#PakikibakaSaInternet
Explore tagged Tumblr posts
walkingpages · 5 years ago
Text
BLOG ANG MUNDO: PAGSASALSAL AT PAKIKIBAKA SA INTERNET [BLOG #5]
Tumblr media
Noon, ang ikinokonsiderang blog ay ang mga diyaryo na siyang naglalaman ng mga balita, mga pangyayari o kaganapan na naitala. Ngunit ang mundo na nga ba natin ay isang blog? Paano ito nakakaapekto sa ating pamumuhay at kung paano natin tingnan ang isang bagay? 
Kung noon ang mga nangyayari sa atin ay isinusulat natin sa isang kuwaderno na tayo lamang ang pwedeng makabasa, o mas kilala nga natin sa tawag na diary. Ngayon, ang cyberspace space na ang siya ginagamit natin pamalit sa diary. Sa pamamagitan ng mga social media platforms; twitter, Facebook, Instagram, Tumblr atbp., dito natin ipinapangalandakan ang mga kaganapan sa ating buhay, na imbes na piliin nating pribado ito ay mas pipiliin pa nating ibahagi ito sa ating mga social media accounts na tila ba may gusto tayong patunayan sa mundo. Ang ekspresiyon na ito ay hinahalintulad sa ginawa ni Ferdinand Angel noong taong 1996, na kung saan siya ay nang prenda ng isang anim na taong gulang na bata sa isang simbahan. Gustong mangumpisal noon ni Ferdinand Angel ngunit siya ay hindi pinayagan ng pari dahil siya ay nakainom, kung kaya’t siya ay nagalit at nang prenda. Sa pagbasa o pang-unawa ng sosyolohistang si Randolf David, ang ginawang ito ni Ferdinand Angel ay deklarasyon na siya ay umiiral, na siya ay na sa wisyo at kayang manakit, at sa inaasahan, dumating ang kapulisan at ang mga taga-midya. Ganito ngayon ang larawan ng mga ginagawa ng karamihan sa atin.
Tumblr media
Ang cyberspace ay ginagamit na rin sa pakikibaka, ang ating mga pang-oposisiyong opinyon ay malaya nating ipinapahayag sa ating mga social media platforms. Isinusulat natin ito at ipinapaskil sa ating mga blog accounts kung kaya’t ang blog ay tinuturing na isang rebolusyonaryong paraan upang kumawala sa dinidikta ng lipunan. Ito ay ibinabalita sa telebisyon ngunit pili lamang dahil ang pampublikong midya at pamamahayag ay isang malaking negosyo na mas mahaba pa ang patalasta kesa sa balita. Ang midya ay may kakayahang balukturin ang pag-iisip ng isang tao,  sa pamamaraang sila ay maglalabas ng mga impormasiyong na siyang magiging dahilan ng inyong pagbabago ng isip. Kung maaalala nating ang isyu tungkol kay Gerald, Bea, at Julia, kasabay nito ang anunsiyo ng outbreak ng dengue sa Pilipinas ngunit mas pinagtuunan pa ng pansin ang nangyayari sa buhay ng mga personalidad na ito dahil na rin sa kadahilanang ilang beses silang ibinabalita at maraming artikulo ang lumalabas patungkol sa kanila dahil alam ng mga kumpanyang ito na mas bibigyan pansin ng masa ang isyung ito, pati na nga rin ang ibang personalidad sa gobyerno ay mas pinili pang mag bigay pahayag sa diskusyong Gerald, Bea, at Julia.
Tumblr media
Ayon sa akda ni U. Eliserio na Blog ang Mundo: Pagsasalsal at Pakikibaka sa Internet na ang blog ay isa na ngang plataporma na kung saan malaya nating naipapahayag ang ating mga saloobin, pangyayari sa ating buhay, na mas pinipili pa nating ibahagai sa birtwal na mundo.
Ang rhizomatic thinking ay binigyan ding diin na kung saan ipinoposisyon nito na ang pag-iisip ay hindi natatapos sa pag-iisip ng mag-isa, ito ay nakaugnay sa isa pang pag-iisip at sa isa pang pag-iisip, ito ay kumukonekta. Ito ay tinatawag ding “creeping rootstalk” dahil ang tangkay ng isang ugat ay hindi lamang natatapos sa isa, kung hindi ito ay mas dumarami pa.
