Copyright © 2021
MissPeee_
All rights reserved. No part of this story may be reproduced in any form or by any means without the written permission of the copyright owners.
Story Description:
Tahanan is a short story about finding your home. And what I meant by saying “home”, was not a place but a person. Finding your comfort, love, and what or how else you call it.
And a little disclaimer, the title and cover art of the short story was inspired by the music of a singer/songwriter Adie Garcia entitled “Tahanan”. It was his latest single that released last December 8,2021.
Language:
English-Filipino
Story Category:
Short Story
Written on December 21st
And published on December 23rd 2021 at Wattpad application
Written by yours truly
Disclaimer!!!
This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual person, living or dead, or actual events is purely coincidental.
Ps!!!
I am not a professional writer. It might have typographical and grammatical errors. Please bear with me.
ッ
TAHANAN
"O, Maya! Anong ginagawa mo dine? Kako ba hindi ka makakapunta dahil may klase ka pa?" Gulat na tanong ni Gavin.
Napakamot ako sa aking batok at saka ngumiti sa kanya, "ang totoo... Wala talaga kaming klase... Gusto ko kasi surpresahin si Ivan, kaya ako nandito." Nahihiya ko pa na sabi kay Gavin.
By the way, my name is Maya Louis Villafuerte. I'm a 9th grade student and currently 15 years old. Ito naman si Gavin Javier, he's a 10th grade student and 18 years old.
"Walayya ne, kaswerte ng pinsan ko sa'yo! Bumyahe ka talaga papunta dine? Tara, nandon sila sa gym." Aya ni Gavin.
"Alam mo naman ako, hindi ko matiis yung pinsan mo na 'yon. Nagstart na ba game nila?" Tanong ko naman kay Gavin as we walk through the campus.
Almost 5 hours ang binyahe ko from San Gabriel to San Isidro. Nagkakilala kami ni Ivan because of our parents. Both of our dads are friends and a business partner.
"Katatapos lang ng first half. Mabuti naman at pinayagan ka ni Tito?" Tanong pa ni Gavin at sinagot ko naman 'yon.
Walang nangyari sa paglalakad namin ni Gavin papunta sa gym. Kundi ang magpalitan ng mga tanong at mga sagot at kumustahan.
Sa labas pa lang ng gym ay dinig mo na ang mga hiyawan ng mga taga-suporta ng dalawang panig. Mas lumakas iyon nang makapasok kami ni Gavin sa mismong gym.
Kabilaan ang hiyaw at tili ng mga cheerers. Intramurals kasi ng Rosary College ngayon, actually it's their 5th day of celebration the Intramurals.
"Gavin! Kanina ka pa namin hinahanap! Lamang na ang kalaban!" Sinalubong kami ng isang lalaki na kateammate ni Gavin. Hinihingal at pawis na pawis ito.
"Ha? Paanong natambakan tayo ng kalaban e, nandon naman si Ivan?" Salubong ang mga kilay na tanong ni Gavin.
Napakamot naman ang lalaki sa ulo at hindi na alam ang gagawin, ilang beses pa itong bumuntong-hininga.
"Injured si Ivan. Hindi s'ya pwede maglaro." Doon lang tuluyan nasabi ng lalaki ang kanina pa n'yang nais sabihin.
Ivan Javier, 18 years old. He's my boyfriend for almost 2 years. Nanlaki ang mga mata namin pareho ni Gavin, "ano?!" Sabay namin na tanong pareho.
"Nakita mo naman yung captain ng kabilang team. Doble n'ya yung taas at bigat ni Ivan-" Hindi ipinatuloy ni Gavin ang lalaki sa sasabihin.
"Ano? Paanong nangyari na injured si Ivan?" Tanong ni Gavin, hindi maiwasan ang pag-aalala sa pinsan.
"Sinupalpal yung slumdunk ni Ivan kanina... Sabay silang bumagsak pero namali ng tumba si Ivan." Paliwanag ng lalaki.
"Nasan si Ivan?" Hindi maitago ang pag-aalala sa aking tinig. Nilingon naman ako ng lalaki nang nagtataka.
"Girlfriend ni Ivan. Ano? Malala ba?" Si Gavin.
"Nasa locker room s'ya ngayon. Pinagpapahinga ni Coach. I heard a lot about you." Matunog na ngumiti ang lalaki sa'kin at saka nagpaalam kay Gavin.
Sabay kaming patakbo nsa lumakad ni Gavin papunta sa locker room para makita at kumustahin ang lagay ni Ivan.
Sobrang bilis nang tibok ng puso ko. Nag-aalala talaga ako para kay Ivan. Bukod sa kotse, motor, at online games ay paglalaro ng basketball ang hilig n'ya.
Pinasok namin ni Gavin ang malawak na locker room at sa dulo, sa pangalawang silid sa kaliwa, pahampas na binuksan ni Gavin ang pintuan.
"Ivan! Ayos ka lang?" Pasigaw na nag-aalalang tanong ni Gavin sa pinsan.
Nasa likuran ako ni Gavin, hawak ang isang bag na puno ng energy drinks, first aid kit, towel, cologne at baby powder.
Imbas na maabutan kong naiiyak sa sakit nang injured si Ivan... Naabutan namin ito ni Gavin na kayakap ni Ivan ang ex-girlfriend n'ya.
"R-Raine?" Gulat na dagdag ni Gavin dahilan para lingunin nila kami pareho.
"G-Gavin. Oo ayos lang ako." Umayos sa pagkakatayo si Ivan at lumayo kay Raine, ngunit muling yumakap ito mula sa kanyang tagiliran.
"Hi, Gavin!" Maganda ang ngiti na bati ni Raine kay Gavin.
Sarkastiko na tumawa si Gavin at para naman akong nabilaukan sa nakita. Gusto kong umiyak pero walang luha ang pumapatak, tanging pangingirot lang sa puso.
"M-Maya." Doon lang ako napansin ni Ivan. Walang emosyon ko itong tinitigan at saka lumapit sa kanya para iabot ang mga dala ko.
"Pagaling ka ha?" Iyon lang ang aking sinabi at saka sila tinalikuran. Narinig ko pa si Ivan na tawagin ako pero hindi ko na ito nilingon.
