writtenbykie-blog
K. D. C.
10 posts
An account made for educational purposes Kaye Dela Cruz BSBA-HRDM 2-4D *Note that all that is written in this account is owned by me and me only any copy made from my blog is plagiarism*
Don't wanna be here? Send us removal request.
writtenbykie-blog · 5 years ago
Text
Pagkakaisa laban sa pamomolitika
Pagkakaisa laban sa pamomolitika
Ang paksang ito ay karugtong ng naunang blog na isinulat ko. Tungkol pa rin ito sa transformative education. Ginawa lang itong ispisipiko sa mga social movement at sa kasalukuyang kalagayan ng politika sa ating bansa.
Nabanggit dito sa babasahin ang People Power. Isang pangyayari na napakahalaga sa kasaysayan ng Pilipinas. Naulit ito at tinawag na People Power 2. Pero ang nais iparating ng People Power (PP) ay hindi lamang para ipaalam na pwede tayong mag rally sa kahabaan ng EDSA kung mayroon tayong hindi gusto sa ating gobyerno. Natutunan ko na ito ay nangyari dahil maraming tao ang namulat noong panahon na sila ay inuuto na alamang ng kanilang gobyerno. Isa itong patunay na ang taong matalino ay nagtatanong at kung may mali ay irereklamo. Pero higit sa lahat ay ipinapakita nito na kayang maging isa ng mga tao basta’t alam nila ang tama sa mali. At para mangyari na mamulat ang mga tao sa bagay na ito kailangan ng edukasyong nakakapagpabago tungo sa magandang kinabukasan. Edukasyong pasulong at hindi paatras. Edukasying dapat na natututunan ng lahat. Noong mga panahong iyon napatunayan na mas makapangyarihan ang taumbayan kaysa sa mga opisyal nito. Bakit? Dahil taumbayan ang nagpapatakbo ng bansang pinagkakakitaan ng kapitalistang gobyerno. Takot sila na mawalan ng mga mamamayan dahil kapag nawalan ng tao ang isang bansa, bababa ang kita nito.
Maraming mga Pilipino ang takot sa gobyerno. Pamilyar tayo sa mga sinasabi na: “Anak ni mayor yan, wag niyong pakialaman” “kay senator iyan, huwag yan” kahit sa pulis; “hoy wag ka magulo may pulis” naiintindihan ko kung saan nanggagaling ang punto nitong mga ito. Dahil dapat naman talaga ay nirerespeto natin ang mga taong nakaupo sa gobyerno. Pero dapat hindi oamugaran ng takot ang bawat isa sa atin dahil karapatan natin na magsalita kung may mali. Sila ang tumanggap ng trabaho na iyan, ang tawag sa kanilang trabaho ay Public Service o paglilingkod sa publiko. Hindi dapat ito nagiging paglingkod ng publiko sa mga opisyales ng bansa. Ang tanging magagawa na lamang ng taumbayan ay ang magkaisa upang marinig ng mga “nasa itaas” ang boses ng mga taong dapat ay kinakatakutan nila pero mistulang mga tuta pa.
Abg transformative education ay makakatulong upang sa susunod, may mangyaring pagbabago. Sa totoo lamang ay hindi na ako umaasang ang pamamalakad ng gibyerno ngayon ay magbabago pa. Ngunit naniniwala naman ako na iyon ay darating sa panahong ang mga nakaupo sa gobyerno ngayon ay mawawala na. Dahil para sa akin ang gobyerno ng Pilipinas ay nangangailangan ng bagong panimula o fresh start. Kailangan na lahat ng luma ay maialis. Parang kung magtatanim ka sa masukal na hardin kailangan bunuting abg mga damo na matagal nang kumapit at nang-aagaw ng mga sustansiya sa halaman. Gaya nga ng damo dapat sa gibyerno ag bunutin ang mga damk na nagnanakaw. Daoat silang tanggalin kasama ng mga ugat nito upabg hindi na tuluyang makaimpluwensiya ng mga bagong politiko.
Ang tanging solusyon upabg tayo ay hindi maapi ay ang pagkakaisa laban sa pamomolitika.
Written by: Kaye Dela Cruz
(writtenbykie)
0 notes
writtenbykie-blog · 5 years ago
Text
Edukasyong lumilinang
Edukasyong lumilinang
Sa paksang ito natutunan ko ka mayroong dalawang uri ng pagbabago. Mayroong pagbabago na tungo sa tagumapay o pasulong at mayroong pagbabago na paatras. Maraming mga problema sa ating bansa ang maaaring matugunan sa pamamamagitan ng edukasyon. Sa kabuohan, ito na mismo ang pinaka punto ng babasahin. Pero nakita ko rin na bumalik ang diskusyon nito sa unang paksa na tinalakay ng klase. Ito ang misedukasyon. Uulitin ko ang punto ko sa pinakauna kong isinulat na blog. Dapat ang edukasyon ay lumilinang, naghahasa o nagpapalabas ng angking galing ng bawat estudyante at hindi tinuturo kung ano ang “dapat”. Dahil kung lahat ng tao ay pare-pareho ang natututunan at itinutoro, malamang ay walang taong mulat. Kung lahat tayo susunod sa kung ano lamang ang gusto ng nga nagturo sa atin, kung lahat tayo tuturuan kung paano kumilis, magsalita at mangarap walang uunlad sa ating bansa kung hindi ang mga nasa itaas na ng piramide ng ating lipunan. Mga taong hindi tayo tinitingnan at kinikilala bilang tao kundi kilala tayo bilabg mga taong maaaring mauto at apakan upang maitaas nila ang sarili nila.
