#mga bibliya
Explore tagged Tumblr posts
Photo
Basahin ang Bibliya: beblia.com 🙏
Sabihin mo ang Amen kung sang-ayon ka
Colosas 3:14-15
beblia.com
#bibliya#mga bibliya#Diyos ay mabuti#banal na Bibliya#kristiyano#Diyos#Hesus#Panginoong#simbahan#buhay#katotohanan#nagmamahal#Kristo#minamahal#ebanghelyo#pagsamba#biyaya#manalangin#panalangin#malaki#kristiyanismo#mga simbahan
0 notes
Text
Isusuko ang lahat sa kaniyang mga palad, sapagkat siya ang aking Diyos at minamahal—ang kaniyang mga salita ay ang aking Bibliya. Siya ang nagparamdam na para akong nasa ibang planeta tuwing nagmamahal.
Hindi nababasa sa kahit anong bibliya ang pag-ibig na ibinigay mo, sinta. Patuloy na mangingibabaw sa kahit anong planeta ang naramdamang pagmamahal—hinigitan mo ang pag-ibig na binigkas ng Panginoon. Mas naging bihasa tuloy ang balat kong makiramdam sa haplos ng mga palad mo kaysa sa pangaral mula sa simbahan.
Bukod ka ngang natatangi kaysa sa pag-ibig na binigkas ng Maykapal—kaysa sa ibinigay niyang pagmamahal. Hayaan mong tuluyang maging sakramento ang paghalik labi mo’t sundin ang ninais ng tadhana para sa ating dalawa. Pahintulutan mong mahalikan ito’t pumunta sa kabilang planeta dulot ng umaapaw na pagmamahal na naramdaman ko sa ‘yo.
Luluhod para sa ’yo, na para bang ika’y rebulto ng isang santo.
Papabayaan ang pagbagsak ng aking dalawang tuhod kahit pa sa harapan ng bawat bathalang kilala mo, ngunit tanging paa mo lamang ang hahalikan upang maramdaman mong higit ka sa kahit anong bathala, Panginoon–sa mga sinasamba nila. Ikaw lamang ang tanging gagawan ng dambanang may itsura mo na luluhuran ko.
Wala nang hahanapin pa sa ibang planeta, marahil dahil nalagpasan pa ang pakiramdam sa bawat ligayang naasam. Pangalan mo ang sasambitin tuwing gabi, higit pa sa mga nakaukit na salita sa bibliya. Titingalain ka tulad ng isang planeta.
werinvariably-koward
2 notes
·
View notes
Text
Bakit?
Isang salita, isang tanong ang gumugulo sa aking isipan.
Bakit humantong sa ganito ang buhay ko? Bakit ako nag-iisa at nagdurusa?
Ako ay isinilang na walang alam tungkol sa totoo kong pagkatao, pinuno ng pagmamahal, pinag-aral, tinuruan kung paano maging isang huwarang babae na dapat tularan ng ibang dalaga, at upang maging karapat-dapat na asawa para sa aking nag-iisang mahal. Ang aking irog na si Crisostomo, wala akong hinangad kundi ang makasal sa kanya, maging katuwang niya habang unti-unti niyang tinutupad ang mga pangarap niya para sa bayan, bumuo ng pamilya, at tumandang magkasama.
Ngunit sa isang iglap, nawala ang lahat…
Tila ang lahat ng iyon ay isang magandang panaginip na naglaho nang ako’y magising sa masakit na katotohanan. Na ako’y hindi bunga ng pagmamahalan ng aking mga magulang, kundi ng pagnanasa ng isang taong itinuring kong pangalawang ama, na ako’y matagal nang bilanggo at pinatatahimik ng mga taong akala ko’y naghahangad lamang ng mabuti para sa akin, na ang mga taong akala ng lahat ay banal na sugo ng Panginoon, ay siya palang mga tunay na mga makasalanan, na siya ring nagwasak at pumaslang kay Crisostomo.
At ang pinakamasakit ay wala akong nagawa upang sagipin siya.
Hanggang sa kanyang kamatayan ay pinili kong ingatan ang pagmamahal na inalay ni Ibarra sa akin, ito na lamang ang magagawa ko upang ipaglaban siya at ang aming pag-iibigan. Kung hindi rin siya ang aking magiging kabiyak ay mabuti pang magpakasal na lamang ako sa Panginoon, at igugol ang buhay ko sa paglilingkod sa Kanya kahit na tutol ang tunay kong ama. Hindi ako nagpatinag sa kabila ng kanyang pagmamakaawa, kahit ang kinilala kong ama, at ang tiya Isabel ay wala ring nagawa. Pinili kong manirahan sa tahanan ng Diyos, sa paniniwalang makakamtan ko ang paghilom at katahimikan na aking inaasam sa Kanyang piling.
Ngunit mali ako, nagkamali ako…
Sapagkat ang lugar na inaasahan kong magiging kaligtasan ko ay siya palang maghahatid sa akin sa impyernong ito! Dahil dito ko nasilayan ang tunay na anyo ng isang demonyo! Wala siyang pangil o sungay, isa siyang taong nagbabanal-banalan, nagmimisa, at nagtuturo ng mga aral ng Diyos. Ngunit ang kanyang ugali at gawi ay taliwas sa sinasabi ng Bibliya, tunay siyang kasuklam-suklam! At habang niyuyurakan niya ang aking dangal, ay sumagi sa isip ko ang aking masaya at tila perkpektong buhay noon, ang aking papá at tiya na nagmahal at nag-aruga sa akin, ang aking mga amiga na lagi kong kasa-kasama mula pagkabata. Si Crisostomo na nag-alay ng dalisay na pagmamahal at paggalang sa akin. At si Klay, ang estrangherang nagturo sa akin na tumayo sa sarili kong mga paa, ang babaeng nagpakita sa akin ng tunay na halaga at kakayahan ng isang babae. Higit sa lahat, ang aking sarili na parang kandilang unti-unting nauupos habang isa-isang binabawi sa akin ang aking kaligayahan, lakas, at natitirang pag-asa.
Akala ko, ang pagkamatay ni Crisostomo ang pinakamasakit na nangyari sa buhay ko. Na akala ko'y naubos na ang natitira kong luha sa pagkawala ng aking pinakamamahal. May mas isasakit pa pala...
At habangbuhay ko itong tatangisan...
Maraming katanungan ang naglalaro sa isip ko, ito ba ay parusa ng langit dahil sa kalapastanganang ginawa ng aking tunay na ama sa aking ina? Ako ba ang naging kabayaran sa lahat ng hinagpis na dinanas ni mamá noong siya ay nabubuhay pa? Ako ba ay kanyang isinumpa dahil sa kanyang matinding galit?