"Ang gago mo! Ang gago mo, Ivan! Alam mong may nobya ka at mas alam mong mahal ka ni Maya! Bakit naman kasama mo pa 'to?! Tapos magkaakap pa?!" Dinig kong pagalit na sabi ni Gavin kay Ivan.
"Tabi! Sinabing tumabi ka, Gavin!" Dinig ko pa na sigaw ni Ivan.
"Ivan! Saan ka pupunta?" Pasigaw naman na tanong ni Raine.
"Magpapaliwanag ako kay Maya!" Sigaw ni Ivan kay Raine, napahinto ako sa paglalakad, nasa labas na ako ng locker room.
"Paliwanag? Sige! Pumili ka! Ang lumapit sa kanya at magpaliwanag o ako? Mamili ka, Ivan. Ivan!" Dinig na dinig sa labas ang sigaw ni Raine. Doon lang pumatak ang mga luha sa'kin mata, kaya naman patakbo akong lumabas sa gym.
Nakasalubong ko pa ang ilan sa mga kaibigan ni Ivan na kilala ako. Pero hindi ko nagawang batiin ang mga ito. Nag-effort pa ako na pumunta dito at para surpresahin si Ivan, pero ako ang nasurpresa.
Raine and Ivan have broke up, 3 years ago. Kaya kampante aking wala na sila ni Ivan, kampante akong hindi ako lolokohin ni Ivan.
Ang laki ng pagmamahal at tiwala ko kay Ivan pero ngayon, hindi ko na alam ang gagawin ko. Para akong pinagsakluban ng langit at lupa.
Pinunasan ko ang aking luha at saka huminto sa paglalakad. Hinintay ko si Ivan, pero wala talaga. Mas pinili pa n'ya yung ex-girlfriend n'ya kaysa sa'kin.
Akma na akong muling lalakad nang biglang may humila sa braso ko paharap. Si Ivan. "Maya, pakinggan mo naman ako o. Hindi ganon 'yon. Hindi gaya yun nang iniisip mo." Dirediretso na wika ni Ivan.
Hindi ko nagawa ang magsalita at lumuluha lang na tinitigan ito, hinihintay ang sunod na sasabihin. Nakipagtitigan pa si Ivan sa'kin, sinusubukan basahin ang laman ng isipan ko.
"Hindi ganon 'yon. Maniwala ka naman o. Hmmm?" Nagmamakaawa ang punto ni Ivan. Inilayo ko ang braso ko na hawak-hawak n'ya at saka pinunasan ang luha.
"Ivan... K-kelan pa?" salubong ang mga kilay na tanong ko, pinipigilan ang mga luha sa pag-patak.
"Maya naman... Hindi ganon 'yon. Matagal na kaming wala ni Raine. Alam mo 'yan." Aniya.
"E, b-bakit magkayakap kayo?" Hindi agad nakasagot si Ivan, "b-bakit m-magkasama kayo?" Dagdag ko.
"Nasa iisang campus lang kami, Maya." Sagot ni Ivan.
"S-Sabihin na n-natin na nasa iisang campus kayo. E-e, bakit k-kayo magkayakap? W-wala na kayo 'di ba? M-matagal na kayong wala 'di ba? Ano? Sagutin mo ako, Ivan." Humihikbing sunod-sunod kong tanong kay Ivan.
Lumapit s'ya sa'kin kahit na injured ang kanan n'yang paa at saka ako hinawakan sa mga kamay. "Can you trust me? Magtiwala ka naman sa'kin, babe." Aniya, hindi pa rin sinasagot ang tanong ko.
Bumuntong-hininga ako, "may tiwala ako, Ivan. May tiwala ako sa'yo, sa mga sinasabi mo, sa mga ginagawa mo. Pero..."
"Pero ano?"
"Pero hindi ko na alam kung dapat pa ba kitang pagkatiwalaan, Ivan."
"W-what?"
"You betrayed me twice, remember? W-wala pa tayong a-anim na buwan na mag-on no'n. Nahuli kitang may kandong na iba, Ivan."
"Kaibigan ko nga lang si Kenzie. Magkaibigan lang kami."
"Sinabi mo na 'yan e. Friends? May friends ba na nagkakandungan? Kiss sa balikat? Grabeng sweetness naman yun?"
"Bakit ba nadadamay si Kenzie dito? Maya naman..." Pagalit na tanong ni Ivan.
"Fine. Then answer my question." Pinunasan ko ulit ang luhang pumatak, "kayo na ba ulit?" Pumiyok na tanong ko kay Ivan.
"Maya naman, hindi nga ganon 'yon-" Hindi naituloy ni Ivan ang sasabihin nang tawagin ito ng Coach nila.
"Javier! Ayos ka na ba?" Pasigaw na tawag ng Coach kay Ivan.
"Okay na, Coach! Babalik na po ako!" Pasigaw rin na sagot ni Ivan at saka ako binalingan, "stay here. Mag-uusap pa tayo." Dagdag n'ya pero hindi pa 'man nakakalayo si Ivan ay nagsalita na ako. "No. Let's break up." Kahit masakit, kahit hindi ko gusto, I want to end things between us.
Ngayon ko lang narealize na... Ang tanga ko pala para pagbigyan ulit ng isang pagkakataon si Ivan... He betrayed me twice, thrice to be exact.
Una ay kay Kenzie, sumunod ay si Raine, I knew that they were in contact pa. Pero hinayaan ko lang, and this is the last, yung magkayakap sila ni Raine.
Napahinto si Ivan. Marahan n'ya akong nilingon. Kumibot-kibot pa ang kanyang labi ngunit walang naisatinig. Napansin ko rin na kumuyom ang kanyang mga palad.
"Let's break up, Ivan." Ulit ko. Hindi naman ito sumagot at nanatiling nakatitig sa'kin. Bumuntong-hininga ako at saka tinalikuran ito, para naman may tinik sa puso ko.
Lumipas ang araw, nakatanggap ako ng mensahe mula kay Gavin. Sinabi lang naman n'ya hindi sila nanalo, pero pasok sila sa mythical five.
