#problemado
Explore tagged Tumblr posts
Text
Hello guys, musta na kayo rito? Kumusta na mga pangarap niyo? Kumusta na yung mga problemado dati sa pag-ibig na may mga asawa na? Sana okay lang kayo lahat. Sana you made it this far. Proud ako sa ating lahat. Masaya ako sa narating ng karamihan sa atin. Dala-dala natin ang memorya ng bawat isa. Andito lang ako palagi nakamasid sa lahat ng achievements niyo.
257 notes
·
View notes
Text






proof of life
-i’ve been very busy and I hate dealing with my broken phone that’s why i’ve been off social media and pasilip silip lang kaunti paminsan.
• i have a new tatt and sa wakas naparetouch ko na finger tatt ko na palaging nakakalimutan.
• 2nd time ko na nakapag-rto after ng ML ko. super fun padin talaga kasama mga workfriends ko.
• bebe(jacques’ teenager sister) left a note for us, siguro nung nag office ako. and di ko nanotice agad kasi nasa loob ng drawer ko. super natuwa ako kasi ang sweet. also, i love receiving little notes na ganito kasi i love leaving notes to special people din!
• super pagod and malapit na mategi kasi wala ng pahinga ang eabab na ito. wala na ngang time magphone, time pa kaya to rest???
- ang daming nangyari. nagkasakit pa jacques which left us with nothing, as in zero balance talaga. ang hirap mabuhay, lord!!!! hahaha ang galing mo talaga kasi lagi mong dinadagdagan problema ko habang problemado pa ako HAHAHAHA. pero kahit ganyan ka, lablab kita. i trust you padin, alam kong payayamanin mo ako sa future kaya hinahanda mo na ako hehe.
42 notes
·
View notes
Text
tsukishima kei is her best friend. it should not be more than that.
ilang on and off relationship na ba ni tsukishima ang nasaksihan niya, at ilang on and off friendship na rin ang nagkaro'n sa kanila dahil tuwing may partner si tsukishima, siya na ang umiiwas.
yet, both of them still acknowledged the fact that they were best friends since diapers. magkaibigan ang nanay nila. kaya naman tuwing family outing, nasa kanila siya, o si tsukishima ang nasa kanila.
that's why when she heard about this family outing, she's so frustrated because she's getting more and more transparent with her feelings. tanga kasi siya. kapag bestfriend, bestfriend lang dapat.
tulad ngayon.
hindi naman siya ganito ka-problemado noon. kaya lang, it has just been a week when she realized her feelings for him. at sa linggong iyon, nagagamit niya ang pagka-busy sa finals para maiwasan ang isa.
pero hindi niya iyon magagawa ngayon. that's why even though she's been shaking, she remained on the pool. tulala lang siyang nakasandal sa pader, bandang gitna, nakalubog hanggang balikat niya. she wanted to go, change, and eat but she could still hear his polite chuckles. panigurado, kapag nakita siya nitong umahon, lalapit ito sa kaniya.
"ate, hindi ka pa ba aahon? nilalamig ka na ah."
gulat siyang lumingon sa pinsan nang nagsalita ito. "hindi pa. gusto ko pa maligo!" at dinugtungan niya ito ng tawa para kapani-paniwala.
she doubt it's as believable as she believed it would be dahil naningkit lang ang mata ng pinsan. "iniiwasan mo ba si kuya kei?"
nanlaki ang mata niya. ganoon na ba siya ka-obvious?
"hindi ah! why would i?"
"crush mo na, 'no?"
"hindi rin!" winisikan niyo ito ng tubig. "ano ba 'yan, sab, kung ano-ano na lang iniisip mo. magswimming ka na nga lang," suway niya dahil lalo lang tumindi ang tibok ng puso niya.
sab's grin widened. instead of going away as she instructed, she just went beside her, and leaned on the wall also. "ang obvious kayang iniiwasan mo siya. dati kapag ganito halos hindi na kayo mapaghiwalay. pa'no hindi ka marunong lumangoy pero ang hilig-hilig mong pumunta sa dulo, lagi tuloy nakabuntot sa'yo si kuya kei." humalakhak ito. "mangiyak-ngiyak ka pa one time kasi akala mo malulunod ka na. as if hahayaan ni kuya kei 'yon!"
umirap siya, ramdam ang pamumula ng pisngi. sa kilig? sa hiya? hindi niya na alam. "eh hindi naman ako nagdudulo ngayon kaya hindi kami magkasama."
"that's what i've been saying! you're not risking going over there kasi alam mong kapag ginawa mo 'yon, pupunta rito si kuya kei." kumindat pa ang nakababatang pinsan.
"ang talino mo masyado, 'no?" sarkastiko niyang sagot.
"ako lang 'to—ay! kuya kei!"
nanlaki ang mata niya dahil sa sinabi nito. she was about to swim away but she already felt his big hand on her head.
"hindi ka pa ba aahon?"
still, she didn't look at him as she shook her head. "gusto ko pa magswimming."
before she could swim again, sab already held her arms. "don't believe her kuya! ikaw na bahala sa kaniya, akala mo ngayon lang nakaligo eh."
"kulit naman!" she whined.
"nanginginig ka na, tanga." si tsukishima iyon.
umirap siya. finally, nilingon niya na ang kaibigan at nakitang nakaumang na ang braso nito sa kaniya. hinayaan niyang hilahin siya nito paahon sa pool, pero kung nasa normal na estado siya, malamang ay hinila niya na ito sa tubig.
as she felt tsukishima's hand on her arms, she couldn't help but get angrier at herself. alam niya naman kasing wala sa mga kamag-anak niya ang nakatingin o nanghuhusga sa kanila dahil normal occurrence na lang ito. wala namang bago sa pakikitungo ni tsukishima sa kaniya, pero ito siya at nag-iinarte.
"so, what makes you stay in that pool kahit obvious na hindi mo kaya?"
nilingon niya ito nang ibalot nito ang dilaw nitong tuwalya sa kaniya. napakalapad na tao ni tsukishima kaya naman halos magdalawang balot sa kaniya ang tuwalya nito.
"na-miss ko lang magswimming."