Aking Ina, bakit pinabayaan mo ako't isinadlak sa matinding pagdurusa? Ano’t tila ako ay iyong tinalikuran at kinalimutan? Bakit hinayaan mong danasin ko ang kaparusahang higit pa sa kamatayan?
Bakit ako Ina? Bakit?
-Ang Hinagpis ni Maria Clara (sa panulat ni: Iris)
Mula sa epilogo ng Noli Me Tangere ni Dr. Jose Rizal na pinagbasehan ng palabas na Maria Clara at Ibarra. Ang dalawang ito naman ang siyang aking naging inspirasyon at basehan upang maisulat ang kathang ito.
*
A/N: It's my first time writing a 99.99% tagalog fanfic. Mej nag nosebleed lang ako ng very slight but I’m so proud that I was able to write this. Obviously this is more of an expounded version of Maria Clara’s anguish after Padre Salvi violated her (and just before her breakdown), I wish she slit that asshole of a priest’s throat though, like seriously he doesn’t deserve to live. I have watched a video somewhere saying that the epilogue of Noli was based on the ill fate of a nun who was raped by a priest and was seen screaming and crying at the kampanaryo...or something like that. Oh and the "Ina" Maria was referring to on the last part was the Blessed Virgin Mary in case you're wondering.
Anyhoo, I feel sad that this show is going to end in 4 weeks, and idk how they are going to pull-off the story of El Filibusterismo in such a short amount of time, but I’m wishing the whole MCI team the best.
#fanfiction#gma 7#jose rizal#noli me tangere#maria clara at ibarra#maria clara delos santos y alba#juan crisostomo ibarra y magsalin#santiago delos santos#bernardo salvi#padre damaso#julie anne san jose#dennis trillo#juan rodrigo#juancho trivino#tirso cruz iii
27 notes
·
View notes
Text
He saved Millions and Billions of Mankind's and I am one of them.
When you ask a child if who is his or her favorite hero they will answer, either Batman, Superman, Thor, and whoever man they watch in movies whom they admire that much.
How about you? Maybe Ironman who saved the entire marvel universe in just one snap? Or Wonder Woman who'll fight for justice? Maybe your President because he's the one who leads your country? Or even one of your family members because you want to follow their path. Do not forget that we once lived in our life where we had a lot of heroes that we called, but for me, I have this one and only hero, wherein He saved me countless of times whenever I fall down, He saved me in a miry clay, in a pit of death and He keeps on saving not just me, but everybody that surrounds me.He's my redeemer. The one who paid my debt by His blood and saved our sins. Carried me through my darkest night, eased my pain with His comforting words. The nicest of nice, king of all kings, the creator of heaven and earth, a God whom I can call a friend, a father and my safest place whom I can run to whenever no one is around. Some people aren't aware that "someone" saved them from their sins and that "someone" is the reason why there is life they are living, that "someone" is crucified to pay the sins He doesn't committed. What God did a thousand or maybe billions of years ago gave us freedom to live our life. Maybe it's the time we should give back something good.
Probably if you know a certain people that go to church every sunday and serving God, we can often hear them say, "Imbag pay ta selpon kut maiggamam nga inaldaw, ngem iti bibliya mabilang mo pay ta imam ta maminsan mo lang nga masapol." (Unfortunately, you hold your phone almost everyday, but holding a bible can just be counted in your hand because you rarely use it.) We tend to say that we know God and we love Him yet we don't know what is His words really are. Sometimes, in order for us to be more closer to God we need His words, meaning to say we need to take time in reading our Bible, to know Him more, to know what He wants you to do, to know where path He wants us to take.
As Ephesians 2:4-5 says: [4] But God, who is rich in mercy, for his great love wherewith he loved us, (Nguni't ang Dios, palibhasa'y mayaman sa awa, dahil sa kaniyang malaking pagibig na kaniyang iniibig sa atin,) [5] Even when we were dead in sins, hath quickened us together with Christ, (by grace ye are saved;) (Bagama't tayo'y mga patay dahil sa ating mga kasalanan, tayo'y binuhay na kalakip ni Cristo (sa pamamagitan ng biyaya kayo'y nangaligtas) Because of God being merciful and kind, He let his begotten son saved us by His grace and redeemed us, together with John 3:16, For God so loved the world, that he gave his only begotten Son, that whosoever believeth in him should not perish, but have everlasting life. (Sapagka't gayon na lamang ang pagsinta ng Dios sa sanglibutan, na ibinigay niya ang kaniyang bugtong na Anak, upang ang sinomang sa kaniya'y sumampalataya ay huwag mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan.)
Remember that "a hero doesn't need to wear cape to be truly called as a savior, but it's the braveness, courage with noble qualities are what makes you a hero."
2 notes
·
View notes
Text
Our return is always a celebration to the Lord. 🤩❤️
SCRIPTURES: Luke 15: 17-24
17. ““When he came to his senses, he said, ‘How many of my father’s hired servants have food to spare, and here I am starving to death!
18. I will set out and go back to my father and say to him: Father, I have sinned against heaven and against you.
19. I am no longer worthy to be called your son; make me like one of your hired servants.’
20. So he got up and went to his father. “But while he was still a long way off, his father saw him and was filled with compassion for him; he ran to his son, threw his arms around him and kissed him.
21. “The son said to him, ‘Father, I have sinned against heaven and against you. I am no longer worthy to be called your son.’
22. “But the father said to his servants, ‘Quick! Bring the best robe and put it on him. Put a ring on his finger and sandals on his feet.
23. Bring the fattened calf and kill it. Let’s have a feast and celebrate.
24. For this son of mine was dead and is alive again; he was lost and is found.’ So they began to celebrate.”
REFLECTION 🌿
Isa sa mga pinaka sikat at magdang storya sa bibliya ang The Prodigal Son... maybe because marami sa atin ang nakaka relate dito. It's familiar, it is bitter and it is the truth.
Have you ever regret running away? Tapos nahihiya kang bumalik but you did it anyway? Today's scripture from the book of Luke is telling how the prodigal son returned to his father and how the father accepted the prodigal son....
Dito sa kwentong to, it shows how coming back is worth celebrating. Balik loob ika nga. Most of us, maraming beses na tayong nag back slide. Kilala na natin ang Panginoon, we were serving Him, pero eventually, because sa trap ng kaaway, we often times fall down and nakakalimutan natin ang Diyos. We are the prodigal son in this story. Ang titigas ng ulo natin, sinusunod natin yung gusto natin, ang rami nating gustong gawin na di naman dapat natin ginagawa... we try to control everything... we sought happiness and love in other things when in fact binigay na sa atin, di nga lang natin ma appreciate. Tulad ng prodigal son, ok na naman sana yung buhay niya, pero dahil sa tigas ng ulo, na temp ng kaaway, nadapa at nag dusa siya.
