handydiary
Move On
46 posts
May nakapagsabi sakin na 21days lang daw tumatagal yung pain after breakup. Let's see kung totoo yun. (Better start reading from Day 1) ~~ just read the compilation. 
Don't wanna be here? Send us removal request.
handydiary · 6 years ago
Text
Plot Twist with a Heart
Hindi ko alam kung paano sisimulan ito
At mas lalong hindi ko alam kung matatapos ko ito
Pero sisimulan ko sa pagpasok ng 2018 sa buhay ko
I live in the slums of Bagumbayan and my life there is poor and it’s very sad. CHAROT!
Ang unang tatlong buwan ng 2018 ko ay madugo
Dahan dahan nitong inubos ang lakas at ang buhay ko
Nariyang nawalan ako ng boss na itinuring kong tatay ko
Sinundan pa ng masamang balita sa trabaho ko
Hindi nakaka-healthy yung mga pangyayaring yon
Pero humagupit pa ulit si tadhana ng sobrang lupit
Akala ko makakapagsuot ako ng puting damit
Ngunit akala ko lang pala yon, hindi pala ako maikakasal sa 2018
Hindi talaga nakakatuwa na sunod sunod yun dumating sa buhay ko
At mas lalong hindi nakakatuwa dahil pakiramdam ko mag-isa lang ako
Kung nabibilang lang ang luha ko, Marso palang kotang kota na ako
Gusto ko nalang talaga malagutan ng hininga non
Pumapasok ako sa trabaho nang parang walang buhay
Umuuwi ako ng bahay para lang mas lalong malumbay
Basta parang nakakaumay nalang talaga mabuhay
At ang tingin ko sa mundo ay wala na talagang kulay
Sa ikalawang bugso ng 2018, nagbago ako ng pananaw sa buhay
May pag life verse pa ko nang Proverbs 4:23
Above all else guard your heart for everything you do flows from it
Pina tattoo ko pa yan sa dibdib ko
In short, kinulong ko ang sarili ko para protektahan ang puso ko
Lumalabas lang ako ng bahay para pumasok sa trabaho
Nilibang ko ang sarili ko para lang makalimot ako
Kung ano anong libro na ang binasa ko, at akala ko okay na ako
Akala ko lang yon, dahil ramdam kong may kulang pa rin sa buhay ko
Isang bagay nalang ang hindi ko pa nagagawa na alam kong makakatulong sakin
Pero nahihiya at natatakot ako, dahil sino ako para bumalik sa tinalikuran ko?
Nagpatattoo pa ko para maalala ko kung Sino ang nag iisang tumanggap sakin nung wasak na wasak ako
Pero, sino ako para bumalik sa Kanya na tinalikuran ko nung ibigay Niya yung hinihiling ko?
Hindi ko alam kung paano pa susundan ito, pero isa lang ang natatandaan ko
Tinanggap Niya akong muli, arms wide open pa
Niyakap Niya ako at sinabi sa akin na,
“Anak hindi ka nag-iisa”
Sa piling Niya, nakaramdam ako ng comfort and protection
At sa tulong Niya, unti unti Niyang iminulat ang mata ko sa katotohanan
Kung paano at bakit nangyari ang lahat ng yon, dahil mas maganda ang Kanyang plano
At simula nung araw na yon, inialay ko na sa Kanya ang puso ko at buong buhay ko
Sobrang sakit mamulat sa katotohanan
Ngunit kalakip nito ay ang kalayaan
Pangako Niya sa akin ay walang hanggang kasiyahan
At nanatili lamang Siya sa tabi ko para ako ay samahan
Isang patotoo ng kabutihan Niya sa akin
Isang tao lamang ang inalis Niya sa aking buhay
Pero pinalitan Niya ito ng isang pamilyang kaya akong tanggapin
At masasabi kong, ang mundo ko ay muling nagkaroon ng kulay
Patuloy Niyang binabago ang pananaw ko sa buhay
Noon sa lambanog ako napupuyat, ngayon sa fellowship na ko inuumaga
Noon nagpapakalunod ako sa alak, ngayon sa presenya na Niya ako nagbababad
Noon pinapabayaan ko ang sarili ko, ngayon pinapahalagahan ko na ang buhay ko
Napakadami pang aspeto sa buhay ko ang patuloy na binabago ng Lord sa akin
Pero kung aking iisa isahin, ay baka matapos na ako sa 2019
Ngunit babanggitin ko itong paghawak ko ngayon sa mikroponong ito
Dahil ang totoo ay mahiyain ako, at takot ako sa mikropono
Wala akong maisip na salita para mai-describe ang kabutihan ng Panginoon sa buhay ko
Napapa THANK YOU LORD nalang talaga ako kapag naaalala ko ito
Ako na yung bagong Mia version 7.0 dahil sa Lord
At ang pinakamagandang plot twist with a heart sa buhay ko ay ang nakilala at tinanggap ko si JESUS.
Thank You Lord.
God Bless us all. 🙂
12 notes · View notes
handydiary · 6 years ago
Note
I have read it all. Ang sakit. Hahaha! But hugs for you!! You are strong. I'm happy that after all, alam mong love ka ni Lord! May you be filled with much love and happiness. God bless you!! :)
Wow! Thank you for reading it. 😊 Oo, masakit. Pero worth it lahat ng pain, kasi I am much happier kung nasaan man ako ngayon. At yung pangyayari na yun sa buhay ko ang nagturo sakin na merong higit na nagmamahal sakin na walang makakapantay. 😊 Thank you and God bless you too. 😘
5 notes · View notes
handydiary · 6 years ago
Text
To the Girl Who Replaced Me
To the Girl Who Replaced Me
Hi! Kamusta ka na? HAHA
Funny, we know each other by name and stories (as told by our common friends), but we don’t know each other personally. We have been somehow updated about each other on social media without even being friends in these social networking sites.
Honestly, I already stalked your social media acounts a hundred times. Asking myself why was it you? How are you better than me? Why did he choose you? These questions bugged me for months, up until last night. The first time I stalked your account, I cannot see the reason he is choosing you. I’m probably more accomplished than you are. I’m probably more mature than you are. And I probably know that I am much better than you. I cannot take the disappointment from that. I cannot take the rejection he put on me for choosing you. I almost despised you for that matter.