Dumaan ang mga oras, araw at linggong wala akong naririnig na kahit na anong balita tungkol kay Ivan. Hindi ko ipinahalata sa lahat na wala na kami, na hindi ako masaya.
Halos tatlong buwan ang lumipas. Maaga akong nagising para kumilos at maghanda para pumasok sa iskwela. Dala ang towel at mga gamit pangligo ay bumaba ako mula sa kwarto.
Naabutan ko si Kuya Leon na nag-aayos nang suot n'yang polo, si Kuya Milo naman ay kalalabas lang sa banyo, at si Lucas naman ay kumakain na.
"O, Maya. Bilisan mo kumilos para mahatid kayo ni Papa n'yo, ha?" Wika ni Auntie Hazel.
"Opo, Auntie." Sagot ko at saka pumasok sa banyo para maligo.
Si Auntie Hazel na ang tumayo naming nanay, simula nang maghiwalay sila Mama at Papa. Dahil lang sa pera kaya naghiwalay ang dalawa. Si Auntie naman ay matandang dalaga, nasa 40 na si Auntie at walang anak o asawa.
Si Auntie Hazel at si Papa ay magkapatid, si Auntie ang panganay pero hindi halata sa edad nila ni Papa na may mga edad na. Ewan ko ba? Ang gaganda at gwapo naman ng mga kasama ko dito sa bahay, kahit sila Lolo at Lola ay maganda ang lagi.
Ako lang itong parang hindi nila kamag-anak. Ang tatangkad nila, samantalang ang liit ko naman. Mga gwapo't maganda at makikinis ang kutis nila, samantalang ang dami kong pimples sa mukha at sa likod.
Kaya siguro ako niloko kasi hindi ako kasing ganda at kasing kinis nila. Ilang minuto pa akong nanatili sa banyo bago lumabas, nanlaki naman ang mga mata ko nang makita si Ivan doon sa kusina.
"O, Maya. Bilisan mo at nandito na ang maghahatid sa'yo." Sabi ni Auntie Hazel.
Nagsalubong ang mga kilay ko at saka bumuntong-hiningang umakyat sa kwarto, upang magbihis.
Kulay blue na plaided skirt ang pambaba namin, hanggang taas ng tuhod at long-sleeved na white ang uniporme namin sa campus. May mahaba at manipis na necktie na kakulay ng palda ang sa babae, sa lalaki ay ganon rin ngunit makapal iyon.
"Maya! Bumaba ka na d'yan! Malelate na kayo ni Lucas!" Dinig kong sigaw ni Kuya Leon.
"Pababa na, Kuya!" Pasigaw ko rin na sagot at saka dumalo sa kusina. Kumagat lang ako sa isang tinapay at saka uminom nang tubig bago lumabas, sakbit na ang bag ko.
"Hindi ka kakain?" Dinig kong tanong ni Ivan, hindi ko s'ya sinagot t'saka bumalik sa loob nang bahay.
"Lucas." Tawag ko sa bunso namin. Grade 5 na si Lucas pero ang height nito ay panghighschool na.
"Auntie, dito na po kami." Paalam ni Lucas.
"Ingat kayo ha? Pag-igihan." Bilin pa ni Auntie Hazel.
"Si Papa po?" Taka kong tanong.
"Inihatid na si Kuya n'yo Milo."Naitabingi pa ang ulo na ani Auntie Hazel.
"Ba't hindi kami hinintay ni Lucas?" Tanong ko pa.
"I asked Tito Max if ako na lang ang maghatid sa inyo." Sabad ni Ivan.
"Bakit ka nandito? Auntie dito na po kami." Sabi ko pa at saka bumuntong-hininga.
"To fix things, babe." Sabi naman ni Ivan. Pinagbuksan pa n'ya ng pinto sa sasakyan si Lucas at saka ako pinagbuksan.
"Ako na." Wika ko nang akma n'yang aayusin ang seat belt sa'kin. I heard him sighed at saka umikot papunta sa driver's seat.
Gwapo si Ivan, matangkad, at maputi. Bukod doon, mayaman ang pamilya nila, lagi n'ya rin nakikuha ang mga gusto n'ya. Maliban sa'kin.
Tahimik lang ang byahe namin papunta sa campus. Napapansin ko pa na nililingon ako ni Ivan pero mas pinili n'yang magfocus sa pagmamaneho.
Naalala ko pa dati, kiss lang naman sa pisngi ang hinihingi n'ya sa'kin, pero hindi ko s'ya pinagbigyan. Kahit holding hands, pag-akbay, at yakap ay hindi ko s'ya pinagbibigyan.
I'm conservative. Kahit nga sila Kuya ay hindi ko hinahayaan na dumikit ang balat sa'kin, o kahit na sinong lalaki.
Una namin hinatid si Lucas sa school nito bago ako hinatid ni Ivan sa campus namin. Sa High Level Academy.
Hindi ko na hinintay pa na pagbuksan ako nang pinto ni Ivan, nagkusa akong bumaba at sinagot ang tawag ni Jane, my closest friend sa campus.
"O?" Bungad ko.
"Saan ka? Dito na ako sa labas. Sabay na tayo." Wika ni Jane mula sa kabilang linya.
Nilingon ko si Ivan na nakatitig sa'kin, nasa labas rin ito ng kotse n'ya. "Nandito rin ako sa labas. Saan ka banda?" Tanong ko.
"Sino 'yan?" Dinig ko na tanong ni Ivan.
"Kaibigan ko." Sagot ko.
"O, nakita na kita! Maya!" Kumaway-kaway pa na tawag ni Jane sa'kin, nasa kabilang kalsada ito at pagtakbo na tumawid kasunod si Zeus.
Nagyakap kaming tatlo. Si Zeuz ay part ng LGBTQ community kaya ayos lang sa'kin, if they give me a hugged.
"Pasok na ako. Thanks for dropping me here." Sabi ko kay Ivan. Nagpalipat-lipat naman ang tingin nila Jane at Zeus sa'kin.
"O? Akala ko si Vayn?" Gulat pa na ani Jane habang nakaturo kay Ivan.
"Hala, gagi! Akala ko rin! Hawig sila 'no?" Sabi pa ni Zeus.
"Malayo kaya." Seryoso ko na sabi.
