#simbahan
Explore tagged Tumblr posts
istariray23 · 1 year ago
Text
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
Santuario de San Ezekiel Moreno Church Las Piñas City Visiting San Ezekiel Moreno Church is a profound experience that allows individuals to appreciate the amalgamation of history, art, and faith. Whether one is a devout parishioner seeking spiritual connection or an admirer of architectural wonders, the church's beauty, and tranquility create a serene environment that invites introspection and reverence. iStar-Tariray: San Ezekiel Moreno Church
12 notes · View notes
filipinobible · 8 days ago
Photo
Tumblr media
Basahin ang Bibliya: beblia.com 🙏
Sabihin mo ang Amen kung sang-ayon ka
Colosas 3:14-15
beblia.com
0 notes
fedik · 1 year ago
Text
The Minor Basilica of Our Lady of the Rpsary of Manoag
youtube
0 notes
asouwan · 14 days ago
Text
Nakalimutan nila ang choreo kaya puro yuyuyu nalang.
VIDEO DESCRIPTION: Mark Borja and Catherine Portillo from Until Then dancing together to the song Kampana ng Simbahan.
12 notes · View notes
latterdaysainttemples · 10 months ago
Text
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
Sa loob ng Urdaneta Philippines Temple ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw
Basahin ang artikulo sa Church Newsroom. Matuto pa tungkol sa mga templo ng mga Banal sa mga Huling Araw, ang mga layunin nito, at humanap ng open house sa templo na malapit sa iyo.
EN
26 notes · View notes
guavanoe · 2 years ago
Text
me on my way to sing the same song multiple times for one hour
2 notes · View notes
thebaronmunchausen · 3 months ago
Text
youtube
0 notes
suosteacup · 4 months ago
Text
Tumblr media
Palad ay basang-basa / And dagitab ay damang-dama / Sa ‘king kalamnang punong-puno / Ng pananabik at ng kaba / Lalim sa ‘king bawat paghinga / Nakatitig lamang sa iyo //
Naglakad ka nang dahan-dahan / Sa pasilyo tungo sa altar ng simbahan / Hahagkan na’t ‘di ka bibitawan / Wala na ‘kong mahihiling pa //
Ikaw at ikaw… // - SunKissed Lola, “Pasilyo”
Tumblr media Tumblr media
Tsubaki-chan in a Maria Clara/baro’t saya, inspired by @officialmiintee’s recent Wind Breaker art. Dividers c/o @cafekitsune + support banner c/o @adornedwithlight 🫶🏻 tagging @pixelcafe-network
Happy Buwan ng Wika, y’all! 🇵🇭
Tumblr media
Likes are okay, reblogs are nice, reposts and plagiarism stuff are frowned upon 🥰 | ALL WORKS BY SUOSTEACUP © 2024
87 notes · View notes
herejusttosufferalong · 5 months ago
Note
Let me preface this by saying I’m not trying to be all fluff and rainbows, but I’ve been thinking about this a lot, in terms of the fandom’s impatience and the panic of other people getting in the way, so I hope I phrase this right:
The comfort of believing in endgame is that the waiting time in the middle and all the side plots are actually meant to be valuable to the character arc that propels the endgame relationship forward. If they’re not ready right now, if their timing and beliefs are mismatched right now, if they’re learning from other relationships right now, if people are fucking up right now — it’s meant to happen that way. That’s how you get to the end, and that how you make the decision at the end, is because you took the time to know about all that shit.
Is there a possibility either one will fuck up enough that the endgame changes? Of course. That’s just life. But that’s just as true of a couple that’s been married with eight kids and as it is a couple that’s dancing around their obvious connection.
We have a saying in Filipino: Pagkahaba-haba man ng prusisyon, sa simbahan din ang tuloy. (No matter how long the procession, it always ends at the church.) Idk, I think it’s important to let the plot plot because that’s the only way you can get to the end. 😉
no notes
💜🥃
104 notes · View notes
ghostofhyuck · 8 months ago
Text
Tumblr media Tumblr media Tumblr media
NCT Dream as OPM Songs
AN: This is written in filipino because the request is about Dreamies as Original Pinoy Music or OPM songs. So it's best to write it in filipino so that it's more meaningful and there's a lot of filo references too lol. (If you want an eng ver, just tell me! <3)
Mark Lee ; Tingin by Cup of Joe, Janine
'Di man alam ang darating Sa dulo at sa gitna ng dilim Sa liwanag mo nakatingin Sa 'yo nakatingin, sa 'yo lang ang tingin
Oo starting strong with Tingin by Cup of Joe kasi naman, this reminds me of Thomasian! Mark tapos nag-guest COJ last paskuhan. Kaya saktong-sakto talaga yung kanta! Imagine mo iyon, paskuhan kasama si Mark na long-time best friend mo, kumakanta ang Cup of Joe ng Tingin, tapos kahit crowded yung field, kahit na ang ingay, hindi mawala yung tingin ni Mark sa iyo. SA IYO LANG SIYA NAKATINGIN!!! Tapos wala kang kaalam-alam na nakatingin siya sa iyo kasi sobrang invested ka sa Cup of Joe. Huwag ka na lang magulat after ng paskuhan mag-coconfess si Mark sa iyo.
Huang Renjun ; Paraluman by Adie
'Di magsasawa, 'di ka pababayaan Isasayaw kita hanggang sa walang-hanggan
It's either IKAW ang paraluman o si Renjun, it can be both. Halos lahat ng kanta ni Adie bagay kay Renjun, pero sobrang bagay sa kanya ang paraluman. Imagine mo na ito yung kinakanta sa iyo ni Renjun SKFJSDFKJSDK like!! sobrang soft tapos yung lyrics, para siyang promise sa iyo ni Renjun. Feeling ko ito yung mga kanta na haharanahin ni Renjun sa iyo tapos isasayaw ka pa niya sa loob ng sala ninyo. Kayong dalawa lang doon tapos sobrang wholesome lang nung moment! Ayoko na, masyado na ito delusyonal. 