But hey, I am not writing this to blame you why he and I didn't end up together. I am not writing this to make things worse. I am writing this because the Lord told me to apologize to you.
I am sorry for calling you names out of anger. I am sorry for blaming you about the things that you are not aware of. I am really sorry for the things that hurt me, things which I only put on myself. And I am truly very sorry for holding a grudge against you. The Lord revealed to me that you are just part of the bigger picture of my life He painted. You are part of the story that had been written by God. We both are part of the plan the Lord had made for us. Everything was supposed to happen.
I may not have seen it months ago, but now I see why. You did not replaced me, you just did what was planned a long time ago. I am not better than you and you are not better than me because we are just perfectly and wonderfully made by God to fulfill our purpose in this world and be a part of each others' lives.
Now, I know why he chose you; Because you are beautifully made by God for him, you two are meant to be.
Now, I see why my relationship with him ended; Because yours was about to begin, every ending is a new a beginning indeed.
Thank you. Thank you for fulfilling your part in my life. You may have hurt me unintentionally in the past but it was the way it was planned. It was the way it should happen and I am not questioning it now because I found the answers in Him. It was revealed to me that everything happens for a reason.
I just wish you and him a good life. I am praying that you may have good health as you bring the very reason why all of this happened to us. Because you are about to fulfill something big- the gift of new life.
May the Lord bless your relationship with him, and to the new one who I know has a life that had already been planned by God.
I am really glad that our paths crossed. I am really glad that somehow, I have fulfilled something in your life. Again, I am sorry and thank you.
Sincerely,
The Girl You Replaced for a Reason
22 notes · View notes
handydiary · 6 years ago
Text
Higit pa Sayo
Sayo, maraming salamat sa iyo
Salamat sa pagsasama nating akala ko walang hanggan
Salamat sa masasayang ala-alang ating pinagsamahan
Salamat sa mga tawanan at kulitan na tayo lang ang may alam
Salamat sa mga takot at iyakan sa tuwing tayo’y magbabangayan
Pero maraming salamat sa iyo, dahil pinalaya mo ako
Masayang balikan ang ating kwento
Hindi mo aakalaing ganun tayo
Mula sa pagkudkod mo ng libag sa likod ko
Hanggang sa pag-singhot ko ng amoy ng jebs mo
Hanggang sa holding hands natin kapag natutulog tayo
Komportable tayo at tunay ngang masayang masaya tayo
Masakit balikan ang katupasan ng ating kwento
Parang bagyo na bigla nalang nabuo
Sa lakas ng hangin tinangay ka palayo
Parang giyera, hindi mo inaasahang mangyayari ito
Sa lakas ng mga pagsabog nadurog pati puso ko
Sa sobrang sakit nito, hindi ko na alam kung humihinga pa ako
Continue it here... Higit pa Sayo
3 notes · View notes
handydiary · 6 years ago
Text
Forgiveness
September 6, 2018 - 11:08PM (Originally posted on my twitter account)
Forgiveness
for•give•ness \-ˈgiv-nəs\
noun
: the act of forgiving someone or something
: the attitude of someone who is willing to forgive other people
Sa tagalog, kapatawaran.
Sa totoo lang, napakahirap magpatawad, lalo na kung sukdulan yung sakit na naramdaman mo sa kasalanan sayo ng isang tao. Yung kasalanan na pumulbos sa puso mo. Yung kasalanan na unti-unting pumatay sayo.
Mas mahirap magpatawad kung hindi naman humihingi ng kapatawaran yung may kasalanan sayo.
Mas mahirap magpatawad kung sa bawat araw na lumilipas mas nadadagdagan yung kasalanan niya sayo.
Sobrang hirap non.
Me, personally, sobra akong nahirapan magpatawad. Ang hirap kaya patawarin ng taong hindi mo alam kung aware na nasasaktan ka niya. Ang hirap patawarin nung taong sobrang nagdulot ng sakit sayo tapos parang wala lang sa kanya yung mga nangyare.
Buwan. Ilang buwan ko rin ini-iinstill sa sarili ko na patawarin ko na yung tao. Pero sobrang hirap. Sobrang hirap na nakikita mo kasi siyang masaya tapos ikaw unti unti pa niyang dinudurog. But the thing is, hindi naman kasi siya aware na nasasaktan ka niya.
Sa ika-apat na buwan, dito ko lang napagtanto na sarili ko pala yung hindi ko mapatawad. Sarili ko pala yung hindi makatanggap na tapos na yun, na ako nalang yung nananakit sa sarili ko. Sarili ko ang hindi ko mapatawad.
Sa ika-apat na buwan, naintindihan ko ang lahat ng sakit, ang lahat ng nangyari ay para sa ikakabuti ng lahat.
Sa ika-apat na buwan, humingi ako ng kapatawaran sa Kanya. At walang sabi sabi, pinatawad Niya ako.
Dito nagsimula na rin na patawarin ko ang sarili ko. Unti unti natanggap ko na may dahilan ang bawat pangyayari. Masakit man o masaya, may dahilan ang lahat. It is all for the good purpose. Dito nagsimula akong magdasal.
Prayers. Prayers ang naging panlaban ko. Noong una, ganito ang dasal ko, "sana po mapatawad ko na siya". Hanggang sa naging, "Lord, tulungan mo po akong patawarin siya tulad ng pagpapatawad po Ninyo sa akin." Kakaiba. Kakaiba ito sa pakiramdam.
Prayers. Kasama ito lagi sa prayers ko. At kanina, ito na ang panalangin ko, "Salamat po sa pag extend ng grace of forgiveness. Salamat po." Kakaiba. Kakaiba talaga sa pakiramdam.
Iba talaga pag hinayaan mong si Lord ang kumilos sa buhay mo. He will do wonders you cannot imagine.
The person who hurt me admitted that he is aware that he hurt me badly. And he is really sorry for it.
Hindi ko maramdaman yung victory sa mga nangyare noon.
But I can now say, I have won this battle, because the Lord fought for me.
The Lord is with me and He never failed me.