But despite being a foolish and stubborn son, mahal na mahal pa rin siya ng kanyang tatay at kahit na di pa siya nakaabot sa bahay nila, sinalubong siya ng kanyang tatay excitingly and pinag celebrate pa ang kanyang pagbabalik. And that's how God is to us! just like the father, our Father will celebrate our comeback.
Anu-ano nga ba ang dalang lessons ng kwentong ito?
Una, Luke 15:17 – “And when he came to himself, he said, How many hired servants of my father’s have bread enough and to spare, and I perish with hunger!”. Falling down will help us realize kung gaano kasarap ang manatili sa piling ni Lord. Sometimes, kailangan talaga nating magdusa in order for us to realize that it is better to be with the Father. Matigas ulo natin eh, kaya we learn it the hard way.
2nd, life humbles us down. Mismong buhay yung magpapa kita sa atin na dapat parati tayong magpakumbaba. The son learned it in a hard way. Dahil sa mga naranasan niyang paghihirap, narecognize niya yung mga kasalanan niya and he confessed his sins, Luke 15:18 – “I will arise and go to my father, and will say unto him, Father, I have sinned against heaven, and before thee.” And because of this, nahiya siya, nagsisi siya and gusto niya itong pagbayaran through being his father's servant kaya sabi niya sa Luke 15:19 – “And am no more worthy to be called thy son: make me as one of thy hired servants.”
Lastly, kahit gaano pa tayo kasama, our Father will always accept us sa oras na bumalik tayo sa kanya. Ganyan niya tayo kamahal. He celebrates our return!
MOTIVATION 🌿
Just come back to the Father. Ikaw lang yung hinihintay ni Lord. Your mistakes won't define you. As long as you humble yourself down, confess your trespasses, promise to change and never sin again.
Today, nireremind tayo ni Lord na anytime, we can come back. Kahit saan man tayong lugar mapunta, kahit kailan pa yan, basta.. God is just waiting.
APPLICATION 🌿
▫️now is the perfect time to return to the Lord's arms.
▫️be humble always.
▫️Know that our Father loves us so much.
▫️wag mahiya kay Lord.
#devotion#love#life#christianity#relationship with the Lord#book of luke#Luke#God#Jesus#daily bread#princessiboblog
2 notes
·
View notes
Text
Sino ay yung nag send saakin ng bibliya na hapon sa mga asks ko KALAHATI NG BUONG BIBLIYA
Yo who sent me the fucking bible in Japanese in my asks it’s HALF THE FUCKING THING
572 notes
·
View notes
Text
M65 MT, Pagsusuri sa Akda || BABEL
Panimula
Ang May-akda ng aklat na ito, si Rebecca F. Kuang ay isang award winning na may-akda ng Poppy War trilogy, Babel: An Arcane History, at Yellowface. Mayroon siyang MPhil sa Chinese Studies mula sa Cambridge at isang MSc sa Contemporary Chinese Studies mula sa Oxford. Sa kasalukuyan, kumukuha siya ng PhD sa East Asian Languages and Literatures sa Yale University.
Ang Babel: An Arcane History, ay isa sa pinakamabentang gawa ng RF Kuang at Nominado para sa Best Fantasy (2020)' sa Goodreads, kasama ng mas kahanga-hangang mga parangal, na nagpapasigla sa genre ng dark academia sa iba't ibang platform ng social media.
Sasabihin ko na ang pamagat ng libro, Babel: An arcane history, in relation to R.F. Si Kuang ay dahil sa kanyang kadalubhasaan sa Linguistics at mga paksang katulad nito. Ang pamagat ng aklat, na may kaugnayan sa nobela, ay tumutukoy sa institusyon kung saan ang pangunahing tauhan ay nag-aaral, at sa isang paraan, ay tumutukoy sa Babel tower sa Bibliya.
Katawan (Warning, some spoilers ahead!!)
Pangunahing tauhan
Ang pangunahing tauhan sa Babel ay si Robin Swift, isang ulila mula sa Canton, at kung saan ang pananaw ay halos umiikot ang kuwento. Sa lalong madaling panahon ay ipinahayag na siya ay isa sa mga anak ni Propesor Lovell.
Si Ramiz Rafi Mirza o Ramy ay isa sa mga pangunahing tauhan, isa ring estudyante sa Babel, at siya rin ang pangunahing love interest ni Robin. Siya ay isang Indian Muslim mula sa Calcutta at dinala sa Babel, tulad ni Robin, upang mag-aral ng mga wika at kung paano magsalin. Isa sa mga paborito kong karakter.
Victoire Desgraves, isang Haitian na estudyante na lumaki sa France. Isa siya sa pinakamatinong tao sa nobelang ito, madalas ang peacekeeper sa tuwing nagkakagulo.
Katunggali
Letitia Price, Isang dating anak na babae ng admiral. Nakikipag-ugnayan siya sa kanyang mga kaibigan dahil sa mga misogyny na kababaihan na naranasan noong 1800s ngunit dahil siya ay British, hindi niya nakikita ang kapootang panlahi na kailangang pagdaanan ng kanyang mga kaibigan.
Propesor Richard Lovell, isang propesor sa Babel. Pinalaki sina Griffin at Robin, nang magkahiwalay, hanggang sa sila ay sapat na upang mag-aral sa Babel.
Propesor Jerome Playfair, isa pang propesor sa Babel na tila silya ng faculty. Naglagay siya ng isang harapan na nag-uudyok sa mga dayuhang mag-aaral na isipin na ang instituto ay nasa puso ng kanilang pinakamahusay na interes.
Iba pang tauhan
Si Griffin Lovell, kapatid sa ama ni Robin at isang napaka-aktibong miyembro ng Hermes Society, isang Lipunan na ang pangunahing layunin ay upang durugin ang silver supremacy ng Britain, tulungan ang ibang mga bansa (tulad ng China) sa pamamagitan ng pagnanakaw ng mga silver bar mula sa Babel at gamitin ang mga ito para tulungan ang mga mahihirap. Siya ay lubos na naniniwala na ang karahasan ay pinakakailangan upang mailabas ang hustisya.
Si Mrs. Piper, kasambahay ni Propesor Lovell at isang matandang matandang babae na gumanap sa tungkulin bilang pangalawang ina ni Robin. Ibinigay niya sa kanya ang init at pagmamahal na hindi nakuha ni Robin mula sa kanyang nakapikit na ama.
Anthony Ribben, ipinakilala bilang isang postgraduate na estudyante sa Babel, na nagbibigay sa pangunahing apat ng paglilibot sa lugar. Inihayag sa ibang pagkakataon sa kuwento na si Anthony ay nasa parehong klase at pangkat ng nakatatandang kapatid ni Robin, si Griffin, at bahagi siya ng Hermes Society.