"magkakasakit ka sa ginagawa mo. buti hindi ka dumudulo, tanga ka pa naman."
sinuntok niya ito nang marahan sa braso. "alam mo ikaw!"
tatawa-tawa nitong sinalag ang kamay niya, ang isang kamay nito ay nakaalalay sa tuwalya. "bakit? hilig mo 'yon ah, tapos naiiyak ka kasi akala mo walang tao sa gilid mo."
"wala ka kasing kwenta!" sagot niya.
kahit ga'no kabilis ang tibok ng puso niya ngayon, nagagawa niya pa ring sumabay sa biro nito. it just always came out as natural, maybe because hanggang dito na lang siya. dapat lang natural na ito sa kaniya.
naka-robe lang siya ng lumabas siya ng banyo, inaasahan na wala na si tsukishima sa kwarto, pero mali ang inaasahan niya. napalunok siya. imbis na pansinin itong nakaupo, mabilis niyang dinaklot ang damit na inihanda nito sa kama para sa kaniya.
she came out wearing a brown loose shirt, manipis ito pero tama lang para sa lamig ngayon, and her green dinosaur pajamas. nang marealize niyang suot din ni tsukishima ang kaparehong pajama, muntik na siyang hindi lumabas.
and she was right. she looked at him, longer than a friend should, wearing a white loose shirt, and his green dinosaur pajamas. si tsukishima ang bumili nito para parehas silang dalawa two years ago. suot din nito ang salamin na bigay niya.
"ba't 'di ka pa bumaba?" bungad niya habang inaayos ang pagkakasaksak ng blower.
"sabay na tayo, tinatamad ako makipagsocialize kila tito," sagot nito na ikinatawa niya.
"bakit? pinapa-shot ka na naman?"
umirap ito, binato sa kaniya ang maliit na unan. "yes."
"humihina ka na ba?" pang-aasar niya pa.
"tanga. tinatamad lang akong uminom."
humalakhak siya. muli silang nanahimik at tanging tunog lang ng aircon, at blower ang namamagitan sa kanila. hindi awkward. or so she hoped, because there's nothing to be awkward about. sanay naman na siyang nasa likod niya ito habang nag-aayos siya, minsan nga ay ito pa ang nagbblower sa kaniya.
bakit kasi nag-iba? kasalanan niya ito eh.
finally, her hair was done so she immediately put it in a bun. she grabbed her glasses from the table, before both of them went down.
"kain!" she exclaimed, jumping away from tsukishima.
iba talaga ang hagod ng inihaw tuwing swimming.
"dahan-dahan, madapa ka," suway ng tita niya. "nasaan si kei? hindi mo pa ayain?"
hindi niya nilingon ang tita na nagsalita. she simply pointed at her back as her eyes remained on the different food in front of her. kanina pa siya nagugutom!
"slow down, hoy." she felt his hand on her back, pero hindi niya ito nilingon.
"walang slow down slow down sa taong gutom."
"oh, sinong may kasalanan?" he gave her a deadpan look, while also giving her a plate with rice on it.
"oo na ako na, maya mo na ako pagalitan gutom ako," dire-diretso niyang sagot at tinanggap ang pinggan.
nang matapos siyang makakuha ng pagkain, akma siyang didiretso sa hagdan para maupo nang hatakin nito ang kamay niya. "dami pang upuan sa gilid, huwag ka humarang."
she pouted. that's when she realized he's holding her hand which was not holding the plate.
normal lang 'to. normal lang 'to.
"kinakabahan ako bukas!" she exclaimed as she delved on her food.
"bakit?" kalmado nitong tanong, busy ang kamay sa pagtulong sa paghimay ng hipon sa pinggan niya.
uminom muna siya ng tubig bago sumagot. "two days na tayo rito, hindi pa rin nanghahagis sila tito!" she shuddered at the thought. "last day na bukas, hindi naman na siguro sila manghahagis, 'no?"
"huwag ka na umasa." tumawa ito. "they were just talking about it earlier. may bago raw silang plano."
her eyes widened. it's their family's tradition to always throw people to the pool. it doesn't matter who, kung sino ang mapili ng mga tito niyang nanghahagis, kahit hindi ka marunong lumangoy, ihahagis ka. well, if you don't know how to swim, they will have someone to catch you on the pool. and even if you do, may naka-standby pa rin na tito sa gilid.
but even though it's safe, she's still nervous! lalo na iba-iba ang trip ng mga tito niya.
"what plan? may pa-gymnastics pa ba!?" she cried.
tawa nang tawa si tsukishima sa kaniya. napansin niyang hindi pa ito kumakain dahil himay nang himay ng pagkain niya kaya naman tinulak niya ang noo nito.
"kumain ka na nga! mabilaukan ka sana." she subtly moved away her plate.
delikado talaga siya kay tsukishima.
and their dinner remained like that. tinatawan ang mga nakababatang pinsan, nakikipag-asaran sa mga tito na lasing.
until silence ensued dahil nasa balcony na siya.
she silently went out of their room earlier, magkakasama sa kwarto ang magkakaedad na pinsan, kasama si tsukishima. right now, she was under the darkness of the balcony dahil hindi niya na binuksan ang ilaw. the moon was enough to capture the scenery below.
ang peaceful. especially with the stars.
however, despite the peacful environment tonight, her head was in chaos. she could feel her heart beat going faster and faster as she thought of tsukishima.
hindi naman siya nagsisising kaibigan niya ito, pero bakit sa lahat ng pwede niyang magustuhan, kaibigan niya pa?
she never had a crush before, nor someone she truly love enough to commit. 19 years, and nbsb siya by choice. pero kung mayroon mang makatitibag nito, ayos lang din. alam niya naman sa sariling ready na siya.
she just didn't expect that her first feelings would involve her bestfriend.
"tila... tala," she murmured. "sa kalangitan..." she wasn't even singing the song, simply saying it as if wishing.
bakit kasi ikaw pa, kei?
"malabo... malabo..."
"alin?"
"ay malabo!" she immediately cupped her mouth when she realized her voice got loud. nilingon niya ang may kasalanan, kasabay ng paglagay nito ng makapal na jacket sa balikat niya.
"anong malabo?" muling tanong ni tsukishima, nakasuot na rin ito ng jacket.
umirap siya. "mata ko, malabo," sagot niya. isinandal niya ang sarili paharap sa railings, kabaliktaran ni tsukishima na likod ang isinandal pero ang mata ay nasa kaniya.