Laging panalo ang nagpapatawad. 😊
2 notes · View notes
handydiary · 6 years ago
Text
The Truth
September 5, 2018 2:40AM
Hindi ko alam kung paano sisimulan to. Pero naalala nanaman kita. Bukod sa nilalagnat kasi ako, gustong gusto na talaga kitang kausapin. CLOSURE. I want closure. Akala ko nung isang linggo, okay na ko, na nabitawan na kita, pero hindi pala.
Ginawa ko ang isang bagay na dapat hindi ko na ginagawa. Yun ay ang i-stalk KAYO. Oo, kayo. Simulan natin.
Inuna kita i-stalk, pero wala naman akong makita sa fb mo. Yun at yun lang dahil hindi naman tayo friends.
After non, sinunod ko si K. Nakarating ako hanggang March 26, 2018. Ang layo na db? May nabasa ko sa comments, "Alagang BJ eh". It shookt me. Grabe. Grabe. Grabe. It confirms all. Lahat ng hinala ko, lahat ng pagsisinungaling mo, lahat ng panloloko mo sakin na hanggang dulo pinanindigan mo.
The week after na "pagmamakaawa" moment ko sayo, pumunta kayo ng bestfriend mo sa Taytay Falls kasama sila. Malakas ang pakiramdam kong si K ang angkas mo sa motor papunta at pauwi. Kung irerecall ko, siguro mga March 18 yun? Yun yung araw na nag-Single ka sa facebook kasabay nung pagpost mo ng "alone chenelin saka mo malalaman ang tunay na gusto mo". Dun ko rin nakita na nitag mo siya sa isang MEME. Kinausap kita non,pero ang sabi mo. "Sana nga may iba". Isang kasinungalingan. Isang kasinungalingan nanaman.
April 2, 2018, yung ika 21st day nitong blog ko. Birthday ko. Kaya pala huli mo na talaga akong binati non dahil busy ka sa kanya.
April 6, 2018, nanghiram ako ng cooler sa inyo kasi may swimming kami malapit sa inyo. Dito niconfront kita tungkol sa kanya. Pero anong sinabi mo sakin? "Ang bata bata non M, papatulan ko yon?" Basta ang alam ko, pagkatapos non hindi mo na ulit kinausap si K, o itinago mo nalang? hmm.
A week or two after non, namatayan ka ng kaibigan. Lungkot lungkot mo non. Nanghiram ka pang load kasi sabi mo badly needed mo dahil luluwas kayo ng kuya mo para makiramay. Sobrang lungkot mo na sabi mo pa,parang gusto mo na mamatay. Sinabi ko sayo non, "Hindi kita pinakawalan para sumuko". Pero, pinahiram pa rin kita, kahit na alam kong gagamitin mo yun para makausap mo si K. Sadnu? Ginamit mo ko.
April 27, 2018, ito yung galit na galit ako sayo. Pinagmumura kita sa chat. Siguro dala na rin ng epekto ng alak at ng mga pag aadd mo sa mga babae mo nung tayo pa. Si K.M. at yung isa ex mo na si A.J. Sadnon. Kasi nabadtrip kang tunay sakin non. Pero grabe! Kasi sa mga panahon na to binubuntis mo na si K. At kung tama ang bilang ko, buntis na siya sa panahon na to.
April 30, 2018, nagpaalam na ko sayo ng tuluyan. Ito yung huling beses na nag usap tayo. As in, huling beses. Nagpasalamatan pa tayo sa isa't isa. Pinakamasakit non, sinabihan mo kong "MAHAL NA MAHAL KITA". Wala kang kwenta. Dahil maski sa huling paguusap natin, niloko mo ko, pinaasa mo ko, ginago mo ko. To think na mas nauna ka pang lumandi sa bestfriend mo! Tapos todo tanggi ka. O pinakiusapan mo lang din yung kaibigan mo na itago ang relasyon nyo ni K?
BJ. Hindi ko alam kung anong ginawa kong masama sayo para lokohin at gaguhin mo ko hanggang sa huli. Hindi ko tuloy maiwasan isipin na, MINAHAL MO KO NOON DAHIL KAILANGAN MO LANG AKO. Sakit mo sa bangs, kahit wala akong bangs.
Hindi ko ba deserve ang katotohanan BJ? Hindi ko ba deserve na kahit konting paliwanag man lang ng katotohanan sa mga kalokohan mo sakin ay sabihin mo sakin? Hindi ko ba deserve yon ha? Hindi ko deserve?
Bakit ako pa B? Bakit ako pa?
1 note · View note
handydiary · 6 years ago
Text
WALA NA. FINISH NA.
July 1, 2018 - Nakita ko yung bestfriend ni ex sa mall. Binati naman niya ko. Nag-apir pa kami. Tapos naglayo kami ng landas, sinundan ko ng tingin kung saan siya papunta at natanaw ko yung pigura ni ex. Pagkakita ko non, nagka stiff neck ako. Hindi na ko lumingon sa direksyon nila at nagderetso uwi nalang ako. Hindi ko pa kasi kayang makita kung sinong kasama niya.
July 3, 2018 - Nakarating sa akin ang balitang may bago na siyang girlfriend. Nung araw din na yun, nakumpirma ko kung sino yung bago niyang girlfriend. THE SAME GIRL na nakasulat sa Day 18 nitong blog ko. Masaya ako nung malaman ko yun, kasi inaasahan ko na yun, ang saya lang din na tama nanaman yung INSTINCT ko.
July 4, 2018 - Nagsimula akong i-stalk silang dalawa. Since hindi ko friend si BF, pina stalk ko siya sa friends ko na friend pa niya sa Facebook. Sabi nung friends ko, nothing unusual naman. Hanggang “My Day” palang yung pagpost niya ng pictures nila nung bago niyang GF. Pero hindi pa rin talaga ako mapakali, sabi ko sendan nila akong screenshots. Habang naghihintay ako ng screenshots, nag stalk ako kay girl. Maraming UNUSUAL shared posts sa timeline niya. May hindi tama. Iba talaga ang kutob ko. Then, I received the screenshot. Latest shared post ni BF is something about “father & daughter duet”. Si girl, may shared posts about being a teenage mom and yung red horse bottles with caption na “imisu na kaso bawal na”
Then it hit me. Hindi ako pwedeng magkamali sa kutob ko. Buntis si girl. And I kept looking for confirmations.