"Tara na. Malelate na tayo. Bye po." Paalam pa ni Jane at ni Zeus.
"Umuwi ka na, wala kang mapapala sa'kin." Dagdag ko pa at saka sumunod kanila Jane at Zeus.
"No. I can wait here." Pagmamatigas ni Ivan.
Huminto ako at saka lumapit ulit sa kanya. "May klase ka rin, Ivan. Late ka na kaya umuwi ka na." Bumuntong-hininga kong sabi.
"Late na rin naman ako, kaya susulitin ko na. I'll wait you here." Pagmamatigas nito.
Bumuntong-hininga ako at akma ng magsasalita nang biglang sumulpot si Vayn. Kaklase namin na maloko.
"Oy, Maya! Ba't nandito ka pa? Hinihintay mo ako?" Malokong ngumiti si Vayn at nilingon si Ivan, "o, boyfriend mo? Buti naman may nagkamaling pumatol sa'yo?" Natatawa pa na dagdag ni Vayn.
Binatukan ko nga! "Pumasok ka na nga!" Sigaw ko sa kanya at saka bumalik kay Ivan, "umuwi ka na, Ivan. 'wag mo akong paulit-ulitin." Dagdag ko at saka pamasok sa campus.
Pagdating sa classroom ay pinagkaguluhan ako ng mga kaklase ko. Tinatanong nila kung sino yung lalaki na kasama ko kanina. Hindi naman ako sumagot at naupo na lang sa silya ko.
Pero maloko talaga itong si Vayn. Tinukso n'ya ako nang paulit-ulit dahil wala pa ang guro namin. Nakipagsabayan naman ako sa panunukso n'ya dahilan para umingay sa classroom.
Lunch time... Pababa na kami ni Jane sa cafeteria when I got a call from Ivan, sinagot ko naman iyon. "O?"
"Uuwi na ako." Paalam n'ya.
"Kanina pa kita sinabihan na umuwi, ha?" Kunot ang mga noo na aniko.
"Oooohhh, LQ ba 'yan, Maya?" Si Vayn, siningiran ko naman s'ya.
"Kumain ka muna bago ka umuwi." Sabi ko pa sa kabilang linya.
"Bati na tayo?" Tanong ni Ivan.
"Hindi tayo nag-away, Ivan. We broke up."Paglilinaw ko.
"Gagi, teh. Bf mo yung kanina? Wala na kayo?" Mahinang sabi ni Jane. Tumango naman ako.
"Sa bahay ka na kumain. 'wag mo na akong hintayin at umuwi ka na." Sabi ko pa at saka ibinababa ang linya.
Ibubulsa ko na ang phone ko nang biglang tumunog ang notification sa Facebook. Naka open kasi ang wifi ko dahil may wifi for students ang campus. It was the photos of Raine and Ivan during the intramurals.
Simula first game until last, si Raine ang nandon. Nakatag si Ivan kaya ko na received, and even jio mentioned me at that post. Jio was a best friend of Ivan, sa lahat ng mga kaibigan ni Ivan ay kay Jio ako nagtitiwala.
Kay Jio ko lang naman nalalaman lahat ng mga pinaggagawa ni Ivan while I'm away frome him. After one month, naging ayos kami Ivan. Napakarupok ko, alam na alam n'ya na kasi kung paano ako hulihin, kung paano makuha ang kiliti ko.
Pero hindi nagtagal, bakasyon na... Umuwi ako sa San Carlos dahil may bahay doon sila Papa. Matapos dahil ang mga gamit ay bumyahe ako papunta sa San Isidro para dalawin si Ivan.
I texted him na am on my way to their house. I didn't received any reply from him. I called him pero wala rin, kaya naisip ko na baka he's busy from finishing his requirements.
Pero alam n'yo? Ang lakas ng kutob ko na baka magkasama na naman sila ni Raine, yung ex-girlfriend ni Ivan. Binalewala ko yung kutob ko na 'yon, dahil ayokong magisip nang kung ano-ano hangga't hindi ko nakikita.
Pagdating sa bahay nila Ivan, Tita Raque and Tito Billy greeted and gave me a warm hugged. Nandon rin si Ate Aisa na binati ako.
"Kumusta, hija? Kumusta ang Daddy?" Mamaya ay tanong ni Tito Billy.
"Ayos naman po, Tito. Daddy's still busy. You know that old man, Tito. He's workaholic." Nagkatawanan naman kami.
"E, yung Kuya mo? Si Milo? Kumusta?" Si Ate Aisa.
Matunog akong ngumiti, "ayun, ayos naman. Wala pa rin nobya." Bulong ko sa kanya sa huling sinabi ko at pareho kaming natawa.
"Kumain ka na ba, Hija? Sakto ang dating mo, katatapos ko lang magluto. Si Ivan nga pala e natutulog pa. Maghapon na wala ang isang iyon dine sa bahay." Mahabang sabi ni Tita Raque.
"Salamat po, Tita." Sabi ko naman.
"Pagsabihan mo nga, Maya. Hindi nakikinig sa'min e. Kung wala dito maghapon, gabi na kung umuwi." Sabi pa ni Tito Billy.
"Daddy, alam mo naman ang anak n'yo na 'yan. Napakagala. Kung saan-saan nagayak. Nahuli ko last time, Maya. Nangarera!" Wika naman ni Ate Aisa.
"P-Po? Si Ivan? Nangangarera?" Gulat na tanong ko.
Tumango silang tatlo, "hindi naman sa ayaw namin tumigil sa pangangarera ang anak namin, Maya. May tiwala kami sa kakayahan ni Ivan. Sadyang wala lang kaming tiwala sa mga sasakyan." Paliwanag ni Tita Raque.
Tama nga naman. Hindi talaga iyon maiiwasan lalo na't magulang sila at anak nila ang pinaguusapan.
"Alam mo naman ang nangyari sa Daddy n'ya noon. Pero pasaway ang Tito Billy mo kaya sige pa rin sa drive." Umiiling na dagdag ni Tita Raque.
8:07 na ng gabi kaya naman inutusan ako ni Tita Raque na gisingin si Ivan. Dahil kanina pa daw itong hindi bumababa at tulog pa.
