#drama ulit haha
Explore tagged Tumblr posts
Text
last week of march | work journal in bullets.
monday - first day in our new office, feels like first day high. it was fun and exciting, pag break time para kaming mga college students sa pantry, may groupings na parang hati sa mga nerdy, rockstars, grupo ng hearthrob at queen bees haha. except our vip room. haha. it doesn't feel homey, like nung nasa temporary office pa kami, kahit magulo it feels like home and super chill lang. ngayon, though we have our comfortable and very neat office, may cr na may malakas na bidet haha at unli water refill, our room feels draining. siguro kasi mas tutok kami sa work dahil bawal ang phones. and surprisingly, hindi lang pala ako yung nakaka feel nun. tsaka medyo masikip din kasi yung room namin haha. basta nag aadjust palang naman, masasanay din.
tuesday - nothing really happened, same same. nafifeel ko na naman ang katoxican ng paligid haha. same issues, same drama na i don't wanna be in anymore, kaya lalong nakaka drain, na wala kang choice kundi mag focus nalang sa work kesa makihalubilo sa mga kawork na amplaplastik. haha. hindi ko naman ginegeneralized, pero parang ang hirap makatrabaho ng mga gen z. haha. ang dami nilang issue lagi, ang bibilis pa ma-offend. parang mga wala pang work ethics. basta nakaka umay, wala na ko ibang masabi. haha
wednesday - hindi ko alam kung dahil ba full moon or dahil pa retrograde na? pero sobrang emotional ko na naman nung araw na 'to. okay lang naman ako kumain mag isa, pero nung time na 'to ang lungkot pala. haha. di ko alam, tinamaan lang bigla ako ng topak nung araw na 'to, sila zha kasi may mga baon, gusto ko sana sa karinderya kami kakaen kasi wala akong baon at wala akong kainan, e di nila pinansin at tumuloy lang sa pantry kaya nag walk out ako para kumain mag isa. pero dahil sa badtrip, nakadagdag pa yung tagal nung cashier mag take order, napag taasan ako ng boses nung nag seserve. sa irita ko, at dahil patuloy na yung iyak ko, pina take out ko nalang kahit nakaka dalawang subo palang ako. tinawagan ko pa sana si J nun habang kumakain para di ko mafeel na mag isa ako. kaso nawalan narin ako ng gana. sinumbong ko pa sa manager yung waitress, at tinry nila ako pakalmahin, nag sorry naman si ate pero nag walk out nalang ako ulit pagkabigay nung take out food ko. later that day, pinansin ko naman na din sila zha at kumain ulit kami ni J ng dinner sa resto na yon pero sa SM na branch naman. haha. lakas ng topak.
thursday - wala akong picture kahapon haha. same ganap sa work, umattend lang kami ni zha sa birthday ng anak ng isang kawork namin. medyo badtrip lang din pala ako sa account namin, sa onshore TL namin at sa isang team member. lagi kasing may mali yung team member, and since sinabi ng onshore TL namin na yun na iraise sakaniya every time na may maeencounter ako, of course nire-raise ko. e kaso mukhang hindi niya nagegets yung point ko. feeling niya ata nag pipin point ako ng mga mali e hello? hindi ba dapat maging aware yung tao? tsaka naoffend ata siya nung una kasi hindi ko sakanya nireraise yun, kundi dun sa isang onshore member nila na kasabayan namin ni zha na syempre mas kabisado din yung buong process nung ginagawa namin. e mismong siya na bagong TL lang dun, mali mali din yung gawa. tapos kung hindi raw ba ako comfortable sakanya, kay zha ako mag sabi, hindi talaga ako comfortable sakanya kasi may history siya samin--not directly saken--sa om namin, na may pagka racist siya kasi hindi niya tinrain yung bago samin nun dahil hindi raw english ang first language namin. lol haha. di ko talaga siya bet haha. kaya di narin ako masyadong nakikipag chikahan sa gc namin since siya naging TL dun. tumahimik nga gc namin simula nung dumating siya haha. ewan ko kung nag eenjoy pa ba ako dito sa trabahong 'to or pumapasok nalang ako para sumahod haha.
13 notes
·
View notes
Text
How to Save a Life
Kung babalikan ko kung sino ako dati, masasabi ko na may attachement problem ako. Hindi ko kayang mag-let go ng kahit sino. As in. Dumating pa sa panahon na lahat gagawin ko para maging kaibigan ko ang isang tao. Naalala ko pa, nagmamaka-awa pa ako dati na huwag akong layuan, na huwag akong kainisian at higit sa lahat (as cheesy as it sounds) ay huwag akong iwan. Awwts!
Kung sasabihin kong lahat ay gagawin ko para sa kaibigan dati huwag lang akong layuan, hindi ‘yon kasinungalingan. Kung curios ka talaga, pwede mong interviewhin ang mga naging kaklase ko ng highschool lalo nung ako ay 4th year. Lahat iisa ang magiging sagot-mabuting kaibigan ‘yan si Paks.
Pero ito na nga, syempre kung sinimulan ko ito sa “kung babalikan ko kung sinoo ako dati” tiyak ang kasunod nito ay kung ano na ako ngayon. Haha! Kabisado ko na talaga sarili ko.
Ngayon, masasabi kong wala na akong attachment problem, napalitan ng severe detachment problem. Sa ngayon kasi, kahit gaano kahaba at kalalim ang naging pakikisama ko sa isang tao, kaya ko silang bitawan at kalimutan na parang bula. Hindi ko alam kung magandang bagay ba ‘yon o hindi pero wala gano’n na ako ngayon. Wala na akong pakealam. Hindi ako nakakaramdamam ng guilt at hindi rin ako naaawa. Basta pag nagdecide ang utak ko na kalimutan ang isang tao ay napakadali sa aking gawin. Pero huwag niyo naman akong tignan nang masama. Haha! Sa paraan kasi ng pagku-kwento ko ay parang ako na ang the bad guy. Marami na akong kasinungalingang ginawa pero itong sasabihin ko ay totoo, hindi ako nakakaramdam ng ganyan sa isang tao kung hindi sila ang unang nanakit sa akin. Drama ko naman. Haha! Pero ewan, hindi ko na kayang magpatawad.