July 6, 2018 - I deleted everything in my laptop. Yung pictures and videos namin. Yung mga unpublished blog entry. Deleted. Moving on.
July 7, 2018 - The confirmation came. BF changed his profile picture. At dun sa comments section, “nakabuntis na yan”. There.
WALA NA. FINISH NA. :) 
Pero now, masaya na ako para sa kanila. Wala naman akong ibang choice. SA una, oo, masakit. Hindi mawawala yung fact na affected ako. EX ako eh. HAHAHA saka mag 5months palang kaming hiwalay, tapos 2months - 3months preggy na si girl, so valid pa rin naman siguro yung pagiging affected ko. Naramdaman ko nalang din yung victory after kasi, buti nalang hindi ako yung nabuntis. kung hindi, baka ako yung sumasakit ang ulo kung paano namin bubuhayin yun. we are not financially ready kung sakali. And, mas tumaas yung chance ko to find someone that is so much better than him. Nagpapasalamat nalang talaga ako kay Lord sa mga nangyari, dahil blessing in disguise ang lahat. 
I will be deleting this blog soon.
MD and BF is now finally over. ♥
4 notes · View notes
handydiary · 6 years ago
Text
More
They say that I deserve more, but what if MORE doesn’t deserve me?
18 notes · View notes
handydiary · 6 years ago
Text
the compilation
i. Masakit
Paano ba maalis ang sakit na nararamdaman ko?
“We simply can’t abandon ship every time we encounter a storm. Real love is about weathering the terms of life together.”  — Seth Adam Smith
ii. The Anniversary 
iii. Day 1.
Kailan ko ba sisimulan yung Day 1?
Yung araw na binitawan niya ako?
Yung araw na sinukuan niya ako?
O yung araw kung saan gusto ko na magsimula magMOVEON?
Day 1. The day you really decided to move on.
“Women are meant to be loved, not to be understood.”  — Oscar Wilde
Day 2. Face your fears.
“We accept the love we think we deserve.”  — The Perks of Being a Wallflower
Day 3. Forgiveness
“It’s not just other people we need to forgive. Sometimes we need to forgive ourselves.” — Mitch Albom
Day 4. Shit Happens.
“19 My dear brothers and sisters, take note of this: Everyone should be quick to listen, slow to speak and slow to become angry, 20 because human anger does not produce the righteousness that God desires. 21 Therefore, get rid of all moral filth and the evil that is so prevalent and humbly accept the word planted in you, which can save you.”  — The Bible, John 1:19-21
Day 5. Stages of Grief
“Baby Steps. Count as long as you are going forward.”  — Chris Gardner, The Pursuit of Happiness
Day 6. Failed
“Failure is a bruise not a tattoo.”  — John Sinclair
Day 7. I am loved.
Day 8. Too Good To Say Goodbye
“A perfect relationship is just two imperfect people who refuse to give up on each other”  — Unknown
Day 9. Busy
Day 10. Sad
Day 13. Untitled
Day 15. Fear
“Fear is temporary. Regret is forever.”   — Unknown\
Day 16. Self Worth
“The surest way to lose your self-worth is by trying to find it through the eyes of others.” — Becca Lee
DAY 18. Breakup
“Trust your hunches. They’re usually based on facts filed away just below the conscious level.” — Dr. Joyce Brothers
Day 19. HULI
Day 20. After Gooodbye
Day 21. The End
Day ?? Whatever
Day ?? Hala
Day ?? Wine
Infinity Dress
Unfriended
WALA NA. FINISH NA.
7 notes · View notes
handydiary · 7 years ago
Photo
Tumblr media
Move On (on Wattpad) https://my.w.tt/63GTPJQnNM 
Wattpad version para mas madaling basahin yung Blog ko . HAHAHA
2 notes · View notes
handydiary · 7 years ago
Text
Unfriended
Ini-unfriend ko na si EX kagabi.
Isang oras ko rin pinag-isipan kung gagawin ko ba yun o hindi.
Sa isang oras na yun, naisip ko, na kung gusto niya talaga ako maging kaibigan, siya ang mag first move. T*ngina naman kasi sa pakiramdam pag nakikita ko siyang online eh, tapos hindi ako ang ka-chat niya. De p*ta. Sobra. Nakakagigil na hindi ko maintindihan. Sa totoo lang, nakakayanan ko naman na hindi na ako ang kachat niya. Ang nakakagago kasi, pag may kailangan siya, ang BAIT BAIT niya sakin, pero pag ako ang mauunang kakausap sa kanya, daig pa ang yelo sa pagiging COLD! Talo ang nag-ngingitngit na init ng panahon! SWEAR!
Hindi lingid sa kaalaman nyo na madami akong FB Account. And yes, friend ko pa rin siya sa isa sa mga FB Accounts ko.
May bago siyang post, "Nasa punto ako ng buhay ko na kung ayaw nyo sakin, ayaw ko din sa inyo  😂 🖕😂".
Natawa ako ng mabasa ko yung post niya. Una, kung ako ang pinapatungkulan niya, HAHAHAHAHAHAHAHA affected siya sa pag unfriend ko sa kanya. Pangalawa, HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA sh*t siya kasi siya ang UNANG UMAYAW sakin, bakit ko ipipilit ang sarili ko sa taong ayaw sakin? DB? Parang ako pa nga dapat ang mag-post nung status na yun. HAHAHA
Gusto ko siyang tulungan e, gustong gusto ko. Pero anong magagawa ko sa taong ayaw magpatulong? WALA. At sabi niya sakin, "Hayaan mo lang ako kaya ko". Hala sige. Kaya nya e. Pa-strong image nanaman siya sa iba. Pero pag tinatanong ko kung masaya ba siya isasagot niya sakin, "Sana nga masaya ako."