Lee Jeno ; Mananatili by Cup of Joe
Mananatili sa iyong tabi magdamag Ating paligid, hindi na natin napapansin
Ang hirap bigyan si Jeno, gusto ko kasi special sa kanya EME. Pero iyon, bagay na bagay sa kanya ang Mananatili kasi the lyrics sounds like something he would do! Manatili sa iyo kahit ano man ang mangyari! Wala siyang pake kung uncertain yung nangyayari sa inyong dalawa, basta parang nabighani (NABIGHANI!?) siya sa iyo that night kaya he just wants to be by your side siguro hindi lang buong gabi, pwede bang panghabang-buhay na ito? HUYYYY Pero just imagine, just you and him, enjoying the moment with each other, not even caring about the people around. 
Lee Donghyuck ; Fallen by Lola Amour
I'm okay with being by your side for as long as I can hide What if I told you that I've fallen
Bagay na bagay kay Haechan ang Fallen by Lola Amour!! Sobrang upbeat tapos ang cute pa ng lyrics, vibe niya talaga!! Yung tipong bigla na lang sasabihin sa iyo na gusto ka niya! Shock factor talaga but at the same time, wala lang sa kanya yung sagot mo, all he cares is that he's fallen for you!! Willing siyang gawin ang lahat para sa iyo kasi inlababo na talaga siya sa iyo, pati rin siya hindi rin alam gagawin sa feelings niya sa iyo :< ang cute lang sensya na pero iyon, never mind what you feel. He doesn't need to know, basta gusto ka niya. period!
Na Jaemin ; Pasilyo by Sunkissed Lola
Naglakad ka nang dahan-dahan Sa pasilyo tungo sa altar ng simbahan Hahagkan na't 'di ka bibitawan Wala na 'kong mahihiling pa
Oo alam kong pang-kasal etong kanta na ito pero bakit ba??? Sobrang Na Jaemin-coded eto!! Imagine your wedding day with Jaemin, tapos sobrang gandang-ganda siya sa iyo habang naglakakad ka sa pasilyo. Iiisipin niya na ang swerte niya na ikaw ang mapapangasawa niya at makakasama niya habang-buhay. Pati yung lyrics it screams Jaemin so much!! Parang the way the lyrics talks from the groom's pov about his future, parang si Jaemin talaga!! >:( Sobrang perfect niya maging groom at sobrang husband material pa HAYSTTT. 
Zhong Chenle ; Ikaw Lang by Nobita
Tumingin ka sa 'king mga mata At hindi mo na kailangan pang Magtanong nang paulit-ulit Ikaw lang ang iniibig
The vibe of the whole song just screams Chenle so much! Yung lyrics, yung assurance? sobrang Chenle-coded. Imagine friends to lovers with Chenle, tapos sobrang tagal niyo nang gusto ang isa't isa kaya naman once na naging kayo, may mga worries and anxieties, a lot of hurt and comfort pero dahil si Chenle ang boyfriend mo grabe yung assurance! He'll be always there for you and ikaw lang talaga ang kanyang mamahalin! Yung chorus talaga, :< imagine iyan sinasabi ni Chenle sa iyo just to assure you. :<<
Park Jisung ; Pagtingin by Ben & Ben
'Pag nilahad ang damdamin Sana 'di magbago ang pagtingin Aminin ang mga lihim Sana 'di magbago ang pagtingin
I belib in torpe! Jisung supremacy!! Pagtingin? oo that's soo Jisung-coded. Best friend na in love sa iyo? Oo si Jisung iyan! Imagine Jisung na matagal nang may gusto sa iyo pero torpe kasi siya !!! ayaw niya kasing masira friendship niyo kaya hindi siya umaamin!! >:(( Ikaw naman sobrang manhid sa feelings niya kaya iyon hindi mo alam na sobrang emotionally-constipated na pala si Jisung. SHOCKS what if years later saka lang nag-confess sa iyo si Jisung, thinking na wala na iyon sa kanya pero tangina, may crush ka rin pala sa kanya. (Hindi pa naman huli ang lahat, now's the chance!)
75 notes · View notes
filipinobible · 9 days ago
Photo
Tumblr media
Basahin ang Bibliya: beblia.com 🙏
Sabihin mo ang Amen kung sang-ayon ka
2 Tesalonica 1:6-8
beblia.com
0 notes
akonaman · 11 hours ago
Text
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
Watched the sunset today with Ally, naglaro ng football gamit ang maliit na bayabas, ewan ko sabi kase ni ally football daw yun eh siya nag iinstruct sakin HAHA. Nanood ng mga laro ng mg elementary students sa labas ng simbahan. Ngayon na lang uli ako nakakita ng mga bata na naglalaro sa labas, naghahabulan, sa city puro cellphone na ang mg kabataan. Had a lil flashbacks of my elementary days. Pag tanghali na sekyo base na ang mga ferson.
Ang saya today kase di umulan while we’re playing ni ally. Sana bukas uli. Di ko muna aalalahanin yung balat ko. Feeling ko talaga nakakaitim yung init dito .
11 notes · View notes
rytheriean · 2 months ago
Text
Bituin ng Pagkakaisa
Tumblr media
Pamilya'y nagsasama-sama,
Lahat ay nagkakaisa,
Pagmamahal ang nananaig sa bawat isa,
Mga tao'y bakas sa mukha ang saya.. 
Buhay sa puso ng mga Pilipino ang diwa ng pasko. Pagtutulungan, pagbibigayan, at pagmamahalan, 'yan ang ating nakagawian. Sana'y araw-araw na lang pasko, puno ng saya at pag-iibigan! 
