan ng thesis. Dahil bumagsak kayo ay hindi mo matanggap na nagkulang nga kayo.
Hindi naman talaga lahat ng bagay ay pabor sa atin. Nasa atin naman yan kung paano natin ihahandle ang mga sitwasyon. Tamang gabay lang at management ang kailangan natin para maging maayos ang lahat. Ikaw ba? Nasa denial stage ka ba ng buhay mo?
79 notes
·
View notes
Text
"EX BOYFRIEND KO NOON,Ay ASAWA NA NG KAPATID KO NGAYON"
Tagapagsalita:May mag-asawang mayaman na nakatira sa lungsod ng San Isidro sila Diana at James Dela Torre.Mayroon silang dalawang magandang binibini na sila Nina Dela Torre at Mica Dela Torre.Si Nina ay maganda,mabait at masipag sa kanyang pag aaral, samatalang kabaliktaran naman Kong anong pag uugali meron si Mica,dahil laging inaatupag ang kanyang mga kaibigan na walang magandang ginawa kundi mag-inuman laging tumatakas sa klase.Pero makikita morin sa mukha Ni Mica na magandang binibini siya katulad ng kanyang ate.Magkasundo si Nina at mica Mahal na Mahal nila ang isat Isa kapag may nang aapi sa Isa sa kanila ay agad pinagtatanggol ng Isa.Pero sa isang iglap na wala iyon lahat dahil sa isang lalaking nagngangalang SKY.si Sky ay kaibigan ng kanyang ate at kaklase Rin dahil palagi itong pumupunta sa kanilang bahay nagkagusto si Mica Kay sky.pero nahahalata Ni Mica na may gusto say kanyang ate ang lalaking lihim niyang minamahal Kaya simula noon lagi nalang siyang galit sa kanyang ate nina. ( Isang araw habang namasyal si Nina sa Parke nang may Makita siyang kumpolan ng mga kababaihan na nagtatawanan at may kinukutya ito.Agad lumapit so Nina dito.) Nina:(nagulat siya sa kanyang nakita at nagsalita) Ano ba ang ginagawa ninyo? Bat niyo siya sinasaktan? Girl 1:hey miss.wala Kang paki Alam Kong anong gusto naming gawin sa kanya o baka gusto mo ikaw Ang isususunod namin. Nina:Oh sige nga gawin mo nang magkaalaman tayo Tagapagsalita:Biglang tumingin sa kanya Ang babae at nabigla silang dalawa ng magtama ang kanilang mata dahil ang babaeng humahamon sa kanya ay si Mica. Mica:(nagulat) Nina(nagulat din) Ano bang ginagawa mo Mica? Mica:(Parang walang narinig) Nina:Mica!!! kinakausap,Kita makinig ka nga please. Mica:Ano ba ang Ingay² mo satsat ka ng sat². Nina:Kaya nga makinig ka sakin. Mica:oh Sige ano!! Nina:bat ka nagkakaganito hindi ka naman ganyan noon? Mica:tapos kana sa gusto mong sabihin Nina:Mica ano ba Wala Kang respeto sakin. Mica:(tinawag mga kaibigan) girls Tara ang ingay ng matandang babae dito. Tagapagsalita: Nagtatawanan ang mga kaibigan Ni Mica dahil sa kanyang sinabi,at umalis sila kasama so Mica at naiwang umiiyak si Nina. Nina: (tinulungan Yung babaeng inaway ng kanyang kapatid) Miss,ok kalang ba? Pasensya sa ginawa ng kapatid ko sayo. Babae: ok Lang po sanay naman po akong inaapi. Nina: wagkang magsalita ng ganyan,sa susunod wag Kang magpapaapi. Babae:(nagpaalam na Kay nina)Sige po Mauna na ako,tsaka maraming salamat at tinulungan niyo ako Nina:Wala Yun,dapat korin gawin yun dahil kapatid ko siya. Tagapagsalita: Patuloy nang nagpaalam Ang babae at naiwang mag Isa si Nina at marami ang gumugulo sa kanyang isipan.patuloy siyang naglalakad sa Parke para mamasyal nang may narinig siyang boses nang lalaking tumatawag sa kanya at familiar iyon sa kanya ,lumingon siya para makita Kung Sino Ang tumawag sa kanya at pagtingin niya nakita niya ang maamong mukha Ni sky. Nina:oh,sky napadito ka? Sky:bakit?bawal bang Makita yung babaeng Mahal ko(pabulong na Sabi) Nina:Ano?Anong sinabi mo? Sky:Ah yun ba,Wala Yun. Nina:Sky may sinabi ka wag ka nang nag mamaang maangan diyan (sabay kurot sa pisngi Ni sky) Sky:Nina wala talaga wag makulit Nina:0k,(Sabi ngang Hindi na makulit pabulong niyang sabi?) Sky:May sinasabi ka? Nina:Wala ang Sabi ko ang gwapo2 mo kaso bingi Lang. Sky:ngayon mulang nalaman noon pa kaya ako gwapo (patawang sabi Ni sky) Nina:oh my G ang lakas2 ng hanging dito Sky:(tumatawa) Aminin muna Kasi na nagwagwapohan ka sakin pakipot kapa diyan Nina:Alam mo felingero Karin nohh. Sky:Ayiee Nina aminin mona na gwapo ako. Nina:oh Sige na,nang mapayapa yung kaluluwa mo ,Oo na gwapo kana o masaya kana . Sky:(sad) Nina:oh bat malungkot ka? Sky:ikaw Kasi sinabi mo ngang gwapo ako pero Parang napipilitin kalang sabihin. Nina:(Ang lakas ng tawa) Yun lang nagkakaganito kana (hahahaha) Sky:pinagtatawanan na Naman ako (sabay puot). Nina:Alam mo sky Ang O.A mo (sabay kurot sa pisngi Ni sky) este ang cute mo. Sky:(Biglang tumawa)talaga? Nina:Hindi joke Lang ang pangit mo Sky:(sad) Nina:oh Sige gwapo kana tapos Ang cute mo Sky:(sabay yakap ky Nina) Sabi ko Naman sayo gwapo ako ehh Nina:(sabay yakap din) tama na ang drama muna marami ng taong tumitingin satin. Sky:(bumulong sa tenga Ni Nina) wala akong paki alam Nina:(sabay tawa)Sige na alis na tayo dito.? Sky:saan Naman tayo pupunta? Nina:uuwi na baka hinahanap na ako nila mommy at daddy Sky:wag muna Nina maglaakad muna tayo Nina:ok� Tagapagsalita:habang naglalakad silang dalawa .mahigpit Ang pagkahawak Ni sky sa kamay Ni Nina at napansin din it Ni Nina kanina pa kasing balisa si sky at parang may gusto itong sabihin ,Kaya siya na mismo Ang nagtanong. Nina:Ahmmmm.......Sky parang balisa ka yata?
1 note
·
View note
Text
Does looks matter?
Napansin ko lately, ang dami kong picture ng kung anong angulo ng mukha ko sa gallery ng phone. And while looking at them, natutuwa ako sa mukha ko. Sa ibang angle masasabi ko na maganda pala ako at sa ibang view naman natatawa ako sa hugis ng mukha ko. Pero ang mas nakakatuwa kasi napansin ko ang sarili kong nakangiti imbes na burahin ang mga larawang yon. Gets nyo ba?
Dati, nahihiya talaga akong humarap sa camera especially pag nag-rerecord ng video ang mga friend ko. Conscious ako sa ngipin ko sa harap, pangit kasi tingnan eh. Kaya sabi ko talaga magpapa-ayos ako ng ngipin tas ipapa-brace ko yung baba para maganda ngiti ko. Sa shape ng mukha naman, compared sa iba, ang pangit kasi medyo abante ang baba ko tas ang liit ng bridge ng ilong ko. Tapos yung hair ko, hiwalay masyado sa isa’t isa na parang may tampuhan sa sobrang buhaghag. And lastly, ang skin color ko. Yung tipong hinahabol ko may-ari ng phone para burahin yong picture kasi baka e-post nya, eh ang itom ko don. Para bang yung creepy pictures na may nahagip na engkanto sa litrato. HAHAHAHA. Eh syempre baka makita ng ibang babae tas e-bully ako o kaya ng mga lalaki tas maturn off lalo sakin. Lol. Dati yon...
Magdadalawang taon na ata akong nag-oomegle pero hinahanap ko pa din yong angulo ko na bebenta sa makakausap ko don. Pag di ka kasi maganda sa paningin nila aalis agad yan eh. Next agad. Don ko naisip to; madalas pala tayong magpaganda para magustohan ng iba. We all have different reasons why we want to look pretty. Yung iba, hilig nila. Masaya sila don. Natutuwa sila sa products, sa paglalagay ng kung ano anong bagay sa katawan nila to look presentable at the same time attractive. Nagpapaganda para sa sarili. Nagpapaganda para sa iba. Nagpapaganda tayo para sa sariling interest. Para e-appreciate, magustohan, mahalin o kung anong dahilan pa. At don makukuha ang saya. Di ka naman completely sasaya sa simpleng pagtingin sa sarili mo sa salamin kung hindi doon sa appreciation. Gaganahan tayong mag-ayos kapag mamdami ang magsasabi na bagay sa atin. Pero pag madami ang magsasabi na wag na kasi mas maganda pag simple, pipiliin din naman natin na hindi na. In short, nagdedepende talaga yon sa mga tumitingin, uma-appreciate, at nagmamahal. Ika nga “Beauty is in the eye of the beholder.” Char
Kaya naisip ko to. Hindi naman talaga importante ang looks natin sa lahat ng tao. Isipin nyo ha, 7.5 billion lahat ng tao sa mundo. Dami no? Si Anne Curtis merong 8.2m followers sa instagram pero hindi lahat ng mga yon fans nya. Ang point ko lang, sa dami ng tao sa mundo, hindi yan lahat makakapansin sayo. Oo sayo. Sige na-notice ka ng ilan, pero walang pake mga yan. May ibang interest sila. Yung iba nga siguro na akala mong sinasabihan ka na “maganda ka” e wala naman talagang pake yon sayo. Para lang may masabi ba. Alam mo ba sino makakapansin ng tunay mong ganda? Ang mga tunay na nagmamahal sayo. ;) Sila yong magsasabi na nakikita nila ang tunay mong ganda kahit di ka na mag effort para ipakita ito. Sila yong magpapatunay na hindi importante ang looks o ang appearance mo para magustohan ka at mahalin ng taong gusto mo. Ang dami ng ginawang pagpaganda ng ilan, hindi naman sila minahal ng mahal nila. Siguro nasa isip nila na baka magustohan sila if ganon, pero hindi eh, ang totoo kasi may ibang gusto talaga yong tao at hindi sila yon. Sadnu?