Sa totoo lang, natatakot akong iunfriend siya. Why? Kasi siya yung tipo ng tao na hindi mag first move kung ayaw niya talaga. Yung takot na yun yung pinanghawakan ko para iunfriend siya. Kung gusto pa rin niya talaga ako maging parte ng buhay niya, siya na ang gagawa ng paraan. DB? Ayoko sanang iparamdam sa kanya yung REJECTION eh, pero mukhang kailangan na.
Hindi sa nag-iinarte ako, pero hindi talaga pwedeng maging magkaibigan ang mag-EX. Siya naman kasi yung maarte talaga. Sinuyo ko na, nag makaawa na ko, pero wala eh. Siya yung umayaw sakin. Napaka-arte niya. Hindi na ako pwedeng laging nakaabang lang sa isang tabi sa tuwing kakailanganin niya ng kausap. Gusto ko pa sanang gawin yun, ang maging isang tunay na kaibigan kapag may problema siya. Pero sarili ko yung unti unting nawawala e.
Nakakatawa. Nadagdagan nanaman yung entry ko dito. Sana ito na yung huli.
<<PREVIOUS: Infinity Dress.
>>NEXT: Wala na. Finish na.
8 notes · View notes
handydiary · 7 years ago
Text
Infinity Dress
Usong uso sa mga bridesmaid ngayon yung infinity dress. Sulit nga naman kasi, isang damit madaming style. Parang instant 7 dresses baga.
Infinity Dress. May online shop na nag o-offer ng infinity dress. Nalaman ko yung sa friend/officemate ko. Gagamitin niya kasi sa kasal ng kapatid niya. Nagamit na nga niya nung December. HAHAHA
So, ngayon, isa sa mga kaibigan ko ang ikakasal sa buwan ng Mayo. Bilang isa sa magiging bridesmaid, naisuggest ko yung infinity dress. Sumangayon naman sila. Paano ko sinuggest? Sa ganitong paraan...
Utang na loob, yung infinity dress ang isuot natin, kahit anong kulay. Makapagsuot man lang ako ng infinity dress na yun kahit hindi na puti.
Simple. Pumayag sila. January ko pa binabanggit sa kanila yung infinity dress na yun, bukod sa murang halaga na P850.00, yun sana yung isusuot ko sa Civil Wedding ko.
CIVIL WEDDING?!
Hahaha. Oo, civil wedding. Napagusapan kasi namin yun ni EX. Sa June 15, 2018, magpapakasal kami. Kasabay ng Fiesta sa kanilang bayan, para tipid sa handa. Dapat nga, February 14, 2018, kaso masyadong mabilis. Sinabi ko din yun sa ilang kaibigan at ka-opisina ko. Kaya nga nung maghiwalay kami, akala nila joke lang. Nakakatawa nalang isipin na drawing lang pala yun. Hahaha Ayoko naman kasi talaga ng bonggang kasal. Gusto ko simple lang. Yung maging legal na asawa lang niya, sapat na sakin. Saka, sa sobrang hirap ng buhay ngayon, aanhin ko pa yung bonggang kasal di ba? Katwiran ko rin naman kasi, pwede kaming ikasal ng paulit-ulit kung gugustuhin namin, basta sa isa't isa kami ikakasal. DI BA? Hahaha
So, infinity dress. Maisusuot ko rin siya. Hindi na nga lang puti.
<<PREVIOUS: DAY Wine.
>>NEXT: Unfriended.
5 notes · View notes
handydiary · 7 years ago
Text
Day ?? Wine
May wine palang mas matapang pa sa black label.
Blueberry Wine from Baguio. Iba aba!
Paano naging iba? I drunk chatted him. HAHAHAHAHA
Hindi pa pala tapos ang damdamin ko para sa kanya. Hindi pa. Shemay. Gusto ko nang matapos, kasi sobrang sakit. Habang siya, sayang saya sa buhay, ako hirap na hirap makausad. Unfair. Dahil sa tuwing uusad ako palayo sa kanya, saka magpaparamdam. Damn. Hindi ko alam kung ayaw niya talaga ako mawala o talagang pampam lang siya. Dun nalang tayo sa pampam siya.
Bakit ganito nanaman ako? Napanaginipan ko lang naman na ikakasal na siya sa iba. At sa panaginip na yun, sobrang saya niya. Sobrang saya niya sa altar kasama ang bagong mahal niya. Hindi ko nakita yung babae, kasi nakatalikod lang siya. At si BF? Panay ang lingon sa bago niyang mahal. Titig na titig sa kanyang bride. Yung titig na ginagawa ko sa kanya. Ganun. Kaya windang ako. Im sorry everyone. Pero kung anong saya ko nung isang araw, siyang bawi ng kalungkutan sakin kanina.
Kanina? Oo. Kanina ako nag drunk chat sa kanya. At kakagising ko lang mula sa pagkakalasing ko sa Blueberry Wine! Deym.
Pangako ko sa sarili ko ngayon, hindi ko na talaga siya papansinin. Ignore. Ignore. Ignore. Tulad ng pag ignore niya sakin noon pa man.
Pero shemay talaga yung wine. HAHAHA
Don't judge the drink by its bottle packaging.
Day ?? of whatever. Failed
<<PREVIOUS: DAY Hala.
>>NEXT: Infinity Dress.
3 notes · View notes
handydiary · 7 years ago
Text
Day ?? Hala
Hindi pa pala ako handang makita siya.
Hindi pa. At masakit. Masakit makita ng harapan na hindi na niya talaga ako mahal.
End
<<PREVIOUS: DAY Whatever.
>>NEXT: DAY Wine.
2 notes · View notes
handydiary · 7 years ago
Text
Day ?? Whatever
HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA
Day 18 is confirmed. Totoo yung inilahad ko sa Day 18 sa last part.
At sobrang saya sa feeling. Alam mo yun? Yung feeling na, matagal kong kinimkim kasi hindi ako sigurado, pero malakas yung pakiramdam ko. Ayun. Confirmed.
Mas napadali ang paglet-go ko sa kanya.
Masaya ako, kasi tama ako eh. Ewan ko, basta sobrang saya ko.