Ang mga bahay ay nagiging isang makulay na paraiso ng mga dekorasyon. Ang Christmas tree ay hindi maaaring mawala, ito ay isang simbolo ng pagkakaisa ng pamilya, kung saan lahat ay nagtutulungan sa paglagay ng mga palamuti, mula sa mga ilaw hanggang sa mga dekorasyong pang-Pasko. Sa mga kabahayan nating mga Pilipino'y hindi makakalimutang isabit ang parol na siyang simbolo ng pag-asa at pagkakaisa ng mga Pilipino sa landas ng buhay. Isang magandang representasyon ng Bituin ng Bethlehem, nagagabayan sa pag-ibig at pagkakaisa. Nagbibigay ng ilaw sa kadiliman ng gabi, nagagabayan ang mga tao sa landas ng pagmamahal. Ang parol, isang bituin ng pag-asa na nagpapaliwanag, sa mga puso ng mga Pilipino. Naaalala ko pa noong nabubuhay pa ang aking lolo, tuwing simula ng 'ber months', ay kaagad na naglalagay siya ng mga dekorasyon sa aming bahay. May mga ilaw, parol, at mga palamuti na nagbibigay ng aliw at saya sa aming tahanan.
Nakasanayan nating mga Pilipino na ipagdiriwang ang Pasko kasama ang buong pamilya. Ang mga nasa malayo'y kung maaari ay umuuwi upang makasama sa pagdiriwang. Sa aming pamilya, ang aking ina at kaniyang kapatid, na kapwa OFW, ay umuuwi tuwing Pasko. Samantalang ang ibang mga kamag-anak na nasa malayo ay pumupunta rito sa aming bahay. Kami'y nagtutulungan sa paghahanda ng mga pagkaing pagsasaluhan, at nagdadasal nang taimtim sa simbahan. Ang aming munting tahanan ay puno ng halakhak at pagmamahal.
Hindi kumpleto ang pasko kung walang mga batang nagpapakita ng kanilang talento sa pag-awit ng mga Christmas carols sa mga bahay-bahay. Kasama ang mga matatanda, nagtitipon-tipon sila upang kumanta ng mga tradisyonal na awiting pang-Pasko tulad ng  'Pasko Na Naman', at 'Star ng Pasko'. Sa mga kanta nila, ramdam ang pag-asa, pagmamahal, at pagkakaisa. At pagkatapos ng kanilang pagkanta, nagbibigay ang mga may-ari ng bahay ng mga aginaldo bilang pagpapalain at pagkilala sa kanilang pagtatanghal. Noong kasali pa ako sa choir kami ay pumupunta sa iba't ibang simbahan upang mangaroling at ang malilikom naming pera ay ginagamit namin upang may pambili kami ng bagong uniporme at ang sobra naman ay para may pang 'outing' kami. 
Subalit, sa paglipas ng panahon, marami na ang nagbago at naglaho, isa na rito ang mga nakagawian tuwing pasko. Pasko noon at ngayo'y labis na kakaiba. Kayraming ipinagbago na hahantong sa pagkakataong ika'y mapapatanong ng pasko nga ba ito? 
Ang Pasko ay hindi na ganap simula nang sumakabilang-buhay ang aking lolo. Ang mga dekorasyon na dating nagbibigay ng aliw at saya, ay wala na rin. Siya ang nagpapakulay ng aming tahanan, at ng aming buhay. Hindi na rin pumaparito ang ibang kamag-anak... Wala na rin masyadong mga bata na nangangaroling rito.. 
Gayunpaman, ngayong papalapit na ang pasko, ako'y nagagalak na unti-unti nang bumabalik ang aking nakasanayang pasko noon dahil ipinagpatuloy nga aking lola ang paglalagay ng dekorasyon sa aming tahanan. Sa pagbabalik ng mga alaala ng nakaraan, muli kong matatamasa ang Paskong nakasanayan ko. Hindi man ito ganap na tulad ng noon, ngunit ang pagmamahal at pagkakaisa ng pamilya ay nananatiling pareho. Sa bawat ilaw ng parol at dekorasyon, natutukoy ko ang diwa ng Pasko - pagmamahal, pagkakaisa, at pag-asa. Muli kong makakasama ang aking pamilya, at muli kong makakaramdam ng saya at pag-iibigan. Ito ang Pasko ko, at ito ang nakasanayan kong pagdiriwang.
Aking napagtanto na ang pagbabago ay isang bahagi ng buhay na hindi natin maiiwasan. Hindi tayo pwedeng manatili sa isang lugar lamang. Kailanganan nating harapin ang mga pagbabago at gamitin ito bilang pagkakataon upang lumago at umunlad. Sa tuwing may pagbabago, mayroong bagong pag-asa at pagkakataon na nagbubukas.
Minsan, ang pagbabago ay nakakatakot, pero hindi tayo dapat matakot. Ang pagbabago ay isang proseso ng paglaki at pag-unlad. Hindi ito isang pagkakamali, kundi isang pagkakataon upang matuto at lumago.
Dili sa tanang panahon ania ra sila, 
Busa samtang ania pa sila, 
Ipakita nato atong paghigugma kanila
Ipadama ta kanila nga sila importante sa atoa
Sa panahon sa kapaskohan, panahon kini sa paghigugmaay, pagpinasayloay, ug pahinatagay dili nato hikalimtan nga mao kini ang angay.
8 notes · View notes
izanapogi · 1 year ago
Text
simbang gabi with izana
random thoughts with @gen-loves-senku bc nagcrave si gaga ng isaw at bibingka after mass and inabot kami ng 2hrs kumain kasi nagdelulu pa kami
Tumblr media
habang kumakain ng isaw kagabi after ng simbang gabi, napagusapan namin ng frenny ko na what if stranger izana tumabi sayo sa unang gabi, naramdaman mo sparks nung hawak kamay kayo sa ama namin.
pangalawang gabi, magkatabi ulit kayo tapos nalaman mo pangalan nya dahil tinawag sya nung kuya nya, and again, kilig ang blessings sayo nung nag hawak kamay kayo sa ama namin.
pangatlong gabi, hindi mo alam kung delulu ka lang ba talaga o coincidence lang na magkatabi nanaman kayo.
pang apat na gabi, sayo sya unang nag "peace be with you" at mukha kang tangang nag "same to u 😀✌️" kasi nag malfunction ka na.
