#papeym
Explore tagged Tumblr posts
nyragd · 7 years ago
Text
Does looks matter?
Napansin ko lately, ang dami kong picture ng kung anong angulo ng mukha ko sa gallery ng phone. And while looking at them, natutuwa ako sa mukha ko. Sa ibang angle masasabi ko na maganda pala ako at sa ibang view naman natatawa ako sa hugis ng mukha ko. Pero ang mas nakakatuwa kasi napansin ko ang sarili kong nakangiti imbes na burahin ang mga larawang yon. Gets nyo ba? 
Dati, nahihiya talaga akong humarap sa camera especially pag nag-rerecord ng video ang mga friend ko. Conscious ako sa ngipin ko sa harap, pangit kasi tingnan eh. Kaya sabi ko talaga magpapa-ayos ako ng ngipin tas ipapa-brace ko yung baba para maganda ngiti ko. Sa shape ng mukha naman, compared sa iba, ang pangit kasi medyo abante ang baba ko tas ang liit ng bridge ng ilong ko. Tapos yung hair ko, hiwalay masyado sa isa’t isa na parang may tampuhan sa sobrang buhaghag. And lastly, ang skin color ko. Yung tipong hinahabol ko may-ari ng phone para burahin yong picture kasi baka e-post nya, eh ang itom ko don. Para bang yung creepy pictures na may nahagip na engkanto sa litrato. HAHAHAHA. Eh syempre baka makita ng ibang babae tas e-bully ako o kaya ng mga lalaki tas maturn off lalo sakin. Lol. Dati yon...
Magdadalawang taon na ata akong nag-oomegle pero hinahanap ko pa din yong angulo ko na bebenta sa makakausap ko don. Pag di ka kasi maganda sa paningin nila aalis agad yan eh. Next agad. Don ko naisip to; madalas pala tayong magpaganda para magustohan ng iba. We all have different reasons why we want to look pretty. Yung iba, hilig nila. Masaya sila don. Natutuwa sila sa products, sa paglalagay ng kung ano anong bagay sa katawan nila to look presentable at the same time attractive. Nagpapaganda para sa sarili. Nagpapaganda para sa iba. Nagpapaganda tayo para sa sariling interest. Para e-appreciate, magustohan, mahalin o kung anong dahilan pa. At don makukuha ang saya. Di ka naman completely sasaya sa simpleng pagtingin sa sarili mo sa salamin kung hindi doon sa appreciation. Gaganahan tayong mag-ayos kapag mamdami ang magsasabi na bagay sa atin. Pero pag madami ang magsasabi na wag na kasi mas maganda pag simple, pipiliin din naman natin na hindi na. In short, nagdedepende talaga yon sa mga tumitingin, uma-appreciate, at nagmamahal. Ika nga “Beauty is in the eye of the beholder.” Char
Kaya naisip ko to. Hindi naman talaga importante ang looks natin sa lahat ng tao. Isipin nyo ha, 7.5 billion lahat ng tao sa mundo. Dami no? Si Anne Curtis merong 8.2m followers sa instagram pero hindi lahat ng mga yon fans nya. Ang point ko lang, sa dami ng tao sa mundo, hindi yan lahat makakapansin sayo. Oo sayo. Sige na-notice ka ng ilan, pero walang pake mga yan. May ibang interest sila. Yung iba nga siguro na akala mong sinasabihan ka na “maganda ka” e wala naman talagang pake yon sayo. Para lang may masabi ba. Alam mo ba sino makakapansin ng tunay mong ganda? Ang mga tunay na nagmamahal sayo. ;) Sila yong magsasabi na nakikita nila ang tunay mong ganda kahit di ka na mag effort para ipakita ito. Sila yong magpapatunay na hindi importante ang looks o ang appearance mo para magustohan ka at mahalin ng taong gusto mo. Ang dami ng ginawang pagpaganda ng ilan, hindi naman sila minahal ng mahal nila. Siguro nasa isip nila na baka magustohan sila if ganon, pero hindi eh, ang totoo kasi may ibang gusto talaga yong tao at hindi sila yon. Sadnu?
