babaekasiako
Babae kasi ako...
17 posts
A fifteen year old girl named Lisa Marie P. David | Fourth year high school student | Kapampangan | Single but LOVED | ✞ ∞ ϟ Made this account for drama purposes only. Pero parang hindi rin HAHA. K. Message me, I don't bite =))
Don't wanna be here? Send us removal request.
babaekasiako · 11 years ago
Text
Parang kailan lang...
Natatawa nalang ako kapag binabasa ko ulit 'yung mga posts ko nung panahong kami pa. Parang kailan lang. 
1 note · View note
babaekasiako · 12 years ago
Photo
Tumblr media
Ang sarap sa pakiramdam ng pinakilala ka ng taong mahal mo sa kanyang  mga magulang at pati na rin sa kanyang mga kapatid. Pagtapak mo palang sa labas ng gate nila, eh makikita mo na kaagad silang naka-abang. Sa una, iisipin mo na may hawak silang kutsilyo at sasaksakin ka pagka-kita nila sayo. PERO HINDI. Nakangiti sila ng makita nila ako at masayang sinabi na, "Halika, pasok ka." Wag kakalimutang mag-mano at gamitin ang mga salitang po at opo. Mahalaga 'yan kasi hinding hindi makakalimutan ang mga kilos na ginagawa mo at mga salitang binibitawan mo.
  Nakakakaba kaya. Maliban nalang kung makapal talaga ang mukha mo HAHA. Syempre hindi mo alam kung ano ang nasa isip nila, kung gusto ka ba nila o kung ayaw ka nila. Basta magpaka-totoo ka lang, mag-tiwala sa sarili at isipin na kaya 'yan. Wag na wag mo lang kakalimutan ang salitang "Respeto."
Alam mo ano 'yung nakakatuwa? 'Yun 'yung pagka-upo mo palang sa sofa nila, eh kaagad ka nilang ipaghahanda ng makakain at maiinom mo. Ka-touch no? At alam mo pa kung ano 'yung nakakataba ng puso? 'Yung hindi ka nila hahayaang manahimik sa sulok, kasi dadaldalan ka talaga nila. Kung anu-ano ang sasabihin nila kaya dapat ipakita mo na interesado ka sa mga ikinu-kwento nila, dahil kapag hindi ay lagot ka nalang haha. Nakakatawa pa nga, kasi ibubuking nila 'yung mga sikreto at kalokohan ng taong mahal mo. At syempre, merong isang guilty na mag-rereact at sasabihing, "Ih, mama naman." sabay tawa ng lahat. 
Masaya. Masarap kasi sa pakiramdam na kilala mo ang pamilya niya, na alam mong tanggap ka nila, na hindi sila mag-hu-hu-u kapag nakita ka nila. Pansin ko kasi ngayon, puro chat, text, video calls, date sa mall at kung saan-saan pa na napapa-"HUH?" nalang 'yung mga magulang kapag nalamang may karelasyon pala ang anak nila. Trust me, mas okay ang isang relasyon kapag kilala ka ng mga magulang niya kasi nararamdaman mo 'yung tiwala nila na kahit kailan ay hindi mo dapat abusuhin. 
Pahabol: Guys, pakilala niyo ang taong mahal niyo sa inyong pamilya, wag sa inyong kama. :)
  Oo nga pala, kaya 'yan 'yung picture na ginamit ko kasi 'yan 'yung unang beses ko siyang pinapunta dito sa amin, at pinakilala sa mga magulang ko. (June 28, 2012) Wala kasi kaming picture noong May 3, 2013, nung pinakilala niya ako sa family niya hihi. Gusto ko lang i-share. :3
9 notes · View notes
babaekasiako · 12 years ago
Photo
Tumblr media Tumblr media Tumblr media
So, wala kasi akong ma-post. Kaya picture ko nalang ipo-post ko HAHAHA. Hindi naman talaga ako super hilig sa dress. Kasal kasi ng pinsan ko, eh semi-formal. Hiyang hiya naman siguro ako kung magpa-pants ako no? Haha! Luuuh speechless ako. 
  By the way, the guy sitting beside me is my one and only brother, iverdavid.tumblr.com. Gwapo niya no? Mahal na mahal ko 'yan. :)
10 notes · View notes
babaekasiako · 12 years ago
Photo
Tumblr media
Ito 'yun eh. 
13 notes · View notes
babaekasiako · 12 years ago
Photo
Tumblr media
Ako lang ba nakakaramdam nito? :(
11 notes · View notes
babaekasiako · 12 years ago
Quote
Alam mo naman kung ano ang gusto ko at kung ano ang ayaw ko, pero mas pinili mong gawin ang ikagagalit ko.
babaekasiako
5 notes · View notes
babaekasiako · 12 years ago
Photo
Tumblr media Tumblr media Tumblr media
Ang DOG, baligtarin mo man, still man’s best friend. 