Kaya para sa mga naging kaibigan ko dati, wala akong galit sa inyo, hindi ko lang ulit maturuan ang utak kong mahalin kayo tulad nang kung ano ako dati.
Pasensya na, baliw na ata talaga ako.
Where did I go wrong I lost a friend…
2 notes
·
View notes
Text
Dear anon na nag-message,
Thank you! Sana makalaya na tayo sa cage na ginawa ng iba para sa atin, at sa cage na pinaglagyan natin sa sarili natin.
Tama ka. Mahirap maging shortsighted. Worst, kahit nakaalis man ako, baka bumalik pa ako. RIP my pride.
Nakakapagod pero pagsikat ng araw, may lakas na ulit. This time ayoko na talagang magsalita rito. Magiging puppet na lang ako until may kakayahan na akong umalis at tumayo sa sariling mga paa.
I'm proud of myself kahit konti. Hindi na ako alipin ng thoughts. 'Yung dating ako, mag-s-spiral into self-loathing and gusto nang mamatay thoughts. Pero ngayon hindi ako umiyak kahit andaming drama (i.e. nagkakasisihan kasi may nawawalang pera, e kami kami lang naman ang nandito, pero wala naman talaga akong kinalaman doon).
Lumalakas na ako emotionally. Sana sa financial aspect din. Haha.
P.S. Gusto ko ring mag-backpack somewhere, 'yung hindi ko kailangang intindihin 'yung pag-uwi or anuman. Pure enjoyment at pag-disconnect sa work at personal drama.
Thank you ulit.
5 notes
·
View notes
Text
Di na naman tayo makatulog haha
Drama ulit.
Parang wala nang gana eh.
4 notes
·
View notes
Text
that trauma from a friend
--- hi! it's me again.. I always ask myself "why do I always experience being left out with everyone?". I always blame myself for being shy, being unconfident, for being timid, for being different! WHY? WHY AM I LIKE THIS?.
sasabihin ng iba "try mo kasi hindi maging invisible!". I AM TRYING... MY BEST! im trying to exist in their world. Pero tuwing magsasabi ako ng opinyon, walang nakikinig. No, actually WALANG MAY PAKE! haha..
parang kanina nag video call kami ng group of "friends" ko (all girls to na vid call wala yung mga asawa namin). So ayun na nga sympre ako kasi si smilie agad eh.. goodvibes ba since nagkakasiyahan naman sa vid call. Then tinawag isa-isa to say their suggestions/opinions sa pinag-uusapan namin. Guess what? ako lang ang hindi tinawag na parang napasabi nalang ako nang "ay invisible pala talaga ko" Then laugh it out para di naman ako mukhang T*nga* dun sa video call..
then ang masakit pa nun HAHAHAH... natatawa ko na hindi ko alam. ang tinawag nila for suggestion is yung asawa ko HAHAHAH.. "oh hingin naman natin suggestion ni _____". ay dzai lamunin nalang sana ko ng lupa that time.
---- sabi nila "i-open mo sa mga friends mo yung feelings mo.." na parang akala mo ang dali-daling gawin nun. Ang hirap nung para samin na introvert at may trauma sa mga confessions na ganyan. Sana maintindihan niyo rin na kung gaano kayo nahihirapan pag andyan kami, ganun din kami nahihirapan mag open up..
andyan yung naiisip namin na "paano kung isipin nila na ang drama mo lang..", " ang liit na bagay pinapalaki.." , "wala naman nagleleft out sayo, NAIISIP MO ANG YAN.." , "baka naman kasi ikaw ang problema?"
that's where the trauma wil start.. trust me NA-EXPERIENCE ko na yan. Buong buhay ko nalang ginagawa ang magplease ng tao. Natrauma na ko sa group of friends ko ilang beses na.. AND MAY NAGAWA BA KO? MERON. ngumiti at ipakita na OKAY LANG AKO. sasabihin sa sarili na "okay lang yan, ilang beses mo na naranasan yan.. malalagpasan mo rin yan ulit."
PERO...
nakakapagod din pala... NAKAKAPAGOD. nakakapagod. nakakasawa. siguro mas okay na rin wala ka nalang best of friends. Kasi ang hirap makahanap ng TRUE FRIENDS at yan ang totoo.. hindi porket nagkasama kayo ng ilang beses, nagovernight, nagtawanan, nagiyakan, nagkwentuhan EH TOTOONG KAIBIGAN MO NA TALAGA sila..
" Sometimes your life will get so much better when you realize it's better to be alone, than to chase people who don't really care. "
"distance yourself with people who don't help your mind and heart."
0 notes
Text
My Ideal Guy 🤍✨
welp, it's the 29th of the month, the Leap Year, and imma going to dedicate this post about sa taong hinahanap ko...