Tumblr media
Ang pakikibaka sa internet ay isa na ngang malaking propaganda dahil sa laki ng impluwensiya nito. Ang ginagawa ng midya ay isang hegemonya na hindi natin namamalayan, sinasakop nito ang pag-iisip natin, kung kaya’t tayo’y hindi magkaisa. Dahil ito ang pinapalamon sa atin ng mga dayuhan, o tinatawag na false needs, isinasaksak sa kaisipan natin na ito ang ating kailangan dahil sa dito sila kumikita. Tatlong bagay ang pinagkakait sa atin ng mga Amerikano para sila ay manatiling dominadong bansa sa mundo; Impormasyon, sekuridad, ang mababang serbisyo sa pang-kalusugan, dahil sa pamamaraang ito ay isisipin nating kailangan natin sila.
SANGGUNIAN:
Blog ang Mundo: Pagsasalsal at Pakikibaka sa Internet ni U.Eliserio
Mga larawan ay nanggaling sa Google
Ang mga artikulong aking binasa ay nakalakip sa salita, pindutin lamang ito para sa mas malawak na kaalaman
0 notes
lorraineriego · 5 years ago
Text
Mga aktibista? Sa Social Media?
               Pagsasalsal? Sa internet? Pornhub ba ito? Di ko mawari nang una kong mabasa ang pamagat ng sanaysay na ito. Magbabastusan ba tayo dito? Anong meron sa pagsasalsal sa internet? Pagsasalsal? Pakikibaka? Sobrang magkasalungat lang ng dalawang salitang iyon diba? Ngunit noong inumpisahan ng klase naming magkaroon ng diskusyong patungkol sa sanaysay na ito, doon ko lubos naintindihan kung bakit nga ba naging ganoon ang kinalabasan ng pamagat.
               Ang Diary, doon natin inilalahad lahat ng importanteng nangyari sa isang okasyon o maging sa araw ng ating buhay. Katulad na lamang ng Blog, doon pwede nating ilabas lahat ng hinaing natin, tagumpay man o kabiguan. Ang pinagkaiba lamang ng dalawang ito, ang diary ay itinatago sa lahat, kabaligtaran ng blog dahil ito ay ipinababasa sa lahat. Pero hindi lang naman blog ang natatanging midyum ng pampublikong pahayag, umusbong na rin ang iba’t ibang midya, katulad na lamang vlogs, commercials, mga palabas sa telebisyon at marami pang iba. Sa pamamagitan ng blog ay natututo tayong makialam at maging mulat sa nangyayari o sa kalagayan ng lipunan. Sa pagsulat ng blog may mga mensahe tayong gustong ibigay o ibahagi sa publiko na maaaring nakaambag sa ng kaalaman o kamalayan sa ibang tao. Lalo na ang mga taong mahilig sa social media, dahil ngayon ay mas lalong napayabong ang kagamitan nito katulad na lamang ng pag-ulat ng balita, akademikong kaalaman at iba pa. Sa pagsulat din ng blog ay malaya tayong makakapaghayag ng mga gusto nating sabihin na may kasamang interaksyon sa mga mambabasa dahil maaari silang magkomento o magbigay ng karagdagang kaalaman sa pinost na blog. Ika nga nila, aktibismo sa internet.
               Sa kabila ng kalamangan ng blog o media, may kaakibat din itong kahinaan. Dati ay nobela ang kanilang gamit sa pagkontrol sa utak ng tao ngunit hindi na rin siya epektibo sa ngayon. Kung natututo tayo dito, sinusbukan din tayong kontrolin ng media. Namamanipula na ng media ang kaisipan ng mga tao sa pamamaraang pagimpluwensya, koneksyon at kapangyarihan nitong dala dala, kung sino ang nagmamay-ari ay siya ding nagkokontrol at nagmamanipula sa kaisipan ng mga tao. Ang kagustuhan ng masa ngayon ay panay pag-like at pag share ng kung ano ano, wala nang nakukuhang kaalaman o wala na silang realisasyon. Sa ngayon ang pang-aaliw na ang realidad, at ang realidad ay mga komersyal, mga memes at kung ano ano pang walang kabuluhang mga posts. Ang Pampublikong media at pamamahayag ay naging MALAKING NEGOSYO dahil sa mga patalastas at mga ad na makikita natin kahit saan. Mas nagiging dominant na ang pagnenegosyo sa pamamagitan ng media kaysa sa realidad ng lipunan.