Matagal na nating alam at sinasabi na ang edukasyon ay isang yaman na walang sinuman ang makakapagalis sa iyo. Ngunit parang ang edukasyon ay nanakaw na bago pa ibigay sayo.
Marami sigurong magsasabi na “Nakapag-aral naman ako, may maganda akong trabaho, sapt naman ang kita ko” maaring nag-aral ka nga, natuto ka ba? Napag-aralan mo lahat ng kailangan mo para makapagtrabaho. Pero hindi mo naman alam ang mga karapatan mo bilang manggagawa. Nagpapagamit tayo sa kanila. Masakit isipin, masakit din aminin na totoong ginagamit lang nila tayo. Sa katunayan nakakatawa ang sistema ng bigayan ng suweldo dito sa atin. Napansin ko kasi na ang mga tao na mas mahirap at mas nakakapagod ang ginagawa, mas mababa ang kita. Pano nangyari iyon? Malabong maiipaliwanag ko dahil ako mismo hindi ko maintindihan. Maraming personalidad sa ating gobyerno na nakapag-aral naman. Pero bakit nila nagagawang mangorap? Bakit nagagawa nilang manloko ng mga kapwa nila Pilipino. Niloloko nila iyong mga tao na mismong nagluklok sa kanila sa kinatatayuan nila ngayon. Halos lahat ng nasa gobyerno galing sa mga pinakamagagandang eskuwelahan daw ng ating bansa. Hindi ko lubos maisip na sa sobrang ganda ng eskuwelahan nila at sa sobrang talino ng mga estudyante doon ay may nakalimutan pa silang paksa. Nalakdawan siguro nila ang pagtukoy ng tama sa mali.
Siguro nga makakatulong ang edukasyon upang matuto ang mga tao na tumayo sa sarili nilang paa. Ang malaman kung gaano sila kahalaga at kung ano ang halaga nila. Oo alam ko mayroong “maganda at kalidad” na edukasyong isinusulong di umano, sa ating bansa. Papasok diyan ang mga pribadong paaralan na nagmamayabang ng mga tropeya na nakamkam nila sa loob ng ilang dekada. Pero ang totoo naman ang iba diyan sa mga estudyante nila ang grado ay pera na. Pero sa uri ng edukasyon na ipinapatupad sa ating bansa, mukang matatagalan bago maging mulat ang lahat. Pero huwag sana tayong mawalan ng pag-asa. Dahil kahit mabagal ang pagmulat sa mga tao, kahit kakaunti o kakarampot pa lamang ang namumulat, mas maganda na na mayroong mulat kaysa sa bansang nagbubulagbulagan ang lahat lupig na lupig ng ibang kultura alipin sa sariling bansa at edukasyong me-masabi lang. At hindi edukasyong lumilinang.
0 notes
writtenbykie-blog · 5 years ago
Text
Bayani ng modernong lipunan
Bayani ng modernong lipunan
Kapag narinig natin ang salitang bayani, malamang agad na pumapasok sa isip natin ang ating pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal o di kaya naman si Andres Bonifacio. Marahil dahil ito sa mga natutunan natin sa eskuwelahan. Dahil ito ang itinuro sa atin. Pero para sa akin kapag dinugtungan na ito ng moderno ay iba na ang papasok sa isip ng tao. Kung ako ang tatanungin kung sinu-sino ang mga modernong bayani ang isasagit ko ay; mga guro, magsasaka at mga magulang. Para sa akin pasok sila sa depenisyon ng bayani para sa akin sila iyong mga taong inaalay ang kabuohan nila sa kanilang ginagawa kahit hindi ito natutumbasan ng iba. Nasabi sa babasahin ang kultura ng mga anakpawis. Napansin ko rin ito. Madalas sa kanila ay hindi natutumbasan ng kabayaran ang pagod na ginagawa nila araw-araw. Pero bakit sa hinaba haba na ng panahon ay wala namang nagbabago? May napapansin ako na pagkakapare-pareho ng bawat babasahin namin. At marahil ito rin ang sagot sa tanong ko. KULTURA. Lahat ng mga bagay na kung tutuusin ay dapat wala naman o hindi nman dapat nangyayari ay dahil ito ay kultura ng tao. NAKASANAYAN na ng tao na ganito ang kanilang pamumuhay kaya naman halos walang nagrereklamo. Gaya na lamang kung papalakihin ka sa isang lipunan na may paniniwalang pasismo, hindi mo iisipin na mali ang pasismo o na hindi ito likas na dapat nangyayari.
Ang mali kasi dito, napakababa ng tingin ng mga kapitalista sa mga manggagawa at napakataas naman ng tingin nila sa kanilang sarili. Pero kung iisipin natin mas makapangyarihan ang manggagawa kaysa sa kapitalista. Dahil kung wala ang manggagawa hindi kikita ang kapitalista. Lugi sila rito dahil sila mismo hindi nila alam o hindi sila marunong magpatakbo o kung paaano patakbuhin ang sarili nilang negosyo na walang tulong ng ibang tao. Halimbawa nito ang kapitalista na may-ari ng lupa na pinagsasakahan at nagpapasweldo sa mga magsasaka, kung ang mga manggagawa niya ay hindi na papasok, hindi siya kikita ng pera dahil marahil hindi niya kaya ang trabaho o hindi siya marunong sa kung ano man ang gagawin. Kung iisipin dapat mas takot ang kapitalista sa manggagawa at hindi baliktad. Pero ang nangyayari ngayon lahat ng manggagawa ay nasa ilalim ng kapitalista.