I've been thinking about this for a very long time and finally, alam ko na kung ano ang gusto ko sa isang lalaki (or so I really thought 😂)
and here's the following checklist na kailangan ma-meet:
kaedad ko or 1-2 years older than me, if mas basta sakin dapat 1 year younger lang than me and kapag mas older, oks na yung hanggang 5 yrs older and wag na sosobra (or depende sa character dahil ayoko naman ng too much matured or gurang na)
Same almost ng body type sakin cuz I’m not really into chubby guys cuz they look like lousy to me
5'4" and above pero oks lang naman sakin if ka-height ko basta ayoko ng mas maliit sakin
Working individual, ayoko ng pabigat pls
May pangarap din sa buhay
Dog type of personality (GOLDEN RETRIEVER PLS), maraming kwento pero di nakaka drain ng energy
Very understandable, mahaba ang pasensya, di nakikisabay sa init ng ulo
A wise person and can emotionally handle me, marunong makinig, hindi sadboi
Open-minded, knows hows to properly argument sa isang topic, hindi atheist
A witty and a wholesome person, hindi KJ (example: ayaw sa KPOP and Taylor Swift ❌)
SMART GUY but not to the point na masyadong genius kasi iba na ang takbo ng utak nun (oks din sa pagka-nerdy 'cuz damn ma)
Hindi tamad, marunong din sa gawaing bahay (like this is a fr, I hate guys who doesn't know how to live by themselves)
Has 5 love languages 🥹
Doesn't hate cringe stuffs like he knows how to punch a line cuz marupok ako sa cheesy lines 😆
Gentleman, sweet, caring, knows boundaries, loyal, consistent sa efforts, very appreciative, gives a lot of assurance
Hindi nagtatago ng secrets!!! Knows how to open up his feelings and di takot maging vulnerable
Confident guy (pero not too much na parang si Gaston ng Beauty and The Beast) and hindi lousy
ATTRACTIVE CUTIE NA NAKASALAMIN PLS 🤍
Cutie ngumiti, parang si SUGA ng BTS and Taehyun ng TXT (heto talaga weakness ko and I’m get easily hook sa cute na smile 🥹)
Hindi nahihiyang i-flex ako sa socmed
He's someone na can be suplado to others (specifically yung mga manlalandi) but pagdating sa akin, sobra akong mahal haha
Mukhang seryoso on the outside pero softie inside
He's someone who can be my best friend, my lover, and my partner for eternity~
Though di ako strict but no smoking/vaping sana
BONUS: if same kami ng hobbies like playing genshin, into arts, same almost ng music taste sakin~
Though I know these qualifications only fits sa isang character sa K-Drama (which means unrealistic like sino bang nilalang sa mundo yung may ganitong almost perfect na personality) and I know ang kapal ng mukha ko to have these standards compare to me na di naman perfect at complicated person pa pero please Lord, pagbigyan niyo na po ako na ma-meet yung soulmate ko na check yung lahat ng standard ko kasi ayoko talagang magsettle sa isang taong "pwede na" dahil sa wala akong choice at malapit na akong tumandang dalaga
huhu like please, hindi ko pa ba ito deserve? after all the shitty heartbreaks I've been through lmao
pero I'll try my best also to fix myself para mameet din yung standard sa level ng soulmate ko. syempre ayoko naman din na malugi siya and maging unfair sa kanya noh
hopefully ma-manifest tong wish ko even though napaka sobrang imposible pero kaya ko naman mag hintay ulit para sa kanya hahaha 🫠
I really hope I will meet him soon...
1 note
·
View note
Text
Hello madlang peps! This is Aldren kahit ‘yong name ko dito is notaldren haha! Pa cool kid lang.
So this is my first time posting here sa Tmblr I didn’t know this that this app is existing hahaha! Ang cool pala nya no. Gagawin ko nga lang ‘tong diary! Pasensya na kung minsan ma-drama, masaya, malungkot o mayabang ang mga babasa niyo dito.
Nakakapagod ang araw na ‘to. Paano ba naman kase may sipon ako tapos halos ‘di na ako mahinga tapos ngayon nilalagnat pa ako. Normal na siguro ‘to sa pa bago bagong weather. Gayon pa man patuloy lang ako sa pag-pasok sa work wala naman tayong choice eh kailangan natin kumayod para mabuhay hahaha! Medyo social climber din kasi ako paminsan-minsan so kailangan ko mag sipag.
Ngayong araw nag decide akong maging mabait na sa mga tao. Usually kasi sobrang sungit ko at minsan hindi din ako maka-usap ng maayos. Everyday inaayos ko ang mood ko bago pumunta sa work station mag ccr muna ako hihinga at mag dadasal kase mabilis ako ma trigger sa mga maliliit na bagay. Mabait naman ako at sweet, caring hahaha wow! Wag niyo lang gagalitin kase hindi kita titigilan. 😂
So ayon nga, edi nakauwi na ako naka higa na ako ngayon habang tinatype ‘to. Pangarap ko talaga maging vlogger ‘yong cellphone ko halos mapuno na ang storage dahil puro mga random videos ang nandoon. Kaso wala naman ako followers hahaha! So dito na lang ako mag lalabas ng kwento ko at “A day in a life” ko. Kahit wala naman nag tanong.
Goodnight guys! Be a good person please ❤️ always pray and breath before make a decision. So you won’t regret anything soon. Thank you Lord for the life. (Plano ko pala ulit manood ng cine sa off MAG-ISA, yes always naman ako mag-isa HAHAHHA sanay na and I was living my best life) ang dal-dal mag g-goodnight lang eh. Hahahaha
1 note
·
View note
Text
i've been mia here for the past couple of weeks and namiss ko na naman tumabay dito. di naman masyadong busy sa work, i just don't have the energy lang talaga recently. medyo nakaka stress lang talaga yung drama sa work, though dinededma ko lang naman. kahit sabihin nilang hindi toxic, as someone na galing sa mas toxic work environment e ganon parin yun lol. haha. kaka umay.
anyway, wala naman ding masyadong ganap sa life ko ngayon, ganon parin naman. except sa na-regular na ko sa work which i think nakwento ko narin naman na dito. also mean na may leave credits na ako so pwede na ko umuwi ng manila ng mas matagal sa weekends lang haha. kaso ang gastos haha. pero yeah, i'm planning to go back to Manila ulit, siguro by October. nag paplan kasi kami ni Chi na um-attend ng hydro. depende sa budget kung matutuloy, but as of now di pa naman sold out yung Ticket. siguro by the end of September saka kami mag dedecide.
wala lang, nasa coffee shop kasi ako ngayon, try ko lang kung maa-upload ko 'tong post na 'to haha. nakakainis kasi ang bagal ata ng hotspot ko, di ko maopen yung site ng system namin sa work, di ko tuloy ma-enjoy yung in-order ko dito kasi di ako makapag work. hays.
5 notes
·
View notes
Text
There’s this Tiktok trend about everyone’s Dorothea. Nalungkot ako. Seeing friendships na bigla nalang nag drift away sa hindi mo malamang reasons to the point I remember I used to have 3 Dorotheas in my life.
Naalala ko, ako talaga yung pinaka bago samin kasi magkakaklase na sila simula pa Nursery at Prep tapos ako galing ako Christian school. Nung una kasi galing akong afternoon class pero same lang kami ng teacher and they’re from morning class. Siguro, as a kid na bida bida, nakitaan ako ng potential ng teacher ko, na kaya ko makipagsabayan sa mga pang umaga na puro competitive.