"why are you here? wala ka pang jacket."
"pumasok ka na lang kung pagagalitan mo ako—aray!" hinawakan niya ang noong pinitik nito. "inaano kita?" mangiyak-ngiyak niyang tanong.
tsukishima only chuckled, keeping his hands in the pockets of his jacket.
ginaya niya ito at tumingala muli. she couldn't help but notice how the moon seemed to be brighter now than earlier, so were the stars.
"kei, may tanong ako."
she saw him glanced at her, no, fixating his eyes on her. at wala siyang kakayahan para gantihan ang tingin nito.
"go on."
"what does it feel to be in a committed relationship?" she started. bumibilis ang tibok ng puso niya, handa nang masaktan sa mga example nito.
but imagine her suprise when she saw him shrugged. "i haven't done commitments yet."
"huh?" she looked at him. "what do you mean eh last girlfriend mo nga six months ago? tapos three months before that may boyfriend ka naman? halos recently ka lang nabakante huy."
once again, pinitik ni tsukishima ang noo niya. "they're not commitments. ever heard of flings?"
"oh."
"yes, oh." inilapat ni tsukishima ang daliri sa noo niya, at bahagya itong hinagod bago nagpatuloy, "those were all mutual decisions, by the way. pare-parehong landian, o gusto ng experience."
"i didn't... think of that." she chuckled. "but do you think one day you'll commit?"
"of course... i'm just waiting." tsukishima's voice sounded so soft. he's only like this when he's really talking about something he's passionate about, and she couldn't help but feel jealous for the person he would be willing to commit to. "bakit ka pala nagtatanong? are you ready to commit? meron na ba?"
she bit her lower lip. she couldn't look at him, so she stared at the pool instead. "yes," she answered. hindi niya alam kung pagsisihan niya pero—bahala na. "i mean, yes i'm ready. ngayon ko lang naramdaman 'tong readiness na ganito, so tingin ko okay na."
"is that why you're quoting syd hartha earlier?"
surprised, she looked at him. pero nang makita niya ang mapang-asar nitong ngiti, muli niya itong sinuntok sa braso. "tigilan mo nga!"
natawa ito. "but really? sinong malas naman nagugustuhan mo at napa-ready ka na magcommit bigla?"
tanga ka, ikaw.
"ba't ko sasabihin?" she stuck her tongue out. "eh ikaw, anong hinihintay mo para magcommit? tamang panahon?" her laughs echoed the night.
he shook his head, smiling fondly. "siya."
"huh?" nahinto ang tawa niya.
"hinihintay ko na lang siyang maging handa."
ang ganda ng ngiti niya. nagseselos ako.
tsukishima kei what have you done to her? she has never felt like this before, everything is so foreign pero sigurado siyang nagseselos siya. sigurado siyang hinihiling niya ngayon na sana siya ang tinutukoy nito.
"what if ready na siya tapos maunahan ka? sigurado ka bang gusto ka rin niya?"
"sakit mo naman magtanong." tumawa ito, itinulak ang salamin. "sa tingin ko hindi ako mauunahan kung kikilos agad ako ngayong alam ko nang handa na siya. but if she doesn't like me back, and she has someone—ewan, shot na lang siguro."
this time, dalawa na silang tumatawa. "tama. hindi ako umiinom, pero sasamahan na lang kita."
silence ensued after that laugh. she looked at him, and this time, ang mata nito ay nananatili sa pool sa ibaba. subtly, she took a step back. she took that liberty to stare at his golden locks, being blown by the wind, his broad shoulders, his hand that's touching the railings now. she imagined it holding someone that's not her, and it hurt.
flings pa lang lumalayo na siya. panigurado, once he's committed to his someone, lalayo pa siya lalo. not literally, pero they won't be as close as this. she doesn't want to give the woman a hard time dahil babae rin siya. gets niya. masakit lang. probably once the feelings fade, babalik siya bilang kaibigan na lang talaga.
pero ngayon, siguro... siguro aamin na siya. para mabilis ang paglayo, mabilis din siyang babalik dahil mabilis siyang makaka-move on na. hindi magkakaroon nang dahilan ang someone nito para magselos sa kaniya.
ang hirap naman nito! nakaka-miss noong calculus lang ang problema niya.
her fist clenched inside the jacket. imbis na magmukmok, kinuha niya ang cellphone sa bulsa ng pajama at ilang beses na kinuhanan ng litrato ang anino nilang dalawa. nang muntik na siya mahuli, kinuhanan niya naman ang buwan na sa paningin niya ay lumalabo.
she was about to say something when tsukishima grabbed her phone from her hand. she watched as he turned it to selfie mode, and put his arms on her head, squishing her under. wala na siyang nagawa kundi mamula habang kumukuha ng litrato ang lalaki.
"parang tanga naman, 'to? walang sabi-sabi, hitsura ko ro'n."
"lagi namang ganiyan mukha mo, okay na 'yan."
"ano, mukha na namang tanga?"
"ikaw nagsabi niyan." humalakhak ito.
"ewan ko sa'yo!" huling sabi niya bago padabog na bumalik sa kwarto.
she woke up screaming as her uncles carried her from the room. the sunlight was already hitting her face habang maingat na hawak ng isang tito niya ang mga braso, at ang isa naman ay sa paa. hindi pa niya naip-process ang nangyayari sa paligid hanggang sa makarinig siya ng tawanan sa paligid.
"ayan ang huling alay! tagal mo gumising ah!" she heard one of her cousins.
she was just screaming until she felt she was being shook. pin-prepare na siyang ibato sa gitna ng swimming pool. hindi niya maidilat ang mata, pero nagsisisi siyang hindi niya man lang hinubad ang jacket kagabi! ang bigat tuloy!
"ah!" she screamed before finally feeling herself being thrown. she felt a gentle arms caught her on the pool, mukhang napaaga ang pagsalo nito dahil halos hindi niya maramdaman ang tubig sa katawan. pero nang marahan siya nitong inilubog, tinira lamang ang mukha niya sa ibabaw ng tubig, pinaghahampas niya ito.
"bwisit ka!" bago siya tumawa nang tumawa.
"napaaga eh!" tumawa rin ito. "anong gusto? anong gusto?" pang-aasar nito.