Buod
Tagpuan
Nakatakda ang aklat sa Oxford, England, at ang panahon nito ay itinakda noong mga 1830s dahil sa mga pagbanggit sa The First Opium War na nakipaglaban sa pagitan ng China at Great Britain. Ang kuwento ay halos umiikot sa Babel institute at maikling binanggit ang Canton, China.
Simula
Sa simula, ipinakilala sa atin ang pangunahing tauhan, si Robin Swift, sa isang hindi masyadong pag-asa na sitwasyon. Ilang oras na lang ang layo niya sa kamatayan, hindi makaalis sa tabi ng kanyang namatay na ina na namatay mula sa bubonic plague. Nang malapit na siyang sumuko sa kanyang pagpanaw, isang misteryosong lalaki ang pumasok sa walang laman na tahanan, iniligtas ang maliit na batang Chinese na may isang mahiwagang bar ng pilak, na bumubulong ng ilang salitang Mandarin at ang pagsasalin nito sa Ingles. Sa lalong madaling panahon ang lalaki ay ipinahayag na si Propesor Richard Lovell, isang propesor sa Britanya sa Babel institute, at ang biyolohikal na ama ni Robin. Pinapasok niya si Robin at tinuruan siya ng mga tutor ng Latin, Greek, at iginiit na patuloy siyang mag-aaral ng Mandarin, lahat bilang paghahanda sa kanyang pag-aaral sa Babel institute.
Makalipas ang ilang taon, ipinadala siya ni Propesor Lovell sa Babel. Nakilala niya ang iba pang miyembro mula sa kanyang first-year cohort at nakipagkaibigan sa kanila; Ramy, Victoire, at Letty. Simula noon, silang apat ay gumugugol ng halos lahat ng kanilang oras na magkasama, sa panahon ng mga klase at sa labas ng mga ito, kasama sina Ramy at Robin na halos hindi mapaghihiwalay. Nasisiyahan sila sa kanilang buhay bilang mga unang taon na magkasama, ang pamagat ng pagiging isang iskolar sa Babel na nagpapalaki sa kanilang lahat at umaasa para sa kanilang kinabukasan bilang mga tagasalin, na niroromansa ang kanilang paglalakbay sa akademya nang magkasama. Natutunan nila ang lahat ng tungkol sa mga wika at ang kahalagahan nito, ang masalimuot na paraan ng mga pagsasalin ng match-pair at silver bars (ang mismong bagay na nagpapaikot sa kanilang mundo), nang sama-sama, kapag binibigkas, ginagawang realidad ang mga salita.
Pagkatapos ay nakilala ni Robin si Griffin, ang kanyang nakatatandang kapatid sa ama - ipinakilala bilang isa pang half-Chinese na anak ni Propesor Lovell - na nag-recruit sa kanya sa Hermes Society, isang lihim na organisasyon na ang pangunahing layunin ay upang bawasan ang silver supremacy ng Britain. Ipinaliwanag ni Griffin kung paano sinasamantala ng Babel ang mga wika ng mga dayuhang bansa upang mapanatili ang pangingibabaw sa kanila ng Imperyo ng Britanya, kaya nagpasya si Robin na sumama dito, tinutulungan si Griffin na magnakaw ng mga pilak na bar upang matulungan si Hermes. Gayunpaman, ang pagkabalisa at pag-aalinlangan ay nagsimulang bumalot sa isipan ni Robin habang lumilipas ang panahon, na gugulo sa pagitan ng pagnanais na makipaglaban sa tabi ng Hermes Society para sa layunin na kanilang pinaninindigan o upang ipagpatuloy ang pagiging isang mahusay na mag-aaral sa Babel, upang tuluyang maging isang tagasalin ng imperyal at mamuhay ng komportableng buhay tulad ng gusto ng kanyang ama sa kanya.
Sa kalaunan, sa panahon ng kanyang ika-3 taon sa Oxford, nagpasya si Robin na putulin ang lahat ng pakikipag-ugnayan kay Hermes, na hindi nagawang magsinungaling sa kanyang mga kasamahan at sa mga nasa paligid ng institute.
Kasukdulan
Ang pangunahing apat ay sumama kay Propesor Lovell sa isang paglalakbay-dagat sa Canton bilang kanyang mga tagapagsalin. Nakuha niya si Robin na magsalin para sa kanya sa pakikipagpulong kay Lin Zexu, isang opisyal na ipinadala upang ihinto ang kalakalan ng opium. Ang mga pag-aalinlangan ni Robin tungkol sa imperyo ng Britanya ay lalong lumala habang nasaksihan niya mismo ang isang opium den, panloob na pumapanig sa mga opisyal mula sa Canton, na madali sa kanila habang nagsasalin siya para sa mga Propesor. Ito ang dahilan kung bakit si Propesor Lovell ay kagalitan siya sa kanyang pribadong kwarto, na nagpabigla kay Robin, na pinatay ang kanyang biyolohikal na ama gamit ang isang silver bar. Ang parehong pilak na bar na ginamit ni Griffin upang patayin ang isang matandang miyembro ng kanyang pangkat. Ang kanyang mga kaibigan, sa isang estado ng pagkabigla, ay tumulong na itago at itapon ang katawan ni Propesor Lovell.
Nang bumalik ang apat sa Britain, natuklasan nina Ramy, Victoire, at Robin na ang mga negosasyon sa Canton ay isang bitag, na sinusubukan lamang ni Lovell at ng kanyang mga kasamahan na bigyang-katwiran ang pagsisimula ng isang digmaan, na nagpapahintulot sa Britain na sakupin ang mga pilak na stockpile ng China. Si Letty ay pumasok sa kanila sa pag-aaral ni Propesor Lovell, pagkatapos na pasukin ng grupo ang kanyang bahay habang naghahanap sila ng matutuluyan, at isinumpa niya ang kanyang katapatan sa kanyang mga kaibigan. Nakipag-ugnayan sila sa Hermes Society at pinapasok sila ng mga miyembro, dahil wala nang ibang ligtas para sa kanila pagkatapos ng ginawa ni Robin, at nakabuo sila ng isang plano upang makatulong na matigil ang digmaan. Sa kasamaang palad, ang kanilang mga plano ay nauwi sa pagkabigo dahil si Letty ay nagtaksil sa kanila. Hindi niya sinasadyang nabaril si Ramy habang sinasalakay ng mga pulis ang punong-tanggapan ng Hermes, na diumano'y pinupuntirya si Robin, na ikinalungkot ni Letty at Robin. Sina Robin at Victoire ay dinala sa kulungan.