Kaya pala hindi s'ya sumasagot kanina sa mga texts and calls ko dahil tulog ang mokong. Kumatok ako sa pintuan ng kwarto ni Ivan at saka binuksan iyon nang marahan.
Nakapatay ang mga ilaw at malamig dahil sa AC. Inilawan ko ang pindutan ng ilaw gamit ang phone ko. Kinilabutan naman ako nang makarinig ng bungisngis.
Nagsitayuan ang mga balahibo ko sa katawan. Kahit ang maliliit kong buhok sa ulo ay nagsitayuan. Naikuyom ko ang aking mga palad at saka pahampas na binuksan ang ilaw.
Parang bumagal ang takbo ng mundo ko nang harapin ko si Ivan na kasama si Raine sa ibabaw ng kama n'ya. Naghaharutan ang dalawa at halatang saya-saya sa ginagawa.
"M-Maya." Utal na tawag ni Ivan sa'kin. Nilingon ko si Raine na nakataas ang kilay sa'kin.
Ngumiti ako ng pilit sa kanilang dalawa kahit na gustong-gusto ko nang magwala at umiyak. "Gising na gising, ha?" Sarkastiko kong ana.
"Ba't nandito 'yan?" Dinig ko na tanong ni Raine kay Ivan.
Bumuntong-hininga ako at saka bumaling kay Ivan, hindi pinansin ang tanong ni Raine. "Pinapatawag ka ni Tita Raque. Ayusin mo yung sarili mo bago ka bumaba baka dagukan kita." Walang emosyon na sabi ko at saka lumabas sa kwarto ni Ivan.
Nakasalubong ko si Ate Aisa. "O, Maya? Anong nangyari sa'yo? Hala! Bakit ka umiiyak? Uy, hindi kita inaway ha? Maya, bakit ba? Ayos ka lang? Inaway ka ba ni Ivan?" Sunod-sunod na tanong ni Ate Aisa.
"Mommy! Daddy!" Tawag ni Ate Aisa kanila Tita at Tito. Pinahiran ni Ate Aisa ang mga luha ko pero ayaw no'n huminto.
"O, bakit?" Si Tito Billy.
"Anong nangyari?" Magkasunod na tanong nila Tita at Tito.
"Nakasalubong ko na lang s'ya, e. Umiiyak." Sabi ni Ate Aisa.
"Ivan!" Pagalit na sigaw ni Tita Raque at akmang aakyat sa kwarto ni Ivan.
"U-umm, Tita, Tito. Uuwi na po ako."Sabi ko na lang dahilan para lingunin nila ako.
"Kumain ka muna, bago ka umuwi." Si Tito Billy.
"Hindi na po, Tito. S-sa bahay na lang po ako kakain. Salamat po."
"E, sandali lang. Teka ipapahatid na kita kay Ivan-"Naputol ang sasabihin ni Tito Billy nang sumigaw si Tita Raque! Galit na galit ito!
"Ivan naman! Anong ginawa mo?! Kaya naman pala umiiyak si Maya!" Galit na sigaw ni Tita Raque sa anak na lalaki.
Nagkatinginan kami nila Tito Billy at Ate Aisa, pero naitungo ko lang ang aking ulo at saka humikbi nang humikbi.
"Mommy! Aray! Mommy naman! Masakit!" Dinig ko na daing ni Ivan.
"Hindi ko kayo ipinalaki nang ganyan, Ivan! Bakit naman ganito? Ha, anak? Ganyan ba ang tinuro namin ng Daddy mo sa inyo ng Ate mo?" Biglang kalma na ani Tita Raque, hindi alam ang gagawin sa anak.
Umakyat si Tito Billy sa kwarto ni Ivan. Naiwan naman si Ate Aisa sa tabi ko, pinapatahan ako. "Ano ba ang nangyari? Hmm?" Tanong ni Ate Aisa sa'kin, pero hindi ako sumagot.
Napakahina ko talaga. Ang tanga-tanga ko talaga hindi pa ako nadala sa mga palabas ni Ivan. Naririnig ko na pinapagalitan nila Tito Billy at Tita Raque si Ivan at pinagsabihan nila si Raine.
Pinaupo ako ni Ate Aisa sa hagdanan at saka n'ya ako binigyan nang maiinom. Napatayo na lang ako bigla nang bumaba si Raine at sampalin ito bigla ni Ate Aisa.
"Ang kapal naman ng apog mo? Alam mong may nobya na ang kapatid ko, lumalandi ka pa rin? Hindi ba't ikaw ang nakipaghiwalay?" Lumabas ang pagkamaldita ni Ate Aisa.
"Ate, hayaan mo na." Mahinang sabi ko dito.
"Tama na?! Maya! Dahil sa kanya kaya ka umiiyak ngayon! Babae ka e!" Pasigaw na baling ni Ate Aisa sa'kin dahilan upang mapatalon ako sa gulat.
"Babae rin s'ya at babae ka Ate. Oo, s'ya ang dahilan kung bakit ako umiiyak. Pero si Ivan, Ate. Si I-Ivan ang rason k-kung bakit a-ako nasasaktan. Pu-pumayag s'ya na landiin s'ya e." Humihikbi at mahaba kong sabi.
Lumipas ang mga linggo at buwan na walang hindi ako umiiyak. Pinapalit n'ya ako sa mas matangkad, sa mas makinis at mas maganda, at higit sa lahat, pinagpalit n'ya ako sa malapit.
I tried to hide my pain by showing to others that I am okay, even when I am not. I kept on smiling to those people I see, I kept on laughing when I am outside with my friends.
Pero kapag ako na lang mag-isa. Sa loob ng kwarto kung saan malawak at malamig ang paligid, sa may sulok malapit saa bintana. Lahat ng positibong mga ngiti at tawa sa'kin labi ay pinapalitan ng negatibo.
Tumakbo ang mga oras, dumaan ang mga araw, buwan, at hanggang sa abutin ng apat na taon. Naging ayos ako, unti-unting nakakalimutan ang mukha ni Ivan.
Ngunit hindi ang mga nagawa n'ya sa'kin. Hindi ko na matandaan ang mga masasayang ala-ala ko sa kanya, lahat nang naiwan n'ya ay mga malulungkot na ala-ala.