Natuwa ako sa mga taong nabanggit sa babasahin dahil sinabi nila na kahit mababa ang kanilang trabaho sa tingin ng ilan, ang kanilang karapatan ay hindi limitado dahil sa tingin ng iba ay mababa sila. Sila pa rin ay tao at pare-pareho lamang tayo ng karapatan.
Ang masasabi ko lang, sana dumating ang panahon na ang mga bayani ng modernong lipunan ay kilalanin bilang mga bayani at hindi mga mabababang anakpawis.
Written by: Kaye Dela Cruz
(writtenbykie)
0 notes
writtenbykie-blog · 5 years ago
Text
Masahol pa sa malansang isda
Masahol pa sa malansang isda
Sa diskusyon namin sa klase ay itinalakay ang sulatin ni Mr. Isagani Cruz na pinamagatang Kabastusan ng mga Pilipino. Para sa akin, anG babasahin na ito ang isa sa mga mahihirap intinfihin sa mga babasahin na ibinigay sa amin ng aming propesor. Bukod sa hindi ko lubos na naiintindihan ang kulturang Pasismo at Feminismo, isa itong sulatin na para sa akin ay malalim at nangangailangan ng pagsasaliksik at pasensiya. Pero ibabahagi ko ang natutunan ko sa klase dito sa aking blog. Ang punto lamang ng introduksyon na ito ay para ipaalam na ang kaaalaman ko sa nasabing paksa ay hindi ganap o buo ko’ng naintindihan ngunit susubukan kong isulat ang sariling panananaw ko at opinyon ko base sa aking nabasa.
Unang kumuha ng atensiyon ko sa babasahing ito ay ang pamagat nito. “Kabastusan ng mga Pilipino” noong una ko itong mabasa inakala ko na ang tatalakaying dito ay ang ugali ng mga Pilipino na kung titingnan mo sa ibang anggulo ay masasabing bastos ito. Ang unang pumasok sa isip ko ay iyong pambabastos sa mga babae, pagdura sa kalye, panunutsot at kung anu-ano pang kaugalian ng mga Pinoy. Ngunit nagulat ako nung binasa ko ito at bungad nito ay nasabi agad ang mga salitang; Marxismo at feminismo. Sa aking pagkakaintindi ang Marxismo ay binatikos noon dahil sinabi na parang sunod-sunuran lamang sila sa mga burgis. Na dahil sa maganda ang naidulot ng mga sulating burgis ginaya na nila ito. Pagkatapos nito nabanggit ang mga feminista na para sa akin ay mga taong mulat at ipinaglalaban ang kanilang mga karapatan. At masasabi kong kung ang Marxismo ay nasabing “Going with the flow” ang mga feminista naman ay “Breaking away from the flow”.
Mikukumpara ko ang kalagayan ng Pilipinas at ng nga Pilipino ngayon sa nagngyari sa mga Marxismo. Dahil para sa akin naging kultura na rin ng mga Pilipino ang pagsunod sa kung ano ang sikat o uso na sinabing Popular Culture o Pop Culture sa babasahin. Naging kultura natin ito hanggang sa punto na nakalimutan na natin ang kultura nating Pilipino at maka-Pilipino. Nakikita ko sa mga tao na halos gusto nang itago ang lahat ng bahid ng pagka-Pinoy nila. Ultimo kulay ng balat ay nais baguhin. Nagsusuot ng mga damit na gawa ng banyaga pati mga produkto na gawa ng ibang bansa ay siyang tinatangkilik. Kung ganito tayo mag-isip, umasal at kumilos ay mawawalan tayo o mawawala sa atin ang/ng kultura nating sarili. Kung titingnan mo ang mga Pilipino ngayon merong iba kilos Koreano, Hapon, Amerikano at marami pang iba. Bakit ganito? Iyan rin ang tanong ko. Pero ito ang sagot, dahil iyan ang uso.
Naipasok naman dito ang Feminismo dahil, siguto naman alam natin na nasa kultura na simula pa noong una ng mga Pilipino ang Pasismo. Ang pagkakaintindi ko sa pasismo ay ang pananaw na ang lalaki ay nakatataas sa babae. Litaw na litaw naman ito sa ating kultura. Lalong lalo na sa mga nakatatanda dito sa atin. Naniniwala sila na ang babae kapag nakapag-asawa na ay tatanggapin niya ang posisyon niya sa ilalim ng lalaki. Ibig sabihin ay susundin niya ang lalaki sa mga gusto nito. At abg lalaki naman ang siyang gagawa ng paraan o magtatrabaho upang matustusan ang babae. Marami pang ibabg halimbawa ito ngunit siguro naman ay malinaw na ang isang halimbawa na ito. Ang gusto ng mga feminista ay matanggal ang ganitong paniniwala. Na dapat ang babae ay kapantay lamang ng lalaki. Hindi dapat hihingi ang babae ng posisyon na mas aangat sa lalaki. Doon madalas nagkakaron ng komplikasyon sa pag-iintindi ng pagiging isang feminista. Dapat hindi ka humihingi sa lipunan ng mga prebilehiyo na wala ang mga lalaki dahin ang gusto mo na ay “superiority” at hindi “equality”. Natutunan ko rin dahil sa aking . na hindi mo kailangang maging babae upang maging feminista. Tulad ng hindi mo kailangang maging lalaki upang maging pasismo ang pananaw mo.
