Text
Mandatory Lomi run | Bagong ahit selfie
Pics from Cuenca
Board exam day 1; sa labas ng testing center | Otw to St Jude
Happiest birthday, my love! 🩷
1 note
·
View note
Text
Yung katawan ko nagigising pa rin na akala mo kailangan ko magaral. Nakakapanibago. Haahahaha
Pakiramdam ko lalagnatin ako bago ako pumasok sa work kaya nagbiogesic na ako. Malapit na mag chills ganong level. Tas ang sakit ng katawan ko. Huhuhu ayoko pumasok mamaya 🥹
Shift was okay. Wala kong "huh?" na calls, parang lahat ay alam ko. Awow. Meron lang ako napagtaasan ng pakyu. Hahahahaha kulit kasi e. Pero yung iba, good call naman. Nagsimula na rin sila magtawag for monthly exam. Hanggang work may exam pa rin!!! 🫠
Anyway, sana tuloy tuloy tulog ko dahil pagod na pagod talaga yung feeling ko. Legit.
1 note
·
View note
Text
Nakaraos naman ako sa shift today. Medyo wala tayong tulog dahil nanuod tayo ng movie ng kathden. Lol! Ang haba ng pila sa sm ha! 🥹 Hindi na rin kami nakakain ng lunch dahil 1pm yung movie na kinuha namen at natapos sya around 3 or 330pm. Umalis din kami kaagad dahil kukunin pa yung laptop ni aj at magpaputol pa ng cable.
Around 430pm na kami nakauwi, hindi na rin ako nakakain ng kanin dahil gusto ko na matulog talaga. Ang ending medyo masakit ulo ko pero kinaya naman.
Tuesday pa lang pero gusto ko na magoff at mag resign.... cheret!
0 notes
Text
Kagabi nagpabook kami ng masahe na malapit lang sa area namin. Yung masahe na to ay plano pa namin ni aj after board pero for some reason hindi namin nagawa. Hahahaha
Bago magpunta ng spa ay dumaan kaming sta rosa para ipagawa ang laptop ni aj. After iwan ang laptop, kumain kami sa foodpark sa loob ng subdivision. Ang solid ng mixed seafood na yan!! Meron pa kaming inorder na stuffed pusit— wala lang akong pic dahil nauna iserve ang mixed seafood, naka gloves na ako. Hahaha masarap din yung stuffed pusit na yon.
Na-late kami sa spa appointment ng mga 7mins. Hahahaha keri lang. PERO GRABE HUHUHU ANG SARAP!!!! Parang nawala lahat ng lamig ko sa katawan during board season 🥹🥹🥹 naeexcite ako bumalik ulit.
1 note
·
View note
Text
Around 2pm nagchat si Faye kung nasa bahay ako at sya raw ay makikitambay, kaya nga lang hindi kami nakapagreply ni aj pareho dahil pareho kaming tulog. Hahaha ending lumabas kami nung 5pm. Naghanap ng makakainan na medyo malayo layo— nakarating kami sa loob ng sta rosa.
Hindi ko maalala yung name nung kainan! Hahahaha basta ano sa loob sya ng subdivision tas parang normal bahay lang. Nagset up lang sila ng tables & chairs sa garahe. Infairness, masarap yung food! Gusto ko sana magcoffee kaya lang naalala kong weekend nga pala 🥲
Anyway, medyo nasestress ako ha! Signal number 2 na Laguna pero walang kahit anong ulan! Kinakabahan tuloy ako 🥺🥺
Ingat kayo!
1 note
·
View note
Text
Para akong newbie kanina sa shift, merong kakaibang kaba pagsasagot ng tawag. Dati kasi kaba lang sa paghahanap ng solution e. Shuta kanina pati pag opening spiel kinakabahan ako! Legit! Tapos yung unang call ko medyo complicated— nalintikan na talaga!
Meron akong 45mins na pahinga at kaunting chika with Ishi— proxy sme sa team, pero minsan nagsupport pa rin sya— may ipapagawa dapat sya saken pero natapos ko na so ang ginawa namin nagtanong lang ako tungkol sa sandamakmak na updates.