Apat na taon ang nakalipas. Masasabi kong ayos at masaya na ako. Pero yung trust? Yun ang problema ko. Kasalukuyan akong naglalakad sa pino at puting-puti na buhangin sa gilid ng dagat. Nagmumuni-muni.
Kasama ko sila Kuya Leon, si Kuya Milo at ang kanilang mga nobya na si Ate Layne at Ate Sybil. Ngunit nandon sila sa cottage at mga nagkakatuwaan. Bigla kasing nag-aya si Kuya Leon na mag beach kami.
Naiwan naman sila Auntie Hazel, Papa, at Lucas sa San Carlos. Dahil may sarili silang outing kasama ang mga trabahador sa bodega.
Nakayuko akong naglalakad at sinisipa ang mga buhangin sa aking paa. Nang bigla may makauntugan ako.
"Sorry po." Paumanhin ko nang hindi nililingon iyon at saka dumaretso sa ginagawa. Ngunit agad rin akong napahinto nang hilahin ako nito pabalik.
"O? Louis?" Nagagalak na ani ng lalaki habang hawak ako sa braso at nakaturo ang isang daliri sa'kin. "Maya Louis, right?" Dagdag pa n'ya.
Nagtataka naman akong napatitig dito. Matangkad s'ya, hanggang dibdib lang ako ito. Matangkad na hindi masamang tignan ang pagkapayat. Moreno, matangkad, singkitin ang mata, matangos ang ilong, perpektong hugis ng labi, mukha at kilay.
Ang buhok ay itim na itim, pino at bagsak. Nakasuot ito ng sweatpants na kulay khaki at kulay puti na polo. Sa madaling salita, gwapo.
"Ah, yeah. Sino ka naman?" Maldita kong tanong at inagaw ang braso kong hawak n'ya.
He chuckles. "I'm Daniel Jay Mendoza." Pakilala nito.
"Hindi kita kilala." Maldita pa rin na aniko at saka tinalikuran ito, ngunit sinundan n'ya ako.
"But I know you. I heard everything about you. Maya Louis Villafuerte." Dagdag pa n'ya.
Hinarap ko ito, nakapamewang at salubong na salubong ang mga kilay. "Stalker ka ba?" Tanong ko.
He laughed blatantly. "What? I am not. I just really heard a lot about you and about your ex." Humina ang huli n'yang sinabi pero narinig ko pa rin.
"Don't talk to me. I don't talk to strangers." Sabi ko at saka muling tinalikuran ito.
"But you just did talked to me." Aniya. Bwisit na 'to, iniingles ako mga teh!
Hindi n'ya ako tinigilan at sumunod ito nang sumunod sa'kin. He even offer to take a picture of me at the beach.
Dahil nga solo lang ako at may mga kasama sila Kuya, ay pumayag ako na kuhaan ako ng litrato nitong si Daniel.
I don't know why but I suddenly felt comfortable with him. He opened up to me about his ex-girlfriend which was Kenzie, Ying naging fling ni Ivan.
Nakakatawa kasi we're in a small world. I shouldn't have felt like these but I can't help yet to feel these emotions.
Lumipas ang mga araw at linggo na nagkakausap kami ni Daniel through contacts and even on online. He's quite funny and he knows how to make ladies laugh!
I went through a lot these years. Humina ang takbo ng business ni Papa, Lolo died, Lola got sicked, and I even stopped from studying kasi hindi na kaya.
Ang daming bayarin. Mga bills sa bahay, sa koryente at sa tubig tapos bills ni Lola sa hospital. Tuition fee ni Lucas, si Kuya Milo naman ay hindi sapat ang sinusweldo gaya ni Kuya Leon. Si Auntie Hazel naman ang tumutulong kay Papa.
Despite of all, I didn't feel like I am alone. Kasi Daniel was there for me when I needed someone to lean on. When I needed someone to hear me out. He didn't judge me from what I say, instead he just sit right beside me and listen to my pain.
He helped me to feel better. Palagi n'ya akong pinapatawa kahit na ang corny na ng mga banat n'ya. Until one day, I didn't expect Daniel to came in our house. May mga dala s'yang foods from Jollibee, chocolates, and even a bouquet of sunflower.
"Ate, gumising ka na d'yan. Lagot ka kay Papa." Tinapik ni Lucas ang paa ko. 9:46 na ng umaga, tinatanghali na akong gumising dahil sa pagod.
"Inaantok pa ako." Inaantok ko na sabi at saka tumagilid at nagtalukbong nang unan.
"Papa! Ayaw n'ya bumangon! Inaantok pa daw!" Sigaw ni Lucas dahilan upang umayos ako at saka tumayo.
Inirapan ko pa ito at saka bumaba. Dumaretso ako sa banyo upang maghilamos at magtoothbrush. Inaantok pa akong lumabas sa banyo at saka walang suklay-suklay nang buhok na nagpony.
Napahinto ako sa ginagawa nang makita si Daniel na nakaupo sa salas kaharap sila Auntie Hazel, si Papa at sila Kuya Leon at Kuya Milo. Halos mapatalon naman ako sa gulat nang bumulong si Lucas.
"Lagot ka kay Papa." Anito t'saka n'ya ako nilagpasan. "Nandyan na si Ate Maya." Dagdag pa ni Lucas at saka naupo sa tabi ni Kuya Milo.
Nilingon nila akong lahat dahilan para iyuko ko ang aking ulo t'saka bumuntong-hininga na naupo sa tabi ni Daniel. "Anong ginagawa mo dito?" Bulong ko kay Daniel t'saka pilit na ngumiti sa mga kasama.
Katahimikan ang namagitan sa'min. Katahimikan at tensyon. Ang mga dala ni Daniel ay nasa lamesa. Nakasandal naman sa sofa ang mga kapatid ko habang seryoso silang lahat nanakatitig kay Daniel.
"Anong pangalan mo, Hijo?" Mamaya ay si Papa nsa ang bumasag sa katahimikan.
Umayos sa pagkakaupo si Daniel at saka tumikim, "I'm Daniel Jay Mendoza po." Pakilala naman nito.