Wakas
Sina Robin at Victoire ay pinahirapan sa kani-kanilang mga selda, sinusubukan ng kanilang mga nang-aabuso na sabihin sa kanila ang higit pa tungkol sa kanilang nalalaman tungkol sa Hermes Society, ngunit wala ni isa sa kanila ang sumuko, karamihan ay dahil wala silang masyadong alam tungkol sa lipunan. Sa kabutihang palad, dumating si Griffin upang kunin sila, sinira sila sa kanilang mga cell, ngunit nauuwi sa pagkamatay sa proseso. Naging sanhi ito ng pagpapasya nina Robin at Victoire na ang puwersa ang kanilang tanging pag-asa kung gusto nilang magtagumpay, sa huli ay nagpasya silang kontrolin ang tore ng kolehiyo ng Babel. Nagre-recruit sila ng ilang estudyante at propesor sa sandaling sinunod nila ang kanilang bagong nabuong mga plano, na pinipilit ang iba na umalis sa gusali. Inalis nila ang mga resonance rods nang unti-unti, pinuputol ang magic ng pagsasalin sa iba't ibang bahagi ng Britain, na nag-aanunsyo na magpapatuloy sila sa paggawa nito maliban kung ang Britain ay nakipagkasundo sa China.
Si Robin at ang kanyang grupo ay nakakuha ng mga tagasuporta, mga radikal at mga repormador, na tumutulong na protektahan ang Oxford laban sa hukbo ng Britanya, na nag-aalok kay Robin at sa iba pang pagkain at iba pang mga suplay na kailangan para mabuhay. Kung wala ang Babel, hindi magagawa ng ibang mga tagapagsalin ang silverwork at maintenance na kailangan para suportahan ang lahat ng imprastraktura ng Britain, at bilang resulta, ang Westminster Bridge ay nawasak. Binisita sila ni Letty, nakikiusap sa kanila na sumuko, na ipinaalam sa kanila na ang hukbo ay sasalakayin ang tore sa madaling araw. Sina Robin at Victoire ay namamahala na maging diplomatiko sa kanya, ang kanilang mga damdamin ay magkasalungat pagkatapos ng kanyang pagkakanulo. Matatag sila sa kanilang desisyon na manatili at kaya umalis si Letty sa ilang sandali. Si Robin, na hindi matatag ang pag-iisip mula noong Canton, ay nagpasya na sirain ang tore, at lahat ng iba pa dito, sa halip. Hinayaan ni Robin ang mga gustong tumakas, kaya tumakas si Victoire, kusang isinakripisyo ni Robin at ng iba pa ang kanilang mga sarili para sirain ang Babel tower para matigil ang silver industrial revolution.
Uri ng nobela
Ang genre ng Babel ay isang fiction, historikal, fantasy na nobela na nagsasangkot ng mga tema ng imperyalismo, kapitalismo, rasismo, pang-aapi sa wika, kolonyalismo, at rebelyon. Mayroon itong madilim na academia vibe na nauugnay sa mga kumplikado ng pagsasalin, pagkakanulo, at natagpuang pamilya.
Tema/ Damdamin
Bisang Pangkaisipan
Nakatulong sa akin ang nobela ni RF Kuang na maunawaan na kahit na ang pangunahing layunin ng pagsasalin ay pagsama-samahin ang iba't ibang kultura, maaari rin itong maging kasangkapan para sa pang-aapi, isang sandata, kapag kinokontrol ng mga maling kamay. Ang ideya na ang akademya, na kadalasang nakikita at inaanunsiyo bilang isang lugar na nakatuon sa pag-aaral at mga gawaing intelektwal, ay maaari ding kasangkot sa kolonyal na pagsasamantala at mga bagay na katulad nito ay talagang nagtanong sa akin sa etika ng paggawa ng kaalaman.
Bisang Pandamdamin
Ang nobelang ito ay nag-iwan ng isang pangmatagalang emosyonal na epekto sa akin at natagpuan ko ang aking sarili na sumasalamin at nauugnay sa karamihan ng mga karakter sa kuwento, nakikiramay sa kanila nang higit at higit habang binabasa ko ang bawat kabanata. Ang mga pangunahing bahagi na higit na tumatak sa akin ay ang panloob na kaguluhan ni Robin habang ang mga bagay ay dahan-dahang nagsimulang masama at ang kanyang sakripisyo sa huli, ang pagkamatay ni Ramy at ang paraan ng pagdurog ng lahat ng kanilang mga puso, lalo na ang kay Robin, at ang paraan ng pagtataksil ni Letty sa mga taong mayroon siya. ginugol ang karamihan sa kanyang mga taon ng paggising sa Babel. Ngunit sa kabila ng lahat ng dalamhati, ang nobela ay nag-alok sa mga mambabasa nito ng mga kislap ng pag-asa at mga pahiwatig ng mainit at komportableng pakiramdam sa tuwing magkakasama ang mga pangunahing tauhan. Ang aklat na ito ay ganap na pinatunayan na "Ang dugo ng tipan ay mas makapal kaysa sa tubig ng sinapupunan," salamat sa maka-inang pag-ibig ni Mrs. Piper para kay Robin at sa kanyang hindi mapatid na ugnayan kina Ramy at Victoire.
Bisang Pangkaasalan
Ang nobela ay nag-iiwan sa atin ng maraming mensahe at moral na aral, at kahit na napakalaki para sa akin, narito ang ilan na nakuha ko:
Ang pagtindig laban sa mga kawalang-katarungan ay nangangailangan ng malaking lakas ng loob at kadalasan ay nangangailangan sa atin na gumawa ng mahihirap na desisyon at sakripisyo.
Ang pag-unawa sa linggwistika at pagkakaiba-iba ay mahalaga kapag nahaharap tayo sa mga sitwasyong may kinalaman sa pagbubura ng kultura.
Ang kasakiman ay mapanira. Kapag ang mga ambisyon ay naging masyadong makasarili, maaari itong humantong sa iyo na saktan ang iba.
Sa ilang mga kabanata, binibigyang-diin ng aklat na ang pamilya ay hindi kailangang maging mga taong biyolohikal mong kamag-anak.
Itinatampok nito ang kahalagahan ng empatiya at pagkilos, na nagbibigay-inspirasyon sa atin, mga mambabasa, na ipaglaban ang pagbabago sa mapayapang paraan man o sa pamamagitan ng karahasan. Ang pagbabago ay pagbabago pa rin at kung ito ay para sa ikabubuti ng lahat, bakit hindi ito subukan?