Ngunit ang tanong ko dito, sinabi sa babasahin na ang makakalimot sa sariling kultura ay napakasama. Kung parte na ng kultura ng mga Pilipino ang pasismo bakit ito tatanggalin? At paano nagsimula itong feminismo sa Pilipinas? At may pag-asa kaya na tuluyang maglaho ang kulturang pasismo sa Pilipinas? Kung mawawala ito buo pa rin kaya ang ating pagkatao?
Ang pinaka punto ng sulatin na ito ay maihahalintulad sa mga katagang sinabi ni Rizal na “Ang hindi marunong magmahal sa sariling wika ay masahol pa sa malansang isda.” Maa.aring masabi na “Ang hindi matunong magmahal sa sariling kultura ay higit na masahol pa sa malansang isda.” At iyon ang kabastusan na pinapahiwatig sa babasahin. Ang mga taong hindi minamahal ang kanilang sariling bansa at kultura ay matatawag na bastos.
Written by: Kaye Dela Cruz
(writtenbykie)
0 notes
writtenbykie-blog · 5 years ago
Text
Diyaryong Mukang Artista
Diyaryong Mukang Artista
Nanonood ka ba ng balita? Nagbabasa ka ba ng diyaryo? Nagbabasa ka ba ng mga magazine? Kung hindi ang sagot mo sa lahat, nanonood ka ba ng mga pelikula sa sinehan? Siguro naman sa mga pamungad na tanong ko alam na mo na kung ano ang punto ng blog na ito. Marami sa mga Pilipino ang mas prayoridad ang manood ng mga pelikulang ipinapalabas sa mg sinehan o di kaya naman sa telebisyon o kaya sa Internet sa ating mga cellphone. Anong dulot nito sa atin? Pra sa akin dahil dito nawawalan tayo ng paki sa ating komunidad, estado, lipunan, gobyerno, sarili at sa kung anu-ano pang bagay na nasa paligid natin na mas importante pa kaysa sa mga pelikulang pinapanood natin.
King mapapansin niyo ang struktura ng pagkakabalita sa atin ng mga balita sa telebisyon ay ganito: magsisimula sa balitang masasabing kabalibalita naman pero hindi gaanong importante kasunod nito ibabalita yung mga masasamang balita tapos kung may mas sasamang balita pa iyon ang kasunod. Pagkatapos biglang magkakaroon ng balita tungkol sa mga paborito ninyong artista. Tapos ibabalita naman yung mga magagandang balita kung meron man. Tapos bago matapos ang programa ibabalita iyong mga tao na nagulungan ng kanilang kompanya. Parang ang gulo dahil kasama sa mga importanteng balita iyong masasabi natin na wala naman talagang kwenta at maaari namang gawan ng sariling programa upang mayroong maayos na alokasyon ng impormasyon ang masa. Para sa akin dapat hiwalay itong dalawa at magkaiba ng oras ng pagpapalabas sa telebisyon. Para sa akin ay dapat mayroong ilang oras o kahit kaunting panahon upang maintindihan ng mga mamamayan ang mga mahahalagang balita tungkol sa kanilang lipunan. At upang makapagisip-isip sila ng mga ideya o opinyon ukol sa mga balita o di kaya mga solusyon dito kung sila mn ay apektado ng masamang balita.
Para sa akin ang nais ng media ngayon ay tanggalin ang kakayahan ng mga tao na makapagisip upang sila ay kumita. Para sa akin ginagawa nilang distraksiyon o panakip-butas ang tinatawag na showbiz upang ang mga tao ay mawalan ng kakayahang makapag isip ng malalim at matukoy ang mga bagay na dapat isinasaisip nila at dapat iniintindi nang husto at ihiwalay ito sa mga bagay na hindi nila magagamit sa pang araw-araw na pamumuhay. Binibigyan rin natin ng kapangyarihan ang mga taong nasa showbiz dahil sa pag idolo natin sa kanila. Isa ito sa mga dahilan kung bakit ang ating gobyerno ay puno ng mga kapitalista o di kaya naman ay artista.
Hindi madali ang labanan ang pagnanais na maaliw tayo. Ngunit dapat ay nakakapag isip oa rin tayo at marunong tumukoy ng mga impormasyon na kailangan natin. Kailangan marunong taying gumawa ng sarili nating mga opinyon ukol sa mga bagay na nangyayari sa ating bansa dahil lahat tayo dito ay apektado. Dahil ito ang tatandaan mo, hindi ka ililigtas ng mga teleserye na yan sa panahin ng pagtaas ng mga bilihin at wala ka nang makain. Ito tatanungin kita ulit, nanonood ka ng balita? Nagbabasa ka ba ng diyaryo? O baka naman ang Diyaryo mo mukang artista.
