Don't wanna be here? Send us removal request.
Text
Kaya pala “Consistency is the key” ‘yong quote. Kasi, yung pagiging consistent mo ang magiging susi para magbukas lahat ng pintuan ng oportunidad para sa ‘yo. Hindi siya bubukas mag-isa. Kailangan mo rin umaksyon. Makakahulma ka ng susi sa pagiging consistent. Legit ‘yong mas may mararating ka kung hindi ka titigil. Kung hindi mo hahayaang “pangarap lang” ang pangarap mo.
Mas makakakalayo ka kung palagi kang curious sa mga bagay-bagay. Huwag matakot sa new challenges kasi growth ang kaakibat nito. Huwag mainip, piliing magising, kaysa managinip. Manatiling uhaw at huwag matakot matuto sa lahat ng tao sa paligid mo. Always share your knowledge. Who knows? May natutulungan at na-iinspire ka na pala.
65 notes
·
View notes
Text
Parang kaya tayong patuloy na bumabalik dito kasi malaya tayo dito lahat. Walang mga boomers at hindi abot ng utak ng mga trolls ang lahat ng makikita nila rito. Ayun ‘yong napansin ko bakit ako hirap magsulat minsan sa Facebook. Parang hindi mo pa pinopost iniisip mo agad kung makaka-offend ka ba? May mga sensitive ba na taong matatamaan? Which is a good thing naman dahil ina-apply natin ‘yong “Think before you click.”
Pero sobrang iba kasi talaga ngayon sa FB. Lowkey bumabalik ako rito kasi sobrang open ng mga tao rito. Literal na yung mga sulat na mababasa mo rito ay galing sa puso nila. May soul. Walang pasikat. Lahat, gusto lang mag-vent out. Nakaka-miss magsulat dito na parang dati lang. The best pa rin ang platform na ito talaga. Dito ramdam mo pa ‘yong freedom of speech. Sana mag-boom ulit itong platform. Sana may new wave of bloggers or mga tao na mag-re-register dito. Sana ma-experience nila how awesome ng platform na ito.
246 notes
·
View notes
Text
Hello guys, musta na kayo rito? Kumusta na mga pangarap niyo? Kumusta na yung mga problemado dati sa pag-ibig na may mga asawa na? Sana okay lang kayo lahat. Sana you made it this far. Proud ako sa ating lahat. Masaya ako sa narating ng karamihan sa atin. Dala-dala natin ang memorya ng bawat isa. Andito lang ako palagi nakamasid sa lahat ng achievements niyo.
255 notes
·
View notes
Text
“Ang bilis ng panahon” — ito lagi yung sinasabi natin tuwing nararamdaman natin ang pagsapit ng pasko. Parang inabutan na naman tayo ng susunod na taon tapos pakiramdam natin parang di ka na naka-catch up.
Feel ko hindi naman talaga mabilis ang panahon. Sadyang mas matagal lang tayo nakakauwi ng bahay ngayon. Yung byaheng sobrang bilis pag walang traffic pero dalawang oras kapag rush hour na. Yung pahinga mo na may kasamang pangamba kasi gabi na at kailangan mo na ulit magpahinga para gumising ulit sa umaga para di ka ulit ma-late kinabukasan. Mas marami lang nasasayang na panahon kakatingin sa cellphone. Mga puyat na inuutang sa gabi tapos tanghali na gigising. Baka nag-iba lang tayo ng lifestyle at inako na rin natin ang mga responsibilidad. Pero ‘yong panahon, ganun pa rin. Hindi nagbabago.
Wala na tayong oras mag muni-muni. Yung katahimikan laging may nakasingit na pangamba. Yung mga pahinga na minsan hindi na nirerespeto ng iba. Minsan, nakukuha, pero minsan pakiramdam mo’y may mali pa. Yung mga hilig natin, tinatago na lang sa isang tabi. Naghihintay magkaroon ng oras ulit. Araw-araw kang nagdadasal na manatili sana ang sigla sa mga bagay na pinapangarap mong abutin. Patuloy na nilalabanan ang mundong pabor lang lagi sa mga nasa itaas na. Paano na ang mga taong nais lang sumubok? Mga taong nagbabaka sakali?
Kaya bilib ako sa mga taong patuloy lang sa buhay. Ginagawang biro ang mga problema kahit seryoso na ang epekto sa kanila. Sana magtagumpay tayong lahat. Sana dumating yung panahon na yung mga hindi sumuko naman ang papalakpakan.
127 notes
·
View notes
Text
Kahit andami na bagong lumabas, babalik at babalik ka pa rin talaga dito sa Tumblr. 🥹
329 notes
·
View notes
Text
Buhay pa rin ba yung Sabbat niyo? Haha! Ito ata pinaka matibay na earphones na maganda tunog at the same time.
Ayan yung budol link guys. Haha!
https://shope.ee/5V01DWjjs0
https://shope.ee/5V01DWjjs0
https://shope.ee/5V01DWjjs0
22 notes
·
View notes
Text
Hello guys! Baka hindi pa ulit kayo nakakabisita sa ating Podcast! Available na po ang ating 11th episode sa Spotify! Thank you!