"duga ni kuya kei sinalo agad!" rinig niyang sigaw ni sab.
"kuya kei bakit ako muntik nang malunod!?" biro ng isa pa.
"ikaw," bulong niya.
"huh?"
"ikaw, gusto ko," sagot niya, nakataas ang noo. akala mo ay hindi basang-basa at bagong gising. akala mo ay hindi na halos mamatay sa kabog ng dibdib.
"what do you mean?"
"figure it out, stupid." umirap siya. itinulak niya ang dibdib nito dahil buhat pa rin siya nito. "iahon mo na 'ko, tanga. makakaagaw pa ng atensyon dito."
sinamaan siya ng tingin ni tsukishima, pero kita niya ang pamumula ng mukha nito. "mag-uusap tayo pag-ahon mo."
"mag-uusap tayo pag-ahon mo," she mocked, making faces as they went off the pool.
#haikyuu fanfic#fanfic#haikyuu fluff#tsukishima x you#tsukishima kei#tsukishima kei x reader#filipino#haikyuu filo#filo fic#oc#tsukishima kei x oc#confessions#friends to lovers#haikyuu headcanons#original character
36 notes
·
View notes
Text
Nacricringe talaga ko sa mga taong problemado to the point na puro problema nalang nila nirarant nila and di na sila sensitive sa kausap nila, like, ok given, marami kang problema and stress ka to the point na hindi mo man lang icheck or tanungin yung kausap mo kung siya ba kamusta ba siya??? BAKA KASE MAS MABIGAT PALA PINAGDADAANAN NYA I mean, yes, dumadaan sa point na di na naten talaga kaya pero sana naman after makinig nung pinagbuhusan mo ng issues sa life, maging sensitive enough ka rin para tanungin siya pabalik kung siya kamusta ba siya? Kase wala naman masama maging nandyan for the person pero sobrang nakakadrain narin na makinig without acknowledging na lahat naman may problema and ang bigat bigat kapag puro sariling issues mo lang iniisip mo.
4 notes
·
View notes
Text
Sabay-sabay nanaman ang problema.
I started investing in an air conditioning unit, which is ridiculously expensive wtf. That left me owing money to my father. Then, yesterday, I woke up and took my time in the toilet when my mother suddenly shouted, "ate, nako! nabasag ni tridi yung pinto ng washing machine!"
AND I WAS LIKE, "FUCK! NOT AGAIN!"
MONEY PROBLEMS AGAIN. But knowing me, I'm a little panicked (my parents are strongly opposed to me having my own dog at home since it's such a hassle for everyone especially me) but I made a little funny IG story about it while asking for help.
Sobrang problemado ko, kasi wala akong makita sa online na pamalit. But I contacted the customer service, lahat ng sagot nila puro i-oorder pa at baka about 2 weeks para before it will arrive.
Sobrang hirap ako magfocus sa work kahapon, halos wala rin ako nagawa kakaisip. Gusto kong magalit, gusto kong mag-inom. And I did, I went to a friend's wedding reception with Ken. I drank a lot. I was a mess lol, they're preggies so I am drinking alone and I brought with me the CULPRIT! TRIDI, my dog. We just sat down, I'm drinking and talking with Tridi, kinda emotional because I knew I have to give him up because I can't handle it anymore. The stress, the time it requires to care for him, the money to support him. Tanda ko, hinihimas ko siya, kinakakausap, siguro naiintindihan niya ako kaya naglalambing rin siya at that time. Ang saya magka-aso, pero sobrang hirap. Sobrang lungkot kasi kailangan siyang mawala kasi hindi ako capable enough, and it hurts me.
Kahit umayos na ang salary ko, pakiramdam ko, kulang parin.
Hindi naman ako maluho, pero mahilig ako kumain, pero hindi naman ako ubos biyaya. Pakiramdam ko, kulang parin yung tulong ko sa bahay, yung pagbibigay ko rin sa sarili kasi hindi ko rin mabili yung mga gusto ko at kailangan. Sumusubok ako maging VA, pero parang hindi para sakin. Balak ko magbusiness ulit, pero wala yung strong will to start.
Sa ngayon, nalulunod lang muna ako sa money problems ko lol
Next week, I'll be better. I hope I'll gain the strength to make things happened for me.
12 notes
·
View notes
Text
Mama ko yung problemado sa lovelife ko 🤣🤣🤣.
Siya yung nag iisip na wala daw ako kasama pag tanda kaya sa susunod daw na mag ka jowa ako oofferan na daw niya na 1/4 daw ng mamanahin ko ay nakatitulo na kay future jowa 🤣🤣🤣 may bahay naman na nga kami.
Sep. 23, 2023 09:40 pm
9 notes
·
View notes
Text
sino ang may acquired lactose na pilit pa din umiinom milk or eating anything dairy… tas na pag nagalburuto ang tyan problemado lol
2 notes
·
View notes
Text
grabe i couldn't imagine pano ko na su-survive yung mga problema ko buwan buwan. January, February, March 2023 financial problem. Tipong sakto lang lahat, walang sobra unless kakayod ka ng malala. April 2023, sakitin naman, and diagnosed nga ng hypothyroidism and ended up na need ko operahan. May 2023, after ng one week leave ko nung nag Ilo-Ilo, Guimaras and Bacolod ako inoperahan ako by the end of the month. June 2023 napaka hassle na recuperation period ng surgery ko, nalaman ko na ang outcome ng biopsy ko is Papillary Thyroid Carcinoma which lead to another problem na need ako i-radioactive iodine therapy ng end ng July 2023. Another gastos? Yes na yes for you! Comes August and September 2023 naman problem sa work that they are asking for medical documents na hindi pa na po-provide sa akin ng doctor ko dahil I'm still under observation in addition to that namatay pa yung favorite kong kapatid ng lola ko. October 2023, I fully resigned sa work ko tas namatay naman yung nagiisa at natitirang kapatid ng lolo ko due to cancer din. November 2023 my dad resigned sa government dahil sa napaka lame niyang reason again he gave us another financial problem because the child support na binibigay niya from Comelec is na stop and may pinaglalaanan yon. We are not ready for that, we are not advised. December 2023, akala ko smooth nalang lahat. Tanggap ko na sobrang problemado talaga ng taon na to, pero hindi pala. Pinalo nanaman ako ni Lord, last year ko nalang nga sa PUP nagka problema pa. Bitter sweet yung pakiramdam sobra. Ewan ko ba, sana last na 'to. Kasi napapagod na ko. Nahihiya na ko sa support system ko sa mga nangyayari sa buhay ko. 2023 is not for me but I learned a lot.