Pang limang gabi, "hala amoy bibingka" sambit mo nang maamoy mo yung nilulutong bibingka sa tapat ng simbahan. "oo nga, magkano ba yun?" nagulat ka na lang nang biglang sumagot sayo si simbang gabi poging seatmate sa tabi mo. dito na kayo nagsimulang magdaldalan at ang natandaan mo na lang sa homily ni father ay yung "magandang gabi sa inyong lahat" sa simula.
pang anim na gabi, nagulat ka na lang nung niyaya ka nya kumain ng bibingka sa tapat kasi 'gusto raw ng kapatid nya'. "ate ano fb mo?" tanong sayo ng dalawang kapatid nya nasi mikey at emma habang nagaagawan sa baso ng palamig. paguwi mo, nakatanggap ka ng friend request galing kay izana at buong pamilya nya.
Tumblr media
hanggang 6th night lang napagchikahan namin kasi 6th night pa lang 😞 sa mga may magandang loob dyan na mag tutuloy nito o gagawa ng simbang gabi au (bc we cant write shit HSBAHAHHA), isasama kita sa prayers ko at sswertehin ka next year. i lobe u 🫶
32 notes · View notes
ihatel1f3 · 11 months ago
Text
Guys...
(Dont mind me copy pasting the lyrics because im having a cursh on someone and I think im lesbian.)
Palad ay basang-basa Ang dagitab ay damang-dama Sa 'king kalamnang punong-puno Ng pananabik at ng kaba Lalim sa 'king bawat paghinga Nakatitig lamang sa iyo
Naglakad ka nang dahan-dahan Sa pasilyo tungo sa altar ng simbahan Hahagkan na't 'di ka bibitawan Wala na 'kong mahihiling pa
Ikaw at ikaw Ikaw at ikaw Ikaw at ikaw Ikaw at ikaw
'Di maikukumpara Araw-araw kong dala-dala Paboritong panalangin ko'y Makasama ka sa pagtanda Ang hiling sa Diyos na may gawa Apelyido ko'y maging iyo
Naglakad ka nang dahan-dahan Sa pasilyo tungo sa 'kin At hinawakan mo ako't aking 'di napigilang Maluha nang mayakap na
Ikaw at ikaw Ikaw at ikaw Ikaw at ikaw Ikaw at ikaw
Ikaw at ikaw (ikaw at ikaw, ikaw at ikaw) Ikaw at ikaw (ikaw at ikaw, ikaw at ikaw) Ikaw at ikaw (ikaw at ikaw, ikaw at ikaw) Ikaw at ikaw (ikaw at ikaw, ikaw at ikaw)
palad ay basang-basa, ang dagitab ay damang-dama (Ikaw at ikaw) sa 'king kalamnang punong-puno (Ikaw at ikaw) 'di maikukumpara, araw-araw kong dala-dala (Ikaw at ikaw) paboritong panalangin ko'y... Ikaw. <3
22 notes · View notes
dimagapi · 2 years ago
Text
Maria Clara at Ibarra took its time with Fidel, and it paid off
AAMININ KO, HINDI ako palanood ng mga teleserye. Nahihirapan akong sumubaybay sa five-episodes-per-week format. In 2022, naisipan kong manood ulit ng teleserye. Isa sa mga naisip kong panoorin ay Maria Clara at Ibarra, isang portal fantasy kung saan ang bidang si Klay ay ipinasok sa mundo ng mga nobela ni Jose Rizal. Basically, Noli/Fili isekai.
I honestly did not have high expectations, knowing kung gaano ka-fast paced ang production ng TV series sa Pilipinas. Kaya pleasantly surprised talaga ako na masasaksihan ko sa MCI ang isang character arc na puwede ko na sigurong sabihing kahanay ng mga paborito ko.
The character arc in question ay ang kay Fidel. Sinulit ng MCI ang teleserye format sa pagbuo ng character arc ni Fidel, taking 17 real-life weeks para ipakita ang development niya. Ita-tackle ko na rin ang nangyari sa unang episode after those 17 weeks kasi hindi ko talaga matiis sa sobrang pagkamangha ko.
Unang lumabas si Fidel de los Reyes sa Episode 3 ng Maria Clara at Ibarra, bilang isa sa mga malalapít na kaibigan ni Crisostomo Ibarra. Original character si Fidel, wala siya sa Noli me tangere, tulad ni Klay. Ang kaso nga lang ay kahit na kaibigan siya ni Ibarra, he is far from likable. Lalong-lalo na para sa bida nating si Klay.
Fidel de los Reyes, raging misogynist
Simula pa lang, malinaw na ang purpose ng character ni Fidel: para ipakita na kahit sa panig ng mga taong tulad ni Ibarra, mababa ang tingin ng kalalakihan sa kababaihan noong 1880s. At mula naman sa perspective ni Klay, para ipakita sa kaniyang marami palang pagkakatulad ang panahon niya at panahon ni Rizal.
Tumblr media
"Kung magiging sintalino [ng mga babae] ang mga [lalaki], tila magiging isang malaking kaparusahan ito sa atin!"
Hindi understatement kung sasabihing raging misogynist si Fidel noong una siyang lumabas. Tinitingnan ni Fidel ang pagiging marunong ng kababaihan bilang isang banta sa kalalakihan. Hindi lang siya sa salita mapanghamak sa mga babae, ipinakita rin niyang handa siyang manakit ng babae dahil lang nasaktan ng isang matalinong babae ang ego niya. Nasampal pa siya ni Klay dahil dito (at deserve niya iyon).
Bukod sa mababang tingin ni Fidel sa kababaihan, masasabi ring hinubog siya ng privelege na mayroon siya. Dahil nabuhay siyang hindi inuusig, buo ang tiwala niya sa gobyerno at Simbahan, at wala rin siyang amor para sa mahihirap. Ito rin ang dahilan kung bakit napakadali para sa kaniyang hindi makaramdam ng simpatya para kay Sisa sa una.