So umabot na ako don sa mga realization ko tungol sa pagiging self-conscious ko. Kailangan mo lang pala talaga magkaroon ng taong tunay na nagmamahal sayo, sa tabi mo, para maging kontento ka kung anong meron ka. Sila kasi yong magpapa-realize sayo na di mo kailangan ang opinion ng ibang tao para malaman mo na maganda ka o kailangan mo na magpaganda kasi nagsasawa na sila sa pagmumukha mo. Before ko na-realize ang mga bagay na yon, napansin ko sa sarili ko na wala na yung tipong pagka-“self-conscious” ko. One time, my friend Zam told me na sobrang halata daw n scars sa binti ko. Instead na mahiya ako, ngumiti ako at sabi ko “Oh, effective pala yong sabon na gamit ko. Ibig sabihin pumuti na ako.” Dati, hiyang hiya ako sa scars ko, until naisip ko na ano ba meron sa scars? Mababawasan ba non yong pagmamahal na meron ang mga kaibigan mo o yung taong mahalaga sayo kapag madami kang ganon? Hindi diba? Sa dinami dami ng tao sa mundo, magkakaroon pa ba sila ng oras para pansinin yung scars ko? Wala naman akong pake kung ayaw nila, binti ko naman’to, at higit sa lahat proud ako na malaman nila na ang mga yon ay bunga ng masayang pagkabata ko. Kaya minsan, pag trip kong mag-skirt sa school, go lang ako, kasi wala akong pake sa opinion ng iba. Wala namang masama, diba? Hanggang sa okay na okay na akong humarap sa camera, kahit anong view pa ng mukha ko. Hindi ko na din masyadong iniisip yung suot ko pag lalabas o papasok ng school. Kahit di uso, kasi di naman talaga ako mahilig sumabay sa uso, go lang.
Lahat naman tayo may kanya-kanyang dahilan sa pagpapaganda, o pag-aayos ng sarili. Pero don sa mga nagpapaganda para lang magustohan o maisiksik ang sarili sa mga taong mahirap pantayan, you don’t need to. Kasi ang tunay na makikita ng mga magmamahal satin, ay ang ating pure na kalooban at hindi ang panglabas na kaanyohan. Iba’t ibang standards meron ang bawa’t isa sa’tin, at mahirap e-meet ang mga yon. Pero mas mahirap ang mag-effort na mag-ayos para sa gusto mo na iba naman ang gusto. Kaya wag mong isipin ang opinion ng iba, kita mo si Xander Ford nagpaapekto masyado, ayon nagpa-retoke, edi mas lalong hinusgahan. Don kasi tayo sa taong mahal tayo, buong buo. Simula sa flaws natin, sa looks (na di naman importante), sa pagkatao natin, yung tanggap tayo ba, buong puso--- bukas palad. Di mo kailangan ng madaming likers ng picture mo sa Facebook para malaman na madaming nagmamahal sayo. Nililinlang ka lang ng mga yon, kunyare gusto picture mo, nako! HAHAHHA joke. Ang pinakamahalaga mahal tayo ng Diyos kahit hindi ng crush natin! Ganon. Ngayon masaya ako na ganito, di na nako-conscious, di na nahihiya sa iba dahil madaming scars o kaya sira ngipin ko sa hanap. Di ko alam kung alin ang sakto, yung naging confident ako o naging mas kontento lang. Basta ang importante ay ang mahalaga. Charot. Maging sino o ano man tayo, mahal tayo ng Diyos. Di man tayo in sa standards ng iba, pag ang Diyos na ang humusga, tayong lahat ay maganda. Pak! Bye~
PS—lumiwanag balat ko sa sabon. Ano yon eh, Kojie-san. 🤣
PSII-- hindi ko sinasabi wag ka na mag-ayos kasi mahal ka pa din ng mahal mo, gaga kung ang baho mo na syempre iiwan ka non. Gamit ka Kojie-san soap, effective sa pimple. HAHAHHAHA
#self-conscious#natural beauty#pure heart#simple beauty#hiya aq sa scars ko#bakit hindi ka crush ng crush mo#bakit di tayo mahal ng mahal natin#tanggap kita buong buo#xander ford#papeym#god loves us#god loves you#god loves me#kojie san
1 note
·
View note
Text
KOPIKO - LOVE CONFESSION
(MAY LALAKI KAYANG MAGBABASA NITO :)
KOPIKO -LOVE CONFESSION
I'm a graduate of BEEd (Bachelor of Elementary Education). Pero hindi muna ako nagtuturo. Umabot ako ng college na NBSB pa rin. Ayoko kasing magkaboyfriend noon. Gusto kong malaya lang para maraming naghahabol sakin. Alam nyo naman, pag taken ka na hindi ka na makakaharot HAHA. Maganda naman ako. Sabi rin ng karamihan. Matangkad saka mala-coca cola katawan. Matangos ang ilong. Mala-labanos ang kutis na maputi at makinis. Alagang alaga kasi ako samin lalo na ni mama. Kaya mula HS eh lapitin na talaga ako. Marami akong manliligaw pero wala namang pumapasa sa standards ko. Oo mga gwapo naman yung iilan kaso ayoko talaga. Pihikan ang ate nyo HAHA.