Medyo kyuwing, hindi pa ko nakakahinga sa naunang call meron na kaagad napasok. 🥲
Also, nakakapanibago na wala akong sinasagutan or binabasang lecture notes. Hahahahahaha!! Nakakamiss? Charet. I'm good na po. 🥹🥰
Isang araw pa lang ang nakakalipas pero talagang ayaw ko na pumasok. Gantong ganto ang feeling ko kay anna. 🫠
0 notes
Text
Nagcommute kami kaninang umaga papunta kay St. Jude.... grabe, napikon ako sa pagod. Ang init, ang traffic, at nakakahilo sa bus. Hindi na kami nagdala ng sasakyan dahil ang hirap maghanap ng parking kay st jude— or baka di lang namen alam kung saan — pero yun nga, ayaw na namin i-risk.
Ramdam kong nanginig legs ko talaga. HAHAHAHAA signs of aging na ba to? Char. Umabot naman kami bago mag homily. First time ko rin makaupo sa taas na part ng church— ang ganda nung sa altar. Ineexpect ko na kaunti ang tao kasi 10am pero punuan pa rin pala.
Nung lunch ay kumain kami sa dimsum treats!!! Finally parang ilang buwan ko syang kine-crave. 🤤😝
Sana pumayag tl ko na leave pa rin. Ayaw ko na talaga pumasok 🥲🥹
0 notes
Text
Nagluto ako ng pasta today!! Lasa naman syang hindi nakakalason. Hahahahah yan ang agahan, meryenda, at dinner ko today. Baka pati mindnight snack ayan din. 😝
Anyway, parang ayaw ko na bumalik sa work ko.... ems!! Hindi ko pa naaayos ang tulog ko jusko, parang namimiss kong gumising ng 5am then aral hanggang 9pm. Hahahaha!
Sana mas matagal irequest yung ibang apps. Hahahahaha kahit LOP to papatusin ko na kasi parang bitin pa ang pahinga ko. 🥹🥹
1 note
·
View note
Text
Naextend ang vl ko dahil nagpalit ako ng laptop. Meron pang mga apps na need irequest kaya tinawagan ako ng TL ko sa teams— wala nga lang nangyari kasi hindi pa nagrereflect sa system na bago ang aking laptop.
Anyway, tinanong nya ako if magreresign na ba ako.... tumawa lang ako kasi hindi ko pa alam ang gusto kong gawin. Nagbibigay naman na si aj ng options pero natatakot ako. Kung kelan nakareceive ako ng good news baka sa job interview ako palpak diba? Pero sino bang niloko ko, dun din naman ang punta ko.
Hays, bahala na. Pwede bang magpahinga muna? Hahahaha
Nakita ko na rin pala ang grade ko sa boards— talagang pasadong pasado 😭🥹🥹 Nakakakilig kahit line of 7. HAHAHAHAH basta!!!!
1 note
·
View note
Text
Grabe, nakakakilig.
Sobrang kabado ako dahil yung Module 1 ko parang tagilid. Nakakatakot din na may mga nasagot ako sa ibang modules. During lunch break nandon lang ako sa mesa ko, nagdadasal. Gusto ko na maiyak pero baka sabihin ng iba ang OA ko. Hahahaha
Umattend din ako ng mass kaninang umaga kay St. Clare, habang pauwi na iyak na ako. Overthink ng malala talaga. Paguwi, kumain lang ako tas natulog dahil nga need ko magpunta sa office para sa laptop kong nasira.
Habang nagbibihis ako, ginising ko na si aj kasi plano namin magmass kay Lolo Uweng. Habang nagcp si aj bigla syang sumigaw tas saka ako binuhat— sa bigat kong to — habang nasigaw. Naluluha na rin sya at biglang tinawagan ang mama nya.
Pasado na ko.
Grabe. Himala kung himala 😭 Nakaka kilig. Gusto ko lang maiyak. 10months halos unti unti kong inalis social media. 10months na puro 5hrs lang tulog kasi need magreview then work. Huhuhuhu grabe.
Thank you, Lord. Thank you, St. Clare. Thank you, St. Jude. Thank you, Padre Pio. 🥹😭
Nakita ko ring naiyak si aj pati mga kapatid ko. 🥹🥹
Post ko lang tong feelings ko AHAHAHAHA
PS: Naiyak ako sa chat ng tatay ko...
1 note
·
View note
Text
Tapos na boards.... simula na ng kaba.
Nakakatakot. Nakakatakot na may nasagot ako. Parang familiar ako sa mga tanong kahit alam kong di ako sure.
Lord, please, sana ito na yun 🥹😭
1 note
·
View note