Itong privilege ni Fidel ang siya ring nagpapaniwala sa kaniyang nasa posisyon siya para utusan si Klay (isang babae) na ipagdasal ("trabaho" ng babae noong panahon ng pananakop ng mga Kastila) ang biyahe nilang tatlo ni Ibarra. Ang pagtawag niyang "bruha" kay Klay ay hindi lang misogynistic kundi bunga ng maka-Kastila niyang paniniwala.
Ang takot niya sa mga tulisan ay bunga rin ng privilege niya at paghanay niya sa sarili sa panig ng mga Kastila. Ang pagharang ng mga tulisan sa isang prayle ang sinabi niyang dahilan para katakutan ang mga tulisan na posibleng humarang sa kanila sa biyahe. Iskandaloso ang tingin ni Fidel sa sagot ni Klay na "Prayle naman pala! Baka masama 'yung prayle na 'yon kaya siya sinaktan." Hindi niya matanggap ang pagsasalita nang ganoon ni Klay laban sa mga itinuturing niyang huwaran.
Tumblr media
"Binibining Klay, simulan mo nang magdasal bupang maging ligtas ang ating paglalakbay. 'Yon ay kung didinggin ng Diyos ang dasal ng isang bruha."
Hindi magkahiwalay ang pagiging maka-Kastila, matapobre, at mapanghamak ni Fidel sa kababaihan; lahat ng mga ito ay bunga ng pribilehiyo niya bilang isang mayamang mestizo. Mapapansing nagpakita ng kaunting "respeto" si Fidel nang mag-English si Klay. Sa panahong iyon, matututo ka lang ng ibang wika sa pagbabasa, paglalakbay sa ibang bansa, o pagkakaroon ng white-collar job sa isang British-owned business. Mula sa perspective ni Fidel, tanda ng pagiging edukada o maykaya ang pagsasalita ni Klay ng English; naisantabi niya nang panandalian ang panghahamak sa kababaihan dahil sa tingin niya ay posibleng privileged din si Klay kagaya niya.
'Tunay ka ngang kakaibang babae'
Si Fidel na naniwala kaagad sa paratang na nagnakaw si Crispin at nangmamaliit kay Klay ang siya ring tumulong, sa maliit na paraan, sa paggamot sa injuries ni Sisa sa Episode 25. Hindi niya naiintindihan nang lubos ang nangyayari, but he's trying. Hindi instant ang pagbabago niya. Alien pa rin sa kaniya ang idea ng pagkakaroon ng babaeng manggagamot, pero hindi nagmarunong si Fidel o pinatigil si Klay (in contrast sa tangkang "pagliligtas" ni Don Tiburcio kay Kapitan Basilio at pagharang ni Kapitana Tica kay Klay 10 episodes later).
Tumblr media
Sa Episode 25, sa warehouse ni Fidel ginamot ni Klay si Sisa. Hindi pa ganap na nagbago si Fidel, pero nagsisimula na siyang maging mas bukás sa mga bagay na bago sa paningin niya.
Sa kabila ng tension sa pagitan nina Klay at Fidel, malinaw ring intensyon ng series na si Fidel ay magiging potential love interest para kay Klay. Malinaw rin kung anong klaseng love interest si Fidel: lalaking mapang-uyam sa bidang babae pero unti-unting nahuhulog ang loob sa inuuyam niya. Dahil sa tindi ng tension sa pagitan nila ni Klay, I would say na nalaro nito nang ayos ang inaasar-ka-niya-dahil-gusto-ka cliché, lalo na't hindi lang simpleng pang-aasar ang ginagawa ni Fidel sa una.
From Episode 30 onwards, makikita ang pag-develop ni Fidel ng paghanga para kay Klay. Sa Episode 30 nagsimulang magparamdam si Fidel na may nabubuo siyang pagtingin kay Klay. Dito rin siya nagsimulang mang-asar, in the friendly sense, pero na-call out din siya dahil out of line.
In Episode 34, nangyari ang isang rare instance na nang-asar, intentionally, si Fidel dahil gusto niya si Klay. Walang explicit romantic intentions ang karamihan ng instances ng pang-aasar ni Fidel (pero hindi rin masasabing pilít if you read them as romantic). Sinundan ito kaagad ng isang compliment na backhanded, probably unintentionally so. Fidel's trying. And failing.
Tumblr media
"Binibining Klay, kung hindi ka pa nadapa ay hindi kita makilala. Mayroon ka palang itinatagong ganda."
Sa Episode 35, mapapansing hindi pa ganap na sumasang-ayon si Fidel sa mga kilos ni Klay. Makikitang nagtangka siyang pigilan si Klay na sumampa sa upuan at magsalita laban kina Kapitan Basilio at sa mga bisita nito. In the following episode, however, hindi niya pinigilan si Klay sa pagliligtas kay Kapitan Basilio matapos mabilaukan ang matanda. May tiwala si Fidel sa kakayahan ni Klay magbigay ng first aid, as he witnessed ten episodes prior.
Mabagal ang progress ni Fidel, but it's there. Nang iligtas ni Klay si Ibarra through mouth-to-mouth resuscitation and CPR (Episode 40), ipinagtanggol ni Fidel si Klay at nagpaliwanag na "karaniwan itong ginagawa ng mga nakapag-aral ng medisina" kahit na ipagtataka ng mga marami sa panahong iyon na alam ito ng isang babae. Idinagdag pa ni Fidel na katanggap-tanggap sa Kanluran ang mga ito.*
* This might come come off as anachronistic dahil 1900s naging standard procedure ang CPR, pero may mga precursor ng CPR noong mid-1800s. However, hindi chest compression ang ginagawa doon. 1891, seven years after when MCI is set, unang nagamit ni Dr. Friedrich Maass successfully ang chest compressions sa paglilgitas ng pasyente. May mouth-to-mouth resuscitation for drowning victims since the 1700s, though.