Madalas akong maging muse sa room namin. Madami na din akong nasalihang Beauty Contest na naiuwi ko ang korona. Ganda ko diba? HAHAHA.
So heto, meron akong manliligaw na ubod ng pangit HAHAHA. Oo guys, ampangit nya talaga as in. Mukhang mabaho tas dugyot pa grabe. Yung buhok nya kulot na buhaghag tas ang itim pa. Lakas ng loob nyang manligaw noh? Sa isang dyosang tulad ko? KEMEROT HAHA.
Pedicab driver sya. Lagi nya akong hinahatid pauwi samin. Okay lang naman sakin para less pamasahe. Kahit kasi tanggihan ko kukulitin ako nun. Tas ayaw magpabayad.
Naaalibadbaran ako sa mukha ng taong yun. Araw araw na lang kasi nakikita ko yung pangit nyang pagmumukha. Hatid sundo nya ko kahit di ko naman talaga gustong magpahatid at sundo sakanya.
Anyway, KIEL is his name. Buti nga kahit papano eh gumanda ganda naman pangalan nya sa kabila ng kapangitan nya.
Kilala sya ng mga kaibigan ko, sa araw araw ba naman na pagaabang nya sakin sa gate tuwing uwian at paghatid sakin sa school sa umaga diyos ko HAHA.
Mula first year mga bess hanggang nung nag fourth year college ako hindi nya ko tinigilan. Apat na taon akong nagtiis sa pangit na yun. Myghad! HAHA.
Makita palang sya ng mga tropa ko, "Uy si halimaw na naman oh." Tapos magtatawanan. Pag nakikisama saming magtotropa yun, (since sa tapat lang ng tindahan yung paradahan nila ng pedicab sa labas ng school), binubully namin yun mga bess. Nandun yung babatuhin ko sya ng papel na niyukot pag trip ko. Yung mga tropa ko namang bully magpapabili ng kung anu-ano sa kanya gamit yung sarili nyang pera. Kundi softdrinks, sigarilyo, junk foods, madami silang pinabibili hanggang maubos lahat ng kita ni Kiel sa pagpepedicab. "Bahala ka magagalit si Bebe sayo pag di ka bumili." Panakot ng mga tropa ko sakanya yan. Ito namang si uto uto, walang sabi sabi bili naman agad. Pangit na nga uto uto pa shet! HAHA.
Halos isumpa ko pagmumukha nya araw araw haha. Anyway, call me BEBE na lang(not my real name.)
Hello KIEL! HAHA.
Naalala mo pa ba nung college ako? Nanligaw ka saken diba? Na-Love at first Sight ka kamo HAHA. Pero ayoko talaga sayo kasi naman e! Pangit ka na nga hindi ka pa nag-aaral. Grade 6 lang tinapos mo. Ano bang mapapalamon sa akin ng isang pedicab driver? Asin? Tuyo? HAHA. Isa ka pa namang dakilang uto uto noon. Lahat ng gusto ko sinusunod mo. Naaalala mo rin ba? Tuwing pagtitripan ka ng barkada ko? Kakantahan ka nila..
"Sayaw Kelkel, sayaw Kelkel, sayaw Kelkel, sayaw Kelkel."
Tas sasayaw ka namang baliw ka HAHA. Natatawa pa ako sa giling mo tas yung facial expression talaga HAHAHA. Lalo mong pinapapangit mukha mo.