5 notes
·
View notes
Text
9:49 pm, Ika-12 ng Abril, Taong 2024
Makasarili na ba ako nito dahil lumalayo ako sa mga taong may pakialam sa akin? Masama ba ako dahil dumidistansiya ako? Baka nga, dahil nasasaktan sila.
Kahit pamilya nagawa kong i-unfriend sa social media at lumayo. Sa kaibigan ko naman ay nagawa kong distansiyahan at layuan, binalak ding tapusin ang pakikipagkaibigan. Masama na ba ako nito? Nais ko lang namang protektahan ang pansariling kapayapaan ko, o di kaya nama'y, nais ko lamang na hindi makaistorbo.
Palagay ko kasi pabigat lang magsabi ng problema sa iba kaya naman mas mainam sa akin kung sarilihin ko na lamang lahat. Ano rin namang mababago ng pagsabi ko hindi ba? Tingin ko kasi lahat ng tao may kani-kaniyang problema, ayaw ko namang mag-alala sila sa akin dahil problemado ako. Lahat naman tayo nagsusuot ng maskara at nagkukunwaring okey lang ang lahat kahit hindi naman talaga.
Pasensiya na sa aking ina, na umiiyak dahil hindi ako bukas sa kanila na magulang ko. Dahil hindi ako nagsasabi ng mga problema ko o kahit mga masasayang pangyayari sa buhay ko. Sadyang ganito ako e, hindi ako sanay magkuwento kahit kanino.
Pasensiya na rin sa kaibigan ko, na naramdaman kong parang natraydor ako dahil kaibigan niya ang ex ko. Dahil sa pagkaramdam ko ng pagkatraydor ay nagkaroon ako ng galit, dahil bukod sa kinaibigan, ay nagustuhan din niya at inaasar silang dalawa sa klase ng mga kamag-aral niya pati ng guro niya.
Pasensiya na sa mga kaibigan ko na nagpapakita ng pag-alala sa akin sa tuwing tahimik ako. Sadyang ganito ako, lagi akong tahimik. Lagi rin naman akong mag-isa at walang enerhiya makipag-usap sa mga tao. Pasensiya na talaga kung hindi ko kayo pinapansin sa tuwing tinatanong ninyo ako kung ayos lang ba ako.
Ganito talaga ako, tahimik akong tao, masisisi ko ba ang sarili ko? Hindi ako sanay magsabi sa iba, makihalubilo, at makipag-usap.
Sana maintindihan ninyo ang rason bakit ko inilalayo ang sarili, bakit hindi ko gustong magkuwento ng mga problema kahit anong pilit niyo. Sana intindihin niyo kahit isang beses man lang kahit na nasasaktan kayo sa pagdistansya ko mula sa inyo. Intindihin niyo naman ako, kasi pagod na akong makinig nang makinig sa inyo na lang palagi, na puro kayo reklamo na lumalayo ako. Intindihin niyo naman ako hindi lang puro kayo. Kahit anong paliwanag ko ni hindi man lang kayo nakikinig o umiintindi. Unawain niyo naman ako.
Pasensiya na rin sa isang guro na naging ate sa buhay ko, nabalitaan mo na siguro ang kumakalat na isyu patungkol sa akin. Pasensiya na, alam kong ayaw mo sa mga ganoong tao. Hindi mo man sinabi sa akin na alam mo, pero sa simpleng pag-reply man lang sa mensahe ko na wala akong natanggap kahit 'seen', sa mga reply mo sa komento ko sa mga post mo na tila taglamig sa sobrang bitin, ay nahahalata kong may galit ka sa akin. Pasensiya na, hindi ko na rin alam ang nangyayari sa sarili ko. Tatanggapin ko kahit na lumayo ka sa akin, takot akong mawala ka sa buhay ko, pero iintindihin ko ano man ang magiging desisyon mo dahil sa nabalitaan mong isyu tungkol sa akin, na hindi ko rin naman itatanggi dahil totoo naman ang isyu na iyon.
Pasensiya na, sana'y maging masaya kayo.
-Em (10:07 pm, Ika-12 ng Abril, Taong 2024)
1 note
·
View note
Text
Masyado lang akong nag enjoy sa buhay lately kaya eto ngayon problemado.
2 notes
·
View notes
Text
Nung isang araw problemado kami ni aj sa 60k. Tas naging 15k na lang kasi nakautang. Kaninang umaga, may nagpahiram ng 10k. 🥺 Buti may 5k ako so sakto na yung pambayad sa bahay.
Nakgwithdraw muna kami sa bpi, napikon nga ako at yung isang branch — mahaba ang pila; yung isang branch — both atm offline!! Sorry na, 30mins pa lang tulog ko tas ang init kahit 9am pa lang at wala akong ligo. So i decided na i bank transfer kay aj yung pera tutal mag over the counter naman sya.
After magwithdraw, dumaan kame sa bayadan ng bahay to ask if pwede pa ba magbayad. Sa letter kasi 30 days lang palugit — pero pwede pa daw. Aba, tanggi pa sila cash yon. Char.
Now, this is the miracle.
Pumayag sila na walang penalty yung babayadan. Nakiusap si aj kung pwede stop na muna sa amortization eme eme kasi wala pa namang naitatayong bahay, so parang nag nangyayari nagbabayad kame ng interest. Pumayag naman sila. So yung 60k sa letter, naging 30k na lang!!!! 🥺🥹
Grabe, imagine yung anxiety mula nung mareceive namen yung letter. 60k? Saan kami kukuha non?!
Sobrang naramdaman ko yung gaan sa feeling ni aj. Thank you, Lord!
Umalis kami sa office ng 10am kasi may check up si aj sa pulmo. Dumadalas kasi yung asthma attack nya. Sabi ng doctor, natrigger daw gawa nung twice nagkacovid. Parang effect sya ganon. Kasi may mga patients sya na same scenario. So ang advise sa kanya: nebules & antibiotic tas after non maintenance na ng inhaler. Nakakahiya nga sa doctor at hindi na nagpabayad gawa ng chief medtech yung kapatid ni aj sa ospital, nirefund yung binayad nyang cash.