Matapos iligtas ni Klay si Ibarra, nakipagkita si Fidel in private kay Klay. Nagsisimula na si Fidel na makita ang halaga ni Klay. Dagdag pa, humahanga siya hindi sa kabila ng pagiging "kakaiba" ni Klay kundi dahil dito. What this means is hindi na niya nakikitang kapintasan ang talino at tapang ni Klay at hindi na rin niya ito nakikita as a threat to his ego.
Tumblr media
Fidel: Binibining Klay, [...] tunay ka ngang kakaibang babae, kaya sa kauna-unahang pagkakataon ay napahanga mo ako. Hindi lamang sa iyong angking talino at lakas ng loob, kundi pati na rin sa [...] independence of mind and spirit.
I particularly like na, at least at the time of the episode's airing, puwede mong ma-interpret ang paghangang ito ni Fidel as something na hindi lang romantic; puwede mong basahin ang paghanga na ito bilang bunga ng nabubuong pagtingin niya kay Klay, pero puwede mo ring basahin bilang magkahiwalay na bagay ang paghanga niya sa kakayahan ni Klay at ang ang attraction niya kay Klay.
Sa kabila ng nabubuong paghanga ni Fidel para kay Klay, hindi pa rin nawawala ang pagkiling niya sa mga Kastila. Tutol siya (at si Ibarra) sa pag-awat ni Klay kay Padre Salvi matapos saktan ng prayle ang ilang tao sa tabing-lawa. Dito iginiit ni Klay na may lakas ng loob ang mga tulad ni Padre Salvi na mang-abuso dahil may mga tulad ni Ibarra na may mabuting hangarin ngunit walang ginagawa para labanan ang kasamaan.
'Tila umiibig ang ginoo!'
Tumblr media
Fidel: Sa araw na ito, tila nakilala ko na rin ang babaeng hahangaan ko... Pilosopo Tasyo: Tila umiibig ang ginoo!
It took time bago nagpakita ng explicit na romantic affection si Fidel towards Klay. Nang tumakas sina Klay at Maria Clara para makipagkita kay Ibarra (Episodes 48-49), nakita ni Fidel si Klay sa parehong paraang nakikita ni Ibarra si Maria Clara. Pansin din ito ni Ibarra, pero in denial pa si Fidel sa puntong ito.
May kahambugan pa si Fidel sa pagkukuwento kay Klay tungkol sa pagtingin niya sa isang certain someone na itatago na lang natin sa pangalang Maria Clara Infantes. Iniyayabang ni Fidel na napakapalad ng special someone na ito dahil iniibig niya.
Sa kabila ng mariing pagtanggi sa simula ni Fidel na may pagtingin siya kay Klay, hindi niya kinontra si Ibarra nang tawagin nito sina Maria Clara at Klay na "ating mga Maria Clara" matapos sunduin at pagalitan ni Kapitan Tiago ang magkatukayo.
Tumblr media
Ibarra: Paano ba iyan, amigo? Tila karamay mo ako sa pag-aalala sa ating mga Maria Clara.
Episodes 57-58 na umamin si Fidel kay Klay; it took that long. Ang kagandahan sa development na ito sa relasyon nila, on Fidel's part, ay hindi siya nagkaroon ng drastic na pagbabago para lang kay Klay; hindi siya biglang naging "ideal guy". Lumilitaw ang isang character flaw niya: dahil sa pagiging misogynist niya sa simula ng series, it only makes sense na hindi siya marunong makipag-usap sa babae, let alone isang babae na alam kung ano ang deserve niya. On Klay's part naman, she stayed her ground. Hindi niya ni-reciprocate ang feelings ni Fidel dahil lang hindi na ito (intentionally) mean.
Now, let me go into a bit of a tangent because I want to talk about Fidel's confession.
Napakaraming sinabi si Fidel na mako-consider na pang-aasar kung intentional, pero malinaw namang makikita na ang mga nasabi niya ay dahil lang hindi siya maalam manuyo. Fidel's trying. And failing. (1)
Tumblr media
Take this exchange, for example:
Fidel: Binibinig Klay, bulag ka ba at hindi mo nakikita? O sadyang manhid ka lang ka lang at hindi mo nararamdaman? Klay: Ang alin ba? Fidel: Na sa kabila ng iyong bangis at pagmimistulang bruha, at ang iyong paglalamyerda sa buong San Diego na madalas ay bastos at walang modo na hindi gaya ng mga de-klaseng babae diyan... Klay: May point ka ba? O recap lang 'to ng judgment sa'kin ng bayang 'to? Nahiya ka pa, isama mo na rin 'yung pagbuntot ko sa amigo mo na parang kerida. Fidel: Isa pa iyon!
Comedy aside, kapansin-pansin na may animosity pa rin sa pagitan ng dalawa, especially on Klay's part. Ito rin ang dahilan kung bakit hindi agad makapaniwala si Klay na may pagtingin sa kaniya si Fidel. And that's completely understandabl; ni minsan ay hindi man lang inihingi ni Fidel ng paumanhin ang past actions niya towards Klay. Hindi batid ni Fidel na mabigat ang mga ito para kay Klay dahil hindi pa siya nalagay sa posisyon kung saan siya ay hinahamak.
Another standout exchange is this:
Klay: Magkaiba ang mundo natin. Fidel: Batid ko. Batid ko na tila langit ako at ikaw ay lupa.
Concise ang punchline, dine-defy ang expectation sa isang otherwise predictable expression, at in-character pa para kay Fidel na napakatayog ng tingin sa sarili. I say this is gold.
Bakas pa rin ang pagka-entitled ni Fidel sa expectations niya kay Klay; na magugustuhan agad siya pabalik at papayag na magpakasal sa kaniya. Nagnakaw pa ng halik si Fidel kay Klay. Na-call out din ito ni Klay, siyempre.
May pagka-immature ang reaction ni Fidel sa rejection ni Klay, parang batang hindi pinagbigyan matapos magturô sa tindahan. May halo pang kaunting pagyayabang na kung ibang babae ang susuyuin niya nang ganoon ay hindi siya tatanggihan.