Pakiramdam ko, nanalo ako sa LOTTO. I hit the jackpot baby! HAHAHAHA
Wag maliitin ang WOMEN’S INSTINCT, because it never fails. SWEAR! HAHAHA
Sa sobrang saya ko, nailibre ko yung mga ka-opisina ko sa McDo! HAHAHAHA At habang nagku-kwento ako kung bakit ako masaya, kita ko sa mga mukha nila na masaya rin sila para sa akin.
At yung feeling na, alam nyo yun? Kasi tama ako sa hinala ko sa kanya. Tama lahat nung pakiramdam ko. Ang saya lang sa feeling. Kasi, sa loob ng isang taon, naging ganun kalalim yung pagkaka-kilala ko sa kanya. 
Mahal ko pa rin siya, hindi naman mawawala yun. 
Gising na ako. Gising na ako sa katotohanan na hanggang dun na lang talaga kami. :)
Hindi na ako BULAG sa MAHAL KITA.
Day ?? of 21. HAPPINESS OVERLOAD
PS. BF, I just wish you all the happiness in the world. I just hope that you will find contentment with her. I just hope na hindi ka niya sasaktan. I am just wishing you good life. See you when I see you. :)
<<PREVIOUS: DAY 21.
>>NEXT: DAY Hala.
4 notes · View notes
handydiary · 7 years ago
Text
Day 21. The End
Wow. April 2. Day 21. Last day. So how did I spend the 21st day?
Maaga akong bumangon upang pakainin ng agahan yung aso ko. Hindi ko nakita yung oras pero alam kong maaga pa dahil madilim pa ang paligid. Muli akong humiga sa kama ko, at syempre nag facebook. The usual, nag scroll lang ako sa newsfeed ko. Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako ulit, at 7am na ako nagising ulit. Bumungad sakin yung mga TAE ng aso ko. (pasintabi sa kumakain. Hahaha) So, ayun nga. Isa na yun sa routine ko ngayon sa araw araw simula nung magka-aso ako. Pero ako yung tipo ng tao na hindi mo mapapahawak ng walis eh. HAHAHA After non, naghugas ako ng kamay at paa (syempre, kakain ako ng breakfast eh hahaha).
Breakfast. Kinuha ko yung regalo sakin na cake sa kapitbahay. Nakitago ako sa kapitbahay kasi wala kaming ref eh. HAHAHA Nagtimpla ako ng coffee. Black coffee. Gusto ko kasi plain black coffee tapos yung medyo matapang, yung kaya kang ipaglaban. Napaiyak ako kasi, mag-isa ako sa bahay. Ewan ko, nalungkot ako bigla eh. Para bang walang espesyal sa araw na to. Pero life must go on. I must go on. Ninamnam ko ang pagkain ko ng cake, sobrang tamis, pero masarap. Saktong sakto yung tamis ng cake sa kape ko. Ang sarap. Feeling ko, nalift naman yung nararamdaman kong lungkot dahil sa sugar content nung cake. Ang tagal ko kumain, di ko namalayan na 8:15am na pala. Dali dali akong naligo kasi may appointment ako ng 9am.
Ngayong araw na to, handa ang isusuot ko. I mean, pinag isipan ko talaga ang isusuot ko sa araw na ito. Simpleng blouse, shorts at sandals. Nag pulbos lang ako at lip gloss, pak na pak na ako. HAHAHA Anyway, 9am on my way na ko sa appointment ko. Kinakabahan ako sa appointment ko. Hindi ko kasi alam ang kalalabasan, pero sigurado na talaga ako eh. Dumating ako past 9 sa appointment ko. So, ano ba yung appointment ko? Tattoo Session. Yes. Tattoo Session. Ulit pa? Tattoo Session. HAHAHA Anong pumasok sa isip ko at magpapatattoo ako? Ewan ko, pero namiss ko lang kasi yung pain pag nagpapatattoo. Ano naman ipapatattoo ko? Name ni EX na may malaking EKIS. Kasi ekis na siya talaga sa buhay ko. CHAROT! HAHAHA Padlock na puso. Meaning, nakapadlock na yung puso ko.
Bakit ang daming HAHAHA dito sa entry ko? Ewan ko. Masaya kasi ako eh. Hindi ako katulad nung dati na kahit ngiti hindi ko magawa. Siguro dahil nailetgo ko na siya, hindi pa naman totally, pero papunta na dun. Pero special tong araw na to para sakin eh. Ito kasi talaga yung araw na deadline ko para sa kanya, kung hinayaan ko siya sa time and space na hiningi niya. Ito yung araw na, fight or flight ako sa kanya. Isang bagay lang yung gagawin niya, pero napakalaki ng magiging impact kung let go or hold on pa. Ano bang meron sa araw na ito? 25th birthday ko. Yes! Birthday ko today. Nakakatuwa na ang dami pa rin bumati sakin thru text at chat sa messenger, kahit hindi naka-show sa FB yung birthday ko. Ang sarap sa feeling na, may nakakaalala pa rin sa akin. So ano yung dapat niyang gawin sana? Babatiin niya ko ng “Happy Birthday”. And guess what? As of now, 8:34PM. Wala. Walang happy birthday mula sa kanya. Yun palang alam ko nang let go na eh. HAHAHA Actually, alam ko din birthday ko niya ako babalikan talaga kung hinayaan ko siya non. Pero paano niya ko babalikan kung hindi niya maalala yung birthday ko db? Akala ko, pwedeng exception yung araw na to para magkapatawaran kami. Pero no, hindi pa rin niya ako napapatawad eh. Hindi na siya ganun kacold sakin, pero ramdam kong hindi na niya ako mahal. Ramdam kong wala na akong importansya sa kanya. Pero kanina nagulat ako na nag-chat siya, yun pala itatanong ang birthday nung pamangkin niya sakin. Hindi ko alam kung matatawa o maaasar ako nun. HAHAHA kasi db? Hello. Birthday na yung pinag uusapan namin. HAHAHA pero anyway, hindi ko naman na talaga ineexpect na babatiin pa niya ko ngayong araw na to, kasi alam ko naman na wala na ako sa listahan ng mga taong kailangan niya makasalamuha sa araw araw. Hindi na ako importante. Pero okay lang, tanggap ko na eh. Tanggap ko nang tapos na ang kwento namin, The End na. (EDIT: He greeted me at 11:10PM. I guess, we really can still be friends in the near future. 😊) Pero nakakalungkot lang na, nung huli kaming mag usap, sinabi ko sa kanya na “Sana, maging masaya ka na.”, sagot niya, “Sana nga”. Parang hindi man lang siya talaga naging masaya sa isang taon namin. Nakakalungkot na I feel blessed when I met him, and he felt damn when he met me. HAHAHA Anyway….