Pagsusuring pampanitikan
Teorya
Ang nobela ay medyo nauugnay sa teoryang Marxist, na inilalantad ang kawalan ng katarungan sa pagitan ng makapangyarihan at walang kapangyarihan. Sa Babel, ito ay kinakatawan sa pamamagitan ng British Empire na pagsasamantala sa mga kolonisadong bansa at paggamit ng kanilang mga wika upang mapanatili ang kanilang pangingibabaw. Ang mga silver bar at translation magic ay nagiging metapora para sa paraan ng pagkontrol at pagsasamantala ng mga imperyal na kapangyarihan sa mga dayuhang kultura/bansa para mapanatili ang kanilang superyoridad.
Akda
Sinusuri ng RF Kuang ang mga makasaysayang kaganapan sa pamamagitan ng paglalahad ng kuwento sa pamamagitan ng mga marginalized na pananaw, sa pamamagitan ng mga mata ng ating minamahal na bida, si Robin Swift. Ibinunyag din ng may-akda kung paano maaaring maganap ang kolonyal na karahasan hindi lamang sa pamamagitan ng pisikal na puwersa kundi sa pamamagitan din ng linguistic at cultural appropriation. Bukod pa riyan, ang pagsasamantala ay makikita sa nobela kung paano umaasa ang mga pilak na bar ng Babel sa kaalaman at kasanayan ng mga kolonisadong dayuhang estudyante upang sila ay magtrabaho. Ginagamit ito ng mga British para mang-api at mangibabaw sa ibang mga bansa sa halip na gamitin sila para magkaisa.
Pagsusuri
Ang mga kaganapang ito ay nagpapakita sa atin ng mapangwasak na kalikasan ng kasakiman, partikular na nakikita sa pamamagitan ng pangangailangan ng The British Empire na magkaroon ng kapangyarihan sa ibang mga bansa at nangangailangan ng higit pang pilak, sa kabila ng pagkakaroon na nito ng sapat, na sumasalamin sa pagsasamantala at karahasan ng mga kolonyal na sistema. Kaya't nang maghimagsik si Robin at ang kanyang mga kaibigan laban dito, na isinakripisyo ang kanyang sarili sa proseso ng pagsira sa tore ng Babel, itinatampok nito kung gaano kinakailangang kumilos at paglaban laban sa pang-aapi. Pinupuna din ng nobela ang papel ng akademya sa mga sistemang ito.
Konklusyon
Isinulat ni RF Kuang ang Babel na nasa isip ang mga isyu ng nakaraan, dahil itinakda ito noong 1830s, habang umaasa rin na harapin ang mga paksa at problema na naroroon pa rin sa kasalukuyang panahon tulad ng rasismo, pang-aalipin, at kolonyalismo. Sa pagtatapos ng lahat ng ito, sinasabi sa atin ng aklat na ang pagkilos, o ilang uri ng karahasan, ay medyo kailangan kung gusto mong gumawa ng pagbabago. Ngunit ipinaalala rin sa atin ng Babel na posible rin ang mapayapang rebolusyon kung bibigyan ng pagkakataon na mangyari. Ang Babel ay talagang hindi malilimutang nabasa.
1 note
·
View note
Text
"Gustong gusto ko talagang marinig yung mga talks highlighting zeal, courage, love, and just about any good qualities a Bible character showed. Pero not just any Bible character. Yung mga character sa Bibliya na hindi nga nanonotice. Ang ganda lang. Kasi if no one notices them, it's Jehovah who always does." 🤍
0 notes
Text
PAHAYAG NI HESUS 3
Mga Puna: Ang simbahan sa Sardis ay kumakatawan sa ating kaluluwa na konektado sa ating dayapragm. Sa gayon, nakakatulong ito upang mabago ang ating hininga ng buhay at nagsisilbing kalasag ng pananampalataya, dahil pinapanatili nitong matatag ang ating pagkatao sa kabutihan, ayon sa mga turo ni Hesus. Sa ganitong paraan, hindi kumikilos ang takot, upang maisagawa natin ang ating mabuting gawain nang may balanse.
Ang simbahan sa Philadelphia ay kumakatawan sa ating kaluluwa na konektado sa ating pusod. Kaya, ang aming mga vibrations ay propagated sa mahabang distansya.
Ang simbahan sa Laodicea ay kumakatawan sa ating kaluluwa na nakaugnay sa ating mga sekswal na organo. Ayon sa Banal na Bibliya, umiral ang sex para magkaanak. Sa Genesis, nakasulat: maging mabunga, magparami, punuin ang Lupa.
Higit pa rito, para sa kapakanan ng lahat, ang pakikipagtalik ay dapat gawin nang may paggalang! Sa ganitong paraan, ang pakikipagtalik ay sinusuportahan at sinasang-ayunan ng Diyos at ni Jesus.
Ang lahat ay dapat gamitin ng mabuti, ayon sa banal na turo, kabilang ang sex!
0 notes
Text
11072024 Mawawala na.
Nagagalit ako. Umiiyak. Nababaliw. Nagtatampo. Halo-halong emosyon na ang nararamdaman ko. Ito na yata ang isa sa mga pagsubok sa buhay na sobrang sakit at hirap. Dahil wala akong magawa. Hindi ako makakilos. Hindi ako makagawa ng solusyon.
Mawawala na sa'kin ang lugar na tinuring kong akin. Tinuring kong takbuhan ko tuwing ako'y naglulugmok. Ang lugar na nakasanayan kong inuuwian. Ang lugar na una kong nakagisnan mula pa noong ako'y bata pa. Mawawala na. Wala na. Wala akong magawa.
Para akong pinagsakluban ng langit at lupa. Lahat ng tanong na bakit sa Diyos ang laging ko sinasambit. "Do not be anxious. Do not worry." Sinabi yan ng ilang beses sa bibliya pero hindi ko mawari bakit parang hindi naman totoo. Imposibleng hindi ito maramdaman sa lahat ng nangyayari sa'min. Hindi ko maintindihan.
Wala akong ibang hinihiling kung hindi wag na bumalik sa dati. Iiyak muna bago ipikit ang mga mata. Dahil sobrang sakit. Walang kapayapaan kahit sa pagtulog at panaginip. Natatakot ako. Nandito nanaman sila. Mga bumubulong sa tenga at utak kong, "tapusin mo na". Sana lahat ng to'y mawala na. Masakit na pagsubok, pag-iyak sa gabi, parang awa, wakasan na.
0 notes
Photo
Basahin ang Bibliya: beblia.com 🙏
Sabihin mo ang Amen kung sang-ayon ka
2 Tesalonica 1:6-8
beblia.com
#bibliya#mga bibliya#Diyos ay mabuti#banal na Bibliya#kristiyano#Diyos#Hesus#Panginoong#simbahan#buhay#katotohanan#nagmamahal#Kristo#minamahal#ebanghelyo#pagsamba#biyaya#manalangin#panalangin#malaki#kristiyanismo#mga simbahan
0 notes
Text
Hindi nababasa sa kahit anong bibliya ang pag-ibig na ibinigay mo, sinta. Patuloy na mangingibabaw sa kahit anong planeta ang naramdamang pagmamahal—hinigitan mo ang pag-ibig na binigkas ng Panginoon. Mas naging bihasa tuloy ang balat kong makiramdam sa haplos ng mga palad mo kaysa sa pangaral mula sa simbahan.