"Boyfriend ka ba ng anak ko?" Pilit akong tumawa nang narinig ang tanong na 'yon ni Papa.
Tumayo ako, "ahehehe! Daniel si Papa nga pala, ito naman si Auntie Hazel, Ate ni Papa. S'ya naman si Kuya Leon, ito si Kuya Milo t'saka si Lucas, mga kapatid ko." Pakilala ko.
Tumayo si Daniel at saka isa-isang nakipagkamayan sa mga ito at nagpakilala. "Magandang umaga po. Pasensya na sa abala. I came here to ask you po for your blessing-"
"Blessing? Bakit magpapakasal ka ba sa kapatid namin?" Hindi pinatuloy ni Kuya Leon sa sasabihin si Daniel.
Ngumiti si Daniel dito at saka muling naupo. "We'll see about that. Pero po gusto ko po na pormal na ligawan si Maya." Ako ang kinabahan sa sinabi ni Daniel.
Siniko ko s'ya sa braso nang mahina, "hoy, seryoso ka ba?" Mahinang tanong ko dito, salubong ang mga kilay. Pero hindi n'ya ako pinansin.
I heard Papa chuckles, kahit sila Kuya ay mahinang tumawa. "Ano naman ang nagustuhan mo dito sa pamangkin ko, hijo?" Tanong ni Auntie Hazel.
"Auntie..." Nagmamakaawa na tawag ko dito.
"Lahat po. I like everything about Maya. I felt comfortable and I like me better when I am with her." Hindi kakikitaan ng nerbiyos si Daniel.
Ewan ko pero sa nakalipas na apat na taon, ngayon lang ulit ako nakaramdam ng kilig. Wala akong nararamdaman na mga paru-paro sa tiyan o kung ano 'man. I only just felt these comfortability around Daniel.
"Seryoso ka ba? Baka kapag nalaman at nakita mo na ugali n'yan e, ayawan mo na agad?" Nakangisi na tanong ni Kuya Milo.
"Kaya nga. Itong panget na 'to? Nagustuhan mo? Tagasaan ka ba?" Akala mo'y naghahamon ng away na tanong ni Lucas.
"San Leonardo." Sagot ni Daniel.
"Ahh, malayo... Malapit yun sa San Isidro 'di ba?" Tanong pa ni Lucas at tumango naman si Daniel, "alam mo ba na conservative si Ate? Kaya nga pinagpalit sa hindi conservative at sa malapit-"
"Lucas Miguel." Nananaway na tawag ni Kuya Leon sa bunsong kapatid.
"Ayos lang naman sa'kin kung liligawan mo ang kapatid namin. Ewan ko lang sa kanya?" Dagdag pa ni Kuya Leon at bumaling sa'kin.
Ngumuso naman akong parang bata at saka sumandal sa sofa. Magkakrus ang mga braso sa dibdib at nakadekwatrong pambabae.
"You don't deserve this kid." Napatingin ang lahat kay Papa. Seryosong-seryoso ito.
"Papa." Mahinang tawag ko dito.
"I am not talking to you, Maya." Seryoso na sabi ni Papa sa'kin.
"Papa naman." Parang bata kong sabi, feeling ko ay maiiyak na ako.
"You don't deserve her. Kung ako sa'yo humanap ka ng babae na hindi magastos at hindi tinatanghali nang gising." Bumuntong-hininga si Papa at saka nilingon si Daniel.
Narinig ko s'yang tumawa nang mahina, sila Kuya, Lucas at Auntie Hazel naman ay tawang-tawa sa sinabi ni Papa!
"Mas gusto ko pa rin po ang anak n'yo." Matunog na ngumiti si Daniel.
"Talaga? We have a rule about her."
"Rule po?"
"Oo, Rule." Tumango pa na sabi ni Papa.
"May I know if ano po ang rule na yun?" Tanong ni Daniel.
"Hindi s'ya pwedeng magboyfriend." Sabad ni Lucas.
Tinapik ito ni Kuya Milo sa braso dahilan para dumaing si Lucas. "Usapan ng mga matatanda 'to, Lucas. Umakyat ka sa kwarto mo." Utos ni Kuya Milo.
"Kapatid n'ya rin naman ako, ha?" Salubong kilay at nakanguso na ani Lucas.
"Halika na, Lucas. Tulungan mo na lang akong magluto para sa pananghalian." Tumayo si Auntie Hazel at saka inaya si Lucas na magluto.
"Hindi po s'ya pwede magboyfriend?" Mamaya ay tanong ni Daniel.
Tumango kaming lahat. "I hope you heard about her past, right? We don't want that to happen to her again." Sabi ni Kuya Leon.
"She may be smiles and laughs around us and to other people. Pero kapag s'ya na lang mag-isa, hindi n'ya kaya. How did I say so? I heard her, one night after their break up, umiiyak s'ya sa sulok. Doon sa kwarto n'ya." Mahabang sabi naman ni Kuya Milo.
Pinunasan ko ang aking luha, they really love me. Sila lang ang lalaki na hindi ako lolokohin. "At hindi s'ya pwede magboyfriend until she's 24. That was our rule." Sabi naman ni Papa.
Sandaling katahimikan at tumango si Daniel. "I'll try to wait her po." Sabi nito.
Nanlumo naman ako, "hinhintayin mo ako? Matagal pa yun. Five years pa, Daniel.” I asked him.
"Oo, hinhintayin kita." Sagot n'ya habang nakatingin sa'kin mga mata.
"What if mapagod ka?" I asked him again.
"Edi magpapahinga ako then I'll wait for you again." Sagot ni Daniel.
"What if matagalan ako?" Muli kong tanong.
Hindi ko alam pero nakita ko talaga na kuminang yung mga mata ni Daniel. "Then I'll wait until you're ready." Sinserong ani Daniel.
Months have passed already. Walang oras na hindi ako nililigawan ni Daniel, maliban na lang when we're both busy and when we are sleepy or when we are eating and doing some stuff.
He always tell me how much I mean to him. He always reminds me sa mga bagay na gagawin ko na nakakalimutan kong gawin. He always sends me foods through delivery.