Written by: Kaye Dela Cruz
(writtenbykie)
0 notes
writtenbykie-blog · 5 years ago
Text
Rebolusyon Kasama Ang Buong Mundo
Rebolusyon Kasama Ang Buong Mundo
Sa ngayon maraming mga bagay ang naiitulong sa atin ng Internet. Mga bagay na nagagamit natin sa pang araw-araw nating pamumuhay. Katulad nalang ng tulong sa pag-aaral. Sabi nga na ang mundo ay nasa dulo nalang ng ating mga daliri. Isang pindot lang maaari kang makatuklas ng bagong mga bagay. Ngayon kung iisipin natin, ang Internet ay isang bagay na napakamakapangyarihan. Isang bagay na halos lahat ng tao sa buong mundo ay may access. Isang bagay na laging nakikinig, nanonood at nanghuhusga ng iba’t-ibang mga bagay. Alam natin kapag ang isang tao ay may nagawang mali na nailagay niya sa isang social media account gamit ang Internet ay parang lahat ng mata sa mundo ay nakatingin sa kanya at siya’y hinuhusgahan. Isang pangyayari na maaaring magbunga sa malaking pagbabago sa ugali ng tong iyon o di kaya naman maaaring magbunga sa paghingi ng kapatawaran sa mga taong naapektohan ng kung ano man ang kanyang nasabi.
Ang punto ng binasa namin para sa klase ay gamit ang bagay na taglay ang ganitong kapangyarihan, bakit hindi ito gamitin ng mga tao sa kanilang ikalalamang o ikabubuti? Gamit ang Internet kaya ng kahit sino na isiwalat sa buong mundo ang kalagan ng mga bulok na sistema ng ating bansa at kahit sinong tao galing sa kahit anong bansa pa ay kayang gawin ito. Kayang kaya nating mga karaniwang tao na makakuha ng atensiyon galing sa ibang tao pa kahit pa sa labas ng ating bansa. Sa pamamagitan nito, mas maraming tao ang makakaalam ng tunay na kalagayan ng mga mamamayan natin. Na maaaring maging dahilan ng agarang pag-aksyon ng mga nakakataas dahil para sa akin ito ay kasiraan nila sa ibang bansa na makakasama na imahe ng Pilipinas. Bilang kilala tayo bilang bansang demokratiko, dapat mga mamamayan ng Pilipinas ang may kapangyarihan na magsabi ng kanilang mga pangangailangan sa gobyerno upang matugunn ito. Pero sa kabilang banda ay hindi rin natin masisisi lamang ang gobyerno. Dapat rin tyong sisihin. Dahil hindi naman ibig sabihin ng demokrasya ay ganap na kalayaan. Dapat ay sumunod rin tayo sa mga bayas na alam naman natin na para sa ikabubuti natin. Gaya na lamang ng mga simpleng gawain na pagtawid sa tamang tawiranno di kaya naman pagtatapon ng basura sa tamang tapunan. Sa huli ay tayo rin naman ang makikinabang rito. Meron din namang mga tao na simpleng walang pakialam mga taong hindi mulat sa kanilang mga karapatan.
Para sa akin kailangn magkaroon ng REBOLUSYON. Hindi ko sinasabing dapat magkaroon ng giyera sa ating bansa. Malaki ng deperensiya ng REBOLUSYON sa HIMAHSIKAN. Ang rebolusyon ay mapayapang himagsikan na nagnanais ng pagbabago. Ang himagsikan ay ang pananais ng pagbabago kung saan may dugong dadanak. Dapat magkaroon ng mapayapang reporma hindi lamang sa gobyerno kundi pati na rin sa ugali ng mga tao. Kagaya ng ginawa ni Rizal na ating pambansang bayani, minulat niya ang kanyang sarili sa mga maling ginagawa sa kanila at sa mga Pilipino ngunit ni isang beses ay hindi niya nilabag ang batas.
Kailangan ng malawakang rebolusyon kasama ang buong mundo.
Written by: Kaye Dela Cruz
(writtenbykie)
0 notes
writtenbykie-blog · 5 years ago
Text
Wika ng Katauhan Mo
Wika ng Katauhan Mo
This blog is written in order to express open minded learnings of a student due to her class requirement in the current academic year 2019-2020.
Maganda bang basahin? Oo yun nga yung mga katagang nasa itaas na nakasulat sa wikang Ingles. Sa tingin mo kaya, babasahin mo pa itong blog ko kung isusulat ko ito ng buo sa wikang Ingles. Marahil marami sa mga makakabasa nito sasabihin “Oo naman! Bakit hindi? Marunong naman ako magsalita at umintindi ng Ingles!” Pero ang hihilingin ko sa iyo ngayon ay tanggalin muna ang kaunting kayabangan mo sa katawan. Yung pagkakataan ng noo mo na hindi naman dapat nariyan. I want you to be empathetic with me right now. Naintindihan mo? Para hindi mo na i-google, sabi ko gusto ko na ilagay mo ang sarili mo sa kalagayan ng iba kasama ko. Siguro alam mo naman ang “putting youself in someone else’s shoe”? Ayan, dahil alam mo na gusto ko na ilagay mo ang sarili mo sa katawan ng isang ordinaryong mamamayang Pilipino. Mahirap, kumakayod, nakapag-aral pero hindi nakatapos. Ngayon uulitin ko babasahin mo pa ba ang blog ko kung isinulat ko ito ng buo sa wikang Ingles? Oo? Hindi? Sa mga sumagot ng hindi ang masasabi ko lang; baka nga hindi na. Sa mga sumahit ng Oo, sa tingin mo sa kalagayan na sabi ‘kong ilagay mo ang sarili mo, sa katauhan na iyan, naintindihan mo kaya ang punto ng blog ko pagkatapos mong basahin ito? Yung mga sasagot ng oo pa rin para sa akin ay pinapairal nalang ang kayabangan sa utak nila. Naging isyu hindi katagalan ang SONA ng ating pangulong Duterte dahil ito ay nasa wikang Ingles. Para sa akin ang weird nito ano? Halos lahat naman ng presidente na nag SONA Ingles ang gamit bakit si pres. Duterte lang ang sinaway. Dapat lahat. Hindi ako sumusuporta sa kanya at kahit sa mga bumatikos sa kanya. Wala akong pinapanigan. Pero nabanggit ko ito dahil pagkatapos noon, ang daming artikulo na lumas na maraming mga pilipino ang hindi makaintindi dahil Ingles ang gamit niya. Kung SONA na dapat tinututukan at iniintindi ay hindi maintindihan sa tingin mo babasahin pa itong blog ko na nakita mo lang sa Internet?