After check up, bumalik kame sa office para isettle na lahat. Tas umuwi kami kasi may dadaan na tita si aj para kunin yung food para sa fiesta sa batangas.
We had Sisig Hooray at Master Siomai for lunch. May kwento yan, nanghingi kasi ako ng toyo sa sisig hooray for may sisig kaya lang wala sila maibibigay, so bumili si aj ng siomai AHAHAH cute.
So our next plan is to save 180k within 3 to 5mos for the bahay. Please, sana kaya ko kontrolin sarili ko huhuhu.
2 notes
·
View notes
Text
"TULA PARA SA AKING PANGARAP AT SARILI"
Ilang beses mang muntikang sumuko
Aking pinaglaban upang ako'y lalago
marami mang isinakripisyo na luha, pawis at dugo
Hindi susuko upang makamit ang gusto
na patungo sa pangarap na ito
kahit ako'y problemado
dahil sa mga pagsubok na mahirap italo
nandito naman ang pamilya na nasa tabi ko
at ang dahilan ng pangarap na ito
At kapag ako'y kinakabahan
Ang panginoong diyos lamang ang aking sandigan
dahil siya lamang ang makapangyarihan
na tutulungan ako at babantayan
patungo sa aking pinaghirapan
Kailangan natin itong paghirapan
upang ang pangarap ay makamtan
tama ba ako, kaibigan?
Huwag din nating kalimutan
ang ating mga kasamahan
noong tayo'y wala pang kaalaman
Ang pangarap ay layunin sa buhay
na kapag pinaghirapan ay tulay
patungo sa ating tagumpay
kaya ang pangarap ay ingatan nating tunay.
SUBMITTED BY : MANGARON DINAH MAE A.
12 SAGITTARIUS
SUBMITTED TO: MRS. EMILY BACALSO
3 notes
·
View notes
Text
Balang Ani ✿

by: vincipenn
Siya ay tila isang binatilyong di alam ang magmahal,
Kailangan ba ng magarbong salita o regalong materyal?
Tila’y kabado pa sa una, isip ay dinadaga
Gustong ma i-alay lahat hanggang puso ay mapiga
Problemado man ng konti, sa kakahayahan at butas na bulsa
Mahalaga’y ang katiting ay magsisilbing punla
Bitbit ang binhi patungo sa lupaing pag-asa
Mapabukakad lamang ang bulaklak na nais matamasa
“Oh Ikaw na ang bahala aking mahal na panahon, sa iyong lupain ako ay la-laon”
Yaring sinasambit ng aking bibig, ang tanging sigaw ng aking dibdib.
Nagsimulang maghukay sa lupang tanging mainam,
Galak sa taong matagal nang takot malantaan
Ibigay sana ang aking tanging kahilingan,
Sabay sa lupa ay aking tinabunan
Ngunit dumadating ang tagtuyot, hindi mo pa na ambunan
Ang sabi ko’y “sige ako nang gagawa ng agusan”
Ngayo’y kailangan ko ng sinag, kaliwanagang galing sayo
Pero maulap naman na tanghali ang dala dala mo
Di bale na, ililipat ko na lamang sa isang paso,
Medyo makukulob ngunit ligtas naman ang aking puso
Magpapayabong sa malayo na matatanaw mo,
Ngunit tandaan na kung sakali, dala ko parin ang pala ko
0 notes
Text
012125
Katapos lang ng shift ko and hindi nangyari yung last na usapan namin bago kami umalis mamaya ni Niko dahil delivery day nya today.
So simula nung araw na pumasok ako sa office at hindi nya ako nahatid sa office, puro pera lang ang naging problema namin as usual.
Pagkauwi ko galing ng office (01/16), onting pahinga lang ata ako nun for an hour tapos nagpasundo na ako sakanya pero sumaglit muna kami ng real quick dito sa bahay para ‘kumain’. Maaga sya nagchat sakin nito, 6AM lang ata, pahapyaw hapyaw lang din chat namin kasi nasa tropa nya sya ng ganun kaaga. Mag 12NN narin kami halos nakapunta sa dapat pupuntahan namin nung Wednesday pa, bago nga nya dapat ako ihatid sa office ang balak namin kaso di na namin napansin ang oras sa hotel room habang magkasama kaya di na namin nagawa. Umuwi lang din akong luhaan galing sa Home Along sa Ph10 Bagong Silang dahil puro rejected na ako, yung pinaka ineexpect kong Home Credit, rejected rin ako. Once lang naman ako nagka lapse tapos 5 days lang yung delay ko pero di ko gets bat ganun 🥲 Hanggang sa hinatid nya na ako pauwi at ako naman, di nako nakatulog kakaisip kung paano ko gagawan ng paraan phone ng kapatid ko kasi naka pangako yan sakanya tapos kulang na kulang na pera ko. At dahil naka subaybay nga lang ako sa phone ko, bigla naman nagchat sakin si Niko na may problema kami dahil mali yung number na pinagsendan ko kinagabihan nun. Mali ko naman talaga kasi dun dapat ako magsesend sa sinendan ko nung umaga palang bago nya ako sunduin, dun ko kasi nasend sa number na pinagsendan ko rin nung magkasama kami. Sabi nya kay Iries daw yun pero duda ako. Kung anu ano sinasabi nya na nagbibigay ng hindi magandang pakiramdam sakin, di ko alam bakit sya ganyan lagi sakin magsalita na parang gusto at kaya nya ako mawala sakanya, nagsasabay sabay narin iniisip ko. Tinapos ko ang shift na sobrang hilong hilo.
