#BakitAsalMayamanSiPedrongMaralita
Explore tagged Tumblr posts
Text
“Sabihin mo kung sino ang mga kaibigan mo, at sasabihin ko kung sino ka”, madalas nating naririnig ang mga katagang ito sa tagal ng panahon. Isa sa mga halimbawa nito ay kung mayaman kang kaibigan nagiging astang mayaman kana din. Napakalaking impluwensiya ng mga taong araw- araw nating nakakasalamuha sa ating pagkatao dahil maaring  matulad o magaya natin ang ilan sa kanilang mga katangian, personalidad, mga pananaw sa buhay at kung paano sila mag-salita at mag-isipSa usaping sistema ng edukasyon sa ating bansa nagunita kong lubos na napakaraming Pilipino ang tila nag-aasal mayaman sa kabila ng kahirapan sa buhay  at mas pinipiling ikubli ang tunay na estado sa buhay at mamuhay ng marangya at kumilos ng nai-iba kaysa sa kinagisanang pamumuhay sa harap ng maraming tao. “Sabihin mo kung sino ang mga kaklase mo, at sasabihin ko kung sino ka. Anong batayan ng ganitong pagbabago sa kasabihan? Kung susuriin natin ang papel sa ating lipunan ng mga pribadong paaralang pantangi, makikita natin na ang paaralang pinapasukan ng estudyante ay nagpapahayag ng kanyang katayuang ekonomiko sa lipunan. Samakatuwid, kung ang mga kaklase niya ay mayayaman, malamang na siya ay mayaman din. O kaya, at ito ang kagila-gilalas (o kalunos-lunos depende kung saan panig nagmula), siya ay nag-iisip o kumikilos na parang mayaman”.   Napakaraming Pilipinong mahihirap na mayroong damdamin at pag-iisip na kung kumilos ay mayroong damdamin at pag-iisip na kagaya sa mga taong mayayaman, Magkaiba man ang katayuang ekonomiko sa lipunan at ang kanilang pinapasukan (pribado at pampublikong paaralan) ay iisa naman ang kanilang pananaw sa buhay, dahil sa paraan ng paghubog ng edukasyon sa kanila. Isa sa epekto ng tagilid na ekonomiya ng ating bansa ay ang paglitaw ng iba’t ibang pribadong paaralan na may mataas na pamantayan sa usaping salapi, na nagkakadahilan ng hindi pantay na pagtingin sa sistema at kalidad ng edukasyon at n gating lipunan, Isa na rito ay ang paglitaw ng mga eskwelahang UST, ATENEO, DE LASALLE, atibp. na mayroong mataas na kalidad ng edukasyon dahil sa mataas na matrikula na at tanging mayroong matataas na katayuang ekonomiko rin ang maaring makapag-aral o mga iilang piling hindi ganoong kataas ang kalagayang ekonomiko na estudyante lamang na pinalad makapag-aral, dahil rito nagkakaroon tayo ng standardang
0 notes
writtenbykie-blog · 5 years ago
Text
Abot kayang tuktok ng tatsulok
Abot kayang tuktok ng tatsulok
Alam natin na simula pa noong una ay mayroon tayong malinaw na dibisyon sa pagitan ng mga mayayaman at ng mga mahihirap. Ngunit bakit habang tumatagal at habang nalalapit tayo sa pagiging "moderno" bakit kahit sandali lamang sa buhay nating mahihirap ay nadarama at nararanasan nating mahihirap ang pagiging "mayaman"? Bakit nga ba? Natutunan ko sa klase na isa itong istratehiya ng mga kapitalista upang makakalap ng mga mamimili. Pamilyar tayo sa ksabihang “One day millionaire”. Nauso ito dahil sa mga ordinaryong manggagawa na kapag sumahod o sumweldo ay kung makagastos ay akala mo ay mga milyonaryo. Ngunit hindi lmang sila ang may kasalanan nito. Sabi nga nila “there are always two sides of the story”. Bakit nga ba nawiwili silang gumastos hanggang sa punto na alam nila na magigipit sila hanggang sa dumating na muli ang susunod nilang suweldo. Marahil ito ay dahil na rin sa mga produkto na inilalabas ng mga kapitalista na dapat ay kaya lamang bilhin ng mga mayayaman ngunit ginagawan nila ng bersiyon na abot-kaya ng mga ordinaryong mamamayan. Meron tayong tinatawag na tingi-tingi o yaong mga produkto na ginawa ng isang negosyante at ni-repack sa mga mas maliit na lalagyan upang maging mas “mura” o abot- kaya. Nawiwili tayong bumili ng mga bagay na ito dahil nakaugalian nalang din ng mga Pinoy na gawin itong status symbol o bagay na naglalagay sayo sa katayuan na hindi naman talaga ikaw, o bagay na nag-aalis sayo sa kung ano mang estado ng pamumuhay mo at inaangat ka. Hindi naman natin kasalanan na bumili at tumangkilik ng mga bagay na ito, dahil kung tutuusin bibilhin naman talaga ng tao ang kung ano ang binebenta ng mga kapitalista sa kanila. Sa transaksyon ng pagbili mula sa magtitinda, aminin na natin na minsan lang talaga tayo nag-iisip kung kailangan ba talaga natin ang bagay na bibilhin o gusto lang ba natin. Pero hindi mo rin naman maiisisi lanmang ito sa mga kapitalsta. Bakit? Dahil mayroon pang mga binebentang ganitong mga produkto ngayon at patuloy itong nadaragdagan. Ibig sabihin marami ang bumibili. Para sa akin ang tanging kasalanan lang ng mamamayan ay ang hindi pag-iisip.
Mayroong tatsulok sa ating lipunan. Nasa baba ang mga gaya nating mahihirap. Marami, nahihirapan, naaapak-apakan at higit sa lahat nauuto at nagpapauto. Sa gitna ang mga taong may kaya, yaong mga taong nakapag-aral, may trabaho at patuloy na kumakayod upang hindi sila bumaba. Gusto nilang umangat pa sila o di kaya naman ay mapanatili ang kanilang estado sa buhay. At sa tuktok ng tatsulok, sanapakaliit na tuktok, naroon ang mga iilan na nakatingin sa baba nagbubulag bulagan. Sila yung mga madalas — hindi ko sinasabing lahat, ay silaw na silaw sa sarili nilang kayamanan. Kayamanan na napunta sa kanila dahil sa mga nasa ibaba nila. Alam ko noong sinabi ko ang tatsulok ang pumasok agad sa inyong isipan ay ang tatsulok na katulad ng sa go, grow glow foods o di kaya naman pyramid sa Giza. Pero ito ang iiwan kong imahe ng pyramid sa nagbabasa nito, isipin mo na ang mga mahihirap nakatungtong sa lupa, ang iba ay kuba na at lahat sila pasan sa balikat nila ang isang malaking bloke ng bato na siyang tinutungtungan ng mga may kaya sa buhay na may pasan ulit ng isang bloke ngunit may kaunting tulong ng iilang mga mahuhunang poste at sa taas ng lahat, ang mga kapitalista na nakaupo sa magagara at malalaking upuang pang hari’t reyna, may mga katulong na nagpapaypay sa kanila habang kumakain ng ubas at patuloy na kumikita ng pera. Hanggang kailan tayo magpapaloko sa kanila? Hanggang kailan sila mamumuno sa tuktok ng tatsulok na dapat ay maging marupok na at bumulusok pababa upang matapos ang paghihirap ng karamihan?
Hanggang kailan tayo masisilaw sa abot-kayang tuktok ng tatsulok?
~
Written by: Kaye Dela Cruz
(writtenbykie)
0 notes