Para sa akin hindi masamang mag-aral ng Ingles. Ito nga ay isang dagdag kaalaman sa atin. At sabi nga ng marami lalo na ng matatatanda ay makakatulong ito sa paghahanap natin ng trabaho. Makakatulong rin daw ito sa pag-unlad ng ating ekonomiya. Alam natin na bukod sa mga OFW ay ang turismo ng Pilipinas ang isa sa mga nangungunang pinagkukunan ng Kita ng Pilipinas. Ngunit nabasa ko sa ibinigay na reading ng aming propesor na hindi raw nakaaapekto ang wika sa turismo. Duda ako dito kaya ako ay nagsaliksik. Reasons why foreigners like to visit the Philippines: 1.) The view and nature 2.) the people’s hospitality 3.) almost EVERYONE can speak English 4.) climate or weather 5.) cheap goods/murang bilihin. Masasabi kong nakaaapekto ang wika sa turismo at hindi ako sang-ayon sa nasa babasahin namin. Maaaring ito ay outdated na kaya ganito.
Pero anong lalim nito? Mapapansin natin na kapag hinanap mo sa internet ang dahilan kung bakit marami rin ang bumibisita sa ibang bansa sa Asya gaya na lamang India, Thailand, Malaysia, Japan at Korea ay da hil sa kanilang mga KULTURA. Ang Pilipinas dinarayo dahil sa magagandang dagat, gubat at iba pang tanawin. Ngunit mayroon din ang mga turista nito sa kanikanilang bansa. At binabalik balikan lang nila ang Pinas dahil sa mas madaling gumalaw mag-navigate dito dahil kayang mag Ingles ng mga tao. Hindi tulad ng ibang bansang nabanggit na kakaunti ang may alam ng wikang Ingles. Pero para sa akin ay masakit isipin na hindi kilala ng mga banyaga ang kulturang Pilipino. Bakit? Dahil sa pag-aaral natin ng wikang banyaga, nagpapadala na rin tayo sa kulturang banyaga. Hindi masamang mag-Ingles ngunit manatili kang Pilipino. Dahil yun ang kung sino ka. Ang dugo na dumadaloy sa loob mo ay dugong bughaw ng mga dakilang Pilipino na nabuhay bago ka.
Anong wika ang kaya mong isalita? Sino ka at anong lahi mo? Anong wika ng pagkatao mo?
Written by: Kaye Dela Cruz
(writtenbykie)
0 notes
writtenbykie-blog · 5 years ago
Text
Abot kayang tuktok ng tatsulok
Abot kayang tuktok ng tatsulok
Alam natin na simula pa noong una ay mayroon tayong malinaw na dibisyon sa pagitan ng mga mayayaman at ng mga mahihirap. Ngunit bakit habang tumatagal at habang nalalapit tayo sa pagiging "moderno" bakit kahit sandali lamang sa buhay nating mahihirap ay nadarama at nararanasan nating mahihirap ang pagiging "mayaman"? Bakit nga ba? Natutunan ko sa klase na isa itong istratehiya ng mga kapitalista upang makakalap ng mga mamimili. Pamilyar tayo sa ksabihang “One day millionaire”. Nauso ito dahil sa mga ordinaryong manggagawa na kapag sumahod o sumweldo ay kung makagastos ay akala mo ay mga milyonaryo. Ngunit hindi lmang sila ang may kasalanan nito. Sabi nga nila “there are always two sides of the story”. Bakit nga ba nawiwili silang gumastos hanggang sa punto na alam nila na magigipit sila hanggang sa dumating na muli ang susunod nilang suweldo. Marahil ito ay dahil na rin sa mga produkto na inilalabas ng mga kapitalista na dapat ay kaya lamang bilhin ng mga mayayaman ngunit ginagawan nila ng bersiyon na abot-kaya ng mga ordinaryong mamamayan. Meron tayong tinatawag na tingi-tingi o yaong mga produkto na ginawa ng isang negosyante at ni-repack sa mga mas maliit na lalagyan upang maging mas “mura” o abot- kaya. Nawiwili tayong bumili ng mga bagay na ito dahil nakaugalian nalang din ng mga Pinoy na gawin itong status symbol o bagay na naglalagay sayo sa katayuan na hindi naman talaga ikaw, o bagay na nag-aalis sayo sa kung ano mang estado ng pamumuhay mo at inaangat ka. Hindi naman natin kasalanan na bumili at tumangkilik ng mga bagay na ito, dahil kung tutuusin bibilhin naman talaga ng tao ang kung ano ang binebenta ng mga kapitalista sa kanila. Sa transaksyon ng pagbili mula sa magtitinda, aminin na natin na minsan lang talaga tayo nag-iisip kung kailangan ba talaga natin ang bagay na bibilhin o gusto lang ba natin. Pero hindi mo rin naman maiisisi lanmang ito sa mga kapitalsta. Bakit? Dahil mayroon pang mga binebentang ganitong mga produkto ngayon at patuloy itong nadaragdagan. Ibig sabihin marami ang bumibili. Para sa akin ang tanging kasalanan lang ng mamamayan ay ang hindi pag-iisip.