Kinabukasan (01/17), sa pagkaka alala ko parang hirap parin ako nito makatulog hanggang sa minigraine na ako. Nagchat sya sakin 2PM ng kung anu ano na naman at regarding parin sa pagkakamali ko sakanya nung isang gabi sa pagsend ng pera. Inaamin ko naman na mali kaso di ko alam bakit di ako ganun ka affected, kung tutuusin, may possibility ang mga sinasabi ni Niko pero parang di ako nag aalala. Humaba lang din away namin kasi nadugtungan, tapos binawasan nya pa yung pera na nakalaan nalang talaga para sa phone ni Janjan. Sa pagkakatanda ko, since nasa 1,700-1,800 pa talaga yun nung pag uwi ko galing office, naging 3,200-3,300+ sya nung Friday kasi nakahiram ako ng 1,200 kay Sheya na dapat pangbayad ko sana sa housing loan para mabuo kasi kalahati lang nabayad ko gawa ng kulang na kulang ang sinahod ko ngayon tapos additional pa yung butal sa ₱2500 na refund sa order na shoes ng dati kong kawork. Nirefund ko nalang tapos hinanapan ko ng mas murang srp, nakahanap ako ng 1,900 ang price kaya yung sobra nun nadagdag sa pera ko tapos sinobrahan ko pa ng ₱100 yung shipping fee nya kasi wala eh, di ko naman gustong gawin pero need ko muna mangupal eh. Maganda naman yung shoes na napadala ko. Kaso ayun, itong kinagabihan ng araw na to, humirit sakin si Niko ng ₱500. Pangkain at pang budget nya lang daw sana tapos susubukan nya daw puntahan ako pero nakapagsend nalang ako sakanya, di naman sya nagpunta. Sa Telegram kami huling nag usap nito. Huling chat nya sakin eh gusto nyang umisa kami that night kaso antok na antok na ako sobra, umoo nalang sya sabay nag offline. Naglambing naman at nagpaalam na pahinga nalang sya.
Tapos itong weekend (01/18), Sabado, problemado parin ako sa phone ng kapatid ko. Nahihiya ako sobra. Wala rin sya paramdam pero nakapag online sya sa Messenger. Hindi ko nalang pinansin kasi mas gusto kong matulog non. Halos maya’t maya napapapikit ako.
And then Sunday (01/19), nag iwan lang ako message sakanya sa Messenger tungkol dun sa nagpapa lay away sa Ph10 Bagong Silang. Hapon na kami nakapag usap pero latang lata parin ako nito at papikit pikit sa sobrang kulang sa tulog at pahinga, maging sa kain. Nagsabi sya sakin na may deliver daw sya (Monday), samahan ko daw sya. Na segue nya rin na hiram daw sana ako ng budget namin kasi gusto nya umalis kami pero di ko masyado iniintindi kasi ayoko mangutang. Humirit sya sakin na iload ko naman sya, nag aalala ako kasi pabawas na ng pabawas yung pera na tinabi ko, nagpapaload rin kasi sakin nun si Janjan hanggang sa kalaunan, yung pag aaya nyang umalis, napunta na naman sa hirit nya na bawasan nya daw muna. Ulit ulit ko na sakanya pinapa intindi nitong gabi na to na wala na talaga ako mapapahiram, pinaalala ko rin na hindi na kaya ipagpaliban pa yung pagbili ng phone ni Janjan. Nagka initan kami ng ulo at sobrang nastress ako. Ate, di ko naman siguro mafifeel yun kung hindi naman ganun ang nangyayari diba. Wala rin ako nagawa kundi magsend ng pera sakanya so bawas na naman ng almost ₱700 narin kasi yung load pa nilang dalawa ni Janjan. Sa sobrang dismaya ko di ko na nga chineck at inexit na agad ang Gcash app ko after ko masend, bigla nalang rin sya nawala after ko magsend ng pera at pag load ko sakanya.
And then kahapon, happy Monday! Hindi ko na maisip or masyadong inintindi yung deliver day nya kuno kahapon, yun kasi ang sabi nya eh. Nagising kasi ako ng 3AM tapos di na talaga ako nakatulog hanggang sa nagkausap na kami ulit. Girl, uminit ulo ko nung napansin kong naka private na naman ang mga kineso sa TG namin. Inisip ko nun baka nag deliver talaga sya at hindi nalang ako sinama pero talagang ginagawa nya nang habit yung ginagawa ko sakanya pag nag aaway kami na mag hhide ng kineso sa TG. So nag iwan ako ng same message sakanya sa TG at Messenger, napansin ko rin naman na nag delivered at ayun, naka online sya. Nireplyan nya ako mag 3PM narin na hindi daw sya nakapag deliver at mag update nalang daw sya sakin. Yung sinabi ko sakanya na mag reciprocate lang ako sakanya sa mga ginagawa nya sakin, paninindigan ko yun. Naudlot lang kahapon nung nangulit na sya magpunta sa bahay. Bago pa man din kasi sya mangulit, nag chat na sya sakin pero nag offline rin naman kasi sya tapos ako balak ko nalang talaga matulog kasi ilang oras nalang din, start na ng shift ko. Naudlot nung pupunta na sya dito sa bahay at talaga nga naman, binawasan nya na naman ang pera na tinabi ko.
Mag 5PM na sya nakarating sa bahay and then 5mins pagdating nya, bigla namang dumating si Mama kaya tumagal na naman kami buti nga di sya namemressure na sa mga bagay bagay, of course mahirapan kami umisa kung di kami kampante sa lugar. So ayun, tamang kwentuhan kami habang hinihintay ang tamang tyempo. Na-open na naman ulit si Joan sa hindi ko maalalang dahilan pero parang dahil ata dun sa nabanggit nyang Christmas Party nila nung 2023.
“Palo na kasi ako nun eh.”
“Eh bat ngayon hindi ba?”