Bukod ka ngang natatangi kaysa sa pag-ibig na binigkas ng Maykapal—kaysa sa ibinigay niyang pagmamahal. Hayaan mong tuluyang maging sakramento ang paghalik sa labi mo’t sundin ang ninais ng tadhana para sa ating dalawa. Pahintulutan mong mahalikan ito’t pumunta sa kabilang planeta dulot ng umaapaw na pagmamahal na naramdaman ko sa ‘yo.
Luluhod para sa ’yo, na para bang ika’y rebulto ng isang santo.
Papabayaan ang pagbagsak ng aking dalawang tuhod kahit pa sa harapan ng bawat bathalang kilala mo, ngunit tanging paa mo lamang ang hahalikan upang maramdaman mong higit ka sa kahit anong bathala, Panginoon—sa mga sinasamba nila. Ikaw lamang ang tanging gagawan ng dambanang may itsura mo na luluhuran ko.
Wala nang hahanapin pa sa ibang planeta, marahil dahil nalagpasan pa ang pakiramdam sa bawat ligayang naasam.
Pangalan mo ang sasambitin tuwing gabi, higit pa sa mga nakaukit na salita sa bibliya—titingalain ka tulad ng isang planeta.
0 notes
Text
Ano ang mga nagkakatulad sa Prinsipe Teñoso at Ibong Adarna?
[pagsasalin nito sa wikang Tagalog; maaaring may mga hiram na salita]
Mayroong ilang mga elemento o bahagi ng salaysay na nasa parehong katha.
Ang karaniwan-ngunit-mayaman na Don Juan - Sa parehong katha, ang bida ay pinangalanang Juan, isang karaniwang pangngalan sa mga populasyong Hinispano. Samantalang mayroong bahid ng "karaniwang tao" diyan, ang salaysay ay tinatangi siya [sa iba] sa pamamagitan ng paggawa sa kaniya bilang isang mariwasang tao, kung gayon ang honorific o pamagat na panggalang na Don. Ang parehong mga bide ay mga prinsipe rin sa kanilang mga sariling kaharian.
Ang nagdamdam na ama at pagsumpa ng mga anak - Sa Ibong Adarna, si Haring Salermo ng Kahariang delos Cristal ay hindi gusto na magpakasal ang kaniyang paboritong anak, si Donya Maria Blanca, kay Don Juan. Upang maparusan ang kaniyang anak, sinumpa niya ang kaparis niya; binatid niyang hula na makakalimutan ni Don Juan siya, iibig sa iba at itatakdang ikasal sa taong iyon. Habang ang salaysay ni Prinsesa Flocerfida ay hindi isang eksaktong tugma sa salaysay ni Donya Maria, si Prinsesa Flocerfiday ay pinarusahan din ng kaniyang ama dahil ginusto niyang pagpakasal sa isang tanging lalaki. Nangyari din na parehas na Don Juan [ang kanilang mapapangasawa] at ang mga lalaking iyon ay nasumpa sa isang pagkakataon, subalit si Prinsipe Juan Teñoso ay sinumpa ng kaniyang sariling ama ng ibang kadahilanan. Siya ay sinumpa dahil pinalaya niya ang tropeo ng kaniyang ama, ang isang nagdurusang bihag na higante. Ang parehong mga prinsesa ay naikasal sa kanilang mga pinili kahit na nagkaroon ng mga balakid o pagsubok.
Ang higante - Mayroong higante na hindi namiminsalang nilalang sa Prinsipe Teñoso na binihag ng kaniyang ama na si Haring Artos. Katulad niyon, may higante rin sa Ibong Adarna, subalit ang higante doon ay makakatwiran na nakapipinsala sapagkat may binabantayan siya na prinsesa sa malalim na balon (upang hindi makaalis?).
Maging mabait sa mga ketongin - Sa Bibliya, ang ketong ay hindi natatanging tumutukoy lamang sa sakit na ngayong kilala bilang Hansen's disease at ang salita ay ginagamit para sa mangilang bilang ng sakit sa balat. Si Hesu Kristo, isang mahalagang bahagi ng Bibliya, ay nagpakita ng kabaitan sa mga ketongin na in-o-other o iniiba sa lipunan. [Marahil na] parehong may Kristiyanong impluwensiya ang Prinsipe Teñoso at Ibong Adarna, ang mga mahahalagang katauhan sa mga salaysay na iyon ay sinunod ang gawi ni Kristo kung saan ang ibang mga tauhan ay humamak lamang sa mga may sakit o dispigurado.
May balik ang kabaitan - Sa Prinsipe Teñoso, dahil sa kabaitan ni Prinsipe Juan Teñoso sa higante ay nakatanggap siya ng isang mahiwagang panyo na makakatulong sa pagpapaamo ng mga hayop at sumasakatuparan ng ilang mga hiling. Nakuha niya rin ang pabor o kalooban ng higante kaya ito'y tumutulong o naglilingkod sa kaniya paminsan. Si Prinsesa Flocerfida ay gintampalaan din ang kaniyang kabutihan. Sa Ibong Adarna, si Don Juan ay naging mabait din sa maraming tauhan na nangyaring mahalaga ang kanilang mga pabor upang maging matagumpay sa paglalakbay o salaysay ng bayani/bida.
Ang talab ng igting ng isip sa katawan - Sa Ibong Adarna, si Haring Fernando ng kaharian ng Bernanya ay nahihirapang malaman kung kanino ipapasa ang susi ng kaharian at dahil dito ang kaniyang katawan ay nalumo sa isang karamdaman na maaaring pumatay sa kaniya. Ayon sa isang diwata (isang mahiwagang nilalang na inilarawan niya bilang waring sugo ng Langit) na nagparoon sa kaniyang panaginip, ang kaniyang karamdaman ay tulong sa kapasyahan kung sino sa kaniyang mga anak ang makabuluhang o marapat magmana ng kaniyang trono. Kung sinumang siyang makakuha ng lunas sa kaniyang sakit ay siyang makakatunayang marapat. [Samantala,] ang isa pang hari sa salaysay na ito, si Haring Salermo, ay nagtamo rin ng karamdaman mula sa kaniyang isipang nagdadalamhati na ginusto ng kaniyang paboritong anak na maikasal na. Hindi tulad [ni Haring Fernando,] walang lunas ang kaniyang karamadaman. Sa Prinsipe Teñoso, nagalit [at nahimatay] si Haring Diego kay Prinsesa Flocerfida dahil ginusto niyang pakasalan ang isang lalaking mababa ang antas [sa lipunan]. Tulad ni Haring Salermo, nakakuha siya ng karamdaman mula sa kaigtingan ng isip, [isang karamadaman] na maaaring kumitil sa kaniya. Subalit katulad naman ni Haring Fernando ay may lunas naman ang kaniyang sakit.