18 notes
·
View notes
Text
Hello guys, may Episode 3 na tayo sa ating podcast! Makinig here at tungkol ito sa Pseudo-Relationship.
Maaari rin kayong sumali sa ating The Bakit List Podcast Community. Mase-search niyo agad siya sa Facebook. Thank you!
8 notes
·
View notes
Text
Uploaded na ang Episode 3 ng The Bakit List Podcast at isa ito sa pinaka nakakatuwang topic na ni-record ko. Kaya naman stream niyo na and sali na rin kayo sa Community namin para pwede kayo mag-share ng Mga Bakit niyo.
https://open.spotify.com/episode/4vGz9PbjkAfZnLycRaFLm1?si=38PK9HpeQieoHywGW21AuQ
3 notes
·
View notes
Text
Hello guys! Sali kayo sa group na ‘to kung gusto niyo mag-send ng mga Bakit niyo and makipag connect sa community. Andito rin ako at magbibigay ng payo.
12 notes
·
View notes
Text
Simulan na natin 'to mga bhie! Wag niyo nang palagpasin ang unang episode ng The Bakit List Podcast. Ito na ang sasagot sa lahat ng BAKIT nyo in life!
LISTEN AND FOLLOW US ON SPOTIFY: https://bit.ly/TheBakitListPodcast
DON'T FORGET OUR SOCIALS!
FACEBOOK: https://www.facebook.com/thebakitlistpodcastph/
INSTAGRAM: https://www.instagram.com/bakitlistpodcastph/
TIKTOK: https://www.tiktok.com/@bakitlistpodcastph
#thebakitlistpodcast #kuyarhads
#spotifypodcast #applepodcasts #OomphPodcasts
Thank you sa support Tumblr Peeps!!!
5 notes
·
View notes
Text
76 notes
·
View notes
Text
Nasa @Netflix_PH na po ang first ever motion comics na ginawa namin. Sana ay masuportahan niyo. Ito po ang direct link maraming salamat!
https://www.netflix.com/us/title/81629688?s=i&trkid=13747225&vlang=en&clip=81630136
Ito po pinagkaka abalahan namin lately kaya di na rin masyado nakakapagsulat dito. Gusto ko lang i-share ang achievement na ito sa inyo guys! Sana ay mapanuod niyo.
18 notes
·
View notes
Text
Kapag may ginagawa ka na isang bagay at nahihirapan ka, then it must be something sa huli. Huwag mo susukuan ‘yon. It’s a work in progress. Nahihirapan ka kasi gusto mo siya mapaganda. Nahihirapan ka kasi nirerespeto mo ‘yong craft mo .
It’s a good problem dahil once na na-overcome mo ‘yon at nalaman ang solusyon, plus points ‘yon sa ‘yo. Always put your heart sa lahat ng ginagawa mo and lahat ng pagsubok ay mae-endure mo.
64 notes
·
View notes
Text
Ang totoong pag-ibig ay hindi hinihingi. Ito ay kusang binibigay. Hindi ka dapat nagtitiis sa taong hindi ka pinapahalagahan. Ang taong iniibig ka ay handang magbigay ng oras sa ‘yo kahit na sa kalagitnaan pa ng pagka abala nito. Hindi ito sobrang tagal nawawala, hindi ka niya hahayaan sa ereng mag-isa.
Ikaw dapat ang inspirasyon, ang apoy, ang dahilan sa mga ginagawa niya. Parte ka dapat palagi ng tagumpay niya at kailanman ay hindi magiging abala. Kaya kung ang pag-ibig na pinanghahawakan mo ay puro kalungkutan na lang, sa tingin ko kailangan mong isipin ang mga bagay na nagawa mo na. Kung ano ang mga sinakripisyo mo, kung ano yung mga bagay na kinaya mo para lang balewalain ng taong akala mo ay mababago mo pa.
Sana piliin mo ngayon na ikaw naman. Sana ngayon alam mo na ang halaga mo. Hindi dahil sayang ang panahon, kundi dahil kailangan mo palaging umahon.
129 notes
·
View notes
Text
Sa mga Tumblrista and kahit non Tumblrista na gustong pumunta pero walang kasama, pwede po kayo pumunta dito dahil super friendly ng Tumblr Community at sanay sa pakikipag meet sa mga tao. Naks wahahaha! Based sa ating mga nakausap dito daw po meeting place
“Magkita-kita tayo sa Greenfield Disctrict Cental Park, 1PM. At magmartsa patungong Emerald Ave.”
Yung mga kiddie meal dati na hindi pinayagan sa mga meetups chance niyo na ngayon!
Rule #1 sa mga dating Tumblristas - No bodyshaming pls. Nanaba po tayong lahat. Last 8 years tayong lahat nagkita-kita oki? Thank you.
Hahaha ang saya naman talaga ipaglaban kapag ganyan ang credentials. Pwede pa mag change of heart! Tara! Kay Leni tayo!
37 notes
·
View notes