Tapos nung nag-ipon ka pa para maibili ako ng bouquet of roses nung Valentines saka mga chocolates. Tapos sinabwat mo pa yung mga tropa ko sa gimik mo HAHA. Nung lumabas kami ng gate, bigla pinaikutan nila ako tapos bigla namang litaw ng masura mong peslak sa harap ko. Pinagkaguluhan pa tayo. Ang daming nakiusyoso satin lalo na nung sinimulan mo na ang bumanat ng mga corny na pick up lines mo. HAHAHA. Bawat bitaw mo ng lines eh sinasabayan ng palakpakan ng mga baliw na nanonood. Syempre namula ako nun kahit ang baduy mo. HAHA.
Kilala ka nila Mama at Papa bilang isa sa mga manliligaw ko. Pero tiwala silang di kita sasagutin sa itsura mo ba naman. Yuck! HAHA.
Nung graduation ko nandoon ka para suportahan ako. Nagcelebrate kami. Since nandoon ka naman sa bahay pinakain ka na kita.
Napalapit naman na ako sayo sa mahabang panahong pinagsamahan natin. Kahit halos araw araw ginagawa kitang katawa tawa kasama ang mga baliw kong barkada. Marami ka nang nalalaman tungkol sa akin at ganun din naman ako sayo. Araw araw, gabi gabi lagi kitang kausap sa phone. Minsan ako pa tatawag sayo pag bored ako.
Nung dalawang araw kang di nagparamdam sa akin, di kita makontak, di ka rin nagrereply sa text, syempre namiss kita pangit. Honestly! Buti nalang napadaan sa tapat ng bahay yung kasamahan mo sa pagpepedicab, edi tinanong ko sya kung kumusta ka na. Doon ko lang nalaman na namatay pala ang lola mo. Di mo man sinabi. Naawa ako non kasi lola mo nalang ang kasama mo since yung papa mo eh nakapag-asawa na ng iba at ang mama mo naman ay namatay nung pinanganak ka.
Nakiramay ako sayo. Sinamahan kita sa pag iyak mo. Kinocomfort kita. Di pa naman ako sanay na makita kang ganoon. Nung nailibing na si lola mo, di ka na nagtatrabaho. Nandun ka lang sa bahay nyo. Laging malalim iniisip. Ikaw nalang mag-isa sa buhay. Nawalan ka na nga pakialam sa buhay mo. Nalulungkot ako para sayo. Di mo na inalagaan sarili mo non. Nadugyot ka nang tuluyan. Di ka naman sumasagot sa mga tawag ko kaya obligado pa akong puntahan ka para kumustahin at tanungin kung kumain ka na. Bwisit na bwisit ako sayo tuwing di ka kumakain(wala naman kasi syang kakainin kasi di na sya nagtatrabaho) kaya bibili pa ako ng makakain mo. Pilitan pa pag pinapakain kita kasi ayaw mo talagang kumain. Yung tipong parang gusto mong sumunod na rin sa lola mo. Ramdam ko yun Kiel.
Kaya maaga akong gumigising. Pag nag-aalmusal ako ipinagtatabi kita ng aalmusalin mo din. Pupuntahan kita pag tapos kong kumain para dalhin sayo. Tanghali't gabi, ganun din. Pag di nakatingin sila mama ipinagu-umit na kita ng makakain mo. Tas maghihintay ako ng kasamahan mo sa pagpepedicab para makiusap na ihatid sayo. Binabayaran ko naman sila pero ayaw nila tanggapin. Gusto ka din kasi nilang tulungan.
Pag pinupuntahan kita nakikiusap pa kong maligo ka Jusmio ang baho mo na kaya. Tinatakot kita na ako magpapaligo sayo pag di ka pa naligo kaya mapipilitan ka HAHA.
Nung hinatiran kita once ng almusal, nagulat ako nakabihis ka na at tinutulak mo pedicab mo. Sabi mo magtatrabaho ka na kasi nahihiya ka na sakin sa ginagawa ko para sayo. Kakayod ka sabi mo para sa sarili mo. Natuwa ako kasi sa wakas balik ka na rin sa dati. Bumalik na pagiging loko loko mo.
Pagkagaling mo sa trabaho dadaan ka samin, pinagdadala mo ko ng paborito kong pancit. Sinasabi ko naman sayo noon na wag mo na akong pagdalhan kasi gastos mo pa. Sana iniipon mo nalang. Pero ginagawa mo pa din. Minsan ako naman pumupunta sayo paguwi mo galing trabaho para makipagkwentuhan. Lagi kong ipinapanood sayo yung sayaw mo noon HAHAHA. Yung "SAYAW KELKEL, SAYAW KELKEL." Tanda mo pa ba yan? Venideohan ka kasi namin habang nagsasayaw. Di ko binura yun para may pinagtatawanan ako/kami. "Ang pangit ko dyan!" Tapos pinipilit mo kong burahin. Hahaha Lt ako sayo. Pangit ka naman talaga kahit di ka sumayaw ng ganun sus!