“Nasira lang naman lahat dahil kay Joan eh.” Nakwento nya rin na gustong gusto daw ni Joan si Bella, tuwing umuuwi daw sya, meron daw laging pinabibigay si Joan na ikinasikip naman ng dibdib ko marinig. Binigay ko nalang kasi kay Bella yung dalawang regalo na hindi clinaim ng dalawang inaanak ko. “Sya naman kasi nanliligaw sakin eh, napapansin mo naman paano nya ako kausapin eh pero di ako pumatol, ayoko sakanya.” Na curious na naman ako kaya di ko na sya tinigilan tanungin at sabunin. Totoo naman kasi diba, umabot na sa point na kilala nya si Bella at gustong gusto pa daw kamo ni Joan tapos wala lang? Tamang pakita rin ng motibo. Until now na inaalala ko, kumukulo dugo ko at habang sinasabon ko sya kagabi, hindi nya ako masyadong iniintindi. Pinapa amin ko sya ulit kung may nangyari sakanila nun o wala pero naninindigan sya sa sagot nyang ‘wala’ kuno. Pwede ba yun? Umeffort ka tas wala kang mapapala? Umalis rin si Mama kaya naging malaya na kami ulit at ‘nakakain’ na. Na umpisahan ko na syang i-BJ pero naputol kasi biglang lumabas si Janjan at nag stay sa kusina, nung nagsabi ako na kami nalang ni Niko sa kwarto, pumasok naman si Janjan kaya tinuloy namin pero di kami natapos kasi nag aalangan sya sa galawan ng mga tao sa paligid namin. Nahihirapan ako patigasin, sya rin naman nagdecide na wag nalang kaya sabi ko bukas nalang pagsundo nya sakin kaya ang eksena namin, nagpasama ako sakanya sa Ph10 para dun sa nagpapa installment ng phone na naging cause ng pagka idle ko na naman sa work. Pagkuha ko ng unit, eto na naman sya sa hihirit sya ng pera na naman eh wala na ako mabibigay sakanya kagabi kasi nga binayad ko na sa downpayment. Nagtagal pa kami lalo sa may Kalayaan Elementary, dun kami nag sagutan. Kung ano yung pinag awayan namin nung Sunday night, yun lang din ngayon. Tinataasan nya na ako ng boses sa public place, di nako makasagot sakanya kasi lalo lang lumalala. Natakot ako nung bumaba sya sa motor at tumayo sa gilid ko, “Nakaka intindi kapa ba? Alam mo ayaw kitang saktan. Hindi ko ugali mag eskandalo, tignan mo ginawa mo sakin.” Paulit ulit nya ako sinasabihan na kung nakikinig ba ako sakanya, kesyo wag ko daw ipilit yung binibintang ko. Kumalma naman nung sabi ko na hiramin ko nalang yung baon ni Janjan, sure na sure naman sya kamo na mababalik ang perang mahihiram eh kasi isasanla nya phone ni Tita at mamayang madaling araw pa daw makukuha ang pera. So ganun ang ginawa ko. Nung nakuha ko na ang pera, at binalikan ko na sya para samahan sya bumili ng gamot ni Tita. Bigla na naman sya gumawa ng eksena na mag call kay Tita. Unang attempt nya, nasa kanila Ate Bang daw si Tita pero sabi ko edi iwan nalang nya ako sa malapit since kukunin lang naman reseta. Tumawag sya ulit tapos biglang sasama naman daw si Tita pauwi dito sa Harmony 1. Isipin mo ha, sya nagsabi sakin na wag ako papayag kung di ako makakasama sakanya pero ganun ang nangyari. Wala narin ako nagawa kaya inulit ulit ko nalang sakanya ihabilin yung pera sa pinagsanglaan na ibibigay nya daw maya maya pag uwi ng sasanlaan nya. Ayaw nya pa nga magpapigil kesyo kulang daw ang ₱500, girl, ₱700 nga lang ang binigay kong baon sa kapatid ko eh tapos kinuha ko pa ₱500 para sakanya.
Lunch break ko, walang nangyari at kinakabahan ako kaya nag 👇🏻 nalang ako pampakalma. 12:15AM, nag message sya na wala pa daw yung sasanlaan nya tapos di na nagreply. Nag reply ulit sya after an hour at nagsabi na bukas nalang at aagahan nalang. Nakakahiya sa kapatid ko, laking abala sa pera nya pero wala naman ako choice at ang last chance nalang para mabalik ang pera is deliver nya. “wala pang mention sakin sa gc pero sure ako na next nyan kaya aagahan ko na lang umalis tas jan na ako mag aantay ng tawag sakin. ok ba?” chat nya sakin tapos 6AM daw nya try gumising, pinaka sagad na daw ang 7AM. Time check, 5:36AM: hindi pa ako nakaka idlip at nakaka kain ng meal. Nag energen lang ako kanina. Eto yung need kong agapan everytime na ‘kakain’ kami ni Niko kasi ramdam ko narin sa sarili ko na bumabagsak na katawan ko kahit pa sinabi sakin kagabi ni Niko na para sakanya daw, di naman ako payat. Pipilitin ko talaga mag meal lalo na di ko kaya matulog, kahit yun nalang ang hindi ko maskip tuwing may ganito kaming dalawa. Promise ko yan.
So ayun, hintayin ko lang umalis na sila Mama at Janjan para makapagligpit na ako dito sa kwarto, makahugas ng pinggan na di ko naman kinainan, makaligo at makaprepare. Sana di mabalewala lahat lalo na di naman kami sure na deliver nya talaga ngayon pero last week, Monday sya nagdeliver nun eh tapos last last week, nung nasama nya ako, Tuesday yun so finger crossed nalang na sana g today!
Kung magkataon na hindi, wala talaga ako pang abono sa baon ni Janjan. Kaloka.
Waiting game… til next update.
0 notes
Text
Kinginang cravings ‘to, vape hahahahahahaaha ganon na naman ba ako ka problemado at stressed?
0 notes
Text
08/22/2024
hello been awhile! Huling post ko April pa? I wonder na kung sa Gitna non nag journal din b tlaga Ako.
Pang 4 na Araw ngaun simula Ng nag away kami ni ram. Nakakatawa na nakakalungkot na nasulat lang me dito pag problemado Ako. :/ Hindi ko alam pano nya natitiis na Hindi kami mag usap. Natatamad na ko Ikwento bat kami nag away. Nakwento ko narin Kasi Kay ate quesel.
Oo nga Pala pagod din Ako, Pagod sa pag aalaga sa baby habang nag papagaling. Grabe saludo Ako sa mga nanay and Hindi ko rin ma imagine ung disrespect and pagiging unappreciative Ng iba sa role Ng isang nanay. Malapit ko Ng paniwalaan yung kung pano mo itreat ung nanay mo Ganon ka rin sa magiging partner mo.
Gusto ko maiyak pero pinipigalan ko. Ang hirap Kasi andito Ako sa bahay namen, ayoko Makita ni mama na di Ako okay. Ayoko Kasi sya mag alala.
Ang hirap mag pamilya. Hahaha gusto ko pa sana idetalye ung nangyari pero sobrang drain ko na. Hahaha huhu
0 notes