               Kahit papaano ay mayroon tayong matututunan sa pagbblog o sa paggamit ng media, katulad na lamang nito. Sa tuwing gagawa kami ng panibagong blog, may panibagong kaalaman din kaming makukuha. Sa paggamit ng blog ay hindi matatapos ang kaalamang matatamo natin, dahil sa hyperlink. Hyperlink ay ang nagkokonekta sa iba’t ibang links na magbibigay sa atin ng walang hanggang kaalaman sa nangyayari sa lipunan. TOtoong ang Blog ay rebolusyonaryong paraan upang kumawala sa dinidikta ng lipunan. Kaya dapat ang pagbblog ay mas makilala pa dahil hindi lamang ito isang paraan ng pagpapahayag ng mga kuro-kuro, reaksyon o komento ngunit ito’y nakakatulong din upang matamo ng isang indibidwal ang pagpapahayag ng mga nalalaman niya na gusto niya ring maibahagi sa ibang tao.
0 notes
writtenbykie-blog · 5 years ago
Text
Rebolusyon Kasama Ang Buong Mundo
Rebolusyon Kasama Ang Buong Mundo
Sa ngayon maraming mga bagay ang naiitulong sa atin ng Internet. Mga bagay na nagagamit natin sa pang araw-araw nating pamumuhay. Katulad nalang ng tulong sa pag-aaral. Sabi nga na ang mundo ay nasa dulo nalang ng ating mga daliri. Isang pindot lang maaari kang makatuklas ng bagong mga bagay. Ngayon kung iisipin natin, ang Internet ay isang bagay na napakamakapangyarihan. Isang bagay na halos lahat ng tao sa buong mundo ay may access. Isang bagay na laging nakikinig, nanonood at nanghuhusga ng iba’t-ibang mga bagay. Alam natin kapag ang isang tao ay may nagawang mali na nailagay niya sa isang social media account gamit ang Internet ay parang lahat ng mata sa mundo ay nakatingin sa kanya at siya’y hinuhusgahan. Isang pangyayari na maaaring magbunga sa malaking pagbabago sa ugali ng tong iyon o di kaya naman maaaring magbunga sa paghingi ng kapatawaran sa mga taong naapektohan ng kung ano man ang kanyang nasabi.
Ang punto ng binasa namin para sa klase ay gamit ang bagay na taglay ang ganitong kapangyarihan, bakit hindi ito gamitin ng mga tao sa kanilang ikalalamang o ikabubuti? Gamit ang Internet kaya ng kahit sino na isiwalat sa buong mundo ang kalagan ng mga bulok na sistema ng ating bansa at kahit sinong tao galing sa kahit anong bansa pa ay kayang gawin ito. Kayang kaya nating mga karaniwang tao na makakuha ng atensiyon galing sa ibang tao pa kahit pa sa labas ng ating bansa. Sa pamamagitan nito, mas maraming tao ang makakaalam ng tunay na kalagayan ng mga mamamayan natin. Na maaaring maging dahilan ng agarang pag-aksyon ng mga nakakataas dahil para sa akin ito ay kasiraan nila sa ibang bansa na makakasama na imahe ng Pilipinas. Bilang kilala tayo bilang bansang demokratiko, dapat mga mamamayan ng Pilipinas ang may kapangyarihan na magsabi ng kanilang mga pangangailangan sa gobyerno upang matugunn ito. Pero sa kabilang banda ay hindi rin natin masisisi lamang ang gobyerno. Dapat rin tyong sisihin. Dahil hindi naman ibig sabihin ng demokrasya ay ganap na kalayaan. Dapat ay sumunod rin tayo sa mga bayas na alam naman natin na para sa ikabubuti natin. Gaya na lamang ng mga simpleng gawain na pagtawid sa tamang tawiranno di kaya naman pagtatapon ng basura sa tamang tapunan. Sa huli ay tayo rin naman ang makikinabang rito. Meron din namang mga tao na simpleng walang pakialam mga taong hindi mulat sa kanilang mga karapatan.
Para sa akin kailangn magkaroon ng REBOLUSYON. Hindi ko sinasabing dapat magkaroon ng giyera sa ating bansa. Malaki ng deperensiya ng REBOLUSYON sa HIMAHSIKAN. Ang rebolusyon ay mapayapang himagsikan na nagnanais ng pagbabago. Ang himagsikan ay ang pananais ng pagbabago kung saan may dugong dadanak. Dapat magkaroon ng mapayapang reporma hindi lamang sa gobyerno kundi pati na rin sa ugali ng mga tao. Kagaya ng ginawa ni Rizal na ating pambansang bayani, minulat niya ang kanyang sarili sa mga maling ginagawa sa kanila at sa mga Pilipino ngunit ni isang beses ay hindi niya nilabag ang batas.
Kailangan ng malawakang rebolusyon kasama ang buong mundo.
Written by: Kaye Dela Cruz
(writtenbykie)
0 notes