Nung gabing lasing na lasing ka, pinuntahan kita. Nagkalat pa yung bote ng mga pinag-inuman mo sa kwarto mo. Alam kong napainom ka kasi nalulungkot ka sa pag-iisa mo sa buhay. Naiiyak ako tuwing nakikita kang umiiyak. Kahit anong gawin ko di ko na maibalik yung dating ikaw.
Lasing na lasing ka ng gabing yon. Pinapunasan kita ng face towel habang umiiyak ka tas nagsasabi sabi. Na namimiss mo na lola mo, na sana namatay ka nalang din, na sana di ka iniwan ng papa mo. Ang dami mong drama. Ilang minuto lang nakatulog ka din. Titig na titig ako sa pangit na mukha mo. Oo ang pangit mo talaga grabe. Alam ko sa sarili ko na hindi na awa ang nararamdaman ko para sayo. Alam kong sa sarili kong mahal na mahal na kita. Umiyak ako habang nakatitig sayo, kasi gulong gulo talaga utak ko. Naramdaman ko nalang na parang gusto kitang halikan. And I did it. Kahit amoy na amoy sa bibig mo yung alak, di ako tumigil halikan ka. Maya maya pati ikaw lumalaban na sa halik ko. Isa lang nasa isip ko nun, gusto kong may mangyari satin. Sinamantala ko ang kalasingan mo. Naghubad ako unti unti. Ako na din naghubad sayo. Kahit takot na takot ako nun kasi first time natin yun, di ako umatras at nagdalawang isip kasi gusto ko ikaw ang makauna sa akin. Naging mahirap sating pareho yung gabing yun kasi pareho tayong walang karanasan. Pero kahit ang sakit ng nararamdaman ko nun tiniis ko. Para maging matagumpay ang gabing yun para sa atin.
Natapos tayo at nakatulog ako sa tabi mo. Nagising nalang ako kinaumagahan nung binibihisan mo ko, umiiyak ka. Paulit ulit kang humingi ng tawad sa nangyare at pinaliwanag na lasing ka at di mo alam ang ginawa mo. Awang awa ako sayo kasi alam ko wala ka namang kasalanan.
Niyakap lang kita at sinabing "Okay lang". Hinatid mo ko pauwi. Pero di na kita pinapasok sa bahay kasi isang gabi akong hindi umuwi at pag nakita ka nila malalaman nila mama na ikaw ang kasama ko magdamag.
As expected nagalit parents ko sakin. Sinabi ko lang na nagover night ako kala Cynthia at di na ako nakapagpaalam. (Kilala nila si Cynthia. Best friend ko since elem.)
At ang masaklap, nagbunga ang ginawa natin. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa parents ko. Sayo ako agad tumakbo. Iyak ako ng iyak sayo habang niyayakap kita. Sabi mo ikaw ang magpapaliwanag sa parents ko tungkol sa dinadala ko. Takot na takot ako pero wala naman tayong choice kundi umamin. Sinamahan mo ko sa bahay. Mahigpit yung hawak ko sa kamay mo. Hindi ko binibitawan. Kabang kaba ako. Nakita pa lang tayo nila mama't papa na papalapit sa kanila ay iba na ang tingin nila sa atin. Nakakunot na ang noo ni papa. Unang pagkakataon palang kasi nila tayong nakitang magkahawak kamay. Ayoko kasing bumitaw sayo. Nagsimula kang magpaliwanag. Nung narinig palang nila yung BUNTIS, nagsisigaw na si papa. Nagwawala. Umiyak ako ng husto sa takot. Nakita ko kung paano ka nya suntukin ng tatlong beses sa harapan ko. Kasama pa doon ang mga tadyak nya nung nasa sahig ka na. Inawat lang sya ni mama. Tapos lumapit ako sayo at niyakap kita. Sobra akong naawa sa sinapit mo lalo na nung makita yung tagas ng dugong lumalabas sa ilong mo. Patawarin mo ko Kiel. Kasalanan ko yun. Nakaramdam ako ng guilt kasi wala ka namang ginawang masama. Ako ang may kagustuhan nun. Ako ang gumawa nun. Biktima ka lang dito.
Pinakuha ni papa lahat ng damit ko at pinaalis tayo. Gusto nya daw patunayan sa akin na wala akong mapapala sayo. Na wala akong magiging magandang kinabukasan sayo at uuwi lang din ako sa kanila. Hindi ako nagsalita basta kinuha ko gamit ko at sumama sayo.
Pinangakuan mo ako na magdodoble kayod ka para sa amin ng magiging anak natin.