So umabot na ako don sa mga realization ko tungol sa pagiging self-conscious ko. Kailangan mo lang pala talaga magkaroon ng taong tunay na nagmamahal sayo, sa tabi mo, para maging kontento ka kung anong meron ka. Sila kasi yong magpapa-realize sayo na di mo kailangan ang opinion ng ibang tao para malaman mo na maganda ka o kailangan mo na magpaganda kasi nagsasawa na sila sa pagmumukha mo. Before ko na-realize ang mga bagay na yon, napansin ko sa sarili ko na wala na yung tipong pagka-“self-conscious” ko. One time, my friend Zam told me na sobrang halata daw n scars sa binti ko. Instead na mahiya ako, ngumiti ako at sabi ko “Oh, effective pala yong sabon na gamit ko. Ibig sabihin pumuti na ako.” Dati, hiyang hiya ako sa scars ko, until naisip ko na ano ba meron sa scars? Mababawasan ba non yong pagmamahal na meron ang mga kaibigan mo o yung taong mahalaga sayo kapag madami kang ganon? Hindi diba? Sa dinami dami ng tao sa mundo, magkakaroon pa ba sila ng oras para pansinin yung scars ko? Wala naman akong pake kung ayaw nila, binti ko naman’to, at higit sa lahat proud ako na malaman nila na ang mga yon ay bunga ng masayang pagkabata ko. Kaya minsan, pag trip kong mag-skirt sa school, go lang ako, kasi wala akong pake sa opinion ng iba. Wala namang masama, diba? Hanggang sa okay na okay na akong humarap sa camera, kahit anong view pa ng mukha ko. Hindi ko na din masyadong iniisip yung suot ko pag lalabas o papasok ng school. Kahit di uso, kasi di naman talaga ako mahilig sumabay sa uso, go lang.
Lahat naman tayo may kanya-kanyang dahilan sa pagpapaganda, o pag-aayos ng sarili. Pero don sa mga nagpapaganda para lang magustohan o maisiksik ang sarili sa mga taong mahirap pantayan, you don’t need to. Kasi ang tunay na makikita ng  mga magmamahal satin, ay ang ating pure na kalooban at hindi ang panglabas na kaanyohan. Iba’t ibang standards meron ang bawa’t isa sa’tin, at mahirap e-meet ang mga yon. Pero mas mahirap ang mag-effort na mag-ayos para sa gusto mo na iba naman ang gusto. Kaya wag mong isipin ang opinion ng iba, kita mo si Xander Ford nagpaapekto masyado, ayon nagpa-retoke, edi mas lalong hinusgahan. Don kasi tayo sa taong mahal tayo, buong buo. Simula sa flaws natin, sa looks (na di naman importante), sa pagkatao natin, yung tanggap tayo ba, buong puso--- bukas palad. Di mo kailangan ng madaming likers ng picture mo sa Facebook para malaman na madaming nagmamahal sayo. Nililinlang ka lang ng mga yon, kunyare gusto picture mo, nako! HAHAHHA joke. Ang pinakamahalaga mahal tayo ng Diyos kahit hindi ng crush natin! Ganon. Ngayon masaya ako na ganito, di na nako-conscious, di na nahihiya sa iba dahil madaming scars o kaya sira ngipin ko sa hanap. Di ko alam kung alin ang sakto, yung naging confident ako o naging mas kontento lang. Basta ang importante ay ang mahalaga. Charot. Maging sino o ano man tayo, mahal tayo ng Diyos. Di man tayo in sa standards ng iba, pag ang Diyos na ang humusga, tayong lahat ay maganda. Pak!  Bye~
 PS—lumiwanag balat ko sa sabon. Ano yon eh, Kojie-san.  🤣
PSII-- hindi ko sinasabi wag ka na mag-ayos kasi mahal ka pa din ng mahal mo, gaga kung ang baho mo na syempre iiwan ka non. Gamit ka Kojie-san soap, effective sa pimple. HAHAHHAHA 
1 note · View note
micainumankana · 8 years ago
Text
Pa famous. I hate it when I know na papeym talaga ang tao. 😑 Accept ng accept or di nag uunfriend ng di kilala para sa likes/react. Jusku. Ang mahirap pa, mismong atoys mo yung papeymus. Tangina.
1 note · View note
stormsurgexx · 6 years ago
Text
Papeym naman to, di man ako iupdate
0 notes
mcrobertnuyda · 10 years ago
Video
Twerk it like Miley Gwapong gwapo sa sarili VS Nagwawala #twerkitlikemiley #lol #papeym
0 notes