At eto na nga ako sa ika-dalawampu’t isang araw, and I can say na, hindi totoo na 21 days wala na yung love mo sa isang tao or yung pain na dulot ng breakup. More on, sapat na yung 21days para masanay ka sa magiging buhay mo na hindi na siya kasama. Sa 21 days na yun, madami akong natutunan. Madaming bagay ang nagpamulat sakin na, hindi sapat na mahal mo lang ang isang tao. Sa 21 days na yun, unti unti kong tinanggap na hindi na ako ang priority niya, hindi na ako importante sa kanya. Sa 21 days na yun, natuto ako mag-adjust sa magiging bagong buhay ko. At sa 21 days na yun, mas nakilala ko ang mga tao sa paligid ko. Sino ang malalapitan mo at hindi sa oras ng pangangailangan at kung sino ang nandiyan lang pag sila ang may kailangan sayo.
Ngayong ika-25th na kaarawan ko, regalo ko sa sarili ko yung pagmamahal. Pagmamahal para sa sarili ko. Masaya ako dahil ang dami kong natutunan. Masaya ako kasi nakaya ko. Kaya ko palang mag-isa. Kaya ko pala. Matapang pala ako. Malakas pala ako. Kayang kaya ko pala ang buhay. Sa dami ng hardships na pinagdaanan ko, ngayon pa ba ako susuko? No. Ang daming dahilan para mabuhay. At masaya ang buhay kung matututo tayong makuntento.
Sa sinabi kong ipapadlock ko ang puso ko, hindi naman sa hindi na ako magmamahal. Patuloy pa rin akong magmamahal, pero ililimit ko na yung sarili ko. Magpapahinga lang muna ang puso kong napagod. Moira pasok! HAHAHA sinasabi ko sa mga kaibigan ko na ayaw ko na muna makipag relasyon, totoo yun. Mag-fofocus na muna ako sa sarili ko, sa mga goals ko. Gagawin ko muna yung mga gusto ko nang gawin noon pa. Mas kikilalanin ko na muna ang sarili ko. Para pag dumating na yung THE ONE, handang handa na ako. Hindi ko alam ang plano ni Lord para sakin, pero I trust HIM. Alam kong sobrang ganda ng inihanda niyang buhay para sakin.
Love unconditionally without losing yourself.
Never expect, just dream.
Always be kind to others.
Be patient, be understanding.
And more importantly, always pray. 
Salamat sa pagbabasa ng blog kong ito.
Sana nalibang kayo, sana may natutunan kayo. HAHAHA
handydiary now signing off.
<<PREVIOUS: DAY 20.
>>NEXT: DAY Whatever.
5 notes · View notes
handydiary · 7 years ago
Text
Day 20. After Gooodbye
Nag-paalam na ako sa kanya kahapon. Isinend ko sa kanya yung HULI. Sumagot pa siya ng, “Bakit? Kala ko kahit magkaibigan ok”, Sinabi ko sa kanya na, “Oo, pwede magkaibigan. Pero hindi pa ngayon, mahal pa kasi kita B at umaasa pa rin ako sayo. Umaasa ako sa nickname natin dito. And I can’t go on. I can’t”. Tapos dakilang seen lord na ulit siya. HAHAHA
Anyway, I tried to decode yung BAKIT niya. Pero tinigilan ko rin kasi, bahala na siya. Ayoko na talaga isipin yun. Pero, after goodbye, ano ba talaga ang naramdaman ko?
Gumaan. Gumaan yung pakiramdam ko. Kasi, naipabasa ko sa kanya yung HULI. Kasi, yun talaga yung nilalaman ng puso at isip ko, na kung hindi makarating sa kanya, patuloy akong aasa. Nag-paalam ako sa kanya sa dawalang dahilan.
Ang palayain siya; at
Ang palayain ang sarili ko.
Palayain siya, kasi alam ko mabigat pa rin sa kanya ang nangyari samin. Alam ko na kasi yung nararamdaman niya. Alam ko nang, mas nasaktan siya sa aming dalawa. Paano ko nasabi? Kasi, one point in my life, may iniwan din ako dahil napagod ako. Binalikan ko yung ala-ala nung may iniwan akong isang tao. Ala-ala nung sinukan ko yung isang tao. Pilit kong inintindi kung ano ang nararamdaman ni BF ngayon. At naintindihan ko na. Sa aming dalawa, siya yung mas nasaktan, kasi dala niya sa puso niya yung guilt na may sinaktan siyang tao. Dumating ako sa point na naglalasing din ako, dumating ako sa point na kung sino sino ang nakafling ko. Ang bigat kasi ng desisyon na yun, yung iwan mo ang isang tao kahit na mahal na mahal mo ito.
Nasaktan ako, pero mas nasaktan si BF, kasi siya yung nagdala nung bigat naming dalawa, yung bigat ng relasyon namin. Mas nasaktan siya dahil, nawala rin yung sarili niya nung mahalin niya ako. Naiintindihan ko na kung bakit mas pinili niya ang sarili niya, dahil kung pipiliin pa rin niya ako, mas lalong mawawala yung BF na minahal ko, mawawala na yung sarili niya. Masasabi kong, hindi talaga ako deserving para kay BF, kasi sinaktan ko siya. Naiintindihan ko na siya dahil minsan ko na rin naranasan ang sitwasyon niya. Ginawa ko rin itulak yung taong mahal ko noon, para sagipin yung sarili ko. Naiintindihan ko na siya. Naiintindihan ko na siya kung bakit kailangan piliin ang sarili muna. At sana mapatawad niya ako dahil nasaktan ko siya. Kaya ako nagpaalam para palayain siya. Para alisin yung guilt sa puso niya.