Sobra naman ang pag-aalaga mo sa akin eh. Alam kong pagod na pagod ka sa trabaho at halos di ka na magpahinga. Sa umaga ikaw nagluluto ng almusal. Uuwi kang tanghali para magluto din. Pag uwi mo ng gabi ikaw pa rin magluluto. Pasensya ka na. Pinalaki akong spoiled nila mama. Wala akong alam sa pagluluto. Ikaw din naglalaba pag may oras ka. Mostly bago ka matulog. Gabi gabi yun. Para hindi tayo matambakan ng labahan. Sabi ko sayo ako na gagawa kaso nagagalit ka kasi ayaw mo kong napapagod. Gumagawa naman ako ng mga gawaing bahay. Yung mga alam ko naman tulad ng paghuhugas ng pinggan, pagtutupi ng damit at pagwawalis sa loob at labas ng tinitirahan natin. Syempre inaalagaan din naman kita. Gustong gusto ko pa nga na pinapaliguan ka. Yung sabay tayong naliligo. Gusto ko kasi malinis ka ng husto. Pinapakasabunan kitang mabuti, gagamit ako ng paghilod para tanggal libag HAHA. Inis na inis pa ako sayo kapag malikot ka kesyo nakikiliti ka o kaya nasasaktan. Sinasabunutan kita pag ganun ka. HAHA. Nagpabili ako sayo ng malaking pulbo diba? Sayo ko din sya ginagamit. Bago ka magbihis pupulbuhan kita ng marami sa likod pati sa dibdib saka tiyan. Tapos lalagyan pa kita ng cologne para amoy fresh. Nilalagyan din kitang bimpo sa likod para di nagpapawis likod mo. Amoy baby ka pa nga daw sabi ng katrabaho mo sayo HAHA. Gusto ko kasi na malinis ka at mabango palagi.
Gumawa tayo ng tawagan. Ayoko kasi ng may katulad. Gusto ko unique. So dahil maitim ka, tinatawag kitang Coffee. HAHAHA. At mahilig ka kasi sa 3-1 na kopiko brown kaya tinawag nalang kita Kopiko. (Coffee-ko). Dahil maputi ako Milky Baby tawag mo sakin kaso di ko bet. Kaya nag-isip ka pa. Kaya tinawag mo kong Baby Bearbrand. Pag lumalabas tayo pinagtitinginan pa tayo HAHA. Siguro akala nila driver kita or hardinero ganorn. Siguro iniisip nila na hindi tayo bagay. Pero wala akong pake. Sobra sobrang saya ko sa piling mo Kopiko. Di ka lang masipag, maalaga at mapagmahal ka pa. Sobrang kitang minahal kahit pangit ka!
Napagkakasya naman natin kinikita mo sa araw araw. Minsan 100 or 200. Pag sinuwerte nakaka-300 pesos ka kasama na dun yung ibang sideline mo pero nakakaraos na tayo sa isang araw. Pag umuuwi ka pa may dala kang pancit. Pagsasaluhan natin. Love na love mo talaga ako noh Kopiko? Don't worry. Mas love ka ng Baby Bearbrand mo.
Dahil sobra na kitang minahal naging praning ako. Ayoko nga na may kumakausap na babae sayo lalo na kung di naman importante. FYI kahit pangit ka, di malabong magustuhan ka ng iba lalo na pag nalaman nilang sobrang bait mo.
Kasi alam ko naman na kahit gaano kaganda mga asawa nila, pag natukso si lalaki wala na </3
Pero alam ko naman na hindi ka ganun diba Kopiko? Faithful ka sa akin diba?
7 months preggy na ako nung hinihintay kita umuwi kasi nga 10 na ng gabi wala ka pa. Ang alam kong uwi mo ay 7-8 lang pero umabot ka ng 10 kaya nagalit ako. Baka may kasamang babae ka na o ano. Tinetext kita di ka naman nagreply. Nag-aalala ako Kopiko. Hindi ako makatulog.
May unkown number na biglang tumawag sakin nung oras na yun Kopiko. Sinagot ko naman. Unang tanong nya sakin kung ano kita. Edi sabi ko Misis mo ko. Kopiko nagulantang ako nung sinabing itinakbo ka sa hospital. Agad akong pumunta dun sobra akong nag-aalala. Nagpahatid ako kay Mark (pedicab driver din) agad kitang pinuntahan. Agad kitang pinuntahan kopiko sa pag-aakalang maabutan kitang ligtas at buhay. Alam mo bang nagwala ako ng husto sa hospital na yun? Bakit naman ganun? Bakit binigla mo ko?
Halos mahimatay ako Kopiko sa sobrang sakit. Nahirapan akong huminga. Pinipilit kong gisingin ka pero ayaw mo nang gumising. Hinahalik halikan kita. Bakit ganun? Bakit ganun Kopiko? Di mo man lang inisip na kailangan pa kita, kailangan ka namin ni baby? Bakit sumuko ka? Kopiko bakit?
Base naman sa sinabi ng pulis at mga nakakita, napagtripan ka daw ng mga nag-iinuman na nadaanan mo. Pinilit ka nila na ibigay mo yung perang kinita mo para may pang-inom sila pero di mo binigay. Ayon sa mga nakakita, nakikiusap ka na wag nilang kunin kasi kailangan mong mag-uwi ng pera para sa asawa mo. Kaya sinaksak ka nila sa sobrang inis nila sayo.