Sinubok din ni Fidel na mangharana para suyuin si Klay, katulad ng panghaharana ni Ibarra kay Maria Clara noon, pero naging malamig ang pagtanggap ni Klay dito. Mahahalatang alien concept talaga para kay Fidel ang hindi mapabigyan sa mga gusto niya.
Hindi nakapagtataka kung bakit hindi marunong manuyo si Fidel: sa buong panahon na nasa series siya, si Klay lang ang babaeng nakakasusap niya consistently. Si Pilosopo Tasyo na nakausap niya minsan tungkol sa pag-ibig (Episode 44) ang pinakamalapit sa isang father figure na mayroon siya, at wala naman siyang ibang mahihingan ng payo. Ang sariling privilege lang ang masasandigan ni Fidel at this point, kaya pakiramdam niya ay ang privilege din niya ang magdadala sa kaniya ng pag-ibig.
Ang gusto ko lang talagang sabihin for this segment ay magandang romcom material ang lover boy era ni Fidel, saka props na rin sa pag-integrate nito sa kuwento in a way na hindi pilit and makes sense for the character.
Pagbaligtad ng mundo
Noong panahong inuusig si Ibarra, kay Fidel lumapit si Klay para humingi ng tulong. Sa una ay nagawa pang mang-asar ni Fidel na hindi daw siya matiis ni Klay. Hindi pa niya batid ang haharapin niyang pagsubok.
Hindi nagtagal ay nasaksihan ni Fidel ang talumpati ni Ibarra sa pulpito sa simbahan ng San Diego, kung saan inilahad nito na may malubhang sakit ang bayan na pinalalala ng mga nagsasawalang-kibo. Nakiisa si Fidel sa pananawagan ng "Dinggin n'yo kami" matapos ang talumpati ni Ibarra. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na tumindig si Fidel laban sa mapang-aping sistema.
By Episode 73, exactly 70 episodes mula nang unang ipakilala si Fidel, pumasok na sa climax ang character arc niya. Nakulong si Fidel kasama ng iba pang may kaugnayan kay Ibarra. Ang panahon niya sa presinto ay nagsimula sa pagyayabang niya sa Guardia Civil na makakalabas agad salamat sa magaling na abogado ng pamilya niya, at iginigiit niyang nakapag-aral siya ng batas kaya alam niyang iligal ang ginagawa sa kanila ng Guardia Civil. Sa gabing iyon din ay napagtanto niya: "Kung sino pa ang gumagawa ng maganda para sa bayan ay siya pang tinatawag na kriminal, habang ang mga makasalanan sa Simbahan at sa gobyerno ay kailangang tawaging 'kagalang-galang'."
Kinausap niya saglit si Don Filipo tungkol sa pagbibitiw nito sa puwesto dahil sa pagiging sunud-sunuran ng gobernadorcillo, at tinanong siya nito pabalik kunghanggang saan niya kayang ipaglaban ang bayan. Kung lalaban si Fidel, kailangan niyang isakripisyo ang pribilehiyong nagpahintulot sa kaniyang maging makasarili noon.
Tumblr media
Don Filipo: Don Fidel, hanggang saan mo kayang ipaglaban ang ating bayan nang hindi lamang umaasa sa dasal, conexiónes, o sa iyong yaman?
Nang itakas ni Klay si Fidel, nahuli siya ng Guadia Civil. Kinakailangang gumawa ni Fidel ng isang bagay na bago ang pagtakas ay hindi niya akalaing gagawin niya: ang pumatay ng tao. At ginawa nga niya ito. Ang Fidel na noong nakaraang episode lang ay ipinagmamalaki ang mga nalalaman sa batas ay siya na ngayong lumabag dito. Pugante na siya at pumatay pa ng Guardia sa mismong kuwartel, hindi na maililigtas ng kahit na gaano pa kagaling na abogado.
Magkaibang-magkaiba man ang ikinilos ng Fidel ng Episode 73 at ng Fidel ng Episode 74—at mas lalong malayo sa Fidel ng Episode 3—ay hindi masasabing kilos ito ng magkaibang karakter; kilos ito ng iisang Fidel na noo'y itinaas ang sarili at pagkatapos ay ibinaba, noo'y nanghamak at pagkatapos ay natutong umibig, dumaan sa hamon at pagkatapos ay nagbago, at umabot sa sukdulan at natutong lumaban. Sa kabila nito, may isa pang hindi natutunan si Fidel sa puntong ito: ang ipakita ang pagiging vulnerable; or perhaps more approriately, hindi pa niya na-unlearn ang pagtatago ng vulnerability niya.
Vulnerability and compassion
Pinuna ni Klay si Fidel sa mga kaharutan nito matapos nilang takasan ang Guardia Civil, pati na rin ang pagiging "kalmado" nito matapos nitong mahanap ang sugatáng si Elias na hindi kasama si Ibarra. Naalala ko nang may mga pumuna sa Twitter na mabilis daw masyadong naka-get over si Fidel sa pagbaril sa Guardia Civil, pero sa tingin ko, coping mechanism ni Fidel ang mang-asar para matabunan at maitago ang pangangamba dahil nasanay siyang komportable ang buhay at walang inaalala.
Hindi umiyak si Fidel kahit ni-reject siya ni Klay na pinakamamahal niya sa Episode 75, at sa una ay maaari mong maisip na baka hindi lang talaga dinibdib ni Fidel at the moment dahil nasa panganib sila, o hindi ito gaano kasakit sa kaniya dahil nag-mature na siya. Matapos mahanap nina Fidel at Klay si Elias, ipinakita ni Fidel na hindi siya "kalmado" tulad ng iniisip ni Klay. Lumuha si Fidel. Unti-unti na ipinapakita ang vulnerable side niya.
Tumblr media
Lumuha ang "kalmadong" si Fidel. Also, may dahilan kung bakit siya nakahubad diyan. Ginagamit pang-first aid kay Elias 'yung damit niya, pramis!