Palayain ang sarili ko. Pinapalaya ko na yung sarili ko dahil, pagod na pagod na ako. Pagod na akong ipaglaban siya. Pagod na akong maghintay. Basta, pagod na ako. Gusto ko na rin isipin yung sarili ko. Gusto ko na rin magpahinga. Gusto ko ipahinga yung puso ko, yung isip ko, at yung buong pagkatao ko. Tulad niya, gusto kong lumaya. Gusto kong lumaya sa pag-asang meron pang kami. Kailangan kong tanggapin na hindi na kami, na WALA NA KAMI. Hindi ako nagpaalam para mawala sa buhay niya, nagpaalam lang ako para palayain pansamantala yung sarili ko.
Sa ika-dalawampu’t isang araw ko pa dapat ipopost yung HULI. Pero nakaramdam kasi ako ng guilt.
Guilt para sa kanya; at
Guilt para sa sarili ko.
Guilt para sa kanya. Nakakaguilty kasi sabihin na patuloy pa rin akong naghihintay sa kanya, kahit alam ko sa sarili kong pagod na akong maghintay. Guilt dahil, nung isang araw ko pa naisulat yung HULI, meaning, nung isang araw pa ko sumuko talaga. Guilt dahil, hindi ko na siya kayang hintayin pa.
Guilt para sa sarili ko. Nakakaguilty para sa sarili ko na sinasabi kong kaya ko pa siyang hintayin, pero alam ko naman sa sarili kong sumuko na ko. Nakakaguilty dahil sinasabi kong lumalaban pa ko, pero ang totoo ay ayoko na. Sarili ko nalang yung kinakalaban ko eh.
May nakausap ako kahapon…
Tanong: Kung naging patient ka ba, I mean, kung hindi mo siya kinulit, sa tingin mo babalik pa siya?
Sagot: Sumagot ako ng walang kagatol gatol na OO. Oo, inamin ko na sa sarili ko na kasalanan ko kung bakit kami natapos. Kung bakit natapos ang kwento namin. Kasi kasalanan ko. Kasalanan ko dahil wala akong tiwala sa kanya. Kaya talagang masasabi kong hindi ako worth it para sa kanya, kasi wala akong tiwala sa kanya. Hindi ako nagtiwala na babalik siya. Hindi ko nirespeto yung paghingi niya ng time and space. Maling mali ako. Kasalanan ko lahat kung bakit kami humantong sa ganito.
Tanong: Bakit mo ba ginawa yung mga ginawa mo? Ang tanga mo sa part na yun. (Mejo blunt yung kausap ko. Sanay na ko sa kanya. HAHAHA)
Sagot: Mahal ko kasi. Mahal na mahal. Masaya kasi ako sa kanya. At, siya talaga yung nakikita kong makakasama ko habang buhay.
Tanong: Paano mo nasabi na siya na nga?
Sagot: Hindi ko alam. Pero ganun naman yun db? Ramdam mo nalang.
Tanong: Kung babalikan ka niya, tatanggapin mo pa ba?
Sagot: Dito, hindi ako nakasagot. Kasi alam ko sa sarili ko na hindi. Kung ngayon siya babalik, hindi ko siya matatanggap. Pero kung sa malayong future, hindi ko sigurado. Kaya nai-post ko na yung HULI kahapon dahil realization hit me. Pagod na ako.
Dito, masasabi kong, hindi talaga sapat na mahal mo ang isang tao. Kailangan ng respeto, tiwala at pagmamahal. Oo, aminado akong nagsisisi ako sa mga ginawa ko, kung nirespeto ko nalang sana yung time at space na hiningi niya, edi sana okay na siguro kami ngayon db? At kung nagtiwala lang sana ako sa kanya na babalik siya, masaya na siguro ulit kami ngayon. Pero nangyari na eh, wala na akong magagawa kundi tanggapin ang lahat, tanggapin na tapos na talaga kami. Aminado rin akong, mahal na mahal ko pa rin siya. Hindi naman agad mawawala yun, pero yung thought na magkabalikan kami ngayon? Takot na ako. Natatakot ako dahil baka mas lalo lang kaming masaktan. Mas maigi na siguro na tuldukan na talaga namin kung anong meron kami. Oras at panahon na lang ang makakapagsabi para samin.
Magpapasalamat nalang din ako sa mga nangyari, kasi ang dami kong natutunan. At mas nakilala ko ang sarili ko. Kung papipiliin ako kung libro o laro? Libro ang pipiliin ko. Nalaman ko rin ang mga gusto ko. Yung mga gusto kong gawin talaga. Tulad nitong pagsusulat. Gusto ko pala talaga to. Gusto kong ineexpress yung sarili ko sa pagsusulat. Yung mga naiimagine ko sa utak ko, gusto kong isulat. Marami na rin naman talaga akong naisulat noon pa man, hindi ko lang pinapabasa o pinapakita sa iba kasi nahihiya ako nab aka pagtawanan nila ako sa kacornyhan ko. Pero ngayon, hindi na ako natatakot eh. Gusto ko na talaga mag sulat. Medyo shy type lang ng bahagya kasi I still want to remain anonymous in this blog. Gawa nalang siguro ako ng ibang blog para sa mga isusulat ko sa mga susunod na araw matapos ang 21days chenelin na ito. HAHAHA
Pero masaya ako para sa sarili ko. Masaya ako sa desisyon kong mag-paalam sa kanya kahapon. Kasi napalaya ko yung sarili ko. Kaya ko naman pala, sarili ko lang din talaga ang pumipigil sakin. Proud ako para sa sarili ko, kasi nakakangiti na ulit ako ng abot sa mata. Pinagmasdan ko nga ang sarili ko sa salamin kanina, ang ganda ko pala! HAHAHAHAHA
Yung Day 18 ko, wala pa rin confirmation kung totoo yung instinct ko o hindi. Pero kung anu’t anuman. Magiging masaya ako para sa kanya. At magiging masaya nalang din ako para sa sarili ko, kasi kaya ko pala. Kayang kaya ko. 
Day 20 of 21. Acceptance Stage.
<<PREVIOUS: DAY 19.
>>NEXT: DAY 21.
1 note · View note