Sumisigaw ka na nagpapadala sa hospital agad kasi sabi mo kailangan mong mabuhay para sa amin ng anak mo. Pero di ka naman umabot. Sumuko ka naman. Ni hindi mo ko hinintay.
T*NGINA KIEL! Pinagpalit mo yung buhay mo sa halagang 300 pesos? Sana kasi binigay mo nalang. Sana kasi hindi ka na lumaban. Edi sana kasama pa kita. Edi sana mayroong ama ang anak ko. Pero alam ko na aasa nalang ako sa puro SANA. Na hanggang SANA nalang ang lahat.
Galit na galit ako Kopiko sa mga hayup na taong gumawa nun sayo. Nagdilim paningin nung iniharap silang tatlo sakin. Pinagsasampal ko na sila. Lahat ng kaya kong gawing pananakit ginawa ko na. Pero kulang pa kopiko. Gusto ko silang patayin. Pero Diyos na ang bahala sa kanila.
Gusto ko na sanang magpakamatay sa sobrang sakit ng pagkawala mo. Kaso inisip ko yung bata sa sinapupunan ko. Alam kong hindi ka rin matutuwa pag ginawa ko yun. Pinauwi na ako nila mama nung nailibing ka na. Tanggap na nila si baby. Sila nagcomfort sakin nung araw araw akong umiiyak dahil sa nangyari. Humingi na sila ng tawad sakin. Maging sayo Kopiko. Sana napatawad mo na sila mahal ko.
© True Love Confession
1 note
·
View note
Text
I still want to keep in touch, but guess what, ayaw mo na...oo, masakit Pat kasi first of all akala ko ikaw na yung magiging best friend for life ko but no. 2nd, you told me na may forever, in friendship and I believed that. Ngayon di ko alam kung kaya ko pang mawalan ng best friend, alam mo iniyakan ko si Grail noon kasi akala ko magagaya tayo sa amin as in yun yung last na hagulgul ko... Pat alam mo namang may issue ako sa friendship na yan diba? Masama na ba ngayon mangamusta? Kinakamusta kita kasi feeling ko I need to do that para naman kahit papano alam kong okay ka...wag kang mag alala hindi lang ako sayo ganyan kaya sana naman di mo iniisip na kinakamusta kita kasi gusto kita, kahit tanungin mo pa si Grail at Lyka...sila yung dumating Pat, nung lumalayo ka na. Masakit? Oo, masakit, sobra kasi mahal na kita noon, pero as days, weeks, months, years go by, narerealize ko na mas mahalaga ka sakin bilang kaibigan Pat. And yes, I miss you...so much. Pero thank you sa distance, siguro dahil din dun nakita ko halaga ko, nakita ko din na kaya kong mag isa, I've become braver and tougher, though I can't deny of me, still, being a cry baby.
I texted you Pat, before our upcoming graduation ceremony (June 25, 26 and 27). Our graduation would be on 25 and with your dept. is on 26. I waited for your text, you, saying congratulations to me, but I received none. I asked, how are you on the 26th and I didn't received any texts from you because I wanted to know if you made it but failed. So, I asked a favor from a friend of mine, I also call her my best friend, Michelle, coz she's always with me...we fought a lot in the past because I hate her attitude, she's frank and she's saying a lot and I get annoyed. I even pushed her when I'm drunk (2nd year bec. of you), ganun ko sya ka-hate but I didn't say a word daw back then. You know why I wanted to get wasted, it's because of you idk why but it's always you Pat, that's my first time na uminom and get drunk. And you know why I chose to be being drunk? Because, you don't want me to have some alcohol, I also don't want me to have some but I did bec. of you (I know that's a choice that I made, but I did blame you of my action). I was really crying hard that night, asking my friends if I'm ugly over and over again. I didn't explain why I'm saying such things but I think they know because I've been calling you Pat, but you didn't pick up, I wanted to ask you, "pangit ba ako". I want to cry rn but I can't...di ko alam di ko na kayang umiyak Pat, I can't cry over you anymore parang napagod na din yung mga luha ko sayo.
So yeah, going back...I asked her to look for your name in the book thing if your name's listed in there but then again her cousin was a CE and you're ME, well wala dun yung name mo...soooo 2nd option she find a way, her partner has someone he knows from your course and look for your name and yeah there it is. I was so happy Pat na you made it! I'm really so proud of you that's why kahit na masakit ang loob ko sayo, I still pm'ed you.
You know what, after that day, it's so hard for me to sleep. I am so bothered up until now, insomnia, ganun. I want to cry so hard kasi ang bigat sobra, I'm always praying when I'm outside, na sana we don't see each other or I won't ever hear of you ever again. I am so afraid to face you Pat, because I am so mad at you that I could just ignore you when we do see each other.
0 notes