Since Grade 1, we’ve been very very close.
Yung squad namin, not to brag but kilala kami ng buong campus hanggang Highschool department. Siguro dahil narin sa mga older brothers ni Jaja na that time was Highschool na. Yung parang mga nasa teen drama na pick me girls (pero we’re not pick me girls ha) haha! Lagi ring impression sakin is isnabera or suplada pero sobrang mahiyain lang talaga ako at hindi ako marunong mag initiate ng usap kahit kanino unlike them.
We know each other secrets— from our crushes, first boyfriend, first heart break, first menstruation… name it. From school pageants, contests, lagi kaming nasa list of active students. Jaja usually joins quiz bees and slogan making; then me, I have obsession with arts so ako lagi sa poster making; si Shei naman, I remember laging mataas grade sa project kasi gawa ng mama nya hahaha wala sya masyadong sinasalihan unless group project, napapasubo nalang din sumayaw dahil samin, I think she’s more active sa computer games, until now adik sa DOTA; and Kim, sya lagi suki sa muse and pageants. She’s the prettiest tapos siya rin pinaka matangkad sa squad namin. And, lahat kami achiever and nasa top list. Lol. Share ko lang hihi.
After graduation namin nung elementary, nagkikita at nagkaka chat parin naman kami kahit iba iba na kami ng school na pinapasukan, ako kasi naiwan ako nung 1st year highschool sa school namin then eventually lumipat rin ako public school. Si Jaja, nag aral sa ibang bansa nung highschool kaya parang nagstop narin kami na nandito sa Pinas magkita in person kahit iisa lang naman kami ng tinitirhan na subdivision, naulit lang ulit yung mga bondings namin nung bumalik na sya ng Pinas until nung nag college na kami.
Okay naman, so far so good tapos malapit na kami mag 18. Dalaga na talaga kami. Naalala ko nagkaroon pa kami ng quick catch up sa bahay ni Jaja, kumain pa kami ng left over cake sakanila tapos mango bravo pa ata yun sa Goldilocks habang nagvivideoke. Napag usapan namin debut nya nun, at the time wala naman ako kasi idea na may plan parents ko for me kaya di rin ako umiimik pa sakanila. And syempre if nalaman ko naman agad, sila pinaka unang iinvite ko. They’re my bestfriends for the longest time.
I think that’s the last time we were complete like yung apat lang kami, nung debut ni Jaja. The last moments we were genuinely happy seeing each other. Nag stop lahat nung debut ni Kim the following year, it was 2016. Nung debut ko kasi, hindi sila nakapunta and I totally understand but of course, hindi ko maiwasang magtampo. Hindi rin naman kasi ako mapagkimkim or nagtatanim ng sama ng loob pero hindi ako nakapunta nung debut ni Kim kasi I’m on summer class tapos same day, exam ko nun na need ko talaga mapasa for me to go on sa next semester. Nagsabi naman ako, hoping they would understand, ‘di ko lang sure yung kay Shei kasi hindi rin pala sya nakapunta. Si Jaja lang yung naka attend. Kim said it was okay through DM in Twitter but it never felt that way until both Kim and Jaja went cold towards me. Sobrang lungkot ko nun that I was trying so hard to think what should I do to make amends with them. Guilt ko siguro yun.
After that, wala na kami imikan sa gc namin. Since nasa Manila nag aaral si Jaja (NEU - QC) & Kim (UE - Manila), mas madalas sila magkita. I think nag stop mag-aral si Shei tapos ako naman continue parin naman pag aaral ko pero dito lang naman kasi ako sa Bulacan.
I got jealous with Jaja and Kim’s guyfriend na si Charles. Ilang beses narin nila nasama itong guy sa bahay pag pinupuntahan nila ako nung okay pa kaming mag bff’s. Lagi sila kumakain sa labas tapos meron pa ngang sinama si Kim sa family gathering ni Jaja na out of town, wishing me and Shei was with them. But its okay.
2017, me and Shei found each other. Parehas pa kami broken hearted. At some point, dun ko lang din narealize na nadivide kami into 2 when we promised each other na we’ll be besties forever, that we’ll be each other ninangs pag nagka anak na kami. Me & Shei were best friends for 2 years pero eventually, nag friendship over rin kami. Ang sakit nun for me kasi ang reason ng pag cut off ko sakanya is nung inaaccuse nya ako sa bagay na hindi ko kayang gawin kahit kanino, and she chose a guy over me. Hindi rin naman sila nagkatuluyan kaya kahit matagal na yun, masakit parin kasi she never tried to reached out or mag sorry man lang sa akin. Alam nya deep down on her heart na wala akong ginagawa sakanya pero pinandigan nya lang accusations nya sa akin. I kinda miss her sometimes.
Me, Jaja & Kim are totally fine but not close as we were before. Me & Shei? I completely forgave her pero I don’t think she’ll say sorry, or reconnect with me. After all, I’m sure nakapagsalita narin sya ng bad about me. Okay narin na ganun nangyari kasi I saw how she was with her other friends na naging friends ko rin because of her, sadly she treated me like them kaya I cut her off nalang. Hindi talaga ako fan ng friendship na nag aaway away and the worst is nagpaparinigan pa sa social media. The last time I saw them was 2019, dito kasi sa bahay ginanap yung mini reunion namin kasama Grade 3 adviser namin. Eto yung group pic nung reunion namin..
..hulaan nyo nalang dyan sino sila dyan. 😊
I still wonder how we were as besties as an adult. I heard from friends of friends na mom na si Shei. Jaja was already married (of course she invited Kim) and is pregnant, I think she’s living with her husband sa Taiwan? Thailand? Not sure. Kim was a little bit off to social media, pero I saw some of her tweets that she has a bf and then here I am, waiting for the perfect time, just going with the flow and happy naman with my lovelife rin.
I wish them the very best and I hope they don’t forget about me, kahit na di na kami lahat close, I hope they still see me as they’re friend they can rely on. I totally miss all our simple bondings na kahit matagal kaming ‘di nagkikita, once we reunite, feel mong nandon parin ang friendship.
If I could choose a set of friends sa next life, I hope maging friend ko parin sila non. I had the best teenage life shared with them even sa short span of time lang.
