vincipenn
vincipenn
rvindi
3 posts
noted.
Don't wanna be here? Send us removal request.
vincipenn · 1 month ago
Text
A mi Amada
Tumblr media
by: vincipenn
Kamusta ang iyong paglalakbay?
Sa kasalukuyan ba’y merong kasabay?
Isang gulo sa aking isip kung oras ay nagagasta,
sa kasalukuyang pag-irog sa ibang mata
Tulad ng isang araw sa reynang buwan, kung ‘sang libong taon man ang hintayan
Inip ay ipagpapaliban kung dun ka lamang masilayan
Estrangherong wangis nakatakdang ipagtagpo
Magmula sa malayo pahilang higit sa bigkis ng ating mga puso
Ngalan mo ba’y minsan nang nabanggit?
O sa kasulukuyang makilala ka ay pinagkakait?
Isa lamang ang tila ako ay sigurado,
Nasulat na ang yugto ng ating kwento,
Unti-unting binabaybay tungo sa kanyang plano,
Kung san ang malihis ay malabo
Masaya akong makilala ka, wala pa man.
Ibibigay ang yaman ng kalangitan,
Kapayapaan ng karagatan,
Para lang sa tulad mong nilalang
Sinusulat itong liham
Patungo sa adres na hindi ko alam
Para sa taong isa pang lihim
Ang wagas na aking asam
0 notes
vincipenn · 1 month ago
Text
Balang Ani ✿
Tumblr media
by: vincipenn
Siya ay tila isang binatilyong di alam ang magmahal,
Kailangan ba ng magarbong salita o regalong materyal?
Tila’y kabado pa sa una, isip ay dinadaga
Gustong ma i-alay lahat hanggang puso ay mapiga
Problemado man ng konti, sa kakahayahan at butas na bulsa
Mahalaga’y ang katiting ay magsisilbing punla
Bitbit ang binhi patungo sa lupaing pag-asa
Mapabukakad lamang ang bulaklak na nais matamasa
“Oh Ikaw na ang bahala aking mahal na panahon, sa iyong lupain ako ay la-laon”
Yaring sinasambit ng aking bibig, ang tanging sigaw ng aking dibdib.
Nagsimulang maghukay sa lupang tanging mainam,
Galak sa taong matagal nang takot malantaan
Ibigay sana ang aking tanging kahilingan,
Sabay sa lupa ay aking tinabunan
Ngunit dumadating ang tagtuyot, hindi mo pa na ambunan
Ang sabi ko’y “sige ako nang gagawa ng  agusan”
Ngayo’y kailangan ko ng sinag, kaliwanagang galing sayo
Pero maulap naman na tanghali ang dala dala mo
Di bale na, ililipat ko na lamang sa isang paso,
Medyo makukulob ngunit ligtas naman ang aking puso
Magpapayabong sa malayo na matatanaw mo,
Ngunit tandaan na kung sakali, dala ko parin ang pala ko
0 notes
vincipenn · 1 month ago
Text
new home for my mind's little world
Tumblr media
0 notes