I want you to meet my best friend, Sham! :) You may call her sham/tam/tamtam or whatever you want. 1 year and 3 months old. Lhasa Apso ( Half Lhasa, Half Shih Tzu ) Cute, playful and adorable. :3
10 notes · View notes
babaekasiako · 12 years ago
Photo
Tumblr media
PAGBABAGO. Sa ibang relasyon, nakakatulong. Pero sa madami pang ibang relasyon, hindi. ‘Yan ang kadalasang problema sa isang relasyon. ‘Yung bang mag-dadrama ang isa at sasabihing “Nagbago ka na.” , “Hindi na ikaw ‘yung dating kilala ko.” at madami pang iba. Maraming dahilan ba’t nagbabago ang isang tao at ang isang relasyon. Pwedeng wala lang, pagod na sa kakaintindi, sawa na sa mga walang kwentang drama o ang malala ay Hindi ka na niya mahal o May mahal na siyang iba. Masakit ‘yun diba? ‘Yung bang dating nagtetext ng mga sweet messages sayo, ngayon nakakalimutan na kahit mag-good morning man lang. ‘Yung dating atat na atat na makasama ka, ngayon hindi man lang nag-eeffort para kahit ilang minuto man lang eh makasama ka. ‘Yung dating nagpapatawa at nagpapangiti sayo, ngayon puro iyak nalang dulot sayo. ‘Yung dating nilalambing ka pag nagtatampo, ngayon siya pa mas nagagalit. ‘Yung dating hindi gagawin ang alam niyang ayaw mo, ngayon go pa rin kahit magalit ka. At kung anu-ano pa. Ilan lang ‘yan sa mga pagbabagong nangyayari sa isang relasyon. Mayroon talagang pagkakataon, este, mayroon talang mga pagkakataong dumaraan ang isang relasyon sa ganyang punto.
Para ito sa mga nakaranas, nakararanas, at makakaranas nito. Hindi ‘yan dahilan para tapusin na ang lahat. Nakakainis kasi ‘yung mga taong nakikipag-break tapos makikipag-balikan din. Ano ‘yun, joke? Pero balik tayo dito. Kung talagang mahal ka ng isang tao, hindi ka niya iiwan kahit anong mangyari. Kung iiwan ka niya, hindi ka niya mahal. That’s it. Parang imposible no? Bihira nalang kasi ‘yung mga magka-relasyon na nagtatagal at nagkakatuluyan. Hindi na kasi alam ng marami ang tunay na ibig sabihin ng salitang “love”. Oo nga pala, gusto kong ibahagi sainyo ‘yung isang quotation ni St. Marie Eugenie of Jesus na, “Love never says, I have done enough.”  So, good luck sa mga tao dyan. Ayusin ang dapat ayusin. Pag-usapan ang dapat pag-usapan. Wag niyong hayaang umabot kayo sa gantong punto na kulang nalang eh buhusan ko kayo ng isang timba ng tubig sa dry niyo.
Kame, sigruo malapit ng umabot sa puntong ‘to. ‘Yung bang feeling na alam mo na may hindi tama pero hindi mo alam kung ano? Pero, pinipilit kong gawin ang lahat ng makakaya ko wag lang kaming maghiwalay. Mahal ko siya eh, at hindi ko hahayaang mawala ang lahat. Ang corny ko no? May nagsabi nga sakin, “Mag-asawa nga naghihiwalay, kayo pa kaya?”  Okay. Tama na. Ayoko ng mag-drama. Sa susunod nalang. 
P.S. Nagbo-blog lang ako ng ganto pag nag-dadrama lang talaga ako. Sana may makabasa nito. Sana may maka-relate.
146 notes · View notes
babaekasiako · 12 years ago
Text
Babe galit ka? HINDI. HINDI AKO GALIT!
6 notes · View notes
babaekasiako · 12 years ago
Text
Ang pag-ibig ay hindi isang JOKE.
5 notes · View notes
babaekasiako · 12 years ago
Text
Lagi nalang tayong nag-aaway kahit 'di dapat pag-awayan..
12 notes · View notes
babaekasiako · 12 years ago
Text
Matuto mong pahalagahan ang isang tao/bagay na mayroon ka. Hindi mo alam, baka bukas, wala na siya/'yan.
3 notes · View notes
babaekasiako · 12 years ago
Text
Hinihintay ko lang naman na lambingin mo 'ko...
Kaso hindi mo gets, kaya nag-aaway tayo.
12 notes · View notes
babaekasiako · 12 years ago
Text
Nakakainis 'yung mga mag-syotang nagyayakapan, naghahalikan, o kung anu-ano pa sa mga public places.
Hiyang hiya naman po ako sainyo. 
5 notes · View notes
babaekasiako · 12 years ago
Quote
"Natatawa nalang ako kapag naaalala ko kung gaano kababaw 'yung mga bagay na ikinagalit ko at 'yung mga taong pinagselosan ko."
11 notes · View notes
babaekasiako · 12 years ago
Quote
"Minsan, hindi mo talaga maiintindihan ang isang babae."
12 notes · View notes
babaekasiako · 12 years ago
Photo
Tumblr media
Hi. =)) I uploaded this photo to prove that this is not a FAKE ACCOUNT. Mukhang fake kasi wala pang posts and bago palang ang account na to lol. Yeah, you're right. I'm that girl on the picture. I made this account (babaekasiako.tumblr.com) to express my feelings. Gusto ko mag-drama eh, bakit ba? HAHA. Sana i-follow niyo ako, thanks! :) Btw, here's my original account (lisaaaadavid.tumblr.com) Photo blog 'yan. ;)) 
7 notes · View notes