Its sad that I really treasured them as my persons and would love to sip coffee and talk about life once in awhile when we get old but look at us now.. parang hindi na kami magkakakilala.
Hindi pa naman siguro huli lahat?
Malay ko naman diba? One day, we’ll reunite.. again kahit medyo malabo na. Who knows?
I miss you girls.
you know, you’ll always know me
0 notes
Text
Regrets
~Oyah~
………………………………………………………………………………………
CHATBOX ito:
“Sana hindi na lang ako nag-isip. Sana nagmahal na lang ako.”
“Hindi mo naman alam. Pinili mo kung anong akala mong tama noong panahong ‘yun.”
“Hindi rin ako sigurado sa totoo lang. Baka nga naduwag lang ako.”
………………………………………………………………………………………
JH = Jihoon
E = Elle
F = Felicia (friend/officemate nila JH and E)
………………………………………………………………………………………
1 week after nun convo nila sa taas.
CHATBOX ito:
JH: Good Morning! Na-miss kita. One week na since last tayo nagkausap. Kamusta ka?
E: Better. I guess? Salamat pala, ha? Kasi kahit ang drama-drama ko, nakikinig ka pa rin.
JH: Nukaba, ikaw pa ba? Basta ping me anytime if you need someone to talk to.
………………………………………………………………………………………
IRL:
F: Hi, Elle! How are you? Bakit parang hindi ka naman broken-hearted? Parang mas happy ka pa kesa sakin na in a long-term relationship? Umamin ka, kunwari lang ‘yun para magoyo mo ko na manlibre ng SB, noh????
E: Gaga ka, Felicia, talaga! I wouldn’t wish that kind of pain on my worst enemy, noh. Tapos mag-prepretend ako? Takot ako sa karma noh!
Wait, wish ko pala un sa ex-bff ko nun HS na umagaw sa first crush ko. Char!
F: Dami sinabi! Pero kamusta ka? Oks ka na? Ganda ng ngiti mo kanina nung may ka-chat ka, eh…. Sino ‘yan? Gaga, bawal rebound ah.
E: Sabi nang naniniwala ako sa karma. Wala lang ‘yun. Happy lang ako na nakaka-move on na ako kahit paano….
F: Beh, happy ako for you. Pero hinay-hinay, please. Protect your heart. Kapagod ka kayang pakalmahin kapag broken ka.
E: Oo naman, beh. I’m just choosing to do things that make me happy, and to be with people that makes me smile. Na-miss ko ngumiti beh….
………………………………………………………………………………………
Time Skip (After 5 weeks)
CHATBOX ito:
E: Uhmmm, Ji. Hi!
JH: Oh, E! Hello! Kamusta? Nag-lunch ka na?
E: Actually, tatanungin nga sana kita kung may kasama ka kumain. Kasi itong si Felicia iniwan ako. Nag-Aura sila ng jowa niya.
JH: Wala ako kasama pero may baon ako. Sa pantry ako mag-lunch. Tara?
E: Ay, sa labas ako kakain sana kasi wala akong baon. Na-late ng gising. Haha
JH: Ahhhhh.
E: Oks lang. haha. Big girl na naman ako. Ano ako kinder? Hahahhha. Kaya ko kumain mag-isa.
JH: Actually, may gusto sana akong i-try na new resto sa High Street. Gusto mo?
E: Eh, may baon ka?
JH: Pwede naman ‘yun na lang dinner ko. Dali na. Libre kita. Para in case di mo magustuhan, hindi mo ako aawayin. Haha
E: Oke….
………………………………………………………………………………………
Sa resto:
JH: Pasta specialty nila dito. Sana kumakain ka ng pasta.
E: Oo naman. Hindi ako choosy. Lalo na’t ganitong libre. Haha. Oi, salamat ulit!
JH: No probs.
JH: Uhmmmmm.
E: Yes?
JH: Wag ka makornihan ah, pero mas bagay sa’yo nakangiti.
E: Hala siya. Lahat naman siguro mas bagay ung nakangiti.
JH: I mean specifically ikaw. Na-miss ko kasi ‘yan?
E: Oo korni nga…
JH: Ha?
E: Sabi mo kasi korni sasabihin mo. Korni ka nga.
JH: Haha. Sorry na.
………………………………………………………………………………………
CHATBOX ito:
E: Felicia, tengene mo! Ang lande mo! Nasaan ka na???? May kwento ako. Huhuhuhu
F: Wait. Bebe time nga. 1 hour nga lang. Pagbigyan.
E: Balik na! May expiry itong kwento ko. Bahala ka….
F: Ito na nga. Patapos na rin naman kami kumain. Kaloka ka. Magjowa ka na nga nang hindi ako ang kinukulit mo.
E: Eto na nga, eh! Basta huwag kang judger, please.
F: Ay hala sya! May kalandian ka na? Naka-move on na yarn?
E: Basta! Babalik ka o babalik ka?
F: Wait lang. Magbabayad pa kami ng bill. Ano gusto mo, takbuhan ko itong resto para lang sa kwentong lablife mo?
E: Basta dalian mo kasi may expiry nga itong kwento. Kasi may meeting tayo in 20 mins at hindi ko ito makukwento nang may ibang tao. Kasi, too close to home. ehem
F: OMG ka beh! Don’t tell me officemate natin???? Juicy chika! Sige, done na kami dito. OMW!
………………………………………………………………………………………
IRL (Back sa office)
F: (Hinihingal) Oi! 5 mins before meeting. Chika!
E: Hinaan mo boses mo baccla ka. Nahihiya ako.
F: Pero kinikilig ka rin?
E: Oo. Sheeet. Mali ba? Ang bilis ba?
F: Beh! Kalahating taon na ‘un. Pwede mag-move on. Dali, kwento!
E: Kasi nga dahil iniwan mo ako kanina para sa jowa mo na hindi ko alam paano mo nasungkit, niaya ko si Jihoon.
F: Wait? Jihoon? ‘Yung hindi ngumingiti, hindi nakikipag-usap nating teammate? Kelan pa kayo naging chummy chummy? Ano toh friend???? Sure ka, hindi panaginip ‘yan?