Sa kampo ng mga tulisan, makikitang ang pag-aalala ni Fidel para kay Klay. Sinusuyo niya si Klay sa mga simpleng paraan tulad ng pag-aalok ng pagkain at tubig, bagay na hinding hindi gagawin ni Fidel noong Episode 3 at hindi niya gagawin nang walang halong pang-aasar bago ang Episode 70. Ipinapakita ni Fidel ang affection niya through acts of service* towards Klay. Walang pag-aalinlangang pumayag si Fidel na samahan si Klay sa bayan para makapagpaalam kay Maria Clara kahit na alam nila pareho kung gaano kalaking panganib iyon para sa kanila.
*I have some reservations about the idea of love languages, pero sa kasong ito, tingin ko naman ay angkop sabihing ang love language ni Fidel ay acts of service.
Matagal bago nailabas ni Fidel ang vulnerable side niya, salamat sa pagiging lalaki at mayaman. Bilang lalaki, marahil ay pinalaki siyang pinagbabawalang umiyak o "magpakita ng kahinaan". Kung hindi rin nagbago ang pananaw ni Fidel sa kababaihan, hindi rin kakayanin ng ego niya na ipakia ang vulnerability sa harap ni Klay. Bilang mayaman naman, ipinipinta niya ang sarili bilang angat sa iba at hindi matitinag. Ngayong tinutugis na siya ng Guardia Civil, danás na rin niya ang nararanasan ng karaniwang taong minamata niya noon.
Alab ng puso
Ang pinakamahalagang bagay na natutunan ni Fidel sa character arc niya ay ang umibig. Una na niyang ipinakita ang pag-ibig kay Klay, at unti-unti siyang natutong umibig sa iba pa. Kung trip mo maging mas cynica aboutl Fidel's past actions, puwede mo pa ngang sabihing ang pag-ibig niya kay Klay, although genuine, ay kaakibat ng paniniwala niya, bilang lalaki noong panahon niya, na bahagi ng "tadhana" niya ang umibig sa isang babae, mag-asawa, at bumuo ng pamilya.
Kalaunan ay natutunan ni Fidel na mahalin ang bayan. Ganap na niyang nakilala ang mga kondisyong humulma sa kaniya at sa mga pananaw niya, at napagtanto niyang binulag siya ng pribilehiyo niya, at inamin niyang naging makasarili siya. Nasaksihan ni Fidel ang kapalaran nina Sisa, Crispin, at Basilio; ang sakripisyo ni Elias; ang pag-usig kay Ibarra; ang pagmamalupit ng mga prayle at Guardia Civil; at ang panghahamak sa kababaihan. Ang huli ay hindi lamang niya nasaksihan o hinayaang mangyari; naging bahagi rin siya nito.
Sa huli, isinapuso ni Fidel ang payo (na naka-package deal kasama ng rejection) ni Klay: ang ialay sa bayan ang kaniyang pag-ibig. Ibig niyang ipagpatuloy ang laban nina Ibarra at Elias at idineklara niyang ilalaan niya ang natitirang yaman para sa paghihimagsik at iiwan na ang komportableng buhay na nakasanayan niya alang-alang sa bayan.
Tumblr media
Fidel: Magkasama nating ipagpatuloy ang sinimulan ni Crisostomo at Elias.
Inaanyayahan ni Fidel si Klay na sumama sa kaniya sa pakikipaglaban. Sa kasamaang palad ay kinakailangan na ni Klay na bumalik sa mundo niya. Sa pag-alis ni Klay sa mundo ng Noli, umiyak si Fidel. Sa kauna-unahang pagkakataon, hindi pinigilan ni Fidel ang sarili niyang ipakita ang vulnerability niya.
Tumblr media
Tapós na ang pagtatago ni Fidel ng damdamin niya. Tanggap na niyang may vulnerable side.
From ilustrado to naliwanagan
As of writing, pumasok na sa El FIlibusterismo ang MCI. Ipinakita na si Fidel bilang rebolusyonaryo, kasama sa pangkat ni Elias na nakaligtas mula sa mga pangyayari sa Noli arc.
Bilang mga rebolusyonaryo, may codenames sina Elias at Fidel: si Elias ay si Tagausig, at si Fidel si Naliwanagan. Fidel's codename is especially fitting dahil bukod sa obvious allusion na sa pagkakaroon niya ng 180-degree turn sa character arc niya, may iba pang kahulugan.
Tumblr media
Si Naliwanagan at si Tagausig
Nagsimula si Fidel bilang isang entitled at sexist na ilustrado. Towards the end of the Noli arc ay naliwanagan si Fidel sa tunay na kalagayan ng lipunan. Ang "ilustrado" at "naliwanagan" ay parehong "enlightened", pero dahil sa character arc ni Fidel ay malinaw na may opposite connotations ang dalawang ito. Ang "ilustrado" ay enlightened in the sense na may access siya sa edukasyon, samantalang ang "naliwanagan" ay enlightened in the sense na namulat sa mga totoong kalagayan ng bagay-bagay at mga karanasan ng mga karaniwang tao. Dagdag pa rito, Espanyol ang "ilustrado" at Tagalog ang "naliwanagan", angkop sa pagkiling ng ilustradong Fidel sa mga mang-aapi at pamumuhay ng naliwanagang Fidel kasama ang mga inaapi.
Bukod sa opposite connotations ng "ilustrado" at "naliwanagan" sa context ng character arc ni Fidel, masasabi ring may direct relationship ang dalawang ito sa pagbabago ni Fidel: Si Fidel ay ganap na naliwanagan noong magpasya siyang talikuran ang pagiging ilustrado. Si Fidel ay hindi lang naging tao (as Klay would say), natuto rin siyang magpakatao. Natuto siyang malungkot, mangamba, mahabag, mag-alala, makiramdam, magalit sa kawalan ng katarungan, at—higit sa lahat—umibig.
172 notes · View notes