Mayroong tatsulok sa ating lipunan. Nasa baba ang mga gaya nating mahihirap. Marami, nahihirapan, naaapak-apakan at higit sa lahat nauuto at nagpapauto. Sa gitna ang mga taong may kaya, yaong mga taong nakapag-aral, may trabaho at patuloy na kumakayod upang hindi sila bumaba. Gusto nilang umangat pa sila o di kaya naman ay mapanatili ang kanilang estado sa buhay. At sa tuktok ng tatsulok, sanapakaliit na tuktok, naroon ang mga iilan na nakatingin sa baba nagbubulag bulagan. Sila yung mga madalas — hindi ko sinasabing lahat, ay silaw na silaw sa sarili nilang kayamanan. Kayamanan na napunta sa kanila dahil sa mga nasa ibaba nila. Alam ko noong sinabi ko ang tatsulok ang pumasok agad sa inyong isipan ay ang tatsulok na katulad ng sa go, grow glow foods o di kaya naman pyramid sa Giza. Pero ito ang iiwan kong imahe ng pyramid sa nagbabasa nito, isipin mo na ang mga mahihirap nakatungtong sa lupa, ang iba ay kuba na at lahat sila pasan sa balikat nila ang isang malaking bloke ng bato na siyang tinutungtungan ng mga may kaya sa buhay na may pasan ulit ng isang bloke ngunit may kaunting tulong ng iilang mga mahuhunang poste at sa taas ng lahat, ang mga kapitalista na nakaupo sa magagara at malalaking upuang pang hari’t reyna, may mga katulong na nagpapaypay sa kanila habang kumakain ng ubas at patuloy na kumikita ng pera. Hanggang kailan tayo magpapaloko sa kanila? Hanggang kailan sila mamumuno sa tuktok ng tatsulok na dapat ay maging marupok na at bumulusok pababa upang matapos ang paghihirap ng karamihan?
Hanggang kailan tayo masisilaw sa abot-kayang tuktok ng tatsulok?
~
Written by: Kaye Dela Cruz
(writtenbykie)
0 notes
writtenbykie-blog · 5 years ago
Text
Maskara ng Kaunlaran Tungo sa Kalupigan
Maskara ng Kaunlaran Tungo sa Kalupigan
Despite of the horrors that the Filipinos faced in the hands of the Spaniards, our ancestors were quick to give their trust to the new foreigners that came to our land. They called themselves the Americans. For hundreds of years foreign people ruled our country as if it’s their own. But why did we give our trust to the Americans so easily? But before that let’s discuss some events in history.
Kung itinuloy ko ang pagsulat ng sanaysay na ito sa wikang Ingles itutuloy mo pa ba ang pagbasa nito? Maaaring ang sagot mo ay oo dahil isa kang dayuhan na hindi marunong mag Tagalog at nadaanan lamang ang aking sulatin dito sa internet o di kaya naman isa kang Pilipino na mas tinatangkilik ang salitang Ingles kaysa sa sarili mong wika. O di kaya naman isa kang Pilipino na hindi kagalingan sa Ingles kaya hindi mo itutuloy ang pagbasa nito. Pero dahil Pilipino ako at ang nais ko na makabasa at maabot ng aking sulatin ay Pilipino rin, wika ko ang gagamitin ko.
Alam natin na ang mga Espanyol ay dumating sa bansa natin na may layon na tayo’y sakupin. Ngunit paano nga ba nila nakuha ang loob ng mga Pilipino sa ilang mga bayan? Gaya nga ng aking pamagat, ito ay dahil sila ay mayroong maskara. Ang masakra na kanilang ginamit upang makuha ang loob ng mga Pilipino ay ang relihiyon. Ano nga ba ang maskara? Ang maskara ay isang bagay na ginawa upang makapanlinlang ka ng kapwa mo o di kaya naman ay itago kung ano man ang nasa likod ng panlabas na nakikita mo. Kaibigan, pareho ng bagay na ito ay ginawa sa ating mga ninuno. Niloko sila ng Espanyol upang kalimutan kung sino sila at kung ano ang mayroon sila sa pamamagitan ng relihiyon. Ang mga Pilipino ay nawalan ng sariling pagkakakilanlan. Na siyang punto naman ng pagdating ng mga Amerikano. Na ang maskarang gamit naman ay edukasyon.