E: Gagsi, ngumingiti siya. Cute nga ng pangil niya pag nangiti. Up and Down. Haha
F: Ay si tanga. Kinikilig…. Kulang 5 mins. Kaloka ka. Mamaya mo ituloy ‘yan kasi 1 min na lang lalakad pa tayo papunta meeting room. Kaloka ka, bhie.
E: Haha. At least iisipin mo ako hanngang uwian. Tsismosa for life ka, eh. Haha
F: Bwisit ka. Tulak kita kay Jihoon, eh.
E: Ay, go. Feeling ko sasaluhin ako. Hahahhhaha
F: *nanlaki mata* Nasaan ‘yung broken-hearted kong friend? Ilabas mo siya!!!!
E: Tanga! Tara na sa meeting. Haha
F: Tara na. (biglang seryoso) Pero friend, bagay sayo ‘un ganyan. ‘Yung nakangiti.
E: I know! Sabi niya rin sakin ‘un, eh.
F: Apakalande!!!!!
………………………………………………………………………………………
0 notes
Text
01-03-2023
First day ng pasok ulit sa office.
Ayaw ko na ilagay dito yung mga office drama..kasi kung ilalagay ko ang dami masyado. Basta ang natutunan ko lang sa office ay makisama ka..kung ayaw sayo ipakita mo lang sa kanila yung gusto nila ng makita. Kung anong trato nila sayo ganun din ang trato mo sa kanila..at wag basta-basta magtitiwala.
Pero share ko lang na yung isang pinaghihinalaan namin na masama ugali binigyan nya ako ng graham. Na-touch naman ako kasi hindi naman lahat ng tao ganun kahit nga yung mga kasama namin sa office na may pera hindi naman sila ganun. Pinababalik pa nga yung mga blacklabel (rant ba 'to? hahaha). So, ayun feeling ko naman sadyang wala lang din talaga syang pinagkakatiwalaan sa office kumbaga kebs lang sya.
Naibigay na rin pala namin yung gift namin kay Nikki. Na-share sakin ni Baby ang traumatic childhood nya..parang movie. Well, simula naman ng kakatiktok ko naniniwala na ako na lahat ng ugaling meron tayo may impact yung childhood natin. Ok naman sakin si Nikki, pero napansin ko lang lately na hindi pa talaga sya nagtitiwala sa amin..siguro gawa na rin ng office drama. Medyo ang ayaw ko lang din sa kanya kapag ginagasan nya si Wednesday kasi kapag nag-init ulo nun para syang pabebe girls..walang makakapigil sa kanya (haha) at siya na naman ay lalabas na diavlo sa office. Yun lang pero other than that mabait naman siya. Akala ko nga nung una parang magiging si Alex sya..yun lang kasi unlike Alex may boundaries siya.
Last, uminit na naman ulo ko kanina kay Baby. Siguro ganun talaga pag naghahabol ng TSN tapos sabi nya magrereview daw siya di naman siya nagrereview tapos pag sakin sasabihin niya nagbabasa siya. Naiinis ako sa kanya pag ganun kasi feeling ko mas gusto pa niya makipagusap sa iba kesa sakin. Kaya tuloy sabi ko siya na gumawa ng paper niya. Kainis kasi. Kapag sa iba more chika more fun kapag sa akin babasa daw siya o kaya magccp. Pero nawala naman na yung inis ko sa kanya sa bahay kasi siguro di naman na ako nagTTSN HAHAHAHAHAHAHA. Potang ina naman kasi ang tagal matapos. Raratratin ko yun bukas.
Isa pa pala. Si mama ang tagal pala walang kasama dun sa bahay. Grabe kawawa naman. Gusto ko man siya bisitahin uungot na naman siya at mastress lang ako dahil wala naman ako pera kaya wag na lang muna.
At panghuli..binigay ko na kay Ate ang pekeng copy ng decision. Naku bahala na siya sa buhay niya.
O siya sige pagod na ako.
Nyt.
0 notes
Text
Oh. May isa palang guy sa messenger app ko na nakakausap ko minsan? Depende sa mood ko? HAHAHAHA yung Ex ko (7 years kami nito ha) nag break kami dahil sa akin. No third party, no away na naganap. Nawala nalang ako bigla in short na ghost ko siya. HAHAHA nagkaroon kasi ako ng depression hindi siya naniniwala. Dahil paulit ulit ko na ksi sinasabi sa kanya na hindi ok yun mga napasok sa isip ko. Na nahihirapan ako. Na hindi ako ok.Sinabi ko talaga sa kanya yon. 2 years akong walang fb. 2 years akong family ko lang ni rereplyan ko, at dyan nagsimula ang aking pagka anime fan, k drama, manga reader. Haha pero ok naman na kami ngayon. HAHAHA nagulat kasi ako dahil nag chat siya sa akin last aug chat niya sa akin ( pumayat ka, short hair kana? Bagay sayo)
Hello?
Okey. Mag uupdate lang ako dito. Para i remind ang self ko.
Nov 6,2024
Gumising ako ng 5am. Normally talaga 6:30am pa ako nagigising siguro nasanay ako sa ganoon gising sa pag rerelieve ko sa batangas branch.
7:52am na yata ako nakapag time in sa office. Kabado pa ako nito dahil advance ang pinag titime inan namin tapos traffic pa.
First time gamitin ng whole day yung isa kong phone. Mostly kasi yung isa kong phone ang gamit ko dahil mas matagal ang battery niya. Pero main phone ko naman ito. (Gulo ba?)