Ang may sakit na hari at ang natatanging lunas - Si Haring Fernando ay nagagamot lamang ng awit ng mahiwagang ibong Adarna na nasa mapagsubok na bundok. Samantala, si Haring Diego ay malulunasan lamang ng gatas ng leon na nasa mapagsubok na bundok. Ang parehong lunas ay natatangi at mahirap makuha.
Lakbay sa kabundukan - Sa Ibong Adarna, ang mga prinsipe ay naglakbay tungo sa Bundok Tabor para sa mahiwagang ibon. Sa Prinsipe Teñoso, ang mga prinsipe ay naglakbay tungo sa Ika-Pitong Bundok. Nakakapukaw ng usisa, si Don Juan ng Ibong Adarna ay kinailangang makarating sa Ika-Pitong Bundok ng salaysay niya upang mahanap ang kaniyang asawa sa hinaharap. Sa parehong salaysay, ang bayani(/bida) ay kailangang magwagi sa malupit, makalikasang at mahiwagang mundo.
Ang bunso ang magwawagi - (Ang bunso ay nangngahulugang pinakabatang anak.) Isang arketipong tauhan sa kuwentong ada, ang bunsong lalaki ay magwawagi laban sa kaniyang mga kapatid na lalaki na karaniwang hindi mahusay o may kapintasan. Ang mga nakatatandang kapatid ay humahamak sa pinakabatang kapatid, iniisip na siya'y mahina, atbp. Sa Ibong Adarna, si Don Juan lamang sa kanilang magkakapatid ang nagtatagumpay sa pagpapaamo ng Adarna. Matapos sila iligtas habang napapa-sa-kamay ang kinakailangang ibon, binugbog nila [si Don Juan] hanggang siya'y 'di na halos humihinga at iniwan siya. Subalit nito, nakayanang gumaling ni Don Juan at [kalaunan niyang] natanggap ang papuri bilang [tunay na] bayani. May iba ring pagkakataon na siya'y ginawan ng mali ng kaniyang mga kapatid ngunit siya'y nagtagumpay gayunman. Sa Prinsipe Teñoso, habang siya'y nasa anyong balat-kayo, siya ay dinakip ng mga ibang prinsipe upang ipain sa mga leon habang kinukuha nila ang gatas nito. Gayunman, hindi nila nakuha ito dahil noong nakatagpo sila ng iba pang leon, masyado silang duwag upang matapos ang layunin. Si Prinsipe Teñoso, sa pamamagitan ng kaniyang katapangan at maaring dahil din sa kaniyang mahiwagang panyo, ay matagumpay niyang nakuha ang lunas na gatas. Ang mga prinsipe [mula kanina] na siya ang kanilang panginoon kung ibibigay niya ang lunas sa kanila. Umayon si Prinsipe Teñoso. Sa kalaunang bahagi ng salaysay, nagpakita ng karuwagan muli ang mga prinsipeng iyon at nagpaliban kay Prinsipe Teñoso na siyang nagpatunay na mahalaga sa pagwagi ng digmaan. Subalit sa Prinsipe Teñoso hindi magkakapatid ang lahat ng mga prinsipeng binanggit, gayunpaman ding gumanap na waging bunso si Prinsipe Teñoso.
Ang (pangkalahatang buod na) talata na ito at itong buod (ng limang bahagi) ng Ibong Adarna ay ang mga ginamit na sanggunian.
0 notes
Text
Life Lesson I've got sa misa in Antipolo Cathedral Let me summarize muna.
May isang matandang lalaki na nangangalakal na humingi ng tulong pinansyal sa isang pari dahil sa may sakit niyang asawa.
Yung pari, sakto naman, nakatanggap ng Money Gift sa isang kaibigan. Hindi pa man nag-iinit sa bulsa pero kinuha niya muli. Kaya naman may naibigay siya sa humingi ng tulong sa kanya.
The next day, nakita ulit ng pari ang matanda at sa isip ay "Eto na naman... Kapag napagbigyan, aabusuhin ka na." Ngunit di niya iniwasan bagkus ay hinarap.
Pero andun pala ang matanda para ibalita sa pari na ang kanyang asawa ay nagpapagaling na sa bahay at nakabili na ng mga gamot gamit ang perang kanyang binigay. Kaya siya bumalik ay para magpasalamat pala sa kanya. Kasabay nun ay yung pagreregalo sa kanya ng isang Bibliya na napulot daw niya mula sa pangangalakal. Nahihiya man ang matanda dahil hindi garbo ang kanyang pasasalamat sa Pari ngunit sigurado na ito ay ang regalong sincere at galing mismo sa kanyang puso.
You see, karamihan sa atin, mahilig din tayong manghusga ng iba base sa kanilang itsura, sa kilos, sa estado ng buhay. Pero magugulat ka kung ano ang nagiging epekto nito kapag nagbibigay tayo ng tulong nang hindi tumitingin sa kanilang panlabas na anyo. Naguilty man ang Pari sa kanyang naging panghuhusga sa Matanda dahil muli itong nagpakita sa kanya pero narealize niya na kung sino pa ang walang-wala, yun pa ang mapagbigay. Kung sino pa ang kapos, yun pa ang nagpapasalamat ng lubos.
Sana, lahat ng tao ganun... Na lahat ng tao, marunong tumanaw nang utang na loob at magpasalamat kahit di bongga ang kapalit.
#MhaiThoughts
0 notes
Text
Ang Payo at Gabay ng Diyos Ayon sa Bibliya sa Harap ng Malalim na Epekto ng Posibleng Gyera sa Pagitan ng Pilipinas at China: Isang Pagsusuri sa Implikasyon sa Ekonomiya, Lipunan, at Internasyonal na Ugnayan
Ang posibleng epekto ng isang gyera sa pagitan ng Pilipinas at China ay maaaring magdulot ng malalim at negatibong implikasyon hindi lamang sa ekonomiya kundi maging sa mga mamamayan at iba pang aspeto ng lipunan. Narito ang ilan sa mga kinakailangang malaman na epekto nito: Sa Ekonomiya: 1. Depreciation ng Peso – Ang halaga ng Philippine peso ay maaaring lalo pang bumaba sa gitna ng kaguluhan,…
View On WordPress
0 notes