Kung ang mga Espanyol ay ipinagkaila ang karapatang matuto ng mga Pilipino upang magkaroong ng hati sa pagitan ng mga matataas (Espanyol) at ng mga Indio, ang mga Amerikano naman ay ginawa ang kabaliktaran nito. Tinuruan nila ang mga Pilipino upang makuha ang tiwala natin at upang maturuan tayo ng kanilang kultura at unti-unti tayong gawing katulad nila. Pero nalaman din naman natin na nais tayong sakupin ng Amerika. Nakalaya na rin tayo. Pero bakit iba ang turo sa atin nito? Bakit noong panahon na nasa elementarya pa lamang ako ay wala akong nababasa na masama tungkol sa mga Amerikano? Bakit? Dahil sa kanila din naman galing ang ating edukasyon, ang kurikulum maging ang libro galing sa kanila. Kaya lahat ng ating natututunan ay kanilang namamanipula. Totoo naman lahat ng nakasaad sa mga aklat na iyon ngunit aminin man natin o hindi, masasabing ang nakasulat doon ay hindi kumpleto.
Bakit nga ba mas gusto mo ang kanta, pelikula, artista, wika at ang kung anu-ano pa ng mga Amerikano? Dahil iyan ang itinuro sayo. Itinuro sa atin ang ang kanila maganda, ang atin hindi kagandahan.
Ilang taon na ang nakalilipas bakit hindi pa din tayo makalaya sa kolonyal na kaisipan? Bakit tila mayroong lubid na nakapulupot sa bawat isa sa atin at hindi tayo makagalaw ng malaya tungo sa sarili nating kaunlaran? O baka naman hindi pa tapos ang ating kalupigan? Sa kamay ng mga dayuhang nakamaskara ng relihiyon at kaunlaran?
Written by: Kaye Dela Cruz
(writtenbykie)
0 notes
writtenbykie-blog · 5 years ago
Text
Illustrado ka ba?
Illustrado ka ba?
Ano nga ba ang ibig sabihin ng salitang "Illustrado" ? Ang literal na salin nito sa Ingles ay "enlightened" sa Filipino naman, ito ay maaaring mangahulugang bukas ang isip o di kaya nama'y marunong o may pinag-aralan. Pero paano mo masasabing ikaw kay marunong? Sapat na ba ang mga diploma? Ang mga medalya? Maniniwala ka ba kung sasabihin sayo na lhat ng tao matalino pero dahil sa pagpasok nila sa eskuwelahan unti-unting nababawasan ang talino ng bawat isa?
Paano nga ba sinusukat ang talino ng isang tao? Mga bata pa lang tayo nasanay na tayo na binibigyan tayo ng marka ng ating mga guro upang masukat ang kakayahan natin. Bakit nga ba kailangan mong kabisaduhin lahat ng elemento sa periodic table of elements? Bakit kailangan mong pag-aralan ang panitikan ng ibang bansa sa ibang wika? Bakit kailangan mo makaisip ng sagot sa napakahabang problema sa matimatika? Naaalala ko na may isang guro ang nagsabi sa kin na "why do you need to learn all these things? Why do you need to solve this math problem? It's because these things help your brain to work. It helps you think!" Nakakatulong daw ng mga ito upang mapagana ang ating mga utak. Pero kung iisipin mo, ang bawat estudyante na yan ay hindi iisang katauhan lang ang gingampanan. Pag-uwi nila, maaring may mga problema silang pamilya, maaaring siya ang ate o kuya na pag uwi galing eskuwela mag-aalaga ng mga kapatid habang wala pa galing sa trabaho sila mama at papa. Ang mga problema na ito, hindi pa ba sapat para mapagana ang utak ng isang tao? Bakit parang tinatrato ang mga estudyante na parang robot ng eduksyon. Kung ano ang sabihin gagawin, bawal magkamali. Dapat ang mga estudyante nag-aaral upang mailabas ang angking talino, hindi upang maging mtalino.
Maraming naniniwala na ang edukasyon ang susi patungo sa kaunlaran. Pero kahit namn makapag aral ka mahihirapan at mahihirapan ka pa din dahil sa diskriminisyon sa kalidad ng edukasyon na iyong natanggap. Bakit ang ibang pamantasan ay "mapangalan"? Kahit parehong kurso ang tinapos mo katulad ng sa iba, bakit may ilan na nakakaangat talaga? "Quality education is expensive" ika nga ng elitista. Pero hindi nasusukat ang talino, tiyaga, diskarte at ugali ng tao base sa pinanggalingang pamantasan. Dahil kahit saang eskuwelahan pa mapunta ang isang estudyanteng gustong mapalawak ang sariling kaisipan magagawa niya iyon. Pero sinisirira ito ng sistema ng edukasyon.
Napapanahon ngayon ang isyu ng pag upo ng mga bagong senador ng ating bansa. Maraming nagsasabi na may ilang mga kandidato ang hindi nararapat maupo sa posisyong nasabi. Pero bakit sila nanalo? Sino ba ang bumoboto? Diba tayo? Sabi nga nila ang totoong taong matalino, dapat laging nagtatanong. Ngayon isipin mo, alalahanin mo. Noong bumoto ka, naitanong mo ba sa sarili mo kung ang taong binoto mo para sa kapakanan ng buong bansa at para sa mga kapwa mo Pilipino, makakabuti kaya siya? Matutulungan niya ba kami? Kaya niya bang lokohin ang mga Pilipino? Para sa inang bansa nagtanong ka ba? Naging matalino ka ba?
Ang huling tanong ko sayo, sa tingin mo ILLUSTRADO ka ba?
Written by: Kaye Dela Cruz
(writtenbykie)
1 note · View note