3 weeks na yata akong walang fb app sa phone. (Ang saya lang nagka roon ako ng peace of mind kahit konti)
Hindi pa rin ako tinatantanan nun asawa ng friend ko. Facebook,IG,discord,gmail, messenger ng kapatid ko. Puro mura yun natatanggap ko galing sa kanya. (Lahat na yata ng mura nasabi na niya sa akin, tapos sinabihan niya ako kulang ako sa atensyon, kung nakakatulog paba ako dahil may nasira akong pamilya? ) minsan gusto ko sumagot. Gustong gusto ko idefend yung self ko. Pero dahil puno na siya ng galit kahit anong explain ko sa kanya hindi niya yon tatanggapin. Iniisip ko palage if mali ba talaga makipagkaibigan sa isang lalaki? Like? Ni remind ko narin naman yun guy na hindi ako papatol sa kanya dahil may asawa siya at friend lang tingin ko sa kanya. Nag uusap kami ng magkaibigan! A friendly convo!! Nothing else. Hindi ako una nag cha chat sa kanya. Never ako nag goodmorning sa kanya, never ako nag ask if anong problem nila nun asawa niya dahil ayoko makisawsaw, never ako naging sweet sa kanya, NEVER AKO NAG UPDATE SA KANYA NG NANYARE SA ARAW KO!!!!!!! Isang tanong isang sagot lang convo namin. At mas madami pang "G?" Sa convo namin!!!!
Nadamay pa yung long guy friend ko. Lumayo ako sa kanya. Seryoso. Close guy friend ko siya! Ina ask ko siya dahil nga guy siya na friend ko na may girlfriend.
"May time ba na feel mo nilalandi kita?"
Tinanong ko talaga siya. Sagot niya "no! Never. Ang taas ng bakod mo. Seryoso! Super taas ng wall mo. Sorry sa word pero parang ayaw mo magpapasok ng ibang tao sa mundo mo! HAHAHAHAHA. Umiikot yung mundo mo sa Anime, k drama, ML, stardew valley, work(na dumadagdag sa stress mo! HAHAHAHA), bahay, simbahan, Exercise, kape. Nothing else. Diba sayo ko sayo. Try new things. Mag memessege ako sayo ng lunes friday ka mag rereply ang sipag mo!" (ETO TALAGA REPLY NIYA)natawa ako dahil totoo to. Nakikita ko chat niya pero if di naman importante hindi ako mag rereply.
So eto ako. Laman ng messenger ko puro babaeng friend ko lang. workmates ko, madir, at kapatid ko. Wtf? .
4 notes
·
View notes
Text
Akala Mo
Napailing, napangiwi at biglang sumilay ang ngiti sa aking mga labi. Nilibot ko ang aking mga mata. At kahit ilang ulit nang tinanong sa aking isipan, hindi na rin ako nagtaka. Sa lahat ay nangingibabaw siya. Bakit ba ganito ang nadarama?
Sino nga ba ang hindi mahuhumaling sayo? Dumaan ka lang, lahat ng ulo'y mapapalingon. Sa tangkad mo, hindi imposibleng walang makapansin sayo. Aaminin ko, isa ako sa nabihag mo. Kahit walang sabihin o gawin, ang presensya mo ay sapat na sa akin.
Tandang-tanda ko pa noong dumaan ka sa labas ng classroom namin. Hindi ko inaasahan na sa pagdaan mo ay siya namang tingin ko sa pinto. Hindi ko malilimutan ang ilang segundong iyon. Alam ko sa oras na 'yon, magiging parte ka ng buhay ko.
Humanap ako ng paraan upang makilala ka. Kung hindi nga naman naglalaro ang tadhana, kaklase ka pala ng isa sa mga kakilala ko noong ako'y nasa sekondarya. Pasalamat ako sa kanya, marami ako sayong nalaman. Salamat din pala dahil kahit papaano, nakilala mo rin ako.
Dati maisip ko lang na magtanong ka tungkol sakin, mapapangiti na agad ako. Akalain mo 'yon, ikaw na walang kaalam-alam na may isang ako, isang araw bigla-bigla nalang pumasok sa mundo ko?
Ngunit ang kaligayahang iyon ay agad din namang mawawala. Sa bawat saya ay may kapalit na kalungkutan. Sa bawat ngiti ay may luhang papatak. Dapat ay alam ko na, dapat ay natutunan ko na, ngunit bakit ganoon? Sa paulit-ulit na nangyari sakin ito, hindi pa rin ako handa? Hindi ko inakalang sa maikling panahon ng kasiyahan ang kapalit ay kalungkutan.
Hindi ko namang inaasahan na sa bawat araw na pag-uusap natin, kausap mo rin pala siya. Sa mga panahong kinikilig ako sayo, kinikilig ka naman pala sa kanya. At sa lahat pa ng tao na pwede mong magustuhan, bakit kaibigan ko pa?
Hindi naman ako galit. Hindi rin ako inis. Lalong-lalo na ay hindi ako nakaramdam ng inggit. Bakit? Kasi buti nalang, marunong akong magdahan-dahan. Buti nalang napigilan ko pa ang sarili ko na tuluyang mahulog sayo. At buti nalang, noong nalaman mong gusto mo ang kaibigan ko, nagising agad ako. Hindi maaaring hayaan ko pa ang sarili ko sayo. Dahil hindi ako papayag na masira ang pagkakaibigan namin nang dahil lang sa isang lalaki, lalo na sayo.
Nalungkot ako, oo. Pero sa tingin kong mas Hindi ko kakayanin na kainin ako ng inggit. Gusto kita. Pero kaibigan ko siya. Hindi ako pinalaki para lang ipilit ang sarili ko sa taong iba naman ang gusto. Lalo na kung kaibigan ko. Alam ko ang halaga ko. Ang iba lang, hindi ito ang nakita mo, kundi ang kaibigan ko.
Akala mo ba hahabulin kita? Akala ko noong una, nararapat ka. Hindi pala. Hindi pala ikaw ang lalaking magtatagal sa buhay ko. Napadaan ka lang pala. Kaya ang tanong, kahabol-habol ba ang taong wala namang iniwan?
1 note
·
View note
Text
!warning! Topic is about Rape and GMA
Like, hindi ko maintindihan???
We're peacefully watching (not watching - background noise lang kase sa'min ang TV, and since it's GMA, we're not really that interested with their dramas, pero may choice ba? Haha) GMA.
It's hapon.
Maraming bata.
Malakas ang T.V.
Tapos biglang BOOM may commercial ng imbestigador about a 9-year old kid being repeatedly raped by some guy. SHIT DIBA? fuck. Nasira mood ko. Ginawan nila ng skit. Omygod, sorry sa batang actress. It was heavy for me. How about for that kid?