He sings a songs for me when I am about to sleep and when I wake up-through FaceTime. He always sends me sweet messages, asking me how much I sleep did I get? Did I sleep well? Did I have a good day?
Every sundays naman ay dumadalaw s'ya dito sa bahay at mag-aaya na magsimba. Madalas kay kaming dalawa lang ang nagsisimba, minsan naman ay kasama sila Kuya at ang mga nobya nila.
"I feel exhausted these past few days." Daniel said one night, via FaceTime. It's already 1:30 in the morning and almost 1 hour na kaming magkausap.
"Is every thing okay?" I asked him with care.
He tried to smile at me and nods yet suddenly stared at something from away. "It's just that I feel tired because of what happening right here in the house." Hindi naman ako nagsalita at nanatiling nakatitig sa screen.
"I am telling you these kasi I am comfortable to tell you about it. Honestly, I am not an open person. Sa'yo lang ako nagoopen up." Dagdag pa n'ya.
"Don't worry, I am here. I'll listen to your pain or whatever you are feeling." Sabi ko naman.
"Ang hirap kasi e. Wala akong mapagsabihan bukod kay Lord, ikaw ang isang mapagsasabihan ko. Palagi na lang kasing umuuwi nang lasing si Daddy, si Mommy naman stressed na because of my Dad and my stubborn older brother. Tapos yung sinusweldo ko hindi sapat. I am sorry for telling you these, Maya."
"What? No. Don't be sorry, Daniel. It's fine with me. You're fine with me. Hmmm?" Aniko.
Katahimikan, nagtitigan lang kami ni Daniel sa screen. At saka ngingiti sa isa't isa na parang mga nababaliw.
"Sabihin mo lang sa'kin kapag napapagod ka na ha?" Mamaya ay tanong ko sa kanya.
"Basta sabihan mo lang ako. Magsabi ka lang sa'kin if you're ready or kung hindi ka pa ready. Just tell me and I'll understand and respect your emotions." Sinsero na ani Daniel.
Times flies so fast. Parang kailan lang ay bakasyon pa lamang, ngunit dumaan na ang disyembre at nagbagong taon na.
Ilang tag-araw, tag-lagas, tag-sibol at tag-ulan na rin ang mga lumipas. Sa susunod na araw ay mag24 na ako. At hanggang ngayon ay nangliligaw pa rin si Daniel.
Simbang gabi na naman, actually it's 8th day of simbang gabi. December 22, Wednesday. Alas tres pa lamang ng hapon ay nandito na si Daniel upang sunduin ako.
It's our second day to attend the mass together at night. The last few days kasi ay mga parents and relatives ang kasama namin na nagsimba.
I wore a color khaki pants paired with black tank top and a De Zipper Sweater na kulay white and a white Nike AF1. While Daniel are wearing a black Hoodie paired with a light blue denim jeans and also a Nike AF1.
We went at the Manila Cathedral and attended the first mass. Nang matapos ay dumaretso kami sa The Rooftop, it's a Bar and Café. Tahimik lang kaming kumain ni Daniel at pinakikinggan ang magandang boses ng singer.
Sumasabay ang lamig ng boses nito sa lamig ng panahon. Pero tanging mga magkahawak namin na kamay ni Daniel ang namumukod tanging hindi nilalamig.
Nagpalipas kami ng oras ni Daniel sa Rooftop. Kitang-kita ang mga city lights kahit na medyo mahamog, dahil magpapasko na. Nagpa-alam si Daniel na magccr, kaya't naiwan ako sa pwesto.
Nakaramdam ako nang antok kaya napahikab ako. Naiinat ko pa ang aking mga braso at saka humarap sa daan upang bumalik sa table namin ni Daniel kanina.
Ngunit agad rin akong natigilan nang makita si Daniel na may hawak na Cake. Madami itong kandila sa itaas. Marahan at maingat na lumakad palapit si Daniel sa aking gawi.
Tiningnan ko pa ang oras sa phone ko at hindi ko namalayan na 12:03 na ng umaga. Kinantahan naman ako ni Daniel ng birthday song at saka ako pinapikit upang magwish.
I cried silently for knowing that he's too good. And I don't want to lose him. I blow the candles and stared at him for a moment. Inilapag n'ya ang cake sa isang bakanteng table and spread his arms.
Malapit lang naman s'ya sa'kin pero patakbo akong lumapit at yumakap sa kanya. He held my chin up to face him and said, "happy 24th birthday, Maya Louis." And that was the sweetest voice I've ever heard.
I pouted as my tears fell down to my cheeks and Daniel wiped it with his sweater. "Sindihan ko ulit yung candles then picture ka, hehe, I forgot kasi e." Napakamot sa ulo na ani Daniel.
I chuckles and nods. As what he said, he took a picture of me at saka kami nagpapicture together. 'Namumukod-tangi ka't walang katulad ッ Maligayang kaarawan, aking tahanan ♡', iyon ang nakasulat sa ibabaw nang cake.
"Daniel." I almost whisper his name. He look at me and his brows raises, waiting for me to talk. I felt these butterflies and my heart beats faster as I said, "I think... I am ready."
He was left with no words. He was speechless from what he'd heard. He waited me for five years and I don't want to lose him. He's my comfort and all now. I shake my head and took a deep breathe, "no. Daniel, I am ready." Ulit ko.
Napatili naman ako nang yakapin ako nang mahigpit ni Daniel at saka buhatin at umiikot-ikot ito sa iisang pwesto, bago ako muling ibinaba. "I don't know what to say, Maya. But thank you." Anito.
"No, thank you kasi you waited me." I said.
"No. I am thankful for God kasi He gave me you."
"Hindi. I thank you kasi you bring bright to my smile." Nagkatinginan kami t'saka sabay na natawa dahil ayaw magpatalo.
Sandaling katahimikan. Magkahawak lang ang aming mga kamay at nagtititigan habang hindi nawawala ang mga ngiti sa labi. "Dito ka lang, hmm? Dito ka lang sa piling ko." Mamaya ay wika ko.
Hinila ako ni Daniel palapit sa kanya at yumakap ito mula sa'kin likuran. "Dito lang ako." And his lips touch my cheeks and whisper it again and again until we both chuckles.
*The End*
0 notes