Tapos yung halloween special nila, alam n'yo ba kung ano? Yesh. Babaeng minomolestya ng multo by Sanya Lopez. Haha. fuck. Shit.
Another imbestigador special. Timeslot: Hapon. About a teenager na pinatay labas ang pwet. Oo blurred, (BLURRED LANG! HINDI BLACK BAR!), pero bwiset paulit-ulit pinapalabas ang picture odk asan ang diyos.
These are very trigerring topics that people have to be aware of. We're unfortunately in a country with very immoral men and yes, we have to teach our children to be careful. Pero BAKIT NAMAN GANUN ANG DELIVERY NILA??? Bakit naman parang it's heavily "sexualized"???? Bakit parang ang goal nila is to arouse the audience, not reprimand the abusers?
---not only that, parang sinasadya nila maghanap talaga ng ganong topics, like if i've been watching GMA my whole life, iisipin kong ang role lang ng mga kababaihan sa lipunan ay mamolestya---
The amount of improper things I have seen in 'artistic production' side of GMA for a short while is more than what I've seen from ABS CBN for 3 years I was watching from it.
A sample of better delivery from TV5, (!!!TRIGGER WARNING!!!) is the skit about a Transman bring raped and impregnated by his male stalker. So ayun, pinakita lang yung creepiness ni guy, yung strong na prinsipyo ni victim, and the heaviness and success of the trial. Halos wala ngang sex scene. Parang flash lang s'ya. But the main important elements were established. (1) Creepy si guy. (2) Respect Trans rights (3) Creepy guy got what he deserves and it will make other creepy guys think about pursuing a Transman who they only call as "Tomboy".
Ang dali lang nun diba?
Anong ginagawa ng GMA? Being artistic? Feeling nila madadala ng crazy camera angles ang mabaho and misleading na script writing?
Feeling nila nakatutulong sila sa pagbawas ng sexual assult cases? No. Nakadadagdag lang sila, especially when their stories always feature poor submissive women, especially when their shows feature half-naked dancing women (like. Why? Anong need?), especially when none of their main hosts were women.
I know your sexist oversexualization of sensitive issues against the female body cannot change overnight, pero pwede ba, wag n'yo namang ipakita yung sensitive commercials ninyo (na 'artistically' sexualized) sa KALAGITNAAN NG HAPON! dyusme.
#philippines#trigerring issues#kabastusan ng GMA#sexism#sexualized stories#their actresses are required to wear that one very revealing sando
52 notes
·
View notes
Text
nabasa ko 'to sa isang blog ko na ginawa ko para magdrama (well puro drama din naman dito ewan ko ba bat gumawa pa ako ng ibang blog haha) tapos nung nabasa ko 'to parang nakarelate ulit ako. hahaha kainis. pero grabe mga post ko dun, akala mo hindi naging masaya sa buhay eh. hahaha. kasi nagpopost lang talaga ako dun kapag malungkot ako, hmmm parang dito.
6 notes
·
View notes
Text
DINO BB CONGRATS! And pa-join on ur event please hehe ✨ can u plis write a group costume HCs w/ me, Dad, Mom, and Oikawa? Mom and Dad are literally my parents by bond and I have a secret crush on Tooru. The bois love going to places (outdoor activities) but I'm so lazy so no. But they don't rlly wanna have fun w/ out me so we became a very domestic group :'> I'm the palamura and also the scaredy cat of the gang. Oiks is our buddy but he's mostly MIA bc he's just so popular? We love him still tho
@oikaw-ugh
LEIAA THANK YOUU!! ALSO HAHA I LOVE THIS GROUP SO MUCH I HOPE YOU LIKE THIS COSTUME REQ!!
also, post written in taglish up ahead!
you, Oikawa, Daichi, and Sugawara are ... Teddie, Bobbie, Alex, and Gabbie from FOUR SISTERS AND A WEDDING !!
mamsh i love this movie so much ksasjdskdfs ang I C O N I C talaga (actually baka panoorin ko nga ulit mamaya)
daichi is gabbie (as the stable mom friend), suga is teddie (siya yung mas madrama na mom friend), oikawa is bobbie (kasi siya yung madrama na englishera) and you are alex aka the troublesome child
whenever you guys stay at home (which you always do) you always watch this movie
even oikawa who’s always busy comes in because he loves the sheer drama and comedy of Four Sisters and a Wedding
and the great thing about these costumes is that you kind of just wear regular clothes? BUT you also have an extra set of costumes (aka the sea creature inspired ‘couture’ costumes na sinuot nila sa wedding ni bobbie HAHAHAHA)
suga is super into it. memorize niya talaga yung mga lines ni teddie
AND THE FOUR OF YOU PULL OTHER FRIENDS TO REENACT THAT ICONIC SCENE
kuroo is also a Fan so siya yung nanay hahahaha
suga, crying his eyes out: MA... MA I’M SORRY. SORRY MAAAAA
*insert teddy’s oscar-winning monologue*
suga, at oikawa: simula noong bata pa ako, inggit na inggit ako sa’yo bobbie!!
oikawa: pero bakit parang galit ka? pero bakit kasalanan ko, parang kasalanan ko?
everyone watching: *naiiyak*
tapos may bonding moment rin kayo ni oikawa yiiiiiiieeeeee
sinamahan ka niya para suntukin si mocha uson-- i mean yung kabit ng tarantado mong ex
*insert backstory about you with a crappy ex that oikawa had encouraged you for so long to break up with*
oh my god should i insert a little confession hc hahahaha i shall because i love u
you and oikawa took a selfie together ‘cause he’s technically your favorite sister (since alex and bobbie are supposed to be close)
and he’s like: awww you’re my favorite sister too
and you’re like: do you see me as just a sister? (okay this sounds like incest but YOUR SISTER THING IS ONLY LIMITED TO YOUR COSTUMES)
oikawa: maybe, you’re something more?
daichi: oh thank god they’re finally getting together
anyway what happens next is up to u my dear sawamura leia <3
#haikyuu!! halloween party#costume requests#group costume#oikawa tooru#oikawa#daichi sawamura#daichi#sugawara koushi#sugawara#oikawa x reader#hq x reader#you oikawa sugawara and daichi as four sisters and a wedding
20 notes
·
View notes